You are on page 1of 5

Instructional Plan in FILIPINO II

Pangalan ng Guro CRISTINE MEA MUNDO Baitang 11


LAPU-LAPU
Paaralan BANKAL NATIONAL HIGH SCHOOL -SH Dibisyon CITY
Filipino: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa 2 Sem / 3rd
nd

Asignatura Pananaliksik Semestre/Kwarter Quarter


Batayan sa Pagkatuto:( Hango sa Gabay ng Kurikulum) CODE:

Nakasusulat ng tekstong persuweysib at naratibo gamit ang kohesyong gramatikal. F11PS – IIIf
– 92
8
Paksa/Pamagat/Nilalalaman : Petsa: 04/26/2023
Iplan No. TEKSTONG PERSUWESIB
Susi ng Konseptong Pag-unawa:
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

Naiisa-isa ang mga paksang may kinalaman sa tekstong nanghihikayat sa


Pangkaalaman
pamamagitan ng bagyuhan ng ideya.
Nakagagawa ng isang paglalahad sa klase ng halimbawa sa tekstong
Pangkasanayan
Layunin ng Pagkatuto persuwesib.
Nabibigyang-diin ang tekstong persuweysib sa pag-aanalisa ng kaisipang
Pangkaasalan
nalalaman tungkol sa tekstong persuwesib.
Nabibigyang importansiya ang mga gawain ng karaniwang tao sa
Pagpapahalaga
pangaraw-araw.

Mga Kagamitan: * Telebesyon * laptop

 Sanggunian:
Aban, Ernesto B., at Reynaldo J. Cruz. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina. Morayta: FEU, 1997.

PAMARAAN
Methodology: Inquiry-based Learning

Paghahanda Panimulang 1-Panalangin


Gawain 2-Paglalahad ng payak na tuntunin
( 5 minutes) 3-Pagkuha ng tala sa mga lumiban sa klase

Mga Gawain  Papanuorin ng mga mag-aaral ang mga video inihanda ng guro
(3 minutes )  Batay sa mga napanuod na video ay magkakaroon ng mga pagtatanong:

1. Ano ang napapansin sa mga tauhan?


Paglalahad 2. Naranasan niyo na bang mangumbinsi?
3. Batay sa mga ginawa natin ano kaya ang magiging paksa natin
ngayong araw?

Pangungumbensi / Tekstong Nanghihikayat o persuweysib

Tekstong Nanghihikayat o persuweysib

Naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito ay


Analisis
karaniwang ginagamit sa radio at telebisyon. Ito ay gumagamit ng mga
( 14 minutes ) salitang nakagaganyak upang maging kapani-paniwala. Ito ay dapat
Discussion ginagamitan ng mga salitang nakakaganyak, tulad na lamang ng mga
dahilan kung bakit iboto ang isang kandidato o kung bakit dapat bilhin ang
isang produkto.

Halimbawa:
 Patalastas sa radio at telebisyon
 Talumpati ng mga kandidato tuwing kumakampanya para
eleksyon.

Mga Elemento ng Tekstong Persuweysib o Nanghihikayat


Isa si Aristotle sa mga pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng
panghihikayat. Ayon sa kaniya may tatlong elemento ang panghihikayat –
ethos o karakter; logos o lohikal; at pathos o emosyon.
Layunin ng tekstong persuweysib na maglahad ng isang opinyong
kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at
totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
manunulat.
Ayon kay Pilosopong Aristotle, may tatlong elemento ang paghihikayat:

 Ethos- ang karakter, imahe o reputasyon ng


manunulat/tagapagsalita.
 Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika
ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe. Ang
Ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat
pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita o
mambabasa ang manunulat.
 Logos- ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
manunulat/tagapagsalita. (magbibigay ng halimbawa na nasa
asignaturang agham at matimatika)
 Salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa
pangangatuwiran na nangangahulugang nanghihikayat
gamit ang lohikal na kaalaman o may katwiran ba ang
sinasabi upang mahikayat ang mga tagapakinig kung ito ba
ay totoo.
 Pathos- Emosyon ng mambabasa/tagapakinig.
 Ito ay tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa
o tagapakinig.
Iba’t-ibang uri ng Propaganda Device:

 Name Calling-Pagbibigay ng hindi magandang taguri ng isang


produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.
 Glittering Generalities- Ang magaganda at makakasilaw na
pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
 Transfer- Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat
sa isang produkto o tao ang kasikatan.
 Testimonial- Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag-
eendorso ng isang tao o produkto. Mga kilala o tanyag na tao ang
pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o
serbisyo.
 Card Stacking- Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian
ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang
katangian.
 Bandwagon- Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na. Ayon kay
Aristotle, karamihan sa mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang paggamit ng kanilang paniniwala at
pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.

 Logos-Tumutukoy sa paggamit ng lohikal upang makumbinsi ang


mambabasa. Kailangan mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa impormasyon at datos ang kanyang inilatag
ang kanyang pananaw o punto De Vista ang dapat paniwalaan.

Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral at bibigyan ng 3 minuto para magkaroon ng


Abstraksyon/ bagyuhan ng mga ideya ang bawat pangkat ukol sa tinalakay na teksto. Pagkatapos
Talakayan ay magkakaroon ng pagtatanong ang buong klase at ang bawat tamang sagot ay
(10 minutes) may kaakibat na puntos.

