You are on page 1of 6

Limay Polytechnic College

Limay, Bataan

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP IV

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, 100% ng mga bata na may 75% na antas ng kakayahan ay
inaasahang;

1. Matukoy at maipaliwanag ang paggawa ng Slide Presentation gamit ang PowerPoint;


2. Gumawa ng sariling Slide Presentation na naglalaman ng ibibigay na paksa at;
3. Ipakita ang kahalagahan ng Slide Presentation.

II. Paksang Aralin


Paksa : Paggawa ng Slides
Kasanayan : Pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagiintindi
Sanggunian : Yunit II-ICT, pahina 37-39
Mga kagamitan : Mga larawan, video clips at Slide presentation
Pagpapahalaga : Kooperasyon, Pagkamalikhain at interes

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
i. Pangunahan mo ang ating Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng
panalangin ____. Espirito ...
2. Pagbati Amen.
i. Magandang umaga mga
bata! Magandang umaga din po guro!
ii. Maaari na kayong magsiupo. Salamat po!

3. Pagtatala ng Lumiban
i. Maaari bang sabihin ng mga
taga panguna ng bawat
pangkat kung may lumiban
sa ating klase ngayon? Lider; Ikinagagalak ko pong iulat sa inyo
na wala pong lumiban sa aming pangkat.

ii. Mahusay!

4. Pagpapasa ng Takdang Aralin


i. Mga bata maaari niyo nang
ipasa ang inyong mga
takdang aralin. (Sumunod ang mga bata).

5. Pagbabalik Aral
Bago tayo tumungo sa panibagong
talakayan. Balikan muna natin ang
nakaraang aralin.

Ano nga ba ang tinalakay natin? Paggawa ng Diagram po.

Magaling!
Kung lubos nga ninyong
naintindihan, ano-ano nga muli ang
mga dapat tandaan sa paggawa ng
diagram? (sagot ng mga bata ukol sa diagram)

Mahusay!

B. Paggaganyak
Ngayon ay hahatiin ko ang klase sa
dalawang pangkat. Ang gagawin
ng bawat grupo ay gumuhit ng
isang larawan ng gadget at ibigay
ang mga kaya nitong gawin.

Naintindihan ba mga bata? Opo! (Sabay-sabay na sagot ng buong


klase).

(Ipinakita ang mga gawa at ipinaliwanag)

Magaling mga Bata! Lubos ang


pagkamalikhain at kooperasyon
ninyo!

Ang mga larawan ng gadget na


iginuhit ninyo ay para sa
presentasyon ng itsura at mga kaya
nitong gawin.

C. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayong araw
ay ang panibagong pamamaraan ng
presentasyon. Ito ay tinatawag na
Slide Presentation.

Pag-aaralan natin ngayon kung paano


ang paggawa ng slide presentation
gamit ang powerpoint.

May mga nakaranas na ba sa inyo ng Opo! (sabay sabay na sagot ng mga bata)
paggamit ng PowerPoint? o may
ideya ba kayo sa PowerPoint? (Inilahad ang mga ideya)

Mabuti! Ngayon mas palalawakin


natin ang inyong kaalaman ukol sa
paksang ito. Ang kahalagahan naman
ng paggamit ng Slide Presentation ay
maaari itong magamit sa iba't-ibang
presentasyon o pagpapakita ng
report. Ito rin ay mabisang paraan
upang mas maalam kayo sa mundo ng
teknolohiya.

Ngayon ayon ay talakayin natin ang


mga hakbang sa paggawa ng Slide
Presentation gamit ang PowerPoint.
1. Buksan ang Microsoft PowerPoint.

2. Piliin ang New sa ilalim ng file tab


at pagkatapos ay may lalabas na
New Presentation sa kanang
bahagi ng inyong screen.

3. Sa New Presentation dialog box, i-


click ang from design template at
pumili ng design na gagamitin.

4. Maaari ding pumili ng ibang kulay


para sa template sa pamamagitan
ng pag-click sa "color scheme" sa
ilalim ng New Presentation box.

5. Palitan ang slide layout sa


pamamagitan ng pag-click ng
fomat at pagkatapos ay isunod ang
slide layout. May box na lalabas sa
kanang bahagi ng screen (New
presentation will appear) na naka-
label na slide layout. Pagkatpos ay
i-click Ang napiling disensyo.

6. Maglagay ng text sa pamamagitan


ng pag-click sa. Click to add text o
click to add title.

7. Maaari din namang maglagay ng


larawan sa pamamagitan ng pag-
click sa click to add content. Sa
loob ng box ay may larawan ng
bundok at pagkatapos ay may
bagong window na bubukas kung
saan maaaring hanapin ang litrato
sa computer o USB flashdrive.
Kapag nakita na Ang larawang
nais, i-click insert.

8. Magdagdag ng bagong slide kung


kinakailangan sa pamamagitan ng
pag-click sa new slide button o sa
pagpindot ng Ctrl+M.

