You are on page 1of 11

Colegio de San Juan de Letran - Manaoag

Manaoag, Pangasinan
Department of Teacher Education

Masusing Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP)

Baitang 9

I. Layunin

Sa dulo ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Maunawaan ang konsepto ng lipunan at ang layunin nito, ang kabutihang panlahat,
b) Mapasidhi ang positibong pagpapahalaga sa kabutihang panlahat bilang isang mahalagang
aspeto ng pakikisalamuha sa lipunan, at
c) Maipakita ang mga praktikal na paraan ng pagtataguyod ng kabutihang panlahat sa pang-
araw-araw.

II. Paksang-Aralin
a) Paksa: Kabutihang Panlahat: Dakilang Layunin ng Lipunan
b) Sanggunian:
Aklat: Pagpapakatao: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya
Pangalan ng May-akda: Twila G. Punsalan, Camilia C. Gonzales, Myra Villa D. Nicolas, at
Nonita C. Marte
Publikasyon: Rex Book Store
Pahina: Aralin 2, pahina 16-23
May Akda: Twila G. Punsalan, et al.
c) Kagamitan: aklat, visual aid, illustration board, at marker

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang araw mga mag-aaral ng baitang
siyam! Magandang araw, din po Bb. Mylene!

2. Panalangin
Mangyaring tumayo ang lahat upang
manalangin. (Nagsitayo ang mga bata)
Andrew, maaari mo bang pangunahan ang
panalangin. Opo Ma’am. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Espiritu Santo. Panginoon kami ay
nagpapasalamat sa ibinigay ninyong bagong
pagkakataon upang kami ay muling matuto.
Gawaran mo sana kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makakatulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay pakipulot ang mga kalat
na nasa ilalim ng inyong mga silya at pakiayos
ang inyong mga upuan. (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at
aayusin ang kanilang mga upuan)

Maari na kayong maupo. (Umupo ang mga mag-aaral)

Bago tayo mag-umpisa, marampatang itago ang


mga selpon at anumang nakapatong sa inyong
silyon upang malaman ko kong nakikinig pa
kayo. Malinaw ba klase? Opo, Bb. Mylene.

4. Pagtetsek ng liban at hindi liban


Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?
Wala po Bb. Mylene.
Mabuti naman kung ganon!

5. Pagbabalik-Aral
Bago natin simulan ang ating panibagong
aralin, atin munang balikan ang ating tinalakay
kahapon. Natatandaan niyo pa ba mga mag-
aaral? Opo, Bb. Mylene.

Kung gayon tungkol saan ito? Tungkol po ito sa lipunan at ang halaga ng tao sa
lipunang ginagalawan.
Tama! May mga katanungan pa ba kayo sa
nakaraan nating aralin? Wala po Bb. Mylene.
B. Pagganyak
Bago natin umpisahan ang ating aralin, nais
kong gawin niyo ang gawain na inihanda ko
para sa inyo. Gamit ang pormat na nasa pisara,
nais kong isulat ninyo ang mga kabutihang
inyong natamo at nakita sa inyong lipunan.
Malinaw ba? Opo, Bb. Mylene!

Kung gayon ay maari na kayong bumuo ng


linya at sunod-sunod na sumagot. (Ang mga mag-aaral ay bumuo ng linya at isa-
isang nagsulat sa pisara)

Kabilang sa kanilang mga sinagot ang mga


sumusunod:
 Pagkakaroon ng magandang ugnayan
 Maayos na patakaran
 Maraming oportunidad
 Pantay-pantay na karapatan

Base sa inyong ginawa, ano sa tingin niyo ang


magiging aralin natin ngayong araw? May
ideya ba kayo? (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)

Yes, Josh? Maaring tungkol po ito sa kabutihang panlahat.

Tama! Kung ganon ay magsimula na tayo!


