You are on page 1of 281

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN

Pinagyamang PLUMA 10 (K to 12)

Karapatang-ari 2016 ng Phoenix Publishing House, Inc.


at ni Emily V. Marasigan

Ipinagbabawal na sipiin ang anumang bahagi ng aklat na ito nang walang


pahintulot mula sa mga may-akda o sa tagapaglathala maliban sa isang nagnanais na
sumipi ng ilang bahagi upang suriin sa isang magasin o pahayagan.
Pinagsikapan ng aming mga patnugot at tagapaglimbag na matagpuan ang mga
may-akda upang makuha ang kanilang permiso sa paggamit ng kanilang akdang may
karapatang-ari subalit kung hindi man naging matagumpay ang kanilang pagsisikap
sa lahat ng pagkakataon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tagapaglathala, ang
Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City para sa karampatang pagkilala.
Ang anumang pagkukulang o kamalian sa pagsipi at iba pang kamalian na maaaring
nakapaloob sa aklat ay hindi sinasadya at pagsisikapang maiwasto sa susunod na
paglilimbag. Bukas ang Phoenix Publishing House, Inc. sa inyong mga komento at mga
pagwawasto.

Inilathala ng:
PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.
927 Quezon Ave., Quezon City

Mga Telepono: 413-7744, 375-1640


Fax: 410-9330
E-mail: service@phoenix.com.ph
ISBN: 978-971-06-3762-1

Kasapi:
Philippine Educational Publishers Association

ii
Paunang Salita, v–vii

ARALIN 1 Kaligirang Pangkasaysayan, Mga Tauhan, at Buod ng El


Filibusterismo, 2–19

ARALIN 2 Paglalantad ng Katotohanan (Mga Kabanata I–X), 20–82


☞ Kabanata 1—Sa Kubyerta
☞ Kabanata II—Sa Ilalim ng Kubyerta
☞ Kabanata III—Mga Alamat
☞ Kabanata IV—Kabesang Tales
☞ Kabanata V—Noche Buena ng Isang Kutsero
☞ Kabanata VI—Si Basilio
☞ Kabanata VII—Si Simoun
☞ Kabanata VIII—Masayang Pasko
☞ Kabanata IX—Si Pilato
☞ Kabanata X—Kayamanan at Kagustuhan

ARALIN 3 Ang mga Tagô at Hayag na Adhikain


(Mga Kabanata XI–XVIII), 83–137
☞ Kabanata XI—Los Baños
☞ Kabanata XII—Si Placido Penitente
☞ Kabanata XIII—Ang Klase sa Pisika
☞ Kabanata XIV—Ang Tirahan ng Mag-aaral
☞ Kabanata XV—Si Ginoong Pasta
☞ Kabanata XVI—Mga Kapighatian ng Isang Intsik
☞ Kabanata XVII—Ang Perya sa Quiapo
☞ Kabanata XVIII—Ang Kadayaan

iii
ARALIN 4 Ang Mapapait na Katotohanan (Mga Kabanata XIX–XXV),
138–194
☞ Kabanata XIX—Paglisan
☞ Kabanata XX—Ang Nagpapasiya
☞ Kabanata XXI—Mga Ayos ng Maynila
☞ Kabanata XXII—Ang Palabas
☞ Kabanata XXIII—Isang Bangkay
☞ Kabanata XXIV—Mga Pangarap
☞ Kabanata XXV—Tawanan at Iyakan

ARALIN 5 Ang mga Pagtutuos (Mga Kabanata XXVI–XXXII), 195–235


☞ Kabanata XXVI—Mga Paskin
☞ Kabanata XXVII—Ang Prayle ang Pilipino
☞ Kabanata XXVIII—Pagkatakot
☞ Kabanata XXIX—Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan
Tiago
☞ Kabanata XXX—Juli
☞ Kabanata XXXI—Ang Mataas na Kawani
☞ Kabanata XXXII—Mga Ibinunga ng Paskin

ARALIN 6 Ang Kinahinatnan ng mga Pagpapakasakit


(Mga Kabanata XXXIII–XXXIX), 236–273
☞ Kabanata XXXIII—Ang Huling Matuwid
☞ Kabanata XXXIV—Ang Kasal
☞ Kabanata XXXV—Ang Piging
☞ Kabanata XXXVI—Mga Kagipitan ni Ben Zayb
☞ Kabanata XXXVII—Ang Hiwaga
☞ Kabanata XXXVIII—Kasawian
☞ Kabanata XXXIX—Katapusan

i
iv
Ang nobelang El Filibusterismo ay bahagi ng Bagong Pinagyamang
Pluma 10. Ito ay nabuo ng may-akda upang maibahagi ang layunin ni Dr.
Jose Rizal na maging daan ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at
mapamahalaang mabuti ang bansang Pilipinas. Ayon sa ating pambansang
bayani,“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Nais niyang maging mabuting
kasangkapan at halimbawa ang mga kabataang nagsisikhay sa pag-aaral upang
makamit ang edukasyon. Sila ang susunod na lider ng bansa. Aasa sa mga
kabataang ito ang bayan sa takdang panahong handa na sila upang maging
ganap na malaya ang bansa. Iwasan lamang ng mga kabataang maging alipin
ang kanilang kaisipang pinagyayaman ngayon sa paaralan. Ang wika pa ni
Dr. Jose Rizal; “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.” Gamit
ang mensaheng ito, sinikap ng may-akdang maihatid ang mensahe ng walang
kamatayang nobelang ito ni Dr Jose Rizal na maging kasangkapan ito upang
higit na mabuksan ang kaisipan ng kabataang Pilipino sa samu’t saring salik na
patuloy na gumagapos sa katauhan ng ating mga kababayan na siyang dahilan
kung bakit alipin pa rin ang mga Pilipinong ayaw kumawala sa tanikala ng mga
nandayuhan.
Hindi lubos na nakakamit ng bansa ang inaasam na kaunlaran kung
mababaw ang pagmamahal ng mamamayan sa bansa at mahina ang kanilang
pamamahala. Mga salik na nagmula pa sa mga naging karanasan ng ating
mga ninuno sa kamay ng mga Espanyol. Mga salik na hanggang ngayon ay
nananalaytay pa rin sa maraming Pilipino. Ilang daang taon na ang lumipas
mula nang isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang ito subalit inilalarawan pa
rin nito ang napakaraming isyung panlipunang patuloy pa ring umaalipin sa
mga Pilipino.
Sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino sa nobelang El Filibusterismo ng
Bagong Pinagyamang Pluma para sa Ika-10 Baitang ay hindi lamang nila
mauunawaan ang literal na kahulugan nito kundi higit sa lahat ay maiuugnay
nila ang bawat pangyayari sa nobela sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa
at ng mga Pilipino. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa ang
bawat istandard at kompetensing itinatadhana ng K to 12 Dokumentong
Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon ay tiniyak ng may-
akda na maging hitik ito sa mga pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan
at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo,
makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring
pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng
totoong buhay. Higit sa lahat ang mga pagsasanay na inilaan sa bawat aralin ay
tumutugon sa mga pagtatayang susukat sa Kaalaman (Knowledge), Kasanayan

v
(Process), Pag-unawa (Understanding), at Pagsasagawa/Pagbuo (Performance/
Product) na lubhang mahalaga upang maging ganap at makabuluhan ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinagaan din ang paglalahad ng mga kabanata
kung saan ang halos magkakaugnay na magkakasunod na mga kabanata ay
pinag-isa na lamang sa isang aralin upang higit na maging ganap o buo ang
pagkaunawa ng mga mag-aaral dito.
Narito ang mahahalagang bahagi ng bawat aralin ng aklat na ito:
✦ Pagsasaad ng Pagpapalalim na Gawain o Inaaasahang Pagganap
na makikita sa pinakaunang bahagi ng aralin katabi ng pamagat kung
saan ginamit ang framework na “backward design”. Dito nakasaad at
ipinaalam na ang gawaing isasagawa o bubuuin ng mga mag-aaral na
magsisilbing pangwakas at pagpapalalim na gawain para sa aralin.
✦ Mahalagang Tanong na makikita rin katabi ng pamagat kung saan
ang pinakamahalagang tanong na dapat masagot at malinang sa mga
mag-aaral hinggil sa araling tatalakayin ay nakatala.
✦ Simulan Natin na nagsisilbing springboard bago simulan ang pagbasa
sa kabanata o pag-aralan ang paksa. Ito rin ay maaaring gamiting
pangganyak para sa pagsisimula ng talakayang lilinang sa aralin. Nag-
uugnay rin ito sa alam ng mga mag-aaral patungo sa kung anumang
paksang tatalakayin. Nagagamit din ito bilang diagnostic assessment o
paunang pagtataya para sa pagsisimulang talakayan.
✦ Buod ng Aralin na sadyang binuo upang magkaroon ng paunang
kaalaman ang mga mag-aaral sa nilalaman ng kabanata o mga
kabanatang babasahin. Makatutulong ito upang higit na mapalalim ang
komprehensiyon ng mga mag-aaral sa babasahing bahagi ng nobela.
✦ Paglinang ng Bagong Talasalitaang ginamit sa akda na inaasahang
makatutulong upang higit na maging madali ang pag-unawa sa aralin.
✦ Mga kuntil-butil na kaalamang tinatawag na Alam Mo Ba? na naglalaman
ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa mahahalagang salita o
katagang ginamit sa kabanata na makatutulong nang malaki upang
higit na mapalawak o mapayaman ang paksang tinatalakay. Nakalahad
ang mga ito sa paraang magaan at kawili-wili.
✦ Mga mapanghamong gawain o pagsasanay na hahasa at lilinang
sa kasanayan ng mga mag-aaral na mag-isip, magsuri, magdesisyon,
at bumuo ng makabuluhang mga bagay para sa sarili, sa kapwa, at sa
bayan.
✦ Sagutin Natin na binubuo ng mga pagsusulit o pagsasanay na hindi
lamang nakapokus sa pagsasaulo ng mga kaalaman o kasanayan kundi
gayundin ng mga performance test o mga gawaing naglalayong
makabuo ng mga bagay na magagamit at magiging makabuluhan sa
tunay na buhay.

vii
✦ Magagawa Natin na siyang pinakapuso ng bawat aralin kung saan
dito nililinang ang mga pagpapahalagang pangkatauhan. Ang mga
gawain at pagsasanay na inilaan dito ay naglalayong gumabay sa mga
mag-aaral upang sila’y maging mabuting tao at gumawa nang tama sa
lahat ng pagkakataon mayroon man o walang nakakikita sa kanila.
✦ Iugnay Natin sa Kasalukuyan kung saan ang mahahalagang kaisipan
partikular ang mga isyung panlipunang tinalakay ni Rizal sa nobela
ay iniuugnay (contemporizing) sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan upang higit na maging makabuluhan sa mga mag-aaral
ang pagtalakay sa akda.
✦ Palawakin Pa Natin na nagsisilbing culminating activity para sa
bawat aralin.Sa bahaging ito higit na pinagtitibay ang mga gintong
kaalamang nakuha ng mga mag-aaral sa aralin sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng Pagpapalalim na Gawaing makikita sa unahan
na kinapapalooban ng mga pagsusuri, pagsasagawa ng inaasahang
pagganap, o pagbuo ng isang tiyak na produkto o gawaing lilinang sa
mas malalim at makabuluhang pagkatuto. Makikita rin sa bahaging ito
ang rubric na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagsasagawa
nito.
✦ Isulat Natin kung saan ang mga mag-aaral ay nabibigyan ng
pagkakataong maisatitik ang kanilang mga nararamdaman o naiisip sa
pamamagitan ng pagsagot sa Mahalagang Tanong na may kinalaman
sa gintong aral na makukuha sa aralin.

Nawa’y maging instrumento ang aklat na ito sa paghubog ng mabubuting


kabataang susunod na magiging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng
ating bayan.
Pagpalain tayo ng Panginoon.

vii
1
Kaligirang Pangkasaysayan,
Mga Tauhan,
at Buod ng El Filibusterismo
“Sa pagpupunyagi nakukuha ang pagwawagi.”

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang
isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibígang si Dr. Ferdinand Blumentritt
ang kahulugan ng Filibusterismo. Ayon sa kanya, lingid pa sa mga Pilipino
ang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang malagim at
kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyang
alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang Filibusterismo
dahil mahigpit na ipinagbawal sa kanilang tahanan ang pagsambit sa salitang
ito. Labing-isang taong gulang pa lámang si Rizal noon nang marinig niya ang
salitang Filibustero. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit,
at madidilim na bahagi ng búhay ng ating mga ninuno kayâ tumimo sa kanyang
puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit
niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit nang minimithing pagbabago
at kalayaan ng mga Pilipino—ang kanyang panulat.
Gaya nang nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me
Tangere na matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan
ang nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan
at pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos ang
damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol ay matapos matunghayan
ang nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa
Pilipinas kahit batid niyang ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887 muli niyang
nasilayan ang kanyang pamilya. Isinagawa niya ang kanyang mga layunin sa
kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang mata ng kanyang ina; nakipag-usap kay
Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang isinulat
na nobela.
Nang ipagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat,pagpapalimbag,
at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam nang higit na panganib si Rizal.
Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa
upang maiiwas siya at ang kanyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at
sa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa kanyang pamilya.
Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral at palihim na tumalilis ng
Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa
2
Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang natutuhan sa mga paglalakbay na
iyon.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay
Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong
mga hulíng buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa
niya ang Noli. Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang
pagbisita sa mga kaibígan at pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa.
Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan
niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium upang matutukang mabuti at
mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela. Kasáma ang kaibígang si
Jose Alejandrino ay nanirahan silá roon. Nanggamot din siya upang matugunan
ang mga pangangailangan niya roon.
Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya
ang El Fili.Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit
siyang kinapos nang isinisulat na niya ang El Fili kayâ sadya siyang naghigpit
ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lámang. Nakapagsanla
rin siya ng kanyang mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi
ang pagnanais niyang tapusin na agad ang nobela dahil maging sa kanyang
pagtulog ay napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mga mahal
sa búhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon sa pagsusulat. Batid niyang
walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung hindi siya lámang.
Hindi lámang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang
matapos ang nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya,
at sa mga kaibígan. Nakarating sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibig
na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang laláki. Mababakas
ang pighati niya sa pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging nagtalusira si Paulita
sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyang
magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang
Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala
sa mga mahal niya sa búhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito kay Kabesang
Tales sa El Fili na may ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng
lupa ng mga prayle kahit wala siláng katibayan ng pag-aari bagkus ay nakuha
pang manghingi ng buwis sa may-aring si Kabesang Tales. Sa pagpapatuloy
ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain.
Ganito rin ang pangyayari sa búhay ni Simoun nang nag-urong-sulong siyang
isagawa ang katuparan ng kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at
si Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasáma niya sa La
Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng
mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na silá sanang pag-asa ng nakalugmok na
mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni
Rizal na sunugin na lámang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa
nobela ang hindi niya napigilang inihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang
mga alalahanin.
3
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin
ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso sa pamahalaang Espanyol
ay pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang
nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong
Marso 29, 1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang F.
Meyer van Loo sa Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibígang
si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng
aklat. Mahigit na isandaang pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil
naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping kanyang natipid at nang
hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Nilimot din ng ilang mayayamang kaibígang Pilipino ang kanilang pangakong
tulong sa paglilimbag ng nobela.

4
Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng
mayamang kaibígang si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy
ang nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting
kaibígan si Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito
ng El Fili kasáma ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat
at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibígang si Valentin Ventura.
Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang
bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan
ng kopya ang mga kaibígang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang palad, nasamsam sa
Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang
ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi
ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon
sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng
mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin
ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El
Fili kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na
nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir
na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez,
Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lámang sa maling hinala
ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala sa kanilang sákit at hinagpis,
inihandog niya ang nobela. Wika niya:

“Sa di pagsang-ayon ng Relihiyon na alisan kayo ng karangalan sa


pagkapari ay inilagay sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa
pagbabalot ng pagkakamaling nagawa sa isang masamang sandali, at ang
buong Pilipinas, sa paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y mga
pinagpala, ay hindi lubos na kinikilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakikilalang ang inyong
pagkakasangkot sa pagkakagulo sa Kabite, maging bayani man kayo o
hindi, nagkaroon man o hindi ng hilig sa kalayaan, ay may karapatan akong
ihandog sa inyo, bilang ginahis ng kasamaang ibig kong bakahin, ang aking
akda. At habang hinihintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang
inyong kabutihan at hindi makipanagot sa pagkakapatay sa inyo, ay maging
putong na dahong tuyo man lámang ang inyong liblib na libingan ang mga
dahon ng aklat, at lahat nang walang katunayang maliwanag na umupasala
sa inyong alaala ay mabahiran nawa ang kanilang kamay ng inyong dugo.”

Ayon sa pag-aaral hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring


martir sa pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagang muli ng mga Espanyol na
mabuksan ang kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan.
Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon

5
sa kanya, mas maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t
pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago.
Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang kabanata lámang tungkol kina Elias
at Salome ang hindi niya naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring
isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kanya, noong 1925, binili ng pamahalaan
ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa
kanyang adhikain subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga
kamay ang ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy
na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at maging sa mga
Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mga mensaheng taglay nito.
Mga Sanggunian:
Ang Pilipinas at ang mga Pilipino Noon at Ngayon ni Teodoro A. Agoncillo
Rizal Life, Works, and Ideals ni Francisco M. Zulueta
Rizal Without the Overcoat ni Ambeth R. Ocampo
Ang “Filibusterismo” ni Maria Odulio de Guzman

Mahahalagang Tauhan ng El Filibusterismo


Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang
nagbigay-búhay sa bawat bahagi at kabanata ng akda. Napakahusay ng
pagkakahabi sa mga tauhan kaya’t naging labis na makatotohanan at halos
nararamdaman ang bawat paghinga, galaw, damdamin, at presensiya ng bawat
isa. Halina’t kilalanin mo ang mga tauhang nagbigay-bisa at búhay sa kabuoan
ng nobela.
❧❧ Simoun—Isang napakayamang mag-aalahas at
kaibígang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pina-
ngingilagan ng mga Indio at maging ng mga
prayle man. Nais niyang udyukan ang damdamin
ng mga makabayang Pilipino sa palihim at
tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin
ang bayan; at lipulin ang lahat ng masasama kahit
pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa
paraang kanyang ginagawa.

❧❧ Kapitan Heneral—Hinirang siya ng Espanya


bilang pinakamataas na pinunò ng pamahalaan.
Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang
kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang mag-
pakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras

6
kayâ ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at
nagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong
humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan.
Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.

❧❧ Mataas na Kawani—Siya ay isang Espanyol at


mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-
galang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan;
at may kapanagutan. Siya ay may mabuting
kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong
mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang
Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-
isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang
panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasiya ng Kapitan Heneral
ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti.
Siya ay mapanuri at makatarungan.

❧❧ Padre Florentino—Isang mabuti at kagalang-


galang na paring Pilipino. si Padre Tolentino. Pinilit
lámang siya ng inang maging lingkod ng Diyos
dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop
sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa
magulang.

❧❧ Padre Bernardo Salvi—Isang paring


Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang
ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay
mapag-isip. Umibig nang lubos kay Maria Clara at
kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.

❧❧ Padre Hernando Sibyla—Isang matikas at


matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-
Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat
siya sa pagpasá ng panukala upang makapag-aral
at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.

7
❧❧ Padre Irene—Isang paring Kanonigo na
minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre
Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral
upang mamagitan at maipasá ang panukalang
magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang
Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya
ng hulíng habilin ng kaibígang si Kapitan Tiago.

❧❧ Padre Fernandez—Isang paring Dominiko na


bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon
ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain
ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng
wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling
gawain ng mga pinunò at kawani ng pamahalaan
at ng mga kapwa niya prayle.

❧❧ Padre Camorra—Isang batang paring


Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay
Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan.
Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa
kababaihan lalo na sa magagandang dilag.

❧❧ Padre Millon—Isang paring Dominiko na


propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang
pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo
subalit hindi niya lubusang maiparanas o
maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-
aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng
edukasyon sa bansa.

❧❧ Telesforo Juan de Dios—Kilala rin bilang si


Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka
na dating kasamá sa mayayamang may lupain.
Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit
ang kanyang kinitang pera. Pinili siyang maging
Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon
dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting
tao.
8
❧❧ Juliana o Juli—Ang pinakamagandang dalaga
sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya
ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at
madiskarte sa búhay para makatulong sa pamilya.
Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at
marunong din siyang maghintay sa katipang si
Basilio.

❧❧ Tata Selo—ang kumalinga sa batang si Basilio sa


gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya
sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing
tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo
siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding
kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.

❧❧ Tano/Carolino—Anak ni Kabesang Tales


na tahimik at kusang-loob na sumunod sa
kagustuhan ng amang siya’y magsundalo. Nawala
nang matagal na panahon.

❧❧ Basilio—Nalampasan niya ang mga hilahil ng


búhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang
pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at
ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan
sa búhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot
agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng
pagtatapos.

❧❧ Isagani—Isang malalim na makata o manunugma.


Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya
sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan
kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong
paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin
siya ng butihing si Padre Florentino.

9
❧❧ Makaraig—Isang mag-aaral sa abogasya na
nangunguna sa panawagang pagbubukas ng
akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag
mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan,
nakalulugod na mag-aaral, at palabasá ng iba’t
ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago. Siya
ay napakayaman at bukás-palad sa kapwa.

❧❧ Placido Penitente—Mahinahon at mapagtimpi


ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang
pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din
niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napunô,
parang bulkan siyang sumasabog at walang
kinatatakutan.

❧❧ Pecson—Mapanuring mag-aaral si Pecson.


Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang
matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang
usapin. Hindi siya agad naniniwala sa mga bali-
balita lámang kayâ tila lumalabas sa iba na siya ay
mapangambahin at laging nag-aalala.

❧❧ Juanito Pelaez—Isang mayamang mag-aaral na


tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot
si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi
niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao
dahil nakakamit pa rin niya ang mga gusto.
Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na
pinaburan ng kanyang tiyahing si Donya Victorina.

❧❧ Sandoval—Isang tunay na Espanyol si Sandoval


na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng
Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong
paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang
mailabas ang katotohanan sa isang usapin.

10
❧❧ Tadeo—Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at
laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng
propesor. Hangad niyang laging walang pasok
sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay
may kahambugan; walang ambisyon sa búhay; at
malaswang magsalita. Nagdudunung-dunungan
siya at nagyayabang sa mga walang-muwang na
nilalang.

❧❧ Paulita Gomez—Isang masayahin at napaka-


gandang dalagang hinahangaan ng karamihang
laláki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at
kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang
laging maayos at maalaga sa sarili.

❧❧ Donya Victorina de Espadaña—Larawan


si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang
pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura,
tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong
kanyang kalipi.

❧❧ Don Tiburcio de Espandaña—Isang Espanyol


na asawa ni Donya Victorina na nagtago at
nagpasiyang di na muling pakita sa asawa dahil
sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga laláking
walang buto, sunod-sunuran, at takót sa asawa.

❧❧ Don Santiago “Kapitan Tiago” delos


Santos—Dating kaibigan ng mga prayle subalit
ngayo’y masamâ na ang loob niya sa mga ito.
Nawalan ng kahulugan ang kanyang búhay nang
pumasok si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong
siya sa sabong at paghithit ng apyan. Nawala
siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa
pagbabagong-búhay ni Basilio.

11
❧❧ Maria Clara delos Santos—Ang tanging
babaeng inibig ni Simoun sa kanyang búhay. Isa
siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa
katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang kunin
at itakas ni Simoun mula sa monasteryo.

❧❧ Kapitan Basilio—Isang mayamang mamamayan


na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at
asawa ni Kapitana Tika. Galante sa mga pinunò
at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang
maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor
na kanyang kakailanganin.

❧❧ Don Custodio de Salazar y Sanchez de


Monteredondo—Nakapag-asawa ng maganda
at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang
posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo
ng Kapitan Heneral dahil sa likás niyang talino.
Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino,
palaisip ay ilan lámang sa mahuhusay na bansag
sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni Ben
Zayb na kanyang kaibígan. Alam na alam ni Don Custodio ang kanyang
tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya sa mga ito.
❧❧ Ben Zayb—Ang mamamahayag na malayang
mag-isip, at minsan ay kakatwa ang paksang nais
niyang isulat magkaroon lámang ng ilalathala.
Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra.
Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at
mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at
sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit
siya sa mga ito.

❧❧ Ginoong Pasta—Naging alila siya ng mga prayle


habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag
na abogadong Pilipino. Dating siyang kaklase ni
Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng
kausap.Takót siyang mamagitan para sa kaunlaran
ng mga mag-aaral at walang malasakit sa kanilang
iniisip na kabutihan.
12
❧❧ Pepay—Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay
maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina.
Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa kaibígang
si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog.
Kaibígan din niya si Juanito Pelaez.

❧❧ Hermana Bali—Isang batikang panggingera.


Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga
may suliranin sa kanilang baryo. Siya ang nagpayo
kay Juli na magpaalipin nang kapusin ang amang
si Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa
pagkakulong ni Basilio.

❧❧ Hermana Penchang—Isang masimbahing


manang. Naging panginoon ni Juli. Mapanghusga
siya sa mga taong sawimpalad—pinarurusahan
daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil
makasalanan. Takót siya sa mga prayle kayâ ayaw
tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.

❧❧ Kapitana Tika—Asawa ni Kapitan Basilio


at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang
nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at
mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni
Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.

❧❧ Sinang—Ang isa sa matalik na kaibígan ni Maria


Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapag-asawa
na sa nobelang ito. Mabiro at masayahin pa rin.
Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni
Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin,
at magagandang alahas.

13
❧❧ Kabesang Andang—Butihing ina ni Placido
Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-
aral ang anak. Naghigpit siya ng sinturon para
sa sarili mabigyan lámang ng edukasyon ang
anak. Siya ay larawan ng ulirang magulang
dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga
pangangailangan ng anak.

❧❧ Quiroga—Isang mayamang mangangalakal na


Intsik si Quiroga. Halos kontrolado niya ang takbo
ng kalakalan. Iniaangkop niya ang ugali depende
sa kanyang kaharap. Isinusulong ni Quiroga ang
pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa
bansa.

❧❧ Don Timoteo Pelaez—Siya ang ama ni


Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapandustang
mangangalakal. Siya ang nakabili ng tahanan ni
Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo
siya sa negosyo ni Simoun.

❧❧ Mr. Leeds—Mahusay sa mahika. Napaniwala niya


ang mga manonood at nakapag-usig sa budhi ni
Padre Salvi sa kanyang palabas.

❧❧ Kapitan ng Barko—Isang beteranong marinero


ang kapitan ng barko. Siya ay may malawak na
karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang panig
ng mundo noong kanyang kabataan lulan ng
matutulin at malalaking barko.

14
❧❧ Sinong—Ang kutserong dalawang ulit na nahúli
ng guardiya sibil bago mag-noche buena dahil sa
wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang
kalesa. Naging kutsero siya ni Simoun sa hulí at
naging kasapi sa lihim niyang kilusan.

❧❧ Camaroncocido—Ang tanging nilalang sa


siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan
ng lahat sa siyudad na opereta mula sa Pransiya.
Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang
pamilyang Espanyol pero sa kadahilanang hindi
nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita
at namamalimos.

❧❧ Tiyo Kiko—Isang matandang pandak na buháy


na buhay ang mga mata. Nabubuhay sa pagbabalita
ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo.
Kaibígan siya ni Camaroncocido. Isa siyang
mahirap na Indio.

Iba pang tauhan:


✦✦ Maestro—ang guro sa Tiani na naging mahusay na paggawa ng
paputok
✦✦ Kalihim—ang tagatala at tagapagpaliwanag ng mahahalagang usapin
sa Kapitan Heneral upang mapag-usapan, maipasá, o maibasura.
✦✦ Mr. Jouy—ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit na Pranses para sa
isang opera sa Maynila
✦✦ Hukom Pamayapa—mabalasik, magaspang ang ugali, may
pagnanasang tumingin sa babae, hiningan ng tulong ni Hermana Bali
at Juli upang mapalaya si Basilio
✦✦ Kababayan ni Tadeo—baguhan sa lungsod, mausisa, walang-
muwang sa maraming bagay, mapaniwalain, at madaling mabola at
mapagyabangan ni Tadeo
✦✦ Sa Tahanan ng mga Orenda:
❖❖ Orenda—masipag at mayamang mag-aalahas ng Sta. Cruz
❖❖ Tinay—dalagitang nakalaro ni Isagani ng sungka

15
❖❖ Chichoy—ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang
nagkuwento sa mga tao sa tahanan ng mga Orenda
❖❖ Momoy—matanda sa magkakapatid na Orenda, kasintahan ni
Sensia
❖❖ Sensia—maganda, masiglang dalaga, at palabiro
❖❖ Kapitana Loleng—masipag at matalinong kapitana
❖❖ Kapitan Toringgoy—si Domingo na walang inatupag kundi
mamasyal at makipagkuwentuhan samantalang nagtatrabaho ang
kanyang pamilya.
❖❖ Tia Tentay—tiyahin nina Sensia na nagsabing demonyo si Simoun
na nabili ang kaluluwa ng mga Kastila
❖❖ Binday—isa sa mga dalagang Orenda, tapat at kaibig-ibig
✦✦ Mga Kasapi ng Liberal
❖❖ D. Eulogio Badana—reteradong sarhento ng karabinero
❖❖ Armendia—isang marangal na piloto at masugid na Carlista
❖❖ D. Eusebio Picote—ang namamahala ng aduana
❖❖ D. Bonifacio Talon—sapatero ar talabatero

Buod ng El Filibusterismo
Nagbalik si Simoun sa Pilipinas makalipas ng labintatlong taon upang
maghiganti sa mga kaaway. Matagumpay na nasira ng mga kalaban ang malinis
na pangalan ng mga Ibarra, nasamsam ang kanilang kayamanan, nailayo siya sa
kanyang pinakaiibig na si Maria Clara, at nawalan ng kalayaan. Naging matalik
niyang kaibígan ang Kapitan-Heneral dahil sa napakaraming pabor na naibigay
ni Simoun sa kanya noong nagkasama silá sa Cuba. Sa kanyang pagbabalik sa
Pilipinas, naging sunod-sunuran ang Kapitan Heneral sa bawat pag-uudyok ni
Simoun. Anupa’t naging napakamakapangyarihan ni Simoun dahil sa kanyang
koneksiyon sa naghaharing uri at dahil na rin sa taglay niyang kayamanan.
Sa Bapor Tabo, lulan ang mga Reverendos at Ilustrisimos, Indio, mga
mangangalakal na Intsik, at mga mag-aaral na magbabakasyon. Makikita
rito ang paggalang ng mga lulan ng bapor sa makapangyarihang si Simoun.
Nakisalamuha siya sa mga ito at maging sa makabagong mga mag-aaral na sina
Isagani at Basilio.
Sa tahanan ni Kapitan Tiago sa San Diego, nagtuloy si Basilio na anak ni Sisa.
Nakapagsimula siyang muli nang mabigyan siya ng salapi ni Ibarra, na noon ay
di niya kílala matapos nilang magkatulungan. Inilibing ng sugatang si Ibarra si
Sisa at ipinangahoy naman siya ni Basilio upang sunugin ang bangkay ni Elias
na nagligtas sa búhay ni Ibarra. Lumuwas ng Maynila si Basilio at natagpuan si
Kapitan Tiago na siyang tumulong sa kanyang makapag-aral.

16
Bisperas ng Pasko noon, hindi sinasadyang nagkitang muli sina Basilio
at Simoun sa kagubatan. Nagulantang si Simoun sa paghaharap nila ni
Basilio subalit nang masiguro niyang hindi siya maipahahamak ng binata sa
pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang pagbabalatkayo ay pumayapa na
ang kanyang kalooban. Hinimok niya si Basilio na tulungan siyang mamagitan
sa mga kabataan upang maisakatuparan ang kanyang adhikain. Magalang na
tumanggi ang mapayapang si Basilio kay Simoun sapagkat iba ang kanyang
layunin—ang iligtas sa karamdaman at sakit ang mga mamamayan at magkaroon
ng masáyang pamilya.
Nabalitaan ni Basilio ang nangyari sa pamilya ni Kabesang Tales na
ama ni Juli. Si Juli ang kanyang kasintahan at plano na niyang pakasalan ito
pagkatapos makuha ang kanyang diploma sa pagiging doktor. Nang makituloy

17
ang mayamang si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales ay malugod siyang
tinanggap ng kabesa sa kabila ng matinding suliranin sa pananalapi dahil sa
pakikipaglaban nito sa makapangyarihang mga prayle. Dalá ang mga hiyas,
nakapagbenta si Simoun sa mga taga-San Diego at Tiani. Naiba ang priyoridad
ng ilang pamilya sa mga bayang ito dahil lumabas ang nakatagong salapi
makabili lámang ng magaganda at mamahaling alahas. May ibang motibo
ang ilang mamimili ng alahas dito. Nais din nilang mapalapit sa mag-aalahas
dahil alam nilang matalik itong kaibígan ng Kapitan Heneral. Ang galanteng
si Kapitan Basilio ay gumastos ng napakalaking halaga nang magpabili ang
kura, ang alperes, at iba pang prayle ng mga mamahaling alahas na hindi niya
pinabayaran upang siya ay maligtas sa anumang magiging suliranin sa mga ito
pagdating ng panahon. Tunay na bakas kay Simoun ang paghihiganti. Sinilaw
niya si Kabesang Tales sa kapangyarihan ng kanyang baril at nang palihim na
kinuha ito ng kabesa ay natuwa si Simoun dahil nakakita siya ng kakampi.
Dinalaw ni Simoun si Basilio nang makabalik ito ng Maynila upang muling
himukin ang binatang sumapi sa rebolusyon dahil naihanda na ni Simoun
ang lahat—ang dalawang panig na susuporta sa kanyang adhikain mula
sa pamahalaan at mula sa mga tulisan subalit matibay ang paninindigan ni
Basiliong pisikal na karamdaman ang nais niyang gamutin, hindi ang sakít ng
lipunan. Binalaan siya ng mag-aalahas at sa dakong hulí ay napahinuhod na
rin siya. Nalaman niya mula kay Simoun na ang magiging misyon niya ay ang
iligtas si Maria Clara. Si Simoun ang nanlumo sa ibinalita nito sa kanya, patay
na ang dalaga. Sa matinding pighati, hindi naibigay ni Simoun ang hudyat sa
kanyang mga kapanalig nang gabing napagkasunduan kayâ hindi natuloy ang
rebolusyon.
Samantala, ang mga makabagong mag-aaral na nais matuto ng wikang
Kastila ay umaasang magtatagumpay dahil naihanda na lahat—ang guro,
paaralan, at pondong gagamitin. Hinihintay na lámang nila ang pagpasá nito.
Alam ng mga mag-aaral na may mali sa sistema ng edukasyon. Humingi silá ng
tulong kay Padre Irene upang mamagitan subalit sa kasamaang-palad, hindi
silá nagtagumpay dahil salungat dito ang vice-rector ng unibersidad na si
Padre Sibyla. Si Don Custodio ang siyang hulíng nagpasiya. Upang palipasin
ang matinding samâ ng loob, sa pangunguna nina Makaraig at Isagani ay
nagkita-kita ang mga mag-aaral sa isang pansitan. Inilabas nila ang kanilang
hinaing sa mga taong sangkot sa pagbasura ng kanilang panukala. Kinabukasan
naparatangan at nabilanggo ang lahat ng mga mag-aaral sa isa raw pakana na
hindi naman napatunayan.
Si Basilio na mapayapang tao ay hindi nakaligtas sa suliranin at pighati.
Nadamay siya at nakulong dahil sa kung ano-anong babasahíng nasamsam sa
kanyang tirahan na sinasabing laban sa pamahalaang Kastila. Hindi naglaon, ang
mga makabagong mag-aaral na napiit ay nakalaya rin. Tanging ang inosenteng
si Basilio ang naiwan sa kulungan dahil walang padrinong nais mamagitan at

18
matulungan siyang mailabas dito. Inilapit ng Mataas na Kawani ang kaso ni
Basilio sa Kapitan Heneral subalit walang nangyari. Ayaw makinig ng Kapitan
Heneral sa Mataas na Kawani. Sa Tiani, hindi maintindihan ni Juli kung ano
ang gagawin upang matulungan si Basilio sa kanyang kagipitan. Ang tanging
“pagbisita” niya sa kumbento ni Padre Camorra ang magpapalaya sa katipang
si Basilio. Labag sa kanyang kalooban ang gagawing pagpapatulong kay Padre
Camorra subalit nais niyang tumanaw ng utang na loob sa katipan sa pagtubos
nito sa kanya sa pagiging alila ni Hermana Pechang nang magkautang ang
pamilya ng dalaga rito.
Malinaw na nailarawan sa nobelang ito kung ano ang nangyari sa mga
kabataang nakalaya lalo na kay Basilio. Alamin kung anong bahagi ang
gagampanang papel ni Basilio sa muling paglulunsad ni Simoun ng ikalawang
rebolusyon laban sa pamahalaan. Kapananabikang maláman kung paano
niya naisagawa ang mga ito at kung nagtagumpay ba si Simoun sa kanyang
paghihiganti.

19
Paglalantad ng Katotohanan
(Mga Kabanata I–X)
“Karapata’y ipaglaban sa wasto at mainam na paraan.”

Sa Kubyerta
(Kabanata 1)

20
Isang umaga ng Disyembre,
ang bapor Tabo ay hirap na hirap Alam Mo Ba?
sa pagsalunga sa agos ng paliko-
Ang bapor Batea (batya) ay naglakbay
likong ilog Pasig. Naghahatid ito ng
noon mula Maynila papunta sa iba’t
maraming manlalakbay na patungo
ibang kapuluan sa Pilipinas. Naglakbay rin
sa lalawigan ng Laguna. Totoong
daw ito mula Maynila hanggang Laguna.
mabigat ang bapor, halos mabilog
Sinabing ito dapat ang pangalan ng bapor
tulad ng isang tabo na pinaghanguan
Tabo subalit sa dahilang si Rizal lámang
ng pangalan nito. May karumihan
ang may alam ay kanyang pinalitan.
ito bagama’t nagpapanggap na
maputi at maharlika sa kanyang
pagpupumilit na lumakad nang banayad. Tinitingala ito sa pook na iyon
dahil marahil sa kanyang pangalang Tagalog o kaya’y sa taglay nitong mga pag-
uugaling katutubo sa bayan. Ito’y isang bapor ngunit di ganap na bapor, di
nagbabago, may kapintasan, ngunit di matuligsa. At kapag nagnanais itong
sumunod sa agos ng makabagong panahon ay nasisiyahan na sa pagkukulapol
ng bagong pintura.
Di-mapag-aalinlanganan na katu-
tubong Pilipino ang bapor. Ito ay Alam Mo Ba?
matatawag na Daong ng Pamahalaan
Ang Reverendos (reverend) ay ang tawag
sapagkat niyari sa ilalim ng pama-
sa mga inordinahang diyakono, pari, at
mahala ng mga Reverendos at
obispo.
Ilustrisimos.
Ang bapor ay umuusad Ang Ilustrisimos (excellency) ay ang
habang naliligo sa síkat ng araw tawag sa mga obispo at arsobispo. Maaari
na nagpapakinang sa mga alon ding tawagin sa ganito ang matataas na
sa ilog at nagsasayaw sa mga opisyal ng pamahalaan.
kawayan na nása may pampang.
Ang maputing katawan ng bapor ay nagbubuga ng maitim na usok at mainit
na hangin. Walang patid ang paos na pagsipol nito animo’y hari kung mag-
utos. Kaya’t di magkarinigan ang mga sakay ng bapor. Binabalaan nito ang
lahat ng maraanan. Kung minsan, halos mabunggo na ang mga salambaw na
animo’y mga higanteng kalansay na yumuyukod sa isang pagkatanda-tandang
pagong. Paminsan-minsan, tuloy-tuloy na sinasagasa nito ang kawayanan o mga
karihan na lugar na kainan na napapalamutian ng mga gumamela at iba pang
bulaklak na tila nahihiyang maligo gayong nakasayad na ang mga paa sa tubig.
Tinutunton nito ang landas ng ilog na may mga kawayang pananda. Ang bapor
ay nasisiyahang umuusad nang may katiyakan sa sarili. Ngunit walang ano-
ano’y isang pagkabangga ang yumanig sa mga sakay. Nawalan ng panimbang
ang marami. Ang bapor ay sumayad sa isang mababaw na putik.
At kung hindi pa sapat ang paghahambing ng Daong ng Pamahalaan,
masdan natin ang pagkakapangkat-pangkat ng mga manlalakbay.

21
Naroon sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim
na buhok, mga Indio, mga Intsik at mga mestiso. Nangagsisiksikan silá roon
kasáma ang mga kalakal at mga baul. Samantalang ang mga nása itaas ng
kubyerta na nalililiman ng lona upang hindi mainitan ng araw ay mangilan-
ngilang manlalakbay na nakasuot-Europeo, mga prayle, at mga opisyal na
nakaupo sa mga maginhawang silyon. Humihitit silá ng mahahabang tabako
habang nasisiyahang nagmamasid sa mga tanawin. Hindi nila napupuna ang
pagsusumikap ng kapitan at ng mga marinero ng bapor na maiwasan ang mga
balakid sa ilog. Ang kapitan ay isang taong may anyong mabait at may edad
na. Siya’y isang dating marinero na nakapaglakbay na lulan ng matutuling
sasakyang-dagat. At ngayong matanda na, siya ay kinakailangang maging
maingat upang maiwasan ang kaliit-liitang panganib. Iyon lagi ang karaniwang
sagabal na dinaraanan, ang mababaw na putikan. Ang mabagal na sasakayan na
nababalaho sa maraming pagliko ay katulad ng isang matabang babae na nása
gitna ng maraming tao. Kayâ ang limang marinero ay may mahahabang tikin
upang maigaod ang bapor sa itinuturo ng timon. Ang kapitan ay parang isang
beteranong matapos mamuno sa mapanganib na misyon ay naging tagapag-
alaga sa kanyang pagtanda ng isang sumpungin, di masunurin, at tamad na batà.
At si Donya Victorina, ang tanging ginang na nása pangkat ng mga Europeo,
ang makapagsasabi kung ang bapor Tabo ay sumpungin, di masunurin, at tamad.
Gaya nang dati, si Donya Victorina ay nerbiyosa. Tinutuligsa at pinipintasan
niya ang mga kasko, bangka, at balsa ng niyog ng mga Indio. Ikinayayamot
niya ang ingay at pagkakatuwaan ng mga naglalaba at naliligo sa ilog.Ay! Totoong
hindi maaabala sa paglakad ang Tabo kung walang mga Indio sa ilog, kung
walang Indio sa Pilipinas, o ni isa mang Indio sa mundo. Maaari itong masabi ni
Donya Victorina na nakalilimutan na mga Indio ang mga timonero, mga Indio
ang mga marinero sa itaas at ibaba ng kubyerta, mga Indio ang siyamnapu’t
siyam na porsiyento ng mga manlalakbay, at maging siya’y isang Indio kung
kakaskasin ang maputing pulbos at kolorete sa kanyang mukha at huhubdan
siya ng kanyang kasuotang Europeo. Nang umagang iyon, lalong di makasundo
si Donya Victorina sapagkat di siya pinapansin ng mga manlalakbay na kasáma
niya. Kayâ ganoon na lámang ang pagkayamot niya. Naroon ang tatlong
prayle na naniniwala na lalakad nang pabaligtad ang mundo sa araw na
lumakad silá nang matuwid; ang di marunong mapagod na si Don Custodio,
kilaláng opisyal na tagapayo, tahimik na nasisiyahan sa kanyang mga balak at
programa; ang batikang manunulat
na si Ben Zayb (anagrama ng Ibañez)
Alam Mo Ba? na naniniwalang sa Maynila ay
Anagrama ang tawag sa pagbabali- nakapag-iisip sapagkat siya’y nag-
baligtad ng mga titik ng pangalan upang iisip; ang kanonigong si Padre Irene,
makabuo ng bagong salita. na nagbibigay-ningning sa mga pari

22
dahil sa kanyang namumula at ahit-na-ahit na mukha, magandang ilong na
hugis-Hudyo at sa kanyang sutanang sutla na magara ang tabas at may masinsin
na butones; ang mayamang mag-aalahas na si Simoun, kinikilalang tagapayo at
pinanggagalingan ng lahat ng mga gawain ng kanyang kamahalan, ang Kapitan
Heneral. Talagang nakapanghihinayang para kay Donya Victorina na ang mga
haligi ng bayan ay natitipon at nasisiyahan sa kanilang pag-uusap nang di man
lámang napapansin ang isang Pilipina na tumatakwil sa kanyang pagka-Pilipina
at nagtina pa mandin ng buhok upang pumula. Ito’y sukat ikayamot ng isang
Joba, na kanyang ikinakapit sa kanyang sarili sa tuwing may di naiibigan.
Lalong nag-ibayo ang init ng ulo ng ginang tuwing sisigaw ang kapitan ng
Babor o Estribor. Mabilis namang isinasaksak ng mga marinero ang kanilang
mga tikin sa tulong ng kanilang paa at balikat sa kaliwa o kanang pampang
upang maiwasan ang pagbangga ng katawan ng bapor. Sa gayong-ayos, ang
Daong ng Pamahalaan na dati’y isang pagong ay nagiging alimango sa tuwing
nalalapit sa isang panganib.
“Ngunit, Kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na
timonero?” galít na tanong ng ginang.
“Sapagkat napakababaw po roon, ginang,” ang banayad na sagot ng kapitan,
kasabay ang mabagal na pagkindat ng mata. Nakagawian ng kapitan ang
pagkindat ng mata na parang nagbabala sa kanya na magsalita nang marahan,
marahang-marahan.
“Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?” paismid na pagtutol ng
ginang.
“Pagkat bakâ táyo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang,” ang mahinang
sagot ng kapitan na ininguso ang mga bukirin, kasabay ang dalawang mabagal
na pagkindat.
Kilaláng-kilalá sa kapuluan ang karangyaan at kapritso ni Donya Victorina.
Hindi siya nawawala sa mga pagtitipon. Mahusay namang tinatanggap ang
donya dahil sa kanyang pamangking si Paulita Gomez, isang napakaganda
at napakayamang dalaga na ulila na sa ama’t ina. Naiwan ang dalaga sa
pagtangkilik ng kanyang ale. May edad na nang nakapag-asawa ang ginang
sa isang sawimpalad na laláking nagngangalang Don Tiburcio de Espadaña.
Labinlimang taon na siláng kasal. Siya ay may pusód na pustiso at nakasuot
ng damit na halos Europeo. Hangarin niya ang magmukhang Europeo kayâ
buhat sa araw ng kanyang sawimpalad na kasal, unti-unti niyang nabago ang
kanyang anyo at kilos. Sa kasalukuyan kahit ang mga bantog na antropologo ay
hindi maláman kung saang lahi siya kabílang. Pagkaraan ng mahabang taong
pagtitiis at pagbibigay sa lahat ng kanyang kagustuhan, ang kanyang asawa na si
Tiburcio ay napunô rin. Isang araw, hinambalos niya nang matindi ang donya
ng kanyang gamit na saklay. Dahil sa pagkabigla ng Ginang Joba sa pagbabago
ng ugali ng asawa ay di-agad naramdaman ang sakít. Nang siya’y mahimasmasan
mula sa malaking kabiglaanan at nang makatakas nang maluwalhati ang
kanyang asawa, sakâ pa lámang niya naramdaman ang pananakit ng katawan.
23
Nahiga siya nang ilang araw.
Alam Mo Ba? Ikinatuwa ito ni Paulitang maibiging
magtawa at manukso sa kanyang ale.
Ulisis (Odysseus)—Sa mitolohiyang Griyego,
Ang laláki naman na nasindak din
siya ang hari ng Ithaca. Nang manalo sa
sa pagbubuhat niya ng kamay ay
digmaan sa Troy, sampung taon siyang
ipinalagay na parang isang kakila-
naglakbay pabalik ng Greece. Nakasulat
kilabot na pagpatay ng magulang
ang kanyang kuwento sa Odyssey ni
ang nagawa niya. Siya ay tumakas
Homer.
nang buong tulin kahit papilay-pilay,
habol-habol ng kanilang alagang
Alam Mo Ba? dalawang maliliit na áso at loro.
Calipso—Isang diyosa sa mitolohiyang Lumulan siya sa unang bangkang
Griyego. Ikinulong niya si Ulisis sa kanyang nakita sa ilog. Ang Ulisis na Pilipino
isla upang kanyang maging asawa habam- ay nagpalipat-lipat sa mga bayan-
buhay. Nagtagal sa kanya si Ulisis ng bayan, mula sa isang lalawigan
pitong taon bago siya nakatakas. hanggang sa susunod, at sa mga
pulo-pulo. Sinusundan at hinahanap
siya ng kanyang Calipso na naka-
quevedo, na kinayayamutan ng mga manlalakbay dahilan sa kuwentong ito.
Nabalitaan ng babae na nagtatago sa lalawigan ng Laguna ang asawa. Doon nga
siya patungo upang akitin ang laláki sa tulong ng kanyang tininang buhok.
Upang maiwasan ang pagkikipag-usap sa ginang, naging abalá sa
paghuhuntahan ng kahit na anong paksang pumasok sa kanilang isip ang
kanyang mga kasakay. Napagtuonan nila ng pansin ang pagtutuwid ng paliko-
likong Ilog Pasig at ang mga gawain
Alam Mo Ba? ng Obras del Puerto.
Si Ben Zayb, ang manunulat na
Iba-iba ang orden ng mga paring relihiyoso mukhang prayle, ay nakikipagtalo
o mga prayle. Halimbawa:—Pransiskano, sa isang batang prayle na mukhang
nakatuon sa pakikiisa sa kahirapan artilyero. Sila’y nagsisigawan,
(poverty) ni Kristo. nagkukumpasan, at pumapadyak
—Dominikano, nakatuon sa pangangaral habang pinag-uusapan ang taas ng
ng Mabuting Balita. tubig, mga salambaw o baklad sa
—Heswita, nakatuon sa iba’t ibang mis- ilog,ang ilog ng San Mateo,mga kasko,
yon, lalo na sa edukasyon. mga Indio, at iba pang magkakatulad
—Ang mga paring relihiyoso o mga prayle
na paksa. Kaya’t wiling-wili sa
ay may tatlong pangakong sinasambit
pakikinig ang iba. Ikinayayamot
(vows): Kalinisan (chastity), Pagdaralita
naman ito ng isang may edad nang
(poverty), at Pagtalima (obedience).
Pransiskano na payat at mukhang
may sakit, at ng isang magandang
—Kanonego (canon)—Isang espesyal na
laláking Dominiko na may ngiti sa
kawani ng lokal na Simbahan.
labì na parang nang-uuyam.

24
Naunawaan ng payat na Pransiskano ang ngiti ng Dominiko. Kayâ siya
ay nakisabad upang mamagitan sa pagtatalo. Marahil, dalá ng paggalang sa
kanya, kayâ, sa isang hudyat ng kamay, napatigil ang pagtatalo ng dalawa nang
ang prayleng artilyero ay bumabanggit ng mga karanasan at ang manunulat na
mukhang prayle ay tumutukoy sa mga taong dalubhasa sa mga agham.
“Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa
mga agham, Ben Zayb?” ang tanong ng Pransiskano sa mababang tinig na di
halos kumikilos sa upuan at halos di ikinukumpas ang butuhang kamay. “Hayan
sa lalawigan ang Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi
na natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa
agham. Ayon sa mga pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan,
di matatag, at mapanganib. Tingnan ninyo ngayon. Nariyan pa rin ang tulay.
Hindi pa rin nagigiba ng mga baha at lindol.”
“Iyan, putris! Iyan nga talaga ang sasabihin ko!” ang naibulalas ng paring
mukhang artilyero na si Padre Camorra na napasuntok sa palababahan ng
kanyang silyang yari sa sulihiya. “Iyang Puente del Capricho, ang mga taong
dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, Padre Salvi!”
Nangingiti si Ben Zayb ngunit hindi kumikibo. Marahil, bilang pagpipitagan
kay Padre Salvi o kaya’y talagang wala siyang masabi gayong siya lámang ang
tanging nag-iisip sa Pilipinas. Tatango-tango si Padre Irene habang hinihimas
ang matangos na ilong.
Si Padre Salvi ay waring nasisiyahan sa gayong pagpipitagan. Nagpatuloy
siya sa gitna ng katahimikan. “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang
gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang samâ ay nása lawa.”
“Mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito,” ang sabad
ni Donya Victorina na totoong nagkakanganganganga sa kakulangang ito.
Muling nagtangkang makilahok sa usapan ang donya.
Nagkatinginan ang mga nagitlang kasamahang manlalakbay. Ngunit mabilis
na namagitan si Simoun na parang isang heneral.
“Ang lunas ay napakadali,” ang sabi niya na ang punto ay magkahalong
Ingles at Latin-Amerikano.“Totoong nagtataka akó kung bakit walang sinumang
nakaisip nito.”
Lahat ay napabaling sa kanya, pati na ang Dominiko. Ang mag-aalahas
ay may kapayatan, kayumangging-kayumanggi, nakasuot ng damit-Ingles, at
nakasebastipol na waring salakot na timsim. Ang nakatatawag-pansin sa kanya
ay ang mahaba at maputing buhok na nagpapatingkad sa kanyang maitim at
madalang na balbas. Nagpapakilala ito ng pagkamestiso niya. Upang hindi
masilaw sa araw, lagi siyang gumagamit ng malalaki at maiitim na salamin sa
mata. Halos tumatakip ito sa kanyang pisngi, kayâ mukha tuloy siyang bulag o
may kapansanan sa mata. Nakatayo siyang magkalayo ang mga paa, na parang
naninimbang at ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng kanyang tsaketa.
“Ang lunas ay napakadali,” ang ulit niya, “at walang magugugol kahit isang
pera.”
25
Nag-ibayo ang pananabik ng mga nakikinig. Sinasabi sa lipunan ng Maynila
na ang laláking ito ay may malakas na impluwensiya sa kapitan heneral. Ang
lahat ay nagpapalagay na sapilitan nang naisasagawa ang lunas. Pati na si Don
Custodio ay napalingon sa kanyang kinauupuan.
“Humukay ng isang tuwid na
Alam Mo Ba? kanal mula sa lawa hanggang Maynila.
Sa madaling sabi, magbukás ng bagong
Ang Suez Canal ay isang lagusan na ilog at sarhan ang dating ilog Pasig.
sampung taong ginawa ng tao na nag- Makatitipid ng lupa. Mapadadali ang
durugtong sa Mediterranean Sea at sa paglalakbay.At maiiwasan ang pagtaas
Red Sea upang mapadali ang kanilang ng buhangin na babara sa ilog.”
paglalakbay na hindi na kailangang umikot Ang panukala ay nakapagpalito
pa ng Africa. Opisyal na nabuksan ito sa lahat na di sanáy sa mararahas na
noong Nobyembre 1869. Naging tatlumpu’t panukala.
dalawa hanggang tatlumpu’t limang araw “Isang panukalang Yankee!” ang
na lámang ang paglalakbay mula Pilipinas puna ni Ben Zayb, na nais bigyang-
hanggang Barcelona, Espanya sa halip na lugod si Simoun. Matagal ding lumagi
ang dating tatlo hanggang anim na buwan. sa Amerika del Norte ang mag-aalahas.
Ipinalagay ng lahat na kahanga-
hanga ang panukala. Nagtanguan silá bilang pagsang-ayon. Tanging si Don
Custodio, na isang liberal na may malayang pagpapalagay at mataas na
katungkulan, ang nag-aakalang may tungkuling tumuligsa sa isang panukalang
hindi nagmumula sa kanya. Ito’y isang pangangamkam ng karapatan. Umubo
siya, hinaplos ang bigote, at nagsalita sa tinig na karaniwan niyang ginagamit
sa pagpupulong sa Ayuntamiento.
“Ipagpaumanhin mo, Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibígan,
na di ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod pa rito,
maraming nayon ang masisira.”
“Puwes, sumira!” ang malamig na sagot ni Simoun.
“At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”
“Hindi silá kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo . . .”
“Hindi makasasapat ang mga bilanggo, Ginoong Simoun.”
“Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, ang matatanda, ang mga
kabataan, at mga batà. Pagtrabahuhin silá ng tatlo, apat, o limang buwan sa
halip na labinlimang araw na sapilitang paggawa. Papagdalhin silá ng sariling
pagkain at mga kagamitan.”
Nasindak si Don Custodio. Lumingon siya upang tingnan kung may Indio
na maaaring makarinig sa kanila. Sa kabutihang-palad, ang malalapit sa kanila
ay mga magsasakâ at dalawang timonero na abaláng-abalá sa pagsunod sa mga
paliko-likong tubig.
“Ngunit, Ginoong Simoun . . .”
“Harapin natin ang katoto-hanan, Don Custodio,” ang patuloy na walang
sigla ni Simoun.“Sa paraan lámang na iyon maisa-sakatuparan ang mga dakilang
26
gawain sa munting gugol. Sa ganyang
paraan nayari ang mga piramide, ang Alam Mo Ba?
Lawa ng Moesis, at ang Koliseo ng Roma. Ang Polo y Servicio ay ang sapilitang pag-
Ang mga mamamayan sa mga lalawigan tatrabaho ng mga Pilipino mula sa edad 16
ay nanggaling sa disyerto na dalá-dalá hanggang 60 sa Sistemang Encomienda.
ang ilang sibuyas na kanilang pagkain.At Hindi silá binayaran sa kanilang paggawa
sa ilalim ng pamamatnugot ng pama- ng iba’t ibang impraestruktura. Tumatagal
halaan, ang mga matatanda’t mga ng mahigit isang buwan ang sapilitan
kabataan at kahit mga bata’y gumagawa, o puwersahang pagtatrabaho. Ang
naghahakot, tumatapyas, at nagpapasan mayayaman ay nagbabayad ng falla upang
ng mga bato sa kanilang balikat. Ang hindi silá mapabilang sa mga polista.
mga nakatagal at nabuhay ay nagbalik sa Nagbunga ng maraming pag-aalsa ang
kanilang mga bayan o namatay sa sapilitang paggawa. Isa na rito ang
disyerto. Pagkatapos, darating naman Sumuroy Revolt na pinangunahan ni Juan
ang mga mamamayan sa ibang lalawigan. Ponce Sumuroy noong 1649.
Papalitan nila ang iba. Pagkatapos ng iba
naman. Nagsunod-sunod silá sa paggawa
sa loob ng maraming taon. Tapos na ang gawain. Hinahangaan natin ngayon.
Naglalakbay táyo sa Ehipto at sa Roma at pinupuri natin ang mga faraon
(Pharaohs) at angkan ni Antonina . . . . Harapin mo.Ang mga patay ay nanatiling
mga patay.Tanging ang malalakas ang hahatulan ng mga darating na salinlahi.”
“Ngunit, Ginoong Simoun, lilikha ng gulo ang ganyang mga hakbang,”
ang pagputol ni Don Custodio. Di siya mapalagay dahil sa nagiging takbo ng
pagtatalo.
“Mga kaguluhan,. Ha-ha!” ang tawa ni Simoun. “Nag-alsa ba ang mga taga-
Ehipto? Nag-alsa ba ang mga bilanggong Hudyo laban kay Tito? Akala ko’y may
kaalaman kayo tungkol sa kasaysayan.”
Maliwanag na napakamapagmataas o kaya’y walang pitagan si Simoun.
Ang sabihin at ipamukha kay Don Custodio na hindi niya alam ang kasaysayan
ay sapat na upang magalit ang sinuman. At totoo nakalimot sa sarili si Don
Custodio sapagkat mabilis na sumagot:
“Ngunit hindi mga taga-Ehipto o mga Hudyo ang iyong pakikitunguhan.”
“At ang mga taong ito ay hindi miminsang naghimagsik,” ang pakiming
dugtong ng Dominiko. “Noong mga panahong ang mga Indio ay pinilit na
humila ng malalaking kahoy upang gawing galleon. . . kung hindi sa mga pari
...”
“Malayo na ang mga panahong iyon,” ang pabigla at may karahasang tugon
ni Simoun. “Ang mga pulóng ito ay hindi na muling maghihimagsik kahit
sapilitan siláng pagawain o patawan ng buwis. Hindi ba’t pinupuri mo, Padre
Salvi,” ang dagdag niya habang bumabaling sa payat na Pransiskano,“ang bahay
at ang pagamutan sa Los Baños na tinutuluyang pansamantala ng kanyang
kamahalan?”

27
Tumango-tango si Padre Salvi na mukhang di nagugustuhan ang sinasabi
ni Simoun.
“Puwes, hindi ba sinabi ninyo sa amin na ang dalawang gusali ay itinayo
sa pamamagitan ng sapilitang paggawa sa mga taong-bayan sa ilalim ng latigo
ng isang uldog? Maaaring itinayo sa ganyang paraan ang Puente del Capricho.
Ngayon, sabihin ninyo sa akin. May kaguluhan bang nangyari sa mga bayang
iyon?”
“Ngunit naghimagsik na siláng minsan,” ang tugon ng Dominiko.“Ab actu
ad posuvalet ilatio, na ang ibig sabihin ay ‘kung ano ang nangyari noon ay
maaaring mangyari ngayon.’ ”
“Kaululan! Kaululan! Kaululan!” ang wika ni Simoun habang naghahandang
pumanaog sa ibaba ng kubyerta.“Ang nasabi ko’y nasabi ko na. At kayo, Padre
Sibyla, huwag na kayong magsalita ng inyong Latin na puro kabalbalan. Ano
ang kabuluhan ninyong mga prayle kung makapag-aalsa rin lang ang mga tao?”
At bumaba si Simoun sa ilalim ng kubyerta na hindi pinapansin ang
pagtutol at pangangatwiran. Pakutyang bumubulong siya ng “Vaya, vaya!”
Namutla si Padre Sibyla. Yaon ang kauna-unahang pagkakataong siya, ang
vice-rector ng unibersidad, ay napagsabihan na nagsasabi ng mga kabalbalan.
Matindi ang kanyang galit. Wala pa siyang nakaharap na gayong kalaban sa
alinmang púlong ng konseho.
“Isang mulatong Amerikano,” ang paungol na nabulalas niya.
“Indiong Ingles?” ang bulong ni Ben Zayb.
“Isang Amerikano. Maniwala
Alam Mo Ba? kayo sa akin. Alam ko ang aking
sinasabi!” galít na sagot ni Don
Havana—Isang lugar sa bansang Cuba. Custodio. “Ang kanyang kamahalan
Sa Cuba nais magpatapon ni Rizal noong ang siyang nagsabi sa akin. Si
bago siya hatulang barilin sa Luneta, Simoun ay isang mag-aalahas na
ngunit pagdaong doon ay agad siyang nakatagpo niya sa Havana. Sa
dinakip at ibinalik sa Maynila upang litisin palagay ko’y siya ang nagpahiram
at hatulang mamatay. sa heneral ng perang kinakailangan
niya upang makuha ang tungkuling
iyon sa Pilipinas. Kayâ upang makaganti ng utang na loob, pinahintulutan
siyang pumunta rito upang malayang kumilos, magpalago pa ng kayamanan,
magtinda ng brilyante . . . na maaaring huwad pang brilyante. Napakawalang
utang na loob. Matapos makuha ang mga salapi ng mga Indio ay ibig pa niyang
. . . Hu!”At tinapos niya ang sinasabi sa pamamagitan ng makahulugang kumpas
ng kamay.
Walang sinuman ang nais makasali sa gayong pagtuligsa. Maaaring
kalabanin ni Don Custodio ang kapitan heneral. Ngunit ni si Ben Zayb, si Padre
Irene, si Padre Salvi, o ang hinamak na si Padre Sibyla ay walang pagtitiwala sa
pagpapasiya ng iba.

28
“Ang masama’y isang Amerikano yaong ginoo at tiyak na nagpapalagay na
tayo’y nakikitungo sa mga Indio sa Amerika. At pag-usapan ang mga bagay na
ito sa isang bapor pa naman! Pilitin at daanin sa mga dahas ang mga tao! . . .
At siya ang may kinalaman sa pagpapadala ng ekspedisyon sa Carolinas at ng
kampanya sa Mindanaw na siyang nakasisirang-puri sa atin. Siya ang nagkusang
tumulong upang mayari ang isang sasakyang-dagat. Matanong ko kayo. Ano
ang nalalaman ng isang mag-aalahas, kahit anong yaman o pagkabihasa niya,
sa pandaragat?”
Sinasabi niya ang lahat nang ito kay Ben Zayb na kanyang katabi. Ang tinig
niya’y pinalalagos sa lalamunan, kumukumpas, nagkikibit-balikat, at parang
humihingi ng saklolo na siya’y katigan ng iba. Ngunit ang mga ito’y tumatango
at umiiling ng kanilang ulo nang may pag-aalinlangan.
“Sinasabi ko sa iyo, Ben Zayb,” patuloy ni Don Custodio habang niyuyugyog
ang braso ng manunulat,“ ang masama’y ang hindi pagsangguni sa mga taong
naninirahan sa lupaing ito nang mahabang taon. May nagmumungkahi ng
isang panukalang ilalahad sa maayos at piling salita at humihingi ng malaking
gugulin at tinatanggap kaagad, . . . dahil dito . . .!”
“Ganyan nga, ganyan nga marahil,” ang palagay ni Ben Zayb na dapat niyang
isagot dahil isa siyang mamamahayag na dapat makaalam ng lahat.
“Tingnan ninyo, bago simulan ang mga gagawin sa daungan, nagharap
akó ng isang panukala na orihinal, madaling gawin, makabuluhan, at matipid
upang linisin ang putik at buhangin sa gulod-guluran ng lawa. Ngunit hindi
tanggap sa dahilang hindi ito makapagbibigay. . . nito!”At inulit ang pagsensiya
ng daliri, nagkibit ng balikat, at tumingin sa lahat ng mga naroroon na parang
nagtatanong kung nakarinig na silá ng ganoong paghamak . . .
“Maaari bang maláman ang panukalang iyon?” Naglapitan ang lahat upang
marinig na mabuti si Don Custodio. Kasintanyag ng mga gamot ng isang
albularyo ang mga panukala ni Don Custodio.
Ayaw sanang sabihin ni Don Custodio ang panukala sapagkat nagdaramdam
siya. Mangyari’y walang sinumang kumatig sa kanyang pagtuligsa kay Simoun.
Gusto na niyang sabihing “Kapag walang panganib ibig ninyo akong magsalita
at kapag mayroon naman ay tahimik kayo.” Ngunit sáyang na palampasin ang
pagkakataong iyon. Bagaman hindi maisasagawa ang panukala, mabuti rin
naman na maláman at mahangaan nila ito.
Matapos ang dalawa o tatlong pagbuga ng usok, pag-ubo, at paglura,
tinanong niya si Ben Zayb, sabay tapik sa hita nito, “Nakakita na ba kayo ng
mga pato?”
“Palagay ko’y nakapamaril na kami ng mga iyan sa lawa,” ang pamanghang
pakli ni Ben Zayb.
“Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay
ang mga itik na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba kung ano ang
ipinakakain sa mga ito?”

29
Hindi ito alam ng matalinong si Ben Zayb. Hindi pa niya nasusubukan ang
ganitong hanapbuhay.
“Mga susô, tao ka, mga susông maliliit!” ang sabad ni Padre Camorra.“Hindi
kailangang maging Indio upang maláman iyan. Gamitin mo lámang ang mga
mata mo.”
“Tama, maliit na susô!” ang ayon ni Don Custodio na ikinukumpas ang
hintuturo.“At alam mo ba kung saan nakukuha ang mga ito?”
Hindi rin alam ng tinanong.
“Kung matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong
nakukuha ang mga iyon sa gulod-gulurang kahalo ng mga buhangin.”
“At ang inyong panukala?”
“Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga bayang magkakanugnog at
malápit sa gulod-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita ninyo
kung paano magpapalalim sa gulod-guluran ng buhangin ang mga itik. Sisisirin
nila ang mga susô. Iyan ang panukala ko.”
At nagbuka ng dalawang bisig ni Don Custodio habang nasisiyahang
minalas ang pagkagitla ng mga kaharap at nakikinig sa kanya. Wala pang
nakaiisip ng gayong kapangahas at naiibang panukala.
“Mapahihintulutan ba ninyong sumulat akó ng lathalain ukol dito?” ang
tanong ni Ben Zayb.“Kakaunti ang nag-iisip sa bayang ito.”
“Ngunit, Don Custodio,” ang malamya at paismid na sabi ni Donya Victorina.
“Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, darami ang mga balut. Hu! Nakadidiri!
Bayaan na lámang matuyo ang gulod-guluran.”

Sa Ilalim ng Kubyerta
(Kabanata II)

30
Sa ilalim ng kubyerta. Ang ilang mga manlalakbay ay nakaupo sa mga
bangkô o maliit na silyang kahoy. Dito rin nakalagay ang mga maleta, baul,
basket, at tampipi. Mga dalawang hakbang marahil ang layo ng mga upuan
sa makina. Naghahalo ang singaw ng mga tao at mabahong amoy ng langis.
Upang di mainip, ang ilang manlalakbay ay matahimik na nakamata sa iba’t
ibang tanawin sa pampang. Ang iba naman ay naghuhuntahan. At may mga
naglalaro ng baraha. Napakaingay ng makina at walang tigil ang pagsitsit ng
singaw, salpok ng alon, at silbato ng bapor. Sa isang sulok, nangakahilerang
parang mga patay ang mga Intsik na mangangalakal. Nangatutulog ang iba at
ang iba nama’y nangagpipilit makatulog. Nangahihilo silá kaya’t mapuputla.
Panay ang tulo ng laway habang pawisan. Ilan lámang sa mga kabinataan
ang mapagkikilalang mga mag-aaral. Puting-puti ang kanilang kasuotan.
Nagpaparoo’t parito silá sa daungan at hulihan ng sasakyan. Parang mga
batang palukso-lukso sa mga baul at tampipi. Maligaya siláng lahat. Walang
inaasahan kundi ang bakasyon sa Kapaskuhan. Naroong pag-usapan ang
galaw ng makina. Inaalala ang mga di malimutang aralin sa pisika. Naroong
bigyang-pansin nila ang dalagitang kolehiyala o ang mapupulang mga labì ng
maghihitsong nakakuwintas ng sampagita. Naroong bulungan nila ang mga
dalaga na napapangiti o nagtatakip ng abaniko sa mukha.
Dalawa sa mga mag-aaral ang sa halip na sumama sa ganoong biruan ay
nakikipag-usap nang masinsinan. Naroon silá sa gawing daong at kausap ang
isang ginoong bagama’t may gulang na ay matikas pa rin ang pangangatawan.
Ang dalawang kabataang ito ay kinikilala at iginagalang kayâ mahusay ang
pakikitungo sa kanila ng kanilang mga kasamahan. Ang nakatatanda sa dalawa
ay itim na itim ang kasuotan. Siya’y si Basilio, ang mag-aaral ng medisina at
kilalá na dahil sa kahusayan niya sa panggagamot.Ang isa naman na mas mataas
at matipuno ang pangangatawan ngunit higit ang kabataan ay si Isagani. Isa
siyang makata o masasabing manunugma na nakatapos sa Ateneo ng taong
iyon. Siya’y palaging walang kibo at may mga pansariling katangiang ikinaiiba
sa karamihan. Ang kausap nila ay ang mayamang si Kapitan Basilio na namili
sa Maynila.
“Hindi po nagpapakita ng pagbabago si Kapitan Tiago,” ang sabi ng
estudyante sa medisina na iiling-iling. “Ayaw po niyang pagamot kaninuman.
May nagpayo po sa kanya na akó ay pauwiin sa San Diego. Di umano’y upang
tingnan ang kanyang bahay roon. Pero ang totoo ay upang malaya siyang
makahitit ng apyan.”
Ang kung sino na tinutukoy ni Basilio ay si Padre Irene, ang matalik na
kaibígan at pinagkakatiwalaang tagapayo ni Kapitan Tiago noong kanyang mga
hulíng araw.
“Ang apyan ay salot ng makabagong panahon,” ang sabi ni Kapitan Basilio
na may pang-uuyam at pagkamuhing gaya ng isang senador na Romano.
“Ginagamit ito ng mga tao noong araw, pero walang nagpakalabis ng paghitit

31
nito. Tandaan ninyo, mga binata, ang
Alam Mo Ba? apyan ay mananatiling medisina
lámang habang ang pag-aaral ng
Si Cicero (Marcus Tullius Cicero) ay isang
klasiko ay popular. Kung hindi kayo
Romanong manunulat at politiko. Malaki
naniniwala sa akin, sabihin ninyo
ang kanyang naiambag sa balarila ng
kung sino ang higit na humihitit
wikang Latin.
ng apyan? Sino? Ang mga Intsik na
hindi marunong kahit isang salitang
Latin. A! Kung napag-aralan lámang ni Kapitan Tiago si Cicero!” Ang kanyang
mukhang parang ipikurero na malinis ang pagkakaahit ay kinakitaan ng
pagkasuklam. Si Isagani ay parang namalikmata sa kausap na nahihibang
sa mga bagay na lumipas na panahon.
“Balikan natin ang balak na pagtatag ng akademya para sa pagtuturo ng
wikang Kastila,” tuloy ni Kapitan Basilio.“Tinitiyak ko sa inyo na iyon ay hindi
maisasagawa!”
“Hindi po totoo iyan,” tugon ni Isagani,“ang katunayan po ay hinihintay na
lang namin ang pahintulot sa isa sa mga araw na ito. Si Padre Irene na maaaring
makita ninyo sa itaas ang nangako sa amin. Binigyan pa nga namin siya ng
dalawang kabayong kastanyo. Siya’y makikipagkita sa kapitan heneral.”
“Wala siyang magagawa. Salungat din si Padre Sibyla.”
“Bayaan po ninyo siyang sumalungat. Si Padre Irene ay pumunta sa Los
Baños at makikipagkita sa kapitan heneral dahil diyan.”
At ipinakita ni Basilio ang kanyang ibig sabihin sa pamamagitan ng
pagsuntok ng isang kamay sa kabiláng palad.
“Naintindihan ko,” sabi ni Kapitan Basilio na nagtatawa. “Ngunit kahit
makakuha man kayo ng pahintulot saan kayo kukuha ng pondo?”
“Mayroon po kami, ginoo. Ang bawat isang mag-aaral ay mag-aambag ng
sikapat!”
“Sino ang mga magiging propesor?”
“Mayroon na rin po kami. Ang kalahati ay mga Pilipino at ang kalahati ay
mga Kastilang mula sa Espanya!”
“At ang gusali?”
“Ang mariwasa pong si Makaraig ay nag-alok ng isa sa kanyang mga bahay.”
Tinanggap ni Kapitan Basilio ang kanyang pagkatalo sa usapin. Talagang
naihanda na ng mga kabinataang ito ang lahat ng kailangan.
“Kung sabagay,” sabay kibit ng balikat, “hindi masamâ ang panukalang
iyan sa kabuuan. Kung ang mga kabataan natin ay hindi matututo ng Latin,
hayaan natin silang matuto man lang ng Kastila. Diyan mo makikita, tukayo,
na táyo ay paurong. Noong panahon namin, natutuhan namin ang Latin. Ang
mga libro kasi namin ay dito nasusulat, ngayon ay bahagya na lámang itong
matutuhan. Ngunit walang mga aklat na Latin. Sa kabilang dako, ang mga aklat
ninyo ngayon ay nása Kastila, ngunit hindi kayo tinuturuan ng Kastila—Aetas

32
parentum pejor avis tulit nos
neguiores—gaya ng laging sinasabi Alam Mo Ba?
ni Horacio. ‘The age of our fathers,
Si Horacio (Quintus Horatius Flaccus) ay
worse than that of their fathers, has
isang sikát na makatang Romano noong
bred us even worse than them. ”
panahon ni Augustus Caesar.
Pagkasabi nito’y buong pagma-
malaking lumayo na animo’y isang
emperador na Romano. Nagkangitian ang dalawang binata.“Ang mga matatanda
ay lagi nang nakaiisip ng hadlang sa lahat ng mga bagay,” puna ni Isagani.“Kahit
na anong mungkahi sa kanila ang nakikita nila ay ang mga hadlang at hindi ang
kabutihan. Ibig nilang ang lahat ng mga bagay ay maging bilog at makinis na
tulad ng bola ng bilyar.”
“Magkapalagayang-loob silá ng tiyo mo. Panay nagdaang panahon ang
pinag-uusapan,” sabi ni Basilio.“Maalala ko, ano ang sabi ng iyong tiyo tungkol
kay Paulita?”
Namula si Isagani.
“Pinagsabihan niya akó ukol sa wastong pamimili ng mapapangasawa.
Sinabi ko na sa Maynila ay wala siyang katulad sa ganda. May pinag-aralan at
ulila pa.”
“Napakayaman, may mabuting pagpapahalaga, mahusay magsalita, wala
kang maipipintas maliban sa tiyang kakatwa,” dagdag pa ni Basilio na nagtatawa
at napatawa na rin si Isagani.
“Maalala ko.Alam mo bang ipinahahanap niya sa akin ang kanyang asawa?”
“Si Donya Victorina? Pihong ipinangako mo namang hahanapin mo para
maging malakas ka.”
“Mangyari pa! Ang hirap, sa bahay pa naman mismo ng tiyo ko siya
nagtatago.”
Nagkatawanan na naman ang dalawa.
“Iyan ang dahilan,” patuloy ni Isagani, “kung bakit ang tiyo ko ay ayaw sa
kubyerta. Natatakot siyang matanong ni Donya Victorina tungkol kay Don
Tiburcio. Biruin mo! Tiningnan akong may panlilibak nang malámang ako’y
nása tersero klase!”
Pagbaba ni Simoun ay nakita niya ang dalawang mag-aaral at binati nito
kaagad si Basilio.
“Kumusta ka, Basilio? Bakasyon ka na ba? Kababayan mo ba siya?” tanong
ni Simoun.
Ipinaliwanag ni Basilio na si Isagani ay hindi niya kababayan pero hindi
naglalayo ang kanilang lugar.Taga-kabilang baybayin lámang si Isagani.
Matamang tiningnan ni Simoun si Isagani kayâ nang mapansin ito ng binata
ay humarap at tuminging parang nanghahamon.
“Kumusta ang búhay sa inyong lalawigan?” tanong ni Simoun na humarap
kay Basilio.

33
“Ang ibig ba ninyong sabihin ay hindi ninyo alam?”
“Paano ko malalaman ay hindi pa naman akó nakakapunta roon. Ang sabi
nila’y napakahirap daw ng mga tao sa bayang iyon kayâ hindi silá bumibili ng
alahas.”
“Hindi po kami bumibili dahil hindi naman kailangan,” ang tuyot na sagot
ni Isagani na nag-iinit dahil sa nasaling ang pagmamahal niya sa kanyang
lalawigan.
Nangiti si Simoun.
“Huwag kang magalit, binata, wala akong masamang ibig sabihin. Subalit
tinitiyak sa aking ang lahat halos ng pagkukura sa simbahan doon ay nása
kamay ng mga paring Indio. Nasabi ko sa sarili, kung gayon ang mga prayle
ay nagpapakamatay para makakuha ng pagkukurahan at ang mga Pransiskano
ay nasisiyahan sa lalong maralitang pinagkukurahan, kayâ, kapag ganyang
ipinagkakaloob ang mga iyon sa mga klerigong Indio ay sa dahilang hindi
kailanman makikilala roon ang mukha ng hari. Halina, mga binata. Uminom
tayo ng serbesa para sa ikasusulong ng inyong lalawigan.”
Nagpasalamat ang dalawang binata at nagsabing hindi silá umiinom ng
serbesa.
“Masamâ iyan,” sagot ni Simoun.“Ang serbesa ay mabuti sa katawan. Narinig
ko kay Padre Camorra na ang kawalang-sigla sa bayang ito ay ang pag-inom ng
sobrang tubig ng mga mamamayan.”
Si Isagani na halos kasintaas ng mag-aalahas ay bumuntong-hininga at
naghandang magsalita ngunit siniko siya ni Basilio na nagsabing,“Kung ganoon
pakisabi po kay Padre Camorra na kung umiinom siya ng tubig sa halip na
serbesa o alak, siguro ay higit tayong mapapabuti at mababawasan ang sobrang
alinlangan.”
“Pakisabi rin po sa kanya,” dagdag ni Isagani, na hindi pinapansin ang
paniniko ng kaibigan,“na ang tubig ay matamis inumin pero nilulunod nito ang
alak at serbesa, nakapapatay ng apoy ang tubig na kapag pinainit ay nagiging
singaw, at kapag galít ay nagiging baha na minsang nagwasak sa sangkatauhan
at gumimbal sa buong daigdig.”
Napataas ng ulo si Simoun. Kahit natatakpan ng may kulay na salamin ang
kanyang mga mata ay halatang nabigla sa narinig.
“Mahusay na sagot,” sabi ni
Alam Mo Ba? Simoun. “Datapuwat bakâ akalain ni
Padre Camorra na ako’y nagbibiro
Ang delubyo (deluge) ay ang pagkagunaw at itanong sa akin kung kailan ang
ng mundo sa pamamagitan ng baha noong tubig ay magiging singaw o magiging
panahon ni Noah. delubyo. Siya ay hindi paniwalain
at palabiro.”
“Ang tubig ay magiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging
delubyo kung ang lahat ng maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang

34
bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao,” ang
sagot ni Isagani.
“Sa palagay ko, Ginoong Simoun,” pabirong sabi ni Basilio,“makabubuting
bigkasin ninyo kay Padre Camorra ang mga bersong ito ng kaibígan kong si
Isagani:
Kami ang tubig, kayo ang apoy
Nangyari ang inyong kalooban!
Mabuhay tayong may kapayapaan
Kaaway ay iwaglit sa ating isipan
Tulad ng mamamatay-sunog kapag may apoy.
Nagtutulong di tulad ng tubig at apoy
Paris ng alam ng mga makaagham
Sa painitan ng panahon ng pag-unlad
Na bagong nilikhang singaw ay lumalabas
Gaya ng búhay at liwanag na sumusulong.

“Pangarap,” ang tuyot na tugon ni Simoun.“Ang iyong makina ay sumasalpok


sa . . . Samantala’y iinumin ko muna ang aking serbesa,” walang paalam na
iniwan niya ang magkaibigan.
“Ano bang nangyari at napakainit ng iyong ulo ngayon? Muntik ka nang
makipag-away,” usisa ni Basilio.
“Aywan ko ba. Napag-iinit akó ng taong iyon, kinatatakutan ko siya.”
“Sinisiko na kitá ay hindi mo pa akó pinapansin. Hindi mo ba alam na
tinatawag siyang Kardinal Moreno?”
“Kardinal Moreno? Hindi kitá
maunawaan.” Alam Mo Ba?
“Si Kardinal Richelieu, na
minsa’y naging makapangyarihang Si Cardinal Richelieu (Armand Jean du
punong ministro ng Pransya, ay may Pleissis, cardinal-duc de Richelieu et
tagapayong kaputsino na tinatawag de Fronssac) ay isang dukeng Pranses
na Kamahal-mahalang Gris, dahil na Kardinal din ng Simbahang Katolika.
kahit siya’y laging nakasuot ng Makapangyarihan siya sa korte ng Hari ng
gris na tulad ng mga prayle, siya’y France at isinulat siya bilang kontrabida
kasing-kapangyarihan ng kardinal. sa nobelang The Three Musketeers ni
Sinasabing si Simoun ay tulad niyan Alexandre Dumas.
sa kapitan heneral.”
“Talaga?”
“Narinig ko iyon kay Padre Irene na nagsasalita nang masamâ sa kanya
kapag nakatalikod at pumupuri pag nakaharap.”
“Siya ba’y dumadalaw rin kay Kapitan Tiago?”
“Mula sa unang araw ng kanyang pagdating? Ang totoo, ang paring kílala
mo na kung sino ay naniniwalang karibal siya sa ipamamana ni Kapitan Tiago.”

35
“Sa palagay ko pupunta siya sa kapitan heneral para pag-usapan ang
tungkol sa pagtuturo ng Kastila.”
Inabala ang usapan nila ng isang utusán na nagsabing kailangan si Isagani
ng kanyang tiyo.
Si Padre Florentino ay nakaupong
Alam Mo Ba? kasáma ng ibang manlalakbay
at nagmamasid sa dinaraanan.
Si Padre Leoncio, ang kura paroko ng Binibigyan siya ng puwang ng mga
Calamba, ang naka-impluwensiya kay Rizal katabi. Ang mga dumaraa’y nag-alis
na pagbutihin ang kanyang pag-aaral ng sombrero tanda ng paggalang.
at linangin ang kanyang galíng at husay. Ang mga manunugal ay walang
Malapít sa búhay niya ang pamilya ni lakas ng loob na ilapit ang kanilang
Rizal. Ang katangian ni Padre Florentino mesa sa kanyang kinaroroonan.
sa nobelang ito ay hango sa kanya. Bahagya nang magsalita ang pari at
hindi naninigarilyo. Hindi rin siya
mapagmalaki at nakikihalubilo sa mga tao. Tumutugon sa mga bumabati na
parang ang gayo’y ikinararangal. May gulang na siya. Halos puti nang lahat ang
buhok, subalit parang malakas pa rin siya. Kahit nakaupo, ang katawan niya’y
matuwid, ngunit nagmamayabang. Naiiba siya sa ibang paring Indio dahil sa
kanyang pagpapahalaga sa sarili at
pagdadala sa banal na tungkulin.Ang
Alam Mo Ba?
ibang paring Indio na may kakauntian
Coadjutor—ang coadjutor ay ang katu- naman ay nagsisilbing coadjutor
long na pari ng kura paroko o katulong na lámang ng mga prayle sa kanilang
obispo sa diyosesis. parokya. Kung pagmamasdan ang
matandang prayle ay masasabing
nabibilang siya sa ibang panahon.
Sa ibang henerasyon, panahong ang kanilang bokasyon ay may mataas na
pagpapahalaga, nakaaakit sa mga malalayang tao at hindi sa mga alipin, sa
mga paham at hindi sa mga walang dahilang pagnanasa, ang trangkilidad ng
kaluluwa ay pinatitibay ng pag-aaral at meditasyon. Ang kanyang talambuhay
ay maikli lámang. Ipinanganak siya sa nakaririwasa at kinikilalang pamilya
sa Maynila. Hindi niya kailanman nararamdaman ang pagnanasa na maging
pari. Siya ay may pang-akit at may magandang pagkakataon para gumawa ng
pangalan sa daigdig. Subalit pinilit siyang pumasok sa seminaryo ng kanyang
ina upang makatupad sa kanyang pangako, matapos ang maraming pagtatalo
at di pagkakaunawaan. Ang kanyang ina ay matalik na kaibígan ng arsobispo
at naniniwalang ang kanyang ginagawa ay kalooban ng Diyos. Ang batang
Florentino ay tumanggi at nakiusap pero walang nangyari. Naging pari siya sa
edad na dalawampu’t lima. Ang una niyang misa ay mabunying ipinagdiwang
sa pamamagitan ng tatlong araw na pagsasaya. Ang kanyang ina ay maligayang
namatay, iniwan ang lahat ng kayamanan sa kanya.

36
Ngunit sa pakikipagsapalaran, si Padre Florentino ay nagtamo ng sugat
na hindi gumaling. Ilang linggo bago idinaos ang kanyang unang misa, ang
babaing kanyang pinakamamahal ay nag-asawa sa kung sino lámang dahil sa
samâ ng loob. Iyan ang pinakamasakit na nangyari sa kanyang búhay. Dahil sa
pagpapahalaga sa tungkulin, inihandog na lámang niya ang kanyang búhay sa
kanyang parokya at pinayabong ang kanyang hilig sa Agham Pangkalikasan.
Nang maganap ang Cavite Mutiny noong 1872, at ang tatlong paring
Pilipino na kilalá sa samahang Ibalik ang Parokya sa Paring Indio,ay pagbintangan
na kasangkot sa rebelyon at patayin, ipinanganib ni Padre Florentino na ang
mayayamang pinagkukunan ng kanyang parokya ay makatawag-pansin at sa
dahilang ang ibig niyon ay kapayapaan, kayâ siya ay humingi ng pamamahinga
sa paghawak ng tungkulin. Mula noon ay nabuhay siyang nag-iisa sa kanilang
lupain sa baybayin ng Pasipiko. Noon niya inampon ang pamangking si Isagani
na ayon sa sabi-sabi ay anak niya sa dating katipan nang ito ay nabiyuda. Sa
mga higit na mapag-isip at talagang nakaaalam, ito ay anak ng kanyang pinsan
sa Maynila.

Mga Alamat
(Kabanata III)
Nang batiin ni Padre Florentino ang mga pangkat sa itaas ng kubyerta ay
wala na ang init ng kanilang ulo dalá ng nakaraang pakikipagtalo. Marahil ito’y
dahil sa nakitang mga nakaaakit na tirahan sa bayan ng Pasig. Maaari rin namang
dahil sa iniinom nilang alak silá ay nangagtatawanan na at nagbibiruan, pati na
ang payat na Pransiskano. Ngunit ang kanyang pagsasaya ay tahimik at ang
kanyang ngiti ay tulad ng sa naghihingalo.
“Masamang panahon, masamang panahon,” ang sabi ni Padre Sibyla na
nasisiyahan.
“Huwag mong sabihin iyan, vice-rector,” tugon ni Padre Irene, sabay tulak
sa upuan ng Dominiko.“Kumikita kayo nang malaki sa Hong Kong at ang mga
ipinatatayo ninyong gusali ay…”
“Sandali, hindi ninyo nalalaman ang aming mga pinagkakagastahan. At ang
mga namumuwisan sa aming mga lupain ay nagsisimula nang tumutol…”
“Tama na iyan,” ang masayáng pakli ni Padre
Camorra. “Tama na ang mga hinaing at bakâ pa Alam Mo Ba ?
akó maiyak. Ang mga Pransiskano’y walang mga
lupain o bángko subalit hindi dumaraing. Alam ba Ang taripa ay buwis na
ninyo, ang mga Indio ay unti-unti nang tumatawad. ipinapataw sa mga ina-
Ibig nilang magkaroon na kami ng taripa. Akalain angkat na mga produkto.
ba ninyong ang binabanggit sa aking taripa ay ang
kay Arsobispong Basilio Sancho pa. Para bagang
hindi pa tumaas ang bilihin mula noon hanggang ngayon. Kapag ganoon ang
magiging bayad sa binyag ay maliit pa kaysa halaga ng isang manok. Ngunit

37
akó ay nagbibingi-bingihan, naniningil kahit na magkano ang masingil, at hindi
dumaraing. Hindi naman táyo makamkam, hindi ba, Padre Salvi?”
Biglang sumungaw si Simoun sa hagdanan.
“Saan ka nagtatago?” ang bati sa kanya ni Don Custodio, na nalimutan
na ang kanilang pagtatalo.“Hindi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa
paglalakbay!”
“Ay, naku,” tugon ni Simoung paakyat,“marami na akong nakitang mga ilog
at tanawin. At ngayon ang may kabuluhan na lámang sa akin ay ang mga may
alamat!”
“Ang Pasig ay may ilang mga
alamat,” sabad ng kapitan na ayaw
Alam Mo Ba? pawalang kabuluhan ang ilog na
kanyang nilalakbay at pinagkukunan
Pamahiin—Ang tawag sa mga panini-
ng ikabubuhay. “Nariyan ang
walang walang basehan o salungat sa
Malapad na Batumbahay na sagrado
siyensya o sa turo ng simbahan.
noon pang bago dumating ang mga
Kastila at diumano’y tinitirhan ng
mga espiritu. Subalit nang mawala
ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan.
Magmula sa ituktok ay nakaharang na madali ang mga pobreng namamangka
na nakikipaglaban sa matuling agos at sa mga tao. Matapos ito ay madalas
marinig na sabí-sabí ang pagkataob ng bangka at akó man siguro sa aking
pagliko ay nabalandra sa kanyang mga tabo kung hindi ginamit ang buo kong
lakas. Mayroon pang isang alamat, ang tungkol sa kuwento ni Donya Geronima.
Ikukuwento sa inyo ito ni Padre Florentino.”
“Alam na iyan ng lahat,” tugon ni Padre Sibylang ayaw malamangan.
Datapwat si Simoun, si Ben Zayb, si Pari Irene, ni si Padre Camorra ay hindi
alam ito kayâ ipinamanhik nilang ikuwento. Ang iba ay dahil sa pag-uyam, at ang
iba nama’y dahil sa tunay na pananabik. Ang paring mapagbiro ay nagsimula
na parang isang tagapag-alaga na nagkukuwento sa mga inaalagaang batà.
“Noong unang panahon ay may
Alam Mo Ba? mag-aaral na nangakong pakakasal
sa kanyang dalagang kababayan.
Ang arsobispo ay isang obispo ng Subalit ang mag-aaral ay nakalimot
Simbahang Katolika na may panunungkulan samantalang ang babae ay patuloy
sa isang arkidiyosesis o malaking diyosesis na naghintay habang lumilipas ang
at sa mga probinsiyang eklesyastiko. mga taon. Sa tagal ng paghihintay
ay lumipas ang kanyang kabataan
at siya ay naging matandang dalaga. Hanggang isang araw ay mabalitaan niya
na ang kanyang hinihintay ay arsobispo na ng Maynila. Nagdamit-lalaki siya
at lumigid sa ilog. Nakipagkita sa kamahalan para tuparin ang sa kanya ay
ipinangako. Subalit ang kanyang hinihingi ay mahirap nang mangyari. Kayâ ang

38
arsobispo ay nagpagawa ng kuweba sa may ilog para sa kanya. Ang pasukan
sa kuwebang ito ay napapalamutian ng mga baging. Dito siya tumira hangga’t
mamatay at dito rin siya inilibing.
“Sinasabi na si Donya Geronima ay napakataba kayâ kung pumasok siya sa
kuweba ay patagilid. Siya ay kilaláng engkantada dahil sa pagtatapon niya sa
ilog ng mga kasangkapang pilak matapos ang pagbibigay niya ng masaganang
bangkete para sa mararangal na tao. Ang totoo ay may lambat na nakalatag sa
ilalim ng tubig at siyang sumasalo sa mga kasangkapan at sa ganitong paraan
ay nalilinis ang mga ito.”
“Mga dalawampung taon na ang nakaraan na ang ilog ay halos humahalik
sa bunganga ng kuweba, hanggang unti-unting lumalagos gaya rin ng unti-
unting pagkapawi sa gunita ng mga Indio kay Donya Geronima.”
“Napakagandang alamat!” ang nasabi ni Ben Zayb. “Isusulat ko iyan.
Napakasentimental.”
Sasabihin sana ni Donya Victorina ang naisipan niyang paninirahan sa
kuweba nang biglang magsalita si Simoun.
“Ano sa palagay mo, Padre Salvi?” tanong niya sa isang Pransiskanong
mukhang malalim ang iniisip.“Hindi ba mabuti sanang ang ginawa ng kanyang
kamahalan ay inilagay siya sa isang beateryo, halimbawa gaya ng Sta.Clara, sa
halip na bigyan siya ng isang kuweba?”
Nagtaka si Padre Sibyla nang
makitang gulilat na nakatingin si Alam Mo Ba?
Padre Salvi kay Simoun.
“Dahil,” ang malamig na Ang beateryo ay isa pang tawag sa
pagpapatuloy ni Simoun, “hindi kumbento ng mga madre.
pagiging maginoo ang pagbibigay
ng tahanang bato sa isang binigo ang pag-asa. At hindi rin kabanalan ang ipain
siya sa panganib, sa isang yungib sa pampang ng ilog; na kalaruin ng mga
tiyanak at duwende. Higit na mabuti pa siguro, may kabanalan, romantiko, at
akma sa tradisyon ng bansa ang ikulong siya sa Sta.Clara, katulad ni Eloisa. At
dalaw-dalawin na lámang siya paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo?”
“Hindi ko mahahatulan ni dapat hatulan ang ugali ng arsobispo,”napipilitang
sagot ng Pransiskano.
“Subalit kayo ang gobernador eklesyastiko na humahalili sa arsobispo.Ano
ang gagawin ninyo kung ito ay mangyari sa inyo?”
Nagkibit-balikat si Padre Salvi at malamig na sumagot,“Pagsasayang lámang
ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil ang ating pinag-uusapan ay
mga alamat, hindi ninyo dapat limutin ang nauukol sa milagro ni San Nicolas
na pinakamaganda at pinakatotoo na ang siráng moog ay inyong nakikita.
Sasabihin ko ito kay Ginoong Simoun na marahil ay hindi pa nakaririnig nito.
Tila noong unang panahon ang ilog, ganoon din ang lawa, ay pinaninirahan
ng mga buwaya. Ang mga ito ay malalaki at masisiba kayâ sinisiyab nito ang

39
mga bangka, naitataob sa pamamagitan ng pagpalo ng buntot. Sinasabi na
noong araw ay may Instik na di binyagan na naparaan sa tapat ng simbahan.
Di kaginsa-ginsa, isang demonyo na nag-anyong buwaya ang nagpalubog ng
bangka upang siya’y makain at madala sa impiyerno. Sa paghingi ng tulong kay
San Nicolas, sinaklolohan siya, kayâ ang buwaya ay naging bato. Pinatutunayan
ng matatanda na noong araw ay nababakas pa sa pira-pirasong naiwan ang
hayop at masasabi ko ring nakita ko pa ang ulo at ayon sa anyo ay talagang
napakalaki ng buwaya.”
“Kahanga-hanga, talagang kaha-
Alam Mo Ba? nga-hangang alamat,” bulalas ni
Ben Zayb. “Napakabuting ilathala!
Si Confucius ay isang prominenteng
Ang anyo ng hayop, ang takot ng
pilosopong Tsino noong Chin Dynasty.
Instik, ang tubig ng ilog, ang lago
Si Buddha (Siddharta Gautama) ay isang ng kawayanan… at minsan pa ito’y
prinsipe ng India. Matapos ang kanyang tumutukoy sa pagiging sanhi ng pag-
pagtalikod sa kayamanan, paglalakbay, aaral ng relihiyon. Makikita na ang
at pag-aayuno, siya ay nagkaroon ng di binyagang Intsik sa panahon ng
kaliwanagan (enlightenment) at sa kan- kagipitan ay napasaklolo sa isang
yang mga turo nagsimula ang relihiyong santo na marahil ay naririnig lámang
Buddhismo. niya ngunit hindi pinaniniwalaan. Sa
pangyayaring ito ay hindi angkop ang
kasabihang mabuti na ang masamang kílala kaysa mabuting kikilalanin pa. Para
sa akin, kung mahaharap akó sa ganitong panganib sa Tsina, ay tatawagin ko
ang santong hindi lubhang kilalá sa kalendaryo kaysa tawagin sina Confucius
o Buddha. Maging iyan ay dahil sa kilalang kalamangan ng Katolisismo o
pagpapawalang katwiran sa mababang pagkukuro ng dilaw na lahing iyan ay
isang masusing pag-aaral ng antropolohiya ang siya lámang makapagbibigay-
linaw.”
Tinularan ni Ben Zayb ang kilos ng isang propesor na pinagalaw ang
hintuturo sa hangin, humanga sa kanyang sariling pagkukuro na marunong
kumuha ng kung ano ang katuturan sa walang halaga’t maliit na bagay.
Pagkakitang si Simoun ay may malalim na iniisip at sa paniniwalang ito’y dahil
sa kanyang sinabi ay tinanong kung ano ang kanyang iniisip.
“Tungkol sa dalawang bagay na may kahalagahan,” sabi ni Simoun.
“Dalawang tanong na dapat mong ilagay sa iyong lathalain. Una: Ano ang
nangyari sa demonyo nang mapaloob sa matigas na bato? Nakatakas ba?
Nakulong ba? Nadaganan ba? Pangalawa: ang mga tuyong hayop bang nakita
ko sa museo sa Europa ay may katulad sa naging sawi sa paghihimala ng mga
santo noong hindi pa nagdedelubyo sa daigdig?”
Binigkas ng mag-aalahas ang mga tanong na iyon nang seryosong-seryoso.
Nakapaniin pa sa kanyang noo ang isa niyang daliri na siyang tunay na tanda
ng pagsasaloob ng kanyang sinasabi. Kayâ nasabi ni Padre Camorrang, “Sino
ang makapagsasabi?”
40
“Buweno,” ang pútol ni Padre Sibyla.“Nag-uusap na rin lámang táyo tungkol
sa alamat, at ngayong pumapasok na táyo sa lawa, ang kapitan marahil ay may
mga nalalaman.”
Ang bapor ay kapapasok pa lámang sa lawa na ang tanawin ay totoong
kaaya-aya. Lahat ay humahanga. Nalarawan ang magandang lawa na naliligid ng
luntiang pampang at bughaw na bulubundukin, na parang salaming nakatayo
sa gitna ng mga esmeralda at sapiro at napananalaminan ng langit sa ibabaw.
Sa kanan ay mapapansin ang may kulay berdeng pasigan na may magagandang
paltok at likaw, at ang malabo at halos di makilalang kalawit ng bundok ng
Sugay. Sa harap ay makikita ang magilas na Makiling na napuputungan ng
baha-bahagyang ulap. Nandoon sa kaliwa ang pulo ng Talim at ang Súsong
Dalaga na may anyong nakaalimbutod na dibdib ng dalaga na marahil ay siyang
pinagkunan ng kanyang pangalan. Ang malamig na simoy ang kaakit-akit na
nagpakulot sa kalawakan.
“Pag-isipan mo, kapitan,” sabi ni Ben Zayb, sabay harap.“Saan diyan sa lawa
napatay ang isang nagngangalang Guevarra – Navarra – o Ibarra?”
Lahat ay napatingin sa kapitan maliban kay Simoun na nakatingin sa malayo
at tila may hinahanap sa baybayin.
“A, talaga. Saan, kapitan?” tanong ni Donya Victorina. “Marahil ay may
makikita tayong palatandaan sa tubig.”
Makailang napakunot ang kapitan, tandang naiinis siya sa pag-uusisa.
Ngunit nang makita ang pananabik ng lahat ay tumungo sa dakong unahan at
inaninaw ang baybayin.
“Tumingin kayo roon,” sabi niya sa matahimik na tinig, matapos masigurong
walang ibang nakikinig. “Sang-ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis kay
Ibarra, nang malápit na siyang masukol, ay tumalon mula sa bangka malápit
sa Kinabutasan at sumisid. Sumisid siya nang mahigit sa dalawang milya. Sa
tuwing lilitaw ang kanyang ulo para huminga ay itinataguyod siya ng bala.
Nang malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, at sa malayo-layo, nakakita
silá ng mga patak ng dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakalilipas simula
nang mangyari iyon.”
“Kung gayon ang kanyang bangkay…?” usisa ni Ben Zayb.
“Nakasama na sa kanyang ama,” pakli ni Padre Silbya “Hindi ba’t isa rin
siyang pilibustero, Padre Salvi?”
“Iyan ang matatawag kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra” sambit
ni Ben Zayb.
“Lagi ko ngang nasasabi,” balik ni Padre Camorra na nakatawa,“na hindi mo
maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng marangal na libing.”
“Anong nangyayari sa iyo, Ginoong Simoun?” usisa ni Ben Zayb nang siya’y
makitang may malalim na iniisip.“Huwag ninyong sabihing kayo ay may sakít!
Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lámang?”
“Kailangan ninyong maláman,” sambit ng kapitan, na nagkaroon ng
pagkagiliw sa mga pook na iyon,“na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat
41
maliitin. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa Switzerland
o lahat ng lawa ng Espanya pagsama-samahin man. Nakakita na akó ng mga
sanáy na mandaragat na nangahilo rito.”

