You are on page 1of 8

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO

Paaralan GHNHS Baitang/Antas 10-Volta


Guro Jerson L. Madriaga Asignatura Filipino 10
Araw at Petsa Martes/ Disyembre 06, 2022 Markahan Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kuwentong binasa na


Ang Alamat ni Mariang Sinukuan na nagmula sa mga Kapampangan.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapaglalarawan ang mga mag-aaral ng mga tauhan sa binasang


kuwento at nalalaman ang isang kultura ng isang bayan.

- Naipapaliwanag ang katangian ng mga tauhan sa pinanood na


bidyo, gayun din sa mga pinaniniwalaang diyos at diyosa ng
Pampanga.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


- Natutukoy ang lugar na pinagmulan ng mitolohiyang napanood.

- Nalalaman ang kultura at tradisyon na pinagmulan ng napanood na


mitolohiya.

II. NILALAMAN

Paksa Ang Alamat ni Mariang Sinukuan

Mga Kagamitan mga larawan, laptop, projector, speaker, panulat at papel


Istratehiya Balikan, Pagtataya, Pagyamanin, Isagawa, Paglalagom
Ang Alamat ni Mariang Sinukuan ng Bundok Arayat | Kwentong
May Aral Tagalog | Filipino Tales | Sims4 - YouTube
Sanggunian
Mariang Sinukuan, the Diwata of Mt. Arayat in Pampanga • THE
ASWANG PROJECT

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
, pangunahan mo ang ating panalangin sa (Pangungunahan ng mag-aaral na napili ang panalangin at
araw na ito. tutugon ang kanyang mga kamag-aral.)

2. Pagbati sa klase
Magandang araw rin po G. Madriaga
Magandang araw sa inyong lahat.
3. Pagsasaayos ng klase
Mangyaring pulutin muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong (Pupulutin ng mga mag – aaral ang mga kalat, aayusin ang
mga upuan at ayusin ang linya ng upuan at magsiupo kayo linya ng upuan at tahimik na magtutungo sa nakatalagang
sa inyong itinalagang lugar. upuan nila).
4. Pagtatala ng liban sa klase
Mangyaring sabihin ang “Narito po” kapag tinawag ko ang (Isa – isang tutugon ang mga mag-aaral.)
inyong mga pangalan.
B. Pagbabalik-aral

Kumusta ang inyong ilang raw na pahinga at kamusta ang


inyong araw ngayon (masayang pagbati)
1. Bago tayo dumako sa ating talakayin, ako ay mayroong
inihandang lalagyan na may nakalakip na mga tanong.
Bubunot ako sa index card ng pangalan at kapag natawag
pupunta sa harap ng klase at sasagot sa katanungan sa
paraang (Question and Answer). Malinaw ba class? (Sabay sabay sumagot) Opo, G. Madriaga

Magsimula na tayo (sambit ng guro)

(Tumawag ng pangalan) Lesly Dela Cruz

(Pupunta sa harapan at sasagutin ang tanong) ang sagot ng


Mahusay, Lesly mag-aaral at nakabatay sa kaniyang nalalaman.

(Tatawag pa ng mga mag-aaral)

B. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa ating talakayan, tayo ay


magkakaroon muna ng maikling laro. Ito ay tatawagin
nating “Pangalan Ko, Ibigay Mo”

Magpapakita ako ng larawan at ibibigay niyo ang kanilang


Opo, G. Madriaga
pangalan at kung sino sila.

Nasasabik na ba kayo class?

Ang guro ay sisimulan na ang aktibidad)


(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)
Si zeus po Sir, siya po pinuno ng mga diyos at ang
diyos ng langit at kidlat.
Unang larawan

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)


Mahusay!
Si Poseidon po Sir, siya po ang diyos ng karagatan.

Ikalawang larawan

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)


Si Athena po Sir yung build sa Mobile Legend
(tatawa ang lahat) siya po ang diyosa ng digmaan.
Mahusay, class

Ikatlong larawan

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)


Si Aphrodite po, siya po ang diyosa ng kagandahan.
Mahusay at pasimpleng tatawa
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)
Ikaaapat na larawan Si Artemis po Sir, diyosa ng pangangaso at ng
buwan.

