You are on page 1of 10

Gamit ng Pang-angkop at

Pangatnig
Gawaing Pampagkatuto sa Filipino 6
Ikatlong Markahan- Ikatlong Linggo

Inihanda ni:
MAY JOY O. LOMOFO

Department of Education.Cordillera Administrative Region


Schools Division of Mountain Province.Bontoc District.Bontoc Central
School
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF MOUNTAIN PROVINCE
Bontoc, Mountain Province

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad sa Seksiyon 9 ng Pampangulong Kautosan Bilang 49/ Seksyon


176 ng Batas Republika Blg. 8293:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang


akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon ng K to 12


Kurikulum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)
– Learning Resource and Management System (LRMDS). Maaaring
paramihin ang kopya nito para sa layong pang-edukasyon at
pinahihintulutang iwasto, dagdagan o pagbutihin ang mga bahagi sa
kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang-ari.
Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring gamiting pagkakakitaan.

i
PAUNANG SALITA

Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay proyekto ng Curriculum


Implementation Division lalo na Ang Learning Resource Management and
Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon, mga Paaralang Pansangay ng
Mountain Province bilang tugon sa pagpapatupad ng K to 12 Curriculum.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, mga


Paaralang Pansangay ng Mountain Province. Layunin nitong mapaunlad ang
pagganap ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa Filipino.

Petsa ng Pagbuo: Nobyembre 2021


Lokasyon ng Dulugan: Schools Division of Mountain Province. Bontoc
District. Bontoc Central School
Asignatura: Filipino
Baitang: 6
Uri ng Kagamitan Kagamitang Pampagkatuto (LAS)
Lenggwahe: Filipino
Taon ng Paglathala 2021
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagbibigay ng isang panuto gamit ang
pang-angkop at pangatnig.

Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at


MELC/Code pangatnig ( F6WG-IIIj-15)

Pokus na kasanayan Wika at Gramatika

Kwarter/Linggo: Ikatlong Kwarter/ Ikatlong Linggo

ii
PASASALAMAT

Taos-pusong pinasasalamatan ng may-akda ang sino mang tumulong sa kahit


anong paraan na hindi nabanggit ang pangalan para sa ikatatagumpay at pagkabuo
ng Gawaing Pagkatuto na ito;

Sa kanyang pamilya na nagbigay ng suporta at mga oras ng pagkakabuo ng


kagamitang ito;

Sa debeloper ng modyul na ginamit sa paggawa ng LAS na ito; at

Higit sa lahat, sa Panginoon sa walang katapusang paggabay at biyaya sa mga


panahong ginagawa ang kagamitan sa pag-aaral na ito.
Mayjoy.o.lomofo

PANDIBISYONG PAMATNUGUTAN NG LRMS

NIKKI T. MACABEO ANDRES M. CUYASAN


Librarian II Project Development Officer II

ELEONORA K. BALANTICAN DOROTHY L. CHAKIWAG JOCELYN P. SAMIDAN, EdD


MT 1/Division Evaluator EPSvr – Filipino EPSvr – LRMDS

MGA KONSULTANT

KHAD M. LAYAG, EdD


CHIEF, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN
OIC – Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent

iii
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Karapatang- ari …………………………………………………………………………… ii

Paunang Salita …………………………………………………………………………… iii


Pasasalamat ……………………………………………………………………………… iv
Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………………….. v

Pahinang Pamagat ………………………………………………………………………. 1


Kasanayang Pampagkatuto …………………………………………………………….. 1
Mga Gawain …………………………………………………………….………………… 3

Gawain 1 .………………………………………………….………………...........3
Gawain 2 .…………………………………………….……………………………. 4
Gawain 3 ………………………………………………….……………………….. 5

Pangwakas/ Repleksyon ..……………………………………………….………………. 6


Sanggunian ……………………………………………………………………………….. 6
Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………………….. 6

iv
Pangalan: ________________________ Baitang: ___________
Petsa: ___________________________ Iskor: _____________

Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig. ( F6PT-IIIj-15 )

II. Panimula/ Susing Konsepto


Ang Pang-angkop ay tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa
salitang tinuturingan. Ito ay ang mga katagang; na at ng. Sa makabagong balarila,
dalawa na lamang ang uri ng pang-angkop, ang na at ng.

