You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang – 10
Ginamitan ng 4A’s Method

JESS AIAN C. GEROY


Aplikante

Petsa: Ika – 8 ng Marso, 2022 Baitang at Seksyon: 10 - Mapagmahal

I. LAYUNIN:

Sa loob ng isang oras na talakayan at mga gawain, inaasahan na natatamo ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na mga layunin na may 75% na pagkatuto:

1. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment; [AP10IPE-If 1.3]


2. Nakagagawa ng concept map na nakapaglalahad ng mga
dahilan ng pagkakaroon ng unemployment at;
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malutas ang suliranin ng unemployment.

II. NILALAMAN:

A. Aralin: Unemployment
B. Paksa: Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Unemployment
C. Kagamitan: Gabay Pangkurikulum, Batayang Aklat sa Global Times Living History: Mga
Kontemporaryong Isyu, at iba’t-ibang mga kagamitang biswal.
D. Sanggunian: Gabay Pangkurikulum, pahina 217, Batayang Aklat sa Global Times Living History:
Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 68 – 77

III. PAMAMARAAN:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat at manalangin tayo ng
sabay-sabay. Tatayo ang lahat at mananalangin ng sabay-
sabay.

Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang


ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin
ang loob mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan niyo po kami ng aming makakanin sa
araw-araw at pawatawarin niyo po kami sa aming
mga sala, gaya ng pagpapatawad naming sa
nagkasala sa amin. Huwag niyo po kaming
ipahintulot sa tukso at ihadya niyo po kami sa
lahat ng masasama. Amen.

Magandang umaga mga mag-aaral!


Magandang umaga rin po sa inyong Ginoong Jess.

2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase


Bumalik kayo sa inyong mga permanenting
upuan dahil magtatala ako ng mga lumiban sa
klase.
Magaling! Walang lumiban sa klase, dahil
dito, bigyan natin ang ating mga sarili ng limang
palakpak.
Papalakpak ng limang beses.

3. Pagkolekta ng mga Takdang-Aralin

Mayroon ba akong ibinigay na takdang-


aralin sa inyo?
Mayroon po.

Mangyari lamang ipasa ito sa harap na hindi


gumagawa ng ingay.
Ipapasa sa harap ang mga takdang-aralin na hindi
maingay.

4. Balik-Aral

Batay sa inyong nakikitang larawan, ano ang


kaugnayan nito sa tinalakay natin kahapon?
Ang nakikita ko po sa larawan ay ang mga taong
Magaling! walang trabaho o naghahanap ng trabaho.

Noong nakaraang talakayan ay pinag-aralan


natin ang tungkol sa konsepto ng unemployment.
Ano nga ba ulit ang unemployment?
Ang unemployment ay ang problemang
kinakaharap ng iba’t-ibang bansa kabilang na ang
Pilipinas na kung saan ang mga tao ay walang
trabaho o naghahanap pa lamang ng trabaho.
Magaling!

May mga katanungan ba pa?


Wala na po.

5. Pagganyak

May ipaakita akong mga larawan sa inyo,


nais kung pagnilayan ninyo ang nais na ibigay na
mensahe ng mga nasabing larawan.

Ano ang nakikita ninyo?


Ang nakikita ko sa larawan ay ang mga taong
naghahanap ng trabaho. Makikita rin dito na may
idinaraos na job fair na dinadagsa ng mga taong
Magaling! gustong magkaroon ng trabaho.

Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating


tatalakayin sa araw na ito?
Maaaring ang kaugnayan nito sa ating pag-
aaralan sa araw na ito ay tungkol sa maaring
Magaling! maging epekto ng pagkakaroon ng digmaan.

6. Paglalahad ng mga Layunin

Bago tayo tumungo sa ating aralin sa araw


na ito, nais ko munang ipabatid sa inyo ang ating
mga layunin na dapat matamo para as araw na
ito.
(Tatawag ng Mag-aaral na babasa sa mga
layunin.) Layunin:
1. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng
pagkakaroon ng unemployment; [AP10IPE-If 1.3]
2. Nakagagawa ng poster at slogan na
nakapalalahad ng mga dahilan ng pagkakaroon ng
unemployment at;
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang
malutas ang suliranin ng unemployment.

