You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION 2
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

MTB-MLE
IKATLONG MARKAHAN- MODYUL 3

Mga Bumuo ng Modyul

Mga Manunulat: LUZVINA G. REYNALD0


MA. IREEN P. LEJANO
Tagaguhit : MA. CRISTINA A. MACATO
Mga Tagasuri ng Nilalaman: SHEILA C. MOLINA
AMAFLOR C. ALDE
Tagasuri ng Wika: TOMMY R. RICO
Tagapamahala:
MALCOLM S. GARMA, Regional Director
NERISSA L. LOSARIA, Schools Division Superintendent
GENIA V. SANTOS, CLMD Chief
JOCELYN M. ALIŃAB, CID Chief
MARICAR D. AGAO, Regional EPS, MTB
SHEILA C. MOLINA, Division EPS, MTB
DENNIS M. MENDOZA, Regional LR Supervisor
MARICAR D. AGAO, Regional Librarian
TOMMY R. RICO, Division LR Supervisor
NANCY M. MABUNGA, Regional Librarian

Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

ARALIN
Kumilos Tayo!
3
Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
Nagagamit ang mga salitang kilos sa paglalahad at
pagsasalaysay ng sariling karanasan sa pagbibigay
ng simpleng 3-5 direksyon gamit ang mga pantulong
na salita gaya ng una, ikalawa, pagkatapos,
susunod, atbp. (MT2GA-IIId-i-1.4.1)
Unang Pagsubok
Panuto: Punan ng angkop na pandiwa ang mga
sumusunod na pangungusap . Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.

maliligo ihahanda makikinig


kukunin aalis pupunasan

Ang Aking Paghahanda Bago Dumalo


sa Isang Online Class
Una, ako ay __________ at magbibihis upang maging
maayos sa paningin ng aking guro at mga kaklase.

2
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Ikalawa, __________ko ang lamesa na aking gagamitin sa
online class.
Kasunod nito, ay _______ ko ang aking modyul at
cellphone na gagamitin.
Pagkatapos, ay _________ ko ang cellphone upang
makadalo sa online class.
At panghuli, _______ ako sa aking guro habang siya ay
nagtuturo.

Balik-tanaw
Panuto: Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit sa
bawat pangungusap at sabihin kung anong panahunan
ito. Isulat sa patlang ang iyong sagot. (Pangnagdaan,
Pangkasalukuyan, Panghinaharap)

___________ 1. Nagluto si Inay ng paborito kong pagkain


kahapon.
___________ 2. Si Ate ay kukuha ng modyul sa Lunes ng
umaga.
___________ 3. Naglalaro kami ng tagu-taguan ng aking
mga kapatid tuwing hapon.

3
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
___________4. Masayang kumakain ang mag-anak sa
parke.
__________5. Tuwing bakasyon ay naliligo kami ng
aming pamilya sa dagat.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Basahin nang tahimik ang teksto.

Munting Bakuran
ni Luzvina G. Reynaldo
Sa aming munting bakuran ay marami kang
makikitang halaman. May halamang namumulaklak at
halamang namumunga. Katuwang ako ni ina sa pag-
aalaga ng mga ito. Ako ang nagdidilig at siya naman
ang nagtatanim.
Kaya’t bata pa lamang ako ay alam ko na ang
mga paraan sa pagtatanim lalo’t kung ito ay sa paso
lamang. Narito ang paraan kung paano magtanim ng
halaman. Una, ihanda ang mga gagamitin sa
pagtatanim. Ikalawa, ihalo ang loam soil sa natural na
lupa na pagtataniman ng halaman. Ikatlo, ilagay ang
nahalong lupa sa isang paso. Pagkatapos, itanim ang
halaman at muling tabunan ng lupa upang hindi agad
ito mabuwal. At sa huli ay diligan ang halaman.

4
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________
Mga Tanong:
1. Saan nagtatanim ang mag-ina?
2. Ano ang naitutulong ng bata sa kaniyang ina?
3. Ano ang mga hakbang sa pagtatanim ayon sa iyong
binasa?
4. May karanasan ka bang maihahalintulad sa kuwento?
Ilahad ito.
5. Ano-anong magandang pag-uugali ang natutuhan
mo sa teksto.

Pagmasdan ang mga salitang nakapahilig.


