You are on page 1of 128

1

Araling
Panlipunan
Patnubay ng Guro

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Patnubay ng Guro
Unang Edisyon 2015
ISBN:

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda /materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa
telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran
ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang
FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, Phd
Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro
Konsultant: Florisa B. Simeon
Tagasuri at Editor: Aurea Jean A. Abad
Mga Manunulat: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued,
Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
Miranda, Emily R. Quintos, Belen P. Dado, Ruth A.
Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L. Manalo,
Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval
Illustrator: Peter D. Peraren
Layout Artist/Designer: Florian F. Cauntay, Belinda A. Baluca
Punong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-Falcon

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Paunang Salita

iii
Pasasalamat

iv
Mga Nilalaman
YUNIT 1 Ako ay Natatangi
Aralin 1 Pagpapakilala sa Sarili c 1

2 Katangiang Pisikal .... 4


3 Iba’t ibang Pagkakakilanlan ng
mga Pilipino …. 6
….
4 Pansariling Pangangailangan 8
….
5 Pansariling Kagustuhan 10
….
6 Ang Kuwento ng Buhay 12
….
7 Pagpapatuloy at Pagbabago 14
….
Lagumang Pagsusulit
Unang Yunit 16
….
Lagumang Pagsusulit
Unang Yunit
Gabay sa pagwawasto 19

YUNIT 2 Lipunan, Kultura at Ekonomiya


Aralin 1 Mga Bumubuo ng Pamilya … 20
2 Tungkulin ng mga Kasapi ng
Pamilya …. 24

3 Pagtutulungan ng Pamilya …. 27
4 Pinagmulan ng Aking Pamilya …. 30

v
Lagumang Pagsusulit
Ikalawang Yunit …. 32
Yunit 3 Ang Aking Paaralan
Aralin 1 Paaralan ko, Mahal Ko … 37
Bahagi ng Paaralan ko,
2 Pagyayamanin ko 40

Paligid ng Paaralan ko,


Nakakaapekto sa Aking
3 Pagkatuto 42
Tauhan sa Paaralan ko,
4 Pahahalagahan ko 45
Ang Aking Paaralan, Pundasyon
5 ng Magandang Kinabukasan 48
Ang Kwento ng Aking Paaralan:
6 Noon at Ngayon 50
Mga Alituntunin sa Paaralan,
7 Aking Susundin 52
Ang Kahalagahan ng Aking
8 Paaralan 55
Lagumang Pagsusulit
Ikatlong Yunit 57
Yunit 4 Ako at ang Aking Kapaligiran
Konsepto ng Distansiya at
Aralin 1 Lokasyon … 66
Mapa sa Loob at Labas ng
2 Tahanan 71

vi
Mga Estrakturang Nadaraanan
3 mula Bahay Patunong Paaralan 75
Kaugnayan ng Lokasyon,
Distansiya at Transportasyon sa
4 Pang-araw-araw na Buhay 77
Mga Pagbabago sa mga
5 Estruktura at Bagay sa Paligid 80
Mga Bahagi at Gamit sa
Paaralan at Lokasyon ng mga
6 ito 83
Konsepto ng Distansiya sa Silid-
7 aralan at Paaralan 86
Mga Gawi at Ugali na
Nakatutulong at Nakasasama sa
8 Sariling Kapaligiran 89
Lagumang Pagsusulit
Ikaapat na Yunit 93

vii
K to 12 Gabay sa Pangkurikulum

viii
ARALING PANLIPUNAN

Balitang 1
ix
x
K to 12 Basic Education Curriculum
BAITANG 1
Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa sa sarili bilang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at
pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon,
distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidw al at kasapi ng komunidad.
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
UNANG MARKAHAN - Ako ay Natatangi
A. Pagkilala sa Sarili Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Nasasabi ang batayang
AP1NAT-Ia-1
impormasyon tungkol sa
naipamamalas ang buong pagmamalaking sarili: pangalan,
ix pag- unawa sa nakapagsasalaysay ng magulang, kaarawan,
edad, tirahan, paaralan,
kahalagahan ng kwento tungkol sa iba pang
pagkilala sa sarili sariling katangian at pagkakakilanlan at mga
bilang Pilipino gamit pagkakakilanlan bilang katangian bilang Pilipino
ang konsepto ng Pilipino sa malikhaing
2. Nailalarawan ang pisikal
pagpapatuloy at pamamaraan AP1NAT-Ia-2
na katangian sa
pagbabago pamamagitan ng iba’t
ibang malikhaing
pamamaraan

3. Nasasabi ang sariling


AP1NAT-Ib-3
pagkakakilanlan sa iba’t
ibang pamamaraan

4. Nailalarawan ang
AP1NAT-Ib-4
pansariling
pangangailan: pagkain,
kasuotan at iba pa at
mithiin para sa Pilipinas
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
5. Natatalakay ang mga
AP1NAT-Ic-5
pansariling kagustuhan
tulad ng: paboritong
kapatid, pagkain, kulay,
damit, laruan atbp at
lugar sa Pilipinas na
gustong makita sa
malikhaing pamamaraan

B. Ang Aking Kwento 6. Natutukoy ang mga AP1NAT-Ic-6


mahahalagang
pangyayari sa buhay
simula isilang hanggang
sa kasalukuyang edad
gamit ang mga larawan

7. Nailalarawan ang mga AP1NAT-Id-7


personal na gamit tulad
ng laruan, damit at iba
pa mula noong sanggol
hanggang sa
kasalukuyang edad

8. Nakikilala ang timeline


AP1NAT-Id-8
at ang gamit nito sa
pag-aaral ng
mahahalagang
pangyayari sa buhay
hanggang sa kanyang
kasalukuyang edad
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
9. Naipakikita sa
pamamagitan ng timeline AP1NAT-Ie-9
at iba pang pamamaraan
ang mga pagbabago sa
buhay at mga personal
na gamit mula noong
sanggol hanggang sa
kasalukuyang edad
10. Nakapaghihinuha ng
konsepto ng AP1NAT-If-10
pagpapatuloy at
pagbabago sa
pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga
larawan ayon sa
pagkakasunod-sunod

11.Naihahambing ang
AP1NAT-Ig-11
sariling kwento o
karanasan sa buhay sa
kwento at karanasan ng
mga kamag-aral
C. Pagpapahalaga sa Sarili
12. Nailalarawan ang mga AP1NAT-Ih-12
pangarap o ninanais para
sa sarili
12.1 Natutukoy ang mga
pangarap o ninanais
12.2 Naipapakita ang
pangarap sa
malikhaing
pamamaraan
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
13. Naipaliliwanag ang
AP1NAT-Ii-13
kahalagahan ng
pagkakaroon ng mga
pangarap o ninanais para
sa sarili

14. Naipagmamalaki ang


AP1NAT-Ij-14
sariling pangarap o
ninanais sa pamamagitan
ng mga malikhaing
pamamamaraan

IKALAWANG MARKAHAN – Ang Aking Pamilya


A. Pagkilala sa mga Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Nauunawaan ang
kasapi ng Pamilya konsepto ng pamilya AP1PAM-IIa-1
naipamamalas ang buong pagmamalaking batay sa bumubuo nito
(ie. two-parent family,
pag- unawa at nakapagsasaad ng single- parent family,
pagpapahalaga sa kwento ng sariling extended family)
sariling pamilya at pamilya at bahaging
mga kasapi nito at ginagampanan ng 2. Nailalarawan ang bawat AP1PAM-IIa-2
bahaging bawat kasapi nito sa kasapi ng sariling
pamilya sa pamamagitan
ginagampanan ng malikhaing
ng likhang sining
bawat isa pamamaraan
3. Nailalarawan ang iba’t
AP1PAM-IIa-3
ibang papel na
ginagampanan ng bawat
kasapi ng pamilya sa
iba’t ibang pamamaraan
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
4. Nasasabi ang
kahalagahan ng bawat AP1PAM-IIa-4
kasapi ng pamilya
B. Ang Kwento ng Aking 5. Nakabubuo ng kwento
Pamilya tungkol sa pang-araw- AP1PAM-IIb-5
araw na gawain ng
buong pamilya
6. Nailalarawan ang mga
gawain ng mag-anak sa AP1PAM-IIb-6
pagtugon ng mga
pangangailangan ng
bawat kasapi
7. Nakikilala ang “family
tree” at ang gamit nito AP1PAM-IIc-7
sa pag-aaral ng
pinagmulang lahi ng
pamilya
8. Nailalarawan ang
pinagmulan ng pamilya AP1PAM-IIc-8
sa malikhaing
pamamaraan
9. Nailalarawan ang mga
mahahalagang AP1PAM-IIc-9
pangyayari sa buhay ng
pamilya sa pamamagitan
ng timeline/family tree
10. Nailalarawan ang mga
pagbabago sa AP1PAM-IId-10
nakagawiang gawain at
ang pinapatuloy na
tradisyon ng pamilya
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
11. Naipahahayag sa
AP1PAM-IId-11
malikhaing
pamamamaraan ang
sariling kwento ng
pamilya
12. Naihahambing ang
kwento ng sariling AP1PAM-IId-12
pamilya at kwento ng
pamilya ng mga kamag-
aral
13. Naipagmamalaki ang
AP1PAM-IIe-13
kwento ng sariling
pamilya.
C. Mga Alituntunin sa 14. Naiisa-isa ang mga AP1PAM-IIe-14
Pamilya alituntunin ng pamilya

15. Natatalakay ang mga AP1PAM-II0-15


batayan ng mga
alituntunin ng pamilya

16. Nahihinuha na ang mga


alituntunin ng pamilya AP1PAM-IIe-16
ay tumumutugon sa
iba-ibang sitwasyon ng
pang-araw-araw na
gawain ng pamilya
17. Nakagagawa ng
wastong pagkilos sa AP1PAM-IIf-17
pagtugon sa mga
alituntunin ng pamilya
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
18. Naihahambing ang
alituntunin ng sariling AP1PAM-IIf-18
pamilya sa alituntunin
ng pamilya ng mga
kamag-aral
D. Pagpapahalaga sa 19. Naipakikita ang
Pamilya pagpapahalaga sa AP1PAM-IIf-19
pagtupad sa mga
alituntunin ng sariling
pamilya at pamilya ng
mga kamag-aral
20. Nailalarawan ang
batayang AP1PAM-IIg-20
pagpapahalaga sa
sariling pamilya at
nabibigyang katwiran
21. ang pagtupad sa mga
Naihahahambing ang
ito
mga pagpapahalaga ng AP1PAM-IIg-21
sariling pamilya sa
ibang pamilya

22. Natutukoy ang mga


halimbawa ng ugnayan AP1PAM-IIg-22
ng sariling pamilya sa
ibang pamilya
23. Nakabubuo ng
konklusyon tungkol sa AP1PAM-IIh-23
mabuting pakikipag-
ugnayan ng sariling
pamilya sa iba pang
pamilya sa lipunang
Pilipino.
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
IKATLONG MARKAHAN – Ang Aking Paaralan
A. Pagkilala sa Aking Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Nasasabi ang mga
Paaralan batayang impormasyon AP1PAA-IIIa-1
tungkol sa sariling
naipamamalas ang buong
paaralan: pangalan nito
pag- unawa sa pagmamalaking (at bakit ipinangalan
kahalagahan ng nakapagpapahayag ang paaralan sa taong
pagkilala ng mga ng pagkilala at ito), lokasyon, mga
batayang pagpapahalaga sa bahagi nito, taon ng
pagkakatatag at ilang
impormasyon ng sariling paaralan taon na ito, at mga
pisikal na pangalan ng gusali o
kapaligiran ng silid (at bakit
sariling paaralan ipinangalan sa mga
taong ito)
at ng mga taong
bumubuo dito na 2. Nailalarawan ang pisikal
na kapaligiran ng AP1PAA-IIIa-2
nakakatulong sa sariling paaralan
paghubog ng 3. Nasasabi ang epekto ng
kakayahan ng pisikal na kapaligiran sa AP1PAA-IIIb-3
bawat batang sariling pag-aaral (e.g.
mag-aaral mahirap mag-aaral
kapag maingay, etc)
4. Nailalarawan ang mga
tungkuling AP1PAA-IIIb-4
ginagampanan ng mga
taong bumubuo sa
paaralan (e.g. punong
guro, guro, mag-aaral,
doktor at nars, dyanitor,
etc)
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
B. Ang kwento ng Aking 5. Naipaliliwanag ang
Paaralan kahalagahan ng AP1PAA-IIIc-5
paaralan sa sariling
buhay at sa pamayanan
o komunidad.
6. Nasasabi ang
mahahalagang AP1PAA-IIIc-6
pangyayari sa
pagkakatatag ng sariling
paaralan
7. Nailalarawan ang mga
pagbabago sa paaralan AP1PAA-IIId-7
tulad ng pangalan,
lokasyon, bilang ng
mag-aaral atbp gamit
ang timeline at iba pang
pamamaraan
8. Naipapakita ang
pagbabago ng sariling AP1PAA-IIId-8
paaralan sa
pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan
at iba pang likhang
sining
9. Natutukoy ang mga
alituntunin ng paaralan AP1PAA-IIIe-9

10. Nabibigyang katwiran


ang pagtupad sa mga AP1PAA-IIIe-10
alituntunin ng paaralan
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
11.Nasasabi ang epekto sa
sarili at sa mga kaklase AP1PAA-IIIf-11
ng pagsunod at hindi
pagsunod sa mga
alituntunan ng paaralan
C. Pagpapahalaga sa 12. Nahihinuha ang
Paaralan kahalagahan ng AP1PAA-IIIg-12
alituntunin sa paaralan
at sa buhay ng mga
mag-aaral
13. Naiisa-isa ang mga
gawain at pagkilos na AP1PAA-IIIh-13
nagpapamalas ng
pagpapahalaga sa
sariling paaralan (eg.
Brigada Eskwela)
14. Natatalakay ang
kahalagahan ng pag- AP1PAA-IIIi- j-
aaral 14
14.1 Nakapagsasaliksik
ng mga kwento
tungkol sa mga
batang nakapag-
aral at hindi
nakapag-aral
14.2 Nasasabi ang
maaring maging
epekto ng nakapag-
aral at hindi
nakapag-aral sa tao
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
IKAAPAT NA MARKAHAN – Ako at ang Aking Kapaligiran
A. Ako at ang Aking Ang mag-aaral ay… Ang mag-aaral ay… 1. Nakikilala ang konsepto
Tahanan ng distansya at ang AP1KAP-IVa-1
naipamamalas ang 1. nakagagamit ang gamit nito sa pagsukat
ng lokasyon
pag- unawa sa konsepto ng
konsepto ng distansya distansya sa 2. Nagagamit ang iba’t
ibang katawagan sa AP1KAP-IVa-2
sa paglalarawan ng paglalarawan ng
pagsukat ng lokasyon at
sariling kapaligirang pisikal na kapaligirang distansya sa pagtukoy
ginagalawan tulad ng ginagalawan ng mga gamit at lugar
tahanan at paaralan sa bahay (kanan, kaliwa,
at ng kahalagahan ng 2. nakapagpakita itaas, ibaba, harapan at
likuran)
pagpapanatili at ng payak na
pangangalaga nito gawain sa 3. Nailalarawan ang
kabuuan at mga bahagi AP1KAP-IVb-3
pagpapanatili at
ng sariling tahanan at
pangangalaga ng ang mga lokasyon nito
kapaligirang
ginagalawan 4. Nakagagawa ng payak
AP1KAP-IVb-4
na mapa ng loob at
labas ng tahanan
5. Naiisa-isa ang mga
bagay at istruktura na AP1KAP-IVc-5
makikita sa nadadaanan
mula sa tahanan patungo
sa paaralan
6. Naiuugnay ang konsepto
ng lugar, lokasyon at AP1KAP-IVc-6
distansya sa pang-araw-
araw na buhay sa
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
pamamagitan ng iba’t
ibang uri ng
transportasyon mula sa
tahanan patungo sa
paaralan
B. Ako at ang Aking 7. Nailalarawan ang
Paaralan pagbabago sa mga AP1KAP-IVd-7
istruktura at bagay mula
sa tahanan patungo sa
paaralan at natutukoy
ang mga mahalagang
istruktura sa mga lugar
na ito.
8. Nakagagawa ng payak
na mapa mula sa AP1KAP-IVd-8
tahanan patungo sa
paaralan
9. Natutukoy ang bahagi at
gamit sa loob ng silid- AP1KAP-IVe-9
aralan/ paaralan at
lokasyon ng mga ito
10. Nakagagawa ng payak
na mapa ng silid- AP1KAP-IVf-10
aralan/paaralan
11. Naipaliliwanag ang
konsepto ng distansya sa AP1KAP-IVg-11
pamamagitan ng
nabuong mapa ng silid-
aralan at paaralan
11.1 distansya ng mga
bagay sa isa’t isa sa
loob ng silid-aralan
K to 12 Basic Education Curriculum
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA
NILALAMAN LEARNING
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGKATUTO CODE
(Content ) MATERIALS
(Content Standard) (Performance Standard) ( Learning Competencies)
11.2 distansya ng mga
mag- aaral sa ibang
mga bagay sa silid-
aralan
11.3 distansya ng silid-
aralan sa iba’t ibang
bahagi ng paaralan

12. Nakapagbigay halimbawa


ng mga gawi at ugali na AP1KAP-IVh-12
makatutulong at
nakasasama sa sariling
kapaligiran: tahanan at
paaralan
C. Pagpapahalaga sa 13. Naipakikita ang iba’t
Kapaligiran AP1KAP-IVi-13
ibang pamamaraan ng
pangangalaga ng
kapaligirang ginagalawan
13.1 sa tahanan
13.2 sa paaralan
13.3 sa komunidad

14. Naipakikita ang


pagpapahalaga sa AP1KAP-IVj-14
kapaligirang ginagalawan
sa iba’t ibang
pamamaraan at likhang
sining.
YUNIT 1
Ako ay Natatangi
Pananaw
Tatalakayin sa simulang aralin ng yunit ang mga batayang
impormasyong kinakailangan malaman ng mga bata sa
pagpapakilala ng sarili. Susundan ito ng paglalarawan ng katangiang
pisikal ng mga Pilipino. Malalaman din ang mga pansariling
pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
Ilalarawan sa susunod na aralin ang mga pangunahing
pangangailangan at mga pansariling pangangailangan ng tao.
Idagdag pa rito ang pagtatalakay sa mga pansariling kagustuhan.
Ang mga aralin sa bandang huli ay tumatalakay sa mga
mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata. Bibigyang
paglalarawan at paliwanag ang mga pagbabago sa buhay ng isang
bata. Gayun din ang pagbuo ng pangarap para sa sarili.

