You are on page 1of 8

FILIPINO

Learning Area
School Grade Level SIX
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter FOURTH/M17
LESSON
EXEMPLAR Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;


1. natutukoy ang iba’t-ibang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon
ng mga datos na kailangan; at
2. napahahalagahan ang iba pang uri ng sanggunian.
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas,


Pagganap reader’s theatre o dula-dulaan

C. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga


Pinakamahalagang datos na kailangan.
Kasanayan sa
Pagkatuto F6EP-IVg-6
(MELC)
(Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalag
ang kasanayan
sa pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagtukoy ng Pangkalahatang Sanggunian sa
Pagtitipon ng mga Datos na Kailangan
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 168
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal https://lrmds.deped.gov.ph/
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula) Panuto: Suriing mabuti ang mga salita na nasa kahon. Isulat
pagkatapos ng bilang ang mga inaakala mong halimbawa ng
pangkalahatang sanggunian. lapis pahayagan
payong
diksyunaryo globo mapa
lobo internet kuwaderno

BALIK-ARAL
Anu-ano ang mga dapat nating tandaan sa pagsulat ng iskrip ng radio
broadcasting at teleradyo?
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang pahayag ay wasto at ekis
(x) naman kung mali.
___1. Bigyang diin ang mga mahahalagang impormasyon ng balita.
___2. Gumamit ng mga salitang malalim sa paggawa ng iskrip.
___3. Iwasang haluan ng personal na opinyon ang isusulat na balita.
___4. Mainam na alamin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa bawat
balita o istorya.
___5. Tandaan na ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw at madaling
maintindihan.

ARALIN
Bago ka mag-umpisa sa ating Mga bata nagawa ba ninyo ang
bagong aralin ay basahin mo inyong takdang aralin?
muna ang diyalogo. Gng.Reyes:
Bonnie: Opo! Nagpabili po ako ng
diksyunaryo upang magawa ko
ang aking takdang aralin tungkol
sa kahulugan ng mga mahirap
maunawaang mga salita.
Agnes: Ako naman po ay nagsaliksik sa
internet upang malaman ko ang
ibig sabihin ng pabula.
Alden: Maaari ring pumunta sa silid-
aklatan para hindi na gagastos at
maabala. Sa silid-aklatan
makikita na natin ang ating
kailangan. Nandoon ang globo,
mapa, diksyunaryo, pahayagan at
marami pang iba.
Agnes: Lahat naman ngayon internet na
lang ang kailangan kahit wala
na lahat ang iyong mga binanggit na nasa silid-aklatan.
Alden: Ang internet ay malaking tulong
sa atin ngayon, kaya lang dapat
pa rin nating malaman at
pahalagahan ng iba’t-ibang uri
ng sanggunian na makatutulong
sa ating pananaliksik, sa araw-
araw nating pamumuhay at sa
iba’t ibang larangan na ating
kailangan.
Gng.Reyes: Tama si Alden, mga bata!
Suriin Mo

B. Development Ano nga ba ang pangkalahatang sanggunian? May ideya ka na ba?


(Pagpapaunlad) Narito ang iba’t ibang uri ng pangkalahatang sanggunian.
• • Diksyunaryo – ito ay isang uri ng aklat na kung saan
matatagpuan ang mga kahulugan ng mga salita, pagbaybay nito,
pagpantig at iba pa. Nakaayos ito ng paalpabeto.
• • Thesaurus – aklat na talaan ng mga salita at ng mga
kasingkahulugan nito.

• Ensiklopedya – bolyum ng mga aklat na ginagamit bilang


sanggunian sa paghahanap ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang
larangan. Ito ay naglalaman ng malawak at komprehensibong artikulo
tungkol sa iba’t ibang paksa.
• • Alamanac – aklat na nagtataglay ng pinakahuling
impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa
isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika, at iba pa.
• • Atlas – aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansiya,
at lokasyon ng lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong lupa at anyong
tubig na matatagpuan sa isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pulitika,
rehiyon, o estado.
• • Globo – isang maliit na replika ng mundo.
• • Internet – teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon
gamit ang kompyuter, tablet o piling telepono.
• • Mapa – ito ay naglalarawan ng iba’t ibang lugar kasama ang
kapaligiran tulad ng lupa at dagat. Ginagamit ang mapa sa paghahanap
ng iba’t-ibang lugar sa iba-ibang direksiyon. Ang mga ngalan at
kabisera ng mga lugar ay dito rin matatagpuan. Iba’t ibang pananda
ang ginagamit upang kumatawan sa mga lugar tulad ng guhit, tuldok,
o kulay.
• • Pahayagan – ito ay isang uri ng babasahin na kung saan dito
matatagpuan ang mga bagay na nangyayari sa loob at labas ng bansa
araw-araw.
• Naunawaan mo ba ang ating araling ngayon? Kung naunawaan
mo, nais kong sagutin mo ang mga nakalaang pagsasanay.

