You are on page 1of 85

REPLEKSYON NG MGA MAG-AARAL SA SARILI, PAMILYA AT

LIPUNANG PILIPINO SA PILING KWENTONG PAMBATA

Isang Tesis

na Iniharap sa mga Guro ng Paaralang Gradwado

Saint Columban College

Lungsod ng Pagadian

Bilang Parsyal na Pagtupad Para sa Pangangailanagn

Sa Digring Master ng Sining sa Edukasyon

Major sa Filipino

ni

RHEA JEAN T. DELA CRUZ

Oktubre 2018
Dahon ng Pagpapatibay
Abstrak ng Pag-aaral

Dela Cruz, Rhea Jean T. (2018), Repleksyon ng mga Mag-aaral sa Sarili, Pamilya at
Lipunang Pilipino sa Piling Kwentong Pambata, Masteral na Tesis, Saint
Columban College, Lungsod ng Pagadian.

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga repleksyon sa sarili, pamilya at
lipunan ng mga bata na makikita sa piling kwentong pambata. Ginamit ang disenyong
kwalitatibo at pamaraang palarawan o descriptive sa pagsusuri ng datos. Natuklasan na
may repleksyon sa sarili, pamilya at lipunan ang mga bata mula sa kuwentong
pambatang binasa. Nangingibabaw ang repleksyon sa sarili, sinundan sa pamilya at
panghuli ang repleksyon sa lipunan. Nangangahulugang ini-integrate ng mga guro sa
pagtuturo ng mga bata ang pagpapahalaga o values. At naisapraktika ng mga bata ang
core values ng paaralan.

Susing salita: Kwentong Pambata, repleksyon, sarili, pamilya at lipunan


Pasasalamat

Hindi matatawaran ng anumang bagay ang mga kaluwagang kamay at paggabay

ng mga taong tumulong upang maisakatuparan ang tesis na ito.

Una sa lahat, sa Panginoon na naggawad ng karunungan at kababaang-loob na

naging sandigan ng mananaliksik upang mapagtagumpayan ang lahat.

Pangalawa, sa kanyang pamilya na walang sawang sumuporta upang

matugunan ang kanyang pangangailangan. Sila ang nagpalakas ng loob sa

mananaliksik upang makamit ang minimithi sa buhay.

Dr. Julieta Cebrero, adviser sa walaang sawang tumulong sa pag-edit, pagbasa,

pagbigay ng mga puna , opinyon para sa ikagaganda ng papel na ito.

Dr. Nora Agustero, research instructor na pagpapaliwanag sa mga dapat gawin

para mabuo ang bawat kabanata ng tesis .

Kay Dr. Gilbert Celesio, tserman ng panel at dekano ng paaralang Graduwado

ng Saint Columban College sa paghikayat na gawin ang mga mingkahi at suhestiyon ng

panel upang matapos ang riserts na ito.

Kina Dr. Regina Cuizon at Dr. Edna Barcelona, myembro ng panel sa kanilang

makabuluhang mungkahi at punang ibinigay upang mas lalong mapaganda ang resulta

ng papel na ito.

Dr. Melrose A. Sali-ot, external panel expert sa kanyang pagbasa, pagbigay ng

mga dagdag na opinyon sa pananaliksik na itobilang eksternal na panel.


Paghahandog

Buong- pusong inihandog ang pag-aaral na ito sa mga mahal sa buhay na


nagpapalakas ng loob ng mananaliksik,

magulang

Pableo F. Dela Cruz

at

Raquel T. Dela Cruz,

kapatid

Mark Anthony T. Dela Cruz at Leo John T. Dela Cruz

na walang sawang nagmahal at naghandog ng pinansyal, moral at malasakit sa

mananaliksik.

Sa mga co-tearchers sa PGSLC, mga mag-aaral, kaibigan,

at higit sa lahat sa Panginoon.


Talaan ng Nilalaman
Talaan ng Nilalaman

Pahina

Pamagat ng Pahina . . . . . . . . i

Dahon ng Pagpapatibay . . . . . . . ii

Abstrak ng Pag-aaral . . . . . . . . iii

Pasasalamat . . . . . . . . . iv

Paghahandog . . . . . . . . . v

Talaan ng Nilalaman . . . . . . . . vi

Talaan ng Talahanayan . . . . . . . vii

Talaan ng Figura . . . . . . . . viii

Kabanata 1

Ang Suliranin . . . . . . . . 1

Introduksyon . . . . . . . 1

Perspektibo ng Mananaliksik . . . . . 2

Teoritikal na Balangkas . . . . . 3

Konseptwal na Balangkas . . . . . 3

Paglalahad ng Suliranin . . . . . 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . 6

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . 7

Katuturan ng Pangunahing Katawagan . . . 7

Istruktura ng Pag-aaral . . . . . 8

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura


Kwentong Pambata . . . . . . 11

Repleksyon sa Sarili, Pamilya at Lipunan . . . 14

Kabanata 3

Metodolohiya ng Pag-aaral

Paraan at Disenyo ng Pag-aaral . . . . 18

Lugar ng Pag-aaral . . . . . . 18

Paksa ng Pag-aaral . . . . . . 18

Respondente ng Pag-aaral . . . . . 19

Instrumento ng Pananaliksik . . . . . 19

Pamaraan sa Paglikom ng mga Datos . . . 19

Mga Isinaalang-alang na Etika . . . . 20

Kabanata 4

Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos . . 21

Kabanata 5

Buod ng Natuklasan . . . . . . 53

Konklusyon . . . . . . . 54

Rekomendasyon . . . . . . 54

Talasanggunian . . . . . . . . 56

Appendiks

A. Kwentong Pambata . . . . . 58

B. Talatanungan . . . . . . 73

C. Liham Pahintulot . . . . . . 74

D. Dokumentasyon . . . . . . 75

E. Plagiarism Scan . . . . . . 76

Datos ng Mananaliksik . . . . . . 77
Talaan ng Talahanayan

Pahina

1 Repleksyon ng mga Bata sa Sarili na Nakita mula sa 48

mga Piling Kwentong Pambata


Talaan Ng Figura

Bilang Pahina

1 Iskimatik na Dayagram ng Pag-aaral 5


Kabanata 1

Ang Suliranin

Introduksyon

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng

tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito

mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga

panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi

ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at

nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.

Ang panitikang pambata o mga babasahin para sa mga bata ay isang akdang

pampanitikan na ang mga pangunahing tagapagtangkilik ay mga bata. Bagaman

marami ring mga aklat na nasusulat sa ganitong anyo na kinawiwilihan din naman ng

ibang mga kabataang mas nakatatanda at mga taong nasa wastong gulang na. Naging

pangunahing layunin ng mga panitikang isinulat para sa mga bata ang pukawin ang

isipan at antigin ang mga damdamin ng mga bata sa pamamagitan ng mga paksang

nagtuturo ng mga bagay-bagay hinggil sa pananampalataya, araling-pangwika,

pakikipagsapalaran ng mga bayaning mula sa mga kuwentong-bayan, alamat,

mitolohiya. Karaniwang nagtataglay ang mga aklat-pambata ng mga larawan at guhit-

larawan. Nang lumaon, pagkalipas ng maraming taon, naging paksa rin ang mga araling

makatotohanan o batay sa totoong buhay, katulad ng mga akdang pang-kasaysayan,

heograpiya, buhay sa paaralan, kabayanihan, at katatawanan. Nasusulat ang mga

panitikang pambata sa pamamaraang tuwiran at maging sa patula. Bagamat walang

tiyak na depinisyon ang panitikang pambata mula sa iba’t ibang awtoridad, masasabing

ang mga akdang pambata ay mga babasahing binabasa at tinatangkilik ng mga bata na
nagiging bahagi ng kanilang panitikan. Ito ay isang genre na nagsasaad ng mga paksa,

tema, wika, at mga elementong angkop sa partikular na edad ng isang bata.

Sa buhay, maraming aral ang masasalamin base sa mga karanasan ng ibang

tao. Sa pamamagitan ng pagsasalamin sa katauhan nila, maaaring maintindihan ang

takbo ng buhay sa mundo. Masasalamin ito mula sa sarili, pamilya o maging sa lipunan.

Layunin ng mananaliksik na sumuri ng mga kwentong pambata na may

repleksyon sa sarili, pamilya at lipunan. Kinuha ang mga nangibabaw na mga

repleksyon at nang sa ganoon magagamit ito bilang lunsaran ng mga guro sa

pagtuturo ng edukasyong pagpapahalaga.

Perspektib ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay isinilang noong Pebrero 1, 1995. Siya ay bunsong anak sa

tatlong magkakapatid. Natapos niya ang kanyang elementarya sa Balangasan Central

Elementary School at sa Holy Child Academy natapos ang kanyang high school.

Nakapagtapos ng kolehiyo sa Saint Columban College, Pagadian City. Isang guro sa

elementarya sa Pagadian Golden School Learning Center, tagapayo sa ikalawang

baitang at ng Filipino club. Pinili ang paksang “Repleksyon Ng Mga Mag-Aaral Sa Sarili,

Pamilya At Lipunang Pilipino Sa Piling Kwentong Pambata” dahil gustong malaman ng

mananaliksik kung anong repleksyon ang makikita mula sa mga kwentong pambata.

Batayang Teoritikal at Konseptwal na Balangkas

Nakabatay ang pananaliksik sa teoryang realismo, na ipinapakita ang mga

karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang

pamamaraan. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohan kaysa sa kagandahan.


Isinaisip naman ang mga konsepto nina Kraenkel at Wallen (2003) na ang

kwentong pambata ay makapagdulot ng mga pagbabago sa buhay. Ang mga aral,

mensahe at tema ay naging gabay sa mga gawaing pang araw-araw at naging bukas sa

anumang hamon sa buhay, naging batayan din sa pagdesisyon at nagsilbing refleksyon

sa mabubuting tahakin sa buhay.

Ginamit din ang teoryang moralistiko na naglalahad ng iba’t ibang pamantayang

sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din

nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang

kilos at ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang

moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Makikita sa susunod na pahina ang iskematik na modelo ng pag-aaral. Ipinakita

sa unang kahon ang “Mga Piling Kwentong Pambata”. Ito ang sampung kwentong

pambata na kinolekta. Sinuri nang husto ng mananaliksik ang mga kinolektang

kwentong pambata na pinalooban ng mga bahaging nakaapekto sa kanilang sarili,

pamilya at lipunan. Pagkatapos, ay ang “Repleksyon ng mga Bata”. Dito ipinahayag ang

mga repleksyon ng mga bata sa bawat kwentong pambata na kanilang binasa.

Nagbigay ang mananaliksik ng isang talatanungan na kung saan nakapaloob ang mga

tanong tungkol sa repleksyon nila sa sarili, pamilya at lipunan na naayon sa kwentong

binasa. Nagbigay ang mga bata ng kanilang repleksyon sa sarili mula sa mga tauhan o

karakter na gumanap sa bawat kwentong pambata, kung nakita ba nila ang kanilang

sarili mula sa mga katangian o gawain ng mga tauhan.

Isa ring sinuri ay ang repleksyon nila sa pamilya, ibinigay nila ang kanilang

repleksyon na nakuha nila mula sa kwento kung may pagkakahalintulad ba ito sa kanila

o wala, o kung may nakuha silang aral na mula sa kwento na maaaring batayan sa
kanilang pamilya. Kasunod na sinuri ay ang repleksyon sa lipunan. Dito isinulat ng mga

bata ang kanilang repleksyon na nahinuha mula sa kwentong binasa, at ang mga

kaugnayan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ito ay maaaring sa paaralan o sa

kanilang komunidad. Panghuli, ay ang “Implikasyon sa mga Guro”. Dito ipinahayag ng

mananliksik ang mga implikasyon sa mga guro na ang pinagbatayan ay ang mga resulta

na nakuha ng mananaliksik.
Mga Piling Kwentong Pambata

Repleksyon ng mga Bata

Sarili Pamilya Lipunan

Implikasyon sa mga Guro

Figyur 1. Iskematik na Dayagram ng Pag-aaral


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makilala kung anong mga repleksyon

ang makikita mula sa kwentong pambata. Upang matupad ang layuning ito, sinikap na

sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Anong repleksyon sa mga bata ang makikita sa mga piling kwentong pambata

batay sa:

1.1 sarili;

1.2 pamilya; at

1.3 lipunan?

2. Alin sa sumusunod na repleksyon ang nangingibabaw sa mga piling kwento?

3. Batay sa repleksyong nangingibabaw mula sa kwentong pambatang sinuri, ano

ang implikasyon nito sa mga guro?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa “Repleksyon Ng Mga Mag-Aaral Sa

Sarili, Pamilya At Lipunang Pilipino Sa Piling Kwentong Pambata”. Ginamit ang

sampung kwentong pambata na makikita mula sa ikatlong baitang ng paaralang

Pagadian Golden School Learning Center. Isinagawa ito noong huling linggo ng Hunyo

hanggang sa huling linggo ng Hulyo, tuwing alas otso ng umaga. Binasa ang mga

kwentong pambata upang gawing pagganyak sa panibagong mga leksyon. Ang mga

kwentong ito ay tunay na para sa mga bata dahil kadalasan ang laman ng kwento ay

tungkol sa mga hayop at mga alamat ng iba’t ibang prutas, lugar o bagay. Sinigurado ng

mananaliksik na ang mga kwentong pambatang binasa ng mga mag-aaral ay may

kaugnayan sa kanilang sarili, pamilya at lipunan na kinalaunan ay binigyan nila ng

repleksyon. Ang mga kwentong pambata na pinagbabasihan ay ang mga sumusunod:


Ang Manok ni Mang Apolo, Si PotPot Masipag, Ang Tsinelas ni Jose, Ang Alamat ng

Pinya, Si Haring Leon at Si Haring Tigre, Ang Krayolang Itim, Ang Matanda sa Dyip,

Nanaginip si Isko, Si Langgam, Si Tipaklong at Isang Naiibang Wakas, at Si Putol ang

Bayaning Tupa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at magbibigay gabay sa sumusunod na

indibidwal.

Guro. Magagamit na lunsaran ng mga guro sa pagtuturo sa lahat ng asignatura.

Lipunan. Gawing batayan ng mga tao sa pagtuturo sa kabataan ng wastong asal.

Mag-aaral. Makakatulong sa kanila upang malaman kung anong mga aral ang

makukuha mula sa iba’t ibang kwentong pambata.

Iba pang Mananaliksik. Makatutulong sa mga mananaliksik ang karagdagang

impormasyong nakuha sa pag-aaral na ito. Magsisilbi itong lunsaran sa pangangalap

ng datos na may kaugnayan sa kanilang ginagawang pananaliksik.

Katuturan ng mga Pangunahing Katawagan

Ang sumusunod na termino ang ginamit sa pananaliksik na ito upang mapadali

ang pag-unawa sa katawagang ginamit dito.

Antolohiya. Nakalimbag na koleksyon ng mga tula o iba pang uri ng akda tulad

ng maikling kuwento o dula. Ito ang awtput ng kasalukuyang pag-aaral.

Kwentong Pambata. Maikling kuwento o katha na isinulat para sa

kapakinabangan ng mga bata na may edad sampu o pababa. Ito ang isa sa naging

lunsaran sa pag-aaral upang masuri ang repleksyon sa sarili, pamilya at lipunan.


Lipunan. Pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga

huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o

mga institusyon. Ito ay isa sa mga salik na tiningnan ng mananaliksik ukol repleksyon

mula sa mga kwentong pambata.

Pamilya. Pinakamaliit na sangay ng lipunan. Isa rin sa tiningnan mula sa

kwentong pambata.

Repleksyon. Pananaw na sinuri mula sa mga kwentong pambata. Sulating

ipinapahayag ang mga napagtanto't napagmunihan ukol sa isang paksa.

Sarili- Personalidad ng isang tao. Ito ay isa rin sa inalam ng mananaliksik mula

sa mga kwentong pambata.

Teoryang Moralistiko. Tumatalakay ito sa pagpapahalagang moral. Isa ito sa

naging batayan ng pag-aaral upang mapahalagahan ang moralidad, disiplina at

kaayusang nakapaloob sa akda.

Teoryang Pagbasa’t Pagtanggap. Ito ay ang pansariling ideolohiya ng

mambabasa. Ginamit din ito sa kasalukuyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-

kahulugan sa kanilang binasang akda.

Istruktura ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga kwentong pambata na nagbibigay ng

repleksyon sa sarili, pamilya at sa lipunan. Ito ay binubuo ng limang kabanata; una ang

suliranin; pangalawa, kaugnay na literatura; pangatlo, metodolohiya ng pag-aaral; pang-

apat-paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos; at ang panlima, ay ang

buod, konklusyon at rekomendasyon.


Sa unang kabanata ipinakilala ang panitikan at kung paano ito nagsimula.

Napaloob din dito ang pananaw ng mananaliksik. Makita rin dito ang teoritikal at

konseptwal na balangkas na naglalaman ng teorya at konsepto ng mananaliksik hinggil

sa pag-aaral na isinagawa. Ang nasabing balangkas ay nagpakita sa isang iskematik na

presentasyon ng pag-aaral ng pananaliksik na kailangang maipaliwanag nang maayos.

Ito ay binuo ng paghahanda (input), proseso (process) at kinalabasan (output).

Sumunod ang paglalahad ng suliranin. Naglalahad ito ng mga tiyak na katanungan na

sinagot sa ikaapat na kabanata. Pagkatapos ay ang kahalagahan ng pag-aaral na kung

saan nakapaloob dito ang mga taong maaaring makinabang sa kalalabasan ng pag-

aaral. Binaggit naman sa saklaw at limitasyon ng pag-aaral ang pamagat ng pag-aaral at

ang mga pamagat ng kwentong pambata na ginamit sa pinagkuhanan ng mga

repleksyon sa sarili, pamilya at lipunan. Nasa unang kabanata rin ang katuturan ng mga

pangunahing katawagan. At ang panghuli ay ang istruktura ng pag-aaral na bumanggit

ng kabuuang nilalaman ng pag-aaral.

Ang ikalawang kabanata ay ang mga kaugnay na literatura ng mga kwentong

pambata, mga repleksyon sa sarili, pamilya at lipunan. Inilahad dito ang sandigang

teoritikal, literatura at pag-aaral na naging batayan sa isinagawang pag-aaral.

