You are on page 1of 17

TEORYANG FORMALISTIKO

O FORMALISMO
Panimula
Ang Pilipinas ay isang bansang
mayaman sa kultura. Marami ang
nakakaimpluwensya sa kultura ng bansang
ito. Isa na dito ay ang katotohanang ito ay
nasakop ng iba’t ibang bansa sa mga
nagdaang panahon. Resulta nito, ang
kultura ng Pilipinas ay kombinasyon na ng
sariling kultura nito at ng mga kultura ng
ibang bansa, lalo na sa mga bansang malapit
dito.
Isa sa mga kulturang popular na umiiral
ngayon sa mga kabataan ay ang spoken
poetry. Ito ay sumikat sa pamamagitan ng
pagpapakalat nito sa mga social media
networking sites. Kadalasang itong
tinatangkilik ng mga kabataan dahil na rin sa
mga paksang napapaloob sa mga tulang ito.
Paglalahad ng Suliranin
1. Ano-anong teoryang pampanitikan ang
nangingibabaw sa mga orihinal na spoken poetry na
isinulat ng mga piling mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng
Bugo?
2. Ano-anong mga kulturang Pilipino ang
nakapaloob sa mga orihinal na spoken poetry na isinulat
ng mga piling mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Bugo?
3. Ano-ano ang temang nakapaloob sa mga
orihinal na spoken poetry na isinulat ng mga piling mag-
aaral sa Mataas na Paaralan ng Bugo?
Iskima Spoken Poetry

 Teoryang Pampanitikan
 Kulturang Pilipino
 Tema

Pagpapaunlad at
Pagpapayaman ng Kultiurang
Popular
Ginamit ng mananaliksik ang pasturing
pangnilalaman o content analysis sa
mensaheng nais ipahatid ng manunulat, sa
mga teoryang pampanitikan na angkop sa
mga kathang spoken poetry.
Kinalalagyan ng Pag-aaral
Ang mga manunulat ng orihinal na katha ng
spoken poetry ay pawang mga mag-aaral sa Grade
11 ng Mataas na Paaralan ng Bugo, taong
panuruan 2019-2020. Ang Mataas na Paaralan ng
Bugo ay matatagpuan sa Lungsod ng Cagayan de
Oro. Ito ang pinakahuling baranggay ng lungsod
ng Cagayan de Oro na maituturing din na isa sa
mga malalaking baranggay. Gaya ng Mataas na
Paaralan ng Bugo na isa rin saw along
pinakamalaking paaralan sa Dibisyon ng Lungsod
ng Cagayan de Oro.
Ang Teoryang Formalistiko o
Formalismo ay isinilang noong 1910
at yumabong noong dekada 50 at
60, ang teoryang ito ay may
pananaw na ang akda o teksto ay
dapat suriin at pahalagahan kung
ibig talagang masukat ang
kagandahan ng akda.
Layunin ng pagsusuring Formalistiko o
Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo
ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
Naging tanyag ang pananaw na ito sa
panunuring pampanitikan dahil na rin sa
dami ng mga pagsusuring ginamitan ng
ganitong pananaw.
Ang tunguhin ng pananaw na ito ay
matukoy ang sumusunod:
 Nilalaman
 Kaanyuan o kayarian
 Paraan ng pagkakasulat ng akda
Sa pananaw na ito ay hindi lamang
mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang
pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng
akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula
patungo sa iba’t ibang elementong
magkakaugnay hanggang sa katapusan.
Dapat makita kung may ironi o paradoks o
may kalabuan o may iba pang elemento sa
akda.
Binibigyang atensiyon din ang salita o
vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang
pampanitikan sa pang araw-araw na salita.
Itinuturing itong makabago at tuwirang
pagtalikod kundi man pagwawalang-bahala
sa mga naunang uri ng pamamaraan sa
kritisismo.
Ang kahalagahan ng kritisismong ito ay
nasusukat sa dami ng tanyag ng mga
tagapagtaguyod nito, at sa mga napabantog
na mga magasing naglalahad ng mga
sulating ayon sa kritisismong pormalistik.
Spoken Poetry
Mahal, Paalam!
Mahal, naaalala mo pa ba, nung tayo pa?
Nagsimula sa magkaibigan at nauwi sa
magkaibigan.
Araw-araw puno ng ngiti ang mukha
Pero ba’t ganun? Ngayon puro luha nalang
ang nakikita?
“Ayoko na”, pitong letrang punong puno ng
sakit nang sinabi mo yan
Ba’t Ganun? Akala ko ba parati ka anag
nandiyan?
Akala ko ba parati mo akong dadamayan?
Hanggang salita ka lang pala, nangako ka pa.
Mahal, masaya ka na ba sa kanya? Ayaw mo
na ba talaga sa akin
at mahal mo na ba siya?
Ba’t nagawa mo akong ipagpalit, ba’t sa
kaibigan ko pa?
Ano ba ang wala sa akin na meron sa kanya?
Dahil ba mas maganda siya?
O dahil ginamit mo lang ako para mapalapit
sa kanya?
Mahal, kung mababasa mo man itong tulang
ito,
Sana matatandaan mo lahat ng
pinangako mo.
Sana maaalala mo lahat ng masasayang
alaala natin bago ka nagloko.
Dahil hindi matutumbasan ng isang sorry
ang sakit na naidulot mo sa mga pangako
mong napapako.

You might also like