You are on page 1of 9

EPEKTO NG PAGTUPAD NG BAYBAYING PANULAT BILANG ARALING

PANTURO AT PAKSANG PAMPANITIKAN SA MGA MAG-AARAL NG ANTIPOLO


IMMACULATE CONCEPTION SCHOOL

Isang Papel Pananaliksik ng 11 - Picasso

Ipinasa kay

Gng. Marife O. Halcon sa

Asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungkol sa Pananaliksik

Departmento ng Humanities and Social Science Strand

Bilang Katuparan sa Paggawa at Pangangailangan

sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik

Departmento ng Humanities and Social Science Strand

GABRIEL, KELLY NICOLE P.


Mayo, 2024
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pangsekundaryang pananaliksik na ito na may pamagat na “Epekto ng

Pagtupad ng Baybayin Panulat bilang Araling Panturo at Paksang Pampanitikan sa

mga Mag-aaral ng Antipolo Immaculate Conception School”, na akda ni Kelly Nicole

P. Gabriel bilang katuparan sa pangangailan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik.

Tinatanggap bilang katuparan sa pangagailangan sa asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik at inaaprubahan ng Gurong

Tagapayo at Guro ng paaralan bilang opisyal pag-aaral na isinagawa sa Antipolo

Immaculate Conception School.

Mayo, 2024 MARIFE O. HALCON


Tagapayo

ABIGAL SJ. HILARO CRISELDA M. TAGAPULOT


JHS PRINCIPAL SHS COORDINATOR

II
PASASALAMAT

Ang mananaliksik na nagsagawa ng pag-aaral na ito ay buong pusong

nagpapasalamat at nagagalak na ilahad ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod na

tumulong at sumuporta sa tagumpay ng pag-aaral na ito:

MARIFE. O HALCON, Gurong Tagapayo ng asignaturang Filipino, sa paggabay

at pagbibigay payo para sa ikaka-ayos ng pananaliksik.

MARIA JOSA DE NIEVE, Gurong Tagapayo sa asignaturang English at Practical

research, sa pagbibigay payo at pagtulong sa paggawa ng talatanungan para sa

ikauunlad ng pananaliksik.

Sa mga Mag-aaral ng Ika-10 baitang ng St. Mary Antipolo Immaculate

Conception School, na siyang naging tagatugon sa isinagawang pananaliksik para sa

tapat at boluntaryong pagtulong maging parte ng pag-aaral na ito.

Sa mga Mag-aaral ng Ika-11 baitang ng PICASSO, MICHAEL ANGELO,

REMRANDT at DA VINCI ng Antipolo Immaculate Conception School, na siyang

naging tagatugon sa isinagawang pananaliksik para sa tapat at boluntaryong

pagtulong maging parte ng pag-aaral na ito.

Sa mga KAMAG-ARAL, ng mananaliksik na siyang gumabay, tumulong, at

nakisama sa proseso ng pag-aaral na ito at nagganiyak sa akin upang maisagawa ng

maayos at matapos ang pag-aaral na ito.

III
Sa mga KAIBIGAN, ng mananaliksik na siyang sumuporta at nanatiling inspirasyon

sa mga panahon nahihirapan ako at nagganyak sa akin ipagpatuloy ang

pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

AT sa mga MAGULANG, ng mananaliksik na siyang naglaan ng oras para sa

aking pangangailangan para sa ikauunlad at ikatatagumpay ng pananaliksik na ito.

MANANALIKSIK

IV
PAGHAHANDOG

Maraming salamat sa mga kaibigan at kamag-aral kong

tumulong at sumuporta sa akin sa pagsasagawa ng pag-aaral na

ito. Sa mga malapit kong kamag-aral na gumabay, tumulong,

at naniwala sa aking kakayahan. Sa mga kaibigan kong

sumuporta sa panahon ako’y nahihirapan, sa aking mga guro

na ginabayan ako sa tamang proseso ng paggawa, sa mga

magulang kong saksi sa aking paghihirap sa pag-aaral, at para

sa aking sarili na naniwalang kakayanin kong mag-isa sa

kabila ng paghihirap at kalungkutan.

~KELLY~

V
ABSTRAK

PAMAGAT: EPEKTO NG PAGTUPAD NG BAYBAYING PANULAT


BILANG ARALING PANTURO AT PAKSANG

VI
PAMPANITIKAN SA MGA MAG-AARAL NG ANTIPOLO
IMMACULATE CONCEPTION SCHOOL

MANANALIKSIK: Kelly Nicole P. Gabriel

GURONG TAGAPAYO: Marife O. Halcon

DEPARTMENTO: Humanities and Social Science

PAARALAN: Antipolo Immaculate Conception School

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK: Palarawang metodolohiya

VII
Sa pananaliksik na ito ay tinatalakay kung ano ang epekto ng Baybayin panulat

kung sakali ito ay maipatupad bilang araling panturo o indibidwal na paksa na

lamang. Ang Baybayin ay kinikilala bilang tradisyonal na panulat ng mga katutubo

noong bago sakupin ng mga dayuhan ang Pilipinas kung kaya’t sa nagdaan na

panahon, kinikilala ito bilang isa sa mga kultura ng bansa at sa kasaysayan ng wika

dahil ito ay ginagamit na sistema ng panulat ng mga katutubo. Ngunit sa pag-aaral na

ito, tinatalakay na ang Baybayin na bagama't parte ng kultura ng mga Pilipino, ito ay

hindi isinasaalang alang ang kahalagahan ng makabuluhang wika na ito sa

kasalakuyang panahon. Ang Baybayin ay isa sa mga tinatalakay na araling panitikan

sa asignaturang Filipino ng sekondaryang edukasyon. Ngunit ayon sa ibang pag-aaral

at kaalaman ng ibang mananaliksik, ang Baybayin ay hindi nararapat maging parte ng

asignaturang Filipino dahil hindi gaano natatalakay ang panitikan na ito sa

asignaturang Filipino. Dahil sa limitadong pag-aaral ng ibang paaralan tungkol sa

Baybayin, limitado lamang din ang kaalaman ng mga mag-aaral sa sekondarya

edukasyon. Ayon sa ibang pag-aaral, naniniwala ang mga mananaliksik na ang

Baybayin ay nararapat maging indibidwal na asignatura sa sining at liberal na

komunikasyon maging malawak ang pagtuturo nito at maging malawak din ang

kaalaman ng mga interesado sa pag-aaral ng Baybayin panulat. Sa pananaliksik na

ito, matatalakay kung ano nga ba ang mga posibleng epekto ng Baybayin kung sakali

ito ay maging araling panturo bilang indibidwal na asignatura.

VIII
IX

You might also like