Ang ikatlong kabanata ay ang metodolohiya. Sa bahaging ito, inilahad ang

paraan at disenyo ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, paksa ng pag-aaral, respondente

ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik, pamaraan sa paglikom ng mga datos at

mga etikal na pagsasaalang-alang sa pananaliksik.

Ang ikaapat na kabanata ay ang paglalahad, pagsusuri at interprestasyon ng

mga datos. Inilahad dito ang mga pagsusuri at interpretasyon ng mga datos.
Ang ikalimang kabanata ay ang buod ng natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon. Inilahad dito ang mga natuklasan sa pag-aaral, konklusyon sa mga

natuklasan at ang rekomendasyon ng kasalukuyang pag-aaral.


Kabanata 2

Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.

Binuo ito ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan na may

kaugnayan sa pag-aaral na isinagawa.

Kwentong Pambata

Sa aklat ni Evasco (2001), bilang isang manunulat partikular ng panitikang

pambata, nararapat pakaisipin na ang kuwentong pambatang isinasagawa ay may

pangunahing layunin na isulat para sa mga bata at nararapat din na tumutugon sa

interes, pangangailangan, at kapasidad sa pagbasa ng mga bata. Ayon pa sa kanya,

“pinakamalaking kasalanan sa pagsusulat ng kuwentong pambata ang gawing

salimpusa ang mga batang tauhan sa loob ng kuwento.…mahalagang ipamalas ang

pagkabata ng isang bata, ipakita ang kanilang kultura sa loob ng teksto.” Ibinahagi niya

ang laging payo ng mga batikang manunulat na sumulat ng kuwento ukol sa tunay na

ginagawa at gusto ng mga bata.

Para rin kay Rivera (2010) sa kanyang artikulong may pamagat na “Bakit Ako

Nagsusulat para sa mga Bata?” ninanais niyang makalikha ng mga librong magniningas

sa imahinasyon, damdamin, at kaisipan ng mga batang mambabasa. Kasabay nito ang

makapagbahagi sa patuloy pang pagpapaunlad ng panitikang pambata sa Pilipinas.

Isinulat din ni Rivera sa kanyang artikulo na ang hamon sa isang manunulat na pambata

ay kung paano tatalakayin ang bawat layunin nang nakapaloob lagi sa isang

kapanapanabik at maunlad na kuwento na may wastong diyalogo at nilalaman para

matiyak na maging kawili-wili ito at hindi nagsesermon. Binigyan din niya ng sariling
depinisyon ang kuwento na kung saan, ayon sa kanyang pananaw, ang kuwento ay may

patutunguhan. Ito ay may direksyon. Ito ay may ibig sabihin o nais iparating.

Nakita rin ni Cruz (2009) na sa kasalukuyan, maraming kagamitang hindi

sumasapat sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang lalong maengganyo sa

pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Bunga nito, nagbigay siya ng mga hakbang

sa pagpili ng panitikan para sa mga mag-aaral sa artikulong kanyang isinulat na

pinamagatang “Sampung Pinakamahuhusay na Teknik na Aking Ginagamit sa

Pagtuturo ng Panitikan sa Elementarya.” Ang una, piliin ang kuwentong-pambatang

isinulat ng mga manunulat na Pilipino sa mga batang Pilipino. Naniniwala siyang

malaking tulong ito sa pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral sa kuwento dahil sa

malapit ito sa kanilang karanasan. Ang ikalawa ay ang pagpili sa mga kuwentong-

pambata na naaayon sa antas ng pagiisip, kasanayan, interes, kultura o gawi ng

pamumuhay, at pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang ikatlo naman ay ang

pagsisiguro na naaayon sa layunin ng gagawing pagtuturo ang piniling kuwentong

pambata. Ito ay nangangahulugan lamang na nararapat na akma ang kuwentong

ipababasa sa layuning target na matamo ng guro. At ang huli, kailangang magbigay ang

guro ng mga kaugnay na gawain bago simulan ang pagkukwento o pagbabasa kasabay

ng maingat na pagpoproseso pagkatapos nito. Laging tandaan na hindi nararapat na

bitinin ang mga bata o iwanan ang kuwento ng walang pagkaunawa ng mga bata.

Dulot ng modernong panahon at pagbabago sa lipunang ginagalawan, ang mga

paksain at tema sa mga kuwentong pambata ay nagbabago na rin. Ang mga dating

paksa na tradisyunal ay unti-unti nang napalitan ng mga walang takot na paksa sa

kuwento na dati’y iniingatan pang matalakay lalo na sa mga bata. Isinulat ni Tolentino

(2002) sa kanyang artikulo ang kanyang paniniwala na isa sa mga pamantayan sa

pagpili ng pinakamabuting kuwento ng taong 2000 ay ang pagkakaroon ng bawat akda


ng kanya-kanyang advocacy o ipinaglalaban. Ito ay mga seleksyong pumapanig sa

interes ng lipunan. Kung kaya’t sa pagbabago ng realidad at mga tunay na pangyayari

sa kasalukyang panahon, gayundin ang pagsunod sa mga paksain o tema para maging

patok sa panlasa ng mga mambabasa. Halimbawa ng mga paksang ito ay tumatalakay

sa sekswalidad, diskriminasyon, pagbabago sa pamilya gaya ng pagbuwal sa stereotype

na uri nito at pagbubukas sa mundo ng single parenthood, sakit, kapansanan at

kamatayan. Ito ay may sari-sariling kakayahan kung kaya’t nagwagi, napansin, at naging

patok din sa panlasa ng mga batang Pilipino. Ang mga akdang ito ay nagwagi batay sa

nilalaman at iba pang sangkap na taglay nito ngunit sa iba’t ibang panahon.

Isinulat ni Canon (2006) sa kanyang artikulo na pinamagatang “Meeting

Children’s Needs Through Literature,” ang mga panitikang pambata ay nang-eengganyo

na maglaro, tumuklas ng ibang mundo, gumamit ng mga imahinasyon, at makaranas ng

iba’t ibang yamang dulot ng emosyon o damdamin. At sa katulad niyang isang

manunulat para sa panitikang pambata, layunin nilang maisagawa ito. Sa pagdami ng

mga paglalathala ng mga kuwentong pambata sa bansa, ito ay patuloy na nagiging

propesyunal sa larangan at nagkakaroon ng mas establisadong pamantayan sa pagbuo

at pagsulat bilang bahagi ng prestihiyosong patimpalak. Samakatuwid, isang paraan sa

pagpapayaman pa ng ating panitikan ay ang patuloy pang pag-aaral sa mga uri nito

gaya ng literaturang pambata. Kitang-kitang ito ay may malaking kapakinabangan sa

pagpapaigting ng interes ng mga bata sa pag- aaral at makabuo ng sariling mga

imahinasyon na ang kalalabasan ay pagpapahusay pa sa kanilang iba’t ibang

kakayahan at kasanayan sa iba’t ibang aspekto lalo’t higit sa moral at sosyal. Kung ang

mga aklat-pambata na gaya ng mga ito ay masusuri at mas mapapaunlad pa sa tulong

ng mga katulad na pag-aaral, ito ay makadaragdag sa mga kagamitang pampagtuturo

na gamit sa edukasyon.
Nabanggit naman ni Gatmaitan (2007) na kinakailangang mapanatili na may

tamang balanse ng “entertainment” at “learning” sa isang kuwento upang tangkilikin ng

mga bata. Kaya sa mga ginagawa nilang mga kuwentong pambata, nawika niya na

ginagawa nilang simple ang isang paksa para madali itong manguya at malulon, lalo na

ng mga batang hindi pa gamay ang pagkain nang marami at mabilisan. Sa realidad ng

buhay, naniniwala siya bilang manunulat na sa pagkatuto ng mga aralin, hindi

kinakailangang maging seryoso ang lahat lalo na sa pagtalakay. Mas mabisa kung

dahan-dahan itong ibinibigay na kasabay ang pagkawili ng mga mag-aaral.

Mula sa pahayag ni Rivera (2010) na ang kuwento ay dapat may patutunguhan

at direksyon, ginawang basihan ito ng mananaliksik dahil ibig sabihin hindi lamang

nagbibigay aliw ang pagbabasa ng mga kuwento kung hindi, may makukuha ring aral na

maaring maisagawa sa totoong buhay. Sa pamaraan sa paglikom ng datos sa

pananaliksik na ito ay kinailangan na ipahayag nang wasto ng mananaliksik ang mga

kwentong pambata kaya naman, isinaisip ng mananaliksik ang mga “sampung

pinakamahusay na teknik na ginamit sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya” na ang

una ay ang interes ng mga bata, ikalawa ang antas ng pag-iisip, kasanayan, kultura o

gawi, ikatlo ay ang pinakamahalaga; ang pagsisiguro na naaayon sa layunin ng

gagawing pagtuturo sa mga piniling kuwentong pambata. Panghuli, naniniwala ang

mananaliksik na mas maging mabisa ang pagkukuwento kung may tamang balanse ng

“entertainment” at “learning” na nabasa mula kay Gaitmatan (2007).

Repleksyon sa Sarili, Pamilya at Lipunan

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay

itinatanong sa sarili ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang

ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong
gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako

upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa

ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

Ang relasyon ng bawat miyembro ng isang pamilya ay napakahalaga sapagkat

ito ang pundasyon ng pakikipag-ugnayan ng bawat miyembro sa isa’t isa. Matatag na

pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Nakatutulong ito sa paghubog ng

pagkatao ng bawat miyembro ng pamilya. May mga katangiang kailangan sa

pagkakaroon ng matatag na pamilya. Una, ang may pananagutan sa bawat miyembro at

pagpapakita ng pagpapahalaga sa isa’t isa. Ikalawa, ang pagkakaroon ng mabuting

komunikasyon at pagsasama-sama ng pamilya. Mahalaga ang mga nasabing katangian

dahil ito ang nagbubuklod at nagpapatibay sa relasyon ng bawat miyembrong pamilya.

(Tamayo 2012).

Pundasyon ng isang pamayanan ang pamilya. Mahalagang malaman ang

kahalagahan ng tungkulin ng bawat isang miyembro ng pamilya. Ang ama na siyang

haligi ng tahanan ang nagsisilbing taga-disiplina sa mga anak at sumusuporta rin sa

pangangailangan ng pamilya. Ang ina naman na siyang ilaw ng tahanan ang katuwang

ng ama sa paggabay at pagpapalaki ng maayos sa mga anak. Ang mga anak naman

ang kadalasang kasiyahan sa isang pamilya. May iba-ibang paglalarawan tungkol sa

pamilya. Ang iba ay nagpapakilala kung paano sila lumaki sa kanilang pamilya,

samantalang ang iba naman ay inilalarawan kung anong klaseng pamilya mayroon sila.

Bagaman hindi lahat ng pamilya ay laging buo at masaya.

Inilalahad ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o

kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.


Ang lipunan ay isang buhay na organismo na kung saan dito nagaganap ang

mga gawain at pangyayari. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. “Ang lipunan ay

isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay

patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit

magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung

ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nangmaayos ang kanilang

tungkulin.”(Mooney, 2011).

Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga

huwarang pagkakaugnay ng bawat isa na ibinabahagi ang naiibang kultura at/o mga

institusyon ang lipunan. Ito ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at

nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal

ang lipunan, na binubuo ng magkakaibang tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi

ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na

pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad

ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan. Maaaring

tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga

tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika, patriyotiko at

iba pa. Sosyolohiya ang siyentipikong o akademikong pag-aaral ng lipunan at kaugalian

ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan. Ang kahalagahan ng

lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi. Ito ay isang grupo ng

tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga

pangangailangan sa buhay. Ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa -

natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa

dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunang sibil. Samantala,

maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay sinadya
para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng

paaralan, samahang panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.

Ang pagkakaugnay ng mga literatura ng sarili, pamilya at lipunan ay malaki. Sa

sarili binanggit ni kay Graves, et al. (2007), na ang isang metakognitibong mambabasa

ay itinatanong sa sarili ang: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ang mag-aaral ay

dapat mag-isip kung may natutunan ba siya sa kanyang mga binabasa. Naisasapuso

ang nais ipahiwatig ng paksang binasa. Ayon naman kay Tamayo (2012) , ang relasyon

ng bawat miyembro ng isang pamilya ay napakahalaga sapagkat ito ang pundasyon ng

pakikipag-ugnayan ng bawat miyembro sa isa’t isa.

Mula sa mga nakalap na literatura at pag-aaral, ang kanilang mga pahayag,

ideya, teorya ng mga eksperto ay may malaking pagkakaugnay sa mga susing salita ng

pag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik.


Kabanata 3

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paraan at disenyo ng pag-aaral, paksa ng

pag-aaral, paraan ng paglikom ng datos, pagsasaayos at pag-aanalisa ng mga datos.

Paraan at Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral ay kwalitatibo at pamamaraang palarawan ang ginamit

sa pagsusuri ng kwentong pambata. Ginamit ang palarawan dahil nagawa nitong

ipamalas sa isip ng mambabasa ng isang malinaw at buong larawan, nakapagbigay ng

impormasyon at nakapanggising ng damdamin. Nag-interbyu rin ang mananaliksik sa

kanyang mga kapwa guro. Hiningi ang kanilang opinyon hinggil sa mga values na

kanilang na integrate sa kanilang pagtuturo.

Lugar ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa paaralang Pagadian Golden School Learning

Center sa lungsod ng Pagadian, probinsya ng Zamboanga del Sur. Mga mag-aaral sa

ikatlong baitang ang nagbigay ng kanilang repleksyon.

Paksa ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pag-aaral ay may paksa na “Repleksyon Ng Mga Mag-Aaral

Sa Sarili, Pamilya At Lipunang Pilipino Sa Piling Kwentong Pambata”. Mga kwentong

pambata ang ginawang lunsaran upang ang mga mag-aaral ang makapagbigay ng

kanilang sariling repleksyon batay sa kwentong binasa ng guro.


Respondente ng Pag-aaral

Ang mga mag-aaral sa Pagadian Golden School Learning Center sa ikatlong

baitang ng seksyong Pearl ang naging respondente ng pag-aaral na ito. Ito ay may

tatlumpong (30) mag-aaral; labimpitong (17) lalaki at labintatlong (13) babae.

Instrumento ng Pananaliksik

May sampung kwentong pambata ang ginawang lunsaran upang makasuri ang

mga bata ng kanilang repleksyon. Ang sumusunod na kwentong pambata ang ginamit

sa pananaliksik: Ang Manok ni Mang Apolo, Si PotPot Masipag, Ang Tsinelas ni Jose,

Ang Alamat ng Pinya, Si Haring Leon at Si Haring Tigre, Ang Krayolang Itim, Ang

Matanda sa Dyip, Nanaginip si Isko, Si Langgam, Si Tipaklong at Isang Naiibang

Wakas, at Si Putol ang Bayaning Tupa. Gumamit ang mananaliksik ng isang simpleng

talatanungan. Ang unang tanong ay pokus sa kanilang sarili, ikalawa sa pamilya at ikatlo

ay sa lipunan.

Pamaraan sa Paglikom ng mga Datos

Kasabay ng pagtuturo sa klase ng mananaliksik sa kanyang mga leksyon ay

isinagawa rin ang pagkuha ng datos. Bago sinimulan ng mananaliksik ang pagtalakay

ng leksyon ay naglahad muna ng kwentong pambata bilang lunsaran sa pagtuturo. Ito

ay isinagawa sa mga araw ng Martes at Huwebes. Una ay nagpakita ang mananaliksik

ng mga larawan at mga salita na siyang ginamit sa kwentong tinalakay. Ito ay upang

mas maunawaan ng mga bata ang kanilang binasang kwento. Ipinaliwanag nang husto

ng mananalkiksik ang mga ginampanang katangian o personalidad ng bawat tauhan sa

kwento. Isinalaysay nang wasto ang mga pangyayaring naganap sa pamilya pati na rin

sa lipunan ng bawat kwento. Nang matapos na ang pagkukuwento ay nagbigay ng mga


opinyon ang mga bata. Nakinig at nagbigay rin ng opinyon ang bawat isa pati na rin ang

mananaliksik. Matapos magbahagian ng opinyon sa mga nilalaman ng kwento ay

nagbigay ng isang talatanungan ang mananaliksik sa lahat ng bata. Nakatala sa

talatanungan ang mga tanong na humihingi ng repleksyon nila sa kanilang sarili, pamilya

at lipunan na nakuha mula sa kwentong binasa. Isinulat ng mga bata ang kanilang mga

repleksyon sa talatanungan.

Pagkatapos nakuha ang sagot ng mga mag-aaral ay inayos ito batay sa

pagkakasunod-sunod ng mga kwento. Isinigawa ang pangangalap ng datos tuwing araw

ng Huwebes at Martes hanggang sa natapos ang sampung kwentong pambata. Binasa

ng mananaliksik ang mga sagot ng mga mag-aaral at inalisa upang matugunan ang mga

suliranin sa unang kabanata.

Nagsagawa ang mananaliksik ng isang interbyu sa mga gurong nagtuturo sa

una, ikalawa at ikatlong baitang upang malaman kung paano itinuro ang values sa

kanilang klase.

Etikal na Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik

Sa isinagawang pag-aaral, ikinokonsidera ang etika ng pananaliksik dahil ito ang

tanging pinanghawakan ng mananaliksik na hindi mapahamak ang mga mag-aaral,

guro, punong guro ng PGSLC.

Isinulat ng mananaliksik sa bibliyograpi ang mga awtor ng libro na pinagkunan ng

ideya o opinyon upang makaiwas sa plagiarism. Binigyan ng kredito ang mga nasaling

awtor.
Kabanata 4

Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalahad, nagsusuri at nagbibigay interpretasyon ng

mga datos.

Ang repleksyon ay isang pagninilay-nilay o pagmumuni-muni sa isang bagay o

sa ginawa ng isang tao at maaaring mga pangyayari sa buhay. Sa pagbabasa ng mga

akdang pampanitikan gaya ng mga kwentong pambata, makikita ang katauhan ng

mambabasa sa isa sa mga karakter o tauhan sa akda at dito niya masasalamin ang

kanyang sarili.

Repleksyon mula sa mga bata

A. Sarili

1. Ang Manok Ni Mang Apollo

 Masipag at matulungin

Sa isa sa mga tauhan sa kwento, tila nakita ng mga bata ang kanilang sarili, ang

pagiging masipag at matulungin sa katauhan ni Mang Apolo. Tunghayan ang bahagi ng

kwento.

