You are on page 1of 5

Modyul 2: Tekstong Impormatibo at Deskriptibo

Mga Layunin:

 Nasusuri ang Kahulugan, Kalikasan, at Paraan sa Pagbasa at Pagsusuri ng tekstong


impormatibo at deskriptibo
 Naipakikita ang pag-unawa sa binasang tekstong impormatibo at deskriptibo ayon sa
nilalaman nito
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa

Simulan
Sa pagtamo ng mga makabuluhang kaalaman, sumasangguni tayo sa iba’t ibang batis ng
kaalaman na nagtataglay ng kredibilidad at husay sa pagpapaliwanag. Ngayon, ikaw ay nasa ikalawang
aralin ng asignatura, simulan ang produktibong pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa
ibaba.

Gawain: Ilahad sa ibaba ang tatlong (3) katangian na sa tingin mo ay napakahalaga sa


pagbabasa at ipaliwanag kung bakit mo ito napili.

Katangian Paliwanag

1.

2.

3.

Mahusay! Ngayon ay handa ka nang gamitin ang mga katangiang iyan sa pagbabasa ng dalawang
tekstong tatalakayin natin sa ibaba. Ihanda ang sarili at aralin ang tektong impormatibo at deskriptibo.

Unawain
I. Ano ang Teksto?
 Orihinal na mga salita ng isang nakalimbag na mensahe o pahayag.
 Mga babasahin na naglalaman ng mga detalye tungkol sa isang paksa.

II. Tekstong Impormatibo


 Isang uri ng babasahing di-piksiyon (ang mga detalye ay hango sa katotohanan o tunay na
pangyayari) na naglalayong makapaghatid ng impormasyon/kaalaman sa mga mambabasa na
kalimitang nasa akademiya
 Maaaring gamitan ng mga salitang KASWAL (mga salitang karaniwan sa pakikipagtalastasan)
o salitang TEKNIKAL (mga salitang eklusibo sa ilang mga larangan)
 Ginagamitan din minsan ng mga biswal na representasyon para sa pagpapakita ng mga datos
(Hal. Graph, Table, Map, at Flowchart)
 Ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay aklat-reperensyal, pananaliksik, sanaysay
na pormal, at balita

A. Hulwaran ng Tekstong Impormatibo


1) Etimolohiya – nakatuon sa pagtukoy ng pinagmulan at kahulugan ng isang paksa
2) Enumerasyon – pag-iisa-isa sa mga detalye o halimbawa ng isang konsepto
3) Analisis – malalimang pagsusuri sa isang paksa gamit ang isang teorya o perspektiba
4) Paghahambing – pagtukoy sa pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang konsepto sa teksto
5) Sanhi at bunga – paglalahad ng isang sitwasyong resulta ng iba pang sitwasyon
6) Suliranin at Solusyon – paglalahad ng isang mungkahing plano para isaaayos ang isang
problema

B. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Tekstong Impormatibo


1) Alamin ang pangunahin at pansuportang ideya sa teksto
2) Tukuyin ang ginamit na hulwaran sa teksto
3) Maglista ng ilang mga salitang teknikal na ginamit sa teksto
4) Suriin ang kredibilidad ng teksto sa pamamagitan ng may-akda at taon kung kailan ito
naisulat (Kung ito ay nakalahad sa teksto)

III. Tekstong Deskriptibo


 Ginagamit bilang pandagdag o pansuporta sa mga impormasyong inilalahad sa tekstong
impormatibo. Maaaring payak lamang o kaya naman ay detalyado.
 Halimbawa nito ay talambuhay, suring-basa, obserbasyon, rebyu ng pelikula o palabas

A. Elemento ng Tekstong Deskriptibo


1) KARANIWANG PAGLALARAWAN – gamit sa mga pananaliksik at obserbasyon ang
pangunahing batayan (panloob at panlabas na pagtingin). Gumagamit ng mga karaniwang
PANG-URI at PANG-ABAY.
2) MASINING NA PAGLALARAWAN – gamit sa pagpapalalim ng detalye at pagbuo ng imahe
ng inilalarawan. Inilalapat ang malikhaing paggamit ng wika tulad ng IDYOMA at TAYUTAY.

B. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Tekstong Deskriptibo


1) Alamin ang pangunahin at pansuportang ideya ng teksto
2) Tukuyin ang mga ginamit na paraan ng paglalarawan
3) Ilahad ang impresyong nabuo sa isip (imahe)
Subukan ang natutunan
Gawain: Gumawa ng Venn diagram na nagpapakita ng pakakatulad at pagkakaiba ng
tekstong impormatibo at deskriptibo. (10 Puntos)

Impormatibo Deskriptibo

Pagkakatulad

Pagtibayin
Gawain: Basahin at Suriin ang tekstong Impormatibo at Deskriptibo sa ibaba. Sundin ang
gabay sa pagsusuri na tinalakay sa itaas.

TEKSTONG DESKRIPTIBO

“Hindi mo malalaman kung ano ang dapat isipin o gawing desisyon. Ito ang
bumabagabag sa aking diwa. Ito ang sumusulyak sa aking damdamin. Ito ang
nagpapagulo sa aking ulirat. Sa tuwing naiisip ko ito, halos pinupunit nito ang
aking pagkatao. Sa tuwing mararamdaman ko ito, hinihiwalay nito ang aking
katawan at kaluluwa. Bumabagabag ito sa aking kabuuan. Sa aking kamalayan.

Pagsusuri:

1) Pangunahing ideya: ______________________________________________


2) Pansuportang Ideya: _____________________________________________
_______________________________________________________________
3) Uri ng Paglalarawang ginamit at mga patunay: ______________________
_______________________________________________________________
4) Impresyon (Imahe): ______________________________________________
TEKSTONG IMPORMATIBO

“May iba’t ibang uri ng kanta depende sa mga sumusulat o mang-aawit batay sa
kung ano ang gusto nilang ipahayag, may masasaya, may kantang malulungkot
na maaaring maging karamay natin kapag tayo ay nalulumbay, mayroon din
namang para sa mga sawi sa pag-ibig na nagsisilbing karamay sa tuwing iniiwan
ng taong mahal sa buhay, at may nagbibigay ng motibasyon sa isang tao. May
mga kantang kuwela at pilyo ang nilalaman na nagbibigay sa atin ng
panandaliang kasiyahan at higit sa lahat may mga kantang nagiging inspirasyon
sa atin kapag tayo’y nagmamahal at nasasaktan na kung minsan ay nagiging
“theme song” pa ng ating buhay.”

Pagsusuri sa mga Piling Kanta ng Bandang Grin Department gamit ang Lapit-Gricean
(Bordallo et. al, 2018)

Pagsusuri:

1) Pangunahing ideya: _____________________________________________


2) Pansuportang Ideya: _____________________________________________
_______________________________________________________________
3) Hulwarang ginamit sa teksto at mga patunay: _______________________
_______________________________________________________________
4) Talasalitaan (5 salita at kahulugan): ______________________________
5) Kredibilidad ng teksto (Sulatin, May-akda, taon): ____________________

You might also like