You are on page 1of 8

Colegio de San Juan de Letran - Manaoag

Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Masusing Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP)

Baitang 9

I. Layunin

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Nalalaman ang kahalagahan ng pagkamalikhain sa paggawa


b) Napasisidhi ang katangian ng pagiging malikhain sa paggawa, at
c) Napagninilayan ang pagiging malikhain sa paggawa.

II. Paksang-Aralin
a) Paksa: Pagkamalikhain sa Paggawa
b) Sanggunian:
Aklat: Pagpapakatao: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya
Pangalan ng May-akda: Twila G. Punsalan, Camilia C. Gonzales, Myra Villa D. Nicolas, at
Nonita C. Marte
Publikasyon: Rex Book Store
Pahina: Aralin 18, pahina 225-231
May Akda: Twila G. Punsalan, et al.
c) Kagamitan: aklat, visual aid, papel at lapis

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang araw mga mag-aaral ng baitang
siyam! Magandang araw, din po Bb. Mylene!

2. Panalangin
Mangyaring tumayo ang lahat upang
manalangin. (Nagsitayo ang mga bata)

Andrew, maaari mo bang pangunahan ang


panalangin. Opo Ma’am. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Espiritu Santo. Panginoon kami ay
nagpapasalamat sa ibinigay ninyong bagong
pagkakataon upang kami ay muling matuto.
Gawaran mo sana kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makakatulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay pakipulot ang mga kalat
na nasa ilalim ng inyong mga silya at pakiayos
ang inyong mga upuan. (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at
aayusin ang kanilang mga upuan)

Maari na kayong maupo. (Umupo ang mga mag-aaral)

Bago tayo mag-umpisa, marampatang itago ang


mga selpon at anumang nakapatong sa inyong
silyon upang malaman ko kong nakikinig pa
kayo. Malinaw ba klase? Opo, Bb. Mylene.

4. Pagtetsek ng liban at hindi liban


Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?
Wala po Bb. Mylene.
Mabuti naman kung ganon!

5. Pagbabalik-Aral
Bago natin simulan ang ating panibagong
aralin, atin munang balikan ang ating tinalakay
kahapon. Natatandaan niyo pa ba mga mag-
aaral? Opo, Bb. Mylene!

Kung gayon tungkol saan ito? Tungkol po sa kagalingan sa paggawa.

Tama! May mga katanungan pa ba kayo sa


nakaraan nating aralin?
B. Pagganyak
Bago natin umpisahan ang ating aralin,
tatanungin ko muna kayo. Tuwing kailan kayo
namamangha sa isang gawa o obra ng tao? (Nagtaasan ng kamay ang mga mag-aaral)

Yes, Marco? Kapag ang obra o gawa ay maganda ang


pagkakagawa at sa paningin.
Oo nga naman. Ano pa? Yes, Marilou?
Kapag ang obra o gawa ay nilikha na bago
lamang sa paningin at nakakaakit sa mata.
Oo. Humahanga tayo sa isang obra o gawa
kapag ito ay maganda sa paningin at kakaiba.
Dito na pumapasok ang ating aralin, ang
pagiging malikhain sa paggawa.
C. Pagtatalakay
Alam niyo ba ang kahulugan ng
pagkamalikhain? (Nagtaasan ng kamay ang mga mag-aaral)

Yes, Erica? Ang pagkamalikhain ay isang abstraktong


konsepto. Dahil dito, maraming
pagpapakahulugan ang ikinakabit sa konseptong
ito.
Tama! Naniniwala si Robert Franken (1994)
na may mga maaaring dahilan na nagbubunsod
sa tao na maging malikhain. Ito ay ang
sumusunod:
 Nais ng tao ng pagbabago o maging kakaiba
sa karaniwang ginagawa o gawain.
 Nais ng tao na maghatid ng kanyang mga
ideya at pagpapahalaga sa kanyang kapuwa. (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
 Nais ng tao na malutas ang mga suliranin na presentasyon)
kanilang nararanasan sa buhay.

