You are on page 1of 51

Elemento ng Awit sa Florante at Laura

ISANG UNDERGRADUATE TESIS

na Iniharap sa mga Guro ng School of Teacher Education


JH Cerilles State College- Dumalinao Offsite Class
Dumalinao, Zamboanga Del Sur

Bilang Parsyal na Pagtupad sa Pangangailangan


Sa Digring Bachelor in Secondary Education
Major sa Filipino

Asentista, Shela Mai R.

Belando, Joas A.

Enojardo, Rowena J.

JANUARY 2021
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan sa Research 2

Bachelor in Secondary Education major in Filipino, ang tesis na ito na

pinamagatang, “ELEMENTO NG AWIT SA FLORANTE AT LAURA,” na

inihanda at iniharap nina Shela Mai R. Asentista, Joas A. Belando, at

Rowena J. Enojardo ay itinagubilin para sa kaukulang pagsusulit na pasalita.

JOHN MARK C. LLOREN, MAEd


Tagapayo

Tinanggap at pinagtibay ng bilang bahagi ng mga gawaing kailangan

sa pagtatamo ng dIgring Batselor ng Sekondarya Edukasyon Major sa

Filipino ng Panel ng Pagsusulit na Pasalita.

Inaprobahan ng panel ng pagsusuri noong ika-20 ng Enero, 2021 na

may markang Nakapasa.

ANNABELLE A. PASKO EdD AMALIA L. REMOTIGUE, MAEd


Kasapi Kasapi

REGINA I. CUIZON, EdD


Kasapi
ABSTRACK NG PAG-AARAL

Shela Mai R. Asentista, Joas A. Belando at Rowena J. Enojardo,


ELEMENTO NG AWIT SA FLORANTE AT LAURA NI FRANCISCO
‘BALAGTAS’ BALTAZAR. Isang undergradweyt tesis ng JH Cerilles State
College, Dumalinao Offsite Class, Dumalinao, Zamboanga del Sur. Isang.
Enero, 2021

Tagapayo: JOHN MARK C. LLOREN, MAEd

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang alamin kung ano-anong


elemento ng awit ang makikita sa Florante at Laura. Inalam din kung ano ang
implikasyon sa kasalukuyang panahon. Desinyong kwalitatibo at paraang
palarawan ang ginamit sa pagsusuri ng nilalaman at pag-aanalisa ng mga
nalikom na datos. Base sa masusing pag-aaral, natuklasan na may tatlong uri
ng elemento ang awit ang nakapaloob dito: pag-iibigan, relihiyon at
pangangaral, kahima-himala at kagila-gilalas. Layunin din ng pag-aaral ang
makabuo ng mini-booklet upang mabigyang halaga ang napapaloob sa awit
na Florante at Laura.

Susing salita: Elemento, Awit, Implikasyon, Florante at Laura.


PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay taos pusong ipinapahayag at ipinaabot ang


pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na tumulong sa
pagpapalawak ng kaalaman na magkaroon ng magandang resulta ang
pananaliksik.

Sa ating Panginoon na nagbigay determinasyon upang maisagawa at


maisakatuparan ang pag-aaral at sa pagbibigay ng malawak na kaalaman na
aming ginamit sa pananaliksik, sa pagdinig sa aming mga panalangin lalong-
lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na ito ay matapos
sa takdang panahon.

Kay John Mark C. Lloren MAEd at Anabelle A. Pasco EdD ang


butihing tagapayo, sa kanilang walang sawang suporta na ibinigay sa tuwing
kami ay nangangailangan ng kanilang gabay at sa mga karagdagang
kaalaman para sa ikauunlad ng aming pag-aaral. Sa matiyagang pagwawasto
sa tesis upang maging makabuluhan ang pag-aaral at upang matamo ang
wasto at magkaroon ng magandang kalalabasan ng pag-aaral.

Mga kasapi ng lupon na sina Amalia L. Remotigue, MAEd at Regina I.


Cuizon, EdD, maraming salamat sa pagbibigay ng karagdagang kaalaman at
pagwawasto sa isinagawang pag-aaral.

Sa mga kaklaseng nagbigay inspirasyon at naging sandigan ng bawat


isa sa panahon ng kagipitan at pangangailangan.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik
PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan kung wala ang mga


taong gumabay at tumulong, buong puso at pagmamahal ang inihahandog sa
mga taong gumabay at naging bahagi upang matagumpay na maisagawa
ang pag-aaral na ito.

Sa mahal na mga magulang na sina:

Ginoong Fannie D. Asentista


Ginang Nenita R. Asentista
at
Ginoong Ronald P. Enojardo
Ginang Elsie J. Enojardo
at
Ginoong Crisanto G. Belando
Ginang Lydia A. Belando

Sa mahal na mga magulang na walang sawang pagsuporta sa


ginawang pananaliksik at pagbibigay sa lahat ng suportang moral,
pagmamahal, at inspirasyon, maging ang pinansyal upang ang mga
mananaliksik ay maisagawa ang pag-aaral ng maayos at para maging
matagumpay, maraming salamat.

Sa mga kaibigan, kaklase at mga espesyal na tao sa buhay na


nagbibigay ng inspirasyon, pagdarasal at taos-pusong tumulong sa mga
mananaliksik upang maisakatuparan ng matagumpay at maipasasatamang
panahon ang pag-aaral.
Higit sa lahat sa Panginoon na walang sawa at walang tigil sa
pagbasa at pagpapakaloob ng sapat na kaalaman upang mabuo ang pag-
aaral na ito.
Joas, Rowena at Shela Mai
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
PAMAGAT NA PAHINA i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
ABSTRAK NG PAG-AARAL iii
PASASALAMAT iv
PAGHAHANDOG v
TALAAN NG NILALAMAN vi
TALAAN NG TALAHANAYAN viii
TALAAN NG PIGURA ix

KABANATA
1 ANG SULIRANIN
Panimula 1
Batayang Teoritikal 3
Batayang Konseptwal 5
Paglalahad ng Suliranin 7
Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral 7
Kahalagahan ng Pag-aaral 8
Katuturan ng mga Pangunahing Termino 9
2 KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Elemento ng Awit 11
Pag-iibigan 15
Relihiyon at Pangangaral 16
Kahima-himala at Kagila-gilalas 18

3 METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Desinyo ng Pananaliksik 24
Instrumento ng Pag-aaral 24
Paraan ng Paglikom ng mga Datos 25
4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS 26
Implikasyon 36
5 NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Buod ng Natuklasan 38
Konklusyon 39
Rekomendasyon 40

TALASANGGUNIAN 41
APENDIKS
A. Kopya ng Florante at Laura kabanata 1- 10 44
B. Mini Booklet 65

DATOS NG MANANALIKSIK 82
TALAAN NG TALAHANAYAN

Bilang Pamagat Pahina

1 Elemento ng Awit na Florante at Laura 26

2 Elementong Awit na Nangingibabaw 34


TALAAN NG PIGURA

Bilang Pamagat Pahina

1 Iskematik na Modelo ng Pag-aaral 6


KABANATA I

ANG SULIRANIN

Introduksyon

Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong

maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng

saknong at taludtod tinawatag na awit. Ito ay nagpapahayag ng damdamin ng

isang tao na nagkakaroon ng uri. Isa sa mga uri nito ay ang tulang

pasalayasay binubuo ng mga saknong, at ang mga saknong na kabilang sa

awit ay ang Florante at Laura. Ayon kay Alejandro (2010), ang tula ay

nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag na manlilikha sa

pamamagitan ng larawang-diwa na pinupukaw ang damdamin ng tao.

Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat

na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may labindalawang

pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan. Karaniwang paksa ng

awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba ay tumatalakay rin sa

mga alamat at relihiyosong tula.

Ayon kay Abinion (2015) ang awit ay nagtataglay ng tatlong

elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyon at pangangaral. At

ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas. Dagdag pa niya, ito ay Inilalahad

ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa

magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan. Sinabi pa niya ito ay

nabubudburan naman ng mga pangangaral ang ilang usapan sa loob ng mga


taludtod, ngunit ang ganitong gaw a'y hindi mauugat sa banyagang

impluwensiya ng relihiyosong pangangaral. Ang kahima-himala at kagila-

gilalas sa mga awit ay may kaugnayan sa puwersang sobrenatural, gaya ng

diyos o santo, na namamagitan sa mga tao at pangyayari sa pamamagitan ng

himala.

Sa pag-aaral ni Eugenio (2001), ang awit ay walang ikinaiba sa

korido, maliban sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ayon sa kaniya, ito ay

isang anyong pampanitikan na may musika na kadalasan ay nasa anyong

patula at tumutugma ang mga salita sa awitin. Inilalahad ng awit ang pag ibig

at nabudburan ng mga pangangaral at may kaugnayan sa kahima-himala at

kagila-gilalas na pangyayari sa bawat saknong.

Ayon naman kay Gene (2015), ang awit, gaya ng korido, ay

nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan; Ikalawa, ang relihiyon

at pangangaral; at ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas. Dagdag pa

niya, ito ay salaysay sa pakikipagsapalaran ngunit walang sangkap na

kababalaghan. Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na

pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig. Ang

karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,

pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

Sa bahaging ito, ang Florante at Laura ay isang obra maestra ni

Francisco Baltazar, na kilala rin bilang Balagtas ay isang obra-maestra sa

panitikang Pilipino.Isa itong mahabang awit na itinuturing na pinakamahalaga


sa lahat. Ito ay naglalaman ng maraming aral na kadalasan ang kanilang

pinagtutuunan ng pansin ay ang mapupulutan ng aral sa mag-aaral, at mga

kanais-nais na katangian ng awit. Pinagtutuunan din ng pansin ang mga

mahihirap na salita upang matutunan ang malalim na salita. Hindi nabigyan

pansin ang elemento, na ang elemento ay isa sa mahalagang katangian at

aspketo sa pagtalakay ng mga awit lalong lalo na itong Florante at Laura.

Ginamit itong elemento sa ibang akda pero hindi ginamitan ang

Florante at Laura na akda ni Francisco “Balagtas” Baltazar ng mga elemento

kaya nais ng mananaliksik na suriin. Ang pinakamalaking purpos nito ang

nilalaman, ang elemento sa awit ng Florante at Laura.

Napakalaki ang papel ng elemento ng awit sa Florante at Laura dahil

ito ang nagsisilbing elemento ng isang bagay na mahalaga sa buhay ng tao.

Ito ay pag-uuri ng mga bagay, pahayag at elementong nakita sa pagsusuri ng

akda Villafuerte (2000).

Nais ng mga mananaliksik na alamin ang mga elemento ng awit sa

Florante at Laura na akda ni Francisco ‘‘Balagtas’’ Baltazar. Sa kabuuan, ang

pananaliksik na ito ay isinagawa upang maunawaan at malaman kung anong

elemento ang napapaloob sa bawat saknong mula sa isa hanggang sampung

kabanata ng Florante at Laura.

Batayang Teoritikal
Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa teoryang formalismo ay

isinilang noong 1910 at yumabong noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito

ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan. 4

Layunin ng pagsusuring formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo

ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog.

Naging tanyag ang pananaw sa panunuring pampanitikan sa dami ng

pagsusuring ginamit. Sa pagtalakay sa akda, dapat ang mailantad lahat ng

mahahalagang bagay mula sa iba’t-ibang elemento ng akda na

magkakaugnay hanggang sa katapusan.

Ang tunguhin sa teoryang formalismo ay masuri ang nilalaman,

kaanyuan at ang paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang teksto ang pokus sa

teorya, sa paggamit ng teoryang ito kailangang masuri ang karakterisasyon,

mensahe at suliraning binigyang solusyon. Sinusuri ito upang matukoy ang

mga ugali na Mabuti at dapat gayahin at maiwasan ang mga hindi mabuting

pag-uugali. Mensahe at diwa o kaisipan na nais iparating ng manunulat ng

akda sa mga mambabasa. Ito ay nagpapaantig ng damdamin sa mambabasa

at nagbibigay aral. Suliraning binigyang solusyon ay ang mga suliraning

kinakaharap ng pangunahing tauhan gaya ng Florante at Laura. Sa

pamamagitan nito natutukoy ang mga paraan at ang asal ng karakter sa

paglutas ng mga kinakaharap na pagsubok na magsisilbing gabay sa

mambabasa sa mga dapat gawin.

Ang formalismo ay nagbabalangkas sa pagsusuri sa pagtalakay ng

akda, mahahalagang simula patungo sa iba’t-ibang elementong


magkakaugnay hanggang sa katapusan. Matutukoy ang nilalaman, kaanyuan

o kayarian ng akda. Ang Florante at Laura ay napapaloob sa bahaging ito

kung ano ang nais iparating ng may akda sa mambabasa. 5

Ayon kay Bolands (2000), ang Formalismo ay kapaki-pakinabang

dahil ito ay makikita sa anyo ng tula, na maaaring hindi napapansin, sinusuri

ito upang makita kung ano ang epekto nito sa kahulugan ng awit at dagdag

pa ni Estravo (2016), makikita ang mga elementong ito, na masasabing

mahusay ang akda.

Sa kabuuan, ang elemento ng awit na Florante at Laura ay kakikitaan

ng kahalagahang aral na makaimpluwensiya sa mga tao lalong-lalo na sa

mga kabataan. Ang pananaw na makukuha ay maaaring makatulong upang

lubos na malinang ang isang indibidwal.

Konseptwal na Balangkas

Makikita sa susunod na pahina ang iskematik dayagram ng pag-aaral

kung saan makikita sa unang kahon ang di-malayang baryabol, ang akdang

Florante at Laura. Mula sa akda, sinuri ang elemento ng Awit na siyang

makikita sa ikalawang kahon. Makikita sa ikatlong kahon ang mga Elemento

ang mas nangingibabaw. Habang ang pang-apat na kahon ay nagpapakita

kung ano ang implikasyon nito sa kasalukuyang panahon.


Ang pagkakaunay-ugnay ng mga baryabol ay ipakikita sa pigura.

FLORANTE AT LAURA

Elemento ng awit

 Pag-iibigan Elementong Nangingibabaw sa


Florante at Laura
 Relihiyon at Pangangaral
 Kahima-himala at kagila-gilalas
ng mga pangyayari

Implikasyon sa kasalukuyang panahon


Pigura 1: Iskematik Dayagram ng Pag-aaral 7

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang elemento ng awit

sa Florante at Laura.

Ang mga sumusunod na katanungan ay tahasang sinagot sa pag-

aaral na ito:

1. Ano-anong elemento ng awit ang makikita sa Florante at Laura sa isa

hanggang sa sampung kabanata?

2. Anong elemento ang mas nangingibabaw sa kabanata 1- kabanata 10 sa

awit na Florante at Laura?

