You are on page 1of 23

Pagbasa at

Pagsusuri Tungo
sa Pananaliksik
Batayang Aklat: Sidhaya 12
PANALANGIN
PAGTATALA SA LIBAN
PANUNTUNAN SA
KLASE

MGA LAYUNIN
2
MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang ginamit sa
tekstong impormatibo.
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan
ng tekstong impormatibo.
3
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng
tekstong impormatibo.
4. Nagagamit ang cohesive device sa
pagsulat ng sariling halimbawang
tekstong impormatibo.
4
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang
mapaunlad ang isinulat na tekstong
impormatibo.
6. Naiuugnay sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong impormatibong
binasa.
7. Naipaliliwanag ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong impormatibo.
5
TEKSTONG
IMPORMATIBO
SIDHAYA 12: PAHINA 3

6
SAGUTIN:
• Kung ikaw ay may kailangang
impormasyon, saan ka
kumukuha ng sagot para rito?
7
     Ito ay isa sa mga uri ng tekstong
madalas ipabuo o ipasulat sa mga
mag-aaral sa iba't ibang asignatura
kaya mahalaga matutunan ang mga
katangian nito at maging mahusay
8
    sa pagbuo ng ganitong uri ng teksto.
Ang tekstong impormatibo ay ‘di
piksiyon at naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag batay sa
katotohanan at mga datos.
9
TEKSTONG IMPORMATIBO:
 ang pangunahing layunin ay magbigay
ng impormasyon upang mapalawak at
mapalalim ang kaalaman ng mambasa
tungkol sa paksang tinatalakay.
10
TEKSTONG IMPORMATIBO:
 ginagamit ito upang bigyang-kahulugan
ang isang salita, pangyayari, konsepto, o
kaisipan; upang maipaliwanag ang
dahilan sa pag-aaral ng mga pangyayari
at sagutin ang mga tanong.
11
TEKSTONG IMPORMATIBO:
 ang mga datos na gagamitin sa
pagsusulat ay maaaring hango sa
sumusunod:
SEKONDARYONG
PANGUNAHING SANGGUNIAN:
SANGGUNIAN: • Iskolarling • Diksiyonaryo
papel • Ensayklopedya
• Panayam • Artikulo • Pahayagan
• Sulat • Sulat • Mga website
• Talumpati • Mga blog
• Talaarawan • Aklat
• Sariling karanasan
12
TEKSTONG IMPORMATIBO:
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSUSULAT
NG AKDANG IMPORMATIBO

1. Kahusayang sa Paggamit ng Wika


2. Kakayahang Makapagpalawak ng
Kaisipan
3. Kakayahang Mapalalim ang Kaisipan ng
13 Paksa
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Layunin ng may-akda- Maaaring
magkaiba-iba ang layunin ng may akda sa
pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo.
Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang
kaalaman ukol sa isang paksa;
14
mauunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming
bagay ukol sa ating mundo; at magsaliksik.
Gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay
o paglalahad impormasyon.
15
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
2. Pangunahing Ideya- Dito dagling inilalahad
ang pangunahing ideya sa tekstong
impormatibo. Ginagamit dito ang Organizational
Markers upang makita at mabasa agad ng
mambabasa ang pangunahing ideya.
16
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

3. Pantulong na Kaisipan- makatulong


mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya nais niyang maitanim

17
o maiwan sa isipan.
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

4. Mga Estilo sa Pagsusulat, Kagamitan,


Sangguniang magtatampok sa mga bagay
na binibigyan-diin:
  a) Paggamit ng mga nakalarawang
representasyon- paggamit ng larawan, guhit
18
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

dayagram, tsart, talahanayan, timeline,


at iba pa upang higit na mapalalim ang
pag-unawa ng mga mambabasa sa mga
tekstong impormatibo.
19
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

        b) Pagbibigay-diin sa mahahalagang
salita sa teksto- nagagamit dito ang estilong
tulad ng pagsulat ng nakadiin , nakahilis,
nakasalunggihit, o nalagyan ng panipi upang
higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin.
20
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
c) Pagsulat ng mga talasanggunian-
karaniwang inilalagay ng mga manunulat
ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang
21
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

ginagamit upang higit na mabigyang-


diin ang katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay
nito.
22
SAGUTIN ANG SUMUSUNOD
NA KATANUNGAN NA
MATATAGPUAN SA
SIDHAYA 12 PAHINA 4-5
(UNAWA AT UGNAYAN).
23

You might also like