You are on page 1of 39

I.

PAMAGAT

Ang titulo ng akdang Canal de la Reina ay ang mismong lugar


kung saan nangyari ang mga eksenang naganap sa nobela.
Inilalarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho, maburak,
maputik, pinaninirahan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay
ang tumatayong pinuno ng lugar na ito. Ipinapakita rin dito na
laganap ang kahirapan at pagsasamantala. Dahil din sa lugar na
ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat isa ang mga tauhan dahil
sa lupang pag-aari ni Caridad. At sa lugar na tinatawag na Canal
de la Reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela.

II. MAY-AKDA
Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa
Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang
pamilya ng mga manunulat. Si Liwayway Arceo ay
kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap
opera sa radyo. Ang kanyang dramang “ Ilaw ng
Tahanan” ay inere DZRH, DZMP at DZPI mula Marso
1949 hanggang Hulyo 1958.

Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang


manunulat, editor at scriptwriter para sa radyo. Ayon sa
isang kritikong nag-aral sa panahon ng dekada sitenta ,
feminista na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay
bago pa man mauso ang katagang feminista.

Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng


Canal de la Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba’t ibang koleksyon ng maikling
kuwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz
(1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Ang kanyang kuwentong “ Uhaw ang Tigang na
Lupa” ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.
Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at
Unibersidad ng Pilipinas .

Bukod sa pagiging isang manunulat , ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay bilang isang
aktres. Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria.

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling Kuwento sa
Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the
Philippines (1993); isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa , mula sa University of the
Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990), at ang
Gawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa
Pilipinas Writers Union of the Philippines or UMPIL) noong 1998.

Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90


nobela , 2 libong mahigit na kuwento , 1 libong mahigit na sanaysay , 36 tomo ng iskrip sa radyo , 7 aklat
ng salin , 3 iskrip sa telebisyon , at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing
publikasyong Tagalog o Filipino.

Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ngayon ay tinatawag na panitikang


popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng kahalagahan [values], lunggati [vision], at
kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas ; at sa
pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang
Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

Sumulat din siya ng biyograpikong nobela at kabilang dito ang Ako …Si Clara (1990) na
hinggil sa Buhay ni Santa Clara ng Assissi ; Claret, Ang Misyonero (1998) na hinggil sa pundador ng
Misyong Claretian ; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay Ng pundador ng ordeng Fransiskano .

Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng libo-


libong mambabasa ang sumusunod : Tulad sa Bituuin (1956); Topo-topo (1956-1957); Sa Abo ng
Lumipas (1957); Kung Sakali man at Salàt (1958); Ikaw ay akin (1962); Kung Saan Ka man
Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964-1965); Liza (1966); Daigdig ng Kristal (1967);
Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko
(1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970); Sa Pinto ng Impyerno
( 1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972);
Dalawang Daigdig (1973-1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-
1977).

III . MGA TAUHAN

•Pamilyang de los Angeles. Sila ay isang pamilyang may


pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang
halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.

1. Salvador-ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.


Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit
minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may
lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga
desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para
sa ikabubuti ng asawa.

2. Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.


Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo
na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng
may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa
mga problemang kanyang kinakaharap.

3. Leni-panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad.


Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.
Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang
husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa
katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical
Board Exam.

4. Junior.- huling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan itong


kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang
tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit
tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap
lalo na kung tungkol sa politika at gobyerno. Mabuting anak si Junior at
laging sinusunod ang kanyang mga magulang.

•Pamilyang Marcial- Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala


kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora
Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa
kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito.

5.Victor- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa


kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang
pamilya.
6.Gracia- asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng ina
niyang si Nyora Tentay.
7. Gerry- anak ni Victor at Gracia. Isang doktor at bukas palad sa mga
nangangailangan. Siya ay nagtatrabaho sa pampublikong ospital.
8.Vicenta Marcial o Nyora Tentay- Ang Reyna ng Canal de la
Reina’*. Pinapangunahan niya ang kanyang pamilya at inaabuso ang
mga mahihirap sa pagpapautang sa kanila nang may mataas na interes.

9. Precioso Santos o Osyong- siya ang nagbenta ng lupa kay Nyora


Tentay sa mababang halaga.

10.Ingga- siya ang katulong ni Nyora Tentay.

IV. TAGPUAN
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at
pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang
nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga
lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na
hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng
pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal
de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito.
Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang
kabuuan ng nobela.

V. SULIRANIN
Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili
ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala
nilang na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang
magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

VI. SOLUSYON
Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw ay may
dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang
pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at
kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa
pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa
pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil
nais nilang maging patas.

VII. BUOD

KABANATA 1: PANIMULA

Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan


ang lugar na kanyang sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na
ang dati nitong malinis at maayos na istura sa maputik at madaming
basura na makikita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng
mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang
pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong
anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa
pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinwento
ni Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya
lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarating sila sa kanilang lote na
kinatitirikan na ng bahay at tindahan, hinanap ni Caridad si Tisya sa
babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tasya ay ang asawa ni Osyong na
enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito.
Ipinaalam ni Caridad na siya ang may-ari ng lupang tinatayuan ng
kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang
kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan.