Aralin 1 : Pagpapakilala sa Sarili


Takdang Panahon: 2 araw
Layunin
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,
magulang, kaarawan, edad, tirahan, at paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Pagpapakilala sa Sarili
Kagamitan : Larawan ng mga batang nagpapakilala sa
kaniyang sarili
Sanggunian : LM pahina ___
K to 12 – AP1NAT-Ia-1
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan
ng Mag-aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon,
Unang Edisyon, 2012.

1
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpakita ng larawan ng batang nakatayo sa harapan ng
klase.
Sabihin: Unang araw ng klase. Ano kaya ang ginagawa ng
batang nakatayo sa harapan ng klase?
2. Pahulaan sa mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng bata
sa larawan.
3. Matapos makapagbigay ng sariling interpretasyon ang mga
bata tungkol sa larawan, sabihin na ang bata sa larawan ay
nagpapakilala ng kaniyang sarili sa harapan ng klase.
4. Ipasabi sa mga bata kung sa anong sitwasyon pa magagamit
ang kaalaman sa batayang impormasyon tungkol sa sarili.
5. Talakayin at pag-usapan ang kahalagahan para sa kanila ng
pagkakaroon ng impormasyon tungkol sa sarili.

B. Paglinang
1. Tanungin ang mga bata kung kaya nilang ipakilala ang
kanilang sarili.
2. Patunghayan ang nilalaman ng bahaging ALAMIN MO sa
pahina ___ ng LM.
3. Pag-usapan ang mga batayang impormasyon na kailangang
sabihin ng mga bata sa pagpapakilala sa sarili.

C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga Gawain sa bahagi ng
GAWIN MO sa pahina ___ ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang
panuto sa bawat Gawain. Para sa GAWAIN A, pumili ng 3
hanggang 5 pareha na magbabahagi sa klase ng kanilang
ginawa.
2. Upang makabuo ng paglalahat, ipasabi rin ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol ditto.
3. Ipabasa ang bahaging TANDAAN MO pahina __ ng LM upang
mapagtibay ang kaisipang dapat nilang tandaan.

Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaing NATUTUHAN KO sa pahina
___ ng LM.

2
Takdang Gawain
Isulat sa inyong notebook ang mga batayang impormasyon
tungkol sa inyong sarili. Isulat ang hinihinging imporasyon sa loob ng
parihaba.

Pangalan –
Pangalan ng Magulang:
Ina –
Ama –
Kapanganakan – Edad –
Tirahan –

Paaralan –

Gabay sa Pagwawasto

Gawin Mo
Gawain A, B, at C
– Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.

Natutuhan Ko
1. (Pangalan ng bata)
2. – (Pangalan ng ina ng bata)
– (Pangalan ng ina
ng bata)
3. (Petsa ng kapanganakan ng bata) (gulang ng bata)
4. (Tirahan o address ng bata)
5. (Pangalan ng paaralan ng bata)

3
Aralin 2 : Katangiang Pisikal
Takdang Panahon: 2 araw

Layunin
Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t
ibang malikhaing pamamaraan

Paksang Aralin
Paksa : Katangiang Pisikal
Kagamitan : Larawan ng mga batang may iba’t ibang anyong
pisikal
Sanggunian : LM pahina ___
K to 12 – AP1NAT-Ia-2
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.

Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa pagpapakilala sa sarili.
Itanong sa mga bata ang mga batayang impormasyon na
kinakailangang sabihin sa pag- papakilala sa sarili. Muling
ipasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa pagpapakilala sa sarili.
2. Ipasuri sa mga bata ang larawan sa bahaging ALAMIN MO
pahina ____ ng LM. Ipalarawan ang mga anyo ng bata sa
larawan.
3. Matapos makapagbigay ng kanilang paglalarawan ang
mga mag-aaral, sabihing lahat ng kanilang inilarawan ay
tungkol sa katangiang pisikal ng mga Pilipino.

B. Paglinang
1. Talakayin sa mga bata ang kahulugan ng katangiang pisikal.
2. Isa-isahin ang nilalaman ng bahaging ALAMIN MO sa pahina ng
LM.
3. Pag-usapan ang karaniwang anyo ng mga Pilipino. Talakayin rin
ang iba pang anyo ng mga Pilipino.
4. Ipasabi sa mga bata kung paano nila maipagmamalaki ang
katangiang pisikal nating mga Pilipino.

4
C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang panuto
sa bawat gawain.
Para sa GAWAIN A, itanong ang mga sumusunod:
– Paano mo iginuhit ang iyong sarili?
– Anong kulay ang iyong kutis? buhok? mata?
– Matangos ba ang iyong ilong?
– Tuwid ba ang iyong buhok?
– Singkit ba ang iyong mga mata?
– Manipis ba ang iyong labi?
– Ikaw ba ay matangkad?
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata kung
ano ang masasabi nila tungkol sa katangiang pisikal ng mga
Pilipino. Ipabasa ang mga pangungusap sa bahaging TANDAAN
MO pahina ng LM upang mapagtibay ang kanilang natutunan.
Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa pahina ___
ng LM.
Takdang Gawain
Isulat sa inyong notbuk ang paglalarawan mo sa iyong katangiang
pisikal.
Gabay sa Pagwawasto
Gawin Mo
Gawain A, B, at C
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.
Natutuhan Ko
1. Mali 6. Mali
2. Tama 7. Tama
3. Mali 8. Mali
4. Tama 9. Tama
5. Tama 10. Tama

5
Aralin 3: Iba’t Ibang Pagkakakilanlan ng mga Pilipino
Takdang Panahon: 1 araw
Mga Layunin
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: iba pang
pagkakakilanlan bilang Pilipino
2. Nasasabi ang pansariling pagkakakilanlan sa iba’t ibang
pamamaraan
Paksang Aralin
Paksa : Iba’t Ibang Pagkakakilanlan ng mga Pilipino
Kagamitan : Mapa ng Pilipinas, Larawan ng mga bata sa iba’ ibang
lugar sa bansa, Larawan ng mga batang dayuhan o
mula sa ibang bansa
Sanggunian : LM pahina
K to 12 – AP1NAT-Ia-1 at -Ib-3
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-
aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungko l sa katangiang pisikal ng mga
Pilipino.
Itanong sa mga bata ang karaniwang katangiang pisikal
ng mga Pilipino. Iwasto rin ang mga Takdang Gawain ng mga
bata upang lalong mapagtibay ang naging kaalaman sa
nakaraang aralin.
2. Ipasuri sa mga bata ang mapa ng Pilipinas sa bahaging
ALAMIN MO pahina ng LM. Ipapansin din sa mga bata ang
mga larawan ng mga batang nakapalibot sa mapa.
Tanungin kung ang mga bata sa larawan ay mga Pilipino.
3. Magpakita naman ng larawan ng mga batang mula sa ibang
bansa.
Tanungin ang mga bata kung ang mga nasa larawan ay mga
Pilipino?
4. Sabihin: Iba’t iba ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
B. Paglinang
1. Isa-isahin ang nilalaman ng bahaging ALAMIN MO sa pahina
ng LM.
2. Pag-usapan ang iba’t ibang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Talakayin rin kung sino ang hindi Pilipino.

6
3. Tanungin ang mga bata kung paano nila igagalang ang
pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
4. Ipasabi rin kung paano nila maipagmamalaki ang pagiging
Pilipino.
C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang
panuto sa bawat gawain.
– Dito nakatira ang buong pamilya. Ano ito? (tirahan/bahay)
– Ito ay pagkaing kalimitang inihahanda sa agahan. Ito ay
galing sa manok.(itlog)
– Ito ay isang bagay na ginagamit matapos maligo. Ano ito?
(tuwalya)
– Kailangang inumin ang bagay na ito upang
gumaling sa karamdaman. Ano ito? (gamot)
– Ito ay kailangan ng lahat bilang proteksiyon ng katawan sa
init o lamig. Ano ito? (damit)
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata
kung ano ang masasabi nila tungkol sa pansariling
pangangailangan ng mga Pilipino. Ipabasa ang mga
pangungusap sa bahaging TANDAAN MO pahina ng LM
upang mapagtibay ang kanilang natutunan.
Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa
pahina_____ ng LM.
Takdang Gawain
Kapanayamin mo ang iyong ama at ina. Itanong ang kanilang
pagkakakilanlan. Isulat sa inyong notbuk ang kasagutan ng iyong ama
at ina

Gabay sa Pagwawasto
Gawin Mo
Gawain A, B, C, D, at E
– Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.
Natutuhan Ko
1. 3
2. 3
3. 7
4. 3
5. 3

7
Aralin 4: Pansariling Pangangailangan

Takdang Panahon: 2 araw


Layunin
Nailalarawan ang pansariling pangangailangan, pagkain,
kasuotan, at iba pa at mithiin para sa Pilipinas
Paksang Aralin
Paksa : Pansariling Pangangailangan
Kagamitan : Larawan ng bahay, iba’t ibang kasuotan at
tirahan, pagkain, gamot, mga gamit pampaaralan,
gamit sa paglilinis ng katawan, larawan ng
magulang na nagpapakita ng pagmamahal at
pangangalaga sa bata, mga kagamitan para sa
paglalaro ng ‘Maria Went to Town’
Sanggunian : LM pahina_____
K to 12 – AP1NAT-Ib-4
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa iba’t ibang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ipasabi sa mga bata ang
mga pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Iwasto ang Takdang
Gawain ng mga bata upang lalong mapagtibay ang
naging kaalaman sa nakaraang aralin.
2. Ipasuri sa mga bata ang mga larawan sa bahaging ALAMIN
MO pahina ng LM. Tanungin ang mga bata kung kailangan
ba nila ang mga nakalarawan.
3. Sabihin na tayo ay may mga pansariling
pangangailangan.
B. Paglinang
1. Talakayin sa mga bata ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao. at iba pang pansariling
pangangailangan.
2. Isa-isahin ang nilalaman ng bahaging ALAMIN MO sa
pahina ng LM.
3. Talakayin rin ang mga nararapat gawin upang patuloy na
matiyak ang pagkakamit ng mga pansariling
pangangailangan.

8
C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti
ang panuto sa bawat gawain. Para sa Gawain D gamitin
ang mga sumusunod na pahulaan:
- Dito nakatira ang buong pamilya. Ano ito?
(tirahan/bahay)
- Ito ay pagkaing kalimitang inihahanda sa agahan. Ito ay
galing sa manok.(itlog)
- Ito ay isang bagay na ginagamit matapos maligo. Ano
ito? (tuwalya)
- Kailangang inumin ang bagay na ito upang
gumaling sa karamdaman. Ano ito? (gamot)
- Ito ay kailangan ng lahat bilang proteksiyon ng katawan
sa init o lamig. Ano ito? (damit)
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata
kung ano ang masasabi nila tungkol sa pansariling
pangangailangan ng mga Pilipino. Ipabasa ang mga
pangungusap sa bahaging TANDAAN MO pahina ng LM
upang mapagtibay ang kanilang natutunan.
Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa
pahina ng LM.
Takdang Gawain
a. Gumawa ng paglalarawan tungkol sa mga pansariling
pangangailangan. Isulat ito sa notebook.
b. Magdala sa klase ng inyong paborito o gustong pagkain, laruan,
damit, at iba pang gustong bagay.
c. Magdala rin ng larawan ng lugar sa Pilipinas na gustong makita.
Gabay sa Pagwawasto
Gawain Mo
Gawain A, B, C, D, at E.
- Hinahayaan sa guro ang pagwawasto
Natutuhan Ko
1. pagkain
2. tirahan
3. pagmamahal at pangangalaga
4. pansariling kagamitan
5. kasuotan

9
Aralin 5 : Pansariling Kagustuhan
Takdang Panahon: 2 araw

Layunin
Natatalakay ang mga pansariling kagustuhan tulad ng
pagkain, kulay, damit, laruan, at iba pa at lugar sa Pilipinas na
gustong makita sa malikhaing pamamaraan

Paksang Aralin
Paksa : Pansariling Kagustuhan
Kagamitan : Mga laruan, krayola, larawan ng mga hayop,
pagkain, mga magagandang lugar sa Pilipinas,
gunting, pandikit, malinis na papel, lumang diyaryo at
magazines
Sanggunian : LM pahina
K to 12 – AP1NAT-Ic-5
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-
aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.

Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa pansariling
pangangailangan. Ipasabi sa mga bata ang mga
pansariling pangangailangan. Iwasto rin ang mga Takdang
Gawain ng mga bata upang lalong mapagtibay ang
naging kaalaman sa nakaraang aralin.
2. Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang mga paborito
nilang bagay.

B. Paglinang
1. Talakayin sa mga bata ang pagkakaiba ng pansariling
pangangailangan sa pansariling kagustuhan.
2. Talakayin din sa mga bata ang kahulugan ng salitang
paborito.
3. Isa-isahin ang nilalaman ng bahaging ALAMIN MO sa pahina
ng LM.
4. Pag-usapan ang mga pansariling kagustuhan ng bawat
bata.
5. Alamin ang pagpapahalaga ng mga bata tungkol sa
pansariling kagustuhan, itanong ang mga sumusunod:

10
– Sa mga paborito mong bagay, ano ang pinakagusto mo?
– Anong gagawin mo upang makuha ang paborito mong
bagay?
– Nawalan ka na ba ng paborito mong bagay? Ano ang
ginawa mo?
– Nagbago ba ang paborito mong bagay? Ipaliwanag.

C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang
panuto sa bawat gawain. Bigyang pansin ang mga
malikhaing pamamaraan ng mga bata sa pagsasagawa ng
gawain.
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata
kung ano ang masasabi nila tungkol sa pansariling
kagustuhan. Ipabasa ang mga pangungusap sa bahaging
TANDAAN MO pahina ng LM upang mapagtibay ang
kanilang natutunan.

Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa
pahina ___ ng LM.

Takdang Gawain
a. Iguhit ang mga paboritong bagay na mayroon ka. Gawin ito sa
isang malinis na papel at kulayan ito.
b. Humanap ng larawan ng isang lugar sa Pilipinas na gustong
makita at marating. Idikit ito sa notebook.
c. Magdala sa klase ng iyong mga larawan simula ng sanggol pa
hanggang sa kasalukuyan.

Gabay sa Pagwawasto

Gawin Mo
Gawain A, B, at C
– Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.

Natutuhan Ko
– Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.