9. Pagkatapos gawin ang slide show,


i-click ang save as sa ilalim ng file
button at isave ang file o
presentation na ginawa.

10. Kung gustong makita ang


presentasyon na ginawa bilang
slide show, i-click ang slide show
tab at pagkatapos ay i-click ang
from beginning.
D. Paglalahat
May mga katanungan pa ba mga Wala na po! (Sabay sabay na sagot ng mga
bata? O may mga hindi nasundan? Bata)

Ngayon ay nalaman na ninyo ang


mga hakbang sa paggawa ng slide
presentation gamit ang PowerPoint.
Subukan nga ninyong ihalintulad ang
isang libro sa slide presentation.

(Nagtawag ng mga batang gustong (Mga sagot ng mga Bata)


sumagot)

Tama! Mahusay klase!

a. Parehas na mayroong tinatawag na


title at may nakapaloob na mga
larawan.

b. Nagbibigay ng mga impormasyon


na makatutulong sa pagkatuto.

c. Ang slide presentation ay binubuo


ng isang serye ng mga hiwalay na
mga pahina (slides) na tulad sa
libro.

Sa kabuuan ng ating aralin, ano ang Ito ay lubos na makatutulong sa mga


kahalagahan ng paggamit ng slide presentasyon. Ito rin ang pinaka mabilis at
presentation? matipid na pamamaraan ng paggawa ng
mga reports. Mas pinalalawak nito ang
kaalaman namin sa teknolohiya o
paggamit ng mga gadgets.
E. Paglalapat

May inihanda akong laro na


tinatawag na crossword puzzle.
Ilabas Ang kanya kanyang
kwaderno at ang kailangan
ninyong gawin ay hanapin ang mga
sumusunod na salita:
• Title
• Slides
• Format
• Template
• Powerpoint

P T I T L E I P L A P T I T L E I P L A
A O F C P S N T S O A O F C P S N T S O
L C W H L K A N U N L C W H L K A N U N
O P N E B M B V O L O P N E B M B V O L
P O W E R P O I N T P O W E R P O I N T
S W O O S L I D E S S W O O S L I D E S
D L F N M G Y T C N D L F N M G Y T C N
E K E T A L P M E T E K E T A L P M E T
Magaling mga Bata!

Ngayon naman ay hahatiin ko ang klase sa


dalawa pangkat. Gumawa ang bawat
grupo ng sariling slide presentation.

Paksa na dapat nilalaman ng slide


presentation:

✓ Mga karaniwang ginagamit na (natapos at ipinakita sa klase ang gawa)


mobile applications

Mahuhusay mga Bata! Naintindihan talaga


Ang ating aralin ngayong araw!
At dahil diyan bibigyan ko kayong lahat ng
merito na nagsisimbolo ng kagalingan. Salamat po!

IV. Pagtataya
Punan ng bilang 1-10 ang wastong pagkakasunod-sunod sa paggawa ng slide presentation.

____1. Kung gustong makita ang presentasyon na ginawa bilang slide show, i-click ang
slide show tab at pagkatapos ay i-click ang from beginning.
____2. Pagkatapos gawin ang slide show, i-click ang save as sa ilalim ng file button at isave
ang file o presentation na ginawa.
____3. Magdagdag ng bagong slide kung kinakailangan sa pamamagitan ng pag-click sa
new slide button o sa pagpindot ng Ctrl+M.
____4. Maaari din namang maglagay ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa click to
add content. Sa loob ng box ay may larawan ng bundok at pagkatapos ay may bagong
window na bubukas kung saan maaaring hanapin ang litrato sa computer o USB flashdrive.
Kapag nakita na Ang larawang nais, i-click insert.
____5. Maglagay ng text sa pamamagitan ng pag-click sa. Click to add text o click to add
title.
____6. Palitan ang slide layout sa pamamagitan ng pag-click ng fomat at pagkatapos ay
isunod ang slide layout. May box na lalabas sa kanang bahagi ng screen (New presentation
will appear) na naka-label na slide layout. Pagkatpos ay i-click ang napiling disensyo.
____7. Maaari ding pumili ng ibang kulay para sa template sa pamamagitan ng pag-click
sa "color scheme" sa ilalim ng New Presentation box.
____8. Sa New Presentation dialog box, i-click ang from design template at pumili ng
design na gagamitin.
____9. Piliin ang New sa ilalim ng file tab at pagkatapos ay may lalabas na New
Presentation sa kanang bahagi ng inyong screen.
____10. Buksan ang Microsoft PowerPoint.

Mga Sagot:

1. 10 6. 5
2. 9 7. 4
3. 8 8. 4
4. 7 9. 2
5. 6 10. 1
V. Takdang Aralin

Para sa inyong takdang aralin, maggawa ng 3-5 creative slides presentation na naglalaman
ng mga katangian ng iyong sarili.

Inihanda ni:

ROSALINDA P. SAMONG
BEED-III

You might also like