B. Paglinang ng Aralin:

1. Gawain/Activity
Ngayon, tayo ay magkakaroon ng gawain.
Ang boung klase ay hahatiin ko sa dalawang
pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng isang
concept map na nagpapakita ng mga dahilan ng
unemployment.

Upang matulungan kayo sa inyong gawain,


narito ang mga pamantayan sa inyong paggawa.

Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(5) (4) (3)
Kawastuhan Malinaw, Hindi Hindi
ng gawain tama, at gaanong malinaw ang
madaling malinaw ang mensahe ng
maunawaan mensahe ng ginawa
ang ginawa ginawa
Presentasyon Ang Hindi Hindi
presentasyon gaanong malikhain at
ay malikhain malikhain sa hindi
at pagpresenta organisado
organinsado at hindi ang ginawa
ang ginawa gaanong
organisado
ang ginawa
Kooperasyon Ang lahat ng May ilang Hindi nakiisa
miyembro ay miyembro ang
nakiisa sa ang hindi maraming
gawain nakilahok miyembro sa
gawain

Bawat pangkat ay bibigyan ko lamang ng


limang minuto upang ihanda at tapusin ang
inyong gawain. Pagkatapos, may tatlong minuto
kayo upang iulat ang inyong mga ginawa.

2. Analysis/Pagsusuri:

Batay sa ating naging gawain, ano-ano ang


mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
unemployment o kawalan ng trabaho? Batay po sa aming naging gawain, ang mga
dahilan kung bakit nagkakaroon ng
unemployment ay ang di tugmang edukasyon sa
kailangan ng labor market (educational
mismatch), frictional unemployment, bilang ng
nakatapos ng kurso, at kakulangan sa talento at
kasanayan
Magaling!

Bakit nagiging dahilan ng kawalan ng


trabaho ang educational mismatch?
Nagiging dahilan po ng unemployment ang job
mismatch dahil hindi tugma ang kursong kinuha
ng isang tao sa kolehiyo sa labor market. Ito ay
kung tawagin na labor market-appropriate
degrees. Hindi sila makahanap ng trabaho dahil
hindi iyon ang kinakailangan ng mga kompanya at
iba’t-ibang sektor sa kasalukuyang panahon.
Magaling!

Bakit isa sa mga dahilan ng unemployment o


kawalan ng trabaho ang frictional
unemployment? Isa sa mga dahilan ng unemployment o kawalan
ng trabaho ang frictional unemployment dahil
kung ang isang tao o nagtratrabaho ay hindi
kontento sa kanyang sahod, benepisyo, at hindi
maayos ang kalagayan ng lugar niya sa trabaho
siya ay aalis sa pinatratrabahuhan at naghahanap
ng panibagong trabaho.

Magaling!

Paano nagiging dahilan sa pagtaas ng bilang


ng mga taong walang trabaho ang bilang ng mga
nakapagtapos ng kurso? Nagiging dahilan po ng pagtaas ng bilang ng mga
walang trabaho ang bilang ng mga nakapagtapos
ng kurso dahil kung marami ang nakapagtapos
dito, mas higit na tataas ang kompetisyon upang
makapasok sa trabaho at dahil sobra ang bilang
nila sa hinihingi sa labor market ang iba na hindi
pinapalad ay nanatiling walang mga trabaho. Ito’y
karamihang nangyayari sa mga kursong in
demand ngayon ngunit sa paglipas ng panahon ay
bumaba ang ito.

Magaling!

Paano nakakaapekto sa paghahanap ng


trabaho ang kakulangan sa talento at kasanayan? Nakakaapekto sa paghahanap ng trabaho ang
kakulangan sa talento at kasanayan sapagkat
mahihirapan kang matanggap sa trabaho kapag
kulang ka kasanayan, o kung matanggap man
mahihirapan kang gampanan ang iyong trabaho o
gawing ang mga ipinagagawa sa iyo.
Magaling!