Mahusay!

Ikalimang larawan (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral at sasagot)


Sir yung nakalaban po ni Wonder Woman sa movie,
siya po yung diyos ng kamatayan at impiyerno.

Magaling!

Ikaanim na larawan

Tama class, siyang tunay.

C. Paglalahad ng Aralin
Bago tayo magsimula, ano ang iyong nalalaman o ideya sa
panitikan na mitolohiya? Gusto kong marinig ang inyong (Isa isang sasagot ang mga mag-aaral)
mga nalalaman.

Mahusay class!

Alam niyo ba class na,,,

Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na


isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong
oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego
na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ito rin ay
isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa (ang mga magaaral ay nakikinig sa guro)
kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga
karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring
nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang
magtanong ang mga tao tuingkol sa pagkakalikha ng
mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa
pamamagitan nito ay nabigyan ng kalinawan ang mga
kababalaghang pangyayari at ang mga nakakatakot na
puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon,
apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.

Ang Greek Mythology class ay isa sa pinakasikat na


mitolohiya hindi lang sa buong mundo kung di sa ating
bansang Pilipinas.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga


kuwentong-bayang naglalahad ng mga tungkol sa mga
anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong bayan at epiko ng mga
pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong
uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng
Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang pinakamalaking kaibahan ng mitolohiya sa relihiyon ay


ang bilang at dami ng mga diyos/diyosa, at pagpapakita ng
mga katangiang mortal. Dahil dito’y ang pagkakasulat ng
diyos/diyosa ay maliit na titik sa mitolohiya ngunit malaking
titik naman ang pagkakasulat ng Diyos sa relihiyon.

D. Pagtalakay sa Aralin
a. Panimulang Pagtataya

1. Sa anong kontinente matatagpuan ang Pilipinas?

A. North America
B. Australia
C. Asia

2. Saang isla sa Pilipinas matatagpuan ang Pampanga?

A. Luzon
B. Visayas
C. Mindanao

3. Saang rehiyon sa Pilipinas nabibilang ang


Pampanga?

A. North Luzon
B. South Luzon
C. Central Luzon

4. Sa mga sumusunod na probinsiya sa pagpipilian, alin


ang hindi kalapit ng Pampanga?

A. Bulacan
B. Cebu
C. Zambales

5. Aling bundok ang kilala sa Pampanga?

A. Mount Arayat
B. Mount Pinatubo
C. Mount Pampanga

6. Ano ang pinakamalaking bayan sa Pampanga?

A. Candaba
B. Porac
C. Lubao

7. Alin sa pagpipilian ang lungsod sa Pampanga?

A. Angeles
B. Apalit
C. Arayat

8. Ano ang kabisera ng Pampanga?

A. Angeles
B. San Fernando
C. Mabalacat
9. Sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva
Ecija, Aurora, Bataan at Zambales. Ito ang rehiyonal
na lingua franca.

A. Kapampangan
B. Ilokano
C. Tagalog

10. Siinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang


Tarlac, gaya din sa timog-silangang Zambales,
hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at
timog-kanlurang Nueva Ecija.

A. Kapampangan
B. Pangasinense
C. Ilokano

Sino dito sa inyo ang Kapampangan? o sino dito ang taga (may magtataas o wala)
Pampanga?

Kapag sinasabing Kapampangan ano yung pumapasok (sasagot ang mga mag-aaral)
agad sa isip ninyo?

Ako kase class ay nakakaintindi ng Kapampangan pero


hindi nakakapagsalita ng diretsong Kapampangan. Yung
nanay ko kase taga-Pampanga siya, doon talaga siya
lumaki at alam niyo ba class na nakakamanghang
malaman ang patungkol sa mitolohiya na nagmula sa
Pampanga na wala akong kaalam alam na may ganoon
pala sa kanila. At mamaya ay ating tatalakayin.

