You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11

Paaralan: Marcial B. Villanueva National High School Baitang/Antas: 12


Guro: Randy P. Rodelas Asignatura: Pagbasa at Pagsuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Petsa: Marso 6, 2023 Markahan: Ikalawang Semestre

I. Layunin
Domeyn: Wika at Gramatika (WG)
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Kasanayan:Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
(F11WG – IIIc – 90)
1. Natutukoy ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat:
2. Nagagamit sa pagbuo ng sariling teksto:
3. Nakasusulat ng tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices.

II. Paksa: Tekstong Deskriptibo ( Gamit ang Cohesive Device)


Saggunian: Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
III. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
Mudyol
Powerpoint Presentation
IV. Pamaraan
A. Balik-aral
a. Itanong sa mga mag-aaral:
1. Ano ang teksong deskriptibo?
Tekstong Deskriptibo
o Ang layunin ng ganitong teksto ay mapalutang ang katangian ng
tao, bagay, lugar o hayop.
o Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o obhetibo
b. Pangganyak
Ilarawan ang mga sumusunod sa isang talata lamang. Gumamit ng hiwalay na
papel sa paglalarawan at gawain.
B. Gawain
Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang mga
katanungang nasa ibaba ng konteksto.
C. Pagsusuri/Analisis
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.
2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito isusulat ng
malinaw at maayos ang kaisipan?
D. Pagtalakay sa Aralin/Abstraction
“Kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan. Gamit
ang mga salitang titimo sa damdamin at isipan”.

a. Gamit ng mga Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat


ng Tekstong Deskriptibo.
- Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo nang magkahiwalay na
pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng
magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang
magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan
nga bawat bahagi nito.
b. Limang Pangunahing Cohesive Devices na ginagamit sa Pagsulat ng
Tekstong Deskriptibo
1. Reperensiya/Pagpapatungkol
a. Anapora
b. Katapora
-Pagbibigay ng mga halimbawa sa bawat Kohesyng Gramatikal o Cohesive
Devices
E. Paglalahat
 Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga di-tapos na pahayag upang maipakita ang
kanilang pagka-unawa sa aralin gamit ang angkop na cohesive devices.

F. Paglalapat/Aplikasyon
Pagsagot sa tanong na:Bakit kaya mahalagang pag-aralan pa ng mga kabataang tulad
ko ang cohesive devices at sa anong aspekto ito makatutulong sa akin bilang mag-
aaral?
H. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices sa
pamamagitan ng isang Travel Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa
iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin at isulat sa isang oslo paper o short bond paper. Batayan
sa pagsulat ng teksto:
1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon. Halimbawa: Mga lugar sa CALABARZON
na iyong napuntahan
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
3. Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng paglalarawan.
Muling silipin ang bahagi ng BALIKAN ng modyul na ito.

Inihanda ni:

RANDY P. RODELAS
Guro sa Filipino
Iniwasto nina:

BENEDICT C. ABELLO
Punong Guro I

You might also like