Ayon kay Ernesto Villalba (2012), may apat na


katangian sa mga pamaraan at pagkilos ang
mga taong malikhain. Ang apat na malikhaing
pamaraan ay ang sumusunod:

Ang una ay basahin at ipaliwanag mo Laarnie.


Ang pamaraang malikhain ay laging gumagamit
ng imahinasyon. Ang pamaraan ay nakabubuo o
nagbubunga ng mga ideya o bagay na orihinal.

Ang pangalawa naman ay basahin mo


Ang pamaraang malikhain ay nagbubunga ng
Breathney.
bagay o sitwasyong orihinal sa mga dati-rati nang
ginagampanang pansariling gawain o gawain ng
mga kasamahan sa larangan o paggawa.

Ano naman ang ikatlo Bernadette?


Ang pamaraang malikhain ay tungo sa isang
layunin. Ito ay maisasagwa sa pamamagitan ng
mga pagkilos hanggang sa maabot ang inaasam na
mithiin.

Yes, Marco? Ang pamaraang malikhain ay makabuluhan sa


layuning pinaggamitan ng malikhaing ideya o
alternatibo.

Salamat! Ang pagkamalikhain ay


nangangahulugan din ng mga ideya, pagkilos o
produkto na nakapagpapabago ng kasalukuyang
sitwasyon sa isang naiibang pananaw. Ang mga
ideya, pagkilos at produkto ay isang panloob na
kakavaban na inilalabas at ipinahahayag Sa
maraming paraan at larangan. Hindi laging
bago ang produkto ng pagiging malikhain.

Ano-ano ang katangian ng isang taong


(Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
malikhain? Naniniwala ang mga sikolohista na
presentasyon)
ang mnga malilikhaing tao ay nagkakatulad sa
mga tipikong katangian. Isa si Saberi Roy
(2009) na nag-ulat na ang mnga malilikhaing
tao ay nagtataglay ng sumusunod na mga
katangian:
1. Kuryoso (Curious).Ito ay nagbubunsod sa
kanya na makapag- isip ng mga ideya at
maglunsad ng mga pagkilos upang masagot
ang kanyang tanong.

Bakit kaya kailangan maging curious para


Dahil malawak ang interes ng malikhaing tao sa
maging malikhain ang tao?
mga bagay-bagay at mga pangyayarı sa kanyang
kapaligiran. Nais niyang matutuhan ang
maraming bagay, nagtatanong kung bakit
nangyayari o hindi nangyayari ang mga sitwasyon
sa tunay na buhay.
2. Malawak ang kaalaman (Knowledgeable)
Ito ang dahilan kung bakit karaniwang
maraming nais gawin ang mga malilikhain.
3. Maimahinasyon (Imaginative) ay kanyang
sinusundan at nagdadala sa kanyang mga
paggawa ng mga produktibo o mga
malikhaing pagkilos na para sa sitwasyon sa
kanyang kapaligiran.
4. Palapansin o palapuna (Critical) kung
saan kritikal, palapansin o palapuna ang
mga malilikhain sa kanyang sarili at sa
kanyang kapuwa.
5. Mapakiramdam (Sensitive)
Bakit kaya? Yes, Dennis? Dahil ang tindi ng mga emosyon na kanyang
nararamdaman sa kapuwa at sa mga sitwasyon sa
kanyang paligid ay nagbibigay-inspirasyon sa
kanya upang makagawa o makabuo ng mga
bagay-bagay, produkto o pagkilos sa pagpapabuti
ng mga sitwasyon.
6. Hindi mabilis na umayon (Non-
conformist). Ang mga pamaraan ng
pagkamalikhain ay mga pagkilos na nag-
eexplore ng di-iisa kung hindi
magkakaibang alternatibo sa paglikha o
pagbubuo ng bagay o paggawa.
7. Malaya o makapag-iisa (Independent).
Malaya ang malilikhaing tao na gawin ang
mga nais nilang gawin sa paggawa ng nais
nilang gawin. Yes, Marco may gusto ka
bang idagdag? Hindi po sila naaapektuhan o pinanghihinaan ng
loob sa mga sinasabi, o reaksiyon ng mga taong
kakaiba ang paniniwala.
Tama!
8. Intuwitibo o may andam (Intuitive). May
malakas na intuwitibo ang mga malilikhain.
9. May tiwala sa sarili (Confident). May
tiwala sa sarili ang mga malilikhain na
manguna o pangunahan ang mga
posibilidad at pagkilos na magpapabuti sa
malasuliraning sitwasyon ng nakararami.
10. Orihinal (Original). Ang mga malilikhain
ay nakaiisip at nakalilikha ng mga bagay at
pagkilos na hindi pa nasusubukan o
nagagawa ng ibang tao. Karaniwan na
napabubuti ang mga malikhaing bagay o (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
pagkilos ang uri ng buhay ng mga presentasyon)
tumatanggap ng pagbabago ng lumikha.
11. May mataas na motibasyon sa buhay
(Highly-motivated) Ang malilikhain ay
may nagaganyak na mataas na layunin sa
buhay. Maliwanag sa kanila ang banal na
dahilan kung bakit sila nilikha ng Diyos.

