You are on page 1of 10

Paaralan STA.

LUTGARDA NATIONAL HIGH Baitang 11


SCHOOL
Guro RAMEL R. GUISIC Asignatura FILIPINO
Araw ng Petsa Seksyon Oras
Pagtuturo 03-04- VITALS 7:30-8:30 AM
IKATLO
2024 EPITOME 8:30-9:30 AM Markahan
TVL 2:00-3:00 PM

I. LAYUNIN
Pamantayang Nilalaman Nasusuri ang iba’t ibang urinng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Nakasuaulat ng isang panimulang pananaliksik sa ponemang kultural at
Pagganap panlipunan sa bansa.
Most Essential Learning Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.
Competencies F11EP-IIId-36
Mga Kasanayan sa Sa pagtayapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Pagkatuto a. Natututkoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng
tekstong persuweysib.
b. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat.
c. Nakagagawa ng isang tekstong persuweysib.
II. NILALAMAN
Paksa Uri ng Teksto: Persuweysib
II. KAGAMITANG PANTURO
Mga Sanggunian
Karagdagang Marker, Visual aids
Kagamitan
Estratehiya sa Pagtuturo 4A’s (Aktibiti, Analisis, Abstraksiyon at Aplikasyon)
Philosophy of Education Constructivism
Integrasyon sa iba pang- Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan
asignatura
Sustainable Quality Education, Reduced Inequalities
Development Goals
Bakgrawnd ng mga Kayang bumasa nang may pag-unawa.
Mag-aaral
III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
⮚ Panalangin

⮚ Pagbati

⮚ Pamamahala ng Silid-aralan

⮚ Pagtala ng Liban

⮚ Pagbabalik-Aral
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
AKTIBITI
May inihanda akong komersyal dito ng
isang produkto. Panoorin at pakinggan ng
maigi.
Matapos mapanood ang isang komersyal
mayroon akong mga katanungan.
RiteMed po, Ma,am.
1. Ano ang pangalan ng produktong
nakita o napakinggan?
Tama! Ito ay RiteMed.
2. Batay sa aking ibinigay na Opo, sapagkat ito po ay kadalasang lumalabas sa telebisyon at
komersyal, naging madali ba sayo radio.
na kilalanin ito? Bakit?
Tama! Ang komersyal na ito ay kadalasang
maririnig at mapapakinggan sa ating mga
Tv at radio.
3. Halimbawa ay nangangailangan ka Opo, dahil ito ay mura at epektibo pa.
ng gamot, makukumbinse ka ba
bumili ng RiteMed. Bakit?
Magaling! Bukod mura at epektibo pa, mas
maiingganyo ka talaga dahil alam mong
pinagkakatiwalaan ito ni Susan Roces.
Upang mahikayat ang manonood at tagapakinig na bumili ng
4. Sa palagay niyo bakit may mga kanilang produkto.
komersyal ang mga produkto?
Mahusay!
Bago tayo dumako sa ating pormal na
talakayan, magkakaroon muna tayo ng
maikling pagsusulit.

Panuto: Tama o Mali. Batay sa sariling


paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag ay
tama isulat ang inyong pangalan at kung
mali naman ang pahayag isulat ang
panagalan ng inyong crush.
1. Isa sa mga layunin ng tekstong
persuweysib ay ang manghimok o TAMA
mangumbinsi sa pamamagitan ng
pagkuha ng damdamin o simpatiya
ng mga mambabasa. TAMA
2. Ang pathos ay tumutukoy sa
emosyon ng mambabasa o
tagapakinig.
3. Ang ethos ay tumutukoy sa opinion MALI
o lohikal sa pagmamatuwid ng
manunulat o tagapagsalita.
TAMA
4. Ang plan folks ay kabilang sa
propaganda device.
5. Isang katangian ng tekstong MALI
persuweysib ay may obhetibong
tono.
Tsekan ang kaniya-kaniyang papel.
ANALISIS
Batay sa ginawang maikling pagsusulat,
may ideya na ba kayo kung ano ang Opo.
tatalakayin natin?
Sige nga, ano ito?
Ito po ay isa pa sa uri ng teksto. Ito po ay tekstong
persuweysib.

Mahusay! Ang tatalakayin natin ngayon ay


ang isa pang uri ng teksto, ang tekstong
persuweysib.

Bago yan narito ang mga layuning dapat


matamo matapos ang talakayan. Maaari
bang pakibasa Binibini? Sa pagtayapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral
ay inaasahang;
a. Natututkoy ang kahulugan at katangian ng
mahalagang salitang ginamit ng tekstong persuweysib.
b. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad
ang sariling tekstong isinulat.
c. Nakagagawa ng isang tekstong persuweysib

Maraming Salamat. Ang mga nabanggit ay


ang mga layunin na ating isasakatuparan sa
araw na ito.

ABSTRAKSIYON
Ngayon ay dumako na tayo sa ating pormal
na talakayan.
Para sa pormal na pagtalakay narito ang
pagpapakahulugan ng tekstong persuweysib.

Basahin mo nga. Ang Tekstong Persuweysib ay isang uri ng teksto na


umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o
tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na
umayon sa ideyang inilahad.

Ito ay isang uri ng tekstong nanghihikayat.


Kagaya ng inyong mga napapanood na
komersyal sa tv o napapakinggan sa radyo.
Kadalasan ito ay mga komersyal ng
produkto.
Mayroon itong mga layuin. Maaari bang 1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
pakibasa. 2. Magbago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa
iba, ang siyang tama.
3. May subhetibong tono, personal na opinion at
paniniwala ng may-akda.

Saan ba natin naririnig o nakikita ang tekstog Sir, ako po


persuweysib? Sige nga. Sa telebisyon, radio, paaralan, simbahan at malls po.

