You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
ADMINISTRASYONG REHIYON NG CARAGA
DIBISYON NG LUNGSOD NG SURIGAO
TAFT NATIONAL HIGH SCHOOL
Nueva Extension, Brgy. Taft, Surigao City School ID. 304801
Taung Panuruan 2022-2023

PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN NG MGA GURO SA PAGTUTURO


AT PAGPATATAYA SA PAGBASA
BANGHAY ARALIN SA PAGPAPAKITANG TURO SA FILIPINO 8
Nobyembre 2022
Ikalawang Markahan

GRADE 1 TO 12 Paaralan TAFT NHS Antas GREYD-8


Pang-araw-araw na Tala sa
Guro LEOVEN A. TUBAL Asignatura FILIPINO
Pagtuturo
Petsa/Oras 11-08-2022 Markahan (2nd) PANGALAWANG
Bilang ng Sesyon 1 MARKAHAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt, at sa Kasalukuyan

B. Pamantayan sa Pagganap Naisusulat ang sariling dula, tula, kuwento at mga talata gamit ang mga salita na may konotatibo at
denotatibo na pagpapakahulugan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Isulat ang code ng bawat kasanayan
Nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ang ilang malalim na salita na ginamit sa
akda; (F8PT-Ile-f-25)

Nakapaglalahad ng mga ideya at alternatibong solusyon tungkol sa isyung inilahad sa teksto at


naihahambing ito sa realidad ng buhay; at (F8PB-IIe-f-25)

Nakapagpapahalaga sa kulturang Filipino na masasalamin sa mga akdang binasa. (F8PU-IIe-f-26)

II. NILALAMAN IKALAWANG MARKAHAN: MODYUL 4- PANITIKAN SA PILIPINAS


PANITIKAN: SARSUWELA
Walang Sugat
ni Severino Reyes (1898)
boud batay sa Pineda (1979)
WIKA AT GRAMATIKA: Gamit ng Denotatibo at Konotatibo

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian Kwarter 2, Linggo 2 Modyul sa Filipino Greyd-8
Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro pp. 1-12

2. Mga pahina sa Kagamitang Mag-aaral pp. 7-8


3. Mga Pahina sa Teksbuk pp. 4-8

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa A. Aklat


portal ng Learning Resource ➢ Dayag A., Julian A., Lantoc N., Del Rosario M. 2017. Pinagyamang Pluma Ikalwang Edisyon.
Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.

B. Teksbok
➢ Modyul 4

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Power Point Presentation (ppt), Kagamitang Awdyo- Biswal: Laptop, LCD Projector, Speaker, Mga
Larawan at kopyang babasahin o hand- awyts

C. Estratehiya FOR DA BALL

D. Integrasyon ESP, MATH, DRRM, SCIENCE, MAPEH- (Mula sa aral ng Dula at sa Paksa)
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ o A. PANIMULANG GAWAIN
pagsisimula sa bagong aralin
1. Panalangin

-Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo


Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Amen…

2. Pagbati

Babatiin ang mga bata ng isang magandang umaga!

Isang mapagpala, matiwasay at ligtas na umaga sa


inyong lahat mga bata! -Magandang umaga din po….

3. Kasanayang Pangkalusugan

Ipaalala ang kahalagahan ng kalinisan sa sarili sa - Pinulot ang mga kalat sa kanilang paligid at
pamamagitan ng simple ngunit maayos na pagliligpit inayos ang pagkakahanay ng kanilang mga
o di kaya paglalagay ng alcohol sa kamay. upuan.

4. Pagtatala ng Liban sa Klase

Itatala ang mga pangalan ng mag-aaral ay sa


pamamagitan ng checklist at sa tuwing mababanggit
ang pangalan ay sabihin lamang na narito po.
Naunawaan? -Okay po Ginoo….

5. Balik-Aral

Ipaalala din ang huling tinalakay na aralin sa mga


bata.

Sino pa sa inyo ang nakaalala kung ano ang -Ako po G.


paksang itinalakay noong nagdaan araw? Ang paksang itinalakay po ay tungkol sa
Balagtasan.

Mahusay! Bb. Balagtasan nga ang ating itinalakay -Ang Balagtasan po ay isang uri ng panitikan na
na paksa. Ngunit ano pa nga ba ang ibig sabihin ng kung saan may pinagtatalunan ang bawat panig
Balagtasan at ano-ano ang mga element nito? sa pamamagitan ng patula.
At may lima itong elemento: ang tauhan, paksa,
kinakaugalian, indayog at mensahe.

