You are on page 1of 92

1

MOTIBASYON, KAGAMITANG PAMPAGKATUTO AT KAKAYAHAN SA


PAG-UNAWA SA BINASA NG MGA PILING MAG-AARAL

ISANG UNDERGRADWEYT TESIS

na Iniharap sa mga Kaguruan ng


School of Teacher Education
J.H CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

Bilang Parsyal na Pagtutupad


para sa pangangailangan ng Digring
BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION
Major sa Filipino

Anacel V. Patrolla
Khecy Suico
Princess Maria Shemar Pastrano

Disyembre, 2021
2
3ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY
4 iii iii

PASASALAMAT

Mula sa kaibuturan ng aming mga puso, nais naming iparating ang walang

hanggang pasasalamat sa mga taong tumulong, nagbigay ng panahon at

karagdagang kaalaman upang mapagtagumpayan ang ginawang pananaliksik. Una,

lubos kaming nagpapasalamat sa ating Poong Maykapal sa pagbibigay ng gabay at

kaalaman na naging daan upang maging possible ang ginawang pag-aaral. Hindi

namin ito magagawa at matatapos kung wala ang kaniyang patnubay at biyaya.

Sa aming mga magulang na walang sawang nagtiwala, umintindi, nagbigay

ng moral at pinansiyal na suporta upang mapagtagumpayan ang ginawang pag-

aaral.

Dr. Regina I. Cuizon, butihing tagapayo, na nagbigay ng supporta at gabay

upang matamo ang kaaya-ayang resulta at maisaayos ang ginawang pananaliksik.

Nagpapasalamat din po kami sa pagbabahagi niyo sa amin ng iyong kaalaman na

babaunin namin saan man kami magpunta.

Julieta C. Cebrero at Mrs. Juvie B. Sebial, butihing mga panelist, na

nagbahagi ng mga karagdagang ideya at pagpapaliwanag sa mga bagay na dapat at

di-dapat para sa isang pananaliksik. Nagpapasalamat din po kami sa paglaaan ninyo

ng oras at panahon upang mas mapaunlad pa ang nasabing pag-aaral.

Dr. Starr Clyde Sebial, masigasig na istadistiko ng pag-aaral, na nagbigay

ng pag-unawa sa mga datos na nakalap upang maisagawa ng maayos ang pag-

aanalisa.

Dr. Dr. Joean B. Palahang, ang Dean ng School of Teacher Education at

tagapangulo ng panel, na nagbigay ng karagdagang suhestiyon upang mas

mapaunlad pa ang paksa ng pag-aaral.


5

Ma’am Reyna Jane A. Gloria at Ma’am Janice T. Maghilum, tagapagtibay

ng talatanungan, na naglaan ng oras upang mapagtibay ang mga katanungan at

pagtulong upang maipamahagi ng matiwasay ang mga talatanungan sa mga mag-

aaral.

Mga Mag-aaral ng Grade 10 sa mataas na paaralan ng JHCSC High School

Laboratory, na naging masigasig sa pagbahagi at pagbigay ng panahon at

makatotohanang sagot.

Sa kapwa mananaliksik, kamag-anak, kaibigan, kaklase at sa lahat ng taong

nagbuhos at nagbigay ng oras, pagod, supporta, suhestiyon payo at tulong mula

simula hanggang matapos ang pag-aaral.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!

Mga Mananaliksik
6iv

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay inihahandog sa mga mahahalagang indibidwal na

nakibahagi at naglaan ng oras at panahon na ibahagi ang kanilang karunungan. Pati

narin sa mga taong naging inspirasyon sa ikatagumpay ng pananaliksik.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na sina Mary Ann V. Patrolla at

Mark Eugene V. Patrolla, Edgardo Suico Gallo, Dr. Nimshe M. Pastrano at G.

Mario Pastrano sa kanilang walang humpay na pagsuporta sa anumang

pangangailangan ng mga mananaliksik na sa kabila ng kagipitang nararanasan,

nanaig parin ang lakas na ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral.

Sa mga kapatid, kaibigan, kamag-aral at sa espesyal na tao sa buhay ng

mga mananaliksik na nagbibigay inspirasyon, lakas at sigla sa anumang pagsubok

na tinahak ay nalampasan.

Higit sa lahat ang Poong Maykapal sa pagbibigay ng lakas ng loob na

matawid ang lahat ng sagabal sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito at nagbibigay

ng mga pagbabasbas at pagpapasigla sa aming mga puso habang isinagawa ang

pananaliksik.

Mga mananaliksik
7v

ABSTRAK

Patrolla, Anacel V., Suico, Khecy at Pastrano, Princess Maria Shemar M. sa


paaralan ng JH Cerilles State College Mati, San Miguel Zamboanga del Sur. Isang
tesis na pinamagatang MOTIBASYON, KAGAMITANG PAMPAGKATUTO AT
KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA SA BINASA NG MGA PILING MAG-AARAL,
Oktubre 2021

Tagapayo: Regina I. Cuizon, Ed. D

Inalam sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng motibasyon, kagamitang


pampagkatuto at kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng mga piling mag-aaral sa
grade 10 sa mataas na pamantasan ng Hayskul Laboratory. Tinupad ang layunin sa
pamamagitan ng pagsagot sa limang katanungan at upang makamit ito, isang
sarbey na pananaliksik sa paraang descriptive correlational ay pinagtibay. Gamit ang
sarbey-kwestyuner na nasa anyong talatanungan, tseklist at babasahin na
minodipika at binalideyt ng mga eksperto. Mula sa ginawang pag-aanalisa mula sa
mga sagot ng respondente, lumabas na ang dalawang uri ng motibasyon sa
pagbasa ay mataas. Napag-alaman din na walang makabuluhang kaugnayan sa
pagitan ng dalawang uri ng motibasyon at sa kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng
mga piling mag-aaral. Ang dalawang uri ng kagamitang pampagkatuto ay natuklasan
din na parehong may kababaan. Lumabas din sa resulta na walang makabuluhang
kaugnayan sa pagitan ng kagamitang pampagkatuto sa kakayahan sa pag-unawa sa
binasa ng mga piling mag-aaral. Batay sa naging resulta ng ginawang pag-aaral,
marapat na pagtuunan ng pansin ang kasanayan sa pagbasa, kasama na dito ang
pagpapa-angat sa panlabas na motibasyon kasabay ang matalinong paggamit ng
mga kagamitang pampagkatuto na matatagpuan sa bahay para sa mas ikauunlad ng
kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa panahon natin ngayon
na talamak ang paggamit ng mga teknolohiyang kagamitan dahil sa tinatawag nating
distance learning. Malaking tulong ang mga bagay na ito upang mas umunlad pa
ang kakayahan hindi lamang sa pagkatuto kundi lalong-lao na sa pag-unawa ng
isang mag-aaral.

Susing Salita: motibasyon, kagamitang pampagkatuto, pag-unawa sa binasa


8
vi

TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA

PAMAGAT i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
PASASALAMAT iii
PAGHAHANDOG iv
ABSTRAK v
TALAAN NG NILALAMAN vi
TALAAN NG TALAHANAYAN vii
TALAAN NG FIGYUR ix

KABANATA

I. ANG SULIRANIN

Introduksyon 1
Teoritikal na Balangkas 5
Batayang konseptwal 6
Paglalahad ng Suliranin 8
Haypotesis 9
Kahalagahan ng Pag-aaral 9
Saklaw at Limitasyon 10
Katuturan ng mga Pangunahing Katawagan 11

II. KAUGNAY NA LITERATURA

Motibasyon 11
Kagamitang Pampagkatuto 18
Pag-unawa sa Binasa 22

III. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik 27
Lugar ng Pag-aaral 28
Respondente 30
Sampling Teknik 31
Instrumento ng Pananaliksik 31
Paraan ng Paglikom sa Datos 34
Istatistikal na Pagsusuri 35
9vii

IV. PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON

V. BUOD NG NATUKLASAN, MGA KONKLUSYON AT MGA

REKOMENDASYON

TALASANGGUNIAN 52
APENDIKS 55
DATOS NG MANANALIKSIK 80
10viii

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pahina

1 Demograpikong propayl ng mga respondente 30

2 Antas ng motibasyon sa pagbasa ng mga mag-aaral


ayon sa panloob at panlabas na motibasyon 38

3 Label sa paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto


sa bahay 41

4 Lebel sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral 44

5 Pagtataya sa makabuluhang pagkakaugnay ng


motibasyon sa pagbasa, kagamitang pampagkatuto at
kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral 45
11ix

TALAAN NG FIGYUR

Figyur Pahina
1 Iskematik na Modelo ng Pag-aaral 7
2 Mapa kung saan isinagawa ang pananaliksik 29
1

KABANATA I
ANG SULIRANIN

Introduksyon

Ang pagbasa ayon kay Belen et., al (2003) ay isang pinakamahalagang

kasanayan na dapat matamo ng isang tao, ito ay hindi lamang isang simpleng

kakayahan sa pagkilala sa mga nakalimbag na salita kundi ito ay tumutukoy sa

paglalagay ng kahulugan sa pagbasa at pagbuo ng mensahe o ideya mula sa

binasa. Ayon naman sa akda nina Belves, P., Baira, N.T. et. al (1990), 80% ng ating

mga gawain ay kasangkot ang pagbasa. Binabasa natin ang ngalan ng kalye, ang

mga patalastas, ang mga tala ng pagkain sa restaurant, pamilihan at mga babala sa

daan. Bumabasa tayo ng pahayagan, magasin, komiks at iba’t-ibang uri ng

babasahin at aklat para sa ating kasiyahan. Sinasabing 90% sa napag-aralan ng tao

ay mula sa kaniyang karanasan sa pagbasa.

Ang pag-unawa sa binasa ayon kay Numan (2003) ay isang mahusay na

proseso na kung saan pinagsasama ang impormasyon mula sa teksto upang

magkaroon ng isang pagpapakahulugan. Ito ang nakikitang pinakamabuting paraan

sa estratehiya sa pagtuturo at isa sa mga haligi ng pagbabasa. Ayon kay Gilani

(2012) na nabanggit sa pag-aaral nina Garcia at Pearson, dapat itong aksyonan ng

mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang pag-intindi sa kanilang binabasa.

Ayon kay Chall (1996) marami sa mga estudyante ang nahihirapan sa

pagbabasa partikular na sa pagbasang may pag-unawa. Bilang mga mag-aaral,

nagkakaroon ng pagbabago mula sa “pagkatutong bumasa” hanggang sa

“pagbabasa upang matuto.” Batay naman sa pag-aaral nina Van Den Broek (2012)

“Ang pagbasang may pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa


2

awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na nagpapagana upang makalikha

ng isang mental na representasyon sa isang teksto ang mambabasa. Sinabi naman

nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na habang ang mga mag-aaral ay

nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din ang kanilang

husay at nagkakaroon ng pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto. Bilang ang

kakayahan sa pag-unawa ng tekstong binasa ay itinuturing bilang komplikadong

interaksyon na isang daan upang mapagana at magkaroon ng mental na

representasyon mula sa isang teksto.

Ang konsepto ng motibasyon ayon kina Kian et al (2014) ay ikinokonsidera

bilang isang napakahalagang salik na nakakaapekto sa pag-uugali at pagganap ng

isang tao. Ang kagustuhang bumasa ng mga mag-aaral ay batay sa kanilang paraan

sa pag-unawa at pagkahilig sa pagbabasa. Sa katunayan, kapag epektibo ang

paraan ng mga mag-aaral sa pagbasa, tumataas ang kanilang pag-unawa at

nagkakaroon ng interes/ gana sa pagbasa, ito ay ayon kina Renninger et., al. (1992).

Ipinahiwatig ng mga mananaliksik na ang motibasyon ay may kaugnayan sa

pag-unlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral, ito ay ayon sa pag-aaral na isinagawa

nina Duke et., al (2011). Batay rin sa pananaliksik nina Schutte at Malouff (2007) na

ang motibasyon ng isang mag-aaral ay nakakaapekto sa kanilang pagbabasa. Ang

mga mag-aaral na may mataas na interes ay inaasahang magbabasa pa ng mas

malawak.

Sa kabilang banda, ang kagamitan sa pagtuturo ay naobserbahan bilang

isang makapangyarihan at pinaka epektibong stratehiya para sa mabisang pagtuturo

at pagkatuto. Ayon kay Oni (1992), ang mga kagamitang ito ay nakakatulong upang

ipaliwanag ang isang konspeto na hindi magawa ng isang guro kung wala ang mga

ito. Ito ay nagsisilbing daan upang ang mga mag-aaral ay matuto pa ng mas
3

komportable. Batay sa pag-aaral ni Farombi (1998), ang mga kagamitan sa paaralan

ay kinabibilangan ng mga libro, awdio-biswal, software at hardware na mga

teknolohiya na ginagamit sa edukasyon. Sinabi rin niya na ang pagkakaroon ng

sapat na mga kagamitang pampaaralan ay may malaking impluwensya sa kalidad ng

pagtuturo at nagkakaroon din ng epektibong resulta sa pagkatuto ng mga mag-aaral

at sa kanilang performans. Samakatuwid ang mga kagamitang pampagkatuto ay

nagkakaroon ng positibong impluwensya sa kanilang akademikong pagganap.

Sa pananaliksik na isinagawa ni Perez (2019) sa pamantasan ng Dagupan

City National Highschool, sinasabi na sa kabila ng pagsisikap ng mga guro sa

Filipino na maturuan ang mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa, mayroon

pa ring mga mag-aaral na hindi matamo ang mataas na antas ng pag-unawa.

Patunay dito ang resulta ng National Achievement Test (NAT) na natamo ng

paaralan sa asignaturang Filipino sa tatlong magkakasunod na taon 53.34 MPS sa

taong 2013, 51.32 MPS noong 2014 at 52.81 MPS noong 2015. Ito ay batay sa

resulta ng NAT na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa naturang mga

taon. Natuklasan sa nasabing pagsusulit na mahina at walang kasanayan sa

pagbasang may pag-unawa ang mga mag-aaral partikular na sa lugar na iyon.

Batay naman sa datos na nakuha mula sa Philippinesbasiceducation.us, ang

mga mag-aaral sa Hayskul ay nakakuha ng 44.33% sa pangkalahatang resulta ng

NAT test na isinagawa sa taong 2005. Mas mababa kumpara sa resultang nakuha

ng mga mag-aaral sa nagdaang taon.

Kaya’t ito ang nagbukas sa puso’t isipan ng mga mananaliksik na magkaroon

ng interes at pag-aralan ang pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral. Ang

kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga mag-aaral ay

magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo


4

ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga

mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa (Rancho, 2002).

Nais din malaman ng mga mananaliksik kung ang motibasyon at eksposyur

sa mga kagamitang pampagkatuto ay nakakaapekto sa kakayahan ng isang mag-

aaral na umunawa. Inaasahan din na ang pag-aaral na ito ay makatulong sa

paghanap ng mga pamamaraan na mapadali ang pagtuturo at pagkatuto ng bawat

mag-aaral partikular na sa lokalidad ng mga mag-aaral at ng mga mananaliksik.


5

Teoritikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay ginamit ang teorya ni Albert Bandura (1986) na

tinawag na Self Efficacy Theory. Tiningnan sa mismong lugar ng piling mag-aaral ng

sekondarya kung ang teorya ay angkop sa lugar na ito kaya ninais na pag-aaralan

ng mga mananaliksik ang paaralan ng JHCSC Highschool Laboratory sa lugar ng

Mati San Miguel Zamboanga del Sur.

Ang self-efficacy ay maituturing na isang ebalwasyon ng tao sa kaniyang

kakayahan na pamahalaan at gawin ang mga sumusunod na kilos na kinakailangan

para makamit ang isang tiyak na paggawa. Ang teorya na ito ay ikinokonsidera

bilang isang pananaw sa pagkakaroon ng kumpiyansa na may kaugnayan sa

paggawa ng partikular na mga gawain. Sa parehong paraan, sinabi rin ni Ferrara

(2005) na ang reading self-efficacy ay isang pagsusuri sa kakayahan na bumasa ng

isang teksto na kung saan ang isang mag-aaral ay naniniwala na kaya nitong

kumpletuhin ang isang partikular na gawain sa pagbasa.

Ang teoryang ito ay mabisang inilapat sa edukasyonal na setting na

nagpapakita na mayroong positibong kinalabasan. (Niemiec & Ryan, 2009). 


6

Batayang Konseptwal

Batay sa Iskematik na modelo ng pag-aaral, ipinapakita sa unang kahon ang

independent baryabol na motibasyon sa pagbasa ay nakakaapekto sa kakayahan sa

pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa

kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ay ang motibasyon. Sa

katunayan, mas may malaking ugnayan pa ang motibasyon at kakayahang

umunawa sa binasa kaysa gawi sa pagbasa at aktibidad sa pagbasa.

Sa ikalawang kahon naman, ipinapakita na ang eksposyur ng mga

kagamitang pampagkatuto ay may direktang epekto sa kakayahan sa pag-unawa ng

mga mag-aaral. Ang mga kagamitang ito ay nakatutulong upang mas matuto pa ng

mas komportable ang mga mag-aaral partikular na sa pagbasang may pag-unawa

na may positibong impluwensya sa kanilang akademikong pagganap.