KABANATA 2: ALAALA

Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na


siya ang may-ari ng loteng kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot
naman ng matanda ay may papel siyang hawak para patunayan na sa
kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso
Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay
Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si
Osyong na mayroong nang nagmamay-ari ng loteng kinatatayuan ng
kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito.
Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit namulatan siya at sinabing babalik na
lamang ulit siya. Pagkaalis ni Caridad, umapoy din sa galit si Nyora
Tentay at nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik
muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay
nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong
kamatsile, sa gilid ng makitid at malinis na Canal de la Reina. Hindi rin
niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama ang
kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at tinitingnan
kung kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo.
Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata
pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong
Kawayan. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse,
sinalubong sila ni Salvador. Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa
minanang

lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik na


silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero
niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng
abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay,
inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya
matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isang alalalang napakahalaga
sa kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang
pagkamuhi nito sa bahay nila sa Canal de la Reina dahil nawala ng
parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang pamilya.

KABANATA 3: LINTA
Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay,
Kinabahan siya dahil simula ng makita niya si Caridad ay hindi na
nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook, siya ang may
pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang
mga kapitbahay kahit na ang maging tubo ay biente porsyento. Nang
bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas ngunit kita ang malaking
tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni
Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay
Nyora Tentay. Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan
sila sa husgado kung saka-sakali at naikwento ni Nyora Tentay si
Caridad Reynante de los Angeles. Kilala pala ni Doro si Caridad, at
sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay
na iyon. Muling nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may
hawak siyang papel, titulo ng kanilang lupa. Mayroong kilala si Doro sa
registry of deeds kaya madali na ‘yon. At sinabing pagbumalik dito ang
Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng
Tonyang Bulutong. Siguradong maalala ni Caridad si Doro dahil dati
lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni Doro, may naghihintay na
babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na
mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha ba
ang babaeng tinawag ni Asyang na Nenita. May dala ang babae na
telebisyon at sinabing may mahigpit siyang kompromiso at inabot na
ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang mga sandaling iyon ay
hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles.

KABANATA 4: SALU-SALO
Kaarawan ni Leni at pawing nababakas sa kanyang mukha na ayaw
nitong magdiwang ng kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad
na magkaroon ng munting salu-salo. Sa araw ding iyon ay kasama na ni
Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi ni
Caridad na kung matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment,
siguradong kikita sila roon. Binigyang-diin din ni Caridad na ang tao
ngayon ay mapagsamantala na, mahirap na pagkatiwalaan. Tinanong
tuloy ni Leni kung ang abogadong nakuha ng kanyang ama ay
mapagkakatiwalaan. Sinabi naman ni Caridad na abogado iyon ng
kompanya ni Salvador kaya may tiwala sila doon. Si Attorney Agulto
ang kanilang abogado. Dumarating na din ang mga kasamahang interno
at interna ni Leni sa ospital. Kasama na rito ang masugid na manliligaw
nito na si Vic. Positibo namang sinabi ni Salvador na malakas ang laban
nila sa kaso. Maaari na daw silang magharap ng petisyon sa korte at
sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong hawak ni Nyora Tentay.
Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon para
magtanung-tanong at makasagap ng unting balita tungkol sa lupa na
pag-aari ni Caridad. Dumating na din si Junior kasama ang kanyang mga
kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy, Dante at ang kaisa-isang
babae na si Betty. Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit
tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae ni Junior at
pumasok pa sila sa kwarto. Nabahala si Caridad at ayaw niyang
makasama ni Junior ang pangkat na nasa silid ng kanyang anak, pati na
rin ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom na
sila.

KABANATA 5: MAKABAGO
Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang
henerasyon ngayon at kung ganoon na rin ba ang mga babae ngayon.
Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila ngunit patuloy pa rin
ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang
makaalis na ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang
ina at ate Leni sa pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi
ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama nilang babae. Nagalit
din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang
mga kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang
tinutukoy ay ang girlfriend ng kanyang kabarkada at hindi din niya type
ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na kanyang pinagmamalaki
sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na
ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka
maisipan pa nitong gumawa ng di kanaisnais.
Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema
dahil iniwan siya ni Duardo. Nalaman kasi nito na ginagamit lamang
siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa pagsusugal. Ang natira
lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa
kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto
niyang ilayo sa lugar na iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang
kanyang relos upang pang bayad sa kanyang utang na upa ng bahay.
Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na
pumarada sa harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng
tindahan dahil siya’y hinahanap ng agrimensor na nagtatrabaho para sa
gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng lupa at naghahanap ng mga
muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at kinabahan si
Nyora Tentay at naalala niya sa Caridad Reynante Delos Angeles nang
maitanong sa kanya kung ilang taon na siyang nangungupahan sa lupang
iyon.
KABANATA 6:
PAKIKIPAGTUNGGALI

