You are on page 1of 5

Modyul 3: Tekstong Nanghihikayat at Naratibo

Mga Layunin:

 Nasusuri ang Kahulugan, Kalikasan, at Paraan sa Pagbasa at Pagsusuri ng tekstong


nanghihikayat at naratibo
 Naipakikita ang pag-unawa sa binasang naratibo ayon sa nilalaman nito
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa

Simulan
Ilan sa mga layunin ng tao sa pagbabasa ay ang paglilibang. Naghahanap tayo ng mga babasahin
na umaangkop sa ating mga panlasa. Gumugugol tayo ng ating mga libreng oras para makaranas ng
kasiyahan sa pamamagitan ng pagbasa. Ngayon, bilang panimula sa ating bagong aralin, sagutan ang
gawain sa ibaba.

Gawain: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba upang mabuo ang iyong reader’s profile.

Pangalan

Genre ng
Panitikan

Mga
akda/babasahing
nabasa

Kasalukuyang
binabasa:

Mas nakagagana nga namang magbasa kung alam mo ang kakayahan mo bilang mambabasa.
Ngayong nagkaroon ka ng pagkilala sa iyong sarili, inaasahang magagamit mo iyan sa talakayan at
Gawain sa araling ito Ihanda ang sarili at aralin ang tektong nanghihikayat at naratibo.
Unawain
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
A. Kahulugan
1. Ito ay tekstong nanghihimok at nangungumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin
at simpatya ng mga mambabasa.
2. Kalimitang ginagamitan ito ng opinyon upang pukawin ang atensyon ng mga mambabasa.
3. Mahalagang susi sa pagtatagumpay ng panghihikayat ay ang KAKAYAHANG RETORIKAL.
4. Ilan sa mga halimbawa nito ay Election Propaganda, Poster, Talumpati, at Patalastas

B. Elemento ng Tekstong Nanghihikayat


1. ETHOS – tumutukoy sa kredibilidad ng nanghihikayat
2. LOGOS – pagiging lohikal at matibay ng pagpapahayag
3. PATHOS – kakayahang maimpluwensiyahan ang damdamin ng madla

C. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri


1. Kilalanin ang sumulat ng teskto at suriin ang kredibilidad nito.
2. Suriin ang nilalaman ng teksto
3. Tukuyin ang damdaming pinupukaw nito
4. Alamin ang bisa ng panghihikayat

TEKSTONG NARATIBO

A. Kahulugan
1. Tekstong nagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon.
2. Layunin nitong maglahad ng pangyayari, totoo man o hindi, na makapaglilibang sa
mambabasa.
3. Mga halimbawa ng tekstong naratibo ay maikling kuwento, dagli, nobela, sanaysay,
anekdota, at kuwentong pambata

B. Elemento ng Tekstong Nanghihikayat


1. PAKSA – tumutukoy sa pangkabuuang tema ng teksto
2. BANGHAY – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng teksto
3. SULIRANIN – ang problemang kinakailangang solusyunan ng tauhan sa teksto
4. PAMAMARAAN NG NARASYON – maaaring ito ay UNA (mismong tauhan ang
magsasalita), PANGALAWA (kinakausap ang mambabasa sa paglalahad ng pangyayari), o
PANGATLO (may panlabas na tagapagsalaysay ng pangyayari)
5. TUNGGALIAN – ang paghaharap ng mga tauhan sa teksto upang resolbahin ang suliranin
(Tao vs. Tao, Tao vs. Sarili, Tao vs Lipunan, atbp)
C. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri
1. Tukuyin ang paksa o tema ng teksto
2. Ilahad ang banghay ng teskto (Pagbubuod)
3. Alamin ang mga ginamit na paraan ng narasyon
4. Ilahad ang bisa ng teksto (Isip, damdamin, at lipunan)

Subukan ang natutunan


Gawain: Gamit ang T-Tsart, ilahad ang mga katangian ng tekstong nanghihikayat at naratibo
batay sa iyong sariling natutunan

Nanghihikayat
Naratibo

Pagtibayin

GAWAIN

Pumili ng isang akdang susuriin. Sundin ang hakbang sa ibaba kung paano ang
PORMAT ng pagsusuri. Pagkatapos, gumawa ng isang PPT Presentation na
magpapakita ng iyong detalyadong Pagsusuri.

Pormat ng Pagsusuri:

1) Impormasyon ng akda (Pamagat, manunulat, lugar/bansang


pinagmulan)
2) Sinopsis (Buod ng akda gamit ang sariling mga pangungusap)
3) Mga Tauhan at Tagpuan (may kasamang maikling paglalarawan)
4) Bisa ng Akda (Ilahad ng patalata)
a. Sa Sarili (kaalaman at aral na iyong nakuha)
b. Sa Damdamin (mga emosyong namayani sa pagbasa ng akda)
c. Sa Lipunan (maaaring maiambag nito sa lipunang Pilipino)

You might also like