You are on page 1of 96

MASUSING PAGSUSURI SA MGA PILING DULA NG KAMBAYOKA NA

KASASALAMINAN NG KULTURANG MARANAO

Isang Tesis na Iniharap sa


KAGAWARAN NG FILIPINO AT IBA PANG WIKA
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pangkatauhan
Pamantasang Bayan ng Mindanao
Lunsod ng Marawi

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan


ng Kursong
Filipino 199
(Pagsulat ng Tesis)

Bb. Lezel Cati-an Luzano

Abril 2016

i
ii

Scanned by CamScanner
PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay buong puso kong inihahandog sa

Poong Maykapal na siyang nagbigay lakas sa akin sa araw-araw at

nagpalakas ng aking loob, nagpatibay sa akin upang mabuo ang

tesis na ito.

Sa aking butihing ama na siyang nagbigay ng inspirasyon

upang pagbutihin ko ang aking pag-aaral. Siya ang nagiging

sandigan ko sa lahat ng pagkakataon lalo na kapag may problema

ako pagdating sa pinansyal. Laging inuna ang kapakanan ko bago

ang kanyang sarili at sa aking mga kaibigan na laging nariyan at

nagpapatawa sa akin lalo na kapag may mabigat na problema akong

dinadala.

Sa aking mga kaibigan na parating nariyan na tumulong ng

kusa at nagbigay ng payo na sina Bagdai Jhel2x, Nisah, Rowena, at

sa iba pang andyan upang ako‟y damayan. Kay Cristal, sa kanyang

pagpapahiram ng kanyang laptop upang maka-encode ako. Sa lahat,

maraming salamat dahil naging bahagi kayo ng aking buhay. Hindi

matatawaran ang inyong tulong sa inyong paala-ala at panalangin

itong paghahandog ay pagpapasalamat.

iii
Sa aking mga guro na di matatawaran ang mga tulong, payo at

pagwawasto sa pag-aaral na ito na sina Sir Dizon, Sir Delfinado, Sir

Flores at Ma‟am Manginsay.

Sa nagpapa-aral sa akin, maraming salamat sapagkat kung

hindi dahil sa inyo ay hindi ko mararating ang ganitong tagumpay.

Salamat dahil bingyan ninyo ako ng pagkakataong tuparin ang

matagal ko ng pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.

iv
PAGKILALA

Ang pag-aaral na ito ay di mabubuo kung wala ang mga naging

bahagi at katwang ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral. Kinikilala

ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga taong nagiging bahagi

at kusang tumulong sa paggawa ng kanyang tesis. Unang-una sa

kanyang mabait na tagapayo Ginoong Cesar Delfinado sa walang

sawang nagwasto at nagbibigay ng mga magagandang mungkahi

tungkol sa pag-aaral na ito sa kung ano ang nararapat gawin. Sa

mga miyembro ng panel sa kanilang pagbibigay mungkahi tungkol sa

pag-aaral na ito lalong-lalo na kay Sir Dizon na laging nariyan sa

tuwing nagkakaroon ng kalituhan. Kay Sir Flores na kahit

nakakatakot lapitan kasi bihira mo lang siyang makikita na ngumingiti

ngunit kabaliktaran nito sapagkat siya ay napakabait na guro at

tumutulong kapag siya‟y iyong kailangan at kay Ma‟am Manginsay sa

pagbibigay ng mungkahi para mapaganda ang tesis na ito.

Sa aking mga kaibigan na laging nariyan upang magbibigay ng

payo at lakas na loob sa paggawa ng tesis na ito. Laking

pasasalamat rin ng mananaliksik sa Fajardo Family sa pagpapa-aral

nito, sa walang sawang pagsuporta para matapos ang pag-aaral na

ito. Sa kanyang ama na walang sawang sumuporta hindi lamang sa


v
pinansyal ngunit sa lahat-lahat dahil naging mabuti itong ama sa

kanya. Sa nag-iisang tao na kahit malayo ay laging nariyan at hindi

kailanman sumuko, alam mo na kung sino ka “maraming salamat”.

At higit sa lahat sa mahal na Panginoong HESUS sa kanyang

pagbibigay ng sigla at liwanag upang matagumpay ang pag-aaral na

ito.

Sa inyong lahat maraming salamat.

(_Lez_)

vi
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Paghahandog iii

Pagkilala v

Talaan ng Nilalaman vii

I Kaligiran at Layunin ng Pag-aaral

Panimula 1

Batayang Teoritikal 6

Konseptwal na Balangkas 11

Paglalahad ng Suliranin 12

Layunin ng Pag-aaral 12

Kahalagahan ng Pag-aaral 13

Saklaw at Limitasyon 14

Terminolohiyang Ginamit 14

II Mga Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral

Kaugnay na Panitikan 22

Kaugnay na Pag-aaral 29

vii
III Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik 34

Batayan ng Pag-aaral 35

Krayterya sa Pagpili ng Dula 35

Paraan ng Pangangalap ng Datos 35

Krayterya sa Pagpili ng Balideytor 36

IV Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga

Paglalahad 37

Pagsusuri 49

Pagpapahalaga 66

V Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod 68

Konklusyon 70

Rekomendasyon 71

Bibliyograpi

Mga Aklat 73

Mga Tesis/Disertasyon 75

Internet 76

viii
Diksyunaryo 76

Personal na Datos 77

Apendiks

A Profile ng Balideytor

B Skrip ng Dula

ix
KABANATA I

KALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG AARAL

Panimula

Ang panitikan ay katipunan ng magaganda,


mararangal, masisining at madamdaming
kaisipang nagpapahayag ng mga
karanasan at lunggati ng isang lahi.
(Ponciano B.P. Pineda; et al.)

Ang mga Pilipino ay mayaman sa iba‟t ibang uri ng panitikan na kung saan

masasalamin ang kaugalian, paniniwala at tradisyon ng isang lahi na siyang

pagkakakilanlan ng bawat indibidwal sa isang pamayanan.

Kung ano ang kultura, kaugalian, tradisyon ng mga tao sa kanilang panahon

ay siyang pinapaksa ng panitikan. Kung matunton ang pinagmulan at mabatid

kung ano ang kanilang lahi at kung paano sila mamuhay mas madali silang

maunawaan.

Sa lahat ng uri ng panitikan, ang dula ang pinakakumplikado sa lahat

sapagkat dito hinuhubog ang kamalayan ng buhay ng isang indibidwal, kultura at

paniniwala ng isang tao. Sa dula binibigyang buhay ng isang tauhan sa ibabaw

ng entablado ang katauhan na kanilang ginagaya batay sa kwentong

isinasadula.

Sa dula makikita at mararamdaman ng mga manonood nang lantaran ang

mga pangyayari sa bawat galaw at sinasabi ng bawat tauhan. Layunin nitong

pukawin ang natutulog na mga damdamin at isipan at gisingin ang bawat isa sa

1
atin. Sa dula talagang damdam ng mga manonood ang bawat galaw ng mga

tauhan sa ibabaw ng tanghalan.

Ang bawat kilos o galaw ng mga tauhan ay ibinatay sa totoong buhay. Ang

pag-aarte ng mga aktor sa ibabaw ng entablado ay kanilang ginagaya sa kung

ano ang kanilang mga nakikita o napapansin sa mundong kanilang ginagalawan.

Isinaalang-alang din sa dula ang kultura ng bawat lahi batay sa kung anong

klaseng kwento ang kanilang isinasadula. Dito masasalamin ang bawat kasapi

ng isang lahi. Sa dula makikita natin mismo ang mga kaganapan na gusto nilang

ipakita at para mabigyang halaga ang nais nilang iparating sa bawat isa sa atin.

Ang dula bilang isang uri ng sining at panitikan na siyang salamin ng buhay o

lahi na kakitaan ng pamumuhay ng tao ay isang mabisang kasangkapan upang

makilala ang tunay na buhay nating mga Pilipino.

Ngunit dala na rin ng makabagong panahon, ang dula ay nagkaroon ng iba‟t

ibang anyo, istilo, sukat at iba pa, kasabay ang pagsilang ng mga makabagong

kabataang manunulat na siyang nagpapaunlad ng mga dula,isa na rito ang

grupong Sining Kambayoka Ensemble, ng Pamantasang Bayan ng Mindanao

Lunsod ng Marawi.

Isinilang ang grupong Sining Kambayoka pagkatapos ng tatlong araw na

seminar-palihan sa drama at sining ng teatro na pinangasiwaan ng Philippine

Educational Theater Association (PETA) at nang Central Institute of Theater Arts

in Southeast Asia (CITASA). Isa na sa mga namahala nito ay si Frank Rivera na

siyang nagbinyag sa pangalang Kambayoka mula sa salitang “bayok” ng mga

Meranaw.

2
Sa pamamagitan ng dula ng kambayoka ay naipapahayag at nailalarawan

ang kalagayan ng mga tauhan. Naipapakita rin ang uri at paraan ng kanilang

pamumuhay. Ang dula bilang isang akdang pampanitikan ay naglalarawan ng

tunay na buhay na tinatawag na realismo. May pangyayari ito na makikita sa

isang akda na mababatay natin sa katotohanan o matatawag nating

makatotohanan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba‟t ibang pangkat ng tribo. Ang bawat tribo ay

may kanya-kanyang katangian, kaugalian at paniniwala na naaayon sa kultura.

Ito ay namana pa nila sa kanilang mga ninuno at isa na rito ang tribong Meranaw

na kakaiba sa ibang tribo dito sa Pilipinas. Malaki ang kaibahan nila lalong-lalo

na sa paraan ng pamumuhay, paniniwala at tradisyon.

Isa sa mga tribong nagpapahalaga at nag-iingat sa kanilang kultura ay ang

mga tribong Meranaw na naninirahan sa Marawi City. Ang mga Meranaw ay ang

mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng Lawa ng Lanao, na

siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa

lalawigang ito‟y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga

naninirahan ay tinatawag na “Meranaw” (naninirahan sa may lawa). (Hufana,

Nerissa L.). Ang mga Meranaw ay mayaman sa kultura na kung saan kakaiba sa

ibang tribo.

Ayon kay Flores, Sr. (2001) sa pag-aaral ni Alawi, Rohaima, ang mga

Meranaw ay “isang liping may sukat ipagmalaki hindi lamang sa pagpapatunay

na hindi kailanman sumuko sa mga Kastila kundi ang pagkakaroon ng

mayamang panitikan na hango sa kanilang kultura.

3
Masasabing ang nakapag-ugnay sa lahat ng Meranaw ay ang tinatawag

nilang adat at taritib (kaugalian at tradisyon) tulad ng mahigpit na pagsunod sa

mga magulang. Higit na mapapatunayan ito sa kaugalian nila tungkol sa pag-

aasawa ng kanilang mga anak.

Ang mga Meranaw ay may mga kultura na kung saan kakaiba sa ibang

kultura. Sa pag-aaral na ito malalaman natin kung anong kultura mayroon sila at

kung papaano nila ito iginalang at sinunod na ayon sa kanilang mga ninuno.

Sa pamamagitan ng dula na susuriin ng mananaliksik, mga piling dula ng

kambayoka na akda nina Frank Rivera, Arthur Casanova at Pepito Sumayan ng

Kambayoka, makikita at mauunawaan natin kung bakit ganoon na lamang ang

kanilang pagpapahalaga sa kanilang kultura. Kaya ito ang napili ng mananaliksik

na maging paksa sapagkat gusto niyang lubusang makilala ang mga kapatid

nating Meranaw. Nais ng mananaliksik na maunawaan kung anong mayroon ang

kanilang kultura na hanggang sa ngayon ay dala-dala pa rin nila.

Pinatunayan ng mga dula sa pag-aaral na ito na ang sining ng tanghalan ay

isang mabisang instrumento para sa pagpapalaganap ng mga kaalamang pang-

kultural, pang-relihiyon at pang-sosyal. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito

mabibigyang linaw ang isipan ng bawat isa lalo na sa mga hindi Meranaw o hindi

taga Mindanao mismo.

Isang napakagandang halimbawa ang mga dula na isinulat nina Frank

Rivera, Arthur Casanova at Pepito Sumayan na isang artistic Direktor ng Sining

Kambayoka upang malaman ng buong mundo ang natatanging kaugalian ng

mga tribong Meranaw.

4
Malaking ambag din ang mga dulang sinuri ng mananaliksik upang

mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral o ng mga babasa ng pananaliksik

na ito hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa pananaw sa buhay at

lipunang ginagalawan. Makatutulong din ang mga ito sa kanilang mga pag-

unawa sa kaugalian, tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng isang pamayanan.

Dahil sa pag-aaral na ito, mauunawaan at mas lalo pa nating maintindihan

kung papaano pahahalagahan ang kulturang mayroon sila sapagkat ang kultura

ang siyang ugat kung sino at ano tayo bilang isang indibidwal.

5
Batayang Teoritikal

Ibinatay ang teorya ng pananaliksik na ito sa teoryang pangkultural dula,

realismo at kulturang makikita at maiuugnay ang bawat isa kung paano nito

hinubog ang buong pagkatao ng isang indibidwal na kabilang sa isang lipunan.

Ito ang ginawang batayan ng mananaliksik upang maging matibay ang

pagpapatunay hinggil sa paksa na kanyang napili, ito din ang angkop na maging

batayan niyang teorya sapagkat tumatalakay ito sa paksang pang-kulturang

makikita sa dula na nagpapahalaga sa lipunan.

Ang teoryang kultural ayon sa (Kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-

teoryang-pampanitikan.html) layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng

may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga

kaugalian, paniniwala, at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.

Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Dagdag pa sa pahayag ng (http://panitika.blogspot.com/2013/02/

panitikang-pilipino.html) na ang kultural ay tumutukoy sa mga kwenotng base sa

isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

Ayon kay Aristotle sa (http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-at-

agham-ng-pag-aaral-ng-dula.html) isang pilosopong Griyego, ang dula ay

imitasyon o panggagagad ng buhay. Kaya nga inaangkin ng dula ang lahat ng

katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.

Nagpapatunay lamang na ang dula ay talagang may pinagbabatayan at ito

ay totoong pangyayari na makikita sa ating paligid. Ito‟y isinasadula sa paraan

kung paano ito ginawa at kung ano ang kanilang napapansin.

6
Ayon naman kay Teresita Perez- Samorlan; et al. 1999:

“Ang dula’y isang katha na ang layunin ay


ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan
ng kilos at galaw ng isang kapana-panabik
na bahagi ng buhay. Ito’y nagbibigay ng
kasagutan sa isang malalim na suliraning
naglalarawan ng kalikasan ng mga tao,
at nagtatanghal ng tunggalian ng mga
looban at damdamin ng mga nagsisiganap.”

Sa isang dula o kahit anumang dula, isa sa mga layunin nila ay maipabatid

sa mga manonood kung ano ang tunay na nangyayari sa lipunan. Isinasadula

batay sa kung ano ang kanilang nasaksihan sa kung anong lipunan sila

nabibilang. Sa dula na binigyang pansin ng mananaliksik, kanyang ipinapakita sa

pamamagitan ng skrip kung anong kultura mayroon ang mga Meranaw. Sa

pamamagitan ng dula, mabatid ng lahat kung bakit sila ganun na lamang ang

pagyakap sa naturang kultura.

Ang mga susunod na teorya ay ginawang batayan ng mananaliksik sa

pagkilala ng realismo bilang isang pananalig sa pagsusuri ng mga akdang

pampanitikan.

Ayon kay Lukacs (1964: 6-7):

Realism is the recognition of the fact that


the work of literature can rest in either
on a lifeless average as naturalist
supposes, nor an individual principle
which dissolves its own self into
nothingness. The central category of
realist is the type, a bahagicular
synthesis which originally binds
together the general and of the
bahagicular both in character and
situations.