Mga katanungan:
 Ano ang tekstong persuwesib at ang mga element nito?
 Bakit kinakailangan ang tekstong persuwesib sa pamumuhay ng tao?
 Bilang isang mag-aaral sa papaanong paraan nagagamit ang tekstong
persuwesib sa asignaturang Organizaton and Management at 21st DRRR?
 Kung ikaw ay isang manunulat papaano mo mailalarawan ang tekstong
panghihikayat?
 Sa mga elemento ng tekstong persuwesib ano ang pinakamahalaga at
bakit?

Pangkatang Gawain:

 Magkaroon ng isang pangkatang gawain.


Aplikasyon  Ihahayag ng guro na ang pinakatahimik at nagkakaisang pangkat ay
( 8 minutes ) bibigyan ng dagdag puntos para sa kanilang pangkatang gawain.

Panuto: Bumuo ng limang pangkat ang klase. Magplano para sa isang


presentasyon na nagpapakita ng isang advertisement sa radyo at telebisyon
tungkol sa bagong embinsyong makakapigil sa gamit ang iba’t ibang uri ng
mga Propaganda Device upang makapanghikayat sa mga nakikinig sa
radyo o nanonood sa telebisyon.

PAMANTAYAN SA PAGKUHA NG ISKOR

Kraytirya Lubhang kasiya- Kasiya-siya Hindi kasiya-siya


siya (5pts.) (3pts.) (2pts.)

Hindi lubusang mahusay at


Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng
malinaw ang mga pahayag kaya’t hindi
Organisasyon pagbibitaw ng mga gaanong nauunawaan Hindi Mahusay
pahayag kaya’t
nauunawaan

Hindi masyadong
Nakapukaw ng nakapukaw ng interes at
interes at kawilihan kulang sa kawilihan sa
Panghihikayat sa mga nakikinig at mga nakikinig Hindi Nakapukos
manonood.
Gumamit ng iba’t-
ibang propaganda
device.

Hindi gaanong Iskor=10.


Gumamit na iba’t-ibang uri Hindi ginamitan ng
Pagkakaganap Kabuuang ng mga Propaganda Device iba’t-ibang uri ng
ng tauhan mga Propaganda
Device.

(Ang pagtatanghal ay gagawin sa susunod na pagkikita)

Pormatibong Panuto: Basahing mabuti at ikahon ng tamang sagot.


Pagtataya
Pagtataya ( 8 minutes ) 1. Nanghihikayat batay sa opinyon ng may-akd at layunin nitong panigan
ng mambabasa ang kanyang sinasabi. Ito ay uri ng tekstong __________.
A. Argumento B. Persweysib
C. Naratibo D. Prosidyural

2. Taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin ay ____.


A. Glittering Generalities B. Transfer
C. Name Calling D. Testimonial

3. Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang


produkto o tao ang kasikatan, ang tawag dito ay__________
A. Glittering Generalities B. Name Calling
C. Testimonial D. Transfer

4. Tumutukoy sa paggamit ng lohikal upang makumbinsi ang mambabasa


ang tawag dito ay __________.
A. Card Stacking B. Logos
C. Testimonial D. Transfer

5. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapahayag gamit ang emosyon?


A. Logos B. Patalastas
C. Pahayagan D. Pathos

TakdangAralin/ Gumawa ng isang talumpati nangungumbinsi. Gamitin ang Microsoft word upang maencode ang iyong
Kasunduan repleksyon upang masmalinang ang kanilang kaalaman sa aplikasyong micsoft word.
( 2 minutes )

Reinforcing the
day’s lesson

Enriching the Kung matatapos ito sa loob ng isang oras, ilalaan ang natitirang panahon
day’s lesson para mas ihasa pa ang kaalaman sa pagbubuod bilang umiindayog ang
iba’t ibang uri ng teksto sa pagpapaunlad ng kasnayang pagsulat at
pasalita.
Panapos na Gawain Enhancing the
day’s lesson
Preparing for the
new lesson

Ang pinaka magandang pangumbensi ay ang mahalin at piliin ang ating sarili sa araw-araw upang ang
tagumpay na asam ay makamtan.

Observed by :

LIEZL R. BORLASA PERCEUS G. VAŇO


Master Teacher II Principal II

APRIL 26, 2023


Date Observed
Sanggunian:

 Aban, Ernesto B., at Reynaldo J. Cruz. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina. Morayta: FEU, 1997.

ANNOTATION
Subject Integration Across the Curriculum

Organizaton and Management at DRRR

- Katanungang: Bilang isang mag-aaral sa papaanong paraan nagagamit ang tekstong persuwesib sa asignaturang Organizaton and

Management at DRRR.

Physical Science at Statistics

-Halimbawa ng mga datos sa logos na tumutukoy sa paggamit ng lohikal upang makumbinsi ang mambabasa.

ICT INTEGRATION

TakdangAralin

- Paggawa ng mga mag-aaral ng isang talumpati nangungumbinsi para sa kanilang pananalisik gamit ang micsoft word upang doon

nila maencode ang kanilang output.

You might also like