Kabesang Tales
(Kabanata IV)

Ang mangangahoy na tumangkilik kay Basilio noong siya ay batà pa ay


buháy at malusog, bagama’t puti nang lahat ang kanyang buhok. Hindi na siya
nangangaso o nangangahoy. Bumuti ang kanyang kalagayan, kayâ ngayon ay
gumagawa na lámang ng walis bilang aliwan.
Ang anak niyang si Telesforo, o Tales, na dating kasamá matapos magkaroon
ng dalawang kalabaw at makapag-impok ng ilang daang piso, ay nagsarili na sa
tulong ng kanyang ama, asawa, at tatlong anak.
Hinawan nila ang masukal na bahagi ng kagubatan sa may labas ng bayan
na sa palagay nila ay walang may-ari. Habang hinahawan nila ito ang mag-anak
ay isa-isang nilagnat; ang asawa ni Tales, at ang pinakamatandang anak niyang
babae, si Lucia, na nása kasibulan pa lámang, ay pumanaw. Ito ay inaasahan
dahil sa hirap ng kanilang naging gawain subalit ang sinisisi ng mag-anak ay
ang mapaghiganting espiritu ng
Alam Mo Ba? kagubatan. Kayâ itinalaga na nila
ang kanilang sarili at nagpatuloy sa
Ang kasamá ay isang manggagawang pagbubungkal sa pag-asang titigil na
nagtatrabaho para sa isang may-ari ng rin ang espiritu. Nang gagapasin na
lupa na siyang nagbibigay ng pananim at nila ang unang ani, isang orden ng
iba pang kailangan sa sinasakang lupa. mga prayle na may lupain sa karatig-
Silá ay may kasunduan sa hatian ng ani. bayan ang nag-aangkin ng bagong
kahahawang lupain. Sinasabi nila na
ito raw ay nása loob ng hangganan
ng kanilang lupain at para patunayan ang kanilang sinasabi ay nagtangkang
maglagay ng pananda sa hangganan. Ngunit ayon sa tagapangasiwa ng nasabing
orden dahil sa kanyang awa sa mag-anak ay babayaan niya si Tales na patuloy
na linangin ang lupain sa kundisyong magbabayad siya ng maliit na halagang
dalawampu o tatlumpung piso taon-taon.
Si Tales na ang gusto’y payapang búhay at nag-iisip na wala siyang alam
sa Kastila at walang perang pambayad sa abogado ay napilitang sumang-ayon.
Isa pa’y napag-isip-isip niya na walang laban ang kanyang palayok sa kawaling
bakal. Sa ganitong pangyayari ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na kanyang
ama.
“Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa
magbayad ng sampung taon sa mga paring dayuhan.Hmm! Marahil ay babayaran
ka naman nila ng mga misa. Isipin mo na lámang na natalo ang tatlumpung
42
piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog sa ilog at kinain ng mga buwaya.”
Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga, kayâ naisipan ni
Tales na magpagawa ng bahay na tabla sa baryo ng Sapang, sa bayan ng Tiani,
na karatig ng San Diego.

Isang taon pa ang lumipas. Masagana pa rin ang ani. Dahil sa iba’t ibang mga
dahilan ay itinaas ng mga prayle ang buwis sa limampung piso. Binayaran ito
ni Tales para umiwas na lang sa gulo at sa pag-asang maibebenta ang kanyang
asukal sa mataas na halaga.
“Magtimpi,” ani Tandang Selo para siya ay aluin. “Isipin mo na lang na
lumaki ang buwaya!”
Nang taong iyon nagkatotoo ang kanilang pangarap—ang manirahan sa
bahay na tabla sa baryo ng Sapang. Pinangarap na ng mag-ama na papag-aralin
ang tatlong batà. Lalo na ang batang si Julia, Juli kung tawagin, na kababanaagan
ng kagandahan at katalinuhan. Ang kaibigan ng mag-anak na si Basilio ay nag-
aral na sa Maynila at ang kanyang pinagmulan ay hamak ding tulad nila.

43
Ngunit ang pangarap na ito’y ay hindi nagkatotoo. Nang unti-unting
bumuti ang búhay ng mag-anak, napuna ito ng mga kababayan at inatasan ang
pinakamasipag sa mga mag-anak na si Tales bilang pangunahing maniningil
ng buwis sa baryo. Ang kanyang anak na laláki noon na si Tano ay labing-apat
na taong gulang pa lámang nang siya ay tawaging Kabesang Tales, ibig sabihin
ay si Tales ang nangunguna. Siya ay nagpagawa ng isang diyaket, bumili ng
sombrerong piyeltro, at humanda sa iba pang mga gastusin. Nang lumaon, para
na lámang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa mga prayle at pamunuang
panlokal, ay nag-aabono na siya mula sa sariling lukbutan sa mga pangalang
naitatala na nagsisilipat na ng baryo o nangamatay na at mahabang panahon
ang kanyang ginugugol sa pagkolekta ng buwis at paglalakbay sa kabisera.
“Magtimpi,” ani Tandang Selong
Alam Mo Ba? nangingiti. “Isipin mo na lámang na
nagsidating ang mga kamag-anak ng
Ang salitang buwaya ay nakagawiang buwaya.”
taguri sa mga pinunong ganid, tiwali, Tuwing maririnig ni Kabesang Tales
at mapagsamantala. ang mga sinasabi ng anak na babae
tungkol sa pag-aaral ni Basilio sa Maynila
ay nagsasabing,“Sa susunod na taon ay ipadadala kitá sa Maynila para mag-aral,
bihis na bihis, tulad ng mga kadalagahan sa bayan.”
Subalit hindi na dumating ang susunod na taon. Sa halip ay itinaas na
naman ang buwis sa lupa at napakunot na si Kabesang Tales at nagkamot ng
ulo. Ang lámang kanin ng palayok ay napupunta na sa kawaling bakal.
Nang umabot na sa dalawang daan ang buwis sa lupa hindi na nakuntento
sa pagbubuntung-hininga at pagkamot ng ulo si Kabesang Tales. Tumutol na
siya at nagreklamo. Pinagsabihan siya ng tagapangasiwa na kung hindi siya
magbabayad ay ibang tao ang paglilinangin ng kanyang lupain. Maraming
naghahangad sa lupain na nag-aabang.
Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro ang prayle subalit hindi palá,
katunayan ay bumanggit siya ng isa sa mga utusán na hahalili kung sakali.
Ang kaawa-awang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at pinagdimlan ng
paningin. Para niyang nakita ang kanyang asawa’t anak na maputla, yayat, at
naghihingalo sa lagnat. Nakita niya ang dating madawag na gubat na kanyang
hinawan, naalala niya ang pagtulo ng kanyang pawis na siyang dumilig sa
mga pinitak; nakita niya ang sariling nagsasaka sa kainitan ng araw, sugatan
ang paang nakatapak sa mga bato at ugat ng mga punungkahoy habang ang
prayle ay nakasakay sa karwaheng sinusundang parang alipin ng kanyang
kapalit. Hindi siya makapapayag na angkinin nito ang kanyang pinaghirapan.
Mabuti pang lumubog na ang kanyang bukirin sa ilalim ng lupa. At ano ba ang
karapatan ng dayuhang ito para angkinin ang kanyang lupain? May dalá ba ito
kahit isang dahok na lupa sa kanyang bayan? Nagkilos ba ito ng kahit isang
daliri para bumunot ng damo?

44
Sa galit dahil sa pagbabanta ng mga prayle na nagpipilit ng kanilang
kapangyarihan sa anumang paraan dahil sa naroroon ang iba pang magsasaka,
si Kabesang Tales ay naghimagsik.Tumanggi siyang magbayad ng kahit na isang
pera.At matigas na nagsabing ipagkakaloob niya lámang ang kanyang lupain sa
unang laláking didilig dito ng dugo.
Nang makita ang mukha ng anak ay hindi nagkalakas-loob si Tandang
Selo na banggitin ang ukol sa buwaya. Sa halip pinilit niya itong payapain sa
pamamagitan ng pagbanggit ukol sa palayok na putik at pagpapaalalang sa
mga usapin ay nahuhubaran din ang nananalo.
“Sa alikabok táyo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang táyo ay
isilang,” sagot ng anak.
Tinotoo ni Tales ang di pagbabayad ng buwis at ang di pagbibigay ng kahit
na kapiraso ng kanyang lupain hangga’t hindi nakapaghaharap ng malinaw
na dokumento na ito nga ay sa mga prayle. Ngunit ang mga prayle ay walang
ganoong dokumento kayâ nakarating sa korte ang kaso. Lumaban si Tales sa
paniniwalang kundi man lahat ay mayroon pa rin namang mga hukom na
nagmamahal sa katarungan at nagpapatupad nito.
“Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng
aking salapi at lakas,” salita niya sa mga pumipigil sa kanya. “Ngayon naman
ay hinihingi ko sa kanya ang katarungan at kailangang ibigay niya ito sa akin.”
Sa kasamaang-palad niya at ng kanyang mga anak sa usapin, unti-unting
naubos ang mga ipon niyang pera sa pagbabayad sa mga abogado, eskribyente,
at mga ahente bukod pa sa mga opisyal at eskribano na nagsamantala sa
kanyang kamangmangan at kaawa-awang katayuan. Nagpabalik-balik siya sa
kabisera. May mga pagkakataong hindi siya nakatitikim ng pagkain at may mga
gabing hindi siya natutulog. Ang kanyang laging sinasabi ay ang mga hinaing,
kasulatan, paghahabol, at lahat ng bumubuo sa batas. Ito ay labanang ngayon
lámang nangyari sa Pilipinas: isang dukhang Indio, mangmang, at walang
kaibigan, subalit umaasa sa kanyang karapatan at sa kadakilaan ng kanyang
ipinakikipaglaban, lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na
pinagyuyukuran ng ulo ng Katarungan, kung saan pinabayaan ng hukom na
hindi magpantay ang timbangan at isinuko ang espada. Buong giting siyang
nakipaglaban, tulad ng langgam na nangagat pa rin kahit batid na siya’y
mapapatay, tulad ng langaw na nakakikita ng puwang sa salamin. Ay, ang
palayok na lumalaban sa mga kawali na nadudurog sa kung ilang piraso ay
kahanga-hanga. Sa kawalang pag-asa ay matatag pa rin ito. Sa mga araw na wala
siyang nilalakad ay lumilibot sa kanyang bukirin,may dalang baril na ang katwiran
ay maraming naggalang tulisan at kailangan niya ito upang ipagtanggol ang
kanyang sarili nang huwag mahulog sa kamay ng mga kalaban at matapos ang
usapin. Upang maging asintado ay namamaril siya ng mga ibon, bungangkahoy,
at paruparo. At nawala ang mabuting layunin sapagkat natanim sa isip ng isang
Indio na ang katarungan ay dapat na makapangyarihan hindi lámang sa lupa
kundi ganoon din sa langit. Abá, iyan ay kakatwa! Ang mga hukom ay may mga
45
pamilyang ang pangangailangan ay higit kaysa pangangailangan ng pamilyang
Indio. May hukom na nagpapadala ng pera sa kanyang ina. Alin ang higit pang
banal kaysa pagdakila sa isang ina? Ang isa ay may kapatid na babaeng mag-
aasawa na kailangan ang dote. Ang ikatlo ay maraming anak na siguradong
magugutom kung mawalan siya ng trabaho. Ang ikaapat ay nag-aalala sa kanyang
asawang iniwan sa malayo na maaaring matukso kung hindi matatanggap ang
kanyang buwanang kíta. At ngayon ang lahat ng mahistrado at mga hukom, na
may malinis na budhi at dakilang layunin, ay naniniwalang ginagawa nila ang
nararapat sa ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng pagpapayo kay Tales na
magbayad na lang ng buwis. Ngunit si Tales na may malinis na budhi ay hindi
matinag sa kanyang paninindigan. Ang tangi niyang hangad ay ang katarungan.
Humihingi siya ng mga katunayan, dokumento, nasusulat na katunayan, titulo,
na wala sa mga prayle na ang tanging pinagbabatayan ay ang pagbabayad niya
ng buwis noong nakaraan.
Ang sagot naman ni Kabesang Tales ay:
“Kung nagbibigay akó ng limos sa pulubi para mawala na siya, mapipilit
ba akong ituloy ko ito kung nakita kong sinasamantala niya ang aking
kagandahang-loob?”
Walang makapagpabago sa kanyang paninindigan. Anumang pananakot at
pagbabanta ay hindi makapagpapabago sa kanyang isipan. Ang gobernador ng
lalawigan ay nakipagkita na sa kanya para papagbaguhin ang kanyang isipan.
Subalit sinasagot niya ang gobernador nang ganito:
“Gawin na ninyo ang inyong ibig, Ginoong Gobernador, akó ay walang
pinag-aralan at walang mapagkukunan, subalit pinaghirapan ko ang aking
bukirin. Ang asawa ko at anak ay namatay sa pagtulong sa akin, ibibigay ko
lámang ito sa makagagawa nang higit sa aking ginawa. Babayaan ko munang
diligin niya ito ng dugo at malibing dito ang kanyang asawa at anak.”
Dahil sa katigasan ng ulo ni Tales ay pinanigan ng mga hukom ang mga
prayle. Pinagtawanan siya ng lahat at sinabing ang usapin ay hindi naipapanalo
sa pamamagitan ng mga argumento. Ngunit naghabol pa rin si Tales, nagkarga
ng baril, at matahimik na nagbantay sa kanyang mga hanggahan. Parang
nahihibang na si Tales, ang kanyang anak na si Tano, na halos kasintaas na niya
at kasimbait ng kapatid, ay nahirang na magkawal, pinayagan na ito ng ama
upang maglingkod, kaysa ipagbayad pa niya ng kapalit.
“Kailangang magbayad akó ng mga abogado,”ang sabi niya sa humahagulgol
na anak na babae.“Kung mananalo akó sa usapin, malalaman ko na kung paano
siya mapababalik. Kung matatalo akó hindi ko na kakailanganin ang anak na
laláki.”
Ang anak ay lumisan at wala nang narinig sa kanya maliban sa siya ay
nagpagupit ng buhok at natulog sa ilalim ng kariton. Makalipas ang anim
na buwan napabalitang siya ay ipinadala sa Carolinas. Ang iba naman ay
nagsasabing nakita siya na nakasuot ng uniporme ng guardia civil.

46
“Si Tano, guardia civil! Susmaryosep!” bulalas ng lahat na napadaop-palad.
“Si Tanong napakabait at napakatapat. Papaghingahin nawa ang kanyang
kaluluwa!”
Hindi kinausap ni Tandang Selo ang kanyang anak nang mahabang panahon.
Nagkasakit si Juli ngunit hindi pumatak ang luha sa mata ni Kabesang Tales.
Dalawang araw siyang hindi lumabas, marahil ay sa takot sa nanunumbat na
tingin ng mga kapitbahay. Natatakot siyang matawag na berdugo ng sariling
anak. Subalit nang ikatlong araw ay lumabas siyang muli na may bitbit na baril.
Pinaghihinalaan siyang may balak pumatay. May isang kapitbahay na
nagbulong sa iba na narinig niyang nagbanta si Tales na ibabaon ang uldog sa
lupaing sinasaka nito. Gayon na lámang ang takot ng mga prayle. Dahil dito
nagpalabas ng kautusan ang kapitan heneral na nagbabawal sa pagdadala
ng baril at nagpapahayag ng pagsusuko nito. Isinuko ni Kabesang Tales ang
kanyang baril ngunit mahabang itak naman ang kanyang dinala.
“Anong magagawa ng iyong itak?” tanong sa kanya ni Tandang Selo. “Ang
mga tulisan ay may sandata.”
“Kailangang bantayan ko ang aking pananim,” sagot niya.“Ang bawat túbo
ay parang buto mula sa katawan ng aking asawa.”
Kinuha ng mga maykapangyarihan ang kanyang itak na umano’y
napakahaba. Ang pinasan naman ni Tales ay ang palakol ng ama sa kanyang
kahindik-hindik na pagbabantay.
Sa tuwing lalabas siya ng bahay ay nag-aalala sina Tandang Selo at Juli sa
kanyang búhay. Bibitiwan ni Juli ang kanyang habihan, tatanaw sa bintana,
magdarasal, mamamanata sa mga santo, at magnonobena. Hindi naman
maiwasto ng matanda ang ginagawang walis at nasabi nitong mabuti pang
magbalik na silá sa gubat. Naging pahirap nang pahirap ang pananatili sa bahay
na iyon.
Sa wakas ay nangyari rin ang kanilang kinatatakutan. Sapagkat malayo ang
lupain sa kabahayan, si Kabesang Tales, kahit na may palakol, ay nahulog sa
kamay ng mga tulisan na may mga sandata at baril. Sinabi nila na kanya na
dahil mayroon siyang perang pambayad sa abogado at mga hukom ay dapat
din siyang magbigay sa mga kawawa at api. Kaya’t humingi silá ng pantubos na
limandaang piso sa pamamagitan ng pag-uutos sa isang magbubukid. Nagbanta
ang mga itong papatayin ang bihag kung mahuhuli sa dalawang araw ang
pagbibigay ng pantubos.
Gayon na lámang ang pagkabalisa ng dalawa nang maláman ito—silá
na parehong mahina at walang mapagkukunan. Si Tandang Selo ay hindi
mapalagay, hindi maláman kung tatayo o uupo, iniisip kung saan pupunta, kung
kanino hihingi ng tulong. Si Juli ay lumuhod sa harap ng kanyang mga santo.
Binilang nang paulit-ulit ang kanyang pera. Subalit ang kanyang dalawang daan
ay hindi na nadagdagan pa. Pagkuwa’y nagbihis ito, inipon ang mga alahas,
hiningi ang payo ng nuno. Magsasadya raw siya sa gobernadorsilyo, sa hukom,

47
sa eskribyente, sa tenyente ng mga guardia civil. Sumang-ayon ang matanda
sa lahat at sumang-ayon din nang magbago siya ng isipan. Nagdatingan ang
ilang kapitbahay, ang ilan ay mga kamag-anak, ang iba ay mga kaibígan. Ang
ilan ay mahihirap pa sa iba ngunit ang lahat ay maiingat sa pagpapaha-yag
ng kanilang pagkaawa. Ang pinakaganid ay si Hermana Bali, isang batikang
pangginggera na kagagaling lang sa Maynila dahil sa pagdalo sa pagsasanay
na panrelihiyon sa Beaterio de la Compania.
Napagpasiyahang ipagbibi-ling
Alam Mo Ba? lahat ni Juli ang kanyang mga alahas
maliban sa laket na may brilyante at
Ang ketong ay pinaniniwalaan noon na esmeralda na ibinigay ni Basilio. May
parusa ng Diyos. Iniiwasan ang taong kasaysayan ang alahas na ito; ito ay
may ketong at pinandidirihan. Sa Culion, ibinigay ng isang madreng anak ni
Palawan dinala ang mga ketongin noon Kapitan Tiago sa isang ketongin.
sa Pilipinas upang doon gamutin. Sa Ibinigay naman ito ng ketongin kay
kasalukuyan ang mga tao ay nakauunawa Basilio matapos niya itong gamutin.
na ang ketong ay maaari nang gamutin. Hindi niya ito maipagbili nang
walang pahintulot ng binata.
Mabilis na naipagbili ang mga suklay, hikaw, at rosaryo ni Juli sa
pinakamayamang ginang sa baryong iyon. Dalawandaan at limampung piso
pa ang kulang, isasanla ba niya ang laket? Umiling si Juli. May kapitbahay na
nagmumungkahing ipagbili ang bahay, bagay na sinang-ayunan naman agad
ni Tandang Selo pagkat maligaya siyang babalik sa gubat at mangunguha ng
kahoy na gaya ng dati. Ngunit naisip ni Hermana Bali na hindi maaari ang
gayon dahil wala ang tunay na may-ari.
“Minsan ay ibinenta sa akin ng asawa ng hukom ang kanyang tapis sa
halagang piso, ngunit ang sabi ng hukom ay balewala raw ang bentahan
sapagkat wala siyang pahintulot. Abá, binawi niya ang tapis ngunit hindi
naman ibinalik ang aking piso. Kayâ hindi ko siya binabayaran kapag nananalo
sa panggingge. Sa ganyang paraan ay nakabawi na akó sa labindalawang (12)
sentimos. Sa katotohanan iyan ang dahilan kung bakit akó nagpapanggingge.
Hindi ko mababayaang may mga taong hindi nagbabayad ng utang.”
May magpapaalala sana kay Hermana Bali tungkol sa kanyang utang
subalit mukhang naramdaman nito kayâ hindi siya binigyan ng pagkakataong
magsalita at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Alam mo ba kung ano ang dapat mong gawin, Juli? Humiram ka ng
dalawang daan at isanla mo ang inyong bahay. Sabihin mong babayaran mo
pagkapanalo ng usapin.”
Mukhang ito ang pinakamabuting gawin kayâ ginawa nila ito noong araw
ding iyon. Sinamahan ni Hermana Bali si Juli at nagsadya silá sa bahay ng
mayayaman sa Tiani. Ngunit walang pumayag na tumulong sa kalaban ng mga
prayle.Ang pagtulong daw rito ay paghanap ng hirap ng katawan at kamatayan.

48
Sa wakas ay may naawa sa kanyang isang matandang babaeng madasalin.
Pinahiram siya ng halagang kailangan niya sa kondisyong maninilbihan si Juli
sa kanya hanggang makabayad. Hindi naman mahihirapan si Juli. Ang gagawin
lámang niya ay manahi, magdasal, samahan ang matanda sa pagsisimba, at mag-
ayuno paminsan-minsan. Umiiyak na tinanggap ito ni Juli. Kinuha ang pera at
nangakong magsisimulang manilbihan kinabukasan, araw ng Pasko.
Nang maláman ng nunò ang kasunduan, nanangis itong parang batà. Diyata?
Ang kanyang apo ay maninilbihan, kagagalitan at paparusahan, magkakaroon
ng makakapal na palad. Patutulugin sa kung saang sulok at gigisingin nang
anumang oras. Ang kanyang apo na ni hindi niya pinapayagang mabilad sa
araw. Si Juli, na maninipis ang palad at magaganda ang hubog ng paa’t kamay.
Ang pinakamaganda sa baryo at marahil ay sa bayan. Ang hinaharana gabi-gabi
ng mga binata? Ang kaisa-isang apong babae, ang tanging ligaya ng kanyang
hapong paningin. Ang dalagang napapanaginip niyang naka-sayang may
buntot, nagsasalita ng Kastila, at namamaypay ng abanikong tulad ng mga
anak-mayaman. Si Juli, maninilbihang parang utusán.
Nanangis ang nuno na nagsabing siya’y magbibigti o hindi kakain.
“Kapag umalis ka,” lagi niyang sabi,“babalik akó sa gubat at hindi na muling
magbabalik.”
Pinilit siyang amuin ni Juli. Sinasabi nitong kailangan niya itong gawin
upang makabalik ang kanyang ama. Sabagay ay malápit na silang manalo sa
usapin at kapag nangyari iyon ay mababawi na siya sa paninilbihan.
Naging malungkot ang gabi para sa kanilang dalawa. Kapwa silá hindi
makakain at ang matanda ay ayaw matulog, nása isang sulok, hindi kumikibo
at hindi gumagalaw. Si Juli naman ay nagpipilit matulog ngunit hindi maisara
ang kanyang mga mata.
Hindi na niya masyadong inaalala ang kalagayan ng kanyang ama. Iniisip
niya ngayon ang kanyang sarili at siya ay naiiyak. Iniimpit ang mga hikbi para
huwag marinig ng nuno. Kinabukasan ay maninilbihan na siya. Ito pa naman
ang mga araw na karaniwang dumarating si Basilio buhat sa Maynila na may
dalang alaala. Mula ngayon ay kailangan niya nang limutin ang kanyang pag-
ibig. Si Basilio na malápit nang maging manggagamot at hindi dapat mag-asawa
sa isang kahabag-habag ang kalagayan, at naguguniguni niyang lumalakad itong
patungo sa simbahan kasabay ang pinakamaganda at pinakamayamang dilag sa
bayan, kapwa bihis na bihis, nakangiti, at masayang-masaya. Samantalang siya ay
lumalakad sa likod ng panginoon, may dalang nobena, buyo, at nganga. Parang
may bumara sa kanyang lalamunan, parang huminto ang tibok ng kanyang
puso at dumalangin siya sa birhen na bayaan na muna siyang mamatay bago
mangyari iyon.
“Sabagay,” naisip nya,“malalaman niyang pinili ko pa ang manilbihan kaysa
isanla ang laket na bigay niya.”

49
Ang alalahaning ito ay pumapayapa sa kanyang isipan at nagkaroon siya
ng iba’t ibang guniguni. Sino ang nakaaalam? Bakâ biglang magmilagro. Bakâ
makakita siya ng dalawandaang piso sa ilalim ng imahen ng birhen. May mga
nabása na siyang mga milagrong tulad nito. Bakâ hindi na sumikat ang araw
at hindi na dumating ang kinabukasan. At bakâ manalo silá sa usapin. Bakâ
sumipot ang ama o dumating si Basilio. Bakâ makatagpo siya ng sako ng ginto
sa mga bulaklak o maaaring padalhan siya ng tulisan o ni Padre Camorra
na laging nagbibiro sa kanya. Kung ano-ano ang kanyang naiisip hanggang
makatulog dahil sa dalamhati at pagod. Napanaginip niya ang kanyang kabataan
sa gitna ng gubat. Naliligo siya sa batis kasáma ang mga kapatid. Maraming sari-
saring kulay na isda ang nagpapahuli sa kanya ngunit hindi siya nasisiyahang
manghuli ng isda. Nása tubig din si Basilio ngunit hindi niya maláman kung
bakit ang mukha niya ay ang kay Tano. Pinapanood silá ng kanyang panginoon
mula sa pampang.

Noche Buena ng Isang Kutsero


(Kabanata V)

Pagdating ni Basilio sa San Diego ay tamang-tamang nagpuprusisyon sa


mga lansangan para sa Kapas-kuhan. Nabalam siya nang matagal dahil
nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula kayâ siya ay inaresto ng mga guardia
civil. Ang kaawa-awa ay kinulata ng dulo ng baril nang kung makailang ulit at
dinala sa kuwartel.

50
Ngayon ay nababalam na naman
silá dahil naman sa prusisyon. Alam Mo Ba?
Ang kawawang kutsero ay buong
Ang sedula (Community Tax Certificate)
pitagang nag-alis ng sambalilo at
ay isang dokumento ng pagkakilanlan
nagdasal ng “Ama Namin” pagdaan
ng isang tao. Upang magkaroon nito,
ng una sa mga imahen sa karosa.Ang
kailangang magbayad ng buwis ang isang
imahen ay mukhang dakilang santo,
mamamayan nang ayon sa kanyang antas
isang matandaang laláki na may
ng pamumuhay. Sa ngayon, ito ay ginagamit
pinakamahabang balbas, nakaupo
upang magkaroon ng transaksiyon sa mga
sa bingit ng isang hukay sa ilalim ng
ahensiya ng pamahalaan.
punong hitik sa lahat ng klaseng
pinatuyong ibon. Mayroon siyang
isang kalan, palayok, pandikdik,
at mga gamit sa nganga. Parang Alam Mo Ba?
nagmumungkahi na ang matandang Si Matusalem (Methuselah), ayon sa
laláki ay nakatira at kumakain sa aklat ng Genesis, ay ang anak ni Enoch at
bingit ng hukay. Sa Pilipinas ang lolo ni Noah. Siya ang pinakamatandang
imaheng ito ay si Matusalem; ang nilalang ayon sa Bibliya dahil namatay
kapareho nito sa Europa at marahil siya sa gulang na 969 taon.
ay kapanahon ay tinatawag na Noel
na higit na masigla at masayahin.
“Noong kapanahunan ng mga santo,” anang kutsero, “walang maraming
guardia civil pagkat kung may nangungulata ay hindi mabubuhay nang matagal
ang mga tao na tulad niyan.”
Sumusunod sa matanda ang tatlong haring Mago na nakakabayo. Sasayaw-
sayaw ang kabayo ng tatlo, lalo na ang kay Haring Melchor na waring ibig
sagasain ang kabayo ng dalawang puting haring Gaspar at Baltazar.
“Wala talagang guardia civil noon,” paglalahat ng kutsero sa mga napanood.
Napapabuntung-hininga sa panghihinayang sa masasayang panahong iyon.
“Kung mayroon. Ang maitim na lalaking iyon ay hindi makasasabay sa dalawang
Kastila sapagkat mabibilibid siya.”
Nang makitang ang maitim na laláki ay nakasuot ng korona na tulad ng
dalawang kasáma, naalala niya ang hari ng mga Indio at napabuntung-hininga.
“Alam ba ninyo, senyor,” ang tanong niyang may paggalang,“kung nakawala
na ang kanyang kanang paa?”
“Kaninong kanang paa?”
“Sa hari po,” sagot ng kutsero sa mahinang tinig na lipos ng kahiwagaan.
“Aling hari?”
“Ang hari po natin, ang hari ng mga Indio…” Nangiti si Basilio at napakibit-
balikat.
Napabuntung-hiningang muli ang kutsero. Ang mga magbubukid nang
panahong iyon ay may nabubuhay pang alamat. Di umano ang kanilang hari ay

51
nakakulong at nakakadena sa yungib sa San Mateo. Darating daw ang araw na
ililigtas ang mga tao sa mananakop. Tuwing ikasandaang taon ay naaalis niya
ang isa sa kanyang mga kadena. Hanggang nawala na ang kadena sa kanyang
mga kamay at kaliwang paa. Kayâ kanang paa na lámang niya ang nakakadena.
Tuwing kikilos ang hari para maalis ang kanyang kadena ay lumilindol. Siya
ay napakalakas kaya’t napupulbos ang butong iniaabot sa kanya ng mga
Indio. Tinatawag siyang Haring Bernardo. Marahil ay naipagkakamali siya kay
Bernardo Carpio na di umano’y bayaning Kastila na tumalo kay Rolando ng
Pransya.
“Kapag nakawala na ang kanyang kanang paa,” usal ng kutsero,“ibibigay ko
sa kanya ang aking mga kabayo, magpapaalipin, at magpapakamatay dahil sa
kanya; siya ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil.”
Sinundan ng naiiyak niyang mga mata ang papalayong tatlong hari.
Sumusunod ang dalawang pila ng mga laláki. Malulungkot ang mga mukha
at mapapanglaw na para bang napilitan lámang dumalo. Ang iba ay may
dalang parol na nása patpat na kawayan, at ang iba’y mga sulo. Pasigaw nilang
dinadasal ang rosaryo na para bang silá ay nakikipag-away. Kasunod si San Jose
na nása isang payak na andas at mapanglaw ang mukha at ang tungkod ay may
bulaklak na azucena. Nakapagitan siya sa dalawang guardia civil na para bang
siya ay hinúli. Ngayon ay alam na ng kutsero kung bakit ganoon kalungkot ang
mukha ng santo. Dalá marahil ng takot sa mga sibil o kawalan ng pitagan sa
santong may gayong kasáma ay hindi
man lámang ito nagdasal para sa mga
Alam Mo Ba? patay. Kasunod ni San Jose ang mga
Naglalagay ng belo sa ulo ang mga babae
batang babaing may mga belong
noon kapag nagsisimba bilang paggalang
nabubuhol sa ilalim ng mga babà.
sa Panginoong Hesukristo. Tanda rin ito
Nagdarasal din ng rosaryo ngunit
ng pagtulad ng kababaihan sa kababaang
hindi kasinlakas noong sa mga laláki.
loob at pagtalima ni Birheng Maria sa
Sa kanilang kalagitnaan ay makikita
utos ng Diyos.
ang ilang batà na naghihilahan sa
kunehong papel na may nakataas
na buntot na naliliwanagan ng
maliliit at mapupulang kandila. Isinasama sa prusisyon ang mga batang may
hilang laruan upang pasayahin ang pagdiriwang ng kaarawan ng Mesiyas. Ang
maliliit na kuneho ay matataba at bilugan tulad ng itlog at mukhang kaysigla
sapagkat ang iba’y napapasayaw at nawawalan ng panimbang, nabubuwal, at
nagsisindi. Pinipilit ng may-aring patayin ang apoy, hinihipan nang katakot-
takot at hampas dito, hampas doon ang ginagawa, kayâ sunog na ang laruan ay
nawawasak pa, kayâ umiiyak ang may-ari. Napansin ng kutsero na taon-taon ay
paunti nang paunti ang maliliit na kuneho na yari sa papel. Para bang dinaanan
ng salot tulad ng búhay ng mga hayop. Naisip ni Sinong, ang nanggugulpi
ng dalawa niyang kabayo, na pabasbasan sa prayle ang mga ito at magbayad

52
ng sampung piso para huwag mahawa sa iba. Hindi malunasan ang peste ng
pamahalaan, ni ng mga kura man. Subalit namatay rin ang mga kabayo. Inalo
niya ng sarili, sapagkat simula nang mawisikan ng bendeta at madasalan ng
Latin ay nagmapuri at naging sobra ang pagpapahalaga sa sarili ng mga kabayo.
Bilang mabuting Kristiyano ay hindi niya napalo ang mga iyon sapagkat ang
wika ng isang Hermana Tersero ay benditado na raw iyon.
Ang kahuli-hulihan sa prusisyon ay ang birhen, nakasuot pastora at may
sumbrerong may malapad na perdiyos at may mahahabang balahibo upang
ipakita ang paglalakbay sa Jerusalem. Nilagyan ng mga putol na kahoy at bulak
ang tiyan nito upang ipakitang nagdadalantao ang birhen. Ito ay napakagandang
imahen. Malungkot din ang mukha tulad ng lahat ng imaheng gawa ng mga
Pilipino, parang kimi, marahil ay dahil sa ginawang ayos dito ng kura paroko.
Sa harapan ay may mga manganganta, nása likod ang mga musikero at mga
guardia civil. Gaya ng dapat asahan ang kura ay hindi dumalo. Sa taong iyon
ay galít siya dahil kinailangan pa niya ang diplomasya at dulas ng dila para
mahikayat ang mga taong magbayad ng tatlumpungpiso para sa bawat misa de
aginaldo sa halip na dating dalawampung piso.
“Nagiging pilibustero na kayo,” wika niya.
Nalibang sa panonood ng prusisyon ang kutsero kaya’t nang makaraan na
ito at sabihin ni Basilio na lumakad na silá ay hindi niya napansing namatay
palá ang ilawan ng kanyang karomata. Hindi rin napansin iyon ni Basilio
na wiling-wili sa pagmamasid sa mga bahay-bahay na naiilawan sa loob at
labas ng mga nagbiting parol na may sindi at sari-saring ayos at kulay. May
estrelyang nakakabit sa loob ng bilog at may mahahabang buntot na lumilikha
ng marahang pagaspas kapag nahipan ng hangin. May maliliit na mga isdang
gumagalaw ang mga buntot at may ilawang langis sa loob ng mga ulo. Ang mga
ito ay ibinitin upang magpasayâ sa pagdiriwang. Napuna ni Basilio na kakaunti
ang mga palamuti at estrelyang parol hindi tulad ng nakaraang mga taon. Halos
walang marinig na tugtugin sa lansangan. Ang mga tahanan ay waring tahimik
at walang kaguluhan sa paghahanda ng pagkain. Naisip ng binata na ito ay
dahil sa pasamâ nang pasamâ ang takbo ng búhay. Ang halaga ng asukal ay
mababa. Nawala ang dating mabuting ani ng palay. Namatay ang kalahati ng
mga hayop na pansaka. Di mapigilan ang pagtaas ng upa ng buwis, habang
ang pagsasamantala ng mga guardia civil na palalâ nang palalâ ay kumikitil sa
pagsasaya sa bayan-bayan.
Ito’y dinidili-dili ni Basilio nang may tinig na sumigaw ng alto. Nagdaraan
silá sa harap ng kuwartel nang isang guardia civil ang nakakita sa patay na ilawan
ng karomata at hindi ito pinalagpas. Pinaulanan ng insulto ang kawawang
kutsero na hindi magkandatuto sa pagdadahilang napakahaba ng prusisyon
at sapagkat aarestuhin ang kutsero sa pagsuway sa kautusan at maaari pang
malimbag ang pangyayari sa pahayagan, ipinasiya ng tahimik at mahinahong
Basilio na lumakad na lámang nang bitbit ang maleta. Ito ang San Diego, ang

53
kanyang matatawag na bayan. Subalit wala na siya ni isang kamag-anak.
Ang tanging bahay na may kasayahan ay ang kay Kapitan Basilio. Dinig na
dinig ang putakan ng mga manok at sagitsit ng mantika sa kawali. Matitiyak
na may handaan sa bahay na iyon at umaabot sa daan ang masasarap na amoy
ng mga iniluluto.
Nasulyapan ni Basilio si Sinang sa entreswelo. Maliit pa rin ngunit mas
tumaba at bumilog mula nang mag-asawa. Sa loob nabigla siya nang makitang
nakikipag-usap kay Kapitan Basilio, kura paroko, at alperes si Simoun, ang mag-
aalahas na laging may suot na asul na salamin at laging mapagwalang-bahala.
“Areglado, Ginoong Simoun,” ani ni Kapitan Basilio.“Pupunta kami sa Tiani
para makita ang inyong mga alahas.”
“Pupunta rin akó,”pakli ng alperes.“Kailangan ko ng relo, ngunit napakarami
kong inaasikaso. Kung maikukuha mo akó ng isa, Kapitan Basilio.”
Maluwag sa loob na gagawin ito ni Kapitan Basilio dahil ibig niyang
makipagmabutihan sa alperes para huwag pakialaman ang kanyang
manggagawa sa bukid. Tinanggihan niya ang perang pinaghihirapang
hagilapin ng alperes sa bulsa.
“Hayaan ninyong maging pamasko ko na ito sa inyo.”
“Hindi ko mapapayagan ito, Kapitan, hindi ko mapapayagan.”
“Buweno, maaari natin iyang pag-usapan pagkatapos,” ani Kapitan Basilio.
Ang kura paroko naman na may gusto ng isang pares na hikaw ay nakiusap
din na ikuha na lang siya ni Kapitan Basilio.
“Ang ibig ko ay iyong may mataas na uri, sakâ na lang din natin pag-usapan.”
“Huwag kang mag-alala, padre,” pakli ng butihing laláki na ibig ding
makipagmabutihan sa simbahan.
Ang hindi magandang ulat mula sa kura paroko ay lubhang makasasamâ sa
kanya.At maaari siyang gumugol ng mahigit pa.Ang hikaw ay sapilitang regalo.
Samantala, panay ang puri ni Simoun sa kanyang mga alahas.
“Sobra ang taong ito,” naisip ng estudyante.“Nagnenegosyo siya kahit saan.”
At kung paniniwalaan ang mga balita, binibili niya nang kalahati lámang
sa presyo ang mga alahas na ibinebenta niya upang ipanregalo naman sa mga
bumibili sa kanya. Lahat ay nagnenegosyo sa bansang ito maliban sa mga
Pilipino.
Tumuloy na si Basilio sa kanyang bahay, o sa bahay ni Kapitan Tiago na
binabantayan ng taong mapagkakatiwalaan. Malaki ang paggalang sa kanya ng
katiwala mula nang masaksihan nito ang pagtitistis na para bang naghihiwa
lámang ng manok. Naghihintay ang katiwala para balitaan ang binata. Dalawa
sa katulong sa bukid ay nása kulungan.Ang isa ay ipatatapon. May mga namatay
na hayop.
“Matandang kasaysayan, lagi na lang,” pútol ni Basilio. “Lagi na lang ninyo
akong sinasalubong na may mga problema.”

54
Dahil lagi siyang napapagalitan ni Kapitan Tiago, ibig naman niyang
kagalitan ang kanyang pinamamahalaan nang hindi naman pinagmamalupitan.
Nag-isip ng iba pang maibabalita ang matanda.
“Isang kasamá natin ang namatay. Ang matandang laláking katiwala sa
gubat. Ayaw pumayag ng kura na bigyan ng pangmahirap na misa dahil sang-
ayon sa kanya ay mayaman naman daw ang kanyang panginoon.”
“Ano ho ang ikinamatay?”
“Katandaan.”
“Katandaan, kung sa sakít man lang sana.”
Si Basilio ay mahilig sa autopsiya.
“Wala ba kayong bagong maibabalita? Nawawalan akó ng gana sa dati at
dati ninyong sinasabi sa akin. May balita ba kayo tungkol sa Sapang?”
Sinabi ng matanda ang pagkakabihag kay Kabesang Tales. Hindi umimik si
Basilio at nag-isip nang malalim.Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain.

Si Basilio
(Kabanata VI)

Nang magsimulang patugtugin ang kampana para sa misa de gallo, ang


mga nagpapahalaga sa m ahimbing na tulog kaysa sa mga pista at kasayahan at
nangagising na bubulong-bulong dahil sa kaingayan at kaguluhan. Si Basilio ay
maingat na nanaog, nagpaliko-liko ng dalawa o tatlong ulit sa mga daanan, at
nang matiyak na walang nakakikita o sumusunod sa kanya ay tinalunton ang
landas na di-gawing daanan ng mga tao at tumungo sa matandang kagubatan
ng mga Ibarra, na nabili ni Kapitan Tiago nang samsamin at ipagbili ang ari-
arian ni Ibarra.
Ang Pasko nang taóng iyon ay natapat sa pagliit ng buwan kayâ ubod
ng dilim sa kagubatan. Ang tugtog ng kampana ay tumigil na at wala nang
maririnig kundi ang mangisa-ngisang hulíng dupikal na umaalingawngaw
sa katahimikan ng gabi. Walang mauulinigan maliban sa lagitik ng mga sanga
ng kahoy na gumagalaw sa ihip ng hangin, at sa hampas ng mga alon sa kalapit
na lawa na animo’y hilik ng isang natutulog nang mahimbing.
Dahil sa alaala ng lugar at sandaling iyon, yuko ang ulong inaaninag ni
Basilio ang tinatahak na landas sa pusikit na kadilimang iyon. Panaka-naka
ay nagtataas siya ng ulo upang apuhaping makita ang mga bituin sa pagitan
ng mga sanga ng punungkahoy. Patuloy niyang tinatalunton ang kagubatan,
hinahawi ang madadawag na sanga, at hinihila ang mga nakasasagabal na
baging. Minsa’y napapabalik siya dahil sa nasasalabid ang paa sa mga siit na
matitinik o kaya’y natitisod sa nakalimbutod na mga ugat ng mga buwal na
punò. Pagkaraan ng kalahating oras narating niya ang isang maliit na batis na
sa kabilang pampang ay may isang tila gulod, isang madilim at walang hugis

55
na burol na sa kadiliman ay tila isang mataas na bundok. Tinawid ni Basilio
ang batis sa pamamagitan ng paglundag-lundag sa mga batong wari’y itim sa
kinang ng tubig. Umakyat siya sa buról at tumungo sa isang munting pook
na nakakulong sa matanda’t sira-sirang moog. Tinungo ang baliting malaki,
mahiwaga, at pinatanda ng panahon na nása kalagitnaan na ang mga ugat ay
umakyat-bumaba sa maraming sangang nakapulupot.

Tumigil siya sa harap ng bunton ng mga bato, nag-alis ng sumbrero,


at wari’y nananalangin. Doon nakalibing ang kanyang ina, kaya’t tuwing
magtutungo siya sa San Diego ay una niyang dinadalaw ang di-kilala at walang
palamuting libingang iyon. Dahil dadalaw siya sa mag-anak ni Kabesang Tales
kinabukasan kayâ sinamantala niya ang gabing iyon para gawin ang kanyang
tungkulin.
Naupo siya sa isang bato at nag-isip nang malalim. Nagbalik sa kanyang
alaala ang lumipas nang tulad sa isang mahabang laso. Nang una’y kulay
rosas, pagkatapos ay dumilim at natigmak sa dugo, naging itim, napakaitim,
pumusyaw ang kulay, naging abuhin, naging mas mapusyaw. Hindi niya
makita ang kabiláng dulo na nakakubli sa likod ng ulap na pinaglalagusan ng
liwanag at unang sinag ng namimitak na araw.
Ganap nang labintatlong taon ang lumipas buhat nang mamatay ang
kanyang ina. Namatay sa pook na iyon. Namatay ang kanyang ina sa gitna ng
malabis na pagdadalamhati at karalitaan isang gabing maliwanag ang buwan,
56
habang ang mga Kristiyano sa buong daigdig ay masayang nagdiriwang.
Sugatan at pipilay-pilay siyang nakarating doon sa pagsunod sa kanyang baliw
na ina. Siya ay hindi nakakikilala at kinatatakutan pa ang nagpapakilalang anak.
Doon siya namatay. Isang di-kilalang laláki ang nakatagpo sa kanya at nag-utos
na gumawa siyá ng siga. Parang wala sa sarili siyang sumunod at nagbalik na
may dalang mga kahoy. Natagpuan niya ang isang laláki sa tabi ng bangkay ng
nauna. Ang di-kilalang tao ay tumulong sa kanyang sumunog ng bangkay ng
laláki at maglibing sa kanyang ina. Pagkatapos ay binigyan siya ng pera at siya’y
pinaalis. Noon lámang niya nakita ang lalaking iyon. Matangkad, namumula ang
mga mata, mapuputla ang mga labì, at matangos ang ilong.
Ulila nang lubos, walang magulang at kapatid, at takót na takót sa
maykapangyarihan, si Basilio ay lumisan sa San Diego at lumuwas ng Maynila.
Naisip niyang manilbihan bilang utusán sa bahay ng isang mayaman at
makapag-aral tuloy gaya ng ginagawa nang marami. Ang kanyang paglalakbay
ay punô ng ligalig, gutom, at di pagtulog. Pinawi niya ang kanyang gutom sa
pamamagitan ng pagkain ng bungangkahoy sa gubat na pinapasok niya kapag
nakakakita ng guardia civil na siyang puno’t dulo ng lahat ng kanyang mga
kasawian. Nang marating niya ang Maynila, may sakít at gula-gulanit ang damit,
nagtungo siya sa bahay-bahay upang maghandog ng kanyang paglilingkod.
Isang batang tagalalawigan na walang nawawatasan ni isang salitang Kastila
at may karamdaman pa nga, lumaboy-laboy siya sa mga lansangan, nawalan
ng pag-asa, nagugutom, at nalulungkot. Madalas na kinaawaan dahil sa kanyang
hitsura at gula-gulanit na damit. Makailang beses niyang naisip na pasagasa
sa mabibilis tumakbong kabayo na may mga hilang karwaheng nagkikislapan
sa pilak at barnis upang matapos nang lahat ang kanyang mga paghihirap. Sa
kabutihang-palad ay nakita niyang nagdaraan sina Kapitan Tiago at Tiya Isabel.
Sila’y kílala niya noon pa sa San Diego. Sa malaking katuwaan ay halos ipalagay
niyang siya’y nakatagpo ng mga tunay na kababayan. Sinundan niya ang
karwahe ngunit nawala sa paningin. Sa wakas ay natunton niya ang kanilang
bahay. Palibhasa’y kapapasok lámang ng araw na iyon ni Maria Clara sa beateryo
kayâ si Kapitan Tiago’y lubhang namimighati. Dahil dito’y natanggap siya
bilang utusán na walang bayad subalit pinahintulutan siyang makapag-aral sa
San Juan de Letran kung kailan niya ibigin.
Makalipas ang ilang buwang pananatili sa Maynila, siya ay nag-aral ng unang
taon sa Latin. Siya ay marumi, walang kaayusan, at nakabakya. Kayâ nilalayuan
siya ng mga kaklase. Hindi siya tinatawag sa klase ng propesor na isang makisig
na Dominiko at tuwing makikita siya ay napapakunot-noo. Sa loob ng walong
buwang pag-aaral ay walang narinig na pag-uusap ang guro at si Basilio
maliban sa pagbása ng kanyang pangalan at pagsagot naman niya ng adsum
sa araw-araw. Nahuhulaan na ni Basilio kung bakit ganoon ang pakikitungo
sa kanya ng lahat. Sa kapaitan ng loob ay dumadaloy ang di mabilang na luha
sa mga pisngi at naghihimagsik ang loob. Kapag sumusunod siya kay Kapitan

57
Tiago sa San Diego kung kapaskuhan ay umiiyak siya sa harap ng puntod ng ina.
Isinusumbong niya ng kanyang mga dalamhati at kahihiyang tinitiis. Sa kabila
nito’y isinaulo niyang mabuti ang kanyang leksiyon. Pati kuwit ay memoryado
niya. Kahit wala siyang maintindihan sa mga iyon. Ngunit tinanggap niya ang
kanyang kapalaran lalo na nang makitang sa tatlo o apatnaraang mag-aaral sa
klase, mga apatnapu lámang ang natatawag at ang mga ito ay ang mga tipo ng
propesor. Mga taong may natatanging kakayahan, magaling mambola, o mga
taong may kapansin-pansing personalidad. Subalit maraming nagbubunyi dahil
hindi na nila kailangang mag-isip at umunawa. Pumapasok silá sa kolehiyo hindi
upang matuto at mag-aral kundi upang makompleto ang pangangailangan ng
kurso. Kung maisasaulo nila ang aklat, wala nang itatanong pa sa kanila at
makatitiyak silang papasá sa susunod na baitang.
Naipasá ni Basilio ang pasalitang pagsusulit sa pamamagitan ng pagsagot
sa kaisa-isang tanong tulad sa isang makinang hindi tumitigil at humihinga.
Nagkakatuwaang ipinasá siya ng mga nagbigay ng pagsusulit.Ang siyam niyang
kasáma, dahil sampu-sampu kung bigyan silá ng pagsusulit, ay lumagpak at
umulit ng isang taon pa.
Nang siya’y nása ikalawang taon nanalo nang malaki ang tandang ni
Kapitan Tiago na alaga niya. Binalatuhan siya nito nang malaki-laki. Ibinili niya
kaagad ito ng isang paris ng sapatos at sumbrerong piyeltro. Sa tulong ng mga
ito at ng damit na gáling kay Kapitan Tiago na kanyang ipinaayos ay unti-unting
naging disente ang hitsura niya. Subalit hanggang doon na lámang. Sa isang
napakalaking klase, ang sinumang mag-aaral sa unang taon na hindi napansin
ng propesor dahil sa kawalan ng natatanging kakayahan o ugaling kapansin-
pansin ay mahirap nang makilala hanggang matapos mag-aral. Ngunit talagang
masigasig si Basilio.
Nagbago nang kaunti ang kanyang kapalaran nang magsimula siya sa
ikatlong taon. Pinalad siyang maging guro ang isang mayamang Dominiko na
mahilig manudyo at magpatawa. Laging ang mga paborito niyang mag-aaral
ang pinagpapaliwanag ng leksiyon dahil mayroon siyang katamaran. Hindi siya
masyadong mahigpit. Sa pagkakataong ito ay nakapagsuot na si Basilio ng bota
at kamisandentro na laging malinis at plantsado. Napuna ng propesor na si
Basilio ay hindi tumatawa sa kanyang mga biro at parang laging nagtatanong
ang mga mata kayâ ipinalagay niyang ito ay hangal. Isang araw ay ipinasiya
niyang hiyain ito sa harap ng klase.Walang gatol o kamaliang binigkas ni Basilio
mula una hanggang hulí ang leksiyon pagkat saulado niya. Binansagan siya ng
propesor na loro at nagsalaysay ng kuwentong hinalakhakan ng buong klase.
Upang maragdagan ang katuwaan at mapangatwiranan ang pagbabansag ng
loro kay Basilio ay pinagtatanong siya sabay kindat sa mga paborito niyang
mag-aaral na para bang ang ibig sabihi’y “Tingnan ninyo at magkatuwaan táyo.”
Ngunit marunong na noong mangastila si Basilio kayâ nasagot na lahat
nang mabuti ang mga tanong at walang naging katatawanan. Lahat ay nabigo

58
sa inaasahang katuwaan. Hindi napatawad ng prayle sa pangyayaring ito si
Basilio. Binigo niya ang pag-asa ng buong klase at nagkabula ang hula ng
propesor. Subalit anong katalinuhan ang maaasahan sa gugol na buhok ng
isang Indiong gusgusin na tinaguriang isang lorong hindi alam ang sinasabi?
Sa ibang institusyon ng karunungan na talagang may layuning magturo ay
ikatutuwa ng propesor ang pagkatuklas ng matatalinong mag-aaral. Sa kabiláng
dako, sa institusyong naniniwala na ang karunungan ay pinagmumulan ng
kasamaan, ang nangyari kay Basilio ay magbubunga ng di kanais-nais. Hindi na
siya tinanong hanggang katapusan ng taon.
Nagpatuloy si Basilio sa ikaapat na taon na sirâ ang loob at parang ibig
nang tumigil sa pag-aaral. Bakit pa siya magsisikap na mag-aral? Bakit hindi na
lámang siya matulog at iasa ang lahat sa kapalaran?
Isa sa mga propesor niya sa klase ay kilaláng-kilalá at naiibigan ng lahat.
Kilalá siyang isang paham, magaling na manunulat, at may progresibong
kaisipan. Isang araw na sinasamahan niya sa pamamasyal ang mga mag-aaral
ay nakipagtalo siya sa ilang kadete. Ito’y humantong sa paghahamunan.
Ang propesor na maaaring naaalala pa ang kanyang mapusok na kabataan
ay nangalap ng mga mag-aaral na sasama sa labanan sa susunod na linggo
Naging maganda ang labanang iyon. Kung ilang ulit nagkaroon ng paglalaban
ng tungkod at espada at si Basilio ay napatanyag sa isa sa mga ito.
Pinasan siya sa balikat ng mga mag-aaral at iniharap sa propesor. Dahil dito
at sa kasipagan sa pag-aaral ay nakakuha siya ng matataas na marka nang taong
iyon at nabigyan pa ng medalya. Si Kapitan Tiago, na may samâ ng loob sa mga
prayle buhat nang magmadre ang anak, sa bugso ng damdamin ay hinimok si
Basilio na lumipat sa Ateneo na katanyagan noong panahong iyon.
Sa paaralan ng mga Heswita ay natagpuan niya ang sistema ng pagtuturo
na hindi niya akalaing kanyang matatagpuan. Isang bagong daigdig ang
sumilang sa kanyang paningin. Maliban sa ilang bagay na hindi makabuluhan,
hinangaan ni Basilio ang pagtuturo roon at ang pagiging masigasig ng mga
propesor ay labis niyang pinasalamatan. Nangilid ang luha sa kanyang mga
mata nang maalala ang apat na taong sinayang niya dahil walang maitustos
sa sarili. Kinailangang pag-ibayuhin niya ang pagsisikap upang makaabot siya
sa mga mag-aaral na may magandang simula at sa isang taóng iyon ay nasabi
niya sa sarili na natutuhan niya ang buong limang taóng kurso sa kursong
Bachiller en Artes. Nagtapos siya sa malaking kasiyahan ng mga propesor.
Ipinagmamalaki siya nang gayon na lámang sa mga bisitang Dominiko na
sumusuri sa pamantayan ng paaralan. Ang isa sa mga ito upang mabawasan
ang pagmamapuri ng mga Heswita ay nagtanong kung saan nag-aral ng Latin
ang binata noong unang taon.
“Sa San Juan de Letran po, padre,” tugon ni Basilio.
“A,” ang sabi ng Dominikong bahagyang nangingiti.“Hindi naman kasamaan
ang kanyang Latin.”

59
Dahil sa kanyang hilig ay pinili niya ang medisina. Ibig sana ni Kapitan
Tiago na ang kanyang kunin ay abogasya, ngunit sa Pilipinas ay hindi sapat
ang kaalaman sa mga batas para magkaroon ng kliyente. Ang kailangan ay
magpanalo ng mga kaso at para magkagayon ay kailangan ang mga kaibígan,
impluwensiya, at dulas ng dila. Sa hulí ay napahinuhod din si Kapitan Tiago
nang maalalang ang mga mag-aaral sa medisina ay tumitistis ng mga bangkay
para mag-aral. Matagal na siyang naghahanap ng lason na ilalagay sa tari ng
kanyang mga tandang at ang pinakamabuting alam niya ay ang dugo ng Instik
na namatay sa sipilis.
Matagumpay na nag-aral ng medisina si Basilio. Nang nása ikatlong taon
siya ay nagsimula nang makapanggamot, bagay na maituturing na paghahanda
para sa isang magandang kinabukasan at isang paraan para kumita siya ng pera
at makabili ng mainam na kasuotan at makapagtabi nang kaunti.
Ito ang hulí niyang taon sa kanyang kurso at sa loob ng dalawang buwan ay
ganap na doktor na siya. Magbabalik siya sa sariling bayan upang magpakasal
kay Juli at mamuhay nang maligaya. Natitiyak na niya ang kanyang tagumpay
at inaasahan niyang ang kanyang pagtatapos ay siyang pinakamakabuluhang
sandali sa kanyang búhay. Siya ang napiling bumigkas ng talumpati ng
nangunguna sa mga magsisipagtapos. Parang nakikita na niya ang kanyang sarili
sa gitna ng bulwagan, sa harap ng mga propesor, at ng madlang manonood.Ang
mga kilalang siyentipiko sa Maynila, ang mga babaing dadalo upang magmasid
na noong mga nakaraang taon ay humamak at hindi pumansin sa kanya, ang
mga ginoong ang karwahe ay muntik nang makasagasa sa kanya noong batà
pa siya na para bang siya ay isang áso. Lahat silá ay makikinig sa kanya at
ang pahatid na bibigkasin niya ay hindi maliit na bagay, kundi isang pahatid
na hindi pa naririnig. Kalilimutan niya ang kanyang sarili upang maalala
niya ang mahihirap na mag-aaral sa hinaharap, at ang talumpating iyon ang
magpapakilala sa kanya sa lipunan.

Si Simoun
(Kabanata vii)

Ang mga bagay na ito ay naglalaro sa isip ni Basilio nang dalawin ang
puntod ng ina. Pabalik na sana siya sa bayan nang makabanaag siya ng liwanag
sa gitna ng kakahuyan at makarinig ng lagitik ng mga sanga, yabag ng paa, at
kaluskos ng mga dahon. Nawala ang liwanag, ngunit may papalapit na mga
yabag at hindi nagtagal ay nakakita siya ng isang anino sa gitnang pook na iyon
na ang tinutungo ay ang kinaroroonan niya.
Talagang hindi mapamahiin si Basilio lalo na nang makapagtistis na ng
bangkay at makasaksi sa naghihingalo. Ngunit maraming alamat na bumabalot
sa gubat na iyon. Ang oras,ang dilim,ang ihip ng hangin na parang nananaghoy,

60
at ang mga kuwentong narinig niya noong batà pa siya ay pumukaw sa kanyang
guniguni. Napansin niyang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib.
Nabanaagan ni Basilio, sa pagitan ng dalawang ugat na sa tinagal-tagal ng
panahon ay lumaking tulad ng maliit na punò, na huminto ang anino sa kabila
ng punong baliti. Kinuha ng anino sa loob ng damit ang isang maliwanag
na ilawan. Inilapag ito sa lupa, kayâ natanglawan ang isang pares ng botang
pangabayo. Ang kabiláng panig ng katawan ay natatago sa kadiliman. May
hinagilap siya sa mga bulsa, pagkatapos ay yumuko upang ikabit ang talim ng
isang asarol at ikinama sa dulo ng kanyang baston. Gulilat na namukhaan ni
Basilio ang mag-aalahas na si Simoun. Siya nga, si Simoun!
Naghukay ang mag-aalahas at paminsan-minsang naliliwanagan ng
ilawan ang kanyang mukha, na walang suot na salaming asul na labis na
nagpapabalatkayo sa kanya. Kinilabutan si Basilio; iyon din ang taong
humukay ng libingan ng kanyang ina, may labintatlong taon na ang nakararaan.
Ngayon ay tila may higit nang gulang, may puti na ang buhok, may bigote at
balbas, ngunit ang mga mata ay hindi nagbabago, dati ring malungkot, dati
ring kunot ang noo, malalakas ang bisig ngunit payat na nang kaunti. Ang mga
alaala ng lumipas ay nagbalik sa kanya. Tila nararamdaman ang init ng siga,
ang matinding gutom, ang panghihina ng katawan, at ang amoy ng lupang
hinuhukay. Nangilabot siya sa natuklasan. Si Simoun na pinagkakamalang
Indiong Ingles, Portuges, Amerikano, Mulato, Kardinal Moreno, ang kagalang-
galang na itim at espiritung masamâ ng kapitan heneral, ay walang iba kundi
ang mahiwagang lalaking ang pagsipot at pagkawala ay nataon sa pagkamatay
ng tagapagmana ng mga lupaing iyon. Ngunit sa dalawang laláking nakita niya
noon ay alin kayâ ang Ibarra?
Ang katanungang ito ang lagi niyang nagugunita tuwing mapag-uusapan
ang pagkamatay ni Ibarra at siya na namang naaalala sa harap ng mahiwagang
taong kanyang namamalas dito.
Ang patay na tao ay may dalawang tama marahil ng baril ayon sa kanyang
napag-alaman nang lumaon. Natamaan marahil ito nang barilin sa lawa.
Maaaring ito si Ibarra na nagtungo sa libingan ng mga ninuno upang doon
mamatay. At ang kahilingan nitong magpasunog ay bunga ng pagkatira nang
matagal sa Europa na ang pagsunog ng bangkay ay karaniwang ginagawa. Kung
gayon sino pa ang isang lalaki, ang buháy, si Simoun na mag-aalahas na noon ay
mukhang kaawa-awa datapwat ngayon ay ubod ng yaman at kaibígan ng may
kapangyarihan? May hiwagang bumabalot dito. Naipasiya ng mahinahong mag-
aaral na tuklasin ito pero kailangang maghintay ng magandang pagkakataon.
Samantalang si Simoun ay patuloy sa kahuhukay, nakita ni Basilio na
wala na ang dating lakas nito. Humihingal na ito ngayon at nahihirapang
huminga. Panaka-naka ay tumitigil siya para magpahinga upang mapawi ang
pagkahapo.

61
Sa takot na matuklasan pa siya ay ipinasiya ni Basiliong lumantad at
magpakita na. Siya ay tumindig sa kinauupuan at mahinahong nagsalita.
“Hindi ko po kayâ kayo matutulungan, ginoo?”
Napaunat si Simoun at animo’y tigreng napakislot at humandang
dumaluhong, nakapasok ang kamay sa bulsa ng damit at namumutla. Walang
kangiti-ngiting tumingin sa mag-aaral.
“Labintatlong taon na ginoo, ang nakararaan nang gawan ninyo akó ng
malaking tulong,” patuloy ni Basilio na walang katakot-takot.“Sa lugar ding ito,
inilibing ninyo ang aking ina at ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong sa inyo.”
Walang alis ang tingin kay Basilio na binunot ang rebolber sa kanyang
bulsa. Narinig ang pagkasa ng rebolber.
“Sa palagay mo ay sino akó?” tanong ni Simoun na nakadalawang hakbang
paurong.
“Isang taong ipinalalagay kong napakadakila,” ang tugon ni Basilio na
kinikilabutan at nag-aakalang dumating na ang kanyang hulíng sandali. “Isang
tao na ipinalalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong
kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.”
Lubos na katahimikan ang sumunod sa mga pananatiling ito. Katahimikang
parang sa binata ay hindi na matatapos. Ngunit si Simoun, matapos ang pag-
aalinlangan, ay lumapit sa kanya, ipinatong ang kamay sa kanyang mga balikat,
62
at nagsalita ng nanginginig ang tinig, “Basilio, nabatid mo ang isang lihim na
maaaring maging dahilan ng aking kasawian at ngayon ay natuklasan mo ang
isa pa na kapag nabunyag ay sisira sa aking mga balak. Para sa aking kaligtasan
at alang-alang sa dakila kong layunin ay dapat kitang patayin dahil ano ang
kabuluhan ng isang búhay kung ihahambing sa ibig kong maisakatuparan?
Ayos na ayos ang pagkakataon, walang nakababatid na naririto akó. Ako’y
may sandata kayâ wala kang magagawa. Ang iyong kamatayan ay maaaring
ibintang sa mga tulisang naglisaw rito. Ngunit pababayaan kitang mabuhay at
inaasahan kong hindi akó magsisisi. Ikaw ay nagtiyaga at nagsikap at katulad
ko rin ay mayroon kang mga pautang na dapat singilin sa lipunan—pinatay
ang iyong kapatid, nabaliw ang iyong ina, ngunit hindi inusig ng lipunan ang
salarin. Ikaw at akó ay nabibilang sa mga taong uhaw sa katarungan. Kaya’t sa
halip na ipahamak natin ang isa’t isa ay dapat tayong magtulungan.”
Huminto sa pagsasalita si Simoun, nagbuntung-hininga sakâ malumanay
na nagpatuloy. “Totoo nga. Akó ang taong naparito labintatlong taon na ang
nakararaan, may sakít at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan ng hulíng pitagan
ang isang dakilang kaluluwang sadyang namatay para sa akin. Biktima ng
isang tiwaling pamahalaan. Naglagalag akó at nagpunyaging makaipon ng
malaking halaga upang maisakatuparan ang aking mga balak. Ngayo’y nagbalik
akó upang wasakin ang tiwaling pamahalaan sa pamamagitan ng pag-uudyok
sa sarili nitong kabulukan at pagtutulak dito sa hukay na siyang matuling
kababagsakan. Sukdulang gumamit ng luha at dugo. Hinatulan na ang kanyang
sarili, tapos na, ayokong mamatay nang hindi ko nakikitang lasog-lasog ito sa
ilalim ng bangin.”
Nag-unat si Simoun ng mga bisig na para bagáng sa gayong anyo ay ibig
manumpa sa mga duwag na kalansay na doon ay natatabunan. Kakila-kilabot
ang kanyang tinig na nakapanginginig sa mag-aaral.
“Dahil sa matinding katiwalian ng mga nagsisipamahala kayâ akó
nagbalik sa kapuluan. Sa ilalim ng balatkayong mangangalakal, ang lahat ng
lugar ay aking nalilibot. Naitanong ko sa sarili,“Bakit hindi sumisigid sa bituka
ng masibang ibon ang kamandag, ang lasong natatago sa mga libingan?’
Binayaan ng bangkay na siya ay lasugin, nabundat ang ibon, at sapagkat hindi
ko maaaring ibalik ang búhay noon upang lumaban sa kumakain sa kanya,
at sa dahilang mabagal ang pagkaagnas ay pinalalâ ko ang kasamaan, sinang-
ayunan ko, kaya’t ang pagsasamantala at kabuktutan ay dumami at nag-
ibayo. Pinasigla ko ang kabuhungan at ang mga malulupit na gawain upang
masanay ang bayan sa anino ng kamatayan; pinamalagi ko ang mga hilahil
upang sa pag-iwas dito ay humanap ng kahit na anong kalunasan. Hinadlangan
ko ang pagbuti ng kabuhayan upang kung maghirap at maging pulubi na
ang mamamayan ay wala nang sukat ipanganib. Tinitisan ko ang pangangabig
upang magsalat sa kayamanan ang bayan, at dahil hindi pa lubos ang aking
kaligayahan, ginising ko ang paghihimagsik at sinaktan ko ang bayan sa lalong

63
masakit na bahagi; ginawa kong ang ibon ay lumait sa bangkay na nagbigay-
búhay sa kanya at siyang umagnas.
“Subalit nang magagawa ko na nang lubusan ang kabulukan, nang
sa pagkakahalo-halo ng mga kasamaan ay tumindi ang lason, nang ang
pagkagahaman ay hayok na hayok na at nagkakanggagahol sa
pagsunggab ng kahit na anong mahila ng kamay—katulad ng isang matandang
babaing nagigipit sa sunog—siya naman ninyong paglitaw na sumisigaw ng
pagsuri sa Kastila at paghahayag ng pagtitiwala sa pamahalaan, at sa isang
bagay na hindi darating! Heto kayo ngayon na parang iisang kumikilos, may
búhay at dugo, malinis, malusog, masigla na biglang tumindig at humandang
tila bagong pagkain.
“Ay! Ang mga kabataan ay salat sa karanasan at mapangarapin; laging
sumusunod sa lipad ng paruparo at halimuyak ng bulaklak. Nagbubuklod
kayo sa pag-aakalang mapag-iisa ninyo ang Pilipinas at Espanya sa kuwintas
na rosas, ngunit ang katotohanan ay kinakadenahan kayo ng matigas pa sa
bakal. Humihingi kayo ng pantay-pantay na karapatan, ang pagsunod sa
mga kaugaliang Kastila, ngunit hindi ninyo naiisip na ang hinihingi ninyo ay
kamatayan, pagkasira ng inyong pambansang pagkakakilanlan, pagkawala ng
inyong bayang tinubuan,pagbibigay-daan sa pagpapaalipin—anong mangyayari
sa inyo? Isang lahing walang pagkakakilanlan, isang bansang walang kalayaan,
Buo ninyong pagkatao ay magiging hiram pati na ang inyong kapintasan. Ibig
ninyong maging bahagi ng Espanya at ni hindi man lang kayo napapahiya kung
ipagkait ito sa inyo. At kahit na ito ay ibigay sa inyo, anong gagawin ninyo
rito? Anong pakikinabangan ninyo? Maging bansa na laging may madugong
himagsikan. Bansang niyayanig ng pansariling digmaan. Republika ng mga
gahaman at ng mga salat sa pangangailangan tulad ng ilan sa mga republika
sa Timog-Amerika. Ngayon ay hinihingi ninyo ang pagtuturo ng Kastila, isang
hangaring katawa-tawa dahil sa kasakit-sakit na ibubunga. Daragdagan pa
ninyo ng isang wika ang mahigit sa apatnapung sinasalita ng buong kapuluan.
Walang pag-aalinlangan, lalong magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.”
“Hindi akó sumasang-ayon,” ang tanggi ni Basilio,“kung ang pagkaalam ng
wikang Kastila ay maglalapit sa atin sa pamahalaan, mabibigkis din nito ang
buong kapuluan.”
“Isang malaking kamalian,” putol ni Simoun.“Napaloloko kayo sa kanilang
mga salita at hindi ninyo nililimi ang pailalim na kahulugan, at pinag-
aaralan ang kahihinatnan. Hindi magiging wikang pambansa kailanman
ang Kastila, dahil hindi ito sasalitain ng mga tao. Ang wikang iyan ay hindi
makapagpapahayag kailanman ng kanilang iniisip at saloobin. Ang bawat tao
ay may sariling paraan ng pagsasalita na tulad ng pagkakaroon nila ng sariling
damdamin. Ano ang gagawin ninyo sa Kastila, kayong iilan na makagagamit
nito? Papatayin ninyo lámang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang
iniisip sa ibang kaisipan. Sa halip na gawing malaya ang inyong sarili, ay gagawin
n’yo lamang itong tunay na alipin. Siyam sa sampu sa inyo ay mag-aakalang
64
siya’y may pinag-aralan at magtatanggi sa sarili ninyong bayan. Sinuman sa
inyong makapagsalita ng Kastila ay magbabago ng damdamin sa sariling wika
kayâ hindi na makapagsusulat o makauunawa nito. Marami na akong nakita
na nagkukunwaring hindi nakaaalam ng kahit isang salita sa kanyang sariling
wika. Mapalad kayo at kulang ng kaalaman ang inyong pamahalaan. Habang
ipinagkakait ng Ruso sa mga Polo na gamitin ang kanilang wika para silá ay
maalipin, habang ang Aleman ay nagbabawal sa paggamit ng Pranses sa mga
lalawigang kanyang nasakop sa Alemanya, habang ipinakikipaglaban ng iyong
pamahalaan ang paggamit ng sariling wika, kayo naman sa kabilang dako
ay ipinakikipaglaban na mawala ang inyong pagkakakilanlan. Kapwa kayo
nakalimot na habang ang mga tao ay may sariling wika ay mayroon kayong
kalayaan, tulad ng mga tao na malaya habang nakapag-iisip sa kanyang sarili.
Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng tao. Mabuti na lang at ang kalayaan ninyo
ay panatag. Binabantayan ito ng damdamin ng tao.”
Huminto si Simoun at tinutop ang noo. Ang liwanag ng buwan ay
pumapakabila sa mga siwang ng sanga. Puti na ang buhok, at ang matigas na
mukha ay naliliwanagan mula sa ibaba ng ilawan. Ang mag-aalahas ay parang
isang espiritu sa gubat na may di mabuting hinaharap at may masamang
binabalak.Tahimik na nakaupo at nakikinig si Basilio. Nagpatuloy si Simoun.
“Ilang gabi na akong nag-iisip simula nang makita ko ang simula ng inyong
kilusang maka-Kastila, dahil alam kong mayroon sa inyong mga kabataang may
bihirang katalinuhan at may mabuting kalooban na maghahandog ng sarili para
sa layuning sa palagay nila ay mabuti, kahit sa katotohanan ay gagawa silá ng
laban sa kanilang bayan. Madalas na ibig kitang makausap, hubarin ang aking
balatkayo at piliting wasakin ang iyong guniguni. Ngunit mahirap ang aking
kalagayan, anumang aking masabi ay maaaring hindi maunawaan at maaari
pang magkaroon ng ibang bunga. Ilang ulit ko nang ibig makausap si Makaraig,
ang inyong si Isagani! May mga pagkakataong inisip kong patayin silá!”
Nahinto si Simoun.
“Iyan ang dahilan, Basilio, kung hahayaan kitá ngayon, gayong magiging
mapanganib sa akin dahil maaaring ipagkanulo mo akó sa pamamagitan ng
iyong di-maingat na pananalita. Alam mo kung sino at paano akó nagdusa.
Naniniwala ka sa akin. Hindi ka nakikiisa sa paniniwalang hinihimok ko
ang mga maykapangyarihan na magsamantala upang ang kanilang mga
napagsamantalahan ay bumili ng aking mga paninda bilang panregalo upang
mailigtas ang sarili. Akó ang hukom na magpaparusa sa sistemang panlipunan
sa kanyang sariling mga pagkakasala. Kailangan ko ang iyong tulong. Ibig
kong gamitin mo ang iyong impluwensiya sa mga kabataan upang labanan
ang pagnanasa sa Kastila, at sa Kastilang pamaraan ng pamumuhay, ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan . . . dahil ang kapupuntahan lámang
niyan ay mababang uri ng panggagaya at ang ating mga mamamayan ay dapat
magkaroon ng higit na mataas na mga adhikain. Kalokohan lámang ang isiping

65
maiimpluwensiyahan natin ang mga namumuno. May sarili siláng mga balak
at pikit ang mga mata nila sa iba pa. Hindi lámang kayo magsasayang ng
panahon kundi lolokohin pa ninyo ang mga tao sa walang kabuluhang pag-asa
at tutulong sa pagyukod sa mga namamanginoon.Ang dapat ninyong gawin ay
samantalahin ang maling paghatol ng mga namumuno. Upang tanggihan nila
ang Pilipinas na maging bahagi ng bansang Espanya. Lalong magaling. Manguna
sa paghubog ng sariling pagkakakilanlan. Sikaping maitayo ang saligan ng
bansang Pilipinas. Hindi silá nagbibigay ng pag-asa. Umasa lámang sa sarili at
sa iyong magagawa. Ipinagkait nila ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortez
ng Espanya. Mabuti sa iyo! Kahit na makapili kayo ng sarili ninyong kinatawan,
ano ang magagawa ninyo roon kundi ang malunod sa marami nilang mga tinig
at maging bahagi, dahil sa pananalita roon, ng kanilang pagmamalabis, mga
kamalian, na maaari nilang magawa pagkatapos? Sa kakaunting karapatang
makikita sa iyo, higit na karapatan ang makukuha mo pag nagtagal upang ibalik
ang masamâ sa masamâ. Kung tanggihan ka nilang turuan ng kanilang wika,
payabungin mo ang sa iyo, palaganapin, panatilihing buháy ang ating sariling
kalinangan para sa ating mga kababayan, at sa halip na nasain ang pagiging
bahagi ng Espanya, nasaing maging isang nasyon, hubugin ang isipang malaya
at hindi kolonyal. Upang sa ganoon, sa karapatan, ugali, at wika man, ang mga
Kastila ay hindi makadama ng lapat na loob dito. At hindi silá titingnan ng
mga Pilipino bilang kababayan kundi lagi na ay bilang mananakop, dayuhan, at
darating din ang panahon na ikaw ay magiging malaya. Iyan ang dahilan kayâ
ibig kitang mabuhay.”
Napabuntung-hininga si Basilio na para bang nabawasan ng pasanin. At
ilang sandali pa ay tumugon.
“Ginoo, isang karangalan ang ginawa ninyo na pagpapaalam sa akin ng
inyong mga layunin. Magiging tapat akó sa inyo.Ang ipinagagawa ninyo sa akin
ay hindi ko káya. Hindi akó mahilig sa politika. Kayâ lámang akó lumagda sa
kahilingan ukol sa pagtuturo ng wikang Kastila ay dahil sa aking paniniwala
na makatutulong ito sa aming pag-aaral. Wala nang iba pang dahilan. May iba
akong layunin sa búhay.Ang tangi kong hangarin ay ang mapawi ang pisikal na
karamdaman ng aking kababayan.”
Ang mag-aalahas ay pormal na nagtanong:
“Ano na ang pisikal kung ihahambing sa sakít na pangmoral? Ano na ang
pagkamatay ng isa kung ihahambing sa kamatayan ng pamayanan? Maaaring
dumating ang panahon na maging matagumpay kang manggagamot kung
hindi ka nila panghihimasukan. Ngunit higit na magaling ang manggagamot na
makapagbibigay ng bagong búhay sa kanyang nanlulumong mga kababayan.
Ano ang ginagawa mo para sa iyong bayan na nagdala sa iyo sa iyong kinalalagyan
ngayon, na nagbigay sa iyo ng búhay at kaalaman? Hindi mo ba naiisip na ang
búhay na hindi ginugol sa dakilang kaisipan ay walang kabuluhan? Ito ay maliit
na batong nawala sa halip na nabuo sa pagtatayo ng gusali.”

66
“Subalit hindi akó naghihintay nang nakahalukipkip,” paglaban ni Basilio.
“Akó ay gumagawa tulad ng lahat para sa pagbubuo ng guhong lumipas ng
isang bansang ang mga mamamayan ay magiging nagkakaisa, na ang bawat isa
ay bahagi ng kalahatan. Ngunit gaano man kasigasig ang aking mga kapanahon,
natatanto namin na sa dakilang pagawaan ng lipunan ay mayroong dapat na
paghahati-hati ng mga gawain. Napili ko na ang ibig kong gawin, ang ihandog
ang aking sarili sa agham.”
“Ang agham ay hindi kalahatan ng tao,” ang pagmamasid ni Simoun.
“Ito ang layunin ng pinakamaunlad na bansa.”
“Oo, subalit upang matamo lámang ang kaligayahan.”
“Higit na matagal ang ipananatili ng politika,” masigasig na tugon ng
nakababatang ginoo, “dahil ito ay higit na makatao, higit na pansanlibutan.
Sa darating na ilang siglo, kapag ang katawan ay nabahiran na ng kaalaman,
kapag ang pagkakaiba-iba sa lahi ay napawi na, kapag ang lahat ng tao ay
malaya na, kapag wala nang nanlulupig at nagpaaalipin, kolonya at imperyo,
kapag mayroon nang sinusunod na batas ng katarungan, kapag ang mga tao ay
mamamayan na ng daigdig, ang tanging malálábi ay ang pagtuklas ng agham.
Ang salitang pagkamakabayan ay parang di magiging makatotohanan kung
pakikinggan at kung sino man ang magmamapuri sa bayan ay ikukulong
na parang may mapanganib na pagnanasa, mapanghadlang sa mabuting
pagsasamahan sa lipunan.”
Mabalasik na napangiti si Simoun, tumango ang ulo, at nagsalita.
“Siyempre, walang pag-aalinlangan. Subalit upang marating ang kalagayan
na iyon ay kailangang alisin ang mga mapaniil at mga alipin sa bansa.
Kailangang matutuhan ng tao kahit saan siya tumungo na igalang ng iba ang
kanyang sariling mga karapatan. At ukol dito kailangan ang madugong labanan.
Ang pakikipagsapalaran ay hindi maiiwasan. Bago magapi ang matandang
kapanatikuhan na lumupig sa konsiyensiya, marami ang kinailangang
magbuwis ng búhay at ito’y tumakot sa konsiyensiya ng lipunan upang palayain
ang konsiyensiya ng tao. Kapareho ito ng pangangailangan sa kasalukuyan ng
lahat upang sagutin ang itinatanong ng bansa nang magtaas ng kamay upang
lumaban. Ang pagkamakabayan ay pagkakasala sa mga imperyalistang bansa
dahil ito ay magandang salita lámang na sinasamantala. Gaano man kasakdal
ang sangkatauhan, ang pagmamahal sa bayan ay laging magiging katangian
ng mga taong api dahil lagi na itong nangangahulugan ng pagmamahal sa
katarungan, kalayaan, at paggalang sa sarili.”
Tumigil si Simoun. Dahil napagtanto na hindi niya nagising ang damdamin
ng mag-aaral kayâ binago niya ang argumento at nagtanong sa kakaibang tono.
“At ano ang ginagawa mo para sa iyong namatay na ina at kapatid? Sapat
na ba ang tumungo ka rito minsan isang taon at lumuha sa harap ng kanilang
mga bangkay na parang babae?” nanunudyo siyang tumawa.
Nakapukaw siya ng damdamin. Namula si Basilio at humakbang papalapit.

67
“Ano ang ibig ninyong gawin ko?” pagalit niyang tanong. “Akó ay nása
pinakamababang antas ng lipunan at walang mapagkukunan. Sa akala ninyo
ba’y madadala ko ang mga mamamatay-tao sa harap ng katarungan? Akó ay
makadaragdag lámang sa kanilang mga biktima at magpaparang isang pirasong
salamin na ipinukol sa bato. Mali kayo sa pagpapaalala sa akin sa kanila. Muli
ninyong pinakirot ang aking sugat nang walang dahilan.”
“At kung ialok ko sa iyo ang aking tulong?”
Napailing si Basilio at nagwika:
“Ang hatol ng mga hukuman, ang paghihiganti ay hindi makapagbabalik
kahit isang buhok ng aking ina o ngiti sa labì ng aking kapatid. Hayaan mo na
siláng maging mapayapa sa kanilang pamamahinga. Ano naman ang mapapala
ko sa paghihiganti?”
“Mapipigilan mong maranasan pa ng iba ang iyong naranasan. Maililigtas
mo ang iba pang mga anak na laláki na mapapatay, ang ibang ina na masiraan ng
bait. Ang pag-urong ay hindi makabubuti, ito ay pagkakasala kung humihimok
sa pang-aalipin. Walang manlulupig kung walang magpapaalipin. Likás sa tao
ang kasamaan kayâ madali siyang magmalabis kapag may pagkakataon. Iniisip
ko ang kalagayan mo ngayon at alam mo ang nangyari sa akin.Ang mga naging
sanhi ng iyong kasawian ay nakamasid sa iyo araw at gabi, naghihinala silá na
naghihintay ka lámang ng magandang pagkakataon; nakamasid silá sa iyong
kauhawan sa karunungan, sa iyong pagmamahal sa pag-aaral, kahit sa iyong
pananahimik, ang iyong nag-aalab na pagnanasa upang maghiganti. Sa araw na
magkaroon silá ng pagkakataon, gagawin nila sa iyo ang ginawa nila sa akin.
Hindi nila hahayaang maging ganap ang iyong pagkatuto. Silá ay natatakot at
napopoot sa iyo.”
“Napopoot sa akin? Napopoot matapos ang kanilang mga ginawa sa akin?”
pakli ni Basilio na nabibiglaanan.
Napatawa si Simoun.
“Natural lámang sa taong nakasakit ang mapoot sa kanyang nasaktan, sabi
ni Tacitus, na sinigurado ni Seneca. Kung ibig mong masukat ang kabutihan
o kasamaang nagawa ng isang bansa sa kapwa bansa, tingnan mo lámang
kung gusto o ayaw niya rito. Kayâ ang mga nagpayaman dito dahil sa kanilang
mataas na katungkulan ay naninira at nang-iinsulto sa kanilang mga sinalitan
pagbalik sa Espanya. Inuulit ko na natural lámang sa isang tao ang kapootan
ang kanyang nasaktan.”
“Subalit may pagkakataon para sa lahat. Malaya siláng magpakaligaya sa
kanilang kapangyarihan.Ang hinihingi ko ay hayaan lámang akong gumawa, at
mabuhay sa aking sarili.”
“At magpalaki ng mga anak na laláki na yuyukod na lámang sa mga
manlulupig,” dagdag ni Simoun na ginagaya ang tinig ni Basilio. “Talagang
pinaghahandaan mo silá ng magandang kinabukasan. Ikaw ay kanilang

68
pasasalamatan dahil sa búhay nilang punô ng pagpapakumbaba at paghihirap.
Binabati kitá, binata! Kapag ang tao ay patay na, mahirap itong gisingin.
Dalawampung taon ng pagkakaalipin, ng pagkakapahiya, ng madalas na
kabiguan ay magiging dahilan ng takót na kaluluwa na nangangailangan ng pag-
amo. Namamána ng mga anak ang paraan ng pag-iisip, mabuti man o masamâ.
Magkatotoo sana ang iyong kaisipan ukol sa masayang búhay, mabuhay nawa
ang panaginip ng alipin na humingi lámang ng basahan para maipambalot sa
kadena niya para hindi makalikha ng ingay o masaktan ang balát.Ang hangarin
mo ay payapang tahanan: kabiyak at kaunting bigas. Tingalain ang huwarang
Pilipino! Mapalad ka kung makamtam mo ang iyong ibig.”
Si Basilio na hirati sa pagsunod at pagtitiis sa sumpong ni Kapitan Tiago,
at sa ngayon ay napapangibabawan ni Simoun, ay nagtangkang magpaliwanag.
Hindi niya inisip na nababagay siya sa politika; hindi pa siya nakabubuo ng
pagpapasiya ukol dito, dahil hindi pa niya ito napag-aaralan. Dahil sa lahat
nang ito, lagi siyang handang maglingkod kapag kinakailangan; ngunit sa
pansamantala isa lámang ang nakikita niyang kailangan, ang karunungan ng
mga tao. Pinigil siya ni Simoun. Halos mag-uumaga na.
“Binata, hindi ko hinihiling na itago mo ang aking lihim. Alam ko ang mga
katangian mo. Kahit ibigin mo na ako’y isuplong, ang salita ni Simoun na mag-
aalahas, ang kaibigan ng mga maykapangyarihan at mga prayle ang higit na
pakikinggan kaysa kay Basilio, na isa lámang mag-aaral, na pinaghihinalaan na
mapanghimagsik dahil sa katotohanang kahit siya ay isang Indio, siya ay naging
namumukod at napatanyag, at pinaghihinalaan din dahil sa mga kaagaw sa
propesyon na mga kilalá sa lipunan. Kahit hindi ko nakita ang aking mga
inaasahan, anumang oras na magbago ang iyong isip pumasyal ka lámang sa
aking tahanan sa Escolta at lagi akong nakahandang maglingkod.”
“Mali kayâ ang aking naging pagdulog?” nawika ni Simoun nang siya ay
nag-iisa na.“Wala kayâ siyang tiwala sa akin, at nagpaplano siya ng sarili niyang
paghihiganti? O ang mahabang panahon ng paglilingkod ay nagpatigas ng
kanyang puso kayâ para na siyang hayop na ang iniisip lámang ay ang mabuhay
at magparami. Kung ganoon ang panukat ay hindi wasto at nangangailangang
baguhin, malaking pagtitiis. Bayaang ang hindi nararapat ay mawala at ang
pinakamalakas ang matira.”
Idinagdag niyang parang may kinakausap.
“Maging matiyaga, kayong nag-iwan ng pangalan at tahanan, magtiyaga! Isa-
isa itong nawala sa akin; bayan, kinabukasan, kasiyahan, ang inyong mga puntod,
subalit magtiyaga! At ikaw banal na espiritu, dakilang kaluluwa, mapagbigay na
puso na nabubuhay dahil lámang sa isang hangarin at nagpakasákit ng iyong
búhay nang walang hinihintay na paghanga, magtiyaga, magtiyaga. Malápit na
ang araw at kapag nagdapit-hapon, akó ang magbibigay ng munting balita.
Magtiyaga, maghintay!

69
Masayang Pasko
(Kabanata VIII)

Nang imulat ni Juli ang kanyang namamagang mata bunga ng pag-iyak,


nakita niyang madilim pa sa kabahayan. Nagtitilaukan ang mga manok, ngunit
ang kanyang unang nagunita ay ang paghihimala ng birhen.
Tumayo siya, nagkurus, at nagdasal nang mataimtim. Pagkatapos, pumunta
sa kusina nang tahimik na tahimik.
Walang himala, sumisikat na ang araw na nagbabadya ng magandang
umaga, malamig ang simoy ng hangin, may bahagyang mga bituin sa silangan,
at lumalakas at dumadalas ang tilaok ng manok. Hindi naman sobra ang
kanyang hinihingi, maaari para sa birhen ang bigyan siya ng dalawandaan at
limampung piso. Siguradong hindi malaking ábala ito sa Ina ng Diyos! Ngunit
sa ilalim ng imahen, ang nakita lámang niya ay ang sulat ng amang humihingi
ng limandaang piso para siya ay matubos. Matapos makitang hindi pa kumikilos
ang nuno, naisip niyang ito’y natutulog pa at iginawa niya ng salabat para
sa almusal. Kabalintunaan! Panatag ang kanyang kalooban at parang ibig
niyang matawa. Ano ang kanyang ikinaliligalig nang nagdaang gabi? Hindi
napakalayo ng kanyang pupuntahan, maaari siyang dumalaw sa kanila tuwing
makalawang araw, maaari naman siyang dalawin ng nuno kung ibig nito, at
kung tungkol naman kay Basilio, matagal na niyong alam na ang kanyang
ama ay nása masamang kalagayan. Katunayan madalas niyong sabihin sa
kanya:
“Kapag ako’y ganap nang doktor at táyo ay makasal hindi na kakailanganin
ng iyong ama ang kanyang bukirin.”
“Nakatatawa, bakit akó umiyak nang umiyak,” nawika niya sa sarili habang
nagbabalot ng damit.
Nakita niya ang kanyang relikaryo at inilapit sa kanyang labì, hinalikan,
pagkatapos ay nagmamadaling pinunasan ang bibig sa takot na mahawa sa
ketonging nagbigay nito kay Basilio. Ang relikaryo ay punô ng esmeralda
at diyamante. Kapag siya’y nagkaketong, ito na ang magiging katapusan ng
kanyang mga pangarap.
Nagliliwanag na. Nakita niya ang kanyang nuno sa sulok na kinalalagyan
nito na nakamata sa lahat niyang ikinikilos. Ngumiti siya, lumapit, at nagmano.
Tahimik siyang binendisyunan nito at biniro niya upang pasayahin.
“Pagbalik ni Ama, sabihin mong pumasok na akó sa eskuwela sa wakas.
Ang amo ko ay marunong mag-Kastila. Hindi kayo makatatagpo ng ganitong
kamurang paaralan.”
Namuo ang luha sa mga mata ng matanda at dali-dali namang kinuha ni Juli
ang kanyang tampipi, inilagay sa ulo, at nagmamadaling pumanaog.
Nang lingunin niya ang kanilang bahay na pinanawan ng mga pangarap ng
kanyang kamusmusan at humubog sa kanyang katauhan, nakita niya itong nag-

70
iisa, malungkot, iniwanan. Ang mga bintana nito’y nakabukas nang bahagya na
waring walang naninirahan, madilim tulad ng mata ng isang matanda. Narinig
niya ang lagitik ng mga kawayan na waring namamaalam. Nanlumo ang
kanyang loob, tumigil siya, namuo ang luha sa mga mata, naupo sa nakahilig na
punò, saka umiyak nang umiyak.

Matagal nang nakaalis si Juli at mataas na ang araw nang maupo si Tandang
Selo sa may bintana para panoorin ang mga taong dumaraan na magaganda ang
kasuotan patungo sa misa mayor. Panay magkakahawak-kamay ang dumaraan
na ang ilan ay may dalang batà na bihís na bihís para sa Kapaskuhan.
Ang Pasko ng Pilipinas ayon sa matatanda ay para lámang sa mga batà. Ito ang
araw na ginigising silá nang maaga, nililinis, at binibihisan ng damit na magara.
Nagsisimba silá sa misa mayor na tumatagal nang halos ay isang oras. Nagtitiis
silá nang malabis sa init at nakahihilong amoy ng mga taong nagsisiksikan
at pawisan. Sa bawat galaw o kalikutan ng mga batà na makapagpaparumi
ng damit ay kurot o bulyaw ang kanilang napápalâ. Sa kanilang mga mata’y
mababasa na ibig pa nila ang pambahay na damit kaysa sa panggarang damit
na iyon.
Pagkatapos ng misa ililibot silá sa mga kamag-anak, mamamasko’t hahalik
ng kamay. Sa mga bahay na pupuntahan ay kailangan siláng sumayaw, kumanta,
o magpakita ng iba pang natatangi nilang kakayahan. Kalakip nito ang kurot
at galit kapag silá ay sumuway sa ipinagagawa sa kanila. Binibigyan silá ng

71
aginaldo ng kanilang mga kamag-anak na kadalasan ay kinukuha ng kanilang
mga magulang pagkatapos. Kayâ walang nalalabi sa kanilang alaala ng Pasko
maliban sa mga kurot, bulyaw, at galit na kanilang natamo. Iyan ang kinagisnang
ugali at ang mga batang Pilipino ay haharap sa ganyang pagsubok.
Ang mga may gulang na ay nakikibahagi rin sa ganitong pagsasaya sa
pamamagitan ng pagdalaw, pagluhod, at pagbati ng maligayang Pasko sa mga
magulang at kamag-anak.Ang kanilang mga aginaldo ay kung ano-anong bagay
na walang gaanong halaga.
Nakita ni Tandang Selo na nagdaan ang mga kaibigan at kamag-anak nila.
Nalungkot siya dahil wala siyang kayang ibigay sa kanila na anuman. Naalala
rin niya si Juli na hindi man lámang nakabati sa kanya ng maligayang Pasko.
Iyon kayâ ay sinasadya o nakalimutan lámang?
Nang dalawin siya ng mga kaibigan at kamag-anak ay wala siyang masabi,
maski pilitin niya ay walang lumabas na tinig. Pinilit niyang ngumiti ngunit
kumikinig lámang ang kanyang mga labì at walang marinig kundi impit na
tunog.
Nagtinginan at namangha ang mga babae.
“Napipi na! Napipi na!” ang tili ng mga nasindak na biglang nagkagulo.

Si Pilato
(Kabanata IX)

Nang kumalat ang balita ukol sa gayong kasawian, ang ilan ay naawa at ang
iba naman ay nagkibit lámang ng balikat.Walang masisi sa nangyari at ang lahat
ay walang kasalanan.
Walang pagbabago ang tenyente ng guardia civil nang tumanggap siya ng
utos na samsamin ang lahat ng sandata at ito’y tinupad niya nang lubusan.
Inuusig niya ang mga tulisan sa ábot ng kanyang makakaya at nang dakpin
si Kabesang Tales ay ginanap niya ang isang paglusob at iniuwing nakatali
nang ábot-siko ang lima o anim na magbubukid na pinaghihinalaan. Kung si
Kabesang Tales ay hindi nakita, ito ay sa dahilang wala siya sa bulsa o sa balát
man ng mga hinuling nabugbog sa palo.
Nagkibit-balikat ang tagapangasiwa ng mga prayle. Wala siyang kasalanan.
Tinupad lámang niya ang kanyang tungkulin. Totoo ngang kung hindi siya
nagsumbong ay hindi marahil sasamsamin ang mga sandata at hindi marahil
madarakip si Kabesang Tales. Ngunit siya, si Padre Clemente, ay kailangang
mag-ingat at hindi niya ibig ang mga tingin ni Tales. Ang pagtatanggol sa sarili
ay hindi masamâ. Hindi niya tungkulin ang mang-usig. Ito ay tungkulin ng
mga guardia civil. Kung sa halip na maglalakad ay nanatili si Kabesang Tales sa
kanyang tahanan, hindi siya makikidnap. Kung gayon, parusa iyon ng langit sa
mga lumalaban sa hinihingi ng korporasyon.

72
Si Hermana Penchang, ang matandang pinaglilingkuran ni Juli, na nakaaalam
din sa kasawiang ito ay nagsusmaryosep at nag-antanda nang makatatlo.
Nasabi niyang, “Madalas ipatikim sa atin ng Diyos ang ganyang parusa pagkat
táyo ay makasalanan o may mga nagkasala tayong kamag-anak na dapat sana’y
tinuruan natin ng kabanalan ngunit hindi natin ginawa.”
Tinutukoy niya si Juli na sa kanyang paningin ay makasalanan.
“Akalain mo, dalaga na at katunayan ay puwede nang mag-asawa pero hindi
pa marunong magdasal. Diyos ko, nakahihiya ang babaing ito! Nagdarasal ng
“Ama Namin” nang hindi man lang humihinto pagkatapos ng ‘sumaiyo nawa
ang Ama,’ tulad ng ginagawa ng lahat ng Kristiyanong maka-Diyos, maryosep!
Hindi niya alam ang mga pangkaraniwang dasal at kung magsalita ng Latin ay
may puntong Tagalog.”
Siya’y nag-antanda at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakadakip kay Kabesang
Tales upang ang kanyang anak na dalaga ay matubos sa kasalanan at maturuang
magdasal na kailangan ng lahat ng kababaihang Kristiyano, ayon sa mga prayle.
Dahil dito ikinulong niya si Juli sa bahay at hindi pinayagang bumalik sa nuno.
Si Juli ay kailangang mag-aral magdasal, magbasá ng polyetong ipinamimigay
ng mga prayle, at isulit ang dalawandaan at limampung halagang ibinabayad
niya rito.

73
Nang maláman niyang pumunta ng Maynila si Basilio para kunin ang
kanyang naiipon upang matubos si Juli sa paninilbihan, inisip ni Hermana
Penchang na walang isip si Juli kapag napadala sa demonyo na nag-aanyong
mag-aaral. Kabagot-bagot man ang sinasabi sa polyeto na ibinigay ng mga
prayle ay totoo naman ang sinasabi nito na ang mga kabataang napupunta sa
Maynila upang mag-aral ay nawawalan ng kaluluwa at nahihimok pa ang
iba upang magkagayon. At sa paniniwalang ito ang paraan upang iligtas si Juli,
pinagbasa niya ito nang pinagbasa ng polyeto ni Tandang Basyo—isang kilalang
babasahin ukol sa relihiyon—at hinikayat niya ito na pumuntang madalas sa
kumbento, tulad ng pangunahing tauhang babae sa polyeto na puring-puri ng
prayleng sumulat.
Samantala, ang mga prayle ay may dahilan upang magdiwang dahil sa
kanilang magandang kapalaran. Nanalo silá sa usapin, sinamantala nila ang
pagkakakidnap kay Kabesang Tales upang maibigay ang pamamahala sa
kanyang bukirin sa kaninumang kanilang maibigan nang walang pagkakapahiya.
Pagbalik ng dating may-ari at maláman ang nangyari, at makita niyang may iba
nang namamahala ng kanyang bukirin—ang kanyang bukirin na naging sanhi
ng pagkamatay ng kanyang asawa’t anak—at matagpuan ang kanyag ama na
hindi na makausap, at ang kanyang anak na si Juli na naglilingkod sa ibang tao,
at lalo na nang maláman niya ang utos ng hukuman na iwanan na niya ang
kanyang bahay sa loob ng tatlong araw, si Kabesang Tales ay hindi nakapagsalita
gaputok man.Tumabi siya sa kanyang ama at maghapong hindi nagsalita.

Kayamanan at Kagustuhan
(Kabanata X)

Nang sumunod na araw, nabigla ang mga kapitbahay nang dumating si


Simoun, ang mag-aalahas, at makituloy sa bahay ni Kabesang Tales. Kasáma
niya ang kanyang dalawang utusán na may dalang malalaking baul ng mga
alahas. Sa kabila ng kamalasan ni Tales hindi pa rin niya nalimot ang kaugaliang
mabuting pagtanggap ng panauhin. Kayâ nahihiya siya nang wala man lang
siyang maidulot sa banyagang panauhin. Subalit nagdala si Simoun ng sarili
niyang pagkain at utusán.Ang kailangan lámang niya ay ang matutuluyan nang
maghapon at magdamag. Marahil kina Tales siya nanuluyan dahil malápit ito sa
San Diego at Tiani na siyang pagmumulan ng kanyang mga mamimili.
Nagtanong si Simoun kay Kabesang Tales ukol sa kalagayan ng kalsada at
kung ang bitbit niyang rebolber ay sapat na upang maipagtanggol ang sarili
laban sa mga tulisan.
“May mga riple silá,”pakli ni Tales na wala sa sarili.
“Ang rebolber na ito ay pangmalayuan din,” sagot ni Simoun, sabay baril sa
punong may bunga na dalawandaang metro ang layo sa kanila.