7
Ipinapahayag ni Lukacs na ang realismo ay pagpapakilala ng katotohanang

gawa ng panitikan. Ang sentro ng kategorya ng realista ay ang uri at bahagikular

na sentesis na kung saan ay orihinal na nagpapatibay o nagpapalakas kasama

ang pangkalahatan at bahagikular ng bawat karakter at sitwasyon. (salin mula

kay Alawi, Rohaima)

Batay sa pagpapakahulugan ni Lukacs (1964), kanyang pinatunayan na ang

realismo ay nagpapakita at nagpapakilala ng makatotohanang gawa ng

panitikan. Maganda o pangit man ito ang mahalaga ay nagpapakita ng

makatotohanang pangyayari.

Ayon kay Balzac (1972):

Realist art reflects reality accurately, in


allits complexity and totality; it is
penetrated the world of phenomenato
seize and express the enduring laws of
the internal dictates of the social reality.

Ang mas malinaw na doktrina ng realismo ay isang empirikal sa pag-unawa

sa mundo kung saan ipinalalagay na ang panitikan ay nagtataglay ng

kapangyarihang ilarawan ang karanasang bumuo ng buhay sa kanyang

bahagikular na kakayahan.

Sa madaling salita, ang lahat na paglalarawan ng karanasan na bumuo ng

buhay ay matatawag na realismo, batay na rin sa pangyayaring nasaksihan o

napanood sa kapaligiran.

Sa pahayag naman ni Alejandro (1979):

Ang realismo ay karaniwang itinatapat


bilang kasalungat sa romantisismo. Sa
ibang salita nama’y maaring tawagin
itong naturalismo.Ginagamit ang salitang
ito sa kapakanan ng mararangal na layu-

8
nin upang maiwasan ang pagpilipit sa
katotohanan at pagtakip sa kasamaan.

Malinaw na nakasaad sa taas na ang realismo ay ang makatotohanang

pangyayari na walang kinikilingan. Pangit man ito o maganda, ang mahalaga ay

pawang katotohanan lamang. Sa realismong pananaw, tinitingnan dito ang

pagiging totoo ng isang bagay o pangyayari.

Ayon kay Santiago (1979):

Ang kultura, sa payak na kahulugan,


ay ang karunungan, sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian ng isang
pangkat ng mga taong nananahanan
sa isang pamayanan.

Pinatunayan ng pahayag sa itaas na ang kultura ang siyang mga kaugalian

na sinusunod ng mga tao na kasapi sa isang pamayanan, ito ay kabuuan ng

isang lipi na nakatira sa isang lipunan. Ito ang nagbibigay hugis sa isang

indibidwal. Kung anong lipunan ka nabibilang ay siya rin ang kulturang iyong

makikilala. Pinatunayan sa pahayag ni Santiago na ang kultura ay ang

pangkalahatan na sinusunod ng isang indibidwal na nananahanan sa isang

pamayanan.

Dagdag pa ni Timbreza (2008):

Ang salitang kultura ay may katumbas


na salitang “kalinangan” na may salitang
ugat na linang (cultivate) at linangin
(to develop/to cultivate). Kaya ang
kalinangan o kultura ay siyang
lumilinang at humuhubog sa pag-iisip,
pag-uugali at gawain ng tao.

Ipinapahiwatig lamang dito na ang kultura ay ang paglinang o isang

pagsasanay ng tao sa isang lipunang kasapi sa isang pangkat. Kung ano ang

9
pinaniniwalaan ng isang tao at sinusunod ng isang lahi sa isang pangkat na kung

saan nakatira sa iisang lipunan ay tinatawag na kultura.

Sang-ayon kay Tylor, Edward, Ama ng Antropolohiya sa aklat ni Hufana

(2001):

Ang kultura ay isang kabuuang kompleks


na may malawak na saklaw sapagkat
kabilang dito ang kaalaman ,paniniwala,
sining moral/valyu, kaugalian ng tao
bilang miyembro ng isang lipunan.

Ibig sabihin ng pahayag sa itaas, ang kultura ay malawak ang saklaw

sapagkat bawat isa na kabilang sa isang lipunan ay hindi lamang ugali o

paniniwala ang sinusunod kundi ang pangkalahatang sakop ng kultura kasama

na rito ang valyu o moral, kaalaman, at sining na kung saan sakop ng kultura.

Sa pahayag naman ni White mula sa aklat ni Hufana (2001):

Ang kultura ay isang organisasyong


phenomena na sumasaklaw sa
aksyon (paraan ng pag-uugali)
bagay (kagamitan) at iba
pang mga kasangkapan, ideya
(paniniwala at kaalaman), at
sentiment (karakter/kilos at valyu).

Ibig sabihin, ang kultura ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng bawat

tao na kanilang sinusunod at ito ay binubuo ng lahat ng natututunan at

ibinabahagi sa isang komunidad o sa lugar na kung saan doon sila naninirahan.

10
Konseptwal na Balangkas

Matutunghayan sa bahaging ito ang isang dayagram na bumabalangkas sa

teorya at konsepto ng pag-aaral para sa malinaw at maayos na daloy ng pag-

aaral.

Mga Piling Dula ng Kambayoka


1. Arkat A Lawanen
2. Di-I maguni-Unia A Papanok (Ang Ibong
Umaawit)
3. Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa
4. Radia Indarapatra
5. Yakapin ang Kris

Kulturang masasalamin

Paraan ng Paglalarawan

Pagpapahalaga sa Kultura

Ganito ang ginawang dayagram ng mananaliksik upang malinaw na

maipakita ang pagkakasunod-sunod na pag-aaral.

Upang lubos na maintindihan ang pag-aaral na ito, minabuti ng mananaliksik

na unahing ilagay sa dayagram ang limang piling dula na sinuri at kinunan ng

kulturang Meranaw. Anong mga kultura ang masasalamin sa mga naturang dula

at sumunod ay sa kung paanong paraan ito inilalarawan sa naturang pagsusuri.

Ang panghuli ay pagpapahalagang makikita sa mga piling dula.

11
Paglalahad ng Suliranin

Ang mananaliksik ay bumuo ng mga katanungan na naging batayan at

sinagot tungkol sa kanyang paksa. May tatlong katanungang nagawa ang pag-

aaral at ito ay ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga kulturang Meranaw na masasalamin sa mga piling dula?

2. Sa paanong paraan ito inilalarawan?

3. Anong pagpapahalaga ang makikita sa mga piling dula?

Layunin ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay may tatlong layunin sa kanyang pag-aaral upang mas

lalong maging makabuluhan at may patutunguhan ang kanyang pag-aaral at

upang magamit sa susunod pang pag-aaral kung patungkol din sa kulturang

Meranaw ang gusto nilang paksain.

Ang pag-aaral ay naglalayong magsuri ng limang piling dula na binubuo ng

mga sumusunod: Arkat A Lawanen, Yakapin ang Kris, Nang Lumuha ang mga

Tala sa Gitna ng Lawa, Radia Indarapatra at Di-I Maguni- Unia A Papanok (Ang

ibong umaawit) upang masagot ang tatlong suliranin na nabanggit sa itaas.

1. Mailahad ang mga kulturang Meranaw sa mga naturang dula.

2. Mabatid ang paraan ng paglalarawan nito.

3. Maipakita ang mga pagpapahalaga ng kanilang kultura na nakapaloob sa dula.

12
Kahalagahan ng Pag-aaral

Hangad ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay maging mahalaga upang

lalong maunawaan ng ibang tribo kung bakit ganito na lamang ang ugali at

pagpapahalaga sa kultura ng mga Meranaw.

Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mambabasa. Makatutulong ito nang malaki sa mga mambabasa upang

lubusan nilang maunawaan ang pagpapahalaga sa kultura at lalong-lalo na

upang maunawaan nila kung anong kultura mayroon ang mga Meranaw. Para

din mapalawak ang kanilang pang-uunawa sa naturang tribo.

Sa mga Mag-aaral. Makikinabang ng lubos hindi lamang ang nagmemedyor ng

Filipino kundi dahil sa ito ay kanilang magiging gabay sa lalong mapalawak ang

kanilang pag-uunawa sa kanilang sariling kultura. Maaari ring gawing kaugnay

nap ag-aaral sa pananaliksik ng mga may kaugnayan sa paksa.

Sa mga Guro. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ang mga gurong

magtuturo ng panitikan ay madagdagan ang kaalaman tungkol sa pagsusuri ng

akda at higit sa lahat, ito‟y magiging gabay sa kung papaano ipapaliwanag ang

mga kulturang inilalarawan sa dula.

Para sa lahat. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang bilang batayan sa

pagsusuri sa dula. Higit kaninoman ay sila ang pinatutungkulan ng pag-aaral na

13
ito, Kristyano man o Muslim na mag-aaral sapagkat sila ang mas makikinabang

dito sa kalalabasan o magiging resulta ng pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sumasaklaw lamang ang pag-aaral na ito sa mga kultura ng Meranaw na

makikita sa mga piling dula nina Frank Rivera, Pepito P. Sumayan at Arthur P.

Casanova.

Naglilimita lamang ang pag-aaral na ito sa limang piling dula ng Kambayoka.

Ang mga dulang napili ng mananaliksik ay ang Arkat A Lawanen, Yakapin ang

Kris, Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa, Radia Indarapatra at Di-I

Maguni- Unia A Papanok (Ang Ibong Umaawit).

Terminolohiyang Ginamit

Ang mga terminolohiya na makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay sa

pagpapakahulugan sa pag-aaral na iminungkahi.

Agimat Pinaniniwalaan na ang laman nitong ispirituwal at

mahiwagang kapangyarihan ay magbibigay ng

walang-hanggang lakas, proteksyon, at kagalingan.

(http://fil.wikipilipinas.org/2014/index.php/Agimat)

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa agimat o anting-

anting na makikita sa dulang Radia Indarapatra. Ang

agimat na tinutukoy dito ay ang mahiwagang singsing

14
na kapag maisuot sa daliri ng namatay ay muling

mabuhay. Pagpapatunay nang isuot ni Radia

Indarapatra ang singsing sa kanyang kapatid na si

Radia Solaiman ay muli itong nabuhay at bumalik ang

dati nitong lakas.

Albularyo. Ang albularyo ang masasabing katapat ng Doktor.

Mga medicinal herbs ang kadalasang ginagamit ng

isang albularyo sa panggagamot. Madalas na

takbuhan ang albularyo ng mga tao sa isang lugar,

lalo na sa mga baryo na walang nakukuhang tulong

mula sa gobyerno kaugnay ng problema nila sa

kalusugan.(https://banderablogs.wordpress.com/2012

/05/09/albularyo-espiritista-magtatawas-atbp/)

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy sa paraan ng

panggagamot sa mga taong minsan nawalan na ng

pag-asang mapagaling ng doctor ang sakit ng

kanilang anak. Makikita ang paniniwalang ito sa

dulang Di-I Maguni-Unia A Papanok.

Dayalogo. Mga salitang namumutawi sa labi ng actor sa isang

dula o palabas. [Casanova, 2001]

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa usapan ng mga

tauhan na nakapaloob sa dula.

15
Dowry Isang bagay na binabayad ng lalaki sa babae bilang

simbolo ng kanyang kagustuhan na pakasalan ang

babae. Ito rin ay ang pagpapakita ng lalaki na

sisikapin niya na magiging maayos ang daloy ng

kanilangpagsasama.

[http://parasawikakulkongmalupet.blogspot.com/]

Sa pag-aaral na ito, tumatalakay sa paraan ng

pagpapakasal ng mga Meranaw.

Dula. Ibinatay sa totoong buhay ang pagkakaganap ng mga

aktor ayon sa kanilang nakikita o nasaksihan.

(http://tl.m.wikipedia.org/wiki/dula)

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa dulang akda na

kakasalaminan ng kulturang Meranaw. Ito ang mga

dula nasinasabi mananaliksik, Arkat A Lawanen,

Yakapin ang Kris, Nang lumuha ang mgaTala sa

Gitna ng Lawa, Radia Indarapatra at Di-I Maguni-Unia

A Papanok (Ang IbongUmaawit).

Faith healer Nag-uumpisa ang mga faith healers bilang albularyo o

hilot. Bagamat magkakaiba ang ginagawang

panggagamot, pare-pareho ang kanilang pahayag na

galing ang kanilang kapangyarihang manggamot sa

Holy Spirit, na sila ay kasangkapan lamang ng Holy

Spirit.

16
(https://banderablogs.wordpress.com/2012/05/09/albu

laryo-espiritista-magtatawas-atbp/)

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy sa paraan ng

panggagamot at makikita ito sa dulang at Di-I Maguni-

Unia APapanok (Ang IbongUmaawit).

Fixed Marriage Ang mga magulang ng mga ikakasal ay nagtatagpo at

nagkakasundo kung nais nilang ikasal ang mga anak.

[http://parasawikakulkongmalupet.blogspot.com/]

Sa papel na ito, tumutukoy ito sa tradisyon ng mga

Meranaw na mga magulang ang nagtatakda sa pag-

aasawa ng kanilang mga anak na makikita dito sa

dula.

Kambayoka. Frank Rivera na siyang nagbinyag na mula sa

salitang bayok ng mga Meranaw. [Casanova, 1984].

Ang salitang “kambayoka” ay pestibal o pagdiriwang

ng pagbabayok o pagkanta ng mga Meranaw.

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy sa pangalan ng isang

grupong mandudula sa Pamantasang Bayan ng

Mindanao sa Lunsod ng Marawi.

Kilala Isang halamang pula ang dahon na siyang

ginagawang palatandaan o pagkakakilanlan ng mga

Meranaw sa kanilang mga importanteng lugar o

bagay. (Sumayan, Pepito 2011).

17
Tumutukoy ang kilala sa isang paniniwala ng mga

Meranaw na makikita sa dulang Radia Indarapatra.

Kultura. Isang anyo o uri ng sibilisasyon ng isang bansa/lahi

(Time-Chambers Learners Dictionary, 1985) hango

kay Sobaida sa kanyang tesis.

Sa pag-aaral na ito, hinggil sa paniniwala, tradisyon,

kaugalian na siyang bumuo sa isang lipunan.

Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang iba‟t ibang kultura

na sumasalamin sa tribong Meranaw na makikita sa

limang piling dula ng Kambayoka na siyang sinuri at

binigyang diin ng mananaliksik.

Meranaw. Isang Tribo na nakatira malapit sa lawa. Ang iba ay

nakakalatsa iba‟t ibang bansa. (Madale, 1965).

Sa pag-aaral na ito, ito‟y tumutukoy sa taong kasapi

ng lipunang Meranaw o mga taong nakatira sa

malapit sa Ranao.

Maratabat. Ito ay tumutukoy sa karangalan ng isang tao; amor

propio; Kaugaliang pinahahalagahan at iniingatan ng

bawat tao; Pagpapahalaga sa sariling pagkatao

(Aden a Totolan, 2001).

Sa pag-aaral na ito, ito ay may kahulugang labis

napagpapahalaga sa sarili at sa karangalan ng

angkan na kasapisa tribong Meranaw.

18
Pagpapahalaga. Pagbibigay ng kaukulang pansin o pagkilala;

pagpapahalaga sa angking katangian. (Diksyunaryo

ng Wikang Filipino, Sentinyal Edisyon, 1998).

Sa papel na ito, ang pagpapahalaga ay makikita sa

mga piling dula nina Frank Rivera at Arthur P.

Casanova.

Pagsusuri “Pag-aaral, imbestigasyon, maingat na pag-alam”

(Tagalog- English Diksyunaryo).

