You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Cavite
EUGENIO CABEZAS NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO-7
Week 5
Pangalan:__________________
Grade/Seksyon:______________
A.Panuto: Suriin ang pagkakagamit ng salitang hudyat sa panimula, gitna at wakas sa mga pahayag.
Lagyan ng bilang 1-3.
____________ Ang sumunod na pangyayari sa buhay ni Maria ay lubhang masaya. Sa gayong
pagkakasabay ay nagkabunggo sila ni Gat Dula at nagkatama ang kanilang mga mata. Subali't sa taglay na
kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang. Buhat noo'y naging matalik na
silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan ay nahiwatigan nilang sa ubod ng
puso'y may tinitimpi silang pagmamahal.
_____________ Noong unang panahon ay may engkantadang naninirahan sa Makiling. Si Maria na kaisa-
isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon. Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw
sa madlang kinapal.
_____________ Ang pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga araw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni
Maria. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal. Sa
wakas ay nagsimula ang pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao.
B. Panuto: Basahing mabuti ang mito ng mga Ifugao (Pahina 25 ng iyong modyul).Tukuyin ang mga
salitang hudyat sa panimula, gitna at wakas.
Panimula:
Gitna:
Wakas:

Week 6
A.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat bilang tungkol sa talatang “BUHAY”
pahina 27 ng iyong modyul.Bilugan ang iyong sagot.
1. Saan matatagpuan ang pangunahing kaisipan sa talatang binasa?
a. Unang pangungusap c. Ikalimang pangungusap b. Ikatlong pangungusap d. Huling pangungusap
2. Saang bahagi matatagpuan ang pantulong na kaisipan sa talatang binasa?
a. Unang pangungusap c. Ikalimang pangungusap b. Ikatlong pangungusap d. Huling pangungusap
3. Ano ang pinakapapel ng pantulong na kaisipan sa talata?
a. Bilang pamparami at pampahaba sa nilalaman ng talata
b. Bilang mga panakip sa puwang ng pinakangunahing paksa
c. Bilang pantulong at karagdagang impormasyon tungkol sa paksa.
d. Bilang pantulong at pampalalim ng paksa upang mas kaayaayang basahin.
B. Panuto: Pansinin ang larawan na nasa ibaba. Sa isang kaganapang pansilid, madalas mapag-usapan ang
kahalagahan ng isang tahanan. Sa tatlo hanggang limang pangungusap, ilahad at ipaliwanag ang parte ng
bahay na may pinakamalaki at pangunahing papel sa isang tahanan (hal. Haligi, hagdan, bubong atbp.Isulat
ang iyong sagot sa kahon.

You might also like