74
Nakita ni Kabesang Tales ang paglaglag ng ilang bunga. Nanatili siyang
tahimik at may malalim na iniisip.
Isa-isang dumating ang mga mag-anak na naakit ng mga balitang alahas ni
Simoun. Nagbatian silá ng Maligayang Pasko, nagkuwentuhan ukol sa mga misa,
mga santo, at masasamang ani. Sa lahat ng iyon handa pa rin siláng gugulin ang
naiipon sa mga bato na gáling sa Europa. Kilalá ang mag-aalahas na kaibígan

75
ng kapitan heneral kayâ walang masamâ kung makipagkaibigan sa kanya, kung
sakaling…
Dumating si Kapitan Basiliong kasáma ang asawa at anak na si Sinang at
ang asawa nito. Handang gumugol ng mga tatlong libong piso.
Naroon si Hermana Penchang upang bumili ng diyamanteng singsing na
naipangako sa Birhen ng Antipolo: iniwan niya si Juli upang matutong mabuti
sa polyetong ipinagbili sa kanya ng prayle ng dalawang sentimos. Nagbibigay
ang arsobispo ng apatnapung araw na indulhensiya sa mga nakabasa o
nabasahan nito.
“Panginoon,” nawika ng mabuting ale kay Kapitana Tika. “Ang batang iyan
ay lumaki lámang na parang kabute! Pinabasa ko siya nang apatnapung ulit ng
polyeto ngunit wala siyang natandaan, parang basket na punô lámang habang
nása ilalim ng tubig. Pag nakinig táyong lahat sa kanya, kahit na ang áso at pusa,
ay magtatamo na ng kahit dalawampung taong indulhensiya sa ngayon.”
Inayos ni Simoun ang dalawang baul na dalá sa mesang nása harap niya.
“Natitiyak kong hindi ninyo maiibigan ang tubog lang sa ginto o pilak o
mga huwad na bato. Kayo,” dagdag niya, sabay harap kay Sinang, “natitiyak ko
ay ang brilyante ang gusto?”
“Tama kayo, ginoo, brilyante, matatandang brilyante, mga antigong bato,
alam na ninyo ang ibig kong sabihin. Babayaran ni Ama, dahil mahilig siya sa
antigo, sa matatandang bato.”
Ibig sana niyang magbiro ukol sa mabuting pagkakaalam ng kanyang ama
ng Latin at kung gaano naman kaunti ang nalalaman ng kanyang kabiyak ukol
dito.
“Nagkataon namang marami akó ritong mga alahas na antigo,” tugon ni
Simoun habang inaalis ang takip ng mas maliit na baul.
Ito’y kahong kumikinang ang palamuting tingga at may iba’t ibang
malalaking kandado.
“Mayroon akong kuwintas dito na dati ay kay Cleopatra. Natagpuan ito
sa mga piramide. Mayroon din akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga
mambabatas Romano na natagpuan sa labí ng guho sa Cartago…”
“Marahil yaong mga ipinadala ni Hannibal matapos ang digmaan sa Cannes,”
sambot ni Kapitan Basilio na pormal na pormal at nangangarap.
Ang butihing kapitan kahit na malawak ang nabása tungkol sa nakaraan
ay hindi pa nakakita ng mga ukol dito dahil sa kakulangan ng mga museo sa
Pilipinas.
“Nagdala rin akó ng mga mamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga
kaginingan sa Roma na natagpuan sa villa ng Anneis Mucius Papiline sa
Pompeii…”
Tumango si Kapitan Basilio bilang patunay na alam niya ang nauukol sa
mga bagay na ito. Sinabi ng mga kababaihang ibig din nilang makakita ng mga
bagay mula sa Roma, pero higit ang pagnanasà nila sa rosaryong nabendisyunan

76
ng papa—mga bagay na nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka
mangumpisal—at iba pang bagay ng debosyon.
Ang kahon ng mga alahas ay binuksan at ang unang makikita matapos
alisin ang pantakip na lana ay ang mga singsing, relikaryo, palawit ng kuwintas,
krus, at iba pa. Mga dramadeng enenggastehan ng iba’t ibang makukulay na
bato.
Inangat ni Simoun ang bandeha at ang lumitaw naman ay isang bungkos
ng mga alahas na makahahalina sa pagnanasà ng pitong dalaga sa gabi ng
pagpaparangal sa kanila. Narito ang mga kahanga-hangang mga disenyo, mga
perlas, at iba pang mahahalagang bato na pinagsama upang gayahin ang isang
kulisap na may bughaw na likod at nanganganinag na pakpak, mga sapiro,
esmeralda, rubi, at diyamante na hinubog sa tutubi, bubuyog, paruparo, ahas,
butiki, isda, mga bulaklak, kumpol ng ubas. May mga singsing at kuwintas na
perlas at diyamante na napakaganda kayâ hindi napigilan ng ilang kadalagahan
na mapabuntung-hininga, at si Sinang ay napapalatak sa paghanga. Kayâ hindi
napigilan ni Kapitana Tika na makurot ang anak kahit may asawa na sa takot
na tumaas ang halaga.
“Hayan ang mga antigong alahas,” bulalas ni Simoun. “Ang singsing ay
dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at ang mga hikaw sa dama ni Maria
Antoinette.”
Napakaganda ng mga solitaryong diyamante na kasinglaki ng butil ng mais
na napakinang.
“Ang mga hikaw na iyon,” sambit ni Sinang na ang mata ay nása ama, ngunit
nakahawak sa bisig ng ina.
Ang madasaling si Hermana Penchang ay nagpasya na ang paris ng hikaw
na iyon, kapag ibinigay sa Birhen ng Antipolo, ay magpapaunlak sa kanyang
kahilingan. Matagal na niyang ipinananalangin na pagmilagruhan sana siya
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng búhay na walang hanggan sa lupa at
gayundin sa langit. Katulad ni Kapitana Ines na laging ikinukuwento ng mga
prayle. Itinanong niya ang presyo ng hikaw kay Simoun. Ang gusto nito ay
tatlong libo. Napakrus ang matandang babae at nagwikang “Diyos ko!”
Binuksan ni Simoun ang ikatlong bandeha.
Ito ay punô ng mga relo, pitaka, relikaryo, at iba pang napapalamutian ng
brilyante.
Ang ikaapat na bandeha ay naglalaman ng sari-saring bato at nang ito’y
makita ng lahat, bawat isa ay may bulong ng paghanga. Napapalatak na muli
si Sinang na naging dahilan upang makurot siyang muli ng kanyang ina na
napapasusmaryosep sa kanyang nakikita.
Hindi pa silá nakakikita ng ganoong kaganda at karaming kayamanan.
Sa lalagyan na bandeha na natatakpan ng asul na gamusa, ang panaginip
na isang libo at isang gabi ay nagkatotoo. Mga brilyanteng naglalakihan at
nagkikinangan, esmeraldang gáling pa sa Peru na iba-iba ang hubog at tapyas,

77
mga rubi ng India na parang patak ng dugo, mga puting sapiro buhat pa sa
Ceylon, mga perlas mula sa Silangan. May kinang nang higit pa sa mga bituin
sa asul na kalangitan.
Upang lalong pahangain ang mga nakamasid, hinalo ni Simoun ang mga
bato ng kanyang kayumangging kamay. Makikita ang kanyang pagmamalaki sa
nagkikinangang mga bato na parang bahaghari. Si Kabesang Tales na lumapit
upang makiusyoso ay napapikit at kara-karakang lumayo na parang umiiwas
sa tukso. Ang napakaraming kayamanang ito ay parang paghamak sa kanyang
kasawiang-palad. Ang lalaking ito ay dumating upang magpakita ng kanyang
labis-labis na kayamanan sa panahong siya, si Tales, dahil sa kakulangan ng
salapi at kawalan ng kakilalang tinitingala sa lipunan, ay kailangang iwan ang
kanyang tahanang itinayo sa pamamagitan ng kanyang mga kamay.
“Mayroon táyo ritong dalawang brilyante negra, pinakamalaki sa lahat,”
pahayag ng mag-aalahas. “Napakahirap nitong tabasin dahil napakatigas. Ang
mapula-pulang batong ito ay brilyante rin;ang berde ring ito ay mapagkakamalang
esmeralda. Ang Intsik na si Quiroga ay nag-alok sa akin ng anim na libong piso
para ipangregalo niya sa isang makapangyarihang babae.Ang mga berdeng ito ay
hindi kasingmahal ng mga asul na ito.”
Itinabi niya ang tatlong bato, hindi gaanong malaki, ngunit mabigat, at
magagandang tabas na asuhan.
“Ang mga ito’y may kaliitan kaysa sa mga berdeng iyon, subalit higit ang
kamahalan nito. Halimbawa, ang isang ito, ang pinakamaliit sa tatlo, na wala
pang dalawang karat ang timbang, ay ipinagbili sa akin ng dalawampung libong
piso, kayâ hindi ko ito maibibigay nang mababa sa tatlumpu. Kinakailangan
ko pa ang espesyal na paglalakbay bago ko iyan nakuha. Ang isang ito ay
natagpuan sa minahan ng Golkonda, may bigat itong tatlo’t kalahating karat
at nagkakahalaga ng mahigit sa pitumpung libong piso. Ang birey ng India ay
binibili ito nang di bababa sa labindalawang libong pounds sterling.”
Sa harap ng ganito karaming kayamanan na pag-aari lámang ng isang tao,
ang lahat ay nagitla dahil sa magkahalong takot at paghanga. Napapalatak
na muli si Sinang ngunit hindi na siya kinurot ng kanyang ina dahil matapos
marinig si Simoun, naniniwala siya na hindi ito magtataas ng presyo ng ganoon-
ganoon lámang. Lahat ay humanga sa mga batong ipinakita, ngunit walang
nagkalakas-loob na humipo man lámang. Nakamasid si Kabesang Tales sa
kanyang bukirin. Sa isa lámang sa mga brilyanteng iyon, kahit ang pinakamaliit
lámang, mababawi na niya si Juli, maililigtas niya ang kanyang tahanan, at
marahil ay makapaghahawang muli ng ibang bukirin. Diyos ko, ang isa lámang
sa mga batong iyon ay katumbas ng isang tahanan, seguridad ng anak na babae,
at kapayapaan ng matanda sa kanyang hulíng mga araw!
Wari’y nabása ni Simoun ang iniisip ni Kabesang Tales kayâ nagwika ito sa
mga nakapaligid:

78
“Tingnan ninyo, sa isa lámang sa mga asul na batong ito na nairegalo
sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ng
pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggugulo
sa kapayapaan ng lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito, mapula,
simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa paghihiganti, singkinang ng luha
ng ulila, muling natamo ang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama sa
mga anak, at sa kanyang asawa at ang buong pamilya’y nailigtas sa miserableng
hinaharap.”
Tinapik-tapik ni Simoun ang lalagyan at sinabi sa masamang Tagalog:
“Narito, tulad ng sa manggagamot, nása akin ang búhay at kamatayan, lason,
at panlunas. Sa aking kapangyarihan ay maaari akong magdulot ng kalagiman
sa mga tao sa Pilipinas.”
Namangha ang lahat sa takot dahil alam nilang totoo ang kanyang sinasabi.
May kakaibang timbre ang tinig ni Simoun.
Upang mabago ang usapan, inangat ni Simoun ang hulíng bandeha at
mamamalas ang pinakailalim ng baul na kinalalagyan ng kanyang mga kahitang
pinaghihiwalay ng bulak na lana at nalilinyahan ng abuhing gamusa. Lahat ay
nag-aabang ng iba pang makikita.
“Ito ang kuwintas ni Cleopatra,” pahayag ni Simoun, habang ipinakikita ang
kahong tulad ng kalahating buwan.“Ito ang hiyas na di matiyak ang halaga; ito
ay para sa museo ngunit mayayamang pamahalaan lámang ang makabibili nito.”
Ang kuwintas ay binubuo ng kabit-kabit na ginintuang idolo, mga asul na
mga ayos anitong uwang na pinagsusugpong sa gitna ng isang ulo ng buwitre
na gawa sa bato, at ang kilabot ay katangi-tangi na napapagitna sa dalawang
pakpak na simbolo ng mga reyna sa Ehipto.
Napakunot-noo si Sinang sa nakita at napalabì na parang batà. Si Kapitan
Basilio ay hindi rin makapaniwala sa nakita.
“Isang dakilang hiyas, napangalagaang mabuti. Ito ay halos dalawang libong
taon na.”
Inilabas ni Sinang ang buntung-hininga upang huwag maakit ang ama na
bumili.
“Hangal!” pagalit na wika ng ama na nabawi na ang unang damdamin ng
kabiguan.
“Malay mo, bakâ ang kuwintas na ito ang nananagot sa kalagayan ng
buong mundo sa kasalukuyan! Maaaring ito ang dahilan kayâ nabihag ni
Cleopatra si Mark Anthony, maaaring narinig nito ang pagmamahalan ng
dalawang pinakamagaling na mandirigma ng kanilang panahon. Mapalad ang
makapagsusuot nito!”
“Akó? Hindi ko iyan bibilhin kahit na tatlong piso.”
“Hangal!” pakli ni Kapitana Tika na parang maraming alam. “Maaaring
mabili ng beinte. Mahusay ang ginto at maaaring ipatunaw upang mabago.”

79
“Ang singsing na ito ay pag-aari ni Sulla,” tuloy ni Simoun.
Ito ay malapad na singsing na ginto, makapal, at selyado.
“Maaaring ito ang sagisag ng kanyang diktadura noong kanyang panahon,”
sambit ni Kapitan Basilio na punong-puno ng damdamin.
Sinuri niya ang singsing at pilit na inuunawa ngunit dahil sa kakulangan ng
pang-unawa sa paleolohiya ay walang masabi.
“Napakalaki naman ng singsing na ito ni Sulla,” nawika niya sa wakas.
“Dalawa na ito ng daliri ko. Sabagay katulad ng lagi kong nasasabi táyo ay
tumutungo sa pagbagsak.”
“Marami pa akong ibang hiyas…”
“Kung lahat ay kauri niyan, di bale na lang, salamat,” tanggi ni Sinang.“Higit
kong nais ang mga makabagong disenyo.”
Pumili silá—isang bato, singsing, relo, at laket. Binili ni Kapitana Tika ang
relikaryong naglalaman ng tapyas ng batong pinamahingahan ng Panginoong
Jesukristo matapos ang ikatlo niyang pagkakaluhod papunta sa Bundok ng
Kalbaryo. Kay Sinang ay isang paris ng hikaw, kay Kapitan Basilio ay ang relong
nása pinong kadena para sa tenyente, pambabaeng hikaw para sa prayle sa
parokya, at iba pang regalo. Ang mga pamilya mula sa Tiani, upang makipantay
sa mga taga-San Diego, ay inuubos din ang laman ng kanilang bulsa.
Si Simoun ay namimili rin ng matatandang hiyas at handang makipagpalit.
Ang ilang maybahay ay may dalang ilang pirasong hiyas na hindi na nila
naiibigan.
“Kayo, ginoo, wala ba kayong ipagbibili?” tanong ni Simoun kay Kabesang
Tales na nakamatang mabuti sa lahat ng pangyayari.
Sinabi ni Kabesang Tales na ang lahat ng hiyas ng kanyang anak na babae
ay naipagbili na at wala nang mahalagang natira pa.
“Ang relikaryo ni Maria Clara?” tanong ni Sinang.
“Tama!” bulalas ni Tales na nangingislap ang mata.
“Ang relikaryong iyon ay may brilyante at esmeralda,” pagpapahayag ni
Sinang sa mag-aalahas. “Lagi itong isinusuot ng kaibigan ko noon bago siya
magmongha.”
Hindi kumibo si Simoun. Pinagmamasdan niya si Kabesang Tales.
Matapos maghanap sa iba’t ibang lalagyan, natagpuan sa wakas ni Tales
ang hiyas. Pinag-aralan ito ni Simoun, binubuksan at isinasara nang ilang ulit.
Ito ang relikaryo na suot ni Maria Clara na ibinigay sa ketongin noong araw ng
pista sa San Diego.
“Gusto ko ang disenyo,” sabi ni Simoun.“Magkano mo ipagbibili?”
Napakamot ng ulo si Kabesang Tales.
“Nagustuhan ko,” tuloy ni Simoun.“Ipagbibili mo ba ito ng limang daan? O
ibig mong ipalit ng ibang hiyas? Pumili ka.”

80
Hindi makapagsalita si Kabesang Tales. Wari’y hindi narinig ang sinabi ni
Simoun.
“Limang daang piso?” tanong niya.
“Limang daang piso,” sagot ni Simoun sa kakaibang tinig.
Kinuha ni Kabesang Tales ang relikaryo at biniling-biling. Nanginginig
ang kanyang mga kamay. Halimbawang humingi siya ng karagdagan pa?
Matutulungan nito silang lahat. Ito’y isang magandang pagkakataong hindi na
muling magbabalik.
Ang lahat ng kababaihan ay sumesenyas na ipagbili niya na maliban kay
Hermana Penchang na sa takot na matubos na si Juli ay nagwikang:
“Kung ako’y itatabi ko na lang ang relikaryo. Ang mga nakakita kay Maria
Clara sa kumbento ay nagsasabing siya’y napakapayat at halos hindi nagsasalita.
Naniniwala silang mamamatay siyang isang santa. Mataas ang pagtingin sa
kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyan ang dahilan
kung bakit pinili pa ni Juli ang magpaalila kaysa ipagbili ang relikaryo.”
Tumalab ang kanyang sinabi.
Nagitla si Kabesang Tales sa pag-alala sa kanyang anak na babae.
“Kung tutulutan ninyo,” wika niya.“Pupunta akó sa bayan at tatanungin ko
ang aking anak. Makakabalik akó bago gumabi.”
Nagkasundo silá kayâ mabilis lumisan si Kabesang Tales.
Ngunit nang mapadaan siya sa kanyang bukid, natanaw niya ang
administrador ng mga prayle at ang bagong nagsasaka ng kanyang bukirin.
Matindi pa sa asawang nakahuli sa kanyang kabiyak na gumagawa ng kataksilan
ang nadama niyang sakít. Parang nakikini-kinita niyang siya’y pinagtatawanan
at nililibak ng dalawa. Nagunita niya ang kanyang isinumpang hindi niya
ibibigay ang lupain maliban sa sinumang makapagdidilig dito ng sarili niyang
dugo.
Huminto siya, tinutop ang noo, at napapikit. Nang imulat niya ang kanyang
mga mata, nakita niya ang bagong magsasaká ng bukid niya at ang administrador
ng mga prayle na nagkakatawanan. Itinuturo pa ng mga ito ang kanyang bahay
at sakâ muling nagtatawanan.
Parang nag-init ang kanyang punong tainga. Dumalas ang pintig ng kanyang
mga pulso at parang nakikita niya sa pulang papawirin ang kanyang namatay
na asawa’t anak.
Nakalimot siya sa kanyang sarili at nagmamadaling bumalik.Tinunton niya
ang daan tungo sa dati niyang bukirin.
Naghintay sa wala si Simoun nang gabing iyon.
Kinabukasan, nakita niyang wala na ang kanyang rebolber sa kinalalagyan.
Nang tingnan niyang mabuti ang lalagyan ang nasumpungan niya ay sulat sa
loob at naroon ang relikaryo.

81
Ginoo,
Patawarin mo akó, kinuha ko ang iyong pag-aari gayong ikaw ay aking panauhin.
Kapalit ng aking kinuha ay narito ang relikaryo na alam kong naibigan ninyo. Kailangan
ko ang sandata. Lumisan akó upang sumama na sa mga tulisan. Pinapayuhan ko
kayong huwag nang magpatuloy, dahil kapag bumagsak kayo sa aming mga kamay
ay hindi ko na kayo aariing panauhin at malaki ang hihingin naming kapalit.
Telesforo Juan de Dios

“Sa wakas ay mayroon na akong tauhan,” buntung hininga ni Simoun.“May


katigasan. Ngunit lalong magaling. Hindi siya magtataksil sa kanyang sinabi.”
Inutusan niya ang kanyang utusán na mauna na sa San Diego at susunod na
siya. Sa ilog na raw silá dumaan at siya naman ay sa lupa na bitbit ang lalagyan
ng kanyang mga hinahangaang hiyas.
Dumating ang mga guardia civil upang dakpin si Kabesang Tales. Nang
hindi siya makita ang dinala ay si Tandang Selo, ang ama.
Tatlong pagpatay ang naganap nang sinundang gabi. Ang administrador
ng mga prayle at bagong magsasaká ng lupain ni Tales. Baság ang bungo at
punô ng lupa ang mga bibig. Ang asawa ng bagong magsasaká ng lupain ay
natagpuan ding patay noong madaling araw, ang bibig din nito ay punô ng lupa
at tagpas ang leeg.
Sa tabi niya ay may natagpuang papel na may sulat dugo na Tales.
Huwag kayong mabahala, mapayapang mga mamamayan ng Kalamba.
Wala sa inyong tinatawag na Tales. Wala sa inyong gumawa ng krimen! Kayo’y
tinatawag na Luis Hallana, Matias Belarmino, Nicasion Egasani, Cayetano de
Jesus, Mateo Elejorde, Leandro Lopez, Antonio Lopez, Silvestre Ubaldo, Manuel
Hidalgo, Paciano Mercado—kayo ang bumubuo sa Kalamba! Hinawan ninyo
ang inyong mga bukirin, ginugol ninyo dito ang lahat ninyong lakas, naiipon,
di makatulog na mga gabi, pagkatapos kayo pa ang kinuhanan, pinaalis sa
inyong mga tahanan. Hindi pa silá nasiyahang guluhin ang kapayapaan. Sinira
nila ang pinakabanal na tradisyon ng ating bayan. Naglingkod kayo sa Espanya
at sa hari, subalit nang kayo ay humingi ng katarungan sa kanilang pangalan
ay ipiniit kayo ng walang pagdulog at inilayo sa inyong mga asawa’t anak.
Sinuman sa inyo ay nagdanas ng sinapit ni Kabesang Tales ngunit wala ni
isa man sa inyong naglagay ng batas sa kanyang mga kamay. Wala man lang
habag o makataong pagtingin sa inyo. At tulad ni Mariano Herbosa kayo ay
ibinilanggo nang higit pa sa kamatayan. Tumangis ka o lumuha man sa mga
pulóng ito habang nakikipagsapalaran sa di matiyak na hinaharap.Ang Espanya,
mapagbigay na Espanya, ay nakamasid at sa malaon ma’t madali ay matatamo
ninyo ang katarungan!

82
Ang mga Tagô at Hayag na Adhikain
(Mga Kabanata XI–XVIII)
“Ang karunungan ay kayamanang pinalalago
para sa katarungan at kalayaan.”

Los Baños
(Kabanata XI)

Ang kanyang kamahalan, ang kapitan heneral sa Pilipinas, ay nagtungo sa


Bosuboso upang mangaso. Subalit dahil sa ang kanyang kamahalan ay may
kasáma pang banda ng musiko sa prusisyon ng mga kawani, mga matataas na
tao, at mga prayle ay walang nahúli ni isa mang ibon o daga.
Dahil dito ay nabahala ang mga pinunò ng lalawigan na bakâ silá ay maalis
o malipat ng katungkulan. Balisa ang mga kawawang punungbayan kayâ
hindi makatulog. Natatakot siláng ang mga mistulang Diyos na mangangaso
ay makaisip na silá na lámang ang ipalit sa mga hinahanap na baboy-ramo.
Tulad ng mga nakaraang taon, ang kapitan ng lalawigan ay pinasan ng mga
manggagawa ng daan dahil sa walang mapiling kabayong mapagkakatiwalaan.

Ang katotohanan, ang kanyang kamahalan ay lihim na nasisiyahan at


nagagalak. Ano ang maaaring mangyari kung hindi siya makatama ng baboy-
ramo? Ano na lámang ang sasabihin sa kanya? Isang baguhan sa larangan ng
pangangaso? Ano na lámang ang masasabi sa kanya ng mga Indio na asintado
sa pamamaril? Kung magkagayon ang kanyang karangalan ang malalagay sa
alanganin.
83
Kagyat na ipinag-utos ng kanyang kamahalan ang pagbabalik sa Los Baños.
Habang sa daan ay ikinukuwento niya ang kanyang mga naging karanasan sa
pangangaso sa iba’t ibang panig ng kapuluan at tinuran niyang hindi niya
gaanong naibigan ang pangangaso sa Pilipinas. Tinuran niyang higit pa niyang
naiibigan ang paliligo sa Dampalit; ang pagpapaaraw sa baybayin ng lawa; ang
pamamasyal sa mga kalapit na talon o sa lawang tinitirhan ng mga buwaya.
Nang mga hulíng araw ng Disyembre, ang kanyang kamahalan ay
matatagpuang naglalaro ng baraha sa sála habang naghihintay ng pananghalian.
Katatapos lámang niyang maligo at siya’y umiinom ng sabaw ng buko at
masayáng kumakain ng lamáng pumapaibabaw sa kanyang iniinom. Nása
masayáng kalagayan ang kapitan heneral para hingan ng mga pagbibigay at
karapatan. Lalo pa siyang pinasigla ng kanyang mga pagwawagi laban kina
Padre Irene at Padre Sibyla na talagang sinasadya namang magpatalo sa kanya.
Inis na inis naman sa panonood si Padre Camorra na kararating lámang at
walang malay sa mga nagaganap. Ang prayle ay may magandang layunin sa
paglalaro at nag-iisip na mabuti. Namumula siya at nakakagat ang labì tuwing
mamamali ng tíra ng baraha pero hindi kumikibo dalá ng paggalang sa
Dominiko. Si Padre Irene ang napagsasalitaan niya dahil sa hindi niya ibig ang
panloloko at kagaspangan nito. Hindi man lang tinitingnan ni Padre Sibyla si
Padre Irene kahit may sinasabi ito. Natutuwa ang kanyang kamahalan sa mga
pagkakamali ng mga prayle.
Malakas at sariwang hangin ang nanggagaling sa bukás na asotea na
nakatapat sa lawa. Sa may di kalayuan sa bandang kanan ay matatanaw ang
Pulo ng Talim—matingkad na bughaw sa gitna ng lawa. Halos katapat nito
ang walang taong pulo ng Kalamba, luntian, at may hugis na parang kalahati
ng buwan. At sa kaliwa ay matatagpuan ang kahali-halinang dalampasigang
kinaroroonan ng maraming kawayan, pati ang buról na nakayungyong sa
lawa. Sa kabila nito ang may tanim na bukirin, at mga pulahang bubong sa
gitna ng mga luntiang punò. At sa wakas ang dalampasigan na halos hindi
na matanaw sa kalayuan at nilulubugan ng ulap na nagbibigay ng hitsurang
parang dagat sa lawa. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na “matamis na tubig-
dagat” ang nasabing lugar.
Sa isang dulo ng sála, makikita ang kalihim na nakaupo sa harap ng mesang
maraming papel sa ibabaw.Ang kanyang kamahalan ay masipag at ayaw na may
maaaksayang panahon. Kayâ habang nagbabaraha ay tinutugunan ang kanyang
mga gawaing opisyal.
Sa ganitong mga pagkakataon ang kalihim ay nagpapabuntong-hininga sa
kawalan ng pag-asa. Nang umagang iyon halos lahat na ay nabigyan nila ng
pansin tulad ng paglilipat, suspensyon, pagpapatapon, kasunduan. Subalit hindi
pa nila nagpagtutuunan ng pansin ang mahalagang usapin na nakatatawag
ng pansin ng marami—ang kahilingan ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng
akademya ng wikang Kastila.

84
Tatlong ginoo—Don Custodio, mataas na kawani, at isang prayle na
tinatawag na Padre Fernandez—ay nakayuko na parang nawawalan ng pag-asa.
Palakad-lakad silá sa loob ng silid. Sa kalapit-silid maririnig ang tunog ng mga
naggugulungang bola at tawanan. Gayon din ang tuyot na tinig ni Simoun—
ang mag-aalahas na nakikipagbilyar kay Ben Zayb.
Bigla na lámang tumayo si Padre Camorra at inihagis ang dalawang baraha
sa kamay sa ulo ni Padre Irene.
“Naku, si Jesukristo man ay hindi papalit sa lugar ko. Naku, para akong
ninakawan. Si Jesukristo man ay hindi makatatagal!”
Matindi ang kanyang gálit kayâ tinawag ang lahat ng nása silid lalo na ang
tatlong nanonood upang humatol. Nakalalamang ang heneral sa kanya.
“Ang minamahal na matandang ito,” ang dagdag pa niya na namumula sa
gálit, “ay parang nag-iisip na akó ay namimitas lámang ng pera sa punò. Isipin
na lang na ang mga Indio ay nagsisimula nang lumaban.”
Sinisikap ni Padre Irene na magpaliwanag at kinuskos ang ilong na wari`y
nangingiti, ngunit dumagok si Padre Camorra sa mesa at nagtungo sa silid-
bilyaran.
“Ibig mo bang sumali, Padre Fernandez?” tanong ni Padre Sibyla.
“Masamâ akong manlalaro,” sagot niya sa kanyang kapwa Dominiko na
nakakunot ang noo.
“Kung ganoon ay kailangan natin si Simoun,” pakli ng kapitan heneral.
“Simoun, nandiyan ka ba? Ibig mo bang makisali?”
“Ano ang pasiya ninyo ukol sa maliliit na armas?” tanong ng kalihim na
sinasamantala ang pagkakataon.
Sumilip si Simoun sa silid-bilyaran.
“Ibig mo bang pumalit sa lugar ni Padre Camorra, Ginoong Sinbad d`
Seylor?” tanong ni Padre Irene.“Magagamit mo ang iyong mga brilyante bilang
pantaya.”
“Hindi akó tumututol,” sagot ni Simoun habang papalapit sa mesa na inaalis
pa ang mugmog ng tisa sa mga kamay.“At ano naman ang inyong itataya?”
“Ano nga ba?” ulit ni Padre Sibyla.“Ang kapitan ay makagagawa ng kahit na
anong naisin, ngunit kaming mga prayle . . .”
“Bah,” pútol ni Simoun, “kayo ni Padre Irene ay makapagbabayad ng mga
gawa ng kabutihan, pananalangin, pagbibigay, hindi ba?”
“Alam mo,” sagot ni Padre Sibyla, “na kahit na anong pagpapahalaga o
kabutihan ay hindi naipagpapása-pása o naipagbibili na tulad ng isang brilyante.
Ito ay nananatili sa tao.”
“Kung ganoon ay masisiyahan na akó sa mga salita,” pakli ni Simoun.
“Kayo, Padre Sibyla, sa halip na magbigay sa akin ng limang kapalit ay
magsasabi halimbawa ng, ‘Akó ay tumatanggi sa kahirapan, pagkamababang-
loob, at pagkamasunurin sa loob ng limang araw,’ at ikaw Padre Irene, ‘Akó ay
tumatanggi sa pagtitimpi sa sarili at pagbibigay sa kapwa at iba pa.’ Tingnan
ninyo, napakaliit na mga bagay kung ihahambing sa aking mga brilyante.”
85
“Napakakakaiba ng katauhan nitong si Simoun,” tawa ni Padre Irene.
“Mahusay magpalaman ng mga salita!”
“At ito,” pagpapatuloy ni Simoun sabay tapik sa balikat ng kapitan-heneral.
“Siya ay magbabayad sa akin ng limang pag-uutos ng pagpapakulong, 50 sa
limang buwan, dalawandaang pagpapatapon, at limandaang pagpapapatay
habang nagpapalipat-lipat sa iba’t ibang lugar.”
Kakaiba ang hámon. Ang tatlong tagamasid ay lumapit.
“Napapagod na ang tainga ko sa pagdinig sa mga kabutihan. Ibig kong
ilagay itong lahat sa sako at ihulog sa dagat na ang gagamiting pampabigat ay
ang aking mga brilyante.”
“Ang uri ng kagustuhan,” sambot ni Padre Irene,“at ang mga pagpapatapon
at pagpapapatay?”
“Bakit? Upang linisin ang bayan at wasakin ang binhi na masamâ.”
“Galít lang kayo hanggang ngayon sa mga tulisan.Tingnan ninyo, maaaring
hiningan pa kayo ng mas malaking halaga o kuning lahat ang inyong mga
alahas. Huwag kayong mawalan ng utang na loob, ginoo!”
Sinabi ni Simoun sa kanila na siya ay binimbin ng mga tulisan na matapos
ang isang araw ay pinalaya siya at kinuha ang kanyang dalawang rebolber
bilang kapalit. At sinabi pa niyang ipinaaabot ng mga tulisan ang kanilang
pangungumusta sa kapitan heneral.
Dahil sa ganitong pangyayari at sa sinabi ni Simoun na ang mga tulisan ay
kompleto sa armas tulad ng riple at mga rebolber at nagpalabas ng kautusan
ang kapitan-heneral ukol sa mga armas upang maiwasan ng mga tulisan ang
pagkakaroon ng karagdagang mga armas sa hinaharap.
“Kabalintunaan,” pagmamatuwid ni Simoun. “Sa aking palagay, ang mga
tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan. Silá lámang
ang nagpapagod para sa araw-araw nilang pagkain. Sa palagay ba ninyo kung
nahulog akó sa mga kamay halimbawa ni Padre Irene ay pababayaan niya
akong makaalis nang hindi hinihingi ang kalahati sa aking mga dalang alahas?”
Magsasalita sana si Don Custodio upang tumutol. Ang Simoung ito ay walang
pag-aalinlangang isang Amerikanong Mulato na may magaspang na ugali na
nagsasamantala sa pakikipagkaibigan sa kapitan heneral upang alipustahin si
Padre Irene (kahit totoong hindi papayag si Padre Ireneng palayain si Simoun
na kapalit ng kaunting halaga).
“Ang suliranin ay hindi ang pagkakaroon ng tulisan sa bundok kung hindi
ang pagkakaroon ng mga tulisan sa mga bayan,” ani Simoun.
“Tulad mo,” pakli ng paring Canonigo.
“Oo, tulad ko, tulad natin. Maging tapat táyo,” pagpapatuloy ng mag-aalahas,
“wala namang Indio na makaririnig sa atin. Ang totoo’y mga tulisan din táyo.
Hindi nga lámang mga nakikilala. Sa oras na tayo’y mamundok na at doo’y
manirahan, mapapayapa na ang bayang ito at mamumuhay na nang tahimik.
At sa gayon ang kanyang kamahalan ay matiwasay nang makapaglalaro ng
baraha nang hindi na kailangang linlangin ng kanyang kalihim.”
86
Ang kalihim ay naghikab sabay unat sa buong katawan habang nakaupo.
Napabulalas ng tawa ang lahat nang makita siya. Hindi naibigan ng
kanyang kamahalan ang kinapupuntahan ng usapan kayâ inilapag ang kanyang
mga baraha sa mesa at nagsalita sa pormal na tinig:
“Tama na ang mga laro at biruan; magtrabaho na táyo. Pag-usapan natin ang
higit na mga seryosong bagay. Kalahating oras pa bago mananghalian. Marami
pa bang dapat pag-usapan?”
Lahat ay natawagan ng pansin. Ang tatalakayin nang araw na iyon ay ang
akademya ng wikang Kastila. Ilang araw na itong pinakahihintay nina Padre
Sibyla at Padre Irene. Alam ng lahat na ang una ay laban dito, at ang pangalawa
ay para naman dito.
“Ano ang dapat pagpasyahan?” tanong ng kanyang kamahalan.
“Ang ukol po sa mahihinang kalibreng sandata,” ang sagot ng kalihim
habang naghihikab.
“Ipagbawal ang pagkakaroon nito.”
“Subalit, heneral,” tutol ng mataas na kawani. “Tulutan akó ng kanyang
kamahalan na sabihin na ang pagkakaroon nito ay pinahihintulutan sa buong
daigdig.”
Napakibit-balikat ang heneral.
“Hindi natin pinaparisan ang alin mang bansa sa buong daigdig,” tuyot
niyang sagot.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang kapitan-heneral at ang mataas na
kawani.
Nadama ng mataas na kawani na kailangan niyang baguhin ang kanyang
estratehiya.
“Ang mahihinang kalibreng mga sandata ay makapapatay lámang sa mga
daga at manok,” panimula niya,“maaaring sabihing . . .”
“Na táyo ay may pusong parang sa manok lámang?” tanong ng heneral,
sabay kibit-balikat.“Ano sa akin? Napatunayan ko nang iya’y hindi totoo.”
“Isa pa,” sambot ng kalihim, “apat na buwan na ang nakalipas nang
ipagbawal ang pagdadala ng sandata. Binigyan natin ng kasiguraduhan ang
mga dayuhang tagapagluwas na ang mga sandatang may mahihinang kalibre
ay hindi ipagbabawal.”
Napakunot-noo ang kanyang kamahalan.
“May paraan pa,” sabi ni Simoun.
“Ano?”
“Napakasimple. Ang halos lahat ng mahihinang sandata ay may kalibreng
anim na milimetro, ’yun man lang mga ipinagbibili. Gawin nating legal ang
pagbibili ng mga sandatang walang anim na milimetro ang kalibre.”
Sumang-ayon ang lahat kay Simoun maliban sa mataas na kawani. Bumulong
ito kay Padre Fernandez na nagsasabing ang mga ganitong pagpapasiya ay
hindi pormal. At hindi ito matatawag na maayos na pamamahala.

87
“Ang guro sa Tiani,” patuloy ng kalihim, habang tinitingnan ang mga papel
sa kanyang harapan,“ay humihingi ng higit na maayos na paaralan.”
“Mas maayos na paaralan!” pútol ni Padre Camorra na bagong nakiumpok
sa pangkat.“Kanyang-kanya na ang isang buong kamalig!”
“Sinabi niyang wala na raw itong bubong,” tuloy ng kalihim,“dahil dito ay
nababasâ raw ang kanyang biniling mga mapa at larawan mula sa sarili niyang
bulsa.”
“Wala akong kinalaman diyan,” pahayag ng kanyang kamahalan. “Ang
sinulatan niya sana ay ang direktor pampangasiwaan, ang gobernador ng
lalawigan.”
“Ang sinasabi ko sa inyo,” bulalas ni Padre Camorra, “na ang gurong ito ay
isang walang kasiyahang pipitsuging manunulsol. Ipinagkakalat nito na
mabendisyunan man o hindi ang isang namatay ay mabubulok din naman.
Isang araw ay bibigwasan ko na lámang ito sa mukha!”
At kinuyom ni Padre Camorra ang kanyang palad.
“Para sabihin ko ang totoo,” pahayag ni Padre Camorra na kinakausap si
Padre Irene,“sinumang ibig magturo ay makapagtuturo. Si Socrates ay nagturo
sa mga plasa, si Pilato sa ilalim ng mga punò sa paaralan, at si Kristo sa mga
bundok at lawa.”
“Marami akong natatanggap na reklamo sa gurong iyan,” pahayag ng
kanyang kamahalan, na nakipagpalitan ng tingin kay Simoun. “Mabuti pa ay
suspendihin iyan.”
“Suspendihin,” ulit ng kalihim.
Nahabag ang mataas na kawani sa sinapit ng guro na matapos humingi ng
tulong at sa halip tulungan ay inalisan pa ng hanapbuhay. Hinahangad niyang
makatulong sa taong ito.
“Walang pag-aalinlangan,” mungkahi niya na parang natitigilan, “na ang
pasilidad pang-edukasyon ay hindi napaglalaanan ng pansin.”
“Malaking halaga na ang napalabas ko para sa mga kagamitang
pampagtuturo,” pakli ng kanyang kamahalan na parang sinasabi na nagawa na
niya ang higit pa sa dapat niyang gawin.
“Subalit dahil sa kakulangan ng maayos na paaralan ay nawawalang-saysay
ang anumang biniling kagamitan.”
“Hindi natin magagawa ang lahat nang sabay-sabay,” putol ng kanyang
kamahalan.“Isang kamalian sa isang guro na humingi ng paaralan gayong ang
kanyang mga kababayan ay ni walang sapat na pagkain. Kalabisan ang humingi
ng mahigit na mabuting kalagayan kaysa sa Inang Bayan, ang Espanya.”
“Ang Inang Bayan munang Espanya bago ang lahat lalo na sa ating mga
Kastila,” dagdag ni Ben Zayb na nangingislap ang mata sa pagmamahal sa
kanyang bayan, ngunit siya’y namula nang makitang walang nakikiisa sa kanya.
“Mula ngayon,” salita ng heneral na pinuputol ang pagtatalo-talo,“sinumang
umangal ay masususpindi.”

88
“Kung sasang-ayunan ang aking mungkahi,” bulong ni Don Custodio na
parang kinakausap ang sarili.
“Tungkol sa mga bahay-paaralan?”
“Ito ay simple, praktikal, at ekonomikal tulad ng lahat kong mga panukala,
na bunga ng aking mahabang karanasan at kaalaman sa bayan. Magkakaroon
ng bahay-paaralan nang hindi gagasta ng kahit isang sentimo ang pamahalaan.”
“Anong ibig mong sabihin,” pakli ng kalihim, “na ang mga bayan ay
magpapatayo ng mga bahay-paaralan na silá ang gugugol?”
Nagtawanan ang lahat.
“Hindi sa ganoon,” sagot ni Don Custodio na namumula sa pagkainis,“ang
paaralang tinutukoy ko ay nakatayo na at handa nang gamitin. Ito ay malinis,
maluwag at may lubos na bentahe. . . .”
Nagtinginan ang mga prayle. Ang tinutukoy kayâ na panukala ni Don
Custodio ay ang paggamit ng mga parokya ng simbahan?
“Ipaliwanag mong mabuti ang iyong sinasabi,” sabi ng kapitan heneral na
nakakunot ang noo.
“Hay, heneral, napakasimple,” tugon ni Don Custodio na matigas ang tinig.
“Ang mga paaralan ay bukás lámang mula Lunes hanggang Biyernes, at ang
sabong ay tuwing Sabado at Linggo. Kung ganoon gamitin natin ang mga
sabungan bilang paaralan kapag Lunes hanggang Biyernes.”
“Maawaing langit!”
“Eto na naman táyo!”
“Ngunit, Don Custodio, saan ninyo nakuha ang ganyang mga kaisipan?”
“Wala pa akong narinig na ganyang kakatwang panukala.”
“Natalo nito ang lahat!”
“Subalit, mga ginoo,” pasigaw na wika ni Don Custodio matapos marinig
ang napakaraming pagtutol.“Maging praktikal táyo. Alin ang higit pang mabuti
kaysa sa sabungan? Ito ay malaki, mabuti ang pagkakayari, at walang pakinabang
kapag ordinaryong araw!”
“Ngunit may mga pagkakataong hindi lámang Sabado at Linggo ginagamit
ang mga sabungan,” pahayag ni Padre Camorra,“hindi yata iyan makatarungan
sa mga may-ari ng sabungan na nagbubuwis sa pamahalaan.”
“Kung gayon ay isara ang paaralan sa gayong mga araw.”
“Maawaing langit,” tutol ng kapitan-heneral, “hindi iyan mangyayari
hanggang akó ay naririto bilang kapitan heneral! Ang isara ang mga paaralan
dahil sa pagsasabong! Maawaing Diyos, magbibitiw muna akó!”
Ang kanyang kamahalan ay talagang nabagabag.
“Subalit, kapitan, mabuti na ang masara ang paaralan ng ilang araw kaysa
naman hindi na magbukás kailanman.”
“Ngunit iyan ay imoral,” tutol ni Padre Irene na para bang higit pang
natigatig kaysa sa kanyang kamahalan.

89
“Higit na imoral kung mas maayos ang lugar ng masasamang hilig kaysa ng
pag-aaral. Maging praktikal táyo, mga ginoo, at huwag padala sa simbuyo ng
ating mga damdamin. Kumuha táyo ng isang halimbawa. Hindi natin tinutulutan
ang pagtatanim ng apyan sa ating nasasakupan ngunit pinahihintulutan
natin ang paghitit nito. Ang ibinubunga’y hindi natin pinipigil ang bisyo at
pinaghihirap pa natin ang ating mga sarili.”
“Husto na, mga ginoo, husto na,” pinutol ng kapitan heneral ang kanilang
pagtatalo.“Mayroon akong mga plano ukol sa bagay na iyan. Pinagtutuunan ko
ng pansin ang ukol sa pagtuturo. Mayroon pa bang iba?”
“Ang kahilingan po ng mga mag-aaral ukol sa pagkakaroon ng akademya
ng wikang Kastila,” pahayag ng kalihim matapos tumingin kay Padre Irene at
Padre Sibyla nang may pang agam-agam.
Nagkatinginan ang lahat at lahat ng mata ay napako sa kapitan-heneral
at naghihintay ng kapasyahan. Ang kahilingan ng mga mag-aaral ay anim na
buwan nang naghihintay ng kapasyahan. Ibinaba ng kapitan heneral ang
kanyang paningin na wari ba’y iniiwasang mabása sa kanyang mga mata ang
kapasyahan.
Naging nakabibingi ang katahimikan na binasag ng kapitan nang tanungin
ang mataas na kawani:
“Ano sa palagay mo?”
“Ano pa ang aking dapat pag-isipan, heneral!” pakli nitong nakangiti at
napakibit-balikat.“Ano pa kung hindi ang kahilingan ay mabuting panukala at
nakapagtatakang anim na buwan na ay pinag-iisipan pa rin.”
“Dapat pa itong pag-isipang mabuti,” pútol ni Padre Sibyla na malamig ang
pagtanggap sa kahilingan.”
Napakibit-balikat ang mataas na kawani dahil hindi niya maunawaan kung
bakit ito pinagtatagal.
“Ang kahilingan ay hindi napapanahon,” tuloy ng Dominiko. “Ito ay may
malaking epekto sa ating mga karapatan.”
Napatingin si Padre Sibyla kay Simoun.
“Ang kahilingan ay kahina-hinala,” wika ni Simoun na nakikipagpalitan ng
tingin sa Dominiko.
Nagkindatan nang makalawang beses ang dalawa. Hindi ito nalingid kay
Padre Irene na dahil sa nakita ay waring nawawalan na ng pag-asa.
“Iyan ay isang tahimik na paghihimagsik,” dagdag pa ni Padre Sibyla.
“Himagsikan, rebolusyon?” tanong ng mataas na kawani na tumitingin sa
magkabila na wari’y hindi makaunawa.
“Ang kahilingan ay pinapangunahan ng isang kabataan na pinaghihinalaang
humihingi ng sobrang mga pagbabago,” sabad ng kalihim na nakatingin sa
Dominiko.
“Kasáma pa sa mga iyan ’yung tinatawag na Isagani, isang mainitin ang
ulong pamangkin ng isang secular na prayle.”

90
“Siya ay mag-aaral ko,” pahayag ni Padre Fernandez. “At ako’y nasisiyahan
sa kanya.”
“Madali kang masiyahan,” pahayag ni Padre Camorra. “Muntik na kaming
magkaalitan sa bapor, masyado ang pagpapahalaga niya sa sarili. Itinulak ko
siya at itinulak din akó!”
“Mayroon pang tinatawag na Makaragui o Makarai.”
“Makaraig,” pútol ni Padre Irene.“Isang kaibig-ibig na mag-aaral.”
Sabay bulong sa heneral:
“Siya ang sinasabi ko sa inyo. Iyan ay napakayaman. Ang kondesa ng Miladia
ang nagrekomenda sa kanya sa pinakamataas na luklukan.”
“A?”
“Ang mag-aaral ng medisina, ang sinasabi nilang si Basilio. . . .”
“Wala akong masasabi kay Basilio,” wika ni Padre Irene. “Hindi ko masabi
kung ano ang kanyang ibig o iniisip. Sáyang at wala si Padre Salvi upang
magbigay ng liwanag sa kanyang búhay. Narinig kong noong siya’y batà pa,
siya’y napasamâ sa isang pangyayari sa guardia civil, ang ama niya ay namatay
sa isang kaguluhang hindi ko na matandaan.”
Dahan-dahang napangiti si Simoun.
“Aha, aha,” bulalas ng kanyang kamahalan na tatango-tango. “Ganoon palá,
ha? Kunin ang pangalan.”
“Subalit, Kapitan,” pagmamatuwid ng mataas na kawani na namamasid na
sumasamâ ang tinutungo ng usapan.“Sa mga sandaling ito’y wala pa tayong tiyak
na nalalaman sa mga kabataang ito. Ang kanilang kahilingan ay makabuluhan
at wala tayong karapatang pigilin ito dahil lámang sa ating mga pala-palagay.
Sa palagay ko ay dapat itong pabayaan ng pamahalaan na magpapatunay ng
pagtitiwala sa mga tao at katatagan ng pamahalaan. Ngunit maaari nating
bawiin kung silá ay magmamalabis. Laging magkakaroon ng mga dahilan at
pagpapatunay kung kailangan itong bawiin. Maaari nating masubaybayan ang
mga kabataang ito. Subalit bakit natin silá kailangang biguin at inisin gayong
ang hinihingi nila ay makabuluhan?”
Napatango si Padre Irene, Don Custodio, at Padre Fernandez na
nagpapahiwatig ng kanilang pagsang-ayon.
“Ngunit hindi dapat matuto ng Kastila ang mga Indio, hindi ba ninyo
naiisip?” pahayag ni Padre Camorra. “Hindi nila ito kailangang matutuhan
dahil kapag ito’y nangyari magsisimula silang makipagtalo sa atin na hindi
nila marapat gawin. Ang dapat lámang nilang gawin ay magbuwis at sumunod.
Hindi nila gawaing magsuri ng mga aklat at batas. Lagi siláng makakakita ng
ibang kahulugan. Sa oras na matuto silá ng Kastila magiging kaaway silá ng
Diyos at ng Espanya. Kung hindi kayo naniniwala, basahin ninyo ang aklat ng
Matandang Basyong Makunat. Mayroon doong mga pagtatalong tulad nito.”
Tinutop ni Padre Sibyla ang kanyang noo; halatang nauubos na ang kanyang
pasensiya.

91
“Isang salita pa,” sabi niya,“ang usapin dito ay hindi lámang ang pagtuturo
ng Kastila. Ito ay pailalim na laban ng Pamantasan ng Sto. Tomas at ng mga
mag-aaral nito. Kung silá ang magtatagumpay sa usaping ito, mawawala ang
paggalang sa pamantasan at sasabihin nilang natalo nila kami. At silá na
ang maghahari sa lahat. At sino pa ang sa kanila ay makapipigil? Ang aming
pagbagsak ay simula lámang. Ang susunod ay ang pamahalaan.”
“Tingnan natin kung sino ang matatalo sa labanang ito!” pagalit na wika ni
Padre Camorra.
Si Padre Fernandez na nangingiti-ngiti sa usapan ay nangusap ng:
“Huwag sanang ikasamâ ng loob sa akin ni Padre Sibyla kung magkaiba
kami ng palagay. Madalas mangyari sa akin na magkaroon ng ibang palagay
kaysa aking mga nasasakupan. Ang pagtuturo ng Kastila ay maisasagawa
nang wala ni anumang sukat ipangamba, kayâ hindi ito lalabas na pagkatalo
ng pamantasan. Tayong mga Dominiko ang unang dapat na magdiwang. Iyan
ang wastong patakaran. Bakit kailangan tayong laging makipagkagalit sa mga
tao, samantalang táyo ay kakaunti; silá ang nakararami, at kailangan natin silá,
gayong hindi nila táyo kailangan. Hintay muna kayo, Padre Camorra, sandali
lámang. Tanggapin nating ngayon ay kulang ng kaalaman at lakas ang bayan.
Sumasang-ayon akó ngunit hindi táyo nakasisiguro kung silá ay mananatiling
ganyan búkas o sa makalawa. Pag nagkagayon, higit siláng magiging malakas
at malalaman na nila ang dapat gawin at hindi na natin silá mapipigilan. Tulad
din ng mga batà na hindi mo mapipigil ang paglaki ng kaalaman sa ilang mga
bagay. Kayâ ang dapat ay samantalahin natin ang pagkakataon, habang silá ay
mga mangmang, na baguhin ang ating mga patakaran, lagyan natin ng matibay
na batayang pagsasaligan ang mga patakarang iyan. Halimbawa ay katarungan
sa halip na kamangmangan! Walang kapantay ang pagiging patas. Lagi ko iyang
sinasabi sa aking mga nasasakupan kahit na ayaw nilang maniwala. Ang mga
Indio, tulad ng alin mang kabataan, ay nananalig sa katarungan. Silá pa ang
humihingi ng parusa kung sila’y nagkakasala. Ngunit silá rin ang unang mag-
aapoy ang damdamin kapag naparurusahan nang walang kasalanan. Hindi ba’t
makabuluhan at makatarungan ang kanilang hinihingi? Kung gayo’y ibigay
natin ito sa kanila. Ibigay natin sa kanila ang lahat ng paaralang ibig nila at silá
rin ang magsasawa. Ang kabataan ay tamad; ang pagtutol lámang natin ang
nagpapasigla sa kanila. Ang tali ng karangalan ay nakalipas na, Padre Sibyla.
Maghanda táyo ng tali. Tulad halimbawa ng tali ng pagpapasalamat. Huwag
tayong maging hunghang. Gawin natin ang ginagawa ng mga Heswita!”
“Tumututol akó, Padre Fernandez!”
Hindi mapapayagan ni Padre Sibyla na maging halimbawa ng mga Heswita.
Maputla at nanginginig pang bumulalas:
“Magiging Pransisko muna akó, ngunit hindi akó magiging Heswita!”
“Ay, hindi!”
“Ay, oo!”

92
Naging mainitan ang pagtatalo ng lahat. Nalimutan ang Kapitan Heneral;
sabay-sabay na nagsalita ang lahat.Sumisigaw.Nagtatalo.Hindi nagkakaunawaan.
Si Ben Zayb at si Padre Camorra ay nag-aambaan ng kamao. Si Padre Sibyla
naman ay nakikiusap. Si Padre Fernandez ay sa Summa ni Sto.Tomas, hanggang
ipahayag ng pari ng parokya ng Los Baños na handa na ang pananghalian.
Tumayo na ang kanyang kamahalan kayâ naputol na ang mga pagtatalo.
“Halina, mga ginoo,” wika niya.“Nagtrabaho na táyo na parang mga Negro
kahit na fiesta opisyal. May nagsabing ang mga maseselang bagay ay dapat pag-
usapan habang naghihimagas. At akó ay lubos na sumasang-ayon.”
“Bakâ tayo’y hindi matunawan,” pakli ng kalihim.
“Kung ganoo’y ipagpabukas na lang.”
Lahat ay tumayo na.
“Kapitan,” wika ng mataas na kawani, “ang anak pong dalaga ni Kabesang
Tales ay muling naparito upang hilinging mapalaya ang kanyang nuno.”
“Por Diyos, hindi na ba akó makapanananghali nang mapayapa!”
“Ikatlong araw na ngayong siya’y naparirito, kawawa naman.”
“Talagang may hihilingin akó sa kapitan kayâ akó pumarito. Upang tulungan
ang dalagang iyan sa kanyang kahilingan!” ani Padre Camorra.
Napakamot-ulo ang kapitan:
“O, sige!” nawika niya sa kalihim. “Padalhan ng kalatas ang namumuno sa
kuwartel upang ang nuno ay palayain. Hindi na nila masasabing táyo ay hindi
mahabagin at maunawain!
Tumingin siya kay Ben Zayb, ang mamamahayag, na kumindat naman sa
kanya.

Si Placido Penitente
(Kabanata XII)
Nag-aatubili at halos maiyak si Placido Penitente na nagdaan sa Escolta
papuntang Pamantasan ng Sto. Tomas na noon ay nása nakukubkob na
lungsod sa kabila ng ilog.
Halos isang linggo pa lámang siyang dumarating mula sa kanilang lalawigan,
ngunit nakadalawang sulat na siya sa kanyang ina. Sinasabi niyang ibig na niyang
umuwi at magtrabaho na lámang. Ayaw niya nang ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral. Tumugon ang kanyang ina na nagsasabing siya ay magpakahinahon
at maghintay. Sinabi rin sa kanyang tapusin man lang niya ang bachiller en
artes. Sinabi ng kanyang inang nakapanghihinayang naman ang kanilang mga
ginugol at pagtitiis sa loob ng apat na taon.
Bakit kayâ ganoon na lámang ang pag-ayaw ni Placido na ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral gayong isa siya sa mga pursigidong mag-aaral ni Padre Valerio
sa kilaláng-kilaláng dalubhasaan nito sa Tanawan? Si Penitente ay kinikilalang
isa sa mga pinakamagaling na iskolar sa Latin. Gayon din naman sa pagiging

93
kilaláng lohistiko sa kanyang bayan sa Batangas. Siya ay may kakayahang
sumagot sa masalimuot na tanong. Kinikilala siya ng kanyang mga kababayan
na pinakamagaling sa kanilang lahat. Dahil sa sobrang pagpapahalaga ng
kanyang mga kababayan ay itinuturing siyang mapanghimagsik ng prayle sa
kanilang parokya. Hindi maunawaan ng kanyang mga kaibigan kung bakit
sobra ang kanyang pagnanais na umuwi at hindi na ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral. Hindi siya ang tipong mahilig sa kadalagahan. Wala rin siyang hilig
sa sugal. Hindi niya sinusunod nang puspusan ang payo ng mga prayle at
pinagtatawanan ang matandang Basyo. Mayroon siyang sapat o labis pang
salapi at magagarang damit. Subalit napipilitan lámang siyang pumasok at
hindi maibigang basahin ang kanyang mga aklat sa tuwing titingnan.

Ngayon, sa Tulay ng Espanya—tulay na ang kinuha lámang sa Espanya ay ang


kanyang pangalan dahil sa ang kaliit-liitang pako nito ay mula sa ibang bansa—
natagpuan niya ang kanyang sarili na kasunod ang mga mag-aaral na patungo
sa kani-kanilang paaralan sa pinaderang lungsod. Mayroong mga nakasuot-
Europeo, mabibilis lumakad, at maraming dalang aklat at mga kuwaderno. Nása
itsura nila ang nag-iisip ukol sa kanilang leksiyon at mga asignatura. Ito ang mga
mag-aaral ng mga Heswita sa Ateneo. Ang mga mag-aaral sa Dominikong Letran
94
ay makikilala dahil halos lahat ay nakasuot lalawiganin, higit na nakararami,
ngunit iilan ang dalang aklat. Ang mga mag-aaral sa pamantasan ay may maayos
at magarang damit, walang dalang aklat kundi baston. Ang mga mag-aaral sa
Pilipinas nang panahong iyon ay hindi maloloko o mayayabang. Makikita silang
parang laging nag-aalala at walang magandang pag-asa sa hinaharap. Nagiging
makulay ang pila dahil sa mga babaing mag-aaral ng Paaralang Pangmunisipyo
na may laso sa kanilang mga balikat at may mga aklat na kipkip sa braso.
Tinutulungan silá ng kanilang mga kasámang utusán. Kahit pa masasabing silá
ay nagbibigay-kulay, wala kang maririnig na tawanan o biruan. Walang awitan
o tudyuhan. Lagi silang matahimik at masunuring gaya ng mga mag-aaral na
Aleman.
Naglalakad si Placido sa Daang Magallanes pagpasok ng pinaderang
lungsod na dati ay pinto papuntang Sto. Domingo nang may biglang tumapik
sa likod niya. Medyo mainit ang kanyang ulo kayâ pagalit siyang humarap.
“Kamusta, Penitente!”
Ito ay si Juanito Pelaez, kamag-aaral, paborito ng mga prayle. Siya ay anak
ng mestisong Kastila at mayamang mangangalakal na ang lahat ng pag-asa
at kaligayahan ay nása kakayahan ng anak. Mahilig din itong magbiro ng di
maganda sa kapwa.
“Nasiyahan ka ba sa iyong bakasyon, Penitente?” tanong niyang pinapalo si
Placido nang malakas sa likod.
“Káya, káya,” sagot ni Placido na naiinis.“At ikaw?”
“Lubos akong nasiyahan. Biruin mo, inimbita akó ng prayle ng parokya sa
Tiani sa kanyang lalawigan. Nagpunta naman akó at ay… naku!... Kílala mo ba
si Padre Camorra? Siya ay napakaliberal na prayle, mabuting tao, at prangka,
napakaprangka, parang si Padre Paco. At dahil maraming babae sa paligid,
nangharana kami. Siya’y may dalang gitara at akó ay may dalang biyolin. Sabihin
ko sa iyo!”
May ibinulong siya kay Placido sabay bunghalit ng tawa. Tuminging may
pag-aalinlangan ito sa kanya at idinugtong ni Pelaez na:
“Isinusumpa ko! Wala silang magagawa! Isa lámang angal sa kanila,
mawawala ang kanilang ama, asawa, o anak. Pagkatapos, masayáng Pasko!
May nakaharap pa kaming isa. Kasintahan daw ni Basilio. Napakatanga niya
para umibig sa katulad ng babaing iyon. Walang alam ni isang salitang Kastila.
Walang pera. Naging alila. Napakamahiyain pero maganda. Sinaktan ni Padre
Camorra ang dalawang lalaking nangharana sa kanya minsan isang gabi. Ewan
ko kung ano ang nangyari pagkatapos. Masungit ang babae. Pero siguradong
pagdaraanan din niya ang inabot ng ibang tulad niya.”
Bumunghalit ng tawa si Juanito Pelaez na para bang iyon ang
pinakamahalaga sa mundo. Pagalit na tiningnan lámang siya ni Placido.
“Makinig ka,” wika ni Pelaez na binabago ang usapan.“Ano ang tinalakay ng
propesor kahapon?”

95
“Walang tinalakay kahapon.”
“Magaling! At noong makalawa?”
“Huwebes iyon. Alam mo namang kapag Linggo at Huwebes ay piyesta
opisyal ng paaralan.”
“Tama. Napakamalilimutin ko! Alam mo, Placido, talagang nagiging
makalilimutin na akó. Noong Miyerkoles?”
“Miyerkoles? Hintay ka. A, tama, umulan noong Miyerkoles.”
“Mahusay. At noong Martes, Pañero?”
“Martes ay ang pangalawang-araw ng propesor kayâ bumati kami sa kanya
kasáma ang orchestra, pumpon ng bulaklak, at mga regalo.”
“Naku!” bulalas ni Juanito.“Nakalimutan ko. Hinanap ba niya akó?”
Nagkabit-balikat si Penitente.
“Hindi ko alam! Ngunit ibinigay nila ang talaan ng mga nagbigay para sa
regalo.”
“Talaga naman! Ano ang nangyari noong Lunes?”
“Dahil unang araw iyon ng klase, nagtawag ng mga pangalan at nagtakda
ng liksiyon. Ukol sa mga salamin. Mula rito hanggang dito. Ipinasasaulo ang
bawat salita. Nilagpasan ang bahaging ito pagkat tulain ito.”
Itinuturo niya ang tula sa aklat nang biglang lumipad ito dahil sa pagpalo
ni Juanito.
“Hayaan mo na iyang leksiyon at magdiriwang táyo para sa panggitnang
pista opisyal.”
Ipinagdiriwang ng mga mag-aaral sa Maynila ang araw sa pagitan ng
dalawang pista opisyal.
“Alam mo, talagang malilimutin ka nga!” sagot ni Placido na naiinis sa
kausap, sabay dampot sa kanyang mga libro at kuwaderno.
“Sige na, magdiwang táyo!”
Hindi sumasang-ayon dito si Placido. Ang klaseng may isang daan at
limampung mag-aaral ay hindi pauuwiin para sa isa pang araw na bakasyon
dahil lámang mayroong dalawang mag-aaral na liban. Hindi rin niya malilimot
ang pagpapakasakit ng kanyang ina na matustusan ang kanyang pag-aaral sa
Maynila.
Dumaraan silá sa may Sto.Domingo nang mapabulalas si Juanito pagkakita
sa maliit na parisukat sa harap ng matandang bahay sa Aduwana.
“Maalala ko! Alam mo, akó ay pinamamahala sa paglikom ng kontribusyon.”
“Anong kontribusyon?”
“Para sa bantayog.”
“Anong bantayog?”
“Alin pa, kay Padre Baltazar! Hindi mo alam?”
“Sino itong Padre Baltazar?”
“Ano pa? Isang Dominiko! Iyan ang dahilan kayâ nakiusap ang mga prayle
sa mga mag-aaral. Sige na, magbigay ka na ng tatlo o apat na piso para maipakita

96
nating táyo ay mapagbigay. Huwag nating hayaang masabi nila na hindi pa
makapagpapagawa ng bantayog kung hindi manggagaling sa bulsa ng mga
prayle. Sige na, Placido, hindi mapupunta sa wala ang iyong salapi.”
Kinindatan siya nang makahulugan ni Pelaez.
Naalaala ni Placido ang isang mag-aaral na pumasa lámang sa asignatura
dahil sa pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng tatlong piso.
“Tignan mo, isusulat ko nang palimbag ang iyong pangalan para makita
agad ng propesor. Tingnan mo, Placido Penitente, tatlong piso. Hayan!
Siguradong pista ng propesor sa Kasaysayang Pangkalikasan dalawang linggo
mula ngayon. Alam mo napakadali niyang pakisamahan, hindi nagliliban, at
hindi nagtatanong kailanman. Dapat tayong magpasalamat.”
“Totoo iyan.”
“Anong masasabi mo kung ang kontribusyon ay dalawang piso bawat ulo?
Sige na, Placido, umpisahan mo, sa gayon mauuna ka sa listahan.”
Nang makita niya na naglabas ng dalawang piso si Placido nang di man
lang nag-iisip ay nangusap siya.
“Mabuti pa ay apat na ang ibigay mo. Ibabalik ko sa iyo ang dalawa. Gagawin
ko lang na panghalina.”
“Kung ibabalik mo rin lang sa akin, bakit ibibigay ko pa sa iyo ngayon?
Bakit hindi mo na lang isulat ang apat na piso sa akin?”
“Tama. Bakit hindi ko agad naisip? Subalit apat na rin ang ibigay mo para
maipangalandakan ko.”
Ibinigay ni Placido ang hinihingi sa kanya.
Narating na nila ang pamantasan.
Sa may pasukan at sa mga daraanan makikita ang mga mag-aaral na
naghihintay sa kanilang propesor at masiglang nag-uumpukan. Mga nása
ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Mga mag-aaral sa batas at medisina. Ang
hulí ay makikilala sa kasuotan at sobrang pagpapahalaga sa sarili na kulang sa
iba. Karamihan sa kanila ay Taga-Ateneo.
Kabílang dito ang mananalumpating si Isagani na nagpapaliwanag sa
kamag-aral ukol sa teorya ng repraksyon ng liwanag. Ang isang umpok naman
ay tumatalakay at nagtatalo ukol sa prinsipyo ng Pilosopiyang Eskolastiko.
Ang iba naman ay nagkakatuwaan sa pagtingin sa mga babaing pumapasok
sa simbahan. May matandang babaeng dumaraan na humahapay sa braso
ng kasámang batang babae na wari’y deboto at nagpasakripisyo sa sarili.
Nakatungo ang batang babae na nahihiya sa napakaraming nakatingin. Itinaas
ng matandang babae ang kanyang paldang kulay tsokolate gaya ng nakagawian
ng mga madre ni Santa Rita. Tuloy ay nakita ang kanyang matatabang paa at
puting medyas. Kinagalitan niya ang kasáma at tiningnan nang masamâ ang
mga matamang nanonood sa kanila:
“Mga unggoy! Huwag mo siláng tingnan! Ibaba mo ang iyong paningin.”

97
Ang lahat ng nangyari ay nakatawag-pansin sa mga mag-aaral at pinagmulan
ng tawanan at biruan.
Ngayon naman ay isang kahanga-hangang karwahe ang huminto sa harap
ng simbahan. Isang relihiyosong pamilya na bumibisita sa Birhen ng Rosario
sa kanyang espesyal na araw. Nakatitig ang mga tagamasid sa laki at hugis ng
paa ng mga kadalagahan sa kanilang pagbaba. Ngayon naman ay isang kapwa
mag-aaral ang lumalabas ng simbahan na nababakas sa mukha ang debosyon
sa pagdarasal sa birhen upang gawing maliwanag ang liksiyon sa araw na iyon.
May iba namang tumutungo sa simbahan upang alamin lang kung naroon ang
kasintahan, upang sila ay magkatitigan, at pumasok sa klaseng sariwa sa alaala
ang mga titig ng katipan.
Ngunit ang pagdating ng karwahe na hila ng kilaláng-kilaláng mga puting
kabayo ay lumikha ng higit na alingasngas kaysa rati. Tumahimik si Isagani
at nawalan ng kulay. Iyon ay karwahe ni Paulita Gomez at siya ay lumabas ng
karwahe na parang kasinggaan ng ibon. Marikit niyang ipinihit ang kanyang
katawan at dahan-dahang inayos ang tiklop ng kanyang palda. Sa biglang
pagpaling ng paningin ay nakita niya si Isagani, tumango at ngumiti. Kasunod
na bumaba sa karwahe si Donya Victorina. Nakita si Juanito Pelaez, ngumiti, at
kumaway pa.
Namula si Isagani at bumati nang nahihiya; si Juanito Pelaez naman ay nag-
alis ng sombrero at yumukod na parang isang komedyanteng pinapalakpakan
ng mga tagapanood.
“Diyos ko! Napakagandang babae!” bulalas ng isa sa mga mag-aaral.“Sabihin
ninyo sa propesor na ako’y may matinding karamdaman.”
Si Tadeo ang mag-aaral na nagsabing siya’y may sakít ay sumunod kay
Paulita sa simbahan.
Araw-araw ay pumapasok si Tadeo para lámang alamin kung mayroong
klase. Tuwina’y hinihintay niya ang araw na walang pasok. Tuwing umaga
iminumungkahi niya sa mga kamag-aral na huwag pumasok. Lagi na ay hindi siya
pumapasok na ang dahilan ay mahalagang negosyo, nakaraang kompromiso,
karamdaman sa oras na ang mga kamag-aral ay papasok na.
Totoong nagtataka ang kanyang
Alam Mo Ba? mga kamag-aral kung ano ang
kanyang lihim at kahit hindi siya
Noong panahon ng mga Espanyol, ang pumapasok ay pumapasa at paborito
Unibersidad ng Sto. Tomas ay pa ng propesor. Kayâ masasabing
matatagpuan sa Intramuros, malápit may magandang hinaharap.
sa kinalalagyan ng Colegio de San Juan Nagsikilos na ang mga mag-aral.
de Letran ngayon. Inilipat lamang ito Dumating na ang propesor sa Pisika
sa España noong panahon ng mga at Kimika. Makikitang malulungkot
Amerikano. ang mga mag-aaral na para bang

98
nabigo sa kanilang inaasahan habang patungo sa kanilang silid-aralan.
Sumusunod si Placido Penitente sa karamihan nang may tumawag sa kanya.
“Penitente, Penitente, pumirma ka rito!”
“Ano iyan?”
Nadama ni Placido na parang siya ay niloloko. Naalaala niya ang tagapangulo
sa kanilang bayan na pumirma nang hindi binabasa ang isang dokumento at
dahil doo’y nabilanggo at napatapon. Ganoon din ang kanyang tiyo kayâ sa
tuwing may magpapapirma ay naaalaala niya iyon at para bang nadarama pa
niya ang salot na dulot nito.
“Patawarin mo akó ngunit hindi akó pumipirma nang hind ko pa alam
kung ano ang aking pinipirmahan.”
“Huwag mo na akong pagurin.Tingnan mo, dalawa na ang nakapirma rito.”
Ang pakikisama ng dalawa ay sapat na upang pagtiwalaan.
Pipirma na sana si Placido para matapos na. Siya’y nagmamadali, ang
kanyang mga kamag-aral ay umuusal na ng panimulang dasal. Ngunit parang
hinihila ng kanyang tiyo ang kanyang tainga. Kayâ siya’y nagwikang:
“Napakahaba, tingnan mo. Ito ay protesta sa kahilingan; naintindihan mo
ba? Si Makaraig at ang kanyang mga kasáma ay may kahilingan ukol sa pagtatao
ng akademya ng wikang Kastila na wala namang kabuluhan…”
“O, sige, pero mamaya na. Nagsisimula na ang klase,” wika ni Placido na
nagpilit makaalis.
“Ngunit hindi naman nagtsetsek ng liban ang iyong propesor.”
“Nagtsetsek siya minsan, mamaya na. Isa pa, ayokong lumaban kay Makaraig.”
“Ngunit hindi ito paglaban kay Makaraig, kundi…”
Hindi na nakinig si Placido, nagmamadali siyang tumungo sa kanyang
silid-aralan. Naring niyang nagtsetsek kung sino ang presente. Nagmadali siya
ngunit letrang Q na nang makarating siya sa pinto.
“Malas!” naibulalas niya, sabay kagat sa kanyang labì.
Hindi niya maláman kung siya ay papasok o hindi, inilagay nang siya ay
liban, kayâ hindi na ito mabubura. Pumapasok silá sa klase hindi upang matuto
kundi magsaulo ng liksiyon, magbasá ng aklat, at sumagot ng isa o dalawang
tanong ng propesor. Si Placido ay mapagkumbaba, masunurin, at magalang.
Aalis na sana siya nang maalaala niya na malápit na ang eksamen ay hindi pa
siya natatawag ng propesor at wari’y hindi pa siya napapansin o nakikilala.
Napakadali sa kanilang magbagsak at walang panghihinayang sa taong isang
taóng muling pag-uulit ng mag-aaral.
Ganito ang nása isipan ni Placido kayâ siya ay pumasok nang hindi
nagdadahan-dahan. Nasobrahan naman niya. Tinitigan siya ng propesor,
sinimangutan, at napailing na parang nagsasabi:
“Walang galang! Hindi mo narinig ang katapusan nito!”

99
Ang Klase sa Pisika
(Kabanata XIII)

Ang silid-aralan ay maluwang na parihaba, naiilawang mainam at presko


dahil sa hanging nanggagaling sa malalaking bintana. Tatlong malalaking
mga haligi ang makikita sa mga dingding nito na ngayon ay punô ng mga
mag-aaral na nakaayos ng pagkakaupong pa-abakada. Ang plataporma ng
propesor ay may hagdan sa magkabilang panig at matatagpuang kaharap
ng pinto na may larawan ni Sto. Tomas Aquinas. Maliban sa nakakatawag-
pansing pisara na ang paligid ay kamagong na may mababasang hurrah na
sinulat pa noong unang araw ng pasukan ay walang makikitang kagamitang
pampagtuturo sa silid-aralan na masasabing kapaki-pakinabang o hindi man.
Puting-puti at linis na linis ang mga dingding na wala man lámang anumang
nakapaskil na disenyo, guhit, o balangkas ng mga kagamitan sa laboratoryo.
Hindi tinuran ng mga mag-aaral na sila’y nangangailangan ng mga bagay na
higit pa roon. Wala ring naghahanap ng praktikal na pagtuturo, gayong ito’y
agham na nangangailangan ng mga pagsasanay sa karunungang lubhang
ukol sa mga pagsubok na panlaboratoryo. Paminsan-minsan, may mga

100
ipinakikitang kagamitang pang-agham pero hanggang tingin lámang. Hindi
puwedeng hawakan. Minsan sa isang buong panahon ng pag-aaral, isinasama
ng propesor ang kanyang mga mag-aaral sa misteryosong laboratoryo at
ipinapakita sa di-kalayuan ang ilang mga kagamitang pang-agham. Naniniwala
ang mga mag-aaral na ang mga naturang kagamitan ay hindi binili para sa kanila.
Hindi naiisip iyon ng mga prayle.Ang laboratoryo ay ginawa para ipagmalaki
sa mga dayuhan at matataas na opisyal ng kapuluan, upang sabihing hindi silá
nahuhuli kailanman. Sa gayo’y isusulat ng matataas na opisyal na tinanggap
nang buong kapuluan na “Ang Royal at Pontipikal na Pamantasan ng Sto.Tomas
ay nasasangkapan ng kahanga-hangang laboratoryo sa pisika na ginagamit sa
pagtuturo sa mga kabataan. Mga dalawandaan at limampung mag-aaral ang
kumukuha ng kursong ito taon-taon. Ngunit dahil sa di pagkakaunawaan,
katamaraan, o kahinaan ng kaisipan, o iba pang kadahilanan, ang lahing Pilipino
ay wala pang nagagawang tulad ni Lavoisier, isang Secchi o ni Tyndal.”
Gayon pa man, para maging pantay, may mga tatlumpung mag-aaral sa
kursong paghahandang pang-agham ang talagang nagkaklase sa laboratoryo sa
ilalim ng pamamahala ng isang mahusay na propesor.Sana ay magiging magaling
ito kung ang lahat ng dalawandaan at limampung mag-aaral na nagbabayad
na matrikula, bumibili ng mga aklat, at gumugugol ng panahon sa pag-aaral
ngunit sa katapusan ay wala ring natututuhan ay nakagagawa at nakapag-aaral
sa laboratoryo. Dahil maliban lámang sa ilang kakaibang iskolar at katulong na
mag-aaral sa laboratoryo ay wala nang nakinabang pa sa itinuturong kaalaman.
Balikan ang klase sa pisika:
Ang propesor ay isang batà pang Dominiko na kilalá sa pagtuturo ng ilang
asignatura sa Dalubhasaan ng San Juan de Letran dahil sa kanyang kahigpitan.
Iginagalang siya ng mga nakatatandang Dominiko, ngunit ang mga nakababata
naman ay naiinggit sa kanya. Ikatlong taon na niya ito ng pagtuturo, ngunit
unang taon lámang siyang magtuturo ng pisika at kimika. Kinikilala siyang
may malaking kaalaman sa mga kursong ito ng mga mag-aaral na madaling
humanga at gayon din ng mga kasamang propesor. Si Padre Millon ay totoong
kakaiba. Seryoso siya sa pagtuturo ng siyensiya. Kílala niya si Aristotle at Padre
Amat. Nabása na niya ang aklat-aralin ni Ramos at paminsan-minsan ay kanyang
binabasa ang kay Ganot. Sa lahat nang ito, siya’y umiiling nang may pagdududa,
ngumingiti, at bumubulong ng “Hayaang lumipas iyan.” Itinuturing siyang
marunong sa kimika simula noong mapatunayan niyang ang mala-anghel na
doktor, si Sto.Tomas, na nagsabing ang tubig ay binubuo ng iba-ibang sangkap,
ay umasa o humula na magkakaroon ng Berselius, Gay, Lussac, Bunsen, at iba
pang halos may malalaking pagpapahalaga sa sarili na mga materyalista. Subalit
sa lahat nang ito, at maski na nagturo na siya ng Heograpiya, mayroon pa rin
siyang pag-aalinlangan na ang mundo ay bilog. Sa mga pag-uusap-usap ukol sa
pag-ikot ng mundo sa sariling lugar o axis, at sa pagligid nito sa araw, si Padre
Millon ay napapangiti nang palihim at bumubulong ng:

101
Ang pagsisinungaling ng mga bituin
Ay isang mabituing pagsisinungaling.
Siya ay ngumingiti nang may pang-uuyam sa ilang teorya sa pisika at
itinuturing niya na ang Heswitang Secchi ay isang bisyonaryo kung hindi
luko-luko na nagpapadala nang lubusan sa kanyang teorya sa astronomiya kayâ
pati ang Kataas-taasan ay kanyang iginagawa ng dibuhong heometriko. Ito ang
dahilan, ayon kay Padre Millon, kung bakit ang Heswita ay hindi pinapagmisa.
Si Padre Millon ay kapapansinan ng kawalan ng pagkakagusto sa araling
kanyang itinuturo ngunit ito ay hindi mahalaga. Dahilan marahil ito sa kursong
kanyang napag-aralan at sa Ordeng kanyang kinabibilangan. Maipapaliwanag
din ito hindi lámang ng kadahilanang ang pisika ay lubos na empiriko at base
sa obserbasyon samantalang ang forte niya ay pilosopiya na puro pag-iisip ang
ginagawa at nauukol sa teorya, kung hindi dahil katulad ng ibang Dominiko na
bihag ng katanyagan o kaluwalhatian ng kanyang Orden, hindi maramdaman
ni Padre Millon ang pagpapahalaga sa isang siyensiya kung saan wala pang
kapatid niya ang sumikat o kinilala—katunayan na siya ang unang-unang
tumututol o di naniniwala sa Kimika ni Sto.Tomas—at kung saan ang kanilang
kalaban o karibal na Orden ay naging tanyag.
Ito ang propesor na isang umaga, matapos tsekin ang mga presenteng
mag-aaral sa kanyang klase, ay nagbigkas ng takda para sa araw na iyon nang
isa-isa. Ang ponograpong tao ay nagsimula nang magtrabaho. Ang ilan ay
magagaling, ang iba ay hindi, at ang iba pa ay nadiktahan ng katabing kaibigan.
Sinumang nakabigkas nang tuloy-tuloy at maayos ay binigyan ng mataas na
marka. Sinumang nakatatlong pagkakamali ay walang nakuhang marka.
Isang matabang mag-aaral na mukhang inaantok at ang mga buhok
ay nangagtayo at matitigas na animo’y balahibo ng sepilyo ang malakas na
naghikab. Natawag ang pansin ng propesor at ginawa siyang halimbawa.
“Kumusta, Antukin? Masyadong tamad, ha! Siguro hindi mo alam ang
liksyon?”
Pinakikisamahan ni Padre Millon ang kanyang mga estudyante hindi
lámang nang may pamilyar na tu, katulad ng isang mabuting prayle, kung hindi
kinakausap niya rin ito sa pidgin, isang kaugaliang kanyang natutuhan mula
sa isang propesor ng Batas Kanonigo. Kung ano man ang gustong palabasin
ng hulí—ang pababain ang dignidad ng estudyante o ng sagradong batas ng
konseho—ay isang isyung pinagtatalunan pa rin maski na napakahahaba na ng
usapin na isinagawa.
Ang sinabi ni Padre Millon ay hindi nakasugat ng damdamin sa klase. Sa
halip ay nakaaliw at karamihan ay napabunghalit ng tawa. Ito ay karaniwang
nangyayari. Ngunit ang inaantok ay hindi natawa. Tumayo’t pumungas-
pungas at nagsimulang bumigkas:
“Ang salamin ay anumang makinis na ibabaw na ginawa upang makita ang
anumang ihaharap dito.”

102
“Magaling,” pútol ng propesor. “Tingnan natin. Ang salamin ay maaaring
metal o bubog? Ngayon, halimbawang pakitaan kitá ng isang pirasong kahoy,
halimbawa ay kamagong na makintab at barnisado o dyet na walang dudang
kakikitaan ng anumang iharap dito. Paano mo pag-uuri-uriin ang ganitong mga
salamin?”
Ang mag-aaral, marahil dahil sa hindi niya alam ang sagot, o hindi niya
naunawaan ang tanong, ay nagpumilit na sumagot sa pamamagitan ng
pagpapakita ng natutuhan niya sa leksiyon at nagmamadaling nag-usal ng:
“Ang una ay yari sa tanso o iba’t ibang uri ng metal at ang pangalawa ay
yari sa bubog na kininis.”
“Tut, tut, tut, hindi ’yan ang tanong. Ang sabi ko’y sumaiyo nawa ang Diyos
at ang sagot mo ay mamahingang mapayapa!”
Inulit ng propesor ang kanyang tanong. Ang naguguluhang mag-aaral ay
hindi maláman kung ano ang sasabihin. Hindi niya maláman kung isasama niya
ang kamagong sa metal, marmol bilang bubog, at iwanan na ang dyet sa uring
neutral? Ang kanyang kalapit na si Juanito Pelaez ay nagdikta ng:
“Ang kamagong na salamin ay inuuri sa salaming kahoy!”
Hindi pa natatagalang idikta ang sasabihin, kayâ napabunghalit ng tawa
ang buong klase.
“At ikaw, mapagrunung-runungan,” wika ng propesor na pinipilit pigilin
ang pagtawa, “tingnan natin, anong masasabi mo sa salamin, na ang ibabaw,
bilang ibabaw, habang ang pang-ibabaw o ang katawang kinakapitan nito ay
siyang sabstansya na binago ng hindi esensyal na ibabaw na dahil ang ibabaw
ay insidente lámang ng sabstansya. Ngayon anong masasabi mo rito?”
“Akó? Masasabi roon? Walang anuman,” nasagot sana ng binata. Hindi na niya
alam ang lahat ng pinagsasabi ng propesor. Naguguluhan siya sa napakaraming
ibabaw na binanggit. Pinigil siya ng kanyang pagpapahalaga sa sarili. Pawisang
nagpatuloy siya na nagtitiim ang bagang.
“Ang salamin ay anumang kininis na ibabaw…”
“Kung ganoon ayon sa iyo ang salamin ay ang ibabaw,” pakli ng propesor.
“Kung ganoon, ipaliwanag mo ito. Kung ang salamin ay ang ibabaw, hindi
mahalaga kung ano ang nása ilalim nito, dahil anuman ang nása ilalim ay hindi
makakaapekto sa ibabaw, kaya masasabi natin na ang pang-ibabaw ay ang
salamin. Inaamin mo ba ito o hindi?”
Lalong nagsipagtayuan ang buhok ng binata.
“Sumasang-ayon ka ba o hindi?”
“Sumasang-ayon akó sa anumang sabihin mo, padre,” naibulong niya sa
sarili. Ngunit hindi niya nailakas sa takot na pagtawanan ng klase. Napakahirap
ng kanyang kalagayan. Nararamdaman niya na hindi basta na lámang siyang
palalagpasin ng pari. Tingnan na lámang ang kanilang mga parokya at lupain.
May parang nagbubulong sa kanya na itinanggi ang lahat. Bigla niyang naalaala
ang isang opisyal sa korte na nagsabi sa kanya na sinumang nagtatanggi ng

103
lahat ay walang pananagutan sa lahat. Datapwat ang masamang ugaling hindi
pakikinig sa udyok ng kanyang konsiyensiya ay nangibabaw; ito ang nakasamâ
sa kanya. Hinudyatan siya ni Juanito Pelaez at sa pagpapadala sa masamâ
niyang kapalaran ay ganito ang ipinahayag:“Sumang-ayon akó, padre!” sa tinig
na parang nagsasabi ng,“Ipinagkakatiwala ko na sa inyo ang lahat.”
“Sumasang-ayon ka,” tudyo ng propesor .“Magaling kung ganoon, puwede
kong alisin ang asoge sa salamin at tapalan ko ng punò at magkakaroon pa rin
táyo ng salamin, ha? Ngayon magkakaroon táyo ng ano?”
Tumingin ang binata sa mga tagadikta at nakita niyang nabiglaanan ang
mga ito at walang masabi. Nanlumo siya. Napatingin sa itaas na parang
nagwiwikang,“Diyos ko, bakit Mo akó pinabayaan!”
“Ano ang kalabasan?” pilit ng propesor.
“Puto!” dikta ni Juanito Pelaez.“Puto!”
“Tumahimik ka, buwisit!” sigaw ng binata sa wakas dahil sa kanyang
kabingihan at pagnanasang makipag-away dalá ng samâ ng kalooban.
“A, Juanito, ikaw iyon, ano?” sita ng propesor kay Pelaez. “Sige, tingnan
natin kung malulutas mo ito.”
Si Pelaez, na isa sa kanyang mga paborito, ay dahan-dahang tumayo sabay
siko kay Placido Penitente na kasunod niya ang pangalan sa listahan. Ito ay
nangangahulugan ng paghingi ng tulong.
“Hindi akó sumasang-ayon, padre,” pormal niyang tugon.
“O, kung ganoon, akó ay magpapatunay ng kinalabasan. Batay sa iyo ang
kininis na ibabaw ang bumubuo sa salamin….”
“Hindi akó sumasang-ayon,” pútol ni Juanito na hinihila ni Placido ang
damit.
“Ano kamo? Sang-ayon sa iyo…”
“Hindi ko tinatanggap!”
“Kung ganoon, naniniwala ka na ang nása ilalim ay nakaaapekto sa nása
ibabaw?”
“Hindi rin akó sumasang-ayon doon!” pagmamatigas pa niya. Naramdaman
niyang hinihilang muli ang kanyang diyaket.
Ginagaya ni Placido na siyang nagdidikta ang estratehiya ng mga Intsik:
iwasan ang masakop sa pamamagitan ng di pagtanggap ng kahit na mukhang
walang kamuwangang itinatanong.
Hindi na maláman ni Juanito kung paano sasagutin ang kategorikal na
tanong na ito, kayâ kinalabit niya si Placido. Pero hindi rin malaman ni Placido
ang isasagot. Nabaling ang paningin ng propesor sa isa sa mga mag-aaral na
naghuhubad ng kanyang buts, dahil sa kasikipan. Sinamantala ni Juanito ang
pagkakataong ito upang apakan sa paa si Placido.
“Magsalita ka naman!”
“Aray, walanghiya ka!” pagalit ni Placido samantalang hawak pa ang kanyang
sapatos na balát.

104
Narinig ng propesor ang sigaw ni Placido at nahulaan na niya ang
nangyayari.
“Ikaw, Ginoong Multo,” tawag niya kay Placido. “Hindi tinatanong
subalit dahil sobra ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili na wari’y ikaw ang
tagapagligtas ay titingnan natin kung maililigtas mo ang iyong sarili. Sagutin
mo ang tanong.”
Masayáng umupo si Juanito at dinilaan pa ang tagadikta. Ang tagadikta
naman ay namula sa kahihiyan na tumayo at di maláman ang sasabihin.
Pinagmasdan muna siyang mabuti ni Padre Millon. Naisip niyang masarap
ipahiya ang galanteng binatang ito, na laging maayos ang pananamit, at
halatang malaki ang tiwala sa sarili.
“Sinasabi sa aklat na ang salaming metal ay gawa sa tanso o iba pang metal.
Tama o mali?”
“Kung iyon ang sinasabi sa aklat, padre…”
“Iyan ang sinasabi sa aklat. Hindi mo naman siguro sasabihing mas magaling
ka pa sa aklat?” Pinaalaala niyang muli na ang salamin ay gawa sa magkabilang
makinis na bubog na ang isa ay napapahiran ng asoge.“Tama ba o mali?”
“Kung iyan ang sinasabi sa aklat, padre…”
“Ang lata ba ay metal?”
“Parang nga, padre, batay sa aklat…”
“Talagang ito ay metal. Ang salitang asoge ay nagpapakita na ito ay may
mercurio na isa pang metal. Kung ganoon, masasabi natin na ang salaming
bubog ay salaming metal. Kung ganoon puwede itong magkapalit, kung
ganoon sa klasipikasyon pa lang ay mali na kayâ, paano mo iyan ipaliliwanag,
Ginoong Multo?”
“Iyan ay….ang ibig kong sabihin…” pagatol na wika ni Placido.
“Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo naunawaan ang leksiyon, miserableng
multo, na ibig sumagip sa iba gayong hindi masagip ang sarili.”
Nagtawanan ang klase sa winika ng propesor. Napakagat-labì si Placido.
“Anong pangalan mo?” tanong ng propesor. Mahinang ibinigay ito ni
Placido.
“Aha, Placido Penitente! Bibigyan kitá ngayon ng iyong pagsisisihan!”
Hindi pa nakuntento sa mga ginawa sa kanya, tinawag pa siya para bumigkas
ng aralin para sa araw na iyon. Dahil sa kaba tatlong beses siyang nagkamali.
Ang propesor naman ay tatango-tangong binuksan ang talaan ng sunod-sunod
na pangalan ng mga mag-aaral.
“Palencia, Palomo, Panganiban, Pedroza, Pelado, Pelaez, Penitente. Aha,
Placido Penitente! May labinlimang liban!”
Napamulagat si Placido.
“Labinlimang liban, padre?”
“Labinlimang sinasadyang pagliliban,” pagbibigay-diin ng propesor. “Kayâ
isa na lang at mababawas ka na sa klase.”

105
“Labinlimang liban, labinlima,” paulit-ulit na wika ni Placido,“apat na beses
pa lang akong nagkukulang, at itong ngayon kung sakali pa lang ang panlima!”
“Susmaryosep, susmaryosep!” wika ng propesor na pinakatitingnan-
tingnan siya sa kanyang salamin.“Inaamin mong ikaw ay may limang ulit nang
nagliban, at Diyos na ang nakaalam ng higit pa riyan. Ngayon, dahil minsan
lámang akóng magtsek ng liban, sa bawat pagtsetsek ko, ang liban ay nilalagyan
ko ng limang tanda. Ngayon ilan ang limang lima? Bakâ nakalimutan mo na ang
iyong aralin sa pagpaparami. Lima paramihin ng lima?”
“Dalawampu’t lima.”
“Isa pa at alis ka na, adiyos! At ngayon, sero sa pagsagot.”
“Ngunit, padre,” bulalas ni Placido, “kung lalagyan akó ng kanyang
reverencia ng sero sa pagsagot, dapat lámang na burahin ang marka ng aking
liban ngayon.”
“O, ganoon ha?”
“Imposible naman, propesor, na makakuha ng sero sa pagsagot ang isang
liban sa klase.”
“O, pilosopo ka, mahirap palang unawain, ha? Ang katotohanan ay
katotohanan at walang puwedeng umirap dito. Hindi mo ba naiisip, pilosopo,
na ang isang mag-aaral ay puwedeng maging liban at hindi rin maláman ang
leksiyon? Anong masasabi mo, binatang pilosopo?”
Naubos na ang pasensiya ni Placido, ibinalibag niya ang kanyang aklat—
siya na isang lohistiko sa paningin ng mga kaklase—tumayo at hinarap ang
propesor.
“Tama na, Padre, tama na! Mababawasan ng inyong reverencia ang aking
marka hanggang ibig ninyo, ngunit wala kayong karapatang umalipusta ng
kapwa. Inyo na ang klase ninyo. Wala na akong balak na pumasok pa rito,
sapagkat hindi na akó makapagtitiis.”
Wala nang ibang salita at siya ay lumabas.
Nabigla ang klase. Ngayon lang silá nakakita ng ganoong pangyayari sa klase.
Sinong mag-aakalang si Placido Penitente ay…! Ang propesor, sa kabiglaanan,
ay napakagat-labì at napamulagat sa pag-alis ni Placido. Pagkatapos nito, sa
nanginginig na tinig, ay nagsermon ukol sa kawalang pitagan ng mga mag-
aaral. Sabay banggit sa balak ng ilang mga mag-aaral na magbubukas ng isang
akademya upang silá na ang magturo sa kanilang mga guro.
“Kung ganoon, ang mga dati na ni hindi alam kung paano sasabihin ang Si,
Padre, at No, Padre, ay ibig pa ngayong mas makaalam kaysa sa mga nagturo
sa kanila. Ang ibig matuto ay matututo kahit na walang akademya! Hindi
malayong isa ang binatang iyan sa mga kasáma sa balak. Iligtas mo po, O Diyos,
ang Espanya sa mga ganitong kaibigan! Nasaan pa ang oras na gugugulin ninyo
sa akademyang iyan gayong ang obligasyon ninyo sa klase ay hindi pa ninyo
magawa? Ang pag-aaral muna, bago ang wikang Kastila!”

106
Hanggang matapos ang klase ay nagpatuloy nang nagpatuloy sa kasesermon
ang propesor. Matapos ang pagdarasal, dalawandaan at tatlumpu’t apat na mag-
aaral ang lumabas ng klaseng wala pa ring alam tulad nang silá ay pumasok
pero nasisiyahan, dahil parang naibsan ng pasan. Ang bawat isa sa kanila ay
nawalan na naman ng isang oras sa kanilang búhay, kaalinsabay ang bahagi
ng kanilang dignidad at pagtitiwala sa sarili. Isang oras na sa kabiláng dako
ay nagdaragdag sa kanyang kahinaan ng loob, pag-ayaw, at pagtanggi sa pag-
aaral. Matapos iyon, sino ang makahihingi sa kanya ng higit na pagmamahal sa
agham, higit na dignidad, at higit na utang na loob?
Katulad ng dalawandaan at tatlumpu’t apat, ang libo-libong nauna sa
kanila ay nasayang din ang pagod at panahon. At kapag hindi ito naiwasto,
marami pa ring mga susunod na iwawasto, marami pa ring mga susunod na
sasaktan, susugatan ang damdamin, at ito ay magiging pagsuway, pagkapoot,
na tulad ng aplayang darami nang darami ang basura. At ang nása itaas na lagi
nang nagmamasid, na siyang makatarungan, ay sisingilin ang may kasalanan
sa milyon-milyong kaisipang pinagdilim ng nasayang na panahon at walang
halagang paghihirap. At kung ang nilalaman ng Banal na Kasulatan ay nababatay
sa katotohanan, ang milyon-milyon ding ito sa kanilang bahagi ay mananagot
sa kaliwangan ng kanilang isipan at dignidad ng kanilang kaluluwa na hindi
nila napangangalagaan, katulad ng aliping pinag-ulat ukol sa talentong ibinigay
sa kanya na pinayagan niyang maagaw.

Ang Tirahan ng Mag-aaral


(Kabanata XIV)

Si Makaraig ay nakatira sa isang malaki at marangyang tahanan. Ito ay


parang isang paaralan sa umaga ngunit ito’y walang katulad sa kaguluhan.
Mula ikasampu, tuwing nagpapahinga ang mga naninirahan ay napupunô ng
tawanan at hiyawan ang buong kabahayan at kung ano-ano pang kalokohan
ng mga mag-aaral. Sa itaas ay maririnig mo ang pagtugtog ng piyano, gitara, at
biyolin na nasasalitan ng ingay ng mga nagsisipag-aral ng pag-eeskrima. Sa
isang mahaba at malapad na mesa, ang mga mag-aaral na buhat pa sa Ateneo ay
dalá ang kanilang kuwaderno at bumubuo ng mga sanaysay; ang iba naman ay
sumusulat sa kani-kanilang kasintahan. Sa kabiláng silid naman ay may apat na
kabataang naglalaro ng baraha.
Sa hapag-kainan naman ay may isang batang laláki na katatanggap pa
lámang ng mga láta ng sardinas at bote ng alak mula sa kanilang tahanan.
Datapwa’t ang pag-iingay at sigawan ay unti-unting naglaho sa pagdating ng
punong mag-aaral na kasámang tinawag ni Makaraig upang maláman ang mga
ulat tungkol sa pag-unlad ng mga balak para sa akademya ng wikang Kastila. Si

107
Isagani ay sinalubong nang buong giliw, gayon din si Sandoval, ang Kastilang
dumating mula pa sa Maynila, na isang kawani sa pamahalaan at nananatili
rito para makatapos sa pag-aaral, at buong pusong nakikiisa sa layunin ng mga
Pilipinong mag-aaral.

Sa kawalan ng mga akademya at mga agham at samahang pampanitikan sa


Maynila ay sinamantala ni Sandoval ang ano mang pagpupulong upang ipamalas
ang kanyang kahusayan sa pagbigkas. Nagbibigay siya ng mga talumpati
ukol sa kanyang mga naiisipang paksa; sa pagkakataong ito, ang paksa ukol
sa pagtuturo ng Kastila ang umaani ng maraming palakpak at paghanga ng
kanyang mga kaibigan at tagahanga.
Hindi pa dumarating si Makaraig at ang bawat isa’y nagsasapantaha
na ng nangyari sa pasya ng heneral na maaaring pagtutol sa pagbibigay ng
pahintulot, o kaya’y nanaig sina Padre Irene at Padre Sibyla. Lahat ng mga
katanungang ito’y si Makaraig lámang ang makasasagot.
Sa maraming kalalakihang mag-aaral na nása pagtitipon, ang iba’y may pag-
asa tulad nina Isagani at Sandoval, na nakatitiyak na ang lahat ay maayos at

108
nag-iisip na ng mga pagbati at papuri na ibibigay sa kanila ng pamahalaan
sa pagiging makabayan. Ang pag-asa ni Juanito Pelaez ay siya ang may
pinakamalaking bahagi ng pagtatagumpay dahil sa kanyang pagbuo ng kilusang
ito. Sa lahat ng ito ay may isang hindi umaasa, si Pecson, na nakikipagpaligsahan
sa pagbanggit sa iba’t ibang kilalá at maimpluwensiyang tao tulad nina
Monsignor A., Reverend B., at Padre Probinsiyal C., na hindi kinunsulta o hindi
nagbigay o tumanggap ng payo na maaari nilang ipakahulugang mga kaanib ng
organisasyong ito ng mga mag-aaral. Dahil dito’y nahintakutan si Juanito Pelaez
at tumangging isangkot siya. Sapat na ito upang ang Kastilang si Sandoval ay
magalit at nagsabing iyon ay isang mababang palagay ukol sa kataas-taasan.
At sinabi pa ring alam niyang malapít ang heneral sa mga prayle, subalit hindi
niya hahayaang pamahalaan siya ng mga ito.Tinanong niya si Pecson kung ano
ang dahilan upang paniwalaan nitong hindi makapag-isip sa kanyang sarili ang
heneral. Nakatawang sumagot si Pecson at sinabing wala siyang sinasabing
ganyan at sinabi pang tunay na ang heneral ay makapagpapasya at makaiisip
sa kanyang sarili, ayon sa nais ipaisip sa kanya. Naiinis na humingi si Sandoval
ng halimbawa ng ganitong pangyayari at hininging iwasan na ang walang
kabuluhang pananalita at sa halip ay mga katotohanan lámang ang kanilang
pag-usapan.
Napahalakhak si Pecson at sumabad, “Lumabas na ang paghihimagsik!
Ngunit wala na ba tayong mapag-uusapang anumang bagay na walang
pananakot?”
Tumutol si Sandoval at humingi ng mga tunay na pangyayari sa pamamagitan
ng isang munting talumpati.
Ikinuwento ni Pecson ang pangyayari noong minsan,“Di pa nagtatagal ay
may mga pangkaraniwang taong nagkaroon ng pagsasakdal laban sa mga
prayle at ang pansamantalang gobernador heneral ay nagpasiyang ilipat ang
usapan sa Padre Probinsiyal sa utos ng mga prayle.”
Nagtawang muli si Pecson at nagbigay pa ng mga pangalan, petsa, at mga
nangakong magdadala ng mga dokumento na magpapatunay kung paano
ipinatutupad ang katarungan.
Subalit sumagot si Sandoval,“Ngunit ano ang basehan, sabihin ninyo sa akin,
ano ang basehan nila upang huwag bigyan ng pahintulot ang pagkakaroon ng
akademya gayong maliwanag na ang pagtuturo ng Kastila ay lubhang kapaki-
pakinabang at tunay na kailangan?”
Sumagot si Pecson,“Isinasapanganib nito ang karangalan ng bayan…”
Tumutol si Sandoval at nagwika, “Ano ang kinalaman ng tuntunin sa wika
sa karangalan ng bayan?”
Napabulalas si Pecson,“Ano ang malay mo kung ano ang ibig nila? Marahil
ay natatakot silang maunawaan ng mga mag-aaral ang batas at bakâ sila’y
sumunod pa. At ano ang mangyayari sa Pilipinas kapag dumating ang panahong
nagkakaunawaan ang bawat isa?”

109
Hindi nais ni Sandoval ang takbo ng mga pangyayari at pagpapalitan ng
paliwanag, sapagkat hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makagawa ng
talumpati kayâ sinabi na lámang niya na hindi dapat ipagwalang-bahala ang
mga bagay na ito na lubhang maselan.
Sumagot naman si Pecson na kailan man ay hindi niya maipagwawalang-
bahala ang anumang bagay na may kinalaman sa mga prayle.
“Kung gayon ay ano ang maaaring maging batayan ng kanilang pagtutol?”
usisa ni Sandoval.
Nagpatuloy si Pecson,“Sa dahilang ang mga klase sa Kastila ay kailangang
gawin sa gabi ay mangyayaring magkakaroon ng panganib o pinakasagabal
ang pagiging mahalay, tulad ng tinuran sa mungkahing paaralang Kastila sa
Malolos…”
Tumutol si Sandoval, “Hindi ba’t ang mga klase man sa akademya ng
pagguhit ay ginagawa rin sa gabi at gayon din ang mga nobena at prusisyon?”
“Magsasapanganib sa karangalan ng unibersidad—,” ang patuloy ng mataba
na hindi pinuna ang paalala.
“Hayaan nang manganib ang karangalan nito; ang unibersidad ay dapat
magbigay sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Tutal kung totoo man ito ay
para ba saan ang unibersidad? Ito ba’y institusyon ng hindi pagkakaalam? Kung
gayo’y magkakasama ba ang ilang tao sa ngalan ng siyensya ng edukasyon na
ang layunin ay huwag itong makuha o matutuhan ng iba?” pakling pagtatanggol
ni Sandoval.
“Ang punto ay anumang kusang-palo na mula sa mababa ay naghahayag
lámang ng walang kasiyahan.”
“At paano kung ito’y magmula sa itaas na tulad ng Paaralan ng Sining at
Kalakal?” ang parungit ng isang mag-aaral.
“Huwag masyadong mabilis,” ang sagot ni Sandoval. “Ako’y hindi
kumikiling sa mga prayle. Kílala ninyo ang aking malayang kaisipan. Subalit
ibigay natin kay Caesar ang kay Ceasar. Na ang Paaralan ng Sining at Kalakal,
na isa akó sa mga pinakamasigasig na tagapagtanggol, na ang pagkatatag ay
ipagbubunyi ko tulad ng bukang-liwayway sa isang bagong araw sa mapalad
na mga pulóng ito, na ang Paaralan ng Sining at Kalakal ay hinayaan ng
pamahalaan sa mga prayle.”
Pinutol ni Pecson ang pagsasalita ni Sandoval sa pagsasabi ng pagbabalik
sa dating sabsaban ng áso.
Nagsiklab si Sandoval sa pagkawala ng kanyang isip sa sinasabi at ang
wika’y, “Habang walang katunayan ng masamang hangarin ay huwag nating
hatulan ang malayang pasya ng pamahalaan.”
At binigkas ni Sandoval ang isang magandang parirala ng pagtatanggol sa
administrasyon at ang mabuti nitong hangarin na hindi ipinaglakas-loob ni
Pecsong putulin o sansalain.

110
“Ibinigay sa inyo ang lahat ng Pamahalaang Kastila at walang ipinag-
imbot na anuman. Mayroong kaganapan sa Espanya at mayroon din kayo.
Pinalibutan ng mga prayle ang aming bansa ng mga kumbento at ang mga
kumbento ay umookupa ng ikatlong bahagi ng Maynila. Ang mga hinatulang
tao ay pinapatay sa Espanya sa pamamagitan ng pagbigti tulad din dito.
Kami ay mga Katoliko at ginawa rin kayong Katoliko. Kami ay naniniwala sa
Pilosopiyang Iskolastika at ito rin ang namamayani sa inyong silid-aralan. Sa
maikling pananalita, umiiyak kami kapag kayo’y lumuluha; nagdurusa kami
kapag kayo’y nagdurusa; nagdarasal táyo sa parehong altar at hinahatulan
sa parehong hukuman; tumatanggap ng magkatulad na parusa at sa ganito’y
dapat lámang na makibahagi kami sa magkatulad na karapatan at kasiyahan.”
Palibhasa’y walang sinumang gumagambala kayâ nagpatuloy si Sandoval
hanggang dumating siya sa puntong may kinalaman sa kinabukasan ng Pilipinas.
“Tulad ng aking sinabi, mga kaibigan, ang bukang-liwayway ng isang bagong
araw ay malápit na; ang Espanya ay nagbubukas ng bagong era sa kanyang
minamahal na Pilipinas. Ang panahon ay nagbabago at ako’y nakasisiguro na
marami pa ang mga pinapanukala na hindi natin sinasapantaha. Makabubuting
hikayatin ang ating tiwala sa pamahalaan na ayon sa inyo ay nagpapauli-uli
na walang sariling paninindigan. Makabubuting ipahayag na inilalagay natin
ang ating pag-asa sa pamahalaan; ating ipaalala na tayo’y sumasampalataya
sa mabuti nitong hangarin at hindi nito dapat hayaang madala ng anumang
ibang pamantayan liban sa katarungan at kabutihan ng lahat ng nasasakupan
o napamamahalaan nito. Hindi natin dapat man lámang isipin na makipag-
ugnayan sa iba pang kinatawan na humigit-kumulang ay laban sa ating panukala
(proyekto) sapagkat ito’y magbibigay-daan lámang sa pagkunsinti sa kanilang
pakikialam.Ang inyong samahan ay hayag at tapat na walang pag-aatubili,walang
paghihinala; ang inyong layunin ay pagaanin ang pabigat sa mga propesor sa
pagbubukas ng kurso at padaliin ang pag-aaral ng mga daan-daang mag-aaral
na pumupuno sa mga silid-aralan na hindi kayang pangasiwaan ng mga gurong
lubhang maraming gawain. Kung wala pang pasya sa mungkahing ito sa aking
kaalaman, ay dahil sa iba pang usapin, subalit aking sinasapantaha na nanalo
na táyo sa digmaan. Pinagtipon-tipon táyo rito ni Makaraig upang ipahayag ang
ating tagumpay at búkas ay makikita na natin na ang ating pagsisikap ay may
gantimpala ng papuri at pagpunyagi ng ating bansa. At sino ang nakaaalam
na bakâ ang pamahalaan ay may pinaplanong bigyan kayo ng karangalan at
palamuti na siya lámang karapat-dapat sa inyo?”
May masigabong palakpakan; ang bawat isa ay napaniwala na sa tagumpay
at marami pa ang naniwala sa mga karangalan at palamuti.
Tinuran ni Juanito na dapat itala na isa siya sa mga nagpanukala nito.
Ang hindi mapaniwalang si Pecson ay hindi nagagalak at nagwika,“Umaasa
akong hindi natin dadalhin ang ating mga panukala sa ating mga paa.”