(Sasagot)
Sino ang may alam sa inyo o narinig na yung lugar na Narinig lang po Sir pero hindi gaanong pamilyar kung saan
Arayat o yung Mt. Arayat? matatagpuan.

Ahh mabuti class, atlis narinig niyo na itong lugar na ito.


Ang Bundok Arayat ay natatagpuan sa munisipalidad
ng Arayat, lalawigan ng Pampanga. Ito rin ay makikita
sa bandang kanluran ng lungsod ng Angeles at malapit
din sa Clark Air Base.

Ang Bundok Arayat ay isa sa mga aktibong bulkan na


matatagpuan sa kapuluan ng Luzon. Gayunman, wala pa
namang naitatalang bagong pagsabog mula sa nasabing
bulkan.

Ayon sa tala, ang huling pagputok pa raw ng bulkan ay


naganap noong panahon ng Holoseno pa o higit 2,000
taon na ang nakararaan. Pero kahit na napakatagal pa
mula noong muling nag-alboroto ang bulkan, nananatili
itong may aktibong heotermal. Atraksiyon din ang Bundok
Arayat sa mga dayuhan.

Hahatiin ko kayo sa ____ grupo, kayo ay magsasaliksik ng


ibat ibang kultura ng Pampanga: tradisyon, paniniwala at
sining. Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang maghanda at Opo, G. Madriaga
magsaliksik at pag natapos na ay iuulat sa harap ng klase.

Malinaw ba?
b. Panonood ng Bidyo

Ang Alamat ni Mariang Sinukuan ng Bundok Arayat


| Kwentong May Aral Tagalog | Filipino Tales |
Sims4 - YouTube

(Ang Alamat ni Mariang Sinukuan)


Si Apúng Sinukuan ay ang Kapampangan na diyos ng
digmaan at kamatayan na nanirahan sa Bundok Arayat.
Noong panahon ng kolonyal, muling binansagan siya ng
mga Espanyol bilang Maria Sinukuan, ang diwata o diyosa
ng bundok na nauugnay sa Bundok Arayat sa Pampanga,
Pilipinas, at kalaunan ay naging isang kilalang halimbawa
ng diyosa ng bundok sa mitolohiya ng Pilipinas; iba pang
mga kilalang halimbawa ay sina Maria Makiling ng Los
Baños at Maria Cacao ng Cebu.
Ang Sinukuan ay nauugnay sa hindi pangkaraniwang
kasaganaan ng mga kagubatan sa Arayat, at sa
kasaganaan ng mga hayop doon.

Kapanganakan ng Alamat ng Maria Sinukuan: Sa mga


naidokumento ng sinaunang alamat ng Kapampangan, at
sa pananaliksik na nakalap ng estudyanteng
Kapampangan na si Henry Otley Beyer noong 1940’s, ang
Bundok Arayat ay kilala lamang bilang tirahan ni
Apung/Aring Sinukuan (diyos ng araw ng digmaan at
kamatayan, itinuro sa mga unang naninirahan ang
industriya ng metalurhiya, pagputol ng kahoy, kultura ng
bigas at maging ang paglulunsad ng digmaan). Bagaman
ang maagang simula ng alamat na ito ay naitala sa
talaarawan sa paglalakbay ng Italian adventurer na si
Gemelli Careri, 1696.

Hindi ko batid na may sarili palang mga diyos at diyosa


ang mga Kapampangan at isa ang Pampanga sa mga (sasagot) Opo
lalawigan na mayaman sa kultura, paniniwala at maging
ang kanilang panitikan. Isa nga si Mariang Sinukuan o
Aring Sinukuan sa mga diyosang pinaniniwalan sa
Pampanga (ang diyos ng digmaan at kamatayan) na kung
ihahambing natin sa Greek Mythology siya ay
maihahalintulad natin kay Athena at Hades.

Tama ba class?

