You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region III
Academia de Sto. Domingo of Calumpit INC.
Calumpit, Bulacan

Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikasampung Baitang

Learning Area: FILIPINO 10 Date: June 9, 2022

I. Layunin:
 Nalalaman ang mga elemento ng tula.
 Nasusuri ang iba’t-ibang elemento ng tula.
 Nakabubuo ng tula gamit ang mga elemento ng tula.

A. Pamantayan sa Pagganap
 Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla. (social
media)

II. Paksang Aralin: Elemento ng Tula


Sanggunian: Filipino 10: Ikalawang Markahan – Modyul 3
Mga Kagamitan: Laptop, Canva Presentation

III. Pamamaraan:

PANIMULANG GAWAIN
 Pagbati sa Guro
Magandang Umaga sa lahat, handa na bang makinig ang lahat?

 Panalangin (Video Presentation)

 Pagtatala ng Liban

BALIK-ARAL
Para sa ating pagbabalik tanaw, maaari bang buuin ang salitang nasa inyong harapan?

M_TOL_H_YA
PAGGANYAK
"Lihim ng liham para sa Kababaihan ng Malolos"

Babae, kung ikaw ay kanilang tawagin;


hibla ng buhok mo'y tinatangay ng hangin.
Lambot ng kamay at ng damdamin,
samyo mo'y pakiwaring dapat kang unahin.

Sa anyo mo't bihis, pinong pustura,


sa mayumi mong galaw, suot ang bistida.
Labi mong 'sing tingkad ng ating kultura;
tapang mo'y kinubli ng mahinhin mong itsura.

Minsan kang tumindig upang maranasan,


pagbabagong iyong inaasahan,
karapatan mong matuto'y iyong pinaglaban,
mapunan lang ang isip ng karunungan.

Hindi lang ilaw ng tahanan, kundi ng lipunan,


hindi lang maganda na galing sa kawayan.
Hindi lang eba na pinagmulan ng kasalanan,
kundi Babae bilang pangunahing tauhan.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong uri ng akda ang binasa?


2. Patungkol saan ang akda?

Tula- uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, tunog, paglalarawan at mga paraan ng
pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
 Binubuo ng taludtod at saknong.
Taludtod- hanay ng tula
Saknong- grupo ng mga taludtod

Elemento ng Tula
1. Sukat- bilang ng pantig ng bawat taludtod.
Mga Uri ng Sukat:
a. Wawaluhin- Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

b. Lalabindalawahin- Ang laki sa layaw karaniwang hubad


Sa bait at muni, sa hatol ay salat

c. Lalabing-animin- Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis


Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

d. Lalabingwaluhin- Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay


Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

2. Saknong- grupo ng mga taludtod.


2 linya- couplet
3 linya- tercet
4 linya- quatrain
3. Tugma- ang huling salita ng bawat taludtod ay magkakasingtunog.
a. Tugma sa patinig- Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

b. Tugma sa katinig
 Unang lipon- b, k, d, g, p, s, t
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

 Ikalawang lupon- l, m, n, ng, w, r, y

Sapupo ang noo ng kaliwang kamay


Ni hindi matignan ang sikat ng araw

4. Kariktan- paggamit ng maririkit na salita

5. Talinhaga- natatagong kahulugan ng tula

PAGLALAHAT
1. Ano ang tula?
2. Ano ang limang elemento ng tula?

PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang tula at mga elemento nito?

IV. Pagtataya / Ebalwasyon:


Panuto: Sumulat ng maikling tula na isinasaalang-alang ang mga elemento nito.

V. Takdang Aralin / Kasunduan:


Panuto: Isulat sa kwaderno ang hinihingi ng mga pahayag.
1. Ibigay ang mga anyo ng tula.
2. Magbigay ng mga tulang Pilipino ang may akda.

Inihanda ni:

ABRAHAM T. PAULINO

Filipino Teacher

You might also like