111
Mabuti na lámang at hindi ito narinig ni Pelaez dahil sa kaguluhan. Nang
unti-unti nang tumatahimik, sumalungat si Pecson at nagsabi ng ganito:
“Mabuti, mabuting-mabuti, subalit kung sakaling sa kabila ng lahat ng
sinabi ni Sandoval, ang heneral ay patuloy na humingi ng payo at palagay, at sa
wakas, ay hindi ibigay ang pahintulot?”
Ang sinabing ito ni Pecson ay parang malamig na tubig na bumuhos na
bigla.
Bawat isa’y humarap kay Sandoval; ito’y natubigan. “Kung gayon—” ang
bulalas niya na sumusulak ang dugo dahil sa mga palakpakan at sa udyok
ng sigabo, “sa dahilang sa mga kasulatan at sa mga limbag ay ipinahahayag na
iniibig niya ang inyong ikatututo, ngunit pinipigil at ipinagkakait ang gayon,
mga ginoo, ang inyong pagsisikap ay hindi mawawalan ng saysay, sapagkat
naisakatuparan ninyo ang hindi nagawa ng iba. Sa gayo’y napilit ninyo silá na
alisan ng maskara ang kanilang sarili at kayo’y hamunin.”
Masigabong ipinagbunyi ng mga naroroon ang mga ipinahayag ni Sandoval.
“Purihin si Sandoval. Mabuti ang ukol sa paghamon!” ang sigaw ng ibang
mag-aaral.
Subalit si Pecson ay tumugon na hindi nagbigay ng kabuluhan sa mga
narinig,“Hum, hamunin táyo! At pagkatapos ay ano?”
Sa gitna ng tagumpay at kagalakan ay napatigil si Sandoval, ngunit
sa katalasang angkin ng kanyang lipi, bukod pa sa kanyang dugong
mananalumpati’y agad siyang nakabalikwas.
“Pagkatapos,” ang sabi niya, “kung walang Pilipino na maglalakas-loob na
tanggapin ang hámon, akó, si Sandoval, sa ngalan ng Espanya, ang tatanggap
sa hámon, sapagkat ang ganitong patakaran ang magpapasinungaling sa
mabubuting hangarin na laging layunin ng Espanya sa kanyang mga lalawigan,
na sinumang pinagkakatiwalaan ng kapangyarihan at abusuhin ito, ay hindi
dapat tumanggap ng kandili ng Espanya, ni sinumang mamamayang Kastila.”
Ang mga naroroon ay punô ng kasiglahan. Lumapit si Isagani at niyakap si
Sandoval at ang iba’y sumunod. Nagkaroon ng mga usapan tungkol sa bansa,
pagkakaisa, katapatan, at nasabi ng mga Pilipino na kung ang lahat ng mga
Kastila lámang ay tulad ni Sandoval ay magiging puro Sandoval na rin silá sa
Pilipinas. Nagniningning ang mga mata ni Sandoval at mapaniniwalang kung sa
pagkakataong iyon ay magkakaroon ng anuman hámon, sumasakay na sana siya
sa pinakamalapit na kabayo sa harap upang magpakamatay para sa Pilipinas.
Muling sumalungat si Pecson na nagsabi:
“Mabuti, mabuting-mabuti, Sandoval, akó man ay makapagsasalita ng tulad
niyon kung akó ay isang Kastila. Ngunit dahil sa hindi akó Kastila, sasabihin
ko ang kalahati man lámang ng iyong sinabi at ibibilang itong paghihimagsik.”
Nag-iisip si Sandoval ng talumpating pagsalungat nang may dumating na
isang binata; pumasok, niyakap ang lahat, at sumigaw:

112
“Mabuting balita, mga kaibigan, mabuting balita! Tagumpay! Mabuhay ang
wikang Kastila!”
Isang maugong na palakpakan ang sumalubong sa balita. Ang lahat ay
nagyakapan, naluha, tanda ng kagalakan. Tanging si Pecson, ang malamig na
tubig, ang nagtataglay ng ngiting nag-aalinlangan.
Ang dumating na may dalang balita ay si Makaraig, ang binatang nangungulo
sa kilusan.
Ang tinitirhan ng mag-aaral na ito sa bahay na iyon ay dalawang silid na
napapalamutiang mabuti para sa kanyang pag-iisa lámang; mayroon siyang
katulong at tagapag-alaga ng kanyang kabayo. Siya ay masigla at may mabuting
asal, elegante, at napakayaman. Kahit nag-aaral siya ng batas para sa titulo
lámang ay kilalá siya sa pagiging masipag at bilang isang lohistiko ay wala siyang
anumang dapat ikainggit kahit sa pinakatapat na guro ng wika sa unibersidad.
Hindi siya nahuhuli sa mga makabagong kaisipan at gawain. Ang kanyang
kayamanan ay nása kanyang mga kamay. Siya’y isang taong may malakas na
impluwensiya sa kanyang mga kapanahon. Dahil sa mga katangiang taglay niya,
ang kanyang kabantugan sa katapangan, sa kanyang mapalad na pakikitunggali
noong kanyang kabataan, at sa kanyang maganda’t mabuting pag-uugali, ay
hindi dapat pagtakhan na panuntan siya ng kanyang mga kasáma at mahalal
upang maisagawa ang gayong kahirap na panukala hinggil sa pagtuturo ng
wikang Kastila.
Pagkatapos ng masayang kaguluhan, isang kabataan na laging tumitingin
sa tamang paraan ng pamumuhay, at kung minsan ay lumalabis sa kanyang
sigasig, ang humingi ng paliwanag hinggil sa nangyari.
Sumagot si Makaraig at sinabi, “Ngayong umaga ay nakipagkita ako kay
Padre Irene.”
“Mabuhay si Padre Irene,” ang bunyi ng isang mag-aaral.
“Ipinabatid sa akin ni Padre Irene ang mga pangyayari sa Los Baños. Ayon
sa kanya, pinag-usapan nila ang bagay na ito nang may isang linggo. Kanyang
ipinagtatanggol ang ating adhikain laban kay Padre Salvi, sa heneral, sa bise
gobernador kay Simoun, ang mag-aalahas…”
“Subalit ano ang kinalaman ng Hudyones na mag-aalahas na si Simoun sa
atin?” ang pakli ng isang mag-aaral.
“Tumahimik ka!” anang isa na nasasabik maláman kung paano tinalo ni
Padre Irene ang mga matitinding kalaban.
“Tumahimik kayo. Kahit pinakamataas na opisyal ay laban sa ating panukala,
ang sektor-tagapagpaganap, gobernador sibil ng Maynila, at ang Intsik na si
Quiroga.”
“Ang Intsik na si Quiroga! Ang bugaw na ’yon.”
“Tumahimik ka!”
“Sa wakas,” sa pagpapatuloy ni Makaraig, “sila’y magpapasya na sana’y isa-
isantabi ang bagay na ito at hayaan itong nakatiwangwang nang mahabang

113
mga buwan nang maalaala ni Padre Irene ang Komiteng Tagapagpaganap ng
Edukasyong Primarya at iminungkahi na yamang ang panukala ay ukol sa
pagtuturo ng Kastila, ay dapat itong paratingin sa komite para irekomenda.”
“Subalit ang komite ay hindi tumutupad ng tungkulin nang may katagalan
na,” sabi ni Pecson.
“Iyan mismo ang sabi nila kay Padre Irene,” ang pagpapatuloy ni Makaraig.
“Sinabi niyang ito na ang pinakamabuting pagkakataon upang muling buhayin
ito, at samantalahin ang pagdalo ni Don Custodio na isa sa mga kaanib ng
komite. Yamang siya ay kilalá sa pagiging mabuting manggagawa, inatasan
siyang humawak sa bagay na ito at kailangang magsulit ukol dito.Ang mga talâ
ay nása kanya nang mga kamay at ipinangako niyang mag-uulat siya ukol dito
sa loob ng isang buwan.”
“Mabuhay si Don Custodio!”
“At paano kung mag-ulat siya laban sa ating panukala?” ang tanong ng
walang pag-asang si Pecson.
Walang sinumang umisip ng ganito at nanlumo silá at humarap kay
Makaraig para sa kalutasan.
“Sinabi ko rin ang ganito kay Padre Irene, subalit sa kanyang nakalolokong
ngiti ay sinabi niya sa akin ang ganito: ‘Marami na tayong batayan, naipilit na
natin ang bagay na ito sa isang pasya at ang mga kaaway natin ay napilitan
nang makipaglaban. Kung maimpluwensiyahan lámang natin si Don Custodio
na sundan ang kanyang malayang pagkukuro at gumawa ng sinasang-ayunang
ulat, lahat tayo’y magtatagumpay; ang heneral ay nagpamalas na siya’y walang
kinikilingan.”
“Subalit paano natin siya maiimpluwensyahan?” ang tanong ng isang
naiinip na mag-aaral.
“Si Padre Irene ay nagmungkahi ng dalawang paraan.”
“Ang Intsik na si Quiroga,” ang sabi ng isa.
“Walang kabuluhan. Hindi siya bibigyang-pansin ni Don Custodio.”
“Isang mamahaling regalo.”
“Higit na walang saysay iyon. Ipinagmamalaki ni Don Custodio na siya ay
hindi nasusuhulan.”
“Alam ko na, si Pepay, ang mananayaw,” ang sabay-sabay na sagot ng ilan.
Si Pepay ay maganda at kilalang mabuting kaibigan ni Don Custodio, ang
mga mayayaman at mapaggawa ng alitan ay sa kanya lumalapit kapag may
kailangan silá sa bantog na konsehal. Si Juanito Pelaez na isa ring kaibigan ng
mananayaw ay nag-alok ng kanyang paglilingkod upang ayusin ang bagay na
ito, subalit si Isagani ay tumutol, hindi na nga mabuti na kailanganing gamitin
si Padre Irene; labis na kung hihingin pa ang tulong ni Pepay sa ganitong bagay.
“Pakinggan natin ang isa pang paraan kung gayon.”
“Ang isa pang paraan ay lapitan si Ginoong Pasta, ang tagapayo ukol sa
batas ni Don Custodio na kanyang pinapahalagahan.”

114
“Higit ko iyang naiibigan,” ang sabi ni Isagani. “Si Ginoong Pasta ay isang
Pilipino at kaibigan ng aking tiyuhin, subalit paano natin siya mapasasang-ayon
sa atin?”
“Iyan na nga,” ang sagot ni Makaraig na nakatingin kay Isagani na may
pagbabakasakali.“Si Ginoong Pasta man ay mayroon ding mananayaw o isang
mambuburda.”
Umiling na muli si Isagani.
Sumagot si Juanito Pelaez na kílala niya ang mambuburda, ang pangalan
niya’y Matea at maraming mga babaing namamasukan sa kanya.
“Hindi, mga kasáma,” ang pilit ni Isagani.“Gumawa muna táyo ng marangal
na paraan. Pupunta akó kay Ginoong Pasta at kapag walang kinahinatnan
ang lahat ay magagawa na ninyo ang gusto ninyo sa inyong mga mananayaw
at mga mambuburda.”
Napilitan silang sumang-ayon na si Isagani ay pupunta kay Ginoong
Pasta sa araw ring iyon at mag-uulat sa kanila sa kinahinatnan ng kanyang
pakikipanayam ng hapong iyon sa unibersidad.

Si Ginoong Pasta
(Kabanata XV)

Si Ginoong Pasta ay kinikilalang isa sa mga bantog na manananggol ng


Maynila. Ang mga prayle ay lumalapit sa kanya sa kanilang mga suliranin.
Nang dumating si Isagani sa tanggapan ni Ginoong Pasta ay kailangan
siyang maghintay nang matagal, sapagkat marami siyang dinatnang mga tao na
nais sumangguni rito upang humingi ng kanyang payo. Nang siya’y pumasok
sa tanggapan ni Ginoong Pasta ay hindi man lámang tumayo, o inanyayahan
man lang siyang umupo, at sa halip ay nagpatuloy sa kanyang pagsulat. Nang
mapagmasdan siya ni Isagani ay namalas niyang malaki ang itinanda ni Ginoong
Pasta at ang may kanipisan nitong buhok ay nag-uumpisa nang pumuti. Ang
kanyang mukha ay masamâ at may katigasan.
Tahimik na tahimik sa tanggapan na walang mauulinigan kung hindi
mahinang salitan ng mga manggagawa sa labas. Sa wakas, pagkatapos niyang
sumulat ay ibinaba ang kanyang pluma, itinaas ang kanyang ulo, at umaliwalas
ang kanyang mukha nang makilala si Isagani.
Humingi ito ng paumanhin at inanyayahang maupo si Isagani at kinumusta
rito ang kanyang tiyuhing si Padre Florentino.
Nabuhayan ng loob si Isagani sa ganitong pagtanggap ni Ginoong Pasta at
nasaloob na ang lahat ay mapapabuti. Ipinaliwanag na mabuti ni Isagani ang
kanyang pakay habang dinarama ang magiging dulot ng kanyang pananalita
sa kausap. Nakinig si Ginoong Pasta nang walang sigla kay Isagani kahit na
nararamdaman niya ang panunulsol nito at nagkunwang walang anumang

115
nalalaman. Subalit nang matalos niya ang inaasahan sa kanya at nang marinig
niyang kasangkot dito ang biserektor, mga prayle, kapitan-heneral, mga plano
at panukala, ay dumilim ang kanyang mukha at nasabing:
“Ito ay bansa ng mga plano at panukala,” subalit hinayaan pa rin niya itong
magpatuloy.
Hindi nawalan ng loob si Isagani at ipinaliwanag pa rin nito kung paano
malulutas ang kanilang suliranin at nagtapos sa pagpapatalos dito ng pagtitiwala
ng mga kabataan sa pamamagitan ni Ginoong Pasta sa kanilang kapakanan
kung sakaling si Don Custodio ay lumapit dito at humingi ng kanyang payo na
siyang inaaasahan. Hindi nakapaglakas-loob si Isagani na magsabing tuwiran
na ang payo ni Ginoong Pasta ay maging ayon sa kanilang kapakanan dahil sa
pagsimangot ng manananggol.
Subalit buo na sa isip ni Ginoong Pasta na wala siyang anumang gagawin
sa bagay na ito; hindi siya magpapayo o tatanggap man ng payo. Batid niya ang
pangyayaring naganap sa Los Baños; batid niyang nagkaroon dito ng dalawang
nag-aalitang grupo at sa katunayan, si Padre Irene ay hindi lámang kaisa-isang
bayani ng mga mag-aaral, ni manunulat ng panukala, na nagpapaabot ng mga
bagay sa Lupong Tagapagpaganap sa Edukasyong Primarya. Sa kabiláng panig,
si Padre Irene, Padre Fernandez, ang Condesa, isang mangangalakal na umaasa
sa pagbibili ng mga kagamitan sa bagong akademya, at ang mataas na pinunò
ay bumanggit ng mga sunod-sunod na kautusan. Si Padre Sibyla, na naghihintay
lámang ng magandang panahon, ay naalaala ang Lupong Tagapagpaganap. Nása
isip ng mahusay na manananggol ang lahat nang ito. Nang matapos si Isagani,
si Ginoong Pasta na nagpasyang gulatin ang mag-aaral sa layuning umiwas,
guluhin ang usapan, at iligaw siya ay nagsabing:

116
“Wala akong katulad sa pagmamahal sa aking bansa at sa pagkakaroon ng
maunlad na mga kaisipan, subalit hindi ko maipangangako ang aking sarili.
Hindi ko alam kung talos mo o hindi ang aking katungkulan; ito ay lubhang
maselan. Marami akong kagustuhan. Dapat akong gumawa nang may buong
ingat; ito ay malaking kahihiyan.”
Ang layunin ng manananggol ay magulumihanan ang mag-aaral sa
kanyang mayamang pananalita at nagsalita nang may kinalaman sa mga batas,
mga kapasiyahan, at dahil sa napakarami na ang nasabi ay hindi ang batà ang
nagulo kundi siya.
Sumagot si Isagani na hindi nila layunin na mapahiya ang manananggol
o mahirapan man ang mga taong malaki ang tulong sa tulad nilang mga
Pilipino. At wala rin siyang nalalaman ukol sa mga batas, kautusan, at mga
probisyong legal na ipinatutupad sa bansang ito. Sinabi rin ni Isagani na wala
siyang nakikitang masamang idudulot sa pagtulong sa maunlad na tuntunin ng
pamahalaan at sa pagnanais na ipatupad ito nang may kaayusan, na mayroon
silang magkatulad na layunin, at nagkakaiba lámang sa pamamaraan.
Napangiti ang manananggol; ang mag-aaral ay nalagay sa nais niyang
paglagyan at tinuran nito:
“Kahanga-hanga ang pagtulong sa pamahalaan kung ito ay ginagawa sa
maayos na paraan ng pagsunod, pagsunod sa mga utos, pagtupad sa batas, at
hindi pagsansala kahit sa mga pansamantalang panukala at pagsasaalang-alang
sa mga mamamayan ng lipunan. Kaya’t pagiging salarin at parurusahan ang
pagtutol sa mataas na prinsipyo ng katarungan, na magsagawa ng anumang
bagay na salungat sa gawain ng kapangyarihan, kahit na sabihin pang ang
gawang ito ay higit na mabuti sa pamahalaan, sapagkat ang gawang ito ay
maaaring makasira sa kapurihan na siyang pinakamahalagang saligan ng lahat
ng makabanyagang kayarian ng pamahalaan.”
Nasisiyahan ang manananggol na lumuklok na mabuti sa kanyang
luklukan sa pag-aakalang nagulat niya ang mag-aaral sa kanyang panukala.
Si Isagani ay nagwika:
“Akala ko, ang pamahalaan ay naghahanap ng matatag na saligan. Ang
dangal ay siyang pinakamahinang saligan ng malasariling pamahalaan sapagkat
sila’y di umaasa sa kanila kung hindi sa pinamamahalaan at nagtatagal lámang
ito kung ito’y kinikilala. Sa wari ko ba’y ang katarungan ang magdudulot ng
mas matagal na saligan.”
Ang manananggol ay nagtaas ng ulo. Ano! Itong kabataang ito ay nangahas
na sumagot at makipagtalo kay Ginoong Pasta? Hindi pa ba siya nagulumihan
sa mabibigat na pananalita?
“Binata,kailangang isantabi mo ang iyong isipan dahil sa iyan ay mapanganib.
Ang sinasabi ko sa iyo’y ang gobyerno ay dapat kumilos sa kanyang sarili.”
“Ang pamahalaan ay gumagawa para sa kabutihan ng mga tao at upang
maisakatuparan ang kanilang layunin, dapat nilang sundin ang kahilingan ng
mga mamamayan na mas nakakaalam ng kanilang pangangailangan.”
117
“Ang bumubuo ng pamahalaan ay mga pilî at natatanging mamamayan.”
“Bilang mga tao, silá ay maaari ring magkamali at dapat din nilang dinggin
ang mga palagay ng iba.”
“Magtiwala táyo sa kanila, at tayo’y bibigyan.”
“Kasabihan ng bawat Kastila: Kung ang sanggol ay hindi umiyak, ang
sanggol ay hindi makasususo. Wala kang makukuha hangga’t di mo hinihiling.”
“Sa kabiláng dako, ang pamahalaang ito ay puro kabalintunaan. Ang
pamahalaan ay nagbibigay ng ating pangunahing pangangailangan kahit di pa
natin hinihiling at hindi táyo puwedeng humiling sapagkat ang humingi . . .
ang humingi ay para bang nagkukulang sa kanyang tungkulin ang pamahalaan.
Ang magmungkahi’y para subukan ngunit di para sumalungat, bagkus, para
pumatnubay at ipagpalagay na ito ay maaaring magkamal at sa sinasabi
ko sa inyo na ang pagpapalagay ay isang banta sa kasalukuyang sanligan
ng pamahalaan. Ang nakararami ay di nauunawaan ito, at ang kabataan na
kumikilos nang pabigla-bigla, ay di nalalaman, di nauunawaang ang tumutol
ay nangangahulugan ng pagsalungat. Ang kaisipang ito ay mapanghimagsik.”
“Paumanhin,” ang sabi ni Isagani sa may pagtatakang hukom, “kung ang
mga mamamayan ay may hinihinging mga bagay sa pamahalaan nang naaayon
sa batas ay sapagkat ang mga mamamayan ay naniniwala na ang mabuting
pamahalaan ay nakahandang ibigay kung ano ang mabuti, at ang gawang
paghingi ay di dapat ikamuhi, sa halip ay dapat pa ngang lubos na papurihan
ng pamahalaan. Sa aking kupas na kaalaman ang ating pamahalaan ay walang
lubos na kabatiran, di niya nakikita at nagpaglalaanan ang darating kayâ ito ay
di dapat ikagalit, sapagkat naririyan ang simbahan na saksi sa kanyang sarili na
walang ginawa kung hindi ang laging humihingi sa Diyos, na siyang nakakikita
at nakaaalam ng lahat ng bagay. Alam ng lahat na ang pamahalaan ay isang
institusyong pangkatauhan na nangangailangan ng iba. Nasa budhi ng lahat na
ikaw sa iyong sarili ay walang pinagsasaligan ng iyong pagtutol; ikaw sa sarili
mo ay dapat makaalam na ang pamahalaan, upang makaparangal ng kalakasan,
pagkamapagsarili, magkakait ng lahat ng bagay sa katakutan o sa kakulangan
ng tiwala. Ang mga bayan lámang na dinadahas at inaalipin ang siya lámang
walang karapatang humiling ng anuman sa kanyang panginoon. Ang isang
bayang nasusuklam sa kanyang pamahalaan ay walang dapat hilingin dito
kundi iwan ang pamahalaan.”
Ang matandang manananggol ay nagpakita ng di pagsang-ayon at umiiling.
Pagkatapos ay kanyang nawika na may pagkaawa:
“A, iyan ay mga masasamang teorya na nagpapakilalang kayo ay mga batà
pa at kakaunti pa ang nalalaman sa buhay. Tingnan ninyo ang nangyari sa
mga mahihirap na binata at walang lubusang kaalaman sa Madrid na laging
humihiling ng mga pagbabago lahat silá ay nakikilalang manghihimagsik. May
mga bagay na di ko maipaliwanag na siyang dahilan ng di pagkakaunawaan.At
ngayon ay aking pinagtatapat sa inyo na may mga iba pang dahilan bukod pa sa

118
mga bagay na ibinigay ko sa inyo na nagtulak sa pamahalaan na di pansinin ang
mga hinaing ng mga mamamayan, ngunit . . . hindi. Mangyayari ring makatagpo
táyo ng mga pinunong palalo, at mahangin ang . . . ngunit may ibang katwiran
. . . kahit na ang hinihingi ay karapat-dapat . . . ang mga pamahalaan ay may
ibang palakad.”
Ang matandang lalaki ay nag-aatubiling magpatuloy sa pagsasalita at
tumitig kay Isagani.
“Nahuhulaan ko kung ano ang ibig ninyong sabihin,” sabi ni Isagani na
may ngiti sa kanyang labì. “Ibig ninyong sabihin na ang pamahalaan ukol sa
nasasakupan, yamang natatag nang di lubos na wasto at sa dahilang nananangan
sa pala-palagay . . . ay mabuway?”
“Hindi, hindi iyan!” ang pútol ng matandang laláki habang kunwari ay
naghahanap ng ibang mga papeles.“Hindi iyan ang ibig kong sabihin . . . nasaan
ba ang salamin ko sa mata?”
Itinuro ni Isagani sa kanya.
Isinuot ni Ginoong Pasta ang salamin sa mata at nagkunwaring nagbabasa
ng ilang papeles at nang makita niya na naghihintay ang mag-aaral ay nagwika:
“May ibig akong sabihin, subalit akin nang nakalimutan. Ginambala ninyo
akó pero di bale na.A, kung alam ninyo ang mga bagay na nása isip ko, marami
akong bagay na dapat gawin!”
Naunawaan ni Isagani na siya ay pinaaalis na.
Siya ay tumayo na at nagwika ng: “A, oho! Kung gayon,” ang sabing sabay
tindig.“Kami ay . . .”
“Ipaubaya na lang natin ang mga bagay sa pamahalaan. Silá na ang
magpapasya sa bagay na iyan. Sinabi mo na ang biserektor ay laban sa pagtuturo
ng Kastila. Maaaring siya ay laban lámang sa kahulugan at di sa prinsipyo.
Sinasabi nilang dalá ng rektor ang mga plano ng pagbabago sa sistema ng
edukasyon. Maghintay táyo sandali; magbigay ng oras sa bawat panahon, pag-
aralan, ang pagsusulit ay malápit na, mahusay ka nang magsalita ng Kastila.
Anong buti ang maidudulot sa iyo kung magkaroon ka ng natatanging klase sa
Kastila? Natitiyak ko na pareho kami ni Padre Florentino ng palagay. Ikumusta
mo na lang akó sa kanya.”
“Laging ipinapayo ng aking tiyo na isipin ko ang aking kapwa ng katulad
ng aking sarili,” ang sabi ni Isagani.“Hindi akó pumunta rito para sa aking sarili
kung hindi para sa iba na nangangailangan ng aking tulong.”
“Hayaan mong gawin ang gusto nilang gawin; hayaan mong magsunog
silá ng kilay; hayaan mo siláng makalbo na katulad ko upang maunawaang
lubusan ang pinag-aralan. Sa aking paniniwala, kung marunong ka ng Kastila
ay sapagkat pinag-aralan mo, hindi ka nagbuhat sa Maynila, at ang iyong mga
magulang ay di Kastila. Mabuti, hayaan natin siláng mag-aral ng katulad ng
pinag-aralan ko at hayaan mong gawin ang gaya ng ginagawa ko.Akó ay naging
isang alipin ng mga prayle; habang akó ay nagluluto ng tsokolate at habang

119
hinahalo ito ng aking kanang kamay, ay aking hawak sa kaliwang kamay ang
aralin sa wika. Salamat sa Diyos ako’y natuto kahit di akó tinutulungan ng mga
guro o akademya.”
“Siya na ibig matuto ay talagang matututong mabuti. Subalit ilan sa mga
ibig matuto ang naging katulad mo? Isa sa isang libo.”
“At ilan pa?”ang sagot ng matandang lalaki at nagkibit-balikat.“Napakaraming
naging manananggol na ang iba ay nasisiyahan na maging isang kawani lámang.
Manggagamot? Nilibak ang isa’t isa at pinag-aawayan ang mga pasyente.”
Napagtanto ni Isagani na nauubos ang panahon at ibig niyang igiit ang
kanyang katwiran.
“Walang pag-aalinlangan,” wika niya.“Maraming naging manggagamot at
manananggol, subalit di ko masasabi na sobra na silá dahil sa may mga bayan
táyo na wala kahit isa sa kanila. Maaaring marami silá ngunit walang katangian.
Kahit na malayong magkatotoo na mapigil ang mga kabataan sa pag-aaral
pagkat dito ay walang ibang kurso na bukás para sa kanila, bakit hahayaan
nating maubos ang kanilang panahon at lakas? Kung ang kakulangan ng
sistema sa edukasyon ay di makapipigil sa kanila upang maging manggagamot
at manananggol sa hulí ay kailangang pagsikapan natin na maging mahusay
silang manggagamot at manananggol. Wala akong nakikitang masamâ upang
sanayin ang mga magsasaká at makitungo at bigyan lang silá ng kasanayan
na makatutulong sa kanila para mapabuti ang kanilang sarili at mapabuti ang
kanilang paggawa. Matutulungan din silá na maunawaan ang mga bagay-bagay
na ngayon ay di naiintindihan.”
“Pangarap, ideolohiya! Halikayo, kailangan ba ninyo ang mabuting payo?”
Tumayo siya at inilagay ang kanyang kamay sa balikat ni Isagani.
“Ibibigay ko sa iyo at ito ay isang mabuting payo, dahil sa nakikita ko
na ikaw isang tuso; ito ay di masasayang. Ikaw ba ay nag-aaral ng medisina?
Mabuti, pag-aralan mo lámang ang paglalagay ng plaster, at huwag na hindi
mo pagbutihin. Pag natanggap mo ang iyong titulo sa pagtatapos ay mag-
asawa ka sa isang mayamang babae. Subukin mong magbigay ng mabuting
reseta at karampatang mahal na bayad. Makinig ng misa, mangumunyon, at
mangumpisal ka at makikita kung paano ka magpapasalamat sa akin, kung akó
ay búhay pa. Lagi mong tatandaan na ang kagandahang-loob ay nagmumula
sa tahanan, ang tao tulad ng sinabi ni Bentham, ay di dapat humanap ng higit
pang kasayahan sa kanyang sarili. Kung mapupunta ka sa Quixotic enterprises
ay maaaring magkaroon ng karera o asawa. Iiwan ka nilang lahat sa isang
tanghalian at pagtatawanan ka sa iyong katapatan at kalinisang ugali ng iyong
sariling kababayan. Maniniwala ka, at matatandaan mo akó, at sasabihin mong
tama akó pag ang buhok mo ay kasimputi ng sa akin.”
Malungkot na hinagod ng matandang manananggol ang kanyang puting
buhok.

120
“Pag ang buhok ko ay naging kasimputi ng sa inyo, ginoo,” ang wika ni
Isagani, “at sa pag-alala sa nakaraan, sisikapin ko na akó ay gumawa para sa
aking sarili lámang at hindi ko gagawin ang mga bagay na káya kong gawin at
dapat kong gawin para sa aking bansa na siyang naglagay sa aking kinalalagyan
ngayon. Para sa aking ikabubuhay, ginoo, ang bawat isang puting buhok ko ay
magiging tinik sa aking ulo na di dapat kong ipagmalaki, manapa’y dapat kong
ikahiya.”
Pagkatapos sabihin ito’y yumukod at lumisan.
Ang nagulumihanang manananggol ay nanatiling nakatayong walang tinag
na nakikinig sa papalayong yabag at pagkatapos ay naupo siya at bumulong
sa sarili.
“Kawawang batà! Akó man noon ay nagkaroon ng ganoong isipan. Hindi ba
nais nating lahat na masabi natin na nakagawa táyo ng mabuti sa ating bansa at
inihandog ang ating búhay sa kapakanan ng iba? Hindi ito ang búhay; hindi rito
nabubusog ang ating tiyan. Ang tagumpay ay di nagbibigay ng kapanatagan ng
isipan. Ang bawat bansa ay may sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon
nito ng sariling klima at pagkakaroon nito ng mga sakít na kakaiba sa ibang
bansa.”
Dagdag pa niya,“Kawawang binata, marahil kung ang lahat lámang ay nag-
iisip at kumikilos na kagaya niya . . . ngunit kawawang Florentino.”

Mga Kapighatian ng Isang Intsik


(Kabanata XVI)

Nang gabing iyon ay naghanda ang Intsik na si Quiroga, na nangangarap


na magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa sa Maynila, ng isang hapunan
sa itaas ng kanyang tindahan sa Escolta. Maraming dumalo sa inihanda
niyang hapunan. Kabílang na rito ang mga prayle, mga mayayaman, mga may
katungkulan, mangangalakal, mga mamimili, at tagatangkilik. Ang kanyang
tindahan ay nagtutustos sa mga parokya at kumbento ng mga pangangailangan
nito. Ang mga prayle man ay gumugugol ng panahon sa tindahang ito. May
mga pagkakataong harapang nagsasadya at may mga pagkakataong inililihim
sa madla.
Ang bulwagang tanggapan ng mga panauhin ay may ibang hangin nang
gabing iyon. Punong-puno ang bulwagan ng mga prayle at mayayamang
nakaupo sa mga yantok na upuan at mga bangkitong yari sa itim na kahoy
at ang ibabaw ay marmol na mula pa sa Canton. May mga ilaw na sobra
ang kaliwanagan at mayroon din namang may kadiliman na nagmumula sa
mga parol ng Intsik na napapalamutian ng lasong seda. Ang mga dingding
ay natatakpan ng mga kuwadrong kakikitaan ng sumasagisag nang husto

121
kay Cristo at ang pagkamatay ng makatarungang tao at ng makasalanan na
ginawa ng manlilimbag na Hudyo sa Alemanya at ipinagbibili sa mga bansang
Katoliko. Mayroon ding mga guhit-Intsik na nagpapakita ng isang lalaking
kagalang-galang na nakaupo, at may ngiti sa mga labì. At sa likod niya ay
may pangit na katulong, nakatatakot, demonyo, panganib, at may malaking
talim na sibat. May ilang mga katutubo na kílala siya bilang Mahoma,
ang iba ay San Santiago, sa hindi alam na dahilan. Ang mga Intsik man ay
hindi makapagbigay ng malinaw na paliwanag ukol sa bantog na dalawang
katauhang ito. Masayang-masaya ang
Alam Mo Ba ? lahat. Walang puknat ang pagbubukas
ng mga inumin, kantian ng mga baso,
Mahoma Muhammad—ang propeta halakhakan, sigarilyuhan, at may
ng Islam. Siya ang sumulat ng banal na kakaibang amoy ang tahanan ng Intsik
kasulatan, ang Qu’ran. na siyang bumubuo sa kasayahan.
Si Quiroga ay nakabihis-Mandarin
at nakaroga. Nagpapalibot-libot siya sa mga panauhin upang matiyak
na walang nambubulsa ng anuman. Sa kabila ng kanyang pagkawalang-
tiwala nakikipagkamay siya sa mga nakakasalamuha, nakikipagbatian, at
nakikipagngitian sa iba, nang may mga tinging parang nagsasabing:
“Alam ko, dumalo ka hindi dahil sa akin, kundi dahil sa aking inihandang
hapunan.”
May katwiran si Quiroga sa kanyang pagpapalagay.Ang matabang ginoo na
panay ang puri sa may handa at nagmumungkahing magkaroon ng konsulado
ng mga Intsik sa Maynila, at walang ibang iminumungkahing makagaganap ng
katungkulang iyon kundi si Quiroga ay si Ginoong Gonzales na may sagisag
sa panitik na Pitili na umaatake sa mga Intsik sa pahayagan. Ang isa pa na
panay tingin sa mga lampara at kuwadro ay si Don Timoteo Pelaez, ama ni
Juanito, mangangalakal na laging dumaraing sa pakikipagpaligsahan ng mga
Intsik sa kanyang negosyo.At ang isa pang ginoo na payat at may kaitiman, may
masayahing mata, at pilit na ngiti, ay napabantog dahil sa mga pisong Mehikano
na hindi nakayang talunin ng kasamahan ni Quiroga. Isa siyang mayaman sa
Maynila na nakilala sa kanyang katalasan. Ang ikaapat, nakasimangot at gulo
ang balbas, ay isang kawaning may mataas na katungkulan; naging kilalá dahil
sa kanyang lakas ng loob na tuligsain
Alam Mo Ba? ang kasunduan sa pangangalakal
ni Quiroga at ng isang babaing
Loterya—isang palabunutan. Pumipili bantog sa alta sosyedad. Totoong
ng mga bilang ang nais tumayâ. Ito ay kahati o tatlong-kapat ng mga tiket
bobolahin. Kapag nabunot o napili ang mga sa loterya ay napupuntang lahat sa
bilang ng tumayâ siya ay may kapalit na Tsina at ang ilang nalalabi sa Maynila
halaga bilang panalo sa kanyang itinayâ. ay hindi mabibili kundi sa mataas
na halaga. Lubos ang pananalig ng

122
nasabing ginoo na sa balang araw ay matatamo niya ang pinakamalaking tama,
kayâ muhing-muhi sa gayong gawain.
Ang hapunan ay malápit nang matapos. Ang pangalan ni Quiroga ay
madalas na kasáma ng salitang konsulado, pagkakapantay-pantay, at mga
karapatan.
Ang may handa ay hindi kumain ng anumang pagkaing Europeo. Nasiyahan
na siya sa paminsan-minsang pag-inom.
Si Simoun ay nakapaghapunan na sa kanyang tahanan kaya’t nakikipag-
usap na lámang sa ilang mangangalakal na nagrereklamo ukol sa kalagayan ng
kalakalan. Hinihilingan nila ng mungkahi si Simoun sa pag-asang mapararating
ito sa kapitan heneral. Ngunit sa bawat sabihin nila ang tugon ni Simoun ay
ngiting nanunuya. Hanggang ang isa sa mga mangangalakal ay nawalan ng
pasensiya at itinanong kay Simoun ang sarili niyang palagay.
“Ang aking palagay?” tanong niya. “Alamin ninyo kung paanong ang ibang
bansa ay umuunlad samantalang pareho rin ang kanilang ginagawa.”
“At bakit silá umuunlad, Ginoong Simoun?”
Nagkibit-balikat si Simoun at hindi kumibo.
“Ang daungan ang gumagawa,” paghihimutok ni Don Timoteo Pelaez.
“Pabigat sa kalakalan, hindi na natapos-tapos! Gaya ng sabi ng aking anak
parang bahay ng gagamba ni Penelope. At ang mga buwis!”
“Isa ka lámang sa mga nagrereklamo!” paalala sa kanya. “Ang heneral ay
nag-utos ng paggiba sa mga bahay na yari sa mahinang klase ng materyales,
tamang-tamang parating ang iyong mga galbanisadong yero.”
“Oo,” pagsang-ayon ni Don Timoteo, “ngunit anong laking halaga ng
kautusang ito sa akin. Ang paggigiba ay hindi magaganap sa loob lámang ng
isang buwan kundi hanggang Mahal na Araw. Sa panahong iyan ay dumating na
rin ang binili ng ibang mangangalakal na galbanisadong yero. Ibig ko sana ay
ipagiba na ang mga bahay kaagad. Ngunit, ano ang ipambibili sa akin ng mga
iyan, ganoong ang isa ay mahirap pa sa iba?”
“Puwede mong bilhin ang mga bahay.”
“At kapag binawi ang kautusan ay ipagbili mo nang doble ang halaga. Iyan
ang mabuting kalakalan.”
Malamig ang ngiti ni Simoun at pagkakita kay Quiroga ay lumayo sa mga
nagrereklamong mangangalakal, at binati ang malápit nang maging konsul.
Mataas ang pagpapahalaga ni Quiroga sa mag-aalahas hindi lámang dahil sa
lubha itong mayaman kundi dahil sa pagiging malapít nito sa kapitan heneral.
Sinasabing si Simoun ay sumasang-ayon at umaalalay sa hangarin ng mga Intsik
at sumasang-ayon sa pagkakaroon ng konsulado.
“Upang ang mga tao ay mapasunod,” payo raw niya, “dapat silang ipahiya
nang harapan sa madla.”
Dumating nga ang magandang pagkakataon para rito. Ang samahan ng
mga mestiso at samahan ng mga Indio ay laging nagsusubukan sa isa’t isa.

123
Inilalaan ang lakas at panahon sa pagsusubukan at kawalang pagtitiwala. Isang
araw habang nagmimisa ay nagdekuwatro ang payat na punò ng mga Indio
upang maipakita ang kanyang bagong bota. Ang namumuno naman sa mga
mestiso na napakataba at malaki ang tiyan ay hindi makapagdekuwatro kayâ
ibinuka nang todo ang kanyang mga hita upang makita nang husto ang kanyang
gintong tanikalang may brilyante.Ang dalawang pangkat ay nagpakiramdaman
at nagsimula na ang paghahamok. Hindi napigilan ang di pagkakaunawaan.
Ang samahan ng mga Indio pati na ang matataba ay nakadekuwatro at ang mga
mestiso ay nakabukaka. Ang mga mapagmasid namang Intsik ay may sariling
paraan ng pag-upo na gaya ng kanilang ginagawang pag-upo sa kanilang
mga tindahan, ang isang paa’y baluktot at nakataas, at ang isa’y nakabiting
nagkukuyakoy. Nagkaroon ng mga pagtutol sa memoranda at pagsusuri, ang
mga guardia civil, dahil sa hawak na mga armas, ay naghanda na sa napipintong
labanan. Ang mga Kastila naman ay nasisiyahan pagkat kumikita silá ng salapi
sa ganitong mga pangyayari. Nilutas ng kapitan heneral ang hidwaan sa
pamamagitan ng pag-uutos na ang lahat ay dapat umupo nang gaya ng mga
Intsik, sa dahilang silá ang higit na nagbabayad ng buwis, kahit na hindi silá
gaanong debotong Katoliko. Nahirapang sumunod ang mga mestiso at Indio
dahil sa may kakiputan ang kanilang mga pantalon at hindi makagaya sa mga
Intsik. Ang katotohanan, ang kautusan ay may layong lalo silang libakin.

Panay ang papuri ni Quiroga kay Simoun. Pinutol ng mag-aalahas ang


kanyang sinasabi:
124
“Naibigan ba niya ang mga pulseras?”
Biglang nagbago ang mukha ni Quiroga sa narinig na tanong at buong
lungkot na nagsabi:
“Naku, Ginoong Simoun, akieng lugi, akieng hughog!”
“Ano ito,Quiroga? Kalugihan? Gaanong marami ang inumin at napakaraming
panauhin?”
Napapikit si Quiroga. Ang mga pangyayari ukol sa pulseras ay nagpasamâ
sa kanyang hapon. Napangiti si Simoun. Batid niyang kapag ang mangangalakal
na Intsik ay mareklamo ay maganda ang takbo ng kanyang negosyo, at kung
siya ay tahimik at walang kibo ito’y nalulugi at malápit nang lumisan sa bansa.
“Hindi mo lang alam, akieng lugi, akieng hughog, Ginoong Simoun, akieng
huapay!”
Isinama siya ni Quiroga sa kabílang silid at marahan itong ikinandado.
Ipinaliwanag niya ang dahilan ng kanyang kapighatian.
Ang tatlong pulseras na may brilyante na kinuha niya kay Simoun para
ipakita kunwa sa kanyang asawa ay ibibigay niya sa isang napakaganda at
kahali-halinang babaing kaibigan ng
isang makapangyarihang lalaki na
kailangan niya ang impluwensiya
Alam Mo Ba?
sa kalakal na pagtutubuan niya Bribery—pagsuhol; panunuhol; o pagla-
ng anim na libo. Dahil wala siyang lagay ay ginawa ng mga mangangalakal sa
kaalam-alam sa panlasa ng mga akda upang mapabilis at mapaboran silá sa
kababaihan at siya’y mayroon ding kanilang mga kailangan sa customs at sa
kayabangan kayâ ipinakita niya ang matataas na opisyal sa pamahalaan.
tatlong pulseras at pinapili niya ng
pinakagusto nito. Ang bawat isa nito
ay nagkakahalaga ng tatlo o apat na libo. Nabigla siya nang sabihin ng babae na
lahat ay kanyang naibigan at sabay tago sa tatlong pulseras.
Napabulalas ng tawa ni Simoun.
“Kíta mo na, ginoo, akieng lugi!” tangis ng Intsik sabay sampal ng kanyang
kamay sa kanyang mukha.
Nagpatuloy si Simoun sa paghalakhak.
“Malokong babae! Sigulo hienne tuto sinyola!” pagpapatuloy ng Intsik.
“Ano ba siya, kahi Intsiek sa akieng, akó tao! A, sigulo hienne tuto, sinyola; kung
sigalela belong pa konti hiya!”
“Mayroon ka naman, marami,” biro ni Simoun.“Nahulí ka!”
“At lahat tao hienge utang at hienne mayad. Ang tiniente, implealo, opisya,
sunnalo, a, Ginoong Simoun, akieng lugi, akieng talo, akieng huapay!”
“Huwag ka nang masyadong maangal,” sagot ni Ginoong Simoun.
“Nailigtas na kitá sa mga pinunong humihingi sa iyo ng pera. Akó na ang
nagpahiram gayong alam ko na hindi silá magbabayad.”

125
“Ngunit, Ginoong Simoun kayo’y nagpapahiram lámang sa mga opisya, akó
ay pati sa mga mamae, sinyla, malinelo, at halos lahat tao. . .”
“Huwag kang mag-alala, babalik din ang iyong pera.”
“Babalik ang pera? Sigulo hienne ninyo alam! Pag talo sa suga, wala na
mayad! Mamuti sa inyo melon kayo konsu, puwele habol, akieng wala . . .”
May naisip si Simoun
“Makinig ka, Quiroga. Maaari kong singilin ang inyong mga pautang. Ibigay
mo sa akin ang mga kasulatan.”
Napabuntung-hininga si Quiroga at nagsabing wala siyang kasulatan.
“O, sige, papuntahin mo silá sa akin kapag pumunta sa iyo at mangutang.”
Nagpasalamat si Quiroga, ngunit muli niyang naalala ang mga pulseras.
“Walang hihiya-hiya babae! Kung sigalela belon pa hiya!”
“Ay, Diyos,” pahimakas ni Simoun. “Nagkataon namang kailangan ko na
ang siyam na libo pero, dahil sa ayaw kong bumagsak ang iyong kalakal ay
pagbibigyan kitá, kung pagbibigyan mo rin ang aking kahilingan. Pitong libo
na lámang ang iyong ibabayad. Hindi ba’t kayo ay nakapaglalabas ng anuman
sa custom; pati armas sa mga kumbento ay kayo ang nagdadala?”
Tumango ang Intsik pero idinagdag na malaki ang kanyang isinusuhol.
“Lahat akieng bigay sa pale!”
“Tingnan mo,” patuloy ni Simoun nang pabulong. “Gusto kong ilabas mo
sa pier ang ilang kahong punô ng mga armas na dumating ngayong gabi. Ibig
kong itago mo ito sa iyong bodega. Hindi kasya ang lahat ng ito sa aking bahay.”
Nahintakutan si Quiroga.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ka maaano. Ilalagay ang mga baril na ito
sa ibang mga bahay sa pana-panahon. Pagkatapos ay magkakaroon ng mga
pagsisiyasat at lahat silá ay makukulong. Magkakapera táyo pareho sa
paglalabas sa kanila. Naintindihan mo ba?”
Bantulot si Quiroga. Takot siya sa mga armas. Mayroon siyang rebolber sa
kanyang mesa ngunit hindi niya hinahawakan.
“Kung hindi mo magawa ay ilalapit ko sa iba. Subalit kakailanganin ko ang
siyam na libo para ipansuhol.”
“Sige, sige,” pagsang-ayon sa wakas ni Quiroga,“pelo malami tao, utos likisa
agad, ha?”
Nang bumalik na muli sa bulwagan sina Simoun at Quiroga ay tapos na
ang hapunan. Marami nang nainom ang mga panauhin na nakapagpawala ng
atubili sa ibig sabihin at nagpainit sa ulo.
Isang pangkat na binubuo ng mga pinunò ng pamahalaan, ilang kaginingan,
at si Don Custodio ang nag-uusap ukol sa komisyon na ipinadala sa India upang
pag-aralan ang paggawa ng mga bota ng mga guardia civil.
“At sino ang mga nása komisyon?” tanong ng isang kilalang babae.
“Isang koronel, dalawang iba pang pinunò, at ang pamangkin ng kanyang
kamahalan.”

126
“Apat,” tanong ng isang mayaman, “Paano kung hindi silá magkasundo-
sundo? Silá ba ay may mga kakayahan?”
“Iyan ang sinasabi ko,” dagdag ng kasamahan. “Sabi ko ay kailangan ang
sibilyan sa komisyon, isang hindi sundalo. Halimbawa ay isang magsasapatos.”
“Iyan nga.” pakli ng isang umaangkat ng mga sapatos. “Hindi puwedeng
ipadala ang isang Intsik o Indio. Ang tanging maipapadala ay ang isang
Kastilang magsasapatos.”
“Ngunit, bakit pa kailangang pag-aralan ang bota ng mga guardia civil?”
tanong ng ilang babaeng nakatatanda.
“Ito’y hindi pakikinabangan ng mga Kastila.At kung ang mga Indio naman
ang pag-uusapan ay sanáy silang magtapak tulad ng ginagawa nila kapag
pumupunta sa bayan.”
“Tumpak, at makatitipid pa táyo,” dagdag ng isang balo na hindi nasisiyahan
sa kanyang pensiyon.
“Ngunit tingnan mo,” pakli ng kaibigan ng pinunò ng komisyon, “isipin
ninyo, mga kaginingan, na ang paglalakad sa katanghalian ay di biro. Subukin
ninyong lumakad sa buhanginan o batuhan kapag katanghalian, kundi mapaso
ang inyong paa sa init.”
“Nangangailangan lámang iyan ng kasanayan.”
“Gaya ng bisiro na sinanay na huwag kumain, ang laging suliranin ng
kasalukuyang kampanya sa timog ay ang sakit sa paa. Tandaan ang mga bisiro,
ginang, ang mga bisiro!”
“Ginoo,” sagot ng balo,“isipin na lámang ang magugugol para lámang sa mga
botang iyan. Sapat na ito upang maidagdag sa pagkabuhay ng maraming ulila’t
balo, upang mapagbigyan ang karangalan. At huwag kayong ngumiti, hindi akó
nagsasalita para lámang sa aking sarili. Nagsasalita akó para sa mga kalunos-
lunos ang kalagayan. Hindi naman makatarungan na matapos pakiusapang
pumunta rito mula sa ibayong dagat ay mamatay lámang sa gutom. Maaaring
totoo ang sinabi mo ukol sa mga Indio ngunit sa tagal ko na rito ay wala akong
nakikitang pipilay-pilay lumakad.”
“Sumasang-ayon akó,” sabad ng kapitbahay.
“Bakit pagsasapatusin ang mga Indio samantalang ipinanganak siláng
nakapaa?”
“At bakit pa kailangan ng baro?”
“Makatutulong nang malaki ang matitipid kung hubad na lámang ang mga
guardia civil,” pakli ng tagapagtanggol ng mga guardia civil.
Isa pang mainit na pagtatalo ang nagaganap sa kabilang pangkat. Si Ben
Zayb ay nagtatalumpati ngunit lagi na lámang pinuputol ni Padre Camorra.
Nakatatawag-pansin ang mga taong mummy na tinatawag na espinghe na
ipinamamalas sa perya sa Quiapo ng Amerikanong si Ginoong Leeds. Malalaking
kuwadrong pabalita na mahihiwaga at nakapangingilabot ang nangakadikit
sa pader ng mga bahay na pinagkakaguluhan at nakaaakit ng mga tao. Hindi

127
pa ito nakikita nina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Irene, at Padre Salvi. Si
Juanito ang tanging nakapanood, at nagkukuwento ng kagila-gilalas niyang
nasaksihan.
Si Ben Zayb na mamamahayag ay naghahanap ng likás na pagpapakahulugan,
si Padre Camorra ay nagsasalita ukol sa demonyo, si Padre Irene ay nangingiti
at si Padre Salvi ay hindi kumikibo.
“Ngunit, padre, hindi na táyo ginagambala ng mga demonyo.”
“Wala nang iba pang paliwanag. . .”
“Subalit ang agham . . .”
“Agham na naman, Diyos ko!”
“Makinig ka, ipapaliwanag ko sa iyo. Hindi ko pa rin nakikita ang ulo at
kung paano ito ipinakikita sa mga tao,” sabay harap kay Juanito Pelaez.
“Hindi ba ito gaya lámang ng pangkaraniwang nagsasalitang ulo? Ang
prinsipyo ay pareho. May pandaya sa mga mata. Gumagamit ng mga salamin.
Iyan ay isang eksperimento sa pisika.”
“Anong salamin ang pinagsasabi mo? Sinasabi sa amin ni Juanito Pelaez na
ang ulo ay nása kahon at inilalagay sa mesa. Naniniwala akong ginagamitan ito
ng mandarayang espiritu, kayâ dapat itong ipagbawal ni Padre Salvi.”
Tahimik si Padre Salvi, hindi sumasang-ayon ni tumututol.
“Upang matiyak kung gawa ito ng demonyo o bunga ng mga salamin,
pumunta kayo at tingnan ang bantog na espinghe.”
Tinatanggap ang kanyang mungkahi pero parang bantulot sina Padre Salvi
at Don Custodio. Subalit ano na lámang ang sasabihin ng mga tao kay Padre
Salvi at Don Custodio, na silá ay tulad lámang nilang pangkaraniwan na may
kahinaan? Si Ben Zayb na may kayabangan dalá ng pagiging mamamahayag
ay nangakong pakikiusapan si Ginoong Leeds na paalisin ang mga manonood
samantalang sila’y nása loob.
“Isipin na lámang ninyo ang mangyayari kapag inihayag ko ang mga
salamin sa harap ng mga Indio. Aagawin ko ang tinapay sa bibig ng kawawang
Amerikano.”
Mga labindalawang panauhin na ni Quiroga ang umalis. Ang ilan dito
ay sina Don Custodio, Padre Salvi, Padre Camorra, Padre Irene, Ben Zayb, at
Juanito Pelaez. Ang kanilang mga karuwahe ay lumisan patungo na sa Quiapo.

Ang Perya sa Quiapo


(Kabanata XVII)

Maganda ang gabi at ang liwasan ay punô ng búhay. Mahalumigmig ang


simoy ng hangin at maliwanag ang buwan.Ang mga tao ay nagkakagulo upang
masilayan ang perya, makita, at masiyahan sa panonood ng mga kumikinang
na mga parol. Ang mga tugtugin ay nagmumula sa mga palabas na nanggagaling
sa iba’t ibang bansa.
128
Naghahabaan ang mga puwesto.
Nagkikinangan ang mga palamuti, Alam Mo Ba?
nakasalansang mga bola, mga
maskara, at mumunting mga laruang Perya (fair)—Isang pasyalan na
tulad ng tren, kabayo-kabayuhan, karaniwang binubuksan tuwing may pista
karuwahe, mumunting bapor, at o tuwing Pasko. May mga mahika, sirko,
mga manikang banyaga na may tindahan, kainan, at iba pang aliwan o
mapupulang buhok. Nakahanay sa nakatatakot na palabas sa isang perya.
tabi ng manikang banyaga ang mga
manikang katutubo. Ang mga batà ay tumutugtog ng mga tambol at umiihip ng
tambuli. Ipinaririnig nila ang pinagsamang awitin na tulad ng isang konsiyerto
at dahil dito ay nakatawag ng pansin ng karamihan at nag-uunahan silá sa
paglapit. Kailangang pigilin ng mga kutsero ang kanilang kabayo, sumisigaw
nang malakas upang mabigyan ng daan ang mga guardia civil, pari, mag-aaral,
Intsik, mga batà na akay ng kanilang ina. Lahat ay nagpapalitan ng batian. Si
Padre Camorra ay nása ikapitong langit, dahilan sa naggagandahang dalaga at
paminsan-minsan ay humihinto sa paligid at pumapalatak kay Ben Zayb. Si
Padre Salvi ay panay ang pansin sa mga naggagandahang dalaga.
“Naku,” ang nasabi niya sa kanyang sarili,“kailan kayâ akó magiging pari sa
Quiapo?”
Di kaginsa-ginsa, si Ben Zayb ay biglang nakabitiw ng isang tungayaw,
napalundag, at pinigilan ang kanyang bisig. Sa gitna ng katuwaa’y kinurot siya
ni Padre Camorra. Isang magandang dalaga ang papalapit sa kanya. Sinusundan
ng tinging may paghanga ang buong liwasan; dahil sa hindi magkasiyang
kagalakan, napagkamalan ni Padre Camorrang bisig ng dalaga ang bisig ni Ben
Zayb.
Siya ang marilag na si Paulita Gomez. Nakaalalay si Isagani at
pinangangalagaan ni Doña Victorina ang dalagang kaakit-akit. Sa kanyang
paglapit, ang mga paglakad ay napapahinto, napipipi, at napapalingon. Si Doña
Victorina ang tumanggap ng mga pagbating iniuukol sa kanyang pamangkin.
Si Paulita ay nakasuot ng isang mamahaling burdadong damit, iba sa
kanyang isinuot nang umagang yaon sa simbahan ng Santo Domingo.
Nang makita ni Juanito si Paulita ay yumukod siya at tandang naging
kapansin-pansin ang kanyang pagkakuba. Si Paulita ay walang pagkabahalang
bumati sa kanya, subalit tinawag siya ni Doña Victorina sa kanyang tabi.
Si Juanito ang kanyang napipisil, subalit gusto ng kanyang pamangkin si
Isagani.
“Magandang dalaga, magandang dalaga,” bulong ni Padre Camorra sa
kanyang sarili.
“Si Padre. Kurutin mo ang iyong sarili at iwan mo na akó,” ang pabirong
sabi ni Ben Zayb.
“Magandang dalaga. At ang mag-aaral na iyon palá ang kanyang iniibig.”

129
Minsan pa niyang sinulyapan ang dalaga at ang wika, “Mapalad siya at
wala siya sa aking parokya!”
Ipinasiya niya sa kanyang sarili na umalis at sumunod subalit napigilan siya
ni Ben Zayb. Nagpatuloy sa kanyang paglakad si Paulita na may kaaya-ayang
anyo.
Ang magkakasama sa bahay ni Quiroga ay nagpatuloy rin. Hindi inaalintana
ang mga malalalim na buntung-hininga ng mga guardia civil. Madali silang
nakarating sa mataong lugar at madaling binigyan ng maraming puwang.
Nakahanda ang mga piguring yari sa kahoy, may malaki at maliit.
“Ayun si Padre Camorra!” nabigkas ni Ben Zayb na may pagkalango sa alak
ni Quiroga. Itinuro niya ang isang pari na nagsusulat sa ilalim ng liwanag ng
isang parol na nakatatawa.
Si Padre Camorra ay nakalimot na kay Paulita at hindi niya pinalagpas ang
biro ni Ben Zayb. Sino nga naman ang di matatanggihan? Itinuro niya ang isang
pigurin bumunghalit ng tawa matapos magtanong ng:
“At sino naman sa palagay mo ang katulad nito, Ben Zayb?”

130
Ang pigurin ay isang babae na iisa ang mata na nakatingkayad na tulad ng
isang Indiong namamalantsa ng damit.
“Hoy! Ben Zayb, hindi mo ba naisip na ang gumawa nito ay tuso?”
“Hindi ko makita ang dahilan,” sabi ng manunulat.
“Hindi mo ba nakikita ang nakasulat dito na La Prensa Filipina? Ang
kasangkapang iyan na ginagamit ng matandang babae ay tinatawag ditong
prinsa.”
Nagtawanan ang lahat. Nakihalo si Ben Zayb na masaya. Hindi naibigan
ng marami sa magkakasama ang tanghalan. Pinag-usapan nila ito. Marami
ang nagsasabing ang nakadispley na pigurin ay wala sa sining. Ang iba ay
nagsasabing walang pitong ulo, maikli ang mukha, at iisa ang ilong, dapat ay
tatlo. Nagulumihanan si Padre Camorra na hindi nakaaalam na hindi tiyak ang
laki ng mga bahagi ng katawan. Marami ang nagtalo-talo kung ang katutubo
o ang Indio’y may katalinuhan sa pag-iiskultor, kung nararapat payabungin
ang gayong uri ng sining. Pinutol ni Don Custodio ang pagtatalong sabay-sabay
sa pagsasabing ang mga Indio’y nag-aangkin ng katalinuhan sa pag-iiskultor
ngunit paggawa lámang ng mga santo ang dapat harapin.
Bawat isa ay nagsabi na ang Intsik na si Quiroga kung pagmamasdang
mabuti ay kamukha ni Padre Irene.
“At ano ang masasabi mo tungkol sa Mulatong Saglis?”
“Katulad siya ni Simoun.”
Nagkaroon ng katuwaan. Kinusot ni Padre Irene ang kanyang ilong.
“Totoo, tunay, si Simoun nga, pero nasaan si Simoun?”
Si Simoun ay wala! Walang nakakita kay Simoun.
“Marahil ay natatakot na bakâ pabilihin at pagbayarin sa palabas ni Mr.
Leeds.”
“Hindi gayon,” ang sabi ni Ben Zayb,“ayaw lámang niyang mapahiya. Alam
niya marahil na ating hihiyain ang kanyang kaibigang si Ginoong Leeds at ayaw
niyang makialam.”
Umalis silá nang wala man lang biniling kahit isang pigurin at tumungo sa
kinaroroonan ng espinghe.
Iminungkahi ni Ben Zayb na siya ang mag-aasikaso sa bagay na ito. Alam
niyang hindi kayang ipahiya ni Ginoong Leeds ang isang manunulat na katulad
niya na maaaring gumanti sa pamamagitan ng pagsulat ng hindi magandang
balita ukol sa kanyang espinghe.
“Makikita ninyo,” wika niya, “makikita ninyo kung paano ito ginamitan ng
salamin.Tingnan ninyo…”
Minsan pang nagbigay siya ng napakahabang paliwanag na noong bandang
hulí pati siya ay hindi nakaunawa sa kanyang sinasabi.
“Di bale, makikita n’yo rin na ito ay isa lámang pangitain.”

131
Ang Kadayaan
(Kabanata XVIII)

Maayos siláng tinanggap ng Amerikanong si Ginoong Leeds na itim ang


kasuotan. Matatas siyang magsalita ng Kastila dahil sa tagal ng ipinamalagi sa
Timog-Amerika. Hindi siya tumutol sa kagustuhan ng pangkat. Sinabi niyang
malaya siláng magsuri bago at pagkatapos ng palabas. Pinakiusapan lámang
siláng tumahimik sa panahon ng palabas. Parang nakikini-kinita na ni Ben Zayb
na mapapahiya ang Amerikano. Ang silid na pagpapalabasan ay napalilibutan
ng itim na kurtina at ilang antigong lampara lámang ang nagbibigay-liwanag.
Nahahati ang silid sa dalawa. Ang isang bahagi ay punô ng mga silya para sa
tagapanood at ang kalahati ay kinalalagyan ng mahabang mesa na may takip
na itim at palamuting mga bungo. Nadarama ng mga nagsisipasok na parang
pumasok silá sa bahay ng mga patay. Amoy na amoy ang insenso na lalong
nagpapatayo ng balahibo sa mga dumarating. Pinagbubulungan nina Don
Custodio at Padre Salvi ang pagbabawal ng ganitong uri ng mga palabas sa
hinaharap.
“Ngayon, ginoo,” pagyayabang ni Ben Zayb,“dahil sa wala namang Indiong
makakarinig at madaling lokohin, pahihintulutan mo ba akong ipakita ang mga
kadayaan?”
Pinipigil ni Padre Camorra si Ben Zayb sa takot na mapatunayang totoo
nga ang sinasabi nito.
“Bakit hindi, ginoo?” sagot ng Amerikano.
“Huwag ninyo lámang sisirain ang anuman, sang-ayon?”
Ang mamamahayag ay agad nang nása plataporma.
“Sa inyong pahintulot,” sabay kilos sa tákot na hindi pahintulutan ni
Ginoong Leeds. Itinaas ang takip na itim na tela at hinanap ang mga nakatagong
salamin sa may paa ng mesa. Hinagilap ng kamay ang salamin sa ilalim, ngunit
wala siyang natagpuan. Umikot ang mamamahayag sa paligid na wari’y may
hinahanap.
“Nasaan ang mga salamin?” tanong ni Padre Camorra.
Hinanap nang hinanap ni Ben Zayb sa ilalim ng mesa ang salamin at inalis
niyang muli ang takip ngunit wala siyang natagpuan.
“May nawawala ba sa inyo?” tanong ni Ginoong Leeds.
“Ang mga salamin, ginoo, nasaan ang mga salamin?”
nag-aalala.”
“Hindi ko alam kung saan ninyo itinatago ang sa inyo, ang sa akin ay nása
hotel. Ibig ba ninyong makita ang inyong sarili? Namumutla kayo at parang
Napatawa ang ilan sa biro ng Amerikano at si Ben Zayb ay bumalik sa
kanyang upuan nang walang kakibo-kibo.
“Hindi maaari. Tingnan ninyo. Hindi niya iyan puwedeng gawin nang
walang salamin. Papalitan niya mamaya ang mesa.”

132
Ibinalik ni Ginoong Leeds ang takip ng mesa at nagwika:
“Nasiyahan ka ba? Puwede na ba tayong magpatuloy?”
“Hmm, hindi mainitin ang kanyang ulo,” puna ng balo.

“Lahat ay umupo na at ihanda ninyo ang inyong mga tanong.”


Lumabas si Ginoong Leeds at pagbalik ay may dalang kahong kahoy na
napapalamutian ng mga ibong maya at mga bulaklak.
“Mga binibini at ginoo,” patuloy ni Ginoong Leeds na pormal na pormal.
“Minsan sa pagbisita ko sa piramide ni Khufu, panahon ng ikaapat na lipi, ay
natagpuan ko ang kahong ito na puwede ninyong suriin.”
Ipinakita niya ang kahon sa mga nása unang hanay ng upuan. Si Padre
Camorra ay napalayo samantalang tiningnang mabuti ni Padre Salvi ang kahon.
Ngumiti si Padre Irene na parang may nalalaman. Si Don Custodio ay umasta
nang akala mo kung sino at si Ben Zayb ay patuloy na naghahanap sa kanyang
mga salamin.
“Amoy patay,” bulalas ng isang babae habang mabilis na namamaypay.
“Amoy ikaapatnapung siglo,” puna ng isa.
Nakalimutan ni Ben Zayb ang kanyang mga salamin at nilingon ang nagsalita.
Inisip ni Ben Zayb na sana ay siya na ang nakapagsabi noon at nagwika para
inisin si Padre Camorra ng:

133
“Amoy simbahan!”
“Ang kahong ito ay nagtataglay ng abo at mga piraso ng papel na may
nasusulat. Maaari ninyong tingnan. Huwag lámang kayong hihinga nang
malalim dahil ang kabawasan ng abo ay makasisira sa ulo.”
Walang huminga isa man nang matapat sa kanila ang kahon. Si Padre
Camorra, na natawa sa loob-loob niya nang makita mula sa pulpito ng Tiani
ang mga nangakatakot na mukha ng mga makasalanang babae habang
kanyang inilalarawan ang pagpapahirap at pasakit sa impiyerno, ay nagtakip
ng ilong; at si Padre Salvi, ang dati pa ring si Padre Salvi na nagpamalas ng
isang pagtatanghal ng búhay ng mga kaluluwa sa Purgatoryo sa altar ng isang
simbahan sa pamamagitan ng mga ilaw, nanganganinag na pigurin, lampara, at
mga makikislap na papel upang maraming maglimos at maraming magpamisa,
ay hindi humihinga at hindi nagsasalita, nakatitig sa abo nang may halong
pagkatakot at paghihinala.
“Alalahanin mo, tao ka, na ikaw ay isang abo!” ibinulong ni Padre Irene
nang may ngiti sa mga labì.
“Tse!” bulalas ni Ben Zayb.
Naunahan na naman siya sa pagsasabi ng ganoong mga salita.
“Hindi ko maláman ang aking gagawin noon,” wika ni Ginoong Leeds
habang dahan-dahang isinasara ang kahon. “Sinuri ko ang papel na may
dalawang salitang nakasulat na hindi ko maláman ang kahulugan. Hindi ko pa
natatapos sabihin ang unang salitang aking nabása nang naramdaman kong
nahulog ang kahon mula sa aking mga kamay na parang itinulak ng malakas
na puwersa, napunta sa sahig, at nagpawala sa aking lakas upang damputin.
Nabigla akó at nahintakutan nang buksan ko ang kahon at natagpuan ko ang
ulong ito na nakatitig sa akin. Natakot akó at hindi ko maláman ang aking
gagawin. Matagal-tagal din namang hindi ko maláman ang aking gagawin. At
hindi pa nagtatagal kong bigkasin ang pangalawang salita sa papel ay sumara
ang kahon at nawala ang ulo at sa lugar nito ay natagpuan ang mga abong
ito. Napag-alaman ko ring ang dalawang makapangyarihang salitang ito ng
kalikasan ang búhay at kamatayan.”
Tumigil siya sandali pagkatapos ay lumapit sa mesa at ipinatong ang
mahiwagang kahon.
“Ginoo, ang takip!” sabad ni Ben Zayb.
“Bakit hindi?” sagot na may pagsang-ayon ni Ginoong Leeds.
Itinaas niya ang kahon at dahan-dahang inalis ang takip ng mesa. Pagkatapos
ay inilagay ang kahon sa gitna at lumapit siya sa tagapanood. Lahat ay tahimik
na tahimik.
“Bakit hindi pa táyo papasukin?” tanong ng isang babaing may tinig
Kastilang Pilipino.
“Dahil, binibini, ang mga prayle at matataas na pinunò ng pamahalaan ay
nása loob at pinapanood ang ulo,” paliwanag ng tinig ng isang ginoo.

134
“Kung ganoon ang mga prayle man ay sabik na makapanood. At ayaw pang
ipaalam na silá man ay naloloko. Ano ang espingheng ito, kasintahan ng mga
prayle?”
Sa gitna ng katahimikan at sa nanginginig na tinig nagpatuloy ang
Amerikano.
“Mga binibini at kaginoohan, sa isang salita lámang ay mabibigyan ko ng
búhay ang mga abong ito ng taong makapagsasabi sa atin ng nakaraan, ng
kasalukuyan, at ng hinaharap.”
“Deremof!” tili ng Amerikano.
Ang mga nakabitin sa plataporma ay nanginig. May tiling nagmula sa
kahon at ang lahat ay namutla at hindi gumagalaw. Ang isang babae sa tákot ay
napahawak kay Padre Salvi.
Nabuksan ang kahon at nakita ng manonood ang isang ulong may malago
at mahabang buhok. Unti-unting bumukas ang mga mata at tumingin sa
tagapanood. Nagliliyab ang nagniningning na mga mata na may itim sa paligid
na tumitig kay Padre Salvi na mulat na mulat. Nanginig si Padre Salvi.
“Espinghe,” wika ni Ginoong Leeds.“Sabihin mo kung sino ka!”
Sa gitna ng katahimikan ay may malamig na hanging umihip sa plataporma.
“Akó ay si Imuthis,” sagot ng ulo na ang tinig ay parang nanggagaling sa
ilalim ng libingan. “Ipinanganak akó sa panahon ni Amasis at napatay noong
pamumuno ng mga Persyano habang si Cambyses ay pabalik mula sa kanyang
ekspedisyon sa loob ng Libya. Pumunta akó upang tapusin ang aking pag-aaral
sa Gresya,Assyria, at Persya. At akó ay bumalik sa aking bayan upang manirahan
hanggang ipatawag akó ni Thot upang humarap sa kanyang hukuman. Ngunit
sa aking kasiraan, sa pagdaan ko sa Babylonia ay natuklasan ko ang isang
nakapanghihilakbot na lihim, ang lihim ng huwad na Smerdes, ang malakas
ang loob na salamangkerong Gaumata, impostor na tagapamahala. Sa tákot na
ibunyag ko ang kanyang lihim kay Cambyses, ay nagpasiyang sirain muna akó
sa pamamagitan ng paggamit sa mga prayleng Kastilang noon ay namamahala
sa bansa. Sila’y panginoon ng dalawang katlo ng mga lupain.Ang kaalaman ang
kanilang sandata. Inilibing nila ang mga tao sa kamangmangan at pagkaalipin at
pinagsalin-salin sa iba’t ibang panginoon. Ginamit ng mga mananakop ang mga
prayle at dahil sa alam na silá ay mapapakinabangan ay ipinagtanggol silá at
pinayaman.Talagang umasa silá sa kanilang payo at ginawa siláng kasangkapan.
Ipinagbili ng mga paring Ehipto ang kanilang sarili sa kagustuhan ni Gaumata
dahil sa takot din nilang ipagtapat ko sa mga tao na silá ay mandaraya. Dahil sa
kanilang layunin ay sinamantala nila ang damdamin ng isang batang prayle ng
Abydos na ipinalalagay na isang santo.”
Katahimikan ang sumunod. Sinabi ng ulo ang mga pagmamalabis at
pagkukunwari ng mga prayle. Kahit na ito ay nangyari sa ibang panahon,
ang mga sinabi ay nakainis sa mga prayle na nandoon dahil nakita nila ang
pagkakatulad ng mga pangyayari sa talagang nagaganap sa Pilipinas. Mukhang

135
takót na takót si Padre Salvi; nagbubutil-butil ang pawis sa noo, nanlalaki ang
mga mata, at nangangatal. Walang nakakapansin sa kanya dahil sa ang lahat ay
nahihintakutan.
“At ano ang binalak ng prayle laban sa iyo?” tanong ni Ginoong Leeds.
Ang ulo ay kinaringgan ng nakalulunos na daing. Nakita ng mga
tagapanood ang namumuong luha sa mata ng ulo. Naramdaman ng marami na
parang tumayo ang kanilang mga buhok. Hindi ito pangkaraniwang kuwento
lámang. Ang ulo ay talagang nagdusa at ang isinasalaysay niya ay ang tunay
niyang karanasan.
“A!” tili nitong nakapangingilabot.
“Minahal ko ang dalaga, anak ng prayle na tila bulaklak na bagong
namumukadkad. Ang batà pang prayle ng Abydos ay nagkagusto rin sa
kanya at nais niyang masarili ang dalaga, kayâ ginamit ang aking pangalan sa
isang kaguluhan. Ginamit din ang aking mga sulat na nakuha mula sa aking
minamahal. Ang kaguluhan ay nangyari nang si Cambyses ay gáling sa isang di
matagumpay na kampanya. Pinagbintangan akong rebelde, hinuli, at matapos
palaring makatakas ay napatay sa Lawa ng Moeris. Sa aking kinalalagyan
ngayon ay nakikita ko pa rin ang kanyang pananagumpay. Nakikita ko siyang
inaabala at pinagtatangkaan ang birhen na nagtago sa templo ni Isis sa pulo
ng Philoe. Nakikita ko siyang nagdaranas ng pighati, pinagagalit siya, tinatakot,
at pinaghihirap tulad ng malahiganteng paniki na nang-aapi sa puting kalapati.
Matapos ang matagal kong pananahimik ay nagbabalik akó at naglalantad ng
iyong mga kabuktutan!” Sinundan ito ng malakas na halakhak.
“Walang awa . . .”
Si Padre Salvi sa sobrang takot ay hinimatay at nanigas na bumagsak sa
lapag.
“Anong nangyari sa iyo, Reverencia? May sakít ka ba?” tanong ni Padre
Irene.
“Siguro ay dahil sa init,” paliwanag ng isa.
“Iyan ay dahil sa amoy-patay rito.”
“Mamamatay-tao, mapanirang-puri, mapagbanal-banalang prayle,” ulit ng
ulo.“Pinagbibintangan kitang mamamatay-tao, mamamatay-tao!”
At muling umugong ang halakhak, na waring gáling sa libingan at
mapagbahala, na tila dahil sa pagkakulong sa ulo sa pagmamalas sa kaapihan
niyang hindi malumana ay hindi napapansin ang kaguluhang naghahari sa
salas. Si Padre Salvi ay tuluyan nang hinimatay.
“Diyos ko, buháy siya!” sigaw niya bago mawalan ng ulirat. Maputla
siyang parang patay.Ang mga babaing naroroon ay nagsigaya at nagkunwaring
hihimatayin din.
“Nagdidiliryo si Padre Salvi!”
“Sinabi ko na sa kanyang huwag kainin ang sopas na iyon,” dugtong ni
Padre Irene.

136
“Palagay ko ay nahipnotismo siya ng ulong nakatitig sa kanya,” tutol ni Don
Custodio.
Dahil sa kaguluhan ng kanyang isip, inakala ni Padre Salvi na siya ay nása
ospital, sa labanan. Talagang nagmukhang patay si Padre Salvi at ang mga
kababaihang kunwa ay hinimatay ay bumangon na nang makitang walang
aalalay sa kanila.
Sa kabiláng dako, ang ulo ay bumalik na sa pagiging abo at ibinabalik na ni
Ginoong Leeds ang itim na takip sa mesa, at nagpasalamat sa mga tagapanood.
“Dapat ipagbawal ang ganitong mga palabas,” pahayag ni Don Custodio
bago lumabas.
“Iyan ay kawalang-dangal at kawalang-relihiyon!”
“At higit sa lahat,” dagdag ni Ben Zayb, “ay dahil ito ay nagawa sa
pamamagitan ng salamin.”
Bago umalis, tiniyak pa niyang wala ngang salamin. Itinaas na muli ang
takip ng mesa pero walang nakitang salamin.
Ang totoo ay hindi nga siya nagkakamali. Kung siniyasat lámang niyang
mabuti ay makikita niya ang salamin na nakatago sa ilalim ng plataporma na
naitataas at naibababa. Nadidiinan ang isang ispring ng kahon kapag inilagay sa
mesa. Ito ay nagpapatayo at naglalagay sa puwesto sa mga salamin.Ang salamin
ay hindi nakikita, salamat sa dibuhong heometrikal ng kasket. Ang kahon ay
may bútas sa ilalim na tamang-tama sa bútas ng mesa.
Nang sumunod na araw, nagpahayag si Ben Zayb ukol sa agham ng
kahiwagaan, ispirituwalismo, at iba pang bagay ukol dito. Ipinag-utos kaagad
ng gobernador-eklesyastiko ang pagbabawal sa ganitong mga palabas. Subalit
si Ginoong Leeds ay nakaalis na patungong Hong Kong na dalá ang kanyang
lihim.

137
Ang Mapapait na Katotohanan
(Mga Kabanata XIX–XXV)
“Bigyang-kalutasan ang mahahalagang bagay sa maagap
at marangal na paraan upang mapakinabangan
agad ng nangangailangan.”

Paglisan
(Kabanata XIX)

Si Placido Penitente ay lumisan ng silid-aralan na may kapaitang taglay


sa kanyang puso at may luha sa kanyang mga mata. Mahalaga ang kanyang
pangalan habang siya ay di pinakikialaman sa kanyang búhay. Datapwat kapag
siya ay ginalit daig pa ang isang mabangis na hayop na mapipigil lámang kung
patayin o mapatay. Lahat ng pag-aglahi ng mga nakaraang araw ay nagdulot
ng pighati sa kanyang puso. Ang pagsipol ng kanyang mga klase at paglait ng
kanyang guro ay nagsala-salabid sa kanyang isipan. Isang libong plano ng
paghihiganti ang naghahari sa kanyang damdamin.
Ipinakita ni Placido Penitente ang kanyang karangalan, na siya’y nagmula
sa lalawigan ng mga matatapang.
“Mula ka sa Batangas, Placido Penitente! Maghiganti, Placido Penitente!”
anang tinig na wari’y nag-uudyok sa kanyang humanap ng basag-ulo.
“Sabi nila akó ay di marunong maghiganti,” ang sabi sa sarili.“Tingnan natin
kung ano ang kanilang sasabihin pag tinamaan silá ng kidlat!”
Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano pagdating niya sa bahay na
kanyang tinitirhan.
Si Kabesang Andang ay kararating lámang gáling sa Batangas para mamili
sa punong lalawigan, bisitahin ang anak niyang laláki, at tuloy bigyan ito ng
salapi.
Pagkatapos ng pagpapalitan ng pagbabatian, ang kawawang babaing
sa simula pa’y napuna na ang mabalasik na tingin ng anak ay hindi na
nakapagpigil at nagtanong tungkol sa malungkot na sinapit ng kanyang anak.
Sa unang pagsasalita’y naiisip niyang ito ay biro lámang ng anak, ngumiti,
pinagpayuhan at ipinaalaala rito ang kanyang pagpapakasakit, pagtitipid, at
iba pa. Sinabi pa ring ang anak ni Kapitana Simona ay nagpatala sa seminaryo
at dahil dito’y parang Obispo na kung lumakad sa sariling bayan. Inakala ni
Kabesang Simona sa kanyang sarili na siya ay isang Ina ng Diyos, kayâ ganoon
din ang kanyang anak—magiging isa pang Kristo!

138
“Kung ang kanyang anak ay magiging isang pari,” ang biro ni Kabesang
Andang, “ang kanyang ina ay di na pagbabayarin ng kanyang mga utang na
matagal na nating sinisingil.”
At nang kanyang mapagtantong tinutotoo ni Placido ang sinasabi at nakikita
sa kanyang mga mata ang nag-iinit na damdamin, naunawaan niyang ito ay
nagsasabi ng totoo. Mga ilang sandaling wala siyang masabi at pagkatapos ay
naghinagpis nang lubusan.
“Ay” aniya, “at naipangako ko pa naman sa iyong ama na ikaw ay aking
palalakihin at pag-aaralin upang maging isang manananggol! Kahit minsan ay
di akó nangahas na maglaro ng baraha na ang halaga ay kalahati ng piso ang
bawat puntos.Alam mo kung gaano kadalas kong sulsihan ang aking mga blusa
kaysa bumili akó ng bagong damit ay ginugugol ko na lang ang pera sa pamisa
at paghahandog kay San Sebastian kahit masasabi ko na di akó maligaya tungkol
dito, sapagkat ang pari ay nagmamadali sa pagmimisa at si San Sebastian ay
isang bagong santo at di pa kilalá sa pagmimilagro, at ito ay gawa lámang sa
mababang klaseng kahoy. Ngunit, o, sa wakas, ano ang masasabi ng iyong ama
kung ako’y patay na at magkikita kaming muli nang mukha sa mukha?”
Ang kawawang babae ay nagdalamhati at nanangis. Si Placido ay lalong
naging mabalasik at siya’y napabuntung-hininga nang malalim.

139
“Ano ang makukuha ko kung ako’y magiging isang abogado?” ang tanong
nito.
“Ano ang gusto mo?” ang pagpapatuloy ng kanyang ina. “Tawagin ka
nilang subersibong elemento at bibigtihin! Ilang beses ko nang sinabi sa iyo
na maging mapagpasensiya ka at mapagkumbaba! Hindi ko sinabi sa iyo na
halikan mo ang mga kamay ng prayle. Alam ko, katulad ka ng iyong ama na
mahirap pakibagayan at di puwedeng kumain ng Europeong keso—subalit
kailangan nating magtiis, itikom natin ang ating mga bibig, sumang-ayon táyo
sa lahat ng bagay. Ano pa ang dapat nating gawin? Lahat ng mga prayle, pag
sinabi nilang hindi, wala ni isa man na magiging manananggol o manggagamot;
magpasensiya ka, Anak, magpasensiya ka!”
Inilabas na lahat ni Kabesang Andang ang kanyang paghihinagpis.
“Hindi ko sinabi na maging partido ka ng mga prayle. Lubos kong nalalaman
at ng bawat isa sa inyo, na may sampung masamâ na pilit humihingi ng salapi
sa mga mahihirap at may ilang mayayaman ang ipinatapon, ngunit kailangang
manahimik ka at magtiis.”At kanyang naalaala na may isa siyang kakilalang may
tanim na galit sa mga prayle, ngunit ni minsan ay di lumaban upang ipagtanggol
ang kanyang korona bilang isang alipin, at ngayon ay isa nang promoter-piskal
sapagkat naging mapagkumbaba at mapagpasensiya. Ang isa naman ay isang
mahirap na sakristan, ngunit ngayon isa na siyang mayaman na kahit gumawa
ng mahahalay ay di natatakot dahil sa may magsasanggalang sa kanya laban
sa mga awtoridad. Subalit siya ay masunurin at may mababang loob kayâ siya’y
nakapag-asawa sa isang magandang babae na ang naging anak ay inaanak ng
isang kura paroko.
At nang matapos na si Kabesang Andang sa pagbanggit ng mga Pilipinong
may mababang loob at mapagpasensiya, nagdahilan si Placido, umalis ng bahay,
at nagpalakad-lakad sa mga kalye.
Siya ay naglakad-lakad sa mga kalapit lungsod tulad ng Sibakong, Tondo,
San Nicolas, Santo Cristo na taglay ang matinding pagpipigil sa sarili. Nang
maramdaman niya ang pagkagutom ay sakâ niya napaghulo na naibigay
niyang lahat ang kanyang salapi sa pag-aambag at siya ay umuwi na. Hindi niya
inaasahang datnan niya ang kanyang ina dahil ito’y may ugaling tuwing nása
Maynila, at sa ganoong oras ay nagpupunta sa kapitbahay na may naglalaro ng
baraha. Ngunit naghintay si Kabesang Andang para sabihin sa kanya ang mga
plano nito. Kakailanganin niya ang tulong ng mga namamahalang Agustino para
sa kanyang anak upag mapawi ang pagkamuhi ng mga Dominiko. Kumumpas
si Placido upang hadlangan ang kanyang iba pang sasabihin.
“Mamatamisin ko pang itapon sa dagat o maging isang bandido kaysa
bumalik sa pamantasan!”
At nang ipagpatuloy pa ng kanyang ina ang matiyaga at mahinahong
pagsesermon ay lumabas uli si Placido na di pa kumakain.

140
Nang makita niya ang bapor sa daungan na naghahanda patungong Hong
Kong ay nagkaroon siya ng balak: siya ay lalayas at pupunta sa Hong Kong,
upang doon humanap ng ikabubuhay at pagkatapos ay lumaban sa mga prayle.
Kanyang naalaala ang kuwento tungkol sa Hong Kong. Sinasabing isang banal na
kongregasyon ng simbahan ang naghandog ng altar at magkaparis na lalagyan
ng kandila at kandelabrang lantay na pilak. Nagpagawa ang mga prayle sa Hong
Kong ng katulad na palamuti na ipinatubog lámang sa pilak. Ipinatunaw nila ang
inihandog na tunay na pilak at ipinagawang perang Mehikano. Kung dinadala
ng mga prayle ang pera sa Hong Kong, ito ay nangangahulugang mabuti ang
kalagayan ng kalakalan dito. Ang wala pang linaw na plano niyang ito at ang
kanyang ibig gawin sa kanyang búhay na malaya ay ayaw magpatahimik sa
kanya.
“Ibig kong maging malaya, ibig kong mabuhay ng tulad ng mga taong
malaya!”
Nagtaka siya nang mamasyal sa baybayin ng may San Fernando at wala
man lang makitang mapagkaibigang marino. At dahil sa gabi na, binalak na
niyang umuwi. Ngunit maganda ang gabi at may buwan sa langit na nagbibigay-
anyong bibit sa paligid. Pumunta muna siya sa Quiapo. Naglakad-lakad siya
rito at tumingin-tingin. Subalit taglay pa rin sa isip ang pagiging malaya at ang
pakikipagsapalaran sa Hong Kong. Nakita niyang nakikipag-usap si Simoun sa
isang dayuhang Ingles at naisip niyang maaaring maipakilala siya ni Simoun
dito.
Tumigil si Placido. Kílala niya si Simoun dahil ito’y nagtitinda sa kanilang
bayan. Minsan pa nga’y sinamahan niya ito sa paglalakbay at nalibang siya sa
pagkukuwento ng mga tungkol sa mga búhay sa unibersidad sa malalayang
bansa. Ibang-iba roon.
Sumunod si Placido sa mag-aalahas at tinawag, “Mang Simoun, Mang
Simoun.”
Pasakay na ang mag-aalahas sa kanyang karwahe subalit nang makilala si
Placido ay huminto.
“Hihing akó sa iyo ng tulong—nais kitang makausap sandali.”
Si Simoun ay inis na sumama kay Placido na hindi pansin ng hulí. Sinabi
ni Placido sa maikling pananalita kung ano ang nangyari at ang kanyang
pagnanais na tumungo sa Hong Kong.
“Para ano pa?” ang tanong ni Simoun na naglagos sa makapal niyang
salamin ang kanyang titig kay Placido.
Hindi sumagot si Placido at itinaas ni Simoun ang kanyang ulo at binigyan
niya ng malamig na ngiti si Placido:
“Kung gayon, sumama ka sa akin.” Sinabi ni Simoun sa kutsero na dalhin
sila sa Kalsada Iris.
Hindi kumikibo si Simoun sa kanilang paglalakbay, na para bagang may
iniisip na mahahalagang bagay. Si Placido na naghihintay na siya’y kausapin

141
ay tahimik din at nililibang ang kanyang sarili sa mga taong nadaraanan na
nagsisipaglakad sa liwanag ng buwan.Ang lansangan ay punô ng mga kabataan,
mga nagliligawan na sinusundan ng kanilang mga ina o mga ale, mga grupo ng
mag-aaral na mga nakaputi na lalo pang pinaputi ng liwanag ng buwan, mga
langong sundalo sa mga karwahe, mga batang nagsisipagkuwentuhan at mga
Intsik na nagsisipagtinda ng mga tubó. May orkestra na tumutugtog ng balse sa
isang bahay na kanilang naraanan at naaninag niya ang ilang magkaparehong
nagsisipagsayaw sa liwanag ng lampara. Itinanong niya sa kanyang sarili kung
ang gabing may liwanag ng buwan sa Hong Kong ay matulain ding tulad sa
Pilipinas at ang kanyang puso’y napuno ng lungkot.
Inutusan ni Simoun na huminto ang kutsero at bumaba silá.Sa pagkakataong
ito ay dumaraan sina Isagani at Paulita Gomez na nagbubulungan ng matatamis
na salita sa isa’t isa, na sinusundan ni Doña Victorina kasáma si Juanito Pelaez,
na nagsasalita nang malakas at kumukumpas. Naraanan niya, ngunit hindi
pansin, ang dating kamag-aral na si Placido.
“Hayun ang masayang laláki,” pabuntung-hininga ni Placido na sinundan
ng tingin ang grupong nawala na sa dilim.
“Diyan lámang siya magaling,” ang sabi ni Simoun. “Diyan humahantong
ang ating mga kabataan.”
Sino kayâ ang binabanggit nina Simoun at Placido?
Sinenyasan ni Simoun ang binata na kailangan na siláng umalis at dumaan
silá sa mga pasilyong paikot-ikot sa mga gusali, hanggang dumaan silá at
magpalundag-lundag sa mga bato, sa mapuputik na daan; dumaan silá sa ilalim
ng mga bakod na hindi mabuti ang pagkayari. Namamangha si Placido na
sanáy na sanáy si Simoun sa mga lugar na ito. Sa wakas ay sumapit silá sa isang
malaking bakuran na may isang kubo na napapalibutan ng mga punò ng saging.
Marami siyang nakitang putól-putól na mga kawayan na siyang nagpahinala
kay Placido na ang lugar na ito ay pagawaan ng mga paputok.
“Abá, kayo palá, ginoo,” isang laláki ang dali-daling bumaba sa kubo.
“Mayroon na ba kayong pulbura?” ang tanong ni Simoun.
“Nakalagay sa mga sako. Hinihintay ko lámang ang mga lalagyan,” ang wika
ng laláki.
“At ang mga bomba?”
“Handa nang lahat.”
“Mabuti, kailangang umalis ka ngayong gabi at kausapin mo ang tinyente
at ang kabo. At tumuloy ka na sa Lamayan. Doon ay makikita mo ang isang
laláking nakasakay sa bangka. Sasabihin mo sa kanya: ‘Cabesa’ at sasagot siya:
‘Tales’ kailangang narito siya búkas. Walang panahong kailangang masáyang.”
Binigyan ni Simoun ng mga gintong salapi ang laláki.
“Ano pa ang bago, ginoo, may bago bang balita?” ang tanong ng laláki sa
mataas na Kastila.
“Oo. Kailangang magawa ito sa isang linggo.”

142
“Sa isang linggo,” ang pagulat na sabi ng di kilalang laláki.“Subalit hindi pa
handa ang paligid. Hinihintay nilang iurong ng heneral ang utos.Ang akala ko’y
ipagpapaliban ito hanggang sa simula ng Semana Santa!”
Umiling si Simon.
“Hindi natin kakailanganin ang kapaligiran. Ang mga tauhan ni Kabesang
Tales, ang mga pinaalis na guwardiya, at isang hukbo, ay sapat na. Hindi na táyo
makapaghihintay pa nang matagal. Bakâ mamatay na si Maria Clara. Lumisan
ka ngayon din.”
Sumunod ang laláki.
Narinig ni Placido ang lahat sa maikling pag-uusap na ito. Napatingin
siyang takót na takót kay Simoun matapos ang unawain ang pinag-uusapan.
“Nagtataka ka ba kung bakit ang laláking ito na isang Indio ay napakahusay
magsalita ng Kastila? Siya ay isang guro na dahil sa pagsusumikap na maituro
ang Kastila sa kanyang mga mag-aaral ay inalisan ng trabaho at ipinatapon
dahil daw sa pagsira sa kaayusang pambayan at pagiging kaibigan ng walang-
palad na si Ibarra. Iniligtas ko siya mula sa pagkakapatapon na walang ginawa
kundi ang magpungos ng punò ng niyog. Ginawa ko siyang isang ekspertong
tekniko sa pulbura.”
Bumalik silá sa maluwang
na lansangan sa may paanan ng Alam Mo Ba?
arabal ng Trozo. Isang Kastilang
nakatungkod na nasisinagan ng Trozo—isang distrito ito noong panahon
liwanag ng buwan ang makikita ng Espanyol na malápit sa Binondo at
sa harapan ng maayos na bahay na Sta. Cruz.
kahoy. Nilapitan siya ni Simoun at
inunat niya ang kanyang sarili.
“Humanda ka.”
“Lagi akong handa!”
“Sa isang linggo.”
“Na?”
“Sa unang putok ng kanyon!”
Lumayo si Simoun na kasáma si Placido na nag-iisip kung ito ay panaginip
lámang.
“Nagtataka ka ba sa nakita mong Kastilang iyon? Dalawang taon na ang
nakalilipas ay pareho mo rin siyang malakas pero pinilit ng mga kalaban niyang
maipadala sa Balakbak sa batalyon ng paggawa. Nakikita mo siya ngayon na
iginugupo ng rayuma at malaria na magdadala sa kanya sa nalalapit na hukay.
Kapos-palad siyang nagkaroon ng magandang kabiyak.”
May dumaang karwahe. Pinahinto ito ni Simuon at sumakay silá ni Placido
patungo sa kanyang bahay sa Escolta. Kasalukuyang tumutunog ang oras ng
simbahan ng alas diyes kinse.

143
Makalipas ang dalawang oras umalis na si Placido. Tinatalunton niya ang
Escolta. Noo’y hindi na matao, maliban sa mga kapihang bukás pa. Manaka-
naka’y dumaraan ang mga karwahe.
Sa kanyang silid na nakaharap sa Pasig, si Simoun ay nakatayo at nakaharap
sa bintana na malayo sa tingin. Tinitingnan niya ang Intramuros na ang
bubungan ng mga tahanan ay kumikinang dahil sa tama ng liwanag ng buwan.
Gayon din ang mga kampanaryo ng simbahan. Inalis niya ang kanyang salamin.
Medyo maputi na ang kanyang buhok at nababanaag ang kanyang matigas na
mukha sa liwanag ng kukurap-kurap na ilawan. Hindi niya napapansin ang
paglalim ng gabi dahil sa lalim ng kanyang iniisip.
“Ilang araw na lámang,” sinabi niya sa kanyang sarili. “Ang kasumpa-
sumpang lunsod na punung-puno ng pagmamataas at pagsasamantala sa mga
mangmang at kapuspalad ay magliliyab na; ang karahasan ay nagsimula na sa
mga kanugnog-bayan at mga lansangan. Iyan ang aking paghihiganti na bunga
ng kasinungalingan at kasakiman. At kung magkagayon ay gigibain ko ang
pader ng iyong kulungan; kukunin kitá sa gapos ng kapanatikuhan, at ikaw,
mahal na kalapati, ikaw ay magiging parang phoenix na makalilipad mula sa
nagliliyab na lunsod. Ang paghihimagsik na ginawa ng mga laláki sa anino, na
naglayo sa akin sa iyong piling, ay siya ngayong magdadala sa akin sa iyo at
magbabalik sa aking búhay ay bago magliwanag ang kabilugan ng buwan sa
Pilipinas ay magiging malinis ito at mawawala ang mga dumi.”
Ngayon ay para siyang binabagabag ng kanyang budhi na nagtatanong
kung siya ba ay hindi naging bahagi ng isinumpang lunsod na punong-puno
ng mga patay, pagsasamantala sa kababaihan, at pagwasak ng mga tahanan.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at matagal na hindi nakakilos. Naalala niya
ang kanyang ginawang pagmamahal at pagpapasamâ sa isang taong walang
pananampalataya, pagkamakabayan, at konsiyensiya. Isang kapitan heneral ang
gagamitin niya sa kanyang paghihiganti. Hindi niya pakikinggan ang kanyang
budhi. Natatakot siyang alalahanin ang kanyang mga ginawa. Ngayon pang
malápit nang mangyari ang kanyang pinakahihintay ay sakâ pa niya parang
nakikita ang mga multo ng mga napariwara dahil sa kanya na nása ilog,
at ngayon ay nása kanyang silid na waring lumalapit sa kanya. Ibig siyang
hawakan, sumisigaw, umiiyak; lumayo siya sa bintana at sa unang pagkakataon
sa kanyang búhay ay nanginig siya sa takot.
“Siguro’y may sakit akó, di mapalagay . . . . Maraming namumuhi sa akin,
sinisisi akó sa kanilang mga kasawian, ngunit . . .” ang bulong niya sa sarili.
Bumalik siya sa may bintana upang magpalamig, Nangilabot siya sapagkat
parang nakita niya ang kanyang amang patay na sa kulungan, ngunit dahil
sa mabuting kadahilanan. Nakita niya rin ang mukha ng taong namatay para
kay Ibarra, sa paniniwalang matatamo niya ang katubusan ng kanyang lupang
tinubuan.
“Hindi, hindi na akó puwedeng bumalik,” naibulalas niya habang
pinapahid ang pawis sa kanyang noo. “Malayo na ang narating ng panukala
144
at ang tagumpay nito ay nagpapatotoo sa akin. Kung ginawa ko ang katulad
ng ginawa mo, hindi sana akó nagtagumpay. Kalimutan na ang mga kaisipan
at walang kabuluhang mga haka. Ang kanser ay magagamot lámang ng apoy
at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran. Kung masamâ ang kasangkapan,
hayaan itong mabuwag pagkatapos. Hindi . . .napag-isipan ko na itong lahat
ngunit nilalagnat akó ngayon. . . . Ang pag-iisip ko’y uulik-ulik. At ang mga
bágang na ito ay dumaraan lámang . . .kung nakagawa man akó ng masamâ, ito
ay para sa kabutihan din at ang wakas ang siyang mapapatunay sa kadahilanan.
Hindi ko dapat ihayag ang aking sarili.”
Natulog siyang taglay ang agam-agam.
Kinabukasan ay nakinig si
Placido nang may pagpapakumbaba
at ngiti sa mga labì sa pangaral
Alam Mo Ba?
ng kanyang ina. Nang ilahad niya Prokurador—Isa rin itong tawag sa
ang kanyang balak na gamitin ang gobernador o tagapamahala ng isang lugar
Prokurada ng mga Agustino upang na may administratibong kapangyarihang
mamagitan para sa kanya, hindi siya mamamagitan o maging tagapamagitan.
kumibo ni tumutol man. Sa halip
pa’y siya na ang nakipag-usap sa
Prokurada upang iiwas ang kanyang ina sa gulo at hinimok ang kanyang
inang umuwi na sa lalawigan sa lalong madaling panahon ng araw ding yaon.
Tinanong siya ni Kabesang Andang kung bakit.
“Dahil kapag nalaman ng Prokurador na kayo ay naririto hindi siya kikilos
hangga’t hindi kayo magpapadala ng mga regalo at magpamisa nang marami.”

