You are on page 1of 4

Mga miyembro: Bulaong, Aira Mariz P.

Jala, Key Cylyn A.


Llenares, Keziah N.
Narredo, Roselyn

Banghay Aralin sa Sibika at Kultura


Ikalawang Baitang

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay maaasahang
masagawa ang mga gawain na may 85% na kawastuhan:
a.) Natutukoy ang mga katangiang pisikal ng iba’t ibang komunidad;
b.) Nakapagbibigay halaga ng mga alituntunin ng komunidad;
c.) Naguguhit ang uri ng komunidad base sa katangian na mayroon ito.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Aking Komunidad
Sangunian: Kayamanan 2 (Pahina 1-9)
Values Integration: Pagpapahalaga sa komunidad

III. Kagamitan
 Tsart  Envelope
 Mapa  Lapis
 Video Presentation  Color
 Roleta
 Manila paper
 Marker

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda

Ako si Teacher Aira, magandang hapon mga bata (Magandang hapon din po,
Tecaher Aira) Bago tayo magsiupo, maaari bang pulutin ninyo ang mga basura sa inyong
paligid at ayusin ang inyong mga upuan? (Opo Teacher) Salamat mga bata. Maaari na
kayong umupo.
Sa puntong ito, ako ay may ipapasang kahon na naglalaman ng maliliit na
larawan. Nais kong bumunot kayo ng tig-iisang larawan.
Sino ang nakakuha ng larawan na palay? Sino naman ang nakakuha ng larawan na
gusali? Para sa nakabunot ng larawan ng palay, kayo’y uupo sa mga upuan na nasa kana,
at ang mga mag-aaral naman na nakabunot ng larawan ng gusali ay uupo sa kaliwa.
Mayroon lamang kayong 10 segundo kumilos at punta sa inyong mga pwesto nang
tahimik. Salamat mga bata.
Ngayon, mayroon akong maikling kwento na nais ibahagi sa inyo. Gusto niyo
bang marinig ang aking kwento? (Opo Teacher) Mayroon akong kakilala na dalawang
pamilya. Ang pamilyang Cruz at ang pamilyang Luna. Ang dalawang pamilyang ito ay
kasalukuyang nakatira sa isang matao, masikip, maingay at magulo na lugar. Nais niyo
bang tumira sa ganoong lugar? (Opo o hindi) Ganoon din ang nararamdaman ng
dalawang pamilya. Kung kaya’t nais nilang lumipat sa isang lugar na tahimik, malawak at
mapayapa. Gusto niyo bang tumira sa ganoong lugar? (Opo) Ngayon, kayo ay may
gagampanang papel sa kalagayang ito. Tutulungan ninyo ang dalawang pamilyang ito sa
kanilang paglipat. Upang matulungan ninyo sila, may mahahalagang bagay kayo na
dapat na tandaan. Ano-ano sa tingin ninyo ang mga bagay na ito? (Makilahok, making at
tumahimik) Ngayon, kayo ang pipili ng pamilyang nais ninyong tulungan.

2. Pagganyak
 Sinong makapagsasabi kung ano itong hawak ko? (Roleta)
 Tama, ang tawag dito ay roleta. Roleta ng karunungan. Sa roletang ito ay may
nakapaskil na mga larawan. Ako ay tatawag ng mga mag-aaral upang pumunta
rito sa harapan at kanyang paiikutin ang roleta. Kung saan man tatama ang ulo ng
pana ay sasabihin niya sa akin kung ano ang kanyang nakikita sa larawan.
 (Kinatawan ng pangkat isa) Ano ang iyong nakikita?
 Nais mo bang manirahan sa ganyang lugar? Bakit?
 (Kinatawan ng pangkat dalawa)
 (Kinatawan ng pangkat isa)
 (Kinatawan ng pangkat dalawa)
 Nais niyo bang malaman kung ano ang kinalaman ng mga larawan na iyan sa
ating tatalayin ngayong araw? (Opo Teacher)

B. Paglalahad

Gusto niyo bang makita kung saan kasalukuyang naninirahan ang dalawang
pamilya at ang lugar na nais nilang lipatan? (Opo) Handan na ba kayong samahan sila?
(Opo) Handan na ba ang mga dala niyong baon at tubig? (Opo) Ako rin, handa na ako.
May mapa sa pisara at ito’t mapa ng Zamboanga. Ngayon, tayo ay tutungo sa dalawang
lugar dito sa Zamboanga. Pupunta tayo sa komunidad na kasalukuyang pinaninirahan ng
dalawang pamilya at ang lugar na kanilang nais lipatan.

 Magpapakita ng video presentation


 Mayroon akong ipapanood sa inyong video presentation. Handa na ba kayo? Bago
yun, mayroon akong ibibigay na envelope. Sa loob nito ay may makikita kayong
tsart at mga pirasong papel. Ang gagawin ninyo habang kayo ay nanonood ng
video presentation, maliban sa pakikinig ay pupunan niyo ng sagot na hinihinging
impormasyon sa bawat kolum na nasa tsart (Bubuksan ang tsart) Basahin ang mga
sumusunod.