Sa kabuuan, ipinapakita sa modelo na ang motibasyon (panlabas at panloob)

at eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa bahay ay may direktang ugnayan

sa kakayahang pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral.


7

MOTIBASYON SA PAGBASA

1. Panloob na motibasyon

2. Panlabas na motibasyon KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA

1. LITERAL

2. INTERPRETASYON
EKSPOSYUR NG MGA
3. KRITIKAL
KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO SA BAHAY

1. Teknolohiya

2. Nakalimbag

Pigura 1. Iskematik na modelo ng pag-aaral


8

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa na may layuning malaman ang

makabuluhang ugnayan ng motibasyon sa pagbasa at eksposyur ng mga

kagamitang pampagkatuto sa bahay sa kakayahan sa pag-unawa ng mga piling

mag-aaral sa mataas na paaralan ng hayskul sa Mati, San Miguel Zamboanga del

Sur. Ang pag-aaral na ito ay may layuning sagutin ang sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano ang lebel ng panloob at panlabas na motibasyon ng mga mag-aaral

sa pagbasa?

2. Ano-ano ang lebel ng paggamit ng mga bata sa kagamitang pampagkatuto

sa bahay ayon sa:

1.1 teknolohiya at

1.2 nakalimbag?

3. Ano ang lebel sa pag-unawa sa binasa ng mga bata ayon sa;

3.1. literal;

3.2. interpretasyon, at

3.3. kritikal?

4. Mayroon bang makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang

pag- unawa sa dalawang uri ng motibasyon?

5. Mayroon bang makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang

pag-unawa sa eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa bahay?


9

Haypotesis:

At .05 degree of freedom, sinubukang masagot ang sumusunod na haypotesis:

1. Ho: May makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang pag


unawa sa dalawang uri ng motibasyon.
2. Ho: May makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang pag
unawa sa eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa bahay.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magkakaroon ng kahalagahan at magsisilbing

gabay sa sumusunod na indibidwal.

Administrador. Ito ay magbibigay sa kanila ng kalinawan at upang

magabayan sila sa disenyo at pagdebelop ng programa sa pagbasa.

Guro. Upang mabigyan sila ng mga ideya kung sa papaanong paraan nila

mabibigyan ng lunas ang problema sa pagbabasa, at kung papaano nila gaganyakin

at gagamitin ang mga kagamitang pampagkatuto na matatagpuan sa bahay upang

mapaunlad ang pag-unawa ng isang mag-aaral.

Mag-aaral. Mabigyan ng pagpapahalaga ang pagbabasa at magkaroon sila

ng ideya kung papaano nakakaapekto ang motibasyon at ang mga kagamitang

madalas nilang ginagamit sa loob ng kanilang tahanan.

Magulang. Sila ay makapagbibigay ng payo, gabay at supporta na


makatutulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Mananaliksik. Magkaroon ng karagdagang ideya at maaaring pagbatayan sa

kanilang isasagawang pananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.


10

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng pag-aaral ang paksang “Motibasyon, Kagamitang Pampagkatuto

at Kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa ng mga Piling Mag-aaral”. Ang kakayahan

sa pag-unawa ng mga piling mag-aaral ay ang pangunahing tuon ng pananaliksik na

ito. Gamit ang panloob at panlabas na motibasyon, eksposyur sa mga kagamitang

pampagkatuto (teknolohiya at nakalimbag) at ang tatlong antas sa pagbasa (literal,

kritikal at interpretasyon) bilang indikeytor sa pag-aaral. Ang respondante sa pag-

aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa baitang 10 sa isang mataas na

pamantasan ng hayskul laboratory. Gumamit ng checklist, talatanungan at isang

buong babasahin na sinagutan ng mga respondente sa loob ng 1 oras sa loob ng

kanilang bahay na walang direktang paggabay ng kanilang mga magulang. Ang pag-

aaral na ito ay nakalimita sa 2nd semester sa taong 2020-2021.


11

Katuturan ng mga Pangunahing Katawagan

Makikita rito ang ilan sa mga katawagan na ginamit ng pag-aaral upang

magabayan ang mga mambabasa sa kahulugan ng mga salita. Ang sumusunod na

katawagan ay may theoretical na batay sa mga awtor at operational na kahulugan na

ayon sa sariling pagpapakahulugan ng mga mananaliksik kung papaano ginamit ang

mga naturang salita sa pag-aaral.

Motibasyon. Ito ay tumutukoy sa kagustuhan ng isang mag-aaral na gawin

ang isang bagay kagaya ng pagbabasa nga mga babasahin. Ito ang isa sa tatlong

baryabol na pinag aralan ng pananaliksik na ito.

Panloob na motibasyon. Ito ay isa sa mga baryabol na pinag-aralan upang

malaman kung ano ang lebel ng panloob na motibasyon mayroon ang karamihan sa

mga piling mag-aaral. Ayon naman kina Deci & Ryan (2000), ang panloob na

motibasyon ay tumutukoy sa isang dahilan na gumawa ng isang bagay na kusa at

nagmumula sa sarili mismo ng isang indibidwal.

Panlabas na motibasyon. Ito rin ay isa mga mga baryabol na pinag-aralan

upang matukoy kung ano ang lebel ng panlabas na motibasyon mayroon ang

karamihan sa mga piling mag-aaral. Batay naman kina Ryan at Deci (2000), ito ay

tumutukoy sa isang dahilan na gumawa ng isang bagay na nagmumula sa mga salik

kagaya ng gantimpala o parusa.

Kagamitang pampagkatuto. Ito ay ang ikalawang baryabol na ginamit sa pag-

aaral upang malaman kung nakakaapekto ba ito sa kakayahan sa pag-unawa sa

binasa ng mga piling mag-aaral. Ayon naman kina Abad at Ruedas (2001), ang

kagamitang pampagkatuto ay kinapapalooban ng awdio, video at written materials

na dinisenyo upang magamit sa pag-aaral.


12

Teknolohiyang Kagamitan. Ginamit ang terminong ito upang malaman kung

anong mga teknolohiyang kagamitan ang ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang

bahay na maaaring makaapekto sa kakayahan sa pag-unawa nila. Ayon kay

Galicia (mula kay Adan 2010), ang teknolohiyang kagamitan ay mga bagay na

nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang malinang at mapalawak ang kanilang

kaisipan.

Nakalimbag na Kagamitan. Isa sa uri ng mga baryabol na ginamit upang

malaman kung anong mga kagamitang nakalimbag ang ginagamit ng mga mag-aaral

sa kanilang bahay na maaaring makaapekto sa kakayahan sa pag-unawa nila. Batay

kay Tambo (2003), ang nakalimbag na kagamitan ay ang mga kagamitan na

nangangasiwa sa pagtuturo at nakatutulong sa pag-unawa ng mga mag-aaral

kagaya ng aklat, pahayagan at iba pa.

Pag-unawa sa Binasa. Ginamit ang terminong ito sa pag-aaral upang

malaman kung ito ba ay naaapektuhan ng motibasyon sa pagbasa at kagamitang

pampagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon naman kay Numan (2003), ang pag-unawa

sa binasa ay isang matatas na pamamaraan na pinagsasama ang impormasyon

mula sa nilalaman ng tekstuwal sa kasalukuyang mga katotohanan upang maabot

ang ibig sabihin.

Literal. Isa sa mga antas ng ikatlong baryabol na ginamit upang malaman

ang lebel nito sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Batay kay Banton Smith (1969), ang

literal ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.

Kritikal. Ikalawa mula sa tatlong antas na ginamit upang masuri kung ano ang

lebel nito sa pag-unawa sa binasa ng mga piling mag-aaral. Ayon parin sa sinabi ni

Smith (1969), ito ay ang antas kung saan napapahalagahan ang kaangkupan,

katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto.


13

Interpretasyon. Ito ay ang panghuling antas na ginamit sa pag-aaral upang

malaman kung ano ang lebel nito sa pag-unawa sa binasa ng mga piling mag-aaral.

Ayon kay Smith (1969), nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip sa

bahaging ito na kung saan ang mga sagot sa mga tanong ay hindi tuwirang

nakalahad sa teskto ngunit nakapahiwatig lamang.


14

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pag-aaral mula sa iba’t-ibang

awtor na may kaugnayan sa paksa ng ginawang pananaliksik na nakatulong upang

mabuo at lubos na maunawaan ang pag-aaral.

Motibasyon

Batay sa pananaliksik nina Wang at Guthrie (2004), ipinakita na ang

pagbabasa para malibang ay napapabilang sa panloob na motibasyon. Halimbawa

nito ay ang mga batang interesadong magbasa ng mga babasahing piksyon nang

hindi kukulangin sa isang beses sa isang linggo o maaaring araw-araw. Batay din

dito, ipinapakita rin na ang dalawang anyo ng motibasyon ay may magkakaibang

kaugnayan sa pag-unawa sa teksto. Ang panloob na motibasyon ay may positibong

kaugnayan sa pag-unawa sa teksto.

Ang konsepto ng motibasyon ayon kina Kian et al (2014) ay ikinokonsidera

bilang isang napakahalagang salik na nakakaapekto sa pag-uugali at pagganap ng

isang tao. Ipinahiwatig ng mga mananaliksik na ang motibasyon ay may kaugnayan

sa pag-unlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral, ito ay ayon sa pag-aaral na

isinagawa nina Duke et., al (2011).

Ang kagustuhang bumasa ng mga mag-aaral ay batay sa kanilang paraan sa

pag-unawa at pagkahilig sa pagbabasa. Sa katunayan, kapag epektibo ang paraan

ng mga mag-aaral sa pagbasa, tumataas ang kanilang pag-unawa at nagkakaroon

ng interes/ gana sa pagbasa. Ang mga mambabasa ay dapat magkaroon ng

pagnanais na magbasa ng mga teksto (Renninger, Hidi, & Krapp, 1992).


15

Ayon kina Schunk, Pintrich at Meece (2008), ang motibasyon ay ang

puwersa na nagpapasigla sa isang mag-aaral na gawin kung ano ang inaasahan

niyang gawin. Ang antas ng pag-aaral ng motibasyon ay makikita sa kanilang

kalayaang pumili, kumilos at pagsisikap. Ang motibasyon ay ang panloob na

paghimok na nagdudulot sa iyo upang gawin ang isang bagay.

Inilarawan din sa pananaliksik nina Schutte at Malouff (2007) na ang

motibasyon ng isang mag-aaral ay nakakaapekto sa kanilang pagbabasa. Ang mga

mag-aaral na may mataas na interes ay inaasahang magbabasa pa ng mas

malawak. Sa pananaliksik na isinagawa nina Dornyei (2006) at Grabe (2009)

natuklasan na mayroong malaking epekto ang motibasyon sa pagkakaroon ng

kahusayan sa pagbasang may pag-unawa. Ipinapakita na ang motibasyon ay

nauugnay sa lahat ng uri/ paraan ng panghihikayat, nakakaapekto sa

komprehensibong pagbabasa at napapadali ang pagbabasa sa iba't ibang lebel ng

mga mag-aaral.

Inilathala pa nina Bruning et. Al. (2004), na ang mga mag-aaral na may

motibasyon o determinado sa pag-aaral ay mas magiging madali na tapusin ang

mga gawaing naka-atas sa kanila. Sinasabi rin na nagiging pokus ang mga mag-

aaral at nagkakaroon ng konsentrasyon at pagiging determinado. Ang pagiging

determinado ay lubos na makatutulong sa pag-aaral ng isang bata kung sakaling

nagpoprocastinate sila minsan sa kanilang pag-aaral. Dagdag pa niya, mayroon

lamang isang klase ng motibasyon at ito ay ang pagkakaroon ng self motivation.

Maaring ang ating kapwa ay makatulong upang tayo ay mawili sa ating paggawa,

pero ang totoo ay tayo ang kumikilos para sa ating pansariling rason at kakayahan

upang matuto bilang isang mag-aaral.


16

Ipinahiwatig ng mga pananaliksik na ang motibasyon ay may kaugnayan sa

pag-unlad ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng

interes sa pagbasa ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral na pag-aralan ang mga

dating impormasyon na mayroon sila upang mapalago ang kanilang pag-unawa

(Duke, Pearson, Strachan, & Billman, 2011).

Ang isang mag-aaral na may mataas na antas ng motibasyon ay

nagtagumpay at gumaganap nang mahusay. Nagkakaroon ng pagkabagot ang isang

mag-aaral na gawin ang isang bagay kapag wala sa kagustuhan nito na gampanan/

gawin ang isang naturang bagay (Woolfok,2013).

Ayon sa pag-aaral ni Bavaria (2011), nagkaroon ng malaking kahirapan para

sa mga guro at magulang ang mga estudyanteng hindi marunong bumasa ngunit

mas partikular na nagkakaroon sila ng problema sa mga estudyanteng nag-aaral

ngunit walang inspirasyong bumasa. Sa pag-aaral ay sinuri ang 245 “antas ng

motibasyon sa pagbasa at ang mga estratehiya sa pagbabasa ng mga

undergradweyt na kadalasan nilang ginagamit kapag sila ay nagbabasa ng

akademikong teksto. Ang resulta ay nagpapakita na ang kanilang motibasyon sa

pagbasa ay nasa katamtamang antas at talagang mas ginagamit nila ang mga

kognitibong estratehiya sa pagbabasa sa halip na ang stratehiya na tinatawag na

metacognitive strategy. Lumitaw na may koneksyon sa pagitan ng motibasyon sa

pagbasa at estratehiya sa pagbasa na ginagamit ng mga mag-aaral. Bagama't mas

interesado ang mga babaeng mag-aaral kumpara sa mga kalalakihan, pareho

lamang itong gumagamit ng kognitibong estratehiya sa pagbabasa. Samakatuwid,

ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpapakita na ang mga undergradweyt na may

katamtamang interes sa pagbasa ay may ugali na gamitin lamang ang kognitibong

stratehiya. Kaya ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagbabasa ay may epekto sa

pagtamo ng kasayan sa pagbasa ng isang mag-aaral at may posibilidad na gumamit


17

ng mataas na antas kagaya na lamang ng metacognitive na napakahalaga sa mga

mag-aaral para maging epektibo ang pagbabasa. Dapat hikayatin ng mga guro ang

mga estudyante na maging aktibong mambabasa upang pataasin ang panloob na

motibasyon at mapababa ang panlabas na motibasyon. Inihayag din sa iba pang

pananaliksik na walang makabuluhang ugnayan ang motibasyon ng mga studyante

sa pagbasa at sa kanilang pang-ekonomiyang background.

Isa pang pag-aaral na ginawa ni Sanford (2015), malinaw na ipinakita na ang

pagkakaroon ng interes ng isang mag-aaral na magbasa ay napakahalaga sa

pangkalahatan at partikular na sa pang-unawa nito. Kapag ang isang mag-aaral ay

walang kagustuhang bumasa, kukuha lamang ito ng aklat at tsaka na magbabasa

kapag tiyak na kinakailangan. Marami ang hindi nagbabasa ng dahil lamang sa

kasiyahan. Ang isa pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakulangan ng interes

sa pagbasa ay sa kadahilanang ito ay naging isang kognitibong hamon para sa

kanila. Mahirap at hindi ito dumadating basta-basta. Ang komprehensibong

pagpapahusay sa pagbabasa at ang pangkalahatang kakayahan sa pagbabasa ay

dapat makadagdag sa interes ng estudyante na magbasa. Bilang karagdagan, ang

mga instrumentong ginamit upang masukat ang motibasyon sa pagbasa ay dapat

nakatuon sa pakikilahok ng mga mag-aaral, panloob at panlabas na motibasyon

upang makapagbigay pa ng mas mahusay na pagsusuri.

Batay sa ginawang pag-aaral sa pamamagitan ng reading Connects survey

nina Clark at Foster (2005) na nilahokan ng higit sa 8000 primarya at sekondaryang

mga mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ito na kalahati sa mga kalahok ay

nasisiyahan sa pagbabasa. Karamihan sa mga mambabasa ay nagsabi rin na

nagbabasa sila sa labas ng paaralan araw-araw o minsan/dalawang beses sa isang

linggo. Iniulat na ang mga batang babae ay mas nasisiyahan sa pagbabasa ng

madalas kumpara sa mga batang lalaki. Ang mga mag-aaral sa primarya ay mas
18

higit na nasisiyahang bumasa sa labas ng paaralan nang mas madalas kaysa sa

mga mag-aaral sa sekondarya. Ang mga batang lalaki at ang mga mag-aaral sa

sekondarya ay nagkakaroon ng negatibong saloobin patungo sa pagbabasa kaysa

sa mga batang babae. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nagpapakita na ang

karamihan ng mga mag-aaral nasisiyahang bumasa. Ang mga babae at ang mga

mag-aaral sa primary ay may mataas na interes sa pagbabasa kaya sa mga lalaki at

mag-aaral sa sekondarya. Gayunman, ang pagbabasa upang magkaroon ng

kasiyahan ay hindi lamang may kaugnayan sa kasarian kundi pati na rin sa edad.

