You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin (ESP)

Ikatlong Markahan

Teacher: Cyril M. Villaronte Date of Observation: 11-03-24


Cooperating Teacher: Mrs. Ivy Fiona Ibasco School: Zeferino Arroyo High School

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa katapatan sa salita at
Pangnilalaman gawa.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag - aaral ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng


Pagganap katapatan sa salita at gawa.

C. Mga Kasanayan Nakikilala ang


sa Pagtuturo a. kahalagahan ng katapatan,
b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
EsP8PBIIIg - 12.1
II. NILALAMAN
Modyul # 12
Nilalaman Katapatan sa Salita
III. MGA
KAGAMITAN SA
PAGTUTURO
A. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. (Aklat)
Gabay ng Guro
pp. 314-334

B. Mga Pahina ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7. (Aklat)


Kagamitang
pp. 314-333
Pang-mag-aaral

C. Mga pahina ng pp. 314-333


teksbuk
D. Karagdagang  PowerPoint Presentation
kagamitan mula  Mga larawan mula sa internet
sa portal ng  Seven Benefits of telling the truth.(2010). Retrieved from
learning http://ekhoz.com/2007/03/22/seven-benefits-of-telling-the-truth/ on
Resources September 1, 2010
 Encyclopedia of Children’s health. Lying. Retrieved from
http://www.healthofchildren.com/L/Lying.html on September 1,2010
Gorospe, V (1974). The Filipino search for meaning: Moral
Philosophy in a Philippine Setting. Quezon City: Jesuit Educational
Association.
 Alejo, P. (2004). Values Guisado. Mandaluyong City: SIBS Publishing
House
 Isaacs, D.(2000). Character Building. Portland Oregon: Four Courts
Press
 Institute for Development Education Center for Research and
Communication.(1989). Virtue: The value of Education. Manila:
Sinagtala Publishers Inc.

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa Panimulang Gawain
nakaraang aralin
o pagsisimula ng  Panalangin
bagong aralin  Pagbati
 Pagtsek ng atendans

BALIK-ARAL:

Ano ang ating tinalakay noong nakaraang


linggo.

Saan kaya makikita ang paggawa ng mabuti


sa kapwa?

Ito po ay tungkol sa
Paggawa ng Mabuti sa
Kapwa

Sa kagandahang-loob po
kung saan ito ay
Nagagalak ako dahil natatandaan pa ninyo matutunghayan sa iba’t
kung ano ang tinalakay natin noong ibang pamamaraan ng
nakaraan. pagmamahal at pagkalinga
sa kapwa
Wala naman nang katanungan sa ating Makikita rin ang kabutihang-
dating aralin loob sa maayos at
mapayapang pamumuhay.
PAGGANYAK:

“KA-PUZZLE MAN”

Mekaniks ng laro: Wala na po Binibini


1. Papangkatin ang klase sa 3 grupo
2. Bubuohin nila ang larawan na nakuha
3. Sisigaw ng LEZZGO BABY ang unang
makatapos
4. At ilarawan ang nakita sa nabuong
konsepto.

MGA LARAWAN NA BUBUOHIN


SAGOT:
KATAPATAN
B. Paghahabi sa (Ipababasa ng guro sa mga mag-aaral ang layunin ng aralin)
layunin ng aralin Nakikilala ang
a. kahalagahan ng katapatan,
b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
C. Pag-uugnay ng Nakaranas na ba kayong lumikha ng
halimbawa sa kuwento sa harap ng iyong mga kaibigan? Opo.
bagong aralin
Habang ibinabahagi mo ito sakanila, marahil
labis ang nararamdaman mong kagalakan
dahil nakikita mong naniniwala sila sa lahat
ng iyong sinasabi. Nakukuha mo ang
kanilang pansin, at ang kanilang paghanga.
Ang mga ganitong pangyayari ang patuloy
na nagtutulak sa iyo upang gawin ito nang
paulit-ulit, hanggang sa ito ay iyo nang
makasanayan.

Alam niyo ba? Na kapag may isang bagay


ka na ginawa sa loob ng 21 araw na paulit-
ulit, ito ay iyo nang magiging habit o
kasanayan. – Dr. Maxwell Maltz(Psycho-
Cybernetics 1960)

D. Pagtalakay ng Maari niyo bang ipaliwanag yung sinasabi ng


bagong mga studyante ngayon na “TEACHERS CALL
konsepto at IT CHEATING, WE CALL IT TEAMWORK”.
Halimbawang sagot:
paglalahad ng
May mga pagkakataon po
bagong
kasi na kapag hindi naman
kasanayan #1
po nahuhuli ang isang akto,
hindi po siya matatawag na
Cheating.
Tama ka, ngunit para sainyo etikal ba yung
ganon na gawain?