Ngayon naman matapos nating mabanggit at matalakay si


Mariang Sinukuan bilang isa sa mga pinaniniwalaang
diyosa sa Pampanga ay susubukin ninyo namang kilalanin Opo, G. Madriaga
ang iba pang mga diyos at diyosa ng mga Kapampangan.
.
Pumunta muli sa inyong mga itinalagang grupo at
saliksikin ang mga pangalan na aking ibibigay na mga
diyos at diyosa ng mga Kapampangan na inyo ring
tatalakayin sa klase.

Meron kayong 10 minuto upang maghanda at magsaliksik (sasagot ang lahat sa batay sa kanilang natutunan)
at pagkatapos ay inyong iuulat sa klase. Malinaw ba class?

Kapampangan Deties
c. Sintesis

Sa buong pagtalakay natin sa Ang Alamat ni Mariang


Sinukuan, anong mga aral ang tumatak sa inyo?

IV. PAGSUSULIT

1. Saang bansa matatagpuan ang mitong Mariang


Sinukuan?
A. Gresya
B. Roma
C. Pilipinas
2. Ano ang kahulugan ng pamimigay ni Maria ng mga
prutas at hayop sa mga tao habang ang mga ito ay
natutulog pa?
A. Nais niyang magpakilala
B. Nais niyang takutin ang mga tao
C. Bukal sa loob niya at hindi siya naghihintay ng
kapalit.

3. Ano ang nais ipakita ng mga tao nang hindi nila


ginambala ang sagradong tahanan ng engkantada?
A. Paggalang
B. Pagkatakot (Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa guro at sasagutan ang
C. Pagkamuhi mga ibinigay na tanong sa papel.)

4. Anong katangiang likas sa tao ang masasalamin sa


pagkakaisa ng mga kalalakihan na samantalahin at kunin
ang mga prutas at hayop sa kabundukan?

A. Kasakiman
B. Walang respeto
C. Pagtutulungan

5. Anong mahalagang kaisipan ang nais sabihin ng


nagsasalita sa pahayag na "Kumuha at manginain kayo
hanggang gusto ninyo. Ngunit huwag kayong mag-uuwi ng
anuman na wala akong pahintulot."?

A. Ang kabaitan ng tao ay hindi dapat na inaabuso


B. Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang tao ay
magbibigay.
C. Ang kabaitan ng tao ay may hangganan din.
6. Anong mensahe ang nais sabihin ng tauhan nang
bigkasin ang pahayag na “Ngunit huwag kayong mag=uuwi
ng anuman na wala akong pahintulot.”?

A. Magbigay babala sa mga tao.


B. Magbigay ng takot sa mga tao.
C. Hikayatin silang manguha ng gusto nila.

7. Ano ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito? "Nang


buksan nito ang sako ay nagulat sila sapagkat ang laman
nito ay mga bato.

A. Pinaglaruan sila ng diwata.


B. Nagalit sa kanila ang diwata.
C. Hindi sila sumunod sa bilin ng diwata.

8. Anong mahalagang aral ang natutuhan ng mga tao sa


kuwentong binasa?

A. Matututong magpatawad
B. Huwag maging abusado at matutong sumunod sa
utos
C. Matutong magpasalamat

9. Anong magandang katangian ang masasalamin sa


diwata nang bigyan niya ng pagkakataong magsisi at
magbago ang mga tao?

A. Mapagmahal
B. Mapagpatawad
C. Mapagpakumbaba

10 .Saang bundok galing si Mariang Sinukuan?


A. Bundok Makiling
B. Bundok Cacao
C. Bundok Arayat

V. TAKDANG-ARALIN
Bilang panapos na gawain, magsaliksik ng isa pang mitolohiya ng mga Kapampangan. Ibigay ang mga tauhan,
tagpuan, saglit na kasiglahan, suliranin o tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas gayundin ang aral na iyong
natutunan.

Inihanda at Ipinasa ni: Natunghayan ni:

JERSON L. MADRIAGA JOSIAH JURADO


BSED-Filipino PROPESOR

You might also like