Salitang kilos ang tawag sa mga salitang nagsasaad o
nagpapakita ng pagkilos ng mga tauhan sa kuwento o
sa isang teksto.
Narito ang iba pang halimbawa ng salitang kilos:
nagluto kumakanta nagsusulat
sumakay bumaba umiinom
Ngayon naman ay bigyang pansin mo ang mga
initimang salita. Gaya ng: una, ikalawa, ikatlo,
pagkatapos, at sa huli.
Ang mga salitang ito ay ginagamit bilang pananda
o nagbibigay ng hudyat sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari o gawain sa isang kuwento o teksto.
Maaaring ang mga ito ay nagpapahayag ng simula,
daloy at wakas ng pangyayari.
5
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

Gawain
I. Panuto: Gamit ang mga larawan na may panandang
bilang. Sumulat ng tamang paraan ng paghugas ng
kamay. Sikaping gumamit ng mga salitang kilos. Gawin
ito sa malinis na papel.

Rubrik ng paggawa:

Pamantayan

5-Naisulat ng kumpleto at 4-Naisulat nang malinaw 3-May kalituhan sa


malinaw ang direksyon sa ang direksyon ngunit mga isinulat na
paghuhugas ng kamay. may ilang kulang na direksyon at hindi
Gumamit ng mga salitang detalye. Gumamit ng gumamit ng salitang
kilos. mga salitang kilos. kilos.

6
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

II. Panuto: Sumulat ng maikling pagsasalaysay ng iyong


karanasan tungkol sa mga gawaing magkasama ninyong
ginagawa ng iyong ama, ina o kapatid. Pumili lamang ng
isa at huwag kalimutang gumamit ng salitang kilos sa
bawat pangungusap. Gawin ito sa malinis na papel.

Pamantayan

5 -Nakasulat ng 4-Nakasulat ngunit 3-Nakasulat ngunit


maikling salaysay hindi kaugnay ng hindi nakasunod sa
tungkol sa paksang paksang ibinigay. direksyong ibinigay.
ibinigay. Gumamit Gumamit ng mga
ng mga salitang kilos. salitang kilos.

Tandaan
Salitang kilos ang tawag sa mga salitang nagsasaad
o nagpapakita ng kilos ng mga tauhan sa kuwento o
isang teksto.

Ang mga salitang tulad ng una, ikalawa,


pagkatapos, at sa huli ay ginagamit bilang pananda o
hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
kaganapan sa isang kuwento.

7
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Basahin ang paraan ng paghihiwalay ng basura.
Salungguhitan ang salitang kilos na angkop sa
pangungusap.

Mga Paraan sa Paghihiwalay ng Basura

Una,(kumuha, magtabi) ng dalawang sako.

Pangalawa, (lagyan, buhusan)ang sako ng mga marka


para sa salitang nabubulok at di-nabubulok.

Pangatlo, (ikalat, ilagay) ang mga basura sa tamang


lalagyan.

Pagkatapos, (idikit, itali ) ang dulong bahagi ng sako


upang hindi mangamoy.

Sa huli, (itapon, itabi) ang basura sa takdang lugar na


ibinigay ng inyong barangay.

8
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 Mother Tongue Based
Multilingual Education
__________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Pillin ang
angkop na salitang kilos sa loob ng kahon upang
maipakita ang paraan ng tamang pagligo.

basain kuskusin sabunin


banlawan ibuhos patuyuin

1. Una, ___________ ng tubig ang buong katawan.

2. Ikalawa, _____________ ang katawan gamit ang bimpo.

3. Pagkatapos ay ___________ ang buong katawan

4. Ikaapat ay ___________ ang katawan gamit ang malinis

na tubig.

5. At sa huli ay ____________ ang katawan gamit ang

tuwalya at saka magbihis.

9
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
10
Paunang Pagsubok Balik tanaw
1. Maliligo at magbibihis 1. Nagluto/Pangnagdaan
2. pupunasan 2. Kukuha/Panghinaharap
3. ihahanda 3. Naglalaro/Pangkasalukuyan
4. kukunin 4. Kumakain/Pangkasalukuyan
5. makikinig 5. Naliligo/Pangkasalukuyan
Gawain I. 5 puntos – Ipinauubaya sa guro ang puntos ng tamang sagot base sa rubrik.
Gawain II. 1-5 – Ipinauubaya sa guro ang puntos ng tamang sagot base sa rubrik.
Pag-alam sa mga Natutuhan Pangwakas na Pagsusulit
1. kumuha 1. basain
2. lagyan 2. kuskusin
3. ilagay 3. sabunin
4. itali 4. banlawan
5. itapon 5. patuyuin
Susi sa Pagwawasto
__________________________________________________________________________________
Multilingual Education
Grade 2 Mother Tongue Based
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

You might also like