You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
District of Tagaytay

 
T AGAYTAY C I ITY NTEGRATED
Guinhawa South, Tagaytay City
S CHOOL

Ikatlong Markahan
T.P. 2019-2020

POWER IT UP

Aralin 3.1 08 Nobyembre 2019

I.Layunin:
Natutukoy ang iba’t ibang elemento ng tula ayon sa bigkas.
Nasusuri ang mga elemento ng tula ayon sa gamit at pagbigkas nito.
Nagagamit ang mga elemento ng tula sa maayos na pagbigkas.

II.Pamantayan sa Pagganap
Nasasagot ng mga mag-aaral ang mga elemeno ng tula.

III.Paksang Aralin
A. Panitikan: Tula
B. Gramatika/ Retorika: Mga Elemento ng Tula
IV.Aplikasyon

A. Mga Mag-aaral na nasa Antas ng Karunungan

Panuto: Isulat ang tinutukoy na elemento ng tula sa patlang.

______________1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa


isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
______________2. Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya (taludtod)
______________3. Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog._
_____________4. Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
______________5. Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita

B. Mga Mag-aaral na nasa Mababang Antas ng Karunungan

Pagtalakay sa mga elemento ng tula.


MGA ELEMENTO NG TULA

1. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Mga uri ng sukat
a. Wawaluhin b. Lalabindalawahin c. Lalabing-animin d. Lalabingwaluhin
2. Saknong- Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet 4 linya – quatrain 6 linya – sestet
3 linya - tercet 5 linya – quintet 8 linya - octave

3. Tugma- Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

4. Kariktan- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

5. Talinghaga-Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita.

6. Tayutay - Paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang


ilantad ang talinghaga sa tula.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.


Pagsasanay

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla,
“bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.” Ito ang ipinalalagay na pangunahing
dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula na tinatawag na?
a. Awiting bayan c. Karunungang bayan
b. Kuwentong bayan d. Maikling kuwento

2. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa
atin ng ating mga ninuno. Ano ang kahulugan ng salitang nakahilis sa pangungusap?
a. Mailihim c. malaman
b. Maisumbat d. maibigay

3. Ano ang pangunahing ideyang isinasaad ng tulang “Ang Sariling Wika”?


a. Hindi wikang Kapampangan ang pinakamainam na wika sa Pilipinas dahil ito ay ginagamit
lamang sa isang lugar.
b. Bawat wika sa Pilipinas ay mahalaga at dapat igalang.
c. Walang magandang ibubunga ang pakikialam sa wikang Kapampangan dahil ito ito
mauunawaan ng bawat isa.
d. Ang wikang Tagalog lamang ang dapat na iiral sa Pilipinas dahil ito ang pambansang wika
sa bansa.

B. Panuto: Tukuyin ang bisang pandamdamin sa mga sumusunod na saknong. Piliin at


isulat ang titik ng tamang sagot.

4. Ang sariling wika ng isang lahi Ay mas mahalaga sa kayamanan Sapagkat ito’y
kaluluwang lumilipat Mula sa henerasyon patungo sa iba.

a. Pagkabahala sapagkat paano ako mabubuhay ng sariling wika.


b. Pagdududa sa sinabing may kaluluwa ang wika.
c. Pagkamarangal sapagkat ipinagmamalaki ko ang sarili kong wika.
d. Pagkadakila sa wikang ngayon ko lamang kinilala.

5. Minamahal nating wika ay maihahambing sa pinakadakila Ito’y may ganda’t pino, aliw-iw
at himig na nakahahalina Init nito’t pag-ibig mula sa musa Pagpapahayag ng pagmamahal
ay kanyang kinuha
a. Pagmamalaki sa ganda ng ating sariling wika.
b. Pagkalungkot sapagkat mas gusto ko ang Ingles.
c. Pagkainis sapagkat wala naman akong nakitang kagandahan ng wikang kinaginasnan.
d. Pagwawalang-bahala sa kung anuman ang katangiang taglay ng wikang kinagisnan.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Marjorie Jen I. Credo Napoleon B. Blancaflor


Subject Teacher Susing Guro sa Filipino

Ipinagtibay ni:

Marissa E. Capistrano, Ed.D


HTIII/ Office-in-Charge
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
District of Tagaytay

 
T AGAYTAY C I ITY NTEGRATED
Guinhawa South, Tagaytay City
S CHOOL

Ikatlong Markahan
T.P. 2019-2020

POWER IT UP

Aralin 3.4 22 Nobyembre 2019

I.Layunin:
 Natutukoy ang kahalagahan ng maikling kwento at mga uri nito.
 Nasusuri ang maikling kwento at ang mga uri nito.
 Nagagamit nang wasto ang mga uri ng maikling kwento sa paggawa ng mga
makabuluhang akda.

II.Pamantayan sa Pagganap

Nasasagot ng mga mag-aaral ang mga uri ng maikling kwento

III.Paksang Aralin
A. Panitikan: “Yumayapos ang Takipsilim” ni Genoveva Edroza- Matute
B. Wika at Gramatika: Mga Maikling Kwento at Uri ng Maikling Kwento
IV.Aplikasyon

A. Mga Mag-aaral na nasa Antas ng Karunungan

Tutukuyin ang mga uri ng maikling kwento.

1. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang


mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
4. nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
5. nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

B. Mga Mag-aaral na nasa Mababang Antas ng Karunungan

Pagtalakay sa Maikling Kwento at mga uri nito.

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Si Deogracias A.
Rosario naman ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog."

URI NG MAIKLING KUWENTO


Kuwento ng tauhan- inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Kuwento ng katutubong kulay- binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kuwento ng sikolohiko-ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa


harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Kuwento ng pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.


Kuwento ng katatawanan-nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

Kuwento ng pag-ibig- tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao.

Ang maikling kwento ay may mga katangiang taglay na wala sa iba pang uri ng panitikan
kaya naman marami ang nawiwili o nagkakagustong magbasa nito.

Pagsasanay

Panuto: Idikit ang larawan ng like kung ang pahayag ay nagpapakita ng pangkalahatang
konsepto ng aralin.
Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Marjorie Jen I. Credo Napoleon B. Blancaflor


Subject Teacher Susing Guro sa Filipino

Ipinagtibay ni:

Marissa E. Capistrano, Ed.D


HTIII/ Office-in-Charge

You might also like