You are on page 1of 3

Mati School of

Paaralan Baitang 11
Arts and Trades
Pagbasa at
MALA-MASUSING Pagsuri ng Iba’t
BANGHAY-ARALIN Guro Jasmin T. Morales Asignatura Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Mabait
(9:45-10:45 a.m.)
Malinis
(10:45-11:45 a.m.) Ikatlong
Petsa/Oras Markahan
Pebrero 27, 2024 Markahan
Masinop
(3:00-4:00 p.m.)
Pebrero 29, 2024
I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling


tekstong isinulat;
b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa
sarili, pamilya, kumonidad, bansa at daigdig; at
c. Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong
persuweysib.
II. NILALAMAN/ TEKSTONG PERSUWEYSIB: Paano Kita Mahihikayat Gamit ang
PAKSA Uri ng Propaganda Device
Link: https://www.slideshare.net/NoldanneQuiapo/ang-tekstong-
Sanggunian:
persweysib-pagbasa-at-pagsusuri-ng-ibatibang-texto-sa-pananaliksik
Kagamitang Panturo: Mga larawan, pentelpen, PowerPoint, bidyu, kagamitang biswal.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain o Panalangin
o Pagbati
o Pagtala ng liban sa klase
o Pagpaaalala ng mga alituntunin sa silid-aralan
B. Paglinang na Gawain
a. Balik-Aral Pahapyaw na pagtatalakay ng Tekstong Deskriptibo
b. Pagganyak Panuto: Magpapakita ng mga linya sa patalastas ang guro at mag-
uunahan sa pagsagot ang mga mag-aaral kung saan o kung anong
patalastas nila ito narinig o nakita.

 “Bida ang Sarap” – Jollibee


 “Nakakasigurado ang gamot ay laging bago!” – Mercury Drug
 “We Find Ways” – BDO
 “Tagapagpagaling ng Pilipinas” – TGP
 “Ingat!” – Biogesic
 “Nice! Ganda” – McDo
 “Okay ka ba tiyan?” – Yakult
 “Have a great hair day!”” – Palmolive
 “Isang patak, isang katutak!” – Joy
 “Tama ang Timpla” – Great Taste White Coffee

Mga Gabay na tanong:

o Anu-anong panghihikayat ang naipakita o nakita sa patalastas?


o Bilang isang mamimili, ano ang naiisip mo matapos mong makita o
mapanood ang commercial?
o Kung isa kang myembro ng produksyon ng napanood mong
patalastas, ano o ano-ano kaya ang bahagi nito na tatanggalin o
dadadagdagan mo?
c. Paglalahad Gamit ang PowerPoint ilalahad ng guro ang layunin ng;
Tekstong Persuweysib
 Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang
makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilalahad.
 Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng
damdamin o simpatiya ng mambabasa.
 May subhetibong tono, personal na opinion at paniniwala ng
may-akda.
d. Paglalapat Iba’t ibang Uri ng Propaganda Device sa pamamagitan ng bidyu na
galing sa YouTube;

Link: https://youtu.be/k5i4AfSchhU?si=tWXH14Uu9aGaUTdi

 Name Calling
 Glittering Generalities
 Transfer
 Testemonial
 Plain Folks
 Card Stacking
 Bandwagon
e. Pagpapahalaga Ang tekstong persuweysib ay ginagamit ng isang may-akda upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang
isinulat. Ito ay literal na pagtutulay at pagpasa ng paniniwala ng may-
akda sa kaniyang mambabasa.
f. Paglalahat  Ano ang tekstong persuweysib?
 Ano-ano ang katangian dapat taglayin ng isang tekstong
persuweysib?
 Paano nagagamit ng isip, damdamin at kilos sa pagbuo ng
tekstong persuweysib?
 Paano masasabing mabisa ang tekstong persuweysib?
 Paano magagamit ang isang tekstong persuweysib sa sarilim
pamilya, pamayanan, at sa bayan?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang teksto tungkol sa isang produkto (Soapgurad)
Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre Sariling Linangan Kit 4: Tekstong Persuweysib,
pahina 5-6. Nababatid ko makauugnay ka sa teksto dahil ginagamit mo
tin ito araw-araw uoang maiwasan na magkasakit.Pagkatapos Mabasa,
gawin an ang graphic organizer.
HIKAYATIN MO AKO!
Tunguhin:
Unang dahilan Ikalawang dahilan Ikatlong dahilan

Kongklusyon
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Alamin ang tatlong paraan ng panghihikayat ayon kay
Aristotle at elemento ng tekstong persuweysib alamin ang mga gamit
nito at magsaliksik ng mga halimbawa ng mga ito. Isulat sa kuwaderno
ang mga sagot.

Inihanda ni: Nabatid ni:

Jasmin T. Morales Noreen Grace N. Egos


Estudyanteng Guro Gurong Tagapagsanay

You might also like