Nadaanan niya rito ang isang matandang babae. Nakasandal ito sa


puno at pagod na pagod. “Baka matulungan ko kayo, ale. Heto at
uminom po muna kayo,” sabay bigay ng tubig ng naaawang
magsasaka.

Malinaw sa pahayag na inalok niya ng tulong at ang pagbigay ng tubig ni Mang


Apollo sa matandang babae na nagpapakita ng katangiang matulungin at mapagbigay.
Binigyan niya ito ng tubig kahit hindi niya kakilala ang matandang babae. Ang pagiging
matulungin at mapagbigay sa ibang tao ay sinusuklian ng Panginoon ng mga biyaya na
higit pa sa mga bagay na ating ibinigay. Tulad ng kasalukuyan, kapag ikaw ay “giver”
hindi mo na lamang namamalayan na may dumating na biyaya sa buhay mo.

Ang pangyayaring ito ay nakikita rin sa mga bata sa kanilang sarili. Kagaya na
lamang ng simpleng pagbigay ng papel o minsan ay ekstrang baon sa mga kaklase
nilang may kakulangang pinansyal.

2. Si Pot-Pot Masipag

 Masipag, matulungin at mabait

Sa kwentong Si Pot-Pot Masipag ay nabanggit ng mga bata na nakita nila ang

kanilang sarili, ang pagiging masipag, matulungin at mabait sa karakter ni Pot-Pot.

Tumutulong sila sa kanilang magulang sa pagtatanim sa kanilang hardin. Sila raw ay

nag-aaral din nang mabuti. Pansinin ang bahagi ng kwento.

Umaga, araw ng Sabado. Binisita ni Lolo Senyong ang apong si Pot-Pot.


Nadatnan niya itong nagtatanim sa bakuran. Ang sipag naman ng apo ko.
Ang aga-aga ay nagtatanim na. Natutuhan ko po ito sa paaralan. Mabuti
po ito sa kapaligiran at sa ating kalusugan. Sa paaralan nga po ay
nagtanim kami ng mga puno. Nakita mo sa TV ang nangyari sa bansa
nang dumating ang mga bagyong Ondoy at Yolanda. Nalubog ang mga
kabahayan sa taas ng baha. Kaya nga po tumutulong ako sa pagtatanim
kahit dito lang sa aming bakuran.

Sa kwentong Si Pot-Pot Masipag ay ipinakita ng pangunahing tauhan ang

pagiging matulungin at makakalikasan dahil sa pagtulong niya sa pagtatanim sa

kanilang bakuran at sa pag-aalala niya sa kanilang kapaligiran.

Napakaganda ng mundo kung ang lahat ng bata sa mundo ay may katangiang

kagaya ni Pot-Pot. Kung ganito ang mangyayari ay siguradong mas maiiwasan na ang

pagbaha, may matitirhan na ang mga hayop sa kagubatan at may sariwang hangin na

tayong malalanghap. Sa totoong buhay, may mga ahensya na naglalayong tumulong sa

kalikasan na sinasalihan ng mga bata. Isa na rito ang Boy Scouts of the Philippines o

Girl Scouts of the Philippines na naglalayong “To help the youth develop values and

acquire competencies to become responsible citizens and capable leaders anchored on


the Scout Oath and Law.” Ang tauhang si Pot-Pot ay kinakitaan din ng kasipagan.

Sapagkat maaga pa lamang ay nagtatanim na siya ng mga punla ng halaman kahit

walang nagsasabi sa kanya na gawin iyon. Bibihira lamang ang mga bata na katulad ni

Pot-Pot. Maaga siyang gumising para magtanim habang ang ibang bata naman sa

realidad ay tanghali na gumigising. May iilan lamang na gumigising nang maaga para

maglinis o mag-aral. Inaalala ng pangunahing tauhan sa kwento ang kanyang

kapaligiran at ang magiging kahihinatnan sa mundo kung hindi siya magtatanim ng

puno. Ang batang magsisipag sa lahat ng bagay ay siguradong may magandang

hinaharap na naghihintay.

3. Ang Tsinelas ni Jose

 Maalahanin at mapagbigay

Isa sa mga respondente ay nagsabing. “Nakita ko ang aking sarili sa katauhan


ni Jose. Maalahanin at mapagbigay. Inaalala ko parati ang mga payo ni nanay upang
hindi siya nagagalit sa akin.”
Mabilis na inihagis ni Jose ang kabiyak na tsinelas, kasama itong
tinangay ng tubig papalayo. “Bakit mo ginawa iyon, Pepe?” nagtatakang
tanong ng tiyo. “Di ko na po magagamit ang nag-iisang tsinelas. Wala rin
pong silbi sa makapupulot nito ang kabiyak na tsinelas.” Mas mabuti pong
isama ko na rin ang naiwan sa akin para magamit ang pares ng tsinelas.
Sana, ang makapulot ng mga ito ay iyong batang walang sapin sa paa,”
ang mahabang paliwanag ni Jose.

Ipinakita ni Jose ang katangiang maaalahanin at mapagbigay sapagkat nang

malaglag ang isang pares ng kanyang tsinelas habang nangingisda ay napaisip siya na

itapon na rin ang isa pang pares ng kanyang tsinelas upang magamit ito sa taong

makakuha nito. Ipaubaya na lamang niya ito upang may magamit na tsinelas ang taong

maswerteng makapulot nito.

Sa murang edad ni Jose ay nakaisip siya na ibigay ang isa pang pares ng

tsinelas para sa taong makakapulot ng naunang tsinelas na nalaglag niya. Hindi inakala
ng tito ni Jose na naisip niya iyon. Maging sa kasalukuyan ay napapansin din ng

mananaliksik na may mga bata ring maaalahanin kagaya ng mga batang nag-aaral sa

Pagadian Golden School Learning Center kung saan, makikita ang mga nakatatandang

kapatid, babae man o lalaki na naghahatid ng mga ekstrang baon nila sa kanilang

nakababatang kapatid. Minsan, kapag may kaarawan ay may mga pagkain silang ekstra

kagaya ng burger o spaghetti. Hindi nila ito inuubos sapagkat magtitira sila para sa

kanilang kapatid na nasa ibang silid-aralan. Tunay na may mga bata pa rin pala

hanggang ngayon na may katangiang maaalahanin at mapagbigay.

4. Ang Alamat ng Pinya

 Tamad
Sinabi ng isa sa nakapanayanam ng mananaliksik na nakita niya ang kanyang
sarili kay Pinang. GAnito ang kanyang pahayag: “Minsan ako ay tamad. Hindi ko
sinusunod minsan ang mga utos ni mommy. Hindi ako nakikinig sa kanyang payo.”
Tunghayan ang bahagi ng kwento na nagpatunay sa isang batang tamad.

Nagkasakit siya at hindi niya nakayanang bumangon para magluto.


Inutusan niya ang anak. “Pinang, magluto ka na nga,anak,” pakiusap ng
ina. Nagdadabog na sumunod sa ina ang tamad na si Pinang.
Palibhasa’y hindi siya gumagawa sa bahay kaya lagi niyang tinatanong
ang ina kung saan makikita ang mga gamit sa bahay. “Inang, nasaan ba
ang sandok? Inang, nasaan ba ang kaldero? Inang, saan ba nakalagay
ang bigas natin?”
Ang tauhang si Pinang mula sa kwentong Ang Alamat ng Pinya ay isang batang

hindi sumusunod sa magulang. Nakuha nito ang atensyon ng mga mag-aaral dahil

minsan ay may pagkakahalintulad sila sa tauhang si Pinang. Hindi sinusunod ni Pinang

ang kanyang ina sapagkat siya ay tamad at umaasa na lamang palagi sa kanyang ina.

Maraming tanong ang lumabas sa bibig ni Pinang. Hindi niya sinunod agad ang

utos ng ina. Hindi niya kasi alam kung paano ito gawin o kung saan nakalagay ang mga

gamit dahil simula pa noon ay ang kanyang ina na ang gumagawa ng mga trabaho sa

bahay. Ang mga eksenang ito ay nangyayari rin sa realidad. Minsan ang mga mag-aaral
ay katulad din ni Pinang. Ang mga mag-aaral mismo ng mananaliksik ay umamin na

minsan kapag sila ay pagod na pagod at inuutosan ng ina, hindi nila ito ginagawa sa

halip ay magbibigay sila ng maraming dahilan sa kanilang magulang. Kagaya nang

napapagod mula sa eskuwela o kaya ay hindi alam kung paano gagawin ang mga

inuutos sa kanila. Hindi nila sinusunod ang kanilang mga magulang. Sa katunayan, ang

kadalasang mangyayari ay ipapasa nila ang utos doon sa kanilang iba pang kapatid.

5. Si Haring Leon at Si Haring Tigre

 Mabait

Ayon sa mga mag-aaral ay nakita nila ang kanilang sarili sa tauhan ni Haring

Leon. Narito ang ilan sa kanilang pahayag: “Nakikita ko ang aking sarili kay Haring Leon

dahil ako rin ay isang mabait na bata na sumusunod sa mga utos ng magulang at guro.”

Pansinin sa ibaba ang bahagi ng kwento na nagpapakita ng mabait na katangian ni

Haring Leon.

Tahimik ang pamayanan ni haring Leon. Nais niyang maging maunlad,


masaya at ligtas ang mga mamamayan. “Mga minamahal kong
kababayan, paunlarin ninyo ang inyong buhay. Kunin ninyo ang titulo ng
lupang inyong sasakahin, mga pananim, at gamit sa inyong pagsasaka,”
wika ng hari. Maligaya ang lahat sa pamumuno ni Haring Leon. “Ang mga
anak natin ay nakapag-aral. Mabuti at natututo sila upang umunlad ang
kanilang sarili. May mga ospital din para sa lahat. Gusto ni haring Leon
na maging malusog at marunong ang bawat isa sa kanilang kaharian.

Malaki ang papel na ginagampanan ni Haring Leon at ni Haring Tigre sapagkat sila

ang pinuno sa kanilang komunidad. Ang dalawang hari ay magkaibang-magkaiba. Si

Haring Leon ay may katangiang mabait na pinuno sapagkat ginagampanan niya nang

mabuti at tapat ang mga tungkulin bilang hari.

Mula sa pahayag, nagpapakita ng katangiang mabait si Haring Leon dahil

ibinigay niya ang mga panganagailangan ng kanyang nasasakupan kagaya ng ospital

para sa mga may sakit at paaralan para sa kanilang mga anak. Sa kasalukuyan, may
iilang paaralan na may mga pangulong mababait. Kagaya na lamang ng pag-

implementa ng mga programang nakabubuti sa mga bata o mga tungkulin na dapat

sundin upang magkaroon ng organisadong kapaligiran. Tulad ng isang problema sa

paaralang PGSLC na kung saan, tuwing oras na ng uwian ay nagsisiksikan ang mga

estudyante sa palabasan. Nilutas ang nasabing problema sa pamamagitan ng paglagay

ng isang kahoy bilang pagitan ng pasukan at labasan. Sa ganoong paraan ay naging

organisado na ang paglabas-loob ng mga tao sa paaralan. Ito ay nagpapatunay na kahit

mga bata ay pwede ring maging mabuting pinuno.

6. Ang Krayolang Itim

 Hindi gumaganti sa iba

Nabanggit ng isang nakapanayam ng mananaliksik na nakita niya ang kanyang

sarili kay Garry. Ganito ang kanyang pahayag: “Nakikita ko ang aking sarili kay Garry at

krayolang Itim, kasi ako ay batang mahilig gumuhit at bata na mapagkumbaba at hindi

gumanti sa iba.” Tunghayan ang bahagi ng kwento.

“May isang kulay riyan, hindi man lang nagamit,” parinig ni Pula. Alam ng
ibang kulay kung sino ang tinutukoy ni Pula kaya’t nagtawanan silang
lahat. Kinabukasan ay muling itinuloy ni Garry ang pagkukulay sa
kanyang guhit at tulad nang dati ay hindi man lang nailabas si Itim.
“Mahirap talagang magkaroon ng pangit na kulay. Hindi tuloy magamit-
gamit,” parinig na naman ni Pula nang maibalik sila sa loob ng kahon.
Mas malakas ang naging tawanan ng iba pang krayolang nakarinig kay
Pula. Ni isa’y walang nagtanggol kay Itim. Araw-araw ay ganoon ang
eksena. Tahimik lang si Itim kapag ibinablik na ang mga kulay sa kahon
at nagsimula na namang magparinig sa kanya ang mga ito. Ang tanong
na “Kailan kaya ako magagamit ni Garry?” ay hindi man lang naisantinig
ni Itim. Alam niya kasi na lalo lang pagtatawanan ng mga kasamahan
kapag nagtanong siya.

Kahit tinutukso si itim ng ibang kulay ay hindi talaga siya gumaganti. Hinahayaan

niya na lamang na tuksohin at pagtawanan siya.

Malinaw sa pahayag na tinutukso si Itim ng ibang kulay ngunit kahit anong sakit

na ni Itim ay hindi pa rin siya gumaganti. Ang panunukso ay maaaring mangyari saan
mang lugar. Madalas mangyari ang sitwasyong ito sa paaralan. Kagaya nalang ng isang

mag-aaral sa paaralang Pagadian Golden School na muntik nang huminto sa pag-aaral

dahil lagi siyang tinutukso ngunit hindi siya gumaganti dahil ito raw turo sa kanya ng

kanyang mga magulang.

 Mahilig gumuhit
Pagbusina ng sasakyan ay tumakbo agad palabas si Garry para
sumalubong sa magulang. “Garry, heto na ang bagong krayola mo anak,”
sabi ni Nanay sabay abot kay Garry ng kahon ng krayola. “Salamat po,
‘Nay, ‘Tay,” sabi ni Garry habang iniaabot ang kahon mula kay Nanay at
saka nagmamadaling pumasok sa sala at naupo sa kanyang mesang
sulatan. Unang inilabas ni Garry ang kulay pula. Ginamit niya agad itong
pangkulay sa bulaklak na iginuhit niya.

Si Garry ay isang batang mahilig gumuhit. Binilhan siya ng kanyang magulang ng

krayola at agad itong ginamit. Araw-araw ay ito ang ginagawang libangan ni Garry.

Ang pagguhit ay isang magandang libangan. Napapalabas ng mga bata ang

kanilang ideya at mga imahinasyon. Ito ay isang sining na pinaapaganda gamit ang

makukulay na krayola at mga linya o guhit na magaganda. Kagaya ng batang si Gary ay

mahilig din gumuhit ang mga respondante. Minsan kapag wala pang guro sa silid-aralan

ay kinukuha nila ang kanilang kwaderno at doon sila guguhit ng kahit na anong bagay.

7. Ang Matanda Sa Dyip

 Hindi mapanghusga

Sa isa sa mga tauhan sa kwento ay nakita ng mga bata ang kanilang sarili, ang

pagiging hindi mapanghusga sa katauhan ng nanay sa kwento. Pansinin ang bahagi ng

kwento.

Nakatingin daw ang ibang tao sa nanay ko at tila ba naghihintay na tulad


ng dalawang naunang pasahero ay bumaba rin agad-agad. Subalit hindi
ang nanay ko. “Lola, patabi po, ha,” ang sabi niya sa matanda sabay upo
sa tabi ng matandang galisin. Nagkatinginan daw ang iba pang pasahero.
Hindi nila akalaing tatabi ang nanay ko sa matandang pinandirihan ng
mga pasaherong naunangsumakay. Naiyak ang matanda sa ginawa ng
nanay ko. “Salamat, anak, at hindi ka nandiri sa akin. Huwag kang mag-
alala, eczema ang sakit ko at hindi ito nakahahawa,” ang sabi niya kay
nanay. Napangiti lang si nanay.

Iba ang ipinakitang katangian ng tauhan mula sa ibang pasahero. Siya ay hindi

humusga base sa pisikal na anyo ng matanadang babae. Naintindihan niya ang sakit

na mayroon ang matandang babae. Hindi niya ito iniwasan sa halip, ay tumabi siya at

kinausap ito. Alam niya kasi kung ano ang magiging mararamdaman ng tao kung

pandidirihan o huhusgahan. Kagaya ng mga respondante, hindi rin sila humuhusga

agad sa ibang tao dahil alam nila na wala silang karapatan na saktan ang damdamin ng

kahit na sino.

8. Nanaginip Si Isko

 Tamad

Nang nakapanaaym ng mananaliksik ang mga mag-aaral ay tila nakita nila ang

kanilang sarili bilang isang tamad sa katauhan ni Isko. Ganito ang kanilang pahayag:

“Nakikita ko ang aking sarili kay Isko. Kasi tamad ako at makalat ang silid. Parang sa

akin din.” Tunghayan ang bahagi ng kwento.

“Isko! Tingnan mo ang loob ng iyong silid! Napakakalat. Magligpit ka nga


muna rito, bago ka maglaro,” ang tawag ni Aling Leni sa anak. Tamad din
si Isko. Wala siyang nagagawa para makatulong sa pamilya. Katunayan,
pagkatapos niyang maitapon ang mga basura sa kanal ay naupo na
naman siya sa harap ng telebisyon at ipinagpatuloy ang panonood
habang ang ate niyang si Maya at ang bunso nilang si Tina ay nagluluto
sa kusina.

Masasabing tamad si Isko dahil nang inutosan siya ng kanyang ina na itapon ang

mga basura ay itinapon niya lang ito sa likod ng kanilang bahay. Alam ni Isko na hindi

doon ang tamang lugar kung saan iyon itatapon. Tamd din siya dahil hinahayaan niya

lang magkalat ang kanyang mga damit at basura sa kung saan-saan. Hindi niya ito

inililigpit sa halip ay nanonood lamang siya ng telebisyon.


Minsan sa buhay ay hindi rin natin maiiwasang maging tamad lalo na kung

pagod na pagod tayo. Iniisip natin na may iba pang araw para gawin ang mga bagay na

dapat ay gagawin na. Minsan din ay umaasa na lamang tayo sa ibang tao dahil alam

natin na kaya nila tayong tulongan. Kagaya nang sinabi ng isang respondante na tuwing

galling daw siya sa paaralan ay minsan tinatamad siyang mag-ayos ng kaniyang mga

hinubaran na damit, pati ang mga gamit sa pag-aaral ay minsan nalang daw maayos

dahil sa pagiging tamad niya. Iniisip niya na mayroon naman silang katulong na nag-

aalaga sa kanila.