Kagamitang Pampagkatuto

Sa pag-aaral ni Galicia (mula kay Adan 2010), makakatulong ng malaki ang

mga kagamitang panturo sa pagtuturo lalong-lalo na ang mga teknolohiyang

kagamitang. Ito’y mga bagay na nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang

malinang at mapalawak ang kanilang kaisipan. Sinasabi na kapos sa suplay ng mga

kagamitang panturo ang paaralan ng Jamorawon National High School, Milagros,

Masbate dahilan sa bagong kurikulum na ipinatupad na kung saan hindi kayang

punan lahat ng mga puwang sa mga suplay ng mga kagamitang panturo kaya’t

nahihirapan ang mga guro kung paano simulan ang mga paksa. Sa pag-aaral na

ay pamagat na iba’t ibangdisiplina sa pagbasa at pagsulat, binibigyang tuon nito ang

pagbuo ng isang kagamitan para sa Filipino II sa antas ng Terseya. Ibinatay ang

pag-aaral sa mga teorya ng pagbasa na nakasaad na ang pagtuturo at pag-aaral ng

pagbasa ay hindi lamang dapat nakapokus sa kaalamang pambalarila kundi pati

narin sa kakayahang pagpapalawak ng bokabularyo at kasanayan sa pag-unawa.

Ayon kay Farombi (1998), mga kagamitang pang-edukasyon tulad ng mga

libro, nakikita ng audio, programa ng software at hardware ng pagbuo ng tutorial.

Bilang karagdagan, pinipili niya na ang kakayahang magamit, kasapatan at


19

kaugnayan ng mga materyales sa pagtuturo sa mga silid ng paaralan ay maaaring

nakakaapekto sa mabuting pagtuturo, na maaaring may mabuting epekto sa pag-

aaral ng mga mag-aaral sa kolehiyo at pagtuturo pangkalahatang performans ng

mga mag-aral. Ang pananaw mula sa Farombi sa pag-uugnay ng mga

mapagkukunang pang-edukasyon sa pangkalahatang performans ng pang-

edukasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay nagsisilbing kritikal sa loob ng

pagkakaloob ng kaaya-aya sa pag-aaral. Ang makilala ng thesis na ito, posisyon ng

mga kagamitang panturo sa nagmumula ang akademikong performans sa mga

sekundaryong kolehiyo sa Network sa Distrito ng Rombo mula sa mga ganitong

ideya.

Batay sa pag-aaral ni Oni (1992), sinasabi na isa sa mga kinokonsidera sa

pag-oorganisa at pagbibigay ng leksyon ay ang mga mapagkukunang akademiko. Ito

ay nakatutulong upang ipaliwanag ang isang ideya na hindi magagawang ipaliwanag

ng mga guro kung wala ito. Ang mga kagamitang ito ay nakaimpluwensya sa

pagkatuto o pangkalahatang performans ng isang mag-aaral. Ang mga kagamitang

panturo ay may malaking tulong sa akademikong pagganap upang mapalawak ang

kasanayan ng isang mag-aaral.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Cogo (2014), napag-alaman na

karamihan sa mga mag-aaral ay madalas gumagamit ng teknolohiya katulad ng

Cellphone. Dagdag din niya na hindi naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante

sa paggamit ng mga kagamitang ito.

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Okendu (2012), iginiit niya na ang

regular na pamamahala sa paggamit ng mga kagamitan ay may makabuluhang

epekto sa pagganap ng isang mag-aaral. Pinagtibay din niya na ang pagkakaroon


20

ng sapat na supply ng mga instraksyonal resources ay may makabuluhang epekto

rin sa pagganap ng mga mag-aaral.

Batay pag-aaral na sinagawa ni Schreiner E. (2018), sinasabi na ang mga

mobile phone ay maaari ring maging kapaki-pakinabang na tool sa akademikong

gawain ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang paggamit ng kagamitang ito ay

maaring hindi maging sagabal sa kanilang pag-aaral, gayunpaman maari itong

makatulong upang mapadali ang kanilang gawain sa paaralan.

Ayon kay Reinking (1995), inimungkahi niya na ang mga materyales sa

pagtuturo ay maaaring makalikha ng isang kapaligiran na nakakaapekto sa ating

pagkilos. Ang Internet ay magagamit bilang isang materyales sa pagtuturo. Hinikayat

nito ang ilang mga kabataan na magsaliksik at mabawasan ang palagiang pag-asa

nila sa kanilang mga guro. Tinatantiya rin ni dewey na dapat hikayatin ng guro ang

mga estudyante na gamitin ang mga kasangkapan na ginagamit ng mga taong may

sapat na gulang sa paraan kung papaano nila ito gamitin.

Ayon kina Olumorin, Yusuf, Ajidagba at Jekayinfa (2010) ang mga

materyales sa pagtuturo ay nakatutulong sa mga guro na turuan ng mas madali ang

mga mag-aaral na walang halong stress. Napatunayan sa kanilang pag-aaral na ang

mga materyales na ginagamit sa pagtuturo ay nakakaakit/ nakakatawag ng pansin

sa ating pang-amoy, nakikita, nararamdaman o naririnig. Naniniwala ang mga

mananaliksik na ang pagkakaroon ng sapat na kagamitan sa pagtuturo sa paaralan

ay nakatutulong upang mapataas ang epektibong paghahatid at pangangasiwa sa

loob ng klase. Binigyang-diin din na maraming pagbabago ang naisagawa sa

edukasyon dahil sa paggamit ng mga materyales sa pagkatuto at pagtuturo. Marami

rin ang sumang-ayon na napakahalagang gamitin ang mga materyal sa pagtuturo at


21

pagkatutong ng mga mag-aaral upang makakuha sila ng mas maraming kaalaman at

itaguyod ang kalidad ng edukasyon.

Ang mga teleponong mobile ay nakakonekta sa mga pag-aaral, ito ay

maaaring mapagkukunang pang-edukasyon ng mga mag-aaral. Ang mga mobile

phone ay maaari ring maging kapaki-pakinabang na tool sa akademikong gawain ng

mga mag-aaral (Schreiner E. 2018).

Pag-unawa sa Binasa

Ang mga babae at lalaking mag-aaral ay may iba’t-ibang personalidad. Ayon

sa pag-aaral na isinagawa ni Saidi (2012) patungkol sa ugnayan sa pagitan ng

motibasyon sa pagbasa at kasarian, makikita na ang mga babaeng mag-aaral ay

mas inspirado sa pagbabasa kumpara sa mga lalaking mag-aaral.

Ayon sa akda nina Belves, P., Baira, N.T. et. al (1990), 80% ng ating mga

gawain ay kasangkot ang pagbasa. Binabasa natin ang ngalan ng kalye, ang mga

patalastas, ang mga tala ng pagkain sa restaurant, pamilihan at mga babala sa

daan. Bumabasa tayo ng pahayagan, magasin, komiks at iba’t-ibang uri ng

babasahin at aklat para sa ating kasiyahan. Sinasabing 90% sa napag-aralan ng tao

ay mula sa kaniyang karanasan sa pagbasa.

Ang pagbasa ayon kay Belen et., al (2003) ay isang pinakamahalagang

kasanayan na dapat matamo ng isang tao, ito ay hindi lamang isang simpleng

kakayahan sa pagkilala sa mga nakalimbag na salita kundi ito ay tumutukoy sa

paglalagay ng kahulugan sa pagbasa at pagbuo ng mensahe o ideya mula sa

binasa.

Batay sa isang pag-aaral na isinagawa nina Logan at Johnston (2009),

tungkol sa paksang “kaugnayan sa pagitan ng pag-unawa sa pagbasa at kasarian”,


22

lumalabas na ang mga babaeng mag-aaral ay mas mahusay sa pag-unawa sa

pagbasa kumpara sa mga lalaking mag-aaral sapagkat ang mga babae ay mas

madalas na nagbabasa kaysa sa mga lalaki. Napag-alaman ang mga babae ay may

mas positibong saloobin sa pagbabasa.

Ayon sa pag-aaral nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005), napag-

alaman na habang ang mga mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa

pagbabasa, nalilinang din ang kanilang husay at nagkakaroon ng pag-unlad sa pag-

unawa at pagkatuto. Bilang ang kakayahan sa pag-unawa ng tekstong binasa ay

itinuturing bilang komplikadong interaksyon na isang daan upang mapagana at

magkaroon ng mental na representasyon mula sa isang teksto.

Ang pag-unawa sa binasa ayon kay Numan (2003) ay isang mahusay na

proseso na kung saan pinagsasama ang impormasyon mula sa teksto upang

magkaroon ng isang pagpapakahulugan. Ito ang nakikitang pinakamabuting paraan

sa estratehiya sa pagtuturo at isa sa mga haligi ng pagbabasa. Ayon kay Gilani

(2012) na nabanggit sa pag-aaral nina Garcia at Pearson, dapat itong aksyonan ng

mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang pag-intindi sa kanilang binabasa.

Ang kasanayan sa pagbasang may pag-unawa ay mas mapapabuti kung ang

mga mag-aaral ay may eksposyur sa mga kagamitan sa pagbabasa ng alin mang

babasahin na nasa tamang antas ng kahirapan. Binigyang-diin ito ng maraming

eksperto sa pagbabasa. Ang antas ng kahirapan ng isang babasahin ay

nakadepende sa antas ng structural at lexical complexity ng wikang ginamit. (Nassaji

et., al 2003).

Ayon sa librong isinulat nina Martha C. Pennington at Robert P. Waxler,

(2017) na pinamagatang "Bakit Mahalaga Pa rin ang Pagbabasa ng mga Aklat: Ang

Kapangyarihan ng Panitikan sa Digital Times." Sinabi na ang imahinasyon at


23

mahiwagang pag-iisip ay konektado sa katwiran na nag-uudyok sa isang tao sa

pagtuklas at pag-unawa. Sa pamamagitan ng imahinatibo at mapanlikhang pag-iisip

ay humahantong ito sa pag-unawa sa binasang teksto.

Sa pananaliksik na isinagawa ni Perez (2019) sa pamantasan ng Dagupan

City National Highschool, sinasabi na sa kabila ng pagsisikap ng mga guro sa

Filipino na maturuan ang mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa, mayroon

pa ring mga mag-aaral na hindi matamo ang mataas na antas ng pag-unawa.

Patunay dito ang resulta ng National Achievement Test (NAT) na natamo ng

paaralan sa asignaturang Filipino sa tatlong magkakasunod na taon 53.34 MPS sa

taong 2013, 51.32 MPS noong 2014 at 52.81 MPS noong 2015. Ito ay batay sa

resulta ng NAT na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa naturang mga

taon. Natuklasan sa nasabing pagsusulit na mahina at walang kasanayan sa

pagbasang may pag-unawa ang mga mag-aaral partikular na sa lugar na iyon.

Sabi naman ni Saucer (mula kay Ranco, 2002), ang kasanayan sa pagbasa

ay isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral.

Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya

dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng

kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng kawili-wiling pagbasa at

mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.

Ayon kay Chall (1996) marami sa mga estudyante ang nahihirapan sa

pagbabasa partikular na sa pagbasang may pag-unawa. Bilang mga mag-aaral,

nagkakaroon ng pagbabago mula sa “pagkatutong bumasa” hanggang sa

“pagbabasa upang matuto.” Bilang ang kakayahan sa pag-unawa ng tekstong

binasa ay itinuturing bilang komplikadong interaksyon na isang daan upang

mapagana at magkaroon ng mental na representasyon mula sa isang teksto.


24

Sina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-unawa ay

isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong

proseso na nagpapagana upang makalikha ng isang mental na representasyon sa

isang teksto ang mambabasa. Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at

Tindal (2005) na habang ang mga mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang

kakayahan sa pagbabasa nalilinang din ang kanilang husay at nagkakaroon ng pag-

unlad sa pag-unawa at pagkatuto.

Sa pag-aaral na isinagawa nina Blay, R., Mercado, K. A., at Villacorta, J.

(2009), napag-alaman na walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng

motibasyon sa pagbasa at kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng isang mag-aaral

dahil sa kakulangan sa kakayahang panglinggwistika, pagkabagot sa pagbabasa ng

mahahabang babasahin na naging sanhi upang dumiretso na sa pagsagot ang mga

estudyante kahit hindi pa natapos basahin ang isang teksto. Pinatunayan sa pag-

aaral na ito na ang pagkakaroon ng kaganyakan sa pagbabasa ay hindi isang

garantiya upang magkaroon ng kanais-nais na resulta sa pag-unawa ng kanilang

pagbabasa. Gaano man kataas ang pagganyak ng isang tao kung wala itong

gaanong kaalaman sa linggwistika upang maisakatuparan ang gawain sa pagbabasa

ay mabibigo parin siya upang matugunan ang nais na antas ng level ng kaniyang

pagbabasa.

Ang mga nabanggit na mga kaugnay na pag-aaral at kaugnay na literatura ay

may malaking ambag at kahalagahan upang mas mapalalim pa ang kaalaman at

pag-unawa sa paksa na pinag-aralan. Batay sa mga pag-aaral sa bahagi ng

motibasyon, makikita na may positibong ugnayan ang panloob at panlabas na salik

sa pagbasa ng isang mag-aaral. Ayon naman sa mga pag-aaral sa bahagi ng

kagamitang pampagkatuto, lumalabas na malaki ang naitutulong ng mga kagamitang

ito upang mas maging ganap ang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang
25

panghuli naman ay ang pag-unawa sa binasa, makikita sa mga pag-aaral na may

mahalagang gampanin ang pag-unawa sa pagkatuto at nagsisilbi itong batayan ng

mga mag-aaral upang maging matagumpay sila sa kanilang pag-aaral.


26

KABANATA III
METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit ng mga

mananaliksik sa pagkuha ng datos sa ginawang pag-aaral. Ang bahaging ito ay

naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, sampling teknik,

respondente, instrumento ng pananaliksik, paraan ng paglikom ng datos at

istatistikal na pagsusuri.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang sarbey na pananaliksik na nasa disenyong

kwantitatibo sa paraang descriptive correlational. Ginamit ng mga mananaliksik ang

disenyong ito sapagkat ito ay naaangkop sa paksa na may layuning ilarawan ang

pagkakaroon ng ugnayan ng mga baryabol at ilarawan ang relasyong nagaganap sa

pagitan nito. Ayon kay Sevilla (2000), ang palarawang paraan ay epektibong gamitin

upang makakuha ng mga impormasyon sapagkat ang pangunahing layunin nito ay

ang mailarawan ang kalagayan ng isang sitwasyon habang ito ay kasalukuyang

nagaganap. Ang paraang palarawan ay epektibong ginamit upang masuri ang

epekto ng motibasyon sa pagbasa (intrinsic/extrinsic) at eksposyur ng mga

kagamitang pampagkatuto sa bahay na nakakaapekto sa kakayahan sa pag-unawa

ng mga piling mag-aaral sa hayskul. Ang pag-aaral na ito ay magagamit sa

kasalukuyan at sa susunod pang mga taon.


27

Lugar ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay itinuon sa mga mag-aaral ng isa sa mga

pampublikong paaralan sa secondary partikular na sa baitang 10. Ito ay isinagawa

sa Mati, Distrito ng San Miguel sa Rehiyon 9, probinsya ng Zamboanga del Sur.

Ang sekondaryang paaralan kung saan isinagawa ang pag-aaral ay isang

pampublikong paaralan na nasa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamahala

ng kanilang punong guro. Ito ay matatagpuan sa lugar ng San Miguel, Zamboanga

del Sur. Ang probinsya ng Zamboanga del Sur ay isa sa mga progressibong

probinsya ng bansa. Ang isa sa munisipalidad nito ay ang San Miguel na binubuo ng

18 barangay at kabilang na dito ang Brgy. ng Mati na siyang lugar ng pag-aaral.

Ang paaralang ito ay binubuo ng 219 bilang ng mga mag-aaral at 8 bilang ng

mga guro (5 regular at 5 PTA paid). Pinili ng mga mananalliksik ang paaralan na ito

dahil narin sa kanilang layunin na malaman ang motibasyon at eksposyur sa mga

kagamitang pampagkatuto na matatagpuan sa tahanan na nakaganyak sa

kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Kung kaya’t ang mataas na paaralang

ito ang piniling mapagkunan ng mga respondente sa pag-aaral sa paglikom ng mga

datos.
28

Pigura2. Mapa kung saan isinagawa ang pananaliksik


29

Respondente

Ang naging respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa

baitang 10 na nagmula sa mataas na pamantasan ng hayskul laboratory sa Mati,

San Miguel sa taong 2020-2021. Ang mga respondente ay nanggaling sa dalawang

seksyon ng mataas na paaralan at kinuha ang lahat ng mga mag-aaral na mayroong

kabuuang bilang na 75. Ito ay kinabibilangan ng 40 lalaki at 35 babaeng mag-aaral.