Ang tinutukoy na pagsusuri sa pag-aaral na ito ay ang

pagtuklas at pag-unawa sa mga kulturang Meranaw

na makikita sa limang piling dula ng Kambayoka.

Panitikan. Salamin ng lahi. Nasisinag sa panitikan ang mga

karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian, mga

paniniwala, mga tradisyon, pangarap at lunggatiin ng

isang lahi. [Bisa, 1987]

Sa papel na ito, tumutukoy ito sa dula na isa sa mga

uri ng mga akdang pampanitikan.

Paniniwala. Pagkilala o pagtanggap sa sinasabi ng kapwa.

[Diksiyonaryong Sintenyal ng Wikang Filipino, 2011]

Sa pananaliksik na ito, tumutukoy ito sa mga

paniniwala ng mga Meranaw tungkol sa agimat,

himala, albularyo, faith healer, manghuhula at isang

panganib kapag may bahagharing nagpapakita.

19
Paririmar Isang Wiseman ang taong ito ay laging may dalang

librong na rimaran respetado ng mga maranao ang

mga paririmar o kahalintulad ng isang manghuhula.

(http://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/201

4/ autonomous-region-of-muslim-mindanao)

Sa pag-aaral na ito ang Paririmar o manghuhula ay

tumutukoy sa isang tauhan sa dula na makikita sa Di-I

Maguni-Unia A Papanok. Ito ay isa sa paniniwala ng

mga Meranaw kapag may gusto silang ipahula o

hanapin ng madalian.

Realismo. Ang pananalig na ito‟y naglalarawan sa paraang

siyentipiko at hindi mamimili ng mga bagay na

nadarama at napag-uukulan ng pagmamasid.

Inilalarawan nito ang buhay sa katotohanan nito at

walang idealismo. [Gonzales, sa aklat ni San Juan,

2005]

Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa dula na

nagpapakita ng mga katotohanang pangyayari

kagaya na lamang sa mga kulturang Meranaw na

nakapaloob sa mga piling dula ng Kambayoka.

Rido. Ang hidwaan na umiiral sa pagitan ng mga tao o

grupo ng mga tao kung saan ang mga nasabing

karapatan at katarungan ng isang grupo ay nilabag,

20
pinakialaman at ipinagkaila ng ibang grupo. [Gulliver,

1969 sa pag-aaral ni Gauntil]

Sa papel na ito, isa ito sa mga tradisyon ng mga

Meranaw na nakapaloob sa dula.

Tradisyon. Mga impormasyon, doktrina o kaugalian na

nagpasalin-salin sa mga magulang tungo sa mga

anak o naging kinagawiang paraan ng pag-iisip o

pagkilos. [Ang-kulturang-Pilipino.blogspot.com]

Sa pag-aaral na ito, tumatalakay ito sa mga

kinagawiang paraan na hanggang sa ngayon ay

sinusunod pa rin kagaya na lamang ng rido,

maratabat, fixed marriage at pagbibigay ng dowry.

21
KABANATA II

KAUGANAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

Ang kultura ay isang mahalagang paksa sa panitikan at maging sa mga pag-

aaral at pagsusuri.

Sa pananaliksik na ito ay nahahati sa dalawang bahagi ang mga kaugnay na

literatura at pag-aaral. Sa unang bahagi tinatalakay ang mga kaugnay na

panitikan at sa ikalawang bahagi naman ay ang mga kaugnay na pag-aaral.

A. KAUGNAY NA PANITIKAN

Marami nang pag-aaral tungkol sa dula ang naisagawa kaya may

mapagkukunan ang mananaliksik na may kaugnayan sa kanyang isinagawang

pananaliksik.

Ayon kina Mag-atas; et al., magkaugnay ang kasaysayan at panitikan.

Sinasabing ang panitikan ay buhay, buhay-buhay at pamumuhay. Kung ano ang

kultura, tradisyon, kabihasnan at kaugalian ng mga tao sa kanilang panahon ay

pinapaksa ng panitikan. Samakatuwid, di maaaring maihiwalay ang panitikan sa

kasaysayan.

Dagdag pa nga ni Panganiban (1979) sa aklat na “Panitikan ng Pilipinas”:

Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga


damdamin ng tao hinggil sa daigdig sa
pamumuhay sa lipunan at pamahalaan
at sa kaugnay ng kaluluwa sa Bathalang
lumikha.

22
Ipinahahayag dito na ang panitikan ay kaugnay ng buhay ng tao.

Panitikan ay kakambal na ng isang lahi at lipunan.

At wika naman ni Zeus Salazar (1996), ang panitikan ay siyang lakas na

nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga

diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang

yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na

makapangyarihan.

Dagdag pa ni Honorio Azarias sa (http://thenzai.blogspot.com/2009/06)

ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa

daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng

kaluluwa sa bathalang lumikha.

Ang pag-aaral ng mga kultura ay isa sa pinagtutuunan ng pansin dahil sa

ito‟y bahagi na ng ating mga buhay at sumasalamin sa kung anong ugali

mayroon ang bawat indibidwal.

Dagdag naman nina Kluckhohn at Kelly (Sa Kroeber, 1952:97) ang kultura

na mga matagal ng nalikhang disenyo para sa pamumuhay, maliwanag at may

pahiwatig, rasyunal, irasyunal at nonrasyunal, na umiiral sa anumang takdang

panahon bilang mga posibleng gabay sa mga kilos ng tao.

Maliban sa mga teorya patungkol sa panitikan at kultura, ngayon naman

ay isusunod ng mananaliksik ang mga tao na kung saan isa sa mga mahalagang

pinagtutuunan ng pag-aaral na ito, ito ay ang mga Meranaw.

Sa pahayag ni Jose Vivencio (1991) sa aklat ni Abueg, binubuo ang ating

kultura ng masalimuot na pagsasama-sama ng pangkalahatang kaalaman, wika,

23
moralidad, relihiyon, paniniwala, kaugalian, tradisyon, batas, sining at panitikan

at iba pang abilidad o kasanayan (skills) na nalilinang sa tao bilang miyembro ng

lipunan. Bilang mahalagang sangkap ng sibilisasyon, may ibinabahagi ang

kultura sa bawat kasapi ng lipunan. Iniimpluwensiyahan nito ang kanilang

pamumuhay, paggawa at pag-iisip, ang kanilang institusyon, istrukturang

material at relasyong ispiritwal.

Dagdag pa niya, nagbabago ang kultura dahil sa interbensyon ng tao.

Sabi nga, pangyayari ang lumikha ng tao pero tao rin ang lumilikha ng mga

pangyayari. Nagbabago ang tao at lipunan sa patuloy na proseso ng ebolusyon

ng rebolusyon. Sa modernong lipunan, na ang estado ay sumibol bilang isang

napakalakas na makinaryang ideolohikal at militar, maraming pwersang kultura

ang institusyonalisado sa sistema ng edukasyon, sining ta literature, mass

media, museo, aklatan at iba pa.

Wika ni Gonzales et, al (1998) sa pag-aaral ni Farahanah Langi (2014),

ang mga Meranaw ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa Lanao na nasa

kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ito rin

ay mga mamamayan na nakatira sa gilid ng lawa sa Lanao sa Minadanao, na

pinaniniwalaan na ang Diyos ay si Allah at ang kanilang propeta ay si

Muhammad (S.A.W) at naniniwala sila sa Islam.

Tunghayan natin ang katutubong kultura ng mga kapatid nating Meranaw.

Isa sa kanilang mga kultura ay ang pagkakasundo ng kanilang mga magulang na

ipapakasal ang kanilang anak na dalaga at binata sa isang pamilyang kanilang

napili para sa kanilang mga anak.

24
Ito man ay matatawag na sapilitan o hindi, kailangan nila itong sundin

sapagkat ito‟y nakaugalian na nila, marami man ang hindi nakakaunawa tungkol

dito dapat sundin ng mga kabataang Meranaw dahil isang paglabag ang hindi

ang pagsunod nito.

Ang salitang "maratabat" ay nangangahulugang "face" or "amour propio"

ng mga Maranaw (M. Saber & A. Madale, 1975:88). Sinasabi ng mga taga-Lanao

na ang maratabat ay susi ng kanilang sikolohiya.

Ang taong walang bangsa (identification with ancestors) (Saber & Madale

1975: 92) ay walang maratabat. Ang taong walang maratabat ay balewala o

isang napakaliit lamang at ang importanteng tao ay iyong maraming angking

maratabat.

Ang maratabat ay kahalintulad din ng "hiya". Ang taong nawalan ng

maratabat ay may "dumi sa mukha".

Sa pahayag ni Madale, malinaw na ang mga Meranaw ay mga taong may

kakaibang kultura na kung saan sila lamang ang nakakaalam. Para sa kanila ang

maratabat ay itinuring na dangal ng isang tao. Kung ikaw ay Meranaw dapat ay

taglay mo ang karangalang iyon. Kung ating mababasa sa taas san aka-italized

nakasaad dito na ang taong walang maratabat ay napakaliit ngunit ang

importanteng tao ay iyong maraming angking maratabat. Sa pahiwatig na yan,

malinaw na likas na sa kanila ang pagiging matapang, ipinaglaban ang kung ano

ang sa kanila.

Ayon naman kay Saber at Tamano (1973) sa pag-aaral ni Gauntil, ang

maratabat ay nagsisilbing gabay upang ingatan ang ego at dignidad ng buong

25
pamilya. Ang mapahiya ay pagsaling sa maratabat. Kung manyayari ito sa kanila-

--- mata sa mata, ngipin sa ngipin ang magiging bunga. Hindi

matatanggap ng sinumang Meranaw na mangyari ito sa kanya at babaunin niya

ito hanggang kamatayan.

Dagdag pa niya, may malawak na katangian ang maratabat. Kapag ang

isang tao ay tumakbo sa pulitika, ang buong pamilya at kamag-anak ay sama-

samang sumusuporta sa kanya lalo na sa pinansyal. Ilalabas nila ang kanilang

kayamanan dahil lamang sa kaugaliang ito. Kapag ang karapatan at karangalan

ng isang tao ay pinakialaman at inabuso, sukdulan ang kapalit na paghihiganti

upang mabayaran o mapalitan ang nasirang karangalan.

Sa katunayan, ang mga Meranaw kung hindi maingat sa paggamit ng

maratabat ay tiyak magdudulot ito ng kasamaan sa kanila.

Pinatunayan ni Saber (1973) na ang paghihiganti ang tanging negatibong

resulta ng maratabat. Wika niya:

Ang paghihiganti ay inconsistent sa totoong le-


gal at sa pag-uugaling itinuturo ng Islam at sa
demokratikong paraan ng pamumuhay. Sa mga
Arabo at Muslim, ang gobyerno ang siyang nag-
paparusa sa mga gumagawa ng kamalian at hn-
di ang naiwanang kamag-anak ng biktima. Sa
demokratikong proseso, walang sinuman ang
makalalagay ng batas sa kanyang kamayo di ka-
ya’y walang sinuman ang makapagpapausa sa
taong inosente.

Minsan nang dahil sa maratabat kaya nagkaroon ng rido, dito minsan nag-

ugat ang hidwaan ng mga tao dahil sa pinanindigan nilang maratabat.

Ang susunod na teoryang bibigyan ng tuon ng mananaliksik ay ang dula

na kung saan dito kinukuha ang mga datos at sa dula makikita ang mga kultura

26
na sentro ng pag-aaral na ito, ang kulturang Meranaw. Ano nga ba ang dula

ayon sa iba‟t ibang awtor. Tunghayan ang pagbibigay ng kahulugan sa

sumusunod na malaki ang kaugnayan sa lahat na nabanggit ng mga teorya sa

itaas.

Ayon kay Semorlan et al. (1999), ang dula ay isang katha na ang layunin

ay ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw ng isang kapana-

panabik na bahagi ng buhay. Ito‟y nagbibigay ng kasagutan sa isang malalim na

suliraning naglalarawan ng kalikasan ng mga tao, at nagtatanghal ng tunggalian

ng mga kalooban at damdamin ng mga nagsisiganap.

Batay sa binigay na kahulugan sa (http://brainly.ph/question/62974)

Paniniwala ito po ang nakakabisnan natin sa mga matatanda

Ayon sa (https://tl.wikipedia.org/wiki/Milagro) Ang himala o milagro ay ang

alin mang pangyayari na lumalabag sa pangkaraniwang mga batas ng kalikasan.

Ang mga himala ay pinaniniwalaang mga kamangha-manghang palatandaan ng

kapangyarihan ng (mga) Diyos sa iba't ibang mga relihiyon mula pa sa

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa (http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Agimat), ng Agimat, na kilala

rin bilang anting-anting o bertud, ang pamosong katawagan para sa mutya o

amuleto sa Pilipinas. Malaki ang ginagampanang papel nito sa mitolohiya ng

katutubong Pilipino. Bagamat marami na ang naging pagbabago sa konteksto ng

agimat, ginagamit pa rin ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng maraming

Pilipino. Sa mga katha at relihiyon, ang agimat ay iniuugnay sa mga deya ng

isang tao ukol sa pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon. Ang

27
pinaka-karaniwang anyo ng agimat ay ang amuleto na nakaukit sa bato, metal o

kahoy, na karaniwang isinusuot sa leeg. Ang agimat ay maaari ring isang dasal o

orasyon, na mula sa wikang Latin. Nakasulat ito sa isang piraso ng papel,

itinutupi at inilalagay sa pitaka, o kaya‟y tinatahi sa tela at isinasabit sa bahagi ng

katawan na hindi makikita ng ibang tao. Ang agimat at puwede ring isang maliit

na bato, ngipin ng buwaya o piraso ng tuyong prutas na inilalagay sa loob ng

maliit na tela.

Wika naman ni Aristotle sa (http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/

sining-at-agham-ng-pag-aaral-ng-dula.html) isang pilosopong Griyego, ang dula

ay isang paglalarawan ng buhay, ito ay imitasyon o panggagagad ng buhay.

Kaya nga inaangkin ng dula ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng

mga tao at mga suliranin.

Sabi naman ni Rubel sa (http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-at-

agham-ng-pag-aaral-ng-dula.html).Ang dula ay isa sa maraming paraan ng

pagkukwento. Ito‟y may tawag na hango sa salitang Griyego- Drama-

nangangahulugang gawin o kilos.

At ayon naman nina Schiller at Madame De Staele sa

(http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-at-agham-ng-pag-aaral-ng-

dula.html). Ito ay isang uri ng akdang may malaking bias sa diwa at ugali ng

isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at sama ng isang

bayan; ang mabuti ay upang pulutin at masama ay upang iwasan at di gawin.

Sa pagpapakahulugan naman ni Veneranda Lachica sa

(http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-at-agham-ng-pag-aaral-ng-

28
dula.html). Ito ay isang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng

tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may akda.

