You are on page 1of 4

TABLE OF SPECIFICATION

GRADE 3 – FILIPINO

Mga Layunin Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang

Nakakagamit ng Naunang Kaalaman o


Karanasan sa Pag-unawa ng
Napakinggang / Nabasang Teksto
33.33% 5 1-5
Nakapagbubuo ng Isang Kuwentong
Katumbas ng Napakinggang Kuwento
makapaglalarawan sa mga elemento ng
kuwento tulad ng tauhan, tagpuan at 66.67% 10 6-15
banghay.
Kabuuan 100 15 1 – 15
Prepared by:

DICK B. PAD-AY
Adviser
Noted:

JOEL A. BAYBADO
School Head
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II
Division of Isabela
Ramon District
PLANAS ELEMENTARY SCHOOL

Summative Test
FILIPINO 3

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Pag-aralan ang larawan. Gamit ang iyong naunang kaalaman, buoin ang
kuwentong katumbas nito gamit ang iba’t ibang pangyayari na nasa loob ng kahon sa ibaba.

II. A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

___6. Sobra ang sukling ibinigay ng tindera sa bata. Agad iyong ibinalik ng bata sa tindera. Ang
bata ay_____
A. masipag B. matulungin C. matapat D. magalang
___7. Pinagtatawanan ni Dani si Ella dahil hindi ito kasingganda niya at sabay sabi na pangit si Ella
at siya ang pinakamaganda. Si Dani ay_____.
A. mayabang B. sinungaling C. makasarili D. masama
___8. Gustong-gusto ni Vic na magpalipad ng saranggola sa burol kasama ang kanyang mga
kaibigan. Ang burol ay isang ___
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. wakas
___9. Isang araw, nadako ang isang aso sa isang halamanan. Alin
ang tagpuan?
A. araw B. aso C. halamanan D. nadako
___10. “Tubiiiiggg… Tulungan niyo ako,” ang takot na sigaw ni Ella
ngunit walang sinuman ang tumulong sa kanya. Ito ay halimbawa ng isang ______
A. banghay B. pamagat C. tauhan D. tagpuan

II. B. Panuto: Basahin ang kuwentong ‘’Ang Magkapatid’’ at sagutin ang mga tanong.

ANG MAGKAPATID
Sina Vea at Daniella ay magkapatid ngunit magkaiba ang kanilang pag-uugali. Matalino at
masipag mag-aral si Vea kaya matataas ang mga markang nakuha niya. Samantalang tamad at pabaya
naman si Daniella kung kaya’t mababa ang kanyang marka. Maingat sa pagtawid sa kalsada si Vea at
wala namang pakialam sa kanyang nilalakaran si Daniella.
Isang araw, habang sila’y naglalakad pauwi galing sa paaralan, biglang tumawid si Daniella sa
kalsada, buti na lang mabilis siyang nahawakan ng kanyang kapatid. “Sa susunod, mag-iingat ka sa
pagtawid muntik ka nang masagasaan,” saway ni Vea sa kanyang kapatid. “Salamat, Diyos ko!” ang
sambit ni Daniella sa sarili. Mula noon nagbago na ang ugali ni Daniella.

___11. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento?


A. Vea at Zia B. Vea at Ella
C. Vea at Daniella D. Vea at Aya
___12. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Ang Magkapatid B. Ang Magkaibigan
C. Ang Magkaribal D. Ang Magpinsan
___13. Saan nangyari ang kuwento?
A. sa bahay B. sa kalsada
C. sa paaralan D. sa plasa
___14. Sino ang walang ingat sa pagtawid sa kalsada?
A. Aya B. Daniella C. Ella D. Vea
___15. Ano ang wakas ng kuwento?
A. naaksidente si Daniella B. nagbago si Daniella
C. nag-away ang magkapatid D. napagalitan si Daniella

SUMMATIVE TEST ANSWER KEY:

I.
Kapitan Kambing
Si Kapitan Kambing ay sakay sila ng isang malaking barko na naglalayag sa isang malawak na
karagatan.
Nasira ang sinasakyan niya at papalubog na ito.
II. A II. B

6. C 11. C
7. A 12. A
8. B 13. B
9. C 14. B
10. A 15. B

You might also like