Karaniwan ay nasa edad 14- 21 taong gulang at nagmula sa lugar ng Calube,

Conception, Dao-an, Langilan, Limonan, Mati at Ocapan. Ang kadalasang trabaho

ng mga magulang ng mga respondente ay driver at magsasaka at karamihan din sa

kanila ay napapabilang sa tribong bisaya


30

Sampling Teknik

Ang ginamit sa pag-aaral ay isang purposive sampling na kung saan kinuha

ang lahat ng 75 bilang ng mga mag-aaral na napapabilang sa 2 seksyon mula sa

baitang 10, sila ay aktibong sumagot sa mga katanungan at nakibahagi sa ginawang

pag-aaral. Kinuha ang lahat ng bilang ng mga mag-aaral batay narin sa layunin ng

pag-aaral na sukatin ang kakayahan sa pag-unawa sa kanilang binasa. Pinili ang

nasa mataas na bilang ng baitang upang masukat ang lebel ng kanilang pag-unawa

bilang nasa panghuling baitang na sila sa Edukasyong Sekondarya.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumento ng pananaliksik ay nahahati sa apat (4) na bahagi. Sa

unang bahagi ay matatagpuan ang demograpikong proyal kung saan nakasaad dito

ang mga importanteng impormasyon patungkol sa mga respondente. Ang ikalawang

bahagi naman ay para sa unang baryabol na “Motibasyon”. Ito isang

standardisadong talatanungan na hinango at inimodipika mula sa pag-aaral nila

Wigfield, Guthrie at McGough na pinamagatang “A questionnaire Measure of

Children’s Motivations for Reading. Instructional Resource no. 22”.

Ang mga tanong ay hinati sa dalawang (2) kategorya, ang motibasyong

panloob na mayroong sampung katanungan at motibasyong panlabas ng mga mag-

aaral na may siyam na katanungan. May ilan sa mga katunungan ang pinalitan ang

mga salita na naaayon sa ginawang pag-aaral. Ang ginamit na talatanungan ay

isinailalim sa tinatawag na content validity analysis. Sa kabuuan, ang panloob na

motibasyon ay mayroong sampung katanungan na may ebalwasyong Excellent at

isang katanungan na may ebalwasyong fair. Sa panlabas na motibasyon naman,

mayroong dalawang katanungan ang napapabilang sa excellent, anim na


31

katanungan sa fair at may isang katanungan ang tinanggal na napapabilang sa

panlabas na motibasyon na may ebalwasyong poor batay sa naging resulta ng

Content Validity Index. Ang kategoryang panlabas na motibasyon ay kinapapalooban

ng sampung tanong samantalang ang kategorya sa panloob na motibasyon ay

mayroong siyam na katanungan. Ginamit ang likert type rating scale upang masukat

ang antas ng motibasyon ng mga mag-aaral at ang dalawang kategorya ay

mayroong apat na pagpipilian, ito ay (4) para sa lubos na sumang-ayon, (3) sang-

ayon, (2) hindi sang-ayon at (1) lubos na hindi sang-ayon. Pinili ng mananaliksik ang

ganitong uri ng tugon upang makita at masukat ang lebel ng pagiging determinado

ng mga mag-aaral sa ipinahiwatig ng mga sumusunod na katanungan.

Ang ikatlong bahagi ay para naman sa ikalawang baryabol na “eksposyur ng

mga kagamitang pampagkatuto sa bahay”, gumamit ng isang tseklist na nakatuon sa

mga kagamitang pampagkatuto na matatagpuan sa bahay. Ito ay isang talahanayan

na naglalaman ng mga kagamitan na hinati sa dalawang uri, ang kagamitang

teknolohiya at ang kagamitang nakalimbag. Kinilala ng mga mag-aaral ang mga

kagamitan na matatagpuan sa kanilang mga tahanan at kung gaano nila kadalas

gamitin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (✓) sa bawat kolum ng

palagi, paminsan-minsan, madalas at hindi. Ito ay hinango mula sa pag-aaral na

pinamagatang “Availability and Utilization of instructional materials in a North-west

School of Nursing Nigeria”.

Nakalagay sa unang bahagi ng tseklist ang mga kagamitang teknolohiya na

kung saan ito ay kinapapalooban ng 13 kagamitan. Batay sa naging resulta ng

isinagawang content validity analysis, lumabas na mayroong 11 aytems ang

nakakuha ng ebalwasyong excellent at dalawang aytems na may ebalwasyong poor

na kung saan ito ay inalis mula sa talahanayan. Sa nakalimbag na bahagi ng

talahanayan ay mayroong 12 kagamitan. Lumabas mula sa isinagawang content


32

validity analysis na mayroong labing isang katanungan ang may ebalwasyong

excellent at isang katanungan na fair. Sa kabuuan, ang talatanungan para sa

kagamitang pampagkatuto sa bahay ay binubuo ng 23 mga katanungan at dalawa

sa mga ito ang tinanggal na napapabilang sa hanay ng teknolohiya.

At huling bahagi ng talatanungan ay para sa ikatlong baryabol na kakayahan

sa pag-unawa ng binasa, ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang tektso na

binasa ng mga mag-aaral na pinamagatang “Ang Kuwintas”, isang maikling kuwento

na isinulat ni Guy de Maupassant. Pinili ng mananaliksik ang paksa na ito sapagkat

nakapaloob ito sa ikaapat na markahan at hindi pa ito naitatalakay sa loob ng klase.

Napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin ang tekstong ito sapagkat ang

kuwentong ito ay hindi gaanong pamilyar sa karamihan kung kaya’t mas epektibo

ang pagsukat sa pag-unawa ng bawat mag-aaral.

Pagkatapos nilang mabasa ang kuwento ay binigyan sila ng mga katanungan

na nasa anyong maramihang pagpipilian (multiple choice) batay sa tatlong antas ng

komprehensyon (Literal, interpretasyon at kritikal) na kanilang sinagutan upang

makuha ang kinakailangang datos. Pinili ng mananaliksik ang maramihang

pagpipilian upang mas mapadali ang pagsagot ng mga mag-aaral sa bawat aytem.

Lubos na naging mabisa ang mga katanungan na ginawa sapagkat ang mga

mananaliksik ay humingi ng tulong sa isang guro mula sa nasabing paaralan kung

saan isinagawa ang pag-aaral na siyang gumabay at tumulong sa mga mananaliksik

na alamin kung saang antas napapabilang ang bawat katanungan. Bukod pa rito,

ang ginawang talatanungan ay isinailalim sa tinatawag na content validity analysis.

Lumabas na ang mga katanungan na napapabilang sa literal na antas ay nakakuha

ng ebalwasyong excellent, ganoon din naman sa kritikal at interpretasyong antas.

Batay sa naging resulta, lumabas na walang katanungan ang natanggal at napalitan.


33

Sa kabuuan ng intrumentong ginamit mula sa tatlong baryabol, lumabas na

mayroong 61 na mga katanungan ang napapabilang sa excellent, 8 katanungan

para sa fair at 3 aytem na napapabilang sa poor.

Paraan ng Paglikom sa Datos

Unang hakbang, ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang liham pahintulot

at ipinaaprobahan sa High School Coordinator ng paaralan kung saan isinagawa ang

pananaliksik. Matapos mapagbigyan, isinagawa ang sarbey gamit ang talatanungan

na naka hard copy para sa motibasyon, tseklist para sa eksposyur sa mga

kagamitang pampagkatuto sa bahay at tekstong babasahing sumukat sa lebel ng

kakayahan sa pag-unawa ng mga piling mag-aaral.

Hindi kaagad naisagawa ang pagbibigay ng talatanungan sa mga mag-aaral

sa inaasahang araw sapagkat hindi pa natapos ang pag-validate sa mga

instrumentong ginamit. Tatlong araw pa ang lumipas bago matapos ang pag-validate

at nakabalik ang mga mananaliksik sa kanilang tagapayo upang humingi ng permiso

sa pagsasagawa ng sarbey. Hindi naibahagi kaagad ang mga talatanungan dahil

nasa isang linggong sem-break ang mga mag-aaral sa panahon na iyon. Pagkaraan

ng isang linggo ay balik na sa pagkuha ng mga modyul ang magulang ng mga mag-

aaral kung kaya’t hinati ng mga mananaliksik ang talatanungan. Ang kalahati ay

iniwan sa mga adviser samantalang ang kalahati nito ay hinatid mismo sa tahanan

ng mga respondente. Naisipan ng mga mananaliksik ang ganitong paraan sapagkat

may ilan sa mga studyante ang hindi aktibo sa pagkuha ng kanilang mga modyul.

Bago paman sinagutan ng mga respondente ang talatanungan ay ipinabasa muna

sa kanilang ang isang liham pahintulot. Sinagutan nila ng walang pasubali ang mga

katanungan na naaayon at bukal sa kanilang kalooban. Mayroong 75 bilang ng mga

kopya ng talatanungan ang ipinamahagi at ang lahat ng mga ito ay naibigay at


34

nasagutan ng mga respondente. Ang pagkuha ng datos ay nagawa sa tulong ng

adviser at ang talatanungan, tseklist at babasahin ay ipinamahagi kasabay ng

modyul at ang ilan ay hinatid sa bahay mismo ng mga mag-aaral. Dahil narin sa

kasalukuyang sitwasyon, pinagtounan ng pansin ng mga mananaliksik ang proper

health protocol kagaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield kasama na rito ang

pag sanitized sa mga talatanungan bago ito ipinamahagi.

Ang mga nakalap na datos mula sa tatlong modipikadong talatanungan ay

tinipon ito at inalisa. Ginamit sa pananaliksik na ito ang mga modernong kagamitan

kagaya ng cellphone, laptop at internet upang dagdagan ang mga datos na nakalap

na may kaugnayan sa pag-aaral.

Istatistikal na Pagsusuri

Descriptive Statistical Analysis ang ginamit ng mga mananaliksik sa

paglalarawan ng datos. Sa paraang ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga

talaan upang ipresenta at suriin ang mga datos. Mainam itong gamitin upang

malinaw na makita ang mga impormasyong nakalap mula sa pag-aaral.

Ang statistical treatment ng data ay binubuo ng dalawang seksyon. Ang

descriptive statistics (means and standard deviation) ay ginamit upang suriin at

bigyang-kahulugan ang degree of measures ng Motibasyon, kagamitang

pampagkatuto at pag-unawa sa binasa. Inferential statistics Pearson Product

Moment Correlation (PPMC) test ay ginamit upang galugarin ang makabuluhang

asosasyon / kaugnayan sa pagitan ng dalawang theoretical constructs. Ang mga

resulta ng correlation coefficient ay binigyang interpretasyon gamit ang scale ni

Cohen (1992): -0.3 to +0.3 = weak, -0.5 to -0.3 or +0.3 to + 0.5= moderate
35

relationship, -0.9 to -0.5 or +0.5 to +0.9= strong relationship, -1.0 to -0.9 to +1.0=

very strong relationship.

Legend:

M= mean
SD = Standard deviation

Qualitative Description:

1.00 – 1.74 = Pinakamababa (VL)


1.75 – 2.49 = May kababaan (L)
2.50 – 3.24 = Mataas (H)
3.25 – 4.00 = Pinakamataas (VH)

Cohen’s Scale:

-0.3 to +0.3 = weak


-0.5 to -0.3 or +0.3 to +0.5 = moderate
-0.9 to -0.5 or +0.5 to +0.9 = Strong relationship
-1.0 to -0.9 or +0.9 to +1.0 = Very strong

Pearson Prroduct Moment Correlation Coefficient


Ito ay ginamit upang makuha ang pagkakaugnay motibasyon, kagamitang

pampagkatuto sa bahay at kakayahan sa pag-unawa.


36

Kabanata IV
PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON

Ang kabanatang ito ay maituturing na pinakaugat ng pag-aaral. Ito ay

naglalaman ng mga mahahalagang datos na nakalap mula sa ginawang pag-aaral.

Makikita sa bahaging ito ang presentasyon, analisis, at interpretasyon sa mga

nalikom na datos mga piling mag-aaral sa Grade 10 sa mataas na pamantasan ng

piling laboratory ng Mati, San Miguel.

Talahanayan 1.

Antas ng motibasyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa panloob at panlabas na


motibasyon

 Mga Katanungan: M SD QD
A. Panloob na Motibasyon 3.22 0.43 Mataas
1. Naeengganyo akong magbasa ng mga mahihirap na babasahin. 2.97 0.73 Mataas
2. Kapag ang isang guro ay nagtatalakay ng isang interesanteng kuwento,
3.27 0.55 Pinakamataas
magbabasa pa ako ng marami tungkol dito.
3. Palagi akong nagbabasa dahil hilig ko. 3.07 0.78 Mataas
4. Gumagawa ako ng larawan sa aking isipan habang nagbabasa. 3.49 0.78 Pinakamataas
5. Nasisiyahan ako kapag napapahalagahan ang paraan ng aking
3.28 0.69 Pinakamataas
pagbabasa.
6. Natutuwa akong magkwento sa aking mga kaibigan kung ano ang aking
3.28 0.76 Pinakamataas
nabasa.
7. Nasisiyahan akong bumasa ng mga mapanuring babasahin. 3.13 0.84 Mataas
8. Gusto kong bumasa dahil nagbibigay ito ng karagdagang
3.39 0.73 Pinakamataas
ideya/impormasyon.
9. Nagbabasa ako para matuto sa mga paksang nakakapukaw ng aking
3.19 0.77 Mataas
interes.
10. Mas nagbibigay ako ng mataas na panahon sa pagbasa kaysa sa
3.13 0.83 Mataas
pagsulat.
B. Panlabas na Motibasyon 3.04 0.47 Mataas
1. Mas gusto kong magbabasa kapag marami sa akin ang humihingi ng
3.01 0.76 Mataas
tulong.
2. Naeengganyo akong magbasa kapag marami kami. 3.19 0.87 Mataas
3. Sinasabihan ako ng aking mga kaibigan na magaling akong magbasa. 3.04 0.74 Mataas
4. Gusto ko ang awtor ng akda. 2.92 0.77 Mataas
5. Nagbabasa ako dahil pinababasa kami ng aming mga guro. 3.08 0.83 Mataas
6. Palabasa ako dahil sa moral support ng aking mga magulang. 3.00 0.87 Mataas
7. Hilig naming magkakapatid ang magbasa. 2.80 0.75 Mataas
8. Naeengganyo akong magbasa kapag inirekomenda ako ng aking guro. 3.19 0.80 Mataas
9. Nagaganahan akong bumasa kapag nakakatanggap ako ng papuri mula
3.16 0.85 Mataas
sa iba.
Kabuuan 3.14 0.41 Mataas
Note: M = mean, SD = Standard deviation, QD = Qualitative description: 1.00 – 1.74 = Pinakamababa (PML), 1.75 – 2.49
= May kababaan (MK), 2.50 – 3.24 = Mataas (M), 3.25 – 4.00 = Pinakamataas (PM)
37

Ang unang talahanayan ay naglalaman ng mga pangungusap patungkol sa

motibasyon sa pagbasa. Batay sa talahanayan, makikita ang mayroong kabuuang

3.14 weighted mean na may interpretasyong Mataas. Samakatuwid, nagpapakita ito

na ang mga mag-aaral mula sa mataas na pamatasan ng Hayskul Laboratory ay

mayroong mataas na antas ng motibasyon sa pagbasa. Ang nangunguna na may

pinakamataas na weighted mean ay ang ikaapat na aytem na mayroong

pangungusap na gumagawa ako ng larawan sa aking isipan habang nagbabasa.

Batay dito, nangangahulugan na mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang

binabasa kapag inilalarawan nila sa kanilang isipan ang kanilang binabasa. Ito ay

sumasang-ayon sa estratehiya sa aktibong pagbasa ni Applebee, et al. (2000) na

kung saan sa pamamagitan ng tinatawag na Visualizing, nagagawang buhayin ng

imahinasyon ang mga karakter, pangyayari at tagpuan upang lubos na maunawaan

kung ano ang mga pangyayari. Ito naman ay sinang-ayunan sa pag-aaral na

isinagawa nina Pennington, M. C at Waxler, R. P. (2017) na kung saan sa

pamamagitan ng imahinatibo at mapanlikhang pag-iisip ay humahantong ito sa pag-

unawa sa binasang teksto.

Makikita din sa talahanayan na nakakuha ng mas mataas na weighted mean

ang panloob na motibasyon kumpara sa panlabas na motibasyon, nagpapatunay ito

na ang mga mag-aaral ay intrinsically motivated kung saan mas nakakaunawa sila

sa kanilang binabasa kapag ito ay mismong kagustuhan nila.


38

Talahanayan 2.

