You are on page 1of 8

Pangalan ng EMMA R.

BERCERO Baitang Grade – 11


Guro
Paaralan ODLOT NHS Dibisyon BOGO CITY 
Asignatura Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Iba’t- Semestre/ 2ND
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Kwarter SEMESTRE/
3RD Quarter
Batayan sa Pagkatuto:( Hango sa Gabay ng Code
Kurikulum) (FIIPT-IIIa-88);
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang .(FIIPS- IIIb-91);
ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto (F11PU – IIIb
89);
(F11PB – IIId
99);
Ipla 5. Paksa/Pamagat Tekstong Nangangatwiran/Argumentatibo Minuto 60
n 1 /Nilalalaman:
No.

Susi ng Konsepto ng Pag-unawa:


Mga iba’t -ibang uri ng teksto

Layunin Pangkaalaman
ng Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang
Pagkatut salitang ginamit ng tekstong argumentatibo .
o
Pangkasanayan
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong
argumentatibo
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong
argumentatibo

Pangkaasalan Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang


tekstong argumentatibo sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig

Pagpapahalaga Maka- Diyos- Pagpapakumbaba

Mga Kagamitan: Batayang aklat sa Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Iba’t-ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik ,PPT , LAPTOP, SMART TV at iba pa.
ELEMENTO PAMARAAN
NG
PAGPLANO
 Paghahanda Panimulang Panalangin
Gawain Pagtsek ng Attendans
(5 minuto) Pagbabalik – aral

Batay sa tinalakay na tekstong naratibo sa nakaraang


modyul, suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng
tsek (/) kung ang pahayag ay naglalahad ng katangian ng
tekstong naratibo at ekis (x) naman kung hindi.
_________ 1. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag
ng pangunahing ideya.
_________ 2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga
obserbasyon sa tao,
lugar o pangyayari.
_________ 3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang
magkakasunod-sunod.
_________ 4. Nakagaganyak ang panimula ng teksto.
_________ 5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga
impormasyong inilalahad.
_________ 6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga
sangkot na tauhan.
_________ 7. Naglalahad ito ng isang detalyeng
nakapanghihikayat sa madla.
_________ 8. Nagpapakita ng isang matibay na opinyon ukol
sa paksa.
_________ 9. May ipinapakilalang suliraning kinakaharap ang
mga tauhan.
________ 10. Kawili-wili ang pamagat ng teskto at may
malalim na pagpapaliwanag sa magiging implikasyon nito.

Susi sa pagwawasto
1.x 6. /
2.x 7. /
3./ 8.x
4./ 9./
5.x 10.x
Presentasyon Mga Pampamukaw sigla :
Gawain SURILAWAN
(5 minuto)  Susuriin ang mga larawan at ilarawan
kung ano ang inyung nakikita.

https://www.kateheddleston.com/blog/argument-cultures-and-
unregulated-aggression

Analisis Pamprosessong Tanong:


(5 minuto)
 Ano ang masasbi ninyo sa mga larawan?
 Dapat bang ipaglaban natin ang ating sarili
kung tayo ay nasa katwiran?
 Kapag nasa Katwiran, Ipaglaban mo.!
 Ano kaya ang tawag sa tekstong may
layuning makapaglahad ng katuwiran.
 Paano kaya ito magkakaiba sa tekstong
perweysiv?

Abstraksyon  Pagpapakita ng Video ng Tekstong


/ Argumentatibo
Talakayan
(20minuto)

https://www.youtube.com/watch?v=ZP4pwnGm5VE
Annotation: ICT Integration

1. Ano ang Tekstong Argumentatibo?


Sagot:
 Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang
katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa
bumabasa ang katotohanang iyon.
 Naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan
ng mga proposisyon na nangangailangan ng
pagtalunan o pagpapaliwanagan.
2. Ano ang layunin nito?
Sagot:
 Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
3. Ano-anu ang mga bahagi ng tekstong
argumentatibo?