Malinaw naman sa ibinigay nilang mga teorya mula sa panitikan

hanggang sa dula na talagang ang lahat ng bagay o lahat ng tao ay may isang

pinaniniwalaan at ito ay ang panitikan ay sumasalamin sa kultura na kung saan

makikita na talagang pinahahalagahan ito ng mga tribong Meranaw. Dito

makikita kung papaano nila niyakap ang kanilang kultura at sa pamamagitan ng

mga panitikan na akda at lalong-lalo na sa dula ito‟y nalalaman ng lahat na ang

mga Meranaw ay mga taong pinahahalagahan ang kulturang mayroon sila.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay naghanap at nagbasa ng ilang mga tesis na kung

saan ay makatutulong sa kanyang pananaliksik na may pamagat na “Pag-aninag

ng mga Piling Dula ng Kambayoka: Isang pagpapahalaga. Ang mga pag-aaral na

may kaugnayan sa kanyang pananaliksik ay ang mga sumusunod:

Batay naman sa pag-aaral ni Abaya (2000) na may pamagat na

“Hambingang Pagsusuri sa Kultura at Tradisyon ng mga Meranao na

inilalarawan sa piling dulang itinanghal ng Sining Kambayoka Ensemble”. Sa

kanyang pananaliksik tungkol sa paghahambing ng dalawang dula na kung saan

kakikitaan ng kulturang Meranaw. Ang mga sumusunod na kulturang makikita sa

dula ay gaya ng (1) Idinaraos ang kasal sa kabilugan ng buwan; (2)

Pinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak; (3) Magkahiwalay

ang lalaki at babae; (4) Hindi pwedeng mag-asawa ang hindi magka-uri; (5)

29
Parusa ang hindi pagsunod sa mga magulang; (6) Pagbibigay ng Dowry; (7)

Itinatago ang babae sa araw ng kasal; at (8) Rido ng mga Meranaw. Ang mga

kulturang nabanggit ay makikita sa dulang aninagin ng mananaliksik kaya malaki

ang kaugnayan ng pananaliksik ni Abaya sa pag-aaral na ito.

Dagdag naman sa pag-aaral naman ni Bazar (2002) na may pamagat na

“Koleksyon at Pagsasalin ng mga Alamat ng Meranaw: Repleksyon ng mga

Ugaling Meranao”. Ayon sa kanyang binigay na konklusyon na isa pa ring

pagpapatunay na ang kulturang Maranaw ay napaka konserbatibo sa anomang

pangyayari lalo na‟t kung kultura at kaugalian ang pag-uusapan, sapagkat

magpahanggang sa ngayon ay may mga pag-uugali o asal na nanatili pa ring

nakatatak sa kanila at hindi nagbago. Kahit na may ibang naging moderno na sa

dahilang naimpluwensiyahan ng pagbabago sa kapaligiran subalit sa

pinanggalingan nila ay nanatili pa rin ang nakagisnang makaluma.

Sa pag-aaral ni Cali (2003) na may pamagat na “Ang 40 Salawikaing

Meranao: Isang Pagpapahalaga”. Batay sa kanyang pag-aaral na

pumapatungkol sa mga salawikaing Meranaw, kanyang nabatid sa kanyang

pananaliksik na hayagang sinasabi na ang pananaroon o salawikain ng mga

Meranaw ay kaakibat ng kanilang

Ayon naman sa pag-aaral ni Datu (2004) na pinamagatang “ Mga

Kaugaliang Meranao sa Anim na Kwento ni Angelito G. Flores, Sr. sa Aden A

Totolan”. Matapos mailahad ang mga kanyang natuklasan ng kanyang pag-aaral,

kanyang sinabi na sa kabila ng pagbabago ng pamumuhay ng mga Meranaw

dulot ng edukasyon ay nananatili pa rin ang pagsunod nila sa mga kaugaliang

30
nakagisnan nila. Pinatunayan lamang niya na patuloy na pagtalima sa kung ano

ang nakagawiang gawain na magpapayaman at mag-aangat ng pangalan ng

kanilang buong angkan kahit pa ang karapatan ng isang indibidwal na Meranaw

ay masikil. Ang mga kaugaliang Meranaw ay nagpapakita ng kanilang pakikipag-

ugnayan sa Panginoon (Allah S.W.C) at sa pakikisalamuha nila sa ibang etniko.

Sa pag-aaral ni Manginsay sa Bitiyara (2000) na may pamagat na “Ang

mga Kaugaliang Kultural na Maranaw na Masasalamin sa kolum Lakbay Diwa”.

sa pahayagang lakbay-diwa tungkol sa mga kaugaliang kultural ng mga

Meranaw ay kanyang sinabi na sadyang kakaiba ang kaugaliang kultural ng

Meranaw sapagkat ang mg ito ay nag-aankin ng mga katangiang taliwas sa

ibang tribo sa Pilipinas. Natuklasan niya ang mga kaugaliang kultural ng

Meranaw ito ay ang; pinag-iingatang hindi mapahiya pag-iingat sa maratabat,

marangal na gawain, pananalangin ng 5 beses sa isang araw, responsibilidad ng

magulang ang pagpili ng mapapangasawa, ipinaaalam ang suliranin sa iba,

paghihiganti sa kaaway o rido at paghahanda sa kanduri. Ang mga nabanggit na

mga kaugalian ay may napakalaking kaugnayan sa pag-aaral na ito sapagkat

ang kaugalian na sakop ng kultura ay siyang tutuklasin sa pag-aaral na ito.

Batay sa pag-aaral ni Palawan (2011) na may pamagat na “Mga Di-

nailimbag na Kwentong bayan ng Bacolod-Kalawi na kakikitaan ng mga

Tradisyong Meranao”. Sa kanyang konklusyong binigay patungkol sa kanyang

pag-aaral na kwentong bayan na di pa nailimbag na kakikitaan ng tradisyong

Meranaw ay hindi lamang pala sila kilala sa pagiging matapang na gaya ng

ipinakita nilang paglaban sa mga mananakop na Kastila upang hindi sila

31
mapasailalim sa Relihiyong Katoliko kundi kilala rin sila sa pagkakaroon ng

mayaman ng katutubong paniniwala sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa

buhay lalo na sa kultura at tradisyon.

Sa pag-aaral ni Caris (1991) sa kanyang pag-aaral na “The Meranaw

kinship Group and Meranaw Revenge or sa’op”. Direkta niyang sinasabi na ang

rido ay tumatagal ng ilang taon at ilang henerasyon. Mahirap itong iayos

sapagkat bawat isa ay may balak na maghiganti. May mga dahilan kung mas

pinipili ng ibang Meranaw ang maghiganti kaysa makipag-ayos. Ang isa dito ay

tindeg o pagdepensa sa dangal. Madalas itong mangyari sa mga Meranaw na

nabibilang sa mataas na uri ng pamumuhay o tinatawag na dugong- bughaw. Isa

pang dahilan ay ang kaya‟an o ang pagkapahiya.

Malinaw na nakasaad sa pahayag ni Caris na ang rido ay likas na sa mga

Meranaw, dahil sa iniingatan nilang dangal o ayaw mapahiya na kung tawagin ay

maratabat. Mahalaga sa kanila ang karangalan kaya kung may mga taong

umaapi o umaabuso sa kanila tiyak na hindi nila ito titigilan sapagkat para sa

kanila parusahan ang kung sinuman ang sumira sa karangalan na

pinakakaingatan mula pa sa kanilang mga kanunu-nunuan.

Maliban sa maratabat at nakaugalian na rin ng Meranaw na kailangang

ang magiging mapapangasawa nila ay dapat kalahi lang nila upang hindi

mapupunta ang kanilang kayamanan sa hindi nila kalahi.

Pinatunayan ito sa pag-aaral ni Zafrah (1996) sa kanyang pag-aaral na

“Pahambing sa mga Pamamaraan ng Pag-aasawa ng Tribong Meranao at

Ilokano sa Epikong Diwatandaw Gibon at Biag ni Lam-ang” ayon sa kanya,

32
nakabatay sa Bibliya ang mapapangasawa ng isang babae ay kailangan sa

kanyang lipi rin magmula kung hindi ay mapupunta ang kayamanan sa ibang lipi.

Pansinin:

Ang utos ni Yahweh tungkol sa mga anak ni Zelofehad


ay bayaan silang mag-asawa sa sinumang gusto nila
ngunit huwag lamang lalabas sa lipi ng kanilang ama.
Ang bahagi ng alinmang lipi ay hindi maaaring ilipat sa
ibang lipi ng kanilang ama. Ang babaeng may namana
sa kanyang ama ay kailangan mag-asawa sa lipi nito
upang hindi mailipat sa ibang lipi ang kabahagi ng
kanilang ama. (Bilang 36: 6-9)

Dagdag pa nina Sedic at Pangarungan (2001) sa kanilang pag-aaral na “

Mga Salik sa Maagang Pag-aasawa ng Babaeng Meranao Sarbey sa Saloobin”.

ang ibang tribo ay mayroong sinusunod na Sistema sa pag-aasawa gayundin

ang mga Meranaw. Ang sisitemang sinusunod nila ay batay sa tradisyunal na

batas, ito ay ang “Adat Laws”. Sa batas na ito ay ipinagbabawal ang babaeng

Meranaw na makipag-usap sa lalaki lalong-lalo na kung ito ay hindi kamag-anak.

Ang lalaking Meranaw ay pinapayagang pumasok sa tinatawag na intermarriage

o pag-aasawa sa hindi kalahi. Nagunit ang babaeng Meranaw ay hindi

pinapayagang mag-asawa ng hindi kalahi dahil ang mga Meranaw ay may

paniniwala na ito‟y pagsaling sa kanilang maratabat.

33
KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga pamamaraang ginamit ng

mananaliksik; ang disenyo ng pananaliksik, pinagbatayan ng pag-aaral,

krayterya ng pagkuha ng datos, paraan ng pangangalap ng datos at krayterya sa

pagpili ng kalahok. Maliban sa mga nabanggit ay kumuha din ng tatlong

balideytor ang mananaliksik upang makatiyak at makatotohanan kung tama ba

ang kanyang ginawang pagsusuri batay sa mga siniping dayalogo na

kasasalaminan ng kulturang Meranaw.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong palarawan o descriptive ang ginamit sa ganitong pag-aaral

na nilapatan ng pagsusuring nilalaman o content analysis ang siyang ginamit ng

mananaliksik upang maiayos at mapalitaw ng mabuti ang kanyang pag-aaral. Sa

pamamagitan ng disenyong ito ay nabibigyang linaw at naipapakita ng maayos

ang mga kulturang Meranaw na masasalamin sa mga piling dula ng Kambayoka.

Sinikap na mailarawan at mailahad ng malinaw at maayos ang kulturang

Meranaw na makikita sa limang piling dula na Arkat A Lawanen, Radia

Indarapatra, Yakapin ang Kris, Nang lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa, at

Di-I Maguni-Unia A Papanok (Ang ibong umaawit).

34
Batayan ng Pag-aaral

Ibinatay ang pag-aaral na ito sa limang piling dula na akda nina Frank

Rivera, Arthur Casanova, at Pepito P. Sumayan, artistic Direktor ng kambayoka,

hinggil sa kulturang Meranaw na maaninag at siyang binigyang tuon ng

mananaliksik.

Krayterya:

Mga katangian ng Dulang Sinuri.

1. Ang dula ay kakitaan ng kultura ng mga Meranaw;

2. Kakitaan ng pagpapahalaga sa kultura ang naturang akda; at

3. Naisadula na sa tanghalan ng ilang beses

Ang mga kraytiryang binanggit sa unahan ay taglay ng dulang Arkat a

Lawanen, Radia Indarapatra, Yakapin ang Kris, Nang lumuha ang mga Tala sa

Gitna ng Lawa, at Di-I Maguni-Unia A Papanok (Ang ibong umaawit) nina Frank

Rivera, Pepito P. Sumayan at Arthur P. Casanova.

Paraan ng Pangangalap ng Datos:

Pagkatapos makalap ang mga datos, ang mga kulturang Meranaw na

nakuha ng mananaliksik sa limang napiling dula ay isinaayos sa talahanayan

upang mabigyang linaw at kaukulang paliwanag ang bawat isa. Sinipi din ang

mga dayalogo ng mga tauhan sa dula na makikitaan ng kultura bilang patunay sa

nabanggit.

35
Krayterya sa Pagpili ng Balideytor:

Para mapatunayan ng mananaliksik kung tama o hindi ang ginawa niyang

pagsusuri batay sa mga sinipi niyang dayalogo na kakitaan ng kulturang

Meranaw, naglaan ng tatlong krayterya ang mananaliksik para sa pagpili ng

balideytor.

1. Purong Meranaw at may malawak na kaalaman sa kanilang kultura.

2. Dapat ang edad ay mula 30 pataas.

3. Ang balideytor ay may malawak na kaalaman sa wikang Filipino nang sa

ganun ay hindi na sila mahihirapang unawain ang mga salita.

36
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA

Sa kabanatang ito nakapaloob ang paglalahad, pagsusuri at

pagpapahalaga ng pag-aaral na batay sa limang piling dula ng kambayoka na

“Arkat a Lawanen, Di-I Maguni-Unia A Papanok, Nang Lumuha ang mga Tala sa

Gitna ng Lawa, Radia Indarapatra, at Yakapin ang Kris”. Ang mga kulturang

Meranaw na makikita sa mga nabanggit na dula sa pamamagitan ng siniping

dayalogo.

Sa pagsusuri naman ay iisa-isahin ng mananaliksik na pag-aralan at

ipakita ang mga kulturang Meranaw na masasalamin sa mga piling dula ng

Kambayoka. Sa pagpapahalaga ipapakita ng mananaliksik ang pagpapahalaga

ng kanilang kultura bilang isang Meranaw.

A. Paglalahad

1. ARKAT A LAWANEN

Buod ng Dula:

Nag-umpisa ang dula sa isang masayang mga tao na nakatira at

nagtatrabaho sa buong kaharian ng Bembaran. Makikita nila ang bahaghari sa

may kanluran. Naalarma ang lahat sa kanilang nakita. Ayon sa paniniwala na

“isang babala ang hatid ng bahaghari sa kanila, may masamang mangyayari”.

Dali-dali silang pumunta kay Prinsesa Lawanen upang ipaalam ang tungkol sa

nakita nilang bahaghari.

37
Habang sa loob ng palasyo ay abala ang mga dalaga sa pagpili ng alahas

na babagay sa Prinsesa. Ngunit sa halip na saya ay namutawi ang lungkot sa

mga mata nito. Hindi mahalaga sa kanya ang alalayan ng kayamanan at lalong

hindi siya sang-ayon na may kasamang alipin sa kanyang dowry. Ngunit wala na

siyang magagawa sapagkat ito ay nakaugalian na. Hindi papaya ang mga

kalalakihan lalong-lalo na ang Prinsipe Mabaning, ayaw ng mga kalalakihan na

sila‟y mapahiya. Mahalaga sa kanila ang “Maratabat”.

Maya-maya‟y pumasok ang isang babae at ibinalita ang kanilang nakita

na bahaghari. Dali-daling lumabas ang Prinsesang Lawanen upang tingnan ito.

Sa di kalayuan ay tanaw-tanaw ni Ayunan Salindagaw, ang matagal nang

taga-suyo ni prinsesang Lawanen. Nakita niya ang Prinsesa na pumalapit sa

tabing-dagat. Di na nag-aksaya pa ng panahon si Ayunan Salindagaw. Nakuha

nga niya ang Mahal na Prinsesa.

Nagkagulo ang lahat sa pagkawala ng Prinsesang Lawanen, kaya dali-

daling pinatawag ni Ayunan Pasandalan si Waliyan, isang manghuhula. Inutusan

niyang hanapin kung saan man naroon ang Prinsesa. Sinunod naman ito ng

manghuhula at nalaman nga nila kung nasaan at anong nangyari kay Prinsesang

Lawanen. Natuklasan nila na dinagit ang Mahal na Prinsesa ng taga Sagorongan

a Ragat.

Nang malaman ng pinsan at kapatid nitong si Bantogen ang nangyari kay

Lawanen ay galit na galit ito at sinabing “magbabayad ang mapangahas! Kahit

saang sulok ng mundo ay halughugin namin, makita lang ang aking kapatid,

anong silbi ng matutulis na kampilan!