Hindi po Binibini.
Kagaya ng isang bilog, bali-baliktarin mo
man ito, bilog pa rin ang kaniyang hugis.
Kahit bali-baliktarin mo ang mundo, may
mga etikal talaga para sainyo ngunit hindi
siya moral sa isang tao.
E. Pagtalakay ng Ngayon, tatalakayin na natin ang
bagong KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
konsepto at
paglalahad ng Alam niyo ba na ang anumang uri ng
bagong pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan
kasanayan #2 at katapatan?

Mga iba’t-ibang uri ng pagsisinungaling

1. Prosocial Lying
- Pagsisinungaling upang
pangalagaan o tulungan ang
ibang tao.
- Madalas na nagagawa ito para sa
isang taong mahalaga sa
kaniyang buhay.
Bakit kaya minsan napipilitan tayong
magsinungaling sa ating mga mahal sa
buhay?
Halimbawang sagot:
Sa maraming pagkakataon,
hindi man natin ninanais,
hindi natin mapabayaan ang
taong mahalaga sa atin kung
kaya napipilitan tayong
magsinungaling para
sakanila.

2. Self-enhancement Lying
- Pagsisinungaling upang isalba ang
sarili upang maiwasan na
mapahiya, masisi o maparusahan
Magbigay ng halimbawa ng Self-
enhancement Lying
Halimbawang sagot:
Ang mga chismosa po, dahil
kadalasan mas angat ang
kanilang reputasiyon kesa sa
mga kinekwento nilang kung
ano ano sa ibang tao.
Mahusay!
3. Selfish lying
- Pagsisinungaling upang
maprotektahan ang sarili kahit pa
makapinsala ng ibang tao.
Totoo bang may mga taong sakim?
Maniwala man tayo sa hindi,
may mga tao talaga na labis
na makasarili, ang tanging
iniisip ay ang pansariling
kapakanan at hindi na iniisip
kung makakasakit ng
kaniyang kapwa.

4. Antisocial Lying
- Pagsisinungaling upang sadyang
makasakit ng kapwa
Ano yung rason kung bakit lumilikha tayo ng
kuwento na makakasira sa ibang tao?
Minsan kapag may galit tayo
sa isang tao, limilikha tayo
ng maraming kuwento na
makasisira sa kaniyang
pagkatao. Ikakalat ito sa
mga taong nakakakilala sa
kaniya na may hangarin na
sirain ang pagtingin ng mga
ito sa kaniya. Sa paraang ito
nakararamdam ng kasiyahan
ang taong gumagawa nito.
Ito ay dahil sa kaniyang
palagay na makgaganti siya
sa kaniyang kaaway.
Mga dahilan kung bakit nagsisinungaling
ang isang tao.
a. Upang makaagaw ng atensiyon o
pansin
b. Upang mapasaya ang isang
mahalagang tao
c. Upang hindi makasakit sa isang
mahalagang tao
d. Upang makaiwas sa personal na
pananagutan
e. Upang pagtakpan ang isang suliranin
na sa kanilang palagay ay seryoso o
malala
Alin kaya diyan ang kadalasan na nagagawa
ng mga mag-aaral ngayon na gaya niyo?
Halimbawang sagot:
Para po saakin Binibini, lahat
po yan depende sa
sitwasiyon na naroroon ang
isang mag-aaral.
F. Paglinang ng Ano kaya ang mga pinakamahalagang
kabihasnan(tung dahilan sa pagsasabi ng totoo?
o sa formative Mga halimbawang sagot:
Assessment) 1. Ang pagsasabi ng
totoo ang natatanging
paraan upang
malaman ng lahat ang
tunay na mga
pangyayari. Sa
ganitong paraan,
maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan,
kalituhan, at hindi
pagkakasundo sundo
2. Ang pagsasabi ng
totoo ang magsisilbing
proteksiyon para sa
mga inosenteng tao
upang masisi o
maparusahan.
3. Ang pagsasabi ng
totoo ang magtutulak
sa tao upang matuto
ng aral sa mga
pangyayari. Sabi nga
nila minsan masakit
talaga malaman ang
katotohanan ngunit
mas magiging masakit
kung ito ay
pagtatakpan ng
kasinungalingan.
4. Mas magtitiwala sayo
ang iyong kapwa. Ang
tiwala ay inaani mula
sa patuloy na
pagpapakita ng
magandang
halimbawa ng
katapatan sa kapwa.
Hindi ito hinihingi
dahil hindi naman din
ito basta ibibigay sa
hindi karapat-dapat.
Ito ay itinatanim at
inaani sa tamang
panahon. Isang
pagkakataon lamang
na masira ang tiwala
ng iyong kapwa sa iyo
napakahirap na itong
mabawi o mabura.
Ang isang saglit ng
pagsinungaling,
panloloko at
pagnanakaw ay
kapalit ng habang
buhay na pagkasira
ng iyong pagkatao sa
mata ng iyong kapwa.
5. Hindi mo na
kinakailangang
lumikha pa ng
maraming
kasinungalingan para
lamang mapanindigan
ang iyong nilikhang
kuwento. Sa
mahabang panahon
gagawin mo ito para
lamang
mapagdugtong-
dugtong ang mga
kasinungalingang
iyong katha.
6. Inaani mo ang
reputasiyon bilang
isang taong
yumayakap sa
katotohanan – isang
birtud na
pinapahalagahan ng
maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng
totoo lamang ang
magtutulak sa iyo
upang makaramdam
ng seguridad at
kapayapaan ng
kalooban. Ang
pagsisinungaling ay
nagdudulot ng bigat
ng kalooban, isang
dikta ng konsiyensiya
na patuloy na
babagabag sa iyong
kalooban. Ito ang
magiging dahilan
upang hindi ka
magkaroon ng
katahimikan.

