You are on page 1of 4

DIAGNOSTIC TEST SA ESP 6

___________________________________________________________________________________________
Surname Given Name M. I.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong may ____ay hindi natatakot.
a. tapang b. pagtitiwala sa Diyos c. pagdarasal sa buong araw d. pagbabalewala
2. Igalang natin ang ____________ o pook sambahan ng mga Muslim.
a. Kapilya b. Katedral c. Ermita d. Moske
3. Ang pagdalo sa ______________ ay isang tungkulin na kusang ginagampanan ng mga Katoliko sa madaling araw
tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
a. Ramadan b. Mesa de Gallo c. Araw ng mga Puso d. A at C
4. Tuwing araw ng Linggo, sabay-sabay na nagsisimba ang mag-anak ni Mang Andoy? Bakit kaya sila nagsisimba?
a. wala silang magawa sa bahay
b. magpasalamat sa mga biyayang natanggap
c. mag-usyoso sa simbahan
d. ipakita ang magagarang damit
5. Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.
a. pagmamahal sa kapwa c. pagdarasal sa buong araw
b. pagbibigay ng pagkain d. pagbabale-wala sa kapwa
6. Ano ang masasabi mo sa isang taong nagsasauli agad ng anumang bagay na kanyang hiniram?

a. Siya ay matapat c. Siya ay matulungin


b. Siya ay masunurin d. Siya ay matapang
7. Bakit kailangang tuparin ang isang pangako?
a. Upang makatanggap ng gantimpala sa taong pinangakuan
b. Upang mapanatili ang pagtitiwala ng isang tao.
c. Upang mapuri
d. Upang hindi madali ang taong kausap mo.
8. Ano ang masasabi mo sa isang taong tumutupad sa pinagkasunduang oras?

a. Pabaya c. matulungin
b. May pagpapahalaga sa pangako d. Masigasig
9. Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ano ang gagawin mo?

a. Paghihintayin siya ng matagal c. Dadating ka sa takdang-oras ng usapan


b. Hindi ka darating d. Tatawagan na lamang siya.
10. Ikaw ay hinahangaan ng iyong mga kaklase at guro dahil sa pagiging matalino mo sa asignatura na Matematika. Sa
isang talakayan,aktibo ang iyong mga kaklase na sumagot sa mga katanungan ng iyong guro ngunit ikaw ay
nahihirapan sa paksa. Ano ang gagawin mo?
a. Magpanggap na alam ang paksa na tinatalakay.
b. Magsawalang-kibo na lamang
c. Magtanong sa guro at aminin na nahihirapan ka sa paksa.
d. Magtanong sa katabi na kaklase tungkol sa paksa
11. Iminungkahi ng ilang siyeentipiko ang paggamit ng mabagsik na kemikal bilang pamuksa sa mga daga sa palayan.
Ano ang masasabi mo rito?

a. dapat puksuin ang mga dagang naninira sa palay

b. dapat pag-aralan ang epekto ng kemikal sa halaman, ibang hayop at sa mga kakain ng palay

c. kung pasya ng pamahalaan, ito ang dapat masunod

d. hayaan na lamang ito at manahimik

12. Nag-ipon ng peraang nanay mo para mabili mo ang lahat ng gusto mong laruan. Marami na siyang naipon. Narinig
mo ang nanay mo na nagsasabing wala siyang pambili ng bigas dahil wala pang suweldo ang tatay mo. Ano ang
tamang gawin mo?

a. Magagalit sa inay kung ibibili ito ng bigas.


b. Sabihan ang inay na ang itay ang dapat gumawa ng paraan para makabili ng bigas.

c. Hayaan ang inay na ipagbili ng bigas ang naipong pera.

d. Kunin sa inay ang pera para ibili na ito ng laruan.

Isulat ang M kung makatwiran o DM kung di-makatwiran ang dapat sa patlang ng sumusunod na sitwasyon.

____13. Ang isang anak na nangangako sa magulang na mag-aaral ng mabuti.

____14. Ang hakbangin ng isang pinuno ay unahin niya ang kaniyang kamag-anak kaysa ibang tao.

____15. Hindi tinupad ng guro ang kanyang responsibilidad.

____16. Ang mga nanalong kandidato ay agad ginawa ang pinangako noong eleksyon.

____ 17. Si Ben ay palaging nagsisinungaling sa magulang na hindi na siya


maninigarilyo.

18. Si Ginoong Rodredo ay isang kawani ng gobyerno at sa tuwing uuwi sa kanyang tahanan ay isang simpleng
mamamayan lamang kung titingnan. Anong katangian ang taglay niya?
a. Pagiging mababang loob. c. mayabang
b. Matapat d. papansin
19. Kilalang negosyante si Manny Reyes. Naranasan niyang lumagapak ngunit pinilit na bumangon. Anong katangian
ang kanyang taglay?
a. Matiyaga c. magalang
b. Matapat d. masipag
20. Sikat na host si Toni Gonzaga sa Pilipinas at kahit siya ay sikat na gumagamit pa rin siya ng mga salitang po at
opo sa mga taong higit na nakatatanda sa kanya. Anong taglay na katangian niya?
a. Matapat c. masipag
b. Magalang d. masinop
21. Mahusay sumayaw si Bong Almante. Marami ang umiidolo sa kanyang husay sa pagsasayaw. Malapit din sa puso
niya ang mga batang nais matutong sumayaw. Tinuturuan niya ng libre ang mga ito.
a. Matapat c. bukal sa loob na nagbabahgi ng kakayahan
b. Mapagbigay d. masigasig
22. Dahil sa pagiging masipag ni Mang Kanor kaya’t narrating niya ang kanyang pangarap. Umasenso siya sa buhay
at di pa rin niya nalilimutang magsimba at magpasalamat sa Diyos.
a. May takot sa Diyos c. matulungin
b. Matapat d. mayabang
23. Kahit sikat na sikat na si Manny Pacquiao, hindi pa rin niya nakalilimutang magbigay ng kaunting donasyon sa
may foundations.
a. Matulungin c. sakim
b. Masipag d. madamot
24. Unang beses magtatanghal ni Angeline sa entablado na maraming tao ang manonood. Nagawa naman niya ito
nang maayos at marami ang pumapalkpak sa kanya. Anong katangian mayroon si Angeline?
a. Mayabang c. may tiwala sa sarili
b. Pasikat d. mahiyain