C. Pagtatalakay
Ang lipunan ay maituturing na bunga ng (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
pagmamahalan. Bakit kaya?
Ito ay dahil ang lipunan ay binubuo ng pamilya na
Yes, Erica? nabuo sa pagitan ng dalawang tao na
nagmamahalan. Ang kanilang pagmamahalan ay
naging dahilan sa pagkakaroon nila ng anak.
Kung kaya ang lipunan na binubuo ng pamilya ay
masasabeng bunga ng pagmamahalan.
May punto ka nga naman Erica! Ang lipunan na
binubuo ng pamilya ay bunga ng kanilang
pagmamahalan. Ito ay dahil kinakailangang
magkaisa, magkakasundo, at magkaroon ng
mabuting ugnayan ang mga tao upang sila ay
makagawa ng mga bagay na para sa kabutihan
at kaunlaran ng lahat. Nagkakaroon lamang ng
lipunan kapag ang mga tao ay nagbubuklod
para sa iisang mithiin at para sa kabutihang
panlahat

Ngunit ano nga ba ang kabutihang panlahat?


May ideya ba kayo mga mag-aaral? (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)

Yes, Florence? Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa mga


bagay na nagdudulot ng positibong epekto sa
lahat ng tao.
Tama! Ang kabutihang panlahat ay ang
kabuuan ng mga kondisyon ng pamumuhay-
pangkabuhayan, pampolitikal, panlipunan, at
pangkultural na nagbibigay-daan sa mga tao
upang agad nilang matamo ang kaganapan ng
kanilang pagkatao. Ito ay mga kilos na
naglalayong mapabuti ang kalagayan ng bawat
isa at magsulong ng kapayapaan, katarungan, at
kaunlaran para sa lahat. Ilang halimbawa ng
kabutihang panlahat ay ang mga sumusunod:

1. Paggalang at pagtanggap sa lahat ng tao,


kahit sa kanilang kasarian, relihiyon,
etnisidad, at iba pa.
2. Pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng
mga mahihirap, may kapansanan, o mga
(Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
biktima ng kalamidad.
presentasyon)
3. Pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa
sa komunidad.
4. Pagpapanatili ng kalikasan at pangangalaga
sa kapaligiran.
5. Pagbibigay ng edukasyon at oportunidad sa
lahat ng tao.
6. Pagtulong sa pag-unlad ng ekonomiya at
paglikha ng trabaho para sa lahat.
7. Pagpapalaganap ng kultura ng pag-asa,
positibong pag-iisip, at pagmamahal sa
kapwa.

Sa tingin ninyo, natatamasa niyo pa ba ang mga


kabutihan na dulot ng lipunan sa inyong (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
personal na buhay?

Yes, Francine? Sa akin at sa pamilya ko po, oo. Natatamasa pa


naman po namin ang ilan sa mga kabutihan na
nabanggit. Pero sa nakikita ko po sa ibang tao at
ibang pamilya ay parang hindi na.

Gaya nga ng nabanggit mo Francine, iilan na


lamang ang nakakaranas nito. Ngunit paano
natin masisiguradong lahat ay matatamo ang
kabutihang panlahat?

Paano Matatamo ang Kabutihang Panlahat?


Ang kabutihang panlahat na siyang tunay na
layunin ng lipunan ay matatamo lamang kung
magkatuwang ang lipunan at ang mga tao na
maitaguyod ito.
 Ang pamahalaan ay ang instrumento ng
lipunan na malagyan ng kaayusan at
estruktura ang mga sistema at paraan (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
salipunan. Ito ay gumagawa ng panlipunang presentasyon)
pamantayan, kautusan o mga batas na
magpapadali sa bawat kasapi na matamo
ang sariling kabutihan. Ang mga
pamantayang ito gaya ng karapatang
pantao, at mga batas na ipinaiiral ang
nagsasaayos ng mga pamamaraan sa
pagtatamo ng kabutihan at kaganapan ng
bawat isa.
 Kailangan din na makatarungan ang
estrukturang panlipunan upang matamo
ang kabutihang panlahat. Ang katarungang
panlipunan ay kaakibat ng pagkakamit ng
kabutihang panlahat.

