You are on page 1of 8

MGA PILING TULA NI PAT V.

VILLAFUERTE : ISANG PAGSUSURI

Isang pananaliksik na inilahad ng Bankal National High School-Senior High,


Bankal Lapu-lapu City

Bilang bahagi na kailangan sa pagtamo ng asignaturang Filipino :

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

nina:

Loreto Anticristo
Gracetine Laugan
Shiela Mae Noval
John Ruiz Rosal
Cristena Salino
Jhon Paul Ebo
Annamae Choi
Bea Moneva

2023

i
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang " Mga Piling Tula ni Pat V.

Villafuerte : Isang Pagsusuri " ay inihanda at ipinagkaloob ng ika-apat na grupo

bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtamo sa asignaturang Filipino :

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

LUPON NG TESIS

CRISTINE MEA MUNDO JANICE D. DELA CERNA


Tsirman Kasapi

PAULINA A. PAQUIBOT
Tagapayo

Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa

pagtamo sa asignaturang filipino.

PERCEUS G. VAÑO
Principal II

ii
DAHON NG PASASALAMAT

Isang pagpupugay at pasasalamat ng mga mananaliksik, sa Poong Maykapal

sa paggabay at pagbigay sa amin ng lakas, talino at pasensiya upang aming

maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa mga taong naging bahagi , tumulong

, sumuporta at nagbigay ng inspirasyon upang magawa ang pag-aaral na ito.

Nais po rin naming pasalamatan ang aming mga magulang sa pagbigay ng

gabay at tulong pinansyal na ibinigay sa amin.

G. Perceus G. Vaño na tagapamahala sa paaralan sa Bankal National High

School-Senior High.

Gng. Paulina A. Paquibot , guro sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik , sa pagbabahagi ng kaalaman at

pagbibigay gabay sa paggawa ng aming pananaliksik . Sa mga tumulong sa

amin sa paggawa ng aming pananaliksik, malaking pasasalamat ang aming

ilalahad po sa inyo.

iii
PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog namin sa aming guro sa asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik , sa mga

kaklase , sa mga susunod na mananaliksik , sa aming mga magulang na

walang sawang sumuporta at umintindi sa aming pangangailangan

sa pananaliksik na ito lalo na sa aspektong pinansyal. At higit

sa lahat inihahandog namin ito sa Poong maykapal na

gumabay at nagbigay ng kapayapaan at

karunungan sa mga mananaliksik

upang tapusin ang pag-aaral

na ito sa takdang

panahon.

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pamagat i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Pasasalamat iii

Paghahandog iv

Talaan ng Nilalaman v

Talaan ng Talahanayan at Pigyur vii

Abstrak

Kabanata I. ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW

Rasyonal ng Pag-aaral 1

Teoritikal/konseptuwal na Balangkas 2

Paglalahad ng Suliranin 4

Kahalagahan ng Pag-aaral 4

Saklaw at Delimitasyon 5

Katuturan ng Talakay 6

Kabanata II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga kaugnay na Literatura 8

Mga kaugnay na Pag-aaral 9

Kabanata III. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral 11

Pinagmulan ng Datos 11

Paraan ng pagkalap ng Datos 11

Daloy ng Pag-aaral 14

Kabanat IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG


MGA DATOS

v
Awtput

Kabanata V. NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Natuklasan

Kongklusyon

Rekomendasyon

Sanggunian

Apendix

A.Talambuhay ng May-akda

B.Kopya ng akdang sinuri

Curriculum Vitae

vi
TALAAN NG PIGYUR

Talahanayan o Pigyur No. Pahina

Pigyur 1 : Teoritikal/Konseptuwal na Balangkas 3

Pigyur 2 : Pagkabuo ng Pag-aaral 12

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan 1 Tema

Talahanayan 2 Simbolismo

Talahanayan 3 Pananaw

Talahanayan 4 Tayutay

vii
ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga piling tula ni Pat V.

Villafuerte, isang kilalang manunulat sa larangan ng panitikan sa Pilipinas.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang mga tema, pananaw,

tayutay, simbolismo at bisang pampanitikan na ginamit niya sa kanyang mga

tula.

Ang metodolohiyang ginamit sa pananaliksik na ito ay kwalitatibo. Ginamit

ng mananaliksik ang mga teknikang pang-akademiko tulad ng pagbabasa,

pagtatala upang maproseso ang mga datos na nakalap mula sa pag-aaral ng

mga tula ni Pat V. Villafuerte.

Natuklasan ng mananaliksik na ang mga tula ni Villafuerte ay may

malaking impluwensiya sa mga mambabasa sa larangan ng panitikan. Ang

kanyang mga tula ay nagbibigay ng boses sa mga nasa laylayan ng lipunan at

nagpapakita ng kagandahan at kahalagahan ng kulturang Pilipino.

Key Words:

Piling Tula, Pagsusuri

viii

You might also like