3. Ano ang implikasyon nito sa kasalukuyang panahon?

Layunin din ng pag-aaral ang makabuo ng mini booklet.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Elemento ng Awit sa Florante

at Laura na inakda ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Sinuri ang mga elemento

ng awit sa Florante at Laura na nakalimita lamang sa 1 hanggang 10 na

kabanata, dahil sa maikling oras at sa pandemyang hinaharap na

nakapagdulot ng malaking epekto sa pangangalap ng datos na walang face


to face class, mahina ang internet connectivity, maging ang pinansyal na

suporta. Nakalimita lamang ang pag-aaral sa taong 2021-2022.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Napakalaki ng papel ng Florante at Laura sa buhay ng mag-aaral na

mga kabataang Pilipino. Sa pang araw-araw na pamumuhay lalong-lalo na sa

aral na makukuha dito. Ang Pangunahing interes ng mananaliksik na

mapayaman, mapaunlad, at mapalusog ang araling Filipino. Naniniwala na

ang pag-aaral na ito ay sa sumusunod na grupo o indibidwal;

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lalong

mapaunlad ang pag-unawang pampanitikan gamit ang pagbabasa. Malinang

ang kakayahan, lubos na pagkaunawa, pag-aanalisa at makakatulong sa

mabisang pagpapahayag ng mga ideya na magiging daan ng pagtaas ng

pag-unawa ng wikang Filipino.

Guro. Makakapulot ang mga kaguruan ng mga pamamaraan at

impormasyon na maibabahagi nila sa kanilang estudyante at makakatulong

ito upang lalo pang yumabong ang kanilang kaalaman tungkol sa Florante at

Laura.

Mambabasa. Sa mga mambabasa na mabigyan sila ng kaalaman upang

maiangat ang kanilang kaisipan at maging daan upang mabuksan ang


kanilang alam sa mga bagay-bagay na maaari nilang mabatid at makakakuha

ng mga magagandang aral para maaply sa sarili at magagamit sa pang-araw-

araw na pakikisalamuha sa kapwa at sa lipunang kinabibilangan. 9

Iba pang mananaliksik. Magagamit nila itong basis sa kanilang

gagawing pananaliksik, at magsisilbing sanggunian at pagkukunan ng mga

mahahalaga o kapaki-pakinabang na impormasyon para sa kanilang

magiging pananaliksik na kaugnay ng pag-aaral na ito.

Katuturan ng mga Pangunahing Termino

Ang sumusunod ay mga salita na makatutulong sa mga mambabasa

upang mapadali ang pag-unawa sa pag-aaral. Ang pagbibigay kahulugan ay

batay sa konseptwal at operasyunal.

Elemento ng Awit. Isang istilo na ginagamit ng mga manunulat sa paglikha

upang maihatid ang mensahe na nais maihatid ng mambabasa. Ito ay nasa

anyong patula at tumutugma ang mga salita sa awitin na may tono at sukat.

Pag-iibigan. Isang pakiramdam ng unibersal na pagmamahal sa isang tao,

hayop o bagay.

Kahima-himala at kagila-gilalas na Pangyayari. Isang pangyayari na

lumalabag sa pangkaraniwang mga batas ng kalikasan, pinaniniwalaang mga

kamangha-manghang kaganapan na nagpapakita ng higit sa karaniwan na

pagkilos ng kapangyarihan ng Diyos sa iba’t ibang mga relihiyon mula sa

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.


Relihiyon at Pangangaral. Isang sistema ng paniniwala, kaugalian at mga

simbolo sa paligid sa ideya ng pagka-diyos o pagiging sagrado na may

kakayahang pamahalaan ang buhay ng mga taong sumusunod. 10

Tula. isang anyo ng panitikan na ginagamitan ng marikit na salita

upangipahayag ang damdamin ng isang tao at kaisipan batay sa sariling

karanasan, namasid at napakinggan.

Implikasyon. Ito ay karaniwang mga konklusyon na nakuha mula sa mga

resulta at pagpapaliwanag sa mga natuklasan para sa kasanayan at teorya.

Florante at Laura. Ang pinakadakilang pamana ni Francisco Balagtas sa

bayan. Ito ay naglalaman ng maraming aral tungkol sa pag-ibig at

pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ang akdang ginamit sa pag-aaral.


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Tinalakay sa kabanatang ito ang elemento ng awit sa Florante at

Laura. Ang kaalamang ito ay pagsusuri bilang kaugnay sa pag-aaral.

Elemento ng Awit

Ang elemento ng awit ay salaysay sa pakikipag-ibigan at

pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na

kababalaghan. Ang awit ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa

pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna,

prinsipe at prinsesa, duke, konde, at iba pang mga dugong mahal na ang

layunin ay palaganapin ang kristiyanismo. Ito ay madalas na sumasalamin

hango sa tunay na karanasang nagsulat nito. Inilalahad ng awit ang pag-ibig

ng magkasintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang

pag-ibig sa lupang sinilangan.

Ang mga elemento ay bahagi ng mga kagamitang pampanitikan. Ang

mga kagamitang pampanitikan ay may iba`t- ibang mga istilo na ginagamit ng

mga manunulat upang maiparating ang impormasyon sa mga mambabasa sa

kanilang nilikha. Kapag tinutukoy o pinag-uusapan ang mga elemento sa loob


ng isang lipunan o organisasyon, tinutukoy nito ang grupo ng mga tao na may

magkatulad na layunin, paniniwala, o gawi. 12

Binanggit ni Collins (2010), ang isang partikular na elemento ng isang

sitwasyon, aktibidad, o proseso ay isang mahalagang katangian na mayroon

ang isang bagay, tao o pangyayari. Dagdag pa niya, kapag pinag-uusapan

ang mga elemento sa loob ng isang lipunan o organisasyon, tinutukoy dito

ang grupo ng mga tao na maay magkatulad na layunin, paniniwala, o gawi.

Ang awit ay isang anyong pampanitikan na may musika. Kadalasan

ay nasa anyong patula at tumutugma ang mga salita sa awitin. Ito ay may

tono at sukat. Naglalaman ang isang awitin ng bahaging pang-tinig na

ginagampanang inaawit, at pangkalahatang tinatanghal ayon kay Astorga

(2011). Dagdag ni Cruz (2012), inilalahad ng awit ang pag-ibig ng

magsintahan o magkabiyak; ang pag-ibig ng anak sa magulang; at ang pag-

ibig sa lupang sinilangan. Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na

pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig. Ang

karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,

pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

Kaugnay nito, naiulat ni Epifanio de los Santos sa kaniyang “Balagtas

y su Florante” (1916) ang paraan ng pag-awit sa mga piling saknong ng

Florante at Laura (1838) ni Francisco Balagtas ng isang magsasakang

nakasakay sa likod ng kalabaw at ng isang babaeng namamangka sa

Paombong at Malolos, Bulacan. Hindi tatawaging “awit” ang anyo ng


kanonigong tulang ito kung hindi makakanta ang mga saknong nito. Binubuo

ng apat na taludtod ang bawat saknong at labindalawang pantig ang bawat

taludtod, makakanta ang alinman sa mga saknong ng Florante at Laura. 13

Sa pag-aaral ni Espiritu (2014) binanggit ni Toribio Minguella isang

dalubwika, ang Florante at Laura ang pinakamahusay na awit noong mga

panahon nito. Ayon naman kay Mcyear na isang manunulat sa Ingles,

lubhang nakatawag pansin sakanya ang matindi at maselang pamamanglaw

ng mga kayumanggi na kanyang na dama sa tula. Sang ayon naman si

George St. Clair na si Balagtas ay maihahanay sa mga dakilang makata tulad

nila William Norris at Henry Wadsworth Longfellow.