G. Paglalahat ng 4 na pamamaraan ng pagtago ng


aralin katotohanan (Vitaliano Gorospe 1974)

1. Silence
- Pananahimik
- Ito ay nangangahulugang
pagtanggi sa pagsagot sa
anumang tanong na maaaring
magtulak sa kaniya upang ilabas
ang katotohanan.

Bakit kaya may mga taong nanahimik sa


Halimbawang sagot:
katotohanan?
Sa kabila ng pamimilit ng
ilang tao na ang nais ay
makialam sa buhay ng iba
ngunit wala naming
karapatan sa katotohanan ay
mas pinipiling manahimik na
lamang
Ngunit sa mga taong hindi
gaanong malawak ang pag-
iisp, sasabihin lamang nila
ang kahulugan ng
pananahimik ay pag-amin sa
katotohanan

2. Evasion
- Pag-iwas
- Ito ay nangangahulugan ng
pagliligaw sa sinumang humihingi
ng impormasyon sa pamamagitan
ng hindi pagsagot sa kaniyang
mga tanong.

Ano kaya yung sinasabi na pag-iiba ng


usapan at ano kaya ang mga pamamaraan
nito? Halimbawang sagot:
Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng pag-iiba ng
usapan, pagbibigay ng ibang
tanong, pagtrato sa tanong
ng kausap bilang isang biro
o kung minsan ay
nagpapakita na siya ay
nasasaktan. Ang pag-iwas ay
nangangailangan ng bilis at
talas ng pag-iisip.

Ano kaya ang terminolohiya natin nito bilang


mga Gen Z? - Pagchange topic

3. Equivocation
- Pagbibigay ng salitang may
dalawang ibig sabihin o kahulugan

Bakit kaya possible yung mga ganon na


pangyayari? Mga halimbawang sagot:
- Ito ay pagsasabi
ng totoo, ngunit
ang katotohanan
ay maaaring
mayroong
dalawang
kahulugan o
interpretasiyon.
- Upang maging
lehitimo ang
paraang ito,
kailangan na ang
parehong
kahulugan ay
pawang
magdadala sa
kanila sa malalim
na pag-iisip.
- Dahil dito, maaring
matuon ang
kaniyang pansin sa
isang kahulugan
na magliligaw sa
kaniya sa
katotohanan lalo
na kung hindi
naging maingat sa
kaniyang mga
paghuhusga.

Mga halimbawang Sagot:


- Ito ay mag-aakay
sa taong humihingi
4. Mental reservation ng impormasiyon
- Pagtitimping pandiwa sa isipan kung ano
- Ito ay nangangahulugang ang nais na ipaiisip
paglalagay ng limitasyon sa tunay ng nagbibigay ng
na esensiya ng impormasiyon. impormasyon.
- Ang isang bahagi
Paano kaya ito magiging batis ng kalituhan? ng katotohanan ay
nananatili sa isip
ng taong
nagbibigay ng
impormasyon
upang ang
bahaging sinabi ay
magdulot ng
kalituhan.

H. Paglalapat ng
aralin sa pang- Ikaw, alin sa mga sumusunod na pagsinungaling ang nagawa mo na, at
araw-araw na bakit? Nasolusyonan mo ba ito?
buhay
I. Pagtataya ng Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita?
Aralin (Nakalagay Sa ¼ bahagi ng papel)
J. Karagdagang Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing
Gawain para sa taliwas sa katapatan?
takdang aralin at
remediation
V. PUNA

VI. REPLEKSIYON

You might also like