Ang Nagpapasiya
(Kabanata XX)

Tama ang sinabi ni Padre Irene. Malápit nang magkaroon ng kalutasan ang
suliranin ukol sa akademya ng wikang Kastila.Ang masipag na si Don Custodio,
na ayon kay Ben Zayb ay siyang pinakamasigasig sa lahat ng mga nagpapasiya,
ay abalá sa pag-aaral nito. Maraming araw ang ginugol niya sa masusing
pagbabasa ng mga kasulatan. Nakakatulog siya nang walang napagpapasiyahan
at gigising kinabukasan nang gayon din. Gayon nang gayon ang nangyayari.
Ganoon na lámang ang pagsisikap ng kaawa-awang ginoo, ang pinakamasipag
na tagapagpasiya sa daigdig! Ibig niyang malutas ang suliranin at mabigyan
ng kasiyahan ang lahat, ang mga prayle, ang mataas na kawani, ang kondesa, si
Padre Irene, at ang kanyang malalayang simulain.
Nanggaling na siya kay Ginoong Pasta upang humingi ng payo. Siya ay
naguluhan sa isang milyong magkakataliwas at di maaaring mangyaring mga
paraan na ipinayo sa kanya ni Ginoong Pasta. Nagtanong siya sa mananayaw na
si Pepay. At ang Pepay na iyon na walang nalalaman ukol sa isinasangguni ay
145
humingi sa kanya ng dalawampu’t limang piso upang ipagpalibing sa kanyang
ale na biglaang namatay nang panlimang ulit o marahil pagkatapos ng mahabang
pagpapaliwanag ay para sa panlimang ale niyang namatay. Nahimok din ni
Pepay si Don Custodio na ipasok ang kanyang pinsang marunong bumasa,
sumulat, at tumugtog ng biyolin sa auxiliar de fomento. Ang lahat ay pawang
malayong makapagbigay ng kalutasan sa kagipitan ni Don Custodio.
Dalawang araw pagkatapos ng perya sa Quiapo, nagpatuloy si Don
Custodio sa kanyang karaniwang gawain. Pinag-aralan niya ang mga kasulatan
ngunit di makahanap ng kalutasan dito. Habang siya’y humihikab, umuubo, at
humihitit ng tabako at hinahayaang maglaro ang kanyang diwa sa mga hita ni
Pepay at sa pag-ikot-ikot nito ay maaaring nagtataka ang mga taong inip na inip
na naghihintay ng kanyang pasya kung bakit pinili ni Padre Sibyla ang katangi-
tanging taong ito upang magpasiya sa napakaselang bagay na ito at kung bakit
sinasang-ayunan naman ng kabilang panig.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang
“BuenaTinta”ay nabibilang sa isang uri ng lipunan sa Maynila na hindi makagawa
ng hakbang nang hindi inilalarawan sa mga pahayagan na “walang kapaguran,”
“bantog,”“masipag,”“palaisip,”“matalino,”“malawak ang kaalaman,”“mayaman,”
na parang natatakot ipagkamali sa ibang tao na may ganoon ding pangalan
na isang tamad at hangal. Wala namang masamang nagagawa ito at hindi
nakagagambala sa sensor. Ang bansag na “Buena Tinta” ay galíng sa kanyang
pakikipagkaibigan kay Ben Zayb, sa dalawang pakikipagtalo sa pahayagan ng
hulí na tumagal ng maraming linggo at buwan tungkol sa kung dapat gamitin
ang sumbrerong hongo de copa o salakot at kung ang pangmaramihan ng
salitang caracter ay dapat maging carácteres at hindi caractéres. Madalas
niyang binabanggit sa kanyang pangangatwiran ang salitang “constamos de
buena tinta,” ang mapagkakatiwalaang sanggunian. Sapagkat walang naililihim
sa Maynila, nabunyag na ang Buena Tintang ito ay walang iba kundi si Don
Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo.
Batang-bata siya nang dumating sa Maynila. Dahil sa may mabuting
hanapbuhay, nakapag-asawa siya ng isang magandang mestisang nabibilang sa
isang mayamang angkan sa Maynila.Dahil sa kanyang katutubong kakayahan,lakas
ng loob at pagkamatimpi, natutuhan niyang samantalahin ang lipunang kanyang
kinabibilangan. Sa pamamagitan ng salapi ng kanyang asawa, nakipagkalakalan
at tumanggap ng mga paggawa mula sa pamahalaang pambansa at panlunsod.
Kayâ siya ay nahirang na konsehal, pagkatapos ay alkalde, kagawad ng
Sociedad Economica de Amigos del
Alam Mo Ba? Pais, kasangguni ng pangasiwaan,
pangulo ng Lupong Nangangasiwa
Obra Pias—Bangko sa Panahon ng sa Obras Pias, kagawad ng Lupon
Espanyol na ang pangalan ay nanga- ng Kawanggawa, tagapayo ng
ngahulugang pagkakawanggawa. Banco Español Filipino, at marami

146
pang iba. Karaniwang inilalagay
ang mga ito matapos na mabanggit Alam Mo Ba?
ang isang mahabang talaan ng
Banco Español Filipino—isa sa pinaka-
mga katungkulan. Kahit hindi pa
matandang bángko sa Pilipinas noong
nakakikita ng ano mang aklat na
panahon ng mga Espanyol.
pangkalusugan, nahirang si Don
Custodio na pangalawang-pangulo
ng Junta de Sanidad sa Maynila. Binubuo ito ng walong kagawad at isa lámang
ang kinakailangang manggagamot at ang isang ito’y hindi mangyayaring siya.
Naging kagawad din siya ng Junta Central sa pagbabakuna na binubuo ng
tatlong manggagamot at pitong karaniwang tao na walang kinalaman tungkol
dito. Kabílang dito ang arsobispo at tatlong ordeng panrelihiyon. Naging kasapi
rin siya ng cofradia at archicofradia at katulad ng nabanggit na, kagawad at
tagapagpasiya ng hindi kumikilos na kataas-taasang Lupon ng Paaralang Bayan.
Ang lahat ng ito ay labis-labis upang papurihan siya ng mga pahayagan kung
siya’y maglalakbay o kahit bumabahin lámang.
Sa kabila ng maraming katungkulang hinahawakan ni Don Custodio, hindi
siya katulad ng ibang kagawad ng Batasan na kimi at tamad na nasisiyahang
matulog sa púlong at bumotong kasáma ng nakararami. Hindi rin siya
katulad ng maraming hari sa Europa na taglay pa rin ang kabunyiang hari
ng Herusalem. Pinahahalagahan ni Don Custodio ang kanyang karangalan.
Madalas nakakunot ang kilay, pinalalakí ang tinig, nagkukunwang uubo sa
pagsasalita at nauubos ang panahon ng pagpupulong dahil sa pagsasalaysay ng
isang anekdota, paglalahad ng isang panukala, o pakikipagtalo sa isang kasáma,
na may lakas ng loob na sabihin ang di kanais-nais na katotohanan. Kahit
wala pa siyang apatnapung taon lagi niyang sinasabi na kailangang maging
maingat sa pagkilos, pahinugin ang bubot na bunga, mag-isip nang mabuti,
magpatuloy nang dahan-dahan. Kailangang pag-aralan ang kasalukuyang
kalagayan ng mga Indio. . . pagkat ang karangalan ng Espanya. . . .pagkat sila’y
mga Kastila rin . . . pagkat ang pananampalataya. . . Hindi pa nalilimutan sa
Maynila ang kanyang talumpating tumututol sa paggamit ng gaas sa mga ilaw
sa kalye sa halip na langis ng niyog. Sa pagbabagong iyon, hindi nakita ni Don
Custodio ang pagkamatay ng industriya ng langis ng niyog. Nakikita niya ang
kapakinabangang maidudulot ng panukalang ito sa kanyang mga kasáma.
Sinabi niyang ang balak ay hindi pa napapanahon at hinulaan ang maraming
masasamang ibubunga nito sa lipunan. Hindi rin malilimutan ang isang balak
na harana ng mga kasáma niya para sa paalis na gobernador. Dahil sa kaunting
samâ ng loob niya sa gobernador, gumawa siya ng paraan upang ipadama na
ang kapalit na gobernador ay mahigpit na kaaway ng kanyang papalitan. Kayâ
nangatakot ang mga ito at hindi na itinuloy ang balak.
Isang araw, pinayuhan siya na bumalik sa Espanya upang magpagamot ng
taglay na karamdaman sa atay. Nalathala ito sa mga pahayagan. Itinulad siya

147
kay Anteo, na isang mambubuno sa mitolohiyang Griyego, na nagtataglay ng
lakas na di masusupil hangga’t siya’y nása kanyang Inang Bayan. Ipinalagay
na kailangang yumapak lámang siya sa lupang sinilangan upang makabawi
ng lakas. Ngunit ang Anteo ng Maynila ay walang kabuluhan sa Madrid.
Hindi siya tinitingala roon. Hinahanap-hanap niya ang mga papuri sa kanya
ng mga mamamahayag. Hindi siya makahalubilo sa mga mayayaman. Dahil
sa kakulungan niya sa pinag-aralan hindi siya mapahalagahan sa lipunang
pansiyentipiko at pang-akademya. Iniwan niyang litong-lito ang lipunang iyon
na walang kasiyahang-loob at walang malinawan kundi doo’y kinukunan ng
kuwalta ang tanga sa isang laro na ang mga baraha’y may mga marka at malaking
halaga ang nakataya. Naalaala niya ang kanyang mga masunuring utusán na
mapagbigay sa lahat ng kanyang maibigan. Naisip niya na higit na mabuti ang
mga ito kaysa ano pa mang bagay sa Madrid. Kung taglamig, namimili siya kung
maglalalapit sa apuyan at maihaw o kaya’y magkasakit sa bagà. Pinanabikan
niya ang taglamig sa Maynila na walang kailangan kundi ang isang bupanda.
Kung tag-araw, hinahanap niya ang silyong pahingahan, ang mamaluktot
dito habang pinapaypayan ng isang utusán. Anupa’t sa Madrid ay isa lámang
siyang pangkaraniwang tao. Kahit marami siyang brilyante, napagkakamalan
siyang tagabukid na hindi marunong lumakad nang maayos. At kung minsa’y
ipinalalagay siyang isang abenturerong mula sa Timog-Amerika na nais
yumaman kaagad. Pinagtatawanan ang kanyang kakimian. At nang hindi
mapagbigyan ang mga mangungutang, hiniya siya nang harapan. Hindi siya
nasiyahan sa mga conservador na hindi pumapansin sa kanyang mga payo at
sa mga radical na sumisipsip sa laman ng kanyang bulsa, kayâ sumapi siya sa
mga liberal at bago natapos ang taon, bumalik na sa Pilipinas. Kung hindi man
gumaling ang sakít sa atay, nagkaroon naman ng bagong kaisipan at palagay.
Ang labindalawang buwang ipinamalagi niya sa Madrid na kahalubilo
sa kapihan ang mga politiko na halos walang mga pinapasukan, ang mga
talumpating narinig niya, ang ganito at gayong lathalain sa mga pahayagan ng
mga kalaban, ang lakad ng politika sa kapaligiran mula sa pagupitan hanggang
sa mga piging kung saan naghahayag na iba’t ibang palagay na pampolitika,
ang di pagkakaunawaan, ang mga pagkakaiba, mga di-kasiyahang-loob, ang
lahat ng ito ay muling nabubuhay sa kanyang sarili habang papalayo siya sa
Europa. Ang mga ito’y tulad sa mga butong hindi nagkaroon ng pagkakataong
tumubo dahil sa naihagis na kasáma ng mga damo. Kayâ nang dumaong ang
kanyang bapor sa Maynila, nagkaroon siya ng hangaring papagbaguhing-búhay
ang siyudad na taglay ang pinakabanal na layunin at pinakamalinis na mithiin.
Sa mga unang buwan ng kanyang pagdating wala siyang binanggit kundi
ang Madrid, ang mabubuti niyang kaibigang ministro na si Ganito, ang naging
ministrong si Gayon, ang kinatawang si C at B, ang manunulat na si B. Walang
mga pangyayaring pampolitika, walang alingasngas sa Corte na hindi niya
nalalaman kahit kaliit-liitang bagay.Walang nalilingid na lihim sa kanya ang mga

148
pinunò ng pamahalaan hinggil sa kanilang kabuhayan, walang nangyayari na di
niya nahuhulaan. Walang pagbabagong ipinahahayag na hindi hinihingi muna
ang kanyang kuru-kuro. Ang lahat ng ito ay may kasamang pagtuligsa sa mga
coservador, mga papuri sa mga liberal, isang anekdota, isang salita mula sa isang
dakilang tao, at mga kuwento tungkol sa pag-aalok sa kanya ng mga tungkuling
hindi tinanggap, upang huwag lámang siyang magkaroon ng anumang utang
na loob sa mga conservador. Ganyan ang kanyang pagpapasikat nang mga
unang araw. Dahilan sa kanyang masidhing pagtatalumpati, ang ilan sa kanyang
mga nakapulong sa tindahan na kanyang pinupuntahan paminsan-minsan gaya
ng isang sarhento na karabinero, isang piloto na masugid na Carlista, isang
pinunò sa Aduana, isang sapatero, at manggagawa ng silya ay sumapi sa partido
ng liberal.
Ang kasiglahan ni Don Custodio ay unti-unting napawi dahil sa kakulangan
ng tagapagtaguyod at katunggali. Hindi niya binabasa ang mga pahayagang
tinatanggap mula sa Espanya sapagkat dumarating ito nang tala-talaksan.
Makita lámang niya ang mga ito’y napapahikab na siya. Ang mga kuro-
kurong napulot niya na pawang gamit na ay kinakailangang pag-aralang muli.
Walang tinutukoy ukol sa mga pinagmulan ng mga ito upang makapagbigay
siya ng talumpati tungkol dito. Bagaman sa mga kasino sa Maynila ay labis
na nakapaglalaro at nangyayari ang pagsasamantalang gaya rin sa Madrid,
hindi naman pinahihintulutan ang ano mang talumpati na makapagpapainit
sa mga mithiing pulitiko. Ngunit si Don Custodio ay hindi tamad. Kumilos
siya. Nakikini-kinita niyang sa Pilipinas maiiwan ang kanyang mga buto at
ang lupaing ito ang tanging makikilusan niya. Kayâ pinag-ukulan niya ng
pagmamalasakit ito. Naniniwala siyang mapauunlad niya ito sa pamamagitan
ng maraming kakaibang pagbabago at mga panukala. Siya ang nagmungkahing
pagtibayin ang paglalagay sa mga daan ng mga tablang kahoy na ipinakong
tulad ng ginagawa sa mga bahay. Narinig niya ito sa Madrid na ginagawa sa mga
daan sa Paris bagama’t di pa pinagtitibay sa Espanya. Upang maiwasan ang mga
sakunang may kaugnayan sa sasakyang dalawa ang gulong, iminungkahi niya
ang paggamit ng mga sasakyang may tatlong gulong. Samantalang gumaganap
siya ng tungkulin bilang pangalawang pangulo ng Junta de Sanidad ay naisip
din niyang pausukan ng disimpektante ang lahat pati na ang mga telegramang
nanggagaling sa mga lugar na may sakít na nakahahawa. Siya rin ang naawa sa
mga bilanggong nagtatrabaho sa init ng araw. Upang makatipid ang pamahalaan
sa pagbili ng kasuotan ay nagmungkahing bahag ang gamitin ng mga bilanggo
at sa gabi pagawain sa halip na sa araw. Nagtataka siya at nagpupuyos sa
galit kung tinutuligsa ang kanyang kagalit. Naghihiganti na lámang siya sa
pamamagitan ng pagtuligsa at pagtutol sa lahat ng balakin ng iba, maging
masamâ o mabuti man, na inihaharap sa kanya.
Sapagkat nagpapanggap na siya ay liberal, tuwing siya’y tatanungin kung
ano ang palagay niya sa mga Indio ay nagpapakababa siyang sumasagot na

149
may kakayahan silá sa mga gawaing pangkamay o sa mga sining na huwad
katulad ng musika, pintura, at eskultura. At idinadagdag pa niya ang madalas
niyang paalala na upang ganap na makilala silá ay kailangang tumira ng
mahabang panahon dito sa Pilipinas. Ngunit kung nakaririnig siya ng Indiong
napapabantog hindi dahil sa gawaing pangkamay o mga sining na huwad, kundi
sa kimika, medisina, o pilosopiya, sinasabi niyang ang dugong nananalaytay
sa ugat ng Indiong iyon ay dugong Kastila. At kung hindi niya makitaan ng
dugong Kastila ang naturang Indio kahit na magpilit, aalamin niya kung may
dugong Hapones. Noon, nagsisimulang maging uso na ang anumang mabuting
katangian o gawain ng mga Pilipino ay ituring na impluwensiya ng Arabe at
Hapones. Para kay Don Custodio, ang kundiman, balitaw, at kumintang ay mga
tugtuging Arabe, bagama’t hindi siya marunong ng Arabe at hindi pa nakakakita
ng matandang alpabeto ng Pilipino.
“Arabe, ang lalong dalisay na Arabe!”ang sabi kay Ben Zayb sa tonong hindi
masalungat.“at maaari namang Intsik.”
At idinagdag pa niyang sabay ng makahulugang kindat:
“Walang bagay na likás sa mga Indio.Hindi silá dapat bigyan ng pagkakataong
lumikha. Nauunawaan ba ninyo akó? Nagigiliw akó sa kanila, ngunit hindi silá
dapat purihin, sapagkat maaaring lumaki ang kanilang ulo at mapahamak silá.”
Kung minsan naman sinabi niyang:
“Mahal na mahal ko ang mga Indio. Inilalaan ko ang aking sarili bilang ama
at tagapagtanggol. Ngunit kinakailangang mailagay sa dapat kalagyan ang lahat
ng bagay. Ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod.
Ngunit hindi ito sinasabi nang hayagan bagama’t may katotohanan. Maaari
itong isagawa nang hindi na pinag-uusapan. Kapag nais mong supilin ang
bayan, paniwalain ninyong sila’y nababagay na tagasunod lámang. Sa unang
araw ay magtatawa silá. Tututol silá sa susunod na araw. Sa ikatlong araw ay
mag-aalinlangan silá at sa ikaapat ay maniniwala na silá. Upang mapasunod
ang mga Pilipino, kailangang ulit-ulitin sa kanila araw-araw na sila’y gayon at
wala siláng kakayahan. Gayunman, ano ang kahulugang maidudulot ng kanilang
pananalig sa kanilang kakayahan kung ito ang magiging sanhi ng kanilang
pagiging sawimpalad? Maniwala kayo sa akin! Isang pagkakawanggawa ang
pamalagiin ang bawat isa sa wastong kalagayan. Diyan nasasalalay ang kaayusan
at pagkakasundo. Iyan ang lihim ng karunungan sa pamamahala.”
Si Don Custodio ay hindi na nasisiyahan sa salitang sining kapag ang
tinutukoy ay kanyang mga patakarang pampulitika. At nang kanyang sabihin
ang “pamahalaan,” iniunat ang kamay at ibinaba ito na ang taas ay parang sa
isang taong nakaluhod.
Tungkol naman sa kanyang pananampalataya, ipinagmamalaki niya ang
pagiging Katoliko, isang mabuting Katoliko—Katolikong Espanya, ang lupain
ni Maria Santisima! Ang isang liberal ay maaari at dapat na maging Katoliko

150
sa isang bayang ipinalalagay ng mga kalaban na atrasado, na sila’y mga diyos-
diyosan, o santo man lámang, gaya ng pangyayaring ang isang kayumanggi ay
inaaring maputi sa Kapreria. Gayunpaman, kumakain siya ng karne kung Mahal
na Araw maliban kung Biyernes Santo. Hindi siya nangungumpisal. Hindi siya
naniniwala sa mga himala o sa hindi pagkakamali ng papa. Nagsisimba siya
sa ikasampu ng umaga o sa pinakamaikling misa para sa mga guardia civil.
Kahit nása Madrid, tinutuligsa niya ang mga korporasyon upang makiangkop
sa nangyayari sa kapaligiran. Ipinalalagay niya na hindi na silá nararapat sa
panahong ito. Isinisigaw niya ang nakasusuklam na Inquisicion at nagsasalaysay
ng gayon at ganitong mahahalagang kuwento tungkol sa mga prayleng may
abito o walang abito. Ngunit kapag binabanggit niya ang Pilipinas, titikhim
at titingin nang makahulugan at magwiwika na ang kalagayan sa Pilipinas
ay naiiba. At sa tinging may nalalaman, ibababa ang kamay hanggang sa
nakagawiang taas.
“Ang mga prayle ay kailangan. Silá ay masamâ ngunit kinakailangan,” ang
sabi niya.
Nagagalit siya kapag nag-aalinlangan ang ilang mga Indio sa mga milagro o
hindi naniniwala sa papa. Ang lahat ng pahirap sa Inquisicion ay hindi pa sapat
na parusa sa gayong kapangahasan.
At kapag ikinakatwiran sa kanya na ang pananakop o pamumuhay sa
sinasamantala ang kamangmangan ay bibigyan ng masamang larawan at
parurusahan ng batas kapag ginawa sa isang tao kaysa sa isang bayan, ibinibigay
niyang halimbawa ang ibang bayang nasasakupan.
“Makapagmamalaki táyo!” masasabi niya na parang nagtatalumpati.“Hindi
táyo katulad ng mga Ingles at Olandes na upang mapanatili ang pananakop ay
gumagamit ng pamalo. Mayroon tayong ibang paraan na mahinahon at tiyak.
Ang mabuting panghikayat ng mga prayle ay higit kaysa pamalo ng mga Ingles.”
Naging bukambibig sa buong Maynila ang sinabi niyang ito. Paulit-ulit
na binabanggit ito ni Ben Zayb. Hinangaan ito ng lahat. Ang mga salitang
ito ay nakarating sa Corte. Binanggit sa Parlamento at sinabing nagmumula
sa isang matagal nang liberal. Naging karangalan para sa mga prayle ang
gayong pagtutulad. Hinandugan siya ng sako-sakong sikulate at mga regalo na
ipinababalik naman agad ng di-masuhulang si Don Custodio. Ang katangiang
pansibikong ito ang itinulad ni Ben Zayb kay Epaminondas, ang matandang
heneral ng Gresya na bantog sa kalinisan at kabaitan ng pag-uugali at sa
kanyang mga pagtatagumpay. Gayunman, ang makabagong Epaminondas ay
gumagamit din ng pamalo kapag nagagalit at ipinapayo rin sa iba.
Nang mga araw na yaon, naghandog na muli ng mga regalo ang kumbento
sa pangambang pumanig siya sa mga mag-aaral. Nalagay siya sa alanganing
katayuan. Natataya ang kanyang kabantugan bilang isang taong mabilis
kumilos at magpasiya. Isang hapon, pagkatapos ng mahigit na dalawang linggo

151
na napasakamay niya ang mga kasulatan ng panukala, naalaala niya nang
umagang iyon pagkatapos purihin ang kanyang kasipagan, tinanong siya ng
mataas na kawani tungkol sa kalagayan ng panukala. Nagsawalang-kibo siya
upang ipalagay na nakapagpasiya na siya. Ngumiti ang mataas na kawani. Ang
ngiting iyon ang lumiligalig sa kanya.
Naghikab siya at sa pagitan ng mga hikab, sa pagsara ng mga mata at
pagbuka ng bibig, ay namataan niya ang hanay ng mga pulang kuwaderno na
nakasalansan nang maayos sa isang kamagong na estante. Nakasulat sa bawat
isa ang salitang proyekto.
Saglit niyang nalimutan ang kanyang alalahanin at ang pag-ikot ni Pepay
kung sumasayaw at inisip na ang lahat ng nakasalansan sa estante ay bunga ng
kanyang malikhaing isipan kapag siya ay may inspirasyon. Ganoon karaming
sariling pagkukuro, ganoon karaming mga dakilang adhikain, ganoon karaming
mga lunas na magliligtas sa abang kalagayan ng Pilipinas! A, nakatitiyak siya na
di siya malilimutan at pasasalamatan pa ng buong bayan!
Katulad ng isang matandang nag-aaliw na nakatuklas ng isang pakete
ng inaaaring mga lihim ng pag-ibig, si Don Custodio ay tumayo at tumungo
sa estante. Ang unang kuwaderno na makapal at namumutok sa laman ay
pinamagatang “Mga Panukalang Proyekto.”
“Hindi,” ang bulong niya. “Mahahalagang bagay ito, ngunit kinakailangan
ang isang taon upang mabasang muli.”
Ang pangalawang kuwaderno ay makapal din at may nakasulat na Mga
Proyektong Pinag-aralan.
“Hindi rin ito,” wika sa sarili.
Pagkatapos noon ay Mga Proyektong Isinaalang-alang, Mga Proyektong
Iniharap Na, Mga Proyektong Hindi Pinagtibay, Mga Proyektong Pinagtibay,
Mga Proyektong Pinigil. Ang mga huling kuwaderno ay kakaunti ang laman.
Ngunit ang hulí ang pinakakaunti: Proyektong Naisakatuparan Na.
Kumibot ang ilong ni Don Custodio. Anong proyekto iyon? Nakalimutan
na niya kung ano ang nása loob. Kapirasong papel na naninilaw ang nakalabas
sa pagitan ng mga takip na wari’y dinidilaan siya ng kuwaderno.
Kinuha niya ito sa estante at binuksan. Iyon ang tanyag na proyektong
nagpanukala ng Paaralang Artes y Oficios.
“Purtis!” ang bulalas niya. “Ngunit ito’y nása kamay na ng mga paring
Agustino.”
Walang ano-ano’y biglang tinapik ang kanyang noo, itinaas ang mga kilay,
at nalarawan sa mukha ang tagumpay.
“Alam ko na,” ang nasabi niya na bumitaw ng isang mahalay na salitang
hindi ang eureka ngunit nagsisimula sa katapusan nito, “yari na ang aking
pasya.”
Masigla siyang bumalik sa kanyang mesa at masayang hinawakan ang
panulat.

152
Mga Ayos ng Maynila
(Kabanata XXI)

Nang gabing iyon ay may


malaking palabas sa Teatro de Alam Mo Ba?
Variedades.
Sa kauna-unahang pagkakataon, Les Cloches de Corneville—isang
ang samahan ng Operetang nakatatawang palabas na may tatlong
Pranses sa pamamahala ni Mr. Jouy tagpo na hango sa dula ni Gablet. Unang
ay magtatanghal ng Les Cloches ipinalabas ito sa Paris, France noong
de Corneville. Mapapanood ang 1877 na tumakbo ng 408 palabas. Ito
piling tropa na ang kabantugan ay ay tinawag sa Ingles na; The Chimes of
ilang araw nang inilalathala sa mga Normandy at The Bells of Corneville.
pahayagan. Sinasabing ang ilan
sa mga artistang babae ay may magagandang tinig at lalong magagandang
katawan. At kung paniniwalaan ang mga sabi-sabi, ang pagkakarinyosa ng mga
ito ang lalo pang balita kaysa kahanga-hangang mga tinig at ganda ng katawan.
Ikapito at kalahati pa lámang ng gabi ay wala nang makuhang upuan,
kahit para kay Padre Salvi na nagnanais na makapanood. Tila walang patid
ang pila sa entrada general. Sa takilya’y may awayan at tungayawan, may mga
paratang ng pag-aalsa at masamang pagpapalagay ng mga lipi-lipi. Ngunit ang
mga ito ay di nagbigay-daan upang makabili ng tiket. Nang labinlimang minuto
na lámang bago mag-ikawalo, malaking halaga na ang iniaalok para sa mga
upuan. Naliliwanagang mabuti ng mga ilaw ang dulaan. Napapalamutian ng
mga halaman at bulaklak ang bawat pinto. Kayâ naman di mapigil na humanga
at mapasuntok ang mga bagong dating. Nagkukumahog ang di-mabilang na
dami ng tao. Buong pangingimbulong sinusundan nila ng tingin ang mga
taong nagsirating nang maaga na ayaw ng pawalan ang kanilang mga upuan.
Tawanan at anasan ang sumalubong sa mga nabigong makapasok na nagkasiya
na lámang panoorin ang mga pumapasok sa dulaan.
Gayunman, may isang laláki na hindi natitigatig at hindi kababakasan ng
pananabik.Ang lalaking iyon ay matangkad,payat,at marahang lumakad sapagkat
hinihila ang naninigas na paa. Nanlilimahid ang suot niyang amerikanang kulay-
kape at isang paris ng pantalon na pari-parisukat ang guhit na kababakatan ng
kanyang butuhan at payat na mga binti. Isang sumbrerong piyeltro na kahit na
sirâ na ay suot sa kanyang malaking ulo. Ngunit lumilitaw rin ang maruming
abuhing buhok, mahaba at kulot na mga dulo na tulad ng buhok-makata.
Ang lalong katangi-tangi sa lalaking iyon ay hindi ang damit, o ang mukhang
Europeo na walang balbas o bigote, kundi ang kanyang mapulang mukha, na
naging sanhi ng bansag na Camaroncocido sa kanya. Kakaiba ang taong ito.
Nagmula siya sa isang kilaláng angkang Kastila, ngunit nabubuhay na parang
isang hampaslupa at isang pulubi. Hindi niya pinahahalagahan ang karangalan

153
ng kanyang lahi, dahil sa kanyang damit na mistulang basahan. Sinasabing siya’y
isang mamamahayag. Ang kanyang malamlam na malaki’t abuhing mga mata
ay tila mapanuri kung tumingin sa mga pangyayaring nagaganap na maaaring
mailathala. Ang kanyang búhay ay isang malaking hiwaga. Walang nakaaalam
kung saan siya kumakain o natutulog.
Nang sandaling iyon, hindi taglay ni Camaroncocido ang dating mabagsik
at mapagwalang-bahalang anyo nito. Sa mga mata niya’y nakalarawan ang
masayang pagkaawa. Isang matanda ang masayang bumati sa kanya.
“Kaibigan!” ang wika nito sa paos na tinig na tulad sa isang palaka habang
nilalaro-laro at pinakakalansing ang ilang pisong Mehikano sa kamay.
Nakita ni Camaroncocido ang mga piso at nagkibit lámang ng balikat. Ano
ang kabuluhan noon sa kanya?
Ang matandang laláki ay kabaligtaran niya. Maliit, napakapandak. May
suot ng isang sumbrerong de kopa kaya’t nagmistulang uod na mabalahibo.
Nakadamit siya ng isang lebitang napakaluwang at napakahaba; nakapantalon
nang maikli na halos hanggang tuhod, kayâ ang katawan ay parang nuno ng
kanyang paa. Samantalang ang kanyang sapatos ay walang iniwan sa isang
naglalayag na bangka, tumututol sa mabalahibong uod sa ulo niyang may
lakas ng isang kumbentong kapiling ng isang Tanghalang Pandaigdig. Kung si
Camaroncocido ay mapula, ang matanda ay kayumanggi. Kahit isang Kastila ang
una, siya’y walang balbas at bigote sa mukha, ngunit ang hulí, na isang Indio, ay
may patilya at bigoteng mahahaba, mapuputi, at madadalang. Buháy na buháy
ang kanyang mga mata. Siya’y si Tiyo Kiko. Gaya ng kanyang kaibigan, siya ay
nabubuhay rin sa paglalathala, pagbabalita, at pagdidikit ng mga kartelon sa
mga dulaan. Bukod-tangi siya sa mga Pilipino na may lakas na loob na magsuot
ng Chistera at levita at sumbrerong de kopa, na gaya rin naman ng kanyang
kaibigan, isang bukod-tanging Kastilang nagtatawa sa kanyang lahi.
“Malaking pabuya ang ibinigay sa akin ng Pranses,”ang nakangiting sabi niya
na nakikita ang mga gilagid na walang iniwan sa isang lansangan pagkatapos
ng isang sunog.“Mapalad ako sa pagkakabit ng mga kartelon.”
Nagkibit na muli ng balikat si Camaroncocido.
“Kiko,” ang sagot niya sa malagom na tinig,“kung anim na piso ang ibinayad
sa iyo, magkano naman kayâ ang ibinayad sa mga prayle?”
Mabilis na nagtaas ng ulo si Tiyo Kiko.
“Sa mga prayle?”
“Dapat mong maláman,” ang patuloy ni Camaroncocido,“na ang mabilis na
pakapuno ng mga upuan ay kagagawan ng mga kumbento.”
Ang totoo, ang mga prayle na pinangungunahan ni Padre Salvi at ilang
mga karaniwang tao, na pinangungunahan naman ni Don Custodio, ay laban sa
pagtatanghal na ’yon. Kahit na si Padre Camorra na nanlalaki ang mga mata at
tatakam-takam, ngunit di naman maaaring makadalo, ay nakikipagtalo kay Ben
Zayb na banayad namang nagtatanggol. Naiisip niya ang tiket na walang bayad

154
na ipadadala sa kanya ng mga magpapalabas. Kinausap siya ni Don Custodio
tungkol sa kalinisan ng budhi, pananampalataya, at mabuting pag-uugali.
“Ngunit,” ang pautal na saad ng manunulat,“ang mga dulang sainete natin
ay may mga salita’t pangungusap na may dalawang kahulugan.”
“Ngunit nása wikang Kastila naman!” ang pasigaw na hadlang ng konsehal
na nag-aalab sa galit. “Kahalayan sa Pranses, sa wikang Pranses, tao ka, alang-
alang sa Diyos! Hindi maaari iyan!”
Lubhang mariin ang pagkakasabi niya ng “Hindi maaari iyan.” Gaya ng
inaasahan, si Padre Irene ay kasang-ayon ni Don Custodio. Siya’y nanggaling na
sa Paris ngunit hindi kailanman tumuntong sa pintuan ng isang dulaan. Iligtas
mo kami, Panginoon.
Ngunit marami rin namang sang-ayon sa operetang Pranses. Kabílang
diyan ang mga opisyal ng hukbo at pandigmaang-dagat, ang mga ayudante
ng heneral, mga namumuno sa pamahalaan, at mga kilalang ginoo. Nasasabik
silang makarinig ng wikang Pranses mula sa mga babaing taga-Paris. Kabílang
din nila ang mga sakay sa bapor na Pranses na natuto ng kaunting wikang
Pranses sa kanilang paglalakbay, ang mga nanggaling na sa Paris, at ang lahat na
ibig masabing sila’y bihasa’t may pinag-aralan.
Ang lipunan ng Maynila ay nahahati sa dalawa, ang mga sang-ayon sa
opereta at ang mga tutol. Ang pangalawa’y kinakatigan ng mga matatandang
babae, mga babaing mapanibughuin, at ng mga dalagang may katipan na.
Samantalang ang mga walang katipan at ang magaganda ay nabibilang sa
unang pangkat. Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga polyeto, pagpaparoo’t
parito, sali-salitaan, pagpupulong, at pagtatalo. May nabanggit din tungkol sa
paghihimagsik ng mga Indio, ang katamaran, ang lahing mabuti at di mabuti,
ang karangalan, at kung ano-ano pang walang halagang bagay. Pagkatapos ng
maraming usap-usapan, ang pahintulot ay ipinagkaloob din. Si Padre Salvi ay
nagpalathala ng isang liham-pastoral na wala namang nakabasa kung hindi
ang tagapagwasto ng ipinalilimbag. Nagkaroon ngayon ng balitang nakipag-
away ang heneral sa kondesa, na ito’y naninirahan nang madalas sa mga bahay-
liwaliwan at nabubugnot ang kanyang kamahalan, ang konsul ng Pranses ay .
. ., at ang mga regalo . . . marami pang pangalan ang nabanggit: sina Quiroga,
Simoun, at ang maraming artistang babae.
Salamat sa ganitong naunang alingasngas. Nag-ibayo ang pananabik ng
mga tao. Mula pa nang unang araw ng pagdating ng pangkat ay wala nang
pinag-uusapan kundi ang unang gabi ng pagtatanghal. Ipinaskil ang mga
pulang kartelon na nagbabalita ng Les Cloches de Corneville. Nagsimula
nang ipagdiwang ang tagumpay ng mga nagwagi sa pagtatalo. Sa ilang mga
tanggapan, pinag-aaralang mabuti ang mga kawani ang banghay ng opereta, na
binubuklat ang ilang pahina ng mga nobelang Pranses, o ang iba’y tumutungo
sa palikuran na nagkukunwaring umiihi, bagkus ay ibig lámang matingnan
ang mga diksiyonaryong pambulsa, kayâ naman di nakukuhang matapos ang

155
mga gawain. Lahat ay pinababalik sa kinabukasan. Hindi makuhang magalit ng
madla sa mga opisyal na tunay na magagalang at magigiliw sa kanila. Binabati
at pinagpapaalaman silá ng pagyukod-Pranses. Sila-sila’y nagbabatian ng Oui,
monsieur, s’il vous plait, at pardon! Nakatutuwa siláng tingnan at pakinggan.
Ngunit sa palimbagan ng mga pahayagan higit na matutunghayan ang
pananabik at kaguluhan. Si Ben Zayb na nahirang na magsalin sa Kastila ng
banghay ng opereta at magsuri ng palabas ay nangangatog tulad ng mga
kaawa-awang babaing naparatangan ng pangkukulam. Nakikini-kinita niya ang
kanyang mga kalaban, na nagpupumilit na makahanap ng kanyang kamalian
at ipamumukha sa kanya ang kamangmangan niya sa wikang Pranses. Noong
nagpalabas ng operetang Italyano, mali ang pagkakasalin niya ng pangalan
ng tenor. Kamuntik na siyang makipagduwelo. Isang mainggiting kritiko ang
agad naglathala ng artikulo na tumutuligsa at nagpaparatang sa kanya ng
ignomarus, gayong siya pa naman ang tanging ulo na nag-iisip sa Pilipinas.
Lubhang nahirapan si Ben Zayb sa pagtatanggol sa sarili. Kinailangan niyang
sumulat ng labimpitong lathalain at sumangguni sa labinlimang diksiyonaryo.
At dahil nga sa karanasang ito, ang kaawa-awang Ben Zayb ay naging maingat
sa pagsulat.
“Tingnan mo, Kiko,” ang sabi ni Camaroncocido, “ang kalahati ng mga
taong iyon ay manonood sapagkat pinagbawalan ng mga prayle at ang kalahati
ay naniniwala na mabuti ang palabas sapagkat ipinagbabawal ng mga prayle.
Maniwala ka sa akin, Kiko.Ang iyong mga kartelon ay mahuhusay. Ngunit higit
na mabisa ang liham-pastoral at isipin mo na walang nakabasa niyon.”
“Kaibigan,” ang pag-aalalang sabi ni Tiyo Kiko,“sa palagay mo ba’y maaaring
mawalan akó ng hanapbuhay dahilan sa mahigpit na pagtuligsa ni Padre Salvi
sa palabas?”
“Maaari, Kiko, maaari,” ang sagot ni Camaroncocido na itinuon pa ang
paningin sa langit.“Mahirap nang kumita ng salapi . . .”
Si Tiyo Kiko ay umusal ng ilang salitang di-mawatasan; kung ang mga prayle
ay papasok sa pag-aanunsiyo sa mga dulaan, magpaprayle na rin siya. Pagkatapos
ay nagpaalam na siya sa kaibigan. Lumisan nang umuubo at pinakakalansing
ang kanyang mga mamiso.
Taglay ang dating pagwawalang-bahala, nagpatuloy si Camaroncocido sa
kanyang paglakad, mukhang inaantok, at hila-hila ang paang matigas. Natawag
ang pansin niya nang dumating ang mga bagong mukha. Kung saan-saan silá
nanggagaling at naghuhudyatan sa pamamagitan ng kindat sa ubo. Noon niya
lámang nakita ang mga taong iyon. Isipin na lámang na nakikilala niya ang lahat
ng mukha sa lunsod. Maiitim ang mga lalaking iyon. Nangakasuot ng amerikana
ngunit parang mga di sanáy at nangakahukot na parang di mapalagay. Sa halip
na maupo sa unang hanay upang makakitang mabuti ay nagsisipagkanlong sa
dilim upang huwag siláng makita.

156
“Mga tiktik o mga magnanakaw?” ang naitanong niya sa kanyang sarili at
minsan pang nagkibit ng balikat.“Ano ba ang pakialam ko?”
Ang liwanag ng ilawan ng isang sasakyang dumarating ay tumanglaw sa
isang pulutong ng apat o limang katao na nakikipag-usap sa isa na tila militar.
“Mga tiktik! Marahil isang bagong pangkat!” ang naibulong ni
Camaroncocido. Ipinagpawalang-bahala rin niya iyon. Ngunit nakita niya ang
militar na nakipag-usap pa sa mga dalawa o tatlong pulutong at pagkaraa’y
malugod na lumapit at nakipag-usap sa isang taong lulan ng isang sasakyan.
Humakbang siya ng ilan at di namangha nang makita at makilala si Simoun,
ang mag-aalahas. Samantala, hindi nakaligtas sa matalas na pandinig niya ang
maikling usapan.
“Ang hudyat ay isang putok.”
“Opo.”
“Kayâ humanda kayo.”
Ang tinig ay nahinto at ilang saglit pa, ang sasakyan ay umalis na. Sa kabila
ng pagwawalang-bahala ni Camaroncocido, naibulong niya sa sarili:
“May pakana, ingatan ang mga bulsa.”
Nang maramdamang wala namang laman ang kanyang bulsa ay nagkibit
siyang muli ng balikat. Sa ganang kanya ay ano kung bumagsak ang langit.
At nagpatuloy siya sa paglilibot. May naraanan siyang dalawang taong
nag-uusap. Naulinigan niya na sinasabi ng isa sa mga laláki, na may rosaryo
at eskapularyo sa leeg, sa wikang Tagalog ang “Huwag kang hangal. Higit na
makapangyarihan ang mga prayle kaysa heneral. Ang heneral ay maaalis at
ang mga prayle ay maiiwan. Kapag nagawa nating mabuti, yayaman táyo. Ang
hudyat ay isang putok.”
“Ang pakana!” ang bulong ni Camaroncocido na nilalagitik pa ang mga
daliri.“Doon ang heneral at dito si Padre Salvi. Kahabag-habag na bayan! Ngunit
ano ang kabuluhan sa akin?”
Ikinibit uli ang balikat at lumura pa, dalawang kilos na tanda ng kanyang
pagwawalang-bahala. At pagkatapos nagpatuloy siya sa paglalakad.
Samantala, matuling rumaragasa ang mga sasakyan at humihinto sa tapat
ng dulaan. Lulan ng mga ito ang mga taong nabibilang sa mataas na lipunan.
Kahit bahagya lámang ang lamig ng gabi, ang mga kababaihan ay nangakasuot
ng magagandang bupanda, mga panyong sutla, at mga abrigong pangginaw.
Ang mga kaginoohan naman ay mga nakasuot ng prak o kaya’y maaayos na
nakatiklop ito na nakasabit sa kanilang braso upang makita ang mga sutlang
sapin nito.
Kabílang sa mga nanonood ay si Tadeo, ang mag-aaral na lagi nang
nagkakasakit kapag ang propesor ay nása klase. Kasáma niya ang isang
kababayan, isang baguhang nakita nating nagbabata ng mga ibinubunga ng
masamang pagkakabasa sa mga simulain ni Descartes. Ang baguhan ay mausisa

157
at walang hindi tinatangahan. Sinamantala naman ni Tadeo ang kawalang-
muwang at di-kasanayan ng kasáma. Nagdunong-dunungan at nagbabalita ng
kung ano-anong malalaking kabulaanan. Ang bawat Kastilang bumati sa kanya,
maging isang hamak na kawani, o kawani lámang sa tindahan, ay sinasabi
niyang hepe sa isang opisina, marquis, konde, at iba pa. At kapag di naman
siya binati at tuloy-tuloy, sinasabing “Iya’y isang bulakbol, isang hampaslupa,
isang hamak na kawani, walang kuwentang tao.” Nang wala nang naglalakad
na nakapagpapahanga sa kasáma, ang mga magagarang sasakyan ang hinarap.
Malugod na nagpupugay at buong giliw na kumakaway at nagbibitiw ng
salitang Adiyos.
“Sino iyon?”
“A, ang gobernador sibil,” ang walang anumang sagot ni Tadeo. “Ang
mahistradong si . . . . si Madame . . . mga kaibigan ko.”
Ang baguhan ay napahanga, nakatanga habang pinakikinggang mabuti ang
sinasabi, at nag-iingat upang di maalis sa kanan ng kausap. Si Tadeo ay kabigan
ng mga mahistrado at mga gobernador.
Tinuran sa kanya ni Tadeo ang pangalan ng lahat ng dumarating. At kung
hindi niya kílala binibigyan niya ng ibang pangalan, nagsasalaysay ng katakataka,
at marami pang bagay.
“Nakikita mo ba ang mataas na taong iyon na may balbas na itim, medyo
duling, at may suot na itim? Yaon ang Mahistrado A, ang kaibigang matalik ng
asawa ng Koronel B. Isang araw kamuntik nang mag-away ang dalawa. Kung
hindi akó namagitan ay . . . Adiyos! Tingnan mo, dumarating na ang koronel!
Sana’y huwag nang maulit ang nangyari.”
Pinigil ng baguhan ang kanyang hininga. Ngunit ang koronel at mahistrado
ay malugod na nagkamayan. Ang militar, na isang matandang binata, ay bumati
sa mahistrado. Kinamusta niya ang isa nitong kaanak.
“Ay, salamat sa Diyos!” ang buntung-hininga ni Tadeo. “Napagkasundo ko
rin silá.”
“Ano kayâ kung hilingin mo sa kanila na papasukin táyo sa dulaan? ang
nakikiming mungkahi ng baguhan.
“Tao ka! Hindi akó nangungutang ng loob kailan man,” ang buong
pagmamayabang na sagot ni Tadeo. “Naglilingkod akó sa kanila nang hindi
naghihintay ng kabayaran.”
Napakagat-labì ang baguhan. Nanliit at lumayo nang bahagya sa kanyang
kababayan. Nagpatuloy si Tadeo.
“Iyon si H, ang musiko . . . . Iyan si J . . .ang abogado . . . na bumigkas ng
wari’y kanyang sariling talumpating nakalimbag sa lahat ng aklat. Narinig mo
sana siya. Binati at pinuri siya ng mga nakinig . . . Si Doktor K ang bumababang
iyon sa sasakyan. Dalubhasa siya sa mga sakít ng batà. Herodes ang tawag sa
kanya. Iyon si L, ang may-ari ng bángko, na walang bukambibig kundi ang
kanyang maraming salapi at maraming . . . Iyan naman ang makatang si M, na

158
laging tinutukoy ang mga bituin, ang kabilang búhay. Hayan ang magandang
Ginang N, na dinadalaw ni Padre Q pag wala ang asawa nito. Iyan ang
negosyanteng hudyong si P. Nang siya’y dumating dito ang dala’y isang libong
piso. Ngayon ay isang milyonaryo na. Ang isang iyon na mahaba ang balbas ay
si Doctor R, na yumaman hindi dahil sa pagpapagaling kundi sa pagpaparami
ng may sakít?”
“Pagpaparami ng may sakit?”
“Oo, upang makaiwas sa sapilitang pagsusundalo. Tingnan mong mabuti!
Iyang kagalang-galang na ginoo na maayos ang pagkakabihis ay hindi mediko,
kundi isang sui generis na sa lahat ng bagay na naniniwala sa similia similibus.
Ang batang kapitan ng hukbong kabayuhan ang kanyang kinagigiliwan.Iyong
putian ang suot at nakakiling ang sombrero ay ang kawaning si S. Naniniwala
siya sa di pagpapakita, ngunit yamot na yamot naman kapag nakakakita ng
nakasumbrero. Sinasabing ginagawa niya iyon upang huwag mauso ang
sumbrerong Aleman. Ang isang iyon na dumarating na kasáma ng kanyang
mag-anak ay ang mayamang mangangalakal na si C. Kumikita siya ng mahigit
na sandaan libo. Ngunit ano ang masasabi mo kung sabihin ko sa iyo na may
utang siyang limang piso at dalawampu’t limang sentimos sa akin? Ngunit sino
ang magkakalakas-loob na sumingil sa isang mayamang katulad niyon?”
“May utang sa inyo ang ginoong iyan?”
“Abá, oo. Iniligtas ko siya sa isang kagipitan. Isang Biyernes, ikapito’t
kalahati ng umaga, naalala ko pa, hindi na akó nag-aagahan. Ang babaing iyan
na sinundan ng matandang babae ay si Pepay, ang kilalang mananayaw. Ngayo’y
hindi na nagsasayaw sapul nang pagbawalan siya ng isang relihiyosong laláki
na isang matalik kong kaibigan. Iyon ang bulugang si Z. Natitiyak ko na siya
ang nag-aalok kay Pepay upang muling magsayaw. Mabuti siyang batà. Siya’y
isang matalik na kaibigan. May isa lang siyang kapintasan. Nagpapanggap siya
na isang Kastila mula sa Espanya gayong isa namang mestisong Intsik. Sst!
Tingnan mo sa banda roon. Iyan si Ben Zayb na mukhang prayle. Hawak niya’y
isang lapis at isang balumbon ng mga papel. Iyan ang dakilang manunulat, si
Ben Zayb, ang matalik kong kaibigan. Hindi mo mapaniniwalaan ang angking
katalinuhan ng taong iyan.”
“Sino naman ang maliit na lalaking may puting balbas?”
“Iyan ang humirang sa tatlo niyang anak na babae na naging Auxiliar
de Fomento upang masáma sa talaan ng pinasasahod. Totoong matalino at
marunong sa búhay ang lalaking iyon. Sa tuwing gagawa siya ng kabalbalan,
ibinibintang niya kahit kanino. At kapag bumili ng mga bagay-bagay ay
pababayaran sa tesorerya. Napakalistong talaga.”
Nahinto sa pagsasalita si Tadeo.
“At ang ginoong yaon na mukhang mabangis at pairap na tinitingnan ang
lahat?” ang tanong ng baguhan na itinuturo ang isang lalaking nakatingin sa
kapaligiran nang may pagyayabang.

159
Hindi sumagot si Tadeo. Nanghahaba ang leeg niya sa pagtanaw kay Paulita
Gomez na dumating kasáma ang isang kaibigan. Kasáma rin niya si Donya
Victorina at si Juanito Pelaez. Ang hulí ang siyang naghandog sa kanila ng tiket
sa palko. Lalong hukot kaysa dati ang ayos ni Juanito.
Nagdaratingan ang marami pang sasakyan. Dumating na ang mga artistang
babae at nagdaan sa pinto ng tanghalan. Sinusundan silá ng mga kaibigan at
mga tagahanga.
Nang makapasok si Paulita’y nagpatuloy si Tadeo.
“Yaon ang mga pamangkin ng mayamang Kapitan D, yaong nása lando.
Magaganda at malulusog silá. Ngunit mga ilang taon na lámang ay maaaring
mamatay o mabaliw na.Tutol si Kapitan D na makapag-asawa silá. Kayâ maaaring
mabaliw tulad ng kanilang amain. Iyang si Binibining E, isang mayamang
tagapagmana na pinag-aagawan ng daigdig at kumbento. Teka! Iya’y kílala ko!
Siya’y si Padre Irene na nagkabit ng bigoteng pustiso. Kílala ko ang ilong na
iyon.Tutol na tutol pa naman siya.”
Nagitla ang baguhan na parang nagugulumihanan. Nakita niya ang isang
may mainam na tabas ng lebita sa likuran ng isang pulutong ng mga kababaihan.
“Ang tatlong Parkas,” ang bulalas ni Tadeo. Dumating ang tatlong
matatandang dalaga. Sila’y mga payat, nangangalumata, maluluwang ang bibig,
at masagwang magdamit.“Ang mga pangalan nila ay. . .”
“Atropos?” ang bulong ng baguhan, na nais magmagaling na may nalalaman
siya tungkol sa mitolohiya.
“Hindi! Silá ang mga magkakapatid na Balcon, mga matatandang dalaga,
mamumulâ, at mahirap pa sa daga. Kinamumuhian nila ang lahat—mga lalaki,
mga babae, at mga batà. Ngunit tingnan mo, pagkatapos ng sakít, ipinadadala
ng Diyos ang lunas kahit medyo nahuhuli. Ang tatlong laláking kasunod ng
mga Parka, na panakot sa bayan, ay siya namang ipinagmamalaki ng kanilang
mga kaibigan. Isa akó sa mga iyon. Iyang binatang payat na malalaki ang mata at
hukot, na nagkukumpas sapagkat hindi nakabili ng tiket ay ang kimikong si
S. . . . Sumulat siya ng maraming monograph at mga ulat pang-agham na ang ilan
ay nagtamo ng gantimpala. Karapat-dapat ang lahat. Sinasabi ng mga Kastila na
siya’y maaasahan, maaasahan . . . . Ang nagpapapayapa sa kanya na may tawang
katulad ng kay Voltaire ay ang makatang si T, isang matalinong laláki at matalik
kong kaibigan. Totoo ngang matalino, kayâ alam niya kung kailan isasantabi
ang panulat. At ang pangatlo na siyang nagmumungkahi na makapasok silá
sa pintuan ng tanghalan ay ang batang manggagamot na si U, na tagumpay
sa kanyang panggagamot. Sinasabi nilang siya rin ay maaasahan. Hindi siya
gasinong hukot na tulad ni Pelaez. Ngunit lalong matalino. Naniniwala akong
káya niyang labanan kahit si Kamatayan.”
“At ang ginoong may tutsang na bigote?”
“A, yaon ang mangangalakal na si F, na ang lahat ng bagay ay pinagdadayaan,
pati na ang kanyang fe de bautismo. Pinagpipilitan niyang maging mestisong

160
Kastila sa lahat ng paraan. Pinipilit niyang malimutan ang wikang katutubo.”
“Ngunit mapuputi ang mga anak. . .”
“Iyan ang dahilan kung bakit tumaas ang halaga ng bigas. Gayong wala
siláng kinakain kundi tinapay.”
Hindi maunawaan ng baguhan ang kaugnayan ng halaga ng bigas sa
kaputian ng mga dalaga.
“Ang lalaking iyon ay kasintahan ng isa sa kanila. Ang binata ay payat,
kayumanggi,na marahang lumalakad na kasunod nila.Bagama’t pinagtatawanan,
mapagpakumbabang binati ang ating tatlong kaibigan sa pag-aakalang siya’y
isang martir.”
Ang baguhan ay nakararamdam ng labis na paghanga at paggalang sa
binata.
“Mukhang hangal, ngunit hindi naman talaga,” ang patuloy ni Tadeo.
“Ipinanganak siya sa San Pedro, Makati. Ngayon, gumagawa siya ng maraming
pagpapakasakit. Halos hindi na siya naliligo o kumakain ng baboy. Ayon sa
kanya, ang mga Kastila ay hindi kumakain. At sa matuwid ding iyon, siya ay
hindi rin kumakain ng kanin at bagoong, ni patis. . . .Kahit na nga naglalaway
o mamatay pa siya sa gutom. Upang mapatunayan na siya’y isang Europeo,
kumain siya ng isang tarro ng mustasa.”
Nang mga sandaling iyon, nagsimulang tumugtog ng isang balse ang
orchestra.
“Natatanaw mo ba ang ginoong
iyon? Iyong laláking mukhang Alam Mo Ba?
masakitin na palingon-lingon na
wari’y naghahanap ng babatiin? Fe de bautismo—ang katibayan ng binyag
Iyan ang bantog na gobernador ng o ang baptismal certificate.
Pangasinan, isang mabuting tao na
nawawalan ng gana sa pagkain kapag hindi napagpupugayan ng isang Indio.
Muntik nang mamatay iyan kung hindi nailagda ang kautusan sa pagpupugay.
Iyan ang sanhi ng kanyang kabantugan. May tatlong araw na siyang naririto
mula na manggaling sa kanilang lalawigan. Malaki na ang ipinayat niya.
Kawawang tao! Abá! Tingnan mo kung sino ang naririto, ang dakilang ginoo.
Tingnan mo siyang mabuti.”
“Sino? Ang laláki bang nakakunot ang kilay?”
“Oo, siya nga. Iyan si Don Custodio, ang liberal na si Don Custodio.
Nakakunot ang mga kilay niya sapagkat nag-iisip ng mahahalagang bagay. A,
kung maisasagawa lámang ang mga iniisip niya! Narito palá si Makaraig, ang
iyong kasambahay!”
Tunay ngang si Makaraig ang dumating kasáma sina Pecson, Sandoval, at
Isagani. Nang makita silá ni Tadeo ay nagpauna nang sumalubong at bumati ito.
“Hindi ba kayo papasok?” ang tanong ni Makaraig.
“Hindi kami makakuha ng tiket. . .”

161
“May tiket kami sa palko,” ang sagot ni Makaraig.“Hindi nakasama si Basilio.
Sumama ka na sa amin.”
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tadeo sa paanyaya. Sa tákot na
makagambala ang baguhan at dahil sa katutubong kadunguang taglay ng lahat
ng Indio sa lalawigan, siya’y nagdahilan, at napakahirap nang mabago ang
kanyang isip.

Ang Palabas
(Kabanata XXII)

Masiglang-masigla sa dulaan. Punong-puno ito ng mga tao. Marami ang


nangakatayo sa mga pasilyo at palko na nagpupumilit na makasilip man
lámang sa pagitan ng leeg at tainga ng ibang tao. Ang mga palkong walang
bubong na ang karamihan ay punô ng mga kababaihan ay nagtila basket na
punô ng bulaklak. Ang mga talulot ay pinagagalaw nang mahina ng mga
abaniko sa gitna ng mga nag-aanasang mga kulisap. Kung may mga bulaklak
na may masasansang o masasarap na amoy, mga bulaklak na pumapatay o
nakaaaliw, sa mga palko ng dulaan ay mayroon ding salitaan, usapan, at mga
salitang sumusugat at nananakit. May tatlo o apat na palko ang walang laman.
Gabi na.Ang palabas ay nakatakdang magsimula sa ganap na ikawalo’t kalahati
ng gabi. Ngunit labinlimang minuto na lámang bago mag-ikasiyam ay di pa
rin nagsisimula dahil hindi pa dumarating ang kapitan-heneral. Naiinip na at
hindi mapalagay at mapakali ang mga tao sa entrada general. Nanggugulo at
sumisigaw silá. Ipinapadyak ang mga paa at pinupukpok sa mga tuntungan ang
mga dala-dalang mga baston.
“Buksan na ang tabing!”
Ang mga artilyero ay maiingay
Alam Mo Ba? at magugulo rin. Ang mga alagad ni
May wastong kaugaliang sinusunod sa Marte, gaya ng tawag sa kanila ni
teatro upang hindi magambala ang mga Ben Zayb, ay hindi nasisiyahan sa
artista sa entablado at ibang manonood. mga ingay na nalilikha nila. Marahil
ang akala yata ay nása ruweda ng
mga toro, kaya’t sila’y nagpupugay
sa mga babaing dumaraan sa kanilang harapan. Nagbibitiw silá ng mga
magagandang salita na kung tawagin sa Madrid ay mabulaklak gayong kung
minsan ay nakaririmarim na basura. Hindi nila pinapansin ang matatalim na
tingin ng mga kasamang asawa. Malakas din nilang ipinahahayag ang kanilang
paghanga at hangaring udyok ng gayong kagandahan.
Tila natatakot bumaba sa butaka ang mga babae. Kayâ walang makikita
ni isa sa kanila rito. Naghahari ang mga ugong ng mga tinig at mga pigil
na halakhak. Pinagtatalunan ang kagalingan ng mga artistang babae; pinag-
uusapan ang mga kaguluhan, na kung ang heneral ay nakipagkagalit sa mga

162
prayle, na kung ang pagdalo ng heneral sa palabas ay isang paghamon o
talagang pagnanais na makapanood ng palabas. Hindi naiisip ng iba ang mga
bagay na ito. Pinipilit nilang akitin ang paningin ng mga babae sa tulong ng
mataas at mabikas nilang anyo at paglabas ng kanilang brilyanteng singsing.
Lalong-lalo na kung inaakala nilang sila’y nilalargabista. Gayunman, ang iba’y
magalang pa ring bumabati sa mga babae o binibini, iniyuyuko nilang mabuti
ang mga ulo samantalang ibinubulong sa katabi:
“Mga hangal! Nakaiinis!”
Ang babae naman ay ibabaling ang ulo at magiliw na ngingiti sa pagbati.At
sa pamamagitan ng pagpaypay ng abaniko ay ibubulong sa katabi:
“Napakayabang! Ulol na ulol sa pag-ibig!”
Samantala nama’y patuloy ang kaguluhan at kaingayan sa dulaan.
Dadalawang palko na lámang ang walang laman at sakâ ang sa kapitan heneral
na natatangi dahil sa mga tabing na pulá. Tumugtog na muli ng isang balse
ang orkestra. Tumutol ang mga tao. Salamat na lámang at may dumating na
isang bayani, na nakatawag ng pansin sa madla at siyang nakapagligtas sa may-
ari ng palabas. Ang lalaking ito ay umupo sa isang butaka at ayaw tumindig
nang dumating ang may-ari ng upuan na si Don Primitivo, ang pilosopo. Nang
walang nangyari sa kanyang pakikipagtalo sa laláki, humingi siya ng tulong sa
tagahatid ng upuan. “Ayokong ibigay ang upuan ko!” pagwawalang-bahalang
sagot ng bayani na bumubuga pa ng usok ng sigarilyo. Pumunta sa tagapamahala
ang tagahatid ng upuan. “Ayokong ibigay ang upuan ko,” ang ulit ng bayani at
pinagbuti pa ang pagkakaupo. Nakitang umalis ang tagapamahala ng dulaan.
Samantalang ang mga artilyero sa entrada ay sabay-sabay na sumigaw ng “Sa
hindi, sa oo, sa hindi, sa oo!”
Nakatawag na ng pansin sa marami ang bayani. Inakala niyang malaking
kahihiyan kung ibibigay niya ang upuan. Kayâ mahigpit na humawak sa kanyang
upuan at tumangging muli sa dalawang beteranong tinawag ng tagapamahala.
Dahil sa kalagayan ng nanlalaban, sumangguni ang mga beterano sa kanilang
kabo. Nagpalakpakan ang mga tao sa dulaan. Nagpupugay at humahanga sa
katatagan ng ginoong nakaupo pa rin na tila isang senador na Romano.
Narinig ang mga pagsipol. Galit na lumingon ang nagmamatigas na ginoo
sa pag-aakalang siya ang sinisipulan. Nagkamali siya. Narinig ang mga pakaskas
ng mga kabayo at pagmamadali ng mga tao. Isang himagsikan ba o kaguluhan?
Inihinto ang pagtugtog ng balse. Tinugtog ang “Marcha Real.” Ang kanyang
kamahalan, kapitan heneral, at gobernador ng kapuluan ay dumating na.
Napako ang paningin ng lahat sa kanya. Sinundan siya ng tingin at nawala siya sa
paningin hanggang makita siya sa kanyang palko. Pagkatapos igala ang tingin sa
lahat ng dako ay tumatango-tango bilang pagbati na siyang nakapagpaligaya sa
ilan. Siya ay naupo na wari’y isang karaniwang laláki lámang na naghihintay sa
upuan. Nagsitahimik ang mga artilyero. Sinimulan ng orkestra ang pambungad
na tugtugin.

163
Nangakaupo ang mga mag-aaral sa palkong katapat ng kay Pepay na
mananayaw. Ang palko ng mananayaw ay handog ni Makaraig. May unawaan
na silá na hihikayatin niya si Don Custodio sa panig ng mga mag-aaral. Nang
hapon ding yaon, pinadalhan ni Pepay ng liham ang batikang tagapamagitan.
Naghihintay siya ngayon ng kasagutan. Napagkasunduan nilang magkita sa
dulaan. Dahil dito nagtungo si Don Custodio sa dulaan sa kabila ng kanyang
malabis na pagtutol sa palabas na operetang Pranses. Ito ang naging sanhi ng
mga pasaring sa kanya ni Don Manuel na malaon na niyang kalaban sa mga
púlong sa Ayuntamiento.

“Naparito akó upang magbigay ng puna sa opereta,” ang sagot na wari’y


isang Cato na may malinis na budhi. Makahulugang sulyap ang namamagitan
kay Pepay at Makaraig. Parang ipinahihiwatig ni Pepay na may mahalagang
balita siya sa binata. Dahil sa mukhang napakasaya niya, natitiyak na ng mga
mag-aaral ang kanilang tagumpay. Si Sandoval na kararating pa lámang mula sa
pag-ikot sa ibang palko ang tumiyak sa kanila at ibinalitang ang rekomendasyon
ay nása panig nila. Pinag-usapan at sinuri ito ng Kataas-taasang Lupon. Sumang-
ayon silá at pinagtibay ito. Nagbunyi ang lahat. Nalimutan ni Pecson ang pag-
aalinlangan nang makita si Pepay na may winawasiwas na liham. Nagpapalitan
ng maligayang pagbabatian sina Sandoval at Makaraig. Si Isagani lámang ang

164
parang malamig ang pagtanggap sa ipinalagay na tagumpay at halos di mangiti.
Ano kayâ ang nangyayari sa binata?
Nang pumasok sa dulaan si Isagani, nakita niya si Paulita at si Juanito
Pelaez sa isang palko na nag-uusap. Namutla si Isagani at ang akala ay
nagkamali. Ngunit hindi siya nagkamali. Si Paulita nga yaon at bumati pa sa
kanya nang buong lugod habang ang mga mata ay tila humihingi ng tawad
at nangangakong magpapaliwanag. Totoong may usapan silá na si Isagani
muna ang manonood ng opereta. Titingnan niya kung may mga bagay ito
na dapat ikahiya ng isang dalaga. At ngayon ay nakita niya roon ang dalaga
kasáma pa mandin ang kanyang kaagaw. Hindi maipaliwanag ang kanyang
nararamdamang gálit, panibugho, pagkaapi, pagdaramdam. May sandaling nása
isip niya na sana’y gumuho ang dulaan sa kanilang lahat. Naramdaman niya
na parang gusto niyang humalakhak nang malakas, alipustahin ang kanyang
kasintahan, hamunin ang kanyang kaagaw, at gumawa ng kaguluhan. Ngunit sa
wakas nagkasiya na lámang siya sa pag-upô nang matahimik at di tumitingin sa
dalaga. Naririnig niya ang masisiglang pagbabalak nina Makaraig at Sandoval.
Ngunit para sa kanya ang mga ito ay alingawngaw lámang na nagbubuhat
sa malayo. Ang himig ng balse sa wari niya’y napakalungkot, at ang naroroon
ay mga luku-luko’t mga hangal. Makailang magpigil na mabuti upang huwag
maiyak. Bahagya na niyang napuna ang ginoong ayaw ibigay ang kanyang upuan
o kaya’y ang pagdating ng kapitan heneral. Ang tinitingnan niya’y ang tabing
ng paglalabasan na may anyong galeriya na may mararangyang palawit, na
tanaw ang isang halamanan at sa gitna’y may daluyan ng tubig. Napakalungkot
ng galeriya at napakapanglaw ng tanawin. Libo-libong alaala ang nanunuot
sa kanyang isip, katulad ng malalayong alingawngaw ng tugtuging naririnig
sa katahimikan ng gabi, katulad ng himig ng isang kantahing pampatulog,
bumubulong sa mapapangalaw na gubat, madidilim na batisan, mga gabing
ang liwanag ng buwan ay lumalatag sa karagatan na ang lawak ay di masukat
ng kanyang paningin. Ang binatang alipin ng pag-ibig at nagpapalagay sa
sariling napakasawi ay tumingala na lámang upang pigilan ang mga luhang
nais dumaloy sa kanyang mga mata.
Isang masigabong palakpakan ang nakapukaw sa kanyang pag-iisip.
Itinaas na ang tabing. Bumungad ang masasayang pangkat ng mga magbubukid
sa Corneville. Nangakasuot silá ng gorang bulak at mabibigat na bakya. Sila’y
mga anim o pitong dalaga na ang mga labi’t pisngi ay lubhang mapupula
at ang mga mata’y napapahiran ng itim na maskara. Ipinakikita nila ang
kanilang mapuputing bisig, mga daliring napapalamutian ng mga hiyas na
brilyante, mabibilog na hita, at magagandang mga binti.At samantalang inaawit
ang maikling awit ng Norman—Allez,marches! Allez, marchez! ay hindi
nahihiyang nginingitian ang kani-kanilang tagahanga sa mga butaka.Tinandaan
ni Don Custodio ang mahalay na ginawang ito pagkatapos magpukol ng
paningin sa palko ni Pepay upang tiyakin na ito’y hindi gumagawa ng gayon

165
sa ibang tagahanga. Para makatiyak, ibinaba pa nang bahagya ang ulo upang
tingnan kung ipinakikita ng mga artistang babae ang kanilang mga tuhod.
“A, ang mga babaing Pranses na ito!” ang kanyang naibulong habang
naghahambing at nag-iisip ng mga balak sa kanyang guniguni.
“Quoi v’la tous les cancans d’la s’ maine!” ang awit ni Gertrude, isang
artistang babae na nakatingin na parang nagbibiro sa kapitan heneral.
Ngunit si Tadeo na nangunguna sa klase nila sa Pranses ay walang narinig
kundi ang salitang can-can. Kayâ napabulalas siya, “Makakakita tayo ng can-
can! Magsasayaw sila ng can-can, Makaraig!” Tuwang-tuwa niyang pinagkiskis
ang mga kamay.
Sapul nang buksan ang tabing, hindi na pinansin ni Tadeo ang mga tugtugin.
Wala siyang inaabangan kundi ang kahalayan, malalaswang kilos at kasuotan,
at sa tulong ng kaunting Pranses na kanyang nalalaman ay tinatalasan niya ang
kanyang pandinig sa mga kalaswaan na ipinamamalita ng mga mahihigpit na
mga taga-ayos ng bayan.
Si Sandoval, na nagsasabing marunong siya ng Pranses ay naging
tagapagsalin para sa kanyang mga kaibigan. Marunong siya nang kaunti katulad
ni Tadeo. Ngunit umaasa rin sa mga buod ng banghay ng opereta na inilathala
ng mga pahayagan. At ang iba pa’y nililikha niya sa kanyang guniguni.
“Oo nga,” ang pagtiyak niya, “magsasayaw silá ng can-can at siya ang
mangunguna.”
Napangiti na sina Makaraig at Pecson. Nakimatyag na siláng mabuti. Inialis
ni Isagani ang kanyang paningin. Nakukutya siyang mapanood ni Paulita ang
gayong palabas. Naisip niya kung dapat hamunin si Juanito Pelaez sa susunod
na araw.
Ngunit nawalan ng saysay ang kahihintay ng mga binata. Dumating si
Serpolette, isang kahali-halinang dalaga na suot ang gorang bulak.
“Hein! qui parle Serpolette?” naghahamong tanong nito at anyong
makikipag-away sa sinumang gumawa ng usap-usapan tungkol sa kanya. Isang
ginoo ang pumalakpak. At sumunod ang lahat na nása butaka. Si Serpolette sa
kanyang kahali-halinang anyo, ay tumingin sa unang pumalakpak sa kanya at
ginantimpalaan ng ngiti. Lumitaw ang pantay-pantay niyang ngipin na parang
isang tuhog ng kuwintas na perlas sa isang kahitang may saping pulang pelus.
Sinundan ng tingin ni Tadeo ang mga mata nito. Nakita niya ang isang
ginoong may pustisong bigote at napakatangos na ilong.
“Diyos ko po! Si Padre Irene iyon, a!”
“Oo,” ang sagot ni Sandoval. “Nakita ko siya sa likod ng tanghalan na
kinakausap ang mga artistang babae.”
Si Padre Irene nga, ang panatikong maibigin sa musika at marunong ng
Pranses ay siyang ipinadala ni Padre Salvi sa dulaan upang magmasid na wari’y
isang sekretong pulis na pansimbahan. Gayon ang sabi niya sa mga nakakikilala
sa kanya. At tulad sa isang magaling na manunuri, na hindi nasisiyahang

166
magmasid mula sa malayo ay nagpasiyang tingnan nang malapitan ang mga
nagsisiganap. Nakihalubilo siya sa mga tagahanga at makikisig na mga tao
sa likod ng tanghalan. Palihim siyang pumasok sa mga silid-bihisan. Dito’y
maririnig ang mahinang pag-uusap ng wikang Pranses na patindahan, wikang
mauunawaan ng babaing nagtitinda kapag ang bumibili ay nagbabayad nang
mabuti.
Napapagitnaan si Serpolette ng dalawang maginoong lalaki, isang marino
at isang manananggol, nang makita niya si Padre Irene na umiikot at pasubok-
subok sa lahat ng dako na wari’y may tinutuklas na hiwaga sa tanghalan.
Tumigil nang kasasalita si Serpolette, kumunot at itinaas ang kilay, binuksan
ang bibig, at dala ng kasiglahan at kaliksihan ng isang Pranses ay iniwan ang
kanyang mga tagahanga at parang torpedong sinugod ang manunuring kleriko.
“Tiens, tiens, Toutou, mon lapin!” ang bulalas niya.
Hinawakan niya sa bibig si Padre Irene at masayang niyugyog kasabay ang
matutunog na halakhak nito.
“Ssssh, ssssh!” ang pagalit na bawal ni Padre Irene at nagtangkang itago
ang sarili.
“Mais, comment! Toi ici, grosse bête! Et moi qui’ croyais…”
“ ’Fais pas d’ tapage, Lily! Il faut m’ respecter! Suis ici l’ Pape!”
Lubhang nahirapan si Padre Irene na mapagliwanagan si Lily,alyas Serpolette.
Itinuturing siyang isang Papa na dapat igalang at sa ganitong pinagpipitaganang
lugar. Ang masayáng si Lily ay tuwang-tuwa nang matagpuan sa Maynila ang
dating kaibigan na nagpapagunita sa kanya ng dulaan ng Grande Opera. Kayâ
naman bilang pagtupad sa kanyang tungkulin bilang kaibigan at manunuri
sa dulaan, si Padre Irene ay nanguna sa pagpalakpak upang pasiglahin siya.
Karapat-dapat naman talaga ang papuring ito kay Serpolette.
Samantala’y naghihintay naman ng can-can ang mga mag-aaral. Walang
kakurap-kurap ang mata ni Pecson. Naroon na ang lahat maliban sa can-can.
Kamuntik nang mag-away at magsabunutan ang mga babae na inuudyukan
naman ng mga mapanudyong magbubukid na naroon at tulad ng mga mag-
aaral ay naghihintay na makapanood nang higit sa can-can. Mabuti na lámang
at dumating ang ilang manananggol.
Scit, scit, scit, scit, scit, scit
Disputez-vous, battez-vous,
Scit, scit, scit, scit, scit, scit
Nous allons compter les coups.
Tumigil ang tugtog bago pa man masimulan ang pag-aaway. Lumayo ang
mga laláki. Nagsibalik ang mga babae na kani-kanilang upuan at nagsimulang
mag-usap. Ngunit hindi maunawaan ng mga binata kung ano ang pinag-
uusapan nila. Ang totoo’y pinag-uusapan nila ang isang babaing wala roon.
“Para siláng mga serbidor sa isang pansiteryang Makaw,” ang pabulong na
puna ni Pecson.

167
“At ang can-can?” ang tanong ni Makaraig.
“Pinag-uusapan nila kung saan dapat isayaw ito,” ang pormal na sagot ni
Sandoval.
“Parang mga serbidor sa isang pansiteryang Makaw,” ang nayayamot na ulit
ni Pecson.
Isang babae na kasáma ng kanyang asawa ang pumasok sa dulaan at naupo
sa isa sa dalawang palkong wala pang laman. Iginala niya ang tingin sa buong
bulwagan na parang nagmamalaki na ibig sabihin: “Hulí akong dumating sa
inyong lahat!” May mga taong kung dumating sa dulaan ay parang burro sa
isang karera. Nagwawagi ang huling dumarating. Maraming matitinong tao ang
nanaisin pang umakyat sa bitayan kaysa dumating sa dulaan bago matapos ang
unang yugto. Ngumiti saglit lámang ang kasiyahan ng babae. Napansin niyang
mayroon pang isang palkong walang laman. Napasimangot ang kanyang asawa.
Ito ay lumikha ng kaguluhan na ikinayamot ng mga tao.
Marami ang sumigaw upang matahimik silá.
“Mga hangal! Isip mo’y nakauunawa ng Pranses!” ang bulalas ng babae.
Buong paghamak niyang inilibot ang paningin at itinuon sa palko si Juanito
kung saan sa akala niya’y narinig ang kawalang-pitagang pagpapatahimik sa
kanya.
Si Juanito’y isa sa mga tinutukoy ng babae. Sa simula pa’y nagkunwaring
nauunawaan ang lahat at nasisiyahan ang sarili—ngumingiti-ngiti, tumatawa,
at pumapalakpak na parang walang napapalampas na nagaganap at sinasabi
sa tanghalan ang di niya nauunawaan. Ang totoo’y hindi niya nasusubaybayan
ang kilos ng mga gumaganap. Bahagya lámang siya kung tumingin sa tanghalan
at ang mapagbirong binata’y makahulugang nagwika kay Paulita na hindi
kinakailangan pang mapagod siya sa pagtingin sa malayo gayong may higit
na magagandang babaeng malápit sa kanya. Namula si Paulita. Tinakpan ng
pamaypay ang mukha at palihim na tumingin kay Isagani na tahimik at tila
buhos na buhos ang loob sa panonood ng palabas.
Nayamot at nanibugho si Paulita.Tinutubuan kayâ ng pag-ibig si Isagani sa
isa sa mga kaakit-akit na artistang yaon? Ang pag-aakalang ito’y nakapagpasama
ng ulo ng dalaga. Bahagya na niyang narinig ang mga papuring ibinigay ni
Donya Victorina sa kanyang paboritong si Juanito.
Nagagampanang mabuti ni Juanito ang kanyang papel. Kung minsan
nayayamot na umiiling ang ulo. At kasabay nito’y naririnig naman ang ubuhan
at bulung-bulungan sa buong dulaan bilang tanda ng di pagsang-ayon. Kung
minsan ay ngumingiti, tumatango-tango na sumasang-ayon at mga ilang sandali
pa’y makaririnig ng matutunog na palakpakan. Hangang-hanga si Donya
Victorina sa binata. Naisip niya na kung sakaling mamatay si Don Tiburcio
ay pakakasal siya kay Juanito. Marunong ng Pranses si Juanito samantalang si
Don Tiburcio ay hindi. At nagsimula na siyang maglalambing sa binata. Ngunit
hindi napupuna ni Juanito ang pagbabago ng kilos ng Donya. Minamatyagan

168
niyang mabuti ang mangangalakal na Catalan na nasa tabi ng konsul ng Swiss.
Narinig niyang nag-uusap silá sa wikang Pranses. Kayâ ang kanyang ikinikilos
ay ibinabatay niya sa mga reaksiyon ng dalawang dayuhan.
Marami pang pangyayari ang sumunod. Nagsunod-sunod sa paglabas ang
mga nakatatawang tauhan tulad ng bailiff at ni Grenicheux, o ng markes at
ni Germaine. Nagkatawanang mabuti ang lahat nang ang suntok ni Gaspard
para sa duwag na si Grenicheux ay tumama sa bailiff. Ang peluka nito ay
umilandang sa gitna ng kaguluhan at tawanan ng mga tao. At pagkatapos ay
binaba na ang tabing.
“Wala pa bang can-can?” ang tanong ni Tadeo.
Ngunit itinaas na muli ang tabing. Ang tagpuan ay isang palengkeng
kinaroroonan ng mga katulong na naghahandog ng paglilingkod.Dala-dala nila’y
mga anunsiyo sa karatula na nakasulat ay servantes, cochers, at domestiques.
Sinamantala ni Juanito ang pagkakataong iyon upang mapaniwala si Paulita na
marunong siya ng Pranses. Nagsalita siya nang malakas kay Donya Victorina:
“Ang kahulugan ng servantes ay ‘mga utusán’ at domestiques ay ‘mga
utusang domestiko’.”
“At ano ang kaibahan ng mga servantes sa mga domestiques?” ang tanong
ni Paulita. Hindi natigatig si Juanito.
“Ang mga domestiques ay ’yong napaamo na. Hindi ba ninyo napupuna
ang ilan ay may asal na parang taong-gubat? Iyan ang mga servantes.”
“Totoo iyan!” ang dagdag ni Donya Victorina. “Ang iba’y walang galang.
Ang akala ko pa naman ay pawang magaganda ang ugali ng mga taga-Europa.
Ngunit ang pangyayari ay naganap sa Francia. Kayâ marahil iyon ang dahilan.”
“Ssst! Ssst! Huwag kayong maingay diyan.”
Ngunit dumating ang oras ng kagipitan para kay Juanito. Binuksan ang
tiyangge. Ang mga katulong na nagpapaupa ay nangagpangkat-pangkat sa ilalim
ng kani-kanilang anunsiyong nagpapakilala ng kanilang kinauukulan.Ang ilang
mga sampu o labindalawang mga tagalalawigan na may anyong magagaspang
na pag-uugali at may dala-dalang maliliit na sanga ay nangagsipunta sa ilalim ng
anunsiyo na domestiques.
“Iyan ang mga maamo!” ang sabi ni Juanito.
“Tunay nga. Ang mga kilos nila’ nagpapakilalang hindi pa nagtatagal ang
pagpapaamo sa kanila,” ang puna ni Donya Victorina.
“Tingnan natin ang hindi pa lubos na napapaamo.”
May labindalawang kababaihan, kasáma ang masaya’t kahali-halinang
si Serpolette, ang nangagsipunta sa ilalim ng anunsiyo na servantes. Maayos
ang kanilang bihis. May pumpon ng bulaklak sa kanilang baywang. Masasaya
at nangakangiti, at kalugod-lugod ang mga anyo. Ganoon na lámang ang
panlulumo si Juanito.
“Iyan ba ang tinatawag mong mga taong-gubat?” ang tuwirang pagtatanong
ni Paulita.

169
“Hindi,” ang di natitigatig na sagot ni Juanito.“Nagkamali silá. Wala silá sa
kanilang lugar.Yaong mga darating nang hulí.”
“Iyong mga may dalang latigo?”
Tumango si Juanito na matindi ang pagkapahiya.
“Kung gayon, ang mga dalagang iyon ay ang mga cochers?”
Sinasal ng ubo si Juanito na ikinayamot naman ng ilang nanonood.
“Palabasin iyan! Palabasin ang tisiko!”
Tisiko! Tawagin siyang tisiko sa harap ni Paulita. Nais maláman ni Juanito
ang tampalasang nagsabi niyon upang ipalulong muli sa kanya ang kanyang
sinambit. Nang makitang nais siyang pigilin ng mga babae ay nagkaroon ng
lakas ng loob na lumaban. Sa kabutihang palad si Don Custodio na siyang
nagsuri ng sakít ay nangingilag na mapuna. Kayâ nagkunwaring di nababahala
at nagtatala ng kanyang pagsusuri ng palabas.
“Kung hindi ko lámang kayo kasáma!” ang sabi ni Juanito na pinaikot pa ang
mga mata na gaya ng isang manikang nagpapagalaw ng orasan. At paminsan-
minsa’y inilalabas pa niya ang kanyang dila.
Nang gabing yaon, naging matapang at marangal si Juanito sa mata ni
Donya Victorina. Kaya’t ipinasiya niya sa kanyang sarili na pakasal dito kapag
wala na si Don Tiburcio.
Walang kasigla-sigla si Paulita. Hindi niya maubos-maisip kung bakit ang
mga babaeng tinatawag na cochers ay makaaakit kay Isagani. Ang salitang
cochers ay nagpapaalala sa kanya ng isang katawagang ginagamit ng mga
kolehiyala upang ipahiwatig ang isang uri ng damdamin sa bawat isa.
Natapos ang unang yugto. Kinuha ng markés si Serpolette at si Germaine,
ang mahiyain at maganda sa pangkat, bilang mga katulong at ang hangal na
si Grenicheux bilang kutsero. Isang matunog na palakpakan ang nagpabalik
sa mga artista. May mga limang sandali pa lámang ang nakakaraan, sila’y
nangagahahabulan at nangag-aaway. Ngunit ngayon ay magkakahawak ang
kamay na yumuyukod sa mga nanonood at nakikipagpalitan ng tingin sa ilang
naroon.
Samantalang nagkakagulo sa pag-uunahan ang mga pumupunta sa silid-
bihisan upang batiin ang mga artistang babae at ang mga tumutungo sa mga
palko ang bumati sa mga babae, ang ilan naman ay nagbibigay ng kani-kanilang
opinyon o kuru-kuro tungkol sa opereta at mga nagsiganap.
“Si Serpolette ang pinakamagaling. Hindi mapag-aalinlangan iyan,” ang sabi
ng isa na nagdudunung-dunungan.
“Ibig ko si Germaine. Siya ang tunay na Olandes.”
“Ngunit hindi siya marunong umawit!”
“Ayaw ko namang awitan niya ako!”
“Kung gayon, ang mataas ang may magandang hugis.”
“Pwe!” ang sabi ni Ben Zayb.“Walang karapat-dapat na matawag na artista.”
Si Ben Zayb ang tagapagsuri ng “El Grito de la Integridad.” At ang kanyang

170
anyong mapagmataas ay nagbibigay ng halaga sa kanya sa mga mata ng mga
madaling masiyahan.
“Ni si Serpolette ay hindi marunong umawit, ni si Germaine ay walang
kariktang kumilos, ni ang palabas ay hindi musikal, hindi masining, o kahit
ano pa man,” ang patapos ni Ben Zayb na kapansin-pansin ang paghamak nito.
Upang makapagpanggap na mabuting manunuligsa ay walang mabuting
paraan kundi pintasan ang lahat. Bukod dito, dalawang tiket lamang ang
ipinadala ng may-ari ng palabas sa pasulatan.
Ang mga tao sa palko’y nagtatanong kung sino ang nagmamay-ari ng
palkong walang laman. Higit na makapagyayabang ang taong iyon sapagkat
hulí siyang darating. Hindi maláman kung saan nagbuhat ang balitang si Simoun
ang may-ari ng palkong iyon. Ang balita’y napatunayan. Walang nakakita sa
mag-aalahas sa mga butaka, sa mga silid-bihisan, sa likod ng tanghalan, o saan
mang dako ng dulaan.
“Ngunit nakita ko siyang kasáma ni Mr. Jouy kaninang hapon.”
“Binigyan niya ng kuwintas ang isa sa mga artistang babae.”
“Sino sa kanila?”
“Ang pinakamagaling sa kanilang lahat, ang laging nakatuon ang tingin sa
kanyang kamahalan.”
Nagkaroon ng mga makahu-
lugang sulyapan, kindatan, pag- Alam Mo Ba?
aalinlangan, pagsang-ayon, at papu-
tol-putol na salitaan. Monte Cristo—ang bayani ng nobela ni
“Ibig magsa-Monte Cristo,” ang Alexander Dumas sa “The Count of Monte
sabi ng isa na gustong masabing Cristo.”
siya’y palabasa.
“O tagapagbigay sa Real Casa!”
ang dugtong ng kanyang tagahanga Alam Mo Ba?
na naninibugho na kay Simoun.
Sa palko ng mga estudyante ay Casa Real—isang maharlikang palasyo.
naiwan sina Pecson, Sandoval, at
Isagani. Lumapit si Tadeo kay Don
Custodio upang libangin. Nakipaghuntahan siya tungkol sa mga paboritong
proyekto ng tagapagpasiya. Nakipag-usap naman si Makaraig kay Pepay.
“Wala, walang-wala talaga,” ang pahayag ni Sandoval nang may pagkumpas
pa. Pinaindayog pang mabuti ang tinig upang marinig ng mga dalagang nása
kalapit na palko. Anak silá ng mayayamang may utang kay Tadeo. “Gaya nang
sinabi ko sa iyo, kaibigang Isagani, wala. Hindi taglay ng wikang Pranses ang
mataginting, maindayog, at mayamang tunog ng wikang Kastila. Hindi ko
aakalain at maisip na may mga mananalumpating Pranses at aywan ko kung
may matatawag ngang mananalumpati sa kanila, sa tunay na kahulugan ng
salita. Hindi natin dapat ipagkamali ang salitang mananalumpati o masatsat.

171
Ang masalita o masatsat ay hindi maaaring mawala sa lahat ng bansa, sa lahat
ng pinananahanan ng tao sa daigdig, sa malalamig at walang siglang mga Ingles,
at gayon din sa mga masisigla at mararamdaming mga Pranses.”
Nagpatuloy si Sandoval sa mabulaklak na paglalarawan ng iba’t ibang mga
tao. Tumango si Isagani bilang pagsang-ayon. Ngunit ang isip niya ay na kay
Paulita. Nahúli niyang nakatingin sa kanya si Paulita at ang mga mata niya’y
maraming nais ipahayag. Ibig maláman ni Isagani kung ano ang kahulugan ng
mga tinging iyon na punong-puno ng damdamin.
“At kayo, na isang makata na umaalinsunod sa tugma at sukat, anak ng
mga masa,” ang patuloy ni Sandoval na ikinumpas ang kamay na parang
nagpupugay sa siyam na magkakapatid, “aakalain ba ninyo kung paanong ang
isang wikang napakasalat, walang
Alam Mo Ba? lamyos, at indayog na gaya ng
Pranses ay maaaring magkaroon ng
Jose Espronceda—ay kilaláng manu- mga bantog na makatang katulad ng
nulang Espanyol. ating mga Garcilaso, ng ating mga
Herrera, ng ating mga Espronceda
at mga Calderon?”
“Gayon pa man,” ang pagtutol ni
Alam Mo Ba? Pecson,“si Victor Hugo. . .”
Pedro Calderon de la Barca—bantog na “Si Victor Hugo, kaibigang
dramatista at manunulang Espanyol. Pecson, kung siya ay isang makata, ito
ay utang niya sa Espanya. Ito’y isang
bagay na napatunayan at tinatanggap
at di mapag-aalinlanganan ng mga
Alam Mo Ba? Pranses na nangingimbulo sa
Espanya. Masasabing si Victor Hugo
Victor Hugo—isang nobelista, drama-
ay isang henyo at makata, sapagkat
tista, at manunulang Pranses. Isinulat
ginugol niya ang kanyang pagkabata
niya ang “Les Meserables” at “Notre dame
sa Madrid. Doon unang namulat
de Paris”, mas kilalá bilang “The Hunchback
ang kanyang isipan, nalinang ang
of Notre Dame”
kanyang talino, nagkakulay ang
kanyang guniguni, at tumitibok
ang kanyang puso. At higit sa lahat doon isinilang ang kanyang magagandang
kaisipan; ngunit sino ba si Victor Hugo? Maihahambing at maipapantay ba siya
sa mga makabagong makata?”
Naputol ang sasabihin ng mananalumpati nang dumating si Makaraig. Siya
ay malungkot at may mapait na ngiti sa labì. May hawak itong isang papel na
tahimik na iniabot kay Sandoval.
Binasa ni Sandoval.

172
Pechona:

Huli na nang dumating ang iyong liham. Naiharap ko na ang


aking rekomendasyon. At ito’y sinang-ayunan. Gayunman para ko ring
nahulaan ang iyong iniisip sapagkat ang pagpapasiya ko sa panukala ay
naaayon sa ibig mangyari ng iyong mga ipinagtatanggol.
Magtutungo ako sa dulaan at hihintayin kita sa may pintuan
pagkatapos ng palabas.
Ang nagmamahal mong kalapati,
Custodining

“Kay buti ng taong iyan!” ang naibuntung-hininga ni Tadeo.


“At ngayon?” ang tanong ni Sandoval.“Wala akong nakikitang masama rito.
Mabuti pa nga!”
“Oo nga. Iyan ay naaayon sa ating kahilingan,” ang sagot ni Makaraig na
sinundan ng isang mapait na ngiti.“Nakausap ko na si Padre Irene.”
“At ano ang sabi ni Padre Irene?” ang tanong ni Pecson.
“Katulad din ng sinabi ni Don Custodio. At ang pilyo ay may lakas pa ng
loob na bumati sa akin. Tinanggap ng lupon ang pasiya at rekomendasyon ng
tagahatol. Sinang-ayunan nila ito at bumabati sa mga mag-aaral dahil sa kanilang
pagkamakabayan at pagnanais na matuto.”
“O, ngayon?”
“Ngunit, dahil sa dami ng ating gawain at upang huwag mabigo ang
panukala, ang sabi ng lupon, ang pagpapatupad at pamamahala ay ipapaubaya
sa isang relihiyosong orden, kung sakaling hindi pumayag ang Dominiko na
ikatnig ang akademya sa unibersidad,” patuloy ni Makaraig.
Gayon na lámang ang panlulumo ng lahat.Tumindig si Isagani, ngunit hindi
nagsalita.
“At upang ipakita na tayo’y kasangkot sa pamamahala ng akademya,” ang
patuloy ni Makaraig, “táyo ang pinamamahala sa paglikom ng mga butaw
at kontribusyon. At tungkulin nating ibigay sa ingat-yaman na mahihirang
ng samahang mamamahala na siya namang magbibigay sa atin ng resibo o
katibayan. . .”
“Mga tagapaningil ng buwis táyo kung ganoon!” ang puna ni Tadeo.
“Sandoval,” ang sabi ni Pecson,“hayan ang gwantes, saluhin mo.”
“A, hindi gwantes iyan. Ang amoy ay tila medyas.”
“At ang nakatatawa pa,” ang patuloy ni Makaraig,“iminumungkahi ni Padre
Irene na ipagdiwang natin ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang salusalo o
kaya’y isang harana na may dalang mga sulo o isang sama-samang pamamahayag
ng mga mag-aaral bilang pasasalamat sa lahat ng pinagkakautangan natin ng
tagumpay.”

173
“Oo nga, pagkatanggap sa dagok ay dapat umawit at magpasalamat pa
táyo. Isang piging na katulad ng sa mga bilanggo,” ang sabi ni Tadeo. “Super
flumina Babylonis sedimus! Sa ilog ng Babylonia, kami ay umupo at umiyak.”
“Isang piging kung saan ang lahat ay magluluksa at magbibigay ng mga
talumpati,” ang mungkahi ni Sandoval.
“Isang harana, na ang tugtugin ay ang Marseillaise at ang mga marcha
funebre,” ang palagay ni Isagani
“Hindi, mga ginoo,” ang sabi ni Pecson na tumawa nang malakas na parang
payaso,“upang ipagsaya ang pangyayari, wala nang lalong magaling kundi ang
magdaos ng isang piging sa pansiterya na ang maglilingkod ay mga Intsik na
walang damit pang-itaas. Oo, mga walang damit pang-taas.”
Dahil sa kakatwa at mapanlibak ang mungkahi, ito ay tinanggap. Si Sandoval
ang unang-unang pumalakpak. Matagal na niyang ibig makita ang loob ng
tindahan na kung gabi’y maraming tao at mukhang masayang-masaya.
Nang tumugtog ang orkestra upang simulan ang ikalawang bahagi, ang
mga mag-aaral ay tumindig at lumabas ng dulaan sa gitna ng pagkamangha ng
lahat.

Isang Bangkay
(Kabanata XXIII)

Hindi nga nagtungo sa dulaan si Simoun. Umalis siya ng bahay sa ganap na


ikapito ng gabi na balisa at malungkot. Makalawa siyang nakita ng mga utusán
niya na bumalik at may kasamang kung sino-sinong tao. Nang ikawalo ng gabi,
habang tinutugtog ang mga kampana ng simbahan, namataan siya ni Makaraig
sa pali-paligid ng kalye Ospital, malápit sa kumbento ng Santa Clara. Nang
ikasiyam ng gabi, nakita siyang muli ni Camaroncocido sa paligid ng dulaan.
May kausap siya na tila isang mag-aaral. Pumasok siya at muling lumabas sakâ
nawala sa kakapalan ng mga punungkahoy.
“E, ano ba sa akin,” ang ulit ni Camaroncocido.“Ano ang mapapala ko kung
balaan ko ang mga tao?”
Ayon kay Makaraig, hindi rin nagtungo sa dulaan si Basilio. Mula nang
manggaling sa San Diego ang kaawa-awang mag-aaral upang tubusin ang
katipang si Juli sa pagpapaalila ay muling iniukol ang panahon sa kanyang mga
aklat. Namalagi siya sa ospital. Inaalagaan niya si Kapitan Tiago at sinisikap na
malunasan ang kanyang karamdaman.
Naging masungit at laging bugnutin ang maysakit. Kapag sinisikap na
bawasan ni Basilio ang gamit ng opyum, nakararamdam siya ng panghihina ng
katawan. Sinusumbatan, sinasaktan, at minumura niya si Basilio. Nagtitiis naman
si Basilio, dahil sa alam niyang para iyon sa ikabubuti ng pinagkakautangan
niya nang malaki. At kayâ lámang siya pumapayag kapag talagang hindi na

174
siya makaiwas. Kapag napayapa ng bisyo ang masidhing pangangailangan
ni Kapitan Tiago ay lalamig ang ulo nito, magiging magiliw, tatawaging anak
si Basilio, pahikbi-hikbi gugunitain ang paglilingkod ng binata, maayos na
pamamahala ng binata sa kanyang mga ari-arian. At pagkatapos, sasabihing si
Basilio ang gagawin niyang tagapagmana. Malungkot na nangingiti si Basilio
at maiisip na sa búhay na ito, higit na ginagantimpalaan ang pagpapaunlak
sa masamang hilig kaysa sa pagtupad sa tungkulin. Hindi miminsang naisip
tuloy niya na pabayaan nang lumubha ang karamdaman ng tagapagtangkilik
at akayin sa kanyang libingan sa daang mabulaklak at magagandang pangarap,
kaysa pahabain ang búhay nito sa malabis na paghihirap.
“Napakahangal ko,” ang madalas niyang mawika sa sarili. “Maaaring
nagkakamali siya, ngunit siya ang nagbabayad…”
Mapapailing siya. Pagkatapos maiisip si Juli, ang magandang kinabukasang
naghihintay sa kanya. Ibig niyang mabuhay nang walang dungis ang kanyang
budhi. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalaga at pagbabantay nang mabuti.
Gayunman, parang lumulubha araw-araw ang maysakit sa kabila ng
paminsan-minsang pagbuti ng kanyang kalagayan. Ipinasiya ni Basilio na
bawasang unti-unti ang gamit ng opyum o kaya’y huwag pahintulutang humitit
si Kapitan Tiago nang higit kaysa rati. Ngunit pagbalik niya mula sa pagbisita
sa ospital o sa mga pasyente ang maysakit ay mapapansin niyang nakakatulog
nang mabigat gawa ng opyum, naglalaway, at namumutlang parang patay
na. Hindi matukoy ng binata kung saan nanggagaling ang opyum. Ang mga
tanging nagsisidalaw sa bahay ay si Simoun at si Padre Irene. Bihira lámang
dumalaw ang mag-aalahas at ang isa’y walang lubay sa pagbibilin na higpitan
at ipagpatuloy ang pag-aalaga nang mabuti at huwag pansinin ang pagkamuhi
ng maysakit. Ang dapat niyang isaisip mailigtas ang búhay ng maysakit.
“Gawin mo ang iyong tungkulin, binata,” ang laging sabi ni Padre Irene.
“Gawin mo ang iyong tungkulin.”
At magsesermon si Padre Irene tungkol sa paksang ito sa paraang
kapani-paniwala at may kasiglahan. Kaya’t parang nakagiliwan siya ni Basilio.
Pinangakuan pa siya ni Padre Irene ng isang mabuting mapapasukan sa
isang mayamang lalawigan at maaaring mahirang pang isang propesor. Hindi
napadala sa mga balighong pangarap si Basilio. Nagkunwari siyang naniniwala
sa sinasabi ng prayle at nagpatuloy sa ipinag-uutos ng kanyang budhi.
Nang gabing iyon, habang itinatanghal ang Les Cloches de Corneville, nag-
aaral si Basilio sa isang matandang mesa sa tulong ng liwanag ng isang ilawang
langis na may malabong pantalyong salamin. Nagbibigay ito ng malamlam na
liwanag sa malungkot na mukha ng binata. Isang lumang kalansay, ilang buto
ng tao, ilang aklat na maayos na nakasalansan ang nása ibabaw ng mesa. At
mayroon pang isang palanggana at isang espongha.Ang amoy ng opyum mula sa
karatig na silid ang gumugupo sa paligid at nakapagpapaantok sa binata. Ngunit
pinaglalabanan ito ng binata. Binabasâ niya paminsan-minsan ang kanyang noo

175
at kanyang mga mata upang huwag makatulog hanggang sa matapos niya ang
aklat. Ang binabasa niyang aklat ay Medicina Legal y Toxicologia ni Dr. Mata.
Hiniram lámang niya ito at kailangang maisauli agad. Mapilit ang propesor ni
Basilio na gamitin ang aklat na ito.Wala namang sapat na salapi ang binata upang
makabili ng sariling aklat. Malaking halaga ang hinihingi ng mga nagbibili ng
aklat. Kinakailangan nilang suhulan ang maraming kawani upang maipasok
ang aklat na ito na ipinagbabawal ng mga tagasuri ng Maynila. Buhos na buhos
sa pag-aaral si Basilio kaya’t hindi man lámang mabigyang-pansin ang mga
mumunting aklat ukol sa Pilipinas na ipinapadala sa kanya mula sa ibang bansa.
Ngunit walang nakaaalam kung saan talaga nanggagaling ang mga mumunting
aklat na ito. Ang ilan ay nakapukaw sa damdamin ng marami dahil sa masamâ
at kalait-lait na pagpapalagay sa mga mamamayan ng bansa. Walang kapana-
panahon si Basilio na mabuksan ang mga ito. Marahil nakapipigil din sa kanya
ang pag-alala na hindi niya matatanggap ang paghamak at paghamon nang
hindi makasasagot o makapagtatanggol sa sarili man lámang. Pinahintulutan
ng mga nagsusuri ang mga lathalain ng paghamak sa mga mamamayan, ngunit
ipinagbabawal ang pagsagot sa mga ito.
Sa gitna ng katahimikang naghahari sa bahay na nabubulahaw lámang
ng paminsan-minsang paghihilik mula sa karatig na silid ay nakarinig ng
mararahang yabag sa hagdanan, mga yabag na papalapit nang papalapit sa
kinaroroonan niya. Itinaas ng binata ang kanyang ulo. Nabuksan ang pinto.
Buong pagkamangha niyang nakita ang mabagsik na anyo ng mag-aalahas na
si Simoun. Mula nang magkatagpo silá sa San Diego, hindi na nakipagkita si
Simoun kay Basilio; ni kay Kapitan Tiago.
“Kamusta ang maysakit?” ang tanong ni Simoun. Pagkatapos, hinagod ng
tingin ang silid at napansin ang mga aklat na hindi pa nabubuksan.
“Bahagya na ang tibok ng puso. Mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na
siya ng gana sa pagkain,” ang bulong ni Basilio. Malungkot ang kanyang ngiti.
“Pinagpapawisan siyang mabuti sa madaling araw….”
Nang makitang nakatuon ang mga mata ni Simoun sa mga mumunting
aklat at sa pangambang bakâ maungkat ang pinag-usapan at pagtatalo nila sa
gubat ay nagpatuloy si Basilio:
“Talamak na ang lason sa buong katawan. Búkas o makalawa ay maaaring
mamatay na parang tinamaan ng lintik. Isang munting dahilan, isang walang
kabuluhang bagay, isang sulak ng kalooban ay maaaring makamatay sa kanya.”
“Katulad ng Pilipinas!” ang malungkot na puna ni Simoun.
Hindi napigilan ni Basilio ang pagkabigla. Ngunit sinikap niya na huwag
nang maungkat ang pagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon kayâ nagpatuloy
nang parang walang naririnig:
“Ang lalo pang nakapanghihina sa kanya ay ang mga bangungot at kanyang
mga takot.”
“Katulad ng pamahalaan!” ang sabi ni Simoun.

176
“May ilang gabi na siyang nagigising. Ang akala niya’y nabulag na siya.
Nagpalahaw, at tinangisan niya ang kanyang kapalaran. Pinaratangan niya
akong dinukot ang kanyang mga mata. Nang ako’y pumasok na may dalang ilaw,
napagkamalan akong si Padre Irene at tinawag akong kanyang tagapagligtas.”
“Wala ngang iniwan sa pamahalaan!”
“Kagabi,” ang patuloy ni Basilio na nagbibingi-bingihan,“bumangon siya at
hinihingi ang kanyang sasabunging manok na may tatlong taon nang namatay.
Ang ibinigay ko ay isang imahen. Gayon na lang ang pagpuri niya sa akin at
pinangakuan na bibigyan ng libo-libong piso.”
Nang mga sandaling iyon, inihudyat ng orasan ang ikasampu at kalahati ng
gabi.
Nangatal si Simoun at pinigil ang pagsasalita ng binata.
“Basilio,” ang bulong niya,“makinig ka sanang mabuti. Mahalaga ang bawat
sandali. Nakita kong hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadadala ko sa
iyo. Wala kang malasakit sa iyong bayan.”
Ibig tumutol ng binata.
“Wala nang kabuluhan,” ang tuyot na wika ni Simoun. “Sa loob ng isang
oras, magsisimula na ang himagsikan sa isang hudyat ko. Búkas ay wala nang
pag-aaral, wala nang unibersidad, walang makikita kundi labanan at patayan.
Inihanda ko ang lahat at natitiyak ko ang aking tagumpay. Kapag kami’y
nagtagumpay, ang lahat nang hindi tumulong sa amin bagaman may kayang
dumamay ay ituturing naming kaaway. Basilio, naparito akó upang ihandog sa
iyo ang dalawang bagay: ang iyong kamatayan o ang iyong hinaharap!”
“Ang aking kamatayan o ang aking hinaharap?” ang nagugulumihanang
ulit ng binata.
“Sa panig ng pamahalaan o sa amin,” ang patuloy ni Simoun.“Sa piling ng
mga maniniil o sa piling ng iyong bayan. Magpasiya ka. Wala nang panahon.
Naparito akó upang iligtas ka dahil sa mga alaalang bumibigkis sa atin.”
“Sa panig ng mga maniniil o ng aking bayan,” ang ulit ni Basilio sa marahang
tinig.
Litong-lito ang binata Nakatingin sa mag-aalahas at ang mga mata’y
kakikitaan ng takot. Naramdaman niyang nanlalamig ang mga paa’t mga kamay
niya. Isang libo’t isang masalimuot na isipin ang gumuhit sa isip niya. Nakikita
niyang umaagos ang dugo sa mga lansangan. Naririnig niya ang putukan.
Nakikita niya ang sarili na kasáma ng mga patay at sugatan. At palibhasa’y
udyok ng kanyang hilig, nakikita niya ang sarili na nakasuot ng damit na
panggagamot na pumuputol ng mga hita at nag-aalis ng mga bala.
“Nása kamay ko ang kalooban ng pamahalaan,” ang patuloy ni Simoun.
“Napagpasiyahan kong gugulin ang kakaunti niyang lakas at salapi sa mga
walang kabuluhang ekspedisyon. Pinapaniwala ko siya sa kapakinabangang
matatamo. Ngayon, nása dulaan ang mga pinunò na nangalilibang at ang iniisip
ay isang gabi ng aliw. Ngunit wala ni isa man sa kanila na mahihimlay pa ang ulo

177
sa unan. May sarili akong hukbo at mga taong pinamamahalaan. Pinapaniwala
ko ang iba na ibig ng heneral ang himagsikan at ito’y pakana ng mga prayle.
Nabili ko ang iba sa pamamagitan ng mga pangako ng mapapasukan at ng
salapi. Ang lalong marami ay nagsikilos upang makapaghiganti, sapagkat
sila’y inapi. Walang nalalabi sa kanila kundi mamatay o pumatay. Nása ibaba si
Kabesang Tales at sinamahan akó rito. Inuulit ko sa iyo. Sasama ka ba sa amin o
pipiliin mo pang mapahamak sa kamay ng aking mga kabig? Sa mga sandaling
tulad nito, ang di pagkampi kanino man ay paglalagay ng sarili sa panganib ng
dalawang magkalabang lakas.”
Nahaplos ni Basilio nang ilang ulit ang kanyang noo na parang ibig nitong
magising mula sa isang panaginip. Nanlalamig ang kanyang noo.
“Magpasiya ka,” ang ulit ni Simoun.
“At ano… ang kailangan kong gawin?” ang tanong ng binata sa basag at
nanghihinang tinig.
“Madali,” ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
“Sapagkat akó ang namumuno sa buong kilusan, hindi ko mahaharap ang
iisang labanan. Kailangan akó sa lahat. Pamumunuan mo ang isang pangkat.
At habang nakatuon ang kaguluhan sa iba’t ibang pook sa siyudad, buksan mo
nang sapilitan ang pinto ng kumbento ng Santa Clara, at kunin mo ang isang
tao maliban sa iyo, sa akin, at kay Kapitan Tiago ay walang nakakikilala. Hindi
malalagay sa panganib ang búhay mo.”
“Si Maria Clara!” ang bulalas ni Basilio.
“Oo, si Maria Clara,” ang ulit ni Simoun, at sa unang pagkakataon ay naging
malumanay at malungkot ang tinig.“Ibig ko siyang iligtas. Inibig kong mabuhay
upang mailigtas siya. Bumalik akó… ninasa ko ang isang himagsikan, sapagkat
tanging isang himagsikan ang makapagbubukas sa akin ng pinto ng mga
kumbento.”
“Ay!” ang buntung-hininga ni Basilio na pinagdaop ang palad. “Nahulí na
kayo.”
“At, bakit?” ang napakunot na tanong ni Simoun.
“Patay na si Maria Clara.”
Napatindig si Simoun at dinaluhong ang binata.
“Patay na?” ang tanong niya sa nakasisindak na tinig.
“Kaninang mag-iikaanim ng hapon. Ngayon ay maaaring…”
“Kasinungalingan!” ang sigaw ni Simoun na namumutla at parang
pinanghihinaan ng loob. “Hindi maaaring magkatotoo iyan! Buháy si Maria
Clara. Kailangang mabuhay siya. Naduduwag ka lang, kayâ mo sinasabi iyan.
Hindi siya patay at ngayong gabi, ililigtas ko siya o búkas, ikaw ang mamamatay.”
Nagkibit ng balikat si Basilio.
“May ilang araw na siyang may sakít. At pumupunta akó sa kumbento para
makibalita. Heto ang liham ni Padre Salvi na dalá ni Padre Irene. Magdamag na
umiiyak si Kapitan Tiago. Hinahagkan niya ang larawan ng anak at humihingi

178
ng tawad dito. Dahil dito lumabis ang paghitit niya ng opyum. Kaninang hapon,
tinugtog ang agunyas para sa kanya.”
“A!” ang bulalas ni Simoun na hawak-hawak ang ulo at nananatiling di
tumitinag.
“Patay!” ang mahinang bulong na wari’y isang anino ang nagsasalita.“Patay
na! Namatay nang hindi ko man lámang nakita. Namatay nang hindi nalalamang
nabubuhay akó para sa kanya. Namatay nang nagdurusa….”
Sapagkat nararamdaman niya ang isang kahindik-hindik na unos,
nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan, ang pag-
iyak nang walang salita, ni luha na parang sasabog sa kanyang dibdib, at
nagtatangkang umapaw, na wari’y buga ng bulkang malaong natimpi, mabilis
na nilisan ni Simoun ang silid. Narinig ni Basilio ang pagragasa nitong pagbaba,
ang mabibigat niyang hakbang, ang isang impit na iyak na wari’y nagbababala
ng nalalapit na kamatayan. Matindi at puspos ang pagdadalamhati. Kaya’t
napatayo ang binata sa kanyang kinauupuan, namumutla, at nanginginig.
Ngunit narinig niyang palayo na ang mga yabag at ang pinto ng tarangkahan
ay nasarhan nang malakas.
“Kaawa-awang tao,” ang bulong ni Basilio. Namuo ang luha sa kanyang mga
mata.
Nakalimutan nito ang pag-aaral. Malayo ang tingin. Iniisip-isip ang
kapalaran ng dalawang taong iyon. Ang isa ay binatang mayaman, may pinag-
aralan, malaya, nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan, at may magandang
kinabukasan. Ang dalaga ay kasingganda ng isang pangarap, dalisay, lipos na
pananalig, at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan. Pinalaki siya sa gitna
ng pagmamahal, sa mga pangarap, at pag-asa. Ang lalaki’y itinaboy ng sawing
kapalaran na maglagalag sa buong daigdig. Natangay siya ng ipu-ipong dugo
at luha. Naghasik siya ng kasamaan sa halip na kabutihan. Pinasigla niya ang
masasamang bisyo. Habang ang babae ay naglaho sa mahiwagang klaustro
na kanyang pinasukan sa paghanap ng kapayapaan. Ngunit mga pagtitiis ang
natagpuan niya roon. Malinis at walang bahid dungis nang siya’y pumasok. At
namatay siya roon tulad ng isang lagas na bulaklak.
Humimlay kang mapayapa, kaawa-awang anak ng aking sawimpalad
na Inang Bayan! Ibaon mo sa libingan ang mga pang-akit ng iyong kabataan
na nalanta sa gitna ng kanyang kalusugan. Kapag ang isang bayan ay hindi
makapaghahandog sa kanyang walang dungis na mga babae ng isang payapang
tahanan sa ilalim ng tungkulin ng banal na kalayaan, kapag ang tanging
maipamamana ng laláki sa kanyang kabiyak ay kahihiyan, luha sa kanyang
ina, at pagkaalipin sa kanyang mga anak, mabuti pa nga ang iyong ginawa
na mamalagi sa pagkadalaga upang inisin sa iyong sinapupunan ang binhi ng
darating na salinlahing isinumpa! A, mapalad ka pagkat di ka na mangingilabot
sa iyong libingan kapag narinig mo ang daing ng mga naghihingalo sa karimlan,
ng mga may pakpak, ngunit nangakatanikala, ang mga sinisikil, dahil sa

179
kawalan ng kalayaan.
Tumungo ka na akbay ng mga pangarap ng makata sa pook ng kawalang-
hanggan, anino ng isang babaing nananaog sa isang sinag ng buwan at
ibinubulong ng nahuhutok na kawayanan. Mapalad ang mamatay na
tinatangisan, na nag-iiwan sa puso ng sa kanya’y umiibig nang malinis na
gunita, isang banal na alaala na hindi nadungisan ng kamunduhang nag-
uulol sa pagdaraan ng mga taon. Yumao ka’t aalalahanin ka namin! Sa dalisay
na hangin ng ating Inang Bayan, sa ilalim ng kanyang bughaw na langit, sa
mga alon ng lawang napapaligiran ng mga sapirong bundok at esmeraldang
baybayin; sa kanyang malilinaw na batisang nalililiman ng mga punong
kawayan, nahihiyasan sa baybayin ng mga bulaklak, at pinasasaya ng mga tutubi
at paruparo na wari’y nanunudyo sa hangin; sa katahimikan ng ating mga
gubat, sa awit ng ating mga batisan, sa makinang na liwanag ng ating buwan, sa
mga pagbubuntung-hininga ng hangin sa gabi, at sa lahat ng nagpapagunita ng
larawan ng isang inibig, makikita ka naming lagi tulad ng aming pinapangarap,
maganda, nakangiting katulad ng pag-asa, dalisay gaya ng liwanag, ngunit
malungkot at namimighating tinutunghayan ang aming mga kasawian.

