You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101
DISTRICT OF TALAVERA NORTH

BAKAL 1 ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO II

I. Layunin: Nakasusunod sa nakasulat na panutong may isa hanggang dalawa na hakbang.


II. Paksang-Aralin

Paksa: Pagsunod sa Nakasulat na Panutong May Isa hanggang Dalawa na Hakbang

Sanggunian: K-12 Curriculum Teaching Guide Yunit 1 Aralin: 8 pahina 45-46

MELCS-F2PB.1b2.1

Ang Bagong Batang Pinoy pahina 115-120

Landas sa Wika at Pagbasa pahina 82-87

Magsanay Tayo sa Filipino pahina 38-44

Kagamitan: cut outs ng mga larawan, flashcards, power point presentation

Pagpapahalaga: Maging masunurin

III. Pamamaraan
A. Pang-araw araw na Gawain

1.Drill

Pag-awit “Kung Ikaw ay Masaya

2.Balik-aral

Pagtukoy sa Panggalan ng tao, bagay,pook, hayop at pangyayari

Basahin ang sumusunod na mga panuto at gawin.

1. Tumayo ng matuwid.
2. Umupo ng maayos
3. Batiin ang katabi ng magandang umaga po.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan

Gamitin sa pangungusap ang salitang sama-sama.


2. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:
1. Sino sa inyo ang sama-sama ang buong pamilya na naglilibot?
2. Ano ang kaugnayan nito sa ating kuwento?
3. Pagbasa sa kuwentong Ang Masayang Pamilya
4. Sagutin Natin
a. Ano ang Pamagat ng kuwento??
b. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
c. Ano –anong Pampublikong Pasilidad ang nabanggit sa kuwento ?
d. Paano ginamit ng mag-anak ang mga ito?
e. Sa iyong palagay nagamit ba nila nang wasto ang pampublikong pasilidad? Bakit?
f. Anong gintong aral ang matutunan sa kuwento?

C. Paglalahat
Basahin at Tandaan Natin:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko na mahalaga ang pagsunod sa nakasulat na panuto upang maging maayos at
wasto lahat ng gagawin ko.

IV.Pagtataya:

A. Basahin at gawin ang mga sumusunod na panuto

1. Gumuhit ng isang parisukat. Sa loob nito isulat ang pangalan mo.

2. Sa itaas ng parisukat,gumuhit ng tatsulok kulayan ito ng berde

V. Takdang-Aralin

1. Magbigay ng dalawang sitwasyon na nagpapakita ng pagiging masunurin.

2. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Contents Noted:

EDGAR A. LOPEZ
ESHT-III
Inihanda ni:

MARY ANN V. PACER


Guro sa Ikalawang Baitang

You might also like