Lebel sa paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto ng mga mag-aaral sa bahay


(n=75)
 Mga Kagamitan: M SD QD
A. Teknolohiya 2.42 0.45 May kababaan

1. Pocket Wifi 2.05 1.06 May kababaan

2. Computer 1.67 0.95 Pinakamababa

3. Laptop 1.92 1.04 May kababaan

4. Cellphone 3.69 0.75 Pinakamataas

5. Projector 1.47 0.91 Pinakamababa

6. Printer 1.60 1.00 Pinakamababa

7. TV 3.41 0.82 Pinakamataas

8. Radyo 2.91 1.08 Mataas

9. Ipad/ Tablet 1.69 1.05 May kababaan

10. Speaker 2.95 0.96 Mataas

11. Internet Connection 3.24 0.97 Mataas

B. Nakalimbag 2.44 0.66 May kababaan

1. Diksyunaryo 2.76 0.91 Mataas

2. Libro/ Aklat 3.07 0.86 Mataas

3. Kwaderno 2.88 1.03 Mataas

4. Photocopy 2.21 1.08 May kababaan

5. School Magazine 2.07 1.12 May kababaan

6. Newspaper/Pahayagan 2.03 0.99 May kababaan

7. Posters 2.17 1.10 May kababaan

8. Pocket Books 2.04 1.11 May kababaan

9. Bible/ Bibliya 3.11 0.81 Mataas

10. Story Book 2.68 0.95 Mataas

11. Encyclopedia 2.12 1.13 May kababaan

12. Educational Brochures 2.17 1.02 May kababaan

Kabuuan 2.43 0.51 May kababaan

Note: M = mean, SD = Standard deviation, QD = Qualitative description: 1.00 – 1.74 = Pinakamababa (P), 1.75 –
2.49 = May kababaan (MK), 2.50 – 3.24 = Mataas (M), 3.25 – 4.00 = Pinakamataas (PM)
39

Ang ikalawang talahanayan ay kinapapalooban ng mga kagamitang

pampagkatuto sa bahay na nahahati sa dalawa (Teknolohiya at Nakalimbag).

Makikita dito ang kabuuang weighted mean na 2.43 na may interpretasyong May

Kababaan. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral sa mataas na pamantasan

ng hayskul laboratory ay di gaanong gumagamit ng mga kagamitang pampagkatuto

na matatagpuan sa kanilang tahanan. Napag-alaman na mayroong dalawang aytem

ang nakakuha ng may pinakamataas na weighted mean, ito ay ang cellphone na

mayroong 3.69 at TV na may 3.41 weighted mean. Ipinapakita dito na ang dalawang

ito ang siyang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan para sa

pagkuha ng karagdagang impormasyon upang mas umunlad pa ang kakayahan nila

sa pagbasa at pag-unawa.

Ang resultang ito ay sumang-ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Cogo (2014)

na kung saan sinasabi na karamihan sa mga mag-aaral ay madalas gumagamit ng

teknolohiya katulad ng Cellphone. Dagdag din niya na hindi naapektuhan ang pag-

aaral ng mga estudyante. Ito rin ay sinuportahan ng pag-aaral ni Schreiner E. (2018)

na kung saan sinasabi na ang mga mobile phone ay maaari ring maging kapaki-

pakinabang na tool sa akademikong gawain ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang

paggamit ng kagamitang ito ay maaring hindi maging sagabal sa kanilang pag-aaral,

gayunpaman maari itong makatulong upang mapadali ang kanilang gawain sa

paaralan.
40

Talahanayan 3.
Lebel sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral ayon sa tatlong antas ng pagbasa
(literal, interpretasyon at kritikal)
Lalaki (40) Babae (35) Kabuuan (75)

M SD % M SD % M SD %

Literal (n = 15) 9.28 3.97 61.83 12.00 2.74 80.00 10.55 3.70 70.31

Kritikal (n = 10) 6.25 2.15 62.50 7.49 2.36 74.86 6.83 2.32 68.27

Interpretasyon (n = 5) 3.55 1.22 71.00 4.17 0.92 83.43 3.84 1.13 76.80

Kakayahan sa Pag-unawa 19.08 6.53 63.58 23.66 5.09 78.86 21.21 6.30 70.71

Ang talahanayan na nasa itaas ay nagpapakita ng lebel sa pag-unawa sa

binasa ng mga mag-aaral ayon sa tatlong antas ng pagbasa (Literal, Kritikal at

Interpretasyon). Mayroong 75 bilang ng mga kalahok sa pag-aaral na binubuo ng 40

bilang ng mga mag-aaral na lalaki at 35 na mga babae. Batay sa resulta,

nagpapakita ito na ang mga mag-aaral mula sa mataas na pamantasan ng hayskul

laboratory sa kabuuan ay nakakuha ng mas mataas na porsyento sa interpretasyong

antas ng pagbasa. Nangangahulugan lamang ito na ang mga mag-aaral ay mas

bihasa sa pagsagot kapag ang uri ng pagbibigay ng isang katanungan ay situational.

Makikita din sa talahanayan na mas nakakuha ng mataas na porsyento ang

mga mag-aaral na babae sa tatlong antas. Ang resultang ito ay sang-ayon sa pag-

aaral na isinagawa nina Logan at Johnston (2009) na kung saan sinasabi na ang

mga batang babae ay mas mahusay sa pag-unawa sa pagbabasa kaysa sa mga

lalaki, ang mga batang babae ay may mas positibong pag-uugali sa pagbabasa. Ito

naman ay sinang-ayunan ng pag-aaral na isinagawa nina Clark at Foster (2005) na

kung saan sinasabi na ang babaeng mag-aaral ay mas nasisiyahan sa pagbabasa at

mayroong mas mataas na interes sa pagbabasa kumpara sa mga batang lalaki.


41

Sa kabuuang bahagi ng talahanayan, ang antas na nakakuha ng

pinakamataas na porsyento ay ang interpretasyon na mayroong 76.80 %; sinundan

naman ito ng Literal na antas na mayroong 70.31% at ang panghuling antas na

kritikal ay nakakuha ng pinakamababang porsyento na mayroong 68. 27 %. Sa

kabuuan, ang kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral ay may

kabuuang bilang na 70.71 %.


42

Talahanayan 4.
Pagtataya sa makabuluhang pagkakaugnay ng motibasyon sa pagbasa, kagamitang
pampagkatuto at kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral

1 2 3 4 5 6 7 8 9
1. panloob_motib -

2. panlabas_motib .688* -

3. motib_pagbasa .920* .917* -

4. tekno .197 .151 .190 -

5. nakalimbag .206 .128 .183 .647* -

6. kaga_pagkatuto .222 .150 .203 .858* .947* -

7. Literal .274* .152 .232* .026 .171 .126 -

8. Kritikal .152 .076 .125 .115 .197 .181 .714* -

9. Interpretasyon .107 -.143 -.018 -.041 .100 .050 .495* .584* -

10. Kaka_pag_u .236* .091 .179 .050 .191 .150 .938* .891* .684*
Note: Cell contains Correlation coefficient (r), * Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed). r is interpreted
using Cohen’s Scale: -0.3 to +0.3 = weak, -0.5 to -0.3 or +0.3 to +0.5 = moderate relationship, -0.9 to -0.5 or +0.5 to
+0.9 = strong relationship, -1.0 to - 0.9 or +0.9 to +1.0 = very strong relationship.

Ipinapakita sa talahanayan 4 ang pagkakaugnay ng motibasyon sa pagbasa,

kagamitang pampagkatuto at kakayahan sa pag-unawa sa binasa. Makikita sa

talahanayan ang ugnayan ng tatlo sa pamamagitan ng pearson correlation

coefficient. Makikita sa talahanayan na ang motibasyon sa pagbasa at kakayahan sa

pag-unawa ay nakakuha ng 1.79 na may interpretasyong not significant at may

weak relationship. Nangangahulugan ito na ang motibasyon sa pagbasa ay walang

makabuluhang kaugnayan sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa

mataas na pamantasan ng hayskul laboratory. Ang resultang ito ay sang-ayon sa

pag-aaral na isinagawa nina Blay, R., Mercado, K. A., at Villacorta, J. (2009) na kung

saan napag-alaman sa kanilang pag-aaral na walang makabuluhang kaugnayan sa

pagitan ng motibasyon sa pagbasa at kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng isang

mag-aaral dahil sa kakulangan sa kakayahang panglinggwistika, pagkabagot sa


43

pagbabasa ng mahahabang babasahin na naging sanhi upang dumiretso na sa

pagsagot ang mga estudyante kahit hindi pa natapos basahin ang isang teksto.

Sa bahagi naman ng kagamitan, makikita na ang kagamitang pampagkatuto

sa bahay at kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral ay nakakuha ng .150 na

may interpretasyong not significant at may weak relationship. Nangangahulugan

ito na ang kagamitang pampagkatuto sa bahay at ang kakayahan sa pag-unawa sa

binasa ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan. Ang resultang ito ay

taliwas sa pag-aaral na isinagawa ni Okendu (2012), iginiit niya na ang regular na

pamamahala sa paggamit ng mga kagamitan ay may makabuluhang epekto sa

pagganap ng isang mag-aaral. Pinagtibay din niya na ang pagkakaroon ng sapat na

supply ng mga instraksyonal resources ay may makabuluhang epekto rin sa

pagganap ng mga mag-aaral. Ang naging resulta ng pag-aaral ay maaaring bunga

ng pagkakaroon ng kakulangan ng mga kagamitang pampagkatuto sa bahay na

magagamit ng mga estudyante upang mas umunlad pa ang kanilang kakayahan

partikular na sa pagbasa.

Ang mga mag-aaral sa mataas na pamantasan ng hayskul laboratory ay

nakakuha ng pangkalahatang mean na 3.14 sa labinsiyam na mga katanungan sa

motibasyon sa pagbasa na may berbal na interpretasyong High. Samantala, sa

bahagi naman ng kagamitang pampagkatuto sa bahay ay nakakuha ng

pangkalahatang mean na 2.43 sa dalawang uri ng kagamitan (nakalimbag at

teknolohiya) na may interpretasyong low at ang panghuli ay ang kakayahan sa pag-

unawa sa binasa na kung saan nakakuha ng mean na 21.21 na may katumbas sa

kabuuan na 70.71 bahagdan.


44

Samakatuwid, ang dalawang ipotesis sa pag-aaral na ito na nagsasabing

may makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang pag-unawa sa

dalawang uri ng motibasyon at may makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng

kakayahang pag-unawa sa eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa bahay

ay di –tanggap. Nangangahulugan ito na ang motibasyon sa pagbasa at

kagamitang pampagkatuto sa bahay ay hindi nakakaapekto sa kakayahan sa pag-

unawa sa binasa ng isang mag-aaral.


45

KABANATA V
BUOD NG NATUKLASAN, MGA KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod ng mga natuklasan, mga

konklusyon at mga rekomendasyong nabuo ng tagasulat ng pananaliksik na ito

kaugnay sa mga suliraning nabanggit sa unang bahagi ng pag-aaral.

Buod ng Natuklasan

Batay sa isinagawang pag-aaral, narito ang mga sumusunod na natuklasan

batay sa mga katanungan:

1. Ano ang lebel ng panloob at panlabas na motibasyon ng mga mag-aaral

sa pagbasa?

 Ang panloob na motibasyon ay mayroong kabuuang weighted mean

na 3.22 samantalang ang panlabas na motibasyon ay nakakuha rin

nga kabuuang weighted mean na 3.04. Sa kabuuan, ito ay parehong

nakakuha ng 3.14 weighted mean na may qualitative description na

mataas.

2. Ano-ano ang lebel ng paggamit ng mga bata sa kagamitang pampagkatuto

sa bahay ayon sa teknolohiya at nakalimbag?

 Ang paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto sa bahay ayon sa

teknolohiyang uri ay may weighted mean na 2.42 samantalang ang

nakalimbag na uri naman ay nakakuha ng 2.44 weigthed mean. Sa

kabuuan, ang lebel ng paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto

sa bahay ng mga piling mag-aaral ay parehong nakakuha ng


46

weighted mean na 2.43 na may qualitative description na may

kababaan.

3. Ano ang lebel sa pag-unawa sa binasa ng mga bata ayon sa literal,

interpretasyon at kritikal?

 Ang interpretasyon na antas ay nakakuha ng pinakamataas na

porsyento na mayroong 76.80 %, sinundan naman ito ng literal na

antas na nakakuha ng 70.31 bahagdan at ang panghuli ay ang kritikal

na antas na nakakuha ng 68.27 bahagdan sa kabuuang bilang na

mas mababa kumpara sa dalawa pang antas.

4. Mayroon bang makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang

pag- unawa sa dalawang uri ng motibasyon?”

 Walang makabuluhang kaugnayan ang motibasyon sa pagbasa at

pag-unawa sa binasa.

5. Mayroon bang makabuluhan na kaugnayan sa pagitan ng kakayahang

pag-unawa sa eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa bahay?

 Walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kakayahan sa

pag-unawa at eksposyur sa mga kagamitang pampagkatuto sa

bahay. Ang resultang ito ay marahil hindi gaanong expose ang

mga mag-aaral sa mga kagamitan lalong-lalo na sa teknolohiyang

uri. Maliban dito, iilan din sa mga respondente ay nakatira sa mga

lugar na kung saan wala gaanong signal.


47

Mga Konklusyon

Batay sa naging resulta ng ginawang pag-aaral, marapat na pagtuunan ng

pansin ang kasanayan sa pagbasa, kasama na dito ang pagpapa-angat sa panlabas

na motibasyon kasabay ang matalinong paggamit at pagiging expose sa mga

kagamitang pampagkatuto na matatagpuan sa bahay para sa mas ikauunlad ng

kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa panahon natin ngayon

na talamak ang paggamit ng mga teknolohiyang kagamitan dahil sa tinatawag nating

distance learning. Malaking tulong ang mga bagay na ito upang mas umunlad pa

ang kakayahan hindi lamang sa pagkatuto kundi lalong-lalo na sa pag-unawa sa

binasa ng isang mag-aaral.

Implikasyon ng Pag-aaral

Ang mga natuklasan at naging resulta ng pag-aaral na ito ay may malaking

tulong lalong-lalo na sa sistema ng edukasyon na nasa tinatawag na distance

learning. Mula sa mga datos na nakalap, mabibigyan ng pagkakataon lalong-lalo na

ang mga namamahala sa Edukasyon na malaman kung anong uri ng motibasyon

mayroon ang ilan sa mga mag-aaral. Mabibigyan din ng ideya ang mga guro kung

ano ang mga kagamitang maaari nilang gamitin sa paghahatid ng kaalaman sa mga

mag-aaral sa gitna ng pandemya. Maaari nilang magamit ang naging resulta ng

pag-aaral upang makapag-isip pa ng ilang interbensyon para sa mas epektibong

pagtuturo at pagkatuto.
48

Mga Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at konklusyon, ang mga mananaliksik ay

nagrerekomenda ng mga sumusunod:

1. Sa pangkalahatan, panatilihin ang pagkakaroon ng kaganyakan sa

pagbabasa at sanayin ang sarili na makihalubilo sa ibang mag-aaral. Sikaping

maging expose sa paggamit ng dalawang uri ng kagamitan sa pag-aaral ng upang

mas umunlad pa ang lebel ng kakayahan nito partikular na sa pagbasa

2. Sa mga guro, magbigay ng mga gawain na applicable sa mga android

phone upang mas madali para sa mga mag-aaral na maka access sa mga gawain at

leksyon.

3. Sanayin ang mga mag-aaral sa pagsagot ng mga katanungang

napapabilang sa kritikal na antas upang mas umunlad pa ang kanilang kakayahan

sa pagbasa na may pag-unawa.

4. Sa mga namamahala ng paaralan sana maglaan ng pundo para

matutukan o maisagawa ang programang tinatawag na “Care for Non-Readers” kung

saan may layunin ito matutukan ang mga mag-aaral ng sa ganoon magkaroon ng

pagbabago at kaunlaran sa performans ng kanilang pagbabasa.


