You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

BICOL STATE COLLEGE OF APPLIED SCIENCES AND TECHNOLOGY


Lungsod ng Naga
Kolehiyo ng Edukasyon

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III


Isinulat ni: Allyna Mae D. Maravilla
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
● Matutukoy ang mga institusyon sa isang komunidad.
● Mailalahad ang kahalagahan ng mga institusyon sa isang komunidad.
● Maitatala ang mga halimbawa ng mga institusyon sa isang komunidad.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Mga institusyon sa isang komunidad
b. Sanggunian: Galicia, A. A. (2020)Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang, Ang aking
komunidad. (Pahina 6-8)
c. Kagamitan: Visual na tulong, larawan, Manila paper
d. Pagpapahalaga: Pag galang sa isa’t-isa, Pagmamahal para sa komunidad, Pagkakaisa.
III. Pamamaraan | Pamamaraang Induktibo | (Gawain:Institusyon, Isulat mo)
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain
● Pagbati
Magandang Umaga, mga bata!
Magandang umaga rin po, Titser!
Kumusta ang bawat isa sainyo?
Mabuti naman po kami, Titser.
● Panalangin
Kung sa gayon, iniimbitahan ko ang lahat na
magsitayo. (Pangalan ng mag-aaral), pwede
mo bang pangunahan ang ating panalangin?
Opo, Titser!. Sa ngalan ng ama, ng anak at
ng Espiritu, Santo. Amen. Ama naming Diyos,
kami po ay naririto ngayon upang ikaw ay
pasalamatan sa lahat ng biyaya na iyong
ibinibigay. Kami po ay humihingi ng tawad at
kami po ay nananalangin na kami ay iyong
gabayan, sa ngalan ni Hesus. Amen
Maraming salamat. Bago magsiupo ang
lahat, ayusin muna ang inyong mga upuan at
pakipulot ang mga kalat na nasa sahig.
(Ang mga mag-aaral ay aayusin ang kanilang
mga upuan at pupulutin ang mga kalat sa
sahig)
● Pagtala ng liban
Ngayon, dumako tayo sa pag tala ng liban.
Mayroon bang liban ngayon sa ating klase?
Wala po, Titser.
Ako ay natutuwa na walang liban sainyo
ngayong araw. Handa na ba kayo sa ating
leksyon?
Handa na po.
● Balik-aral
Tayo ay mag balik-aral, ano ang ating leksyon
noong nakaraang araw?
Ang ating leksyon noong nakaraang araw ay
patungkol sa mga elemento ng isang
Komunidad.
Magaling! Isa-isahin nga natin ang mga
elemento ng isang Komunidad. Ano ang una?
Ang unang elemento ng isang komunidad ay
ang mga sambahayan ay nakatira sa isang
tiyak na lokasyon o lugar.
Tama!. Ano naman ang ikalawa?
Ang mga mamamayan ay nagpapakita ng
pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
interaksiyon at komunikasyon gamit ang
partikular na wika.
Mahusay!. Ano naman ang pang huling
elemento?
Namumuhay na may pagkakaisa at
pakiramdam na may kinabibilangang
pamayanan bukod sa pagiging magkadugo.
Tama ang inyong mga sagot. Dahil diyan,
pumalakpak tayong lahat ng tatlong beses.
Isa, dalawa, tatlo.
(pumalakpak ng tatlong beses ang mga
mag-aaral)
● Pagganyak
Ngayon naman, may ipapanood ako
sainyong video. Inaanyayahan ko kayong
lahat na tumayo at sabay sabay tayong
sumabay sa kanta.
(Ipinakita ng guro ang video)
(Lahat ng mag-aaral ay sumabay sa video)
Lahat na umupo. Kayo ba ay nasiyahan sa
ating pagganyak?
Opo, Titser!
Ano ang napansin ninyo sa video na aking
ipinakita?
Ito po ay tungkol sa komunidad.
Tama, ito ay tungkol sa komunidad.