9. Si Langgam, Si Tipaklong at Isang Naiibang Wakas

 Masinop, masipag matulungin at mapagpatawad

Sinabi ng isa sa nakapanayam ng mananaliksik na nakita niya ang kanyang sarili

kay Langgam. Heto ang kanyang naging pahayag: “Nakikita ko ang aking sarili kay

Langgam. Ako rin ay masipag, nag-aaral ako pagkatapos ng klase. Nag-iipon din ako ng

pera mula sa aking ekstrang baon. Nang minsan inaway ako ng aking kapatid ay

pinatawad ko rin siya agad.” Tunghayan ang bahagi ng kwento na nagpapakita ng

pagiging masinop, masipag at mapagpatawad.

Habang tag-init ang panahon ay abalang-abala si Langgam sa pag-


iimpok ng mga butil ng palay. Mula umaga hanggang hapon niya itong
ginagawa. “Kaibigang Langgam, masyado ka namang masipag, halika,
magsayaw muna tayo at magsaya”! sabi ng Tipaklong kay Langgam
habang ito’y patalon-talon at pasayaw-sayaw. Tumingin si Langgam kay
Tipaklong. Parang kay sarap ngang mag laro dahil napakaganda ng araw
subalit kailangan ko pang mag-ipon ng mga pagkain para sa pamilya ko.
“Hindi pwede Tipaklong kailangan ko pang maghanda para sa pagdating
ng tag-ulan” sagot ni langgam.

Habang tag-init pa ay nagiimpok na si Langgam ng mga butil ng bigas. Ito ay

para may makain ang kanyang pamilya sa pagdating ng tag-ulan. Ginugol niya ang

kanyang oras sa pag iipon ng pagkain. Nagpapatunay lamang na siya ay isang masipag.
Gustohin man ni Langgam na makipagsayaw at magsaya kasama ni Tipaklong

ngunit hindi niya ito ginawa dahil nangibabaw sa kagustohan niya ang makaipon ng

pagkain para sa kanyang pamilya. Mula umaga hanggang hapon niya ito ginagawa. Isa

siyang masipag na hayop.

Nakikita ng mga respondante ang kanilang sarili kay Langgam dahil daw sila rin

ay masipag. Tuwing hapon ay pumupunta sila sa kanilang tagapagturo o tutor upang

mag-aral. Minsan daw ay gusto rin nilang maglaro kagaya ng ibang bata na walang

tutor. Naiinggit sila minsan sa kanila dahil ang ibang bata ay naghahabulan,

nagtataguan at kumakanta-kanta lang tuwing pagkatapos ng klase. Ngunit, ayaw nilang

masayang ang pagod ng kanilang mga magulang kaya sila ay nagsisipag na mag-aral

upang mapasaya sila.

10. Si Putol, Ang Bayaning Tupa

 Mabait

Sa isa sa tauhan sa kwento, tila nakita ng bata ang kanyang sarili, ang pagiging

mabait sa katauhan ni Putol. Basahin ang kanyang naging pahayag: “Nakikita ko ang

aking sarili kay Putol. Kasi ako palaging ako pinabuli kahit binubuli ako matangap ko

kasi alam ko naman hindi totoo ang sinasabi nila.” Basahin ang bahagi mg kwento.

Tigilan niyo ang panunukso sa kapatid ninyo!” pagalit na sabi ni Aling


Berta sa ibang tupa. Ayaw niyang tinutukso ang pinakamaliit na tupa na
binansagang Putol. “Hayaan n’yo na po sila, Inay. Okay lang po kahit
tuksuhin nila ako dahil alam kong mahal na mahal niyo naman ako, sabi
ni Putol. Kahit may kapansanan ay lumaking mabait na tupa si Putol.
Masayahin at masunurin nito sa ina. Kapag nalulungkot siya dahil sa
panunukso sa kanya ng iba ay lagi nalang niyang iniisip ang sinabi ng
ina. “Bawat nilalang, anuman ang kalagayan ay handog ng Diyos at may
natatanging papel na gagampanan.”

Si Aling Berta ay nagsilang ng limang tupa. Apat sa mga ito ay malulusog

habang ang isa naman ay maliit at putol ang isang binti sa likuran. Nang lumaki na ang

mga tupa ay tanging ang bunso lang ang nanatiling maliit. Pinagtatawanan siya ng

kanyang mga kapatid at binansagan siyang Putol. Sa kabila ng mga pangungutya sa


kaniya ng ibang hayop ay nanatili pa rin siyang mabait. Hindi siya gumaganti dahil alam

niya na may naagmamahal sa kaniya at ito ay ang kaniyang ina.

Mabait ang katangian ni Putol. Ayaw niyang pagalitan ng kanyang nanay ang

kanyang ibang kapatid. Hindi rin siya nagtanim ng sama ng loob sa kahit na sinong

kapatid niya. Lumaki siya nang may takot sa Diyos at respeto sa bawat isa. Nakikita rin

ng mga respondante ang kanilang sarili kay Putol dahil sila rin daw ay mabait na mag-

aaral. Sabi nila ay sinusunod daw nila ang kanilang mga magulang at guro. Gusto raw

nilang maging mabait na bata dahil ayaw nilang magalit o malungkot ang kanilang mga

magulang. Gusto rin nilang mapasaya ang Panginoon sa pamamagitan ng pagiging

mabait na bata. Alam ng mga respondante na ang mabait na bata ay mahal ng Diyos

kaya naman hindi raw sila tutulad sa mga kapatid ni Putol na manunukso.

B. Pamilya

1. Ang Manok ni Mang Apolo

 Maka-Diyos at mapagmahal

Nang nakapanaaym ng mananaliksik ang mga mag-aaral ay tila nakita nila ang

kanilang pamilya bilang isang maka-Diyos at mapagmahal sa katauhan ni Mang Apolo.

Ganito ang kanilang pahayag: “Ang mga pangyayari sa kwento na nakikita ko sa aming

pamilya ay ang pagiging maka-Diyos. Palagi kaming nagdadasal tuwing umaga at gabi

pasalamat sa mga biyaya.” Tunghayan ang bahagi ng kwento.

Nagpasalamat siya sa Diyos sa natanggap na biyaya. “Diyos ko, salamat


at sinagot na po ninyo ang aking dasal. Gaganda na ang aming buhay.”

Nakita ng mga respondante ang kanilang pamilya bilang isang maka-Diyos. Ito

ay dahil katulad ng nasa kwento ang pamilya ni Mang Apolo ay nagdasal din nang

nakatanggap sila ng biyaya.


Sa totoong buhay makikita rin natin na ang pamilyang Pilipino ay nagtitipon-tipon

sa simbahan upang magsimba. Hindi lang sa pagsisimba makikita ang pagiging maka-

Diyos ito ay maipakita sa pagiging makatotohanan, hindi pagsisinungaling sa kapwa,

ang pagtulong sa iba at panghuli ay ang pagsunod natin sa mg autos ng Diyos.

2. Si Pot-Pot Masipag

 Pamilya na mapagmahal sa kalikasan

Ayon sa mga mag-aaral ay nakita nila ang kanilang pamilya sa kwentong Si Pot-

Pot Masipag bilang isang pamilya na mapagmahal sa kalikasan. Narito ang ilan sa

kanilang pahayag: “Nakikita ko ang aking pamilya dahil kami ay mahilig magtanim ng

gulay. Palagi namin itong dinidiligan para malusog parati.” Tunghayan ang bahagi ng

kwento.

Umaga, araw ng Sabado. Binisita ni Lolo Senyong ang apong si Pot-Pot.


Nadatnan niya itong nagtatanim sa bakuran. Ang sipag naman ng apo ko.
Ang aga-aga ay nagtatanim na. Natutuhan ko po ito sa paaralan.
Mabuti po ito sa kapaligiran at sa ating kalusugan. Sa paaralan nga po ay
nagtanim kami ng mga puno. Kailangan po natin ito dahil halos kalbo na
ang ating kagubatan. Tama ka, Apo! Kaya dapat nga tayong magtanim
ng puno lalo na sa mga kagubatan. Kung hindi, tuluyan na itong
makakalbo sa taong 2035. Kapag hindi natin iningatan ang kapaligiran,
makararanas nanaman tayo ng malalaking pagbaha. Kaya nga po
tumutulong ako sa pagtatanim kahit dito lang sa aming bakuran.

Maaga pa lang ay nagtatanim na si Pot-Pot ng mga punla ng halaman. Mahilig

siyang magtanim dahil pati sa paaralan ay nagtatanim din siya. Maging ang kanyang

ama ay mahilig din magtanim.

Mapapansin sa pahayag na ang lolo at si Pot-Pot ay mapagmahal sa kalikasan.

Upang maiwasan ang pagbaha at ang pagkakalbo sa kagubatan ay na isipan nilang

magtanim ng mga puno.


Nakita ng mga bata ang kanilang pamilya bilang mapagmahal sa kalikasan dahil

kahit sila ay nagatatanim din ng mga gulay at prutas sa kanilang bakuran. Dinidiligan

nila ang kanilang mga halaman at pinapanatili ang kaayusan nito.

3. Ang Tsinelas ni Jose

 Isang nanay na nagpalaki ng masunuring bata

Nang nakapanayam ng mananaliksik ang mga bata, nasabi nila na ang kanilang

pamilya ay may isang nanay na nagpalaki ng masunuring bata. Basahin ang naging

pahayag nila: “Nakikita ko ang aking nanay sa nanay ni Isko. Si nanay ang palaging

nag-aalaga sa akin. Ginagabayan niya ako palagi, kagaya ni Isko sinusunod ko rin aking

nanay.” Pansinin ang bahagi ng kuwwnto.

Walang ano-ano ay biglang sumigaw si Jose. “Ang tsinelas ko!


Tiyo, nahulog po ang kanang tsinelas ko! Itinaas ko lamang po ang aking
paa. Nang ibaba ko na ito ay nasabit ang tsinelas sa gilid ng bangka.
Naku, baka magalit si inay! Palagi niyang sinasabi na aking ingatan ang
aking mga gamit,” ang pag-aalala ni Jose. Pinilit kunin ng tiyo ni Jose
ang nalaglag na tsinelas pero mabilis itong dinala papalayo. “Hindi na
natin kayang habulin ang tsinelas mo, Jose,” malungkot na wika ng tiyo.

Laging sinusunod ni Jose ang kanyang nanay. Ayaw niyang magalit ang

kanyang ina kaya ginagawa niya ang mga bagay na napapasaya sa kanya. Ngunit, nang

sumama si Jose sa kanyang tito sa pangingisda ay sa hindi inaasahang pangyayari ay

natapon ang kanyang isang pares ng tsinelas. Nag-aalala siya dahil baka mapagalitan

siya ng kanyang ina. Pinilit nitong habulin ang tsinelas ngunit sadyag mabilis itong

tinangay ng alon papalayo sa kanila. Nalungkot si Jose at nag-aalala dahil isa siyang

masunurin na anak ayaw niyang masuway ang mga paalala sa kanya mula sa kanyang

ina.

Maihahambing sa isang masunuring bata ang tauhang si Isko dahil nais niyang

sumunod sa mga paalala sa kanya ng kanyang ina. Kagaya ng mga respondante sabi

nila ay sinusunod din daw nila ang kanilang mga magulang pero hindi raw parati kasi

minsan tinatamad sila lalo na kapag galing sa paaralan. Nais din daw ng kanilang
magulang na lumaki silang masunurin. Ang halimbawa raw ng mga utos na sinusunod

nila ay ang pag-aaral, pagwawalis ng sahig at ang huwag paggamit palagi ng gadget.

Alam nila na para lang ito sa kanilang kabutihan kaya naman sumusunod sila sa

anumang iuutos.

4. Ang Alamat ng Pinya

 Mapagmahal na ina

Isa sa mga respondante ay nagsabing: “Nakikita ko ang nanay ko sa nanay ni

Pinang. Mahal ako ng nanay ko katulad ng nanay ni Pinang. Ginagawa niya lahat para

sa akin kahit minsan hindi ko siya nasusunod.” Basahin ang bahagi ng kwento.

Siya lamang kasi ang naglalaba, nagluluto, at naglilinis ng bahay. Mag-


isa rin siyang nag-aasikaso ng kanilang taniman ng gulay at prutas.
Nagsimula nang manghina ang katawan ng ina dahil wala siyang
katulong sa pagtatrabaho.

Si Aling Rosa ay isang mapagmahal na ina dahil ginagawa niya ang lahat

mapalaki lang niya nang maayos ang kanyang anak na si Pinang. Siya ang gumagawa

ng mga gawain sa bahay. Kahit na hindi sinusunod ni Pinang ang kanyang mg autos ay

mahal na mahal niya pa rin ito.

Dahil sa mga ginawa ni aling Rosa na paglalaba, pagtatrabaho at paglilinis kahit

na hindi tumutulong ang kanyang anak ay isa lamang patunay na mahal niya ang

kanyang anak. Wala naman sigurong ina ang hindi mahal ang kanilang anak. Kaya

naman, Nakita ng mga respondante ang knilang ina kay Aling Rosa. Kagaya raw ni Aling

Rosa ay mahal din daw sila ng kanilang ina kahit na minsan ay pasaway sila. Binibigyan

daw sila ng kanilang ina ng mga pangangailangan kagaya ng pagkain, damit at

pagpapaaral sa mamahaling paaralan. Kagaya rin daw ni aling Rosa, nagtatrabaho rin

daw nang mabuti ang kanilang magulang upang may ipangbubuhay sa kanila. Alam nila
ang bawat sakripisyong ginagawa ng kanilang magulang kaya naman daw mag-aaral

sila nang mabuti upang matuwa sila.

5. Si Haring Leon at Si Haring Tigre

 Malusog na pamilya

Nang nakapanayam ng mananaliksik ang mga mag-aaral ay nasabi nila na:

“Mabuti, matulungin at malusog ang aming pamilya at walang problema.

Pinagkakasundoan naming lahat at nagtatrabaho si tatay para sa amin akagay ni Haring

Leon.” Tunghayan ang bahagi ng kuwento.

“Ang mga anak natin ay nakapag-aral. Mabuti at natututo sila upang


umunlad ang kanilang sarili. May mga ospital din para sa lahat. Gusto ni
haring Leon na maging malusog at marunong ang bawat isa sa kanilang
kaharian. Alam niyang malaki ang nagagawa ng malulusog at
matatalinong mamamayan para sa palasyo.” Ito ang mahabang kuwento
ng lahat.

Katulad ng nasa kwento ay mabuti rin ang pamumuhay ng mga pamilya ng

respondante. Katulad daw ni Haring Leon ang kanilang tatay. Nagtatrabaho nang mabuti

upang masmapa-ayos ang kanilang pamumuhay.

Katulad ng lahat ng pamilya nating mga Pilipino, mas mapapaganda ang takbo

ng pamilya kung sasang-ayon ang lahat sa isang mabuting gawain. Kadalasan ang mga

tatay rin ang siyang nagtatrabaho para sa pamilya upang matustusan ang

pangangailangan.

6. Ang Krayolang Itim

 Magulang na mahal ang anak

Nasabi ng isang mag-aaral na: “Nakikita ko ang aking pamilya sa aking mga

magulang na mapagmahal. Dahil binibigyan nila ako ng mga gamit na kailangan ko na

nagpapasaya sa akin. Basahin ang bahagi ng kwento:


Pagbusina ng sasakyan ay tumakbo agad palabas si Garry para
sumalubong sa magulang. “Garry, heto na ang bagong krayola mo anak,”
sabi ni Nanay sabay abot kay Garry ng kahon ng krayola.

Mahal si Garry ng kanyang mga magulang. Dahil mahilig sa pagguhit si Garry ay

binilhan siya ng kanyang mga magulang ng isang krayola.

Ang pagbili ng mga bagay para sa kanilang anak ay isang gawain na

nagpapakitang mahal nila ang kanilang anak. Kaya naman nakita ng mga respondante

ang kanila ina sa nanay ni Garry. Katulad din ng nanay ni Garry ay binibilhan din sila ng

mga gamit na gusto nila kagaya raw ng bag, krayola, laruan, damit, sapatos at marami

pang iba.

7. Ang Matanda sa Dyip

 hindi mapanghusga

Isa sa mga respondente ay nagsabing: “Nakikita ko ang aking pamilya bilang

hindi mapanghusga. Kagaya ng nasa kwento hindi rin naghuhusga ang aking nanay

base lang sa anyo. Tinuruan niya ako na huwag humusga dahil ang Panginoon ang

gumawa sa atin. Siya lang ang may karapatan manghusga. Nakita ko si nanay nagbigay

siya ng pera sa pulubi. Dapat daw repetohin lahat mayaman man o mahirap.”

Nanay ko na ang susunod. Kahit hindi niya alam kung ano ang iniiwasan
ng mga naunang taong sumakay ay umakyat pa rin siya sa dyip. Iisa na
lang pala ang natitirang lugar sa loob at ito’y malapit sa dulo, sa tabi ng
isang matandang babaeng maraming galis sa katawan.Nakatingin daw
ang ibang tao sa nanay ko at tila ba naghihintay na tulad ng dalawang
naunang pasahero ay bumaba rin agad-agad. Subalit hindi ang nanay ko.
“Lola, patabi po, ha,” ang sabi niya sa matanda sabay upo sa tabi ng
matandang galisin. Nagkatinginan daw ang iba pang pasahero. Hindi nila
akalaing tatabi ang nanay ko sa matandang pinandirihan ng mga
pasaherong naunang sumakay.

Habang nakapila ang isang buntis sa labas ng dyip ay napansin niyang may

dalawang naunang pasahero na bumaba agad. Hindi alam niya alam kung ano ang

meron sa loob. Hindi niya ito pinansin at nang siya na ang papasok sad yip ay nagtataka

siya dahil pinagtitinginan siya ng ibang pasahero na nakaupo. May isang pwesto nalang
na natitira at ito ay malapit sa isang matandang babae na may galis sa katawan.

Pinagmamasdan siya dahil iniisip nila na gagaya siya sa dalawang naunang pasahero,

ngunit hindi. Umupo ang buntis sa tabi ng matanda. Hindi niya inalintana ang mga galis

nito. Inalam niya kung ano ang tawag sa sakit ng matanda at nalaman niyang eczema

pala ito.

