You are on page 1of 2

Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagsasaliksik Tungkol sa Isyu

Marami kang matututuhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Kung ibig mong magkaroon ng mas
malawak o mas malalim na kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu, ang pagsasaliksik sa aklatan
ang pinakamabisang paraan. Magagamit mo ang mga pangkalahatang sanggunian para kumuha ng
impormasyon tungkol sa isyu na iyong sinasaliksik.

Narito ang ilan sa mga sangguniang magagamit mo sa aklatan.

1. Ensiklopidya. Isang serye ng mga aklat na nagtataglay ng mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang
paksa. May mga larawan at ilustrasyong mababasa rito.

2. Diksyonaryo. Isang aklat na talaan ng mga salita ng isang wika na nakahanay ng paalpabeto.
Kasama rito ang wastong bigkas, tamang baybay, gamit, kahulugan, o kasalungat.

3. Atlas. Ito ay aklat ng mga mapa. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang lugar sa
mundo, layo at lawak ng mga lupain, taas ng bundok o lalim ng dagat.

4. Globo o Globe. Ito ang replika ng mundo. Dito makikita ang iba’t ibang kontinente, mga bansa,
pangunahing lungsod,mga bundok, mga karagatan, distansiya, latitude, at longhitud.

5. Almanac. Ito ang aklat ng mga kalendaryo ng mga araw, linggo, buwan, at taya ng panahon,
impormasyon, sa kalawakan, at pagtaas at pagababa ng tubig sa dagat.

I. Piliin sa ibaba ang sanggunian na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang inyong
sagot sa kwaderno.

Ensiklopidya Diksyonaryo

Atlas Globo o Globe Almanac

_______________1. Ito ay aklat ng mga mapa.

_______________2. Isang aklat na talaan ng mga salita ng isang wika na nakahanay ng paalpabeto.

_______________3. Isang serye ng mga aklat na nagtataglay ng mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang
paksa.

_______________4. Ito ang aklat ng mga kalendaryo ng mga araw, linggo, buwan, at taya ng panahon,
impormasyon, sa kalawakan, at pagtaas at pagababa ng tubig sa dagat.

_______________5. Ito ang replika ng mundo.


II. Isulat sa patlang kung anong sanggunian ang maaaring gamitin upang alamin ang
mga sumusunod:

__________1. Kahulugan ng salitang “alamat”.

_________ 2. Detalyadong impormasyon tungkol sa pinakamataas na bundok sa mundo.

_________ 3. Paghahanap sa bansang Pilipinas.

_________ 4. Pag-alam sa kahulugan, kasaysayan at istilo ng pagpipinta.

________ 5. Mga impormasyon at pangyayari ukol sa pagtaas at pagbaba ng tubig, dagat at


pagbabago sa buwan at pagsikat at paglubog ng araw at iba pa.

You might also like