Ayon kay Noveno (2014), may tatlong elemento ang awit: ang pag-

iibigan, relihiyon at pangangaral, at kahima-himala at kagila-gilalas. Inilalahad

na ang awit ay patungkol sa pag-ibig ng magkasintahan o magkabiyak, pag-

ibig ng anak sa magulang, at pag-ibig sa lupang sinilangan. Ang kahima-

himala at kagila-gilalas sa mga awit ay may kaugnayan sa puwersang

sobrenatural, gaya ng diyos o santo, na namamagitan ng himala.

Nagkakaroon ng lakas ang mga tao, at malulutas nila ang mga balakid sa

landas ng kanilang pangarap.

Umunlad ang modernong panitikan sa Pilipinas dahil sa obserbasyon

ng mga kalakarang (Trend) global katulad ng pagdating ng narrative poetry at

metrical romance na siyang naging batayan ng mga nabuong awit at korido


sa bansa, at ang mga ito ang pinaniniwalaang mga salin o adaptasyon ng

comedia de capa y espada, Batnag (2015).

Kaugnay na paliwanag ni Lumbera (1986) hinggil dito: “The

difference between a poem and the text of a song must have been very

slight, 14

if a distinction was made at all. It is likely that the Tagalogs classified their

song according to melody and occasion, so that the texts, when found without

music, could pass for poetry.” Sa kabilang banda, ganito naman ang

pananaw ni Almario (2005), “Noong araw, inaawit ang tula ng mga Tagalog.

Hindi sapagkat iisa ang tula at awit. Ngunit waring may kalapat na himig ang

mga tula o nililikha alinsunod sa mga takdang himig. Kaya kung sabihin na

may sinaunang tula ukol sa bawat gawain at yugto sa buhay ng tao, lumilitaw

na may gayon ding bilang at uri ng sinaunang awit.”

Sa layunin ng kasalukuyang pag-aaral, kapuwa tinatanggap ang

paliwanag nina Lumbera at Almario. Mahihinuha mula sa kanilang mga

pahayag na bagaman magkaugnay, sadyang may magkahiwalay na pag-iral

ang himig at titik ng isang awit sa tradisyong pabigkas. Ang himig ay nagiging

“pre-aet melody” o takdang himig para sa iba’t ibang saknong ng tula kapag

inaawit.

Kaugnay nito, naiulat ni E. d. Santos (1988) sa kaniyang “Balagtas y

su Florante” (1916) ang paraan ng pag-awit sa mga piling saknong ng

Florante at Laura (1838) ni Francisco Balagtas ng isang magsasakang


nakasakay sa likod ng kalabaw at ng isang babaeng namamangka sa

Paombong at Malolos, Bulacan. Hindi tatawaging “awit” ang anyo ng

kanonigong tulang ito kung hindi makakanta ang mga saknong nito. Binubuo

ng apat na taludtod ang bawat saknong at labindalawang pantig ang bawat

taludtod, makakanta ang alinman sa mga saknong ng Florante at Laura gamit 15

ang melodiya ng mga awiting-bayan na “Leron-leron Sinta” ng mga

Tagalog at “Atin cu pung Singsing” ng mga Pampango.

Pag-iibigan

Ang pag-ibig o pag-iibigan ay isang pakiramdam ng unibersal na

pagmamahal sa isang tao, hayop o bagay. Isa sa pinakamahalagang

pagpapahalaga, isang pwersa na nagtutulak sa atin na gawin nang maayos

ang mga bagay, na nagpapalinaw sa pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at

kasamaan.

Mayroong tatlong mahahalagang sangkap ng pag-ibig:

pagpapalagayang-loob, pag-iibigan, at pangako. Ito ay may saloobin,

pananaw, at mga reaksiyon sa bawat isa ayon kay Stenberg (2007).

Ayon kay Santos (2014), sa pag-ibig ay handang masaktan sa

kanilang landas, upang makamit ang tunay na layunin na pilit pa rin

lumalaban upang ang hangad ay ligaya.

Binanggit ni DMG (2013), ang pag-ibig ay pinakamahalaga ngunit

karamihan sa mga emosyon na hindi nauunawaan. Ito ay makakaranas ng

kalungkutan. Dagdag pa ni Agraco (2014), ang pag-ibig ay isa sa


pinakamalalim na emosyon na nararanasan natin bilang tao, ngunit ang pag-

ibig ay hindi mahuhulaan at matatawaran.

Ayon naman kay Scheler (2007), ang pag-ibig ay punong-puno ng

karanasan at sakrispisyo ang isang tao para sa kanyang minamahal at


16
gagawin ang lahat kahit ano mang pagsubok ang dumarating.

Ang pag-ibig ay isang walang hanggan, walang kondisyong estado

dahil ito ay itinatag sa pamamagitan ng indibidwal sa pagpili, na nagdudulot

ng parehong positibo at negatibong mga kahihinatnan. Pangunahin, ang pag-

ibig ay hindi isang pakiramdam. Maaaring tila tayo ay umibig batay sa mga

emosyon na mayroon tayo, ayon kay Hudson (2017).

Sa pangkalahatan, ang pag-ibig ay dapat tukuyin bilang isang

malayang pagpili. Ito ay tumatagal ng panghabambuhay, na walang

kondisyon at totoo. Gayunpaman, ito ay hindi isang perpektong desisyon,

dahil ito ay nagpapahiwatig ng posibilidad ng parehong kapaki-pakinabang at

negatibong mga resulta na maaaring maging masaya o malungkot ang mga

tao depende sa mga pangyayari. Wala nang mas hihigit pa sa pag-ibig, dahil

ang mga damdaming kasama ng pagpili ay nagpapahalaga sa buhay.

Relihiyon at Pangangaral

Ang relihiyon ay isang sistema ng paniniwala, kaugalian at mga

simbolo sa paligid sa ideya ng pagka-diyos o pagiging sagrado na may

kakayahang pamahalaan ang buhay ng mga taong sumusunod. Sa


pamamagitan ng sagradong teksto, itinatag nito ang prinsipyong moral at

nagpapasya kung ano ang tama, at kung ano ang mali. 17

Ang pangangaral ay isang bagay na nakapagpapalakas ng kalooban

at paghihikayat sa pamamagitan ng pakikipag-usap, ng kilos. Hinihikayat ang

tao na maging praktikal at positibo, manampalataya kung naghahangad ng

mga positibong tugon na nakatuon sa kung ano ang sinasabi ng Bibliya at

kung paano ito mailalapat sa pang araw-araw na buhay sa kasalukuyan.

Ayon kay Pargament (2005), ang relihiyon ay itinuturing na isang

bahagi ng kultura na kumikilos bilang isa sa maraming anyo ng hayagang

pagpapapahayag at nakakaranas ng kabanalan. Ang halaga ng kultura ay

nakikita bilang isang pundasyon sa pagiging relihiyoso na naka-embed sa

particular na karanasan sa kultura na nakakaranas ng unibersal na kabanalan

ng tao.

Ayon naman kay Picardal (2016), ang relihiyon ay isang kalipunan ng

mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na

nag-uugnay ng sangkatauhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

Sinabi ni Buast (2001), hindi lahat ng hiling ay kailangan matupad,

madalas nating naisin nang walang tiyak na layunin, nang hindi iniisip ang

kahihinatnan dahil lamang sa gusto natin. Ang mekanismo para sa pagtupad

ng mga pagnanasa ay hindi gaanong simple, isang maliit na bahagi lamang

ng pagnanasa ang matutupad sa ating mga ninanais.

