You are on page 1of 3

I.

Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

● natutukoy kung denotatibo o konotatibo ang kahulugan ng salitang ginamit sa pangungusap; at

● natutukoy ang mga salitang may konotatibong kahulugan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa Kahulugan ng Salita: Denotatibo at Konotatibo

B. Kagamitan

● sipi ng bahagi ng akdang “Ang Ama”

● presentation slides kaugnay sa aralin

● papel at panulat

● WiFi connection

● laptop o iba pang gadget na maaaring kumonekta sa Internet

C. Sanggunian

● Aviles, L. (2016). Konotatibo at Denotatibo. Nakalap mula sa https://www. youtube.com/watch?


v=w00hnaqB-YA

● Filipino 9 Yunit 1: Dalawang Paso ng Orchids. Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Denotatibo at Konotatibo

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Springboard: 3 - 5 minuto

1. Ipabasa at ipasuri ang sumusunod na pangungusap: (Slide 3, 4, at 5)

● Araw ○ Masaya ang araw na ito para sa kanilang pamilya. ○ Karaniwang ang bunso ang araw sa
pamilya.

● Hayop ○ Wala silang alagang hayop dahil nagkakasakit ang mga bata dahil dito. ○ Hayop ang ama sa
paggawa niya ng mga bagay na nakasasakit sa kaniyang pamilya.

● Papel ○ Naranasan na kaya ni Mui Mui na magsulat sa isang papel? ○ Hindi nagampanan ng ama ang
kaniyang papel sa buhay ni Mui Mui hanggang sa pumanaw ito.

● Kanang-kamay ○ Marahil, kanang kamay ang ginamit ng ama ni Mui Mui sa pananakit sa kanya. ○
Hindi kailanman magiging kanang kamay ng may-ari ng lagarian ang ama ni Mui Mui dahil madali siyang
matukso ng alak at ayaw iyon ng amo.

● haligi ng tahanan ○ Dahil sa mababang kita, hindi niya mapaayos ang haligi ng kanilang tahanan.
Pagganyak: 3 - 5 minuto Ipagawa: (Slide 6)

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang slides at pahulaan sa kanila kung denotatibo o konotatibo ang
kahulugang ibinigay sa mga larawan mula sa Donotatibo at konotatibo

2. Ipapanood lamang ang bahaging 0:00-1:43

B. Paglinang na gawain

1. Mga Gawain (Activity)

E-larawan Natin (Slide 9) Takdang Oras: 3-4 minuto

● Sa isang presentasyon, magpakita ng mga larawang kumatawan sa dalawang posibleng kahulugan ng


isang salita.

● Magbigay rin ng halimbawang pangungusap para sa limang salitang ilalahad. Hindi na maaaring
gamitin muli ang mga salitang nabanggit na sa klase.

2. Pagsusuri (Analysis)

E-larawan Natin (Slide 11) Itanong:

1. Nakatutulong ba ang larawan sa pag-alam sa kahulugan ng isang salita?

2. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagkakaiba ng kahulugan ng isang salita?

3. Mahalagang malaman ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita?

3. Paghahalaw(Abstraction)

Ipagawa: (Slide 14)

1. Magpapakita ang guro ng mga larawan ng ilang hayop na madalas na may ibang kahulugan sa
kulturang Pilipino. (Halimbawa: ahas, baboy, kalapati, buwaya, at iba pa.)

2. Bubuuin ng mga mag-aaral ang pahayag na: “_______ minsan hayop, minsan _________.”
Halimbawa: “Pagong, minsan hayop, madalas trapik sa EDSA.”

3. Ipapaliwanag ng sinuman sa klase ang ipinahahayag ng nabuong pahayag.

4. Tatalakayin kung bakit nagkakaroon ng ibang kahulugan ang mga pantawag sa hayop at ang
denotatibong at konotatibong kahulugan ng mga salita.

4. Paglalapat(Application)

Itanong: (Slide 15)

● Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagkakaroon ng denotatibo at konotatibong kahulugan ng isang


salita?

● Ano ang sinasalamin ng pagkakaroon ng maraming kahulugan ng isang salita sa kulturang Pilipino?

● Paano matutukoy ang kahulugan ng salita sa isang pangungusap?


Pagpapahalaga

Itanong: (Slide 16) Bakit kinakailangang matiyak natin na wasto ang ating pagpapakahulugan sa isang
salita?

C.Paglalahat

Inaasahang Pagpapahalaga 1. Itanong muli ang mahahalagang tanong. Balikan ang Slide 7. 2. Hayaan
munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago ipakita ang mga inaasahang pag-
unawa.

IV. Pagtataya

Piliin sa ibaba ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng sumusunod na salita batay sa kuwentong
iyong binasa. mahina lasa malupit bata tatay pangyayari panlaman-tiyan pagdiriwang kaligayahan
pakiramdam

Salita Denotasyon Konotasyon


1. okasyon
2. paslit
3. pagkain
4. timpla
5. ama

V. Kasunduan

Maghanap ng lima pang salita mula sa akdang “Ama” na may denotatibo at konotatibong kahulugan.
Itala ito sa isang buong papel, ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga ito at bumuo ng
pangungusap para sa bawat isa. (Slide 20)

You might also like