Naglabas si Nyora Tentay ng isang malaking bote ng wiski, isang


malaking boteng panghalo ng inumin, isang malaking sisidlan ng yelo na
huhugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking lata ng sitsarong
baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga ito at
binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyong blue seal. Tinanong ni
Nyora Tentay kung bakit kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang
sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki ang lupain na nasasakop
ng Canal De La Reina na dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang
pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga
bisita na pinabitbitan pa ng pagkain kay Ingga. Lumabas si Nyora
Tentay sa tindahan at natanaw si Lucing at nagalit dito dahil hindi na
binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni
Lucing ay isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang
inaakalang mabuting kalooban sa pagtulong sa kaniyang anak ay isa
palang utang na napatungan na ng mataas na tubo.
Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang
pasyente ng ipatawag siya sa Emergency Room ng charity ward. Isang
babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang nakalapat na mga
mata at namamarak ang namumutlang mga pisngi. Pilit niyang
isinasalba ang babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang
iniksyon at hindi na rin masalinan pa ng dugo. Kanyang pinirmahan ang
papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la Reina.
KABANATA 7: DAIGDIG NG
PAGDARAHOP

Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kaya’t hindi


pa siya sanay makakita ng mga taong nababawian ng buhay. Kanyang
nagunita nang nabanggit ng kanyang ina na siya’y maging isang
General Practioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto pa
rin ni Caridad ang kagustuhan ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita
niya kung gaano kahirap ang buhay dahil may mga taong hindi
makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera.
Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang
tawag ng mga taga roon ay Pacing. Kanyang naisip na kikita nanaman
siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya nito kahit na wala
ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon
upang dalawin ang bangkay nito at paniguradong sa kanya sila bibili ng
mga maiaalok sa mga nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si Dado
na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya ngunit hindi pa rin
nakalimitan ni Nyora Tentay ang mga utang ni Dado sa kanya
KABANATA 8: PAGKAPIT SA
PATALIM

Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila


sa kanyang asawa at sa bagong silang nitong anak. Pumayag si Dado sa
nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes sa ibabayad niya. Sinisisi
ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil
napabayaan niya ito at hindi naitakbo agad sa ospital nang may tumawag
sa kanya. Ito pala ay si Gracia na asawa dati ni Victor na anak naman ni
Nyora Tentay. Kanyang nabalitaan na pumanaw na nga ang asawa ni
Dado kung kaya’t ito’y nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na ang
damit na pinasuot niya kay Pacing ay ang damit na matagal nang
nabigay ni Gracia sa kanya.
Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si
Nyora Tentay. Pinalabas na binenta ito ni Caridad kay Osyong at
pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang hinlalaki at sinabing may
malubha siyang karamdaman kaya hindi ito nakapirma. Habang sila’y
nag-uusap ay tumunog ang telepono na kanya namang agad na nasagot.
Siya’y nagulat sa kanyang narinig na ang tumawag sa kanya ay si Ingga
na katulong ni Nyora Tentay.

KABANATA 9: INISASYON 1
Humihingi si Ingga ng tulong kay Caridad dahil gusto na nitong
tumakas sa kalupitan ni Nyora Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay
naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng telepono at
pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay .
Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa
kaniyang mga magulang na gagabihin siya sa araw na iyon. May isang
bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy dahil napansin nito na sinusundan
siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya alam kung
saan sila pupunta. Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior
ngunit ang laman nito ay droga. Siya’y dinala ni Bindoy sa isang lugar
kung saan ay maraming taong mga nakatayo at inabutan siya ng isang
serbesa at sinubo sa kanya ang isang kapsula at biglang nag-iba ang
kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni Junior sa
Panginoon dahil hindi niya na makayanan ang kaniyang nararamdaman.
Ang gusto lamang niya ay ang makalayo .

KABANATA 10: INISASYON 2


Namamanhid na halos ang buong katawan ni Junior ngunit pinipilit
pa rin niyang makapaglakad palayo sa lugar na iyon. Sobrang nag-aalala
na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at dis
oras na ng gabi.
Alam nilang tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin.
Nakausap ni Caridad si Dodi at sinabing ligtas siya at nasa bahay nila si
Junior ngunit inakala nila Caridad at Salvador na lasing ito. Patuloy ang
paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawa. Nasabi ng ama ni
Dodi na siya ay nakainom ng isang droga at ang nagpasama pa rito ay
sinamahan pa ito ng serbesa. Kaagad silang bumili ng gamot para
bumuti ang pakiramdam ni Junior. Sinabi ni Caridad na ang lupa ang
susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari kay Junior sa lupa o kaya’y
pakana ito ni Nyora Tentay at pag nabawi nila ang lupa, lahat ay
mapasasaayos.