Nakita ng mga respondante ang kanilang ina sa buntis na nasa kwento. Katulad

din daw ng buntis ay hindi rin nanghuhusga ang kanilang ina. Naikuwento nila na noong

namamasyal sila sa lungsod ay may mga pulubi at mga batang Badjao na nanghingi ng

pera, kinuha raw ng kanilang ina ang kanyang pitaka at binigyan ng pera na pambili ng

pagkain. Ipinaliwanag daw sa kanilang ina na hindi mabuti ang humusga sa ibang tao,

dapat silang respituhin at mahalin dahil sila ay mga tao rin na kagaya natin. Kahit

magkaiba raw ng estado sa buhay at sa pisikal na kaanyuan ay hindi pa rin ito ang

basihan upang husgahan ang isang tao.

8. Nanaginip Si Isko

 Kapatid na tamad

Sa isa sa mga tauhan sa kwento, tila nakita ng bata ang kanyang kapatid sa

katauhan ni Isko, ang pagiging tamad. Tunghayan ang kanyang nasabi: “Katulad ni Isko

ay tamad din ang aking kapatid. Palagi siya ppinapagalitan ni nanay dahil nag-iiwan siya

ng basura at hindi niligpit ang kanyang kama. Hindi niya inaayos ang kanyang mga

laruan.”

Tamad din si Isko. Wala siyang nagagawa para makatulong sa pamilya.


Katunayan, pagkatapos niyang maitapon ang mga basura sa kanal ay
naupo na naman siya sa harap ng telebisyon at ipinagpatuloy ang
panonood habang ang ate niyang si Maya at ang bunso nilang si Tina ay
nagluluto sa kusina.

May tatlong anak si Aling Leni. Ito ay sina Maya, Tina at Isko. Mabait at masipag

ang kanyang mga anak maliban kay Isko.


Mababasa sa kwento ang pagiging tamad ng kanilang kapatid na si Isko. Nakita

ng mga respondante ang kanilang kapatid kay Isko. Ang kanilang kapatid daw ay

makalat din. Sabi nga ng isang respondante ng mananaliksik ay may bunso raw siyang

kapatid na palaging iniiwan kung saan-saan ang mga laruan, iniiwan ang mga basura

kahit saan at hindi marunong mag-ayos ng higaan. Sa tuwing pinagsasabihan daw ito ng

kanilang ina ay sumusunod naman ngunit hindi ginagawa nang maayos.

9. Si Langgam, Si Tipaklong at Isang Naiibang Wakas

 Magulang na inaalagaan ang pamilya

Ilan sa mga respondente ay nagsabing: “Inaalagaan kami nang mabuti ng aking

nanay at tatay. Kagaya ng nasa kwento nagtatrabaho si tatay para may makain kami. Si

nanay naghahanda palagi ng pagkain pati aking uniporme. Hinahatid din ako ng tatay ko

sa paaralan.”

Habang tag-init ang panahon ay abalang-abala si Langgam sa pag-


iimpok ng mga butil ng palay. Mula umaga hanggang hapon niya itong
ginagawa. “Kaibigang Langgam, masyado ka namang masipag, halika,
magsayaw muna tayo at magsaya”! sabi ng Tipaklong kay Langgam
habang ito’y patalon-talon at pasayaw-sayaw. Tumingin si Langgam kay
Tipaklong. Parang kay sarap ngang mag laro dahil napakaganda ng araw
subalit kailangan ko pang mag-ipon ng mga pagkain para sa pamilya ko.
“Hindi pwede Tipaklong kailangan ko pang maghanda para sa pagdating
ng tag-ulan” sagot ni Langgam.

Sa dalawang magkaibigang sina Langgam at Tipaklong ay tanging si Langgam

lang ang may pamilya na maayos. Nag-iimpok ng mga pagkain si Langgam para sa

darating na tag-ulan ay may makakain ang kanyang pamilya.

Mapapansin sa pahayag na mahal ni Langgam ang kanyang pamilya.

Inaalagaan niya ito sa pamamagitan ng paglikom ng mga pagkain para sa darating na

tag-ulan. Kagaya rin ng mga magulang ng mga respondante. Nakikita nila ang kanilang

magulang kay Langgam dahil inaalagaan din sila sa pamamagitan ng paghahanda ng


mga pagkain araw-araw at pati ng uniporme nila sa paaralan. Ipinagluluto at hinahatid

din sila.

10. Si Putol ang Bayaning Tupa

 Nanay na hindi gustong matukso ang kanyang anak

Dalawampo sa mga mag-aaral ang may magkatulad na sinabi na ayaw ng nanay

nila na matukso ang kanilang anak. Tunghayan ang kanilang sagot: “Katulad ng nanay

ni Putol sa kwento, ayaw rin ng nanay ko na tinutukso ako sa paaralan. Pinagsasabihan

niya ang kuya ko na huwag ako kutyain, nagaglit siya sa tuwing inaaway ako.”

“Tigilan niyo ang panunukso sa kapatid ninyo!” pagalit na sabi ni Aling


Berta sa ibang tupa. Ayaw niyang tinutukso ang pinakamaliit na tupa na
binansagang Putol.

Si Aling Berta ay nanganak ng limang tupa. Apat sa mga ito ang normal at

malusog habang ang isa naman ay maliit at putol ang isang paa. Tinutukso ng mga

kapatid si Putol dahil siya lang ang naiiba sa kanila. Pinagsabihan ni Aling Berta ang

kanyang mga anak na tigilan na ang pangungutya nila sa kanilang kapatid. Ayaw nitong

masaktan pa ang damdamin ni Putol.

Nakikita ng mga respondante ang kanilang nanay kay Aling Berta dahil

pinagsasabihan din sila ng kanilang nanay na huwag awayin o tuksohin ang kanilang

kapatid. Gaya nalang ng sinabi ng isang respondante na noong inaway siya ng kanyang

kuya dahil nilait siya na maitim siya ay pinagsabihan ang kanyang kuya na huwag itong

kutyain. Nagaglit daw ang kanilang ina sa tuwing inaaway siya. Ipinaliwanag ng kanilang

ina sa kanyang kuya kung bakit maitim siya, ito ay dahil nagmana pala siya sa kanyang

kuya. Sabi raw ng kanyang ina na nasasaktan siya sa tuwing naririnig niyang nag-aaway

silang magkakapatid.
C. Lipunan

1. Ang Manok ni Mang Apollo

 Mga taong lasingero

Sa isa sa mga tauhan sa kwento, tila nakita ng mga bata ang kanilang lipunan,

ang mga taong lasingero, sa katauhan ni Mang Apolo. Tunghayan ang bahagi ng

kwento.

Ibinigay niya ang lahat ng magustuhan ng kanyang pamilya. Natuto rin


siyang magsugal at uminom ng alak.

Si Mang Apollo ay natuto ng uminom ng alak noong guminhawa ang kanilang

buhay. Naging lasinggero na siya.

Nakikita ng mga respondante ang kanilang kapitbahay kay Mang Apollo.

Umiinom din daw sila ng alak at nagsususgal. Nakikita nila ito sa gilid ng kalsada at sa

tuwing may mga handaan gaya ng kaarawan. Nakikita nila na hindi na makalakad nang

maayos at minsan ay nag-iingay na ang mga ito kapag lasing na lasing na.

Sa realidad may nakikita rin tayong mga tao na nag-iinuman. Katulad ng mga

okasyon ng piyesta o kaarawan. Minsan ay may nabubuong awayan dahil sa hindi na

pagkakaintindihan kapag na lasing na ang mga nag-inuman.


2. Si Pot-Pot Masipag

 Mga tao na makakalikasan

Sa isa sa mga tauhan sa kwento, tila nakita ng mga bata ang kanilang lipunan,

ang pagiging makakalikasan ng mga tao, sa katauhan ni Pot-Pot. Tunghayan ang

bahagi ng kwento.

Umaga, araw ng Sabado. Binisita ni Lolo Senyong ang apong si Pot-Pot.


Nadatnan niya itong nagtatanim sa bakuran.
Mayroon akong mga punla ng mga punong manga, guyabano at abokado
sa bahay. Pagbalik ko ay itanim natin sa bakanteng lote ninyo sa likod.

Sina Pot-Pot at ang kanyang lolo ay may hilig sa pagtatanim. Nagkakasundo ang

mag-apo sa pagtatanim. Nagtatanim sila dahil para sa mga sumusunod na taon ay may

mas marami ng punong pipigil ng baha.

Nakita ng mga respondante ang kanilang kapitbahay sa mga tauhang sina Pot-

Pot at Lolo Senyong. Ito ay dahil nagtatanim din daw ng mga gulay at prutas ang

kanilang kapitbahay sa mga bakanteng lote. Sa tuwing lalaki na ang mga ito ay inaani at

niluluto raw nila ito.

Katulad ng ibang pamilyang Pilipino, nakaugalian na rin natin na magtanim ng

mga gulay kagaya ng sayote, kalabasa, okra at talong sa ating paligid. Ito na ang

lulutoin para ulam. Sa ganitong paraan ay masnakaka-ipon ang mga Pilipino dahil

pwede nang hindi bumili sa palengke.

3. Ang Tsinelas ni Jose

 Mga tao na mapagbigay

Nakita ng mga respondent ang kanilang lipunan, sa pagiging mapagbigay na

mga tao. Tunghayan ang naging pahayag: “Nakikita ko na ang mga tao sa aming lugar

ay mapagbigay. Katulad ng palabas na Rated K, namimigay sila ng tsinelas.

Mamimigay ako ng aking mga ekstarng tsinelas sa bata na nasa lansangan.”


Mabilis na inihagis ni Jose ang kabiyak na tsinelas.kasama itong tinangay
ng tubig papalayo. “Bakit mo ginawa iyon, Pepe?” nagtatakang tanong ng
tiyo. “Di ko na po magagamit ang nag-iisang tsinelas. Wala rin pong silbi
sa makapupulot nito ang kabiyak na tsinelas.” Mas mabuti pong isama ko
na rin ang naiwan sa akin para magamit ang pares ng tsinelas. Sana, ang
makapulot ng mga ito ay iyong batang walang sapin sa paa,” ang
mahabang paliwanag ni Jose.

Ibinigay ni Jose ang isang pares ng kanyang tsinelas dahil naisip niya na hindi na

niya ito magagamit at para may maisuot na isang pares ng tsinelas ang taong

makakapulot sa naunang tsinelas na nalaglag.

Mapapansin sa kwento ang pagiging mapagbigay ni Jose. Nakita ng mga

respondante ang mga tao sa kanilang paligid sa tauhang si Jose. Sabi ng isang

respondante, habang nanonood daw siya ng palabas na Rated K ay nakita niyang

magkahalintulad ito sa kwento dahil namigay ang palabas ng mga tsinelas sa mga

batang mahihirap. Kagaya ito sa Rated K dahil iniisip daw nila ang mga batang walang

sapin sa paa. Ang kaibahan lang ay isang pares lang ng tsinelas ang ibinigay ni Isko

habang ang sa Rated K ay marami-rami.

4. Ang Alamat ng Pinya

 Kaklase na hindi sumusunod sa guro

Nabanggit ng mga mag-aaral na nakikita nila ang kanilang kaklase sa pagiging

hindi pagsunod sa guro. Tunghayan: “Nakikita ko ang aking mga kaklase na hindi

nakikinig sa aming guro. Katulad ng sabi n gaming guro na isauli ang mga gamit sa

tamang lalagyan ngunit hindi nila sinusunod. Pagsasabihan ko sila na respetuhin ang

mga nakatanda.”

“Anak, sana’y matuto ka ng iba’t ibang gawain sa bahay. Mabuti sa


batang tulad mo ang matuto ng mga gawaing-bahay,” ang laging paalala
ng ina.Masakit sa loob ni Aling Rosa ang nakikitang katamaran ng anak.
Siya lamang kasi ang naglalaba,nagluluto,at naglilinis ng bahay.

Si Pinang ay isang bata na hindi sumusunod sa magulang. Matigas ang kanyang

ulo at palagi lang umaasa sa kanyang nanay. Palaging pinaaalahanan si Pinang ng


kanyang ina na dapat matuto na siyang maglinis ngunit hindi pa rin niya ito sinusunod.

Nakita ng mga respondante ang kanilang kaklase kay Pinang dahil katulad niya

ay hindi raw sila sumusunod sa mga paalala ng guro at ng paaralan. Sa silid-aralan ay

nakikita nila na ang iba nilang kaklase ay hindi nakikinig sa guro. Halimbawa, ang sinabi

ng isang respondante na patuloy raw silang pinaaalahanan ng kanilang guro na itapon

ang basura sa tamang basurahan ngunit hindi raw ito sinusunod ng iilan nilang kaklase.

Pati na rin daw ang pagsasauli ng mga materyales gaya ng lapis, papel at gunting sa

tamang lalagyan ay hindi raw ito sinusunod ng iba. Kahit sa tuwing kainan na ay may

mga utos pa ring hindi nasusunod kagaya ng bawal na pagkain ng mga junkfood, may

nakikita raw silang mga kamag-aral na kumakain pa rin nang patago.

5. Si Haring Leon at Si Haring Tigre

 Tumutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan

Basahin ang naging repleksyon ng isang mag-aaral tungkol sa kanyang lipunan:

“Nakikita ko na nag-iipon ng mga plastik na bote ang aming barangay. Narinig ko rin sa

aming kapit-bahay na nagbabayad sila ng buwis kagaya ng mga tao na naninirahan sa

lugar ni Leon. Tutulong ako sa pamamagitan ng pagsunod ng mga batas sa ating lugar

at sa pagtapon ng tamang basura.”

Alam niyang malaki ang nagagawa ng malulusog at matatalinong


mamamayan para sa palasyo.” Ito ang mahabang kuwento ng lahat.
“dapat tayong magbayad ng tamang buwis. Ginagamit ito ng hari upang
matulungan tayo,” ito ang dugtong ng isang hayop.

Ang mga tao sa komunidad ni Haring Leon ay mga taong tumutulong sa kanilang

lugar dahil mababasa sa kwento na sila ay bumabayad ng tamang buwis. Alam nila

kung saan gagamitin ang kanilang ibinayad na pambuwis.

Nakita ng mga respondante ang kanilang mga kapitbahay sa mga taong nakatira

sa komunidad ni Haring Leon dahil naririnig daw nila na nag-uusap sila tungkol sa
buwis. Nalaman nila na nagbabayad din pala ang kanilang mga kapitbahay ng buwis.

Gaya nalang ng paglagay ng malaking basket sa barangay kung saan doon itinatapon

ang mga plastik na bote upang ibenta at ang perang makikita ay idadagdag sa ipon ng

barangay. Maaaring gamitin ang kita sa pagpapaganda ng barangay hall o sa paggawa

ng mga basurahan para sa bawat purok.

6. Ang Krayolang Itim

 Pinagtatawanan

Tunghayan ang isang repleksyon ng isang bata na nakuha niya mula sa

kwentong Ang Krayolag Itim: “Nakikita ko ang kalase na pinagtatawanan ang kaklase

kapag nagkakamali at mga kaklase na mapangutya. Pagsasabihan ko sila na igalang

ang kakayahan ng bawat isa.”

“May isang kulay riyan, hindi man lang nagamit,” parinig ni Pula. Alam ng
ibang kulay kung sino ang tinutukoy ni Pula kaya’t nagtawanan silang
lahat.

Pinagtatawanan ng ibang kulay si Itim dahil hindi ito ginagamit ni Garry.

Pinariringgan din siya. Hindi dapat pinagtatawanan ang kahit na sinong nilalang kahit

maganda man ito o pangit, mayaman man o hindi sapagkat pantay-pantay lang tayo sa

mata ng Diyos.

Nakita ng mga respondante ang kanilang kaklase sa ibang kulay sapagkat

pinagtatawanan daw nila ang kanilang kaklase sa tuwing nagkakamali ito ng pagsagot.

Sa tuwing may madulas daw sa sahig ay pinagtatawanan din nila.

7. Ang Matanda sa Dyip

 Nandidiri sa may sakit

Nakita ng isang mag-aaral ang kanyang paligid na madaling manghusga. Narito

ang kanyang pahayag: “Nakikita ko ang mga tao sa paligid na madaling manghusga.

May nakita akong lalaki na umiwas sa pulubi.


Nagtiyaga lang si Nanay at hindi nagtagal ay malapit na rin siya sa dulo
ng pila. Pero may napansin siya. Ang pangalawa sa unahan niya ay
sumakay pero bumaba rin agad. Sumunod namang umakyat ang
kasunod niya pero tulad ng nauna’y nagmamadali rin itong bumaba.
Nanay ko na ang susunod. Kahit hindi niya alam kung ano ang iniiwasan
ng mga naunang taong sumakay ay umakyat pa rin siya sa dyip. Iisa na
lang pala ang natitirang lugar sa loob at ito’y malapit sa dulo, sa tabi ng
isang matandang babaeng maraming galis sa katawan.

Ang dalawang pasaherong nauna ay hindi umupo sa katabi ng matandang

babae na may galis sa buong katawan. Ito ay patunay lamang na nandiri sila sa babae.

Nakita ng mga respondante ang mga tao sa kanilang paligid sa dalawang

tauhang bumaba agad mula sa dyip. Sabi ng isang respondante na may nakasabay raw

silang naglalakad patungong B.E, isang tindahan sa lungsod ng Pagadian, at namasid

niya na ang kanilang kasabay ay umiwas sa kanang daan. Ito pala ay dail sa may isang

bulag na may mga galis sa katawan na nanglilimos sa gilid. Nakita niyang iniwasan ito

ng tao.

Ang mga tao ngayon ay madali nang manghusga sa kapwa tao. Kahit hindi pa

alam ang katutohanan ay nagbibigay agad ng opinion. May mga tao rin ngayon na

kapag nalaman nilang may sakit ang isang tao, kahit hindi ito malala at nakakahawa ay

pinagdidirihan na nila ito. Kagaya ng mga tao na mag galis sa katawan o eczema, isa

itong uri ng sakit sa balat na hindi nakakahawa sa iba. Dapat natin silang igalang at

mahalin dahil sila ay tao rin na gusting mabuhay nang malusog at payapa.

8. Nanaginip Si Isko

 Makakalikasan

Nang nakapanayam ng mananaliksik ang isang respondente nasabi nito na :

“Nakikita ko ang mga tao na nagtatapon ng basura sa dalawang basurahan, nabubulok

at hindi nabubulok. Ang isa ay para magamit muli sa pamamagitan ng pag recycle at

ang isa ay para gawing fertilizer. Ang sasabihin ko sa kanila upang makatulong lalo sa
pag-alaga sa kalikasan ay “Paggamit ng nabubulok at hindi nabubulok na basurahan

para hindi tayo magkasakit.”