11
Aralin 6: Ang Kuwento ng Buhay
Takdang Panahon: 5 araw

Mga Layunin
1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa buhay simula
isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga
larawan
2. Nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng
mahahahalagang pangyayari sa buhay hanggang sa kanyang
kasalukuyang edad
Paksang Aralin
Paksa : Ang Kwento ng Buhay
Kagamitan : Mga sariling larawan ng mga bata, larawang may
kaugnayan sa paglaki ng isang bata, mga kagamitang
tunay ng isang bata mula sanggol hanggang sa
paglaki nito, manila paper
Sanggunian : LM pahina
K to 12 – AP1NAT-Ic-6; Id-8
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa pansariling kagustuhan. Ipasabi
sa mga kahulugan ng salitang ‘paborito’. Pagbigayin sila ng
paborito nilang laruan, kulay, pagkain, damit, at iba pa.
Ipasabi rin ang lugar sa Pilipinas na nais nilang makita at
marating. Iwasto rin ang mga Takdang Gawain ng mga bata
upang lalong mapagtibay ang naging kaalaman sa nakaraang
aralin.
2. Ipalabas sa mga bata ang mga larawan ng kanilang sarili
simula ng sila ay isilang hanggang sa kasalukuyan.
3. Pumili ng mga limang bata na maglalarawan o magbabahagi
ng kanilang maikling kuwento tungkol sa kanilang larawang
ipakikita sa klase.

B. Paglinang
1. Isalaysay sa harapan ng klase ang kuwento tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ng kambal na si Noel at
Ana sa bahaging ALAMIN MO sa pahina ng LM .

12
2. Pag-usapan din ang mga pansarili o personal na gamit ng
mga bata simula isilang hanggang sa kasalukuyan nilang
edad. Ilabas ang mga kagamitan ng isang sanggol. Itanong:
Ginagamit pa ba ninyo hanggang sa ngayon ang mga ito?
Bigyang diin sa pagtatalakayan na nagbabago ang mga
personal na gamit ayon sa nagaganap na pagbabago sa
kanilang anyo simula ng sila ay isilang hanggang sa kanilang
kasalukuyang edad.

C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang
panuto sa bawat gawain.
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata
kung ano ang masasabi nila tungkol sa kuwento ng buhay.
Ipabasa ang mga pangungusap sa bahaging TANDAAN MO
pahina ___ ng LM upang mapagtibay ang kanilang natutunan.

Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa pahina
___ ng LM. Bago pasagutan ang bahaging NATUTUHAN KO ipaliwanag
muna sa mga bata ang kahulugan ng ‘timeline’ at ang paggamit nito.

Takdang Gawain
a. Gumawa ng ‘photo album’ tungkol sa inyong sarili simula ng ikaw
ay isilang hanggang sa kasalukuyang gulang. Magpatulong sa
magulang.
b. Magdala sa klase ng mga gamit noong sanggol pa at ilang mga
gamit pansarili sa kasalukuyan.

Gabay sa Pagwawasto

Gawin Mo
Gawain A at B
– Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.
Natutuhan Ko
1. nakakagapang na
2. natuto ng maglakad
3. nakakapaglaro na
4. nakagagawa na ng munting gawain
5. nagsisimula na sa kindergarten
6. pumapasok na sa paaralang elementarya

13
Aralin 7: Pagpapatuloy at Pagbabago
Takdang Panahon: 5 araw

Mga Layunin
1. Nailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan,
damit, at iba pa mula noon hanggang sa kasalukuyang edad
2. Naipakikita sa pamamagitan ng timeline at iba pang
pamamaraan ang mga pagbabago sa buhay at mga
personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa
kasalukuyang edad.
3. Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
larawan ayon sa pagkakasunod-sunod
4. Naihahambing ang sariling kuwento o karanasan sa buhay sa
kuwento o karanasan ng kamag-aral

Paksang Aralin
Paksa : Pagpapatuloy at Pagbabago
Kagamitan : mga larawan ng kabanata sa buhay ng bata mula
noong isang taong gulang hanggang 6 na taong
gulang, mga damit ng bata mula sanggol hanggang sa
kasalukuyan, sampayan, sipit ng damit
Sanggunian : LM pahina
K to 12 – AP1NATId-7; -Ie-9; If-10; Ig-11
Araling Panlipunan-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-
aaral: Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon, 2012.

Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mahahalagang pangyayari sa
buhay ng bata. Tumawag ng mga bata na magkukuwento sa
klase. Iwasto rin ang mga Takdang Gawain ng mga bata upang
lalong mapagtibay ang naging kaalaman sa nakaraang aralin.
2. Ipalabas sa mga bata ang mga dalang damit mula sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.
3. Pumili ng limang bata na may dalang damit noong sila ay
sanggol pa.
Itanong: Naisusuot nyo pa ba ito? Bakit hindi na?

14
B. Paglinang
1. Tanungin ang mga bata tungkol sa pagkakaunawa nila sa
salitang ‘pangarap’. Ipaliwanag sa mga bata na ang
pangarap ay ang bagay na ninanais nilang makamit o
matupad para sa kanilang sarili.
2. Patunghayan ang mga larawan sa bahaging ALAMIN MO sa
pahina ng LM. Pag-usapan ang mga nakalarawan. Bigyang
diin sa pagtatalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
pangarap sa buhay.
3. Talakayin din ang mga dapat gawin upang maabot ang
minimithing pangarap o ninanais para sa sarili.

C. Gawain
1. Bilang paglalapat, ipagawa ang mga gawain sa bahaging
GAWIN MO sa pahina ng LM. Ipaliwanag na mabuti ang
panuto sa bawat gawain.
2. Upang makabuo ng paglalahat, tanungin ang mga bata kung
ano ang masasabi nila tungkol sa pagkakaroon ng pangarap.
Ipabasa \ang mga pangungusap sa bahaging TANDAAN MO
pahina ng LM upang mapagtibay ang kanilang natutunan.

Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging NATUTUHAN KO sa
pahina ng LM.

Takdang Gawain
a. Magtala sa notbuk ng mga gagawin upang maabot ang mga
pangarap para sa sarili.
b. Pagbalik-aralan ang mga aralin sa Yunit I upang maging handa
para sa Lagumang Pagtataya.

Gabay sa Pagwawasto

Gawin Mo
Gawain A at B
- Hinahayaan sa guro ang pagwawasto.

Natutuhan Ko
1. J 2. J 3. J 4. J 5. J

15
Lagumang Pagsusulit
UNANG YUNIT

Kaalaman (15%)
I. Isulat sa patlang ang batayang impormasyon tungkol sa
iyong sarili.
“ako si ___________________________. Nakatira sa
__________________________. Ako ay
__________________________ taong gulang. Ang pangarap ko
ay maging ________________________________.”

Kasanayan (25%)
II. Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat tanong at piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. “May mga Pilipinong kulot ang buhok, di gaanong
mataas at maitim ang balat; meron din naman maputi at
matangkad”. Ano ang pakahulugan ng mga nasabing
katangian sa ating mga Pilipino?
A. Magkakatulad ang katangian ng mga Pilipino.
B. Magkakaiba ang katangian ng mga Pilipino.
C. Ang mga Pilipino ay katangi-tanging lahi.

2. Iba-iba ang katangian pisikal ng mga Pilipino. Alin sa mga


sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katangiang pisikil ng mga Pilipino?
A. Tutuksuhin ang kaklase dahil pango ang kanyang ilong.
B. Pagtatawanan ang kaibigan dahil kulot ang kanyang
buhok.
C. Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino anuman ng
katangiang pisikal ko.

3. “Ang ama ko ay Waray at ang ina ko ay Ilokano”.


“Ang ama ko ay Hapon at ang ina ko ay Pilipino”.
“Kami ay mga pilipino”.
Ano ang isinasaad ng mga nasabing kataga ukol sa
pagkakakilanlan ng mga Pilipino?
A. Ako ay Pilipino dahil ang ama at ina ko ay Pilipino.
B. Ako ay Pilipino dahil ang ama o ina ko ay Pilipino.
C. Iba’t iba ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

16
4. “Ang tirahan ay lugar kung saan nakatira ang pamilya.”
“Ang damit ay ginagamit upang proteksyonan ang ating
katawan.”
“Ang pagkaing ating kinakain ang nagpapanatili ng
kalusugan ng ating katawan.”
Bakit mahalaga ang tirahan, pagkain at damit sa atin?
A. Ang tirahan, pagkain at damit ay pangunahing
pangangailangan natin sa buhay.
B. Ang tirahan, pagkain at damit ay mga bagay na
nagpapaligaya sa atin.
C. Ang tirahan, pagkain at damit ay mga kagustuhan
natin.

5. Ang bawat tao ay may paboritong kulay, damit, pagkain,


gamit, alagang hayop, lugar, at iba pa. Ang mga
pangangailangan naman natin ay pagkain, tirahan at
damit. Ano ang dapat mong maunawaan ukol sa iyong
pansariling kagustuhan at pangangailangan?
A. Parehong maaaring maiwasan ang pagkakamit ng
pansariling pangangailangan at pansariling
kagustuhan.
B. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pansariling
pangangailangan. Maaaring maiwasan ang
pagkakaroon ng bagay na pinakagusto natin.
C.Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng bagay na
pinakagusto natin. Maaaring maiwasan ang
pagkakaroon ng pansariling pangangailangan.

Understanding (30%)
III. A. Sagutin ang timeline ng mga inilalarawang pangyayari sa
buhay ng isang batang lalaki. Piliin ang titik ng tamang sagot
mula sa kahon.

A. nakagagapang na
B. Pumapasok na sa unang baitang
C. Nakakalakad na
D. Nakagagawa nang munting gawain

17
1 taong 2 taong 4 na taong 6 na taong
gulang gulang gulang gulang

1. __________ 3. __________
2. __________ 4. __________

III. B. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Hanapin sa mga


larawan sa Hanay A ang tinutukoy ng mga pangungusap sa
hanay B. Isulat sa notebook ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
______1. Illustrate teacher A.Pangarap kong maging
doktor upang gamutin ang
mga may sakit
______2. Illustrate doctor B. Pangarap kong maging
mahusay na mang-aawit
para mapasaya ang aking
mga taga-pakinig.
______3. Illustrate police C. Pangarap kong maging guro
para maturuan ang mga
batang mag-aaral
______4. Illustrate a singer D.Pangarap kong maging pulis
para mapanatili ang
kapayapaan at kaayusan sa
paligid.

Produkto/Performance (30%)
IV. Iguhit ang iyong sarili at isulat sa may bahagi ng katawan na
nabanggit ang mga hinihinging impormasyon.

Sa noo – Pangalan
Sa kanang tenga – Kapanganakan
Sa kaliwang tenga – Taong gulang
Sa may kanang kamay – Tirahan
Sa may kaliwang kamay – Paborito mong pagkain
Sa may kaliwang paa – Lugar na nais mong marating
Sa may kanang paa – Pangarap mo sa buhay

18
Lagumang Pagsusulit
UNANG YUNIT
Gabay sa Pagwawasto
Kaalaman (15%)
I. (4 na puntos)
“Ako si (PANGALAN NG MAG-AARAL).Nakatira sa (TIRAHAN NG
MAG- AARAL). Ako ay (EDAD NG MAG-AARAL) taong gulang.
Ang pangarap ko ay maging (PANGARAP NG MAG-AARAL).”

Kasanayan (25%)
II. (5 puntos)
1. B
2. C
3. C
4. A
5. B

Understanding (30%)
III. A. (4 na puntos)
1. A
2. C
3. D
4. B
III. B. (4 na puntos)
1. C
2. A
3. D
4. B

Produkto/Performance (30%)
IV. Hinayaan sa guro a n g p a g w a w a s to (1 puntos para sa
pagguhit at 7 puntos para sa pagsulat ng batayang
impormasyon sa tamang bahagi ng katawan)
Sa noo – Pangalan ng bata
Sa kanang tenga – Kapanganakan ng bata
Sa kaliwang tenga – edad ng bata
Sa may kanang kamay – Tirahan ng bata
Sa may kaliwang kamay – Paboritong pagkain ng bata
Sa may kaliwang paa – Lugar na nais marating ng bata
Sa may kanang paa – Pangarap ng bata

19
Yunit 2
Lipunan, kultura at Ekonomiya

Pananaw
Ang bawat isa sa atin ay may pamilyang kinabibilangan. Sa
yunit na ito ay mauunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto ng
pamilya batay sa bumubuo nito at malalaman ang papel na
ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya. Maiilarawan nila ang
pinagmulan ng pamilya at maiisa-isa ang mga alituntunin upang
matugunan ang iba’t ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na
gawain ng pamilya. Makabubuo din sila ng konklusyon tungkol sa
mabuting pakikipag- ugnayan ng sarili nilang pamilya sa ibang
pamilya sa lipunan.

Aralin1: Mga Bumubuo ng Pamilya

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nauunawaan ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito.
2. Nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng likhang sining

Paksang Aralin
Paksa : Mga Kasapi ng Pamilya
Kagamitan : larawan ng iba’t-ibang uri pamilya
Sanggunian: AP1PAM-IIa1-2

Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan Kung ano ang masasabi nila sa kanilang pamilya.
2. Ipabasa ang tulang “Ang Aming Mag-anak”

20
Ang Aming Mag-anak
Ang aming mag-anak ay
laging masaya. Mapalad kami
nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat nina ama’t
Ina. Mayroon ba kayong
ganitong pamilya? Kahit sa
paggawa’y pagod ang
katawan, Tulong ni ama ay
laging nakaabang Suliranin ni
ate ay nalulunasan,
Sa tulong ni inang laging nakalaan.

(www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang-
pambata/mga-tula-tungkol- sa-pamilya).
Adapted

3. Itanong:
Sino-sinong kasapi ng pamilya ang binanggit sa tula?
Bakit sinasabing mapalad sina ate at kuya?

B. Paglinang
1. Simulan ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.
2. Talakayin ang paksa. Bigyang diin ang konsepto ng
p a m i l y a . Two- parent family—binubuo ito ng ama, ina, at
anak/mga anak
3. Idagdag sa pagtalakay ang kahulugan ng sumusunod:
 Single parent family—binubuo ito ng ama o ina lamang at
anak/ mga anak
 extended family—binubuo ito ng buong pamilya kasama ang
lolo at lola at maging mga tiyo at tiya
4. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na hindi batayan ang uri ng
pamilya upang maging masaya ang lahat. Ang mahalaga ay
ang pagmamahalan ng bawat isa.

C. Gawain

Gawain 1
Ipaguhit at pakulayan ang larawan ng bawat kasapi ng kanilang
pamilya

21
Gawain 2
Hayaang ipakilala ng mga bata ang bawat kasapi ng pamilya sa
malikhaing paraan (rap, tula o awit). Gabayan ng guro ang mga
bata sa pagsasagawa nito.

Gawain 3
Isagawa ang larong “Pamilya Mo, Piliin Mo”
Ipaskil sa unahan ang larawan ng mga uri ng pamilya(
two-parent, single- parent, extended). Sa hudyat ng guro ay
pupunta sila sa unahan at pipila sa tapat ng larawan ng uri
ng pamilya kung saan sila kabilang.

Itanong:
Ilang uri ng pamilya mayroon sa ating klase?
Sino-sino ang k a b i l a n g sa karaniwang pamilya? sa ama o ina
lamang ang kasama sa tahanan? sa kasama sa tahanan ay
sina lolo at lola? Pamilya rin ba silang maituturing?

Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos


5 3-4 1-2

Pagkamasining Masining ang Katamtaman Kulang sa


anyo at kulay ang sining ng sining ang
ng nabuong anyo at kulay anyo at
larawan ng nabuong kulay ng
larawan nabuong
larawan
Pagka-orihinal Sariling likha May ilang Malaki ang
at walang detalye na pagkaka-
pinagkopyah kinopya sa tulad sa
an iba gawa ng
iba

22
Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko A at B, LM p .

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1–2
Gumamit ng rubrics sa pagtatasa

Rubrics sa Pagguhit

Kaugnayan sa Malaki ang May sapat na Walang


paksa kaugnayan sa kaugnayan sa gaanong
paksa paksa kaugnayan sa
paksa

Gawain 3
Pipila ang bata sa tapat ng larawan na kanyang kinabibilangan-
two-parent, single-parent, extended family

Natutuhan Ko
A. Ang tamang sagot ay naayon sa angkop na larawang iniugnay
ng bata.