Magaling G! at iyo pang natatandaan ang tungkol sa


balagtasan.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang
dalawa -nagsipalakpakan ang lahat…

B. PAGGANYAK

At bago tayo dumako sa ating paksang itatalakay


ngayon, pagnilayan muna natin ang isang sipi ni
Aristotle

Anong ibig ipakahulugan o ang naunawaan Ninyo mula -Ibig sabihin po G. na walang saysay po ang
sa ipinakitang sipi/quote ni Aristotle? aming natutuhan kung hindi po namin ito isasa-
puso at isasabuhay.

Magaling mga bata, kailangan dapat sa ano mang


karunungan na ating matatamo sa paaralan man o
hamon sa buhay ay hindi lang dapat natin itong ilalagay
sa isip ngunit kailanagan natin itong isa-puso at
panindigan.

Maliwanag ba? -Opo Ginoo!


At ngayon mukhang handa na ang lahat upang matuto
ng bagong kaalaman kaya ihanda na ang inyong mga
sarili.

Alam niyo na ba mga bata kung ano ang word puzzle? -Ang word puzzle po ay isang laro na kung saan
hinahanap po ang mga nakatagong salita sa loob
ng isang kahon.

Mahusay, tumpak ka, at dahil alam niyo na kung ano


ang word puzzle narito ang isang halimbawa at
hahanapin niyo ang mga nakatagong salita.

Tapos na ang ibinigay kong oras, anong mga salita ang


makikita sa word puzzle?

Magtaas ng kamay kong sino ang nais sumagot


-Ako po G.
Ang mga salita na makikita o nakatago sa word
puzzle ay ang mga sumusunod:
Tula, Balagtasan at Sarswela
Napakahusay, bigyan natin siya ng magaling clap.
-One, two, three2x
Magaling, magaling magaling

Sa paghahanap ninyo sa mga nakatagong salita sa


kahon anong napansin niyo, pamilyar ba kayo sa salita -Opo G. sapagkat ang mga salitang ito ay mga
na iyong Nakita? paksang naitalakay na. Ngunit kapansin-pansin
ang isang salita na hindi pa namin natalakay o
alam ito ay ang salitang sarswela.
Napakagaling ng iyong ideya at natumbok ang
hinahanap ko na salita sa kahon.

At tama ka nga ito ay hindi niyo pa natatalakay


sapagkat ito ang ituturo ko sa inyo ngayon. Ang tungkol
sa sarswela/sarsuwela.

Pero bago tayo dumako sa puntong iyon may


pasasagutan akong mga katanungan upang mataya ko
kung may kaalaman na kayo sa paksa o wala pa.

Kumuha ng ½ length wise at sagutan ang mga


sumusunod sa loob ng tatlong minuto:

Maliwanag ba klas? -Maliwanag po G.

Paunang Pagtataya:
Ang tatlong minutong palugit ay tapos na, exchange Makalipas ang tatlong minutong pagsagot
your paper with seatmate at lagyan ng iniwasto ni.

Mga Tamang Sagot sa Bawat Aytem:


1. D
2. A
3. C
4. C
5. D
6. A
7. D
8. B
9. B
10. D
11. A
12. D
13. A
14. D
15. B

Sinong nakakuha ng mataas na marka mula sa -Ang mataas lang po na marka ay limang puntos
paunang pagtataya? lamang po.

Hmmn, ibig sabihin lamang nito na hindi pa lubos ang


inyong kaalaman patungkol sa sarsuwela.

Kaya naman ihanda ang inyong mga sarili upang


mapunan pa lalo ang inyong kaalaman tungkol sa aralin
na ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na


kahulugan ang ilang malalim na salita na ginamit sa
akda; (F8PT-Ile-f-25)

Nakapaglalahad ng mga ideya at alternatibong


solusyon tungkol sa isyung inilahad sa teksto at
naihahambing ito sa realidad ng buhay; at (F8PB-IIe-f-
25)

Nakapagpapahalaga sa kulturang Filipino na


masasalamin sa mga akdang binasa. (F8PU-IIe-f-26)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin


ng bagong aralin

Kilala niyo ba kung sino ang nasa larawan, sino ang -Hindi po namin siya kilala G. sapagkat ngayon
makakahula? At ano kaya ang ambag niya sa lang namin nakita ang tao sa larawan.
panitikang Filipino? At siguro isa siyang tanyag na tao pero hindi po
namin mawari kung ano talaga ang ambag niya
sa ating panitikan.