Binanggit ni Jessi (2005), maraming pagsubok ang maaaring

dumalaw sa ating buhay kayat dapat na maging handa tayo. Ang pagtitiyaga
ay nagpapatibay sa ating pananampalataya. Upang manatiling positibo ang

pananaw sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap, bigyan ng


18
pagkakataon ang sarili na suriin ang mga bagay na dapat ipagpasalamat.

Sinabi ni Garcia (2018), hindi sapat na ang layunin o maging ang

kahihinatnan ng kilos ang gawing batayan sa paghuhusga kung naging

mabuti o masama ang isang kilos.

Kahima- himala at Kagila- gilalas

Ang himala o kahima-himala at kagila-gilalas ay isang pangyayari na

lumalabag sa pangkaraniwang mga batas ng kalikasan, pinaniniwalaang mga

kamangha-manghang kaganapan na nagpapakita ng higit sa karaniwan na

pagkilos ng kapangyarihan ng Diyos sa iba’t ibang mga relihiyon mula sa

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Sevilla (2009), ang kahima-himala ay higit sa karaniwang

magagawa ng tao o taong nagpapakilala ng kabayanihan. Ito rin ay

naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala.

“No walking on water, no miracles, no virgin birth, no resurrection, but

plenty of morality.” ang argumento sa pananaw sa relihiyon ni Jefferson. Ine-

edit ni Jefferson ang bibliya, isang aklat na itinuturing ng karamihan bilang

salita ng Diyos. Sa aklat, iningatan niya ang mga salita ni Jesus, ngunit

iniwan ang mga himala, at ang mungkahi na si Jesus ay Diyos. Wala na ang

virgin birth. Gayon din si Jesus na lumalakad sa tubig, nagpaparami ng


tinapay at isda, at walang muling pagkabuhay, at tinawag ang bersyong ito na

“The life and moral of Jesus of Nazareth.” ayon kay Carlson (2017) 19

Ang kaugnay na literaturang ito ay makakatulong sa pagsusuri

tungkol sa paksa upang mas maintindihan ng mambabasa at iba pang

mananaliksik ang Elemento ng Awit sa Florante at Laura. Nagamit din ang

kaugnay na literaturang ito sa isang masusing pagkilala sa nasabing pag-

aaral.

Buod

Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw

May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga

halaman kung kaya’t hindi makapasok ang pebong liwanag. Ang mga ibon ay

hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na mga sanga. May mga

gumagala na mga mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena,

serpiyente, piton, basilisko, at iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake

sa mga taong magsisipunta doon.

Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata

Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang

isang lalaki na nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at

kaawa-awang itsura ay bakas pa rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.

Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at

magandang pangangatawan. Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang


kanyang mga pinagdaanan at ang paglapastangan sa kaharian ng Albanya

sa mga kamay ni Konde Adolfo. Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa

Albanya. Ang mga masasama ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran

naman ay ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan

ni Florante.
20

Kabanata 3: Alaala ni Laura

Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang

pansamantala ang kanyang dusa’t paghihinagpis. Si Laura na lamang ang

natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang maaalala na si Laura

na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.

Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang

kaniyang sinisinta ay may kasama ng iba.

Kabanata 4: Pusong Nagdurusa

Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang taong masama

ay maaawa sa kalagayan nito. Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito

ngunit tanging ang alingawngaw lang niya ang sumasagot sa kanya. Hindi

makapaniwala si Florante sa kanyang kinahantungan dahil sa labis na

pagmamahal niya para kay Laura ay nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.

Naging buo ang tiwala niya kay Laura subalit sa likod ng kagandahang

tinatangi nito ay may nagtatagong isang taksil.


Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang pala,

katulad ng pagpapakintab nito sa panangga at paglilinis ng kanyang baluti

dahil ayaw niyang madudumihan ang kasuotan kung ito ay mapapalapat sa

kanya. Hinimatay si Florante dahil sa labis na paghihinagpis.

21

Kabanata 5: Halina, Laura Ko

Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa kanyang

kahirapan. Umaasang siya ay muling lilingapin ni Laura. Makita lang niyang

may konting patak ng luha mula sa mga mata ni Laura ay maapula ang

dalitang nararamdaman nito. Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil

puno na ng kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay danas na niya.

Dinig sa buong gubat ang mga panaghoy ni Florante.

Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na Taga-Persiya

Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si Aladin na

taga-Persiya. Bigla itong tumigil upang tumanaw ng mapagpapahingahan na

di kalauna’y hinagis ang hawak na sandata. Tumingala sa langit na panay

ang buntong-hininga sabay upo sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang

tumulo ang luha. Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang

pinakamamahal na inagaw naman ng kanyang ama.


Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama

Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig na buntong-

hininga. Ibinaling sa kagubatan ang tingin upang hanapin ang pinanggalingan

ng malalim na paghinga. Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad

niyang pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na umiiyak habang sinasariwa

ang alaala ng kanyang yumaong ama.


22

Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang Ama

Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya ang

pagtangis ng isang Moro na sa mga kwento nito tungkol sa kaniyang ama.

Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-ibig nito para

sa ama, si Aladin naman ay humihikbi dahil sa matinding poot sa kanyang

ama. Kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni Florante para sa ama ay

matindi naman ang galit ni Aladin sa kanyang ama dahil inagaw nito ang

kaisa-isang niyang minamahal na si Flerida.

Kabanata 9: Dalawang Leon

Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon

hangos nang paglakad. Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-

lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga mukha nito.

May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang

mabangis na kamatayan na kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.


Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon
23

Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay

may mga nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko na kahit na anong oras

ay maaaring makapatay. Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit

dali-daling umatake na din si Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa

lupa. Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at

napatumba niya ang dalawang leon.


KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ang naglalaman ng desinyo at pamamaraan ng

pag-aaral, Instrumento ng Pag-aaral, paraan ng paglikom ng datos,

pagsasaayos ng mga datos at pag-aanalisa ng mga datos.

Desinyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Desinyong quanli

content analysis. Ang desinyong paglalarawan ay ang nakita ng mananaliksik

na magiging mabisa ang pag-aaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik sa Florante at Laura.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik ay ang libro ng Modyul sa

Grade 8 ng Florante at Laura, kabanata 1: mapanglaw na gubat, kabanata 2:

kaliluha’y hari, kabanata 3: lupit ng paninbugho, kabanata 4: pag-aalinlangan,

kabanata 5: paglingap, kabanata 6: nasaan ka laura, kabanata 7: pagsintang


makapangyarihan, kabanata 8: kalupitan ni adolfo, kabanata 9: dalawang

ama, kabanata 10: hinanakit. Binigyang kod ang mga kabanatang ito mula

kabanata 1- kabanata 10.

25

Paraan ng Paglikom ng Datos

Sa paglikom ng mga datos, unang isinasagawa ang pangangalap ng

aklat sa Florante at Laura. Ang napiling pag-aralan at saliksikin ay ang 1

hanggang 10 kabanata.

Naglaan ng maraming araw ang mga mananaliksik sa pagbasa sa

kabanatang napili, masusi at paulit-ulit na binasa, upang lubus na

maintindihan ang malalalim na mga salita.

Nagsaliksik, sinuri at inaanalisa ang bawat saknong upang malikom

ang mga datos at masagot ang mga katanungan kung ano ang mga elemento

na makikita sa awit ng Florante at Laura.


KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRITASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay isang presentasyon, analysis at interpretasyon

ng mga datos na nakalap.

Talahanayan 1: Elemento ng Awit na makikita sa kabanata 1 hanggang

kabanata 10 ng Florante at Laura

Elemento

1. Pag-iibigan

2. Kahima- himala at Kagila- gilalas

3. Relihiyon at Pangangaral

1. Pag-iibigan
Ang unang elemento ang ay ang pag-iibigan at masisinag ang mga

sumusunod na pahayag sa bawat saknong mula sa bawat kabanata.

a. Pag-ibig sa Kasintahan

Ang pag ibig ay walang hanggan, isa sa pinaka malalim na

emosyong nararanasan ng isang tao, handang magsakripisyo sa pag ibig na

wagas at hindi pumipili ng kahit sino. 27

“Kung siya mong ibig na ako’y magdusa


Langit na mataas, aking mababata;
Isagi mo lamang sa puso ni Laura –
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala.

“At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,


Malawak na lubhang aking tinatawid;
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib.

“Sa sinapupunan ng Konde Adolfo


aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito.” Kabanata 3

“Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo


sa iba ang sintang sa aki’y pangako,
at pinagliluhan ang tapat ng puso,
pinanggugulan mo ng luhang tumulo?

“Di sinumpaan mo sa harap ng langit


na di maglililo sa aking pag-ibig?
Ipinabigay ko naman yaring dibdib,
wala sa gunita itong masasapit! Kabanata 4

“Sa ibang kandunga’y ipinagbiyaya


ang pusong akin na, at ako’y dinaya,
buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
nilimo’t ang sinta’t sinayang ang luha.

“O Konde Adolfo’y inilipat mo man


sa akin ang hirap ng sansinukuban,
ang kabangisan mo’y pasasalamatan,
ang puso ni Laura’y kung hindi inagaw!” Kabanata 6
28

Mula sa mga patunay sa awit na Florante at Laura na nagpapakita

ng pag-iibigan ni Florante at Laura na ang tunay na parte ng pagmamahalan

ang pagdurusa, kasama pa dito ang mga pagsubok na kinakailangang

lampasan gamit lamang ang wagas na pagmamahalan. Ang pag-iibigang

Florante at Laura ay naging isang magandang halimbawa nang ganitong

uring pag-iibigan na walang hangganan.

Binanggit ni Bernardo, (2017) tungkol sa usaping pag-iibigan. Ito ay

kung bakit marami ang nakakadarama ng kabiguan, kasawian, kalungkutan

at paninibugho kapag hindi natugunan ang nadarama nilang pagmamahal sa

isang tao.

Ang araling Florante at Laura ay nagsasalaysay at naglalarawan ng

isang Dalisay na pag-ibig ni Francisco Balagtas Baltazar kay Maria Asuncion

Rivera. Ang sikat na pag-iibigan ng 19 na siglo ang Florante at Laura ay ang

kanyang pinamainam na likha. Lumipas na ang mga araw na iyon ang natira

na lamang sa kanyang puso ay ang pag-ibig na iniaako at manatili habang

siya ay buhay pa, (Martin 2012).

Sa habahaba nang pagdurusang dinanas ni Florante ay handang

magbuwis ng buhay para sa kanyang irog. Kung ating ikukumpara sa

panahon ngayon, tila di bihasa ang mga kalalakihan sa tamang pagsinta na

kanilang minamahal.
b. Pag-ibig sa Ama

Ang Pag-ibig sa ama ay ang pagmamahal, pag-aaruga,

pagmamalasakit at paggalang na nararapat lamang na pahalagahan.

“At kung si Flerida’y iba ang umagaw


ay di ang ama kong dapat na igalang,
hindi ko masabi kung ang piking tanga’y
bubuga ng libo’t laksang kamatayan. 29

Sa kuko ng lilo’y aking aagawin


ang kabiyak niring kaluluwang angkin
liban na kay Ama, ang sinuma’t alin
ay di igagalang ng tangang patalim.

“O pagsintang labis ang kapangyarihan


sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
pag ikaw nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang” Kabanata 7

Inabutan niya ang ganitong hibik:


“ay mapagkandiling amang iniibig!”
bakit ang buhay mo’y paunang napatid,
ako’y inulila sa gitna ng sakit?

“Sa sintang inagaw ang itinatangis


dahilan ng aking luhang nagbabatis
yao’y nananaghoy dahil sap ag-ibig,
sa amang namatay na mapagtangkilik.
“Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko’y itong ako’y paliluhin,
agawan ng sinta’t panasa-nasaing
lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil. Kabanata 9

Sa bawat aspekto ng pag-ibig ay may iba’t ibang pamantayan at

limitasyon, ang pagmamahal sa ating pamilya, sa ating ama at ina ay

sumasaloob dito ang paggalang at pagsunod. Bagamat ang bawat ama ay

may kanya-kanyang katangian nararapat lamang na siya ay pahalagahan.


Ang pag-ibig sa ama at ina ang nagiging dahilan upang maging mabuti

tayong tao.

Ayon kay, Cabrera (2018), ang relatibong tagal ng panahon na

madalas na ginugugol ng ina at ama sa pag-aalaga sa mga anak ay

napakahalaga. Ang magulang ay mamumuhunan, kapwa emosyonal at

pinansyal, sa buhay ng kanilang mga anak. Ang kalidad ng pakikipag-


30
ugnayan ay susi sa magandang relasyon sa anak.

c. Pag-ibig sa Bayan

Pag-ibig sa bayan ay hihigit sa pagkadalisay at pagkadakila sa

bayang pinagmulan. Ito ay isang mahalagang tungkulin ng isang

mamamayan sa isang bansa.

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati. Kabanata 2

“Paalam! Albanyang pinagmamayanan


ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
sa iyo’y Malaki ang panghihinayang.

Yaong aking Laurang hindi mapapaknit


ng kamatayan man sa tapat kong dibdib,
paalam, bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw sa isip! Kabanata 10

Ang pag-ibig sa bayan ay nagpapakita kung ano ang tunay na

pagmamahal at sinasalamin ang tunay na pangyayari na nararanasan at

lumalaban. Ito ay isang hindi ordinaryong pagmamahal lamang kundi isang


pagmamahal na higit pa sa sarili na handa mong ibigay kahit ang buhay mo

para sa bayan.

Sa panahon ng himagsikan ay unti-unting nabuo sa damdamin ng

bawat mamamayang pilipino ang pagmamahal sa bayan bunga na din ng

hirap na kanilang nararanasan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila

(Antonio, 2008). 31

Ayon kay Agraco (2011), ang pag-ibig ay isa sa ang pinaka malalim

na emosyon nararanasan natin bilang tao at mas malaki sa atin. Maaari

nating piliing sumuko sa pag-ibig, ngunit ang pag-ibig ay hindi mahuhulaan at

hindi matatawaran.

2. Kahima-himala at Kagila-gilalas na Pangyayari

Sa pangalawang elemento ay ang Kahima-himala at Kagila-gilalas na

pangyayari. Matutunghayan ang mga sumusunod na pahayag ng mga

saknong mula sa bawat kabanata.

“Makapangyarihang kanan Mo’y ikilos,


papamilansikin ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok
ang iyong higanti sa masasamang-loob.