“Kung uulan nang malakas ay tiyak na pagmumulan ito ng baha. Dali-


daling sinungkit ni Isko ang mga basura at inilagay sa tamang
basurahan.”

Nakita ng mga respondante ang kanilang mga kapitbahay sa tauhang si Isko.

Sila rin daw kasi ay gumagamit ng tamang basurahan. Katulad ng mga pangyayari sa

kasalukuyan, ang mga mamamayan sa Pilipinas ay gumagamit na ng iba’t-ibang

basurahan. May basurahan para sa plastik, papel, bakal at salamin ang iba naman ay

basurahang nabubulok at di-nabubulok. Ito ay mahigpit na ipinapatupad ng ating

pangulo upang makaiwas sa pagbaha at upang masmapangalagaan ang ating kalikasan

na handog ng Diyos.

9. Si Langgam, Si Tipaklong at Isang Naiibang Wakas

 Mga tao na mapagpatawad at masipag

Nabanggit ng mga bata na nakita nila ang mga tao sa paligid na masipag at

mapagpatawad. Heto ang isa sa kanilang sagot: “Nakikita ko ang mga tao na masipag at

mga tao na mapagpatawad. Pagsasabihan ang mga tao na dapat mag-ipon muna

habang may mga biyayapa na nakukuha.”

Nang makakain ay nahihiyang nagpasalamat si Tipaklong. “Salamat,


Langgam. At pasensiya ka na ha. Nagkamali ako pero pangako,
magbabago na ako,” mahinang sabi ni Tipaklong. “Tamang-tama ang
dating mo, Tipaklong. Marami akong tanggap na gawain sa aking
patahian ngayon. Kung gusto mo, tumulong ka sa akin kapalit ng pagkain
at pansamantalang pagtira mo rito,” alok ni Langgam.

Si Langgam ay isang hayop na mapagpatawad dahil pinatawad niya ang

kanyang kaibigang si Tipaklong. Siya rin ay masipag dahil umaga pa lang ay nag-iimpok

na siya ng mga pagkain para sa kanyang pamilya. Gustohin man niyang makasama si
Tipaklong sa pagsasaya ay mas ninais pa niyang magtrabaho. Walang inaaksayang

panahon si Langgam.

Nakita ng mga bata ang kanilang kaklase kay Langgam dahil gaya niya ay

pinapatawad din nila ang kanilang kaklase na minsan ay nagkasala. Nakita ng mga bata

na masipag ang mga tao sa kanilang paligid. Halimbawa nito ay ang sinabi ng isang

respondante na araw-araw raw niyang nakikita ang isang manlilinis sa daan na

nagwawalis. Pati na rin ang drayber na nagmamaneho mula umaga hanggang gabi.

10. Si Putol, Ang Bayaning Tupa

 Nanghuhusga sa pisikal na anyo

Nang nakapanayam ng mananaliksik ang isang bata, nagsabi ito na: “Nakikita ko

ang aking mga kaklase ko nangbubuli o nanghuhusga sa mga classmate na mali yung

sagot o yung pisikal na anyo nila.” Tunghyan ang bahagi ng kwento.

“Putol! Putol! Ha-ha-ha! Ang liit-liit ni Putol” tukso ng mga kapatid sa


pinakamaliit na tupa. Bukod sa maliit ay putol ang isang binti nito sa
likuran kaya’t paika-ika kung lumakad.

Ang mga kapatid ni Putol ay palaging nanghuhusga sa kanya. Putol kasi ang

isang binti niya sa likod at maliit pa siya. Palagi siyang pinagtatawanan at kinukutya.

May mga tao pa ring hinuhusgahan ang pisikal na anyo ng ibang tao. Nakikita ng

mga respondante ang kanilang mga kaklase sa mga kapatid ni Putol. Ito ay dahil may

kaklase raw sila na mataba noon. Palagi raw kinukutya at pinariringgan ang batang iyon.

Hanggang sa pinagsabihan sila ng kanilang guro na huwag gawin iyon kaya naman na

pigilan din nila. Isa pang sabi ng respondante ay may nakita raw siyang palabas sa

telebisyon na kagaya ng kalagayan ni Putol. Ang tauhan daw sa palabas ay may bukol

sa likod kaya kinukutya siya. Pinagtatawan siya palagi. Hinuhusgahan ang kanyang

bukol sa likod at pinagsasabihan siya na kuba palagi.


Talahanayan 1. Repleksyon ng mga Bata sa Sarili, Pamilya at Lipunan Batay sa mga
Kwentong Binasa

Kwentong Pambata Sarili Pamilya Lipunan

1. Ang Manok ni Masipag at Maka-diyos at Mga taong


Mang Apolo matulungin mapagmahal lasingero
Masipag, Pamilya na
2. Si Pot-Pot Mga tao na
matulungin at mapagmahal sa
Masipag makakalikasan
mabait kalikasan
Isang nanay na
3. Ang Tsinelas ni Maalahanin at Mga tao na
nagpalaki ng
Jose mapagbigay mapagbigay
masunuring bata
4. Ang Alamat ng Kaklase na hindi
tamad mapagmahal na ina
Pinya sumusunod sa guro
Tumutulong sa
5. Si Haring Leon
Mabait Malusog na pamilya pagpapaunlad ng
at Si Haring Tigre
pamayanan
6. Ang Krayolang Hindi gumaganti sa Magulang na
Pinagtatawanan
Itim iba mahal ang anak
7. Ang Matanda Sa Nandidiri sa may
Hindi mapanghusga Hindi mapanghusga
Dyip sakit
8. Nanaginip Si
Tamad Kapatid na tamad makakalikasan
Isko
Masinop,
9. Si Langgam, Si Magulang na Mga tao na
masipag
Tipaklong at Isang inaalagaan ang mapagpatawad
matulungin at
Naiibang Wakas pamilya at masipag
mapagpatawad
Nanay na hindi
Nanghuhusga
10. Si Putol, Ang gustong matukso
Mabait sa pisikal na
Bayaning Tupa ang kanyang
anyo
anak
Makikita sa talahanayan blg. 1 ang mga repleksyong namayani sa sarili, pamilya

at lipunan mula sa kwentong pambatang binasa. Sa sarili ay ang mga sumusunod:

masipag at matulungin, masipag, matulungin at mabait, maalahanin at mapagbigay,

tamad, mabait na pinuno, hindi gumaganti sa iba mahilig gumuhit, hindi mapanghusga,

tamad, masinop, masipag matulungin at mapagpatawad at mabait. Ang mga repleksyon

naman na namayani sa pamilya ay ang mga sumusunod: Maka-diyos at mapagmahal,

pamilya na mapagmahal sa kalikasan, isang nanay na nagpalaki ng masunuring bata,

mapagmahal na ina, malusog na pamilya, magulang na mahal ang anak, hindi

mapanghusga, kapatid na tamad, magulang na inaalagaan ang pamilya, at anay na

hindi gustong matukso ang kanyang anak. Panghuling mga repleksyon ay sa lipunan. Ito

ay ang mga sumusunod: mga taong lasingero, mga tao na makakalikasan, mga tao na

mapagbigay, kaklase na hindi sumusunod sa guro, tumutulong sa pagpapaunlad ng

pamayanan, pinagtatawanan, nandidiri sa may sakit, makakalikasan, mga tao na

mapagpatawad at masipag, at nanghuhusga sa pisikal na anyo.

Mula sa mga nakitang resulta, namayani sa lahat ng repleksyon sa sarili ang

katangiang masipag at matulungin. Ito ay nagpapahiwatig na naintindihan nila ang mga

karakter na nasa kwento. Nakita nila na kahit sa kwento ay may mga pangyayari na

naihalintulad sa kanilang sariling buhay, katulad ng tauhang si Pot-Pot, na masipag

magtanim at matulungin sa kanyang lolo. Sinundan naman ito ng katangian na mabait at

tamad. Sa repleksyon ng pamilya naman ay nangibabaw ang katangiang mapagmahal.

Nakita ito sa mga kwento na Ang Manok ni Mang Apolo, Si Pot-Pot Masipag, Ang

Alamat ng Pinya at Ang Krayolang Itim. Nakita at nadama ng mga bata ang

pagamamahal ng kanilang nanay at tatay mula sa mga karakter sa binasang kwento. Ito

ay patunay na hindi lamang mga kaugaliang-pansarili ang nakita ng mga mag-aaral,

kung hindi pati na rin ang mga katangiang-pampamilya na siyang pinakamahalaga para

sa mga bata dahil ang pagmamahal mula sa pamilya ang natatanging yaman na hindi
mananakaw ng iba. Napakamalaking bagay na para sa mga bata na nakita nila ang mga

sakripisyo at pagmamahal ng kanilang mga magulang para sa kanila. Sa panahon

ngayon ay mabilis na nilang maipahayag ang kanilang mga saloobin tungo sa kanilang

mga magulang dahil sila ay napakabukas na sa pagpahayag ng kanilang totoong

damdamin. Panghuli, ang repleksyong nangibabaw sa lipunan ay ang makakalikasan.

Nakita ito sa mga kwentong Si Pot-Pot Masipag at Nanaginip Si Isko. Ito ay

nagpapahiwatig na ang pananaw at pagkatuto ng mga mag-aaral base sa kwento ay

hindi lamang naka pokus sa kanilang sarili at pamilya dahil sila ay nakapagbigay rin ng

mga repleksyon ukol sa kanilang lipunan o komunidad na tinitirhan. Kahit sa murang

edad nila ay namasid na nila ang mga pangyayari sa kanilang paligid. Pinahalagahan

nila ang paggamit ng mga tao sa dalawang basurahan, ang nabubulok at hindi

nabubulok. Nakatutuwang isipin na ang mga kabataan sa kasalukuayng panahon ay

hindi lang nakapokus sa paglalaro o sa ibang libangan, kung hindi pati na rin ang

pangangalaga sa ating kalikasan. Isinasapuso nila ang tamang paraan ng pagtapon ng

basura dahil sa kanilang pagmamahal sa ating kalikasan.

Implikasyon

Mula sa mga repleksyon sa sarili, nangibabaw ang masipag at matulungin. Ito ay

nagpapahiwatig na positibo at kaaya-aya ang mga katangiang taglay ng mga mag-aaral

sa ikatlong baitang ng paaralang PGSLC. Namasid nila na ang pagiging masipag at

matulungin ng mga tauhan sa kwento ay magkahalintulad sa kanilang ugali at

kinagawian. Ito ay nagpabatid na ang kanilang mga guro ay nakapagtambal ng mga

values o pagpapahalaga sa kanilang pagtuturo. Ayon sa pahayag ni Bb. Ailah Sumael

noong ika-21 ng Setyembre 2018, alas-dos ng hapon na isang guro sa nasabing

paaralan ay “Ang mga values o ugali na madalas kong tinuturo sa mga mag-aaral ay

ang pagiging responsible, matapat at masipag. Ito ay mahalagang ugali na dapat


mayroon ang isang bata upang lumaki silang kapaki-pakinabang sa paaralan at sa

kanilang pamilya.” Mula sa kanyang pahayag ay natanto ng mananaliksik na sa bawat

pagtuturo ng guro ay may nakausling mga pagpapahalaga na dapat isaalang-alang.

Hindi lamang nakapokus sa pagkatuto ang pagtuturo ng mga guro kung hindi pati na rin

sa pagbigay ng mga aral na dapat isapuso ng bawat estudyante. Isa pang pahayag ang

nakuha ng mananaliksik sa isang guro na si Bb. Glyndel P. Rosales na ginagawa niya

ang kanyang values integration sa pamamagitan ng pagbibigay empasis o diin kung

gaano ito kaimportante at paano ito makaapekto sa buhay ng mga mag-aaral at sa

pamamagitan ng halimbawa o maikling video. Tunghayan ang kanyang pahayag na

nabanggit noong ika-21 ng Setyembre 2018, alas-tres ng hapon na “Binibigyan ko ng

empasis kung gaano ito kaimportante at paano ito makaapekto sa ating buhay sa

pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa o maikling istorya.”

Sa repleksyon sa pamilya, nangibabaw ang mapagmahal. Ito ay nagpapahiwatig

na may magandang koneksyon ang mga mag-aaral sa kanilang mga magulang at iba

pang bahagi ng pamilya. Nagpapahiwatig na saklaw ng mga guro ang pagtuturo ng

values na ukol sa pampamilya katulad ng pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang

para sa kanila. Patunay rito ang pahayag ng isang guro sa Araling Panlipunan na si Bb.

Joy Titoy na sa tuwing tinatalakay niyang leksyon na bahagi ng pamilya ay binibigyang

diin niya sa kanyang values integration ang pagmamahal, pag-aaruga, sakripisyo at

pagsuporta ng kanilang mga magulang para sa kanila. Ito raw ay para maisapuso ng

mga mag-aaral na ang pagmamahal ng magulang ay walang katumbas at tunay.

Tunghayan ang buong pahayag na inilahad noong ika-20 ng Setyembre 2018, alas-

diyes ng umaga, “Madalas kong tinuturo ang mga values na pagmamahal sa pamilya,

pag-aaruga, sakrpisyong ginagawa nila at suporta para sa mga mag-aaral. Madalas ko

itong sinasalin sa leksyon tungkol sa pamilya at bahagi nito. Sa ganitong paraan ay


malaman ng mga mag-aaral ang pagmamahal na binibigay sa kanilang magulang na

hindi maihahalintulad sa iba at totoo.”

Sa repleksyon sa lipunan ay nangingibabaw ang makakalikasan. Ibig sabihin ay

nakikita nila ang mga tao sa kanilang kapaligiran na nagtatanim ng puno at nagtatapon

sa tamang basurahan. Ang mga guro ay nagtuturo ng mga values na ukol sa maayos

na kapaligiran at pagmamahal sa kalikasan. Noong ika-21 ng Setyembre 2018, ala-una

ng hapon ay nagbigay ng pahayag ang gurong si Flor May G. Baylosis na “Ilan sa mga

values na madalas kong itinuturo sa aking mga mag-aaral ay yung alagaan ang

kapaligiran, ugaliing maglinis araw-araw lalong-lalo na sa kanilang bahay at dapat alam

nila ang tamang pagattapon ng basura. Ang kasipagan sa paglilinis ay mainam upang

hindi tayo magkasakit.” Nabanggit sa pahayag ng guro ang tamang pagtapon ng

basura, ibig sabihin ay naisapuso ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng guro at unti-

unti nila itong isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagtapon ng basura sa tamang

lalagyan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan na ang matinding pagbaha na dinaranas ng

ating bansang Pilipinas na makailan lang nangyari sa lungsod ng Naga at Maynila. Ang

kalikasan ay hiram lang mula sa Panginoon kaya dapat itong panatilihing malinis at

maayos dahil kung hindi, tayo rin mga mamamayan ang magdurusa sa bandang huli

dahil tayo rin naman ang may kasalanan.


Kabanata 5

Buod ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Napaloob sa kabanatang ito ang mga natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

ng kasalukuyang pag-aaral.

Buod ng Natuklasan

Ang kasalukuyang pag-aaral ay may paksang “Repleksyon Ng Mga Mag-Aaral

Sa Sarili, Pamilya At Lipunang Pilipino Sa Piling Kwentong Pambata” na may layunin na

alamin ang mga repleksyon ng mga bata sa mga piling kwentong pambata batay sa

sarili, pamilya at lipunan at tukuyin kung anong repleksyon ang nangibabaw. Natuklasan

ang sumusunod:

1. Ang mga repleskyon sa mga bata na nakita sa sampung piling kwentong pambata

batay sa sarili ay ilan sa mga sumusunod: masipag, matulungin, mabait, maalahanin at

mapagbigay. Ang mga repleksyong namayani sa pamilya ay ilan sa mga sumusunod:

Maka-Diyos at mapagmahal, pamilyang mapagmahal sa kalikasan, isang nanay na

nagpalaki ng masunuring bata at mapagmahal na ina. Ang mga repleksyong namayani

sa lipunan ay ilan sa mga sumusunod: mga tao na makakalikasan, mga tao na

mapagbigay, tumutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan, mapagpatawad at masipag.

2. Nadiskubre na mula sa mga sagot ng mga mag-aaral batay sa sarili ay nangibabaw

ang repleksyon na masipag at matulungin, sinundan naman ng mabait at panghuli ang

tamad. Ang nangibabaw na repleksyon sa pamilya ay mapagmahal. Makakalikasan

naman ang nangibabaw na repleksyon sa lipunan.


Konklusyon

Ang sumusunod ay konklusyon mula sa ginawang pag-aaral.

1. Ang mga bata ay may pagpapahalaga sa kanilang sarili, pamilyang

kinabibilangan at lipunan na kanilang ginagalawan. Magkawangis ang mga pangyayari

sa kwento batay sa kasalukuyan at sa buhay ng mga mag-aaral. Magkaugnay ang mga

katangian ng mga tauhan sa kwento at ang mga mambabasa.

2. Marami sa kanila ang may taglay na katangian na masipag, matulungin,

mapagmahal at makakalikasan. Positibo ang isinigawang values integration ng mga

guro sa pagtuturo.

Rekomendasyon

Sa mga kinalabasan at konklusyon, nabuo ang mga tagubilin o rekomendasyon

ng mananaliksik.

1. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga kwentong may kabutihang asal. Hinid lamang sa

elementarya kung hindi pati na rin sa sekondarya.

2. Palawakin ang pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga. Saklawin ang mabubuting

values upang ito ay laging maisapraktika ng mga kabataan hanggang sa kanilang

paglaki.

3. Ipagpatuloy ng mga guro ang pagtuturo ng mga kabutihang-asal sa mga mag-aaral

hanggang sa kanilang sekondarya upang lumaki sila ng may tamang asal.


Talasanggunian

Atienza, (2001). Ang suliranin at kaligiran nito. Mula sa


https://www.academia.edu/7614611/Tsapter_1_ANG_SULIRANIN_AT_KALIGIR
AN_NITO_Panimula_Nakapagpahaba

Azarias, G. (2009) . “Panitikan ng Pilipinas” Bede’s Publishing House, Inc. Quezon City.

Canon, K. V. (2006). Meeting children’s needs through Literature. The RAP Journal, 74-
79.