49

TALASANGGUNIAN
Abad at Ruedas et. Al. (2001) Ang epektibong paggamit ng multimedia sa paglinang ng
pagtuturo at pagkatuto. Orion, Bataan. Mula sa http://udyong.net/teachers corner/4759-ang epektibong-
paggamit-ng-multimidea-sa-paglinang-ng pagtuturo-at-pagkatuto.
Applebee.Et., al (2000). Estratehiya Sa Aktibong Pagbasa.https://www.scribd.com/
presentation/ 468658600/Estratehiya-sa-aktibong-Pagbasa
Belen, Venus M.et.al. (2003). Effective Study and Thinking Skills. Trinitas PublishingInc.
Belves, Paz M. et al (1990). Gamiting Filipino, Pagbasa at Komposisyon: REX
BOOKSTORE.
Blay, R., Mercado, K. A., & Villacorta, J. (2009). The relationship between motivation and
second language reading comprehension among fourth grade Filipino students. Philippine ESL
Journal, 2, 5-30.
Bruning et. Al. (2004). Cognitive Pshychology and Instruction. USA: Merill Prentice Hall.
Chall, J. S. (1996). American reading achievement: Should we worry?. Research in the
Teaching of English, 30(3), 303-310.
Clark, C. & Foster, A. (2005). Children’s and young people’s reading habits and preferences:
The who, what, why, where and when. London: National Literacy Trust
Cogo, Donald (Enero 10, 2014). Epekto ng Teknolohiya sa Pag-aaral ng Mag-aaral.
Deci, E. L., & Ryan, R. M. (2002). Handbook of self-determination research. Rochester, NY:
University of Rochester Press.
Dornyei, Z. (1990). Individual Differences in Second Language Acquisitions. AILA Review,
19(1), 42-68.
Duke, N. K., Pearson, P. D., Strachan, S. L., & Billman, A. K. (2011). Essential elements of
fostering and teaching reading comprehension. In B. Samuels, S. J., & Arstrup, A. E. (Eds.), What
Research Has to Say About Reading Instruction? 4thEdition, pp. 51-93.
Farombi, J. G. (1998). Resource Concentration, Utilization and Management as Correlates of
Student’s Learning Outcomes: A Study on School Quality in Oyo State (Unpublished Ph. D. Thesis),
university of Ibadan, Ibadan.
Galicia. (2010). Iba’t-ibang Disiplina Sa Pagbasa At Pagsulat.
https://www.scribd.com/document/424946880/ FINAL-THESIS-Docx
Gilani M. R. A. (2012). Impacts of Learning Reading Strategy on Students’ Reading
Comprehension Proficiency. The International Journal of Language Learning and Applied Linguistics
World (IJLLALW) Volume 1(1).
Kian, T., Yusoff, W., & Rajah, S. (2014). Motivation for generations’ chorts: An
organizational justice perspective. International Journal of Management Sciences, 11(2), 536-542.
Logan, S., &Johnson, R. (2009).Gender Differences In Reading Ability and
Attitud:Examining Where These Differences Lie.Journal of Research in Reading 32(2), 199-214.
Nassaji, H. (2003). L2 Vocabulary Learning from Context: Strategies, Knowledge Sources,
and Their Relationship with Success in L2 Lexical Inferencing. TESOL Quarterly, 37,645-670.
Numan, D. (2003). Practical English language teaching. New York: McGraw-Hill.
Okendu, J.N., (2012). The Influence of instructional process and supervision on academic
performance of secondary school students of River State, Nigeria. Journal of Acadekic Research
International, 2(3).
50

Olumorin, C. O., Yusuf, U. A, Ajidagba, A. A, and Jekayinfa, (2010). Development of


Instructional Materials from Local Resources for Art-Based Courses. Asian Journal of Information
Technology. 9: 107-110.
Oni, J.O. (1992). Resource and Resource Utilization as Correlates of School Academic
Performance. Unpublished Ph.D Thesis, University of Ibadan,Ibadan, Nigeria.
Pennington, M. C., & Waxler, R. P. (2017). Why reading books still matters: The Power of
Literature in Digital Times. Routledge.

Ranco, (2002). Antas ng pasalitang pagbasa sa wikang Filipino ng mga piling mag-aaral sa
ikalawang baitang (Web log post). Retrived from rizal college of laguna
blogspot.com/2009/06/kabanata-1-suliranin.m=1

Reinking, (1995). Avilability of Computers and Diffusion of the Internet in China.


International Handbook of Literacy and Technology. https://www.routledgehandbooks.com

Ryan, R. M. & Deci,, E.L. (2000). Self-determination theory and the facilitation of intrinsic
motivation, social development and well-being. American Psychologist, 55, 68-78.
http://dx.doi.org/10.1037/0003-066X.55.1.68
Renninger, K. A., Hidi, S., & Krapp, A. (1992). The role of interest in learning and
development. Hillsdale, NJ: Erlbaum
Saidi , A.A.(2012).The Influence of Gender On Omani College Students’ English Language
Learning Strategies, Comprehension and Motivation. International Journal of Applied Linguistics & English
Literature.4(1),230- 244.
Sanford, Karen L., (2015). “Factors that Affect the Reading Comprehension of Secondary
Students with disabilities”. Doctoral Dissertations.125. https://repository.usfca.edu/diss/125
Schaffner, E., & Ulferts, H. (2013). Reading amount as a mediator of the effects of intrinsic
and extrinsic reading motivation on reading comprehension. Reading Research Quarterly, 48(4), 369–
385. doi: 10.1002/rrq.52.
Schreiner, E. (2018). Ang tamang paggamit ng mobile phone. Retrived from google:
https://www.google.com
Schunk, D.H., Pintrich, P.R and Meece, J. L. (2008). Motivation in Education: Theory,
Research and Applications 3rd ed.
Schutte, N. S., & Malouff, J. M. (2007). Dimensions of Reading Motivation: Development of
an Adult Reading Motivation Scale. Reading Psychology, 28(5), 469-489.
Sevilla, (2000). Paraan Sa Paggawa Ng Thesis. https://www.coursehero.com
Smith, B. N. (1969) Pag-unawa at Komprehensyon. https://www.slideshare.net/luvy15/pag-
unawa-at-komprehensyon
Tambo, L. (2003) Principles and Methods of Teaching: Appilication in Cameroon Schools.
University of Buea: ANUCAM Publisher, Limbe.
Trehearne, M. P., & Doctorow, R. (2005). Reading comprehension: strategies that work.
Comprehensive Literacy Resource: Grade 3-6 (Chapter 2). Retrieved from
https://www.hand2mind.com/pdf/miriam/ch2_clr3_ 6.pdf.
Van den Broek, P. W. (2012). Individual and developmental differences in reading
comprehension: Assessing cognitive processes and outcomes. In J.P. Sabatini, E. R. Albro, & T.
O’Reilly (Eds.), Measuring up: Advances in how we assess reading ability (pp. 39-58). Lanham, MD:
Rowman & Littlefield Education.
51

Wigfield, A., & Guthrie, J. T. (1997). Relations of children’s motivation for reading to the
amount and breadth or their reading. Journal of Educational Psychology, 89,420-
432.http://dx.doi.org/10.1037/0022-0663.89.3.420https://eric.ed.gov/?id=EJ553137
Woolfolk, A. (2013). Educational psychology (12thed.). Upper Saddle River, NJ: Pearson
Education, Inc,

Yovanoff, P. D. (2005). Grade-level invariance of a theoretical causal structure predicting


reading comprehension with vocabulary and oral reading fluency. Educational Measurement: Issues
and Practice, 4-12.

https://www.academia.edu/23354465/
_Level_of_Academic_Perfomance_of_the_Working_Students_of_Tomas_Claudio_Colleges_Chapter_
1_5
52

Apendiks A
Republic of the Philippines
JH CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
School of Teacher Education

April 30, 2021

COLEEN VILLEJO, MAEd


High School Coordinator
JHCSC Main Laboratory High School
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

Mahal naming Ma’am Villejo:

Pagbati!

Ang may lagda ay mga mag-aaral na mananaliksik ng JH Cerilles State College – Main
Campus. Kasalukuyan nilang ginagawa ng kanilang pag-aaral na pinamagatang “Motibasyon,
Kagamitang Pampagkatuto at Kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa ng mga Piling Mag-
aaral sa Hayskul” upang isulong ang larangan ng kaalaman na kinasasangkutan ng
pagtuturo at pagkatuto ng mga kaugnay na isyu sa akademya.

Alisunod dito, mapagpakumbabang humihingi ng pahintulot ang mga may lagda para
makalikom ng datos mula sa paaralan partikular na sa mga mag-aaral ng Grade 10 section
Newton at Einstein. Ang iyong mga mag-aaral ay magsisilbing mga tagatugon ng sarbey
kwestyuner para sa nabanggit na pag-aaral. Makakatiyak ka na ang mga rekord ng pag-aaral
na ito kasama ang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga mag-aaral ay
pangangasiwaan nang may lubos na kumpidensyalidad.

Inaasahan ang iyong positibong tugon sa bagay na ito. Maraming Salamat.

Taos-pusong sumasainyo,

ANACEL V. PATROLLA PRINCESS MA. SHEMAR PASTRANO KHECY SUICO


Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

Noted:

REGINA I. CUIZON, Ed. D


Thesis Adviser

Approved:
COLEEN VILLEJO, MAEd
School Coordinator
53

Apendiks B
Republic of the Philippines
JH CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
School of Teacher Education

April 30, 2021

Mahal na mag- aaral -kalahok,

Pagbati!

Ang may lagda ay mga mag-aaral na mananaliksik ng JH Cerilles State College –


Main Campus. Kasalukuyan nilang ginagawa ng kanilang pag-aaral na pinamagatang
“Motibasyon, Kagamitang Pampagkatuto at Kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa ng mga
Piling Mag-aaral sa Hayskul” upang isulong ang larangan ng kaalaman na kinasasangkutan
ng pagtuturo at pagkatuto ng mga kaugnay na isyu sa akademya.

Kaugnay nito, magalang po kayong hinihiling na maging kabahagi ng mga kalahok


sa pananaliksik at hinihiling na sagutin nang tapat ang nakalakip na mga talatanungan upang
matipon ang mga impormasyong kinakailangan sa pag-aaral. Walang makatuwirang mga
panganib sa pag-aaral na ito. Tinitiyak na ang mga rekord sa pag-aaral na ito kabilang na ang
mga impormasyon tungkol sa iyong identidad ay pangangasiwaan nang may lubos na
kumpidensyalidad.

Inaasahan po namin ang inyong magiging positibong tugon sa bagay na ito.


Ipinahihiwatig ng lagda mo sa ibaba na nagpasya kang makilahok sa pag-aaral na ito.
Maraming Salamat.

Taos-pusong sumasainyo,

ANACEL V. PATROLLA
Mananaliksik

PRINCESS MA. SHEMAR PASTRANO


Mananaliksik

KHECY SUICO
Mananaliksik

Mangyaring lagyan ng tsek ang isang kahon


◻ Handa akong makibahagi bilang isa sa mga kalahok sa pag-aaral na ito.
◻ Hindi ako handang makibahagi bilang isa sa mga kalahok sa pag-aaral na ito.
Pangalan: __________________________________Petsa: _________________________
Lagda: ______________________________
54

Apendiks C
INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Part I. DEMOGRAPIKONG PROPAYL


Pangalan (Opsyonal): ____________________________________________Edad_____________Kasarian_______________
Tirahan: ___________________________________________________________________________________
Tribo: _______________________________________Bilang ng magkakapatid: __________________
Trabaho ng Magulang:
Ama: __________________________________________
Ina: ___________________________________________.

Part II.
MOTIBASYON SA PAGBASA
Hango at inimodipika mula sa pag-aaral nina kina Wigfield et., al (2004)

Ang instrumento na ito ay susukat sa iyong motibasyon sa pagbasa. Basahin ang bawat
pangungusap at alamin kung ang mga ito ay naglalarawan sa inyong damdamin habang
nagbabasa. Bilugan ang bilang na nagsasaad ng iyong magiging tugon. Bilugan ang bilang 4
kapag ikaw ay lubos na sumang-ayon sa ipinahayag ng pangungusap, 3 naman kapag
sumang-ayon ka, bilang 2 kapag hindi ka sumang-ayon at ang bilang 1 bilang pinakamaliit na
bilang na nagsasaad ng lubos na di pag sang-ayon.
Mga kategorya:
4 – Lubos na sumang-ayon 2 – Hindi sang-ayon
3 – sumang-ayon 1 – Lubos na hindi sumang-ayon

A. Panloob na Motibasyon L S HS LDS


S 3 2 1
1. Naeengganyo akong magbasa ng mga mahihirap na babasahin. 4 3 2 1
2. Kapag ang isang guro ay nagtatalakay ng isang interesanteng kuwento, magbabasa 4
3 2 1
pa ako ng marami tungkol dito. 4 3 2 1
3. Palagi akong nagbabasa dahil hilig ko. 4 3 2 1
4. Gumagawa ako ng larawan sa aking isipan habang nagbabasa. 4
5. Nasisiyahan ako kapag napapahalagahan ang paraan ng aking pagbabasa. 3 2 1
6. Natutuwa akong magkwento sa aking mga kaibigan kung ano ang aking nabasa. 4
3 2 1
7. Nasisiyahan akong bumasa ng mga mapanuring babasahin. 4 3 2 1
8. Gusto kong bumasa dahil nagbibigay ito ng karagdagang ideya/impormasyon. 4
9. Nagbabasa ako para matuto sa mga paksang nakakapukaw ng aking interes. 3 2 1
10. Mas nagbibigay ako ng mataas na panahon sa pagbasa kaysa sa pagsulat. 4
3 2 1
4
B. Panlabas na Motibasyon
1. Mas gusto kong magbabasa kapag marami sa akin ang humihingi ng tulong.
2. Naeengganyo akong magbasa kapag marami kami. 4
3 2 1
3. Sinasabihan ako ng aking mga kaibigan na magaling akong magbasa.
4. Gusto ko ang awtor ng akda. 4
3 2 1
5. Nagbabasa ako dahil pinababasa kami ng aming mga guro.
6. Palabasa ako dahil sa moral support ng aking mga magulang. 4
3 2 1
7. Hilig naming magkakapatid ang magbasa.
8. Naeengganyo akong magbasa kapag inirekomenda ako ng aking guro. 4
3 2 1
9. Nagaganahan akong bumasa kapag nakakatanggap ako ng papuri mula sa iba. 3 2 1
4
3 2 1
4
3 2 1
4
3 2 1
4
KABUUAN SA BAWAT AYTEM: ____ PANGKALAHATANG KABUUAN: __________
3 2 1
4
55
56

Part III.

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA BAHAY (TSEKLIST)


Hango at inimodipika mula sa pag-aaral nina Haddad et,. al., (2019)

Panuto: Ang instrumento na ito ay susukat sa mga kagamitang pampagkatuto na


ginagamit mo sa inyong tahanan. Lagyan ng tsek (✓) ang hanay batay iyong paggamit sa mga
sumusunod na kagamitan. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.

Halimbawa:
Kagamitang Panteknolohiya EKSPOSYUR
Palagi Paminsan-minsan Madalas Hindi
1. Radyo ✓

I - TEKNOLOHIYA PALAG PAMINSAN-MINSAN MADALA HINDI


I S
1. Pocket Wifi
2.Computer
3. Laptop
4. Cellphone
5. Projector
6. Printer
7. TV
8. Radyo
9. Ipad/ Tablet
10. Speaker
11. Internet Connection

II- NALIMBAG
1. Diksyunaryo
2. Libro/ Aklat
3. Kwaderno
4. Photocopy
5. School Magazine
6. Newspaper/
Pahayagan
7. Posters
8. Pocket Books
9. Bible/ Bibliya
10. Story Book
11. Encyclopedia
12. Educational Brochures
57
58

Part IV.

PAG-UNAWA SA BINASA
(Kuha mula sa Modyul para sa Mag-aaral Filipino 10- Unang Edisyon 2015)

Panuto: Basahin ang maikling kuwento mula sa Pransiya na pinamagatang “Ang


Kuwintas” ni Guy de Maupassant. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan
patungkol sa kwento.

Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa
Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y makilala, panuyuan,
bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya kayang
magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya’y alangan sa kaniya ang lalaking
nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay walang pagkakaibaiba ng katayuan sa buhay.
Ang ganda’t alindog ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang
isang babaing nagmula sa pinakadakilang angkan. Ang isang babaing nagbuhat sa
karaniwang angkan ay magiging kasinghalaga ng mga maharlika sa pamamagitan ng pinong
asal at pag-uugali, pagkakaroon ng pangunawa sa tunay na kahulugan ng magara at makisig
at kakaibang kislap ng diwa.
Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang
siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng
mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa
pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang
puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng
katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang
nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at
may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na
sa dalawang malaking silyon. Naiisip niya ang mahahabang bulwagang nagagayakan ng mga
sedang tela ng unang panahon na nagsisilbing palamuti, mga mamahaling kasangkapan na
ang mga hiwaga at kababalaghan ay walang kapantay na halaga, mga silid-bihisang
marangya at humahalimuyak sa bango, mga taong tanyag na pinagmimithing makilala ng
balana at makikisig na ginoong pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng
kababaihan.
Sa hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng mesang
nalalatagan ng isang kayong pansapin na tatlong araw nang ginagamit ay iba ang laman ng
kaniyang kaisipan. Kahit na naririnig niya ang malugod na pagsasabi ng asawa pagkabukas ng
supera ng “A, ang masarap na potau-feu! Aywan nga ba kung may masarap pa riyan!” Ang
nasa isip niya sa mga gayong sandali ay ang nakakainggit na masarap na hapunan, ang mga
nagkikinangang kubyertos at ang marangyang kapaligiran. Kaagad na naiisip din niya ang
mga malinamnam na pagkaing nakalagay sa magagandang pinggan. Naiisip din niya ang mga
59

papuring ibinubulong sa kaniya na kunwari’y hindi niya napapansin ngunit sa katotohanan