Maraming salamat sa inyong mga tugon, at dahil hindi


niyo pa siya kilala, ipapakilala ko siya sa inyo kasabay
ng pagtatalakay natin sa paksa patungkol sa
Sarsuwela

Ang nasa larawan ay si Severino Reyes, at alam niyo


ba siya ay mas kilala bilang Lola Basyang at itinuturing
na Ama ng Sarsuwela
Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.

Sino nga ulit ang nasa larawan? -Siya po ay si Severino Reyes na mas kilala na
Lola Basyang at siya ang ama ng Sarsuwela.
Mahusay at kayo’y nakikinig sa ating diskusyon.
Tayo’y magpatuloy

Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang musical na


unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga pagsasalay na sinamahan ng mga
sayaw at tugtugin na may paksang mitolohikal at
kabayanihan.
Dinala sa Pilipinas ni Alejandro Cubero noong 1880
kasama ni Elisea Roguer at itinatag nila ang Teatro
Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong
Sarsuwelista sa Pilipinas.

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng


Kastila ay namulaklak sa panahon ng mga Amerikano
sa pamamayani nina:
Severino Reyes na kilala sa tawag na Lola Basyang
sa kaniyang “Walang Sugat”,
Juan Abad sa kanyang “Tanikalang Ginto” at ang
rebolusyonaryong paksa ng dula ni Aurelio Tolentino
na “Kahapon, Ngayon at Bukas”.
At sa panahon ding ito ang naging mga paksa ng dula
ay mga diwang Makabayan.

Pinakalayunin ng sarsuwela ay itanghal sa tanghalan.


Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas -masok sa
tanghalan ng mga tauhan.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga


dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain
at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay
naaayon sa isang nakasulat na tinatawag na iskrip.
Ang iskrip ang pinakaluluwa ng dula.

Okay pa ba ang lahat? -Okay pa po Ginoo


Mainam kung gayun, dumako naman tayo sa element
ng Sarsuwela

Ang anim na elemento ng sarsuwela ay ang:


Iskrip, Aktor,Tanghalan, Direktor, Manonood at Eksena
at Tagpo.
Ano nga ulit ang mga element ng Sarsuwela? Okay -Ang elemento po ng sarsuwela ay Iskrip,
Ikaw Bb. Aktor,Tanghalan, Direktor, Manonood at Eksena
at Tagpo.

Magaling, tiyak kung nakikinig ang lahat sa aking mga


pinagsasabi kaya ipagpatuloy niyo yan.

Dako tayo sa unang elemento ang Iskrip

-Babasahin ng mga mag-aaral ang presentation

At pagkatapos ay ipapaliwanag ito ng guro kasabay ng


mga halimbawa.

Ang pangalawang elemento ay ang?

-Babasahin ang nasa presentasyon at


pagkatapos ay magbibigay sila ng kanilang
opinyon kung ano ang kanilang naunawaan.
Ipapaliwanag ulit ng guro batay sa kanilang binigay na
mga opinyon.

Okay, mahusay mga bata kaya dumago na tayo sa


pangatlong element,

Ito ay ang? -Babasahin ulit ng mga mag-aaral


Ipapaliwanag ulit ng guro at magbibigay ng mga
halimbawa.

Naunawaan ba mga bata ang tungkol sa pangatlong -Opo Ginoo!


elemento?

Mainam kung ganoon.

Dako tayo sa pang-apat na elemento ito ay ang?

-Sabay na binabasa ang nasa prewsenatsyon ng


mga mag-aaral.

Maraming salamat sa pagbabasa at ipinaliwanag ng


guro at nagbigay ng halimbawa tungkol sa ika-apat na
elemento.

Magaling!
Ang sumunod na element ay ang?

-Babasahin ulit ang presentasyon

Pagkatapos basahin ng mga mag-aaral ay


ipapaliwanag ng guro at mag bibigay ng mga
halimbawa at hahayaan ring ang mga mag-aaral ay
magbibigay din ng kanilang mga sagot at pag-unawa.

Magaling!
At narito na tayo sa panghuling element ito ang?

-Babasahin at pagkatapos ay magbibigay ng


sariling opinyon at halimbawa nito.
Pagkatapos magkaroon ng interaktibong pagbibigay ng
mga halimbawa at mga naunawaan ay ipapaliwanag ito
ng guro.

At dahil alam niyo na kung ano ang sarsuwela at ang


mga elemento nito kasabay ang kaligirang kasaysayan
ng Sarsuwela kailangan niyong basahin ang isang
akdang Sarsuwela na sinulat ni Sverino Reyes na
pinamagatang “WALANG SUGAT” upang mas
lumawak pa ang inyong kaalaman sa paksang ito.