Mga Pangarap
(Kabanata XXIV)

Kinabukasan, Huwebes, ilang oras bago lumubog ang araw tinunton


ni Isagani ang magandang Paseo de Maria Cristina na patungong Malecon.
Makikipagtipan siya kay Paulita gaya ng ipinangako sa kanya nito nang
umagang iyon. Natitiyak ng binata na mapag-uusapan nila ang mga nangyari
nang sinundang gabi. Handang-handa siyang humingi ng paliwanag kay Paulita.
Ngunit batid niya na mapagmalaki at mapagmataas ang katipan. Kaya’t nakikini-
kinita niya ang pakikipagtalusira niyon. Sa harap ng ganitong pangyayari,
dinala niya ang dalawang tanging sulat ni Paulita, dalawang pirasong maliliit
na papel na kinasusulatan ng ilang pangungusap na madalian pang isinulat.
May ilang mga bura pa at maling pagbaybay. Ngunit ang mga bagay na ito’y
hindi nakahadlang sa binata na itago
Alam Mo Ba? at ingatan nang may pagmamalasakit,
higit pa kaysa paralumang si
Polimnia—Ang kinikilalang musa ng sag- Polimnia.
radong panulaan. Ang pasiya niyang talikdan ang
pag-ibig sa ngalan ng karangalan, at
ang hangad na magtiis makatupad
lámang sa katungkulan ay hindi nakapigil na sumalakay kay Isagani ang lungkot.
Nagunita niya ang maliligayang araw at lalo pang maliligayang gabi nang silang
dalawa’y nagbubulungan ng matatamis na salita, ng mga walang kabuluhan,
sa mga pagitan ng rehas na bakal sa entreswelo. Mga kahangalan, ngunit para
180
sa binata ay mahalaga at banal na dapat pakinggan ng mga taong may mataas
na pang-unawa. Naalala ni Isagani ang mga pamamasyal nila, ang mga gabing
maliwanag ang buwan, ang perya, ang mga madaling-araw ng Disyembre
pagkatapos ng misa de gallo, ang agua bendita na karaniwang iniaabot niya
at pinasasalamatan naman ng dalaga sa pamamagitan ng isang tinging punô
ng pagmamahal, at mag-aalab ang kanilang damdamin kapag nagdadaiti ang
kanilang mga daliri. Malalalim na buntung-hininga ang pumupulas sa kanyang
dibdib. Naisip niyang lahat ang mga akda, sa tula o sa tuluyan, na naisusulat ukol
sa pagkasawalahan ng babae. Isinumpa niya ang dulaan, ang operetang Pranses,
at ipinangako niyang gagantihan si Pelaez. Lahat ng nakapaligid sa kanya ay
tila madidilim at malulungkot. Ang look ay tila higit na malungkot, sapagkat
iilan ang nakadaong na bapor. Ang araw ay lumulubog sa likuran ng Maribeles,
ngunit walang kagandahan o pang-akit ito. Wala ang ulap na may sari-saring
ayos at mayamang kulay nang hapong iyon. Ang bantayog ni Anda, na kahit
maliit, ay napapalamutian namang mabuti, ngunit wala nga lámang kaayusan at
salat sa kadakilaan. Sa tingin niya’y ito ay parang isang sorbetes o pasteleriya.
Ang mga ginoong nagpapahangin sa Malecon, kahit ayos na nasisiyahan at
panatag, ay tila masusungit at mapagmataas. Malilikot at walang pinag-aralan
ang mga batang naglalaro sa dalampasigan, naghahagis ng mga batong lapad
sa ibabaw ng mga alon ng tubig, naghahanap ng mga susô at kukomo, at kapag
nakahuli na ay pinapatay naman. Pati na ang walang katapusang gawain ng
daungan, na nahandugan niya ng di-tatatlong oda ay naging katawa-tawa, at
walang kabuluhan sa kanya, na parang mga larong batà lámang.
Ang daungan! A, ang daungan ng Maynila, isang anak sa labas na mula’t
sapul nang sumilang ay nagdulot ng kahihiyan sa lahat. Kung hindi man
lámang sana nangyari ang karumal-dumal na pagpapalaglag pagkatapos
ng maraming paghihirap!
Wala sa loob na binati ni Isagani ang dalawang Heswita na naging guro
niya. Bahagya na niyang napuna ang isang tandem na pinatatakbo ng isang
Amerikano at kinaiinggitan naman ng ilang makikisig na laláki na nagpapalakad
ng kanilang karomata. Sa may bantayog ni Anda ay narinig niyang may
kinakausap si Ben Zayb. Si Simoun ang pinag-uusapan. Bigla raw nagkasakit
nang sinundang gabi si Simoun at ayaw tumanggap ng sinumang dalaw, kahit
na ang mga alagad ng heneral.
A, malungkot niyang naisip, labis-labis ang pag-aalala kay Simoun
sapagkat mayaman, ngunit walang makaalaalang dumalaw sa mga sugatang
sundalo na gáling sa mga ekspedisyon sa Carolina. Napag-isip-isip niya ang
mga ekspedisyong ito, ang kapalaran ng mga kaawa-awang kawal at ang
pagtatanggol ng mga tagakapuluan laban sa mga dayuhan. Naiisip din niyang
pagtimbangin ang dalawang uri ng kamatayan, na kung dakila ang sa mga
kawal sapagkat tumutupad sa kanilang tungkulin, o ang mga tagakapuluan ay
maluwalhati, sapagkat ipinagtatanggol ang kanilang lupang tinubuan.

181
Kataka-taka ang kapalaran ng ibang bayan. Sila’y nawalan ng kalayaan
sapagkat ang isang manlalakbay ay lumunsad sa kanilang lupain. Naging mga
tagasunod at mga alipin ng mga manlalakbay o kanilang tagapagmana pati na
ng kanilang mga kababayan at hindi ng isang salinlahi lámang kundi sa habang
panahon. Kakatwang pagkilala sa katarungan! Ang kalagayang iyon ay sapat
na upang lipulin ang lahat ng dayuhan tulad ng mababangis na dambuhalang
ipinadpad ng alon sa pampang.
At naisip niyang ang mga tagakapuluang iyong kabaka ng kanyang bayan
ay walang ibang kasalanan kundi ang taglay na kahinaan. Ang mga manlalakbay
ay lumunsad din sa dalampasigan ng ibang bayan, ngunit nang matagpuang
malalakas ay hindi pinagpilitan ang kanilang hangarin. Ngunit, bagama’t
mahina ang mga ipinakikitang kagitingan ng mga iyon, ito ay kahanga-hanga
pa rin, ayon sa kanya. At ang mga pangalan ng mga kalabang ito na walang
pakundangang tinatawag na “duwag” at “taksil” ng mga pahayagan ay namatay
sa paraan ng lahi ng kanilang kuta. Higit na dakila silá kaysa mga matatandang
bayaning taga-Troy. Ang mga tagakapuluan ay hindi umaagaw ng isang Helen
sa Pilipinas. At udyok ng kasiglahan ng kanyang pagkamakata naisip niya ang
mga binata sa pulong iyon na dakila sa mata ng kanilang kababaihan. At dahil
umiibig na namatayan ng pag-asa, siya’y nangingimbulo sa mga binatang
iyon na nakatagpo ng isang dakilang pagpapatiwakal.
A, ibig din niyang mamatay. Mauwi sa wala. Iwanan ng isang dakilang
pangalan ang kanyang bayan. Mamatay nang dahil sa kanya. Ipagtanggol ito
laban sa mga dayuhan. At pagkatapos hayaang masikatan ng araw ang kanyang
bangkay, isang tanod na di kumikilos sa pagitan ng malalaking bato sa karagatan.
Ang pakikipaglaban sa Aleman ay pumasok sa kanyang isip.
Pinanghinayangan niya iyon, sapagkat naayos. Buong puso sana siyang nag-alay
ng búhay sa ilalim ng bandilang Hispano-Pilipino bago sumuko sa dayuhan.
“Sapagkat sa kabila ng lahat,” naisip niya,“táyo ay nabibigkis nang mahigpit
sa Espanya dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampalataya, sa wika . . .”
“Ang wika,oo,ang wika!”Isang mapanlibak na ngiti ang naglaro sa kanyang
mga labi. Sa gabing iyon, magdaraos silá ng isang piging sa pansiterya ng Intsik.
Ipagdiriwang nila ang kamatayan ng akademya ng wikang Kastila. Kung ang
mga liberal sa Espanya ay katulad ng mga liberal na naririto sa Pilipinas, sa
madaling panahon ay mabibilang ng Inang Bayan sa kanyang dalawang kamay
ang kanyang mga tagapagtaguyod.
Unti-unti nang lumalatag ang dilim. Lalong nararagdagan ang kalungkutan
ng binata. Nawawalan na siya ng pag-asang makita si Paulita. Ang mga
namamasyal sa paseo ng Malecon ay nagsisitungo na sa gawi ng Luneta na
kariringgan ng magagandang tugtuging dinadala roon ng malamig na simoy ng
hangin sa hapon.Ang mga marino ng isang pandigmang-dagat na nakahimpil
sa ilog ay naghahanda sapagkat gabi na. Mabilis na nagsisiakyat sa lubid ang
mga ito na tila mga gagamba. Nagkakabuhay na ang ibang sasakyang-dagat.

182
Sinisindihan nila ang kanilang mga ilawan. At ang baybayin, ayon sa makatang
si Alaejos,
Do el viento riza las calladas olas
Con blando murmullo en la ribera
Se deslizan veloces por si solas . . .
ay naglalabas ng maninipis na singaw at dahil sa liwanag ng buwan ay unti-
unting naging mahiwagang ulap na nanganganinag.
Napalingon si Isagani nang makarinig ng ingay na papalapit. Sumasal ang
tibok ng puso niya. Isang karwahe ang dumating. Hila-hila ito ng mga puting
kabayo, na kilalang-kilala niya kahit pa maipasama sa isang daang libo pang
kabayo. Nakasakay sa karwahe si Paulita, si Donya Victorina, at ang kaibigan ni
Paulita na kasama nila noong sinundang gabi.
Bago nakahakbang ang binata, mabilis na nakababa si Paulita na tila isang
nympha.Tinapunan siya ng dalaga ng isang ngiti ng pakikipagkasundo.Nginitian
din niya ang dalaga. Parang bulang naglaho ang mga ulap at masasamang
pangitaing gumugulo sa kanyang isip. Nagliwanag ang langit. Napuno ng
tugtugin ang himpapawid. Nagkaroon ng mga bulaklak ang madamong
daanan. Sa kasamaang palad, si Donya Victorina ay naroon din. Tinanong niya
sa binata kung may balita ito tungkol kay Don Tiburcio. Naipangako ni Isagani
na ipagtatanong sa mga kílala niyang mag-aaral ang pinagtataguan ng asawa ni
Donya Victorina.
“Wala pa pong makapagbigay sa akin ng balita hanggang ngayon,” ang
pagbibigay–alam niya. Tunay ngang nagsasabi ng katotohanan ang binata.
Nagtatago si Don Tiburcio sa bahay ng kanyang amaing si Padre Florentino. . . .
“Nais kong maláman niya,” ang galít na galít na wika ni Donya Victorina,
“na pupunta na akó sa mga guardia civil. Ibig kong maláman kung nasaan siya,
buháy man o patay. Mahirap maghintay ng sampung taon bago mag-asawang
muli!”
Napadilat ang binata sa Donya. Diyata’t may balak pang mag-asawa si
Donya Victorina! At sino kayâ ang sawimpalad na laláki?
“Ano ang masasabi mo kay Juanito Pelaez?” biglang tanong ng babae.
“Si Juanito!”
Hindi maláman ni Isagani ang isasagot niya. Ibig na ibig na niyang sabihin
ang lahat ng masasamang alam niya tungkol kay Pelaez ngunit ang kanyang
pagiging maingat ay nanaig. Kayâ pulos mabuti ang kanyang sinasabi tungkol
sa kaagaw. Lubos ang kasiyahan at katuwaan na pinuri rin ni Donya Victorina
si Pelaez. Ipagtatapat na sana kay Isagani ang kanyang bagong pag-ibig nang
dumating na tumatakbo ang kaibigan ni Paulita. Ibinalita niya na nahulog
ang abaniko ng dalaga sa pagitan ng mga bato sa dalampasigan malápit sa
Malecon. Ang pagkakataong ito, isang panlalansi man o hindi, ay totoong
nakapagbigay ng magandang pagkakataon na makipag-unawaan si Isagani kay
Paulita. Sa kabiláng dako, nasisiyahan din si Donya Victorina. Sang-ayon siyang

183
magpatuloy si Isagani sa pangingibig kay Paulita upang mapasakanya si Juanito.
Si Paulita ay may sariling kaparaanan din. Matapos pasalamatan ang
binata sa pagkuha ng abaniko ay nagkunwang siya ang dapat maghinanakit at
magdamdam at nagtataka siya na makita ang binata roon sapagkat ang lahat ay
nása Luneta na, pati ang mga artistang Pranses . . .
“Ikaw ang nakipagtipan sa akin. Paanong hindi akó. . .”
“Ngunit kagabi’y hindi mo man lámang napansin na ako’y nása dulaan.
Tinitingnan kitá mula sa simula hanggang katapusan ng palabas. Ngunit hindi
mo man lámang iniwawalay ang iyong mga mata sa mga artistang gumaganap
ng cochers. . .”
Nagkapalit silá ng kalagayan, sa halip na si Isagani ang humingi ng
paliwanag, siya ang nagpaliwanag sa dalaga. Ipinalagay niyang mapalad siya,
nang marinig na pinatatawad siya ni Paulita.Tungkol sa pagdalo nito sa dulaan,
dapat pa nga siyang magpasalamat. Pinipilit lámang siya ng kanyang ale, kayâ
pumayag na rin siya sa pagbabakasakaling makita ang binata sa dulaan.Walang
halaga sa kanya si Juanito Pelaez!
“Ang aking ale ang umiibig sa kanya,” ang natatawang sabi ng dalaga.
Nagkatawanan silá. Halos mabaliw silá sa kasiyahan. Ang pagpapakasal ni
Pelaez kay Donya Victorina ay halos nakikita na nilang mangyayari. Ngunit
naalaala ni Isagani na buháy pa si Don Tiburcio at ipinagtapat nito ang lihim sa
katipan pagkatapos papangakuin ito na hindi sasabihin kahit kanino. Nangako
si Paulita, ngunit nasa isip na sasabihin din niya sa kanyang kaibigan
Nagawi ang paksa ng usapan nila sa bayan ni Isagani. Ito’y nása gitna ng
kagubatan, na nása taas ng malalaking bato, at sa paanan nito ay ang karagatan.
Ang mata ni Isagani ay nagniningning kailanma’t napag-uusapan ang madilim
na sulok na iyon. Nag-aapoy sa pagmamalaki ang binata. Namumula ang
kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang tinig. Ang kanyang pagkamakata ay
napukaw. Nag-aalab ang kanyang mga salita, lipos ng búhay na para bagang
binabanggit niya ang isang pag-ibig.
“A,” ang hindi napigilan na naibulalas niya,“sa aking pag-iisa sa kabundukan,
malaya akó, malayang tulad ng hangin, malayang tulad ng liwanag na
naglalakbay nang walang hadlang sa kalawakan!” Isang libong siyudad o palasyo
man ay ipagkakaloob niya kapalit ng isang sulok ng Pilipinas na malayo sa
sangkatauhan.Nararamdaman niya roon ang tunay na kalayaan. Doon sa piling
ng kalikasan, ng hiwaga, ng kawalang hanggan, ng kagubatan at ng karagatan,
makapag-iisip, makapagsasalita, at makagagawa siya na gaya ng isang taong
walang panginoon.
Sa harap ng gayong kasiglahan ng kausap, parang ibig ni Paulita na
magdamdam at manibugho sa bayang iyon na masigasig na pinupuri. Hindi
niya maunawaan ito. Nahirati na siyang makarinig ng pag-aalipusta sa
bayang iyon. At kung minsan siya na rin ang gumagawa.
Ngunit pinayapa pagdaka ni Isagani ang kalooban ng katipan.

184
Minahal niya ang kanyang bayan nang higit sa lahat ng bagay bago pa
man siya nakilala. Natutuwa siyang maglibot sa kagubatan, matulog sa lilim
ng mga punungkahoy, o umupo sa ibabaw ng bato upang malasin ang mga
bughaw na alon sa Dagat Pasipiko na naghahatid sa kanya ng mga awiting
pinag-aralan sa mga dalampasigan ng malayang Amerika. Bago niya nakilala
ang dalaga, ang dagat na iyon ay kanyang daigdig, kanyang kaligayahan, pag-
ibig, at guniguni. Kapag payapa ang dagat at ang araw ay sumisikat sa kanyang
ulunan, natutuwa siyang titigan iyon sa lalim ng limampung metro upang
hanapin ang malalaking hayop sa kagubatan ng mga korales sa ilalim ng dagat
na naaaninag sa bughaw na tubig. Marahil ang malalaking serpyente ayon sa
mga tao sa kabundukan ay nagsialis sa kagubatan upang manirahan sa dagat
at magkaroon ng iba’t ibang nakatatakot na anyo. Kapag hapon ang sabi nila’y
nagsisilabas ang mga sirena. Hinihintay at sinusubukan niya ang mga iyon sa
naghahabulang alon na labis ang pananabik. At minsa’y parang nakikita niya
sa mga bula at nawiwili sa kanilang mga paglalaro. Dinig na dinig niya ang
kanilang mga awit ng kalayaan at tunog ng kanilang pinilakang alpa. Ginugugol
niya ang maraming oras sa panonood ng mga pagbabago-bago ng anyo ng
ulap, sa pagmamasid sa iilang mga punò sa kapatagan o mga malalaking bato.
Hindi niya maláman o maipaliwanag ang damdaming naghahari sa kanyang
kalooban. Madalas siyang mapagsabihan ng kanyang amain. At naisip pa
ngang dalhin siya sa isang manggagamot. Nangangamba ang amain na bakâ
siya magkasakit ng lubos na pamamanglaw. Ngunit nakita niya ang dalaga at
inibig ito. At noong nakaraang bakasyon ay parang may kulang doon. Madilim
ang gubat. Mapanglaw ang ilog na dumadaloy sa gitna ng kakahuyan, walang
sigla ang dagat at ulila ang kalawakan.
“Kung paroroon ka lámang kahit minsan, yapakan ang mga landas na iyon,
laruin ng dulo ng iyong mga daliri ang tubig ng mga batisan, malasin ang dagat,
maupo sa batuhan at umawit, ang aking kagubatan ay magiging paraiso, ang
ilog ay aawit, ang mga hamog ay magiging brilyante, at ang mga bula sa dagat
ay magiging perlas!” nawika niya sa dalaga.
Ngunit narinig ni Paulita na upang makarating sa bayan ni Isagani ay
kailangang magdaan sa mga bundok na may maraming maliliit na linta. Isipin
lámang ito ay kinikilabutan na ang dalaga. Siya ay laki sa layaw at karangyaan,
ayaw niyang mapagod, kayâ sinabi niyang maglalakbay lámang siya kung
nakakaruwahe o nakatren.
Si Isagani na nakalimot nang lubos sa mga malulungkot na pagpapalagay
at walang nakikita sa lahat ng dako kundi mga bulaklak na walang tinik ay may
handang kasagutan.
“Hindi magtatagal at ang buong kapuluan ay magkakaroon ng mga
daang bakal, na lubhang matuli’t halos parang hangin na pagdaraanan ng
mga ferrocarril. Gaya ng sabi ng isang tao, mabubuksan sa lahat ang lalong
magagandang sulok ng kapuluan.”

185
“Ngunit kailan pa? Kung ako’y uugod-ugod na matandang dalaga na?”
“Abá, hindi mo ba nalalaman na maaari itong magawa sa loob ng ilang
taon?” ang tanong ni Isagani. “Hindi mo nalalaman ang búhay at siglang
manggigising sa bayan matapos ang daan-daang taong pagkakahimbing.
Nililingap táyo ng Espanya.Ang kabinataan nating nása Madrid ay nag-uukol ng
kanilang talino, lakas, at panahon sa gabi’t araw para sa bayan. Marami tayong
kaibígan doon na nakikiisa sa atin, mga politiko na nakababatid na ang lalong
lakas ay na sa pagmamalasakit at pagkakabigkis ng mga damdamin at mithiin.
Kinikilala ang ating katwiran. At ang lahat ng bagay ay nagpapahiwatig ng isang
magandang búkas para sa lahat. Totoong kaming mag-aaral ay nakatanggap
ng kaunting pagkabigo. Ngunit tayo’y magwawagi sa lahat ng paraan. Ang
lahat ay nakaaalam nito. Ang pagkabigong tinamo namin ay nangangahulugan
ng paghinga ng isang mamamatay. Búkas, magiging mamamayan na táyo ng
Pilipinas. Ang kapalaran natin ay magiging maningning, sapagkat malalagay
sa mapagmahal na kamay. Oo, ang búkas ay atin! Kulay rosas! Nakikita kong
may búhay na sa lupaing ito na malaon nang nahihimbing, nahihimlay . . .
nakikita ko ang mga bayang kalapit ng mga daang-bakal. Sa lahat ng dako ay
may mga pagawaan at mga gusali. Naririnig ko ang sipol ng bapor, ang ingay ng
mga tren, at ang tunog ng mga makina. Nakikita ko ang paghinga nila ng mga
usok. Nalalanghap ko ang amoy ng langis, ang pawis ng mga dambuhala na
walang tigil sa paggawa. Makikita natin ang daungang ito na ang pagkakayari
ay mabagal. Ang ilog na wari’y pinaghihingaluan ng pangangalakal ay makikita
nating punô ng layag at maglalarawan sa atin ng panahon ng taglamig sa mga
gubat ng Europa. Ang dalisay na hanging ito at ang mga malilinis na batong
ito ay mapupuno ng uling, mga kaha at bariles, mga bunga ng kasipagan ng
tao. Ngunit walang kailangan! Magpapatuloy táyo sa matuling pagkilos sa
mga sasakyang maginhawa. Táyo ay makalalanghap ng ibang uri ng hangin,
mga ibang tanawin sa ibang baybayin, lalong malamig sa singaw sa gilid ng
mga kabundukan. Ang mga sasakyang pandigma ng hukbong-dagat ang siyang
tatanod sa mga baybayin. Ang mga Kastila at mga Pilipino ay mag-uunahan sa
pagtatanggol sa ating mga tahanan laban sa pananakop ng mga dayuhan at
hayaan kayong mga babae na matuwa at mabuhay nang payapa, na minamahal,
at iginagalang. Kapag wala na ang pagsasamantala, kawalang-tiwala, at pag-asa,
ang mga tao ay gagawa na. Ang paggawa ay hindi na ikahihiya at hindi na
maitutulad sa alipin. Kayâ ang Kastila ay hindi na magpapaasim ng kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagkukunwaring makapangyarihan, bagkus matapat
ang paningin, at malusog ang puso, na makikipagkamay sa atin. Kayâ ang ating
kalakal, industriya, pagsasaka, agham, at karunungan ay malayang malilinang sa
lihim ng kalayaan at ng walang kinikilingang mga batas na gaya ng sa umuunlad
na batas sa Inglatera.”
Si Paulita ay ngumiti nang may pag-aalinlangan at umiling.

186
“Pangarap! Pulos na mga pangarap!” ang buntung-hininga niya. “Narinig
ko na marami kayong mga kalaban. Ang sabi ni Tiya Torina ko’y mananatiling
alipin ang bayang ito.”
“Sapagkat ang ale mo ay isang hangal! Hindi siya mabubuhay nang walang
alipin. At kung wala siyang alipin, pinapangarap niya na magkakaroon at kung
hindi maaaring mangyari, iniisip niya na magkakaroon siya.Tunay na may mga
kalaban kami at kailangan naming lumaban. Ngunit kami ang magtatagumpay.
Maaaring gawin ng lumang rehimen ang mga labí ng lumang kastilyo na parang
mga moog na walang ayos, ngunit aagawin namin iyan sa saliw ng pag-awit ng
kalayaan, sa liwanag ng iyong mga mata, sa palakpak ng iyong mga kamay!
Hinggil sa iba pa, huwag kang mag-aalala. Magiging mapayapa ang labanan.
Sapat na ang udyok ninyo na kami’y mag-aral, gisingin ang mga dakilang
damdamin sa aming puso at isipan, at patuloy na pagsiglahin sa pagtitiyaga, sa
kabayanihan na ang nagiging gantimpala ay ang iyong pagmamahal.”
Si Paulita ay patuloy sa pag-iisip at di nawawala ang ngiting may pag-
aalinlangan.
Nakatingin siya sa may dakong ilog at tinatapik-tapik ng pamaypay ang
pisngi.
“Paano kung wala kayong mapala?” ang tanong na parang wala sa loob.
Ang tanong ay nakasugat ng damdamin ni Isagani. Tinitigan niya ang mga
mata ng kanyang irog, at dahan-dahang hinawakan ang kamay at nagwika:
“Makinig ka. Kung wala kaming mapala. . .”
Ang may pag-aalinlangang wika at tumigil.
“Makinig ka, Paulita. Alam mo kung gaano kitá kamahal at sinasamba.
Alam mong iba ang nararamdaman ko sa aking sarili kapag tinititigan mo akó.
Naisisinag ko ang pagmamahal sa mga matang iyan. Gayunman, kung walang
mangyari sa aming mga pagsisikap, papangarapin ko ang isa mo pang titig.
Mapalad akong mamamatay kung isang araw ay sumilay sa iyong mga mata
ang pagmamalaki. Sasabihin mo sa buong mundo habang itinuturo ang aking
bangkay: ‘Ang aking mahal ay namatay na nagtatanggol sa mga karapatan ng
aking bayan’”
“Umuwi na táyo,” ang sigaw ni Donya Victorina.“Bakâ ka sipunin.”
Ang tinig na iyon ay nakapagpanumbalik sa kanila sa katotohanan ng búhay.
Oras na nga ng pag-uwi. Alang-alang sa kagandahang-asal, inanyayahan ng mga
babae si Isagani. Hindi na kinakailangang ulitin pa ang anyaya sa binata. Ang
karwahe ay kay Paulita. Kayâ sina Donya Victorina at ang kaibigan ni Paulita
ay naupo sa likuran. At ang magsing-irog ay naupo sa maliit na upuan sa harap.
Ang makapiling si Paulita sa isang sasakyan, maupong katabi nito,
malanghap ang kanyang pabango, madaiti ang sutlang damit, makitang
nag-iisip na nakahalukipkip ang dalawang kamay, nasisinagan ng liwanag
ng buwang nagbibigay ng kariktan sa lahat ng bagay ay isang pangarap na

187
hindi inaasahan ni Isagani. Abang-aba ang mga taong naglalakad nang pauwi.
Nagmamadali silang tumabi upang paraanin at ilagan ang pagdaan ng matuling
sasakyan. Naraanan nila ang tabi ng baybayin, ang paseo ng Sabana, ang tulay
ng Espanya. Ngunit walang nakikita si Isagani kundi ang nakabaling na mukha
ng minamahal, ang nangingintab na kulot na buhok, ang malasutlang liig na
natatakpan ng isang bupanda. Isang brilyante ang kumikislap-kislap mula sa
isang tainga nito na walang iniwan sa isang bituing nakapagitna sa pinilakang
ulap. Nakarinig si Isagani ng malayong tinig na nagtatanong tungkol kay Don
Tiburcio de Espadaña. Nabanggit din ang pangalan ni Juanito Pelaez. Ngunit
ang mga iyon ay parang tunog ng kampana na nanggagaling sa malayo,
magugulong tinig na kanyang nauulinigan sa isang panaginip.
Kailangan pa siyang sabihan nang sapitin nila ang Sta.Cruz.

Tawanan at Iyakan
(Kabanata XXV)

Kakaiba ang bulwagan ng Pansiterya Macanista de Buen Gusto nang gabing


iyon. Labing-apat na binata mula sa mga pangunahing pulo ng kapuluan, mula
sa mga katutubo (kung mayroon ngang walang halo) hanggang sa purong
Kastila ang nagkatipon-tipon upang magdaos ng piging. Iminungkahi ito ni
Padre Irene alang-alang sa kapasiyahang iginawad sa suliranin sa pagtuturo
ng wikang Kastila. Inupahan nila ang lahat ng mesa, nagpadagdag ng marami
pang ilaw, at ipinaskil sa dingding kasáma ng mga tanawing Intsik ang mga
salitang:
Luwalhati kay Custodio dahil sa kanyang katusuhan at pansit sa lupa
para sa mga binatang may mabubuting kalooban!
Sa isang bayan na ang lahat ng kabalbalan ay pinagtatakpan, at ang
karamihan ay pumapaimbulog sa kaitaasan sa tulong ng usok at mainit na
hangin, sa isang bayan na ang sadyang katinuan at katapatan ay nakapipinsala
at maaaring maging sanhi ng kaguluhan, marahil ay yaon ang lalong mabuting
paraan upang ipagdiwang ang sumumpong sa ulo ng bantog na si Don
Custodio. Ang mga biniro ay masayang sumagot. Ang pastel ng pamahalaan ay
tinumbasan nila ng isang pinggang pansit.
Bagama’t nagtatawanan at nagbibiruan silá, ang katuwaan ay pilit. Ang
tawanan ay parang may panginginig. Nagkikislapan ang mga mata, ngunit sa
iba’y ito ang ningning ng patak ng luha. Gayunman ang mga binatang yaon
ay malulupit at wala sa katwiran. Hindi lámang iyon ang unang pagkakataon
na pinatay ang isang mainam na panukala. O ang mga pag-asa ay nadaya ng
mauugong na salita at mumunting pagsasagawa. Napakarami na ang katulad
ni Don Custodio.

188
Sa gitna ng bulwagan at sa ilalim ng mga pulang parol ay may nakaayos na
paparisukat na apat na mesang bilog. Ang mga upuan ay mga kahoy na bilog
din. Sa gitna ng bawat mesa ay may apat na platito na iba’t iba ang kulay. May
tig-aapat na maliliit na pastel ang bawat isa. May apat na pulang porselanang
tasang Intsik na lalagyan ng tsa. May kani-kaniyang takip ang mga ito. At sa
harap ng bawat upuan ay may isang bote at dalawang kopang kristal.
Sinuri ng mausisang si Sandoval ang lahat ng nakita. Tinikman niya ang
kakanin, pinagmasdang mabuti ang mga larawan, at binása ang talaan ng
mga presyo. Pinag-usapan naman ng iba ang tungkol sa mga artistang babae
sa operetang Pranses, at ang mahiwagang pagkakasakit ni Simoun. Ayon sa
iba, siya ay natagpuang sugatan sa daan at sabi naman ng iba ay nagtangkang
magpatiwakal. Ang lahat ay nalunod sa mga haka-haka. Si Tadeo ay may ibang
salaysay na ayon sa kanya ay karapat-dapat paniwalaan ang pinagmulan. Si
Simoun daw ay dinaluhong ng isang di-kilalang tao sa may lumang liwasan
ng Vivac para maghiganti. Tumangging magbigay ng ano mang paliwanag ang
mag-aalahas. Napadako pa ang usapan sa mahihiwagang paghihiganti.Ang mga
ito’y kagagawan ng mga prayle. At ang bawat isa ay naglahad ng mga ginagawa
ng mga kura sa kani-kanilang bayan.
Isang aapating taludtod na tula na nasusulat sa malalaking titik ang
mababasa sa dakong itaas ng bulwagan:
De esta fonda el cabecilla
Al publico advierte
Que nada dejen adsolutamente
Sobre alguna mesa o silla!
“Iyan ay isang paunawa!” ang bulalas ni Sandoval. “Iyan ay tanda ng
pagtitiwala sa pangkat, ano? Maipalalagay na si Don Tiburcio ay naging isang
tula, dalawang paa, ang isa’y mahaba kaysa sa isa, sa pagitan ng dalawang
tungkod. Pag nakita iyan ni Isagani ay iaalay sa kanyang magiging ale!”
“Heto na si Isagani!” ang tawag ng isang tinig mula sa may hagdanan.
Ang binata ay dumating na lipos ng kasiyahan. Kasunod niya ang dalawang
Intsik na walang suot na damit pang-itaas na may dalang dalawang malalaking
bandehado na ang amoy ay nakatatakam. Masasayang bulalas ang sumalubong
sa kanila.
Wala pa si Juanito Pelaez. Ngunit nakaraan na ang takdang oras para sa
hapunan kaya’t nagsiupo na silá. Gaya nang dati, hindi nakatupad sa usapan ni
Juanito.
“Kung si Basilio pa ang inanyayahan natin,” ang sabi ni Tadeo,“masisiyahan
pa táyo. Maaari natin siyang languin upang makakuha ng mga lihim sa kanya.”
“Ano? Ang matimping si Basilio? May lihim?”
“Abá oo,”ang sagot ni Tadeo, “at mga mahahalagang lihim. May mga
hiwagang siya lámang ang nakababatid. Ang nawawalang batang laláki. Ang
mongha…”

189
“Mga ginoo,” ang pahayag ni Makaraig,“ang pansit langlang ay napakasarap
na sopas.Tingnan mo, Sandoval, ang mga sahog nito ay kabuti, hipon, binating
itlog, bihon, manok, at kung ano-ano pa. Ialay natin kay Don Custodio ang
unang bunga: ang mga buto. Tingnan natin kung anong panukala ang maiisip
niya rito.”
“Kung malalaman niya ito . . .”
“Patakbo siyang paparito,” ang salo ni Sandoval. “Napakasarap ng sopas.
Ano nga ang tawag dito?”
“Pansit langlang, pansit ng Intsik, upang maiba naman sa mga pansit dito.”
“Mahirap tandaan ang pangalang iyan. Sa karangalan ni Don Custodio,
binibinyagan ko ito ng pangalang panukalang sopas”
Ang bagong pangalan ay tinanggap.
“Mga ginoo,” ang sabi ni Makaraig na siyang pumili ng mga ulam, “may
tatlong ulam pang darating. Lumpiyang Intsik na yari sa laman ng baboy . . .”
“Na ihahandog kay Padre Irene.”
“Hintay muna!” ang bulong ng isang binata mula sa Iloilo sa kanyang katabi,
“Hindi makakakain ng baboy si Padre Irene kung hindi aalisin ang ilong.”
“Kung gayon, alisin ang ilong.”
“Alisan ng ilong si Padre Irene!” ang sabay-sabay na sigaw ng lahat.
“Kaunting paggalang, mga ginoo, kaunting paggalang!” ang hiling ni Pecson
sa isang tinig na nagbibiro.
“Ang ikatlong ulam ay tortang alimango.”
“Na inihahandog sa mga prayle,” ang mungkahi ng isang taga-Bisaya.
“Pagkat may pagka-alimango silá,” ang pakikipagtalo ni Sandoval.
“Tama, tatawagan natin itong tortang prayle.”
“Tortang prayle!” ang sabay-sabay nilang wika.
“Tumututol akó sa ngalan ng mga alimango,” ang mahinhing tugon ni Tadeo.
“Kauting paggalang, mga ginoo, kaunting paggalang,” ulit ni Pecson na
namumuwalan ang bibig.
“Ang ikaapat na ulam ay pansit na inihahandog sa pamahalaan at sa bayan!”
Ang lahat ay napabaling kay Makaraig.
“Hanggang kamakailan lámang, mga ginoo,” ang patuloy ni Makaraig, “ang
pansit ay ipinalalagay na mula sa mga Intsik at Hapon. Ngunit ang totoo, ito’y
hindi kilalá sa Tsina o Hapones, kayâ lumilitaw na ito’y Pilipino. Gayon pa man
ang mga nagluluto nito ay mga Intsik at silá rin ang mga nakikinabang. Ganyan
ang nangyayari sa pamahalaan at sa Pilipinas, parang mga Intsik. Ngunit ang
tanong na kung ito ay Intsik man o hindi ay dapat nang iwan sa mga doktor ng
Banal na Simbahan. Magmasid kayo. Lahat ay kumakain ng pansit at nasasarapan
naman. Ngunit ang lahat ay nagkukunwaring maselan sa pagkain nito. Ganyan
din ang Pilipinas at ang walang kaayusang pamahalaan nito. Kaya’t ialay natin
ang pansit sa bayan at sa pamahalaan.”
“Pinagtitibay!” ang sabay-sabay na wika ng lahat.

190
“Tutol akó!” ang sigaw ni Isagani.
“Igalang ang mga matatanda. Igalang ang mga biktima!” ang pagsamo ni
Pecson sa mababang tinig at iniwasiwas ang isang buto ng manok.
“Ialay natin ang pansit sa Intsik na si Quiroga, ang isa sa apat na haligi ng
Pilipinas,”ang panukala ni Isagani.
“Hindi! Ialay ang pansit sa Eminencia Negra.”
“Huwag kayong maingay,” ang patagong babala ng isa.“May nagmamanman
sa atin. May tainga ang mga pader.”
Tunay nga. May mga pulu-pulutong na nanonood sa tapat ng bintana.
Samantala’y natigil ang katuwaan at tawanan sa karatig na mga restaurant
na tila ang bawat isa ay nakikinig sa nagaganap sa piging ng mga mag-aaral.
Kahina-hinala ang naghaharing katahimikan.
“Tadeo, magtalumpati ka!” ang bulong ni Makaraig.
Napagkasunduan nila na si Sandoval,ang pinakamahusay na mananalumpati,
ang magbibigay ng pangwakas na talumpati.
Ang tamad na si Tadeo ay hindi nakapaghanda ng talumpati, kaya’t tila
mapapasubo siya. At habang kumakain ng pansit, iniisip niya kung paano
makaiiwas nang maalaala niya ang isang talumpati na natutuhan sa klase.
Napagpasiyahan niya na halawin ito at dagdagan na lámang ng ibang bagay.
“Mga kapatid ko sa panukala,” ang simula niyang ikinumpas ang dalawang
sipit na ginagamit ng mga Intsik sa pagkain.
“Hayop! Bitiwan mo ang sipit,” ang sabi ng isang katabi. “Nagugusot ang
buhok ko,”
“Pagkat nahirang na pumuno sa puwang na naiwan sa . . .”
“Manghuhuwad!” ang hadlang ni Sandoval. “Iyan ay talumpati ng pangulo
ng Liceo.”
“Pagkat nahirang na pumuno sa puwang na naiwan sa aking isip,” ang
patuloy ni Tadeo na hindi natigatig at itinuro ang kanyang tiyan, “ng isang
maginoong dakila dahil sa kanyang aral Kristiyano at mga kakaibang kaisipan
at mga panukala, na karapat-dapat magkaroon ng mabuting pagpapahalaga,
ano ang masasabi sa inyo ng isang katulad ko na gutom na gutom sapagkat
hindi pa nanananghalian?”
“Heto ang isang leeg!” ang sabi ng isang katabi at iniabot niya ang leeg ng
manok.
“May isang ulam, mga ginoo, na kayamanan ng isang bayan na tudlaan ng
paghamak at pagkutya ng lahat. Iyan ay ulam na pinag-aagawang kutsarahin ng
lalong dayukdok na matatakaw sa mga lupaing nása kanluran ng sandaigdigan.”
Itinuturo niya ang kanyang sipit na hawak kay Sandoval na nagkataon namang
ngumangatngat ng isang pakpak ng manok.
“At ng mga taga-Silangan din!” ang tugon ni Sandoval at itinuro ang kutsara
sa lahat ng mga naroroon.
“Ang pagsasalita mo ay wala sa lugar!”

191
“Humihingi akó ng pagkakataong magsalita!”
“Humihingi akó ng patis!” ang dagdag ni Isagani.
“Ipasok na ang lumpiya!”
Ang lahat ay naghingian na ng lumpiya. At umupo na si Tadeo. Natutuwa
siya at nakaligtas sa isang kagipitan.
Ang ulam na iniukol kay Padre Irene ay tila hindi masarap kaya’t ipinagdiinan
ni Sandoval.
“Nangingintab sa taba ang labas at ang loob ay karne ng baboy lámang.
Ilabas na ang ikatlong ulam, ang torta ng mga prayle!”
Ang torta ay hindi pa naluluto. Naririnig pa lámang ang sagitsit ng mantika
sa kawali. Sinamantala nila ito. Nag-inuman muna silá at tinawag si Pecson para
magsalita.
Walang kangiti-ngiting nag-antanda si Pecson. Pigil na pigil ang pagtawa
nang ito’y tumayo. At tinularan ang isang bantog na magsermon na Agustino.
Nagsimula siya nang ibinubulong ang paksa ng isang sermon.
“Si tripa plena laudat Deum, tripa famelica laudabit fraters: kung ang
busog na tiyan ay pumupuri sa Diyos, ang gutom na tiyan ay pupuri sa mga
prayle. Mga salitang binigkas ni Don Custodio na inilathala ni Ben Zayb sa
pahayagang El Gusto de la Integridad, ikalawang lathalain, ikasandaan at
limampu’t pitong kaukulan.
“Mga minamahal kong kapatid kay Jesukristo! Ang masamang hangin
ay humihihip sa mga luntiang baybayin ng lupain ng mga prayle, na kilalá
sa tawag na Kapuluang Pilipinas. Hindi nagdaraan ang mga araw na walang
maririnig na mga pagtuligsa laban sa mga reberendo, sa mga iginagalang
at pinagpipitaganang korporasyon na walang tagapagtanggol at walang
tagapagtaguyod. Ipahintulot ninyo, mga kapatid, na sa isang saglit ay maging isa
akong kabalyerong magtatanggol sa mga mahihina, sa mga banal, sa samahang
humuhubog sa ating isipan. Pinatutunayan minsan pa ang kasabihang, ‘Ang
mga busog na tiyan ay pumupuri sa Diyos, at ang mga gutom na tiyan ay
magbibigay puri sa mga prayle.’”
“Bravo! Bravo!”
“Hintay muna kayo!” ang wika ni Isagani. “Dapat ninyong maláman na
ako’y may iginagalang na isang prayle.”
Si Sandoval na masaya na noon ay nagsimulang umawit:
Un fraile, dos frailes, tres frailes
en el coooro
Hacen el mismo efecto que un
solo toooro!
“Makinig, ang mga kapatid. Ibaling ninyo ang inyong mga paningin sa
magagandang araw ng inyong kabataan. Tingnan ninyo ang kasalukuyan at
aninagin ang hinaharap.Ano ang nakikita ninyo? Prayle, prayle, at marami pang
mga prayle! Isang prayle ang magbibinyag sa inyo, magkukumpil, at titingin

192
sa inyo sa paaralan. Isang prayle ang makikinig sa mga una ninyong lihim. Siya
ang unang magpapakain sa inyo ng isang Diyos. Aakayin niya kayo sa landas
ng búhay. Mga prayle ang una at hulí ninyong mga guro. Isang prayle ang
magbubukas ng mga puso ng inyong mga katipan para sa inyong mga pagsuyo,
isang prayle ang magkakasal sa inyo at magpapadala sa inyo sa iba’t ibang
pulo na magbibigay ng pagbabago para sa inyo ng klima at libangan. Siya ang
kasáma ninyo sa inyong paghihingalo at kahit na kayo ay madala sa bitayan,
naroroon din ang pralye upang kayo ay samahan ng kanyang mga dasal at luha.
Makatitiyak kayo na hindi iiwan hanggang hindi makitang kayo’y nabitay at
patay na. Hindi nagtatapos diyan ang pagkakawanggawa niya. Kung patay na
kayo, ililibing kayo nang buong dangal. Ipaglalaban niyang idaan sa simbahan
ang inyong bangkay upang mabasbasan. Masisiyahan lámang siya kung
naipagkaloob na kayo sa mga kamay ng Lumikha, na pinaging malinis dito sa
lupa sa pamamagitan ng kaparusahan, pagpapahirap, at pagpapakumbaba.Ayon
sa mga turo ni Kristo, na pipinid ang pinto ng kalangitan sa mga mayayaman.
Silá, ang mga bagong tagapagligtas, ang mga tunay na alagad ng Mananakop,
ang gumagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang upang mailigtas kayo sa inyong
mga kasalanan. Kuwapi ang karaniwang tawag dito. Ipadadala ang mga iyon sa
malalayong lupain, doon sa pinaninirahan ng mga Intsik at Protestante upang
ang kapaligiran ay maging payapa, dalisay, at malinis. Kaya’t pagkatapos, kung
iibigin na natin, ay hindi táyo makatatagpo ng kahit isang piso upang tayo’y
mahatulan ng sála!
“Kaya’t kung sila’y kailangan para sa ating kaligayahan, kung kahit saan
natin idako ang ating ilong ay naroon ang mga kamay na gutom sa halik, na
sa araw-araw ay lalong nagpapasarat sa ating mga ilong, bakit hindi natin silá
alagaan at patabain? Bakit natin hihinging mapalayas silá? Isipin ninyo ang
malaking kakulangang ibubunga kung mawawala silá sa ating lipunan. Ang
mga prayle ay mga masisigasig na manggagawa. Pinagbubuti at pinararami
nila ang ating lipi. Bagaman nahahati táyo dahil sa mga inggitan at samaan ng
loob, táyo ay pinagbubuklod ng mga prayle, ng matibay na bigkis, napakatibay
na hindi na tuloy maigalaw ng marami ang kanilang siko. Alisin ninyo ang
prayle, mga ginoo, at makikita ninyo kung paano babagsak ang lahing Pilipino.
Mawawalan ito ng suhay na matitipunong balikat at mababalahibong binti.
Magiging kainip-inip ang búhay Pilipino, kapag wala ang masasaya, mapagbiro,
at matuwaing mga prayle, ang mga mumunting aklat at mga sermon na
nakapagpapatawa, ang katawa-tawang paghahambing sa mga dakilang
pagkukunwari, at mga walang kabuluhang bungo, ang búhay na paglalarawan
sa araw-araw ng mga kuwento ni Boccaccio at La Fontaine! Ano ang gagawin
ng ating mga babae kung wala niyang mga kurdon at kalmen? Mag-iipon na
lang silá ng pera at magiging maramot at masakim. Kung walang mga misa,
nobena at prusisyon, saan kayo hahanap ng panggingge upang palipasin
ang oras? Ang aasikasuhin lámang nila ay mga gawain sa bahay, at sa halip

193
na magbasá ng mga kuwento ukol sa mga himala ay kailangan pang ihanap
silá ng mga aklat na di pa nakakatha. Alisin ang mga prayle at mawawala
ang kabayanihan. Mauunawaan ng mga karaniwang mamamayan ang mga
katangiang pampolitika. Alisin ninyo ang prayle at mawawala ang mga Indio.
Ang prayle ay siyang Ama. Ang Indio ang Salita. Ang una ang artista at ang hulí
ang estatuwa. Lahat táyo, lahat ng ating iniisip at ginagawa ay utang natin sa
mga prayle, sa kanyang tiyaga, pagsusumakit at pagsisikap sa loob ng tatlong
dantaon upang mabago ang mga hugis na ipinagkaloob sa atin ng kalikasan.
Ano ang mangyayari sa Pilipinas kung walang mga prayle at walang mga Indio?
Ano ang mangyayari sa pamahalaan sa kamay ng mga Intsik?”
“Kakain ito ng tortang alimango!” ang sagot ni Isagani na inabot ng yamot
sa talumpati ni Pecson.
“At iyan ang dapat nating gawin. Husto na ang mga talumpati!”
Ang Intsik na magdadala ng tortang alimango ay napakatagal. Kayâ isa sa
mga mag-aaral ang tumayo at nagtungo sa loob ng restauran sa may balkong
nakaharap sa ilog.
Ngunit mabilis siyang bumalik at palihim sa sumenyas.
“Minamanmanan táyo! Nakita ko ang paborito ni Padre Sibyla!”
“Siyanga ba?” ang bulalas ni Isagani na napatindig.
“Wala na siya. Umalis siya agad nang makita akó.”
Lumapit siya sa bintana at tumingin sa may liwasan. Sinenyasan niya ang
kanyang mga kasamahang lumapit. Nakita nila ang isang binata na lumabas sa
restauran. Nagpalinga-linga ito at pagkatapos ay sumakay sa isang karwahe na
naghihintay sa tabi ng bangketa.Yaon ang sasakyan ni Simoun.
“A!” ang wika ni Makaraig.“Ang alipin ng biserektor ay pinaglilingkuran ng
panginoon ng heneral!”

194
Ang mga Pagtutuos
(Mga Kabanata XXVI–XXXII)
“Ang mabuting usapan
ay magbubunga ng magandang ugnayan.”

Mga Paksin
(Kabanata XXVI)

Kinabukasan, maagang-maagang nagising si Basilio. Magtutungo siya


sa ospital. Nakatakda na ang lahat ng kanyang gagawin. Bibisitahin niya ang
kanyang mga pasyente. Pagkatapos, tutungo siya sa unibersidad upang alamin
ang ilang mga bagay tungkol sa kanyang pagtatapos at makikipagkita siya
kay Makaraig tungkol sa mga gugugulin dito. Halos naubos ang natitipon
niya sa pagtubos kay Juli at pagpapatayo ng isang bahay na matitirhan nito
at ng kanyang ingkong. Hindi siya nangahas na lumapit kay Kapitan Tiago.
Nangingilag siya na mawika nito na humihingi siya ng paunang bayad sa
mamanahing lagi nang ipinangangako sa kanya.
Gulong-gulo ang kanyang isip sa mga alalahaning ito, kaya’t hindi niya
napansin ang mga pulu-pulutong na mga mag-aaral. Maaga pa ay pabalik na silá
mula sa unibersidad. Hindi rin niya napuna ang pagkabahala sa mukha ng ilan, ang
paanas nilang usapan, ang mahihiwagang hudyatan nila, kayâ nang makarating
siya sa ospital ng San Juan de Dios at tanungin ng kanyang mga kaibigan ukol
sa isang pakana, nagitla si Basilio. Naalaala niya ang balak ni Simoun na hindi
natuloy dahil sa mahiwagang nangyari sa mag-aalahas. Sinakmal siya ng takot.
Nanginginig ang tinig na nagtanong at nagkukunwaring walang nalalaman.
“Ang pakana! Anong pakana?”
“Ang natuklasan,” ang sabi ng isa,“at tila marami ang nasasangkot.”
Gayon na lámang ang pagpipigil ni Basilio sa sarili.
“Maraming nasasangkot?” ang ulit ni Basilio na pinipilit basahin ang
nalalaman sa mukha ng iba.“At sino-sino?”
Minabuti ni Basilio na huwag nang magtatanong. Bakâ maibunyag pa niya
ang kanyang sarili. Nagdahilan na lang siya na may dadalawing mga pasyente.
At nilisan niya ang umpukang iyon. Isang propesor sa klinika na kaibigan niya
ang nasalubong niya. Makahulugang ipinatong ng propesor ang kamay sa
balikat ni Basilio at marahang nagtanong:
“Nása piging ka ba kagabi?”
Sa pagkalito ni Basilio sa mga sandaling iyon, ang dinig niya ay noong isang
gabi pa, noong gabing nakipag-usap sa kanya si Simoun. Nagtangka siyang
magpaliwanag.
195
“Ganito po ang nangyari,” ang napapautal na sagot ni Basilio.“Masamâ ang
lagay ni Kapitan Tiago at sakâ kailangan kong matapos ang Mata. . .”
“Mabuti nga at hindi ka pumaroon,” ang sabi ng propesor.“Ngunit ikaw ba
ay kasapi sa kapisanan ng mga mag-aaral?”
“Nagbabayad po akó ng butaw.”
“Kung gayon, ipinapayo ko sa iyong tumiwalag agad. Punitin at itapon
ang lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo.”
Nagkibit ng balikat si Basilio. Wala siyang papeles kundi mga talang
pangklinika at wala nang iba pa.
“Si Ginoong Simoun ba ay. . .?”
“Walang kinalaman si Simoun sa nangyari. Salamat sa Diyos!” ang sabi ng
doktor.
“Sinugatan siya ng isang taong di-kilala at ngayon ay nahihiga. Hindi siya.
Ibang kamay ang kumikilos ngunit kakila-kilabot.”
Nakahinga si Basilio. Si Simoun lámang ang maaaring makapagsangkot sa
kanya. Ngunit naalaala niya si Kabesang Tales.
“May mga tulisan ba?”
“Wala, mga mag-aaral lámang.”
Nagbalik na ang hinahon ni Basilio, kayâ naitanong ang “Ano ang nangyari
pagkatapos?”
“Hindi mo ba alam? Nakakuha ng mga pasking masasama.”
“Saan?”
“Putris! Sa unibersidad!”
“Wala na kundi iyon?”
“Putris! ano pa ba ang gusto mo?” ang tanong ng propesor na ibig nang
magalit. “Ang pinagbibintangan na siyang may kagagawan ng mga paskin ay
mga mag-aaral na kasapi ng samahan. Mag-ingat ka ngayon!”
Dumarating noon ang propesor sa Patolohia, na mukhang sakristan kaysa
isang medico. Nahalal siya sa tulong ng makapangyarihang biserektor. Hindi na
siya hiningan ng anumang titulo maliban sa katapatan sa korporasyon. Ginawa
siyang tiktik na tagapagsumbong ng mga propesor.
Malamig ang itinugong pagbati ng unang propesor dito. Kumindat siya kay
Basilio at nagwika nang malakas:
“Alam kong mamamatay na si Kapitan Tiago. Dinadalaw na siya ng mga
uwak at buwitre.”
At pumasok na siya sa silid ng mga propesor.
Si Basilio ay naglakas-loob na magtanong-tanong ng iba pang bagay.
Ang napag-alaman lámang niya ay ang pagkakatuklas ng mga paskin sa mga
pinto ng unibersidad. Iniutos ng biserektor na alisin ang mga ito at ipadala sa
tanggapan ng pamahalaang-sibil. Ang mga paskin raw ay punô ng pagbabanta
ng maraming pagpatay, pagsalakay, at iba pang pagyayabang.
Maraming mga pala-palagay ang ipinahayag ng mga mag-aaral tungkol dito.

196
Ang mga balita nila ay nanggaling sa diyanitor na nakibalita naman sa isang
utusang nakasagap sa isang capista (mag-aaral sa unibersidad na katulong
ng mga prayle). Hinuhulaan nila na marami ang matitiwalag sa paaralan,
huhulihin, at mabibilanggo. Hinuhulaan din na ang mapapahamak ay pawang
mga kasapi ng kapisanan.
Naalaala ni Basilio ang sinabi ni Simoun “Sa araw na kayo’y alisin nila . . .
hindi mo na maipagpapatuloy ang iyong pag-aaral. . . .”
Mayroon kayang nalalaman si Simoun tungkol dito? Makikita nila kung
sino ang magwawagi sa katapusan.
At nang manumbalik ang hinahon ni Basilio, nagpasya siyang tumungo sa
unibersidad upang alamin ang kanyang kalagayan at ang tungkol sa kanyang
pagtatapos. Nagdaan siya sa kalye Legaspi, nagtuloy sa kalye Beaterio, at
pagdating sa kanto ng kalyeng ito at ng kalye Solano, napuna niyang may
nangyari nga. Sa halip na masisigla at maiingay na pulutong ng mag-aaral
ang makikita, mga guardia civil ang naroong nagtataboy sa mga mag-aaral na
lumalabas ng unibersidad. Ang iba’y tahimik at malungkot. Ang iba’y galit na
nangatayo sa di-kalayuan sa pook na iyon. Samantala ang iba’y nagsiuwi na sa
kani-kanilang bahay. Ang una niyang nasalubong ay si Sandoval. Kahit anong
tawag niya rito ay hindi siya naririnig. Mukhang nabingi na si Sandoval.
“Ang nagagawa ng takot sa katas ng bituka,” ang naisip ni Basilio.
Pagkatapos, nasalubong niya si Tadeo. Masayang-masaya ang kanyang
mukha na parang Pasko na. Tila magkakatotoo yata ang walang katapusang
bakasyon.
“Ano ang balita,Tadeo?”
“Walang klase! Isang linggong walang klase!”
At nasisiyahang pinagkiskis ang mga kamay.
“Ngunit ano ba ang nangyari?”
“Ipinabibilanggo tayong mga kasapi ng kapisanan.”
“Ikinatutuwa mo pa ba iyon?”
“Walang klase! Walang klase!” at lumakad na papalayo na di-mailarawan
ang kagalakan.
Nakita ni Basilio na dumarating si Juanito Pelaez. Namumutla at kahina-
hinala dahil sa lalong naging ganap ang pagkakuba nito sa pagmamadaling
makatakas. Isa siya sa pinakamasigasig na tagapagtaguyod ng samahan noong
maayos pa ang takbo ng lahat.
“O, ano, Pelaez. Ano ang nangyari?”
“Wala! Wala akong nalalaman. Wala akong kinalaman sa nangyari!” ang
parang takót na sagot nito.“Sinabi ko na sa kanila na iyon ay kaululan. Hindi
ba gayon ang sabi ko sa iyo?”
Hindi alam ni Basilio kung sinabi nga iyon ni Pelaez. Ngunit bilang
pagbibigay-loob sa kanya ay sumagot:
“Oo na. Ngunit ano ang nangyayari?”
“Tunay nga, hindi ba? Ikaw ang saksi ko. Huwag mong kalilimutan.”
“Oo na, oo. Ngunit ano ang nangyayari?”
“Makinig ka. Ikaw ang aking saksi. Wala akong kinalaman sa mga kasapi ng
kapisanan maliban sa pagpayuhan silá . . .Huwag mong ipagkaila pagkatapos.
Mag-ingat ka, ha?”
“Hindi, hindi ko ipagkakaila. Ngunit Diyos ko, ano ang nangyari?”
Si Juanito ay lumayo na. Namataan niyang may pulis na papalapit at
natatakot na bakâ siya hulihin.
Nagtuloy si Basilio sa unibersidad.Tiningnan niya kung bukás kahit na ang
tanggapan ng kalihim at nang makapagtanong ng iba pang balita. Nakapinid
ang tanggapan. Ngunit may di-karaniwang nangyayari sa gusali. Manhik-manaog
ang mga prayle, mga militar, ang iba’t ibang ginoo, mga batikang manananggol,
at manggagamot. Naghahandog silá ng tulong kung kinakailangan.
Mula sa malayo, namataan niya ang kanyang kaibigang si Isagani. Namumutla
ang binata, ngunit sagana sa kisig ng kabataan. Kinakausap niya sa malakas na
tinig ang ilang kamag-aral na wari’y hindi alintana kung marinig siya ng buong
daigdig.
“Hindi kapani-paniwala, mga ginoo. Totoong hindi kapani-paniwala na
dahil sa maliit na pangyayari na walang kabagay-bagay ay magkakawatak
táyo na parang mga maya sa harap ng isang panakot-ibon. Ngayon lámang ba
nangyaring ang kabataan ay nabilanggo sa ngalan ng kalayaan? Nasaan ang
mga patay? Ang mga nabaril? Bakit táyo tatalikod sa ating mga paninindigan?”
“Ngunit sinong hangal ang sumulat ng mga paskin?” ang galít na galít na
tanong ng isa.
“Ano ang pakialam natin?” ang sagot ni Isagani. “Hindi táyo ang dapat
magsiyasat niyon. Hayaan ninyo silá. Bago alamin kung ano ang nakasulat
sa mga paskin, hindi kailangang magpamalas ng pagpanig sa kanila sa mga
sandaling katulad ngayon. Kung nasaan ang panganib, doon táyo pumaroon.
Sapagkat doon naroon ang karangalan. Kung ang nasasaad sa mga paskin ay
kasang-ayon ng ating mga damdamin at mithiin, sino man ang sumulat, mabuti
ang ginawa. Dapat nating pasalamatan siya at idagdag ang ating mga lagda sa
kanya. Kung hindi naman naaayon sa ating mga layunin ang nilalaman ng mga
iyon, ang ating iniuugali at ang ating budhi ang tututol at magsasanggalang sa
atin laban sa ano mang paratang.”
Nang marinig ni Basilio ang gayong pananalita, bagaman kinagigiliwan niya
si Isagani ay tumalikod siya at umalis. Kailangan niyang magtungo sa bahay ni
Makaraig upang kausapin ito tungkol sa hihiramin niyang pera.
Nang malápit na siya sa bahay ng mayamang mag-aaral, napansin niya ang
pagbubulungan at paghuhudyatan ng mga kapitbahay. Dahil sa hindi alam
ni Basilio ang kanilang pinag-uusapan ay palagay ang loob na nagpatuloy sa
paglakad. Pumasok siya sa bahay. Dalawang bantay ang pumigil sa kanya at
tinanong kung ano ang ibig. Hulí na nang makuro niyang hindi siya naging

198
maingat.
“Ibig kong makausap ang kaibigan kong si Makaraig,” ang malamig niyang
sagot. Nagkatinginan ang mga bantay.
“Maghintay ka rito,” ang sabi ng isa.“Hintayin mong bumaba ang kabo.”
Napakagat-labi si Basilio. Muling umalingawngaw sa kanyang pandinig
ang sinabi ni Simoun. Huhulihin kayâ nila si Makaraig? Ngunit hindi siya
nakapangahas na magtanong.
Hindi naghintay nang matagal si Basilio. Nang sandaling iyon, pababa na
si Makaraig. Masigla siyang nakikipag-usap sa kabo. Pinangungunahan silá ng
isang alguasil.
“Ano, pati ikaw, Basilio?” ang tanong ni Makaraig.
“Narito akó upang kayo’y kausapin.”
“Kahanga-hanga!” ang natatawag sabi ni Makaraig.“Sa oras ng kapayapaan,
iniiwasan mo kami . . .”
Itinanong ng kabo kay Basilio ang kanyang pangalan. At tiningnan ang
kanyang talaan.
“Isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye Anloague?” ang tanong ng
kabo.
Napakagat-labing muli si Basilio.
“Nakatipid kami ng isang lakad,” ang sabi ng kabo. Inilagay ang kamay sa
balikat ni Basilio at ang wika’y,“Kayo’y aming dinarakip.”
“Ano? Pati ba akó.”
Humahalakhak si Makaraig.
“Huwag kang matakot, kaibigan. Lumulan na táyo sa karwahe. Ibabalita ko
sa iyo ang nangyari sa piging kagabi.”
Sa pamamagitan ng isang magiliw na kilos, inanyayahan niya ang alguasil at
ang kabo na lumulan sa karwahe.
“Sa tanggapan ng Pamahalaang Sibil!” ang utos ni Makaraig.
Isinalaysay ni Basilio, na noon ay mahinahon na, ang sanhi ng pagdalaw
niya kay Makaraig. Hindi na siya binayaang matapos ng mayamang mag-aral at
kinamayan siya nang mahigpit.
“Maaasahan mo akó. Aanyayahan natin ang mga ginoong ito,” ang dagdag
niya na tumatango sa kabo at alguasil, “na maging panauhin natin sa iyong
pagtatapos.”

Ang Prayle at ang Pilipino


(Kabanata XXVII)

Si Isagani ay maapoy na nagtatalumpati sa kanyang mga kaibígan nang


lapitan siya ng isang capista. Ipinaalam sa kanya na ibig siyang makausap ni
Padre Fernandez, isang propesor sa mga panimulang kurso.

199
Nabahala si Isagani. Malaki ang paggalang niya kay Padre Fernandez. Siya
lámang ang itinatangi ni Isagani kapag tinutuligsa ang mga prayle.
“Ano ang kailangan ni Padre Fernandez?”
Nagkibit ng balikat ang capista. At atubiling sumunod dito si Isagani.
Si Padre Fernandez, ang prayleng kasáma sa mga usapan sa Los Baños,
ay naghihintay sa kanyang silid. Siya’y malungkot, nakakunot ang noo, at
wari’y malalim ang iniisip. Tumayo siya nang makita si Isagani. Binati ito at
kinamayan. Ipininid ang pinto. At pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa loob ng
silid. Nanatiling nakatayo si Isagani at naghihintay na magsalita ang prayle.
“Ginoong Isagani,” sa wakas ay pasimula nito sa tinig na nangangatal,
“mula sa aking bintana ay narinig ko kayong nagtatalumpati. Sapagkat may
tisis akó, matalas ang aking pandinig. Ibig kong makausap kayo. Kailanma’y
kinagiliwan ko ang mga binatang nakapagpapahayag nang malinaw, nakapag-
iisip, at nakakakilos nang kusa nila. Walang halaga sa akin kung naiiba ang
pagkukuro nila. Narinig kong nagdaos kayo ng isang hapunan kagabi. Huwag
kayong magkaila.”
“Ngunit hindi po akó nagkakaila!” ang putól ni Isagani.
“Lalong mabuti. Kung gayon tinatanggap ninyo ang magiging bunga ng
inyong ginawa. Hindi ko kayo sinisisi. Hindi mahalaga sa akin ang pinagsasabi
roon kagabi. Hindi rin kitá pinararatangan. Malaya mong masasabi kung ano
ang palagay mo sa mga Dominiko. Hindi ka sa amin nag-aral. Ngayong taon
lámang na ito nagkapalad kaming maturuan ka at marahil sa susunod ay hindi
na. Huwag mong isiping naghihintay akó na tumanaw ka ng utang na loob.
Hindi ko aaksayahin ang aking panahon sa mga walang kabuluhang bagay.
Ipinatawag kitá, pagkat inaakala kong isa ka sa iilang mag-aaral na may sariling
paninindigan. Sapagkat kinalulugdan ko ang ganyang mga tao, naisip ko na
makipagliwanagan kay Ginoong Isagani.”
Tumigil sandali sa pagsasalita si Padre Fernandez. Ngunit nagpatuloy sa
pagyayao’t dito sa silid na nakatungo at nakatuon sa ibaba ang paningin.
“Makaupo ka kung ibig mo,” ang wika niya, “ugali kong maglakad habang
nagsasalita.”
Nanatiling nakatayo si Isagani. Taas-noong hinihintay na tiyakin ng
propesor ang ibig sabihin.
“Mahigit nang walong taon akong nagtuturo,” ang sabi ni Padre Fernandez,
“at sa panahong iyon ay mahigit sa dalawanlibo’t limandaang kabataan ang
nakilala ko. Tinuruan ko silá. Sinikap kong mapanuto silá. Itinanim ko sa
kanilang isipan ang mga simulain ng katarungan at paggalang sa sarili. Ngunit
sa mga panahong ito na maraming tumutuligsa sa amin, wala pa akong
nakitang naglalakas-loob na panindigan ang mga paratang sa kanya, kapag
may kaharap na prayle o kahit na sa harap ng madla. May mga naninira sa
amin nang talikuran, ngunit sa harapan ay humahalik sa aming kamay. At sa
pamamagitan ng ngiting bulisik ay nagmamakaawa sa aming sulyap! A! Ano

200
ang ibig mong gawin namin sa mga ganyang tao?”
“Hindi ninyo silá lubusang masisisi, Padre,” ang sagot ni Isagani. “Ang
kasalanan ay nása nagturo sa kanila ng pagkukunwari, nása mga sumisiil sa
malayang kaisipan at malayang pagpapahayag. Dito, ang lahat ng pagkukurong
sarili, bawat salitang hindi kasang-ayon ng naisin ng may kapangyarihan ay
ipinalalagay na pag-aalsa. Alam ninyo ang ibig kong sabihin. Baliw ang taong
handang magtiis ng mga pag-uusig, masabi lámang nang malakas ang kanyang
iniisip.”
“Ano ang mga pag-uusig na inyong tinitiis?” ang tanong ni Padre Fernandez
na itinaas ang ulo,“hindi ko ba kayo binigyan ng pagkakataong makapagsalita,
sa aking klase? Kung sa bagay, natatangi ka sa iba ngunit kung totoo ang iyong
sinasabi, dapat ay pinatigil na kitá, kung mangyayaring maging panlahat ang
alituntunin. Maiiwasan ang masamang halimbawa.”
Ngumiti si Isagani.
“Pinasasalamatan ko kayo. Hindi akó makikipagtalo kung natatangi akó
o hindi. Tatanggapin ko ang inyong palagay. Inaasahan ko na tatanggapin
din ninyo ang sa akin. Kayo ay natatangi rin sa iba. Sa ganang akin, hindi ang
pagtatangi ang pag-uusapan natin o ang pagpuri sa ating sarili. Hinihiling ko sa
aking propesor na ibahin ang paksa ng usapan.”
Kahit na may malayang
pagkukuro si Padre Fernandez, Alam Mo Ba?
nagulat ito at napatingin kay Isagani.
Higit na may pagkamalaya ang binata Demokratiko—isang uri ng pamamahala
kaysa inaakala niya. Kahit tinawag na gáling sa mga sinaunang Griyego kung
siyang propesor, itinuring siya ni saan ang mga namumuno ay inihahalal ng
Isagani na parang isang kapantay, taumbayan at ang kapangyarihan ay hindi
at nangahas siyang magmungkahi. namamana at sa iisang tao lang na tulad
Kahit mabuting makibagay si Padre sa isang monarkiya.
Fernandez, hindi lámang tinanggap
ang pangyayari kundi siya na ang nagbukás dito.
“Mabuti kung gayon!” ang sabi niya. “Ngunit huwag ninyong ipalagay na
akó ay inyong guro. Ako’y isang prayle at ikaw ay isang mag-aaral na Pilipino.
Walang labis, walang kulang. At ngayon, matanong kitá. Ano ang gusto ng mga
mag-aaral na Pilipino na gawin namin?”
Nabigla si Isagani sa tanong na iyon. Hindi siya handa. Sa eskrima, ito ay
isang ulos na biglang lumusot, habang nakikipaglaban at nagtatanggol sa
sarili. Sa kabiglaanan, tumugon nang mabilis si Isagani na tila isang baguhang
nagsasanggalang.
“Tuparin ninyo ang inyong tungkulin,” aniya.
Napahumindig si Padre Fernandez. Ang kasagutan ay tila putok ng
kanyon sa kanya.

201
“Na tuparin ang aming tungkulin? Bakit, hindi ba namin tinutupad ang
mga ito? Ano-anong tungkulin ang iniaatang ninyo sa amin?”
“Yaon ding tungkuling iniatang ninyo sa inyong sarili nang pasukin ninyo
ang inyong orden, at yaong pagkatapos nang nása loob na kayo ay ninasang
taglayin. Ngunit bilang isang mag-aral na Pilipino, sa palagay ko’y hindi ko
dapat suriin ang inyong mga inaasal batay sa inyong mga batas, sa Katolisismo,
sa pamahalaan, sa mga mamamayang Pilipino, o sa buong sangkatauhan.
Ang mga ito’y dapat na pagpasiyahan ng inyong tagapagtatag, ng papa, ng
pamahalaan, ng buong bayan, o ng Diyos. Bilang isang mag-aaral na Pilipino,
tutukuyin ko lámang ang inyong mga tungkulin sa amin. Ang mga prayle, bilang
tagapangasiwa ng pagtuturo sa mga lalawigan, lalo na ang mga Dominiko, na
siyang tanging namamahala sa pagtuturo ng mga kabataang Pilipino, ay may
pananagutan sa walong angaw na mamamayang Pilipino, sa bansang Espanya,
sa buong sangkatauhan na kinabibilangan natin, na hubugin sa lalong mabuting
paraan ang pangangatawan at pag-uugali ng mga kabataan upang maakay silá
sa kanilang kaligayahan, lumikha ng isang bayang marangal, maunlad, matalino,
mabait, dakila, at tapat.At ngayon, akó naman ang magtatanong, natupad ba ng
mga prayle ang kanilang pananagutan?”
“Tumutupad kami . . .”
“A, Padre Fernandez,” ang pútol ni Isagani. “Kayo nga’y makapagsasabing
tumutupad kayo, kung ang inyong kamay ay nakatutop sa inyong puso.
Ngunit kung ang inyong kamay ay nakatutop sa tapat ng puso ng inyong
orden, sa tapat ng mga puso ng lahat ng mga orden, hindi ninyo masasabi
ang gayon nang hindi dinaraya ang inyong sarili. Padre Fernandez, kapag
ako’y kaharap ng isang taong hinahangaan at iginagalang ko, mamatamisin
ko pang paratangan kaysa magparatang. Pipiliin ko ang magtanggol kaysa
manuligsa. Ngunit yamang nagpapaliwanagan táyo, tapusin natin ito. Paano
ginagampanan ng mga tagamasid ng pagtuturo ang kanilang mga tungkulin sa
mga bayan-bayan? Hinahadlangan ang pagtuturo! At yaon namang namamahala
ng pagtuturo, yaong naghahangad na humubog ng pag-iisip ng kabataan,
paano nila tinutupad ang kanilang tungkulin? Hangga’t maaari’y binabawasan
ang paghahangad sa kasalanan. Pinapatay ang pag-aalab at kasiglahan. Sinisira
ang paggalang sa sarili, na tanging nagpapakilos ng kaluluwa. At ipinupunla
sa aming isipan ang mga lumang pagkukuro, mga lipas na karunungan, ang
mga huwad na simulaing hindi tumutugon sa kaunlaran! Kapag nauukol sa
pagpapakain ng mga bilanggo o pagbibigay ng pantawid-búhay ng mga salarin,
nagbubukas agad ng subasta ang pamahalaan upang pumili ng isang taong
makapaghahandog ng lalong mabuting kalagayan at hindi magpapabayang
mangamatay silá sa gutom. Ngunit kapag nauukol naman sa pagpapalusog ng
mabuting kaasalan ng isang bayan, sa pagpapalusog ng kabataan, na siyang
pinakamatibay na bahagi ng isang bansa, na siyang bubuo sa isang bansa, ang
pamahalaan ay hindi lámang nagbubukas ng subasta kundi ipinagkakatiwala

202
pa ang kapangyarihan sa samahang ipinagyayabang pa ang di nila pagnanais na
magbahagi ng kahit anong kaalaman at tumututol sa ano mang uri ng kaunlaran.
Ano ang sasabihin natin, kung matapos makuha ang kasunduan sa pagpapakain
ng bilanggo sa kahit anong paraan, ay pabayaang mamatay sa panghihina at
gutom ang mga ito sa dahilang mga panis at laos ang ibinibigay? Pagkatapos
magdadahilan na hindi nararapat magkaroon ng mabuting pangangatawan
ang mga bilanggo. Sapagkat ang mabuting pangangatawan ay naghahatid ng
masasayang isipan at ang kaligayahan ay nagpapabuti sa kalagayan ng tao.
Hindi nararapat bumuti ang tao, sapagkat kapag mas maraming salarin mas
mabuti para sa mga taong magpapakain sa kanila.Ano ang masasabi natin kung
ang pamahalaan at ang magpapakain ng mga bilanggo’y magpapatas upang
ang una’y magkaroon ng kalahating tubò ng húli?”
Napakagat-labì si Padre Fernandez.
“Iya’y mga mabibigat na paratang,” aniya, “lumalagpas ka sa ating
pinagkasunduan.”
“Hindi, Padre, ang tinatalakay ko pa rin ay ang suliranin ng mga mag-
aaral. Ang mga prayle—hindi ko kayo ibinibilang sa karamihan—ang mga
prayle ng lahat ng orden ay pawang naging tagapagpakain ng aming isipan.
Ngunit tahasan nilang inihahayag na hindi kami dapat matuto pagkat balang
araw ay hahangarin namin ang paglaya. Ito ay maliwanag na pagnanasà na
manatili ang di-wastong pagpapakain sa mga bilanggo upang di lumusog ang
pangangatawan ng mga ito at di magtangkang makalaya sa bilangguan. Ang
kalayaan ay para sa tao; ang pagkatuto ay sa isipan. Ang paghadlang ng mga
prayle sa aming pagkatuto ang sanhi ng aming kawalang kasiyahan.”
“Ang karunungan ay ipinagkakaloob lámang sa sadyang karapat-dapat
pagkalooban,” ang tuyot na sagot ni Padre Fernandez. “Ang ipagkaloob iyon
sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay
lámang.”
“Bakit may mga tao bang walang malinis na kalooban at mabuting asal?”
Nagkibit lámang ng balikat ang Dominiko.
“Iyan ay mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na nagmumula sa
kapaligiran ng pamilya. Ano ang malay ko?”
“A, hindi po, Padre Fernandez,” marahas na bulalas ng binata. “Ayaw
ninyong suriing mabuti ang ugat ng suliranin. Ayaw ninyong tumingin sa
kailaliman, sa pangambang makita ninyo ang anino ng mga kapatid. Kung ano
man kami, ay kayo ang may gawa. Ang mga taong nasasakop ay napipilitang
maging mapagkunwari. Ang mga taong pinagkakaitan ng katotohanan ay
pinagkakalooban ng kasinungalingan.Ang mga mapaniil ay gumagawa ng mga
alipin.Walang mabuting kaasalan, ang wika ninyo. Sabihin na nating gayon nga.
Ngunit pabubulaanan ng estadistika na ang maraming pagkakasala ng mga
taong nagmamalaki sa pagtuturo ng magagandang asal ay hindi nagaganap
dito. Ngunit ayaw ko nang suriin ngayon kung ano-ano ang bumubuo sa

203
kaasalan o kung ano ang bisa ng karunungan sa mabuting kaasalan. Sumang-
ayon akó sa inyo na kami’y mayroong mga kahinaan. Sino ang dapat sisihin sa
mga ito? Kayo ba na nagturo sa amin sa loob ng tatlo at kalahating dantaon o
kami na naging sunod-sunuran sa inyo? Kung pagkatapos ng tatlo’t kalahating
dantaon ay walang nayari ang eskultor kundi isang karikatura, tunay na
napakatunggak niya.”
“O ang sangkap na ginamit ang mahinang uri!”
“Lalong tunggak nga siya kung gayon. Nagpapatuloy siya sa pag-aaksaya
ng panahon gayong alam niya na mahinang uri ito. Hindi lámang tunggak siya,
kundi mandaraya at magnanakaw pa! Batid niyang mabibigo siya sa kanyang
gawain,ngunit nagpapatuloy siya upang tumanggap ng kabayaran.Hindi lámang
siya tunggak, mandaraya, at magnanakaw kundi isang buktot. Humahadlang
siya sa ibang eskultor na sumusubok sa kanilang kakayahan upang makayari ng
makabuluhang bagay. Kahangalan ang gayong pangingimbulo!”
Matindi ang sagot at parang nasukol si Padre Fernandez. Tinitigan niya
si Isagani. Ito ay parang higante sa kanyang paningin, lubhang mahalaga, at
di magagapi. Sa buong búhay niya, noon lámang siya nahalay at natalo ng
isang mag-aaral na Pilipino. Nagsisi siya kung bakit siya pa ang nag-udyok ng
pag-uusap na iyon. Ngunit hulí na ang lahat. Sa kanyang kagipitan at sa harap
ng gayong kahigpit na kalaban, naghanap siya ng mabuting kalasag. At ang
ginamit niya ay ang pamahalaan.
“Sinisisi ninyo kami sa lahat ng mga pagkakamali, sapagkat kami lámang
na malápit sa inyo ang nakikita ninyo,” ang walang pagmamataas na tugon
niya.“Talagang gayon. Nauunawaan ko. Kinamumuhian ng mga tao ang kawal
o alguasil na humuhuli sa kanila at hindi ang hukom na nag-uutos ng paghúli.
Kayo at kami’y nagsasayaw sa himig ng isang tugtugin. Umindak tayong
kasabay ng tugtugin. Naniniwala ka ba na kaming mga prayle ay walang
budhi at hindi nagnanasa ng kabutihan? Naniniwala ka ba na hindi namin
kayo inaalaala, na hindi namin isinasaloob ang aming mga tungkulin? Sana’y
magkagayon na nga! Ngunit gaya rin ninyo, kinakailangang sumunod kami sa
himig ng tugtugin. Nása pagitan kami ng demonyo at ng malalim na karagatan.
Kung hindi kayo ang magpapalayas sa amin, ang pamahalaan ang gagawa
niyan.Ang pamahalaan ay may kapangyarihang mag-utos.At kung sinuman ang
namamahala ay makapag-uutos. Kami’y walang magagawa kundi sumunod at
mamatay.”
“Kung gayo’y ang mapait na sagot ni Isagani, “hinahangad ng pamahalaan
ang aming kasamaan.”
“Abá, hindi! Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay
may mga paniniwala, mga palagay, mga batas na mabubuti ang layunin, ngunit
nagbubunga ng di magandang pangyayari. Ipapaliwanag ko sa iyong mabuti sa
pamamagitan ng isang halimbawa. Upang pigilin ang isang munting kasamaan,
naglalagda ng lalong maraming batas na nagiging sanhi ng marami pang

204
kasamaan.‘Corruptissima in republica plurimae leges,’ ang sabi ni Tacito.Ang
bayan ay lalong sumasamâ kung napakaraming mga batas. Upang maiwasan
ang isang pandaraya, maingat na nagpapahayag ng isa’t kalahating milyong mga
batas at tuntunin. Ngunit nanghahamon ang mga ito na iwasan at linlangin ang
mga pagbabawal.Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-
uudyok sa kanila na gumawa ng kasamaan. Kapag naglagay ng isang batas,
maaaring hindi lámang dito, kundi sa Espanya rin, tingnan ninyo’t maghahanap
na ng mga paraan upang maiwasan iyon. Nalimutan nila ang pagkakamali
ng ating mambabatas. Samantalang ipinakakatago-tago ang isang bagay ay
lalo namang pinagnanasaang makita. Bakit higit na pinahahalagahan ng mga
Kastila ang pandaraya at katusuhan, gayong walang hihigit pa sa isang taong
marangal, maginoo, at mapagmataas? Sapagkat ang aming mga mambabatas na
may mabubuting hangarin ay nag-aalinlangan sa kanilang kadakilaan. Sinugatan
ang kanilang karangalan at pagpapahalaga sa kanilang sarili. Ibig ba ninyong
magbukas ng daan sa mabatong lupa sa Espanya? Kung gayo’y maglagay ka
ng paunawa rito na magbabawal na magdaan ang mga tao. Bilang pagtutol
sa kautusang iyon, iiwasan ng mga tao ang lansangang-bayan at magdaraan
sa mabatong lupa. Kung ipagbabawal ng ilang mambabatas sa Espanya ang
kabutihan at sapilitang ipatupad ang mga bisyo at kasamaan, kinabukasan, ang
lahat ng tao’y magiging mabuti.”
Huminto ang Dominiko at sakâ nagpatuloy.
“Ngunit masasabi ninyong lumalayo táyo sa paksa. Magbabalik akó rito
upang papaniwalain kayo na ang kasiraang tinataglay ninyo ay hindi nararapat
na ibintang sa amin o sa pamahalaan. Ang mga iyon ay bunga nang di-wastong
pakakatatag ng aming lipunan. Nagnanais na makagawa ito nang malaki, ngunit
wala ring naisasagawa. Napapanganyaya ito dahil sa labis na pag-iingat, kulang
sa pangangailangan, at labis sa mga kalabisan.”
“Kung inaamin ninyo ang mga kasiraan ng inyong lipunan,” ang tugon ni
Isagani, “bakit nanghihimasok pa kayo sa pag-aayos ng ibang lipunan? Pag-
ukulan ninyo ng pansin ang pagpapabuti sa inyong lipunan.”
“Lumalayo táyo sa paksa ng usapan, binata. Isang katotohanan na dapat
tanggapin na ang Pilipinas ay nása ilalim ng mga Kastila.”
“Kung gayon, tinatanggap ko sapagkat ito’y isang katotohanan. Ngunit
patuloy akó sa pagtatanong. Bakit hindi ninyo baguhin ang pagkakabuo ng
inyong lipunan kung ito ay may mga kasiraan? O kaya’y dinggin man lámang
ang tinig ng mga napipinsala.”
“Nalalayo pa rin táyo sa usapan. Pinag-uusapan natin kung ano ang hinihingi
ng mga mag-aaral sa mga prayle.
“Kapag nagkanlong ang mga prayle sa likod ng pamahalaan, ang
pamahalaan na ang maaaring hingan ng tulong ng mga mag-aaral.”
Makatwiran ang kasagutan. Wala na siyang maaaring sabihin pa.
“Hindi akó ang pamahalaan.Wala akong pananagutan sa kanyang ikinikilos.

205
Ano ang nais ng mga mag-aaral na gawin namin para sa kanila, na káya naming
ipagkaloob?”
“Na huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aaral. At sa halip ay itaguyod
ito.”
Umiling ang Dominiko.
“Kahit hindi ko ipahayag ang sariling palagay, iyan ay paghiling sa aming
kami’y magpatiwakal.”
“Hindi po. Iyan ay paghiling sa inyo na kami’y paraanin upang huwag
kayong masagasaan at madurog.”
“Humm!” ani Padre Fernandez na huminto at nag-iisip nang malalim.
“Ang dapat ninyong hilingin muna ay yaong bagay na hindi napakabigat,
isang bagay na maaaring ibigay ng bawat isa sa amin nang hindi ikasisira ng
aming karangalan at mga karapatan, sapagkat kung tayo’y magkakaunawaan at
mabubuhay nang mapayapa, bakit kailangang magkaroon ng poot at kawalan
ng tiwala sa bawat isa?”
“Kung gayo’y tumungo táyo sa mga kasanhian.”
“Oo. Kung gagalawin natin ang pundasyon, maguguho ang kabuuan.”
“Tunguhin natin, kung gayon, ang mga kasanhian,” ang nakangiting sagot
ni Isagani. “Iwan natin ang mga simulain. Kahit hindi ko ipinahahayag ang
sariling palagay,” at ipinagdiinan niyang mabuti ang mga salitang “magbabago
ang pagtingin ng mga mag-aaral sa kanila at mababawasan ang kanilang poot
at kapaitan kung ang mga nagtuturo ay magpapakita ng mabuti sa kanila kaysa
sa ipinakikita nila hanggang ngayon. Ito’y nása inyong mga kamay.”
“Ano?” ang tanong ng Dominiko. “Mayroon ba akong inuugali na di
naiibigan ng mag-aaral?”
“Padre, sa simula pa’y nagkasundo na tayong hindi tutukuyin ang kayo ni
akó.Pinag-uusapan natin ang pangkalahatan.Bukod sa walang kapakinabangang
natamo ang mga mag-aaral sa mga taong inilagi sa paaralan, marami sa kanila
ang nawalan ng paggalang sa sarili.”
Napangibit si Padre Fernandez.
“Walang pumipilit sa kanilang mag-aral. Maraming magagawa sa kabukiran,”
ang marahas at pabigla niyang sagot.
“Ngunit may nag-uudyok sa kanilang mag-aral,” ang sagot ni Isagani na
gayon din ang himig ng pananalita at tahasang tiningnan ang Dominiko.
“Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito ang tao ay
may katutubong hangaring matamo ang karunungan. Ang pagnanasang ito ay
lalong masidhi sa dakilang sinisikil. Ang taong nagbibigay ng kayamanan at
búhay sa pamahalaan ay may karapatang matuto ng mga kaparaanan upang
mapakinabangan nang mabuti ang kanyang salapi at mabuhay nang lalo pang
masagana. Opo, Padre. May nag-uudyok sa kanila. At iyan ay ang pamahalaan
na rin. Kayo rin ay walang awang lumalait sa mangmang na Indio. Ipinagkakait

206
ninyo sa kanya ang kanyang mga karapatan sa dahilang siya ay mangmang.
Hinuhubaran ninyo siya. Pagkatapos, kinukutya at ito’y kanyang ikinahihiya.”
Hindi sumagot si Padre Fernandez. Patuloy siya sa pagyayao’t dito, mabibilis
ang paglalakad na wari’y nagugulumihan.
“Sinasabi ninyong maraming magagawa sa kabukiran,” ang patuloy ni
Isagani na nagbago ng himig ng pananalita pagkatapos ng isang sandaling
pananahimik, “huwag na nating suriin ang mga kadahilanan pagkat malalayo
táyo sa paksa. Ngunit kayo, Padre Fernandez, kayo na isang propesor, isang taong
makaagham, ibig ba ninyo ang isang bayan ng mga magsasaka? Ipinalalagay ba
ninyo na ang pagiging magsasaka ang pinakamataas na kalagayang maaabot ng
tao sa kanyang pagsulong? O ibig ninyo ang karunungan para sa inyong sarili
at sa iba ang paggawa?”
“Hindi, ibig kong ang karunungan ay taglayin ng mga taong karapat-
dapat magtaglay nito at marunong magpahalaga rito,” ang sagot ng prayle.
“Kapag nagpakita ng pagmamahal sa karunungan ang mga mag-aaral, kapag
nagkaroon ng táyo ng mga kabataang may matibay na pananalig, marunong
magtanggol sa karangalan, at mas igagalang ito, magkakaroon ng pagkatuto,
ng karunungan. Magkakaroon din ng mga gurong mapagbigay. Kung may mga
gurong mapanupil ay sapagkat may mga mag-aaral na umaalinsunod!”
“Kapag magkakaroon ng mga tunay na guro ay magkakaroon ng mga tunay
na mag-aaral.”
“Simulan ninyo. Kayo ang nangangailangan ng pagbabago. Susunod kami.”
“Opo,” ang sabi ni Isagani na nakangiti nang malungkot.“Sisimulan namin,
sapagkat kami ang may suliranin! Ngunit alam na alam ninyo kung ano ang
naghihintay sa isang mag-aaral na nakikipagtalo sa kanyang guro. Kayo na lang,
kayo na may pagmamahal sa katarungan, sa inyong magagandang mithiin, ay
nahirapan sa pagpipigil sa inyong sarili, nang inilalahad ko ang mapapait na
katotohanan. Kayo, Padre Fernandez. Ano ang mapapala ng sinuman sa atin na
nagnanais na maghasik ng ibang pagkukuro? Anong mga kasamaan ang hindi
ninyo naranasan, sapagkat nagnasa kayong gumawa nang mabuti at tumupad
sa inyong tungkulin?”
“Ginoong Isagani,” ang sabi ng Dominiko na iniabot sa kanya ang kamay,
“bagaman tila walang kinahinatnan ang pag-usap na ito, ay mayroon din tayong
kabutihang napulot. Sasabihin ko sa aking mga kapatid ang iyong tinuruan.
Inaasahan kong may magagawa ukol diyan. Ang pinangangamba ko lámang ay
bakâ hindi silá maniwalang may taong tulad ninyo.”
“Iyan din ang pangamba ko,” ang tugon ni Isagani na hinawakan nang
mahigpit ang kamay ng Dominiko.“Nangangamba akong bakâ hindi maniwala
ang aking mga kaibigan na may isang katulad ninyo, gaya ng pakikipagharap
ninyo sa akin ngayon.”
At dahil sa ipinalagay ng binata na tapos na ang pag-uusap nila, nagpaalam
na siya.

207
Binuksan ni Padre Fernandez ang pinto. Sinundan siya ng tanaw hanggang
sa lumiko siya sa pasilyo. Nanatili siyang nakatayo, pinakikinggan ang mga
yabag ni Isagani. Pagkatapos pumasok
na siya sa kanyang silid. Hinihintay
Alam Mo Ba? niyang makalabas sa kalye si Isagani,
narinig niyang sumagot ito sa isang
Heswita (Kapisanan ni Hesus)—itinatag
kamag-aral na nagtanong kung saan
ni San Ignacio de Loyola ang Kapisanan
siya patutungo.
ni Hesus sa pamamagitan ng pag-apruba
“Sa tanggapan ng pamahalaang
ni Papa Pablo III sa kanilang Konstitusyon
sibil. Titingnan ko ang mga paskin at
noong taong 1540. Pinagtutuonan nila ng
makikisama ako sa iba.”
pansin ang pagpunta kung saan man silá
Nasindak ang kamag-aral nito.
ipadala ng Papa, ang paggawa ng lahat
Tinitigan ang binata na wari’y nakakita
ng bagay para sa lalong ikaluluwalhati ng
ng isang taong magpapakamatay.
Diyos, ang edukasyon, at marami pang
Patakbo itong umalis.
iba. Pinaalis silá sa Pilipinas noong 1768
“Kaawa-awang binata!”ang bulong
at ang lahat ng kanilang mga ari-arian at
ni Padre Fernandez na nangingilid
paaralan ay ipinamahagi sa mga diyosesis
ang luha. Kinaiinggitan ko ang mga
at sa ibang orden. Nang pinabalik ang mga
Heswitang nagturo sa iyo.”
Heswita sa Pilipinas noong 1859, isa sa
Maling-mali si Padre Fernandez.
mga una nilang ginawa ay ang pagpapatayo
Itinatakwil ng mga Heswita si Isagani.
ng Escuela Municipal, na ngayon ay ang
At nang maláman kinahapunan ang
Ateneo de Manila University kung saan
pagkakapiit sa kanya sinabi nilang
nag-aral si Dr. Jose Rizal.
inilalagay silá sa alanganin ng binata.
“Nahaharap sa kapahamakan ang
binatang iyan at maaaring magpahamak din sa atin. Dapat maláman ng lahat na
ang kanyang pagkukuro ay hindi natutuhan sa atin.”
Nagsasabi ng totoo ang mga Heswita. Ang mga pagkukurong iyon ay
tanging kaloob ng Diyos sa tulong ng kalikasan.

