You are on page 1of 7

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T-IBANG TEKSTO
SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestre – Ikatlong Markahan
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team


Developer: Marie Jade M. Sebuala at Rosemarie V. Durango
Evaluator: Carlos Tian Chow C. Correos
Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chow C. Correos

Illustration Credits:

Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada


Title Page Graphics:Bryan L. Arreo
Visual Cues Art:Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang paksa, kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
(F11PB-IIIa-98, F11PT-IIIa_88)

Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan


na:

A. Nakakikilala ng mga elemento at uri ng tekstong impormatibo


B. Nakapagbibigay ng paksa, kahulugan at katangian ng mga
salitang ginamit mula sa tekstong binasa
C. Nabibigyang pagpapahalaga ang pagtukoy ng kahulugan at
katangian ng mga mahahalagang salita na ginamit sa teksto

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin:

ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.

Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi


nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi
nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga


pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang
sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

a. Layunin ng may-akda
Ang mga layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo ay
mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag, matutunan ang maraming bagay ukol sa
ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng
insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

b. Pangunahing Ideya
Inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na
makita at malaman ang pangunahing ideya ng babasahing teksto.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
1
c. Pantulong na Kaisipan
Ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye ay nakatutulong upang mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila ng may akda.

d. Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga


bagay na binibigyang-diin.
Ito ay makatutulong sa mga mambabasa dahil pinapalawak nito ang
pag-unawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng mga istilong sumusunod:

1. Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon


Ito ay paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at
iba pa upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga
mambabasa sa mga tekstong impormatibo.

2. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto


Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang
higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa
babasahin.

3. Pagsulat ng mga Talasanggunian


Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang
katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

a. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng
balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring
may historical account.

b. Pag-uulat pang-impormasyon
Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na
nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ilan sa mga halimbawa
ay mga artikulong nag-uulat tungkol sa “Teknolohiya, Global Warming,
Cyberbullying”.

c. Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Ilan sa mga
halimbawa dito ay mga teksto tungkol sa “Siklo ng buhay ng mga hayop at
insekto tulad ng paruparo”.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
2
GAWAIN 1
Panuto: Mula sa nabasang paliwanag tungkol sa tekstong impormatibo, punan ang
dayagram sa ibaba ng mga angkop na sagot.

Katangian:

MGA URI NG
Katangian:
TEKSTONG
IMPORMATIBO

Katangian:

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG


IMPORMATIBO

Kahulugan: Kahulugan: Kahulugan: Kahulugan:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
3
GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga teksto. Tukuyin kung ano ang paksa at
kung anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at
bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may
pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
Paksa: ______________________________________________________
Uri ng Teksto Impormatibo: ___________________________________

2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at


ang napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira ng
ilang lugar. Nais ni Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol
dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto
ng Global Warming sa Kapaligiran.”
Paksa: ______________________________________________________
Uri ng Teksto Impormatibo: ___________________________________

3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop.


Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni
Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
Paksa: ______________________________________________________
Uri ng Teksto Impormatibo: ___________________________________

4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang


balitang ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong
Enero 24-31, 2016.”
Paksa: ______________________________________________________
Uri ng Teksto Impormatibo: ___________________________________

5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa


pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi
bilang Ms. Universe 2015.”
Paksa: ______________________________________________________
Uri ng Teksto Impormatibo: ___________________________________

GAWAIN 3
Panuto: Sumulat ng maikling repleksyon: “Bakit importante ang pagtukoy ng
kahulugan at katangian ng mga mahahalagang salita na ginamit sa isang teksto?”.
Isulat ito sa sagutang papel.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
4
Pagsusulit

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Ibigay ang kahulugan


at katangian ng mga salitang ginamit sa pahayag na nakasulat nang may
diin sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga talambuhay, balita at artikulo sa magasin ay mga


halimbawa ng babasahing di piksyon. Batay sa mga halimbawang ito,
anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa
di piksyon?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ang mga maikling kwento, tula at nobela ay ilan lamang sa mga


halimbawang piksyon. Batay sa mga halimbawang ito, anong
pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa piksyon?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform.


Batay sa pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo
para sa tekstong impormatibo?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Ang tekstong impormatibo ay may mga elemento ito ay ang layunin


ng may akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa
pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang tinutukoy ng
elementong pangunahing ideya?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Kailangan ng pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing


ideya. Ano ang ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
5
Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
1. Paglalahad ng totoong pangyayari
2. Pag-uulat ng Impormasyon
3. Pagpapaliwanag

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo


1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing Ideya
3. Pantulong Kaisipan
4. Mga Istilo sa Pagsulat

*Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

GAWAIN 2 AT GAWAIN 3
*Maaring magkakaiba ang sagot sa paliwanag

MGA SANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng Wikang


Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya


Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.,
2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa ‘Pananaliksik.


Manila: REX Bookstore,

INTERNET

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaala
man

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
6

You might also like