Pero bago yan basahin at unawain muna ang mga


gabay na tanong:
-Binasa ng sabay-sabay ang mga gabay na
tanong.

During the Lesson -Babasahin ang akdang pampanitikan na


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at makikita sa modyul 4 sa pahina 5 at 6.
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pagkatapos basahin ng sabay sabay ang akdang


pampanitikan na may pamagat na Walang Sugat ay
papasagutan ang mga gabay na tanong.

Sino ang gustong sumagot sa unang bilang?


-Ako po G.
Ibinigay ang kanyang sagot
Ang tamang sagot ay si...

Sa pangalawang bilang sino ang nais sumagot?


Itaas ang kanang kamay sa nais sumagot. -Ako po, inihayag ang kanyang sagot sa tanong.

I proseso ang sagot at ibigay ang tunay na sagot.

Palakpakan ang lahat.


Sa pangatlong bilang?

-Nagsipalakpakan ang lahat


Bigyan ng masigabong palakpakan ang mga sumagot.

Sa pang-apat na katanungan?

-Ako po G. At ipinaliwanag niya ang kaniyang


sagot.

Tama, inalipusta at binugbog sa mga palo at kalaunay


ito ay namatay.
-nagapalakpakana ang lahat.
Palakpakan!

Sa panghuling bilang sino ang gustong sumagot?


-Inilahad ng mag-aaral ang kanyang naging
sagot.

Mahuhusay mga bata, at inyong napagtagumpayan


ang paggsagot sa mga tanong.
Dahil diyan bigyan niyo ang inyong mga sarili ng very -1, 2, 3... 1,2,3.. very good very good very good.
good clap.

Upang lubos niyo pang maunawaan ang ating tinalakay


mayroon akong ipapagawa sa inyo, isa itong
pangkatang gawain na kung saan susubok sa inyong
abilidad sa pagkaroon ng kooperasyon at responsilidad
bilang mag-aaral.

Ang unang pangkat ay sasagutan ang gawain 1 na may


pamagat na tasalitaan at makikita sa pahina 7 sa
inyong modyul na kung saan ibibigay niyo ang
kasingkahulugan at kasalungat na mga salita na
makikita sa kahon.
Malungkot magtaksil apihin matapat mamatay
Mabuhay masaya mapahamak arugain magligtas
Mga Salita Kasingkahulu Kasalungat
gan
MALUMBAY
AGLAHIIN
MAKITIL
MAGAHIS
MAGLILO

Habang sa ikalawang pangkat ay sasagutan niyo ang


gawain 2 na pagsusuri ng tauhan na makikita sa pahina
8 ng inyong modyul.
Mga Tauhan Mga Suliranin Mga
sa Dula o Solusyong
Problemang Ginawa ng
Kinakaharap Tauhan para
ng Tauhan Malutas ang
Problema
Tenyonng
Julia
Miguel
-Sinagutan ang mga gawain sa loob ng 10
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto sa minuto.
pagsagot sa mga nasabing gawain.
Ang inyong sampung minuto ay magsisimula na..... -Pangkat una
Makalipas ang sampung minuto. Narito po ang aming naging awtput...
Pupunta ang bawat pangkat sa harap upang Malungkot magtaksil apihin matapat
ipaliwanag ang kanilang naging awtput. mamatay Mabuhay masaya mapahamak
arugain magligtas
Mga Salita Kasingkah Kasalungat
ulugan
1. malungkot Masaya
malumbay
2. aglahiin Apihin arugain
3. makitil mamatay Mabuhay
4. magahis mapahama Magligtas
k
5. maglilo magtaksil matapat
At ito po G. ang aming pangkatang gawain.

Susuriin ang naging awtput -nagsipalakpakan...


1, 2, 3... 1,2,3.. very good very good very good.
Mahusay pangkat isa, dahil diyan bigyan ng very good
clap...