25. Hindi naging sagabal kay Jane Felipe ang pagiging mahirap. Sa tuwing nalalagay sa sitwasyong ito ay kumakapit
lamang siya sa Panginoon at nalalampasan niyang lahat ito. Anong katangian mayroon si Jane?
a. Matapang c. matatag ang paniniwala sa Panginoon
b. Malakas ang loob d. mahina
26. Sa halip na itapon ang mga bagay na maaari pang gamitin ni Joshua Andres ang sikat na mang-aawit, itinatago
niya ito upang gamitin muli sa ibang pagkakataon. Siya ay isang
a. Kuripot c. matipid
b. Malambing d. maaksaya
27. Hindi kinabahan si Jessica Suarez sa kanyang unang pagtatanghal sa ating bansa nagkus ay nag-eenjoy pa siya
dito.
a. May tiwala sa sariling kakayahan c. pasikat
b. Mayabang d. matalino

28. Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan.Nasira ang kanilang mga pananim sa bukid
at bahay.Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling pagbangon.Ikaw ay nagpapakita ng
ugaling____________.
A.Matapat
B.Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C.Nakikipagbayanihan
D.Pagtulong sa mga nangangailangan
29.Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin.Ano ang gagawin mo?
A.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mg kahilingan ko.
B.Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C.Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap namin.
30.Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig ng Diyos ang kanilang
mga panalangin sa kanilang mga gawain.Hinihikayat ka nilang sumali sa grupong ito.Ano ang iyong gagawin?
A.Iiwas sila
B. Sasali agad
C.Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D.Titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
31.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.nagkataong hindi ka katoliko. Ano
ang nararapat mog gawin?
A. Hindi ka sasali ngunit igagalang mo ang pananampalataya nila
B. Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay

32.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya sa pagsimba.Hindi mo
nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa iyong pinapanood na pelikula. Ano ang
gagawin mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B. Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang magkaroon pareho sila ng
konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses

33.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit, habang nagmimisa ang pari ay nakita mong naglalaro lamang ang
kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating na sa bahay maglaro
34.Si John Cris ay isa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang distrito. Isang araw
habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang binagga ng kanilang ka-team si Peter.Nadapa ito at napasubsob.
Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip, tinulungan niya si Peter na siyang kinatalo ng
kanilang team. Anong katangian ang pinamalas ni John Cris na siyang pagkakataong ito?
A.Pagiging isport
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ay maaaring maging sagot
35. Ang ika-limang utos ng Diyos ay ang pagbibigay galang sa mga magulang. Paano mo ito maisasagawa?
A.Gagamit ako ng magagalang na salita sa pakikipag-usap sa kanila.
B.Magpapaalam sa kanila sa lahat ng gagawin at pupuntahan
C.Susunod sa kanilang mga utos
D.Tutuparin lahat ng nabanggit mula titik a hanggang titik c

36. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pagbibigay natin ng upuan sa mga may kapansanan?
A. Pakikiramay sa mga may kapansanan
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C.Pagmamahal sa Diyos
D. Pagpapakita sa mga tao para hangaan
37.Ang pagdarasal ba bago at pagkatapos kumain ay tama?
A.Hindi B.Hindi alam C.Oo D.Siguro
38.Ang inyong samahan ay lagging nagdarasal ng Santo Rosaryo sa inyong kapilya.Napansin mo na hindi sumasama sa
gawaing ito ang iyong matalik na kaibigan.Ano ang gagawin mo?
A.Aalamin mo kung bakit hindi siya nakikiisa sa gawain at pagagalitan mo siya
B.Hindi mo siya kakausapin
C.Hihikayatin mo siyang sumama sa gawain total naman ay madali lamang ito
D. Isusumbong mo siya sa inyong pari

39.Si Bb.Corazon Banila ay isang mabuting kristiyano at palagi siyang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.Sa kanyang
pagsisimba,siya ay nagsuot ng ____ bilang pagbibigay galang sa okasyon.
A.Damit na pambahay C.Kasuotang pormal
B.Short at sando D.sumbrero

40.Pagkatapos magdasal ni Endeng ay nakagawian na niya ang magbasa ng bibliya.Sa iyong palagay,tama ba na magbasa
pa siya ng bibliya?
A.Hindi,dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat
isinasagawa pagkatapos ng pagdarasal
B.Hindi,sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kanyang pagdarsal.
C.Oo,sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos
D.Oo,sapagkat pampalipas oras ito
Inihanda ni: Bb. Charmaine R. Montes

You might also like