B. 1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

23
Aralin 2: Tungkulin ng mga Kasapi ng Pamilya

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nailalarawan ang iba’t-ibang papel na ginagampanan ng bawat
kasapi ng pamilya sa iba’t ibang paraan
2. Nasasabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya

Paksang Aralin
Paksa : Tungkulin ng Magulang at mga Anak
Kagamitan : larawan ng tatay at/ o nanay na naghahanapbuhay,
mga anak na nag-aaral at iba pa tungkol sa aralin
Sanggunian : AP1PAM-IIa-3-4

Pamamaraan
A. Panimula
Magbalik-aral sa nakaraang aralin kung sino-sino ang mga
kasapi ng isang pamilya. Ipabasa ang tulang “Ulirang Pamilya”.

Ulirang Pamilya
Ni Violeta E. Reyes

Kay gandang pagmasdan ang isang pamilya


Abala si tatay sa paghahanapbuhay
Masipag si Nanay sa gawaing bahay
Kaagapay ni Tatay sa paghahanap buhay

Sina Ate at Kuya abala sa eskwela


At kung walang pasok agad silang sumusunod
Pakain ng baboy, patuka ng manok
Dagling nagwawalis, bahay ay malinis

Ito namang si Bunso laro doon, laro dito


Ngiti ng katuwaan at halakhak niya
Sa bawat isa ay tunay na nagpapasaya
Ganito rin ba kayo may ulirang pamilya?

Itanong:
Ayon sa tula, ano-ano ang gawain ni tatay at nanay? nina ate at
kuya?
Ano naman ang nagagawa ni bunso sa pamilya?
Anong katangian ng pamilya ang ipinakita sa tula?

24
B. Paglinang
1. Simulan ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.

2. Talakayin ang paksa. Bigyang linaw at magbigay ng


karagdagang impormasyon sa tungkulin ng bawat isa sa pamilya:
 tatay – pinuno/haligi ng tahanan naghahanapbuhay
gumagawa ng mga gawaing bahay
 nanay – ilaw ng tahanan naghahanapbuhay
 ate/kuya/bunso – katulong nina tatay at nanay sa mga
gawain
 lolo at lola – gumagabay sa pamilya tumutulong sa mga
gawain

3. Ipaunawa sa mga mag-aaral na hindi sa lahat ng


pagkakataon, ay si tatay ang naghahanapbuhay. Magbigay ng mga
halimbawang sitwasyon:
a. Mas mataas ang pinag-aralan ng ina kaya mas maganda
ang nakuhang trabaho.
b. May karamdaman ang ama.
c. ...at iba pa

4. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat

C. Gawain

Gawain 1
Pangkatang Gawain
Isagawa ang larong “Sagot Mo, Dikit Mo”
Maghanda ang guro ng larawan ng mga kasapi ng pamilya para sa 3
pangkat Ipadikit sa mga bata ang mga kasapi ng pamilyang
gumaganap sa tinutukoy na tungkulin.

Gawain Sino-sino ang gumaganap


Katulong ng ina sa mga gawaing
bahay.
Nagtatrabaho para sa
pangangailangan ng pamilya
May pananagutang mag-aral
nang mabuti.
Pinananatili ang kaayusan ng
tahahan.
Nagkukumpuni ng mga
kasangkapan sa tahanan.

25
Gawain 2
Pasagutan ang bilang 1–5.

Gawain 3
Isagawa ang Gawain sa LM p ______ . Bigyang-diin ang kaisipan sa
Tandaan.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko , LM p _______ .

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Maaring lahat ng kasapi ng mag-anak
2. Tatay, Nanay, Nakatatandang Anak
3. Kuya, Ate, Bunso
4. Maaring lahat ng kasapi ng mag-anak
5. Tatay, Kuya, Nanay, Ate, Lolo
(Ang pangkat na may pinakamaraming tamang kasapi ng pamilyang
naidikit ang may pinakamaraming puntos)

Gawain 2
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain 3
Bigyan ng puntos ang batang nakasagot nang wasto

Natutuhan ko
1. I
2. 
3. I
4. 
5. I

26
Aralin 3: Pagtutulungan ng Pamilya

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nakabubuo ng kuwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain
ng buong pamilya
2. Nailalarawan ag mga gawain ng mag-anak sa pagtugon ng
mga panga- ngailangan ng bawat kasapi

Paksang Aralin
Paksa : Pagtutulungan ng Pamilya
Kagamitan : larawan ng gawain ng bawat kasapi ng pamilya
Sanggunian: AP1PAM-IIb-5-6

Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan tungkol sa kanilang mga gawain sa tahanan araw-
araw.
2. Bigyang papuri ang batang may pinakamaraming gawaing
ginagam- panan sa tahanan.
3. Ipaawit ang “Tulong-Tulong”. Pag-usapan ang nilalaman ng
awit.

Tulong-Tulong
ni Malou M. De Ramos
(Himig: Famlily Planning Song sa TV)

Si Tatay ang naghahanap buhay


Si Nanay naman kami’y inaalagaan
Tumutulong kaming mga anak
Kaya’t sina Tatay at Nanay namin ay nagagalak
Salamat po, salamat po
Laging nariyan kayo
May pagkain sa mesa’t nag-aaral pa
Alaga’t malusong ang buong pamilya

Itanong:
Ayon sa awit, sino ang naghahanapbuhay?
Ano naman ang ginagawa ni Nanay?
Bakit nagagalak sina Tatay at Nanay?
Ano ang mangyayari kung nagtutulungan ang mag-anak?

27
B. Paglinang
1. Basahin sa mga mag-aaral ang paglalahad sa Alamin Mo. Suriin
at pag- usapan ang bawat larawan.
Itanong:
Ano-ano ang mga gawain ng tatay?
Ano-anong pangangailangan ng mag-anak ang maaring
matugunan? Ano-ano ang mga gawain ng nanay?
Ano-anong pangangailangan ng mag-anak ang maaring
matugunan? Ano-ano ang gawain ng mga anak upang
makatulong sa pamilya

2. Ipaliwanag ng guro ang mga pangunahing


pangangailangan na kailangang matugunan sa pamilya
Pagkain—natutugunan sa pagtatanim, pag-aalaga ng mga
hayop, o pangingisda
Damit—natutugunan sa pananahi
Tirahan—natutugunan sa pagkukumpuni o paggawa ng bahay

C. Gawain

Gawain 1
Magpaguhit ng larawan na nagpapakita ng gawain ng bawat
kasapi ng iyong pamilya.

Gawain 2
Hayaang magkwento ang mga bata sa kanilang kapareha ng
pang-araw- araw na gawain ng kanilang pamilya
Tumawag ng ilang batang magkapareha upang ibahagi ang
kwento ng kanilang pamilya sa klase.

Gawain 3
“Putok Mo, Sabi Mo”
Maghanda ang guro ng 5 lobo
Papuputukin ng bata ang lobo at mula rito ay lalabas ang salita o
larawan ng mga gawain sa tahanan.
Itanong kung anong pangangailangan ang natutugunan nito.
Hal. Larawan ng nanay na naglalaba
Itanong: Anong pangangailangan ang natutugunan nito?
Sagot: malinis na damit

Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan.


Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko, LM p _____.

28
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1-2
Gumamit ng rubrics sa pagtatasa.

Rubrics sa Pagguhit
Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos
5 3-4 1-2
Pagkamasining Masining Katamtaman Kulang sa
ang anyo ang sining ng sining ang
at kulay ng anyo at kulay anyo at
nabuong ng nabuong kulay ng
larawan larawan nabuong
larawan
Pagka-orihinial Sarling likha May ilang Malaki ang
at walang detalye na pagkaka-
pinagkopy kinopya sa tulad sa
ahan iba gawa ng iba
Kaugnayan sa Malaki ang May sapat na Walang
paksa kaugnayan kaugnayan gaanong
sa paksa sa paksa kaugnayan
sa paksa

Rubrics sa Pagkukuwento
Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos
5 3-4 1-2
Linaw ng Napakalinaw Malinaw ang Di-gaanong
pagsasalita ng pagsasalita malinaw ang
pagsasalita pagsasalita

Kaalaman Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita


sa paksa malawak na sapat na ng kaunting
pagkaunawa pagkaunawa pagkaunaw
sa paksa sa paksa a sa paksa
Impresyon Nag-iwan ng Nag-iwan ng Nag-iwan ng
napakandan magandang di-gaanong
g impresyon impresyon sa magandang
sa mga mga kaklase impresyon sa
kaklase mga kaklase
Gawain 3 Natutunak Ko
1. Bigas 1. J 4. L
2. Bahay 2. L 5. J
3. Damit 3. J

29
Aralin 4: Pinagmulan ng Aking Pamliya

Takdang Panahon: (0-0 araw)

Layunin
1. Nakikilala ang “family tree” at ang gamit nito sa pag-aaral ng
pinagmulan ng pamilya
2. Nailalarawan ang pinagmulan ng pamilya sa malikhaing
pamamaraan

Paksang Aralin
Paksa : Pinagmulan ng Aking Pamilya
Kagamitan : larawan ng bawat kasapi ng pamilya, colorful
magazines, mga tuyong dahon at siit
Sanggunian: AP1PAM-IIc-7-8

Pamamaraan
A. Panimula
1. Balitaan tungkol sa bawat kasapi ng pamilya. (magulang,
magkakapatid, lolo at lola (both parties)
2. Magpabuo ng puzzle ng isang puno.
3. Sabihin sa mga na ang punong nabuo nila ay gagamitin
nila sa paglalarawan ng pinagmulan ng kanilang pamilya

B. Paglinang:
1. Pag-usapan ang mga susing tanong sa Alamin Mo
2. Basahin sa mga mag-aaral ang paglalahad . Suriin at pag-
usapan ang larawan/”family tree”.
3. Ano-ano ang makikita sa family tree?
4. Magpapakita ang guro ng halimbawa ng sarili niyang family
tree.
Ipakilala at ipaliwanag ito sa mga bata
C. Gawain

Gawain 1
Pagawin ang mga bata ng sariling family tree gamit ang
ipinadalang makukulay na papel, tuyong dahon at siit. Ipadikit o
ipaguhit ang larawan ng bawat kasapi na pamilya.

Gawain 2
Ipapakilala ng mga bata ang pangalan ng bawat larawang
nakadikit o nakaguhit sa kanilang family tree.

30
Gawin 3
Ipapaskil sa isang bahagi ng silid-aralan ang mga natapos nilang
family tree. Ano ang masasabi ninyo sa inyong nabuong family
tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family tree?
Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan. Itanong: Ano ang kahalagahan
ng “family tree”?

Pagtataya

Pasagutan ang Natutuhan Ko, LM p ______.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1-2
Gumamit ng rubrics sa pagtatasa.

Rubrics sa Paggawa ng Family Tree


Pamantayan Mahusay Katamtaman Mahina Puntos
5 3-4 1-2
Kaugnayan Malaki ang May sapat Walang
sa kaugnayan na gaanong
Paksa sa paksa ng kaugnayan kaugnayan
dula sa paksa ang sa paksa
dula ang dula
Pagkamalikh Masining ang May Kulang sa
ain ginawang katamtaman sining ang
pagsasadula g sining ang ginawang
ginawang pagsasadul
pagsasadula a
Paglahok ng Aktibong May 1 o 2 May 3 o higit
Bawat nakilahok miyembro pang
Miyembro ang lahat ng ang hindi miyembro
miyembro nakilahok ang hindi
nakilahok

Natutuhan Ko
Larawan 1, 2, at 3 lamang ang kukulayan.

31
Lagumang Pagsusulit
UNANG YUNIT

Knowledge
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot:
1. Sino-sino ang karaniwang kasapi ng pamilya?
A. Tatay, Nanay Anak
B. Tatay, Nanay, Pinsan
C. Nanay, Anak, Kaibigan

2. Saan natin makikita ang larawan ng pinagmulan ng isang


pamilya?
A. Photo Album
B. Family Tree
C. Chart

3. Sino sa mga sumusunod ang higit na may responsibilidad upang


matugunan ang pangangailangan ng mag-anak?
A. Lolo at lola
B. Ate at kuya
C. Tatay at nanay

4. Ito ay dapat na sundin nang maayos upang magkaroon ng


kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan
A. Alituntunin
B. Pamahiin
C. Kasabihan

PROCESS /SKILLS

Panuto: Gawin ang hinihingi sa bawat bilang.


5. Alin sa sumusunod na mga larawan ang nagpapakita ng
pagsunod sa alituntuning ipinatutupad sa tahanan? Kulayan ito

Larawan ng batang
Larawan ng batang Larawan ng batang
binayaang bukas ang
naglilinis ng tahanan natutulog
gripo

32
6. Iguhit ang puso sa loob ng larawan ng pamilyang nagpapakita ng
pagmamahalan.

Larawan ng pamilyang Larawan ng mag-anak Larawan ng mag-anak


nag aaway ang mag- kung saan ang ama ay na masayang
asawa tulog at walang trabaho namamasyal

7. Alin ang dapat na ugaliin ng magkakapitbahay? Kahunan ito.


Huwag magbatian sa araw-araw
Magtulungan lalo na sa oras ng pangangailangan
Magpayabangan sa buhay

8. Lagyan ng tsek (3) ang loob ng kahon na nagpapakita ng


pagsang-ayon mo sa sitwasyon.
Nanonood ka ng paborito mong palabas sa TV. Tinawag ka ni
ate upang magpakain ng alaga ninyong aso. Ano ang iyong
gagawin?

Tumakbo palabas at makipaglaro sa mga kaibigan

Magdabog at pumasok sa kuwarto

Maayos na sumunod upang pakainin ang aso

9. Iguhit sa loob ng tatsulok ang mga pangunahing


pangangailangan ng pamilya at kulayan ito.

33
UNDERSTANDING
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang
______10. Si Mang Tony ay isang mekanino at ang kanyang asawa na
si Aling Tessie ay isang tindera sa palengke. Wala ang
kanilang anak kaya hindi sapat ang kinikita nila. Ano ang
dapat gawin ng mag-asawa upang mapagkasya ang
kanilang kinikita?
A. Kumain ng mamahaling pagkain araw-araw.
B. Magpagawa ng malaking bahay.
C. Magtipid sa kanilang kinikita upang ito’y mapagkasya.

______11. Ano ang dapat gawin sa bakanteng lote sa inyong lugar


upang ito ay makatulong sa malaking mag-anak?
A. Gawaing tapunan ng basura ng barangay.
B. Taniman ng mga gulay at halamang gamot.
C. Gawing tambayan.

______12. Si Mara ay inaalagaang mabuti ng kanyang mga kasama sa


bahay dahil siya ay ______.
A. panganay
B. bunso
C. ate

______13. Anong gawain ang nagpapakita ng tradisyon at kaugalin ng


mag-anak?
A. Panonood ng TV
B. Pagsasama-sama kung may pagdiriwang
C. Pagtatampuhan

______14. Bakit kailangan natin malaman ang kuwento ng ibang


pamilya?
A. Para malaman natin ang pagkakaiba ng bawat
pamilya at igalang sila.
B. Para may ikuwento tayo sa ibang pamilya
C. Para pagtawanan natin ang kanilang pagkakaiba

______15. Paano mo maipapadama ang pagmamahal kina lolo at


lola?
A. Pagawain sila ng mga gawaing bahay kahit sila ay
matanda na
B. Mangupo, magmano at sundin ang kanilang utos
C. Pabayaan silang nag-iisa sa tuwi-tuwina

34
______16. Bakit kailangan mong sundin ang mga alituntunin sa
tahanan?
A. Upang lumaki kang maayos at may magandang asal
B. Upang lumaki kang malusog at masigla
C. Upang maregaluhan ka nina tatay at nanay

______17. Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipag-ugnayang


mabuti sa ibang pamilya?
A. Magiging magulo ang ating pamumuhay
B. May mahihingan tayo palagi ng tulong araw-araw
C. Magiging masaya at maayos ang ating buhay

PRODUCT/PERFORMANCE

18–25. (Bigyan ng 2 puntos sa bawat tamang sagot sa bawat bilog)


Gumawa ng graphic organizer tungkol sa mga alituntunin mo sa
pamilya. Maaring iguhit ito o isulat. (depende sa abilidad ng bata)

Mga
Alituntunin ko
sa Tahanan

35
Susi ng Pagwawasto
1. A
2. B
3. C
4. A
5. larawan ng batang naglilinis
6. larawan ng mag-anak na masayang namamasyal

7. Magtulungan sa oras ng pangangailangan.

8. 3 Maayos na sumunod upang pakainin ang aso

9. Iguhit sa loob ng tatsulok ang mga pagkain, damit at bahay

10. C
11. B
12. B
13. B
14. A
15. B
16. A
17. C
18-25. Bigyan ng 2 puntos sa bawat tamang sagot sa bawat bilog
upang makakuha ng 8 puntos.