38
Nang dumating ang Prinsipeng Mabaning, sa halip na matuwa, siya‟y

nagtaka sa nakita niyang mga mukha na tila namatayan at nalaman niya ang

dahilan. Galit na galit ang Prinsipe at dali-dali itong umalis para hanapin ang

mahal na Prinsesang Lawanen.

Siya‟y nagpalit ng anyo nang sa ganun ay madali niyang mahanap ang

kanyang Iniirog na Prinsesang Lawanen. Ngunit hindi pa rin niya ito mahanap

kaya humingi siya ng tulong kay Ayunan Pangandapan at hindi naman siya

nabigo. Binigyan siya ng Agimat upang Malaya siyang makapasok na hindi

nakikita ng mga kalaban. Isang mahiwagang panyo na kapag isinuot ay hindi na

makikita ninuman.

Nagtagumpay nga si Prinsipe Mabaning, nahanap nga niya ang

Prinsesang Lawanen at nailigtas. Napukan ang kalaban nila. Masaya ang mga

tao kasabay ng sigaw na “Mabuhay sina Prinsipe Mabaning at Prinsesa

Lawanen. Mabuhay ang Bembaran.

39
2. DI-I MAGUNI-UNIA A PAPANOK (Ang Ibong Umaawit)

Buod ng dula:

Nagsimula ang dula sa isang sabayang bigkas ng mga tauhan. Pupunta

sa magkabilang tabi ng tanghalan ang Korong Babae at ang Korong Lalaki

habang ang lahat ay umaawit ng isang awiting bayan. Sa kagubatan, namasyal

ang Mahal na Prinsesa kasama ang mga Dama at ang aso nitong si Bambam.

Masaya siyang gumagawi lagi sa kagubatan. Habang masayang naghahabulan

si Bambam at ang Pinsesa, maya-maya‟y biglang nawala si Bambam, nag-alala

ang Prinsesa at tinawag niya ang mga Dama kung nakita ba nila ito ngunit siya‟y

bigo. Nagtulong-tulong silang maghanap kay Bambam. Mga ilang minute ang

lumipas ay biglang lumabas si Bambam at tila tuwang-tuwa pa ito at patalon-

talon na animo‟y nakaloko.

Nagyaya ang isang Dama na umuwi baka sila‟y hinahanap na sa Palasyo,

agad-agad naman na sumang-ayon ang Prinsesa.

Isang araw, bigla na lamang sumigaw ang mahal na Prinsesa dahilan sa

sobrang pananakit ng ulo nito. Alalang-ala ang Mahal na Sultan at Mahal na

Reyna kaya sa kagustuhang mapabilis ang paggaling ng kanilang anak ay dali-

dali nilang pinatawag ang pinakamagaling na manggagamot sa kanilang

kaharian. Tinawag nila ang Pamomolong o albularyo upang masuri ang

kalagayan ng Mahal na Prinsesa.

Pumasok ang isang matandang uugod-ugod at may dala-dalang isang

basket na punong-puno ng dahon. Nilapatan ng albularyo ang Mahal na Prinsesa

at sinimulan na niya ang panggagamot, tinapalan niya ito ng mga dahon at

40
kasabay nito‟y kanyang dinasalan ngunit napalingo na lamang ang matandang

manggagamot sapagkat hindi pa rin gumagaling ang Prinsesa. Hindi nawalan ng

pag-asa ang Mahal na Sultan kaya muling nagpatawag ng manggagamot.

Dumating ang isang batang Doktor na may dalang itim na bag, istetoskop,

termometro, at hiringgilya, ngunit katulad ng unang manggagamot ay bigo pa rin

itong mapagamot ang Prinsesa. Sa pagkakataong iyon galit ang Mahal na Reyna

bakit hindi nila kayang gamutin ang mahal na Prinsesa.

Muling nagpatawag ang mahal na Sultan ng manggagamot at dumating

ang pangatlong manggagamot, may dala-dala itong kandila at insenso.

Sinimulan na ang panggagamot na animo‟y isang faith healer ngunit sa

pangatlong pagkakataon ay bigo pa rin ito. Sinabi na lang ng pangatlong

manggagamot sa Mahal na Sultan at Mahal na Reyna na tanging manghuhula

lamang ang makakaalam kung ano ang sakit ng kanilang anak.

Ginawa nila ang sinabi ng faith healer, ipinatawag agad nila ang Paririmar

o manghuhula. Pumasok ang isang matandang babaeng Paririmar na may dala-

dalang tungkod at sa kanyang baywang ay may nakasabit na isang nakabalot na

sulat. Sinimulan na niya ang panggagamot, tiningnan niya ng mabuti ang

Prinsesa at inaninag niyang mabuti at pagkatapos ay patango-tango ito.

Nilapitan siya ng Mahal na Sultan at sa Mahal na Reyna, tinanong kung

bakit napapatango ang Paririmar at ano ang sakit nito. Ang sakit ng iyong anak

ay hindi pangkaraniwan at maaari pa niya itong ikamatay, ngunit kung inyong

gagawin ang aking sasabihin ay gagaling agad ang Prinsesa, sabi ng Paririmar.

41
Nagtaka man at tila di makapaniwala sa narinig ang Mahal na Reyna at

Sultan ay tinanong nila ang Paririmar kung ano ang makagagamot sa Prinsesa.

Gagawin nila lahat gumaling lamang ang kanilang anak. May inabot na isang

sulat ang matandang babaeng Paririmar at ayon sa kanya, nakasulat lahat doon

ang kailangan nilang gawin. Isang mahiwagang tinig at halik ng isang ibon ang

papawi sa mahiwagang karamdaman ng Mahal na Prinsesa. Kumunot ang noo

ng Mahal na Sultan at Reyna, tila nag-aalangan ngunit papaano nila

mapatunayan kung totoo o hindi kung hindi nila susubukan.

Makikita ang mahiwagang ibon na kung tawagin ay DI-I MAGUNI-UNIA A

PAPANOK sa bundok ng Palao A Mapon. Pinatawag agad nila ang kanilang

kawal at ipinapahanap ang mahiwagang ibon ngunit hindi ganun kadaling

hanapin ito kaya nanghuli na lang ng ibang ibon ang mga kawal at sinasabi na ito

na ang mahiwagang ibon para lamang hindi sila mapahiya sa mahal na Sultan.

Nagalit ang mahal na Sultan dahil nalamang nilinlang lamang sila nito kaya

pinatawan niya ito ng parusa.

Si Bambam ang nakakita sa mahiwagang ibon at pinakiusapan niya ito na

sumama sa kaniya upang gumaling na ang Prinsesa, noong una ay di pumayag

ang ibon ngunit sa pagmamakaawa ni Bambam ay napapayag niya ito. Ginawa

ng mahiwagang ibon ang nakalagay sa sulat at gumaling agad ang Prinsesa,

tanging nasambit ng mga Dama ay “isang himala”.

42
3. NANG LUMUHA ANG MGA TALA SA GITNA NG LAWA

Buod ng dula:

Nagsimula ang kwento ng dula sa isang Call to Prayer na kung tawagin ay

ay “Bang ng Subo” itoy panawagan para sa pagdarasal. Animo‟y inaawit at

nagmumula sa isang loud speaker. Pagkatapos ng dasal, hinanda na ni Amina

ang hapag-kainan, maya-maya‟y sabay na dumating ang ina ni Amina na si

Yasmin, kanyang ama na si Abdul at ang kanyang kuya na si Bashier. Masayang

kumain ang mag buong pamilya, nagpapasalamat ang mga magulang nila Amina

at Bashier dahil nagkaroon sila ng mga anak na katulad nila na mababait at

masunurin.Laking pasasalamat din ni Yasmin na si Abdul ang kanyang

napangasawa hindi dahil sa ipinagkasundo sila ng kanilang mga magulang

ngunit masaya siya dahil sa may determinasyon ito at matatag na haligi ng

pamilya. Pinagsaluhan nila ang niluto na tinolang kadurog ni Amina na bigay ni

Hadji Usman. Maya-maya‟y maririnig nila ang tinig ni Hadji Usman sa labas ng

kanilang pintuan na nakasuot ng totob. Bumati ang mag-anak sa matanda at

nagpapasalamat ito sa binigay nitong isda. Ito‟y kanilang pinatuloy sa kanilang

bahay at inalok ng makain ngunit ito‟y tumanggi sapagkat ito‟y tapos ng kumain.

Tinanong ni Abdul kung ano ang sadya nito sa kanila, ibinalita ng matanda ang

sitwasyon sa Cotabato.

Ayon sa balitang napanood niya ay kumalat na ang mga kaguluhan doon,

nabahala ang matanda na di malayong ito‟y aabot sa kanilang pamayanan.

Tinanong ni Yasmin kung ano ang nangyayari sa Cotabato at sinabi ni Hadji

Usman na lumalaki na raw ang puwersa ng mga Ilaga at Blackshirts. Nagtanong

43
si Bashier kung sino ang mga ito. Sinabi ng na ito iyong mga taong

kumakamkam ng kanilang mga lupain na iniwan pa ng kanilang mga ninuno,

walang nagawa ang ating mga ninuno dahil sa wala silang pinaghahawakan na

papeles.

Dito nagmula ang sigalot ng kaguluhan dito sa Mindanao sabat ni Abdul.

Nagtatag sila ng de-armas na mga pangkat ng Ilaga at Blackshirts. Ang mga ito

ay bayarang private armies ng mga Kristiyanong mayor upang maprotektahan

sila ang patuloy na sabi ni Hadji Usman. Huwag lang silang magkamaling,

sapagkat kung mangyayari na may mangyari sa mga mahal ko, lintik lang ang

walang ganti, wika ni Bashier. Sa kabilang dako naman ay ang nakabungisngis

na unang mayor, inuutusan niya ang kanyang mga nasasakupan na lagging

alisto para di maunahan ng mga kalaban. Opo, meyor! Sagot ng mga Ilaga.

Ngunit ipinagbawal ang pagkakaroon ng sandata o armas, wika ng ina ni

Bashier. Kapag ang Meranaw ay tinanggalan ng armas, para na rin siyang

pinaghubad ng kanyang malong at pantalon at saka pinalakad-lakad ng hubo’t

hubad, sagot ni Bashier.

Sa kabila naman ay ang ikalawang mayor at pinagsabihan ang kanyang

mga tauhan na mga Barracuda na magbantay ng mabuti para hindi sila

maunahan ng mga kalaban. Mga Ilaga, Blackshirts at Barracuda ay kapwa rin

nating mga Pilipino sabi ni Hadji Usman. Sila ang kinasangkapan ng mga pulitiko

makamtan lamang ang mga pansariling ambisyon habang ang mga taumbayan

ay nagdurusa sa kanilang kawalanghiyaan. Nababahala na ang pamilya ni

Amina sa narinig nila. Pinagsabihan ni Abdul ang kanyang mga anak na mag-

44
ingat lagi. Ibayong ingat ang kailangan natin. Natakot na si Yasmin. Maliban sa

mga nabanggit ay may mga bandidon nagkalat at nagpakilala na mga miyembro

sila ng mga Ilaga o dili kaya‟y ng mga Barracuda upang humingi ng tulong para

raw sa kanilang kilusan ito ay ang mga rebelde.

4. RADIA INDARAPATRA

Buod ng dula:

Nagsimula ang dula sa isang kaharian ng Agamaniog. Sa Lawa ng

Ranaw. Sa ilog at kagubatan ng Ranaw. Sa kaharian ng Ranaw.

Maririnig ang malakas na tunog na agong. Titigil ang nagsasayaw na mga

babae at uupo sa trono ang Sultan at Bai ng Agamaniong, lalapit ang guwardiya‟t

luluhod saka magbabalita.

Ibinalita ng guwardiya na andyan ang Datu at may mahalaga itong pakay

sa Mahal ng Sultan. Pinatuloy ito, sinabi ng Datu ang kanyang pakay sa

pagpunta nito sa kanila. Sinabi niyang mayroong halimaw na sumalakay sa lugar

nila. Nagalit ang Mahal na Sultan ng Agamaniog, hindi siya makakapayag na

amy maghahari ng lagim sa kanyang teritoryo.

Ipinatawag ng Mahal na Sultan si Radia Solaiman at ito ang kanyang

inutusan upang siyasatin ang kung ano ang nangyayari sa Pangampong a

Ranaw. Pumayag naman si Radia Solaiman, ngunit ang kanyang Ina ay lubos

ang pag-alala sapagkat mapanganib ang lugar na iyon.

Binigyan ng mahiwagang singsing si Radia Solaiman ng kanyang Ina

bilang proteksyon nito sa paglalakbay. Hanggat suot nito ang singsing ay walang

45
masamang mangyayari sa manlalakbay. Tinanggap ito ni Radia Solaiman at

nagpapasalamat siya sa kanyang Ina. Para malaman ng palasyo ang kalagayan

niya habang naglalakbay ay binigyan niya ito ng halamang kilala (isang

halamang pula ang dahon na tradisyunal na palatandaan ng Meranaw). Dito

nalalaman kung nanganganib ang kanyang buhay kapag unti-unti itong

nalalanta.

Nagsimula nang naglakbay si Radia Solaiman at kanyang napatunayan

na hindi basta-basta ang kanilang kalaban. Si Omakaan ay isang halimaw na

maraming galamay. Sa bawat putol ng katawan nito ay may lalabas na

panibagong galamay at dadami ito ng dadami.

Natalo si Radia Solaiman, natanggal ang singsing sa kanyang kamay at

nahulog sa ilalim ng karagatan.

Sa palasyo, nalaman ng Mahal na Bai at Sultan na nasa panganib ang

kanilang anak dahil nalalanta na ang halamangb kilala. Ipinatawag ng Mahal na

Sultan ang isa pa nitong anak na si Radia Indarapatra upang sundan at hanapin

ang kanyang kapatid na si Radia Solaiman.

Umalis na si Radia Indarapatra upang hanapin ang kanyang kapatid.

Bago niya makaharap ang halimaw na si Omakaan, dadaan siya sa mga

nangangalaga sa iba‟t ibang bahagi na malapit sa Ranaw. Una niyang makita ay

ang mga suso, ito ang tutulong upang hanapin ang mahiwagang singsing. Nang

nakita na ito ay tinulungan naman siyang hanapin ang kanyang kapatid upang

isuot ang mahiwagang singsing para mabuhay ito at bumalik na sa dati nitong

lakas.

46
Hindi nabigo si Radia Indarapatra, nang maisuot na niya ito sa mga

kamay ni Radia Solaiman ay muling bumalik ang lakas nito at tulong-tulong

silang kalabanin ang halimaw na si Omakaan. Para magapi nila ito‟y kailangang

sugatan lamang ang katawan nito.

Nagtagumpay ang magkakapatid, kanilang natalo anga halimaw na si

Omakaan. Sila‟y bumalik na sa kanilang palasyo at masaya silang sinalubong ng

kanilang mahal na Ina at Amang Sultan ng Agamaniog.

5. YAKAPIN ANG KRIS

Buod ng dula:

Nagsimula ang dula sa simbahan ng mga Muslim o Mosque, isa sa mga

andun ay sina Abdul at ang kanyang dalawang kapatid na babae. Sa dakong

likuran ay dumating si Salik at hinanap si Abdul. Takot na takot ito at halos

kapusin na ng hininga, nagtaka si Abdul sa hitsura ni Salik at tinanong niya kung

ano ang nangyari. Abdul…. Sinunog ang inyong bahay…. Sinunog ng mga

dayuhan! Sunod-sunod na sabi nin Salik. Nag-alala si Abdul sa kanyang mga

magulang kaya tinanong niya ito ngunit hindi rin alam ni Salik kung ano na ang

nangyari sa mga magulang ni Abdul kaya tinawag niya agad ang kanyang mga

kapatid at agad-agad na umuwi. Huli na ang lahat, wala na ang kanilang Ama at

Ina. Natakot ang mga kapatid ni Abdul ng sisipat-sipatin nito ang Kris, pakatapos

nga ng kanyang ritwal ay hinagkan ang talim ng Kris, niyakap ito at itinaas.

