You are on page 1of 3

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Imahismo (Imagery) Ang malikhaing panitikan ay may layuning maghatid ng


kaalaman, tuminag, humimok at humikayat sa mga mambabasa. Gumagamit
ito ng larawang diwa at mgasagisag, nagpapasidhi ng mga damdaming
bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pag-ibig, paghihiganti,
pagpapatawad atbp. Sa panitikang malikhain ay binibigyan tayo ng isang
pangitaing lalong dakila, dagdag na karunungan at ginigising tayo sa laong
malalim na pag-iisip.
Romantesismo Sentimentalismo at ideyalismo ang pinaiiral. Pinahahalagahan
ang damdamin kaysa sa mga ideyang siyentipiko. Ipinababatid ng tao
ang katotohanan, kabutihan at kagandahan. Narito ang ilang katangian ng
akdang romantiko; a.) ang pagiging subhektibo ng manunulat o
indibidwalismo sa estilo. b.) Matindi ang paniniwala sa Diyos. c.) Ang pag-ibig
sa kalikasan na pagkakilanlan ng Maykapal, ang taong malapit sa Diyos ay
malapit sa kalikasan.
Humanismo Naniniwala ang teoryang ito na ang Diyos sy mabuti kaya ang
taong nilikha nito ay mabuti rin. Nagpapahalaga ang teoryang ito sa
kalikasan ng tao at ng kanyang pagtataglay ng kwalidad. Nagbibigay ng
pangunahing halaga sa tao na siyang sentro ng daidig, ang sukatan ng
bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang tao at ang kanyang mga
saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa dito. Pinahahalagan
ang kalayaan at isipan ang ganap na kakayahan ng mga tao at kalikasan.
Klasismo Paggamit ng estilo o aestetikong prisipyo ng mga Griyego ao
Romanong klasikong sining at literatura. Ipinapakita ang sangkap
na intelektwal at senswal na sining. Nangingibabaw ang matuwid o katwiran.
Matipid ito sa paggamit ng mga salita kaya sa pagpapahayag ng damdamin
ay maingat sapagkat pinaniniwalaan na hindi marangal ang labis na
pagkaemosyunal. Sa pananaw at panlasang aristokratiko ng klasismo,
ipinapalayag na ang tanyag at dakilang mga pangyayaring pangkasaysayan
na kinasasangkutan ng mga bayani at bantog na tauhan lamang ang
nararapat na paksain ng literatura.
Realismo Mas maganda ang katotohanan kaysa kagadahan. Hangad nito ang
makatotohanang paglalahad at paglalarawan. Pinatutunayan ng teoryang ito
na ang pagbabago ay walang hangganan. Optimisko ang pananalig na ang
tao ay lalaya sa pagkalugmok sa mga suliranin.
Pormalistiko/ Formalismo Ito ay naayon sa porma o kaanyuan ng isang akda
na may kasiningan. Ang porma ay kadalasang binubuo ng imahe, sukat,
tugma atbp. Dapat magkaugnay ang mga elemento ng isang akda upang ito

ay maging mahusay. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,


kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkasulat ng akda.
Naturalismo Masinop na paghanap ng kaugnayan ng kapaligiran sa
kasiningan ng akda. Binibigyang pansin sa teoryang ito ang mga saloobin,
damdamin, kilos at gawi ng karalitaan.Nilalayon ding alamin ng teoryang ito
ang mahahalagang detalye na may kinalaman sa siklo ng pangyayari sa
karakter, ang pakikipagsapalaran upang mabuhay at ang kaugnayan ng
kapaligiran sa pakikipagsapalaran.
Dekonstruksyon Pagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Realidad o
Pilosopiya ang pinaguukulan ng pansin. Isang tinitingnan ay ang lumulutang
na kamalayan sa loob ng isang akda. Ito dapat ang maging gabay. Ang
kamalayan ng sumulat ay iba sa kamalayan ng mga mambabasa sapagkat
habang sinusulat ang teksto ang kamalayan nito ay nasa manunulat, ngunit
kapag nasa kamay ng ng mambabasa ang akda, ang kahulugan nito ay nasa
kanila na. Ang pinakamahalagang punto ay ang pagkakaroon ng teorya ng
realidad ngunit may sinusunod na pagsusuri. Ang pananaw mo ay iba sa
pananaw ng iba. Ang mga salita ay may ibat-ibanglayer ng kahulugan.
Eksistensyalismo Malaya ang tao, walang maaring umako sa buhay ng may
buhay, wala siyang kinalaman sa kanyang pagkasilang. Nasa tao ang
desisyon kung papaano nya gugugulin ang kanyang buhay, indibidwal ang
tao, lahat ay magkakaiba.Walang makakapagsabi kung ano ang tama o mali.
Walang ibang kasangkot sa buhay niya kundi ang kanyang sarili. Ang
pinakakaibang katangian ng sangkatauhan ay ang kakayahan nitong pumili.
Bayograpikal Ang isang akda ay sinusuri bilang repleksyon ng buhay ng mayakda. Ang pag-aaral ng talambuhay ng may-akda ay nakakapagpadali sa
pag-unawa sa kanyang akda.
Feminismo Sa pananaw na ito ang mga manunulat na babae o panig sa mga
babae at ang kakayahan ng mga babae bilang tao ang binibigyang pansin.
Markismo Sa pagdulog na ito ay mahalagang bigyang pansin ang mga
bahaging nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina, gayundin ang
kung papaano nagapi ng mahina ang malakas.
Sosyolohismo Pagsusuri ng akda batay sa kalagayang panlipunan at mga
katauhang nagingibabaw sa isang lipunan. Sa paggamit ng teoryang ito
ay nararapat na suriin ang akda batay sa lipunang pinagmulan nito at hindi
sa lipunan ng sumusuri sa akda.
Arketaypal Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa isang akda sapagkat
isinasa-alang-alang dito ang pagbibigay kahulugan sa mga simbolismo ng
akda. Ang pananaw na ito ay pagtingin sa panitikan na nakasalig ng malaki

sa buong kultura, kaalamang sikolohikal, kasaysayan, antropolohiya, moral


at pilosopiya.
Sikolohismo naginging mabisa kapag ang isang tauhan ay nakikipagtunggali
sa kanyang sarili. Tinitingnan dito kung ang aksyon ng tauhan ay itinutulak
ng kanyang natatagong kamalayan(Subconscious mind)
Queer Kung may feminismo na nagbibigay pansin sa kababaihan, ang
teoryang ito naman ay nagbibigay pansin sa homosekswalidad.
Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng
tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay
ng tao at ng mundo. Kultural Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang
kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda
ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod
na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda
ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na
rin sa kaantasan nito.

You might also like