36
Yunit 3
Ang Aking Paaralan

Pananaw

Nakatuon ang araling ito sa pagkilala sa paaralan. Iisa-isahin


dito ang ibat- ibang mahahalagang impormasyon at mga
pangyayari hinggil sa kasaysayan nito. Napahahalagahan din dito
ang mga taong may kontribusyon sa paghubog ng paaralan
pangkalahatan.
Binibigyang-pansin din ang ibat-ibang mga tauhang bumubuo
sa paaralan bilang isang institusyon ng lipunan. Natutukoy rin sa
araling ito ang pagpapahalaga sa mga alituntunin ng paaralan at
ang pagpapamalas ng pakikiisa sa pagkilos upang mapanatili ang
kaayusan ng paaralan.
Sa bandang huli, lalo pang pinapaigting sa bawat aralin ang
kahalagahan ng pagsusumikap makatapos ng pag-aaral upang
maging isang produktibong mamamayan ng ating bansa.

Aralin 1: Paaralan ko, Mahal ko

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nasasabi ang pangalan ng paaralan;
2. Naipaliliwanag ang dahilan sa pagkakapangalan sa paaralan;
3. Natutukoy ang lokasyon ng paaralan;
4. Naiisa-isa ang mga bumubuo sa paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Paaralan ko, Mahal ko
Kagamitan : larawan ng paaralan
Metacards Cartolina Manila paper
Sanggunian: AP1PAA-IIIa-1
Teachers’ Guide pahina______
Learners’ Material pahina______

37
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa pakikipag-ugnayan ng
pamilya ng bawat mag-aaral sa iba pang mga pamilya.
2. Ipabuo sa mga mag-aaaral ang halo-halong letra. Gumupit ng
malalaking titik na makikita sa ibaba at ipabuo ito sa mga
mag-aaral.

AARPNAAL

Magkakaroon ng brainstorming tungkol sa kanilang mga ideya


ukol sa paaralan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang naiisip ninyong mga bagay kapag naririnig niyo ang
salitang “PAARALAN”?

B. Paglinang
1. Magpakita ng larawan ng paaralan.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga bagay na
napansin ng mga mag-aaral sa pagpasok nila sa loob ng
paaralan.
3. Asahan na mapapansin ng mga mag-aaral ang pangalan ng
paaralan, lawak at sukat nito, mga mag-aaral, guro,
gwardiya at iba pang tauhan sa loob ng paaralan. Talakayin
rin ang mga gusali, palaruan, at ibang bahagi ng paaralan na
napapansin nila.

C. Gawain

Gawain A
1. Ipaguhit at pakulayan sa mga mag-aaral ang mapa ng
paaralan. Palagyan ng pananda o label.
2. Gabayan ang mga mag-aaral habang gumuguhit upang
hindi mailto sa mga pananda o label.

Gawain B
1. Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat.
2. Ipagawa ang graphic organizer, LM pahina
3. Pumili ng isang pangkat at hayaang mag-ulat. Ipaturo sa mga
mag- uulat na mag-aaral ang mga mahahalagang gusali.
Gabayan ang mga mag-uulat.

38
Gawain C
1. Pagsasagawa ng interbyu ng mga mag-aaral sa kanilang
punong-guro.
2. Ipalagay sa notebook ang mga kasagutan. Tunghayan
ang mga katanungan sa LM pahina .
3. Gabayan ang mga mag-aaral patungo sa Tanggapan ng
Punong Guro.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM Pahina

Takdang Gawain

Isahang Gawain
Gumuhit ng isang larawan ukol sa paborito mong gawin sa loob
ng paaralan. Pakulayan ito.

Additional Activity ((Optional)


Pangkatang Gawain
Gumawa ng isang advertisement o patalastas tungkol sa
paaralang pinapasukan. Hikayatin ang ibang mag-aaral na pumasok
sa paaralang iyong pinapasukan.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain A, B at C
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

Natutuhan Ko
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

39
Aralin 2: Bahagi ng Paaralan ko, Pagyayamanin ko

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nailalarawan ang pisikal na bahagi ng paaralan;
2. Natutukoy ang gamit ng bawat bahagi ng paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Bahagi ng Paaralan ko, Pagyayamanin ko
Kagamitan : larawan ng bawat bahagi ng paaralan
Metacards Cartolina Camera
Sanggunian: AP1PAA-IIIa-2
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina _____

Pamamaraan

A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa ibat-ibang bahagi ng
kanilang bahay.
2. Ipatukoy ang gamit ng bawat bahagi ng kanilang bahay.
3. Ipakita ang hiwa-hiwalay na puzzle sa mga mag-aaral.
4. Ipabuo ang puzzle ng mga bahagi ng paaralan.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang naisip ninyo habang isinasagawa ang
pagbuo ng puzzle?
2. Ano-ano ang mga bahagi ng paaralan ang inyong
nabuo?

B. Paglinang
1. Ipakita ng larawan ng bahagi ng paaralan.
2. Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa ibat-ibang
bahagi ng paaralan na kanilang napansin mula sa larawan
na iyong pinakita.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-anong bahagi ng
paaralan ang kanilang nakita o napansin.
4. Tanungin sila kung kaya nilang pangalanan ang ilan sa
mga ito.

40
Gawain A

1. Ipasyal ang mga mag-aaral sa paaralan.Ipadala ang


mapang kanilang ginawa.
2. Ipalista sa notebook ang mga nakikita sa bawat bahagi.

Gawain B

1. Ipasagot ang katanungan sa LM pahina


2. Ipasulat sa notebook ang sagot.

Gawain C

1. Ipaguhit sa mag-aaral ang paborito nilang lugar o bahagi


ng paaralan.
2. Pakulayan at hayaan silang magpaliwang kung bakit ito ang
kanilang paborito.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM Pahina

Takdang Gawain

Pangkatang Gawain
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
2. Gamit ang camera, kuhanan ang paaralan at ang bawat
bahagi nito.

Additional Activity (Optional)

Indibidwal na Gawain
1. Magpagawa ng islogan ukol sa tamang pangangalaga sa
bahagi ng paaralan.

41
Susi sa Pagwawasto

Gawain A
Maaring iba-iba ang mga sagot

Gawain B
1. B
2. A
3. A
4. B
5. C

Gawain C
Maari iba-iba ang mga sagot

Natutuhan Ko
1. T
2. HT
3. T
4. T
5. T

Aralin 3: Paligid ng Paaralan ko, Nakakaapekto sa Aking


Pagkatuto

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Natutukoy ang mga bagay na nakakaapekto sa pag-aaral
ng mga mag-aaral.
2. Nailalarawan ang hindi magandang epekto sa pag-
aaral ng magulo at maingay na kapaligiran.

Paksang Aralin
Paksa : Paligid ng Paaralan ko, Nakakaapekto sa Aking
Pagkatuto
Kagamitan : manila paper cartolina
pantulong na biswal larawan
Sanggunian: AP1PAA-IIIb-3
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina_____

42
Pamamaraan

A. Panimula
1. Magtanong sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga
kapitbahay.
2. Ipatukoy kung may mga karanasan na sila sa maiingay na
kapitbahay at tahimik na kapitbahay.
3. Pag-usapan kung ano ang kanilang nararamdaman kung
tahimik o maingay/magulo ang kanilang kapaligiran.

B. Paglinang
1. Magpakita ng larawan ng mga kabahayan na malapit sa
bundok o malapit sa dagat. Magpakita rin ng larawan ng
bahay na malapit sa kalsada na maraming dumaraang
maiingay na sasakyan.
2. Tanungin sila kung ano ang maririnig nilang ingay kung sila ay
nakatira sa mga lugar na ito.

C. Gawain

Gawain A
Pangkatang Gawain
Ipangkat ang mga mag-aaral sa tatlo.
1. Pasagutan ang graphic organizer. Gabayan ang mga
mag-aaral sa pagsagot.

Gawain B
Isahang Gawain
1. Ipasyal ang mga bata sa gilid o bakuran ng paaralan
(manatili lamang sa loob ng paaralan).
2. Ipaguhit sa kanilang notebook ang paaralan at ang mga
kabahayang nakapalibot ditto.

Gawain C
Pangkatang Gawain Ipangkat ang klase sa tatlo.
1. Ipasagot ang talahanayan sa isang manila paper.
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot.

43
Pagtataya
Ipasagot ang Natutuhan mo LM, pahina_____

Takdang Gawain
Magpaguhit ng isang larawan kung saang bahagi ng kanilang
bahay/paaralan palagi nilang nais mag-aral.
Ipaguhit ang kanilang sarili habang sila ay nag-aaral sa lugar
na ito. Ipaulat ito sa klase.

Additional Activity (Optional)


Magpagawa ng isang maikling skit o dula-dulaan ukol sa epekto
ng kapaligiran sa kanilang pag-aaral.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain A, B at C
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

Natutuhan ko
1. 7
2. 7
3. 3
4. 7
5. 7

44
Aralin 4: Tauhan sa Paaralan ko, Pahahalagahan ko

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Naiisa-isa ang mga tauhan sa paaralan;
2. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga
taong bumubuo sa paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Tauhan sa Paaralan ko, Pahahalagahan ko
Kagamitan : strips of paper
Sombrero
Tape
Mga larawan
Manila paper
Malaking Libro (pantulong na biswal
Sanggunian: AP1PAA-IIIc4
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina_____

Pamamaraan

A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa mga dahilan bakit nila
binibigyang- halaga ang bawat miyembro ng kanilang
pamilya.
2. Magsagawa ng “PINOY HENYO”.
3. Ipahuhula sa mga mag-aaral ang mga salita na nakadikit
sa sombrero
1. Guro
2. Dyanitor
3. Punong guro
4. Gwardya
5. Nars

45
Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan na nabanggit kanina sa ating
laro?
2. Saan kaya natin sila makikita?

B. Paglinang
1. Magpakita ng larawan ng guro, punong-guro, gwardiya,
dyanitor at iba pang mga bumubuo ng paaralan habang
gumaganap sa kanilang mga tungkulin.
2. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga
ginagawa.
3. Ipasabi kung ano ang kahalagahan ng bawat isa sa
kanilang mga tungkulin.

Gawain A
1. Ipangkat sa tatlo ang klase.
2. Ipagawa ang Information Chart sa LM, pahina
3. Ipasulat sa manila paper ang sagot.

Gawain B
1. Ipangkat sa tatlo ang klase.
2. Ipakita ang mga larawan ng mga tauhan sa paaralan.
3. Ipatukoy sa mag-aaral ang tungkulin ng bawat isa.
Hayaang silang mag-ulat sa harap ng klase.

Gawain C
1. Basahin sa mga mag-aaral gamit ang malaking libro
(pantulong na biswal) ang mga sitwasyon na nasa LM,
pahina
2. Ipasulat sa notebook ang kanilang kasagutan.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM Pahina____

46
Takdang Gawain
1. Isahang Gawain
2. Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga pangalan ng bawat
tauhan na kanilang nakilala at nakakausap na.
3. Ilarawan sila ayon sa kanilang pagkakakilala.

Additional Activity (Optional)


Indibidwal na Gawain
Ipaguhit sa mag-aaral ang kanilang paboritong tauhan na
bumubuo sa paaralan (hal. guro, punong-guro, gwardiya).
Ipalarawan ito.

Susi sa Pagwawasto

Gawain A
Maaring mag iba-iba ang mga sagot

Gawain B
1. Siya/Sila ang nagtuturo bumasa, bumilang at sumulat sa
mga mag-aaral.
2. Siya ang namumuno sa mga mag-aaral at guro sa buong
paaralan.
3. Siya ang tumutulong upang mapanatiling malinis ang
buong paaralan.
4. Siya ang tagapagbantay ng paaralan upang lagi ito
maging ligtas.
5. Siya ang nagpapanatili sa kaayusan ng silid-aklatan.

Gawain C
1. Tagapamahala ng silid-aklatan
2. Gwardiya o tagapagbantay
3. Dyanitor o tagapaglinis
4. Guro
5. Doktor o Nars

Natutuhan ko
1. Hardinero
2. Guro
3. Gwardiya
4. Dyanitor
5. Punong-Guro

47
Aralin 5: Ang Aking Paaralan, Pundasyon ng Magandang
Kinabukasan

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Napahahalagahan ang papel ng paaralan sa sariling
buhay at sa pamayanan o komunidad;
2. Naiisa-isa ang mga gawain sa paaralan.

Paksang Aralin

Paksa : Ang Aking Paaralan, Pundasyon ng Magandang


Kinabukasan
Kagamitan : strips of paper metacards
Sanggunian: AP1PAA-IIIc5
Teachers’ Guide pahina____
Learners’ Material pahina____

Pamamaraan

A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa mga taong nakatapos sa
pag-aaral.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung may kakilala silang
nakatapos na ng kanilang pag-aaral at may maganda ng
trabaho.
3. Magpakita ang larawan ng isang batang nag-aaral.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang ginagawa ng bata?
2. Saan niya ito ginagawa?

B. Paglinang
1. Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang
pangarap sa buhay kapag sila ay nakatapos na ng
kanilang pag-aaral.
2. Magpakita ng larawan ng ibat-ibang propesyon.
3. Tanungin sila kung gusto din nilang makatapos ng kanilang
pag-aaral at bakit?

48
Gawain A
1. Basahin sa klase ang kuwento tungkol kay “Celia Studious
and Conrad Cat”
2. Tunghayan ang mga katanungan sa LM pahina
3. Ipasulat ang sagot sa notebook.

Gawain B
1. Balikan ang Nakaraan
2. Ipaala sa mga mag-aaral ang masasayang karanasan nila
sa paaralan
3. Ipaguhit sa mga bilog ang tatlong pinakamasayang
karanasan sa paaralan

Gawain C
Ipaguhit ang mga ginagawa sa paaralan sa loob ng isang araw.
Kulayan

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM Pahina

Takdang Gawain
Indibidwal na Gawain
Magpahanap at gumupit ng mga larawan ng masayang
pamayanan at larawan ng isang paaralan mula sa mga lumang
magazine. Idikit ito sa notebook. Ilagay ang paaralan sa gitna at
napalilibutan ito ng masasayang pamayanan. Iulat ito sa klase.

Additional Activity (Optional)


Indibidwal na Gawain
Magpagawa ng maikling sulat ng pasasalamat sa kanilang
paaralang pinapasukan.

Susi sa Pagwawasto

Gawain A, B at C
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

Natutuhan ko
Hinahayaan sa guro ang pagwawsto

49
Aralin 6: Ang Kwento ng Aking Paaralan: Noon at Ngayon

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Nababalikan ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng paaralan.
2. Nailalarawan ang ibat-ibang mga pagbabago sa paaralan
noon at ngayon.

Paksang Aralin
Paksa : Ang Kwento ng Aking Paaralan: Noon at Ngayon
Kagamitan : pantulong na biswal
Manila paper Cartolina
mga luma at bagong larawan
Sanggunian: AP1PAA-IIIc6, AP1PAA-IIId7, AP1PAA-IIId-8
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina_____

Pamamaraan

A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa kanilang mga nalalaman
na kwento tungkol sa kanilang paaralan.
2. Ipaisa-isa ang mga kakilala nilang nagtapos ng pag-aaral
sa kanilang paaralan.
3. Pagpapakita ng mga ibat-ibang luma at bagong larawan
ng mga bahay, gusali at iba pa.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang inyong nakikita sa mga larawan?
2. Ano-ano ang pinagkaiba ng dalawang larawan?

B. Paglinang
1. Magtanong sa mga mag-aaral kung may ideya sila gaano
na katagal ang kanilang paaralan.
2. Tanungin din sila kung kilala silang guro na matagal ng
nagtuturo sa kanilang paaralan.

50
C. Gawain

Gawain A
1. Tukuyin at anyayahan ang pinakamatagal ng guro sa
inyong paaralan
2. Pasagutan ang mga katanungan sa LM pahina

Gawain B
1. Pasagutan ang timeline sa LM, pahina
2. Gabayan ang bawat mag-aaral sa pagsagot. Ilagay ang
sagot sa manila paper

Gawain C
1. Maghanap ng mga luma at bagong larawan ng inyong
paaralan.
2. Ipadikit ito sa angkop na kahon sa LM pahina
3. Magpasulat ng isa o dalawa ng pangungusap sa kanilang
napansin sa larawan.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM pahina_____

Takdang Gawain

Isahang Gawain
Gumuhit ng isang larawan ng inyong paaralan na gusto ninyong
mangyari sa hinaharap. Ilarawan ito sa klase.

