You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I.LAYUNIN
Naisasagawa ang isang panayam o interbyu kaugnay ng paksang tinalakay.

Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo ng editorial na naghihikayat.

II. PAKSA
Wika: Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat/ Pagpapatunay Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari

Pagtatala ng Liban

Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (SCORE MO, SHOW MO)
May mga ipanonood ang guro na mga balita tungkol sa mga isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa.
Pagkatapos ay iiskoran ng mga mag-aaral ang balitang ito batay sa kung paano sila nahikayat.
PALASYO, TINIYAK ANG PATULOY NA PAGHATID NG PROGRAMA
LABAN SA KAHIRAPAN Aug. 6, 2014
https://www.youtube.com/watch?v=Jl5L15-PwoY
SIKAP AT TIYAGA, AT MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN
KAAKIBAT UPANG MAIAHON SA KAHIRAPAN ANG MGA PILIPINO
https://www.youtube.com/watch?v=Stz4T74Wmn0
Gabay na Tanong:
a. Nahikayat ba kayo ng inyong mga napanood? Bakit?
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.
2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin
Ano ano ang mga pahayag na ginagamit sa panghihikayat?
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Magpapanood ang guro ng isang documentary tungkol sa kalagayan ng politika sa Pilipinas.
Ano ano ang mga pahayag na ginagamit sa panghihikayat?
KORUPSYON: NOON AT NGAYON
https://www.youtube.com/watch?v=pXexw41MOio

ANALISIS
1. Ano ang pangkalahatang paksang tinatalakay ng inyong napanood?
2. Ibigay ang layunin ng documentary. Ano ang naging bisa nito sa inyong damdamin at kaisipan.
3. Pamilyar ba kayo sa isang editorial na babasahin? Ilarawan ito bilang isang akdang di-katha.
Papaano ito naiiba sa ibang babasahin?
4. Ibigay ang kaugnayan ng editorial sa inyong napanood.
5. Paano ang tamang paraan ng panghihikayat?
Pagbibigay ng Input ng Guro09
DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)
KATUTURAN NG EDITORIAL
Isang mapanuring pananaw o kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan nila ukol sa isang napapanahong isyu.
Bahagi ng Editorial
1. Panimula- binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin
2. Katawan- ipinahahayag ang opinyon ng patnugot.
3. Wakas- ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang nais ikintal
ng editorial.

Uri ng Editorial
1. Nagpapabatid- ipinaliliwanag ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita.
2. Nagpapakahulugan- binibigyang kahulugan ang isang pangyayari.
3. Namumuna- isang hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa isang mainit na isyu.
4. Nanghihikayat- mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa
5. Nagpaparangal- nag-uukol ng papuri o karangalan.
6. Nanlilibang- nakakawili ang paksa.
Mga pahayag na ginagamit sa Panghihikayat

Totoo/ tama, Tunay, Sama na, Ngayon na!, Tumpak, Kitang kita mong

Naniniwala akong, Kaya mong maging bahagi ng, Kaya natin ito, Siguradong, talaga

APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAG-INTERBYU KA)
Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang panayam o interbyu sa mga taong may malalim na pagkaunawa
sa paksang ibibigay ng guro. Tukuyin ang mga pahayag sa panghihikayat na narinig mula sa taong kinausap.
Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Tutukuyin ang mga pahayag o salitang nanghihikayat. Sasalungguhitan ito.
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa
isang isyu.
Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan nila ukol sa isang
napapanahong isyu.

a. Balita b. Editorial c.Isports d. Feature

2. Alin sa mga sumusunod ang editorial na nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isyung
pinapanigan ng payahagan?
a. Namumuna b. Nagpapakahulugan c. Nagpaparangal d. Nanghihikayat
PAKSA:
PAANO MAGKAKAROON NG MAGANDANG EKONOMIYA ANG ATING BANSA
1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan ang mga kapatid nating katutubo.
2. Tama! Lahat tayo’y pwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
3. Tara, tulong na!
4. Ngayon na. kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay baka huli na.

TAKDANG - ARALIN

Inihanda ni:

JENIE KIM D, GRACIA


Grade 7- Filipino subject teacher

Sinuri ni:

RACHEL S. RENDON

Principal I

You might also like