Pagkatakot
(Kabanata XXVIII)

Si Ben Zayb ay naging parang manghuhula. Nang mga nagdaaang araw,


naglathala siya sa kanyang pahayagan na ang pagpapaaral ay masamâ, lubhang
makasasama sa Pilipinas. Dahil sa mga nangyari noong Biyernes tungkol sa
mga paskin, nagalak ang mamamahayag. Ipinagmamalaki niya ang kanyang
tagumpay na ikinapahiya at ikinalito naman ng kanyang kalabang si Horatius.
Nangahas itong libakin si Ben Zayb sa pitak nitong “Pirotecnia” sa ganitong
mga pahayag:
Sa aming kasamahang El Grito:

208
“Ang pagpapaaral ay masamâ, napakasama sa Pilipinas!”
Alam na namin.
Matagal nang ipinahahayag ng El Grito na kinakatawan niya ang
mamamayang Pilipino. “Ergo . . .” ang wiwikain ni Padre Ibañez kung
marunong siya ng Latin.
Ngunit nagiging Muslim si Padre Ibañez kapag sumusulat, at alam natin
kung paano ang turing ng mga Muslim sa pag-aaral.
“Testigo,” wika nga ng isang marangal na predicador, “ang aklatan sa
Alexandria!”
Ngayon, napatunayan niyang tama siya, si Ben Zayb lámang ang
tanging nag-iisip sa Pilipinas, ang tanging nakahuhula ng mga pangyayaring
magaganap.
Ang balitang nakakita ng mga mapanghimagsik na paskin sa pinto ng
unibersidad ay nakapagpawalang-gana ng ilan at nakasira ng panunaw ng iba.
Kahit na ang mga Intsik na papatay-patay ay nabalisa. Hindi na nangahas
maupo nang nakataas ang isang paa gaya ng pinagkaugalian sa tákot na bakâ
hindi na magkapanahong maiunat na muli at makatakbo. Nang ikalabing-
isa nang umaga, lalong sumidhi ang pagkabalisa, kahit matindi na ang síkat
ng araw. Ang kanyang kamahalan, ang kapitan heneral, ay hindi nanguna sa
kanyang matagumpay na hukbo. Ang mga prayle na laging nása tindahan
ni Quiroga ay hindi naparoon. Ito ay tanda na may masamang nangyayari.
Kung ang araw ay sumikat nang parisukat at ang mga larawan ni Jesus ay
natuklasang nakapantalon, hindi pa gaanong maliligalig si Quiroga, sapagkat
maipapalagay niyang ang araw ay Intsik na baraha at ang mga larawan ni Jesus
ay mga manunugal na nawalan ng kanilang damit pang-itaas. Ngunit ang hindi
pagpunta ng mga prayle roon gayong tumatanggap pa naman siya ng isang
kargamento ng mga bagong paninda!. . .
Dahil sa bilin ng isang pari provincial na kaibigan niya, ipinagbawal ni
Quiroga sa mga bahay-pasugalan niya ang pagdalaw ng sinumang Indio na
hindi niya dating mamimili. Ang magiging konsul na Intsik ay natatakot na
bakâ bawiin ng mga natalo ang kanilang salapi. Pagkatapos maihanda ang
tindahan, sa paraang maaaring maipinid kaagad kung sakaling may kaguluhan,
nagpasama siya sa isang guardia civil sa bahay ni Simoun na malápit lámang
sa kanyang bahay. Inaakala ni Quiroga na iyon na ang pinakamagandang
pagkakataon para magamit ang mga baul at punglo na nakatago sa kanyang
bahay tulad nang napagkasunduan nila. Inaasahang sa mga susunod na araw ay
ipag-uutos ang paghahalughog ng mga bahay-bahay. Marami ang mabibilanggo
at sa kanilang pagkatakot ay magbibigay ng lahat ng kanilang naimpok. Ito
ay dating pandarayang ginagawa ng maniningil ng buwis. Maglalagay ng mga
bawal na tabako at dahon sa ilalim ng bahay ay pagkatapos ay gagawa kunwari
ng pagsisiyasat upang mapilitang magsuhol o magmulta ang may-ari ng
bahay.Ang katulad na pamamaraan ang pinagbubuti.Ang kaibahan nga lámang

209
ay hindi na tabako ang hawak ng pamahalaan. Baril na ang pinagbabawal.
Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kahit kanino. Ipinasabi niya kay
Quiroga na bayaan na lámang ang mga bagay na iyon. Nakipagkita si Quiroga
kay Don Custodio upang itanong kung kailangang ingatan pang mabuti ang
tindahan. Ngunit si Don Custodio ay hindi rin tumatanggap ng mga panauhin.
Abalá siya sa pag-aaral kung paano maipagtatanggol ang sarili kung sakaling
salakayin. Naalaala ni Quiroga si Ben Zayb upang hingan ng balita. Ngunit
nakita niyang handang-handa si Ben Zayb. May dalawang rebolber na may mga
punglo ang ginagamit na pamatong ng mga papel. Kaya’t madaling nagpaalam
si Quiroga, nagkulong ng bahay, at nagdahilang masamâ ang katawan.
Sa ganap na ikaapat ng hapon, ang usap-usapan ay hindi na tungkol sa
mga paskin. Kumakalat ang bulong-bulungan na may unawaan ang mga
mag-aaral at mga tulisan sa bundok ng San Mateo. Tiyak na ang balak na
kanilang pagsalakay sa lungsod ay pinag-usapan sa pansiterya. May usap-
usapan pa na may mga pandigmaang sasakyang Aleman sa labas ng look na
tutulong sa paghihimagsik. May isang pangkat ng mga kabataan na nagtungo
sa Malakanyang at kusang naghandog ng tulong sa kapitan-heneral. Sila’y
tumututol daw sa pagpapabagsak ng pamahalaan at sumusumpa ng katapatan
sa Espanya. Ngunit dinakip ang mga ito dahil natuklasan daw na pawang
sandatahan. Iniligtas siya ng Maykapal. Pinigilan siya Nito na harapin ang mga
kabataang salarin, sapagkat nang mga sandaling iyon nakikipagpulong siya sa
mga provincial, sa biserektor, at kay Padre Irene na sugo ni Padre Salvi. May
katotohanan ang mga haka-hakang ito kung paniniwalaan si Padre Irene. Nang
hapong iyon dumalaw siya kay Kapitan Tiago. Ayon sa kanya, may ilang taong
nag-udyok sa kapitan heneral na samantalahin ang pangyayaring yaon upang
takutin at bigyan ng isang mabuting aral ang mga batang pilubustero.
“Barilin ang ilan,” ang sabi ng isa. “Ipatapon kaagad ang dalawampu’t apat
na repormista sa kadiliman ng gabi at ang mga hinahangad ng mga taong ito
na di-nasisiyahan ay maglalahong lubusan.”
“Huwag,” ang payo ng isang may mahabaging puso.“Sapat na ang palibutin
sa mga lansangan ang mga kawal. Halimbawa, isang batalyon ng kabayuhan na
may mga sable at ilang mga kanyon. Sapat na ang mga iyon. Kimi at matatakutin
ang mga tao. Magsisiuwi rin sa kani-kanilang bahay ang lahat.”
“Hindi, hindi. Ito na ang pagkakataon upang pawiin ang mga kaaway,”
ang mungkahi naman ng pangatlo. “Hindi sapat na manatili ang mga Indio sa
kani-kanilang bahay. Kailangang palabasin silá katulad ng masamang singaw sa
pamamagitan ng plaster. Kung hindi silá mangahas gumawa ng gulo, udyukan
silá ng mga taong sugo upang manggulo. Palagay ko’y dapat ihanda ang mga
kawal at magkunwaring nagpapabaya at nagwawalang-bahala upang lumakas
ang loob ng mga Indio. Sa oras na magkagulo, supilin silá nang husto.”
“Ang layon ay siyang nagbibigay matuwid sa mga paraan,” ang sabi ng
pang-apat. “Ang layon natin ay ipagsanggalang ang banal na relihiyon at ang

210
karangalan ng Inang-Bayan. Ipahayag na tayo’y nása kalagayang pangkagipitan.
Kapag nagkaroon ng kahit maliit na kaguluhan, dakpin ang lahat ng mayayaman
at marurunong, at linisin ang buong bayan.”
“Kung hindi akó dumating at nagpayo ng magpakahinahon,” ang wika ni
Padre Irene na ang hinarap ay si Kapitan Tiago, “dumanak na sana ang dugo
ngayon. Ngunit naalala kitá, kapitan. Ang pangkat na mapupusok ay walang
napala sa heneral. Nanghinayang silá na wala roon si Simoun. A, kung hindi
sana nagkasakit si Simoun. . .!”
Dahil sa pagkahuli kay Basilio at pagkahalughog sa kanyang mga aklat at papel
ay lalong lumubha ang kalagayan ni Kapitan Tiago. Lalong naragdagan pa ang
kanyang pagkatakot sa mga isinalaysay ni Padre Irene na mga nakapangingilabot
na bagay.Sinakmal ng matinding pagkatakot ang maysakit,nanginig,at unti-unting
lumakas ang pangangatal hanggang hindi na ito makapagsalita. Nandidilat
ang mga mata, pinagpapawisan ang noo. Humawak siya nang mahigpit sa bisig
ni Padre Irene at nagpumilit bumangon, ngunit hindi nakayanan. Pagkatapos,
umungol nang makalawa at bumagsak sa unan. Nangakadilat ang mata ni Kapitan
Tiago. Bumubula ang kanyang bibig. Patay na siya at ang nahihintakutang si
Padre Irene ay patalilis na tumakbo. Dahil sa nakahawak ang bangkay sa bisig
niya nakaladkad niya ito at naiwan sa gitna ng silid.
Kinagabihan, masidhing-masidhi na ang pagkatakot. May ilang mga
pangyayaring naganap na nag-udyok sa mga matatakutin na maniwala na may
mga sugong manliligalig.
Sa isang binyagan, gaya ng kinaugalian, ang mga ninong at ninang ay
nagsabog ng kuwarta para sa mga batà, kayâ may kaunting kaguluhan sa pinto
ng simbahan. Nagkataon namang may nagdaraang isang militar. Inakala niya na
ang gulong ito ay kagagawan ng isang pilibustero. Itinaboy niya ang mga batà
sa loob ng simbahan sa pamamagitan ng kanyang sable. Kung hindi nagkasala-
salabat sa tabi ng koro ang militar, napugutan sana ng ulo ang lahat ng naroon.
Nang makita ito ng mga matatakutin, nagpanakbuhan at ipinamalita na ang
himagsikan ay nagsimula na. Dali-daling nasarhan ang mga tindahang naiwang
bukás. May mga Intsik na nakaiwan ng mga bulto ng tela. Maraming babae
ang nawalan ng tsinelas dahil sa pagtakbo sa lansangan. Sa kabutihang palad
iisa ang nasugatan.Ang iba nagalusan lámang at ang isa na nga sa kanila ay ang
militar, nang masubsob sa pakikipaglaban sa tabing na para sa kanya ay balabal
ng pilibusterismo. Ang gayong kabayanihan ay nagpabantog sa kanya, isang
dalisay na kabantungan na maaaring hangarin. At sana’y lahat ng karangalang
pangmilitar ay makakamit na katulad nito. Hindi gaanong luluha ang mga ina
at darami ang namumuhay na tao sa mundo.
Sa isang arabal, nahúli ng mga naninirahan doon ang dalawang taong
nagbabaón ng mga armas sa ilalim ng isang bahay na yari sa tabla. Natakot
ang mga tao.Tinangka nilang habulin ang dalawang taong iyon na hindi kílala,
upang patayin at iharap sa may kapangyarihan. Ngunit pinigil silá ng isang

211
kapitbahay. Sinasabi niyang sapat na ang ilagak sa tribunal ang mga armas. Ang
mga armas naman daw ay matatandang baril at tiyak na makasasakit kapag
pinagtangkaang gamitin.
“O, sige” ang wika ng isang mayabang, “kung gusto nilang táyo ay
maghimagsik, sulong!”
Ngunit ang mayabang ay binugbog ng palo at suntok ng babae na wari’y
siya ang may-ari ng mga baril.
Lalong malubha ang pangyayari sa Ermita. Ito ay hindi ipinag-iingay gayong
nagkaroon ng barilan. Isang kawani ng pamahalaan ang labis na nag-iingat,
kayâ nasasandatahan. Nang magtatakip-silim na, nakakita siya ng isang aninong
malápit sa kanyang bahay. Inakala niyang iyon ay isang mag-aaral at binaril
nang dalawang ulit ng rebolber. Ang anino ay isang guardia civil palá. Ito ay
inilibing at pax Christi! Mutis! Pagkatapos noon, wala nang nabalita.
Nakarinig din ng ilang putukan sa may Dulumbayan. Isang matandang
bingi ang namatay. Hindi niya narinig ang pagtatanong ng guwardiya ng
“Quien vive!?” Isang baboy ang nakarinig ngunit hindi naman alam kung ano
ang isasagot. Ang matanda’y hindi nailibing agad, sapagkat walang maibayad
sa simbahan. Ngunit hindi nagkaroon ng suliranin sa baboy. Ito ay kinain.
Sa isang tindahan ng matamis na laging dinarayo ng mga mag-aaral sapagkat
malápit sa unibersidad, ganito ang mga usap-usapan.
“Nahúli na ba si Tadeo?” ang tanong ng may-ari ng tindahan.
“Ginang, nabaril na po siya,” ang sagot ng isang mag-aaral na nakatira sa
lugar ng mga Intsik.
“Nabaril! Ang kabanal-banalan kong Ina! Ngunit hindi pa siya nakababayad
ng kanyang utang!”
“Huwag kayong maingay, ginang. Bakâ mapaghinalaan kayong kasapakat.
Sinunog ko na ang aklat na ipinahiram niya sa akin. Maaaring maghalughog silá
sa aking bahay at makita iyon. Dapat maging maliksi, ginang!”
“Ang sabi nila’y nadakip na rin si Isagani.”
“Luko-luko ang Isaganing ’yan!” ang galít na galít na sabi ng mag-aaral.
“Hindi naman siya huhulihin. Ngunit nagpunta siya roon at iniharap ang sarili.
Nararapat sa kanya ang anumang maaaring mangyari sa kanya. Maaaring barilin
siya.”
Nagkibit ng balikat ang may-ari ng tindahan.
“Wala siyang utang sa akin. Ngunit ano ang gagawin ni Paulita?”
“Hindi siya mawawalan ng kasintahan, ginang. Maaaring umiyak siya
sandali. Pagkatapos mag-asawa rin siya sa isang Kastila.”
Ang gabing yaon ay napakalungkot. Dinarasal ang rosaryo sa buong bayan.
Ipinatutungkol ng mga babaing madasalin sa mga kaluluwa ng kanilang kaanak
at kaibigan ang kanilang “Ama Namin” at “Requiem.” Ikawalo pa lámang ng
gabi ay halos wala nang naglalakad sa daan. Paminsan-minsang nakakarinig
ng kabayong rumaragasa na pinapalo sa tagiliran ng isang sable. Sinusundan

212
naman ito ng pagsipol ng guardia civil. O kaya’y matutuling takbo ng mga
sasakyan na wari’y hinahabol ng isang pulutong na mga pilibustero.
Gayunma’y hindi naghahari sa lahat ng pook ang pangamba. Sa platerya,
kung saan naninirahan si Placido, pinag-uusapan ang mga pangyayari nang
araw na iyon nang may katapatan.
“Hindi akó naniniwala na may mga paskin,” ang sabi ng isang platerong
payat at tuyo na sa kagagamit ng pang-ihip.“Sa aking palagay, kagagawang lahat
iyan ni Padre Salvi.”
Ang punong platero na isang taong maingat ay di-nangahas na putulin
ang pag-uusap, sapagkat natatakot na matawag na isang duwag. Tumikhim at
umubo siya, kumindat sa kanyang katulong na platero at tumingin sa gawi ng
daan na parang nagbababala na bakâ may nakarinig sa kanila.
“Dahil sa nangyari sa opereta,” ang patuloy ng manggagawa.
“Iyan nga ang sinasabi ko,” ang pagsang-ayon ng isa.“Iyan ang dahilan kung
bakit . . .”
“Totoo ang tungkol sa paskin,” ang sagot ng isang eskribyente. “Ngunit
ipapaliwanag ko sa iyong mabuti, Chichoy.”
At lihim na bumulong pa;
“Iyan ay pakanang lahat ni Quiroga, ang Intsik.”
Tumikhim at umubong muli ang punong platero. Pinaglipat-lipat ang sapal
ng bunga sa magkabilang pisngi.
“Maniwala ka sa akin, Chichoy. Si Quiroga, ang Intsik. Iyon ay narinig ko sa
tanggapan.”
“Ang kabanal-banalan kong Ina! Kung gayon, totoo nga palá!” ang bulalas
ng tanga na naniwala kaagad kahit hindi pa niya nabalitaan.
“Si Quiroga ay may isandaang libong pisong pilak na Mehikano sa look,”
ang patuloy ng eksribyente. “Paano ipapasok ang mga iyon? Madali. Ginawa
niya ang mga paskin at sinamantala ang mga suliranin ng mga mag-aaral.
Habang gulong-gulo ang lahat, susuhulan niya ang mga tanod sa Adwana at
makapapasok na ang mga pilak.”
“Siya nga!” ang bulalas ng mapaniwalang manggagawa na sumuntok pa sa
mesa.“Kayâ nga si Quiroga. . .”
Kinailangan niyang tumigil na sa pagsasalita sapagkat hindi niya alam kung
ano ang sasabihin tungkol kay Quiroga.
“At táyo ang nagbabayad ng utang?” ang nagngingitngit na tanong ni
Chichoy.
Muling tumikhim at umubo ang punong platero, sapagkat nakarinig siya
ng mga yabag sa daan. Papalapit nang papalapit ang mga iyon. Nagsitahimik
ang lahat.
“Si San Pascual Bailon ay isang dakilang santo,” ang sabi ng punong platero
sa malakas at nanlalangis na tinig at kinikindatan pa ang iba. “Si San Pascual
Bailon . . . ” Noon naman ay siyang pagsungaw ni Placido. Kasáma niya ang

213
dalubhasa sa mga pulbura at paputok na tumanggap ng mga pag-uutos kay
Simoun nang mga ilang gabi. Pinaligiran ang mga bagong dating at tinanong
ng mga pinakahuling balita.
“Hindi ko makausap ang mga bilanggo,” ang sagot ni Placido. “May mga
tatlumpu silá.”
“Magsipaghanda kayo!” ang dugtong ng dalubhasa sa pulbura at
nakipagsulyapan nang may kahulugan kay Placido.“Ang sabi nila, magkakaroon
daw ng pagpatay ngayong gabi.”
“Ano! Lintik!” ang bulalas ni Chichoy habang humahanap ng armas, ngunit
hindi naman nakakita. Kayâ ang pang-ihip na lang ang kinuha.
Ang punong platero ay pinanginigan at naupo kaagad. Nakikini-kinita ng
mapaniwalang manggagawa na ang ulo niya’y pugot. Nagsimula na siyang
umiyak sa magiging kapalaran ng kanyang kaanak.
“O, sige!” ang sabi ni eskribyente. “Hindi magkakaroon ng pagpatay. Sa
kabutihang-palad may sakit ang tagapayo ng kanyang kamahalan.”
“Si Simoun!”
Tumikhim at umubo pa rin ang punong platero.
Nagkatinginan si Placido at ang manggagawa ng paputok.
“Kung hindi nagkasakit ang taong iyan . . .”
“Gagawa wari ng isang himagsikan,” ang pagwawalang-bahalang dugtong
ng manggagawa ng paputok at nagsindi ng sigarilyo sa may ilawan.“At ano ang
gagawin natin kung gayon?”
“Totohanin na. Kung papatayin din lámang táyo . . .”
Sinasal ng matinding ubo ang platero at di na gaanong narinig ang
pangungusap. Marahil ay mga kakila-kilabot na bagay ang ibig sabihin ni
Chichoy, sapagkat kung iwasiwas ang pang-ihip ay parang Hapong papatay ng
kalaban.
“Si Simoun marahil ay nagkukunwaring may sakit, sapagkat natatakot na
lumabas. Kapag nakita ko siya. . .”
Muling sinasal ng ubo ang platero. Nakiusap siya sa iba na magsiuwi sa
kani-kanilang tahanan.
“Gayunman, magsipaghanda! Magsipaghanda!” ang sabi ng manggagawa
ng paputok.“Kung tayo’y pipiliting pumatay o mapatay . . .”
Muling sinasal ng ubo ang platero. Kayâ ang mga manggagawa ay tuluyan
nang nag-uwian na may dala-dalang mga martilyo, lagari, at iba pang matatalas at
matutulis na kagamitan. Handa silang pamuhunanan nang mahal ang kanilang
búhay. Si Placido at ang manggagawa ng paputok ay umalis din.
“Mag-iingat kayo!” ang bilin ng platero na gumagaralgal ang tinig.
“Kayo na ang bahala sa aking asawa at mga anak,” ang pakiusap ng
mapaniwalang manggagawa sa lalo pang magaralgal na tinig.
Nakita ng kahabag-habag na lalaki ang sarili na nabaril at nailibing na.

214
Nang gabing iyon, ang mga tanod nang moog na siyudad ay nahalinhan
ng mga artilyerong Kastila. Kinabukasan nang madaling araw, nangahas na
mamasyal si Ben Zayb upang tingnan ang muralya. Natagpuan niya sa tore
na malápit sa Luneta ang isang bangkay ng babaing Indio na halos wala nang
damit. Nasindak si Ben Zayb at pagkatapos sundutin ng kanyang tungkod ang
bangkay, sumulyap sa may pinto at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Inisip
niya kung paano makasusulat ng isang malungkot na kuwento tungkol sa
kanyang nakita.
Gayunman, walang nabanggit sa pahayagan tungkol sa mga bagay na iyon
nang sumunod na araw, gayong napakaraming nalathalang mga sakuna hinggil
sa pagkadupilas o pagkadapa gawa ng mga balát ng saging. Si Ben Zayb
ay parang naubusan din ng maibabalita, kayâ binigyang-puna niya ang isang
buhawi sa Amerika na sumira ng maraming bayan at kumitil nang mahigit sa
dalawanlibong katao. Ang ilan sa magagandang ipinahayag niya ay ang mga
sumusunod:
“Ang pagkakawanggawang higit na tinataglay ng mga mamamayang
Katoliko kaysa iba, at ang pag-alaala sa Kanya udyok ng damdaming iyan at
inialay ang sarili para sa sangkatauhan, ay nag-aatas sa atin na magkaroon ng
habag sa mga kasawian ng ating kapwa at mag-ukol ng dalangin para sa bayang
ito, na madalas pinsalain ng bagyo, upang huwag nang danasin ang mga
pangyayaring kakila-kilabot na nasaksihan ng mga mamamayan ng Estados
Unidos.”
Hindi pinalagpas ni Horatius ang pagkakataon. Sinagot niya ang pitak ni
Ben Zayb sa kanyang “Pirotecnia” nang hindi binabanggit ang tungkol sa mga
patay, sa kaawa-awang babaing Indiong pinatay, at sa mga kapaslangan.
“Pagkatapos ng napakaraming pagkakawanggawa at pagkakaroon ng
damdaming makatao, si Padre Ibañez, ang ibig kong sabihin ay si Ben Zayb
palá, ang makapag-uukol lámang ng panalangin para sa Pilipinas. Ang gayo’y
nauunawaan namin, sapagkat siya ay hindi Katoliko at ang pagkakawanggawa
ay lalong matatagpuan, at iba pa, at iba pa. . . .”

Ang Huling Salita Tungkol Kay Tiago


(Kabanata XXIX)

Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiago. Napakarangal ng libing.


Mahirap mapantayan ito.Ipinagunita ng kura paroko kay Padre Irene na namatay
si Kapitan Tiago nang di nangungumpisal. Ngunit ngumiti na nanlilibak ang
butihing pari, kinuskos ang dulo ng ilong, at nagwika:
“Hindi dapat ikaligalig ang mga bagay na iyan. Kung ipagkakait natin
ang exequias sa lahat ng mga namamatay na hindi nakapangu-ngumpisal,

215
malilimutan na natin ang De
Alam Mo Ba? Profundis! Gaya ng alam ninyo, ang
kahigpitang ito sa mga hindi
Exequias—ang seremonya ng pagbabas- nakapagsisi ng kasalanan ay
bas sa namatay sa wikang Espanyol. ginagawa lámang kung siya’y hindi
makapagbabayad. Ngunit si Kapitan
Tiago! Nakapagpapalibing nga kayo
ng mga Intsik na di binyagan at may
Alam Mo Ba? misa pa para sa patay.”
De Profundis—(Latin: Mula sa Hinirang ni Kapitan Tiago si
Kaibuturan) halaw sa Salmo 130 sa Bibliya Padre Irene na tagapangasiwa at
na ukol sa paghingi ng awa at habag sa tagapagpatupad ng kanyang mga
Diyos. Karaniwan itong inaawit sa padasal hulíng habilin. Iniwan ng namatay
at misa para sa mga yumao. ang isang bahagi ng kanyang ari-
arian sa kumbento ng Santa Clara,
at ang isang bahagi naman ay sa
papa, sa arsobispo, sa mga korporasyon ng mga pari. Naglaan din siya ng
dalawampung piso para sa matrikula ng mahihirap na mag-aaral. Ang hulíng
ito ay mungkahi ni Padre Irene dahil sa mapagkupkop siya sa mga batang
masipag mag-aral. Binawi ni Kapitan Tiago ang pamanang dalawampu’t limang
piso kay Basilio, dahil sa kawalan ng utang na loob nang mga hulíng araw
niya. Ngunit ipinahayag ni Padre Irene na bilang pagtupad sa ipinag-uutos ng
kanyang konsiyensiya, susundin niya ito. Kukunin niya ang halagang iyon mula
sa sariling bulsa.
Kinabukasan, nagkatipon-tipon sa bahay ng namatay ang mga kakilala
at kaibigan nito. Pinag-uusapan nila ang isang himala. Sinasabing noong
naghihingalo pa lámang si Kapitan Tiago ay nagpakita sa mga mongha
ang kaluluwa niya na naliligo sa liwanag. Iniligtas siya ng Diyos. Salamat sa
napakaraming pamisang ipinagawa at sa mga pamana para sa mga banal na
bagay. Pinag-usapan at inilarawan ang balita.Walang isa mang nag-alinlangan
sa bagay na iyon.
Inilarawang mabuti ang himala. Si Kapitan Tiago ay nakasuot ng prak. Ang
pisngi niya’y nakaumbok dahil sa sapal ng hitso. Ang kuwakong panghitit
ng apyan at ang manok na sasabungin ay hindi rin nalimutan. Ang sakristan
mayor na nása umpukan ay malungkot na tumango na nagpapatotoo sa balita.
Naamuki siya na kapag namatay ay magpapakita siya na may dalang isang tasang
salabat sa kanyang kamay, sapagkat kung wala ang agahang iyon ay di-maaaring
makaranas ng kaligayahan maging sa langit o maging sa lupa. Sa dahilang
hindi mapag-usapan ang mga pangyayari noong nakaraang araw at maraming
manunugal ang naroon, iba’t ibang matatalinong haka-haka ang nabanggit
tungkol sa kabiláng búhay. Naiisip nila kung hahamunin ni Kapitan Tiago si
San Pedro ng sabong at kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit. At

216
kung magkakagayon, sino ang tatayo na tagapamagitan at sino ang mananalo?
Ang mga pagtatalong ito ay kinalugdan ng mga nagtatag ng karunungan, mga
bungang-isip, mga paraang nababatay sa isang aklat na inaakalang walang
kamalian, na ipinahayag ng Diyos sa kanyang kabig o nauukol sa batayang
magiging kautusan, Binabanggit din ang nauukol sa mga sipi mula sa nobela,
at mga aklat ng himala, mga sinasabi ng mga prayle, paglalarawan ng langit, at
iba pang bagay na nauukol din doon. Si Don Primitivo, ang pilosopo, ay lugod
na lugod naman sa pagbanggit ng mga kuro-kuro tungkol sa teolohiya.
“Sinuma’y hindi maaaring matalo,” ang pahayag niya na punong-puno ng
kapangyarihan. “Ang pagtatalo ay lumilikha ng kalungkutan, walang sinuman
ang maaaring malungkot sa langit.”
“Ngunit kinakailangang may
manalo,” ang pakikipagtalo ng
manunugal na si Aristorenas. “Nása
Alam Mo Ba?
pananalo ang sarap!” San Pedro—isa sa mga Apostol ni
“O, di sige, kapwa silá mananalo! Hesukristo. Isang dating mángingisdâ.
Gano’n kasimple!” Simon ang kanyang dating pangalan,
Hindi matanggap ni Martin ngunit pinangalanan siyang Pedro ni
Aristorenas na kapwa mananalo Hesus upang maging batong saligan
ang mga manok. Lumaki siya ng kanyang Simbahan. Itinanggi niya si
halos na may isang natatalo. Iyang Hesukristo noong siya ay hinúli at nilitis
tabla ay maaari pang mangyari. ng mga Punong Saserdote, ngunit nang
Walang nahita si Don Primitivo sa siya ay muling nabuhay ay pinatawad siya
pagsasalita ng Latin. Walang nagawa ni Hesukristo. Pinamunuan ni Pedro ang
si Martin Aristorenas kundi umiling. sambayanang Kristiyano hanggang sa
Ang Latin ni Don Primitivo ay ipako siya sa krus nang patiwarik ng mga
madaling maintindihan. Ang sinabi Romano noong 64 o 67 AD.
lámang niya ay “An gallus talisanus
aculo tari artamus an gallus
beati Petri bellikus sasabungus sit, etc.” hanggang sa ginamit na tuloy ang
pangangatwiran ng marami kung ibig wakasan ang pag-uusap at magpapanalig.
“Magkakasala ka, kaibigang Martin, mahuhulog ka sa isang erejia! Cave na
cadas! Hindi na akó makikipagmonte sa iyo, ni hindi na táyo magkakabakas!
Hindi mo pinaniniwalaan ang kapangyarihan ng Diyos, peccatum mortale!
Hindi mo sinasampalatayaan ang katunayan ng Santisima Trinidad, ang tatlo ay
iisa! Dahan-dahan ka! Magdahan-dahan! Quicumque non crederit anathema,
sit.”
Nanliit na namumutla si Martin Aristorenas, at ang Intsik na si Quiroga na
nakarinig sa buong pangangatwiran, ay nagbigay ng buong pitagan ng isang
mabuting tabako sa pilosopo at nagtanong nang buong suyo:
“_______ sigulo, puwele akieng kontalata itong akien sabong sa Kilisto,
ha? Pag akó paktaylo, akieng kontalalista, ha?”

217
Sa ibang pulutong ang lalong paksa ng usapan ay ukol sa patay.
Pinagtatalunan ang damit na isusuot ng bangkay. Iminungkahi ni Kapitan
Tinong na damit ng Pransiskano ang isuot. Nagsalitang mayroon naman siyang
isa, ngunit luma, sira-sira, at tagpi-tagpi. Ayon sa prayleng nagbigay sa kanya
nito bilang kapalit ng inilimos niyang tatlumpu’t anim na piso ay ililigtas ang
isang bangkay sa apoy ng impiyerno. Upang patunayan ito, nagbalita si Kapitan
Tinong ng ilang pangyayaring banal na hango sa mga aklat na ipinamamahagi
ng mga prayle. Bagama’t malabis ang pagpapahalaga ni Kapitan Tinong sa
banal na alaalang ito ay nahahanda namang ibigay sa matalik na kaibígan na
hindi man lámang niya nadalaw noong may sakít pa. Ngunit isang mananahi
ang tumutol. Sapagkat nakita raw ng mga mongha si Kapitan Tiago na papunta
sa langit na naka-prak. Nararapat na damtan siya ng prak dito sa lupa at hindi
na kailangan ang mga pampreserba o ng mga pananggalang sa apoy. Ang prak
ay ginagamit sa mga pormal na sayawan at gayon din sa mga pagsasalo. Ganyan
din ang naghihintay kay Kapitan Tiago sa itaas. Nagkataong may yaring isa ang
mananahi. Nahahanda siyang ipagkaloob ito sa halagang tatlumpu’t dalawang
piso. Mas mababa ng apat na piso sa halaga ng prak. Ayaw niyang pagtubuan
si Kapitan Tiago sapagkat naging mabuting suki niya ito nang nabubuhay pa.
At ngayo’y magiging pintakasi pa niya. Ngunit tumutol si Padre Irene, ang
tagapamahala at tagapagpatupad ng hulíng habilin, sa dalawang mungkahi.
Iniutos niya na damitan ang bangkay ng alin mang damit na luma nito. Hindi
na napupuna ng Diyos ang damit na isinusuot.
Ang mga exequias ay naging napakaringal. Nagkaroon ng responso sa
bahay at mga daan. Tatlong prayle ang magkakatulong na tila ang isa ay hindi
pa sapat sa kaluluwang iyon. Ginawang lahat ang mga seremonya katulad ng
mga katangi-tanging palabas sa mga dulaan Maraming kamanyang ang sinunog,
maraming awit na Latin. Nagbendisyon ng agua bendita. Si Padre Irene ay nag-
alay ng isang awit “Dies Irae” sa kanyang kaibigan sa tinig na mas mataas sa
karaniwan. Nagkaroon ng paulit-ulit na pagtugtog ng plegarya—ang pagtugtog
ng kampana para sa patay—na naging sanhi ng pagsakit ng ulo ng mga tao
nang mga ilang araw.
Si Donya Patrocinio, ang dating katunggali ni Kapitan Tiago sa
pagkamasambahin, ay tunay na nagnasang mamatay na sana sa kinabukasan
upang makapagdaos din ng lalong napakaringal na exequias. Ang banal na
matanda ay hindi makapapayag na ang inaakala niyang katunggaling namatay
para manahimik na ay babangong muli sa gitna ng kasiyahang ito. Dahil dito,
ninanasa rin niyang mamatay at masaksihan ng mga tao ang seremonya sa
paglilibing sa kanya.
“Ganyan ang marunong mamatay, Donya Patrocinio!”

218
Juli
(Kabanata XXX)

(1)
Ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkabilanggo ni Basilio ay
madaling napabalita sa kanilang lalawigan. Dinamdam nang higit ng mga
mamamayan ng San Diego ang hulí. Maliban dito, wala na siláng pinag-
uusapan. Gaya nang inaasahan, iba’t ibang salaysay ang unti-unting kumalat.
Malulungkot at kakila-kilabot na pangyayari ang napadagdag. Ipinaliwanag
ang hindi nauunawaan. Pinupunan ng mga haka-haka ang mga kuwento.
Ang mga ito’y ipinalagay na mga tunay na nangyari, kayâ nasisindak silá sa
multong silá rin ang lumikha.
(2)
Sa bayan ng Tiani ay napabalita na ang pinakamagaang na hatol sa binata
ay ipatapon at marahil ipapatay sa paglalakbay. Ang mga matatakutin at ang
mga taong mapag-alaala sa mga mangyayari ay hindi pa rin nasiyahan dito.
Binanggit nila ang tungkol sa mga bibitayin at mga hukumang-militar. Ang
Enero ay masamang buwan. Ang pangyayari sa Kabite ay naganap sa buwan ng
Enero.At ang mga taong nasangkot, gayong mga pari pa ay binigti sa bibitayan.
Si Basilio pa kayâ na mahirap, walang kaibigan o tagapangalaga. . ?
(3)
“Sinabi ko na sa kanya,” ang buntunghininga ng hukom-tagapamayapa na
parang napayuhan niya si Basilio.
(4)
“Iyan talaga ang kasasapitan niya,” ang dagdag ni Hermana Penchang.
“Kapag pumapasok sa simbahan at nakita na marumi-rumi ang bendita ay
hindi na siya sasawak upang magkurus! Kung ano-ano ang sinasabing maliliit
na hayop at mga sakít. Mabuti nga sa kanya! Iyan ay parusa ng Diyos! Para
bang maaaring magkalat ng sakít ang agua bendita. Malayong-malayo ang
paghahakang iyan.”
(5)
Ibinalita niya kung paano siya gumaling sa di pagkakatunaw sa
pamamagitan ng pagbabasâ ng pusod niya ng agua bendita habang dinarasal
ang Sanctus Dues. Inirekomenda niya ang lunas na ito sa lahat ng mga
kaharap kung sakaling magkaroon ng iti o kabag o salot. Sa huli’y dapat
magdasal sa wikang Kastila:
Santo Dios,
Santo fuerte,
Santo immortal,
Libranaos Señor de la peste
Y de todo mal.
“Tiyak na gagaling kayo. Ngunit kailangang ipahid ang agua bendita sa
(6)

bahagi ng katawang masakit.”


(7)
Ngunit marami sa mga laláki ang hindi naniniwala sa mga bagay na
ito. Hindi nila ipinalagay na parusa ng Diyos ang pagkabilanggo ni Basilio.
Hindi rin nila pinaniwalaan ang paratang na paghihimagsik at mga paskin.

219
Kílala nila ang mag-aaral na ito sa pagiging pagkamatahimik at pagkamaingat.
Ipinalalagay nila na ang kanyang pagkabilanggo ay bunga ng paghihiganti
ng mga prayle dahil sa pagkakatubos sa pagpapaalila ni Juli, anak ng tulisang
mahigpit na kalaban ng isang malakas na korporasyon. Ang haka-hakang ito ang
pinakamakatwiran at makatarungan, sapagkat may masamâ siláng pagkakilala
sa kaasalan ng korporasyong iyon.
(8)
“Hindi akó nagkamali sa pagpapalayas sa kanya sa bahay ko!” ang wika
ni Hermana Penchang.“Ayokong maging kaaway ng mga prayle, kayâ pinilit ko
siyang humanap ng salaping pambayad ng utang niya sa akin.”
(9)
Ang totoo’y ikinagalit niya ang paglaya ni Juli. Ipinagdarasal at ipinag-
aayuno siya ni Juli. Kung nagtagal pa siya, maaaring magpenitensiya pa rin para
kay Hermana Penchang. Kung ang mga pari ay nagdarasal para sa mga tao at
si Kristo ay namatay para sa pagtubos sa ating mga kasalanan, bakit hindi ito
magagawa ni Juli para kay Hermana Penchang?
(10)
Nang umabot ang balita sa kubo ng kaawa-awang si Juli at ng kanyang
ingkong, kinailangang ulitin pa iyon sa dalaga. Nakatingin siya kay Hermana
Bali na siyang naghatid ng balita na parang walang nauunawaan sa sinasabi
nito. Litong-lito ang dalaga. May umuugong sa kanyang tainga. May mabigat
sa kanyang dibdib. Kinutuban siya na ang pangyayaring ito ang magwawasak
ng kanyang kinabukasan. Gayunman, hindi siya nawalan ng pag-asa. Ngumiti
siya. Sinabi niya kay Hermana Bali na alam niya na iyon ay isang biro lámang,
kayâ sabihin lang niya’y patatawarin siya ni Juli. Ngunit nagkurus ng kanyang
hintuturo’t hinlalaki si Hermana Bali at hinagkan si Juli, upang patunayan
na siya’y nagsasabi ng totoo. Nawala ang ngiti sa labì ng dalaga. Namutla
siya, putlang-putla. Naramdaman niyang nawalan siya ng lakas. At sa unang
pagkakataon sa kanyang búhay ay nawalan siya ng malay-tao.
(11)
Nang pagsaulan ng malay ang dalaga, matapos sampalin, kurutin,
wisikan ng malamig na tubig, gamitan ng kurus at palaspas na bendita
noong Linggo de Pascua, napagkuro niya ang kanyang kalagayan. Bumalong
sa kanyang mga mata ang mga luha, walang hikbi, walang daing, at walang
panaghoy. Nagunita niya si Basilio. Wala na siyang tagapagtangkilik maliban
kay Kapitan Tiago. At ngayong patay na iyon, lubusang walang kalaban-laban
sa bilangguan si Basilio, sapagkat sa Pilipinas, kinakailangang magkaroon
ka ng padrino o tagapagtangkilik sa lahat ng bagay, mula sa pagbibinyag
hanggang kamatayan, maging sa pagkuha ng katibayan sa paglalakbay,
pagtatayo ng negosyo o pagkakamit ng katarungan.At sapagkat sinasabing ang
pagkabilanggo ni Basilio ay isang paghihiganti sa kanya at kanyang ama, ang
kalungkutan ni Juli ay umabot sa kawalang pag-asa. Ngayon ay siya naman ang
dapat kumilos upang matubos ang binata katulad ng ginawa niyong pagtubos
sa kanya sa pagpapaalila. Isang tinig ang nag-udyok sa kanya.At nailarawan niya
sa kanyang guniguni ang isang kakila-kilabot na paraan.
(12)
Si Padre Camorra, ang kura paroko!

220
(13)
Nakadama ng matinding kalungkutan si Juli. Dahil sa pagkakasala ng
kanyang ama, dinakip ang kanyang ingkong, sa pag-asang kusang susuko si
Kabesang Tales. Si Padre Camorra lámang ang nakatulong upang mapalaya si
Tandang Selo. Ngunit si Padre Camorra ay hindi nasisiyahan sa pasasalamat
lámang. At gaya ng ugali niyang tahasan kung magsalita, humingi siya sa dalaga
ng kapalit na pagpapakasakit. Mula noon, iniiwasan na ni Juli na makatagpo
ang prayle, ngunit kapag silá ay nagkakasalubong, pinahahalik siya sa kamay
habang kumikindat na nanunudyo at tumatawa, hinihipo sa ilong sa pisngi,
at kukurutin siyang muli. Si Juli ang sanhi ng pagbugbog ng matabang kura sa
ilang mga binata na naglilibot at nananapatan sa mga dalaga. Kapag siya’y
nagdaraan na kimi at walang kibo, ang mga mapaghinala ay magpaparinig sa
kanya.
(14)
“Kung iibigin niya, magagawa niyang makahingi ng kapatawaran para
kay Kabesang Tales!”
(15)
At uuwi siya ng bahay na walang kapag-a-pag-asa.
(16)
Ngayon, higit ang kanyang pagbabago. Nawala ang kanyang sigla. Hindi
na siya nakikitang ngumingiti. Bahagya na siyang magsalita. Tila natatakot na
makita pati ang kanyang sarili sa salamin. Isang araw, nakita siya sa bayan na
may bahid ng uling sa kanyang noo, gayong ang dalaga ay laging malinis at
masinop sa katawan. Minsan ay naitanong niya kay Hermana Bali kung ang
nagpapatiwakal ay napupunta sa impiyerno.
(17)
“Walang duda!” ang biglang tugon ng babae at inilarawan niya ang
impiyerno kay Juli na parang nakapunta na ito roon.
(18)
Nang mabilanggo si Basilio, ang mga maaawaing kamag-anak niya ay
nangakong gagawin ang lahat ng makakaya upang mailigtas ang binata. Ngunit
bahagya na silang makalikom ng piso. Gaya rin ng dati, si Hermana Bali ang
nakaisip ng pinakamagandang paraan.
(19)
“Ang dapat nating gawin ay humingi ng payo sa kawani,” ang sabi niya.
(20)
Sa mahihirap na taong bayan, ang kawani sa tribunal ay siyang orakulo
ng Delfos ng matatandang Griyego.
(21)
“Bigyan mo ng sikapat at isang tabako,” ang dugtong niya,“at sasabihin
niya sa iyo ang lahat ng batas hanggang lumaki ang ulo mo sa pakikinig.
Kung may piso ka, maililigtas ka niya sa paanan ng bibitayan. Nang mapasok
sa bilangguan at hagupitin ng palo ang kapitbahay kong si Simon dahil sa
wala siyang maipahayag tungkol sa nakawang nangyari na malápit sa bahay
niya, nailabas siya ng kawani sa halagang kalahati’t sikolo at isang bungkos
na bawang. At nakita ko si Simon na bahagya nang makalakad at naratay nang
higit sa isang buwan. Nabulok ang kanyang puwitan sa pagpalo. Namatay rin
ang kahabag-habag.”
(22)
Tinanggap ang payo ni Hermana Bali at siya na rin ang sumangguni sa
kawani. Binigyan siya ni Juli ng sansalapi at dinagdagan pa ng ilang pirasong
tapang usang napangaso ng ingkong niya.

221
(23)
Ngunit walang nagawa
ang kawani. Ang bilanggo ay nása
Alam Mo Ba?
Maynila. Hindi iyon saklaw ng
Justice delayed, justice denied—Ang kanyang kapangyarihan.
pagpapaliban sa hustisya ay pagkakait ng
(24)
“Kung nása kabisera pa
hustisya. siya, bakâ . . .” ang sabi niya na
ipinagpaparangya ang kanyang
káya.
(25)
Batid ng kawani na ang kanyang kapangyarihan ay hindi lumalampas sa
hangganan ng Tiani. Ngunit kailangang huwag masira ang pananalig sa kanya,
makuha niya ang pananalig ng kausap, gayundin makuha niya ang tapang usa.
(26)
“Ngunit mabibigyan ko kayo ng mabuting payo,” ang dugtong niya.
“Pumunta kayo sa hukom tagapamayapa, ngunit kailangang kasáma ninyo si
Juli.”
(27)
May kagaspangan ang pag-uugali ng hukom tagapamayapa. Ngunit
maaaring makiharap ito nang mabuti kapag nakita si Juli.Tama nga naman ang
kawani.
(28)
Matamang pinakinggan ng hukom si Hermana Bali na siyang taga-
pagsalita. Ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap kay Juli na nakayuko at
hiyang-hiya. Sasabihin ng mga tao na labis ang pagmamalasakit niya kay Basilio,
ngunit hindi nila naalaala ang utang na loob niya sa binata at ang balita na
siya’y nabilanggo nang dahilan sa kanya.
(29)
Matapos dumighay nang makaitlo o maka-apat na ulit, na siyang
nakayayamot na asal ng hukom, sinabi niya na si Padre Camorra lámang ang
tanging makapagliligtas kay Basilio, kung iibigin niya. At tumingin siya nang
makahulugan kay Juli. Pinagpayuhan niya ang dalaga na makipagkita sa kura
paroko.
(30)
“Alam mo na siya’y makapangyarihan. Siya ang nagpalabas sa iyong
ingkong sa bilangguan. Sapat na ang isang salita niya upang ipatapon ang isang
sanggol na bagong panganak at mailigtas sa kamatayan ang isang taong may
silo sa kanyang leeg.”
(31)
Hindi umimik si Juli. Ngunit sumang-ayon si Hermana Bali sa payo ng
hukom na parang nabása niya sa isang aklat-dasalan. Handa siyang samahan
ito sa kumbento. Inaasahan rin lámang niya ang isang kalmeng kapalit ng
halagang sansalapi.
(32)
Ngunit umiling si Juli at tumangging magtungo sa kumbento. Batid ni
Hermana Bali ang sanhi ng pag-aatubili ni Juli. Si Padre Camorra ay tinaguriang
isang kabayong lubhang malikot. Pinayapa niya ang pangamba ng dalaga.
(33)
“Wala kang dapat alalahanin,” ang sabi niya. “Kasáma mo naman akó.
Hindi mo ba nabása sa munting aklat ni Tandang Basyo na ibinigay ng kura,
na ang mga dalaga ay nararapat tumungo sa kumbento kahit hindi nalalaman
ng kanilang mga magulang, upang maibalita ang nangyayari sa kanilang mga

222
tahanan? Abá! Inilimbag ang munting aklat na iyan nang may pahintulot ng
arsobispo.”
(34)
Nais na ni Juling maputol ang pag-uusap na iyon. Nagmakaawa siya sa
madasaling manang na siya na lámang ang tumungo sa kumbento kung iyon
ang kanyang kagustuhan. Ngunit ang hukom ay muling sumagot pagkatapos
na dumighay, na ang samo ng isang dalaga ay mas nakaaakit kaysa sa isang
matanda. Masaganang idinidilig ng langit ang kanyang hamog sa mga sariwang
bulaklak kaysa sa mga tuyot. Ang talinghaga’y naging isang magandang
kahalayan.
(35)
Hindi sumagot si Juli at nanaog na ang dalawang babae. Habang nása
daan na silá, nagmatigas na tumanggi ang dalaga na pumaroon sa kumbento,
kaya’t umuwi na silá sa kanilang nayon. Sumamâ ang loob ni Hermana Bali
dahil sa kawalan ng tiwala ng dalaga sa kanya. Bilang pagganti, binigyan ang
dalaga ng isang mahabang sermon.
(36)
Ang totoo’y hindi magagawa ng dalaga ang bagay na iyon nang hindi
mapapahamak ang kanyang sarili, nang hindi susumpain ng mga tao at ng Diyos.
Makailan nang sinabi sa kanya, na may katwiran man o wala, na kung siya’y
magpapakasakit ay patatawarin ang kanyang ama. Ngunit hindi siya pumayag,
kahit isinisigaw ng kanyang budhi ang kanyang pagkakautang sa magulang.
At ngayon, gagawin ba niya iyon para kay Basilio, na kanyang kasintahan?
Magiging tampulan siya ng pagkutya ng lahat. Kasusuklaman siya ni Basilio.
Hindi niya magagawa iyon, hinding-hindi. Magbibigti na muna siya o tatalon sa
isang bangin. Kahit na ano ang gawin ay sinumpa na siyang masamang anak.
(37)
Tiniis pa rin ng kaawa-awang si Juli ang mga paratang ng kanyang
mga kamag-anak. Hindi nila nababatid ang namamagitan sa kanya at kay Padre
Camorra. Pinagtatawanan nila ang kanyang pagkatakot. Maiibigan ba ni Padre
Camorra ang isang tagabukid gayong marami naman sa bayan? At tinukoy
ang mga babae, ang mga dalagang magaganda’t mayayaman na ipinalalagay
na nagkaroon ng gayon at ganitong kasawian. At samantala’y kung barilin si
Basilio?
(38)
Tinakpan ni Juli ng kanyang mga kamay ang kanyang tainga. Nagpalinga-
linga siya na wari’y naghahanap ng isang tinig na magsasalita para sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang ingkong. Ngunit ang nuno ay pipi at nakatitig
nang mabuti sa kanyang sibat na gamit sa pangangaso.
(39)
Bahagya na siyang nakatulog nang gabing iyon. Mga panaginip at mga
bungangtulog na malulungkot at kakila-kilabot ang gumambala sa kanyang
pagtulog. At nagising siya na pinagpapawisan nang malamig. Akala niya’y
nakarinig siya ng mga putok. Parang nakita niya ang kanyang amang nagpapala
sa kanya, na nakikipaglaban sa kagubatan, tinutugis na parang isang mabangis
na hayop, sapagkat nag-aatubili siyang iligtas ito. Ang larawan ng kanyang ama
ay nahalinhan ng kay Basilio na nag-aagaw-buhay at nakatingin sa kanya na
nanunumbat.Ang sawimpalad na dalaga ay bumabangon, nagdarasal, lumuluha,

223
tinatawag ang kanyang ina, ang kamatayan, at minsan, dahil sa matinding
pagkasindak, kung hindi lámang gabi noon, ay tumatakbo na sanang tuloy-
tuloy sa kumbento. Mangyari na ang mangyayari.
(40)
Sumapit ang kinabukasan.
Ang malulungkot na guniguni at
Alam Mo Ba?
nakakatakot na anino ay nawala nang
Bangungot—Maaaring tawag dito bahagya. Ang liwanag ay naghatid sa
ay sleep paralysis kung saan ay hindi kanya ng pag-asa, ipinasiya niyang
makagalaw ang tao sa pagkakatulog dahil magpakasakit pagsapit ng umaga at
sa masamang panaginip. pagkatapos, magpakamatay o kahit
anong paraan, maiwasan lámang ang
ganoong paghihirap.
(41)
Ngunit ang pagbubukang-liwayway ay muling nagbigay sa kanya ng pag-
asa. Hindi nanaog ng bahay o nagsimba si Juli. Natatakot siyang mapahinuhod.
(42)
At nagdaan ang maraming araw ng kawalang pag-asa, nagdarasal,
tumatawag sa Diyos, at hinahangad ang kamatayan, kapag sumasapit ang umaga,
nakadarama siya ng pansamantalang kapayapaan. Naniniwala pa rin si Juli sa
mga himala. Ang mga balita mula sa Maynila, bagaman may dagdag na, ang
nagsasabi na ilan sa mga bilanggo ang nakalaya na sa pamamagitan ng tulong
ng tagapagtanggol at ng mga kai-kabigan. Ngunit kailangang ipagpakasakit ang
isa. Sino? Nangatal si Juli. At umuwi ng bahay na kinakagat ang mga kuko ng
mga daliri. At sumapit ang gabi. Nag-ibayo ang kanyang pagkatakot, na parang
nauuwi sa katotohanan. Kinatatakutan niya ang pagtulog. Ang kanyang mga
panaginip ay walang katapusang bangungot. Mga nanunumbat na tingin ang
naglalagos sa kanyang balintataw sa sandaling pumikit siya. Mga pagtutol at
pagdaing ang umuukilkil sa kanyang mga tainga. Nakita niya ang kanyang
amang palaboy-laboy, nagugutom, at walang pahinga. Nakita niya si Basilio sa
daan, nag-aagaw-búhay, may tama ng dalawang punlo, katulad nang makita niya
ang isang kapitbahay na kinuha ng mga guardia civil. Nakita niya ang mga
taling bumaon sa laman, ang dugong lumabas sa bibig at narinig si Basilio na
tumatangis,“Iligtas mo akó! Iligtas mo akó! Ikaw lámang ang makapaliligtas sa
akin!” Mag-uumugong pagkatapos ang isang halakhak at nang ibaling niya ang
kanyang paningin ay nakita niya ang kanyang ama. Nakatingin ito sa kanya na
wari’y nanunumbat.At magigising si Juli, babangon sa kanyang banig, hahawiin
ng mga kamay ang buhok. Mula sa kanyang noo nama’y malamig na pawis,
sinlamig ng pawis ng kamatayan ang nakababasâ sa kanya.At tinawag niya ang
kanyang ina.
(43)
“Ina, ina!” ang taghoy niya.
(44)
Samantala, yaong mga nagpapasiya ng kapalaran ng buong bayan,
ang nakapag-uutos ng makatwirang pagpatay, sumisira ng katarungan,
kinakasangkapan ang batas upang maging makapangyarihan ay mapayapang
nahihimbing.

224
(45)
Sa wakas, dumating ang isang manlalakbay mula sa Maynila. Ibinalita
niya na lahat ng mga bilanggo ay napalaya na maliban kay Basilio na walang
tagapagtanggol. Nabalita sa Maynila, ang dagdag pa niya, na ipatatapon ang
binata sa Carolinas. Pinalagda muna siya sa isang kahilingan na ang gayon ay
kagustuhan niya. At nakita pa ng manlalakbay ang bapor na magdadala kay
Basilio.
(46)
Ang balitang iyon ang nagwakas sa pag-aatubili ni Juli. Bukod dito, ang
mga gabing ipinagpuyat niya at ang mga kakila-kilabot na mga panaginip ay
nakapagpahina ng kanyang pasiya. Namumutla at parang walang nakikita,
hinanap niya si Hermana Bali. Sinabi niya sa matandang babae na handa na
siya. Ang tinig niya ang nakapagpatigatig sa babae. Sasamahan kayâ siya ni
Hermana Bali?
(47)
Nasiyahan si Hermana Bali. Pinayapa niya ang kalooban ng dalaga,
ngunit hindi siya pinakinggan, at tila nagmamadali upang makarating sa
kumbento. Nag-ayos nang mabuti si Juli. Isinuot niya ang pinakamagandang
damit at tila masiglang-masigla. Nagsasalita, ngunit di naman nagkakaugnay-
ugnay ang sinasabi.
(48)
Lumakad na silá. Nauuna si Juli. Naiinip siya kapag nahuhuli ang kasáma.
Ngunit nang nalalapit na silá sa bayan, pinanghihinaan na siya ng loob. Hindi
na siya umiimik. Bumagal ang kanyang paglakad hanggang siya’y naiwan sa
likuran. Pinilit siya ni Hermana Bali na magpatuloy.
(49)
“Gagabihin táyo!”
(50)
Sumunod si Juli, namumutla, at di-nangahas na itaas ang mukha na ang
mata’y nakatuon sa ibaba. Pakiramdam niya’y tinitingnan siya ng buong daigdig
at itinuturo siya. Isang mahalay na pangalan ang naririnig niya, ngunit nagbingi-
bingihan siya at nagpatuloy. Gayunman, nang makita na ang kumbento, ang
dalaga ay napahinto at nagsimulang mangatal.
(51)
“Bumalik na táyo!” ang samo niya at pinigilan si Hermana Bali.
(52)
Kinailangan niyang hawakan sa bisig si Juli at hatakin ito. Pinayapa niya
ang dalaga at ipinaalaala ang nakasulat sa aklat ng mga prayle. Hindi niya iiwan
si Juli. Walang dapat ikatakot si Juli. Si Padre Camorra ay may ibang nasasaisip.
Si Juli ay isang tagabukid lámang.
(53)
Ngunit nang dumating silá sa pintuan ng kumbento, nagmatigas si Juli.
Ayaw niyang pumasok. Kumapit siya sa pader.
(54)
“Huwag! Huwag!” ang samo niya na nahihintakutan. “Huwag! Maawa
kayo sa akin!”
(55)
“Napakahangal mo!”
(56)
Hinatak siya nang marahan ni Hermana Bali. Ngunit tumutol si Juli.
Di mailarawan at maputlang-maputla ang kanyang mukha. Nakatingin siya na
parang nakikita ang nakaambang kamatayan.
(57)
“Sige! Bumalik ka kung ayaw mo!” ang bulalas ni Hermana Bali. Hindi
naniniwala ang babae na may anumang kapahamakang mangyayari. Kahit na

225
may masamang pag-uugali si Padre Camorra, hindi ito mangangahas sa harap
niya.
(58)
“Sige! Bayaan mong ipatapon ang kaawa-awang si Basilio. Bayaan mong
barilin siya sa daan at sabihing nagtangkang tumakas,” ang dugtong pa niya.
“Kapag patay na siya, sakâ ka magsisisi. Sa ganang akin, wala akong utang na
loob sa kanya. Wala siyang maisusumbat sa akin.”
(59)
Ang gayong sinabi ay mariing dagok sa kanya. Sa harap ng gayong
panunumbat, ipinikit ni Juli ang kanyang mga mata upang huwag makita
ang banging susuungin. Nagngingitngit, at walang pag-asang tulad ng
isang magpapakamatay, nagpasiyang pumasok ng kumbento si Juli. Isang
buntunghininga na wari’y isang pagnginig ang namulas sa kanyang labì.
Sinundan siya ni Hermana Bali at binigyan ng mga paalaala.
(60)
Nang gabing iyon, maraming bulong-bulungan tungkol sa mga
pangyayaring naganap nang hapong iyon. Isang dalaga ang tumalon mula sa
bintana ng kumbento. Bumagsak ito sa mga bato at namatay. Halos kasabay
noon, isang babae ang lumabas sa lansangan na nagsisisigaw at nagtititiling
parang isang baliw. Ang maingat na tagaroon ay hindi nangahas bumanggit ng
mga pangalan ng dalawang babae. Maraming ina ang nangurot ng kanilang mga
anak dahil sa nakapagbitiw ng mga salitang makaliligalig sa kanila. Pagkaraan
noon, nang magtatakipsilim na, isang matandang laláki na gáling sa isang nayon
ang tumutuktok sa pinto ng kumbento na nakapinid at natatanuran ng mga
katulong ng kura. Sinuntok niya ang pinto ng kanyang kamao, ng kanyang ulo,
umiyak, at nanangis na tulad ng sa isang pipi, hanggang sa itinulak, pinalo, at
ipinagtabuyan ang matanda. Pagkatapos tumungo ang matanda sa bahay ng
gobernadorsilyo. Ngunit wala ang gobernadorsilyo at nása kumbento. Nagtuloy
siya sa bahay ng hukom-tagapamayapa, ngunit ito’y wala rin. Ipinatawag daw
sa kumbento. Nagtuloy naman siya sa tenyente mayor, ngunit nása kumbento
rin. Nagtungo rin siya sa kuwartel, ngunit ang guardia civil ay nása kumbento
rin. Sa gayun bumalik sa nayon ang matanda na parang isang batà.Ang kanyang
panaghoy at naririnig sa katahimikan ng gabi. Napakagat-labì ang mga laláki.
Napadaop-kamay ang mga babae. Ang mga asong nangatatakot ay umuwi
ng kani-kanilang mga bahay na iniwawagwag ang mga buntot sa pagitan ng
kanilang mga paa.
(61)
“O Diyos ko!” ang dasal ng isang babaing namamayat sa kakukulasyon.
“Sa harap mo po’y walang mayaman,walang mahirap, walang puti o itim.
Bigyan mo po kami ng katarungan!”
(62)
“Oo,” ang sagot ng asawa. “Kung ang kanilang Diyos na ipinangangaral
ay hindi gawa-gawa lámang, isang panlilinlang. Silá ang unang-unang hindi
naniniwala sa Kanya!”
(63)
Nang mag-iikawalo na ng gabi, pitong prayle mula sa mga karatig na
bayan ang nagpupulong daw sa kumbento. Kinabukasan, si Tandang Selo ay
tuluyan nang umalis sa nayon na dalá ang kanyang sibat sa pangangaso.

226
Ang Mataas na Kawani
(Kabanata XXXI)
Ang pahayagan sa Maynila ay abalá sa paglalathala ng isang kahindik-
hindik na patayan sa Europa, sa pagpuri at pagbibigay karangalan sa mga
predikador sa lunsod, at sa lalo pang pag-ani ng tagumpay ng operetang Pranses.
Dahil dito, halos di makuhang maglathala ng tungkol sa pangungulimbat at
panggugulo sa lalawigan ng isang pangkat ng mga tulisang pinamumunuan ng
isang kakila-kilabot at mabangis na pinunong kilalá sa taguring Matanglawin.
Ngunit kung ang napinsala ay isang prayle o Kastila, mahahabang lathalaing
naglalarawan ng kakila-kilabot na pangyayari ang lalabas, kayâ hihingin nang
sapilitan ang pagpapahayag ng tinatawag na estado de sitio at mabibisang
hakbang sa pagsugpo ng kaguluhan. Hindi nailathala sa mga pahayagan ang
nangyari sa bayan ng Tiani. Hindi rin nagkaroon ng usap-usapan tungkol
dito. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa piling umpukan ngunit ang lahat ay
walang katiyakan, pawang kaguluhan, paiba-iba kayâ kahit na ang pangalan
ng nasawi ay hindi nabatid. At ang mga nagkaroon ng malaking pagkawili
sa pangyayaring ito ay madaling nakalimot sa pag-aakalang nagkaroon ng
pakikipag-ayos sa kamag-anakan ng
nasawi. Ang tanging tiyak lámang Alam Mo Ba?
ay ang paglisan ni Padre Camorra sa
Tiani upang malipat ng ibang bayan Lawin—(hawk) isang ibong mandaragit
o mamalagi munang pansamantala (bird of prey) na may matalas na paningin
sa kumbento ng kanilang orden sa at kuko na tulad ng agila.
Maynila.
“Kaawa-awang Padre Camorra!” ang bulalas ni Ben Zayb na nag-aanyong
may magandang loob. “Siya ay isang taong masaya. Siya ay may mabuting
kalooban.”
Totoong nakalaya na ang mga mag-aaral. Salamat sa pagsusumikap ng
kanilang mga magulang na hindi inalintana ang magugugol na mga handog
at mga paghihirap.At gaya ng inaasahan, ang unang nakalabas ay si Makaraig at
ang huli’y si Isagani, sapagkat kinailangan ni Padre Florentino ang isang linggo
bago makarating sa Maynila. Dahil sa di mabilang na pinatawad, napabantog
ang heneral sa pagiging matulungin at mahabagin. Dali-dali namang idinagdag
ni Ben Zayb ang mga katangiang ito sa talaan ng mga papuri niya sa kanyang
kamahalan.
Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si Basilio. Pinaratangan
pa siyang nag-iingat ng mga ipinagbabawal na mga aklat. Hindi matiyak kung
ang tinutukoy ay ang Medicina Legal y Toxicologia ni Dr. Mata o ang ilang
polyetong natagpuan sa kanyang silid na may kinalaman sa Pilipinas o lihim na
nagbibili ng mga aklat na bawal. Nabuhos na lahat sa kulang-palad na si Basilio
ang bigat ng katarungan.

227
Sinasabing may nakapagpayo sa heneral na: “Kinakailangan pang may
maiwang isa sa bilangguan upang mapanatili ang karangalan ng mga
namumuno. At kung hindi, maaaring masabi na gumawa táyo na katakot-takot
na ingay gayong wala namang anumang nangyari. Kapangyarihan muna bago
ang lahat. Kailangang may maiwan.”
“May isang naiwan na ayon kay Padre Irene ay dating utusán ni Kapitan
Tiago. Walang maghahabol sa kanya.”
“Isang katulong at isang mag-aaral!” ang bulalas ng kapitan heneral.“Kung
gayon, iyan na ang maiwan.”
“Ipagpatawad po ng kanyang kamahalan,” ang puna ng mataas na kawaning
nagkataon ay naroon. “May nakapagsabi sa akin na ang binatang ito ay isang
mag-aaral ng medisina at pinupuring mabuti ng kanyang guro. Kung mananatili
siya sa bilangguan, masasayang naman ang isang taon. Ngayon pa naman ang
hulíng taon niya.”
Ang pakikialam ng mataas na kawani para kay Basilio ay nakasamâ sa halip
na nakabuti. Matagal nang may iringan ang mataas na kawani at ang kanyang
kamahalan—di mabuting pagsasamahan at pagkakaunawaan na pinalalâ ng
mga di kanais-nais na bulong-bulungan. Palibak na ngumiti ang kanyang
kamahalan at sumagot.
“Siyanga ba? Kung gayon, lalong dapat siyang maiwan sa bilangguan. Ang
isa pang taon ng pag-aaral ay di makasasamâ sa kanya, sa halip ay makabubuti
pa sa kanya at lahat na kanyang mapaglilingkuran. Ang labis na pagsasanay ay
hindi nakapagpapásamâ sa isang manggagamot. Lalo pa siyang dapat maiwan!
At pagkatapos,” ang dagdag ng kanyang kamahalan na pakutyang tumawa,
“sasabihin ng mga di-nasisiyahang repormista na di natin pinangangalagaan
ang ating bansa.”
Napaghulo ng mataas na kawani ang kanyang pagkakamali. Lalo pa siyang
naging masigasig sa pagmamalasakit kay Basilio.
“Ngunit sa aking palagay ang binatang iyon ang walang kasalanan sa lahat,”
ang maingat na pagtutol ng kawani.
“Nakasamâ ang mga aklat sa kanya,” ang pakli ng kalihim.
“Oo nga, mga aklat ng medisina at mga polyetong sinulat ng mga Kastila,
na ang mga pahina’y hindi pa nagugupit. Ano ang ibig sabihin nito? Bukod
dito, ang binata ay wala sa piging sa pansiterya ng Intsik at hindi nakialam sa
kahit anuman. Gaya ng sabi ko, siya ang walang kasalanan sa lahat.”
“Lalong mabuti!” ang masiglang bulalas ng kanyang kamahalan. “Sa
ganyang paraan ang kaparusahan ay magiging makabuluhan. At pagbabala
upang katakutan ng iba. Ganyan ang paraan ng pamamahala, mahal kong
kaibigan. Madalas ipinagpapakasakit ang kabutihan ng isa para sa kabutihan
ng nakararami. Ngunit higit pa riyan ang aking ginagawa. Sa kagalingan ng isa
ay natatamo ko ang kagalingan ng lahat. Napapanatili ko ang nanganganib na
batas ng kapangyarihan. Naitataas at napaparangalan ko ang karangalan ng

228
pamahalaan Sa ginagawa kong ito, naitutuwid ko ang kamalian ng ating mga
pinunò at ng iba.”
Gayon na lámang ang pagtitimpi ng mataas na kawani. Hindi niya pinansin
ang mga pasaring ng heneral at umisip siya ng ibang kaparaanan.
“Ngunit hindi ba natatakot ang inyong kamahalan na mapagbintangan?”
“Ano ang ikatatakot ko?” ang
nayayamot na sabad ng heneral. Alam Mo Ba?
“Hindi ba ako’y may kapangyarihang
magpasiya? Hindi ko ba magagawa Powerplay—pag-abuso sa kapangyarihan
ang naisin ko para sa ikabubuti ng ng mga nása puwesto.
pamahalaan ng kapuluang ito? Ano
ang dapat kong ikatakot? Maaari ba
akong usigin sa hukuman ng isang alila at pananagutin? Hindi maaari! At kahit
na may magagawa siya, kinakailangan niyang magdaan pa muna sa Ministerio
at ang ministro ay…”
Napakumpas ito ng kamay at bumulalas ng tawa.
“Ang demonyo lámang ang nakaaalam kung nasaan ngayon ang ministrong
humirang sa akin. Lubha niyang ikararangal ang bumati sa akin kung ako’y
bumalik. Hindi ko iniintindi ang kasalukuyang ministro.Tatangayin din siya ng
demonyo.At ang papalit sa kanya ay magiging abaláng-abalá naman sa kanyang
bagong tungkulin at hindi magkakaroon ng panahon para sa maliliit na bagay.
Ang aking budhi, ginoo, ang aking tagasubaybay. Gumagawa akó ayon sa
iniuutos ng aking budhi. Malinis ang aking budhi. At hindi ko pinapansin ang
sasabihin ng sinuman. Ang aking budhi, ginoo, ang aking budhi!”
“Tunay nga po, heneral, ngunit ang bayan…”
“Ano ang dapat kong gawin sa bayan? May pananagutan ba akó rito? Utang
ko ba sa bayan ang aking tungkulin? Siya ba ang naghalal sa akin?”
Namayani ang sandaling katahimikan. Ang mataas na kawani ay tumayong
nakayuko. At nang tila nakapagpasiya na ay nagtaas ng ulo, tumitig sa heneral
at namumutla na wari’y nangangatal, at pigil na pigil na nagwika:
“Hindi iyan ang mahalaga, heneral, hindi lubhang mahalaga. Ang inyong
kamahalan ay hindi hinirang ng sambayang Pilipino kundi ng Espanya. Ito’y isa
pang dahilan kung bakit dapat ninyong tingnang mabuti ang mga Pilipino upang
huwag maparatangan ang Espanya. Opo, heneral, lalong dapat pagpakitaan
nang mabuti! Ang inyong kamahalan ay nangako sa inyong pagdating na
mamamahala nang may katarungan, magsisikap para sa ikabubuti…”
“At hindi ba iyan ang ginagawa ko?” ang tanong ng kanyang kamahalan
na lubhang nayayamot na at humakbang pa na palapit sa kausap. “Hindi ba
sinabi ko sa iyo na natatamo ang kagalingan ng lahat sa kagalingan ng isa? Akó
ba’y tuturuan ninyo sa aking tungkulin? Kasalanan ko ba kung hindi ninyo
maunawaan ang aking ginagawa? Pinipilit ko ba kayong makihati sa aking
pananagutan?”

229
“Hindi nga po,” ang matigas na sagot ng mataas na kawani. “Ang inyong
kamahalan ay hindi namimilit at hindi mapipilit na makibahagi sa kanyang
pananagutan. May sarili akong pagkaunawa sa aking pananagutan at sasabihin
ko ang mga ito. Matagal na panahon din akong nagsawalang-kibo. Ang inyong
kamahalan ay hindi dapat magpamalas ng ganyan, sapagkat hindi dahil sa
ako’y naparito na may hawak ng gayon at ganitong tungkulin ay isusuko ko
na ang aking mga karapatan at magmimistulang alipin na walang tinig, ni
karangalan. Ayaw kong mawala sa Espanya ang magandang lupaing ito, ang
mga nasasakop na walong milyong mamamayang masunurin at matiisin, na
nabubuhay sa kanilang pag-asa at mga kabiguan. Ayaw ko ring dungisan ang
aking kamay sa pamamagitan ng di-makataong pagsasamantala sa kanila. Ayaw
kong masabi kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili ng mga
alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa nito, na ang panakip ay
ang kanyang bandila at pinaunlad pa sa pamamagitan ng kapisanan. Hindi!
Ang Espanya ay hindi kailangang maging mapaniil upang maging dakila! Ang
Espanya ay makatatayo nang mag-isa. Lalo pang dakila ang Espanya noong wala
pa itong nasasakop kundi ang sariling lupaing naagaw nito sa mga Moro. Akó
ma’y Kastila rin. Ngunit bago ang pagka-Kastila, akó ay isang tao at sa ibabaw
ng lahat, ang Espanya ay may sariling karangalan, matatayog na simulain ng
kagandahang-asal, at walang kupas na simulain ng katarungan! Nagulat
kayo na ako’y mag-isip nang gayon, sapagkat hindi ninyo nauunawaan ang
kadakilaan ng pangalang Kastila. Hinding-hindi! Iniuugnay ninyo ito sa mga
tao, sa mga pag-aari. Sa ganang inyo, ang Kastila ay maaaring maging pirata,
mamamatay-tao, mapagbalatkayo, taksil, o kahit ano, huwag lámang mawala ang
kanyang pag-aari. Ngunit sa ganang akin, dapat na handang iwaksi ng Kastila
ang lahat, ang nasasakop, kapangyarihan, kayamanan, at sa lahat na, huwag
lámang ang karangalan! Ginoo, nasusuklam táyo kapag ang kapangyarihan
ay nangingibabaw sa katwiran, ngunit sa katotohanan, pinupuri natin ang
paggamit ng kapangyarihang nagbabalatkayong baluktutin ang katwiran upang
magtagumpay. Mahal ko ang Espanya, kayâ ako’y nagsasalita ngayon. Hindi akó
nababahala kung magalit kayo. Hindi ko nais na sa hinaharap ay maparatangan
siyang ina-inahan ng mga bansa, maninipsip ng dugo ng mga tao, mananakop
ng maliliit na pulo! Iyan ay kakila-kilabot na pagyurak sa mararangal na
adhikain ng ating mga unang hari. Paano táyo makatutupad sa kanilang banal
na habilin? Pinangakuan nila ang mga pulóng ito ng pagkalinga at katarungan,
ngunit pinaglaruan natin ang kanilang búhay at kalayaan. Pinangakuan silá
ng kabihasnan ngunit pinagkaitan natin sa tákot na bakâ maghangad ang
mga katutubo ng lalong marangal na kalagayan sa buhay. Pinangakuan silá ng
liwanag, ngunit nilagyan natin ng piring ang kanilang mga mata, upang huwag
makita ang ating mga kalaswaan. Pinangakuan siláng tuturuan ng kabaitan,
ngunit pinalago natin ang kanilang masasamang hilig. Sa halip na kapayapaan,
kaunlaran, at karunungan, namayani ang kaligaligan at pag-aalinlangan.
Ang pangangalakal ay namamatay. Nawawalan ng pananalig ang mga taong
230
bayan. Lumagay táyo sa kalagayan ng mga Pilipino. Itanong natin sa ating sarili
kung ano ang ating gagawin. A! sa inyong di pag-imik ay nababasa ko ang
kanilang karapatang maghimagsik. Kapag hindi nagbago ang pamamalakad,
maghihimagsik silá balang araw.Ang katarungan ay malalagay sa kanilang panig,
kasáma na ang pagsang-ayon ng mga mararangal na tao at ng mga bayani sa
buong daigdig. Kapag ipinagkait sa isang bayan ang liwanag, ang mga tahanan,
ang pag-aaral, kalayaan, katarungan, mga biyayang kung wala ay hindi maaaring
mabuhay, na siyang pamana sa sangkatauhan, ang bayan ay may karapatang
ituring ang sinumang mapagsamantala sa kanila na magnanakaw na humarang
sa daan. Walang ibibigay na pagtatangi o pagkakaiba. Iisa ang kasalanan, ang
kalapastanganan ng mga karapatan. Ang sinumang taong hindi kumampi sa
pinaslang ay kasabwat at dinudungisan ang sariling budhi. Hindi akó isang
militar. Namamatay na ang kaunting apoy na nag-aalab sa aking dugo. Ngunit
mamatamisin kong magkagutay-gutay ang aking katawan, maipagtanggol ko
lámang ang karangalan ng Espanya laban sa mga dayuhang mananakop o laban
sa walang katarungang paggalaw ng kanyang mga lalawigan. Tinitiyak ko sa
inyo na papanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y naaapi, sapagkat pipiliin
ko pa ang mamatay para sa niyuyurakang karapatan ng sangkatauhan, kaysa
magtagumpay kapanig ng isang bansa, na ang hangarin ay ikagagaling lámang
ng kanyang sarili, kahit na ang bansang iyon, ay ang bansang Espanya.”
“Alam ba ninyo kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo?”
ang malamig na tanong ng kanyang kamahalan pagkatapos makapagsalita ang
mataas na kawani.
Tinitigan lámang siya ng mataas na kawani, iniyuko ang ulo, at tahimik na
lumisan ng palasyo.
Naghihintay na sa kanya ang karwahe sa halamanan.
“Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo,” ang sabi niya sa Indiong
lacay na nagbukas ng pintuan ng karwahe, “alalahanin ninyo na sa Espanya
ay may mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong mga
karapatan!”
“Saan po, ginoo?” ang tanong ng lacay na hindi siya naunawaang mabuti.
Pagkaraan ng dalawang oras, nagharap ng pagbibitiw sa katungkulan ang
mataas na kawani at ipinabatid ang kanyang pagbabalik sa Espanya sa susunod
na pag-alis ng barkong pang-koreo.

Mga Ibinunga ng Paskin


(Kabanata XXXII)

Dahil sa pangyayari tungkol sa mga paskin, maraming mga ina ang nagpauwi
sa kanilang mga anak na laláki. Pinatigil silá sa pag-aaral upang magsaka na
lámang o kaya’y magbulakbol.

231
Nang magbigay ng pagsusulit sa unibersidad, marami ang di nakapasá.
Ilan lámang ang pumasa sa mga kasapi sa napabantog na kapisanan ng mga
mag-aaral na hindi na nababanggit ng sino man. Hindi rin nakapasá sina
Pecson, Tadeo, at Juanito Pelaez. Ang una’y ngumisi pa nang tinanggap ang
balita at ipinahayag na papasok na opisyal sa alinmang hukuman. Si Tadeo, na
nagkaroon din sa wakas nang walang katapusang bakasyon, ay nagdiwang sa
pamamagitan ng pagsunog sa kanyang mga aklat. Ang iba naman ay tumigil
na rin sa pag-aaral. Labis ang kasiyahan ng kanilang mga ina, na naniniwalang
ang kanilang anak ay hahangga sa bitayan kung matututuhan ang nilalaman
ng mga aklat. Si Juanito Pelaez lámang ang di nasiyahan. Maiiwan na niya
nang tuluyan ang paaralan dahil sa tindahan ng kanyang ama, na mula noo’y
nagpasiyang isama na siya sa pangangalakal. Hindi nasiyahan ang pilyong
binata sa tindahan. Lubhang naging kabagot-bagot para sa kanya. Ngunit nang
malaunan nakita ng kanyang mga kaibigan na ang pagkakuba niya ay hayag
na naman. Ito’y palatandaang nagbalik na ang dati niyang sigla. Si Makaraig,
sa harap ng gayong kasawiang-palad, ay nag-ingat na mabuti upang huwag
na muling malantad sa panganib. At pagkatapos makakuha ng pasaporte
sa pamamagitan ng pagsusuhol, ay nagmadadaling naglayag patungong
Europa. Sinasabing ang kanyang kamahalan, ang kapitan heneral, sa hangad
na gumawa nang mabuti alang-alang sa kabutihan at ikagiginhawa ng mga
Pilipino ay naghigpit at naglagay ng mga sagabal sa paglalakbay sa sinumang
hindi makapagpapatunay na maaari siyang makagugol at makapamuhay nang
mariwasa sa Europa. Maluwag na nakaraan sina Isagani at Sandoval. Ang una’y
nakapasá sa kursong itinuturo ni Padre Fernandez bagaman di nakapasá sa
iba. At ang ikalawa’y nagtagumpay na malinlang ang pinunò na nagbibigay ng
pagsusulit sa pamamagitan ng kanyang talumpati. Si Basilio ang bukod-tanging
hindi pumasa o nagtungo sa Europa. Nása bilangguan pa rin siya. Sa tuwing
ikatlong araw isinasailalim siya sa pagtatanong ng iba’t ibang tagapag-usig ng
gayon at gayon din namang mga katanungan. Ipinalagay na sa gayong kalaking
pagkakasala ni Basilio ang mga tagapag-usig ay sumusuko o nangagsisitakas na
nangingilabot.
At habang ang mga ulat ay nalimutan na sa kahon na kinalalagyan nito, at
ang mga kasulatan ay nagpapalipat-lipat, at samantalang ang mga papel selyado
ay dumarami na tila tapal ng mga mangmang na manggagamot sa katawan ng
isang walang iniisip kundi siya’y maysakit, si Basilio ay nakatanggap ng mga
balita mula sa Tiani, ang pagkamatay ni Juli at pagkawala ni Tandang Selo. Si
Sinong, ang kutserong nabugbog na naghatid sa kanya sa San Diego, ay nása
Maynila noon. Lagi siyang dumadalaw sa bilangguan at nagbabalita ng lahat ng
mga nangyayari.
Samantala’y gumaling na si Simoun. Gayon ang sabi ng pahayagan.
Nagpasalamat si Ben Zayb sa Panginoon,“na nag-iingat sa gayong mahalagang
búhay.” Inaasahan niya na balang araw ay loloobin ng Diyos na matuklasan

232
ang salarin na ang kasalanan ay nananatiling di napaparusahan. Salamat sa
kabutihang loob ng pinagsamantalahan na naniniwala’t sumusunod sa mga
salita ng Dakilang Martir. “Ama ko, patawarin Mo po silá sapagkat hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa!” Ito at marami pang bagay ang sinasabi sa
mga lathalain ni Ben Zayb. Ngunit lihim siyang nagtatanong kung totoong
nagbabalak na magbigay ng isang malaking piging ang mayamang mag-
aalahas, isang piging na ang katulad ay hindi pa nakikita kailanman. Ito raw
ay bilang pasasalamat sa kanyang paggaling at isa pa’y bilang pamamaalam
sa bayang nagpalago sa kanyang kayamanan. May bulong-bulungan na si
Simoun, na kinakailangang lumisan kasáma ng kapitan heneral pagkatapos
ng panunungkulan nito na magtatapos sa Mayo, ay nagsisikap nang gayon
na lámang upang lakarin sa Madrid na pagpalugitan ang panunungkulan
ng kanyang kamahalan. Ipinayo niya sa kanyang kamahalan na maglunsad
ng mga gawaing pangmilitar upang magkaroon ng dahilan ang patuloy na
panunungkulan nito sa bansa. Ngunit sinasabi na sa unang pagkakataon ay
di dininig ng kanyang kamahalan ang payo ng kanyang itinatangi. Natataya
ang kanyang karangalan kung ipagpapatuloy ng kahit isang araw ang kanyang
kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya. Ang mga usap-usapang ito ang
nagbigay matuwid sa paniwala ng mga tao na gaganapin sa madaling panahon
ang malaking piging. Sa kabiláng dako, si Simoun ay nanatiling di makausap
at laging walang imik. Napapangiti lámang siya nang makahulugan, kapag
tinatanong sa kanya ang inaasahang malaking piging.
“Hala na, Ginoong Sinbad,” ang minsang udyok ni Ben Zayb sa kanya,
“pagpakitaan mo kami ng isang bagay na Yankee! May utang na loob kayo sa
bayang ito!”
“Iyan ay hindi ko maitatanggi!” ang sagot ni Simoun na walang kasigla-sigla
ang ngiti.
“Magbibigay kayo ng di-mapapantayang piging sa bahay ninyo, ano?”
“Maaari, ngunit wala akong bahay.”
“Dapat sana ninyong binili ang kay Kapitan Tiago. Nakuha ito ni Ginoong
Pelaez nang walang anumang bayad.”
Hindi na umimik si Simoun. Mula noon madalas na siyang makita sa
tindahan ni Ginoong Pelaez na ayon sa sabi ay kasáma na siya sa pangangalakal.
Makaraan ang ilang linggo, nang dakong buwan ng Abril, kumalat ang balita
na si Juanito Pelaez, anak ni Don Timoteo, ay ikakasal kay Paulita Gomez, ang
dalagang tagapagmana na pinakamimithi ng mga Pilipino at ng mga dayuhan
man.
“Sadyang may mga taong mapapalad!” ang sabi ng mga maiinggitin sa
mangangalakal.“Nakabili ng bahay nang walang bayad, naipagbili ang kanyang
paninda sa mabuting halaga, naging kasáma si Simoun sa pangangalakal, at
ngayo’y ikakasal ang anak sa isang mayamang dalaga na tanging tagapagmana.
Iyan ay magandang kapalarang hindi umaabot sa lahat ng taong mararangal!”

233
“Kung alam lang ninyo kung paano natamo ni Ginoong Pelaez ang
kapalarang iyan!” ang sabi ni Ben Zayb. Sa himig ng kanyang pagsasalita ay
ipinahihiwatig na may nababatid siya.“At tinitiyak ko sa inyo na magkakaroon
ng isang malaking piging,” ang makahulugan niyang dagdag.
Tunay ngang ikakasal si Paulita kay Juanito Pelaez. Napawi na ang kanyang
pag-ibig kay Isagani na tulad din ng alinmang unang pag-ibig na nababatay sa
mga tulain at sa udyok ng damdamin. Ang mga pangyayari tungkol sa paskin
at ang pagkakabilanggo ang naging dahilan upang mawalang lahat ang mga
pang-akit ng binata. Isang kahangalan ang sumuong sa panganib, makibahagi
sa mga kasawiang-palad ng kanyang mga kasáma, at isuko ang kanyang sarili,
samantalang ang iba’y nagsisipagtago at ayaw na ayaw na masangkot. Iyon ay
isang kahibangan, kabaliwan! Hindi mapapatawad ng sino mang matinong tao
sa Maynila si Isagani! Kayâ nga may katwiran si Juanito na kumutya sa kanyang
ginawang pagharap sa pamahalaang sibil. Ang matalinong si Paulita ay hindi
maaaring umibig sa isang binatang mali ang pagkakilala sa lipunan at sinisisi
ng lahat. Napag-isip-isip niya na si Juanito ay matalino, maliksi, masaya, anak
ng isang mayamang mangangalakal sa Maynila na may dugong Kastila. At kung
paniniwalaan si Don Timoteo, si Juanito ay tunay na Kastila. Samantalang si
Isagani ay isang Indiong taga-lalawigan, nangangarap sa kanyang kagubatang
punô ng linta, mapag-aalinlanganan ang angkang pinagmulan at ang amaing
pari na walang kinaanibang orden. Maaaring laban ito sa mga karangyaan at
kasiyahan na siya namang labis na kinagigiliwan ng dalaga. Hindi kataka-taka
na isang umaga, napaghulo niyang napakahangal niya na piliin si Isagani kaysa
kay Pelaez. Mula noon, lalong naging kapansin-pansin ang pagkakuba ni Pelaez.
Di namamalayan ni Paulita, sinusunod niya ang batas na natuklasan ni Darwin.
Ibinibigay ng babae ang kanyang sarili sa lalaking may lalong kasanayan at
marunong makibagay sa kanyang kapaligiran. Wala nang hihigit pa kay Pelaez!
Alam na alam niya ang pasikot-sikot sa Maynila. Mula pagkabata, marami
siyang paraan na nalalaman upang masunod ang lahat ng kanyang naisin.
Natapos ang kuwaresma sa pagdiriwang ng Mahal na Araw, ng mga
prusisyon, at mga seremonya. Walang anumang ligalig na naganap maliban sa
di-maipaliwanag na pag-aalsa ng mga artilyero. Ang sanhi ay hindi naibunyag.
Pinagiba ang lahat ng bahay na pawid sa tulong ng isang pangkat na kabayuhan
upang sumawata sa mga may-aring magtatangkang tumutol. Nagkaroon ng
pagluha at pananangis… Ngunit maliban doon ay wala na siláng magawa.
Kabílang si Simoun sa mga pumasyal sa mga nawalan ng bahay at nasabi nila
sa kanilang sarili na makatutulog na silá nang payapa.
Nang magtatapos na ang Abril, nalimutan ng lahat ang takot. Iisang bagay
lámang ang pinag-uusapan sa Maynila—ang salu-salong ibibigay ni Don
Timoteo Pelaez sa kasal ng kanyang anak. Malugod na nagpaunlak ang kapitan
heneral na maging inaama. Sinasabing si Simoun ang nag-ayos ng bagay na ito.
Ang kasal ay idaraos dalawang araw bago umalis ang kanyang kamahalan. Ito

234
ay dadalo at maghahandog ng regalo. May bulong-bulungan na maghahandog
din ng mga brilyante at mga perlas si Simoun sa anak ng kanyang kasáma sa
pangangalakal. At yamang hindi siya makapagdaos ng isang piging, sapagkat
wala siyang sariling bahay at asawa na mag-aasikaso, sasamantalahin na
raw niya ang pagkakataong iyon upang gulatin ang sambayanang Pilipino
sa kanyang taos-pusong pamamaalam. Ang buong Maynila ay naghahanda
upang maanyayahan. Nabalisa nang gayon na lámang ang mga natatakot na di
makatanggap ng paanyaya. Lahat ay nangag-unahan sa pakikipagkaibigan kay
Simoun. Pinilit ang mga lalaki ng kanilang mga asawa na bumili ng mga bakal
at zinc upang maging kaibigan lámang si Don Timoteo Pelaez.

235
Ang Kinahinatnan ng mga Pagpapakasakit
(Mga Kabanata XXXIII–XXXIX)
“El Filibusterismo . . . nobelang tunay na klasiko,
Gisingin sa damdamin ng kabataang Pilipino
sa paglikha ng mga pagbabago

Ang Huling Matuwid


(Kabanata XXXIII)

Sa wakas, dumating din ang pinakahihintay na araw. Hindi na umalis ng


bahay si Simoun nang buong umaga. Siya ay abaláng-abálá sa pag-aayos ng
kanyang mga armas at mga alahas. Nakatago ang kanyang di-kapani-paniwalang
kayamanan sa isang maletang aserong may bálot na lona. Iilan na lámang
ang mga kahitang may lámang mga pulseras at alpiler na nakalabas na tila
siyang ibibigay na regalo. Sa wakas, lilisan na ang kapitan heneral. Lubusan
niyang tinanggihang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan sa tákot na
mapulaan ng mga tao. Ipinahihiwatig ng mga mapang-uyam na si Simoun
ay hindi mangangahas na maiwang nag-iisa na walang tagatangkilik. Ayaw
niyang mahantad ang sarili sa paghihiganti ng mga sawimpalad na kanyang
pinagsamantalahan, lalo’t na’t ang papalit na heneral ay huwaran ng katapatan
at maaaring ipasauli ang kanyang mga kinita. Ang mga mapamahiing Indio ay
naniniwalang si Simoun ay isang demonyong ayaw humiwalay sa kanyang
huli. Ang mga mapag-isip ay makahulugang nagkindatan at nagwika:
“Hubad na sa mga pananim ang parang. Lilipat na sa ibang dako ang balang.”
Iilan lámang ang ngumiti at hindi umimik.
Kinahapunan, nagbilin si Simoun sa kanyang katulong na kapag dumating
ang isang binatang nagngangalang Basilio ay papasukin kaagad. Pagkaraa’y
nagkulong siya sa kanyang silid na wari’y may mahalagang bagay na dinidili-
dili. Mula nang magkasakit ang mag-aalahas, lalo pang tumigas at pumanglaw
ang kanyang mukha. Lumalim ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang
kilay. Tila nahukot siya. At ang ulo’y hindi na tayóng-tayô. Gayon na lámang
ang pagkawili sa pagdidili-dili, kayâ hindi niya narinig ang katok sa pintuan.
Nagulat siya nang maulit ito.
“Tuloy,” ang tawag niya.
Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang ipinagbago. Kung malaki
ang ipinagbago ni Simoun sa loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-
aaral ay kagulat-gulat. Humpak ang kanyang mga pisngi. Gusot-gusot ang
kanyang mga buhok. Ang dating malulungkot na mga mata ay nagkaroon ng

236
kakaibang kislap. Masasabing
ang binata’y namatay at muling Alam Mo Ba?
nabuhay sa pagkasindak sa
Ang prinsipyong “Mata sa mata, ngipin
mga bagay na nakita sa kabiláng
sa ngipin” ay tinatawag ding Lex Talionis
búhay. Kundi man ang krimen,
kung saan ito ay nakilala sa panahon ng
ang anino nito ang nababakas sa
paghahari ni Hammurabi ng Babylonia. Ito
kanyang katauhan. Namangha
ay maituturing na marahas at malupit
at nabagbag si Simoun sa
na tuntunin sapagkat nangangahulugan
sawimpalad na binata.
itong kung anong sala o kasalanan ang
Pumasok si Basilio na hindi
ginawa ng isang tao ay siya ring igaganti
na nakaalaalang bumati. Nagsalita
sa gumawa nito.
siya sa tinig na nakapangingilabot
sa mag-aalahas.
“Ginoong Simoun, akó po’y naging masamang anak, at masamâ pang
kapatid. Nalimot ko ang pagkakapatay sa aking kapatid at paghihirap na
dinanas ng aking sariling ina at pinarusahan akó ng Diyos. Ngayon ay wala
nang nalalabi kundi ang hangad na gantihan ng samâ ang samâ, ng krimen ang
krimen, ng karahasan ang karahasan!”
Tahimik na nakinig si Simoun.
“May apat na buwan na ang nakaraan nang kausapin ninyo akó tungkol sa
inyong mga balak. Tumanggi akong makianib at nagkamali akó. Tama kayo.
Nitong nakaraang tatlo’t kalahating buwan, bago magsimula ang himagsikan,
hindi rin akó nakiisa. Nang mabigo ang kilusan, ang kabayaran sa aking ginawa
ay pagkabilanggo.At utang ko ang aking kalayaan sa inyo. Kayo’y may matuwid
noon. Ngayo’y naparito akó upang humingi ng sandata. Hayaang magsiklab
ang himagsikan. Nahahanda akong maglingkod kasáma ng lahat ng mga
sawimpalad.”
Nawala ang pangungunot ng noo ni Simoun. Nangislap ang kanyang mga
mata na may pag-asa ng tagumpay. Parang natagpuan na niya ang kanyang
hinahanap.
“Oo, may katwiran akó. Totoong may katwiran akó. Ang katotohanan
at katarungan ay nása panig ko, sapagkat ang ipinagtatanggol ko ay ang
kapakanan ng mga sawimpalad. Salamat, binata, salamat! Pinawi mo ang aking
mga pangamba at pag-aalinlangan.”
Napatindig si Simoun. Nagniningning ang kanyang mukha.Ang kasiglahang
naghahari sa kanya, may apat na buwan na ang nakakaraan, noong ipinaliwanag
niya kay Basilio ang kanyang mga balak sa gubat ng kanyang ninuno ay muling
nasisinag sa kanyang mukha, katulad ng namumulang dapithapon paglipas
ng isang maulap na araw.
“Nabigo ang kilusan,” ang patuloy niya. “ Iniwan akó ng marami, sapagkat
nakita nila akó sa aking kawalang pag-asa. Nag-urong-sulong akó nang
sumapit ang lalong mapanganib na sandali. May iniingatan pa akó sa aking

237
puso. Hindi akó ang may-ari ng lahat ng aking damdamin. Umiibig pa ako. .
Ngayon, patay na ang lahat sa aking puso at wala na ang banal na bangkay
na kailangan kong igalang sa pagkakahimlay. Wala nang pag-aalinlangan.
Ikaw, isang huwarang binata, ang kalapating walang masamang hangarin ay
nakauunawa ng pangangailangan. Naparito ka upang gisingin akong kumilos.
Nahulí ang pagmumulat mo ng iyong mga mata. Ikaw at ako’y nagkatulong
sana upang maisagawa ang kahanga-hangang mga balak. Akó na nása mataas
na lipunan ay nagsasabog ng kamatayan sa gitna ng karingalan at kayamanan,
pananaigin ang masasamâ o pinasamâ at susugpuin ang iilan-ilang mabuti. At
ikaw na nása ibaba, kasama ng bayan, ng mga kabataan at gigisingin ang isang
bagong búhay sa gitna ng dugo at luha! Ang ating gawain, sa halip na maging
madugo at marahas ay naging banal, tunay na masining, at ang tagumpay ay
tiyak na naging putong sa ating paghihirap. Ngunit walang matatalinong tao
ang nagbigay ng kanilang tulong. Natagpuan ko na takót na parang mga babae
ang mga may pinag-aralan, makasarili ang mayayaman, at walang muwang ang
mga kabataan. Natagpuan ko lámang sa kabundukan, sa mga ipinatatapon, at
sa mga hamak na mahihirap ang aking mga tauhan. Ngunit walang kailangan!
Kung hindi táyo makalilok ng isang estatwa na makinis at malinis sa lahat ng
mga kasiraan mula sa isang batong magaspang, ang mga susunod sa atin ang
gagawa nito.”
Nakikinig si Basilio na di lubusang nauunawaan ang lahat. Hinawakan siya
sa bisig ni Simoun at isinama sa kanyang laboratoryo o pinagtataguan ng mga
kimika.
Sa isang mesa ay may isang malaking kahon na yari sa maitim na katad
na tulad ng lalagyan ng mga kasangkapang pilak na panregalo ng mga hari
at milyonaryo. Binuksan iyon ni Simoun. Nalantad sa pulang pelus ang isang
ilawang kakaiba ang hugis. Ang sisidlan ay parang isang granada na kasinlaki
ng ulo ng isang tao, may maliit na bitak, na may maliit na butil sa loob, na
kahugis ng mga malalaking cornalina. Ang balat ay ginto. Kuhang-kuha pati sa
mga kulubot ng bungangkahoy.
Maingat na iniangat ni Simoun ang lampara at hinugot ang mitsa at nalantad
ang loob ng sisidlan. Ang deposito ay yari sa asero na ang kapal ay may
dalawang sentimetro at maaaring maglaman ng higit sa isang litro.Tumingin si
Basilio kay Simoun na nagtatanong. Wala siyang nawawatasan.
Maingat na kinuha ni Simoun ang isang prasko sa isang lalagyan nang hindi
maipaliwanag. Ipinakita niya kay Basilio ang pormulang nakasulat sa ibabaw.
“Nitro-glicerina!” ang bulong ni Basilio na biglang napaurong.“Nitro-glicerina!
Dinamita!”
Naisip niya na naliliwanagan na niya ang kakila-kilabot na balak ni Simoun.
“Oo, nitro-glicerina!” ang banayad na ulit ni Simoun na ang ngiti ay
malungkot. Nasisiyahang pinagmasdan niya ang prasko.

238
“Ito’y higit pa sa nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil
na poot, kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Ito ang hulíng matuwid
ng mga mahihina, lakas laban sa lakas, dahas laban sa dahas! Kanina’y nag-
aatubili akong gamitin ito, ngunit dumating ka at nahikayat mo akó. Ngayong
gabi, iilandang at magkakadurog-durog ang mga mapanganib na mapaniil,
ang walang pananagutang mapaniil na ginagawang kanlungan ang Diyos at
pamahalaan. Ang kanilang pagmamalabis ay hindi napaparusahan, sapagkat
walang magtangkang umusig sa kanila. Ngayong gabi, maririnig sa buong
Pilipinas ang pagsabog na sa wakas ay sisira sa bulok na balangkas na pinadali
ko ang kasamaan.”
Nangilabot si Basilio. Gumalaw ang kanyang mga labì, ngunit walang
namulas na mga salita. Hindi siya makapagsalita. Nanunuyo ang kanyang
lalamunan. Ngayon lámang niya nakita ang mabisang likidong ito na madalas
niyang marinig na dinadalisay sa kadiliman ng mga masasamang taong kalaban
ng lipunan. Nása harap niya ngayon ito, malinaw at manilaw-nilaw. Maingat na
isinalin ito sa marikit na lamparang hugis-granada. Ang tingin niya kay Simoun
ay tila isang genio ng kuwentong “Isang Libo at Isang Gabi” na nagbuhat sa
ilalim ng dagat, lumaki na parang higante, umabot ang ulo hanggang sa langit,
lumabas sa kanyang kinalalagyan at sa munting kibot ng kanyang balikat ay
nagpayanig sa buong siyudad. Ang granadang lampara ay nag-anyong isang
malaking daigdig, na ang bitak sa bálot ay ngisi ng demonyo na nilalabasan ng
mga apoy at bága. Nasindak si Basilio. Sa unang pagkakataon sa kanyang búhay,
nawala ang kanyang kahinahunan.
Samantala’y itinuturnilyo ni Simoun ang kakatwang mekanismo. Inilagay
niya ang tubong kristal at ipinatong ang isang magarang panabing sa ilawan.
Pagkatapos, lumayo siya upang tingnan ang ayos ng lampara.Pakiling-kiling pa
ang kanyang ulo habang minamasdan ang napakagarang anyo nito.
Nakatingin sa kanya si Basilio na ang mata’y nagtatanong at naghihinala.
Kaya’t nagpaliwanag si Simoun.
“Magdaraos ng isang malaking piging ngayong gabi. Ilalagay ang lamparang
ito sa gitna ng kiyoskong pagkakainan na ipinasadya ko para sa pagkakataong
iyon. Ang lampara ay magbibigay ng isang maningning na liwanag, kayâ hindi
na kinakailangang buksan ang ibang ilaw. Ngunit pagkaraan ng dalawangpung
minuto, ang liwanag ay lalamlam. Kapag itinaas ang mitsa, puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio at sasabog ang bomba, kasáma ang silid-
kainan,na sa bubong at sahig nito’y itinago ko ang mga sako-sakong pulbura
ng baril kaya’t walang makaliligtas.”
Naghari ang saglit na katahimikan habang pinag-iisipang mabuti ni Simoun
ang nakatagong bomba. Si Basilio ay halos hindi humihinga.
“Kung gayon, hindi na po kinakailangan ang tulong ko,” ang puna ng binata.
“Hindi,” ang sagot ni Simoun na nag-iisip.”“Ikaw ay may ibang tungkuling
gagampanan. Sa ganap na ikasiyam ng gabi ang bomba ay di sasalang nakaputok

239
na. Ang pagsabog ay maririnig sa kanugnog na bayan, sa mga bundok, at mga
yungib. Nabigo ang kilusang binalak ko kasáma ang mga artilyero sapagkat
kulang sa pamamahala at walang kaugnayan. Sa pagkakataong ito, hindi na
mauulit ang gayon. Kapag narinig ang pagsabog, ang mga kulang-palad at naaapi
at mga pinag-uusig ng batas ay magsisilabas na sandatahan at magtitipon-tipon
kasáma si Kabesang Tales sa labas ng bayan ng Santa Mesa upang lusubin ang
siyudad. Sa kabiláng dako, ang mga militar ay pinaniwala kong ang heneral
ang nagpapakana ng kunwa’y isang himagsikan upang magkaroon ng dahilan
ang kanyang pananatili sa kanyang tungkulin. Magsisilabas silá sa kani-kanilang
kuwartel at handang paputukan ang sinumang ituro ko. Samantala ang mga
tao na lubusang takót na takót at naniniwala na ipinag-uutos ang pagpatay sa
kanila ay mag-aalsa na rin upang harapin ang kamatayan. Sapagkat wala siláng
sandata at kaayusan, ikaw at ang ilan pa ang mamumuno sa kanila. Dalhin mo
silá sa bodega ni Quiroga na pinagtaguan ko ng aking mga baril. Magtatagpo
kami ni Kabesang Tales sa siyudad. Aagawin namin ito habang sinasakop
ninyo ang mga tulay sa kanugnog bayan. Magtipun-tipon kayo upang maging
handang tumulong sa amin. Pagpapatayin hindi lámang yaong kasangkot sa
pakikipaglaban kundi lahat ng lalaking tumangging makipaglaban.”
“Lahat?” ang paos na tanong ni Basilio.
“Lahat!” ang marahas na ulit ni Simoun. “Lahat, mga Indio, Mestiso, Intsik,
Kastila. Lahat na walang lakas ng loob at matibay na pananalig. Kailangang
mapalitan ng bagong dugo ang lipi. Ang mga duwag ay magbubunga lámang
ng mga alipin. Hindi makabuluhan ang magwasak, kung bubuo rin lang
mula sa mga bulok na kagamitan. Bakit? Nangingilabot ka? Nanginginig ka at
natatakot na pumatay? Ano ang kamatayan? Ano ang kabuluhan ng kamatayan
ng dalawampung libong mga kahabag-habag na sawimpalad? Dalawampung
libong kasawian ang mababawas at angaw-angaw ang maililigtas mula sa
kahirapan. Ang pinakakiming pinunò ay hindi nag-aatubiling magtakda ng batas
na lilikha ng kasawian at unti unting paghihirap ng libo-libong nasasakupan
niya na maaaring dati’y maririwasa, masisipag, at maliligaya upang mabigyang
kasiyahan ang kapritso, kagustuhan, karangyaan. O, nangingilabot ka, sapagkat
magwawakas sa isang gabi ang paghihirap ng napakaraming alipin, sapagkat
mamamatay ang isang bayang lumpo at nahilig sa masamâ upang magbigay-
daan sa isang bago, batà, masigasig, at punô ng lakas! Ano ang kamatayan?
Ang kawalan o isang panaginip! Maipapantay ba ang mga panagimpang ito sa
mga paghihirap na tiniis ng isang abang salin ng lahi? Kailangang lipulin ang
kasamaan, patayin ang dragon at ipaligo ang kanyang dugo sa bagong bayan
upang maging matatag at di-magagahis! Ano pa ang di-nababagong batas ng
kalikasan, ang batas ng pakikibaka, na ang walang kakayahan ay dapat mamatay
upang huwag mabuhay ang masamang lipi at mabago ang paglikha? Iwaksi
ang mga alalahaning nararapat lámang sa mga babae. Hayaang maisakatuparan
ang walang kupas na mga batas. Makipagtulungan táyo. At ang yamang lupa

240
ay lalong tumataba kapag nadidilig ng dugo, at ang pamahalaan ay nagiging
matatag kapag nasasalalay sa mga krimen at pagpatay, hindi táyo dapat mag-
atubili, hindi dapat mag-alinlangan! Ano ang sakít ng kamatayan? Sandaling
pagkabalisa, na di mawari marahil, o kaya’y higit na kasiya-siya gaya ng pagtulog
mula sa mahabang paglalamay. Ano ang mawawasak? Kasamaan, pagtitiis, at
masasamang damo upang palitan ng malulusog na butil. Matatawag mo ba
itong pagwawasak? Matatawag ko itong paglikha, paggawa, pagbibigay ng
kabuluhan, pagbibigay ng búhay!”
Ang walang habag na pagmamatuwid na ito na inilahad nang buong
pananalig ay nakapagpasindak kay Basilio. Ang mahigit na tatlong buwang
pagkakabilanggo ay nakapagpahina sa kanyang pag-iisip at bumulag sa kanya
dahil sa pagkauhaw na makapaghiganti. Hindi siya nahahandang magsuri ng
kaligaligang pinagbabatayan ng mga bagay-bagay. Naitugon niya na sana ang
pinakamasama o pinakaduwag na tao ay nakahihigit pa rin sa halimaw. May
kaluluwa at pag-iisp siya, na gaano mang kasamâ o kalupit, ay maililigtas pa
rin. Walang tao ang may karapatang mapasiyang kumitil ng búhay ng sinuman
sa kapakinabangan ng kahit sino. Ang karapatang mabuhay ay bahagi ng
katauhan ng bawat tao, gaya ng karapatan sa kalayaan at kaliwanagan. Kung
isang pagkakamali sa panig ng pamahalaan na parusahan ang pagkakasala o
krimen ng isang salarin, na silá na rin ang may kagagawan dahil sa kanilang
kapabayaan at kahangalan, higit na isang pagkakamali para sa isang tao, gaano
mang kalaki ang kasawiang dinanas niya, na parusahan ang kaawa-awang
buong bayan dahil sa pagkukulang ng kanilang pamahalaan at ng kanilang
mga ninuno. Ang Diyos lámang ang tanging makagagawa nito. Ang Diyos ang
makapagwawasak, sapagkat siya ang nakalilikha. Ang Diyos ang may hawak
ng gantimpala, ng walang katapusan, at ng kinabukasan upang mabigyang
katwiran ang kanyang gawa. Ang tao ay walang karapatan magpakailanman.
Sa halip na mangatwiran ng ganito si Basilio, nakapagbitiw lámang siya ng
pangkaraniwang puna.
“Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?”
“Papupurihan ito ng daigdig. Gaya ng dati, laging kinikilala ang karapatan ng
malalakas, ng pinakamalupit,” ang sagot ni Simoun na may ngiting nang-uuyam.
“Ang Europa ay pumapalakpak nang ang mga bansa sa Kanluran ay pumatay
ng angaw-angaw na Indio ng Amerika, ngunit hindi upang makapagtatag ng
bansang may mabuting kaasalan at mapayapa. Nariyan ang Hilagang Amerika,
na makasarili ang kalayaang taglay nito, may batas ni Lynch at mga pandaraya sa
politika. Nariyan ang Timog Amerika
na may maligalig na republika, may
mga mararahas na pag-aalsa, mga Alam Mo Ba?
giyera sibil, at paghahari ng militar
Simbahan ng San Sebastian—isa sa
katulad ng kanilang Inang Espanya.
pinakamatandang simbahan sa Maynila.
Pumalakpak ang Europa nang

241
hubdan ng Portugal ang Moluccas. Pumalakpak ang Europa nang wasakin
ng makapangyarihang Inglatera ang mga matatandang lipi sa Pasipiko upang
mabigyan ng tirahan ang mga nandayuhan sa kanila. At papalakpakan din
táyo ng Europa tulad ng pagpalakpak pagkatapos ng isang dula kahit ito ay
isang trahedya. Hindi lubhang pinapansin ng mga karaniwang tao ang sanhi.
Tinitingnan lámang nila ang kaanyuan. Gawing maayos ang kabuktutan.
Hahangaan ito at magkakaroon ng higit na tagapagtaguyod kaysa sa mga
mabubuting gawaing isinasagawa nang may pagpapakumbaba at mabanayad.”
“Sang-ayon po akó” ang sagot ni Basilio. “Ano ang halaga sa akin kung
pumalakpak o tumuligsa ang daigdig? Ang daigdig na iyon na walang
pagtingin sa naaapi, sa mga
mahihirap, at mga mahihina? Bakit
Alam Mo Ba?
ko pagmamalasakitan ang lipunang
Daang Anloague—ang kahulugan ng walang pagmamalasakit sa akin?”
anloague ay karpintero. Ang kalyeng ito “Iyan ang ibig kong marinig sa
ay makikita sa Binondo, Maynila. Ito ay iyo,” ang matagumpay na wika ni
residensiyal at komersiyal na lugar kayâ Simoun.
maraming tao ang nagdaraan. Juan Luna Kinuha niya ang isang rebolber
na ngayon ang tawag dito. sa kahon ng mesa at ibinigay kay
Basilio.
“Hintayin mo akó sa ganap na
ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San Sebastian para sa mga hulíng
tagubilin. A! sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayong–malayo ka
na sa Daang Anloague!”
Siniyasat ni Basilio ang baril. Nilagyan ito ng punlo at itinago sa loob ng
kanyang tsaketa.
“Sa muling pagkikita!” ang pamamaalam ni Basilio at mabilis siyang umalis.