“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin


malamig nang bangkay akong nahihimbing;
at tinatangisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin. Kabanata 3

“Wala na, Laura ikaw na mga lamang


ang makalulunas niring kahirapan;
Damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako’y muling mabubuhay! Kabanata 6

“Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,


kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang maglibing na tao. Kabanata 8 32

Naniniwala ako na ang kahima-himala at kagila-gilalas na pangyayari

ay nagdudulot ng normal na pamamaraan sa pagpaplano at pag-unawa na

maisantabi upang mabilis na maisakatuparan ang malakihang panlipunan at

spatial na pagbabago ng kahina-hinalang pang-ekonomiya at panlipunang

halaga.

Ayon kay Mill (2003), ang himala ay isang pagyayari na maaaring

makapagbago ng takbo sa buhay ng isang tao mula sa pakikibaka sa

kahirapan na naniniwala na may himalang darating na bigay ng may

nakahihigit na kapangyarihan.

Ang kahima-himala at kagila-gilalas na kaganapan sa pisikal na

kayang pangyarihan ng tao sa o ng likas na mga pangyayari sa pamamagitan

ng himala. Nagkakaroon ng lakas ang mga tao, at malulutas nila ang mga

balakid na landas ng kanilang pangarap (Gomez, 2012)

3. Relihiyon at Pangangaral

Sa pangatlong elemento ay ang relihiyon at pangangaral.

Matutunghayan ang mga sumusunod na pahayag ng mga saknong mula sa

bawat kabanata.

a. Relihiyon
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala,

mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng

sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?


ngayo’y naniig sa pagkagulaylay;
bago’y ang bandila ng lalong kasama-an
sa Reynong Albanya’y iwinagayway. 33

“Ang lahat ng ito, maawaing Langit,


iyong tinutungha’y ano’t natitiis?
mula ka ng buong katuwira’t bait,
pinapayagan mong ilubog ng lupit. Kabanata 2

“Bakit kalangita’y bingi ka sa akin,


ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
diyata’t sa isang alipusta’t iring,
sampung tainga mo’y ipinangunguling?

“Datapuwa’t sino ang tatarok kaya


sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang iyong ninanasa.

“Ay! Di saan ngayon ako mangangapit!


saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses?” Kabanata 3

“Panalangin mo’y di pa nagaganap


sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak,
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas! Kabanata 8

Ang relihiyon ay isang pananampalataya na may pananalig at

pagtitiwala ng tao bunga ng kanyang pakikipagharap at pagkilala sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pag-angkop natin ng kalooban ng Diyos, maaari nating

mabago ng lubusan ang ating mga sarili. Maaari nating mapalawak ang
pagmamahal sa ating mga pamilya at mayakap ang pagmamahal ng mas

malawak sa lipunan.

Ayon kay Hill (2000), ang relihiyon ay pag-iisa ng sangkatauhan sa

ibang kapangyarihan na higit pa sa tao. Karaniwan nang sinasabing ang

relihiyon ay may isang pormal na istruktura na may sistema ng paniniwala,


34
gawain, at makitid na kahalintulad ng mga relihiyoso.

Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga

inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Hebreo

(11-13).

Ayon kay Espeleta (2014), pangkaraniwan sa buhay ng tao na kapag

dumaranas ng pagsubok ay halos parang pasan niya ang daigdig. Hindi niya

alam ang kanyang gagawin masulusyunan lamang ang kanyang problema.

Magalak tayo sa iba’t ibang pagsubok sapagkat dito tumatatag ang ating

pananampalataya na nagdudulot upang tayo ay maging ganap at walang

mga pagkukulang sa harapan ng Diyos.

b. Pangangaral

Ang pangangaral ay tungkol sa pagbibigay ng mga konsepto ng

relihiyon at moral maaaring magsama ng isang kwento mula sa lipunan kung

saan nagaganap ang pangangaral. Nagbibigay ito sa mga tao ng mas

marunong na pakiramdam. Maaaring makinig sa pangangaral.

“Ang magandang asal ay ipinupukol


sa laot ng dagat at kutya’t linggatong;
baling magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong. Kabanata 2

“Hanggang dito, ama’y aking naririnig


nang ang iyong ulo’y itapat na sa kalis,
ang panambitan mo’y dalangin sa langit,
na ako’y maligtas sa hukbong malupit.

“Walang ikalawang ama ka sa lupa,


sa anak na kandong ng pag-aaruga;
sa munting hapis kong sumungaw sa mukha
sa habag mo’y agad nanalong ang luha.

35

“Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,


sampu niring buhay ay nagging hilahil,
ama ko’y hindi na malaong hihintin
ako’y sa payapang baya’y yayakapin. Kabanata 8

“Ngunit ang nanahanang maralitang tubig


sa mukha’t dibdib ko’y lagging dumidilig,
kay ama nga galling datapwat sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.

“May para kong anak na napanganyaya


ang layaw sa ama’y dusa’t pawing luha,
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka’y nawala!” Kabanata 9

Pagkabata ko na’y walang inadhika


kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga,
di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa. Kabanata 10

Sa paraang ito ay magiging aktibo ang mga magulang sa

pangangaral sa kanilang mga anak. Ang mga magulang ang mga modelo ng

mga kabataan kung kaya ay napakalaki ng kanilang impluwensiya sa

magiging aral at gawi. Ang matiyagang pangangaral at pagtuturo ng

magulang ay daan sa magandang pakikipagtungo.


Ang pangangaral ng isang magulang na makita sa paraan ng anak na

lumaki nang may pagdidisiplina sa sarili, pagmamahal at higit sa lahat ay may


36
takot sa Diyos (Tan, 2018).

Sa kabuuan, ang elementong mas nangingibabaw ay ang pag-iibigan

na kakikitaan ng mas maraming kaganapan at pagsubok sa buhay pag-ibig ni

Florante at Laura. Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal ng

pinagsamahan kundi sa dami ng pagsubok na nalampasan. Ang kahalagahan

ng pag-ibig ay susi upang magkakaroon ng pagkakaisa, kapayapaan at

Kalayaan. Ayon kay De Leon (2014), mas nangingibaw ang pag-ibigan sa

Florante at Laura, ito ay sa aspetong emosyon na kung saan na nakakadama

ng iba’t ibang damdamin at isa na riyan ang pinaka importanteng elemento

iyon ay ang pag-iibigan. Ang pag-ibig ang tanging tulay upang ang lahat ng

pagsubok ay malampasan. May mga balakid man sa taong ini-ibig, kinakaya

lahat makapiling lamang ang sinisintang irog ni Florante.

Binanggit ni Scheler (2007), ang buhay pag-ibig ay punong-puno ng

makukulay na karanasan, pagsubok at pakikipag-ugnayan ang nagbibigay

sigla sa isang pag-iibigan. Bilang isang tao ang maibabalik lang natin ay

pagsakripisyo ay ang gumawa ng mabuti sa kapwa, at pag-ibig lamang ang

dapat pairalin. Ipinapakita lamang dito na kapag ang taong tunay na umiibig

ay makakaya’t makakaya ang lahat ng pagsubok na dumaan at ito ang

magpapatatag sa tunay na pag-ibig.