ay nakakikiliti sa kaniyang damdamin samantalang nilalasap niya ang malinamnam na
mamula-mulang laman ng isda o kaya’y pakpak ng pugo.
Sa pakiwari niya’y iniukol siya ng tadhana na magkaroon ng mga bagay na lubhang
malapit sa kaniyang puso katulad ng magagarang damit at mga hiyas ngunit wala siya ng
mga iyon. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahalihalina, kaibig-ibig,
maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.
May isang naging kaklase siya sa kumbento na naging kaibigan niya. Mayaman iyon.
Dati’y malimit niyang dalawin ang kaibigan ngunit nitong mga huling araw ay iniwasan na
niyang dumalaw roon sapagkat lalo lamang tumitindi ang kapighatiang kaniyang nadarama
sa kaniyang pag-uwi pagkatapos ng pagdalaw.
Isang gabi’y masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong pagmamalaking iniabot
sa kaniya ang hawak na malaking sobre. “Para sa iyo ito,” ang sabi sa kaniya. Kaagad niyang
inabot ang sobre at nagmamadaling pinunit ang dulo nito. Nabasa niya ang nakalimbag na
mga salitang:
“Malugod na inaanyayahan ng Ministro ng Instruksyon Publiko at ni Gng. George
Ramponneau sina G. at Gng. Loisel sa isang kasayahang idaraos sa palasyo ng Ministeryo sa
Lunes ng gabi, Enero 18.”
Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ng kaniyang
asawa sa ibabaw ng mesa ang paanyaya. Bumubulong na sinabing ano ang gagawin niya rito.
“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang
na malibang ka, kailanma’y hindi ka nakapaglilibang at naisip kong ito’y isang mabuting
pagkakataon para sa iyo. Nagnanais makadalo ng lahat kaya’t lubha akong nahirapang
makakuha ng paanyaya. Matataas na tao sa pamahalaan ang inanyayahan at dadalo. Piling-
pili lamang ang mga panauhin. Hindi sila nagbigay ng maraming paanyaya sa mga tagasulat.”
Pagalit na pinagmasdan ng babae ang asawa at payamot na sinabing, “Ano ang
isasampay ko sa aking likod?”
Naging pauntol-untol ang sagot ng lalaki dahil sa hindi niya kaagad naisip iyon. “Para
sa akin ay maganda ang damit mong isinusuot kung pumapasok tayo sa teatro kaya maaari
na iyon.”
Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa. Naitanong
niya kung ano ang nangyayari rito.
Pinagsikapan ng babaing mapaglabanan ang paghihinagpis at nang huminahon na siya’y
sumagot, “Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang
iyan. Ipamigay mo na lang ang paanyaya sa isa mong kasamahan na may nakahandang
damit na isusuot ang asawa.”
Walang malamang gawin ang lalaki, pagkuwa’y nangusap sa asawa, “Hintay, Mathilde,
tingnan muna natin. Sa palagay mo’y magkano ang magiging halaga ng isang bestidong
magiging kasiya-siya sa iyo at maaari mo pang gamitin sa mga ibang pagkakataon?”
Nag-isip sumandali si Mathilde. Mabilisang gumawa siya ng pagtataya kung
magkano ang maaari niyang hinging halaga sa matipid na asawa nang hindi masindak ito at
60

tumanggi. Nag-aatubili siyang sumagot ng “Hindi ko natitiyak ang halaga, ngunit sa palagay
ko’y maaari na ang apat na raang prangko.”
Natigilan sumandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang natitipon niyang
gayong halaga ay ipambibili niya ng isang baril na pang-ibon. Binabalak niyang mamaril ng
ibon sa Kapatagan ng Nanterre sa darating na tag-araw. Sasama siya sa ilang kaibigang dati
nang namamaril ng mga ibon doon.
Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang apat na raang
prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda.”
Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya mapalagay
at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong kaniyang gagamitin.
Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. “Magtapat ka sa akin, anong
nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo.”
Payamot na sumagot ang babae, “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa
sayawan. Wala man lamang akong maisusuot kahit isang hiyas. Magmumukha akong kaawa-
awa.”
“Usong-uso ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon ang
isuot mo. Sapat na ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong
alehandriya.”
Waring hindi sang-ayon ang babae at ang sabi, “Hindi! Wala nang kahabaghabag na
kalagayan kung hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing maykaya sa buhay.”
Napabulalas ang lalaki. “Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang kaibigan
mong si Madame Forestier. Humiram ka ng ilang hiyas sa kaniya. Hindi ka niya marahil
tatanggihan dahil sa matalik mo siyang kaibigan.” Napasigaw sa tuwa si Mathilde, “Oo nga,
hindi ko naalaala ang aking kaibigan.”
Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Mahtilde. Ipinagtapat niya rito ang kaniyang
problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at kinuha mula
rito ang isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang kaibigan, “Mamili ka, mahal.”
Ang una niyang nakita’y ang ilang pulseras, ang sumunod ay isang kuwintas na
perlas at pagkaraan ng isang krus na Benesiyanong ginto na may mahahalagang bato at
talagang kahanga-hanga ang pagkakayari. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng
salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
Paulit-ulit siyang nagtatanong sa kaibigan, “Wala ka na bang iba pa?”
“Aba, mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo.” Walang ano-
ano’y may napansin siyang isang kahong nababalot ng itim na satin, nasa loob nito ang isang
kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-hanga. Sumasal ang tibok ng kaniyang puso at
nanginginig ang mga kamay na dinampot ang kuwintas. Isinuot niya ang kuwintas sa ibabaw
ng kaniyang damit na may kataasan ang pinakaleeg. Mahabang sandaling nalunod siya sa
kaligayahan sa pagmamalas sa sariling alindog sa salamin. Pagkaraan ay nag-uulik-ulik siyang
nagtanong, “Ipahihiram mo ba ito, ito lamang?” “Oo, mangyari pa?” Mahigpit na niyakap ni
Mathilde ang kaibigan, pinupog ng halik at maligayang nagpaalam dito.
Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si
Madame Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya, at sa pagiging
61

kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa naguumapaw sa puso ang kaligayahan.
Napako sa kaniya ang paningin ng kalalakihan at gumawa sila ng paraan upang makilala si
Mathilde. Ninais siyang makasayaw ng lahat ng kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng
pansin pati ang ministro.
Buong pagkahaling siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian ng
tagumpay na tinamo sa pamumukod ng kaniyang kagandahan. Tila siya lumulutang sa ulap
dahil sa paghanga ng lahat sa kaniya na napakatamis at walang katumbas sa puso ng isang
babaing katulad niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Hatinggabi pa
lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga asawa’y nagpapakalunod din sa
kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na tanggapan.
Ibinalabal ng asawa sa balikat ni Mathilde ang isang abang pangginaw na ginagamit
ng mga karaniwang tao, isang pangginaw na nakapupusyaw sa karangyaan ng pananamit ni
Mathilde. Dinamdam niya ang pagkakaroon ng abang pangginaw at ninais niyang makatalilis
agad upang hindi siya maging kapansin-pansin sa ibang babaing dumalo na nagsisipagsuot
ng mamahalin nilang balabal.
Pinigil siya ng lalaki, “Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas. Tatawag ako
ng sasakyan.” Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at nagdudumali siyang nanaog sa
hagdanan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y nagsimulang maghanap.
Tinahak nila ang daang patungo sa pampang ng ilog Seine. Kapwa sila kumikinig sa ginaw at
pinanawan na ng pag-asang makakita pa ng kanilang masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo
sila sa daungan ng isa sa matatandang dokar na dahil sa ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag
ng araw ay sa pagkagat ng dilim lamang nakikita sa mga lansangan ng Paris.
Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa kanilang tinitirhan ay malungkot silang
umakyat sa hagdanan. Tapos na ang maliligayang sandali kay Mathilde. Sa lalaki naman ay
wala siyang iniisip kundi kailangan niyang makasapit sa Kagawaran sa ganap na ika-10:00 ng
umaga.
Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang minsan pang malasin ang
kaniyang kagandahan. Napasigaw siya nang malakas. Wala sa kaniyang leeg ang kuwintas!
Nag-usisa ang asawang noon ay nangangalahati na sa pagbibihis. “Anong nangyari sa iyo?
Bakit?” Parang baliw niyang binalingan ang asawa. “Wala ang kuwintas ni Madame
Forestier.” Ang nabiglang lalaki’y napalundag halos sa pagtayo. “Ano! Paanong nangyari?
Imposible!”
Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng damit ni
Mathilde, sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba pang lugar.
Hindi nila natagpuan ang kuwintas. “Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo nang umalis
tayo sa sayawan?” ang tanong ng lalaki. “Oo, natitiyak ko, nahipo ko pa nang nasa pasilyo
ako ng palasyo,” ang tugon ni Mathilde. “Kung iyon naman ay sa daan nawala ay di narinig
sana natin ang lagapak. May palagay akong nawala sa dokar.”
“Marahil nga. Kinuha mo ba ang numero ng dokar?”
“Hindi! At ikaw, napansin mo ba?”
“Hindi rin.”
62

Balisang nagkatinginan ang mag-asawa. Muling nagbihis si M. Loisel. “Pagbabalikan


kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.” Nanaog na ang lalaki. Ang babae
ay naghintay sa isang silya, hindi na niya inalis ang damit na ginamit sa sayawan. Tila
nawalan siya ng lakas, kahit magtungo sa kama upang matulog. Labis ang kaniyang
panlulumo, nawalan siya ng sigla at nawalan ng kakayahang mag-isip ng anoman.
Mag-iika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlulupaypay siya at ibinalita
sa asawa na hindi niya nakita ang kuwintas.
Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Mathilde ay maghapong
naghihintay na sapupo ng di-matingkalang pangamba.
Bumalik kinagabihan ang lalaki, pagod na pagod, namumutla at nanlalalim ang mga
mata; hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang asawa na sumulat sa
kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at kasalukuyan pang ipinapagawa
upang magkapanahon silang makapag-isip-isip. Ginawa naman ng babae ang payo ng asawa.
Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling
panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon.
Nagpahayag ang lalaki sa asawa na kailangang isipin nila kung paano mapapalitan
ang nawalang kuwintas. Kinabukasan, ang mag-asawa’y nagtungo sa tanggapan ng
alaherong nakasulat ang pangalan at direksyon sa loob ng kahon ng kuwintas. Hinanap ng
alahero sa kaniyang talaan ang sinasabing kuwintas.
“Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong nanggaling
sa akin kundi ang sisidlan lamang,” ang wika ng alahero kay Madame Loisel. Pinuntahan ng
mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang makakita ng katulad ng nawala na ang anyo
ay buong pagsisikap na inalala samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa pagkabigo at
paghihirap ng kalooban.
Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog ng diyamanteng sa
palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas. Nagkakahalaga ito ng
apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa halagang tatlumpu’t anim na libo.
Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng tindahan na huwag munang ipagbili ang
kuwintas sa loob ng tatlong araw. Pinakiusapan din nila ang may-ari ng tindahan na kung
sakaling bago magtapos ng buwan ng Pebrero ay makita nila ang nawawalang kuwintas,
matapos nilang bayaran ang bagong kuwintas ay bibilhin itong muli ng may-ari ng tindahan
sa halagang tatlumpu’t apat na libong prangko.
May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama.
Hiniram niya ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kanikanino siya
nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan,
kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot. Inilagay niya ang
buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi
niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nanggigipuspos siya dahil sa
mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng bukas na
puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang halagang
kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang
bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko.
Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang
kuwintas. Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng “Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka
63

sakaling kinailangan ko ito.” Hindi na binuksan ng kaibigan ang kahon ng kuwintas. Naisip ni
Matilde na kung sakaling nahalata ng kaibigan ang pagkakapalit ng kuwintas, ano kaya ang
aakalain at sasabihin nito sa kaniya? Hindi kaya iisiping siya’y magnanakaw?
Ngayo’y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na
karalitaan. Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay tinanggap
niya iyon at buong tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang napakalaki nilang
pagkakautang. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan, nagtiis sila sa
pangungupahan sa isang maliit na silid sa kaituktukan ng isang bahay-paupahan.
Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na
pangangasiwa sa kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga kaldero at kawaling
mamantika, paglalaba ng mga damit, mantel, serbilyeta at pamunas. Ipinapanaog niya sa
lansangan ang kanilang kakaning baboy sa tuwing umaga at nagpapanhik siya ng tubig na
gamit nila sa itaas. Suot niya ang pananamit ng pangkaraniwang babae, siya’y nagtutungo sa
tindahan ng prutas, de lata, at sa magkakarne. Nakasabit sa isang braso ang pangnan,
nakikipagtawaran siya, nilalait at ipinakikipaglaban ang kakarampot niyang pamalengke.
May pagkakautang silang binabayaran nang buwanan, may pinagkakautangan silang
pinakikiusapan, humihingi ng kaunti pang panahon sa pagbabayad.
Pagsapit ng gabi, habang maaga pa’y inaayos na ni M. Loisel ang talaang tuusan ng
sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong paglilingkod at sa kalaliman ng gabi
sa halagang limang sentimos isang pahina na ginagawa naman niya ang mga salin ng mga
katha.
Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa wakas
ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at nagkapatong-
patong na tubo ng mga tubo.
Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang tunay na babae ng
mga maralitang tahanan – matipuno ang katawan, matigas ang mga laman at magaspang
ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kaniyang buhok at patabingi ang kaniyang
saya. Matinis ang kaniyang tinig. Nanlalamira ang sahig kung siya’y mag-isis. Paminsan-
minsan, kung nakaalis na ang asawa patungong opisina, si Madame Loisel ay nauupo sa tabi
ng bintana. Pinagbabalikan niya sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang
nakalipas. Ang kaniyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang
siya’y maging tampulan ng paghanga.
Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino ang nakaaalam?
Tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang maliit na bagay upang tayo’y
mapahamak at mapabuti!
Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees,
nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay
namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame Forestier,
bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina.
Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. “Magandang araw sa iyo,
Jeanne.” Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang
palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae.
Pauntol-untol na wika nito, “Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay
nagkakamali kayo.”
64

“Hindi! Ako’y si Mathilde Loisel.” Napabulalas ang kaibigan. “O, kaawa-awa kong
Matilde! Kay laki ng ipinagbago mo!”
“Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating
pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko… at ikaw ang dahilan ng lahat.
Napamulagat si Madame Forestier, “Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?”
“Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa
sayawan sa kagawaran?”
“Oo, ay ano?”
“Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.”
“Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?”
“Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo.
Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa katulad
naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay galak
na galak na ako.”
Natigilan si Madame Forestier.
“Sabi mo’y bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo sa akin
na naiwala mo?”
“Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhang-kamukha iyon
ng hiniram ko sa iyo.”
Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalangmalay
katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na lamang ang kalooban ng kaibigan.
“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil
ay limang daang prangko.
65

Mga katanungan:

1. Saan naganap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa?

a. sa palasyo ng ministeryo
b. sa bahay ng kaibigan ni Mathilde
c. sa simbahan
d. sa palengke

2. Ilang taon ng mabayaran ng mag-asawa ang kanilang mga utang?

a.8 taon
b. 11 taon
c. 10 taon
d. 2 taon

3. Ano ang nagging buhay ng mag-asawa matapos maibalik ang kwintas?

a. naging marangya ang buhay


b. naging masaya ang buhay
c. walang pagbabago
d. naghihirap at nabaon sa utang

4. Ano ang natuklasan ni Mathilde matapos makasalubong si Madam Forestier sa loob ng


sampung taon?

a. ang kanyang kaibigan ay hindi tumanda


b. ang pinahiram na kwintas ay isang imitasyonat gawa lamang sa puwit ng baso
c. ang kanyang asawa ay marangya na
d. labis na naghihikahos sa hirap ang kanyang dating marangya na kaibigan

5. Ano ang nais ni Mathilde na isuot sa pagtitipon at dadaluhan na kasiyahan?

a. magarang damit at hiyas


b. simpleng kasoutan gaya ng tshirt at pantalon
c. nais magsuot ng pambahay
d. magarang damit na pampolitika

6. Masaya ba ang buhay ni Matilde sa kwento?

a. hindi
b. oo
c. siguro
d. wala sa nabanggit

7. Anong ugali mayroon si Mathilde sa kwento?


66

a. mayabang
b. ambisyosa
c. mabait
d. mapanlinlang
8. Saan gawa ang imitasyon na kwintas na naiwala ni Mathilde?

a. yari sa bato
b. yari sa puwit ng baso
c. yari sa diamante
d. yari sa bakal

9. Ano ang pangalan ng kaibigan ni Mathilde?

a. madam foriester
b. madam forestier
c. madam foster
d. madam foosteer
10. Sino ang may akda sa ‘Ang Kwintas”?

a. Guy de Maupassant
b. Guy Maupassant
c. Guy de Mauupassant
d. Goy de Mausapant

11. Kailan gaganapin ang kasiyahan na dadaluhan ng mag-asawa?

a. Febrero 20
b. Febrero 18
c. Enero 20
d. Enero 18

12. Saan nais manghiram ng hiyas si Mathilde?


a. sa magulang ni Ginoong Liosel
b. sa dokar
c. sa kanyang kaibigan
d. sa ministro

13. Ano ang nagustuhang hiyas ni Mathilde sa kanyang kaibigan?

a. ang kwintas na may dyamante


b. ang pulseras
c. ang hikaw ni madam forestier
d. ang singsing
14. Sino ang naghatid sa mag-asawang Liosel pagkatapos ng kasiyahan?

a. binatang dokar
67

b. punong ministro
c. matandang dokar
d. kagawad

15. Nakahanda na ang bestidong gagamitin ni Mathilde. Ngunit ano ang kulang kung kaya’t
naging malungkot na naman ito?

a. hiyas
b. kulay sa buho
c. paganda
d. palamuti

KRITIKAL

1. Ano ang ginawa ni G. Liosel upang mapapayag ang kanyang asawa na dumalo sa
kasiyahang idaraos ng kagawaran?
a. Nang ibanggit niya ang pangalan ng kanyang kaibigan upang manghiram ng hiyas
b. nang ibig itong bigyan ng salapi
c. nang ibig nitong bigyan ng magagarang damit
d. nang ibig nitong ibanggit ang pangalan ng artista na dadalo sa kasiyahan.
2. Ano ang nais mangyari ni Mathilde sa buhay?

a. ang makaalis samga utang na babayarin


b. ang makaalis sa kahirapan at maabot ang kanyang mga pangarap
c. ang makadalo sa marangyang kasiyahan
d. ang makatakam ng masasarap na pagkain

3. Ano ang pagkakaiba ng ugali sa mag-asawang Liosel?

a. si Mathilde ay ambisyosa samantalang si G. Liosel ay makuntento


b. si Mathilde ay mabait samantalang si G. Liosel ay mayabang
c. si G. Liosel ay matapang samantalang si Mathilde ay mabait
d. si G. Liosel ay matampuhin samantalang si Mathilde ay mapanakit

4. Para kanino ang tekesto o ang tulang “Ang kwintas”?

a. para sa mga taong may hangad sa buhay


b. para sa mga taong hindi marunong makutento sa buhay.
c. para sa mga taong mapagmataas
d. para sa mga taong mapanlinlang
5. Ano nais ipabatid ng manunulat sa tulang “Ang kwintas”?

a. nais ipabatid ng manunulat na huwag ipagpalit ang panandaliang kaligayahan dahil sa


ugaling hindi makuntento.
b. nais ipabatid na dapat bawat isa ay huwang ipagmamalabis ang kagustuhan.
68

c. nais ipabatid na huwag mainggit sa anong mayroon ang iba.


d. lahat na nabanggit.

