You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa ESP VI

Ikatlong Markahan

Inihanda ni: May Rose D. Ecoy


I. Layunin

Pagkatapos ng tatlongpung minuto, inaasahang ang mga mag-aaral


ay:
a. nalalaman ang katangian ng taong malikhain;
b. naipapakita ang kahalagahan ng pagka-malikhain; at
c. nakakabuo ng solusyon sa mga suliraning nakasaad sa
pagkamalikhaing pamamaraan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa : Pagiging Malikhain, Susi Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
at Pag-abot ng mga Mithiin
b. Kagamitan : Laptop, PowerPoint Presentation, Visual aids
c. Sanggunian :
 Learner’s Module pp. 6-16
 MELCS ( Most Essential Learning Competencies), page 109

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Magdasal muna tayo, class.
 Sino ang gustong mamuno sa
panalangin? Teacher!
Okay, pangunahan mo ang panalangin (
tumawag ng pangalan)
O Diyos naming mahal,
Salamat po sa araw na ito,

Gabayan ninyo kami sa aming mga


gawain,
Bigyan ninyo kami ng lakas at
karunungan
Upang maabot ang mga pangarap at
layunin.

Patawarin ninyo po ang aming mga


kasalanan.
 Magandang araw sa lahat! Amen

Bago kayo umupo pulutin niyo muna ang Magandang Araw Teacher May!
mga pira-pirasong papel sa ilalim ng inyong
mga upuan.
 Mag tatala ako kung sino ang
lumiban, sabihin niyo “Opo ma’am “
kapag natawag ang inyong
pangalan.

Mabuti at walang lumiban ngayon sa klase.

B. Pagganyak

HANAP SALITA!

Panuto: Hanapin ang limang (5) salita na


nasa loob ng kahon sa loob ng puzzle.
Bilugan ito.

Alin sa mga salitang binanggit sa Puzzle


ang pamilyar sa iyo?

Masipag Teacher!
Ano pa?

Tiyaga Teacher!

Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang


binanggit ninyo?

Ito ay mga katangian teacher!

Ano kaya ang susunod nating aralin?


Tuklasin natin

C. Paglinlang na Gawain

1. Pagtatalakay

Mga Katangian ng Isang Taong Malikhain

1. Maparaan
- Ang taong malikhain ay naka-iisip ng
mga bagong ideya o alternatibo upang
makagawa ng mga kapaki-pakinabang na
bagay, produkto o proyekto. May
kakayahan siya na bigyan ng bagong anyo
ang mga lumang bagay at ideya.

2. Malawak ang Interes

- Ang taong malikhain ay may malawak na


kaisipan at kagustuhan na matuto mula sa
mga bagay sa paligid at så mga bagong
kaalaman. Mula sa mga angking kaalaman,
may mga nabubuong ideya na
nagbubunsod sa kanila sa malilikhaing
paggawa. Ginagamit nila ang kaalaman
upang mapayaman ang ideya sa bisa ng
pananaliksik, pagsubok, at matagalang
pagsisikap upang mapaganda at
mapahusay ang kaniyang proyekto.

3. Tibay ng Loob Matibay


-Ang loob at hindi sumusuko, matapat, at
magaling ang isang taong malikhain. Siya
ay masigasig sa kaniyang mga gawain at
tinututukan ang lahat na maaaring
magawa, lalo na sa harap ng mga balakid.

4. Mapakiramdam
- Ang tindi ng mga emosy+on na kaniyang
nararamdaman sa kapwa at sa mga
sitwasyon sa kaniyang paligid ay
nagbibigay-inspirasyon sa kaniya upang
makagawa ng mga bagay- bagay.

5. Nagpapakita ng Paninindigan
- May kakayahang magpamalas ng
kaniyang paninindigan sa kung ano ang
dapat gawin. Ito ay nakikita sa kaniyang
paggawa ng desisyon na naiiba sa
karaniwang opinyon at tumuklas ng mga
bagay na hindi pa nalilikha ng tao.

6. May Mataas na Motibasyon


- Ang pagiging malikhain ay nagaganyak
ng pagkilala sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mataas na layunin sa
buhay.

Ang anumang gawain kapag ginagamitan


ng pagkamalikhain ay nagpapayaman ng
sariling kakayahan. Ito rin ay may
kabutihang naidudulot hindi lamang sa
sarili kundi maging sa ating sariling
pamayanang kinabibilangan at sa ating
bansa.

Pangkatang Gawain

Tayo’y Magsulat!

Ipapangkat ko kayo sa apat na grupo.


Mga Pamantayan sa Pangkatang
Gawain
 Basahin at sundin ng mabuti ang
mga panuto.
 Makiisa at makipagtulungan sa
grupo.
 Gawin ang mga gawain sa tahimik
na paraan.
 Siguraduhing natatapos ang mga
gawain sa tamang oras.

Panuto: Sumulat ng suliranin at maging


malikhain sa pagbibigay ng solusyon.