Sagot:
Panimula
 Ipinapakita ang mismong dahilan kung bakit
sinusulat at binabasa ang isang teksto.
 Layunin nito na ihanda ang mga mambabasa at
makuha ang atensyon at damdamin nila.
Katawan
 Magsisilbing dahilan ng mga mambabasa upang
manatiling tapat sila matapos ang isang mabisang
simula at kung papalarin ay nakatutok pa rin sa
bawat mensaheng pinararating hanggang sa
mabisang pagwawakas.
 Kinakailangang maayos na maihanay at
maipaliwanag ang mga argumento at katwiran.
 Ang bawat katuwiran ay kailangang masuportahan
ng mga ebidensiya, datos o istatiska, pahayag ng
mga awtoridad o di kaya’y kolaboratib na pahayag
mula sa aklat sa mga magazine, diyaryo at iba pang
mapagkakatiwalaang reperensya.
Wakas/Konklusyon
 Kailangang maging tuwiran, payak, mariin, malinaw
at mabisa.
 Kailangang tinitiyak sa pagwawakas na ang
sinumang maaaring may taliwas na opinyon ay
makukumbinsi ng manunulat.

Ano-Ano ang mga uri ng tekstong argumentatibo?


Puna
 Kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay
at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala,
tradisyon at pagpapahalaga.
Sayantific
 Kung ito ay nag-uugnay sa mga konsepto sa isang
tiyak na sistemang karunungan at pag-iisip upang
ang kinalabasang proposisyon ay mahinuha o
mapatunayan
Ano -Ano mga elemento ng pangangatuwiran?

Proposisyon
 Ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan.
Argumento
 Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya
upang maging makatuworan ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas
ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay
ng mahusay na argumento.

Ano-ano ang mga katangian at nilalaman ng mahusay na


tekstong argumentatibo?
 Mahalaga at napapanahong paksa.
 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto.
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.
 May matibay na ebidensya para sa argumento.
Paano magkakaiba ang tekstong argumentativ sa
persweysiv?

Argumentativ Persweysiv
Nakabatay sa totoong Nakabatay sa Opinyon
ebidensya
May pagsaalang-alang sa Walang kasaalang-alang sa
pagsalungat na pananaw. pagsalungat na pananaw.
Ang paghihikayat ay Nanghihikayat sa
nakabatay sa katwiran at pamamagitan ng apela sa
mga patunay na inilatag. emosyon at nakabatay ang
kredibilidad sa karakter ng
nagsasalita,at hindi sa
merito ng ebidensya at
katwiran.

Nakabatay sa lohika Nakabatay sa emosyon

Tandaan:
Ang tekstong argumentatibo ay maaaring naglalaman ng mga
salita o pangungusap na nagpapakilala ng pagsang-ayon at
pagsalungat. Maliwanag na inilalahad ang isyu, paninindigan
at mga argumento ng awtor.

Aplikasyon
(20 minuto) Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
isinasaad ng pahayag at Mali naman kung mali ang isinasaad
nito.
7
______1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong
argumentatibo sa
pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.
______2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang
mga ebidensyang
pangkasaysayan.
______3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng
empirikal na
pananaliksik.
______4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang
mga mambabasa na
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.
______5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang
makakalap ng datos na
kailangang may kaugnay sa paksang tinalakay.
______6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga
hakbang sa pagsasagawa
ng isang bagay.
______7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa
pasulat na
pamamaraan.
______8.Kinapupulutan ang tekstong argumentatibo ng mga
kabutihang asal,
mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan
tulad ng pagiging mabuti at tapat.
______9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa
paglalarawan ng isang bagay,
tao, o lugar.
_____10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon
ng may-akda na
suportado ng mga ebidensiya.

Susi sa Pagwawasto:
1. Tama 6. Mali
2. Mali 7. Tama
3. Tama 8. Tama
4. Tama 9. Mali
5. Tama 10. Tama

Pormatibon Suriin at tukuyin ang paraan ng pangangatwirang


g Pagtataya ipinapahayag sa bawat teksto. Piliin ang sagot mula sa kahon
(9minuto) at isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot sa inilaang
patlang.