Mga halimbawa: anak na dalaga, dalagang anak, bayang magiliw.


Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap
at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang lathalain ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa
pangungusap.
Uri ng Pangatnig
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni, maging, at man.

Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa labas?


2. Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung, kapag, pag, sakali,
sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
3. Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.
Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.
5. Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng:
upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon sa
trabaho.
1
6. Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit : kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.
7. Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at
kaisipan, gaya ng at, saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.
8. Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa
ganang akin/iyo, di- umano.
Halimbawa: Di-umano, mahusay umawit si Lesly.
9. Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang,
kung ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

III. Panuto
Ito ay ginawa upang magbigay ng kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa
loob ng isang linggo. Basahin, intindihin at gawin lahat ang mga naihandang
gawain.

IV. Pamaraan
Gawain I
Isulat ang tsek (/) kung tama ang ginamit na pang-angkop o pangatnig sa mga
sumusunod na mga pangungusap, ekis (X) naman kung mali ang paggamit.
_______1. May kaisa-isa na anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa Lanao.
_______2. Isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang
inihandog ng sultan sa kaniyang anak.
_______3. Kinuha ng prinsipe ang dalagang kaniyang minamahal.
_______4. Ang sarimanok daw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang
nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
_______5. Lumipad ang mahiwagang tandang at kinuha ang dalagang si Sari.

2
Gawain II
Punan ang patlang ng wastong pangatnig sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang
tamang sagot

ngunit nang kaya raw gaya

1. Nalungkot ang Datu _____________ mawala ang kanyang anak.

2. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kanyang anak ____________ di ito


dumating.

3. Si Sari ang nag-iisang anak ng Sultan _____________ mahal na mahal niya ito.

4. Ang mahiwagang ibon ay naghugis-anyo__________________ ng tao.

5. Kinuha ng mahiwagang prinsipe si Sari dahil siya _______________ ang


inalagaan at minamahal nito.

Gawain III.
Sumulat ng limang (5) pangungusap ukol sa larawan gamit ang pang-angkop
at pangatnig. Isulat ang mga pangungusap sa mga patlang.

3
1.
____________________________________________________________________
2.
____________________________________________________________________
3.
____________________________________________________________________
4.
____________________________________________________________________
5.
____________________________________________________________________

Rubrik sa pagpupuntos:
Mga Pamantayan Laang Aking
puntos puntos
NILALAMAN
 Lawak at lalim ng pagtalakay 5
BALARILA 5
 Wastong paggamit ng pang-angkop at pangatnig
Kabuuang puntos 10
5- napakahusay 2- di gaanong mahusay
4-mahusay 1- sadyang di mahusay
3-katamtaman

V. Pangwakas
Pang-angkop ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring
at sa salitang tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na, at ng.
Pangatnig naman ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay
ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap. Tulad ng mga katagang; at, pati, saka, ni, datapuwa,
maging, ngunit subalit, kung, nang, kapag, upang, dahil sa, sa
pagkat, kaya at para.
VI. Sanggunian
Filipino – Ikaanim na Baitang, Alternative Delivery Mode, Kwarter 3 -
Modyul 5: Paggamit ng Wastong Pang-angkop at Pangatnig, Unang
Edisyon 2020, Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
4
VII. Susi sa pagwawasto

Activity 1 Activity 3

1. X Iba- iba ang sagot.

2. /

3. /

4. /

5. /

Activity 2

1. Nang

2. Ngunit

3. Kaya

4. Gaya

5. Raw

You might also like