Ngunit paano natin malalaman kung ang (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
isang lipunan ay makatarungan?
May katarungang panlipunan kapag ang bawat isa
Yes, Airah. ay may kalayaang makamit ang kanyang
karapatan bilang mamamayan, kapag
napangalagaan ang dignidad ng bawat kasapi,
kapag nakaranas ng mainam na pamumuhay ang
mga tao.
Tama! Sa isang makatarungang lipunan,
may pantay na pagkakataon ang mga tao,
matanda o bata, mayaman o mahirap, babae
oblalaki na maisakatuparan ang kanilang
kaganapan. Makatarungan ang lipunan
kapag may estrukturang nakatutulong sa
mahihirap upang maiangat ang kanilang
kabuhayan sa higit namaayos at maunlad na
pamumuhay. (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
 Ang pagsusulong ng kabutihang panlahat ay presentasyon)
nangangailangan ng partisipasyon ng
bawat isa sa pagpapaunlad ng lipunan.
Kung itinalagang lahat ng kasapi ang sarili
sa iisang tunguhin, napatatatag nito ang
lipunan at nagdudulot itong kaunlaran. Ang
pagtutulungan at pagbabalikatan ng lahat ng
kasapi ay nag-uugat sa pagmamahalan at
paglalaan ng sarili sa kabutihang
panlahat.Tayo ay nakatalaga sa obligasyon
natin sa ating kapuwa na makipagtulungan
sa pagkamit ng kaganapan ng bawat isa.
 Ang Diyos ang ganap na kabutihan. Siya
ang dakilang dahilan ng lahat ng kabutihan
ng mga indibidwal at ng lipunan. Kaya ang
lipunan ay mag gampaning suportahan ang
mga tao sa kanilang pagtamo ng kabutihan.
 Diyos: Ganap na kabutihan
 Lipunan: Kabutihang panlahat
 Indibidwal: Kabutihang personal
 Opo, Bb. Mylene.

Naiinitidihan ba?

Tatlong Aspekto ng Kabutihang Panlahat


Upang magkaroon ng kabutihang panlahat,
kinakailangang ang lahat ng tao sa lipunan
kasama ang pamahalaan, ay dapat mataas ang
kamalayan at aktibong isinasabuhay ang
kagalingan ng bawat kasapi. Kapag nangyari
ito, inaasahang bawat isa ay magkakaroon ng
kakayahang mag-ambag sa kabutihang panlahat
at magtamo ng sarili niyang kaganapan. Ang
konsepto ng kabutihang panlahat ay sumasakop (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
sa tatlong aspekto ng kaganapan ngtao: presentasyon)

1. Paggalang sa pagkatao ng indibidwal:


Ang paggalang sa kapuwa ay paggalang sa
kanyang dignidad. At ang paggalang sa
kanyang dignidad ay paggalang sa kanyang
pangunahing mga pantaong karapatan na
hindi kailanman nahihiwalay sa kanya. Ang
mga karapatang ito ay likas sa tao. Kapag
ang mga ito ay nilabag, nilabag na rin ang
kanyang pagkatao. Ang kabutihang panlahat
ay may paggalang sa lahat. Ito ay paggalang
ng bawat isa sa kanyang kapuwa lalo na sa
mga taong nasa kapangyarihan o awtoridad.

Paano kaya natin maisabuhay ang paggalang sa (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
kapuwa?
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga pangkat o

Yes, Joyce? organisasyon na nagdedepensa sa dignidad at


pangunahing karapatan ng mga tao, pagsali sa
tawag ng media na nag-uulat ng paglabag sa
karapatang pantao, at paggamit ng teknolohiya sa
pagsuporta ng mga samahan sa bansa at ibang
bansa na naglalayong ipagtanggol ang karapatang
pantao.

Tama! Dapat maging aktibo tayo sa pagsali sa


mga organisayon na lumalaban sa dignidad at
karapatan ng lahat. Pero maiigi din na
maipakita natin sa ating kapwa na tanggap natin
sila sa kung sino sila.

2. Kagalingang Panlipunan: Upang


magkarooon ng kabutihang panlahat,
kinakailangang may pagsaalang-alang sa
kabutihan at pag-unlad ng buong lipunan. (Ang mga mag-aaral ay binabasa at iniintindi ang
Ang pagkakaroonng kaunlaran sa lipunan presentasyon)
ay tungkulin ng lahat namamamayan.
Kapag ang mga tao ay masipag at
determinado sa kanilang mga panlipunang
tungkulin, hindi lamang ang lipunan ang
kanilang pinatatatag kundi ang sarili din. At
kapag ang sarili ay pinauunlad, tinatahak
din nila ang kanilang kaganapan bilang tao.
(Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
Paano naman kaya natin maisabuhay ang
kabutihang panlahat? Kailangang makilahok nang buong tapat at husay.
At sa mga may tungkuling mamuno at may
Yes, Mark? kapangyarihan, kailangan nilang ipakita sa lahat
ang pagiging mabuting huwaran.