KABANATA 11: PAGKAMULAT

Masakit pa rin ang ulo ni Junior ngunit pakiramdam niya ay


nakabawi na siya sa tulog. Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya
ng maraming tubig upang mahimasmasan siya. Pinilit niyang binubuhay
sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at
tinatanong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay
nila Nyora Tentay. Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong
iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki ang mga mata. Si Nyora
Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang
makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit sa
kanya. Naging malinaw sa isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora
Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa kanya patungo sa taxi na naghatid
sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik
doon. Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya.
Masasabing guwardiyado ang lugar na iyon.
Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong
kolehiyong panlalaki na pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang
naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding nasa panggitnang antas
ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng
demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso
upang ipakita sa pangulo ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa
paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa sasakyan ng pangulo at
gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan
ng pangalang Marcos. Maraming nasaktan. Walang patawad ang mga
pulis. Binawian ng buhay si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis.
Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nag-iba sa kanyang
buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangaring mag-aral ng
batas at nagbago rin ang kanyang mga kasama .
Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa
teresa. Hindi natapos ni Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila
ng hindi pagkakaintindihan kaya umalis na ang binata .

KABANATA 12: BANTA NG


SIGWA
Tumawag si Nyora Tentay kila Caridad at si Inyang ang nakasagot.
Gusto nito makausap si Caridad. Ngunit hindi siya kinausap nito at
nagbilin na tatawag ulit tungkol sa usaping lupa. Nagbigay ng lagay si
Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon. Nagulat si
Caridad noong sinabi ni Salvador iyon dahil ngayon lamang ginawa ni
Salvador ang magbigay ng lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa
trabaho mya sa gobyerno dahil ayaw na ayaw niya sa mga suhulan.
Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang
magpalagay at sinabi naman ni Salvador na maliit lang ang binigay niya
at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na nauna sila kay Nyora
Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila
tungkol sa lupa. Galit na galit si Nyora Tentay dahil nagpapasok ng
taong hindi nila kilala si Ingga. Nabalisa si Nyora Tentay sa sinabi ng
kanyang anak na kailangan niyang humarap sa piskalya.
Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at
naisip ni Victor ang kanyang biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at
pinagpipilitan ang kongressman niyang kaibigan na abogado rin. Ngunit
ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil iyon ay
kabilang sa gobyerno at maaring mabahiran ng politika.

KABANATA 13: UNANG SENYAL

Si Attorney Peña ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng


kanyang kaso na noong una ay bantulot ito sa pagtanggap sa kaso pero
noong binigyan na siya ng sobre agad-agad siyang nagbago ng isip at
tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang hearing.
Agad nadama ni Nyora Tentay na siya ay hindi maipagtatanggol ni
Attorney Peña kaya nanghinayang siya sa pera na ibinigay dito.
Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na
nagtungo sa piskalya. Unang isinalang si Caridad at sinimulan siyang
tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa lupa. Sinabi ni Caridad na
galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang
dalawang kampo at ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing
dahil sa pagwawala ni Nyora Tentay.
Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa
kanya na ang pangalan ay Gracia Montes.

KABANATA 14: IKALAWANG


SENYAL

Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si


Gracia Montes. Pinabayaan na nila si Atty. Agulto na makipagtalo dahil
alam na nito ang pasya ni Caridad na hindi sila tatanggap ng anumang
uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa kanila ang lupa. Nang
makita na nila si Gracia sa kanyang Volkswagen, nilapitan nila ito at
sinabi sa kanila na sa telepono na lamang sila mag-usap. Inabot ni
Gracia ang isang tarhetang may nakalagay na numero ng kanyang
telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay ang maliliit na titik na
Piano teacher at Plaridel . Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng
kanyang telepono kay Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag
dating nito sa kanyang bahay. Pagbalik nila sa piskalya ay tapos na ang
hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapagharap ang panig nila Nyora
Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty Agulto, maganda
ang tinatakbo ng kanilang kaso, at nahanap na rin niya kung saan
naroroon si Tisya. Inihatid na nilang mag-anak si Leni sa pagamutan
dahil 2 araw nalang ay magsisimula na ang pagkuha ni Leni ng board
exams, ang una sa isang buwang pagsusulit, tuwing araw ng Linggo.
Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo
ay ang anak ni Gracia at Victor. Siya ay isang practitioner na doktor ng
pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa kanyang sariling silid si Gracia,
nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si Caridad.
Kinuwento niya kay Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na
dalawampu’t pitong taon. Dati siyang manugang ni Nyora Tentay at
asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan ni Nyora Tentay ang
kanyang propesyon, kung kaya’t noon pa man ay naramdaman niyang
hindi sila maaaring magkasundo, maliban na lamang kung magsasarili
sila ni Victor na ayaw naman nito. Inamin niyang minahal niya dati si
Victor, ngunit ngayo’y wala na siyang paggalang sa kanya at hindi na
niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya
dahil sa kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang
mamulatan ang kanyang anak sa ugali nila Victor at Nyora Tentay kaya
tuluyan niyang hiniwalayan si Victor. Ikinwento rin niya na naroon pa
siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal de la Reina.
Marami raw milagro sa bilihang iyon, kaya handa raw siyang tumestigo
kung kailangan nila ang tulong niya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap,
dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan .

KABANATA 15: UNOS


Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad
sa kanilang bahay sa Makati, at binanggit rin niya ang anak na babae ni
Caridad. Parang ipinapares niya ito kay Geronimo, ngunit hindi alam ng
kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang
masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging
kahati niya sa buhay pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa
kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia sa kanyang anak ang
tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo
kung kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang masama
pa si Gracia roon kahit sa anong paraan. Ang totoo’y ayaw na niyang
maugnay sa kahit na anong paraan ang kanyang ina kay Victor. Ayaw na
nga niya itong makita. Noon nga’y nung kasusulit ni Geronimo sa
pagka-manggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna.
Nailathala sa pahayagan ang kanyang larawan, kaya’t malamang ay
nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang pagamutan. Nagpakilala siya,
ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami ng mga
narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang
ama, hindi siya nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May
tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa bulsa nito, ngunit itinigas
ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa kanya.
Hindi siya lumingon. Kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor.
Ito ang gunitang naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia
ang usapin sa lupa.
Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang
nangyari sa husgado. Nagmura si Nyora Tentay nang masukol sa
pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil dito’y na-contempt siya. Kaya daw
galit na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya
kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo,
naalala niya ang mga naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni
Caridad ang mag- ina sa isang hapunan sa kanilang bahay. Nahuli sila sa
pagdating dahil may biglang dumating na pasyente si Gerry. Nang
pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan
sila ng ama ni Gerry, kundi malimit na kinukwento nito ang nasisirang
oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa pagamutan. Hindi
mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa,
nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may
sinamahan siyang batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip
niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw ni Geronimo ang pasyenteng
iyon at pinuntahan siya sa kanyang department. Pang-apat kasama si
Geronimo nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan.
Sa mga pagkakataong iyon, nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na
masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo, ngunit ayaw ni Vic na
pag-usapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na
iyon.
Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number
two na ang bagyo, ngunit babalik pa rin si Leni sa ospital. Napag-
usapan nila ang Canal de la Reina dahil lulubog nanaman daw ang lugar
na iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang
malakas ay bumabaha roon. Napag-usapan rin nila ang tungkol sa kaso.
Nakalalamang daw sila at nailabas na rin daw si Tisya.

KABANATA 16: BAHA

Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng


husto si Caridad para kay Leni dahil madaling lumubog sa pook ng
pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig nila sa balita na ang
pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto. Sinimulan nang ilikas ang
mga pasyenteng nasa unang palapag ng gusali dahil naabot na ito ng
tubig. Hindi na makapasok ang ambulansya sa loob ng pagamutan. Nag-
alala pa lalo si Caridad para kay Leni. Ayon rin sa balita, nagsisimulang
magpakita ng palatandaan na maaaring sumabog ang isang malaking
dike sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong lalawigan,
at madamay pati ang mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan,
Tarlac, at maaaring ang buong Gitnang Luzon. Naisip ni Caridad ang
kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang nangyayari sa
kanyang Ate Anita. Bigla na lamang nawalan ng kuryente.
Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila
lamang ni Ingga ang nasa bahay dahil bihira nang umuwi si Victor mula
nung kumalat sa kanilang pook ang balita ng usapin niya na iniharap ni
Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang
siya hinarap nito. Dahil dito’y pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil
ayaw niyang lumalapit ito kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito nag-
uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may inuupahang apartment si
Victor. Ibang-iba na si Victor. Hindi na ito ang dating palasang-ayon sa
lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa kanya.
Ngayon ay kailangan niya si Victor dahil bumabaha na sa kanilang
bahay. Bigla na lamang may mga taong kumatok sa kanyang pinto at
nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa kanilang
bahay, at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal de la Reina.
Pinagkaitan niya sila. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bayong
na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at mahahalagang papeles
kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng
Panginoon upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong
kumakatok sa kanyang pinto. Matagal na rin niyang hindi natatawag ang
pangalan ng Panginoon. Winasak na ng mga tao ang pintuan ng kanyang
bahay upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa. Naramdaman
niyang nawalan na lamang siya bigla ng lakas at siya’y tuluyan ng
natangay ng rumaragasang tubig.
KABANATA 17: AMA AT ANAK

Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa


kanyang paligid. Tila hindi niya mamukhaan kung nasaan siya. Bigla
niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes pati ang mga papel
na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siya’y tumili ng maramdaman
niyang may sumakit sa kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang
sugat na nakuha niya sa pagkakatangay ng malakas na agos ng tubig.
Hinahanap niya ang utusan niya na si Ingga ngunit wala. May lumapit sa
kanya na dalaga na gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi siya at
patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay kung mayroon
man lamang siyang kamag-anak at sinabi niya na may anak siya na ang
pangalan ay Victor.
Sa tahanan ng mga de los Angeles ay nawalan na ng tuluyan ang
kuryente ngunit hindi naman naputol ang linya nang kanilang telepono.
Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho niya marami ang nangailangan
ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo si Junior at ang
kanyang magulang. Una, dahil gusto tumulong ni Junior sa mga “rescue
operations” at ayaw pumayag ng kanyang magulang dahil alam nilang
delikado. Pangalawa, pinag-awayan nila ang gobyerno, sabi ni Junior na
wala naman daw natutulong ang gobyerno kapag walang pera na
kasama. Ang henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang
ginagawa, masyado silang mahinhin na hindi sila nagrerebelde.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama .
KABANATA 18: PAGKIKILALA

Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-


isipan ni Salvador na may punto din naman ang kanyang anak si Junior
kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta sa rescue operation basta
lamang ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay. Mabilis siyang
umalis ng bahay kasama si Dodi, ang kanyang kaibigan. Bago sila
nakarating sa mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na
pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni Junior. Pagkatapos ay napunta
siya sa rescue center na Sampaguita Health Center. Sa awa ng Diyos ay
nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga. Siya ay
tuwang tuwa dahil may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya
kung siya ba ang anak ni Caridad at bakas sa kanyang mukha ang
kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maari ba siyang sumama rito
at sinabi naman ni Junior na maghintay lamang ito ng kaunting oras
dahil sila’y tutulong sa mga nasugatan sa center.

KABANATA 19: LANGIT AT


LUPA

Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita


niya si Ingga na kasama ni Junior. Tuwang-tuwa naman si Ingga nang
makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang nakawala sa isang
napakasikip at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang
bayong na puno ng mga brilyantes, na mga alahas, mga salaping papel at
ang titulo ng lupa sa Canal de la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita
nila. Umamin si Ingga na hindi niya iyon napulot kung hindi ay inagaw
niya ito kay Nyora Tentay upang maging kabayaran sa mga ginawa nito
sa kanya. Nag-aalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat
gawin, dahil hindi pa sila nakakasigurado kung buhay pa o patay na si
Nyora Tentay .

KABANATA 20: SAGANDAAN

Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang


pagod na pagod. Masaya siya dahil walang nasaktan sa kanilang opisina.
Si Junior naman ay bumisita sa Ate Leni niya na tumulong din sa mga
naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay Salvador ang laman ng
bayong at nagulat rin ito sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni
Ingga ang bayong dahil gusto niyang maghiganti kay Nyora Tentay.
Kinumbinse naman ni Salvador at Caridad na ibalik ang bayong dahil
masamang maghiganti lalo na kung walang katiyakan kung nasaan na si
Nyora Tentay.
Si Nyora Tentay naman ay walang bukambibig kung hindi ang
bayong na nawalay sa kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang
kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa Lakandula rescue center. Nanibago
siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya pinansin nito dahil sa
pagiging abala mahanap ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito
ay ang pagkawala ng kanyang bayong. Dumating ang mga
manggagamot at sinabi na kailangan siyang dalhin sa mas pribadong
ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala silang
mahanap kung hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-
medical team at mga relief workers at sinamahan sila papuntang Mental
Hospital. Doon niya nakita ang kanyang anak na si Geronimo papunta sa
isang emergency room kasama ang mga medical team dahil may
babaeng manganganak. Nang dumaan sila sa harap nito ay hindi
pinansin ni Geronimo ang kanyang ama .

KABANATA 21: MALIIT ANG


DAIGDIG

Nakapanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong


lungkot at saya ang nararamdaman ng babae dahil hindi man lamang
naabutan ng kanyang asawa ang kanilang anak dahil ito ay namatay
dahil sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama sa
mga nasalanta ang kanyang lola na si Nyora Tentay. Nagtama ang
kanilang mata kung kaya’t wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito.
Ayon sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito ng nervous
breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry na humihingi ng
tulong dahil malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni
Gerry si Leni upang tumulong sa pagsalba ng bata at kinailangan na
itong itakbo sa ospital upang malapatan ng lunas. Habang nasa biyahe
sila papunta sa ospital ay naikwento ni Gerry na nakita niya doon ang
kanyang ama at ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita
naman ni Leni na wala iyon sa kanya dahil andun sila upang tumulong
ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang kargang bata
ng inang humihingi ng tulong sa kanila kung kaya’t naputol ang
kanilang usapan at nagmamadali ng malapatan ng lunas ang bata.

