You are on page 1of 9

HEADSTART COLLEGE OF COTABATO

BACHELOR IN ELEMENTARY EDUCATION

EDSCI 1- FINAL EXAM


JANUARY 20, 2023

DI-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:

a. naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng kinabibilangang


komunidad;

b. malikhaing nakapagpapahayag o nakapagsasalarawan ng


kahalagahan ng kinabibilangang komunidad;

c. naisusulat ang mga halimbawa ng komunidad.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ang Aking Komunidad


Code: AP2KOM-Ia-1
Sanggunian: AP2.2013.pp. 2-12
Kagamitan: Pictures, visual-aids, at cartolina.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng pang-araw-araw na Gawain


1.1 Panalangin
1.2 Pagbati
1.3 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase
1.4 Pag-awit

B. Pagganyak

Nakikita niyo ba ang nasa larawan?

Anu-ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Ang mga nasa larawan ay bahay, pamilya, munisipyo, pook-libangan


na kung saan maraming mga batang naglalaro, mayroon ding
simbahan, paaralan, at pamilihang bayan.

1. Paglalahad

Ngayon ay magdadaos tayo ng brainstorming.Hatiin sa apat na pangkat


ang klase. Gamit ang semantic web, susulatin ninyo ang halimbawa o nakikita
nyo sa isang komunidad.
Base dito sa ginawa nating aktibidad ano sa tingin niyo ang tatalakayin
natin ngayong araw?

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay patungkol sa sariling


komunidad.

Alam nyo ba na tayo ay bahagi ng komunidad?

At tayo ay naninirahan sa isang komunidad.

2. Pagtatalakayan

Maaari nyo bang basahin ang kahulugan ng komunidad?

Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng tao. Ito naman ay


tinatawag na pamilya. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit sa isang
komunidad.

Narito ang mga bumubuo ng ating komunidad.

1.) Pamilya- ito ang pinakamaliit nay unit sa isang komunidad.


Tungkulin nilang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang
pamilya.

2.) Pananahanan- dito nakatira ang pamilya. Tirahan ng mga


pamilyang naninirahan sa isang komunidad.
3.) Paaralan- ang paaralan ay kung saan naroroon ang mga guro at
mag-aaral. Dito rin hinuhubog ang kaisipan tungo sa pag-unlad.
Nililinang dito ang kakayahan at talento ng isang tao.

4.) Pamilihan- dito nabibili ang ating mga pangangailangan tulad ng


pagkain, damit, at iba pa.

5.) Simbahan- dito ipinapahayag ang mga salita ng diyos

6.) Pook-libangan- ito ay isang pasyalan. Madalas makikita ang


maraming batang naglalaro at naglilibang.
7.) Sentrong Pangkalusugan- makikita rito ang mga doktor at nars na
nagtutulungan upang mapanatiling maayos ang kalusugan ng lahat ng
tao sa komunidad.

8.) Pamahalaan- gumagawa ng batas, alituntunin, at patakaran para


sa kabutihan at kaunlaran ng komunidad. Hinuhuli ang mga kriminal at
nagpapanatili ng kaayusan.

3. Paglalahat

Ngayon tingnan ulit ninyo ang mga larawan.

Maaari nyo bang banggitin ang mga bumubuo ng ating komunidad?

Ano ang ibig sabihin ng komunidad?

Saan naman maaring matagpuan ang isang komunidad?

Sa mga nabanggit naman na halimbawa na bumubuo sa ating


komunidad alin sa mga iyan ang nakikita mo papunta sa inyong
paaralan?

Saan nga ba maaaring matagpuan ang sarili nating komunidad?

Alam nyo ba na ang kanya-kanya nating komunidad ay maaaring


matagpuan sa iba’t ibang lugar? Ang komunidad ay maaaring
matagpuan sa kapatagan o sakahan, matatagpuan din ang komunidad
sa kabundukan, ito din ay matatagpuan sa lungsod, gayon din sa mga
industriyal at sa tabing dagat.
(Kapatagan o sakahan) (Kabundukan) (Lungsod)

(Industriyal) (Tabing-dagat) (Talampas)

Ayon dito sa larawan, saan ba dyan ang inyong kinabibilangang


komunidad at saan ito matatagpuan?

Ano ang kadalasang nakikita mo sa iyong komunidad?

Bakit mahalaga para sayo na malaman kung ano ang kinabibilangan


mong komunidad?

Subukin nyo ring tanungin ang inyong katabi kung saan ang kanyang
komunidad matatagpuan?

Mahalagang malaman ninyo kung saang komunidad kayo nabibilang at


kung ano ang kahalagan nito sa inyong buhay.
4.) Paglalapat

Sa larawan na ito kulayan ninyo kung saan ang kinabibilangan ninyong


komunidad. Sa ginawang aktibidad ipaliwanag ninyo kung bakit yan ang
kinabibilangan ninyong komunidad at i-presenta ito sa harapan.

(Kabundukan) (Kapatagan o sakahan) (Lungsod)

(Industriyal) (Tabing-dagat) (Talampas)

IV. PAGTATAYA

Sa malinis na papel, isulat ang letrang T kung ang sagot ninyo ay tama at letrang
M naman kung ito ay mali.

1. Sa paaralan tayo namimili ng mga pangangailagan natin.


2. Sa pook-libangan madalas naglalaro ang mga bata.
3. Pumupunta tayo sa simbahan upang magpagamot.
4. Ang pamilya ay parte ng komunidad.
5. Sa sentrong pangkalusugan madalas matatagpuan ang mga doktor at nars.
6. Ang pook-libangan ay tinatawag na pasyalan.
7. Sa paaralan karaniwang makikita ang guro at mag-aaral.
8. Sa pananahan nakatira ang pamilya.
9. Ang sentrong pangkalusugan ang gumagawa ng batas at alituntunin para sa
kabutihan at kaunlaran ng komunidad.
10. Sa simbahan ipinapahayag ang salita ng diyos.
V. TAKDANG ARALIN

Sa isang buong papel, iguhit ang inyong pinaka-paboritong lugar sa


komunidad gamit ang iba’t ibang art materials. Isulat sa ibaba ng drawing ang
paliwanag kung bakit ito ang napiling lugar.

Noted by: Prepared by:

MA. ENGRID MANUKIL, LPT FLANDERS MEI G. OGAYA


Educ-1 Instructor Beed-2 Student

You might also like