Dahan-dahang magdidilim ang mapulang ilaw sa tanghalan sa pagtatapos

ng prologo.

47
Sa unang tagpo, ang kasaysayan nina Fatima at Jamail, katulad ng ibang

karaniwang Muslim, hindi pa man sila ipinanganak ay ay may napili na ang

kanilang mga magulang na mapapangasawa para sa kanila. Nagtitinginan sina

Jamail at Fatima, sila‟y magkaharap at hindi magkahawak ng kamay sapagkat

ito’y hindi nakaugalian ng mga Muslim. Sila‟y nag-uusap at masaya bilang

magkasintahan, talagang mahal kita Fatima, hindi ako nagbibiro. Kaya lang

sinasabi ko sa‟yo na mahirap talaga itong ating tradisyon, wika ni Jamail. Anong

ibig mong sabihin na napilitan ka lang na mahalin ako dahil noon pa man ay

ipinagkasundo na tayo ng ating mga magulang? Gayon ba? Tanong ni Fatima na

tila nasasaktan sa sinasabi ni Jamail. Aba, hindi, Fatima! Sabihin man na kahit

sa iba ako ipinagkasundo ni Ina at ni Ama, ikaw pa rin ang mamahalin ko, sagot

naman ni Jamail.

Biglang bumalik ang lambing at masaya nilang pag-uusap. Si Jamail at

Fatima ay parehong nag-aaral ng kolehiyo at ang kanilang pag-iisip ay

sumasabay na rin sa modernong panahon. Para sa kanila ang tradisyong

sinusunod na mula pa sa mga matatanda katulad na lamang sa kasal, paghanda

ng bonggang kasalan samantalang maraming taong nagugutom ay hindi dapat

na sundin. Pinagkasunduan na ng iyong ama at ni Ama na susunod na raw na

kabilugan ng buwan ang ating kasal. Wika ni Fatima. Binalak nilang gawing

pinakamalaking kasalan ang kasal natin. Nakakapanghinayang talaga, dagdag

pa nito. Wala tayong magagawa. „Yan ang tradisyon dito. Sagot naman ni

Jamail. Pero pipilitin kong kausapin sina Ama at Ina. Pero alam mo na ang

maratabat ng mga matatanda, ayaw nilang mapahiya. Dagdag pa ni Jamail.

48
Sa kabilang dako naman ay lumabas ang tatlong mayayaman na sina Don

Ambrosio, Roberto at Don Miguel. Ang tatlong dayuhang gustong manggulo,

gusto nilang bilhin ang mga lupain nina Abdul at sa iba pa nitong mga kasama.

Ngunit hindi sila pumayag. Hindi sila papayag na maghari ang mga dayuhan sa

kanilang lugar. Ipaglalaban nila ito kahit anong mangyari. Gusto nilang bigyan ito

ng sampol ngunit salungat naman si Jamail, ang lahat ay nadadaan sa

magandang usapan, wika ni Jamail.

Isang araw, nangyari ang di inaasahan nina Jamail, napatay ng mga

tauhan ng mayayaman ang kanyang ama na si Datu Sabdullah, sa

pagkakataong iyon ay nag-iba ang prinsipyo ni Jamail. Ang masama pa dun,

siya‟y dinakip ng mga pulis sa kadahilanang siya daw ay isang rebelde. Mga

pawang walang katotohanan ang mga bintang nila kay Jamail ngunit wala silang

nagawa sapagkat maraming pera ang kanilang kalaban. Siya nga‟y nabilanggo.

Ang dating malakas ang paniniwala na ang lahat ay madadaan sa

magandang usapan, ngayon ay nag-iba na ang kanyang pananaw. Hindi na niya

inisip, siya‟y iniligtas nina Abdul at sumali sa hukbo nito. Labag man sa loob ng

kanyang ina at asawa ngunit wala na itong nagawa.

B. Pagsusuri:

1. Arkat A Lawanen

Ang pangunahing tauhan ng dula ay sina; Prinsesa Alawanen at Prinsepe

Mabaning. Sa ibaba ay matutunghayan natin ang talahanayan na kung

49
saan makikita ang kulturang Meranaw sa pamamagitan ng siniping

dayalogo ng mga tauhan.

Talahanayan 1-A

Kulturang makikita batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan sa dulang


Arkat A Lawanen

Pamagat ng Dula Dayalogo Kulturang makikita


Babae 2: Isang -Paniniwala na kapag nagpapakita
1. Arkat a bahaghari! ang bahaghari ay may panganib.
Lawanen Lalaki 1: Isang babala,
may masamang
mangyayari…!
Lawanen: Hindi -Tradisyon ng mga Meranao na may
importante sa akin ang mga alipin kasama sa dowry ng
alayan ako ng mga babaeng Meranao na ikakasal.
kayamanan na may
kasamang mga alipin.
Noon pa man ay tutol
na ako na may mga
alipin na kasama sa
aking dowry.
Dalaga 6: Tradisyon na
natin yun mahal na
prinsesa.
Babae 6: Magagalit -Isa sa ugali ng mga Meranao na
ang Ayunan. lalaki ay ang ayaw mapahiya o
Masasaktan ang tinatawag itong “Maratabat”
damdamin ni
Bantogen, at isa pa
mapapahiya ang
prinsepe Mabaning.
Lawanen: Hahay!
Maratabat ng mga
kalalakihan
Ayunan Pasandalan: -Paniniwala sa manghuhula
Tawagin si waliyan!
Ngayon na. Gawin mo
ang lahat! Gusto kong
malaman ngayon din
kung nasaan si Arkat a
Lawanen.
Waliyan:
Masusunod…
Apakaba…

50
Krimamama…
Bombelya! Sabihin mo
sa akin kung nasaan si
Prinsesa Lawanen.
Bantogen: -Rido o pagiging matapang na
Magbabayad ang walang inuurongan. Managot ang
mapangahas! dapat nagkasala.
Daranda: Patayan na
kung patayan!
Digmaan kung
digmaan. Maibabalik ko
lang ang aking pinsan.

Lumabas sa talahanayang makikita sa itaas ang mga kulturang Meranaw

ng mga tauhan sa pamamagitan ng dayalogo. Narito ang mga nasuring

Kulturang Meranaw:

A. Paniniwala na kapag nagpapakita ang bahaghari ay may panganib

Isa sa mga kultura ng Meranaw ay ang paniniwala sa panganib na hatid

ng bahaghari ay kadalasang makikita sa rural areas na kung saan masama ang

hatid nito sa kanila. Ayon kay Prof. Esmail Disoma may edad na anim napu‟t-

dalawa (62), retiradong guro ng Sociology ng kolehiyo ng Agham Panlipunan at

Pangkatauhan sa Pamantasang Bayan ng Mindanao, Lunsod ng Marawi at isang

purong Meranaw. Ayon sa kanya, ang paniniwalang ito ay laganap sa rural area

at kalimitang naniniwala nito ay ang mga matatanda.

B. Tradisyon na ang may Alipin kasama sa Dowry

Likas na sa mga Meranaw ang pagkakaroon ng alipin kasama sa Dowry

nang sa ganun may magsisilbi sa babaeng kanilang iniibig. Ayaw ng mga

lalaking Meranaw na ito‟y tanggihan ng babae kahit ayaw pa nito sapagkat ayaw

nilang mapahiya at lalong hindi pwedeng umayaw ang babaeng Meranaw dahil

ito ay nakaugalian na. Ayon ulit kay Prof. Disoma, ang kaugaliang ito ay hindi na

51
nakikita sa kasalukuyan sa kadahilanang wala ng Meranaw na nagpapa-alipin

dahil sa Pride o tinatawag nilang Maratabat.

C. Maratabat

Ang maratabat ay isang tradisyon ng mga Meranaw na kahalintulad ng

“hiya”. Ayon nga sa pahayag nina Saber at Madale sa kaugnay na Panitikan na

ang maratabat ay nangangahulugang “face” or “amour propio” ng mga Meranaw.

Dagdag pa nila, ang taong walang Maratabat ay balewala o isang napakaliit

lamang. Para sa kanila, ang mga taong maraming angking maratabat ay ang

mga importanteng tao. Ang maratabat ay itinuring nilang dangal o isang

napakahalagang karangalan na dapat pakaingatan na minsan ay nagiging

dahilan ng paggawa ng masama sa kanilang kapwa. Ngunit may dalawang uri

ang maratabat, ito ay ang positibong maratabat at ang neagatibong maratabat.

Malinaw na makikita sa dulang Arkat A Lawanen na ito ay nabibilang sa

positibong uri ng maratabat sapagkat walang nagaganap na gantihan at walang

nasasaktan, layunin lamang ng Pangunahing tauhan na si Prinsipe Mabaning na

mapaganda ang buhay ng babaeng kanyang iniibig at ayaw nitong mapahiya lalo

na sa harap ng babae o pamilya nito.

D. Paniniwala sa manghuhula

Ang manghuhula ay ang "ABELIDAD" na kung saan ay may kakayahan

ng isang mortal na basahin kung ano ang ipapahanap ng isang tao o iyong iba

naman ay ipapahula nila ang kanilang kapalaran. Isa sa mga kaugalian ng mga

Meranaw ang naniniwala sa isang manghuhula lalo na kapag may masamang

52
nangyayari sa kanilang mahal sa buhay. Kadalasan itong nangyayari sa rural

area. Makikita ang paniniwalang ito sa dula noong biglang nawala si Prinsesa

Lawanen dahil siya ay kinuha ni Ayunan Salindagaw kaya pinatawag nila ang isa

sa pinakamagaling na manghuhula sa kanilang kaharian.

E. Rido

Ang Rido ang siyang tradisyon ng mga Meranao na ngipin sa ngipin at

mata sa mata makakapaghiganti lamang. Batay nga sa binigay na kahulugan ni

Gulliver sa pag-aaral ni Gauntil, na ang Rido ay Ang hidwaan na umiiral sa

pagitan ng mga tao o grupo ng mga tao kung saan ang mga nasabing karapatan

at katarungan ng isang grupo ay nilabag, pinakialaman at ipinagkaila ng ibang

grupo. Ang rido at maratabat ay magkakaugnay. Nagaganap o nagkakaroon ng

Rido ng dahil sa maratabat o Pride na pinakaiingat-ingatan ng mga Tribong

Meranao. Makikita nga sa dula noong sinabi ni Bantogen na magbayad ang

mapangahas! At patayan na kung Patayan! Digmaan na kung digmaan! Maibalik

lamang ang kanilang pinsan na si Lawanen. Dagdag ni Daranda.

53
2. Di-I Maguni-Unia A Papanok (Ang Ibong Umaawit)

Talahanayan 2-A

Kulturang makikita batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan sa dulang


Di-I Maguni-Unia A Papanok (Ang Ibong Umaawit)

Pamagat ng Dula Dayalogo Kulturang makikita


Korong lalaki/Sultan: -Naniniwala sa albularyo
1. DI-I Amadato, ano ang
MAGUNI— masasabi mo sa sakit
UNIA A ng aking bunso?
PAPANOK Korong
(ANG IBONG lalaki/Matanda:
UMAAWIT) Ikinalulungkot ko,
mahal na sultan, subalit
hindi ko alam ang
dahilan ng sakit ng
inyong prinsesa. Hindi
yata kayang gamutin
ng makalumang
paraan.
Korong -Paniniwala sa manggagamot upang
lalaki/Manggagamot gumaling o faith healer sa ingles
3: kailangang maniwala
ka muna sa aking
gagawin bago kita
magamot, mahal na
prinsesa.
Korong
babae/Prinsesa:
anong gagawin ko?
Korong lalaki/
Mangagagamot 3:
Kailangan mo lang ay
kapayapaan ng isip.
Ngayon, ipikit mo ang
iyong mga mata…
Isipin moa ng liwanag.
Korong lalaki/ Sultan: -Naniniwala sa mahiwagang tinig ng
Mahal na parimar, ano isang ibon na nagpapagaling
ang nararapat naming
gawin upang
mapagaling ang aming
anak?
Korong babae/
Parimar: Nakasulat

54
ang lahat ng iyon dito.
Nariritong lahat sa
kasulatan ang mga
nangyayari at ang
mangyayari. Ang
kailangan ng prinsesa
ay marinig ang
mahiwagang tinig at
halik ng isang ibon na
papawi sa kanyang
mahiwagang
karamdaman.

Lumabas sa pagsusuring ginawa ng mananaliksik ang mga Kulturang

Meranaw ay ang mga sumusunod:

A. Paniniwala sa Albularyo

Ang albularyo ay isang uri ng panggagamot sa pamamagitan ng mga

halamang gamot.. Ito ang madaling lapitan ng mga taong naniniwala na may

nakatirang ibang nilalang maliban sa tao sa mundong ito. Laganap sa probinsya

lalong-lalo na sa mga taong malayo sa siyudad at sa mga taong kapos sa pera

ang albularyo. Makikita sa dula na dahil sa kagustuhan ng isang magulang na

mapagaling ang kanilang anak ay gagawin lahat ng paraan para gumaling lang

ito. Ang paniniwalang ito ay hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa tribong

Meranaw lalo na ang mga matatanda.

B. Paniniwala sa faith healer

Ang faith healer naman ay isang uri ng panggagamot sa pamamagitan ng

isang ritwal o sa isang dasal. Ang tanging gawin lamang ay dapat magtiwala sa

manggagamot upang gagaling ang may-sakit. Kadalasan itong nakikita sa rural

area, sa mga taong kapos sa pera at sa mga naniniwala na hindi lahat ng sakit

55
ay nagagamot ng manggagamot sa pamamagitan ng makabagong medisina

kagaya na lamang sa nangyayari dito sa tuahan sa dula. Nang kanila itong

ipagamot sa doctor ay di ito gumagaling kaya lumapit sila sa lahat ng uri ng

manggagamot upang gumaling ang kanilang anak na prinsesa. Ang faith healer

ay isa ding uri ng albularyo na iba ang proseso sa panggagamot nito. Kabilang

sa ginagamot ng mga faith healer ang panggagamot ng mgataong

nasasapian “exorcised” mga taong na-nuno ona-dwende at mga nakulam.

C. Paniniwala sa mahiwagang tinig ng isang Ibon na nagpapagaling

Isa sa mga katangian ng Meranaw na nakikita sa dula ay ang paniniwala

sa kapangyarihan ng isang mahiwagang ibon na nagpapagaling ng maysakit na

tanging ang ibang albularyo ay hindi kayang gamutin ito. Ayon sa

napagtanungan ng mananaliksik na si Prof. Disoma na ang paniniwalang ito ng

mga Meranaw ay totoong nangyayari noong unang panahon ngunit wala na sa

kasalukuyan.

56
3. Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa

Talahanayan 3-A

Kulturang makikita batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan sa dulang


Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa

Pamagat ng Dula Dayalogo Kulturang makikita


Abdul: kaya naman
1. NANG LUMUHA mahal na mahal ko kayo.
ANG MGA TALA Sayang kung may kaya
SA GITNA NG lang sana tayo disin
LAWA sana‟y hindi na kayo
magbabanat ng buto.
Yasmin: Ang taong ito
kung magsalita. Alam mo -Pinagkasundo ng mga magulang
ba Abdul ang dahilan (fixed marriage)
kung bakit kita
pinakasalan? Hindi dahil
sa tayo‟y pinagkasundo
ng ating mga magulang.
Pinakasalan kita dahil
ikaw ay may
determinasyon.