● Pagpahayag ng layunin
May ipapakita ako sainyong mga larawan.
Alam niyo ba kung saan ito?
(lahat ng mag-aaral ay sumagot)Opo.
Sige nga Kirsten, saang lungsod ito?
Ang lugar pong iyan ay ang ating lungsod.
Ang lungsod ng Naga.
Tama! Ito ay ang lungsod ng Naga. Ang
lungsod ng Naga ba ay maituturing na isang
komunidad?
(lahat ng mag-aaral ay sumagot)Opo.
Ipaliwanag mo nga Clyde kung bakit
maituturing na isang komunidad ang Lungsod
ng Naga.
Ang Lungsod ng Naga po ay tinuturing natin
na isang komunidad dahil ang komunidad ay
isang lugar o lokasyon kung saan ang grupo
o pangkat ng mga tao ay naninirahan. At dito
po sa Lungsod ng Naga ay maraming tao na
nakatira.
Mahusay!.

B. Paglalahad
Tayo ay dumako na sa ating aralin ngayong
araw. Kung napapansin niyo ay tungkol sa
komunidad ang ating leksyon. Kaya naman,
ang ating paksang aralin ngayon ay
patungkol sa Mga institusyon sa isang
komunidad. Pamilyar ba kayo rito?
Hindi po.
Para kayo ay maging pamilyar sa ating
usapin ngayong araw, may ipapakita akong
larawan.

C. Paghahambing at abstraction
Ano ang inyong nakikita sa larawan?
Ito po ay mapa ng isang komunidad.
Tama, ito ay mapa ng isang komunidad. Ano
ang inyong nakikita sa mapa?
(Nagsitaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Mag bigay ng isa, Jasmine.
Ang aking nakikita sa mapa ay ang mga tao o
sambayanan
Tama!. Ang mga komunidad ay binubuo ng
mga taong magkakasama sa pamilya. Bakit
mahalaga ang mga mamamayan sa isang
komunidad?
Mahalaga po tayong mga mamamayan dahil
hindi mabubuo ang isang komunidad kung
wala tayong mga mamamayan.
Tama. Maliban sa sambayanan, ano pa ang
inyong mga nakikita, Princess?
Makikita rin po sa larawan ang simbahan.
Tama. Ano ang importanteng papel ng
simbahan sa ating komunidad,Brianna?
Ito ang humuhubog sa pananampalataya ng
mga tao sa Diyos o sa Lumalang.
Magaling!. Mag bigay nga ng halimbawa ng
simbahan, Diego.
Ang halimbawa po ng isang simbahan ay ang
Cathedral po.
Magaling!. Ano pa ang nakikita mo sa
larawan, Joyce?
Mayroon din po ng Paaralan sa larawan.
Mahusay!. Ano ang ginagawa sa paaralan?
Nag aaral po titser.
Tama iyon. Ano ang kahalagahan ng
paaralan para sa inyo, Kate?
Sa paaralan po nahuhubog ang aming
kaalaman, mga kakayahan at iba’t ibang
talento
Mag bigay nga ng halimbawa ng paaralan,
Jester.
Ang isang halimbawa po ng paaralan ay ang
Camarines Sur National High School po.
Tama iyon. Mayroon pa kayong dalawa na
hindi nababanggit. Sino ang makapag sasabi
kung ano pa ang makikita sa larawan?
(Nag taas ng kamay si Darwin)
Sige nga, sabihin mo sa akin ang dalawang
hindi pa nababanggit sa larawan, Darwin.
Makikita pa po sa larawan ang sektor ng
pamahalaan at ang palengke.
Tama!. Sa isang komunidad, meron tayong
sektor ng pamahalaan. Ano ang mahalagang
gampanin ng sektor na ito, Alyanna?
Sila po ang nagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan o “peace and order”.
Tama!. Mag bigay ng halimbawa ng
Pamahalaan, Feby.
Baranggay hall po ng San Felipe.
Mahusay!. Ang Palengke naman ay pwede
rin nating tawagin na sektor ng hanapbuhay.
Ito ang sektor ng ekonomiya ng
komunidad.Kinakailangang mag-hanapbuhay
o magtrabaho ng mga tao. Bakit kailanagan
mag trabaho at maghanap buhay ang mga
tao?
Upang kumita at may ipambili ng mga
pangangailangan.
Mag bigay ng halimbawa ng sektor ng
hanapbuhay, Jay-Ann.
Mga nag titinda po ng isda sa palengke
Tama ang inyong mga sinabi. Dahil dyan
bigyan natin ng tatlong palakpak ang bawat
isa. Isa, dalawa, tatlo.
(pumalakpak ng tatlong beses ang mga
mag-aaral)