Ang Kasal
(Kabanata XXXIV)

Nása daan si Basilio, nag-iisip siya kung ano ang maaari niyang gawin bago
sumapit ang itinakdang sandali ni Simoun. Ikapito pa lámang ng gabi. Bakasyon
noon, kaya’t nakauwi na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang lalawigan.
Tanging si Isagani ang hindi umuwi sa kanyang lalawigan, ngunit hindi
matagpuan nang umagang iyon. Walang nakaalam kung saan siya naparoon.
Ito ang sinabi kay Basilio nang makalaya mula sa bilangguan at dalawin ang
kaibígan upang makituloy. Hindi maláman ni Basilio kung saan siya tutungo.
Wala siyang kuwalta o kahit anuman maliban sa rebolber. Ang lampara ang
gumigiit sa kanyang guniguni. Sa loob ng dalawang oras, magaganap ang isang

242
malaking kapahamakan. At kung naiisip niya iyon, parang nakikita niya ang
mga taong nagdaraan na pugot ang mga ulo. Nakaramdam siya ng matinding
kasiyahan. Bagama’t nagugutom, magiging kakila-kilabot siya sa gabing iyon.
Mula sa pagiging hamak na mag-aaral at katulong, magigisnan niya ang araw
sa ayos na kakila-kilabot at kahindik-hindik sa bunton ng mga bangkay at nag-
uutos sa lahat ng lulan ng kanilang magagarang sasakyan. Di niya mapigilang
humalakhak at sinalat ang puluhan ng rebolber. Nása kanyang bulsa ang mga
kaha ng punlo.
Nag-isip si Basilio kung saan magsisimula ang dula. Dahil sa kabiglaan,
hindi na niya naitanong kay Simoun. Ngunit nagbabala si Simoun sa kanya na
lumayo siya sa daang Anloague.
Iyon ang nagpahiwatig sa kanya ng katotohanan. Pagkagaling niya sa
bilangguan nang hapong iyon, nagsadya siya sa dating bahay ni Kapitan Tiago
upang kunin ang ilang kagamitan niya. Nakita niya na ayos na ayos na ang
bahay. Inihanda ito upang pagdausan ng isang piging, ang kasal ni Juanito
Pelaez. At may nabanggit si Simoun na isang piging.
Isang mahabang hanay ng mga sasakyan ang dumaraan sa kanyang harapan.
Lulan ng mga ito ang mga dalaga’t binata na masayang nag-uusap.Tila namataan
niya ang malalaking pumpon ng mga bulaklak, ngunit hindi niya pinansin ang
mga ito. Patungo ang mga sasakyan sa daang del Rosario. Dahan-dahan ang
mga ito at pahinto-hinto dahil sa trapiko sa tulay ng Espanya. Sa isang sasakyan,
nakita niya si Juanito na katabi ng isang babaing nakasuot ng puti at manipis
na belo. Nakilala niya si Paulita Gomez. Siya nga ang nakasuot ng pangkasal at
parang gáling sa simbahan na kasáma si Juanito Pelaez.
Nagunita niya ang kaawa-awang Isagani, ang kanyang kaibigan na marangal
at mapagbigay at ano ang maaaring nangyari sa kanya? Naitanong niya sa sarili
na hindi kayâ mabuting maláman niya ang balak ni Simoun. Ngunit hindi
lalahok sa gayong patayan si Isagani. Ang nangyari sa kanya ay hindi dinanas
ni Isagani.
Malungkot niyang naisip na kung hindi siya nabilanggo, marahil isa
siya sa ikakasal o isang may asawa na, isang manggagamot na naglilingkod
sa mga maysakit sa isang sulok ng kanilang lalawigan. Ang larawan ni Juli na
nagkalasog-lasog sa pagkahulog ay sumagi sa kanyang isip. Nasinag sa kanyang
mata ang matinding poot. At muli niyang sinalat ang puluhan ng rebolber
na di-mapalagay sa paghihintay sa kakila-kilabot na oras. Pagkatapos, nakita
niyang lumabas ng kanyang bahay si Simoun na dalá ang kahon ng lampara, na
buong ingat na nababalutan. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at sumunod sa
bagong kasal. Ayaw ni Basilio na mawaglit sa kanyang paningin ang sasakyan
ni Simoun. Kinilala niya ang kutsero. Di niya akalaing makita ang sawimpalad
na si Sinong, ang kutserong naghatid sa kanya sa San Diego at binugbog ng
guardia civil. At pagkatapos ay bumisita sa kanya sa bilangguan upang balitaan
siya ng lahat ng pangyayari sa Tiani.

243
Nang mapaghulo niya na ang Daang Anloague ang magiging tagpuan ng
madulang pangyayari, nagmamadaling tumungo roon si Basilio at naunahan
pa ang mababagal na sasakyan. At tama siya. Ang lahat ay patungo sa dating
bahay ni Kapitan Tiago. Magkakatipon-tipon silá roon dahilan sa isang piging
na magwawakas sa isang sayawan sa himpapawid! Napatawa si Basilio sa sarili
nang makita ang mga nagbabantay na mga guardia civil. Dahil sa dami ng mga
tao, mahuhulaan ang kahalagahan ng piging at ng mga panauhin. Punong-
puno ng tao ang bahay. Bumabaha sa liwanag ang mga bintana. Nalalatagan
ng alpombra ang pasukan at napapalamutian ng mga bulaklak. At sa itaas, sa
isang hiwalay na lumang silid, ay tumutugtog ang isang orkestra ng masayang
tugtugin na di malunod-lunod ang mga di-mawatasang ingay ng halakhak at
usapan.
Halos nása tugatog ng mabuting kapalaran si Don Timoteo at ang kanyang
natamo ay higit pa sa kanyang pinapangarap. Sa wakas ay naipakasal din
ang kanyang anak sa isang tanging tagapagmana ng mga Gomez. Salamat sa
ipinautang sa kanya ni Simoun at nagayakan ng gayong karangya ang bahay
na nabili niya sa kalahati lámang ng halaga niyon. Ngayon, ito’y nababagay na
tirhan ng isang hari. Maghahandog si Don Timoteo ng isang maringal na piging
at ang mga pangunahing diyos ng Olimpo ng Maynila ang magiging panauhin
niya upang magbigay-ningning sa kanyang kabantugan. Umaga pa lámang ay
laman na ng kanyang isip ang ilang bahagi ng kilaláng awitin: “Dumating na
ang mapalad na araw! Nalalapit na ang maliligayang sandali! Nabubuhay akó,
ngunit hindi akó, pagkat ang kapitan heneral ang nabubuhay sa akin…” Ang
kapitan heneral ang inaama ng kanyang anak! Totoong hindi siya nakadalo sa
kasal. Si Don Custodio ang kumakatawan sa kanya, ngunit dadalo siya sa piging
at magdadala ng isang regalo sa kasal, isang lamparang hindi mapapantayan
kahit ng kay Aladin. Lihim na ibinigay ito ni Simoun—“Timoteo, ano pa ang
hihilingin mo?”
Napakalaki ng ginawang pagbabago sa bahay ni Kapitan Tiago. Dinikitang
muli ng maririkit na papel ang mga dingding.Ang amoy ng apyan ay nawalang
lubusan. Ang malaking sála na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang
salaming nagpaparami sa mga ilaw ng aranya, ay nalatagan ng alpombra na
tulad ng mga salon sa Europa. Bagaman makintab na makintab ang malalapad
na sahig ay nilagyan pa rin ng mga alpombra. Kinailangang magkaroon din ng
alpombra ang salon ni Don Timoteo.Ang maadornong kasangkapan ni Kapitan
Tiago ay pinalitan ng iba na may estilong Louis XV. Nakabitin sa pinto ang
malalaking kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng mga gintong titik ng
pangalan ng mga bagong kasal at natatalian ng mga artipisyal na bulaklak ng
suha at asusena. Sumasayad sa lapag ang malalapad na laylayang ginintuan din.
Makikita sa mga sulok ang mga malalaking plorerang gáling sa Hapon at may
kasalit na ibang yari sa Seres na may dalisay na kulay bughaw. Nakapatong

244
ang mga ito sa mga kuwadradong pedestal na yari sa kahoy na inukit. Ang
tanging hindi mainam ay ang mga kromong Intsik na ipinalit ni Don Timoteo
sa matatandang palamuting inukit at mga larawang santo ni Kapitan Tiago.
Hindi siya napahinuhod ni Simoun. Ayaw ng mangangalakal ng mga larawang
guhit sa Oleo. Bakâ raw hinalain ng iba na yao’y yari ng mga pintor sa Pilipinas.
Ano? Tangkilikin ang mga pintor na Pilipino! Hindi! Ang kanyang katiwasayan
at sampu ng kanyang búhay ay mapanganib. Alam niya kung paano makibagay
sa Pilipinas. Tunay na narinig na niya ang mga pintor na dayuhan, tulad nina
Rafael Murillo, Velasquez, ngunit hindi niya alam kung saan makikita ang mga
ito, at bakâ lumabas na mauunlad pa silá…. Hindi niya inaalala ang kromo,
hindi gawa ng mga Pilipino ang mga iyon, mas mura, ngunit para kay Don
Timoteo gayon din naman ang anyo kundi man mas mahusay. Matitingkad
ang kulay at mas mainam ang pagkakayari. Alam ni Don Timoteo kung paano
mamuhay sa Pilipinas.
Ang daang papasok sa malaking bulwagan na napapalamutian ng mga
bulaklak ay ginawang silid-kainan. Isang malaking mesa na para sa tatlumpung
katao ang nása gitna. Nakahanay sa tabi ng dingding ang maliliit na mesang
para sa dalawa o tatlong katao. Napapalamutian ng mga bulaklak, maraming
prutas, laso, at ilaw ang mga ito. May tanda ng mga pumpon ng mga rosas ang
lugar ng ikakasal na laláki, at bulaklak ng dalandan at liryo ang lugar ng babae.
Sa gayong karingal at kaydaming bulaklak, maguguniguni ang mga nimpang
may iba’t ibang kulay na pakpak. Silá ang magsisilbi sa mga panauhin ng mga
nektar at ambrosia sa saliw ng mga kudyapi at lira.
Gayon man, ang mesa para sa mga diyus-diyusan ay wala roon. Nakalagay
ito sa gitna ng malapad na azotea sa isang magandang kiyosko na sadyang
ipinagawa para sa pagkakataong iyon. Isang sala-salang kahoy na durado na
may gumagapang na mabangong halaman ang nagkakanlong sa loob upang
huwag matanaw ng balana. Malayang nakapaglalagos ang hangin kayâ hindi
maaalinsanganan ang mga panauhin. Isang plataporma ang kinapapatungan
ng mesa upang tumaas kaysa ibang kakanan ng mga pangkaraniwang tao. Ang
kubol na pinalamutian ng pinakamahusay na mga artista ang magsasanggalang
sa mga kamahal-mahalan sa mga naiinggit, na mga bituin.
Ang mesa ay inihanda lámang para sa pitong katao. Lantay na pilak ang
mga kubyertos. Mga pawang de ilo ang mga mantel at serbilyeta. Ang alak ay
yaong pinakamasarap at pinakamahal na mabibili. Hinanap ni Don Timoteo
ang lalong mga pambihirang pagkain at hindi ito mag-aalinlangang gumawa ng
isang krimen kung sinabi sa kanyang kumakain ng laman ng tao ang kapitan
heneral.

245
Ang Piging
(Kabanata XXXV)

Sa ganap na ikapito ng gabi ay nagdatingan na ang mga panauhin. Nauna


ang mga di-gaanong mahahalagang tao, mga kawani, mga punò ng tanggapan,
mga mangangalakal, at iba pa. Magagalang siláng bumati sa isa’t isa. Pormal
ang kanilang mga kilos na para bang noon lámang natutuhan iyon. Naninibago
marahil sa liwanag ng napakaraming ilaw, mga kurtina, at mga babasaging kristal.
Pagkaraan ng ilang saglit ay nagkapalagayang-loob na at lihim na nagkasikuhan,
nagtapikan sa tiyan, at nagkurutan. Ang iba’y nakitaan ng pagwawalang-
bahala upang palabasing sanáy silá sa mga karangyaan. Naghikab pa nang
hayagan ang isang diyosa dahil lahat ng nakikita niya ay pulos karaniwan. Ang
isa nama’y nakipag-away sa kanyang asawa at sinimulan itong hampasin ng
kamay. Payukod-yukod si Don Timoteo, ngumingiti, iginagalaw ang baywang,
humahakbang nang paurong, pumipikit, bumabaling, at umiikot. Napilitang
magsalita sa katabi ang isang diyosa.
“Iisipin mong para niya tayong mga kapatid. Tingnan mo’t para siyang
isang papet sa isang palabas.”
Dumating na ang bagong kasal na kasáma si Donya Victorina at ang lahat
ng mga abay. Binati at kinamayan silá, at magiliw na tinapik sa balikat ang laláki.
Tinititigan nang makahulugan ng mga kalalakihan ang magandang hubog ng
katawan ng babae at sinuri naman ng mga kababaihan ang kanyang kasuotan,
mga hiyas, lakas, at kalusugan.
“Dumating na si Psyche at Kupido sa bundok ng Olimpo!” ang naisip ni
Ben Zayb. Tinandaan niya ang pagtutulad na iyon upang magamit sa lalong
mabuting pagkakataon.
Ang bagong kasal na laláki ay nakakahawig ng mapanudyong diyos ng
pag-ibig at kung pagbibigyan pa nang kaunti, ang kanyang kakubaan na hindi
nalingid sa suot na prak ay maaaring pagkamalang lalagyan ng pana.
Nanakit na ang baywang ni Don Timoteo. Nag-iinit na ang mga kalyo ng
kanyang paa. Nangangawit na ang kanyang leeg. Ngunit hindi pa rin dumarating
ang kapitan heneral. Dumating na ang dakilang diyos na kinabibilangan
nina Padre Irene at Padre Salvi. Ang pinakadakila sa lahat ay wala pa rin.
Hindi siya mapalagay, kinakabahan, at masasal ang tibok ng kanyang puso.
Sinusumpong siya ng isang pangangailangan, ngunit kailangang yumukod
muna siya at ngumiti sa mga panauhin. At nang makaalis siya, wala rin siyang
magawa. Naroong umupo at naroong tumayo siya. Hindi na niya marinig ang
sinasabi sa kanya at hindi naman maipagtapat ang pagkabalisang nangyayari sa
kanya. Samantala isang mahilig sa sining ang pumuna sa kanyang mga kromo.
Nakarurumi at nakapagpapangit lámang sa mga dingding ang mga iyon.
“Nakarurumi sa mga dingding!” ang tila nakatutuyang ulit ni Don Timoteo
na nangingiti pa nang bahagya at ibig na ibig nang sugurin ang nagsalita.“Ngunit

246
gawa pa sa Europa ang mga iyan. Napakamahal at siya lámang maaaring mabili
sa Maynila. Nakarurumi palá sa dingding.” Binuo niya sa isip na búkas na búkas
ay sisingilin ang lahat ng utang ng mga tumutuligsa sa kanyang tindahan.
Nakarinig ng mga paswit, takbuhan ng mga kabayo. Dumating din ang
kapitan heneral! Ang kanyang kamahalan!
Namumutlang tumayo si Don Timoteo na hindi nagpapahalatang masakit
ang kanyang kalyo. Nanaog siyang kasáma ang kanyang anak at mga malalaking
diyos upang salubungin ang Magnum Joven. Nawala ang pananakit ng kanyang
baywang sa harap ng pag-aalinlangang naghahari sa kanya. Ngingiti ba siya
o magsasawalang-kibo? Mauuna ba siyang mag-abot ng kamay o hintaying
ang heneral ang maunang maghandog muna sa kanya? Diyos ko po! Bakit
ba nalimutan niyang isangguni ito sa kanyang kaibigang si Simoun? Upang
maikubli ang kanyang damdamin, tinanong niya ang anak sa mahina at basag
na tinig.
“Naghanda ka ba ng talumpati?”
“Hindi na uso,Tatay, ang talumpati.”
Dumating si Jupiter na kasáma si Juno na para bang bálot ng kuwitis. May
brilyante sa kanyang buhok, sa kanyang leeg, sa kanyang braso at balikat, at
sa buong katawan. Ang kanyang suot ay isang magarang traheng sutla na may
mahabang kolang may burdang mga bulaklak na namumukod sa ibabaw.
Talagang inaring kanya ng kapitan heneral ang bahay, gaya ng pakiusap sa
gumagaralgal na tinig ni Don Timoteo.Tinugtog ng orkestra ang marcha real
at buong kadakilaang pumanhik sa hagdanang nalalatagan ng alpombra ang
dalawang dinidiyos.
Ang kapormalan ng anyo ng heneral ay hindi gawa-gawa lámang. Sa kauna-
unahang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas, nakadama siya ng
kalungkutan. Ito ang hulíng tagumpay sa kanyang tatlong taong paghahari. At
sa loob ng dalawang araw, iiwan na niya ang gayong kataas na tungkulin. Ano
ang maiiwan niya? Ayaw niyang lingunin ang nakaraan. Ang ibig niya’y harapin
ang kinabukasan. Dadalhin niya ang malaking kayamanan. Malalaking halagang
nakalagak sa mga bángko sa Europa ang kukunin na lamang niya. Marami
siyang mga bahay at mga otel. Ngunit marami siyang sinaktan. Marami siyang
kalaban sa Corte. Inaantay siya roon ng mataas na kawani! Ang ibang heneral
ay madali ring nagpayaman sa kanilang sarili na tulad ng ginawa niya. Ngunit
hirap na hirap na rin silá ngayon. Bakit hindi siya magtagal nang kaunti pang
panahon na gaya ng payo ni Simoun? Hindi dahil bago ang lahat ay karangalan
muna. Ang pagyukod sa kanya ay hindi na kasimbaba na gaya ng dati. Napansin
niya ang pagtitig at tingin nang may pagkainis. Sinikap niyang maging magiliw
at pinilit niyang ngumiti.
“Malápit nang lumubog ang araw!” ang bulong ni Padre Irene sa tainga ni
Ben Zayb.“Marami na ang harapan kung tumingin sa kanya.”
Parang diyablo na nagsalita si Padre Irene, ang naisip ni Ben Zayb.

247
“Naku! Nakakita ka na ba ng ganoong sayá?” ang puna ng ginang na
tumawag kay Don Timoteo ng papet.
“Abá! Iyan ay mga kurtina ng palasyo!”
“Totoo nga palá! Dadalhin nilang lahat. Makikita mo’t gagawa pa ng isang
balabal na yari rin sa alpombra.”
“Ang ibig sabihin niya’y may katalinuhan at mabuti siyang panlasa,”ang wika
ng asawang laláki na nagparamdam ng pagkakamali sa babae sa pamamagitan
ng isang tingin.“Ang mga babae ay dapat magtipid.” Damang-dama pa ng laláki
ang malaking ibinayad niya sa modista.
“Mahal kong asawa,” ang nayayamot na sagot ng diyosa.“Bigyan mo akó ng
kurtina na nagkakahalaga ng labindalawang piso ang isang yarda at hindi mo
akó makikita sa mga basahang ito! Diyos ko! Mag-iiba ka ng takbo ng búhay
kapag tinularan ko siya.”
Samantala, si Basilio ay nása harap ng bahay. Kahalubilo siya ng mga
nanonood at tinitingnan ang mga panauhing bumababa sa kani-kanilang
karwahe. Nang makita niya ang gayong karaming taong masaya na walang
kamalay-malay sa napipintong panganib, kabílang na rito ang mga bagong
kasal at ang mga abay, naawa siya at naramdamang nagbawa ang kanyang gálit.
Nais niyang iligtas ang napakaraming walang kasalanan. Inisip niya na
ipagbigay-alam sa maykapangyarihan sa pamamagitan ng isang liham ngunit
dumating ang isang karwahe. Nagsibaba sina Padre Salvi at Padre Irene na
kapwa may kasiyahang-loob. Parang ulap na naglaho ang kanyang mabubuting
hangad.
Ano ang dapat niyang ikabahala? Magbayad ang mabubuti na kasáma ang
mga makasalanan. Hindi siya tagapagsuplong at hindi niya dapat sirain ang
pagtitiwalang ibinigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Simoun
na higit kaninumang taong nása bahay na iyon. Siya ang humukay nang
pinaglibingan ng kanyang ina. Silá ang pumatay sa kanya. Ano ang dapat
niyang ipagmalasakit sa kanila? Ginawa na niya ang lahat ng makakaya niya
upang maging mabuti at maging kapaki-pakinabang. Sinikap niyang lumimot
at magpatawad, magtiis ng lahat ng uri ng pang-aapi, at ang tanging hinihiling
ay mabuhay nang matahimik. At ano ang ginawa nila sa kanya? Hayaan siláng
sumambulat sa himpapawid. Labis na ang ipinagdusa ng lahat.
Pagkatapos, nakita niyang dumating si Simoun na dalá ang lampara ng
kamatayan. Binagtas niya ang harapan ng bahay, nakayuko, at waring nagdidili-
dili. Naramdaman ni Basilio na parang tumigil ang pagtibok ng kanyang
puso. Nanlalamig ang kanyang mga paa’t kamay. Parang nag-iiba ng anyo ang
maitim na anino ng mag-aalahas at naliligid ito ng apoy. Huminto sa paanan
ng hagdanan si Simoun na parang nag-aalinlangan. Halos hindi humihinga si
Basilio. Saglit lámang ang pag-aalinlangan. Itinaas ni Simoun ang ulo at buong
tiwalang pumanhik sa hagdanan at hindi na nakita.

248
Pakiramdam ng mag-aaral ay sasabog na ang bahay at magliliparan ang mga
dingding, bubungan, bintana, lampara, mga panauhin, at orkestra. At tumingin
siya sa kanyang paligid at parang nakita niya ang mga luray-luray na mga
bangkay ng mga kahinahunan ng kanyang isip sa mga pangitaing pinasidhi ng
matinding gutom. Nasabi niya sa sarili na walang dapat ipangamba hanggang
nása bahay si Simoun at hanggang wala ang heneral.
Sinikap niyang magpakahinahon, pigilan ang panginginig ng kanyang mga
tuhod at umisip ng ibang bagay. May tila kumukutya sa sarili niyang isipang
nagsasabi sa kanya na kung nanginginig siya ngayong hindi pa sumasapit ang
dakilang sandali, ano ang kanyang gagawin kapag humahaging ang mga
punlo?
Dumating na ang kanyang kamahalan, ngunit hindi ito pinansin ng
binata. Pinagmasdan niya ang mukha ni Simoun na isa sa mga bumaba upang
sumalubong sa heneral. Nabása niya sa matigas na anyo ng mukha nito ang
hatol na kamatayan para sa lahat ng mga naroon. Sinakmal na naman siya ng
pagkasindak. Siya’y nanlamig at napasandig sa pader ng bahay. Nakapako sa
mga bintana ang kanyang mga mata at tinalasan niya ang kanyang pandinig.
Tinangka niyang hulaan ang nangyayari sa loob ng bahay. Nakapaligid ang
lahat kay Simoun at pinagmamasdan ang lampara. Marami ang bumabati,
bumubulalas ng paghanga, at paulit-ulit na maririnig ang comedor externo.
Nakita niyang ngumiti ang heneral na sa wari’y nakukuro na sa gabing iyon
magagamit ang ilawan. At gaya ng balak ng mag-aalahas gagamitin ito sa
mesang dudulugan ng kanyang kamahalan. Nawala si Simoun na sinusundan
ng maraming tagahanga.
Nang mga sandaling iyong kakila-kilabot, nangibabaw muli ang kabutihan
sa puso ni Basilio. Nalimot niya ang kanyang poot. Nalimot niya si Juli. Ang
hangad niya ay iligtas lámang ang mga walang kasalanan. Nagpasiya siya na kahit
ano pa ang mangyari ay gagawin niya ito.Tumawid siya ng daan at nagtangkang
pumasok sa bahay, ngunit nalimutan niya na napakaaba ng kanyang suot. Pinigil
siya ng bantay. Marahas siyang tinanong at nang magpumilit siyang pumasok
ay binantaang tatawag ng sibil.
Nang mga sandaling iyon, pumanaog na si Simoun na namumutla nang
kaunti. Iniwan ng bantay si Basilio upang samahang papalabas si Simoun na
parang isang santong pinagmamalasakitan. Naunawaan ni Basilio sa anyo ng
mukha ni Simoun na tuluyan na niyang lilisanin ang sawing bahay na iyon
para sa kabutihan. Nasindihan na ang lampara. Alea Jacta Est! Naghari kay
Basilio ang pagnanais na iligtas ang sarili. Maaaring galawin ng sinuman ang
ilawan, itaas ang takip at hugutin ang mitsa. Sasabog ang lampara at ang lahat
ay matatabunan. Narinig niya ang utos ni Simoun sa kanyang kutsero.
“Sa Escolta, bilisan mo!”
Lumayo si Basilio sa sawing bahay na iyon. Takót na takót siyang marinig
ang kakila-kilabot na pagsabog anumang saglit. Sa wari niya’y wala ang liksing

249
kailangan ng kanyang mga hita, ang kanyang mga paa’y nadulas sa mga
bangketa na waring lumalakad at hindi kumikilos, ang mga taong nakasalubong
niya’y parang hadlang sa kanyang daraanan. Ang makadalawampung hakbang
ay tila limang minuto na ang nakaraan. Sa di kalayuan, nakasalubong niya ang
isang binata.Taas ang ulo nito at walang kaalis-alis ang tingin sa bahay na iyon.
Nakilala ni Basilio si Isagani.
“Ano ang ginagawa mo rito? Táyo na!”
Tiningnan lámang siya ni Isagani, malungkot na ngumiti, at muling tumingin
sa bukás na bintana na natatanaw ang maputing anyo ng dalagang ikinasal na
nakahawak sa bisig ng naging asawa.
“Halika na, Isagani! Lumayo táyo sa bahay na iyon, Halika na!” ang paos na
sabi ni Basilio at pinigilan niya sa bisig ang binata.
Marahan siyang hinawi ni Isagani. Patuloy pa rin siyang nakatanaw na
taglay sa labí ang malungkot na ngiti.
“Alang-alang sa Diyos. Lumayo na táyo!”
“Bakit akó lalayo? Búkas ay hindi na siya ang dati.”
Labis na pagdurusa ang taglay ng mga pangungusap na iyon. Nalimot
sandali ni Basilio ang kanyang takot.
“Ibig mo bang mamatay?”
Nagkibit-balikat si Isagani.
Muling tinangkang kaladkarin ni Basilio si Isagani.
“Isagani, Isagani, makinig ka sa akin. Huwag táyong mag-aksaya ng panahon.
Ang bahay na iyon ay may mina. Maaari itong sumabog kahit anumang saglit
dahil sa isang kapangahasan, sa isang kalikutan. Isagani, ang lahat ay mamamatay
sa ilalim ng kanyang durog na labí.”
“Matatabunan ng kanyang mga labí,” ang ulit ni Isagani na nais maiwan,
ngunit hindi inaalis ang mga mata sa bintana.
“Oo, matatabunan ng kanyang mga labí, kayâ, alang-alang sa Diyos, halikana.
Sakâ ko na ipapaliwanag sa iyo. Halika na. Isang lalo pang sawi kaysa sa atin
ang humatol sa kanila sa kamatayan. Natatanaw mo ba ang puting ilaw na
iyon, na maliwanag na parang isang lamparang de-koryente na nagbubuhat sa
asotea? Iyon ay isang lampara na may dinamita sa isang silid-kainan punung-
puno ng mga paputok. Kapag ito’y sumabog walang makaliligtas kahit isang
daga. Halika na!”
“Hindi!” ang sagot ni Isagani na umiling nang buong kalungkutan. “Ibig
kong manatili rito. Ibig ko siyang makita sa hulíng pagkakataon. Búkas ay iba
na siya!”
“Kung gayo’y matupad nawa ang itinadhana,” ang naibulalas ni Basilio
habang matuling lumalayo.
Pinagmasdan ni Isagani ang kanyang kaibigan na matuling lumayo na
taglay ang matinding pagkatakot. Ngunit pagkatapos, ibinaling niyang muli ang
tingin sa may bintana na gaya ng isang kabalyerong naghihintay sa kanyang

250
minamahal na dumungaw. Wala nang mga tao sa sala. Ang lahat ay tumungo na
sa silid-kainan. Naisip ni Isagani na maaaring totoo ang ikinatatakot ni Basilio.
Naalala niya ang mukha ni Basiliong takót na takót gayong kílala niya ito sa
pagkamahinahon. Nagsimula siyang mag-isip. Isang bagay ang maliwanag
na gumuhit sa kanyang isip. Sasabog ang bahay at naroon si Paulita. Isang
kakila-kilabot na kamatayan ang sasapitin ni Paulita. Nalimutan niyang lahat—
ang panibugho, pagtitiis, mga samâ ng loob. Walang naalala ang maawaing
binata kundi ang kanyang pag-ibig. Tinungo niya agad ang bahay na hindi
inaalala ang sarili.At salamat sa kanyang maayos na kasuotan at anyong walang
pag-aalinlangan ay madaling nakaraan sa pintuan.
Samantalang nagaganap sa daan ang mga bagay na ito, sa silid-kainan ay
nagpapasalin-salin sa mga kamay ang isang makinis na papel na kinasusulatan
sa pulang tinta ng mga salitang ito:
Mane Thecel Phares
Juan Crisostomo Ibarra
“Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?” ang tanong ng kanyang kamahalan na
iniabot ang papel sa katabi.
“Isang masamang biro!” tugon ni Don Custodio. “May lagda ng isang
pangalan ng isang filibustero na sampung taon nang patay!”
“Filibustero!”
“Isang biro na maaaring magbunga ng kaguluhan!”
“May mga babae pa naman…”
Si Padre Irene ay tumingin-tingin sa paligid upang hanapin ang maaaring
magbiro at ang nakita niya ay si Padre Salvi. Nakaupo ito sa kanan ng kondenser
na namumutla na kasimputi ng kanyang serbilyeta, samantalang nandidilat na
nakatitig ng mahihiwagang salita. Nagbalik sa alaala niya ang espinghe.
“Ano ang nangyayari sa inyo, Padre Salvi?” ang tanong niya. “Nakikilala ba
ninyo ang lagda ng inyong kaibigan?”
Hindi sumagot si Padre Salvi. Iginagalaw niya ang kanyang mga labì, ngunit
walang naririnig. Di sinasadya’y naipahid niya ang serbilyeta sa kanyang noo.
“Iyan ay sulat-kamay niya!” ang mahinang sagot niya na halos hindi marinig.
“Sulat-kamay ni Ibarra!”
Napasandal sa upuan ang pari. Nawalan ng lakas ang mga kamay nito.
Ang pagkabalisâ ay napalitan ng pagkatakot. Nagkatinginan ang lahat
ngunit di nag-iimikan. Nagtangkang tumayo ang kanyang kamahalan, ngunit
nangilag na baka ipalagay na duwag, kayâ pinigil ang sarili at iginala ang
paningin. Walang mga kawal. Hindi niya kilala ang mga naglilingkod.
“Magpatuloy táyo, mga ginoo,” ang sabi niya.“Huwag nating bigyang-halaga
ang birong ito.”
Hindi napayapa ang loob ng mga naroon sa pangungusap ng heneral. Lalo
silang nabalisa dahil sa nanginginig niyang tinig.

251
“Sa aking palagay ang Mane Thecel Pares ay hindi nangangahulugan na
tayo’y papatayin ngayong gabi!” ang sabi ni Don Custodio.
Lahat ay napahinto.
“Maaaring lasunin táyong lahat…”
Binitiwan nila ang kanilang mga kubyertos.
Samantala’y unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara.
“Namamatay ang lampara,” ang nababalisang puna ng heneral. “Maaari
bang hilahin ninyo ang mitsa, Padre Irene?”
Nang sandaling iyon, isang laláki ang biglang pumasok, wari’y isang lintik
na nagbuwal ng isang upuan at sumagasa ng isang alila. Sa gitna ng pagkagitla
ng lahat, sinunggaban ang lampara, tumakbo sa asotea at tumalon sa ilog.
Nangyari ang lahat sa isang iglap. Ang bulwagan ay ganap na nagdilim.
Ang lampara ay lumagpak na sa ilog nang makasigaw ang mga utusán:
“Magnanakáw, magnanakáw!”Tumakbo silá sa asotea.
“Rebolber!” ang sigaw ng isa. “Isang rebolber, madali! Sundan ang
magnanakáw!”
Ngunit ang anino na higit na maliksi ay nakaakyat na sa balustrado na yari
sa ladrilyo.At bago nakuha ang ilaw, nakatalon na ito sa ilog. Narinig na lamang
ang isang pagbagsak ng kung anong bagay sa tubig.

Mga Kagipitan ni Ben Zayb


(Kabanata XXXVI)

Nang magkaroon na ng ilaw, nabatid ni Ben Zayb ang nangyari. Nakita niya
ang mga namamanghang diyos-diyosan. Gayon na lámang ang pagkamuhi ni
Ben Zayb. Taglay ang pahintulot ng tagasiyasat ng imprenta, nagmamadali
siyang nagtungo sa kanyang bahay, na isang entreswelo na tinitirhan niyang
kasáma ng iba. Susulatin niya ang isang katangi-tanging lathalain na noon
lámang mababasa sa Pilipinas. Aalis ang heneral na masamâ ang loob kung
hindi mababasa muna ang kanyang mga papuri. Hindi mapahihintulutan ito ni
Ben Zayb na may magandang puso, kayâ nagtiis siya na iwan ang hapunan at
ang sayawan. Hindi siya natulog nang gabing iyon.
Mauugong na bulalas ng pagkagulat at pagkamuhi sa simula;pagkukunwang
gumuho ang daigdig at ang mga bituin, ang mga bituing walang kamatayan ay
nangagkakabungguan! Pagkatapos ay isang mahiwagang pambungad na punô
ng mga pahiwatig, ngunit pinanatili ang kapanabikan. Isinunod ang paglalahad
ng mga nangyari at pagkatapos ang mga hulíng talata. Dinamihan niya nang
maliligoy na salita, inubos ang mga magagandang salita sa paglalarawan ng
pagkakatihaya at pagkakabinyag ng salsa sa kanyang kamahalan. Pinuri niya ang
kaliksihan ng heneral sa pagtayo upang ilagay ang ulo sa dating kinalalagyan ng

252
paa. Umawit siya ng isang himno sa Lumikha dahil sa mabuting pagkakalinga
sa mga kabanal-banalan. Ang talata ay lumabas na napakainam na naging
bayani ang kanyang kamahalan. Lalong mataas ang kanyang kinalalagyan gaya
ng sabi ni Victor Hugo. Nagpatuloy si Ben Zayb sa pagsusulat, pagbubura,
pagdaragdag, at pagpapakinis upang lumabas na dakila ang salaysay na
walang pagkakalisya sa katotohanan. Ito ay natatanging katangian ng
isang mamamahayag. Ang kabuuan ay kinakailangang matulad sa isang epiko
na inilalarawan ang kadakilaan ng pitong diyoses at sa kabilang dako, ang
karuwagan at kaabahan ng di-kilalang magnanákaw na nagparusa na rin sa
kanyang sarili dahil sa natakot at naniwala sa kasalanang kanyang nagawa nang
sandaling iyon. Ipinalagay ni Ben Zayb na ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalim
ng mesa ay likás na katapangan na hindi napawi ng pagsusuot ng abito ng
Diyos ng kapayapaan at kababaang-loob na tataglayin niya habang búhay. Ibig
habulin ni Padre Irene ang magnanakáw at sa paghabol niya’y kinakailangan
niyang magdaan sa ilalim ng mesa. Binanggit tuloy ni Ben Zayb ang mga daan sa
ilalim ng dagat at tinukoy ang isang proyekto ni Don Custodio na kaugnay ng
paksa. At ginunita ang katalinuhan at mahahabang paglalakbay ng prayle. Ang
pagkahimatay ni Padre Salvi ay bunga ng matinding dalamhating dinamdam
ng mabait na Pransiskano nang napaghulo niya na walang napapala ang mga
Indio sa kanyang banal na mga pangaral. Ang di-pagkilos ng ibang panauhin,
kabílang na ang kondesa na nagsanggalang (basahin, humawak) kay Padre
Salvi, ay nagpapatunay ng kanilang pagkamahinahon at kalamigan ng dugo ng
mga bayani na sanáy sa mga panganib sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Sa piling nila, ang mga Senador Romano na nagulat sa paglusob ng mga Galo
ay parang mga dalagang masindakin sa mga ipis. At upang magkaroon ng
paghahambing, inilarawan ni Ben Zayb ang magnanakáw: takót, baliw anyong
naguguluhan, nakakunot ang mga noo, mabalasik ang anyo, at dahil sa kahigtan
ng kasalanan ng tao, iginalang niya ang mga mataas na taong natitipon roon.At
isinunod ang isang mahabang talata, isang panghihikayat, isang talumpati laban
sa pagkasira ng mabuting kaugalian, kaya’t kinakailangan “ang pagtatatag ng
mabuting palagiang hukumang militar, ang pagtatatag ng isang estado de sitio
sa loob ng tatag nang estado de sitio, isang tanging kautusang makapipigil sa
mga masamâ at mga salarin. Kailangan nilang maláman na kung ang puso’y
mapagbigay at mapagtangkilik sa mga masunurin sa batas,ang kamay ay malakas,
matatag, hindi mapakikiusapan, mahigpit, at walang awa sa mga lumalabag sa
batas o pumipinsala sa banal na palakad ng Inang Bayan. Ito’y kailangan hindi
lámang para sa kabutihan ng sangkapuluang ito o ng sangkatauhan, kundi
alang-alang din sa pangalan ng Espanya, ang karangalan ng pangalang Espanya,
ang karangalan ng bayang Iberya, sapagkat una sa lahat, tayo’y Kastila at ang
bandila ng Espanya, atb. . .”
Tinapos ni Ben Zayb ang lathalian sa pamamagitan ng isang pamamaalam
sa heneral.

253
“Yumao nawang mapayapa
Alam Mo Ba? ang magiting na bayani na sanáy
na humawak sa kapalaran ng
Ang Iberya ay tumutukoy sa Iberean
bayang ito sa kapanahunang
Peninsula na kumakatawan sa mga
lubhang maligalig! Yumao nawang
bansang Espanya at Portugal na nakilala
mapayapa upang langhapin ang
sa pananakop ng mga lupain.
maayos na simoy ng Manzanares.
Kami rito’y maiiwan na matatapat
na taliba upang magbigay-puri sa kanyang alaala, hangaan ang kanyang
matatalinong kautusan, at ipaghiganti ang kataksilang ginawa sa kanyang
kahanga-hangang handog, na hahanapin namin kahit tuyuin pa ang mga dagat.
Iisang banal na alaala na magsisilbing bantayog sa bayang ito ang kanyang
kabutihang-loob, kahinahunan, at katapangan.”
Sa gayon natapos ang lathalain bagama’t may kalabuan. Bago magmadaling-
umaga, ipinadala niya iyon sa pasulatan na kalakip ang kapahintulutan ng
tagasuri. At sakâ natulog na tila si Napoleon pagkaraang maihanda ang gagawin
sa labanan sa Jena.
Kinaumagahan ginising siya at ipinababalik ang kanyang lathalain na may
kalatas mula sa patnugot. Mahigpit na ipinagbawal ng kapitan heneral ang
pagbanggit ng anuman sa mga nangyari. Itinagubilin pa raw na pabulaanan
ang mga pala-palagay at kuwentong kakalat. Sabihing ang gayong mga bali-
balita’y gawa-gawa lámang at walang katotohanan.
Para kay Ben Zayb, ang pagsasauli ng lathalain ay parang pagpatay sa isang
maganda at matapang na anak na inaruga sa gitna ng pagkapalungi at pagtitiis.
Paano na niya magagamit ang kanyang kahusayan, ang pakikipaglaban para
sa katarungan? At isiping sa loob ng isa o dalawang buwan, aalis na ang
kapitan heneral. Hindi naman ito mailalathala sa Espanya. Sapagkat paano
niya masasabi ang gayon laban sa salarin ng Madrid? Iba ang palagay nila
sa katarungan. Humahanap silá ng mga pangyayari na magpapagaan sa sála,
tinitimbang ang mga pangyayari, iginawad ang hatol ng mga hurado, at iba pa.
Ang mga lathalaing sinulat niya ay parang inuming alkohol na may lasong gawa
sa Europa. Maaari lámang itong ipagbili sa mga Negro at ang kaibahan lámang
ay kung hindi mainom ng mga Negro, hindi ito nakapipinsala, samantalang ang
mga lathala ni Ben Zayb, basahin o hindi ng mga Pilipino ay nagkakabisa.
Nasabi niya sa sarili na kung bukas-makalawa man lámang sana ay may
magaganap na iba pang krimen.
Nagbihis si Ben Zayb upang makipagkita sa patnugot. Naiiyak siya kapag
naaalala ang namatay na anak na bago nailimbag ay mga bukong nababad
sa lamig. Nagkibit-balikat lámang ang patnugot. Hindi pinahihintulutan ng
kanyang kamahalan na ipamalita na ang pitong pangunahing diyoses ay nagitla
at napagnakawan ng isang kriminal gayong may mga hawak-hawak siláng mga

254
kutsilyo at mga tinidor. Nanganganib ang karangalan ng Inang Bayan! Ipinag-
utos niya na huwag nang hanapin ang lampara o ang magnanakáw at binalak
niya na sabihan ang mga susunod sa kanya na huwag kumain sa alinmang bahay
ng ibang tao na hindi naliligid ng mga bantay. Hindi mahirap ang pabulaanan
ang pangyayari sa bahay ni Don Timoteo nang gabing iyon sapagkat mga
kawani ng pamahalaan at mga kawal ang naroroon. Nakataya ang karangalan
ng Inang Bayan! Sa harap ng ganitong katwiran, nagyuko lámang ng ulo si Ben
Zayb. Naisip na lang niya si Abraham na handang magpakasakit alang-alang sa
kanyang anak, si Guzman, ang butihin na talagang pumayag na patayin ng mga
Moro, si Brutus, at iba pang pangunahing bayaning nása kasaysayan.
Ang gayong kayraming paghihirap ay hindi mangyayari nang hindi
magkakamit ng gantimpala.Ang diyos ng mga mamamahayag ay nasiyahan kay
Abraham Ben Zayb.
Halos kasabay noon ay dumating ang anghel na mamamahayag na dalá ang
handog na tupa sa baybayin ng Ilog Pasig, na tinitirhan ng ilang prayle kung
tag-init.Yaon ang kanyang hinihintay. Pinuri ni Abraham Ben Zayb ang kanyang
diyos.
“Nakakuha ng mahigpit na dalawang libong piso ang mga tulisan at sinugatan
nang malubha ang isang prayle at ang dalawang utusán. Ipinagtanggol niya ang
kanyang sarili sa pamamagitan ng isang silya hanggang ito ay magkasira-sira.”
“Hintay, hintay muna!” ang pigil ni Ben Zayb na itinala ang lahat.“Apatnapu
o limampung tulisan ang pataksil na . . . mga rebolber, mga baril, pistol, itak . . .
ang tunay na leon na humawak ng silya, walang awang sinugatan . . . sampung
libong piso. . .”
Dahil sa hindi pa nasiyahan sa mga detalye, tumungo siya sa pook na
pinangyarihan. Habang daan ay lumikha na siya ng madulang paglalarawan
ng labanan na tulad ng kay Homer. Isang maikling pahayag mula sa punò
ng tulisan! Mga mapanlibak na pangungusap mula sa mga prayle! Lahat ng
paghahambing na iniukol sa heneral, Padre Irene at Padre Salvi ay magagamit
sa paring nasugatan, at sa paglalarawan sa di kílalang magnanakáw, at sa bawat
isang tulisan. Ang pagpaparatang ay mahahabaan niya. Tatalakayin niya ang
relihiyon, pananampalataya, ang pananalig, ang pagdupikal ng mga kampana,
ang mga utang na loob ng mga Indio sa mga prayle. Maaari rin namang maging
malambot ang loob niya sa pamamagitan ng paggamit ng matulaing pananalita
tulad ni Castelan, ang Kastilang mananalumpati. Mababasa ng mga dalaga ang
lathala at sasabihin:
“Si Ben Zayb ay mabangis na tulad ng leon at maamong tulad ng isang
tupa!”
Nang sapitin niya ang pook na pinangyarihan ng pagsalakay, namangha
siya nang malámang si Padre Camorra palá ang nasugatan. Pinauunahan siya
ng kanyang provincial na magdusa sa kanyang kasalanang nagawa sa Tiani sa

255
bahay-bakasyunan. May maliit na sugat siya sa kamay, may pasâ sa noo dahil sa
kanyang pagkabulagta. Tatlo ang mga tulisan na nasasandatahan ng mga itak.
Nakatangay silá ng limampung piso.
“Hindi maaari,” ang pagtutol ni Ben Zayb.“Magtigil kayo. Hindi ninyo alam
ang pinagsasabi inyo.”
“Puñales! Anong hindi ko nalalaman!”
“Huwag kayong hangal! Tiyak na marami pa riyan ang mga tulisan.”
“Putris na maninipsip ng tintang ito!”
Nagkaroon silá ang mainitang pagtatalo. Ang mahalaga kay Ben Zayb ay
huwag masira ang kanyag sinulat. Ibig niyang palakihin ang mga pangyayari
upang patunayan ang kanyang pangwakas na talata.
Naputol ang kanilang pagtatalo nang may bumulong. Nahúli na ang mga
magnanakáw at nagbigay ng mga pahayag. Isa sa mga tulisan ni Kabesang Tales,
ang kilaláng si Matanglawin, ay makikipagtipan sa kanila sa may Santa Mesa.
Ang pangkat na ito sana ang manloloob sa kumbento at sa mga bahay ng mga
mayayaman. Ang namumuno sa kanila ay isang Kastilang mataas, kayumanggi,
at maputi ang buhok na sumusunod lámang sa heneral, na matalik niyang
kaibigan.Tinitiyak pa rin sa kanila na ang artilyera at rehimiyento ay makikisama
sa kanila, kayâ walang siláng dapat ikatakot. Pinangakuan ng mga tulisan na
patatawarin at ibibigay ang ikatlong bahagi ng nanakaw. Ang hudyat ay isang
putok ng kanyon, at nabigo silá sa paghihintay. Sa pag-aakalang binibiro, sila’y
nangagsiuwi sa kanilang tahanan o nangasibalik sa bundok, na mangangakong
maghihiganti sa Kastilang makalawang ulit nang di-tumupad sa pangako.
Ang mga nadakip na tulisan ay nagpasiyang gumawa ng sariling pagsalakay,
at napaglibangan nila ang pinakamalapit na bahay-bakasyunan. Ngunit handa
siláng ibigay ang dalawang katlong bahagi ng mananakaw nila sa Kastilang
maputi ang buhok kung sakaling hingin ito.
Kawangis ni Simoun ang paglalarawan. Ipinalagay na walang katotohanan
ang mga pahayag na iyon. Kaya’t pinahirapan ang mga magnanakáw at
ginamit pati ang makina elektrika dahil sa kahalay-halay na tungayaw. Ngunit
dahil sa pagkawala ng mag-aalahas na napuna ng lahat ng taga-Escolta at ang
pakakatuklas ng mga sako ng pulbura at maraming punlo sa kanyang bahay,
naging kapani-paniwala ang pahayag ng mga magnanakáw. Unti-unting nabalot
ng hiwaga ang pangyayari, may anasan, pagtikim, mga tinging mapaghinala,
mga pasaring, at iba-ibang pakahulugan sa pangyayari. Ang nakababatid sa
tunay na pangyayari ay hindi makapani-paniwala. Nanghahaba ang kanilang
mga mukha, nangamumula, at halos nangasiraan ng ulo nang matuklasan ang
ilang mga bagay-bagay na di napuna agad.
“Mabuti’t nailigtas táyo! Sino ang makapagsasabi . . . .”
Nang hapong iyon, dumalaw si Ben Zayb kay Don Custodio na abalá sa
pagbuo ng isang panukala laban sa Amerikanong mag-aalahas. Punung-puno
ng rebolber at mga punglo ang bulsa niya. Sa pagitan ng kanyang mga palad

256
bumulong si Don Custodio kay Ben Zayb ng mga mahihiwagang pangungusap.
“Siya nga ba!” ang naibulalas ni Ben Zayb na nanginginig at ipinamulsa ang
mga kamay.
“At kahit saan matagpuan . . . .”
Tinapos ni Don Custodio ang pangungusap sa pamamagitan ng
makahulugang kilos. Itinaas niya ang dalawang kamay na kapantay ng mukha.
Ang kanan ay lalong baluktot kaysa sa kaliwa. Pataob sa sahig ang mga palad.
Ipinikit ang isang mata at gumalaw nang pasulong nang dalawang ulit.
“Pssst, pssst,” ang sutsot niya.
“At ang mga brilyante?” ang tanong ni Ben Zayb.
“Kapag natagpuan ang mga iyon sa kanya . . .”
Muli na namang humudyat si Don Custodio sa pamamagitan ng mga
daliri ng kanang kamay na itinikom, papaloob nang isa-isa na wari’y kilos ng
isang abanikong tinitiklop, tulad ng isang labayang umiikot, na tulad ng isang
salamangkero. Sinagot ni Ben Zayb ng isa ring hudyat. Nandilat ang mga
mata, nagtaas ng mga kilay, at buong kasakimang lumanghap ng hangin na
parang natuklasan na ang hangin ay isang pagkaing nakapagpapalusog.

Ang Hiwaga
(Kabanata XXXVII)

Sa kabila ng mga pag-iingat, nakaabot din sa madla ang mga bulong-


bulungan, bagama’t ibang-iba na, at maraming dagdag o kulang. Iyon ang
paksa ng usapan nang sumunod na gabi sa bahay ni Orenda, isang mayamang
mag-aalahas sa abalang distrito na Santa Cruz. Walang pinag-usapan ang mga
panauhin kundi ang pangyayaring naganap. Hindi naglaro ng baraha. Hindi
tinugtog ang piyano. Ang bunso sa mga anak na babae na si Tinay ay nayamot
sa paglalaro nang mag-isa ng sungka. Hindi niya mawatasan kung bakit kawili-
wili para sa lahat na pag-usapan ang panloloob, pagsasabitan, mga sako ng
pulbura gayong kay raming sigay na magaganda sa pitong bahay na waring
nagsisikindat sa kanya at ngumingiti na bahagyang nakabukas ang bibig at
namamanhik na iakyat silá sa kanilang bahay. Si Isagani, na nakikipaglaro sa
kanya kapag dumadalaw sa kanila at pumapayag na patalo, ay di pansin ang
kanyang pagyayaya.Tahimik at malungkot na nakikinig si Isagani sa ibinabalita
ni Chichoy, ang platero, Si Momoy, ang nobyo ni Sensia, ang matanda sa
magkakapatid na Orenda, isang maganda at masiglang dalaga na kung minsa’y
may kapilyahan ay umalis sa bintana, kung saan gabi-gabi’y siyang sumasaksi
sa kanilang masusuyong pag-uusap. Ang bagay na ito’y ikinamuhi ng lorong
nása hawlang nakabitin sa may bintana. Alagang-alaga ito ng mag-anak dahil
tuwing umaga, binabati nito ang lahat ng mga salitang matatamis na ukol sa
pag-ibig na narinig nito nang nakaraang gabi. Si Kapitana Loleng na karaniwang

257
masipag at matalino ay hawak ang nakabukas na kanyang aklat-talaan, ngunit
hindi binabása o sinusulatan. Hindi niya napansin ang mga bandeha ng mga
perlas at brilyante. Mataman siyang nakikinig, kayâ nalimot ang lahat. Ang
kanyang asawa, ang dakilang Kapitan Toringgoy, palayaw na gáling sa Domingo,
ang pinakamasayang tao sa purok na yaon na walang ginagawa kundi ang
magbihis, kumain, magpasyal, at makipagkuwentuhan sa mga kaibígan habang
ang kanyang pamilya ay masipag at masigasig sa paggawa ng kanilang
tungkulin, ay hindi lumalabas ng bahay upang makinig sa kakila-kilabot na
balita ng patpating si Chichoy.
At hindi mangyayaring hindi magkagayon. Nang umagang iyon, naghatid
siya ng isang pares ng hikaw kay Don Timoteo, para sa bagong kasal. At
nang mga sandaling iyon, ginigiba ang kioskong nagsilbing silid-kainan nang
sinundang gabi para sa mga taong may matataas na katungkulan. Nang ibinalita
ito ni Chichoy, namumutla at naninindig ang mga balahibo niya.
“Kabanal-banalang Ina! Mga saku-sakong pulbura sa ilalim ng sahig, sa
ilalim ng mesa, sa ilalim ng mga upuan, at sa lahat ng lugar. Mabuti’t walang
mga manggagawang nanigarilyo noon!”
“At sino ang naglagay ng mga iyon doon?” ang tanong ni Kapitana Loleng
na higit na malakas ang loob kaysa sa namumutlang si Momoy.
Dumalo si Momoy sa kasal, kayâ may matuwid na magulat siya. Nakaupo
siyang malápit sa kioskong iyon.
“Iyan ang di maipaliwanag ng sinuman,” ang sagot ni Chichoy.“Sino ang nais
manggulo sa piging? Ang sabi ni Ginoong Pasta, ang bantog na manananggol
na naroon noon sa bahay, ay maaaring isang kaaway ni Don Timoteo o isang
kaagaw ni Juanito…”
Biglang napatingin ang magkakapatid na dalagang Orenda kay Isagani.
Ngumiti lámang ang binata.
“Kailangang magtago ka!” ang himok ni Kapitana Loleng. “Maaari kang
pagbintangan. Magtago ka!”
Muling ngumiti si Isagani, ngunit hindi umimik.
“Walang ibang mapagbintangan si Don Timoteo tungkol sa pangyayari,”
ang patuloy ni Chichoy. “Siya ang namahala ng mga gawain, siya at si Simoun
lámang at wala nang iba. Gulong-gulo ang lahat. Ipinatawag ang tenyente
ng guardia civil. Inatasan ang lahat na ipaglihim ang nangyari. Pagkatapos,
pinaalis akó, ngunit…”
“Ngunit… ngunit…” ang pautal na sabi ng nanginginig na si Momoy.
“Naku!” ang bulalas ni Sensia na tumingin sa kanyang nobyo. Nangangatal
siya nang mapag-isip-isip na ito’y isang panauhin sa piging.“Ang binatang ito…
kung nagkataong sumabog…”
Tumingin siya sa nobyo na may magkahalong gálit at paghanga.
“Kung nagkataong sumabog…”

258
“Wala sanang nakaligtas sa Daang Anloague,” ang pagtatapos ni Kapitan
Toringgoy na nagpakita ng katatagan at kalamigan ng loob alang-alang sa
kanyang mga kaanak.
“Nangangatog akó ng umuwi,” ang patuloy ni Chichoy.
“Naisip ko na kung may isang titis, isang sigarilyong may sindi, isang
natumbang lampara na nahulog sa mga pulbura, sa mga sandaling ito ay wala
na tayong heneral, arsobispo, o mga kawani ng pamahalaan. Lahat ng naroon
sa piging kagabi’y nagkapira-piraso.”
“Virgen Santisisma! At ang binata kong ito…”
“Susmaryosep!” ang bulalas ni Kapitana Loleng. “ Ang lahat ng may utang
sa atin ay naroon. Susmaryosep! Malápit doon ang isang bahay natin. Sino nga
kayâ?”
“Sasabihin ko sa inyo,” ang patuloy ni Chichoy sa mahinang tinig. “Ngunit
kailangang ilihim ninyo. Nakasalubong ko ngayong hapon ang isang kaibígang
kawani ng pamahalaan. Napag-usapan namin ang tungkol sa pangyayari.
Ipinagtapat niya sa akin ang lihim na nakuha niya mula sa ibang kawani ng
pamahalaan. Sino sa palagay ninyo ang naglagay ng mga sako ng pulbura?”
Marami ang nagkibit ng balikat. Sumulyap si Kapitan Toringgoy kay Isagani.
“Ang mga prayle kayâ?”
“Ang Intsik na si Quiroga?”
“Ang ilang mag-aaral?”
“Si Makaraig?”
Umubo si Kapitan Toringgoy at tumingin kay Isagani.
Umiling na ngumingisi si Chichoy.
“Ang mag-aalahas na si Simoun!”
“Si Simoun!”
Namangha ang lahat. Si Simoun, ang buktot na tagapayo ng kapitan
heneral, ang mangangalakal na binibilhan nila ng mga mahahalagang bato na
may di-kapani-paniwalang kayamanan. Si Simoun na magalang tumanggap at
bumati sa magkakapatid na Orenda! Dahil ang mga balita’y mahirap mangyari,
kung kayâ lalo pang pinaniwalaan. Ang sabi nga ni San Agustin ay naniniwala
siya sapagkat walang katotohanan.
“Hindi ba’t naroon sa piging si Simoun?” ang tanong ni Sensia.
“Oo,” ang sagot ni Momoy. “Naalala ko na. Umalis siya nang magsisimula
nang kumain. Kukunin daw niya ang kanyang handog sa bagong kasal.”
“Hindi ba kaibigan siya ng heneral at kasosyo ni Don Timoteo sa
pangangalakal?”
“Oo, ginawa niya ito upang maisakatuparan ang kanyang balak at mapatay
ang lahat ng mga Kastila.”
“A! Nauunawaan ko na ngayon!” ang sagot ni Sensia.
“Ang alin?”

259
“Ayaw kayong maniwala kay Tiya Tentay. Si Simoun ang demonyong
nakabili ng mga kaluluwa ng lahat ng mga Kastila.”
Nag-antanda si Kapitana Loleng at nag-aalalang tumingin sa mga hiyas.
Natatakot siya na makita na maging bagà ang mga ito. Inalis ni Kapitan
Toringgoy ang suot niyang singsing na gáling kay Simoun.
“Nawala si Simoun at hindi nag-iwan ng anumang bakas,” ang dagdag ni
Chichoy.“Pinaghahanap na siya ng mga guardia civil.”
“Mabuti!” ang sabi ni Sensia.“Maghanap silá sa demonyo!”
Nag-antanda siya. Naliliwanagan na ang maraming bagay. Ang pinag-
mumulan ng di-kapani-paniwalang kayamanan ni Simoun, ang kakaibang
amoy ng kanyang bahay, ang amoy ng asupre. Naalaala ni Binday, isa sa mga
anak na dalaga na matalino at kagiliw-giliw, na nakakita siya ng isang bughaw
na ningas sa bahay ng mag-aalahas nang hapong naparaan silá ng kanyang ina
upang bumili ng mahahalagang bato.
Tahimik na nakikinig si Isagani.
“Kayâ palá kagabi…” ang pautal na sabi ni Momoy.
“Kagabi?” ang ulit si Sensia na parang naninibugho at may ibig maláman.
Nag-atubili si Momoy sa kanyang sasabihin. Ngunit napawi ang kanyang
pangamba dahil sa tingin ni Sensia.
“Kagabi, habang kumakain kami, nagkaroon ng kaguluhan. Namatay ang
ilaw sa silid-kainang kinaroroonan ng heneral. Ang sabi nila’y isang di kílalang
laláki ang nagnakaw ng lamparang ibinigay ni Simoun.”
“Isang magnanakáw? Ang kamay na itim?”
Tumindig si Isagani at lumakad-lakad sa silid.
“Nahúli ba ang magnanakáw?”
“Tumalon siya sa ilog. Walang nakakilala sa kanya. Ang sabi ng iba’y isang
Kastila. May nagsabing isang Intsik daw o isang Indio.”
“Ipinalalagay nila na ang lamparang ito ang gagamitin upang sunugin ang
bahay at paputukin ang mga pulbura.”
Nangatal si Momoy. Ngunit nang makitang napansin siya ni Sensia ay
dagling nagpakitang-gilas.
“Sáyang!” ang sabi ni Momoy.“Nagkamali ang magnanakáw. Namatay sana
ang lahat.”
Napatingin sa kanya si Sensia. Napaantanda ang mga babae. Si Kapitan
Toringgoy na takót mapasangkot sa politika ay lumayo. Humingi ng saklolo si
Momoy kay Isagani.
“Kailan ma’y masamang kumuha ng pag-aari ng iba,” ang tugon ni Isagani
na ngumiti nang makahulugan. “Kung nalaman lámang ng magnanakáw ang
pakay niyon at nagkaroon ng panahong makapag-isip, hindi niya sana ginawa
iyon!”

260
At nagpatuloy ang pagbibigay ng kuro-kuro at pala-palagay.
Pagkaraan ng isang oras nagpaalam si Isagani sa mag-anak. Aalis na siya,
upang manirahang kapiling ng kanyang amain at hindi na muling magbabalik.

Kasawian
(Kabanata XXXVIII)

Si Matanglawin ang kilabot ng Luzon. Ang kanyang pangkat ay walang


kaabog-abog na lumulusob sa mga lalawigang hindi silá inaasahan, katulad
din naman sa mga lalawigang nakahandang makipagharap sa kanila. Sinunog
nila ang isang kabyawan at ang mga bukirin nito sa Batangas. At pagkatapos
pinatay ang hukom-tagapamayapa sa Tiani. At sa sumunod na araw ay sinakop
ang isang bayan sa Cavite at sinamsam ang mga armas sa tribunal.Si Matanglawin
ay nagpatuloy sa pagdarambong sa mga lalawigan ng Cagayan Valley, mula
Tayabas hanggang Pangasinan. Ang kakila-kilabot niyang pangalan ay umabot
hanggang katimugan ng Albay at sa hilaga hanggang Cagayan.Ang mga bayang
inalisan ng mga armas, dahil sa kawalang-tiwala ng mahinang pamahalaan,
ay madaling nangahulog sa kanyang mga kamay. Sa kanyang pagsalakay,
nagsilikas ang mga ito. Nag-iwan siya ng bakas ng dugo at apoy sa kanyang
pinanggalingan. Pinagtawanan lámang ni Matanglawin ang mga mahigpit na
kautusan laban sa mga tulisan. Ang nagdurusa sa mga kautusang iyan ay ang
mga taong naninirahan sa malalayong nayon. Binibihag at pinarurusahan silá
ni Matanglawin kapag kumakalaban sa kanya o kaya’y kung nakikiisa sa kanya
ay ipinabubugbog at ipinatatapon ng pamahalaan sakaling hindi abutin ng
sakuna sa daan. Ang napakahirap na kalagayang ito ang nag-udyok sa mga
magbubukid na sumáma sa pangkat ni Matanglawin.
Dahil sa ganitong mapanganib na kalagayan, ang humihinang pangangalakal
ay patuloy na namatay nang lubusan. Hindi nakapangahas maglakbay ang
mga mayayaman. Nangatatakot ang mga mahihirap na mahúli ng mga guardia
civil na siyang naatasang tumugis sa mga tulisan. Kadalasan, dinadakip nila
ang mga taong unang masalubong at pinarurusahan ng karahasan ang mga
pinaghihinalaan upang sa ganitong pagmamalupit ay di maghinala ang bayan
sa kanilang kahinaan. Ang tákot ang nagtatakda ng mga gayong kautusan
Isang hapon, isang hanay ng mga sawimpalad na pinaghinalaan, mga
anim o pitó, ang nakagapos nang abot-siko na namamaybay sa isang daan o
isang bundok. Natatanuran silá ng sampu o labindalawang guardia civil na
sandatahan. Napakatindi ng init. Kumikislap ang mga bayoneta. Ang kanyon
ng mga baril ay nag-iinit. At ang mga dahon ng sambong na nakalagay sa mga
kapasete ay hindi sapat upang mabawasan ang nakapapasong init ng araw sa
buwan ng Mayo.

261
Hindi maigalaw ng mga bilanggo ang kanilang mga bisig. Palibhasa’y dikit-
dikit siláng nakatali upang makatipid sa tali. Lumalakad silá nang walang takip
sa ulo. At walang sapin sa mga paa. Mabuti na ang isang may taling panyo
sa ulo. Humihingal sa pagkahapo at punong-puno ng alikabok ang kanilang
katawang nagpuputik dahil sa pawis. Nararamdaman nilang parang natutunaw
ang kanilang mga utak at nakakikita ng maliliwanag na batik na pulá sa hangin.
Nababakas sa kanilang mga mukha ang pagkapagal, pagkapoot, panghihina ng
loob o tuluyang kawalang pag-asa, at di maipaliwanag na damdamin, tulad ng
isang taong sawâ na sa búhay at lumalait na sa Diyos. Ang mga nakatatagal ay
nagpupunas ng kanilang mukhang punong-puno ng pawis sa likod ng taong
nauuna. Marami ang pipilay-pilay.At kung sakaling madapa ang isa at matigil ang
paglakad, dali-daling lalapit ang isang kawal. Iwawasiwas niya sa anuman ang
direksiyon ng isang sangang nakuha sa isang punong naraanan sa taong narapa
upang piliting tumayo. Ang hanay ay magsisimulang tumakbo at mahihila
ang nakahandusay na bilanggo na gumugulong sa alikabok, nananaghoy,
at humihingi ng madaling kamatayan. Kung sakaling makatayong muli,
nagpapatuloy siya sa kanyang paglakad, humihikbi-hikbi na parang batà, at
isinusumpa ang araw ng kanyang pagiging tao.
Humihinto paminsan-minsan ang hanay ng mga bilanggo. Ang mga tanod
ay nagsisiinom at nagpapatuloy silá na tuyong-tuyo ang lalamunan, madilim
ang pag-iisip, at punong-puno ng kapaitan ang puso.Ang uhaw ay hindi na nila
inaalintana.
“Hala, lakad!” ang sigaw ng kawal na may paglait sa Pilipino.
At muling humaginit sa hangin ang sanga at tumama sa pinakamalapit na
likod o kung minsan sa mukha na nag-iiwan ng bakas na maputi sa simula at
pagkatapos ay namumula at natatakpan ng alikabok sa daan
“Lakad, kayo! Mga duwag!” ang sigaw ng guwardiya. Mautang ang kanyang
pangalan. Minsa’y nagbibigay siya ng utos sa Kastila upang maging kapani-
paniwala ang utos.
“Mga duwag!” alingawngaw ng kabundukan.
Ang mga duwag ay nagtutumulin sa paglakad sa silong ng nagbabagang
langit, sa isang nakapapasong lansangan at tinutugis ng mga sangang may
mga buko na halos mabali sa kanilang mga katawan. Marahil, ang lamig sa
Siberia ay higit na maawain kaysa sa araw kung buwan ng Mayo sa Pilipinas.
Gayon man, isa sa mga kawal ang nasusuklam sa nakikitang pagmamalupit.
Tahimik siyang lumalakad na kunot noo tanda nang di pagsang-ayon. Sa wakas,
nang makitang ang kasáma ay di nasisiyahan sa paggamit ng sanga sa pagpalo
at sinisipa pa ang mga nararapa, hindi na siya nakapagpigil at sumigaw:
“Hoy, Mautang! Tigilan mo na silá!”
Takang-takang napalingon si Mautang.
“Ano ba ang pakialam mo? Kagagaling mo lámang sa Carolina, hindi ba?”

262
“Sa akin ay wala, ngunit hindi ko gusto ang ginagawa mo. Sila’y mga tao
rin,” ang sagot ng Carolinian.
“Nakikita kong baguhan ka pa lámang sa gawaing ito,” ang ganti ni Mautang
na naaawang tumatawa. “Paano mo pinakikitunguhan ang mga bilanggo sa
digmaan?”
“Hindi katulad ng ginagawa mo!” ang sagot ng Carolinian.
Si Mautang ay natahimik sumandali. At pagkatapos na makahanap ng
maisasagot ay nagsalita nang mahinahon.
“A, mangyari ang mga iyon ay mga kaaway at lumalaban.Ang mga taong ito
ay mga… mga kababayan natin.”
At idinagdag niya nang pabulong sa Carolinian.
“Napakahangal mo! Ginagawa ko ang gayon upang matutong lumaban at
tumakas. At pagkatapos… pung!”
Ang Carolinian ay hindi sumagot.
Isa sa mga bilanggo ay nagmakaawa na makapagpahinga lámang sandali.
“Mapanganib ang pook na ito,” ang sagot ng kabong namamahala. Balisa
siyang tumingin sa dako ng bundok.“Sulong!”
“Lakad!” ang utos ni Mautang.
Ang pamalo ay humaginit na naman. Namilipit ang bilanggo sa sakit at
buong pagkamuhi na nagwika:
“Malupit ka pa kaysa Kastila.”
Tinugon siya ni Mautang ng higit na maraming palo. Halos kasabay noon ay
humaging ang isang punlo na sinundan ng isang putok. Nabitiwan ni Mautang
ang kanyang baril at umikot at napalugmok na sapo ng dalawang mga kamay
ang kanyang dibdib. Nakita siya ng bilanggo na namimilipit sa alikabok at
nilalabasan ng dugo sa bibig.
“Tigil!” ang sigaw ng kabong namumutla.
Ang mga kawal ay nagsihinto at tumingin sa kanilang paligid. Isang usok
ang lumabas sa isang kasukalan sa may libis ng bundok. Narinig ang isa pang
putok at humaging ang isa pang punlo. Higit na nagtutungayaw ang kabong
natamaan sa hita. Ang pangkat ay sinasalakay ng mga lalaking nagtatago sa
matataas na bato.
Ang galít na galít na kabo ay itinuro ang mga nakataling bilanggo at nag-
utos na pagbabarilin.
Napaluhod sa tákot ang mga bilanggo. Dahil sa hindi maitaas ang mga kamay,
nagmakaawa sa pamamagitan ng paghalik sa alikabok o iniyuyukong mabuti
ang kanilang ulo. May tumutukoy sa kanilang anak at magulang na maiiwan na
walang mag-aaruga. Ang isa’y nangako ng salapi. Ang isa’y tumawag sa Diyos.
Ngunit ang bunganga ng baril ay ibinaba na at isang kahindik-hindik na putok
ang nagpatahimik sa kanila.
Pagkatapos, ibinaling ng mga kawal ang kanilang baril sa may dakong
itaas ng bundok na unti-unting nalalaganapan ng usok. Dahil sa usok na ito

263
at sa kadalangan ng putok, mahihinuhang marahil ay di hihigit sa tatlong baril
ang hawak ng mga kalaban. Sumalakay ang mga kawal na nagpapaputok at
nangagkakanlong sa mga punò ng kahoy, humihiga, at nagpupumilit na
makarating sa itaas. Nangatipak ang mga bato, nangabakli ang mga sanga ng
punò, at nangahukay nang maliliit ang lupa sa mga tama ng punlo. Ang unang
kawal na nagtangkang makaakyat ay gumulong na may tama sa balikat.
Ang di nakikitang kalaban ay nakalalamang dahil sa kanyang kinalalagyan.
Ang mga matatapang na kawal na hindi marunong umurong ay pinanghinaan
ng loob.Tumigil silá sa pagsalakay sa dahilang hindi nila nakikita ang kanilang
kalaban. Pawang usok lámang at mga bato ang nakikita nila. Wala ni isa mang
tinig na naririnig o anino man lámang na nakikita. Tila nakikipaglaban silá sa
bundok.
“Ano, ikaw, Carolinian, nasaan ang husay mo sa pagtudla?” ang sigaw ng
kabo.
Nang mga sandaling iyon, isang laláki ang lumitaw mula sa ibabaw ng isang
bato na iwinawasiwas ang hawak na baril na parang humuhudyat.
“Barilin mo siya!” ang galít na galít na utos ng kabo.
Tatlong kawal ang sumugod, ngunit nanatiling nakatayo ang laláki.
Sumisigaw siya ngunit hindi maunawaan.
Napahinto ang Carolinian. Parang nakikilala niya ang taong iyon. Ngunit
binalaan siya ng kabo na tatarakan kung hindi magpapaputok. Tinudla at
pinaputukan ng Carolinian ang laláki. Napatalikod ang laláki at nawala kasabay
ng isang sigaw na nakapagpangilabot sa Carolinian.
May kumaluskos sa kadawagan na para bang nagkawatak-watak na
ang mga kaaway. Ang mga kawal ay nagsimula nang lumusob nang walang
pag-aalinlangan. May isa na namang laláki na lumitaw sa itaas ng bato na ang
iniwawasiwas ay isang sibat. Pinaputukan ng mga sundalo at ang laláki ay unti-
unting napayuko at nangunyapit sa isang sanga. Isang putok ang muling
narinig. Bumagsak ang laláki nang pasubasob sa mga bato.
Mabilis na nagsiakyat sa mga batuhan ang mga guardia civil, na handa ang
mga bayoneta. Handa silá sa pinipihong pakikipaglaban.Tanging ang Carolinian
ang bantulot na kumilos. Malungkot ang paningin at nababagabag sa sigaw
at daing ng laláking kanyang binaril. Ang unang kawal na nakarating sa itaas
ay nakatagpo ng isang matandang lalaking nag-aagaw-búhay at nakahandusay
sa batuhan. Sinaksak ng bayoneta ang katawan nito, ngunit hindi man lang
kumurap ang matanda. Nakatitig nang walang kakurap-kurap ang mga mata
nito sa Carolinian, isang titig na makahulugan. At sa pamamagitan ng mga
butuhang kamay ay may itinuro sa likod ng batuhan.
Napalingon ang mga kawal. Nakita nila ang maputlang-maputlang
Carolinian na nakanganga at nakamulagat na ang mga titig ay nasisinagan ng
hulíng kislap ng katinuan. Siya ay si Tano, anak ni Kabesang Tales. Kababalik
pa lámang niya mula sa Carolinas. Nakilala niya na ang matanda ay ang

264
kanyang nuno na si Tandang Selo na hindi na makapagsalita. Ipinahiwatig niya
sa pamamagitan ng kanyang mga nawawalan nang búhay na mga mata ang
kanilang mga pagdurusa. At nagpatuloy pa ring itinuro ng kanyang wala nang
búhay na daliri ang nása likod ng batuhang iyon.

Katapusan
(Kabanata XXXIX)

Sa isang malayong bakasyunan sa may baybay-dagat na ang mga alon ay


nakikita sa mga bukás na bintana na umaabot sa malayo hanggang abot-tanaw,
ang malungkuting si Padre Florentino ay naglilibang sa pamamagitan ng
pagtugtog ng malulungkot na himig sa kanyang armoniyum. Ang nagiging
tagasaliw ay ang mauugong na lagaslas ng mga alon at ang mga bulong ng
mga sanga ng kalapit na gubat. Mahahaba at matitining na nota na wari’y
isang dalangin ang lumalabas sa lumang instrumento. Isang tunay na musiko
si Padre Florentino. Lumilikha siya ng sariling himig. At palibhasa’y nag-iisa ay
nabigyang-laya ang sakít ng puso.
May dahilan ang kalungkutan ng matanda. Ang kanyang mabuting kaibigan
na si Don Tiburcio de Espadaña ay kaaalis lámang upang maiwasan ang pag-
uusig ng kanyang asawa. Tumanggap ng sulat nang umagang iyon ang pari
mula sa tenyente ng guardia civil ng lugar na iyon na ganito ang sinasabi:

Mahal kong kapelyan:


Katatanggap ko lámang ng isang telegrama mula sa aming kuwartel. Español
escondido casa Padre Florentino cojera remitira vivo muerto. Pagkat maliwanag ang
telegrama, pagsabihan ninyo ang ating kaibigan na huwag na siyang paabot sa
akin. Tutungo akó riyan sa ganap na ika-8 ng gabi upang hulihin siya.
Lubos na sumasainyo,
Perez

Sunugin ninyo ang sulat.


“A… ang Victorinang ito, ang Victorinang ito,” ang pautal na wika ni Don
Tiburcio.“Maaari niya akong ipabaril!”
Hindi siya napigilang umalis ni Padre Florentino. Nawalan ng saysay ang
pagpapaliwanag niya. Ang ibig sabihin marahil ng Cojera ay cogera. Ang
nagtatagong Kastila ay hindi maaaring si Don Tiburcio kundi ang mag-aalahas
na si Simoun. Kararating pa lámang niya, may dalawang araw na ang nakalilipas,
na sugatan, tumakas kung saan at humihingi ng kalinga. Si Don Tiburcio ay
hindi rin nakinig. Ang cojera ay walang iba kundi ang kanyang pagkapilay, na

265
sarili niyang palatandaan. Ang lahat ng ito ay pakana ni Donya Victorina. Ibig
siyang ipahuli ng donya patay man o buháy na gaya ng isinulat ni Isagani mula
sa Maynila. At nagmamadaling lumisan sa bahay ng pari ang Ulysses upang
magtago sa isang mangangahoy.
Walang pagdududa si Padre Florentino na ang Kastilang pinaghahanap ay
si Simoun, ang mag-aalahas. Mahiwaga ang kanyang pagdating. Siya ay sugatan,
malungkot, patáng-patâ, at dalá-dalá ang kanyang maleta. Gaya ng ugaling
Pilipino, magiliw na tinanggap ng pari, nang walang pagtatanong si Simoun.
Palibhasa’y hindi pa nakararating sa kanya ang balita mula sa Maynila, kayâ
hindi pa niya maliwanagan ang pangyayari. Ang tanging pumasok sa kanyang
isip ay ang umalis na ang kapitan heneral, ang kaibigan at tagapagtanggol ng
mag-aalahas. Ang mga kaaway ni Simoun na kanyang pinagsamantalahan at
pinahirapan ay nagsikilos na lahat upang humingi ng paghihiganti. Pinag-
uusig din siya ng pansamantalang heneral upang isuko ang mga nakamal
niyang kayamanan. Iyan ang dahilan kung bakit siya tumakas. Ngunit bakit
siya sugatan? Nagtangka ba siyang magpakamatay? Biktima ba siya ng sariling
paghihiganti? O di-sinasadya ang kanyang kapahamakan, gaya ng paliwanag
ni Simoun? Nasugatan kayâ siya sa pagtakas mula sa mga maykapangyarihang
humahanap sa kanya?
Ang hulíng pagpapalagay ay inaakalang siyang pinakamalapit na maaaring
mangyari. Ang katatanggap na telegrama mula sa tenyente ng guardia civil ay
nakapagpatibay sa manggagamot sa ganitong palagay, kagaya rin naman ng
matigas na pagtanggi ni Simoun na padala sa kabisera. Si Don Tiburcio lámang
ang tanging pinahintulutan niyang maglapat ng lunas sa kanya, bagama’t
mahahalata pa rin ang kawalan ng pagtitiwala. Inisip ni Padre Florentino kung
ano ang gagawin, kung sakaling dumating ang guardia civil na darakip kay
Simoun. Malubha ang kalagayan ng lalaking sugatan. Hindi ito dapat kumilos at
lalong hindi makatatagal sa mahabang paglalakbay, ngunit sinasabi sa telegrama
na búhay o patay….
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino at lumapit sa bintana upang
tumanaw sa dagat. Ang kalawakan nito’y wala ni isa mang bapor o layag. Ang
maliit na pulóng nag-iisang natatanaw sa malayo ay walang ipinahihiwatig
kundi ang kanyang pangungulila ay lalo lámang nakalulungkot na kalawakan.
Kung minsan, nakababaliw ang katahimikang walang hanggan.
Pinilit matarok ng matandang pari ang malungkot at balighong ngiti ni
Simoun nang maláman niyang siya’y darakpin. Ano ang kahulugan ng ngiting
iyon? At ang isa pang ngiting lalong malungkot at baligho, nang mabatid niya
na ika-8 pa ng gabi silá darating upang dakpin siya? Ano ang ibig sabihin ng
gayong hiwaga? Bakit tumangging magtago si Simoun? Naalala ng matanda ang
bantog na sinabi ni San Juan Crisostomo nang ipagtanggol ang eunuko na si
Eutropio: “Ngayon, at hindi kailanman dapat sabihin ang: Kapalaluan ng mga
kapalaluan at ang lahat ay kapalaluan!”

266
Tunay, ang Simoung ito na napakayaman, napakamakapangyarihan, ay higit
na sawimpalad kaysa kay Eutropio. Humanap siya nang matutuluyan hindi
sa mga dambana ng simbahan kundi sa isang abang dampa ng isang mahirap
na paring Indio na nagtatago sa mapanglaw na gubat sa baybayin ng ulilang
dagat. Kapalaluan ng lahat ng mga kapalaluan! Lahat ay kapalaluan! At sa loob
ng ilang oras na lámang, ang taong ito ay darakpin, kukunin mula sa kanyang
hinihigan na di inaalintana ang kanyang kalagayan. Kailangan siya ng kanyang
mga kaaway, patay o buháy. Paano siya maililigtas? Saan matatagpuan ang
mga salitang nakaakit sa Obispo ng Constantinopla? Ano ang kapangyarihan
ng kanyang mga salita, mga salita ng isang paring Indio, na ang kaapihan ay
waring ipinagbunyi at pinalakpakan ni Simoun nang kapanahunan ng kanyang
tagumpay?
Hindi na naalaala ni Padre Florentino ang pagwawalang-bahalang
pagtanggap sa kanya ng mag-aalahas noong dalawang buwan na ang nakalilipas.
Lumapit siya rito upang matulungang mapalaya si Isagani na nadakip dahil sa
kanyang kawalang-ingat at kapusukan. Nakalimutan na rin niya ang ginawang
pagsisikap ni Simoun na mapadali ang kasal ni Paulita, ang kasal na naging
dahilan upang si Isagani ay umiwas sa mga tao at ikinaligalig ng amain. Nalimot
itong lahat ni Padre Florentino. Naalaala lámang niya ang kalagayan ng lalaking
sugatan at ang tungkulin niya sa kanyang panauhin. Kayâ gayon na lámang ang
pag-iisip niya kung itatago niya si Simoun sa mga maykapangyarihan. Ngunit
ang taong iyon, sa kanyang sarili’y di nababahala at ngumingiti lámang…..
Matamang pinag-iisipan ng butihing pari ang mga tanong na ito nang
lumapit sa kanya ang isang utusán upang ipagbigay-alam na ibig siyang makausap
ni Simoun. Nagtuloy siya sa kalapit na silid. Malinis at maaliwalas ito, malalapad
at makikintab ang mga sahig. Malalaki at mabibigat ang mga antigong silyang
walang barnis at walang disenyo. Sa isang dulo ay may malaking kamagong
na may apat na tukod na nagdadala ng korona ng kulambo. At sa tabi ay may
isang mesang punô ng mga botelya, hilatsa ng mga panali sa sugat. May isang
luhuran sa paanan ng isang Kristo at isang maliit na aklatan. Mahuhulaang ito
ang silid ng pari na ipinagagamit sa kanyang panauhin, palibhasa’y katutubo
sa mga Pilipino ang ipagkaloob sa kanyang panauhin ang pinakamasarap
na pagkain, pinakamaayos na silid, at pinakamainam na higaan sa kanyang
tahanan. Bukás na bukás ang mga bintana upang malayang makapasok ang
dalisay na hanging-dagat at walang hanggang hinaing nito.Walang mag-aakala
na matatagpuan doon ang isang maysakit. Nakaugalian na sa Pilipinas noon na
ilapat ang mga bintana at mga bútas na maaaring pasukan ng hangin kapag
may isang sinipon o nakararamdam ng kaunting sakít ng ulo.
Tumingin si Padre Florentino sa kama at namangha siya nang makita na
wala na sa mukha ni Simoun ang panatag at anyong pagwawalang-bahala. Isang
lihim na sakít ang nagpapangiwi sa kanyang mukha. Nababása sa kanyang mga
mata ang pagkabalisa. Napapangiwi ang kanyang mga labì sa matinding sakít.

267
“Nahihirapan ba kayo, Ginoong Simoun?” ang may pag-aalalang tanong ng
pari.
“Kaunti po,” ang kanyang sagot at umiling ang ulo,“ngunit hindi magtatagal
ito.”
Sindak na napadaop-palad si Padre Florentino. Naunawaan niya ang kakila-
kilabot na katotohanan.
“Diyos ko! Ano ang ginawa ninyo, Ginoong Simoun? Ano ang ininom ninyo?
Kinuha niya ang mga bote.
“Hulí na ang lahat. Wala nang lunas,” ang sagot ni Simoun na napangiwi
sa sakit.“Ano ang ibig ninyong gawin ko? Sa ganap na ika-8… patay o buháy…
patay, oo, ngunit hindi buháy.”
“Diyos ko! Diyos ko! Ano ang ginawa ninyo?
“Huminahon kayo,” ang pagsaway ni Simoun.“Ang nagawa na ay nagawa na.
Hindi akó dapat mahulog nang buháy sa kahit kaninuman. Maaaring pilitin nila
akong maláman ang aking lihim. Huwag kayong mabahala. Magpakahinahon
kayo. Hulí na ang lahat. Makinig kayo. Malápit nang gumabi at hindi dapat
mag-aksaya ng oras. Kailangang maláman ninyo ang aking lihim. Kailangang
ipagkatiwala ko sa inyo ang aking kahilingan. Mahalagang makilala ninyo
ang buo kong pagkatao. Sa hulíng pagkakataon nais kong maalis ang isang
pasanin sa aking dibdib. Ibig kong maliwanagan ang isang pag-aalinlangan.
Kayo ay may lubos na pananalig sa Diyos. Ibig kong sabihin ninyo sa akin na
may isang Diyos!”
“May gamot na panlunas pa, Ginoong Simoun. Mayroon akong apomorpina,
eter… kloroporma!”
At hinanap ni Padre Florentino ang mga tamang bote hanggang inip na
sumigaw si Simoun.
“Hulí na! Wala nang mangyayari! Huwag kayong mag-aksaya ng panahon.
Bakâ yumao akong dalá ang aking lihim sa libingan.”
Ang naguguluhang pari ay lumuhod sa kanyang reclinario at nanalangin sa
paanan ni Kristo na nakasubsob ang mukha sa dalawang kamay.At pagkatapos
ay tumindig nang walang kangiti-ngiti at kagalang-galang na waring may
mahalagang pasiya na gáling sa Diyos, ang buong kapangyarihan ng isang
Hukom ng mga balak. Inilapit niya ang isang silyon sa ulunan ng higaan at
yumuko upang humandang makinig.
Isinalaysay ni Simoun ang malungkot niyang kasaysayan. Nagbalik siya mula
sa Europa na punóng-punô ng pag-asa at makukulay na pangarap. Labintatlong
taon na ang nakakaraan. Pakakasalan niya ang babaing kanyang iniibig. Handa
siyang gumawa nang mabuti at magpatawad sa mga nagkasala sa kanya, bayaan
lámang siyang mamuhay nang payapa. Ngunit hindi gayon ang nangyari. Isang
mahiwagang kamay ang nagtaboy sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa
ng kanyang mga kaaway. Nawalan siya ng pangalan, karangalan, yaman, pag-
ibig, kinabukasan, kalayaan, at lahat na. At nakaligtas lámang sa kamatayan

268
dahil sa kagitingan ng isang kaibígan. At noon niya isinumpang maghiganti.
Sa tulong ng kanyang namanang kayamanang ibinaon sa gubat, nagtungo
siya sa ibang bansa at siya’y nangalakal. Nakilahok siya sa digmaan sa Kuba
at tinulungan ang magkabilang panig. Ngunit laging sa kapakinabangan niya.
Noon niya nakilala ang heneral na noon ay komandante pa lámang. Nakuha
niya ang pagtitiwala nito sa simula sa pamamagitan ng pagpapahiram sa kanya
ng salapi. At di lumaon, naging matalik na magkaibigan silá dahil sa ilang
kataksilan at lihim na alam ng mag-aalahas. Sa tulong ng salapi, nakuha niyang
maparito ang heneral. At nang nása Pilipinas na ay ginawa niyang kasangkapan
ang pagkauhaw at inudyukan niyang gumawa ng kasamaan at lahat ng uri ng
kawalang-katarungan.
Ang pangungumpisal ay naging mahaba at nakapapagod. Ngunit hindi na
nagpakita ng pagkamangha ang pari at bihi-bihira na niyang gambalain sa
pagsasalita ang maysakit. Gabi na nang matapos si Padre Florentino. Nagpahid
ng pawis at tumindig na nag-iisip nang malalim. Mahiwagang kadiliman ang
naghahari sa loob ng silid. Ang sinag ng buwang pumapasok sa mga bintana
ay manipis at malabo.
Sa gitna ng katahimikan, narinig ang tinig ng pari. Malungkot, banayad
ngunit nakaaalo.
“Patawarin ka ng Diyos, Ginoong… Simoun,” ang sabi niya. “Batid Niyang
táyo ay maaaring malinlang. Nakita ang kaparusahan sa pamamagitan ng
pagkakamit mo ng kamatayan sa kamay na rin ng mga taong iyong inudyukan.
Nakikita nating ang walang hanggang awa Niya. Isa-isa Niyang binigo ang iyong
mga balak, kahit na ang pinakamabuti. Ang una’y ang pagkamatay ni Maria
Clara, dahil sa kawalang-ingat, at pagkatapos sa isang paraang mahiwaga….
Sundin natin ang Kanyang kalooban at pasalamatan natin Siya.”
“Ayon sa inyo,” ang pauntol-untol na sagot ni Simoun,“Kanyang kalooban
na ang kapuluang ito…”
“Ay magpatuloy sa kanyang kahabag-habag na kalagayan?” ang dugtong
ng pari nang mag-atubili si Simoun. “Hindi ko alam, ginoo. Hindi ko matarok
ang isip ng Makapangyarihan sa lahat. Batid kong hindi Niya pinababayaan
ang mga taong nagtitiwala sa Kanya at ginawa Siyang hukom ng kanilang
kaapihan. Alam ko na ang Kanyang kamay ay kumikilos kapag ang katarungan
ay niyuyurakan at nabigo na ang lahat ng paraan. Ang sinisiil ay humahawak
na ng sandata at nakikipaglaban nang dahil sa kanyang tahanan, sa kanyang
asawa’t mga anak, at sa kanyang mga karapatan na sa wika ng isang makatang
Aleman ay kumikinang sa itaas na di mayuyurakam at di makukuha, katulad
ng isang bituing walang hanggan. Hindi. Ang Diyos ay makatarungan! Hindi
Siya magpapabaya sa Kanyang mithiin na itaguyod ang kalayaan, na kung wala
nito’y walang katarungan.”
“Kung gayon, bakit Niya akó pinabayaan?” ang may paghihinanakit na
tanong ni Simoun.

269
“Sapagkat pinili ninyo ang isang paraan na hindi Niya masasang-ayunan!”
Ang matigas na sagot ng pari.“Ang karangalan ng pagliligtas sa isang bayan ay
hindi matatamo ng isang nakatulong sa pagpapahirap dito. Inaakala ninyo na
ang dinungisan ng kasamaan at kawalang katarungan ay mangyayaring malinis
at maililigtas ng higit na kasamaan at higit na kawalang-katarungan. Ito’y isang
pagkakamali. Ang kapootan ay lumilikha lámang ng mga dambuhala, mga
kasamaan, mga salarin. Tanging ang pag-ibig ang nakalilikha ng mga kahanga-
hanga. Tanging kabutihan ang makapagliligtas. Kung magiging malaya, ang
ating bayan balang araw, ito ay hindi dahil sa masasamang hilig at kasamaan,
hindi sa paraang magpapasama sa kanyang mga anak, madadaya ang ilan,
mabibili ng salapi ang iba. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan.
Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At ang pagpapakasakit ay pag-ibig.”
“Tinatanggap ko ang inyong paliwanag.” ang sagot ni Simoun pagkatapos
ng ilang sandali. “Nagkamali akó. Ngunit dahil ba riyan, kung kayâ ang Diyos
ninyong ito’y ipagkakait ang kalayaan sa isang bayan at ililigtas ang iba na
lalong imbi kaysa sa akin? Ano ang pagkakasala ko kung ihahambinng sa mga
kasamaan ng mga namamahala? Bakit pahahalagahan pa ng Diyos na iyan ang
aking mga kabuktutan kaysa daing ng maraming walang sála? Bakit hindi
Niya akó parusahan at pagkatapos bayaang magtagumpay ang bayan? Bakit
binayaang magtiis ang kayraming karapat-dapat at hindi matinag na lubos na
nasisiyahan sa kanilang mga paghihirap?”
“Ang mga karapat-dapat ay kailangang magtiis upang maláman at
lumaganap ang kanilang adhikain. Kailangang alugin o basagin ang sisidlan
upang humalimuyak ang bango. Kailangang kiskisin ang bato upang lumikha
ng ningas. May kaloob din ang Diyos sa mga pag-uusig ng mga maniniil,Ginoong
Simoun.”
“Alam ko po, kayâ nga inudyukan ko ang kalupitan…”
“Tunay, kaibigan. Lalong maraming kasamaan ang kumalat kaysa ibang
bagay. Pinalusog ninyo ang kabulukan sa lipunan nang hindi naghahasik ng
anumang adhikain. Ang kaguluhang ito ay magdudulot lámang ng pagkasuklam.
Kung mayroon mang biglang sumipot, ito ay maaaring isang kabuting-lason,
sapagkat kabuting-lason lámang ang maaaring tumubo sa layak.Tunay nga’t ang
masasamang hilig ng pamahalaan ay nakakamatay sa kanya, ngunit pumapatay
rin sa lipunang pinangyarihan ng gayon. Sa isang mahalay na pamahalaan ay
bagay ang isang bayang mahina. Sa pamahalaang walang budhi ang bayang
masakim, nagpapaalipin, mga mandarambong, at tulisan sa kabundukan. Kung
ano ang panginoon, gayon din ang alipin. Kung ano ang pamahalaan ay gayon
din ang bayan.”
Naghari ang saglit na katahimikan.
“Kung gayo’y ano po ang nararapat gawin?” ang tanong ng maysakit.
“Magtiis at gumawa!”

270
“Magtiis at gumawa!” ang nag-uuyam na sagot ni Simoun. “Madaling
sabihin iyan kung ang mga tao ay hindi naghihirap, kung ang gawain
ay nagagantimpalaan. Kung ang inyong Diyos ay humihingi ng gayong
pagpapakasakit sa mga taong hindi halos nakatitiyak ng kanilang kasalukuyan
at nag-aalinlangan sa kanilang kinabukasan, kung nakita lámang ninyo ang mga
nakita kong mga sawimpalad na nagtiis ng di halos mabatang paghihirap dahil
sa mga kasamaang hindi silá ang may gawa, mga kaawa-awang ama na inagaw
sa kanilang kaanak upang gumawa sa mga lansangang nasisira kinabukasan at
lalo pang nagpapalubog sa mga mag-anak sa karalitaan…. a, magtiis! Gumawa!
Siyang kalooban ng Diyos! Papaniwalain ang mga tao na ang kanilang kamatayan
ay kanilang kaligtasan, na ang kanilang paggawa ay siyang ikagiginhawa ng
kanilang tahanan! Magtiis… maghirap… anong uri ng Diyos iyan?”
“Isang Diyos na lubhang makatarungan, Ginoong Simoun,” ang sagot ng
pari. “Isang Diyos na nagpaparusa sa ating kawalan ng pananalig, sa ating
masasamang hilig, ang kakulangan natin sa pagpapahalaga sa karangalan at
kabutihan sa kapwa. Pinahihintulutan natin ang masasamang hilig kayâ táyo
nagiging kasapakat nito.At kung minsan ay pinupuri pa natin ito;kayâ,nararapat
lámang na magdusa táyo sa ibubunga nito at magdusa rin ang ating mga anak.
Siya ang Diyos ng awa at katarungan na nagpapabuti sa atin sa pamamagitan
ng pagpaparusang ibinibigay Niya. Nagdudulot Siya ng kaligtasan sa mga taong
nagpapakasakit na matamo ito. Ang paaralan ng pagtitiis ay nakapagpapatibay
sa kalooban; ang pakikipagtunggali ay nakapagpapalakas ng kaluluwa. Hindi
kinakailangang matamo ang kalayaan sa pamamagitan ng sandata. Ang espada
ay di na gaanong kasangkapan sa mga bagong kabuhayan. Kailangang matamo
natin ang kalayaan kung tayo’y karapat-dapat; paunlarin natin ang kaisipan;
pataasin ang karangalan ng tao; mahalin ang makatarungan, mabubuti, at
mga dakila hanggang kamatayan. Kapag ang bayan ay humantong dito, ang
Diyos ay magkakaloob ng sandata at ang mga diyos-diyosan at mga mapaniil
ay babagsak tulad ng isang kastilyong baraha. Ang kalayaan ay magniningning
kasabay ng pagbubukang-liwayway. Kasalanan natin ang ating mga kasawian.
Huwag nating sisihin ang kahit sinuman. Kung nakikita ng Espanya na tayo’y di
yumuyuko sa mga pandarahas at handa sa pakikipagtunggali at pagtitiis dahil
sa ating karapatan, ang Espanya ang siya nang unang-unang magbibigay sa atin
ng kalayaan, sapagkat kapag ang bunga ng paglilihi ay dumating sa pagkahinog,
kahabag-habag ang inang magtangkang pilit pigilin ito. Subalit, samantalang
walang sapat na katigasan ng loob ang bayang Pilipino na magtaas ng noo,
ilantad ang dibdib, at ipahayag ang kanilang karapatang mabuhay sa sarili
nilang lipunan at patunayan ito sa pamamagitan ng kanilang pagpapakasakit, ng
kanilang sariling dugo, samantalang nakikita natin ang ating mga kababayang
nahihiya sa sarili, nakaririnig ng pagtutol sa kanilang budhi, ngunit hayagan
o lantaran ay tahimik, at kung minsan ay nakikisamang kumukutya sa mga

271
mahihina; samantalang nakikita natin ang labis na pagmamahal nila sa sarili,
pumupuri sa mga mahahalay na gawain, at nagmamakaawa sa paghingi ng
isang bahagi ng nasamsam, ano’t bibigyan silá ng kalayaan? Sa ilalim ng Espanya
o hiwalay sa Espanya, sila’y hindi magbabago at marahil lalo pang sasama!
Ano ang halaga ng pagsasarili kung ang mga alipin ngayon ay siyang magiging
maniniil búkas? Walang pag-aalinlangan na gayon nga. Sapagkat umiibig sa
paniniil ang sumasailalim dito. Ginoong Simoun, samantalang ang ating bayan
ay hindi pa nahahanda, samantalang ito’y tumutungo sa labanan nang nadadaya
o naitataboy, na walang tiyak na kaalaman sa gagawin, mabibigo ang lalong
matalinong pagtatangka. At mabuti na nga ang mabigo! Bakit ipagkakaloob
ang babae sa laláki kung hindi lubos na umiibig at handang magpakamatay
para sa kanya?”
Naramdaman ni Padre Florentino na tinanganan ng nag-aagaw-búhay na
binata ang kanyang kamay at pinisil ito. Hindi umimik at naghintay siya na
magsalita ito. Ngunit muli niyang naramdaman ang pagpisil ng dalawang ulit sa
kanyang kamay at narinig ang isang buntung-hininga. At mahabang katahimikan
ang naghari sa loob ng silid. Tanging ang mga alon sa dagat, na nangagsilaki
dahil sa hangin sa gabi na tila nagising sa init ng umaga, ang umuugong ng
kanyang paos at walang katapusang awit habang ito’y humahampas sa mga
talampas.
Ang buwang wala nang kalabang araw ay payapang nasisiyahan sa kanyang
tagumpay sa langit. Ang mga punò sa gubat na nangagyuyukuan ay nagsasalaysay
ng kanilang matatandang alamat sa pamamagitan ng mahihiwagang bulungang
inihahatid ng hangin.
Nang wala nang masabi ang naghihingalong laláki, si Padre Florentino, na
abalá sa kanyang pag-iisip, ay bumulong:
“Nasaan ang kabataang naglalaan ng kanilang magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap, at ng kanilang kasiglahan sa ikabubuti ng kanilang
bayan? Nasaan ang kabataang magbububo ng dugo upang hugasan ang
ganyan karaming kahihiyan sa gayong karaming krimen at sa gayong karaming
bagay na nakamumuhi? Malinis at walang bahid dungis ang kailangang búhay
na alay upang ang handog ay maging karapat-dapat! Saan kayong nangaroroon,
mga kabataang nagtataglay ng lakas ng búhay na nanlamig na sa aming mga
ugat at ng lagablab ng kasiglahang namatay na sa aming puso? Hinihintay
namin kayo! Halikayo! Hinihintay namin kayo!”
Naramdaman niyang namasâ-masâ sa luha ang kanyang mga mata. Binitiwan
niya ang kamay ng maysakit.Tumindig at lumapit siya sa bintana upang tingnan
ang malawak na dagat. Ilang mahinang katok sa pintuan ang pumukaw sa
kanyang pag-iisip. Yaon ang katulong na nagtatanong kung magsisindi na ng
ilaw.
Nang lumapit ang pari sa maysakit, nakita niya sa tulong ng lampara na
walang katinag-tinag si Simoun. Nakapikit ang kanyang mga mata. Nakabuka

272
at nakalaylay sa dulo ng higaan ang kamay na pumisil sa kamay ng pari. Inisip
niyang natutulog lámang ang laláki, ngunit nang maramdaman niyang hindi na
humihinga, marahan niyang hinipo. Sakâ lámang niya nalamang patay na ito at
unti-unti nang lumalamig.
Lumuhod at nagdasal ang pari.
Nang siya’y tumindig, pinagmasdan niya ang bangkay. Nabakas niya sa
mukha nito ang matinding dalamhating dalá hanggang kamatayan. Nangilabot
ang matandang pari at naibulong niya:
“Kawaan nawa ng Diyos yaong mga nagligaw sa kanya ng landas!”
At habang ang mga katulong na kanyang tinawag ay nangagsiluhod at
nangagdarasal ng patungkol sa namatay, nangaguguluhan sa paulit-ulit na
pagdarasal at pagtingin-tingin sa hihigang kama, kinuha ni Padre Florentino
sa isang taguan ang bantog na maletang bakal na kinalalagyan ng malaking
kayamanan ni Simoun. Nag-atubili siyang sandali ngunit nagpasiyang manaog
at tumungo sa batong laging inuupan ni Isagani upang isip-isipin ang kalaliman
ng dagat.
Tumingin sa kanyang paanan si Padre Florentino. Ang maiitim na alon ng
Pasipiko ay humahampas sa ukab ng mga bato at lumilikha ng mauugong na
ingay habang naliligo sa liwanag ng buwan.Ang mga alon ay bulang kumikislap
na parang mga kislap ng apoy, tila mga dakot-dakot na brilyanteng inihagis
sa bangin ng isang genio ng kailaliman. Tumanaw siya sa buong paligid. Nag-
iisa siya. Ang ulilang baybayin ay nawawala sa malayo, na tila isang ulap na
unti-unting pinapawi ng buwan hanggang sa makiisa sa lalong malayong
dakong ábot ng tanaw. Ang kagubatan ay bumubulong ng mga tinig na walang
linaw. Dahil sa lakas ng kanyang bisig na tulad ng kay Herkules, inihagis ng
matandang pari ang maleta sa bahaging papunta sa dagat. Umikit nang
makailan at matuling bumulusok sa kailaliman, gumuhit nang pabalantok, at
masasalamin sa makintab na ibabaw nito ang maputlang sinag ng buwan. Nakita
ng matandang pari ang pagsabog ng tubig, nakarinig ng bulwak hanggang sa
lumubog sa kailaliman, at malulon ang kayamanan sa pusod nito. Naghintay
ng ilang sandali upang makita kung may isasauli ang kalaliman, ngunit muling
naghilom ang mga alon, mahiwaga na tulad ng dati, at hindi naragdagan ng isa
mang kuton ang kanyang kulot sa ibabaw. Waring sa kalawakan ng dagat ay
walang nahulog kundi isang munting bato lámang.
“Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasáma ng mga
korales at mga perlas sa walang katapusang dagat,” ang sabi ng pari na buong
kataimtimang iniunat ang mga kamay.“Kung sa isang banal at dakilang layunin
ay kakailanganin ka ng tao, matututuhan kang kunin ng Diyos sa sinapupunan
ng mga alon. Samantala, diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan, hindi
mo ililiko ang katwiran, at hindi ka mag-uudyok ng kasakiman.”

273

You might also like