Yasmin: Hari nawang


huwag magkatotoo ang
sinabi mo. Hay naku, pag
nagkatao‟y mauuna
akong mamamatay sa
nerbiyos.
Bashier: Huwag silang
magkakamali, sapagkat -Rido o pagiging matapang na walang
kung mangyayari iyan, kinakakatakutan managot lamang ang
lintik lang ang walang dapat managot.
ganti.
Bashier: Kapag ang -Nasa kaugalian na nila ang
Meranao ay tinanggalan pagkakaroon ng armas bilang tatak ng
ng armas, para na rin kanilang pagka-Meranao
siyang pinaghubad ng
kanyang malong at
pantalon at saka
pinalakad-lakad ng hubo‟t
hubad.
Hadji Usman: Hindi tayo
papayag na ang ating
pagka-Meranao ay
baguhin.

57
A. Fixed marriage

Ang pinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang anak o ang tinatawag

na Fixed Marriage sa ingles. Ang mga magulang ang nasusunod kung sino ang

mapapangasawa ng kanilang anak. Isang kaugalian na pinakakaingatan ng mga

Meranaw sapagkat may kasabihan nga sa ingles na “parents knows best “.

Ayaw nilang darating ang panahon na ang kanilang anak ay magiging kawawa.

Batay nga sa kahulugang binigay patungkol sa Fixed Marriage na ang mga

magulang ng mga ikakasal ay nagtatagpo at nagkakasundo kung nais nilang

ikasal ang kanilang mga anak. Isa din ito sa paraan ng mga magulang upang

ang kanilang mga ari-arian ay hindi mapupunta sa kung kanino lang.

B. Rido

Ang Rido ang siyang tradisyon ng mga Meranao na ngipin sa ngipin at mata

sa mata makakapaghiganti lamang. Batay nga sa binigay na kahulugan ni

Gulliver sa pag-aaral ni Gauntil na ang Rido ay Ang hidwaan na umiiral sa

pagitan ng mga tao o grupo ng mga tao kung saan ang mga nasabing karapatan

at katarungan ng isang grupo ay nilabag, pinakialaman at ipinagkaila ng ibang

grupo. Ang rido at maratabat ay magkakaugnay. Nagaganap o nagkakaroon ng

Rido ng dahil sa maratabat o Pride na pinakaiingat-ingatan ng mga Tribong

Meranao.

C. Pagkakaroon ng armas o Sandata

Sa pagkakaroon naman nila ng sandata o armas. Sa kanila ang sandata‟y

ginamit bilang proteksyon sa mga kalaban, lalong-lalo na tuwing may eleksyon.

Ayon nga sa nakapanayam ng mananaliksik na kung ang isang Meranao na

58
tinanggalan ng armas ay para na ring pinatay. Ang pagkakaroon ng armas ay

bahagi na ng isang Tribong Meranao. Malinaw na ipinakita sa dula o mismong sa

dayalogo na hindi papayag si Basher na tanggalan sila ng armas sapagkat kung

sila‟y tinanggalan nito ay para na rin siyang pinaghubad ng kanyang malong at

pantalon at saka pinalakad-lakad. Sa mga Meranaw ay ganun kahalaga sa kanila

nag pagkakaroon ng sandata bilang proteksyon nila.

4. Radia Indarapatra

Talahanayan 4-A

Kulturang makikita batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan sa dulang


Radia Indarapatra

Pamagat ng Dula Dayalogo Kulturang makikita

Bai ng Agamaniog: -Paniniwala sa anting-anting o agimat


1. RADIA Anak! Mag-iingat ka.
INDARAPAT Narito ang
RA mahiwagang singsing
na magiging gabay at
proteksyon mo sa
iyong paglalakbay.
Radia Solaiman: -Isang halamang pula ang dahon na
Salamat mahal kong tradisyunal na palatandaan ng
ina. Iingatan ko ang Meranao.
mahiwagang singsing -Isang paniniwala na sa
na ito. Ito rin ang aking pamamagitan ng halamang iyon ay
halamang kilala. Diyan malalaman kung buhay o patay ang
ninyo malalaman kung manlalakbay.
ako ay nahihirapan sa
aking paglalakbay
kapag unti-unting
nalalanta ang halaman.
Radia Indarapatra: -Paniniwala sa isang isang singsing
Hinahanap ko ang muling mabuhay kapag ito‟y isiuot
singsing ng aking muli. (himala)
kapatid na si Radia
Solaiman upang siya‟y

59
mabuhay muli sa
tuwing maisuot niya
ang singsing.
Matutulungan ba ninyo
ako?

Lumabas sa pananaliksik na ito ang mga sumunod na kultura:

A. Agimat

Ang agimat na kilala rin bilang anting-anting o bertud, ang pamosong

katawagan para sa mutya o amulet sa Pilipinas. Malaki ang ginagampanang

papel nito sa mitolohiya ng katutubong Pilipino. Bagamat marami na ang naging

pagbabago sa konteksto ng agimat, ginagamit pa rin ito sa pang-araw-araw na

pamumuhay ng maraming Pilipino. Ang agimat ay isang amulet na nakaukit sa

bato, metal o kahaoy, na karaniwang isinusuot sa leeg. Ngunit sa dulang ito

makikita na ang singsing ang agimat o anting-anting upang magiging proteksyon

sa isang manlalakbay nang sa gayon malayo ito sa kapahamakan.

Sa pakikipanayam na ginawa ng mananaliksik patungkol sa paniniwalang

ito na mayroon ang mga Meranaw ay nadiskubrehan na umiiral pa rin sa

kasalukuyan.

B. Isang halamang pula ang dahon na tradisyunal na palatandaan ng

Meranao.

Ang tradisyong ito na sa pamamagitan ng halamang pula na kilala sa tawag

na “kilala” ay malalaman ng sinoman kung ano ang magiging kalagayan ng

manlalakbay. Kapag ito ay unti-unting malalanta ay ibig sabihin nito nasa

panganib ang manlalakbay o ang mandirigma. Ito ang nakikita sa dula noong

nag-umpisang maglakabay si Radia Solaiman at sa kanyang paglalakabay ay

kanyang nakasagupa ang mabangis na Si Omakaan na isang halimaw at

60
nalaman nga ng palasyo na siya ay nahihirapan dahil unti-unting nalalanta ang

halamang kilala na iniwan nito bilang palatandaan sa kanyang ginawang

paglalakbay.

C. Paniniwala sa himala

Ang himala ay pinaniniwalaang mga kamangha-manghang palatandaan ng

kapangyarihan ng iba‟t ibang tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa

kasalukuyan. Ang himalang ipinahiwatig dito ay ang noong naisuot muli ni Radia

Indarapatra ang mahiwagang singsing kay Radia Solaiman at ito‟y muling

nabuhay at bumalik ang dati nitong lakas at siya‟ng dahilan kaya natalo nila ang

halimaw na si Omakaan.

5. Yakapin ang Kris

Talahanayan 5-A

Kulturang makikita batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan sa dulang


Yakapin ang Kris

Pamagat ng Dula Dayalogo Kulturang makikita

Jamail: Hindi ako


1. YAKAPIN nagbibiro, Fatima.
ANG KRIS Talagang mahal kita.
Kaya lang sinasabi ko
nga sa‟yo kanina pa na
mahirap talaga itong
ating tradisyon.
Fatima: Anong ibig Pinagkakasundo ang kanilang mga
mong sabihin ngayon? anak o Fixed marriage sa ingles.
Napipilitan ka lang na
mahalin ako dahil noon
pa man ay nagkasundo
na ang mga magulang
natin na tayo ay

61
magpapakasal
pagdating ng tamang
panahon, gayon ba?
Fatima: -Pagpapakasal sa tuwing kabilugan
Pinagkasunduan na ng ng buwan.
iyong ama at ni Ama na
susunod na raw na
pagbibilog ng buwan
ang ating kasal.
Jamail: Oo nga, at
magdadatingan na raw
ang mga kamag-anak
naming galling sa
Cotabato at
Zamboanga upang
maghanda at dumalo
sa kawing.
Fatima: Binabalak yata -Bonggang kasalan ay isa sa mga
nilang gawing ugali ng mga Meranao para sa may-
pinakamalaking kaya.
kasalan ang kasal
natin. Ilang baka yata
ang kakatayin at
lilitsunin parang
nakakapanghinayang,
di ba?
Jamail: wala tayong
magagawa. Yan ang
tradisyon dito.
Fatima: Maaari natin -Maratabat o ayaw mapahiya
silang kausapin para
simpleng kasalan na
lamang ang idaos.
Total, tayo naming
dalawa ang ikakasal.
Jamail: Pipilitin ko.
Pero, alam mon a ang
maratabat ng mga
matatanda. Gusto nila‟y
sila ang masusunod.
Fatima: kaugalian, -Bawal hawakan ang kamay ng
Jamail… Filipino babae ng lalaki kapag hindi pa kasal.
custom, no touch!
Jamail: Ai‟dao!
Bai Subaidah: Pero -Kaugalian at nasa tradisyon ng mga
alam din ng bayan na Meranao ang pagbibigay ng dowry
marami tayong sa babae.
pinagkakagastusan lalo
na ngayon. Ang dowry
kay Fatima… Ang

62
kasal ninyo.
Jamail: napag-usapan
na naming ni Fatima
ang tungkol dyan Ina.
Imam: ngayon, Jamail, -Sa seremonyas ng kasal ay lalaki
tapos na ang kasal. lamang ang ipinapakita at ang babae
Binabati kita at maaari ay itinatago.
mo nang hanapin ang
iyong asawa na si
Fatima.

A. Fixed marriage

Ang fixed marriage ay ang sapilitang pagpapakasal ng dalawang tao na

ipinagkasundo ng magulang nila kahit hindi nila ito mahal. Isa ito sa mga

kaugaliang Meranaw na magpasahanggang ngayon ay sinunod pa rin ng mga

tribong Meranaw.

B. Pagpapakasal tuwing kabilugan ng buwan

Ang pagpapakasal sa tuwing kabilugan ng buwan ay isang tradisyon ng

mga Meranao. Nangyayari din sa ibang tribo lalo na sa mga Kristyano ang

ganitong kaugalian sapagkat ang kabilugan ng buwan ay nagpapahiwatig ng

kasiyahan para sa bagong kasal. Ngunit batay sa pagtatanong ng mananaliksik

napag-alaman na ang tradisyong ito ay hindi na halos sinusunod sa ngayon.

Ayon sa kanila na ang pagpapakasal ay pwede kahit sa anong araw, bilog man

ang buwan o hindi ang mahalaga ay may basbas ng mga magulang. Iyan ay

batay na rin sa mga nakuhang impormasyon sa ibang kabataang Meranaw.

Ngunit sa pakikipanayam kay Prof. Disoma, ang pagpapakasal tuwing kabilugan

ng buwan ay kadalasan na lamang nangyayari sa probinsya lalo na sa mga

matatanda na naniniwala nito.

C. Bonggang kasalan

63
Ang tungkol naman sa kasalan, ang bonggang kasalan ng mga Meranao

ay talagang nakaugalian na. Hindi lamang sa tribong Meranao kundi pati na rin

sa ibang tribo sapagkat ayon nga sa kanila ay isang beses lamang mangyayari

ngunit kaiba sa tribong Meranao. Hindi isa kundi pwedeng dalawa o tatlo

depende na sa estado ng pamumuhay ng lalaki. Magiging bongga lamang ang

handaan kung ang ikinasal ay maykaya sa buhay. Katulad lang din sa mga

Kristyano.

D. Maratabat

Ang maratabat ay Ang maratabat ay kahalintulad din ng "hiya". Ang taong

nawalan ng maratabat ay may "dumi sa mukha". Isa pa ang maratabat ay

naaayon din sa tradisyon at kaugalian ng mga tao. Sa ating mga karapatan,

pribilehiyo at kaukulang karapatan ibinabase ang ating mga kostumbre sa buhay.

Ang insulto, hiya o "dumi ng mukha" ay mga paglabag sa ating mga karapatan at

pribilehiyo.

E. Pagbabawal sa paghawak sa kamay ng babaeng Meranaw kapag hindi pa

kasal

Ang tungkol sa pagbabawal sa isang lalaki na hawakan ang kamay ng

isang babae hanggat hindi pa ito asawa ay kaugalian pa ito noong unang

panahon. Bilang isang babaeng Pilipina, mapa-Meranao man o Kristyano,

talagang noong unang panahon ay mahigpit na ipinagbawal ang paghawak sa

kamay ng babae. Umiiral pa rin ito sa kasalukuyan ngunit kahigpit sa dati. Sa

tribong Meranao ay talagang sinusunod ang tradisyong ito ngunit hindi rin lahat.

64
F. Pagbibigay ng dowry

Kasama sa tradisyon ng mga Meranao ang pagbibigay ng dowry sa babae

sapagkat sa kanila ang babae ang yaman na dapat pagka-iingatan kaya para

masiguro na ang kanilang mga anak ay may maayos na buhay sa

mapapangasawa nito kailangan nitong magbigay ng dowry. Ayon nga sa binigay

na kahulugan pahina 15 na ang dowry Isang bagay na binabayad ng lalaki sa

babae bilang simbolo ng kanyang kagustuhan na pakasalan ang babae. Ito rin ay

ang pagpapakita ng lalaki na sisikapin niya na magiging maayos ang daloy ng

kanilangpagsasama.

G. Itinago ang babae sa araw ng kasal

Isa sa tradisyon ng mga Meranao tuwing sa seremonyas ng kasal ay

kailangang itago ang babae. Bahagi na ito ng kanilang kultura na bago nila

tuluyang makasama ang babaeng kanilang papakasalan ay pagkatapos ng

seremonya‟y kailangan niyang malagpasan ang mga pagsubok na ibinigay ng

pamilya ng babae at maibigay ang hinihingi nito.

65
C.Pagpapahalaga

Mahalaga ang dula sa mga Meranaw, sapagkat sa pamamagitan nito ay

lubos nilang nakikilala ang kanilang kultura na mayroon sila. Ito ang nagiging

tulay para makilala sila ng ibang tribo nang sa gayon ay mauunawaan kung bakit

ganoon na lamang ang pagyakap nila sa kanilang kultura na kakaiba sa ibang

tribo.

Gayon pa man, ayon sa pagsusuring ginawa ng mananaliksik sa limang

piling dula ng Kambayoka ito ang “Arkat A Lawanen, Di-I Maguni-Unia A

Papanok (Ang Ibong Umaawit), Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa,

Radia Indarapatra at Yakapin ang Kris” lumabas sa pagsusuri ng mananaliksik

ang kulturang Meranaw batay sa siniping dayalogo ng mga tauhan. Ang mga

sumusunod ay ang mga kulturang Meranaw na makikita; paniniwala sa isang

panganib na hatid kapag nagpapakita ang bahaghari, paniniwala sa albularyo,

agimat, faith healer, manghuhula, himala, tradiisyon ng pagbibigay ng dowry,

alipin kasama ng dowry, idinaraos ang kasal tuwing kabilugan ng buwan, bawal

hawakan ang kamay ng babae hanggat hindi pa kasal, itinatago ang babae sa

araw ng kasal, maratabat, rido, fixed marriage, pagkakaroon ng sandata o armas

at bonggang kasalan.

Samakatuwid, ang mga kulturang Meranaw na ipinakita sa limang piling

dula na ito ay kalimitang nakikita sa implikasyon nito sa mga Meranaw. Ang

maratabat, rido, fixed marriage, itinago ang babae sa araw ng kasal at

pagkakaroon ng sandata o armas ay halos nakaugalian ng karamihan sa kanila.

