You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
MEXICO NORTH DISTRICT
STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL

School: STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: 4


Teacher: ABEGAIL T. PONTERES Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Date: FEBRUARY 29, 2024 Quarter: THIRD
Time: School Year: 2023-2024

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling disiplina
para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa.
B. Performance Standards Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para makapagpasya nang wasto tungkol sa
epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa at
daigdig.
C. Learning  nasusuri ang mga iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
Competencies/Objectives/wit ng kapaligiran;
h Code  naitatala ang mga pamamaraan ng pagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan ng kapaligiran.
II. CONTENT Disiplinado Ako sa Pagsunod sa mga Batas!
III. LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guides/
Edukasyon sa Pagpapakatao Teacher’s Manual, page 136-142
pages
2. Learner’s Material Edukasyon sa Pagpapakatao – Aralin 5, pahina 219 - 229
(textbook)/ pages Quarter 3 - Module 3 (pages 1-15)
3. Additional
Reference/s
B. Other Learning Resources Visual Aids, Larawan, PowerPoint Presentation
III. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
or presenting the new lesson ________1. Laki sa ibang bansa ang pinsan ko ngunit siya ay isang Pilipino. Hindi siya
gumagamit ng po at opo kapag kausao niya ang nanay ko kaya tinuruan ko siya at
ipinaliwanag na ito ay tanda ng paggalang.
________2. Hindi ako masyadong bumibili ng mga produktong gawa sa Pilipinas dahil
di sila kasing ganda at tibay ng mga imported.
________3. Kahit mahirap ang sayaw na “Tinikling” gusto ko pa rin itong matutunan.
________4. Gagayahin ko ang karakter ni Pagong sa kwentong “Ang Pagong at Ang
Kuneho dahil matiyaga siya at may determinasyon kaya siya ay nagtagumpay.
________5. Hindi ko ikinakahiya ang kayumanggi kong balat. Ipagmamalaki ko na ako’y
isang Pilipino.
B. Establishing a purpose for Ayusin ang mga scrambled letters upang makabuo ng sagot na salita.
the lesson 1. Ang taong mayroon nito ay gumagawa ng mabuti kahit walang nakakakita sa
kanya. DILISINPA
2. Ito ay dapat panatilihing maayos at malinis para sa ating kaligtasan.

Address: Sto. Rosario, Mexico, Pampanga


Mobile No.: 09452283407
Email Address: 106179@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
MEXICO NORTH DISTRICT
STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL

KARALIPAGIN
3. Ito ay dapat alagaan at protektahan dahil ito ay ating tahanan. KILASAAKN
4. Ito ay dapat nating gawin upang maisalba sa pagkasira ang ating kalikasan.
MAGNUTLGAUN
C. Presenting examples of the Pakinggan ang kwentong “Tayo nang Kumilos” Ni Patricia O. Opeña
new lesson
D. Discussing new concepts Mga Gabay na Tanong:
and practicing new skill 1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa diyalogo?
2. Ano ang proyektong gagawin ng Baranggay Maligrosa?
3. Bakit dapat sumali sa mga proyektong pangkapaligiran?

Batay sa diyalogong iyong binasa, iguhit ang thumbs up kung tama ang ipinapahayag sa
bawat bilang at thumbs down naman kung mali.
______1. Mahalaga kay Miguel ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang
barangay.
______2. Maganda ang katwiran ni Jane na wala naming nakakita sa kanya kaya
maaari na niyang itapon ang basura kung saanman.
______3. Malaki ang maitutulong nina Jane at Miguel sa pangangalaga ng kapaligiran
sa kanilang barangay.
______4. Wala namang mapapala sina Jane at Miguel sa pagtulong nila sa paglilinis.
______5. Pinulot ni Jane ang itinapon niyang kalat dahil sa karatulang itinuro ni Miguel
E. Discussing new concepts  Ang kalikasan ang tunay na ating tahanan hindi lamang ang ating bahay na
and practicing new skill tinitirahan. Ito ay dapat lamang nating pahalagahan, ingatan, at pangalagaan.
 Inaasahan ang pansariling disiplina upang higit na maingatan, maisalba, o
maibalik ang buhay ng ilang naghihingalong bahagi ng kapaligiran.
 Paano kaya tayo mabubuhay kapag tuluyan na itong namatay, nawala, at
hindina karapat-dapat gamitin?
 Ipaliwanag ang mga sumusunod na pangungusap na makikita sa mga karatula:
“Save the forest.”
“Huwag Magtapon ng Basura”
“Let’s keep our community clean”
“Tapat Ko, Linis Ko”
“Ihiwalay ang nabubulok sa di-nabubulok na basura”

F. Developing mastery Isulat ang salitang Tama sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at Mali kung hindi.
________1. Tinatapon ni Erik ang mga basurang ginamit sa tamang lagayan.
________2. Pinagsasama-sama ni John ang mga nabubulok at dinabubulok na basura.
________3. Pinaaalalahanan ni Ezekiel ang mga kapatid na bawal magsunog ng mga
basura.
________4. Pinupulot ni Joaquin ang mga nakitang dumi at tinatapon niya ito sa
basurahan.
________5. Nilalagay sa ilalim ng kama ni Marielle ang mga balat na kaniyang

Address: Sto. Rosario, Mexico, Pampanga


Mobile No.: 09452283407
Email Address: 106179@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
MEXICO NORTH DISTRICT
STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL

pinagkainan.
G. Finding practical Igrupo ang mga bata sa tatlo. Ipabuo ang isang picture puzzle patungkol sa mga
applications of concepts and karatulang nagpapakita ng pangangalaga ng kapaligiran. Idikit ang larawang nabuo sa
skills in daily living isang manila paper. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong
magawa bilang disiplinadong mamamayan para sa mga nabuong larawan. Hayaang
ipaliwanag ng isang miyembro ng grupo ang kanilang ginawa.