4 (Mahusay) 3 (Mabuti) 2 (Sapat) 1 (Dapat


Ipagpatuloy)
Pagpili ng Ang suliranin Ang suliranin Ang suliranin Ang suliranin
Suliranin ay malinaw at ay malinaw ay ay hindi
matalinuhan ngunit ang bahagyang malinaw at
ang pagpili pagpili ng malinaw ang pagpili
ng solusyon solusyon ay ngunit ang ng solusyon
medyo pagpili ng ay hindi
limitado solusyon ay nagaganap
hindi
gaanong
naipakita
Kasalukuyan Ang Ang Ang Ang
g Sitwasyon sitwasyon ay sitwasyon ay sitwasyon ay sitwasyon ay
mahusay na maipaliwanag ipinakita hindi
naipaliwanag ngunit may ngunit hindi naipaliwanag
at naipakita ilang aspeto gaanong nang maayos
kung paano na kulang sa malinaw kung
ito pagsasaalan paano ito
nakakaapekt g-alang nakakaapekt
o sa iba't o
ibang sektor
Pagpili ng Ang Ang Ang Ang
Pinakamaina pinakamaina pinakamaina pinakamaina pinakamaina
m na m na m na m na m na
Solusyon solusyon ay solusyon ay solusyon ay solusyon ay
mahusay na pinili ngunit hindi hindi
pinili at ang rason sa gaanong gaanong
maipaliwanag likod nito ay maayos na pinili o
ang rason sa hindi pinili at ang walang rason
likod nito gaanong rason sa likod na ibinigay
malinaw nito ay hindi
masyadong
naipaliwanag

D. Paglalapat

Maging Malikhain!

Panuto : Gamitin ang iyong pagkamalikhain


sa pamamagitan ng pagbibigay ng
solusyon sa mga karaniwang suliranin na
nararanasan mo bilang mag-aaral o
miyembro ng pamilya. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

E. Paglalahat

Nasiyahan ba ang lahat, sa mga gawain


natin ngayon? Marami ba kayong Opo teacher!
natutunan?

Tignan natin, kung naiintindihan nga ba.

Ito ang katangian ng isang taong malikhain Tibay na loob po teacher!


na kung saan hindi sumusuko, matapat, at Opo teacher!
magaling ang isang taong malikhain.
Mahalaga ang pagkamalikhain dahil ito
ang paraan na mapayaman at
Bakit mahalaga ang pagkamalikhain? mapahusay ang sariling kakayahan.
Anumang gawain kapag ginagamitan ng
pagkamalikhain ay nagpapayaman ng
sariling kakayahan.

Magaling! Lahat ng inyong sagot ay tama!


Bigyan nating sila ng magaling clap.

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang nagpapakita ng
pagkamalikhain sa pagbigay ng solusyon sa mga karaniwang suliranin. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Gabi na at wala pang ilaw sa inyong tahanan dahil sa bagyong dumating. Wala
na ring ibinebentang kandila sa tindahan. Ano ang pinakamainam mong gawin na
magpapakita ng iyong pagkamalikhain?

A. paisa-isang sindihan ang posporo


B. matiyagang maghintay na bumalik ang kuryente
C. gumawa ng ilawan gamit ang mantika, asin at bulak
D. manghingi ng kandila sa kapitbahay
2. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro dahil deadline na.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at nadumihan. Ano ang
maaari mong gawin?

A. ulitin na lamang at ipasa kinabukasan


B. ibilad sa araw at patuyuin pagdating sa klase
C. i-photocopy ito at ipasa sa guro
D. lagyan ng disenyo ang bahaging nadumihan

2. Bibisita ang mga pinsan mo sa susunod na Linggo. Kulang ang inyong mga
unan sa bahay na ipagagamit sa kanila. Ano ang maaari mong gawin upang
mabigyan ng solusyon ang problema?

A. gumawa ng unang yari sa pinagugupit-gupit na pakete ng pagkain


B. humingi ng pera upang bumili ng mga bagong unan
C. hayaan ang mga magulang na mag-isip ng solusyon
D. pauuwiin mo ang iyong mga pinsan

3. Buwan ng Mayo at walang pasok. Ano ang pinakamagandang gawin upang


ikaw ay maka-ipon ng pera para sa iyong pambaon sa pasukan?

A. humingi kay nanay at tatay


B. sumali sa mga liga sa barangay
C. magbakasyon sa malayong lugar
D. magbenta ng halo-halo at mga kakanin

5. Dali-dali kang naglalakad papasok sa paaralan dahil kayo ay may pagsusulit.


Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng inyong uniporme. Ano ang
pinakamainam mong gawin?

A. bumalik sa bahay upang palitan ang nadumihang uniporme


B. hayaan na lamang at huwag pansinin ang nadumihang uniporme
C. labhan ang nadumihang uniporme pag-uwi sa bahay
D. hubarin ang suot na jacket at ilagay sa beywang upang hindi mahalata ang
uniporme.

V. Takdang Aralin

Panuto:Panuto: Pumili ng isang katangian ng taong malikhain at magbigay ng


halimabawa.

MR. FRANK JOSEPH QUIÑANOLA


Cooperating Teacher

You might also like