Halimbawa bilang patunay, ang isang Meranaw ay walang karapatang mamili

66
kung sino ang kanilang gustuhing mapangasawa sapagkat magulang ang

nagtatakda kung sino o kanino sila ipakasal at ito ay tinatawag na fixed marriage

o “buya” sa ibang salita.

Sa kabuuan, ang mananliksik ay nakakalap ng mga impormasyon hinggil

sa natuklasan niyang kulturang Meranaw na nakikita sa dula sa mga Meranaw

na may malawak na kaalaman sa kanilang kultura at upang mabigyang linaw ang

kanyang pag-aaral at lubos na mapatunayan ang kanyang pagsusuri.

67
KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay maayos na inilahad ng mananaliksik ang buod,

konklusyon at rekomendasyon sa ginawang pag-aaral.

BUOD

Ang pagsasadula ng isang dula lalo na sa isang kultura ay napakahalaga

upang lalong maunawaan at higit na mahalin ng mga kabataan ang kanilang

kultura. Ang bawat dula ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon upang

mapalawak ang kaalaman ng manonood at ng mambabasa sa mga akdang

pampanitikan lalo na sa dula.

Sa panahon ngayon, hindi maipagkakaila na may kaibahan ang kulturang

Meranaw sa ibang kultura. Ang paniniwala at tradisyon ng mga Meranaw ay

nababatay sa kung anong kultura ang kanilang nakagisnan, nasasalamin dito

ang kanilang identidad bilang isang miyembro ng tribong Meranaw, kaya

pinahahalagahan ng mga Meranaw ang kanilang mga akdang pampanitikan lalo

na ang dula sapagkat sa pamamagitan nito sila ay nakilala ng ibang tribo.

Sa pag-aaral na ito ang pangunahing layunin ng mananaliksik ay upang

malaman ang mga kulturang Meranaw na makikita sa mga piling dula ng

Kambayoka, mailahad ang paraan ng paglalarawan nito at maipakita ang

pagpapahalaga ng kanilang kultura na nakapaloob sa dula.

68
.

Sumasaklaw lamang ang pag-aaral na ito sa mga kultura ng Meranaw na

makikita sa mga piling dula nina Frank Rivera, Pepito P. Sumayan at Arthur P.

Casanova. At naglilimita lamang ito sa limang dula ,ang mga dulang napili ng

mananaliksik ay ang Arkat A Lawanen, Yakapin ang Kris, Nang Lumuha ang

mga Tala sa Gitna ng Lawa, Radia Indarapatra at Di-I Maguni- Unia A Papanok

(Ang ibong umaawit).

Ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pamaraang palarawan o

ang tinatawag na “Descriptive Method” na nilapatan ng pagsusuring pang

nilalaman o content analysis upang makita ang mga kulturang Meranaw sa mga

piling dula sa pamamagitan ng mga siniping dayalogo.

Gayun pa man ayon sa pagsusuri ng mananaliksik sa limang piling dula

ng Kambayoka ito ang “Arkat A Lawanen, Di-I Maguni-Unia A Papanaok (Ang

Ibong Umaawit), Nang Lumuha ang mga Tala sa Gitna ng Lawa, Radia

Indarapatra at Yakapin ang Kris”, kanyang natukalsan ang mga kulturang

Meranaw na nakikita sa siniping dayalogo: paniniwala sa albularyo, faith healer,

manghuhula, himala, isang panganib kapag nagpapakita ang bahaghari, agimat,

tradisyong idinaraos ang kasal tuwing kabilugan ng buwan, bawal hawakan ang

kamay ng babae kapag hindi pa kasal, itinatago ang babae sa araw ng kasal,

maratabat, rido, fixed marriage, pagbibigay ng dowry, alipin kasama ng dowry,

pagkakaroon ng sandata o armas bonggang kasalan, at ang paniniwala sa

halamang pula bilang palatandaan ng mga Meranaw upang malaman kung ang

isang manlalakbay nagtagumpay o hindi ayon sa nakikita sa dula.

69
Sa mga natuklasan ng mananaliksik, kanyang napatunayan na ang mga

Meranaw, kakaiba man ang kultura na mayroon sila ngunit makikita kung paano

nila pinapahalagahan ang kanilang kultura.

KONKLUSYON

Batay sa pag-aaral ng mananaliksik ukol sa masusing pagsusuri sa mga

piling dula ng Kambayoka na kasasalaminan ng kulturang Meranaw, lumabas sa

isinagawang analisis ang mga sumusunod:

 Ang kulturang Meranaw na matatagpuan sa siniping dayalogo tulad ng

paniniwala sa albularyo, faith healer, manghuhula, himala, isang panganib

kapag nagpapakita ang bahaghari, agimat, tradisyong idinaraos ang kasal

tuwing kabilugan ng buwan, bawal hawakan ang kamay ng babae kapag

hindi pa kasal, itinatago ang babae sa araw ng kasal, maratabat, rido,

fixed marriage, pagbibigay ng dowry, alipin kasama ng dowry,

pagkakaroon ng sandata o armas bonggang kasalan, at ang paniniwala

sa halamang pula bilang palatandaan ng mga Meranaw upang malaman

kung ang isang manlalakbay nagtagumpay o hindi na ayon sa nakikita sa

dula. Nangangahulugan na ang dulang sinuri ay patunay na repleksyon ng

kulturang Meranaw.

 Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ipinapakita dito na sa limang piling

dula ay may mga nagkakaroong kulturang magkakapareho katulad na

lamang ng maratabat, rido, fixed marriage, himala at manghuhula.

70
 Bagamat napag-alaman ng mananaliksik na ang alipin kasama ng dowry

ay isa sa mga tradisyon ng mga Meranaw na makikita sa dula, lumalabas

sa pakikipanayam niya patungkol dito ay hindi na ito umiiral sa

kasalukuyan sa kadahilanang wala ng Meranaw na nagpapa-alipin dahil

sa pride o tinatawag nilang maratabat. Malinaw na ang ganitong tradisyon

ay umiiral o nangyayari na lang noong unang panahon.

 Ang pagpapahalaga sa kanilang kultura na makikita sa piling dula ng

Kambayoka ay nagbigay daan sa tribong Meranaw na malaman ng lahat

kung gaano kayaman ang kanilang tribo pagdating sa kultura. Sa

pamamagitan nito lubos nilang nakikilala ang kanilang kultura na mayroon

sila.

REKOMENDASYON:

Dahil sa masusing pag-aaral nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod

na mga rekomendasyon:

1. Tangkilikin ang dulang Meranaw upang malaman ng mga Kristyano

kung anong kultura mayroon sila at gaano ito kahalaga.

2. Dagdagan pa ang mga akdang dula na Meranaw upang mas lalo pang

makilala at maunawan ang kulturang mayroon ang mga Meranaw.

3. Dapat pahalagahan ng mga Meranaw ang kanilang kultura upang ito‟y

mapanatili at maipamana sa susunod pang mga henerasyon.

4. Magsagawa ng mga pananaliksik kaugnay ng mga bagay na

kakasalaminan ng kulturang Meranaw.

71
5. Magkaroon ng Seminar/ Pagtatalakay sa iba‟t ibang akdang

pampanitikan na kakikitaan ng kulturang Meranaw.

6. Magsaliksik kung ang mga kulturang ito ay umiiral pa ba sa

kasalukuyan o hindi na.

72
BIBLIYOGRAPI

MGA AKLAT

Abueg, Efren R. at et. al. 1991. “Hiyas ng Panitikang Filipino”. Bookmark, Inc.
at Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino, Inc. (PSLF)

Alejandro, Rufino. 1979. “Sining at Pag-aaral ng Panitikan”. Manila: Philippine


Book Co.

Balzac, Honore de. 1972. “Society as Historical Organism”. New York: Oxford
University Press.

Bisa, Simpilicio at Bisa, Paulina S. 1987. “Lahing Kayumanggi”. National Book


Store Inc.,

Casanova, Arthur P. 2007. “Mga Piling Dulang Mindanao. Unang Aklat”. UST
Publishing House, Manila Philippines.

Gallnick, Donna M., et al. 2009. “Multicultural and Education in a Pluralistic


Society Eight Editon”. Pearson Education Inc.

Geertz, Cifford, 1973. “The Interpretation of Culture”. Basic Books, Inc.


Publishers, New York.

Hufana, Nerissa L. “Wika, Kultura, at Lipunang Pilipino”. (batayang aklat)


Departamento ng Filipino at ibang mga Wika, Kolehiyo ng mga Sining at
Agham Panlipunan. MSU- Iligan Institute ot Technology.

Lukacs, Georgh. 1964. “Studies in European Realism”. New York: Groset


Publishers.

Madale, Abdullah T. et al, 1975. “The Meranaw”. Manila. Solidaridad Publishing


House.

Mag-atas, Rosario U. et al, 1994. “Panitikang Kayumanggi”. National Book


Store, Quad Alpha Centrum Bldg. Mandaluyong City.

Nicasio, Paz N. at Sebastian, Federico B. 1985. “Sariling Panitikan”. Rex Book


Store.

Panganiban, Jose Villa 1979. “Panitikan ng Pilipinas”. Bedes Publishing House


Inc. Quezon City.

Panopio, Isabel S. at Rolda, Realidad S. 1992. “Sosyolohiya at Antropolohiya”.


Ken Incorporated 305 T. Morato Avenue Quezon City, Philippines.

73
Rivera, Frank G. 1982. “Ama, Atbpa.” Sari-Saring Dula”. Rex Book Store.
Manila Philippines.

Saber, M. at Tamano, M. 1973. “The Meranaw, Mindanao Arts and Culture”.


Marawi City: MSU-URC

Salazar, Zeus A. 1996. “Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino. Mga Piling


Diskurso sa Wika at Lipunan”. Diliman, Quezon City: UP Press.

San Juan, Gloria P. at et al. 2005. “Panunuring Pampanitikan”. Booklore


Publishing Corporation 1231-C Quiricida St. Sta. Cruz, Manila.

Santiago Erlinda M., Kahayon, Alicia H., at Limdico Magdalena P. 1989.


“Panitikang Filipino”. Navotas Press, Navotas, Metro Manila.

Santiago, Alfonso O. 1979. “Panimulang Linggwistika sa Pilipino”. Rex


Printing Company, Inc. Quezon City.

Semorlan, Teresita P., Rubin, Ligaya T., at Casanova, Arthur P. 1999.


“Panitikan sa Nagbabagong Panahon”. Miriam College, Lunsod ng
Quezon.

Sumayan, Pepito 2009. “Isang Dula ng MSU-Sining Kambayoka Ensemble”.


MSU. Marawi City Philippines.

Sumayan, Pepito 2011. “Radia Indarapatra: Hango sa kwentong Meranao at


epikong “Darangen” ng Lanao”. MSU. Marawi City

Tembreza, Florentino T. 2008. “Sariling Wika at Pilosopiya sa Filipino”. C&E


Publishing Inc. Quezon City.

74
TESIS/Disertasyon

ABAYA, Jonathan B. 2000. Hambingang Pagsusuri sa kultura at Tradisyon ng


mga Meranaw na inilalarawan sa piling dulang itinanghal ng Sining
Kambayoka Ensemble. MSU, Marawi City.

ALAWI, Rohaminah 2001 “Ang kalagayang realismo sa mga Maikling kwentong


Meranaw ni Angelito G. Flores Jr. mula sa Aden a Totolan”, MSU
Marawi City.

BAZAR, Naima A. 2002. Koleksyon at Pagsasalin ng mga Alamat ng Maranaw:


Repleksyon ng mga Ugaling Meranaw. MSU, Marawi City.

CALI, Sobaida O. 2003. Ang 40 Salawikaing Meranaw: Isang Pagpapahalaga.


MSU, Marawi City.

CARIS, Amroussy Datu. 1991. The Meranaw Kinship Group and Meranaw
Revenge or Sa‟op

DATU, Noronsalam L. 2004. Mga kaugaliang Meranaw sa Anim na Kwento ni


Angelito G. Flores, Sr. Sa Aden A Totolan, MSU, Marawi City.

GAUNTIL, Rocaya A. 1999. Saloobin ng mga Mag-aaral na Meranaw ng CPA


tungkol sa Maratabat at Rido Ikalawang Semestre Panuruang Taon
1998-1999. Marawi City, MSU

MANGINSAY, Edna M. 1999. Ang mga Kaugaliang Kultural na Maranaw na


Masasalamin sa Kolum Lakbay Diwa, Ateneo de Zamboanga,
Zamboanga City.

PALAWAN Hafisah W. 2011. Mga Di- nailimbag na kwentong bayan ng Bacolod-


Kalawi na kakikitaan ng mga Tradisyong Meranaw.

SEDIC, Minah D. at Pangarungan, Asleah T. 2001, Mga Salik sa Maagang Pag-


aasawa ng Babaeng Meranaw Sarbey sa Saloobon. Marawi City, MSU.

ZAFRA, Ana Maria, 1996. Pahambing na Pag-aaral sa mga Pamamaraan ng


Pag-aasawa ng Tribong Meranaw at Ilokano sa Epikong Diwatandaw
Gibon at Biag ni Lam-ang. Marawi City. MSU.

75
INTERNET

http://www.languagelinks.org/onlinepapers/wika2.html
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/dula
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/sining-at-agham-ng-pag-aaral-ng-
dula.html
http://thenzai.blogspot.com/2009/06/ibat.htm l
ang-kulturang-pilipino-blogspot.com/2013/09/mga-tradisyon-o-kaugalian-ng-
mga.html
Kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
https://banderablogs.wordpress.com/2012/05/09/albularyo-espiritista-
magtatawas-atbp/
http://brainly.ph/question/62974

https://tl.wikipedia.org/wiki/Milagro

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Agimat

http://parasawikakulkongmalupet.blogspot.com
http://Rhea Estefanio/panitika.blogspot.com/2013/02/panitikang-pilipino.html

DIKSYUNARYO

Diksyunaryo sa Drama at Teatro. (2001). Arthur Casanova. Rex Book Store Inc.
Maynila, Philippines.

[Diksiyonaryong Sintenyal ng Wikang Filipino, 2011]

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino, Sintenyal Edisyon, 1998).

76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
PERSONAL NA DATOS

Lezel C. Luzano
District Patag, Malim Tabina Zamboanga del Sur
09099655451
Lezelluzano91@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

TIRAHAN : Dist. Patag, Malim Tabina Zamboanga


del Sur
ARAW NG KAPANGANAKAN : Marso 22, 1991
LUGAR NG KAPANGANAKAN : Patag, Malim Tabina Zamboanga del
Sur
PAGKAMAMAMAYAN : Filipino
TRIBO : Bisaya
RELIHIYON : Romano Katoliko
KATAYUANG CIVIL : Single
KASARIAN : Babae
PANGALAN NG AMA : Bernandino J. Luzano
PANGALAN NG INA : Florencia C. Luzano
NUMERO NG TELEPONO : 09099655451
EMAIL ADDRESS : Cutierrific@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO
KOLEHIYO : AB Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at
Pangkatauhan
Pamantasang Bayan ng Mindanao
Lunsod ng Marawi
2016 Nagtapos

77
SEKONDARYA : Malim National High School
Malim, Tabina ZDS
2006-2007 Nagtapos
ELEMENTARYA : Malim Elementary School
Malim, Tabina ZDS
2002 Nagtapos
KARANASAN : Praktikum
Nagsasanay magturo sa Asignaturang
Filipino 1 at Filipino 3 sa Pamantasang
Bayan ng Mindanao
Lunsod ng Marawi
Ikalawang Semestre Taong 2015

78

You might also like