Rubrik sa Paggawa
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Nabuo ng mahusay ang larawan 5
Sapat at akma ang ideya ng sinulat na 5
pangungusap
Sumunod sa panuto. 3
Tulong-tulong at tahimik sa paggawa 2

H. Making generalizations and Bilang isang kabataan, ano ang iyong maitutulong para mapanatili ang kalinisan at
abstractions about the lesson kaayusan ng kapaligiran?
I. Evaluating learning Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat
patlang.
_____1. Nakita mo na nagtatapon ng mga basura kung saan-saan si Mila. Ano ang
gagawin mo?
a. Gagayahin ko siya b. Hindi ko siya papansinin
c. Lalapitan ko siya at sasabihin na magtapon sa basurahan
_____2. Habang naglalakad si Jerome, nakakita siya ng karatulang may nakasulat na,
“Huwag magtapon ng basura dito”. Kung ikaw si Jerome, ano ang gagawin mo?
a.Tanggalin ang karatula at magtapon ng basura
b.Magtatapon pa rin ng basura dahil walang nakakakita
c. Sundin ang nakasulat na huwag magtapon ng basura
_____3. Sinabihan ka ni nanay na lagyan mo ng mga label ang mga basurahan para ito
ay nakaayos. Ano ang gagawin mo?
a.Susundin ko si Nanay b.Hindi ko susundin ang utos ni nanay
c. Pagsasawalang-bahala ko ang sinabi ni nanay
_____4. Nakita mo na may nakasulat na “Let’s keep our community clean” sa tapat ng
inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
a.Susundin ko ang nakasulat b.Hindi ko papansinin ang nakasulat
c. Magtatapon pa rin ako ng mga basura kahit saan
_____5. Nagsusunog ng mga plastik at tuyong dahon ang iyong kapatid, ano ang
gagawin mo?
a.Pagsasawalang-bahala ko ito b.Sasali ako sa pagsusunog ng mga ito
c. Sasabihan ko ang aking kapatid na tigilan na ito dahil nakasasama ito sa kapaligiran
_____6. Nagpapatulong ang iyong tatay sa paglilinis ng inyong bakuran, ano ang
gagawin mo?

Address: Sto. Rosario, Mexico, Pampanga


Mobile No.: 09452283407
Email Address: 106179@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
MEXICO NORTH DISTRICT
STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL

a.Tutulungan ko si tatay b.Hindi ko pakikinggan si tatay


c. Sasabihan ko si tatay na ayaw ko
_____7. Nakita ni Carlo na nagbubuhat ng mga paso ang kanyang lola, kung ikaw si
Carlo, ano ang gagawin mo?
a.Pababayaan ko si lola b.Titignan ko lang si lola
c. Tutulungan ko sa pagbubuhat si lola
_____8. Napansin mo na maaari pang gawing paso ang mga lumang bote ng tubig para
sa inyong gulayan, ano ang gagawin mo?
a.Pababayaan ko na lamang ito b.Ilalagay ko na lamang ito sa bodega
c. Lilinisin ko ang mga ito upang gawing paso
_____9. Nakita ni Bea na nagpuputol ng mga puno si Mang Tonyo, kung ikaw si Bea,
ano ang gagawin mo?
a.Pababayaan ko lang siya b.Hindi ko siya papansinin
c. Sasabihan ko siya na bawal at nakakasama sa kapaligiran ito
_____10. Isa ka sa mga nagsusulong ng kaayusan at kalinisan sa inyong barangay,
paano mo ito maipakikita?
a.Pagtatapon ng mga basura sa tamang lagayan
b.Hindi nagsusunog ng mga bagay bagkus nagsasagawa ng muling paggamit ng mga
patapong bagay o recycling
c. Lahat ng mga nabanggit
J. Additional activities for Hand stamping at panata para sa Kapaligiran
application or remediation 1. Gamit ang berdeng water color, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit
sa pagsusulat.
2. Kapag sigurado ka na at puno na ng kulay ang bawat daliri ay sabay sabay
mong ii-stamp sa isang nakahandang puting bond paper.
3. Hayaan muna itong matuyo.
4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang “Panata para sa Kapaligiran” na nasa
ibaba. Buuin mo ang panata at kaag sigurado ka na sa iyong panata ay isulat ito
ng may disenyo sa ilalim ng ini-stamp mong daliri sa bond paper.

IV. REMARKS

Address: Sto. Rosario, Mexico, Pampanga


Mobile No.: 09452283407
Email Address: 106179@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
MEXICO NORTH DISTRICT
STO. ROSARIO ELEMENTARY SCHOOL

V. REFLECTION
A. No. of learners earned
80%in the evaluation.
B. No. of learners who
required additional activities
for remediation who scored
below 80%
C. Did the remedial lesson
work? No. of learners who
have caught up with the
lesson.
D. No. of learner who
continue to require
remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why
did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my principal
or supervisor can help me
solve?
G. What innovation or
localized materials did I
used/discover which I wish to
share with other teachers?

Prepared by:

ABEGAIL T. PONTERES
Teacher I
Noted by:

ROSALIA G. PASCUAL
Principal II

Address: Sto. Rosario, Mexico, Pampanga


Mobile No.: 09452283407
Email Address: 106179@deped.gov.ph

You might also like