You are on page 1of 2

FILIPINO 7

Pangalan: _________________________________Grade & Section________________________

Guro:_________________________________________Petsa:_________________Score:_________

Pagsasanay A
Panuto: Tukuyin kung anong kaugaliang Pilipino ang ipinapakita sa bawat pangungusap. Piliin at
isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
 
1. Laging nagmamano si Juan sa mga nakatatanda sa kaniya.
A. masayahin C. bayanihan
B. magalang D. may takot sa Diyos
 2. Ang pamilya Reyes ay sama-samang nagsisimba tuwing lingo.
A. matapat C. madasalin
B. masunurin D. bayanihan
 3. Nagtulong-tulong ang mga mamamayan ng Brgy. Pinagpala at nagbigay sila ng donasyon sa mga
pamilyang nasalanta ng bagyo.
A. masipag C. madasalin
B. bayanihan D. magalang
 4. Tinupad ni Pedro ang kanyang pangako kay Toto na bibilhan niya ito ng sapatos kapag siya ay
nakauwi na mula sa ibang bansa.
A. matapat C. masayahin
B. magalang D. palabra de honor
 5. Bagaman hindi na masyadong makarinig ng ayos ang kanyang ina, matiyaga pa din itong
inaalagaan ni Nene sa araw-araw.
A. masipag C. utang na loob
B. magalang D. may takot sa Diyos

PAGSASANAY B
Panuto: Tukuyin ang kaugaliang Pilipino na ipinakikita sa mga sitwasyong inihayag.
1. Isa itong paraan ng paggalang.
A. Paglalaro C. Paglalaba ng mga damit
B. Pagmamano sa matatanda D. Pagluluto ng kanin
2. Nagsisimula ito sa sariling tahanan na ipinagpapatuloy kahit saan mapadpad, kung saan ang bawat
miyembro ng pamilya ay may kanya kanyang gawaing dapat gampanan tulad ng paglilinis sa silid,
pagwawalis sa bakuran, pagliligpit ng pinagkainan at iba pa.
A. Pamamalo sa di pagsunod C. Gawaing bahay
B. Pagtutulungan D. Panliligaw 
3. Ibig ng mga Pilipino na masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. Nagsisilbi
sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para
sa mga bisita.
A. Pagiging matulungin C. Mabuting pagtanggap at pakikitungo
B. Pagiging pasensyodo sa bisita D. May nakukuhang bayad sa serbisyo 
4. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at
kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin
sa matatanda.
A. Pagtanaw ng utang na loob C. Sapilitang pag-aaruga
B. Pagbabayad ng utang D. Wala sa nabanggit
5. Sa isang barangay na maraming nagugutom sa panahon ng pandemya, may mga pamilyang
nakaaangat sa buhay ang tumutulong upang pakainin ang mga nagugutom. Ang mga walang
sapat na salapi naman ang siyang tagaluto.
A. Pagbabayad ng utang na loob C. Pagtratrabaho
B. Pagmamalupit D. Bayanihan

PAALALA: Isulat sa likod ang inyong kasagutan


SUSI SA PAGWAWASTO
A.
1. B
2. C
3. B
4. A
5. C
B.
1. B
2. B
3. C
4. A
5. D

You might also like