VIDEO PRESENTATION
Ako si Raul. Ang panganay na anak ng pamilyang Cruz. Ang ming pamilya ay isa sa
maraming pamilya na bumubuo ng aming komunidad. Kami ay kasalukuyang naninirahan sa
komunidad ng Tetuan. Ganoon din ang pamilyang Luna. Ang komunidad ng Tetuan ay
makikita sa Lungsod ng Zamboanga. Ito ay itinatag noong taong 1976 at 43 taon na itong
umiiral. Sa aming komunidad ay may matatagpuang maraming pamilihan, matao, may kalapit
na ospital mula sa kabilang barangay, maraming sasakyan, kadalasang maingay at masuok sa
daanan at matatagpua din sa aming komunidad ang isa sa magaganddang simbahan at ang isa
sa malaking paaralan at malaking istadyum.
Ako naman si Tesa, ang panganay na nak ng pamilyang Luna. Ipapakita ko sa inyo ang
komunidad na nais lipatan ng aming pamilya at ng pamilyang Cruz. Ang lugar na aming nais
lipatan ay nag komunidad ng La Paz. Ito ay matatagpuan sa bandang bukirin ditto sa
Zamboanga. Ito ay itinatag noong taong 1984. Kasalukuyan itong umiiral ng 37 taon. Sa
komunidad na iyon ay may matatagpuan na malawak na taniman. Dito matatagpuan ang kaisa-
isang taniman ng strawberry at may taniman din ng rosas. May mga magsasaka at kalabaw na
nag-aararo ng palayan. Ang komunidad na iyon ay tahimik at mapayapa. Hindi ganoon garami
ang mga sasakyan at maraming iba’t ibang hayop at halaman ang makikita.

Alam niyo ba na mahalagang pangalagaan ang ating komunidad? Sapagkat ito’y ating
pinaninirahan. Ang ating komidad ang siyang naglalarawan kung anong uri ng mga tao ang
nakatira ditto.

Narito ang iilan sa mga paraan kung paano pangalagaan an gating komunidad:

 Linisin at panatilihing maayos ang sarili nating tahanan


 Maging responsableng tayong mamamayan
 Itapon ang mga basura sa tamang tapunan

BATAYANG IMPORMASYON

URI NG Pangalan ng Taong Edad Kinaroroonan Katangiang


KOMUNIDAD Komunidad itinatag Pisikal
ito

C. Pag-aalala ng ng mga Tuntunin

Ano ang mga dapat tandaan habang naonood ng video presentation? (Makinig,
tumahimik at intindihin)

D. Pagtatalakay
Kung sino man ang tapos na ay maaari niyo ng ipaskil sa pisara ang inyong mga
gawain. Pumili ng kinatawan na maglalahad ng inyong mga sagot. Titignan natin ngayon
kung naaalala niyo pa ba ang nilalaman sa napanood na video presentation.
 Ano ang komunidad?
 Ano an gang dalawang uri ng komunidad?
 Ano ang pangalan ng dalawang komunidad na natalakay?
 Saan natin mahahanap sa mapa ang dalawang komunidad?
 Ano-ano ang makikita sa isang lungsod? Sa isang bukirin?

D. Paglalahat
Ano-ano ang dalawang uri ng komunidad ang ating natalakay? Simulan ang
inyong sagot sa, ang dalawang uri ng komidad na ating natalakay ay… Ano ang tawag sa
pangalan, edad, taong intinatag, kinroroonan at katangiang pisikal ng isang lugar?
(Batayang Impormasyon) Tama!

E. Pagbibigay halaga
 Sa inyong palagay, saan kaya mas kaaya-ayang manirahan? At bakit?
 Mahalaga bang pangalagaan ang ating komunidad? Bakit?
 Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang ating komunidad? Paano?

VI. Pangwa kas na Gawain


1. Pangkatang Gawain
Ngayon, para sa gawain, mayroon akong ibibigay na envelope na naglalaman ng
mga kagamitan na inyong gagamitin sa pagguhit. Ang pangkat ng pamilyang Cruz ay
inaasahang makaguhit ng komunidad na lungsod at ang pangkat ng pamilyang Luna ay
guguhit ng komunidad na bukirin.

Rubriks
Kawastuhan ng pagguhit 40%

Kagandahan ng pagguhit 40%

Pagpasa sa tamang oras 20%


100%

Unang Grupo
Panuto:Gumuhit ng pisikal na katangian ng kumunidad na bukirin. Mayroon
lamang kayong sampung minute upang tapusin ang gawain.

Panglawang Grupo
Panuto:Gumuhit ng pisikal na katangian ng kumunidad na lungsod. Mayroon
lamang kayong sampung minute upang tapusin ang gawain.

You might also like