Cruz, G. R. (2009). Sampung pinakamahuhusay na teknik na aking ginagamit sa


pagtuturo ng panitikan sa elementarya. Ang Manghahasik sa Edukasyong
Pangwika, 95-99.

Dizon & Mata (2010). “Panitikan ng Pilipinas Para sa Kolehiyo” National Bookstore.
Diliman, Quezon City.

Evasco, E. Y. (2001). Malikhaing pagsulat: Pagimang ng sidhaya tungo sa maunlad na


hiraya. Manila City: Rex Book Store, Inc.

Gaitmatan (2007). A critical handbook of children’s literature. United States: Pearson


Education Inc.

Graves (2007). Ang proseso, mga teorya at kasanayan sa pagbasa. Mula sa


http://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-mga-teorya-at-
kasanayan-sa.html

Kraenkel & Wallen (2003) .Pagsusuri ng mga Kahalagahang Pangkatauhang


Napapaloob sa Limang MaiklingKwento ni Genoveva Edrosa Matute Taong
Panuruan 1998- 1990 Cebu Normal University,Cebu City.

Mooney (2011). Lipunan, Kontemporaryong Isyu. Mula sa


https://www.slideshare.net/jaredram55/lipunan

Norton, D. E. (2003). Through the eyes of a child: An Introduction to children’s literature.


New Reviewrsey, United States: Pearson Education, Inc.

Rivera, A. D. (2010). Bakit ako nagsusulat para sa mga bata?. The RAP Journal, 84-90.

Santos, L. (2010). Isang Pagsusuring Kritikal sa LimangPiling Maikling Kwento Cebuano


Mutya Publishing House, Inc. Cebu City.

Tamayo (2012). Mga salik na nakaapekto sa relasyon ng anak sa magulang at ang


epekto nito sa pakikipag-ugnayan sa pamilya. Mula sa
https://www.academia.edu/30242126/Mga_Salik_na_Nakakaapekto_sa_Relasyo
n_ng_Anak_sa_Magulang_at_mga_Epekto_nito_sa_Pakikipag-
ugnayan_sa_Pamliya
Tolentino, R. (2002). Ang aklat at likhaan ng tula at maikling kuwento 2000. University of
the Philippines, Quezon City
Apendiks

Kwentong Pambata

Ang Manok ni Mang Apolo

Isang araw, pumunta sa bukid si Mang Apolo. Gusto na niyang anihin ang
itinanim na palay. Nadaanan niya rito ang isang matandang babae. Nakasandal ito sa
puno at pagod na pagod.

“Baka matulungan ko kayo, ale. Heto at uminom po muna kayo,” sabay bigay ng
tubig ng naaawang magsasaka. Pagkainom ng matanda ay bigla itong naglaho. Isang
inahing manok ang naiwan sa kanyang harapan. Isang diwata pala ang matanda. Nais
ng diwata na tulungan ang magsasaka bilang pagpapasalamat sa kanyang kabutihang
loob.

Nagtataka man ay iniuwi ni Mang Apolo ang inahing manok. Lalo siyang nagulat
nang makita niyang nagingitlog ito ng ginto. Nagpasalamat siya sa Diyos sa natanggap
na biyaya.

“Diyos ko, salamat at sinagot na po ninyo ang aking dasal. Gaganda na ang
aming buhay.”

Minsan lamang sa isang buwan kung mangitlog ang manok. Nagamit niya ang
ginto para mabili ang kanilang mga pangangailangan. Kaya naman, umasa na lamang
ang magsasaka sa gintong itlog. Naging tamad si Mang Apolo. Sobra-sobra siya kung
gumasta. Ibinigay niya ang lahat ng magustuhan ng kanyang pamilya. Natuto rin siyang
magsugal at uminom ng alak. Dahil dito, hindi na kumasya ang halaga ng ginto sa
kanilang maluhong buhay at bisyo.

“Alam ko na! Kukunin ko na ang lahat ng itlog sa kanyang tiyan!” ang mabilis na
plano ni Mang Apolo sabay hiwa sa tiyan ngmanok. Nagulat siya nang wala siyang
makita kahit isang gintong itlog dito.

Namatay ang manok na nangingitlog ng ginto. Naghirap na muli ang pamilya ni


Mang Apolo. Magsisi man siya ay huli na ang lahat.
Si Pot-Pot Masipag

Umaga, araw ng Sabado. Binisita ni Lolo Senyong ang apong si Pot-Pot.


Nadatnan niya itong nagtatanim sa bakuran. Ang sipag naman ng apo ko. Ang aga aga
ay nagtatanim na. Natutuhan ko po ito sa paaralan. Mabuti po ito sa kapaligiran at sa
ating kalusugan. Sa paaralan nga po ay nagtanim kami ng mga puno. Kailangan po
natin ito dahil halos kalbo na ang ating kagubatan.

Tama ka, Apo! Kaya dapat nga tayong magtanim ng puno lalo na sa mga
kagubatan. Kung hindi, tuluyan na itong makakalbo sa taong 2035.

Kapag hindi natin iningatan ang kapaligiran, makararanas nanaman tayo ng


malalaking pagbaha. Nakita mo sa TV ang nangyari sa bansa nang dumating ang mga
bagyong Ondoy at Yolanda. Nalubog ang mga kabahayan sa taas ng baha.

Kaya nga po tumutulong ako sa pagtatanim kahit dito lang sa aming bakuran.

Mayroon akong mga punla ng mga punong manga, guyabano at abokado sa


bahay. Pagbalik ko ay itanim natin sa bakanteng lote ninyo sa likod.

Wow! Salamat po Lolo gustong-gusto ko po ang mga prutas na sinabi ninyo.


Bigla tuloy akong nagutom. Magmeryenda napo tayo.

Ang sipag talaga ng apo ko. Manang-mana sa lolo!


Ang Tsinelas ni Jose

Napakalinis ng lawa ng Laguna noon. Maraming nagingisda rito. “Isda! Ang

daming isda! Tiyo, ang linaw ng tubig. Kitang-kita ko rito ang mga isda!” Ito ang sabi ng

sabik na sabik na si Jose habang sila ay nangingisda sakay ng bangka. “Pepe, talagang

nakaaaliw tingnan ang mga isdang iba-iba ang laki. Pero, ipinaaalala ko sa iyo muli na

maupo ka nang maayos. Iwasan mong maging malikot. Gigiwang ang bangka at

mahuhulog tayo sa tubig,” paliwanag ng tiyo. Walang ano-ano ay biglang sumigaw si

Jose. “Ang tsinelas ko! Tiyo, nahulog po ang kanang tsinelas ko! Itinaas ko lamang po

ang aking paa. Nang ibaba ko na ito ay nasabit ang tsinelas sa gilid ng bangka. Naku,

baka magalit si inay! Palagi niyang sinasabi ang aking ingatan ang aking mga gamit,”

ang pag-aalala ni Jose.Pinilit kunin ng tiyo ni Jose ang nalaglag na tsinelas pero mabilis

itong dinala papalayo. “Hindi na natin kayang habulin ang tsinelas mo, Jose,” malungkot

na wika ng tiyo. Mabilis na inihagis ni Jose ang kabiyak na tsinelas.kasama itong

tinangay ng tubig papalayo. “Bakit mo ginawa iyon, Pepe?” nagtatakang tanong ng tiyo.

“Di ko na po magagamit ang nag-iisang tsinelas. Wala rin pong silbi sa makapupulot nito

ang kabiyak na tsinelas. Mas mabuti pong isama ko na rin ang naiwan sa akin para

magamit ang pares ng tsinelas. Sana, ang makapulot ng mga ito ay iyong batang

walang sapin sa paa,” ang mahabang paliwanag ni Jose.“Tunay na mabuti at matalino

ang aking pamangkin!” buong pagmamalaking sabi ng tiyo ni Jose. Habang pauwi ay

nagdarasal ang batang si Jose. “Sana ay maunawaan ni Ina yang dahilan kung bakit

nawala ang aking tsinelas.”


Ang Alamat ng Pinya

Sa Isang malayong kabukiran ay may nakatirang mag-ina. Sila ay sina Aling Rosa, ang
masipag at mabuting ina, at si Pinang, ang anak.

“Anak, sana’y matuto ka ng iba’t ibang gawain sa bahay.Mabuti sa batang tulad mo ang
matuto ng mga gawaing-bahay,” ang lagging paalala ng ina.

“Alam ko na kung paano gawin ang mga iyan, Inay,” ang lagi namang sagot ni Pinang.
Ang katotohanan ay wala siyang alam sa mga gawain.

Masakit sa loob ni Aling Rosa ang nakikitang katamaran ng anak.Siya lamang kasi ang
naglalaba,nagluluto,at naglilinis ng bahay.Mag-isa rin siyang nag-aasikaso ng kanilang
taniman ng gulay at prutas.Nagsimula nang manghina ang katawan ng ina dahil wala
siyang katulong sa pagtatrabaho.Nagkasakit siya at hindi niya nakayanang bumangon
para magluto.Inutusan niya ang anak.

“Pinang, magluto ka na nga,anak,” pakiusap ng ina.Nagdadabog na sumunod sa ina ang


tamad na si Pinang. Palibhasa’y hindi siya gumagawa sa bahay kaya lagi niyang
tinatanong ang ina kung saan makikita ang mga gamit sa bahay.

“Inang, nasaan ba ang sandok? Inang, nasaan ba ang kaldero? Inang, saan ba
nakalagay ang bigas natin?”

Dahil sa hirap na dala ng sakit at dahil na rin sa sama ng loob sa anak ay biglang na
sabi ng ina na: “Naku,Pinang! Sana’y magkaroon ka ng maraming mata para makita mo
ang lahat ng hinahanap mo!”

Gumaling si Aling Rosa pagkalipas ng ilang araw. “Pinang! Nasaan ka ba? Naapakagulo
at napakarumi ng buong bahay!”

Walang sumagot sa kanya. Nagtanong-tanong siya sa mga kapitbahay ngunit walang


nakapagturo sa kanya kung nasaan ang anak. Malungkot siyang umuwi ay napaupo sa
kanilang bakuran.Napag-isipan niyang pumunta sa kanilang taniman ng gulay.Maya-
maya ay bigla niyang nakita ang kakaibang halamang may matutulis na dahon sa gitna
ng taniman. Nagtaka siya. Wala siyang itinatanim na ganoong halaman.
Lumipas ang mga araw at tuluyan na niyang di nakita si Pinang. Habang si Aling Rosa
ay nasasabik sa anak ay inalagaan niya ang kakaibang halaman hanggang mamunga
ito.Ang bunga nito ay parang ulong napalilibutan ng tila mga mata.Kinabahan si Aling
Rosa. Naisip niyang bigla ang huling sinabi niya sa anak. Narinig siguro siya ng diwata
ng mga halaman.Tinawag niya ang prutas ng Pinang bilang pag-alala sa anak.Ang
“Pinang” ay naging Pinya sa pagdaan ng panahon.
Si Haring Leon at Si Haring Tigre

Tahimik ang pamayanan ni haring Leon. Nais niyang maging maunlad, masaya
at ligtas ang mga mamamayan. “Mga minamahal kong kababayan, paunlarin ninyo ang
inyong buhay. Kunin ninyo ang titulo ng lupang inyong sasakahin, mga pananim, at
gamit sa inyong pagsasaka,” wika ng hari. Maligaya ang lahat sa pamumuno ni Haring
Leon.

“Ang mga anak natin ay nakapag-aral. Mabuti at natututo sila upang umunlad
ang kanilang sarili. May mga ospital din para sa lahat. Gusto ni haring Leon na maging
malusog at marunong ang bawat isa sa kanilang kaharian. Alam niyang malaki ang
nagagawa ng malulusog at matatalinong mamamayan para sa palasyo.” Ito ang
mahabang kuwento ng lahat. “dapat tayong magbayad ng tamang buwis. Ginagamit ito
ng hari upang matulungan tayo,” ito ang dugtong ng isang hayop.

Naging bantog si Haring Leon sa iba’t ibang kaharian. May ibang pinunong
ginaya ang kanyang pamamahala para maging maunlad at maligaya ang kanilang
mamamayan.

Samantala ang kalapit na kahariang pinamumunuan ni Haring Tigre ay


nakararanasng kaguluhan dahil sa kahirapan, krimen, at iba pang problema. Patuloy na
lumala ang problema sa kaharian hanggang siya ay pinabababa na sa kanyang
pamumuno.

“Haring Tigre, kung hindi mo kayang ibigay ang pangunahing serbisyong aming
kailangan ay bumaba ka na sa iyong trono!” ang sigaw ng mga galit nag alit na mga
hayop.

Alam ng hari ang kanyang kakulangan. Gusto niyang mabago ito. “Kasalanan ko!
Hindi ko pinagbuti ang aking pamumuno. Pinabayaan ko rin ang pagiging maluho ng
aking asawa. Nais kong itama ang aking pagkakamali. Gusto kong may maiwang
magandang alalala sa isip ng aking mamamaya.” Ito ang hiling ni Haring Tigre sa sarili.

Nakipag-usap si HaringTigre kay Haring Leon. Napakarami niyang natutuhan sa


butihing hari tungkol sa mahusay na pamamahala ng kaharian. Nagpapalitan sila ng
kalakal para higit na umunlad ang kabuhayan ng kanilang mamamayan. Natupad ang
pangarap ni Haring Tigre para sa kanyang kaharian.

Parehong naging maunlad ang kaharian nina Haring Leon at Haring Tige. Naging
maligaya at payapa ang kanilang mamamayan sa kaharian. Kahit na noong sila ay
pumanaw na, naaalala pa rin ng lahat ang pamumuno ng dalawang mahusay na lider.
Patuloy silang pinasalamatan dahil sa mahusay nilang pamamahala.
Ang Krayolang Itim

Pagbusina ng sasakyan at tumakbo agad palabas si Garry para sumalubong sa


magulang. “Garry, heto na ang bagong krayola mo anak,” sabi ni Nanay sabay abot kay
Garry ng kahon ng krayola. “salamat po, ‘Nay, ‘Tay,” sabi ni Garry habang iniaabot ang
kahon mula kay Nanay at saka nagmamadaling pumasok sa sala at naupo sa kanyang
mesang sulatan.

Unang inilabas ni Garry ang kuay pula. Ginamit niya agad itong pangkulay sa
bulaklak na iginuhit niya. Tuwang-tuwa ang kulay pula. “Ako! Ako, ang unang ginamit ni
Garry! Ako ang pinakamaganda!” ang sigaw agad ni Pula sa kanyang mga kasamahang
kulay.

Nang matapos gamitin ang pula ay kinuha naman ni Garry ang berde.
Ipinangkulay niya ito sa iginuhit na mga dahon ng halaman gayundin sa mga damo sa
paligid. “Ako man ay nagamit na rin. Mahalagang kulay talaga ang bedeng tulad ko!”
Masayang sigaw ni Berde.

Tuwang-tuwa rin si Dilaw nang siya naman ang sumunod na gamitin ni Garry.
“Hindi talaga makokompleto ang anumang larawan kung hindi magagamit ang dilaw na
tulad ko. Paano na ang mundo kung hindi makukulayan ng dilaw ang araw, buwan, at
mga bituin?” Ang tila nagmamagaling niya pang sabi sa mga kasamahan.

Isa-isang ginamit ni Garry ang iba pangkulay sa kahon tulad ng kulay tsokolate
para sa mga puno, kahel para sa papalubog na araw, at lila para sa magagandang
bulaklak ng orkidyas. Nakompleto ng mga kulay ang larawan ng isang magandang
hardin. Masayang-masaya ang mga kulay dahil nagamit sila. Isang kulay lang ang ni
hindi man lang nailabas sa kahon. Ito ay si itim.

Malungkot na malungkot sa itim. Hindi siya halos makatingin sa mga kulay nang
isa-isang ibalik ni Garry sa loob ng kahon ang mga ito. “May isang kulay riyan, hindi man
lang nagamit,” parinig ni Pula. Alam ng ibang kulay kung sino ang tinutukoy ni Pula
kaya’t nagtawanan silang lahat.

Kinabukasan ay muling itinuloy ni Garry ang pagkukulay sa kanyang guhit at


tulad nang dati ay hindi man lang nailabas si Itim. “Mahirap talagang magkaroon ng
pangit na kulay. Hindi tuloy magamit-gamit,” parinig na naman ni Pula nang maibalik sila
sa loob ng kahon. Mas malakas ang naging tawanan ng iba pang krayolang nakarinig
kay Pula. Ni isa’y walang nagtanggol kay Itim.

Araw-araw ay ganoon ang eksena. Tahimik lang si itim kapag ibinablik na ang
mga kulay sa kahon at nagsimula na namang magparinig sa kanya ang mga ito.

Ang tanong na “Kailan kaya ako magagamit ni Garry?” ay hindi man lang
naisantinig ni Itim. Alam niya kasi na lalo lang pagtatawanan ng mga kasamahan kapag
nagtanong siya.

Isang araw ay masayang-masayang nagkuwentuhan ang mga kulay pagbalik


nila sa loob ng kahon. “Bukas ay isang mahalagang araw,” sabi ni Pula. “Maghanda
kayo, mga kasama. Sasali si Garry sa isang “On-the-Spot Drawing Contest.” Tiyak na
magagamit niya tayo sa iguguhit niya, maliban sa isa riyan,” ang parinig na naman nito
kay itim na noon ay tahimik na tahimik sa pinakadulong bahagi ng kahon.

Kinabukasan nga ay dumalo si Garry sa pagtitipon ng mga batang mahuhusay


sa pagguhit. Pagkatapos ng maikling pagbibigay panuto ay nagsimula na ang mga
batang kalahok. Kanya-kanya silang puwesto kasama ang mga gamit nila sa pagguhit.
“Handang-handa ang mga kulay sa kahon para magamit ni Garry ngunit wala kahit isa
sa kanila ang kinuha. Sa halip ay si Itim lang ang inilabas ni Garry. Hintay nang hintay
ang ibang kulay na gamitin din sila subalit hanggang sa matapos ang itinakdang oras ay
tanging si Itim lang ang ginamit ni Garry.

Noong una’y hindi maintindihan ni Itim ang iginuguhit ni Garry ngunit nang
matapos ito’y tahimik siyang napaluha. Ginamit siya ni Garry sa isang napaka-espesyal
na obra. Iginuhit niya ang interpretasyon sa mukha ng Panginoon gamit lamang ang itim
na kulay sa isang puting papel. Si Itim ay naging bahagi ng pinakamagandang guhit sa
lahat!