Additional Activity (Optional)

Pangkatang Gawain
Gumawa ng isang simpleng photo album ng mga luma at bagong
larawan ng paaralan. Pagsunod-sunurin ang mga pagbabagong
naganap.

Susi sa Pagwawasto

Gawain A, B, C
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

Natutuhan ko
Hinahayaan sa guro ang pagwawasto

51
Aralin 7: Mga Alituntunin sa Paaralan, Aking Susundin

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Naiisa-isa ang mga alituntunin ng paaralan;
2. Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng
paaralan.
3. Natutukoy ang mabuti at hindi mabuting epekto sa
pagsunod o pagsuway sa mga alituntunin ng paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Mga Alituntunin sa Paaralan, Aking Susundin
Kagamitan : Mga larawan
Pantulong na biswal
cartolina
Sanggunian: AP1PAA-IIIe-9, AP1PAA-IIIe10, AP1PAA-IIIf11,
AP1PAA-IIIg12,
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina_____

Pamamaraan

A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan tungkol sa mga nakikita nilang
babala sa mga daan, gusali, halamanan o parke.
2. Itanong sa mag-aaral kung ano ang kanilang
nadarama kapag nakakakita o nakakabasa sila ng mga
ganoong babala.

3. Magkaroon ng “Photo-Suri”

Magpakita ng mga larawan ng mga sumusunod:


***Batang nagsusuntukan
***Batang nagtatapon ng basura sa kanal
***Batang nag-iingay habang nagtuturo ang guro
***Batang tahimik na nagsusulat

52
Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong napansin sa mga larawan?
2. Ano ang pwedeng mangyari sa inyo kapag ginawa niyo
ito?

B. Paglinang
1. Magpakita sa mga mag-aaral ng larawan ng mga
sumusunod:
*** mga batang maayos na naka uniporme.
***mga batang nakapila ng maayos.
***mga batang bumabati sa kanilang guro.
***mga batang tahimik na nagbabasa.

C. Gawain

Gawain A
1. Ipakita ang mga larawan ukol sa ibat-ibang alituntunin
2. Pasagutan ito sa kanilang notebook.

Gawain B
Pangkatang Gawain
1. Ipangkat ang klase sa tatlo
2. Ipasulat ang ibat-ibang alituntunin ng paaralan na nauna ng
natalakay ayon sa mga kategorya nito sa LM pahina .
Gabayan ang mga bata.

Gawain C
Isahang Gawain
1. Pasagutan sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang
posibleng epekto kung susundin o hindi ang binigay na
sitwasyon.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko, LM pahina

53
Takdang Gawain

Isahang Gawain
1. Pumili ng tatlong alituntunin ng paaralan na palagi mong
tinutupad. Iguhit ito sa inyong notebook.

Additional Activity (Optional)


Gumawa ng isang timeline sa buong maghapon ng
pagsunod sa ibat ibang alituntunin ng paaralan. Ilagay ito sa
notebook.

Susi sa Pagwawasto

Gawain A, B at C
Hinahayaan guro ang pagwawasto

Natutuhan ko
1. (insert smiling face)
2. (insert sad face)
3. (insert smiling face)
4. (insert sad face)
5. (insert smiling face)

54
Aralin 8: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan

Takdang Panahon: (0–0 araw)

Layunin
1. Napahahalagahan pag-aaral ng mga mag-aaral sa
paaralan;
2. Nasasabi ang hindi magagandang epekto ng hindi pag-
aaral ng isang bata;
3. Naiisa-isa ang ibat-ibang kilos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sariling paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Ang kahalagahan ng Aking Paaralan
Kagamitan : mga larawan
pantulong na biswal
metacards
cartolina
Sanggunian: AP1PAA-IIIh-13, AP1PAA-IIIj-14
Teachers’ Guide pahina_____
Learners’ Material pahina_____

Pamamaraan

A. Panimula
Pagkakaroon ng balitaan

Pagganyak
Paghambingin Mo!
Magpakita ng larawan ng isang batang naka uniporme at isang
batang namamalimos sa kalye. Paglapitin ang mga larawan nito at
ilagay ito sa kartolina.

Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga larawan ang mas mainam sa inyong paningin?
Bakit?

55
B. Paglinang
Pagpapakita ng tipikal na larawan ng isang mag-aaral sa loob
ng silid-aralan
Pagkakaroon ng malayang talakayan.

C. Gawain

Gawain A
Kumuha ng sipi ng tulang “Bata pa ako” sa LM, pahina
Pangunahan ang pag-awit o pagbigkas nito kasabay ang mga
mag-aaral.

Gawain B
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat
Ipagawa ang graphic organizer

Gawain C
Ipaguhit at pakulayan ito sa mga mag-aaral ang
kahalagahan ng paaralan. Ipaulat ito klase.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan ko sa LM, pahina

Takdang Gawain
Magpaguhit ng isang pagkilos kung saan nagtutulungan ang
mga mag-aaral upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng
paaralan.

Additional Activity (Optional)


Pakumpletuhin sa mga mag-aaral ang pangako na mag-aaral
na mabuti.

Pangako ko sa Aking Sarili

Ako si _______________, ay nangangakong mag-


aaral ako ng mabuti sapagkat ______________________
____________________________________________________
____________________________________________________

56
Lagumang Pagsusulit
IKATLONG YUNIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

KAALAMAN

1. Saan pumapasok upang mag-aral ang mga mag-aaral tulad


mo ?

A.

B.

C.

57
2. Sino ang gumagabay sa mga mag-aaral upang matuto sila
bumasa, bumilang at magsulat?

A.

B.

C.

58
3. Saang bahagi ka ng paaralan dapat pumunta kung gusto
mong manghiram at magbasa ng mga aklat?

A.

B.

C.

59
4. Saang bahagi ka ng paaralan bumibili ng mga pagkain at inumin?

A.

B.

C.

60
Proseso
Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag upang mabuo ang
impormasyon na may kinalaman sa inyong paaralan.

Ang Aking Mahal na Paaralan

5. Ang pangalan ng aking paaralan ay ___________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

6. Ito ay itinatag o itinayo noong __________________________


7. Ang aming paaralan ay matatagpuan sa ______________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

8. Ang pinakamatagal na guro na nagtuturo sa aming


paaralan ay si G. / Gng. /Bb. _____________________________.
9. Ang kasalukuyang Punong-Guro ng aming paaralan ay si
G. /Gng. /Bb. ____________________________________________.

Pag-unawa
A. Panuto: Lagyan ng TSEK () kung ang larawan ay nagpapakita ng
pagsunod ng alituntunin ng paaralan at EKIS (x) naman kung ito ay
nagpapakita ng paglabag o pagsuway sa alituntunin ng
paaralan. Ilagay ang sagot sa patlang.

10.

Illustrate a student picking flowers

61
11.

Illustrate a student throwing garbage inside the


classroom

_________________________________________

12.

Illustrate a group of student listening carefully to their


teacher

________________________________________

13.

_________________________________________

62
Panuto: Iguhit sa bilog ang MASAYANG MUKHA (J) kapag
nagpapakita ang mga pahayag ng wasto o tamang pagkilos at
MALUNGKOT NA MUKHA (L) kapag ito ay mali o hindi wasto.

14. Pumapasok ng palagi ng maaga si Rodel sa kanyang klase.

15. Tumutulong si Iyan sa paglilinis at magpaganda ng paaralan


tuwing Brigada Eskwela bago magpasukan.

16. Madalas mag-ingay sina Marvin at Lorie sa loob ng silid-


aralan.

17. Palaging binabati ng nina Rem-rem at Jayson at kanilang


gurong si Bb. Salazar sa tuwing makakasalubong nila ito.

Produkto
A. Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagsunod
sa alituntunin ng isang mag-aaral ayon sa sumusunod na sitwasyon.
Ilagay ito sa loob ng kahon.
18. Habang nagtuturo ang iyong guro sa harapan ng klase.

63
19. Kapag ikaw ay nasa palaruan.

20. Kapag ikaw ay nasa halamanan o isang hardin.

21. Kapag nakasalubong mo ang iyong guro.

64
B. Iguhit sa loob ng bilog ang mga tauhan na bumubuo sa isang
paaralan.

PAARALAN

Susi sa Pagwawasto

1. B
2. A
3. C
4. B
5. maaring iba-iba ang sagot
6. maaring iba-iba ang sagot
7. maaring iba-iba ang sagot
8. maaring iba-iba ang sagot
9. maaring iba-iba ang sagot
10. 7
11. 7
12. 3
13. 3
14. J
15. J
16. L
17. J
18. Hahayaan guro ang magwasto
19. Hahayaan guro ang magwasto
20. Hahayaan guro ang magwasto
21. Hahayaan guro ang magwasto
22. Hahayaan guro ang magwasto
23. Hahayaan guro ang magwasto
24. Hahayaan guro ang magwasto
25. Hahayaan guro ang magwasto

65
YUNIT 4
Ako at ang Aking Kapaligiran

Pananaw

Ang tao at ang kapaligiran ay parang magkaibigan. Kung


paanong ang magkaibigan ay may ugnayan sa isat-isa, gayon din
ang tao sa kanyang kapaligiran. Sa yunit na ito ay matatalakay ang
kaugnayan ng kapaligiran sa tao, tahanan at kanyang paaralan.
Mailalarawan ng mga mag-aaral ang lokasyon at distansyan ng
mga bagay at lugar sa bahay at paaralan ng may pang-unawa sa
pamamagitan ng pagbasa at paggawa ng isang payak na mapa
nito. Makikilala niya ang mga mga uri ng transportasyon, estraktura at
mga pagbabagong makikita niya sa kanyang dinaraanan patungo
sa paaralan. Inaasahan na sa yunit na ito ay maipamalas rin ng mga
mag-aaral ang gawi o pag-uugali na maaring makatutulong o
makasasama sa kanyang kapaligiran.

Aralin 1: Konsepto ng Distansiya at Lokasyon

Takdang Panahon: 5–6 na araw)

Layunin
1. Nakikilala ang konsepto ng distansiya at ang gamit nito sa
pagsukat ng lokasyon.
2. Nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsukat ng
lokasyon at distansiya sa pagtukoy ng mga gamit at lugar
sa bahay (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran)

Paksang Aralin
Paksa : Konsepto ng Distansiya at Lokasyon
Kagamitan : mga larawan, cd o video
Sanggunian : AP1KAP-IVa-1, APKAP-IVa-2

Pamamaraan
A. Panimula
1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng isang laro.
a. Magpalaro sa mga mag-aaral ng “Iguhit Mo ang
mga Bahagi ng Mukha gaya ng nakalarawan sa
Panimula ng LM. Ibigay sa mga mag-aaral ang
panuto.

66
- Maglagay ng malaking cartolina sa pisara na may
nakaguhit na balangkas ng mukha gaya ng:

- Pangkatin ang klase sa dalawa. Bawat isang pangkat ay


magtalaga ng isang kamag-aral na siyang guguhit sa
pisara upang guhitan ng bahagi ng muka ang nasa
cartolina na nakapiring.
- Kailangang tingnan mabuti muna ng 2 batang guguhit
ang kanyang guguhitan. Humakbang patalikod ng
labinlimang hakbang at piringan. Iikot sila ng 2 beses
at lumakad papalapit sa cartolina.
- Isa-isang sabihin ang bahagi ng mukha na kanilang
iguguhit.
- Bawat kapangkat nila ay kailangang magbigay ng clue
sa kanilang kamag-aral na kakamping guguhit (gaya
ng sa kaliwa, sa kanan, itaas mo pa ibaba mo pa,
malapit na, malayo pa) para maiguhit sa tamang lugar
ang bahagi ng mukha.
- Ang mag-aaral na nakaguhit na pinakamalapit sa
tamang lugar ang panalo.

2. Mula sa larong ginawa, itanong sa mga mag-aaral kung ano


ano ang kanilang mga sinabi o isinigaw sa kanilang kamag-
aral para maiguhit ng tama ang bahagi ng mukha.
3. Sabihin na ang mga ito ay mga salitang ginagamit sa
paglalarawan ng direksyon at lokasyon

B. Paglinang
1. Pabuksan ang kanilang LG Yunit 4 Aralin 1. Gabayan ang mga
mag- aaral sa pagtalakay ng nasa Panimula.
2. Patingnan sa mga mag-aaral ang mga larawan sa Alamin
Mo. Basahin ang mga pangungusap na kasunod nito.
3. Isa-isahing talakayin ang konsepto ng lokasyong itaas, ibaba,
kaliwa at kanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
maraming halimbawa gamit ang mga tunay na bagay sa
loob ng silid-aralan.

67
4. Isunod ang susunod na gawain.
5. Ituro ang konsepto ng harap at likod sa pamamagitan ng
pagtingin sa larawan at sundin ang panuto nito. Sanayin ang
mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na
bagay o sa silid aralan o labas ng paaralan.
6. Bigyang diin na ang mga katawagan g ito ay mga salitang
naglalarawan ng lokasyon.
7. Simulan ang pag-aaral ng konsepto ng distansya sa
pamamagitan ng larawan at mga katanungan na kasunod
nito.
8. Linangin ang konsepto ng distansya sa pamamagitan ng paggamit
ng mga katawagan na malayo at malapit gamit ang mga bagay
sa loob ng silid aralan.
9. Magbigay ng halimbawa gamit ang loob ng kanilang tahanan.
10. Bigyang diin ang kahulugan ng distansya at ang mga
salitang naglalarawan dito.

C. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A.

Susi sa pagsagot sa Gawain A:


(1) baso
(2) tinidor (3) napkin (4) plato
(5) kutsilyo

2. Maaaring ipasagot ang Gawain B sa pamamagitan ng isa-isang


pagbasa ng guro o kung ang mga mag-aaral ay mahusay
na sa pagbasa ay maaari silang magsarili. Kailangan dito ang
maliwanag na pagbibigay ng direksyon.

Susi sa sagot sa Gawain B


Ilaw
Salamin

Kabinet

Mesa
Karpet

68
3. Ipasagot ang Gawain C na may patnubay ng guro.

Susi sa sagot sa Gawain C:


(1) Mali
(2) Mali
(3) Mali
(4) Tama
(5) Tama

4. Susi sa sagot sa Gawain D


Patnubayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Gawain D.
Kailangan ipaliwanag ang kahulugan ng salitang
hakbang at magbigay ng maliwanag na panuto.
Ang sagot ay iba iba

5. Gabayan ang mga bata sa paglalahat patungkol sa


konsepto ng lokasyon at distansya. Maaaring gumamit ng
larawan.

Pagtataya
Maaaring ipa photo copy ang larawan o gumuhit ng sariling
larawan

Susi sa sagot: A
1. Kulay berde ang sofa
2. Kulay berde ang bag
3. Kulay puti ang painting
4. Kulay asul ang basurahan
5. Susi sa sagot: A

Susi sa sagot: B
1. Kulay pula ang plorera
2. Kulay lila ang bentilador
3. May bola malapit sa sofa
4. May manika malayo sa pinto
5. May bata sa harap ng basurahan
6. May lapis sa likod ng plorera

69
Takdang Gawain
Gumupit o gumuhit ng larawan ng silid-tanggapan o sala. Sa
ibaba nito ay sasagutin nila ang mga tanong:
1. Anong bagay ang malapit sa pintuan?
2. Anong bagay ang malayo sa bintana?
3. Anong bagay ang nasa kaliwa ng upuan?
4. Anong bagay ang nasa kanan ng mesa?
5. Anong bagay ang nasa harap ng bintana?

Additional Activity (Optional)


Gumuhit ng mga bagay at idikit sa bond paper. Sundin ang
mga sumusunod:
1. 2 bagay na malayo sa isa’t isa
2. 2 bagay na malapit sa isa’t isa
3. 2 bagay na ang nasa kanan ay bola
4. 2 bagay ang nasa kaliwa ay bag
5. 2 bagay na ang nasa itaas ay payong

70
Aralin 2: Mapa sa Loob at Labas ng Tahanan

Takdang Panahon: (5–6 na araw)

Layunin
1. Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling
tahanan at ang mga lokasyon nito
2. Nakagagawa ng payak na mapa ng loob at labas ng
tahanan

Paksang Aralin
Paksa : Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan
Kagamitan : mga larawan, cd o video
Sanggunian : AP1KAP-IVb-3, AP1KAP-IVb-4

Pamamaraan

A. Panimula
1. Simulan ang aralin sa pamamagitan pagtatanong kung ano
ang tawag sa lugar kung saan sila nakatira.
a. Magpakita ng larawan ng isang bahay/tahanan.
b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ano ang
kanilang mga nakikita sa larawan. (hal. bubong,
dingding bintana atbp)
c. Itanong muli kung ano ang katawagan sa kabuuan
ng mga bagay na kanilang nabanggit.
d. Gumawa ng 2 pangkat: Tumawag ng limang mag-
aaral na babae at limang mag-aaral na lalaki.
e. Sabihin na mayroong mga salitang nasa loob ng
isang enbelop.
Sabihing ilatag ito sa harapan ng kanilang pila at
mag-unahang idikit ang sagot sa pisara sa
tanong na ibibigay ng guro. Paalalahanan ang
mga bata na kinakailangan nilang makinig na
mabuti sa direksyon ng guro. (hal. Bahagi ng bahay
na nasa itaas o tuktok ng bahay.)