Implikasyon
37

Ang naging impliksayon ng Awit na Florante at Laura sa

kasalukuyang panahon na makikita sa isa hanggang sampung kabanata ng

“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas ay nagturo sa mga mambabasa na

kasama sa buhay pag-ibig ang masaktan at mabigo, bago nagiging

matagumpay ang buhay pag-ibig maraming pagsubok ang dadaanan bago

lubusang maramdaman ang kaligayahan. Kailangang maging matatag at

matapang at handa sa anumang sakit na mararamdaman. Higit na

napakasarap pakinggan ang pag-iibigan ni Florante at Laura. Sa mga mahal

na mambabasa ating pahalagahan at subukang matutunan ang tunay na

kahulugan nang pag-ibig. Datapwa’t ang awit na Florante at Laura ay bahagi

ng kultura natin na hindi dapat makalimutan ngayon at sa mga darating na

panahon. Dapat pag-aralan upang maunawaan ang hirap at sakit na

dinaanan ng mga tao noon at magbigay-pugay sa tapang nilang sumulat. Sa

lipunan natin ngayon, makikita ang katauhan na biktima sa kawalan ng

hustisya at sa kamalasan ngunit natututo ng lakas ng loob at pagtitiis sa

hamon ng buhay sa mga problemang dumarating sa buhay. Nagsisilbing

huwaran dahil sa maganda at may mabuting kalooban. Kaya ating

pahalagahan at pasalamatan ang may katha ng Florante at Laura at ang iba

pang mga kilalang katha sa ating lipunan na hindi nabigyang pansin.


KABANATA 5

NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay napapaloob ang buod ng mga natuklasan sa

pag-aaral, mga konklusyon, at rekomendasyon.

Buod ng Natuklasan

Base sa masusing pag-aaral, narito ang mga sumusunod na mga

natuklasan.

1. Ano-anong elemento ng awit ang makikita sa Florante at Laura?

 Ang makikita na elemento sa awit ng Florante at Laura ay ang

mga kahima-himalang pangyayari at kagila-gilalas na mga

pangyayari, relihiyon at pangangaral, at pag-iibigan.

2. Anong elemento ang mas nangingibabaw sa kabanata 1- kabanata 10 sa

awit na Florante at Laura?


 Ang elementong mas nangingibaw sa awit na Florante at Laura

mula sa unang kabanata hanggang sa sampung kabanata ay ang

pag-iibigan. Sa librong Florante at Laura ay makikita na ang

nangingibabaw na elemento ay ang pag-iibigan na masisinag ang

tunay na pag-ibig ni Florante kay Laura. Naipakita na kahit gaano

man katagal o gaano pa man kahirap ang nararanasan ng isa’t-

isa ay hindi agad-agad mawawala ang pagmamahal ng isang tao

kapag ito ay tunay na pag-ibig.


39

3. Ano ang implikasyon nito sa kasalukuyang panahon?

 Ang implikasyon ng pag-aaral ay makikita sa huling bahagi ng

kabanata 4.

Konklusyon

Ang konklusyon ay nabuo pagkatapos maproseso, maanalisa at

mabigyan ng interpretasyon ang datos.

Ang Elemento ng awit sa Florante at Laura ay may taglay na tatlong

elemento na nagpapaganda sa akda ito ay ang; pag-iibigan, relihiyon at

pangangaral, kahima-himala at kagila-gilalas na mga pangyayari na kung

saan ang mas nangingibabaw ay ang pag-iibigan. Datapwa’t malaki ang

papel ng tatlong elemento sa awit na Florante at Laura sapagkat ito ang

nagbibigay ng interes at kabatiran sa mga mambabasa upang basahin ang

akda. Bilang isang guro, makakatulong na magkaroon ng malaking

impluwensiya sa Florante at Laura na punong-puno ng pagpapahalagang


angkop sa kulturang Pilipino, at maipamamalas sa kanilang mag-aaral ang

pag-unawa sa naging impluwensiya ng Florante at Laura sa pag-iisip,

damdamin at pag-uugali ng mga mambabasa sa panahong naisulat ito, at

maging sa kasalukuyan. Sa elemento ng awit sa Florante at Laura ay

maraming natuklasan at natutunang aral at ang mga ito ay nasa iba’t ibang

aspeto ng buhay; Bilang isang mga magulang, matutunan na palakihin ang

anak ng mabuti, Bilang isang anak, sumunod sa magulang palagi at sila ay

mahalin. Bilang isang mag-aaral, gawin ang lahat ng makakaya at seryosohin

ang pag-aaral. Bilang isang mamamayan, matutunan na maging matalinong

tao at hindi magpapapaniwala sa mga sinasabi ng iba. Bilang isang pinuno,

na maging maayos at mabuti sa mga taong naglilingkod sa iyo. Sa buhay

pag-ibig, ay hindi maaalintana ang mga pagdaraanang hirap. May kasabihan

sa ingles na “love conquers mountain”. Ibig sabihin pwedeng maangkin,

masupil malupig at mapatag dahil sa pag-ibig.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at konklusyon ng mga mananaliksik ay

nagrerekomenda sa mga sumusunod:

1. Para sa mga susunod na mananaliksik, inirerekomenda na

susuriin o pag-aaralan ang elemento sa susunod na kabanata

upang mas higit pang maunawaan ang napapaloob sa bawat

kabanata ng Florante at Laura.


2. Makakatulong ang pananaliksik na ipreserba at tangkilikin ang

mga akdang nakikitaan ng mabubuti at magaganda sa

ikakatagumpay sa sarili patungo sa ikauunlad ng bayan.

3. Makabubuting kumbinsihin at unawain ang mga mambabasa

ang ipapaabot na mensahe ng akdang Florante at Laura. Upang

mapalawak ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa Filipinong

Panitikan upang ang paaralan ang magiging sentro sa pagiging

eksperto sa ganitong pag-aaral.

TALASANGGUNIAN

Abinion, 2015.https://www.scribd.com/doc/2522232/Katangian-Ng-Awit
Alejandro. 2010. http:/filipino-tula.blogspot.com/2010/06/ano-nga-ba-ang-
tula.html.
Almario, Virgilio S. 2005. "Trahedya ng dalit." In Ang Malungkot na
kasaysayan ng isang Awit. Bulawan 17:39.
Agraco, 2011.https://th.cm-sobral-monte-agraco.pt/162-cutest-long-love-para
graphs-letters
Agraco, 2014.https://th.cm-sobral-monte-agraco.pt/162-cutest-long-love-
paragraphs-letters
Antonio, 2008.https://scribd.com/doc/285084885/thesis-123
Astorga Jr. 2011. https://www.coursehero.com/file/45356583/reportfil-2pptx/.
Batnag, Aurora E. 2015. National Commision for Culture and the Arts. abril
30. http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-cultural-
disseminationscd/language-andtranslatio/translation-in-the-philippines/.
Bernardo, Ramon. 2017. February 12.
http://www.philstar.com/punto-mo/2017/02/12/1671490/kapalit-ng-pag-
ibig.
BOLANDS, EAVAN. 2000. AUGUST 14.
https://www.123helpme.com/essay/A-Formalist-Approach-to-Eavan-
Bolands-The-20690.
Buast,2001.https://ik-ptz.ru/tl/diktanty-po-russkomu-yazyku--2-klass,pochem
u-zhelaniya-ne-sbyvayutsya-pochemu-ne-isplonyayutsya-zavetnye.html

Carlson, P. 2017. The Bible According to Thomas Jefferson


https://www.historynet.com/bible-according-thomas-jefferson/
COLLINS, EZEKIEL S. 2010. MARCH 24.
https://www.scribd.com/document/361017732/elemento.
D., Melanie Greenberg Ph. 2013. November 19.
https://www.google.com/amp/s/www.psychologytoday.com/us/blog/the-
mindful-self-express/201311/10-research-based-truths-about-people-
in-love%3famp.
Dela Cruz,2012.https://www.slideshare.net/sadyou99/av

You might also like