Nang isabit ang mga guhit ng mga kalahok ay agad pinapurihan ang guhit ni
Garry. “Napakaganda ng pagkaguhit nito. Tama ang paggamit niya ng itim na kulay para
lumutang nang husto ang ganda ng larawan,” ang humahangang sabi ng mag tao.

“Ganito pala ang pakiramdam kapag nagagamit ang isang krayola. Masarap
maging bahagi ng isang dakilang sining,” ang sabi ni itim sa sarili.

Tulad ng inaasahan, nanalo si Garry sa kontes na iyon. Subalit higit pa sa


premyo o medalya, masaya siya dahil natuto ng mahalagang aral ang mga kulay; hindi
sila dapat manghusga base lamang sa kulay, anyo, o kalagayan ng isang nilalang.
Ang Matanda sa Dyip

Mahilig magkuwento ang nanay ko pero ang pinakapaborito ko ay ang kuwento


niyang nangyari noong ipinagbubuntis pa lang niya ako. Pauwi na raw siya noon galing
sa trabaho. Nakapila siya sa sakayan ng dyip. Mahaba ang pila at dahil nga buntis ay
ramdam na niya ang pananakit ng kanyang mga paa at binti.

Kakaunting dyip lang ang dumarating kaya medyo matagal ang paghiihintay ng
mga pasahero sa pila. Nagtiyaga lang si Nanay at hindi nagtagal ay malapit na rin siya
sa dulo ng pila. Pero may napansin siya. Ang pangalawa sa unahan niya ay sumakay
pero bumaba rin agad. Sumunod namang umakyat ang kasunod niya pero tulad ng
nauna’y nagmamadali rin itong bumaba.

Nanay ko na ang susunod. Kahit hindi niya alam kung ano ang iniiwasan ng mga
naunang taong sumakay ay umakyat pa rin siya sa dyip. Iisa na lang pala ang natitirang
lugar sa loob at ito’y malapit sa dulo, sa tabi ng isang matandang babaeng maraming
galis sa katawan. Nakatingin daw ang ibang tao sa nanay ko at tila ba naghihintay na
tulad ng dalawang naunang pasahero ay bumaba rin agad-agad.

Subalit hindi ang nanay ko. “Lola, patabi po, ha,” ang sabi niya sa matanda
sabay upo sa tabi ng matandang galisin. Nagkatinginan daw ang iba pang pasahero.
Hindi nila akalaing tatabi ang nanay ko sa matandang pinandirihan ng mga pasaherong
naunang sumakay.

Naiyak ang matanda sa ginawa ng nanay ko. “Salamat, anak, at hindi ka nandiri
sa akin. Huwag kang mag-alala, eczema ang sakit ko at hindi ito nakahahawa,” ang sabi
niya kay nanay. Napangiti lang si nanay.

“Nay, bakit po hindi kayo nandiri sa matanda?” tanong ko kay nanay noong una
kong narinig ang kuwentong ito mula sa kanya. “Tao rin siya anak. At hindi naman niya
gustong magkaroon ng ganoong uri ng sakit hindi ba? Masakit at mahapdi ang mga
sagot niya pero mas masakit na pinandidirihan siya ng iba,” paliwanag ni Nanay.

Karaniwang tao lang si Nanay pero bayani siya para sa akin. Paano ba nama’y
champion ang nanany ko ng mga naaapi! Nag-uuwi siya ng mga kuting na nawawalay
sa ina. Sinasaway niya ang mga batang nanunukso sa kapwa nila bata. Pinagsasabihan
niya ang mga taong nang-aapi sa kapwa. Iyan ang Nanay ko! Idol talaga! Inspirasyon ko
ang mga kabutihang ginawa niya. Ngayon hanggang sa paglaki ko, ang magagandangn
kuwento ng kanyang mumunting kabayaniha’y pipilitin ko ring tularan.

.
Nanaginip Si Isko

“Isko! Tingnan mo ang loob ng iyong silid! Napakakalat. Magligpit ka nga muna
rito, bago ka maglaro,” ang tawag ni Aling Leni sa anak. Bubulong-bulong si Isko
pagpasok sa kanyang silid. Pinulot niya ang mga kalat sa kanyang silid at saka pumunta
sa likod-bahay, sa may tabi ng kanal. Luminga-linga muna siya at nang matiyak na hindi
siya nakikita ng ina at itinapon niyang lahat ang mga basurang dala sa kanal. “Aanurin
naman ng mga tubig ang mga ito,” sabi niya sa sarili.

Tatlo ang anak ni Aling Leni at si Isko lamang ang lalaki. Labis na nalulungkot
ang ina dahil ang kanyang anak na lalaki ay lumalaking tamad, makalat, at walang
disiplina. Kalat dito, kalat doon. Pati mga pinagbalatan ng kendi at kung ano-anong
basura at plastik ay itinatapon din niya kung saan-saan.

Tamad din si Isko. Wala siyang nagagawa para makatulong sa pamilya.


Katunayan, pagkatapos niyang maitapon ang mga basura sa kanal ay naupo na naman
siya sa harap ng telebisyon at ipinagpatuloy ang panonood habang ang ate niyang si
Maya at ang bunso nilang si Tina ay nagluluto sa kusina.

Hanggang sa makatulog siya. Paggising niya ay hindi siya makapaniwala sa


nakita. “Nanay, baha, pinasok ng baha ang ating bahay! At ang dami-daming basurang
lumulutang! Nanay, Nanay!” ang sigaw ni Isko. Pero walang sumasagot sa kanyang mga
pagtawag.

Nanay! Nanay! Ang bilis ng pagtaas ng baha,” sigaw uli ni Isko. Tumuntong na
siya sa ibabw ng sofa pero sandali lang at heto na ang hanggang hitang tubig baha.
Patuloy pa rin sa pagtaas ang tubig. Sa maruming tubig baha ay lumulutang-lutang din
ang iba’t-ibang basura. Nakita pa nga niya ang mga basurang katatapon lang niya
kanina.

Umiyak na sa takot si Isko. “Nanay, Nanay, tulungan n’yo po ako,” ang kanyang
sigaw. “Isko, Isko, gising, nanaginip ka,” ang sabi ni Nanay,

Pagmulat ni Isko ay nakita niya ang nakabukas na telebisyon. Walang baha,


wala ring mga basura. “Panaginip lang pala, salamat sa Diyos,” ang naibulong niya sa
sarili.

Tumakbo si Isko papunta sa likod-bahay. “O saan ka pupunta, anak?” ang


tanong ni Inay.

“Dito lang po sa likod, Inay. May kukunin lang po ako,” sagot ni Isko.

Nakita ni Isko ang mga basurang kani-kanina lang ay itinapon niya sa kanal.
Hindi inanod ang mga basurang ito kundi ngayon ay nakabara na sa isang bahagi ng
kanal. Nagsisimula nang tumaas ang tubig dahil ang kanal ay nabarahan ng mga
basurang itinapon niya. Kung uulan nang malakas ay tiyak na pagmumulan ito ng baha.
Dali-daling sinungkit ni Isko ang mga basura at inilagay sa tamang basurahan.
Magmula noon ay ibang Isko na ang nakita ng Nanay. Naging masipag na si
Isko. Sa halip na maging makalat ay masinop na niyang pinaghihiwalay ang mga
basura. Sama-sama ang mga nabubulok at di nabubulok. At may nadiskubre pa siya.
Nang ipagbili niya ang mga naipong bote, diyaryo, at plastik ay nagkaroon pa siya ng
perang dagdag sa kanyang baon. Salamat sa isang panaginip!
Si Langgam, Si Tipaklong,

At Isang Naiibang Wakas

Tag-init, katatapos ng ng anihan sa bukid. Makikita si Langgam na abalang-abala


sa paghakot ng mga nalaglag na butil ng palay para dalhin sa kanyang tahanan. Mula
umaga hanggang hapon ay makikita ang masipag na langgam sa kanyang gawain.

“Kaibigang Langgam, masyado ka naming masipag. Halika, magsayaw muna


tayo at magsaya! LA, la, la,” tawag ni Tipaklong kay Langgam abang ito’y patalon-talon
at pasayaw-sayaw.

Tumingin si Langgam kay Tipaklong. Parang kay sarap ngang maglaro at


sumayaw sa ilalim ng bughaw na langit at maliwanag na araw. Subalit naalala niya ang
pamilyang maaaring magutom sa darating na tag-ulan kung hindi siya maghahakot ng
pagkain ngayong tag-araw.

“Sige na, Tipaklong. Hindi ako maaaring maglaro at sumayaw ngayon dahil
kailangan kong maghanda para sa pagdating ng tag-ulan. May pamilya kasi akong
maaaring magutom,” sagot ni Langgam.

“Matagal pa naman ang tag-init. Marami pang araw para riyan. Magsaya tayo.
La, la,la,la,la,” pakanta-kanta at pasayaw-sayaw na sabi ni Tipaklong.

Subalit ang tag-init ay hindi pala kasinghaba ng inaakala ni Tipaklong.


Nagsimulang pumatak ang ulan at ang mga pagkaing nagkalat ay unti-unting inanod ng
tubig. Walang naiwan sa bukid kundi putik at mga damong nagsisimulang sumibol dahil
sa pag-ulan.

Isang araw nang hindi na matiis ni Tipaklong ang ginaw at gutom na


nararamdaman ay naglakas-loob siyang kumatok sa pintuan ni Langgam upang humingi
ng tulong. “Kaibigang Langgam, patuluyin mo sana ako,” nagmamakaawang tawag ni
Tipaklong.

Binuksan ni Langgam ang pinto at nakita niya ang payat na payat at nanginginig
sa Tipaklong. “Ano ang kailangan mo, Tipaklong?” tanong nito.

“Langgam, maawa ka sa akin. Tatlong araw na akong hindi kumakain. Kung


hindi pa ako makakain ngayon ay mamamatay na ako,” pagmamakaawa ni Tipaklong.

“Noong panahong maraming pagkain sa bukid ay wala kang ginawa kundi


sumayaw, umawit, at magsaya. Ngayon at wala ka nang makain hihingi ka ng tulong.
Pasensiya na, Tipaklong. Ang inipon kong pagkain ay sapat lamang para sa aking
pamilya.” At isinara na ni Langgam ang pinto. Ngunit biglang naalala niya ang sinabi ni
Tipaklong na tatlong araw na itong hindi kumakain. “Ano kaya kung bigyan ko siya ng
pagkakataon? Kung tutuosin, parang may pagkukulang din ako bilang isang kaibigan
dahil hindi ko siya kinumbinsing mag-ipon noon,” bulong niya sa sarili.
Agad niyang binuksan ang pinto ngunit nagulat siya nang makita si Tipaklong na
nakahandusay sa tabi ng pinto at nanginginig sa tindi ng lamig at gutom. “Tipaklong,
Tipaklong, halika, pumasok ka,” sabi niya habang inaalalayan papasok ang kaibigan.
Binigyan niya ito ng mainit na kape at pagkain.

Nang makakain ay nahihiyang nagpasalamat si Tipaklong. “Salamat, Langgam.


At pasensiya ka na ha. Nagkamali ako pero pangako, magbabago na ako,” mahinang
sabi ni Tipaklong.

“Tamang-tama ang dating mo, Tipaklong. Marami akong tanggap na gawain sa


aking patahian ngayon. Kung gusto mo, tumulong ka sa akin kapalit ng pagkain at
pansamantalang pagtira mo rito,” alok ni Langgam.

Hindi makapaniwala si Tipaklong sa narinig,” Langgam, napakabuti mong


kaibigan. Hinding-hindi ko sisirain ang pagkakataong ibinigay mo sa akin,” naluluhang
sabi ni Tipaklong. “Iniligtas mo ang buhay ko,” dugtong pa niya.

Simula nga noon ay ibang tipaklong na ang nakikita tuwing tag-init. Sumasayaw
at umaawit pa rin sapagkat likas siyang masayahin subalit hindi na niya nakalilimutang
mag-ipon ng sapat na pagkain para sa tag-ulan. Salamat sa pagkakataong ibinigay ng
kaibigan niyang si Langgam.
Si Putol Ang Bayaning Tupa

Sabik na si Aling Bertang inahin dahil ilang araw nalang at manganganak na


siya. Malaki na ang kanyang tiyan at lahgi niyng nararamdaman an g paglilikot ng
kanyang mga tupa.

“Sana po’y maging malulusog ang mga anak ko,” ang lagi niyang dasal.
Inaalagaang mabuti ni Aling Berta ang kanyang sarili para maging malulusog ang
kanyang mga magiging tupa.

Isang araw nga ay dumating ang araw na pinakahihintay ni Aling Berta. Isinilang
niya ang kanyang limang tupa nakatutuwa ang mumunting tupa. Mabilis silang lumalaki,
maliban sa isa…

“Putol! Putol! Ha-ha-ha! Ang liit-liit ni Putol” tukso ng mga kapatid sa pinakamaliit
na tupa. Bukod sa maliit ay putol ang isang binti nito sa likuran kaya’t paika-ika kung
lumakad.

“Tigilan niyo ang panunukso sa kapatid ninyo!” pagalit na sabi ni Aling Berta sa
ibang tupa. Ayaw niyang tinutukso ang pinakamaliit na tupa na binansagang Putol.

“Hayaan n’yo na po sila, Inay. Okay lang po kahit tuksuhin nila ako dahil alam
kong mahal na mahal niyo naman ako, sabi ni Putol.

Kahit may kapansanan ay lumaking mabait na tupa si Putol. Masayahin at


masunurin nito sa ina. Kapag nalulungkot siya dahil sa panunukso sa kanya ng iba ay
lagi nalang niyang iniisip ang sinabi ng ina. “Bawat nilalang, anuman ang kalagayan ay
handog ng Diyos at may natatanging papel na gagampanan.”

Isang hatinggabi nga, habang ang lahat ay mahimbing na, tahimik na nakapasok
sa kulungan ng mga hayop ang kinatatakutang lobo. Agad nitong dinakma ang pinaka
malusog na tupa na natutulog sa tabi ng pintuan. Nagising ang iba pang hayop dahil sa
pag-iyak ng tupa ngunit wala silang magawa dahil malaki ang lobo at matutulis ang mga
ngipin nitong kumikislap sa liwanag ng buwan. Walang paglakas-loob kumilos para
sagipin ang tupa.

Si Putol ay nag-iisip. Alam niyang nanganganib ang buhay nilang lahat kung
hindi siya kikilos. Dahil sa liit niya’y hindi napansin ang mabilis at paika-ika niyang
pagtalilis papunta sa bahay ng amo. Binundol-bundol nito ang pinto subalit hindi
magising ang amo. Napansin niya ang maliit na butas sa tabi ng pinto at dito isiniksik
ang kanyang katawan.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay tinakbo ni Putol ang kama ng amo at kinagat


ang kumot. Nagising ang amo nila.

“Putol, anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ng amo. Tumakbong


palabas si Putol kasunod ng amo. Mabilis na narating ng dalawa ang tirahan ng mga
hayop. Kitang-kita ng lahat ang biglang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Putol kasunod
ang kanilang amo.
Nabigla ang lobo sa hindi inaasahang pagdating ng tao. Binitiwan nito ang kagat-
kagat na tupa at nagtatakbong palabas ng bakuran. Hinabol ito ng amo at ng iba pang
hayop subalit mabilis na nakapagtago sa dilim ng gabi.

Ikinandado ng amo ang malaking pintuang bakal upang di na muling makapasok


ang lobo. Sa loob ng silungan ng mga hayop ay iba naman ang eksena. Hiyang-hiya
ang ibang hayop na madalas manukso kay Putol.

“Sori, Putol, sa mga ginawa namin sa iyo. Salamat sa iyo. Kung hindi ka humingi
ng tulong, patay na siguro ako ngayon,” sabi ni Sosimong Tupa habang ikiniskis ang
leeg na sinakmal ng lobo.

“Oo nga, Putol, sori. Isang mahaalagang aral ang natutuhan namin sa gabing ito.
Simula ngayon ay hindi ka na namin tutuksuhin,” sabay-sabay na sabi ng iba pang
hayop.

“Ginawa ko lang ang dapat. Salamat din at nalaman ninyo ang inyong
pagkakamali. Sana, huwag na kayong manlalait sa sinumang naiiba sa inyo. Lagi sana
ninyong tatandaan na ang bawat nilalang ng Diyos, ano man ang itsura nito, ay may
halaga,” sagot
Talatanungan

Pangalan: _________________________________________

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong na mula sa kwentong


binasa.

1. Sino sa mga tauhan sa kwento na nakikita mo ang iyong sarili?


Anong katangian nito ang maihahalintulad mo sa iyong sarili?

_________________________________________________

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

2. Ano ano ang mga pangyayari sa kwento na nakikita o nangyayari


sa iyong tahanan o pamilya?

_________________________________________________

_________________________________________________
_________________________________________________

3. Ano ano ang mga pangyayari sa kwento na nakikita mo sa iyong


lugar o lipunan? Paano ka makakatulong sa iyong lipunan?

_________________________________________________

_________________________________________________
_________________________________________________
_______________________________________________
Liham Pahintulot
Dokumentaryo
Pangangalap ng Datos

Mga bata sa ikatlong baitang na nagsusulat ng kanilang repleksyon.


Plagiarism Scan
Datos ng Mananaliksik

Pangalan: Rhea Jean T. Dela Cruz

Palayaw: Yang Yang

Tirahan: Prk. Bagong Silang Balangasan District Pagadian City

Petsa ng kapanganakan: February 1, 1995

Lugar ng kapanganakan: Pagadian City

Mga Magulang: Raquel T. Dela Cruz

Pableo T. Dela Cruz

Pinag-aralan

Elementarya: Balangasan Elementary School

Pagadian, Zamboanga del Sur

Sekondarya: Holy Child Academy

Pagadian, Zamboanga del Sur

Kolehiyo: Saint Columban College

Pagadian, Zamboanga del Sur

Natapos: BEED- General Education

M.A: Masters of Arts in Education Major in Filipino

Taon: 2018

Pamagat ng Tesis: Repleksyon Ng Mga Mag-Aaral Sa Sarili, Pamilya at


Lipunang Pilipino Sa Piling Kwentong Pambata

Mga Karanasan sa Pagtuturo:

Taon Designation Paaralan at Lugar

June 2016 Elemetary Teacher Pagadian Golden School


Learning Center, Pagadian
City, Zamboanga del Sur

You might also like