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay bolyum ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon


tungkol sa mga bagay bagay.
A. Almanac
B. Atlas
C. Diksyunaryo
D. Ensiklopedya
2. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng
salita, pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas.
A. Almanac
B. Atlas
C. Diksyunaryo
D. Ensiklopedya
3. Babasahin na kung saan dito mababasa ang mga nangyayari sa loob
at labas ng bansa araw-araw.
A. Almanac
B. Diksyunaryo
C. Pahayagan
D. Thesaurus
4. Isang uri ng sanggunian na nagsasabi ng lawak, distansiya at
lokasyon ng lugar.
A. Almanac
B. Atlas
C. Internet
D. Pahayagan
5. Teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ang
kompyuter, tablet, o piling telepono.
A. Diksyunaryo
B. Ensiklopedya
C. Internet
D. Pahayagan
PAGSASANAY 2
Pahulaan: Ano ako?
Panuto: Piliin ang sangguniang inilalarawan ng bawat
pangungusap mula sa kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

A. Almanac
B. Atlas
C. Diksyunaryo
D. Ensiklopedya
E. Internet
F. Pahayagan
G. Thesaurus
____1. Araw-araw akong nagpapahayag ng balita sa madla.
____2. Binubuo ako ng bolyum ng aklat at dito matatagpuan ang mga
paksa.
____3. Aklat ako ng mga mapa.
____4. Talaan ako ng mga salita at ng mga kasingkahulugan nito.
____5. Kadalasan akong gamitin sa pagsasaliksik ng mga bagay gamit
ang kompyuter o cellphone.

A. Almanac
B. Atlas
C. Diksyunaryo
D. Ensiklopedya
E. Internet
F. Pahayagan
G. Thesaurus

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ng tamang sanggunian ang tinutukoy ng bawat patlang.
C. Engagement
(Pagpapaliha
1. Ang __________________________ ay isang uri ng aklat na kung
n) saan matatagpuan ang mga kahulugan ng salita, baybay nito,
pagpapantig at iba pa.
2. Ang __________________________ ay isang maliit na replika ng
mundo.
3. Ang tawag sa mga bolyum ng aklat na ginagamit bilang
sangguniansa iba’t ibang larangan ay __________________________.
4. __________________________ ang tawag sa aklat ng mga mapang
nagsasabi ng lawak, distansiya, at lokasyon ng lugar.
5. __________________________ ang tawag sa babasahin kung saan
dito matatagpuan ang mga sitwayon na nangyayari sa loob at labas ng
bansa.

PAGPAPAHALAGA
Sagutan ang pagsasanay batay sa binasang diyalogo.
Panuto: Lagyan ng masayang mukha (☺) ang patlang pagkatapos
ng pangungusap kung tama ang ipinahahayag at malungkot na
mukha () naman kung mali.
1. Ang internet na lang ang kailangan huwag nang pansinin ang iba
pang sanggunian. ____
2. Iwasan ang magpabili kung may iba pang magpagkukunan. ____
3. Bigyang halaga pa rin natin ang ibang pangkalahatang sanggunian.
____
4. Walang makikitang sanggunian sa silid-aklatan. ____
5. Malaking tulong ang pangkalahatang sanggunian sa ating pag-aaral
at pananaliksik. ____
D. Assimilation
(Paglalapat)

PAGSUSULIT

Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong.


1. Ang (diksyunaryo, atlas, pahayagan) ay aklat ng mga mapang
nagsasabi ng lawak, distansiya, at lokasyon ng lugar.
2. (Atlas, Globo, Diksyunaryo)ang gagamitin kung kukunin ang
kahulugan ng malalalim na salita.
3. (Internet, Pahayagan, Thesaurus) ang pwedeng pagkunan ng
impormasyon gamit ang kompyuter.
4. (Mapa, Internet, Ensiklopedya) ang tawag sa bolyum ng mga aklat
na nagtataglay ng impormasyon tungkol sa katotohanan.
5. Ang tawag sa maliit na replika ng mundo ay (mapa, globo,
internet).

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like