Naiintindihan ba? Opo, Bb. Mylene!


D. Paglalapat
“Tatak Pinoy”
Hahatiin sa grupo ang mga mag-aaral. Sa bawat
grupo kailangang makapagplano at makaguhit (Nakikinig sa panuto ang mga mag-aaral)
ng obra o konsepto batay sa temang “Proud
Pinoy Ako!”. Malinaw ba? Opo!

Kung ganon ay may limang minuto kayo para


tapusin ito. Magsimula na! (Nagsimulang gumawa ang mga mag-aaral)
*
*
*
Tapos na ang limang minuto! Tignan natin ang (Ipinaskil ang larawan sa pisara at hahayaang
inyong mga ginawa! pagmasdan ito ng buong klase)

Mahuhusay! Palakpakan niyo ang inyong sarili! (Nagpalakpakan)


E. Paglalahat
Sa pagtatapos ng ating aralin, subukin natin ang
mga natutunan ninyo. Ano ang
(Nagtaasan ng kamay ang mga mag-aaral)
pagkamalikhain?

Yes, Dennis? Ang pagkamalikhain ay isang abstraktong


konsepto. Dahil dito, maraming
pagpapakahulugan ang ikinakabit sa konseptong
ito.
Ano-ano ang katangian ng isang taong
malikhain? Yes, Airah?
Ang katangian ng isang malikhaing tao ay
pagiging curious, maalam, maimahinasyon,
mapakiramdam, malaya, at iba pa.
Mahusay! Muntikan mo ng nabanggit ang
lahat! Ang mga katangian ay may motibasyon,
orihinal, at intuwitibo.

IV. Pagtataya

GAWAIN: Pagnilayan upang tayain ang pag-unawa sa mga paksang tinalakay sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod:

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng pagkamalikhain sa paggawa batay sa mga naunawaang


konsepto na tinalakay sa aralin.
2. Tukuyin ang talento ng iyong pagkamalikhain. Paano mo magagamit ang talentong tinukoy
sa pagpapabuti ng iyong sarili bilang isang kabataan?
3. Ipaliwanag ang iyong bisyon ng magiging kontribusyon ng pagkamalikhain sa paggawa sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
4. Ipaliwanag kung paanong ang mabuting paggawa ay magiging paraan ng paghahandog ng
pasasalamat sa Diyos.

V. Takdang-Aralin

Magpahinga dahil alam ko pagod kayo.

Inihanda ni:

Mylene Q. Aquino
BSED-VE III

You might also like