Tama! Kailangan nakikilahok tayo sa


pagsasakatuparan ng kabutihang panlahat at sa
mga namumuno na maging mabuting huwaran
para sa iba.

3. Kapayapaan at Kaligtasan: Ang


kabutihang panlahat ay nangangailangan ng
kapayapaan at kaligtasan.Nangangahulugan
ito na ang mga tao ay maayos at mapayapa
sa kanilang ugnayan at natitiyak ang
kanilang kaligtasan. Ang mga may
kapangyarihan ay inaasahan sa tungkuling
tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
(Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)
Ngunit paano kaya natin maisabuhay ang
kapayapaan at kaligtasan? Ang bawat mamamayan ay dapat mapayapa sa
kanilang pakikipag-ugnayan sa isa't-isa at
Yes, Jane? magkaroon ng mapayapang paraan sa
pagsasaayos ng sigalot.

Opo, Bb. Mylene.


Tama! Naiintidihan ba?
D. Paglalapat
Pagnilayan ang pangunahing pag-unawa at
sagutin ang kasunod na tanong.
Ang lipunan na dapat nating naisin at
pagsumikapang matamo ayisang lipunan na
naglalayon para sa kabutihang panlahat.
Ang lipunan aydapat na nabubuo para sa (Ang mga mag-aaral ay binabasa ang
kabutihang panlahat at hindi para sa pangungusap)
kabutihanng iilan lamang. Ito ang tunguhin
at layunin ng lipunan-ang matulunganang
lahat ng kasapi na matamo nila ang
kanilang kaganapan bilang tao. Itoay
matatamo sa pamamagitan ng
pagsasabuhay at pagpapalaganap ng
mgamoral na prinsipyo o pagpapahalaga.

Tanong: Paano nagagampanan ng lipunan ang


layunin nito para sa kabutihang panlahat at
pagpapaunlad ng personal na kaganapan?

Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para


tapusin ang gawain. Pagkatapos ay babasahin
niyo sa harapan ng klase inyong sagot. Malinaw
ba? Opo, Bb. Mylene. (Sinimulan ng gawin ng mga
mag-aaral ang kanilang gawain)
Tapos na ang sampung minuto. Airah, mauna
kana. (Nagsimulang magbahagi ang mga mag-aaral)
*
*
*
Palakpakan niyo ang inyong sarili. (Palakpakan)
E. Paglalahat
Sa ating natalakay, sino ang makapagbibigay sa
akin ng kanilang natutunan. (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng kamay)

Yes, Josh? Natutunan ko po ang layunin ng lipunan, ang


kabutihang panlahat. Ang kabutihang panlahat ay
tumutukoy sa mga bagay o pangyayari na
nagdudulot ng positibong epekto sa lahat ng tao.
Tama! Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy
sa mga gawain, pag-uugali, at mga bagay na
naglalayong magdulot ng positibong epekto sa
lahat ng tao at sa lipunan bilang isang buong
entidad. Ikaw naman Erica. Natutunan ko po na may tatlong aspekto ang
kabutihang panlahat. Ito ay ang paggalang sa
pagkatao ng indibidwal, kagalingang panlipunan,
at kapayapaan at kaligtasan.
Magaling! Ang tatlong aspekto na ito ay
kailangan nating isaisip dahil inaasahan tayong
matamasa ang kabutihang panlahat.

IV. Pagtataya

GAWAIN: Bilang pangkat, sagutin ang tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na
papel.

Tanong: Bilang kasapi ng isang lipunan, mag-isip ng mga paraan sa pagtataguyod ng kabutihang
panlahat sa pang-araw-araw.

V. Takdang-Aralin

Basahin ang susunod na aralin na may paksang “ Prinisipyo ng Subsidiarity para sa Kabutihang
Panlahat”.
Inihanda ni:

Mylene Q. Aquino

BSED-VE III

You might also like