71
2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang bahay/tirahan ay
binubuo ng mga bahagi at mga lugar. Sabihin na madali
silang makagagalaw ng maayos at tama kung alam nila
ang bahagi ng kanilang bahay.

B. Paglinang
1. Pabuksan ang kanilang LM Yunit 4 Aralin 2. Gabayan ang
mga mag- aaral sa pagtalakay ng nasa Panimula. Kung
kinakailangan, balik- aralan ang mga katawagan sa
paglalarawan ng lokasyon gaya ng kaliwa, kanan,
itaas,ibaba, harap, likod.
2. Talakayin ang “Alamin Mo”
2.1 Itanong sa kanila ang mga sumusunod:
a. Kung isasama ka ni Ana sa Kanilang bahay, madali
mo bang makikita kung saan ang kanyang silid o
saan ang kanilang palikuran?
b. Anong kailangan upang malaman mo kung saan
matatagpuan ang isang lugar o bagay?
Itanong muna sa mga mag-aaral kung alam nila
ang mga bahagi ng kanilang bahay bago
talakayin ang bahay ni Ana.
2.2 Sa pagtalakay sa mapa ng bahay, kailangang
matiyak ng guro kung nauunawaan ng mga mag-
aaral ang pagkakagawa ng mapang ito
Kailangang ipaliwanag na ito ay isang mapa ng bahay
na ipinapakita ang mga bahagi nito

3. Talakayin isa-isa ang mga lugar na matatagpuan sa isang


bahay gamit ang mapa ng bahay na nasa LM Aralin 2.

4. Tukuyin ang mga lugar na nasa loob ng bahay/tirahan


ni Ana sa pamamagitan ng mga salitang naglalarawan sa
isang lugar o lokasyon.

5. Talakayin rin ang mapa sa labas ng bahay. Sabihin na


mahalaga ito upang maging gaby nila sa pagpunta sa
isang lugar.

72
C. Gawain
1. Gawain A
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain
A. – Pagguhit sa mga nawawalang bahagi ng
bahay/tahanan.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:

2. Gawain B
Gabayan ang mga bata sa paggsagot sa Gawain B.
Susi sa pagsagot sa Gawain B:
Ang sagot ay nakabatay sa bawat larawang iginuhit ng
mga bata

3. Gawain C
Ipasagot ang Gawain C na may patnubay ng guro.
Maaaring basahin ito sa kanila lalo na kung hindi pa
masyadong nakababasa ang mga mag- aaral.

Susi sa sagot sa Gawain C:


(1) kanan
(2) itaas
(3) malayo
(4) malapit
(5) kaliwa
Bigyang diin ang “Tandaan Mo”. Maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral.

73
Pagtataya
Ipasagot ang “Natutuhan Ko”

A. Bigyan ng sipi ng sasagutan ang mga bata. Pagtugmain ang


larawan sa hanay A sa pangalan na nasa Hanay B.
1. D
2. A
3. B
4. E
5. C

B. Bago ipasagot ang B, ipaliwanag muna ang paggamit ng


pananda sa paggawa ng mapa.

Takdang Gawain
Magdala ng mga larawan ng ibat ibang lugar/bahagi na
matatagpuan sa loob ng tahanan. Gagamitin para sa Additional
Activity (Optional)

Additional Activity (Optional)


1. Bigyan ang mga bata ng sipi ng isang bahay na may mga
blangkong silid.
2. Ipalabas ang mga larawang ipinadala sa mga bata at
hayaang idikit ito sa mga silid sa bahay.

74
Aralin 3: Mga Estrakturang Nadaraanan mula Bahay
Patungong Paaralan

Takdang Panahon: (2–3 na araw)

Layunin
1. Naiisa-isa ang mga bagay at estruktura na makikita sa
nadadaanan mula sa tahanan patungo sa paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Mga Estrakturang Nadaraanan mula Bahay
Patungong Paaralan
Kagamitan : mga larawan
Sanggunian : APKAP-IVc-5

Pamamaraan
A. Panimula
1. Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang
nakapapansin ng kanilang mga nadaraanan kapag
pumapasok sa paaralan mula sa kanilang tahanan.Itanong
kung ano ang kanilang mga nakikita? ( Bago ang
aralin na ito ay may naunang pahatid bilin ang guro
na masdan ng mga bata ang kanilang dinaraanan sa
kanilang pagpasok sa paaralan.)

2. Tanungin ang mga bata kung sino naman sa kanila ang


hindi nakapapansin o nakakikita ng kanilang mga
dinaraanan papasok ng paaralan.

3. Itanong kung alin ang mas mainam, yung napapansin nila


ang mga bagay sa kanilang mga dinaraanan o hindi at
bakit.

4. Hayaang magbigay muna ng sariling mga opinyon ang


mga mag- aaral bago ipaliwanag na mahalagang naiisa-
isa nila ang mga bagay na dinaraanana nila mula sa
kanilang tahanan patungo sa kanilang paaralan upang
maging gabay nila ito kapag mag-isa na sila sa pagpasok at
ang maitutulong sa kanilang ng mga ito.

75
B. Paglinang
1. Pabuksan ang kanilang LG Yunit 4 Aralin 3. Gabayan ang
mga mag- aaral sa pagtalakay ng nasa “Alamin Mo”
Itanong sa kanila kung alin sa mga nasa larawan ang
nadaraanan nila mula sa kanilang mga bahay patungong
paaralan. Itanong din sa kanila kung mayroon silang mga
nadaraanan na wala sa larawan.

C. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A.
Ang mga sagot ng mga mag-aaral dito ay magkakaiba,
2. Ang mga sagot sa Gawain B ay:
(1) Simbahan
(2) Palengke
(3) Ospital
(4) Barangay hall
(5) Kainan
3. Kailangan ang masusing patnubay ng guro sa pagsagot sa
Gawain C.
Paraan ng pagsasagawa:
a. Unang ipagawa ang bilang (1) at kapag tapos na
ang lahat ay
b. Gawin ang bilang 2. Maaari ding ipagawa ang
bilang 2 sa labas ng klase.
c. Bigyan ng panuto ang mga mag-aaral kung
paano nila ito ikukuwento sa buong klase.
d. Maaari niyang ikuwento ang sarili niyang karanasan o
maaari ring ikuwento niya ang ikinuwento sa kanya
ng kanyang kaklase.
e. Isa pang opsyon dito ay ang pagkumpara ng mga
bagay na kanilang dinaanan patungong paaralan.
f. Bigyang diin ang “Tandaan Mo”

Pagtataya
Ipagawa ang “Natutuhan Ko”

Takdang Gawain
Pagupitin ang mga mag-aaral ng mga larawan ng mga bagay o
estruktura na nadaraanan nila mula bahay patungong paaralan. Idikit ito sa
cartolina at lagyan ito ng daan upang maging mapa.

Additional Activity (Optional)


Ipaskil ang mga nagawa nila sa “Takdang Aralin” . Maaari itong
gawing patimpalak.

76
Aralin 4: Kaugnayan ng Lokasyon, Distansya
at Transportasyon sa Pang-araw-araw na Buhay

Takdang Panahon: (2 – 3 na araw)

Layunin
1. Naiuugnay ang konsept ng lugar, lokasyon at distansya sa
pang- araw araw na buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng
transporta- syon mula sa tahanan patungo sa paaralan

Paksang Aralin
Paksa : Kaugnayan ng Lokasyon, Distansya at
Transportasyon
Kagamitan : mga larawan, cd o video
Sanggunian : AP1KAP-IVc-6

Pamamaraan

A. Panimula
1. Ilabas ang mga mag-aaral. Maglaro ng “Saan Kami
Sasakay?”
a. Maghanda g 4 na larawan ng 1) tricycle 2) bangka 3)
jeep 4) bus
b. Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4 na linya.
c. Sabihin sa mga mag-aaral na magbabasa siya
ng sitwasyon at sabihin kung saan sila dapat
sumakay. Pagbilang ng lima, kailangang tumapat sila
sa may larawan ng kanilang sagot.
d. Halimbawa: Pupunta ako sa palengke. Malapit lang
ito sa amin. e. Ang matira ang panalo.

2. Sabihin na ang kanilang laro kanina ay may kinalaman sa


kanilang aralin. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang
natutuhan nila sa kanilang nilaro.

3. Pabuksan ang kanilang LM Yunit 4 Aralin 3. Talakayin ang


“Alamin Mo”

77
4. Kailangang matuklasan nila na may kaugnayan ang lugar,
lokasyon at distansya sa paraan ng pagpasok nila sa
paaralan araw-araw. Lugar/lokasyon – halimbawa naiiba
ang paraan ng kanilang sasakyan kung sila ay nasa
kapatagan, kabundukan, katubigan o sa patag o malubak
na daan.
Distansiya – iba rin ang paraan ng pagpunta sa paaralan
kaugnay ng layo o lapit nito sa paaralan.

B. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A.-
Siguraduhin na alam ng mga mag-aaral ang pangalan ng
ibat ibang sasakyan na maaaring gamitin patungo sa
paaralan.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:
(1) bisikleta
(2) traysikel
(3) dyip
(4) bus
(5) bangka
(6) kuliglig o hand tractor
(7) kotse
(8) pedi cab
2. Gabayan ang mga bata sa paggsagot sa Gawain B.Bago
ito pasagutan, ipaliwanag ang mga larawan sa kaliwa.
Susi sa pagsagot sa Gawain B:
(1) A
(2) Z
(3) A
(4) Z
(5) A
3. Ipasagot ang Gawain C na may patnubay ng guro..
Susi sa sagot sa Gawain C:
(1) A
(2) A
(3) B
(4) A
(5) B

78
 Bigyang pansin ang “Tandaan” sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mga mag-aaral upang sa kanila magmula ang
“Paglalahat”

Pagtataya
Ipasagot ang “Natutuhan Ko”

A. Bigyan ng sipi ng sasagutan ang mga bata. Pagtugmain ang


larawan sa hanay A sa pangalan na nasa Hanay B.
1. B
2. A
3. B
4. B
5. A

Takdang Gawain
Punan ang mga kahon. Isulat ang uri ng sasakyang nasakyan
na, saan pumunta, malayo/malapit.

Uri ng sasakyan Saan pumunta Malayo o Malapit

Additional Activity (Optional)


Gumupit ng mga larawan ng mga sasakyang nasakyan na ng
mga bata. Isulat sa ibaba kung saan nagpunta at gaano kalayo ito sa
inyong tahanan.

79
Aralin 5: Mga Pagbabago sa mga Estruktura at Bagay sa
Paligid

Takdang Panahon: (2–3 na araw)

Layunin
1. Nailalarawan ang pagbabago sa mga estruktura at bagay
mula sa tahanan patungo sa paaralan at natutukoy ang
mahahalagang estruktura sa mga lugar na ito.
2. Nakagagawa ng payak na mapa mula sa tahanan patungo
sa paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Mga Pagbabago sa mga Estruktura at Bagay sa
Paligid
Kagamitan : mga larawan
Sanggunian : AP1KAP-IVd-7, AP1KAP-IVd-8

Pamamaraan
A. Panimula
1. Balik-aralan ang mga estruktura at mga bagay na
nadadaanan patungo sa paaralan.

2. Talakayin din kung ano ang mga naitutulong sa atin ng mga


estruktura at mga bagay na ito.

3. Itanong kung mayroon silang alam dito o napuna na


nagbago mula ng nakita nila ito sa kanilang pagdaan.

4. Ipaliwanag na ang mga bagay at mga estruktura ay


maaaring magbago sa pagdaan ng panahon .

5. Pabuksan ang kanilang LM Yunit 4 Aralin 5. Talakayin ang


“Alamin Mo”

6. Kailangang mapuna nila na ang pagbabago ay


maaaring nakabuti o umunlad at maaari ding hindi.

80
7. Pagbigayin pa ang mga mag-aaral ng mga halimbawa.
Magbibigay din ang guro ng iba pang halimbawa.

B. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain
A. Manghingi ng paliwanag sa bawat kasagutan.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:
(1) 7
(2) 3
(3) 3
(4) 7
(5) 3
2. Gabayan ang mga bata sa paggsagot sa Gawain B.
Ipaliwanag mabuti ang panuto. Maaari itong gawing
pasulat o pasalita.
Susi sa pagsagot sa Gawain B: Mga nabago sa ikalawang
larawan:
(1) Mga bahay
(2) Tindahan
(3) bundok
(4) ilog
(5) Barangay Hall
3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain C. Pagkatapos
na gumuhit ng mga mag-aaral, hayaang ipaliwanag nila
ang dahilan ng mga pagbabago sa kanilang dinaraanan
papunta sa paaralan.

 Bigyang pansin ang “Tandaan Mo” sa pamamagitan ng


pagtatanong sa mga
mag-aaral upang sa kanila magmula ang “Paglalahat”

81
Pagtataya
Ipasagot ang “Natutuhan Ko”
1. B
2. B
3. A
4. B
5. B

Takdang Gawain
Itanong sa mga magulang kung ano ang mga pagbabago sa
mga estruktura o mga bagay na dinadaanan nila patungo sa
paaralan at ipakwento ito. Humanda sa pagkwento sa klase

Additional Activity (Optional)


Gumuhit ng isang istruktura na nakikita mo mula sa iyong
tahanan patungo sa paaralan na nagkaroon ng pagbabago sa
nakaraang taon. Maaring magtanong sa mga magulang ang mga
mag-aaral upang malaman nila kung anong istruktura ang may
pagbabao.

82
Aralin 6: Mga Bahagi at Gamit sa Paaralan at Lokasyon ng
mga Ito

Layunin
1. Natutukoy ang bahagi at gamit sa loob ng silid-aralan / paaralan
at lokasyon ng mga ito.
2. Nakagagawa ng payak na mapa ng silid aralan / paaralan.

Paksang Aralin
Paksa : Mga Bahagi at Gamit sa Loob ng Silid-aralan at
Paaralan at
Lokasyon ng mga Ito
Kagamitan : mga larawan, mga gamit sa loob ng bahagi ng
paaralan
Sanggunian : (AP1KAP-IVe-9), (AP1KAP-IVf-10)

Pamamaraan
A. Panimula
1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa
loob ng silid- aralan.

2. Itanong rin kung ano ang gamit ng mga ito?

3. Sabihin na ang bawat gamit na matatagpuan nila sa loob


ng silid-aralan at iba pang bahagi ng paaralan ay
mahalaga.

B. Paglinang
1. Pabuksan ang kanilang LG Yunit 4 Aralin 6. Talakayin ang
bahagi ng paaralan at ang mga gamit na matatagpuan
sa loob nito.

2. Talakayin din ang lokasyon ng mga ito gamit ang mga


salitang: kaliwa, kanan, harapan at likuran.

3. Ipasyal ang mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng


paaralan at ipakita ang mga gamit dito at ang lokasyon
nito.

83
C. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:

A B
1. kantina A. kama
2. klinika B. mga desk
3. silid aralan C. mga aklat
4. silid aklatan D. swing/slide
5. palaruan E. mga pagkain

2. Bigyan muna ang mga mag-aaral ng balik-aral sa


konsepto ng kaliwa, kanan, harapan at likuran bago
sagutan ang Gawain B1 at B2. Ang Gawain B1 ay
maaaring sagutin ng pasalita at ang B2 ay pasulat.

Susi sa pagsagot sa Gawain B2:


a. klinika
b. kantina
c. palaruan
d. mag-aaral
e. puno

3. Gabayan ang mag-aaral sa paggawa ng payak na


mapa ng kanilang silid-aralan at paaralan.
Susi sa pagsagot sa Gawain C:
Ang sagot sa Gawain C ay depende sa ayos ng mga gamit
sa silid aralan ng mag-aaral.

Susi sa Gawain D:
Ang sagot sa Gawain D ay depende sa ayos ng paaralan.