3. Abstraction/Paglalahat

Anu-ano ang mga dahilan ng


unemployment? Ang mga dahilan po ng unemployment ay di-
tugmang edukasyon na kailangan ng labor market
(educational mismatch), frictional
unemployment, bilang ng mga nakapagtapos ng
kurso, kakulangan sa talent at kasanayan.
Magaling!

Anong ang halimbawa ng educational


mismatch na nakapagpapataas ng bilang ng mga
walang trabaho? Isang halimbawa po ng educational mismatch na
nakapagpapataas ng bilang ng mga walang
trabaho ay kung ika’y nakapagtapos ng kursong
electrician ngunit ang mas higit ng kailangan ng
ating bansa ay mga mekaniko dahil sa tumaas na
demand sa paggamit ng motorsiklo o sasakyan.

Magaling!

4. Application/Paglalapat:

Bilang mag-aaral, bakit mahalaga na


magkaroon ng trabaho ang ating mga magulang? Bilang mag-aaral, mahalag po na magkaroon ng
trabaho ang aming mga magulang upang
magkaroon sila ng pangtustos sa aming pamilya
sa aming mga gastusin sa araw-araw tulad ng
pagkain, tubig, damit, at maging ang aming
gastusin sa pag-aaral at para sa aming kalusugan.

Magaling!

Bilang mamamayang Pilipino, paano ka


makatutulong upang mapababa ang bilang ng
mga walang trabaho sa ating bansa? Bilang mamamayang Pilipino, makatutulong ako
upang hindi mapabilang sa mga taong walang
trabaho sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpili
ng mabuti ng aking kurso na kukunin sa kolehiyo,
at kung nakapili na ako, paghuhusayan ko pa lalo
ang aking pag-aaral nang sa gayo’y maabot ko
ang mga kasanayan na hinihingi sa aking magiging
trabaho.

Magaling!

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Kumuha ng isang boung papel at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

A. Essay:
1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkawala ng trabaho o unemployment?
2. Paano ka makatutulong sa pagpapababa ng bilang ng mga walang trabaho sa ating bansa?

B. Career Pathing. Isipin, pagnilay-nilayan, at planuhin ang iyong tatahaking landas (career path). Punan
ang linya sa ibaba.

Pangalan: _________________________________________________ Edad: ______________

Ang Aking Propesyon sa Hinaharap

Batay sa aking pananaliksik, naniniwala ako na, sa hinaharap, ang sumusunod ang mga trabahong mas
kailangan:
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________

Ang katangian ng manggagawang Pilipino na aking pagtutuonan ng pansin at huhubugin ay:


1. ______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________

Dahil sa mga nasa itaas, magsisimula ako sa paghahanda para sa aking propesyon sa pamamagitan ng
pagtahak sa ___________________________________ sa Senior High School.

Upang maging matagumpay ako, ipinangangako ko na


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagsasagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(5) (4) (3)
Nilalaman Kompleto, tama, at Di-gaanong kompleto Maraming kulang na
detalyado ang ang impormasyon impromasyon
impormasyon
Organisasyon Maayos ang Di-gaanong maayos Kulang at hindi maayos
pagkakagawa ng mga ang pagkakagawa at di- ang pagkakagawa at
ideya at organisado ang gaanong organisado hindi organisado ang
mga ito. ang mga ideya ginawa

V. TAKDANG-ARALIN:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kalahating bahagi ng papel pahalang
ang inyong sagot.

1. Anu-ano ang mga implikasyon ng unemployment?


2. Sa mga nabanggit na implikasyon ng unemployment, pumili ng dalawa at ipaliwanag ang mga
ito.

Pamantayan sa Pagsasagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(5) (4) (3)
Nilalaman Kompleto, tama, at Di-gaanong kompleto Maraming kulang na
detalyado ang ang impormasyon impromasyon
impormasyon
Organisasyon Maayos ang Di-gaanong maayos Kulang at hindi maayos
pagkakagawa ng mga ang pagkakagawa at di- ang pagkakagawa at
ideya at organisado ang gaanong organisado hindi organisado ang
mga ito. ang mga ideya ginawa

Sanggunian: Batayang Aklat sa Global Times Living History:


Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 68 – 77

You might also like