D. Paglalahat
Ang lahat ng inyong nabanggit ay ang mga
halimbawa ng?
Institusyon sa isang komunidad.
Tama. Bakit mahalaga ang mga institusyon
sa isang komunidad, Crystal?
Ang bawat isa ay may kanya kanya kanyang
parte na ginagampanan. Kung wala ang isa
nito ay hindi mabubuo ang isang komunidad.
Mahusay!. Isa-isahin ang mga institusyon ng
komunidad. Ano nga ang mga ito, Janine?
Ang mga Institusyon sa isang komunidad ay:
-Mamamayan
-Paaralan
-Simbahan
-Pamahalaan at
-Sektor ng kalakalan
Mahalaga ang mga institusyong ito upang
magampanan ang pangangailangan ng isang
komunidad. Mag bibigay nga ng
halimbawang sitwasyon na maipapakita ang
kahalagahan ng institusyon sa paaralan,
Mikka
Ang mga bata ay kailangan makapag tapos
ng pag-aaral upang makakuha ng diploma at
makapag trabaho.
Magaling!. Mag bigay naman sa Institusyon
ng simbahan.
Sa tuwing tayo ay may problema, Diyos ang
ating nakakapitan.
Mahusay! Mag bigay naman sa Institusyon
ng Mamamayan, Geline.
Ang aking mga magulang ay nag babayad ng
buwis na tumutulong at dumadagdag sa
pondo para sa ating pamahalaan.
Tama!. Ano naman sa Sektor ng kalakalan,
Jessa?
Ang pagtitinda ni nanay ng isda sa palengke
ang aming napagkukuhanan ng pangtustos
sa aming pang araw-araw.
Magaling!. Mag bigay naman sa
Pamahalaan, Luisa.
Ang mga tanod ay nag roronda tuwing alas
10 ng gabi at nag babantay hanggang
madaling araw upang mapanatiling ligtas at
payapa ang ating komunidad.
Kasiya-siya ang inyong mga sagot!. Mukhang
kabisado niyo na ang lahat ng Institusyon sa
isang komunidad. Dahil diyan, tumungo tayo
sa gawain.

E. Paglalapat
Kayo ay magkakaroon ng pangkatang
gawain. Magkakaroon tayo ng Anim na grupo
at sa bawat grupo ay may pitong miyembro.
Ito ay aking tinawag na “Institusyon, Isulat
mo”

Ang bawat miyembro ng grupo ay pupunta sa


unahan isa-isa upang maisulat sa pisara ang
mga halimbawa ng Institusyon na makikita sa
Lungsod ng Naga. Ang bawat miyembro ay
may 10 segundo upang magtala ng
halimbawa ng institusyon na aking
babanggitin. Halimbawa: Paaralan-
Camarines Sur National High School. Ang
grupo na may pinaka maraming naitala ay
ang may pinaka mataas na puntos.

Malinaw ba mga bata?


Malinaw po, Titser.
IV. Pagsusuri
Basahing mabuti ang mga sitwasyon tungkol sa mga tungkulin mo sa komunidad. Piliin mula sa
hanay B ang mga institusyon sa komunidad kung saan laan ang mga tungkulin. Isulat ang sagot
sa patlang sa hanay A.

Hanay A Hanay B
_____1. Nagdadasal ako bago kumain A. Simbahan
upang magpasalamat sa biyayang kaloob B. Pamahalaan
ng Diyos. C. Pamilya
_____2.Nagbabalik ako ng hiniram kong D. Edukasyon
bote sa tindahan. E. Kalakalan
_____3.Hindi ako nagdadabog kapag
inuutusan ako ng nanay ko.
_____4.Nagbabasa ako ng libro kahit
walang pagsusulit.
_____5.Ang tito ko ay Kapitan ng Barangay.

V. Takdang-Aralin
(Crossword Puzzle)
Hanapin ang tamang lalagyan ng mga salitang may kinalaman sa mga Institusyon ng
Komunidad. Isulat sa papel ang iyong sagot.

PAHALANG
1.Ito ang tagapagpatupad ng batas o mga tuntunin sa komunidad.
2.Ito ay binubuo ng mga magulang at mga anak.
PABABA
1.Ito ang sektor ng ekonomiya ng komunidad.
2.Ito ang humuhubog sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos o sa Lumalang.
3.Dito tinuturuan ngmga guro ang mga bata ng iba’t ibang kaalaman.

You might also like