4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay nila ng


sarili nilang paglalahat at isunod ang pagbasa ng
“Tandaan Mo”

84
Pagtataya
A. Ipasagot ang “Natutuhan Ko”
Susi sa Pagsagot:
1. D
2. C
3. B
4. E
5. A

B. Batay sa inyong silid aralan, tukuyin kung nasaan ang mga


sumusunod na gamit mula sa inyong guro:
1. Mesa ng guro
2. Pintuan
3. Bintana
4. Cabinet
5. pisara

Takdang Gawain
1. Pagdalhin ng larawan ng bata ang mga mag-aaral na
nakadikit sa gitna ng bond paper.

2. Iguhit ang kagamitan o bagay na makikita sa iyong


silid aralan na matatagpuan sa iyong:
a. Kanan at kaliwa
b. Harapan at likuran
c. Itaas at ibaba.

Additonal Activity (Optional)


Idikit sa bulletin bord ang mga ginawang mapa ng mga mag-
aaral.

85
Aralin 7: Konsepto ng Distansiya sa Silid-Aralan at Paaralan

Layunin
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng distansya sa
pamamagitan ng nabuong mapa ng silid aralan at
paaralan.
1.1. Distansya ng mga bagay sa isa’t isa sa loob ng silid-aralan
1.2. Distansya ng mga mag-aaral sa ibang mga bagay sa silid-
aralan
1.3. Distansya ng silid-aralan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan

Paksang Aralin
Paksa : Konsepto ng Distansya sa Silid-aralan at Paaralan
Kagamitan : mga larawan, mga gamit sa loob ng silid aralan
Sanggunian : (AP1KAP-IVg-11

Pamamaraan

A. Panimula
1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagpapaunawa
sa mga mag- aaral ng konsepto ng distansya.
- Maglagay ng mga gamit na malayo at malapit sa iyo.
Ipakita sa mga mag-aaral na madali mong maaabot o
mahahakbang ang mga bagay na malapit.
Samantalang hindi maaaring abutin ng kamay at
kailangan mong humakbang ng mas marami kung
malayo. Maaari ring ipakita ang konsepto ng distansiya
sa pamamagitan ng kinatatayuan ng mga mag-aaral.

B. Paglinang
1. Pabuksan ang kanilang LG Yunit 4 Aralin 7. Talakayin ang
nasa Panimula .

2. Patingnan sa mga mag-aaral ang nasa larawan sa


Alamin Mo.
Ipaliwanag ang konsepto ng distansiya.

86
3. Magbigay ng mga halimbawa na nagpapakita ng
distansiya ng
a. mga mag-aaral sa mga gamit sa loob ng silid-aralan,
b. mga bagay sa loob ng silid-aralan at
c. distansya ng mga bahagi ng paaralan sa isa-isa.
4. Kailangang ilabas ang mga mag-aaral upang makita nila
ang distansya ng mga bahagi ng paaralan.

C. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A at
B.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:
(1) A
(2) B
(3) A
(4) A
(5) A

Susi sa pagsagot sa Gawain B


B.1.
(1) A
(2) C
(3) C
(4) A
(5) C

B.2.
(1) Malapit
(2) Malayo
(3) Malayo
(4) Malapit
(5) Malayo

Susi sa Pagsagot sa Gawain C


(1) Malayo
(2) Malapit
(3) Malapit
(4) Malayo
(5) malayo

87
2. Magkaroon ng iba pang mga pagsasanay tungkol sa
distansiya sa loob at labas ng silid-aralan.

3. Maglalagay ang guro ng mga bagay sa silid aralan at


magkaroon ng basehan kung saan o kanino ang
pagmumulan ng konsepto ng distansya halimbawa: Isulat
kung ang mga bagay na babanggitin ay malapit o
malayo kay Mario:
a. Mesa ng guro
b. Pintuan
c. Bintana
d. Cabinet
e. pisara

Pagtataya
Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Natutuhan Ko”
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 

Takdang Gawain
Magpagupit ng mga larawan at idikit sa papel. Ipadikit sa gitna ang
isang bagay na magiging basehan ng direksyon.

Additional Activity (Optional)


Palabasin ang mga mag-aaral at paglaruin ng “Malayo at Malapit”

88
Aralin 8: Mga Gawi at Ugali na Nakatutulong
at Nakasasama sa Sariling Kapaligiran

Takdang Panahon: (5–6 na araw)

Layunin
1. Nakapagbibigay halimbawa ng mga gawi at ugali na
makatutulong at nakasasama sa sariling kapaligiran:
tahanan at paaralan.

2. Naipakikita ang iba’t ibang pamamaraan ng


pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan
2.1. Sa tahanan
2.2. Sa paaralan
2.3. Sa komunidad

3. Naipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligirang


ginagalawan sa iba’t ibang pamamaraan at likhang sining.

Paksang Aralin
Paksa : Mga Gawi at Ugali na Nakatutulong
at Nakasasama sa Sariling
Kapaligiran Kagamitan : mga larawan, cd o video
Sanggunian : AP1KAP-IVg-11

Pamamaraan

A. Panimula
1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng :
a. Pagpaagpakita ng mga larawan ng kapaligiran,
gaya ng bakuran, kalsada, palaruan, ilog, parke at
iba pa.
b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ano ang
kanilang mga nakita sa larawan.
c. Itanong kung alam nila ang tawag dito.

2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang konsepto ng


KAPALIGIRAN sa pamamagitan ng mga halimbawa. Sabihin

89
na ang kanilang tahanan, paaralan at komunidad ay mga
halimbawa ng kapaligiran na kanilang ginagalawan.

3. Pabuksan ang kanilang LG Yunit 4 Aralin 8. Gabayan ang


mga mag- aaral sa pagtalakay ng nasa Panimula. Itanong
sa kanila ang mga sumusunod:
a. Aling tahanan ang nais mong tirhan? Bakit?
b. Sa aling paaralan nais nilang mag-aral? Bakit?

B. Paglinang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang dayalog sa Alamin Mo.
Itanong kung sino sa kanila ang kagaya ng unang bata.
Nang ikalawang bata.

2. Talakayin isa-isa ang mga gawi o ugali na nakatutulong at


nakasasama sa kapaligiran.Hingan ang mga mag-aaral ng
iba pang halimbawa na maaaring wala sa aklat. Sa bawat
halimbawa, siguraduhing talakayin ang mga dahilan at
kahalagahan nito at maunawaan ng mga mag-aaral ang
tamang pangangalaga sa kanilang kapiligirang
ginagalawan.

3. Itanong kung bakit mahalaga ang pagpapanatili ng


kalinisan sa iyong tahanan? Paaralan? Komunidad? Ano
ang mangyayari kung hindi malinis ang ating tahanan?
Komunidad?

C. Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawain A.
Susi sa pagsagot sa Gawain A:
(1) 3
(2) 7
(3) 3
(4) 3
(5) 7
(6) 3

90
Susi sa pagsagot sa Gawain B:
(1) Larawan ng kalsadang maraming kalat - Larawan ng mga
mag- aaral na tumutulong sa paglilinis ng kalsada
(2) Larawan ng maruming bakuran - Larawan ng batang
nagwawalis sa kanilang bakuran
(3) Larawan ng makalat na paaralan - Larawan ng mga mag-
aaral na naglilinis sa paaralan
(4) Larawan ng batang may dalang balat ng pagkain -
Larawan ng batang itinatapon ang balat ng pagkain sa
tamang basurahan
(5) Larawang ng mga nalalantang halaman - Larawan ng
batang nadidilig ng halaman

2. Susi sa sagot sa Gawain C


(1) 
(2) 
(3) 
(4) 
(5) 

3. Susi sa sagot sa Gawain D


(1)

(2)

(3)

(4)

(5)

4. Siguraduhing maipaguhit sa mga mag-aaral ang Gawain


E. Ipaguhit ang mga ito sa loob ng nakatakdang lalagyan
gaya ng sa loob ng bahay para sa pangangalaga ng
kapaligiran sa tahanan, sa loob ng paaralan, o sa loob ng
malaking bilog.

91
5. Ipasagot ang mga sumusunod sa mga mag-aaral: Bakit
kailangang gawin ang mga sumusunod:
1. Magtanim ng mga halaman at puno.
2. Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at hindi
nabubulok.
3. Panatilihing malinis ang paligid.
4. Tumulong sa paglilinis sa bahay.
5. Buhusan ng tubig ang mga palikuran pagkatapos
gamitin.

6. Bilang paglalahat, maaaring gumawa ng isang graphic


organizer at gumawa ng mga larawan o pasulat na sagot
sa mga nilalaman nito. Halimbawa:

Pangangalaga
ng Kapaligiran

Sa Tahanan Sa paaralan Sa komunidad

ssa

Maaaring dagdagan pa ang mga kahon sa ibaba. Maaari


din itong gawin paligsahan sa mga mag-aaral.
7. Ipabasa ang “Tandaan”

Pagtataya
Ipasagot ang “Natutuhan Ko”

Takdang Gawain
Sa iyong notebook, sumulat ng maikling pangako kung paano ka
makatutulong sa pangangalaga sa iyong kapaligiran.

Additional Activity (Optional)


1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.
2. Ipaguhit sa mga mag-aaral kung paano pahahalagahan ang
kanilang kapaligirang ginaglawan.
- Unang pangkat – sa tahanan
- Ikalawang Pangkat – sa paaralan
- Ikatlong Pangkat – sa komunidad
3. Maaari itong gawing patimpalak.

92
Lagumang Pagsusulit
IKAAPAT NA YUNIT

I. Kaalaman
(Gamitin ang larawan A para sa katanungang 1-3)
1. Tingnan ang larawan A. Anong bagay ang nasa itaas ng
bintana?
A. upuan B. orasan C. telebisyon D. radyo

2. Anong bagay ang malayo sa telebisyon?


A. Radio B. Mesa C. Ilawan D.Larawan

3. Kulayan ng dilaw ang bagay na nasa kaliwa ng radyo.

93
Larawan A (Kopyahin ang larawan na may parehong
pwesto)
4. Alin sa mga sumusunod ang kusina?

A. B. C. D.

II. PROSESO / KASANAYAN


5. Anong larawan ang may kaugnayan sa silid tulugan?

A. B. C. D.

6. Iguhit ang bahagi ng tahanan na kulang sa larawan.


(pakiguhit)

94
7. Tingnan ang larawan na nagpapakita ng tahanan nina
Manuel patungong paaralan. Isulat ang mga istrukturang
kanyang nadaanan. (7–9) (3 puntos)

8.
9.

III. PAG-UNAWA
Isulat ang T kung ang sinasabi ay tama at M kung ito ay mali.
10. Nakatira si Mario sasusunod na bayan ng kanyang paaralan
kaya siya ay sumasakay sadyip araw-araw.
11. Tumatawid pa ng ilog sina Juan at Pedro papuntang paaralan
kaya sila sumasakay ng dyip.
12. Ang bus ay maaaring sakyan ng mga mag-aaral papuntang
paaralan sa kabundukan.
13. Isang kanto lang ang layo ng paaralan kina Dina kaya
nilalakad lang niya ito, ngunit kung umuulan, siya ay
sumasakay ng traysikel.

95
14–17.
Tingnan at paghambinging ang dalawang larawan at isulat
ang mga istruktura o bagay na nabago.
Larawan A

96
18–19(Maaaring pumili ang guro ng isa sa mga gawain o mga
tanong na nasa ibaba)

(A) Iguhit ang iyong sariling paaralan ayon sa kinalalagyan ng


mga bahaging matatagpuan roon.

a. Silid-aralan

b. Silid-aklatan

c. Palikuran

d. Palaruan

e. Klinika

(B) Pumili ng isang bahagi sa iyong paaralan at ipakita sa


pamamagitan ng pagguhit nito kasama ang mga gamit na
matatagpuan dito.

Silid-aralan Silid-aklatan klinika

palikuran palaruan

97
20–22(Maaaring pumili ang guro ng isa sa mga gawain o mga tanong
na nasa ibaba)
(A) Iguhit ang mga sumusunod na konsepto ng distansiya.

1. si ana ay malayo sa kanyang 2. ang mesa ay malapit sa


silid-aralan pisara.

3. Si miguel ay malapit sa 4. Malayo ang bag sa upuan


kanyang kaklaseng si maria.

(B) Ikaw at ang iyong ka grupo ay naatasan ng iyong guro na


ipakita ang distansya mula sa iyong silid aralan patungosa
silid aklatan. Kung gagamitin ang mga sumusunod na
panukat, ano ang iyong magiging mga sagot?
• Ruler
• Hakbang
• Dangkal

98
23-25 (3points)
Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit.

Susi sa Pagsagot ng Lagumang Pagsusulit ng Yunit 4:


1. D
2. C
3. (kukulayan ng dilaw ang upuan)
4. C
5. A

99
6. Silid-tulugan ang iguguhit
7. Gasolinahan (mga sagot sa 7-9 ay maaaring hindi sunod
sunod)
8. Simbahan
9. Palaruan
10. T
11. M
12. M
13. T
14. Bahay – apartment o condominium
15. Maliit na tindahan – malaking tindahan
16. Maruming ilog – malaking ilog
17. simbahan

18–19
(A) Inaasahang ang sagot ng mga bata ay payak na mapa
ng kanilang paaralang kinabibilangan at ang mga tamang
kinalalagyan ng mga bahaging naroroon.

Rubric sa Pagguhit ng Mapa

Pamantayan Natatangi (3) Mahusay (2) Nangangailangan


ng
Pagsasanay(1)

Kabuuan Lahat ng bahagi May mga Hindi nabuo ang


ay naipakita sa bahaging mapa o larawan
larawan nawawala

100
Kawastuhan Tamang lahat Tama ang Mali ang
ang kinalalagyan o kinalalagyan o
kinalalagyan o lokasyon ng lokasyon ng
lokasyon ng halos lahat ng maraming
bawat bahagi . bahagi bahagi

Kalinisan Maganda ang May ilang mga Walang kulay, at


pagkakulay, bahagi ng mapa marumi ang
maayos at ay may bura at pagkakabuo ng
malinis ang di gaanong mapa
pagkakagawa maayos ang
ng mapa pagkakulay

Puntos Kahulugan
2–3 Natatangi
4–6 Mahusay
7–9 Nangangailangan ng Pagsasanay

(B) Ang maaring sagot sa gawaing ito ay mga kagamitan ayon sa


piniling bahagi ng paaralan ng bata.

101
Rubric sa Pagguhit ng Larawan

Pamantayan Natatangi (3) Mahusay (2) Nangangailangan


ng
Pagsasanay(1)

Pagkakalahad Malinaw na Hindi gaanong Di maunawaan


nailahad na malinaw ang ang mensahe ng
mensahe ng mensahe ng larawan
larawan larawan

Kawastuhan Tama lahat ang May isa o Mali ang detalye


detalyeng dalawang mali sa sa larawan
hinihingi sa detalyeng
larawan hinihingi sa
larawan

Kalinisan/ Maganda ang May ilang mga Walang kulay, at


kaayusan pag- kakulay, bahagi ng mapa marumi ang
maayos at ay may bura at pagkakabuo ng
malinis ang di gaanong mapa
pagka- kagawa maayos ang
ng mapa pagkakulay

102
Puntos Kahulugan
2–3 Natatangi
4–6 Mahusay
7–9 Nangangailangan ng Pagsasanay

20-22
(A) 1. Larawan ng batang babae na malayo sa paaralan.

2. Larawan ng mesa at pisara ng magkalapit

3. Larawan ng lalaki at babae na magkatabi

4. Larawan ng upuan at bag na magkalapit.

Rubric sa Pagguhit ng Larawan


Pamantayan Natatangi (3) Mahusay (2) Nangangailangan
ng Pagsasanay(1)

Nangangailangan Malinaw na Hindi gaanong Di maunawaan


ng Pagsasanay(1) nailahad na malinaw ang ang mensahe ng
mensahe ng mensahe ng larawan
larawan larawan

103
Kawastuhan Tama lahat ang May isa o Mali ang detalye
detalyeng dalawang mali sa sa larawan
hinihingi sa detalyeng
larawan hinihingi sa
larawan

Kalinisan/ Maganda ang May ilang mga Walang kulay,at


kaayusan pag- kakulay, bahagi ng mapa marumi ang
maayos at ay may bura at di pagkakabuo ng
malinis ang gaanong maayos mapa
pagka- kagawa ang pagkakulay
ng mapa

Puntos Kahulugan
2–3 Natatangi
4–6 Mahusay
7–9 Nangangailangan ng Pagsasanay

104

You might also like