Dumako naman tayo sa pangkat dalawa, tiyak kong


hindi rin sila magpapahuli sa kanilang awtput kaya -Magandang umaga/hapon sa lahat narito po
pumagitna na kayo. ang awtput ng pangkat dalawa
At ipinaliwanag isa-isa.
Tauhan sa Suliranin o Solusyong
Dula Problema Ginawa
Tenyong Ipapakasal Nagpangga
na ang p si
kanyang Tenyong na
nobya kay mamatay
Miguel. matapos
makarating
sa
simbahan,
at humiling
na sila
muna ang
ikakasal ni
Julia bilang
kanyang
huling
habilin
ngunit
nagpangga
p lamang
ito.
Julia Ayaw Ngunit
niyang pumayag
magpakasal na lamang
sa hindi siyang
niya iniibig magpakasal
dahil iniisip
niya ang
kapakanan
ng kaniyang
ina.
Miguel Ayaw Kaya
siyang niligawan
pakasalan ng
ni Julia. niligawan
niya si Julia
kasama ng
kanyang
ama.
-Yun lamang po ang aming ulat sa pangkatang
gawain.

Sinuri ang bawat mga sagot. -1,2,3 1,2,3 very good, very good
nagsipalakpakan ang lahat.
Isa ring napakahusay na presentasyon kaya deserve
niyo rin ang very good clap...

Magaling mga bata, kaya binabati ko kayong lahat sa


inyong angking kagalingan at kooperasyon.

Kaya tayo ay magpatuloy.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sa inyong binasa na akda o sa isinagawang gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2 wala ba kayong napapansin o naobserbahan?
Hhhmn sino ang may napansin? -Marami pong mga malalalim na salita na hindi
po namin maunawaan.
Mahusay mga bata, may mga malalalim na salita na
hindi niyo agad mauunwaan sapagkat ang mga ito ay
nakatago at hindi literal ang ibig ipa-kahulugan nito.

Ngayon alam niyo ba kung ano ito? -Hindi po namin alam G.

At dahil hindi niyo pa alam iyan ang ating paguusapan


na may koneksyon sa akdang inyong binasa.
Kaya makinig ng mabuti.

Ipapaliwanag kung ano ang Konotatibo at Denotatibo

-Makikinig ng mabuti... at babasahin ang nasa


presentasyon kapag tinawag ang kanilang mga
pangalan ng guro.

Naunawaan ba kung ano ang kaibahan ng denotatibo


at konotatibo?

Sige nga, ano ang kaibahan ng konotatibo at -Opo G.


denotatibo?

-Ako po G., ang denotatibo ay mga salita na literal


ang ibig sabihin, samantala ang konotatibo ay
hindi literal dahil masining ang pagpapakahulugan
nito.

Mahusay, akala ko hindi kayo nakinig sa ating


diskusyon. Kaya lubos ang aking pagpapasalamat.

Kaya ngayon, upang mataya ko at masasabi ko


talagang may naunawaan kayo sa ating naging
talakayan.
Kumuha ng isang buong papel dahil magkakaroon tayo
ng quiz ball, ngunit sa paraang isahan lang.

Okay, dahil handa na ang lahat narito ang unang


katanungan?
F. Paglinang sa Kabihasaan -Pagbibigay ng pasulit (Post-Test) sa pamamagitan ng
(Tungo sa Formative Test)
FOR DA QUIZ BALL (Isahang Gawain/Indibidwal)

Mga Sagot:
Okay, sino ang nakakuha ng 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 ,
1 na mga marka. Ibigay sa harap
-Nagsitayuan ang lahat upang ibigay ang
kanilang mga papel sa harap pagkatapos ng
pasulit.

Bigyan ng palakpakan ang inyong mga sarili.


-Nagsipalakpakan ang lahat.

G. Paglalahat ng Aralin -Hayaang ang mga bata ang magbibigay buod kung
ano ang paksang tinalakay gamit ang bolang papel at
kung sino man ang huling nakahawak sa bola ay siyang
sasagot o magbubuod sa mga paksang itinalakay

Kantahin niyo ang Pipit

Kinanta nila ang Pipit habang pinapasa ang bolang


papel.

Stop!
Sino ang huling nakahawak sa bola? -Ako po G.

Okay maaari ka nang tumayo at isalaysay ang buod


ng ating paksang itinalakay. -Tinalakay po natin ngayong araw ang tungkol sa:
Sarsuwela at ang kaligirang kasaysayan ng
sarsuwela tinalakay din natin ang anim na
elemento ng sarsuwela. Ang iskrip,actor,
tanghalan, direktor, manonood at ang eksena at
tagpo.
Tinalakay din natin ang tungkol sa:

Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong


natutuhan sa ating naging talakayan.
Bigyan ng very good clap yan… -1,2,3, 1,2,3 very good very good very good…

H. Karagdagang gawain para sa takdang- Para sa inyong magiging takdang aralin ay: -
aralin at remediation

V. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

LEOVEN A. TUBAL MRS. MELBA H. MARCH


Observer Student Resource Teacher

You might also like