You are on page 1of 2

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

glory ann molina Filipino 2

Ano ba ang pagbasa?

Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang


pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang
nakapaloob dito. Narito ang ilan:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa


mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor
sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang ibat ibang kasanayan
ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal
sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa
kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may
malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at
panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina
o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa,
pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at


pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto.
Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na itoy isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan
gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor.
Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong
nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang
nakatutulong sa pag-unawa.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o
ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang
binabasa natin ay maaaring isulat at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng
mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan
sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.

Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga


kabatiran ukol sa ibat ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan
ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang
mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang
pagbabasa mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga
karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas
malalalim na ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng
kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na
proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang


pangangailangang pangkabatiran sa ibat ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba
pa. Higit sa lahat, mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong
panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon

You might also like