Tama! At maaari rin sa may ahensya ng


negosyo.

Narito ang ilang halimbawa nito.


Maaari bang pakibasa.
Mga halimbawa
1. Iskrip sa mga patalastas
2. Talumpati
3. Propaganda ng eleksyon
4. Pagrerekrut para sa isang samahan o networking

Maraming Salamat. Yan ang mga halimbawa


na gumagamit ng panghihikayat.

Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si


Aristotle ang tatlong paraan ng
panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. ETHOS - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang
Maaari bang pakibasa. manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat
ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman
at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi
ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito.

Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat


ng mga turista upang bisitahin ang isang isla
sa Pilipinas gayong hindi pa siya
nakakapunta rito ay maaaring maging
kaduda-duda

Dapat na maisulat nang malinaw at wasto


ang teksto upang lumabas na hitik sa
kaalaman at mahusay ang sumusulat. Ang
paglalagay ng sanggunian ay nakakatulong
sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangan
mapatunayan sa mambabasa na ang mga
datos at impormasyon ay wasto at
napapanahon upang makumbinsi na ang
isinulat ay totoo at mapagkakatiwalaan. Opo.

Naunawaan po ba?

Dumako naman tayo sa pangalawa. Ito ay


ang Pathos. 2. PATHOS – Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o
damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon
Maaari bang pakibasa, Ginoo. kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit
ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay
isang epektibong paran upang makumbinsi sila.

Maraming Salamat!

Halimbawa nito, ang pagsasalaysay ng isang


kuwentong makaantig ng galit o awa ay
isang mabisang
paraan upang mahikayat silang pumanig sa
manunulat. Opo.

Naintindihan po ba kung ano ang Pathos?


Mahusay! Ngayon ay narito aman ang
pangatlo, ang Logos. 3. LOGOS - Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
Maaari bag pakibasa. mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na
batay sa mga impormasyon at datos na kaniyang
inilatag, ang kaniyang pananaw o punto ang siyang
dapat paniwalaan.
Maraming Salamat.
Ang Logos ay ginamit ito dahil malinaw na
pagpapahayag ang adhikain nito. Opo, Ma’am.

Naunawaan ba? Wala po.

Wala bang katanungan?

Kung wala na, ay dumako na tayo sa


Elemento ng Tekstong Persuweysib.
Ako po.
Una ang malalim na pananaliksik. MALALIM NA PANANALIKSIK
Sino ang nais magbasa?  Alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyung
Sige nga. tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik.

Maraming Salamat. Napakahalaga na alam


ang pasikot-sikot ng kaalaman ng teksto
upang mas lalo itong paniwaalan at kung
may malalim na pananaliksik ito.
Ako po.
Para sa pangalawa. KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG
Sino ang gustong magbasa? MGA MAMBABASA
Sige po.  Kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t
ibang laganap na persepsyon at paniniwala tungkol sa
isyu.

Maraming Salamat.
Mahalaga ito upang makasunod tayo kung
sakali man na sila ay may katanungan
tungkol sa isyu. KAALAMAN NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG
PANIG NG ISYU
At ang panghuli.  Upang epektibong masagot ang laganap ng paniniwala
Basahin mo nga, Bb. ng mga mambabasa.

Opo.

Naunawaan po ba ang mga Elemento?

Mahusay kung ganon. Layunin po nitong manghikayat.

Ano nga ulit ang layunin na tekstong


persuwysib? 1. Ethos
2. Pathos
Mahusay! Ano ang tatlong paraan ng 3. Logos
persuweysib? Isa-isahin ito.

May malalim na pananaliksik po.


Mahusay!
Magbigay naman ng isang element ng
persuweysib.

Mahusay!

APLIKASYON
Paglapat
Ngayon ay natalakay na natin ang kahulugan
at katangian ng tekstong persuweysib.

Magkakaroon tayo ng aktibiti. Ito ay


pangkatang Gawain. Papangkatin sa tatlo
ang mag-aaral, bawat pangkat ay iisip ng
kanilang patalastas na kanilang napanood sa
telebisyon. Gumamit ng mahusay na
panghihikayat.

Naunawaan po ba ang gagawin? Opo.

Matapos magsagawa, ang bawat grupo ay


pipili ng isang mag-aaral na magbabahagi ng
kanilang ginawang panghihikayat.

Narito ang pamantayan sa pagsasagawa.

May orihinalidad 5
Organisado 10
May sapat na 10
impormasyon

Maraming Salamat sa inyong napakahusay


na pakikilahok sa ating talakayan. Kayo ay
nakinig at may natutuhan.
Dito nagtatapos ang ating talakayan.

Ngayon ay dumako naman tayo para ating


isa pang maikling pagsusulit.

Handa na ba uli ang lahat? Opo.

PAGTATAYA:
Para sa maikling pagsusulit.
Panuto; pillin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat katanungan. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang ___________ ay isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o
tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
a. Ethos
b. Pathos
c. Logos
d. Tekstong Persuweysib

2. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.


a. Tekstong Persuweysib
b. Ethos
c. Pathos
d. Logos

3. Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.


a. Tekstong Persuweysib
b. Ethos
c. Pathos
d. Logos

4. Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


a. Tekstong Persuweysib
b. Ethos
c. Pathos
d. Logos

5. Saan kadalasang maririnig ang tekstong nanghihikayat?


a. Tekstong Persuweysib
b. Ethos
c. Pathos
d. Logos

KASUNDUAN:
Para sa ating susunod na talakayan, magsaliksik tungkol sa Tekstong Prosidyural.

Inihanda ni:

RAMEL R. GUISIC
Gurong Sinasanay

Sinuri ni:

GNG. GINA P. NAVAL


Gurong Tagapagsanay

You might also like