A. Pabuod C. Silohismo E. Sanhi at


bunga
B. Lohikal D. Pasaklaw
______1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang
pakikipagsapalaran sa buhay
na kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at
kaunlaran.
______2. Edukasyon ang ating sandata upang mapaganda
ang ating kinabukasan,
hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa bayan.
______3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at
prutas, at tamang
ehersisyo ay iilan lamang sa mga dapat gawin upang
mapanatiling malusog ang ating katawan.
______4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy.
Si Lito ay isda.
______5. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary
Ernesto Pernia ng National
Economic and Development Authority (NEDA), mas malaki pa
sana ang ilalago ng ekonomiya kung hindi lang dahil sa
inflation o ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
______6. Si Alex na yata ang pinakamabait sa aming
magpinsan. Siya ay
mapagbigay, maalalahanin, matapat at higit sa lahat may
malawak na pag-iisip.
______7. Sa kultura nasasalamin ang kaisahan at sariling
pagkakakilanlan ng isang
mamamayan.
______8. Lubos ang pagkagalak ni Inay sa pagdating ni kuya
na matagal nang hindi
namin nakapiling.
______9. Mahirap ang buhay sa Jolo kung kaya’t masasabing
mahirap ang buhay
sa buong Mindanao.
_____10. Ang palagiang pagbaha ay nakakaapekto sa pang-
araw-araw na gawain
ng tao. niyang pag-aasawa pamumuhay.

Susi sa pagwawasto
1.B 6.D
2.D 7.B
3. A 8.E
4. C 9. C
5. E 10. B
Takdang Aralin/Kasunduan Sumulat ng tekstong Argumentatibo batay sa
(1 minuto) paksang,Sumang-ayon ka ba sa pagsasara sa himpilan
ng Abs-Cbn?

Pamantayan ng Pagmamarka sa
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Orihinal ang disenyo at 15
konsepto
Malikhain at 10
nakapanghihikayat
Malinaw ang isinulat at 25
pagpapakahulugan
Kabuuan 50

Annotaion: Creative Writing Integration


Panapos na Isapuso ito at palatandaan:
sa Gawain “Mag-aral ng Mabuti, upang ang buhay ay bumuti”
(1 minuto)
References:

MGA AKLAT
Santos, Angelina et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.105 Engineering Road, Aranita University
Village, Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House,Inc.2016
Dayag,Alma M.at Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang Pluma11.Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2016

"TEKSTONG ARGUMENTATIB.Pptx - TEKSTONG ARGUMENTATIB Ang Tekstong


Argumentativ Ay Isang Uri Ng Teksto Na Naglalahad Ng Mga Kaisipan,Ng Pangangatwiran
O". Coursehero.Com, 2020. Nakuha noong Hunyo 1, 2020. Mula sa:https://bit.ly/2XQeLcx
"Tekstong Argumentatibo". Scribd,nakuha noong Hunyo 1,2020, mula sa
https://www.scribd.com/document/331398709/Tekstong-Argumentatibo.
"EDITORYAL - Martial Law". Philstar.Com, 2020. https://bit.ly/2XNwgud
Kapitolyohs.Files.Wordpress.Com, 2020. https://bit.ly/36WJMQs
Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4: Gamit Ng Panandang Diskurso".
Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020. https://bit.ly/2TYaz9v
"TEKSTONG ARGUMENTATIBO". Prezi.Com, 2020.https://bit.ly/2XOOzPx

https://www.kateheddleston.com/blog/argument-cultures-and-
unregulated-aggression

Inihanda ni:

Pangalan: EMMA R. BERCERO Paaralan:ODLOT NHS


Posisyon/Designasyon: TII Dibisyon: Bogo City

Checked by: Noted by:


MARY CRES D. MANDAL NAZAR R. ABAO
MT – 1 School Head

You might also like