KABANATA 22: PASIYA

Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga


pasyente sa kanyang klinika. Napag-usapan nila ni Leni ang
kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi sila
binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General
Practitioner kaysa sa magespesyalista sa larangan ng Pediatrics. Simula
ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni ay gumaan ang loob nito at
nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo ang
nangyari kay Nyora Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay
Nyora Tentay upang malaman niya na hindi kanya ang mundo. Patuloy
pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador kay Ingga na isauli ang
bayong. Sabi ni Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na
niyang makita pa ulit si Nyora Tentay dahil ayaw na niyang bumalik
doon. Nagboluntaryo naman si Junior na siya na lamang ang mag-aabot
ng bayong sa pamilya ni Nyora Tentay dahil siguradong hindi siya pag-
iisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga volunteers. Kanya na
lamang daw papalabasin na napulot niya ito kung saan man .
KABANATA 23: NILIKHA UKOL
SA IBA

Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora


Tentay ang bayong nito. Ngunit mas gusto parin ni Ingga na huwag na
itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya talagang makaganti
rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti
kay Nyora Tentay sa kung ano mang nangyari sa matanda ngayon.
Inayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa loob ng bayong. Kanilang
pinatuyo ang mga basang perang papel pati na rin ang mga
mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot na bago at
inilagay sa paper bag. Nang paalis na si Junior at si Salvador nasabi
bigla ni Junior na siya ay natatakot at sinabi naman ni Salvador na
normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng
bayong.
Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at
nagpakilalang siya ay si Tisya. Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa
pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa Canal de la Reina,
kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta
ang lupa para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Hindi
napigilan ni Ingga na hindi sumabat sa pinag-uusapan nila dahil alam na
alam ni Ingga ang ganoong sistema na ginagawa ni Nyora Tentay sa
lahat ng tao na may utang sa kanya.
Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang
namumutla sa bawat araw na lumilipas kakahanap niya sa kanyang
nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa ospital kung
hindi ay turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito
mapakalma at hindi rin ito makatulog. Dumating naman si Junior kung
nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap ni Victor.

KABANATA 24: SUMBAT

Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni


Victor na ito ang bayong na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay.
Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang bayong ng kanyang ina
na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng
anim na lilimampung salaping papel ngunit ito’y tinanggihan ni Junior.
Siya’y paalis na at naalalang kunin ni Victor ang pangalan ng taong
nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay si Salvador de los
Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na naturuan
sila ng leksyon dahil doon. Sa kabila ng alitan ng kanilang pamilya
dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin ang mga De los Angeles sa
kanila.
Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita
niyang hindi niya tinanggap ang binibigay nitong salapi na katumbas sa
kabutihang loob na ginawa niya. Kasama niya doon si Leni at si Gerry
na apo ni Nyora Tentay. At nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa
kanilang mga magulang. Ayaw na ayaw ni Leni ni nagtatanim ng galit si
Gerry sa kanyang lola at ama. Sila’y nag-usap at mukhang
nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipag-usap sa kanyang
ama ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito
matanggap ng kanyang ina.

KABANATA 25: SAAN SA


KAHAPON?

Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na


nilagdaan ni Victor bilang patunay na natanggap na nila ang bayong.
Ilang beses inuulit ni Caridad na mas gugustuhin niyang gumaling si
Nyora Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung titino
ang kanyang isip at malalaman nito ang mga nangyayari sa kanyang
paligid lalo na ang pagbawi ng mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa
kabilang banda naman ay ipinakita ni Victor sa doktor ng kayang ina na
nasa kanila na uli ang bayong ngunit hindi na ito maalala pa ni Nyora
Tentay .
May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina
upang ayain ito na kumain sa labas. Hindi inaasahan ni Gerry na
dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong .
KABANATA 26: MASIKIP SA
TATLO ANG MUNDO

Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika


rin niya ang kayang ina. Humingi ng tulong si Victor kay Gerry kung
mayroon ba itong mairerekomendang doktor para sa kanyang lola dahil
alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari
pa nila itong bigyan ng presyong kaibigan. Nagrekomenda naman ng
doktor si Gerry bilang tulong at nabanggit ng kanyang ama na kung
puwede ba niyang maimbitahin kumain ng hapunan kasama ang
kanyang ina nang biglang lumabas si Gracia sa resting room ni Gerry sa
klinika at biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor
na makikita niya ulit si Gracia sa unang pagkakataon mula ng sila ay
maghiwalay at tumuloy na nga si Victor .
Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napag-usapan ni Gerry na
mukhang humihingi na ng tawad ang kanyang ama rito, ngunit hinayaan
lang ito ng kanyang ina. Napag-usapan din ni Gerry ang pagpapahiwatig
nya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni .

KABANATA 27: SA PINTUAN

Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa


buhay niya si Victor dahil sa mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa
kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita sila ni Victor mananghalian
o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago si
Victor dahil hindi pa rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong
binanggit ni Gracia si Leni sa kanilang pag-uusap nakita ni Gracia ang
kaligayahang nakaguhit sa mukha ng kanyang anak .
Tinatanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang
bayong daw ba ay sa kanya at sinagot ng malakas ni Nyora Tentay sa
kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya ang ginawa ay pinatulog
siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya
noong nakaraan na bagyo. Pagising ni Nyora Tentay ay naalala nga niya
na nagkaroon nga ng bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at
pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng doktor. Inuwi ni Victor
si Nyora Tentay sa bahay. May konting pagbabago na sa kalagayan niya.
Nakakapagsalita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na palagi dapat
sayang kakausapin ukol sa bayong niya upang matulungan siyang
makarecover. Pagkatapos ay nakipagkita na si Victor sa kaniyang anak
na si Geronimo. Nauna si Geronimo na magtangkang magbayad sa
kahera pero pinilit ni Victor na siya na lamang, ngunit hindi pa din
pumayag si Geronimo kaya pinabayaan na lamang ni Victor. Nasaktan si
Victor. Pumunta si Victor sa tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagad siya
pinatuloy doon .

KABANATA 28: PAGSUKO

Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit


si Victor pala ito. Noon pa daw sana bibisita si Victor pagkatapos nilang
magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni Gracia si Victor sa bahay dahil
ibig niyang makita nito ang tagumpay na tinatamasa ni Geronimo nang
wala si Victor at hindi tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na
makasama si Gracia sa kanila ni Gerry kung kumakain sila sa labas.
Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora Tentay dahil sa
doctor na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila
ilalaban ang kaso. Bahala na daw ang abogado at ang husgado. Sinabi na
rin ni Victor ang tunay na pakay niya kay Gracia at ito ay ang pag-
usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi lamang ni
Gracia ay magagawa nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan
ang permiso ng mga magulang. Ibig niyang ipamukha kay Victor ang
mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan sa kanila hanggang tuluyang
mawasak ang kanilang pagsasama. Nang aalis na si Victor, nagkamayan
sila at nang magdikit ang kanilang mga palad ay gumapang sa kanyang
kabuuan ang damdamin mula sa mga daliri nito .
Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora Tentay sa dati nilang
tirahan sa Canal de la Reina, kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang
dinalaw ang pook na sinalanta ng baha. Habang naglalakad ay
nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na
namatay na si Doro. Maraming kwentang hawak si Doro, at nang
matapos ang baha, hindi niya naisipang hanapin ang mga taong alam
niyang may utang kay Nyora Tentay .
Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de
la Reina, kung hindi’y paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na
namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing. Nakasalubong rin niya si
Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may ipapaayos sa
bahay. Alam niyang lagi nitong tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay
Victor kung may balita na kay Tisya na matagal nang nawawala.
Maraming tao ang namatay dahil sa baha. Pati nga si King Kong ay
nawawala pa rin, ngunit sapat na kay Victor ang walang nag- uusisa
tungkol kay Nyora Tentay, gayong alam niyang pinag-uusapan ng buong
pook ang wari'y pagkabaliw nito. Sa sandaling iyon, natiyak ni Victor na
iiwan na nila ang Canal de la Reina sa gusto o ayaw ni Nyora Tentay.
KABANATA 29: PAPALAPIT NA
WAKAS

Bumalik si Victor sa kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita


nito kay Nyora Tentay na ang kanyang tirahan sa Canal de la Reina ay
tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo .
Nagising si Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi
niya ito sa pagkawala ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na
gusto na niyang magsarili at magkaroon ng sariling bahay. Ngunit alam
na nilang panalo na sila Caridad kahit na hindi pa nadedesisyunan ng
korte kung sino ang panalo o hindi binitawan na ng abogado ni Nyora
Tentay ang kaso ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang
malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal de la Reina ay orihinal
na pagmamay-ari ni Caridad .
Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang
pagpasa ni Leni sa board exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil
mamamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama ang kanyang ama,
Si Vic .

KABANATA 30: DITO


BABANGON
Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong puso paring tatanggapin
sa tahanan nila Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa
pagpasa ng board at sa pagiging opisyal na doktora. Habang nag-uusap
sila sa may sala ay naaninagan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag
niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay
Vic na si Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay.
Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang ina na ang
nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na
bumalik pa ulit kila Nyora Tertay at ito’y luluwas na ng probinsya sa
araw din na iyon .
Sinabi na ni Gerry na magpapakasal na sila ni Leni ngunit parang
kinakabahan pa siya sa mga mangyayari. Ipinaalam din ni Gerry ang
mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang pagpapatayo ng ospital sa
loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang ospital
na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot
ang kanilang mga anak.
Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso
ni Gracia sa dati niyang asawa na si Victor.
Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naisip na itong
konsepto o plano sa balak na ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni
Candad na gusto talaga ni Junior ang Architecture Naisip ni Junior na
ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng pagtindig ng isang
bagong pamayanan na malaya. Ito’y kanyang naisip dahil kinakailangan
nila ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang
lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina
kung hindi simbolo ng pagbabago.

-Wakas-

You might also like