6. Anong ugali ang ipinapakita ni Madam Forestier sa kwento?

a. mabait at mapagmalasakit
b. mayabang
c. mapanlinlang
d. chismosa

7. Ano ang ginawa ng mag-asawa upang maibalik ang kwintas na nawala?

a. nanlimos
b. nangungutang at nagtrabaho ng mahabang panahon
c. dumayo sa ibang bansa
d. nagnakaw ng pera sa bangko.

8. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi naiwala ang kwintas?

a. siguro ay maayos ang buhay ng mag-asawa at nakaginhawa ng maluwag-luwag


b. siguro ay lubusang naghihirap ang mag-asawa
c. siguro ay congressman na ang asawa ni Mathilde.
d. siguro ay regalo ni madam Forestier ang kwintas kay Mathilde.

9. Ano ang ugaling ipinapakita ng asawa ni Mathilde sa kanya?

a. mapagkumbaba at ginawa ang lahat para kay Mathilde.


b. ito ay mapanakit sa kanya
c. ito ay masyadong mayabang
d. kasuklam-suklam ang ugali ng asawa ni Mathilde

10. Paano kung nagsalita agad si Mathilde na naiwala niya ang kwintas. Kung ikaw si Madam
Forestier at alam mong peke ito at tunay momg kaibigan si Mathilde ano ang maging tugon
mo?

a. sasabihin kung peke lamang iyon at kay mura kaya huwang mabahala dahil kaibigan kita.
b. sasabihin kong kailangan Makita agad dahil iyon ang pinakamagandang alahas
c. huwag kanang manghiram pa kung ito ay iyong iwawala.
d. lahat sa nabanggit.

INTERPRETASYON
69

1. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap mo sa
buhay?

a. magdadasal at may kasamang kilos


b. magsasakripisyo
c. maghihintay sa anumang ayuda na ibibigay
d. A at B

2. Sa kasalukuyang panahon, sa inyong paligid ba ay may mga Mathilde kang makikita?

a. wala, dahil ang lahat ay may kaya.


b. oo, dahil may iilan pa ring naghihikahos at nangangarap ng magandang buhay
c. wala, dahil lahat ay mayaman
d. oo, dahil dahil may inngitera pa rin

3. Anong pag-uugali ang ipinapakita ni Mathilde sa tula?

a. si Mathilde ay kuripot at mayabang


b. si Mathilde ay isang mayaman at mabait
c. si Mathilde ay ambisyosa dahil laging nag-iisip ng magandang buhay
d. si Mathilde ay mapanlinlang

4. Kung ikaw si Madam Forestier, ano ang gagawin mo nang malaman na sila ay maghihirap
ng sampung taon upang mabayaran ang mga utang sa ipinalit nalang kwintas sayo?

a. ibalik ko ang kwintas na kanilang ipinagpalit dahil pinaghirapan nila ito at wala silang
kalam-alam na iyon ay imitasyon lamang.
b. magagalit ako dahil ngayon lang sinabi ang lahat
c. aanyayahan ko sila sa aking bahay para makipagkwentuhan
d. magbibigay ako ng ayuda dahil sila ay naghihirap.

5. Sa iyong palagay, ano kaya ang naramdaman ni Madam Forestier ng malaman na


naghihirap ang mag-asawa?

a. sa palagay ko ay naawa dahil mahabang panahon ang ginugugol nila upang


mabayaran man lang ang kanilang mga utang
b. sa palagay ko ay nagagalit dahil sa haba ng panahon nila itinago ang katotohanan
c. sa palagay ko ay naguguluhan dahil bakit umabot sa sampung taon
d. sa palagay ko ay natulala dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
70

Apendiks D

Demograpikong propayl ng mga respondente

N %
Kasarian
Lalaki 40 53.3
Babae 35 46.7 100%
Edad
14 2 2.7
15 13 17.3
16 30 40
17 21 28
18 6 8
19 2 2.7
21 1 1.3 100%
Tirahan
Calube 14 18.7
Conception 9 12
Dao-an 2 2.7
Langilan 5 6.7
Limonan 12 16
Mati 19 25.3
Ocapan 14 18.7 100%
Trabaho ng Magulang
Drayber 17 22.7
Magsasaka 41 54.7
Housewife 2 2.7
Manicurista 1 1.3
CAFGU 1 1.3
Construction Worker 6 8
OFW 4 5.3
Vendor 3 4 100%
Tribo
Bisaya 64 85.3
Subanen 9 12
Muslim 2 2.7 100%
 Kabuuan 75 100
71

Apendiks D

SPSS RESULTS
Frequencies

Statistics

Trabaho ng Bilang ng
Kasarian Edad Tirahan Magulang Magkapatid Tribo

N Valid 75 75 75 75 75 75

Missing 0 0 0 0 0 0

Frequency Table

Kasarian

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid Lalaki 40 53.3 53.3 53.3

Babae 35 46.7 46.7 100.0

Total 75 100.0 100.0

Edad

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid 14.00 2 2.7 2.7 2.7

15.00 13 17.3 17.3 20.0

16.00 30 40.0 40.0 60.0

17.00 21 28.0 28.0 88.0

18.00 6 8.0 8.0 96.0

19.00 2 2.7 2.7 98.7

21.00 1 1.3 1.3 100.0

Total 75 100.0 100.0


72

Tirahan

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid Calube 14 18.7 18.7 18.7

Conception 9 12.0 12.0 30.7

Dao-an 2 2.7 2.7 33.3

Langilan 5 6.7 6.7 40.0

Limonan 12 16.0 16.0 56.0

Mati 19 25.3 25.3 81.3

Ocapan 14 18.7 18.7 100.0

Total 75 100.0 100.0

Trabaho ng Magulang

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid Drayber 17 22.7 22.7 22.7

Magsasaka 41 54.7 54.7 77.3

Housewife 2 2.7 2.7 80.0

Manicurista 1 1.3 1.3 81.3

CAFGU 1 1.3 1.3 82.7

Construction Worker 6 8.0 8.0 90.7

OFW 4 5.3 5.3 96.0

Vendor 3 4.0 4.0 100.0

Total 75 100.0 100.0

Bilang ng Magkapatid
73

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid 1.00 3 4.0 4.0 4.0

2.00 16 21.3 21.3 25.3

3.00 21 28.0 28.0 53.3

4.00 16 21.3 21.3 74.7

5.00 12 16.0 16.0 90.7

6.00 3 4.0 4.0 94.7

8.00 4 5.3 5.3 100.0

Total 75 100.0 100.0

Tribo

Cumulative
Frequency Percent Valid Percent Percent

Valid Bisaya 64 85.3 85.3 85.3

Subanen 9 12.0 12.0 97.3

Muslim 2 2.7 2.7 100.0

Total 75 100.0 100.0


74

Descriptives

Descriptive Statistics

Std.
N Minimum Maximum Mean Deviation

Panloob na Moti 75 2.10 4.00 3.2200 .43121

1. Naeengganyo akong magbasa ng mga 75 1.00 4.00 2.9733 .73472


mahihirap na babasahin.
2. Kapag ang isang guro ay nagtatalakay ng 75 2.00 4.00 3.2667 .55345
isang interesanteng kuwento, magbabasa pa
ako ng marami tungkol dito.
3. Palagi akong nagbabasa dahil hilig ko. 75 1.00 4.00 3.0667 .77692

4. Gumagawa ako ng larawan sa aking isipan 75 1.00 4.00 3.4933 .77761


habang nagbabasa.
5. Nasisiyahan ako kapag napapahalagahan 75 1.00 4.00 3.2800 .68891
ang paraan ng aking pagbabasa.
6. Natutuwa akong magkwento sa aking mga 75 2.00 4.00 3.2800 .76335
kaibigan kung ano ang aking nabasa.
7. Nasisiyahan akong bumasa ng mga 75 1.00 4.00 3.1333 .84363
mapanuring babasahin.
8. Gusto kong bumasa dahil nagbibigay ito 75 1.00 4.00 3.3867 .73325
ng karagdagang ideya/impormasyon.
9. Nagbabasa ako para matuto sa mga 75 1.00 4.00 3.1867 .76571
paksang nakakapukaw ng aking interes.
10. Mas nagbibigay ako ng mataas na 75 1.00 4.00 3.1333 .82746
panahon sa pagbasa kaysa sa pagsulat.

Panlabas na Moti 75 1.89 4.00 3.0430 .46853

1. Mas gusto kong magbabasa kapag marami 75 1.00 4.00 3.0133 .76217
sa akin ang humihingi ng tulong.
2. Naeengganyo akong magbasa kapag 75 1.00 4.00 3.1867 .86514
marami kami.
3. Sinasabihan ako ng aking mga kaibigan na 75 1.00 4.00 3.0400 .74326
magaling akong magbasa.
4. Gusto ko ang awtor ng akda. 75 1.00 4.00 2.9200 .76688

5. Nagbabasa ako dahil pinababasa kami ng 75 1.00 4.00 3.0800 .83440


aming mga guro.
6. Palabasa ako dahil sa moral support ng 75 1.00 4.00 3.0000 .86992
aking mga magulang.
7. Hilig naming magkakapatid ang magbasa. 75 1.00 4.00 2.8000 .75337
75

8. Naeengganyo akong magbasa kapag 75 1.00 4.00 3.1867 .80023


inirekomenda ako ng aking guro.
9. Nagaganahan akong bumasa kapag 75 1.00 4.00 3.1600 .85487
nakakatanggap ako ng papuri mula sa iba.

motib_pagbasa 75 2.11 3.89 3.1361 .41235

Valid N (listwise) 75

Descriptives
Descriptive Statistics
N Minimum Maximum Mean Std. Deviation
Teknolohiya 75 1.36 3.73 2.4182 .44761
1. Pocket Wifi 75 1.00 4.00 2.0533 1.06407
2. Computer 75 1.00 4.00 1.6667 .94916
3. Laptop 75 1.00 4.00 1.9200 1.03663
4. Cellphone 75 1.00 4.00 3.6933 .75289
5. Projector 75 1.00 4.00 1.4667 .90544
6. Printer 75 1.00 4.00 1.6000 1.00000
7. TV 75 1.00 4.00 3.4133 .82353
8. Radyo 75 1.00 4.00 2.9067 1.08021
9. Ipad/ Tablet 75 1.00 4.00 1.6933 1.05232
10. Speaker 75 1.00 4.00 2.9467 .95710
11. Internet Connection 75 1.00 4.00 3.2400 .97037
Nakalimbag 75 1.17 4.00 2.4422 .65559
1. Diksyunaryo 75 1.00 4.00 2.7600 .91297
2. Libro / Aklat 75 1.00 4.00 3.0667 .85950
3. Kwaderno 75 1.00 4.00 2.8800 1.02614
4. Photocopy 75 1.00 4.00 2.2133 1.08171
5. School Magazine 75 1.00 4.00 2.0667 1.11904
6. Newspaper/ 75 1.00 4.00 2.0267 .98603
Pahayagan
7. Posters 75 1.00 4.00 2.1733 1.09512
8. Pocket Books 75 1.00 4.00 2.0400 1.10820
9. Bible/ Bibliya 75 1.00 4.00 3.1067 .81495
10. Story Book 75 1.00 4.00 2.6800 .94669
11. Encyclopedia 75 1.00 4.00 2.1200 1.12658
12. Educational Brochures 75 1.00 4.00 2.1733 1.01839
kaga_pagkatuto 75 1.30 3.74 2.4307 .50750
Valid N (listwise) 75
DESCRIPTIVES VARIABLES=VAR00049 VAR00050 VAR00051 Kaka_pag_u

/STATISTICS=MEAN STDDEV MIN MAX.


76

Descriptives

Descriptive Statistics
N Minimum Maximum Mean Std. Deviation

Literal 75 1.00 15.00 10.5467 3.69548

Kritikal 75 2.00 10.00 6.8267 2.31548

Interpretasyon 75 1.00 5.00 3.8400 1.12754

Kaka_pag_u 75 8.00 30.00 21.2133 6.29949

Valid N (listwise) 75

Means

Case Processing Summary


Cases
Included Excluded Total
N Percent N Percent N Percent

Literal * Kasarian 75 100.0% 0 0.0% 75 100.0%

Kritikal * Kasarian 75 100.0% 0 0.0% 75 100.0%

Interpretasyon * Kasarian 75 100.0% 0 0.0% 75 100.0%

Kaka_pag_u * Kasarian 75 100.0% 0 0.0% 75 100.0%

Report

Kasarian Literal Kritikal Interpretasyon Kaka_pag_u

Lalaki Mean 9.2750 6.2500 3.5500 19.0750

N 40 40 40 40

Std. Deviation 3.97420 2.14536 1.21845 6.53349

Babae Mean 12.0000 7.4857 4.1714 23.6571

N 35 35 35 35

Std. Deviation 2.74398 2.35611 .92309 5.08714

Total Mean 10.5467 6.8267 3.8400 21.2133

N 75 75 75 75

Std. Deviation 3.69548 2.31548 1.12754 6.29949

Correlations
77

Correlations

panloob_mo panlabas_mo motib_pagba tekn nakalimb kaga_pagkatu Liter Kritik Interpretasy Kaka_pag
tib tib sa o ag to al al on _u

panloob_mo Pearson 1 .688** .920** .197 .206 .222 .274* .152 .107 .236*
tib Correlati
on

Sig. (2- .000 .000 .091 .076 .056 .017 .192 .362 .042
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

panlabas_mo Pearson .688** 1 .917** .151 .128 .150 .152 .076 -.143 .091
tib Correlati
on

Sig. (2- .000 .000 .195 .272 .198 .193 .516 .221 .435
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

motib_pagba Pearson .920** .917** 1 .190 .183 .203 .232* .125 -.018 .179
sa Correlati
on

Sig. (2- .000 .000 .103 .117 .081 .045 .286 .876 .124
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

tekno Pearson .197 .151 .190 1 .647** .858** .026 .115 -.041 .050
Correlati
on

Sig. (2- .091 .195 .103 .000 .000 .823 .327 .728 .668
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

nakalimbag Pearson .206 .128 .183 .647* 1 .947** .171 .197 .100 .191
*
Correlati
on

Sig. (2- .076 .272 .117 .000 .000 .143 .090 .393 .101
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

kaga_pagkat Pearson .222 .150 .203 .858* .947** 1 .126 .181 .050 .150
*
uto Correlati
on

Sig. (2- .056 .198 .081 .000 .000 .281 .119 .669 .200
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75
78

Literal Pearson .274* .152 .232* .026 .171 .126 1 .714** .495** .938**
Correlati
on

Sig. (2- .017 .193 .045 .823 .143 .281 .000 .000 .000
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

Kritikal Pearson .152 .076 .125 .115 .197 .181 .714* 1 .584** .891**
*
Correlati
on

Sig. (2- .192 .516 .286 .327 .090 .119 .000 .000 .000
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

Interpretasyo Pearson .107 -.143 -.018 -.041 .100 .050 .495* .584** 1 .684**
*
n Correlati
on

Sig. (2- .362 .221 .876 .728 .393 .669 .000 .000 .000
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

Kaka_pag_u Pearson .236* .091 .179 .050 .191 .150 .938* .891** .684** 1
*
Correlati
on

Sig. (2- .042 .435 .124 .668 .101 .200 .000 .000 .000
tailed)

N 75 75 75 75 75 75 75 75 75 75

**. Correlation is significant at the 0.01 level (2-tailed).

*. Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).


79

DATOS NG MANANALIKSIK

Pangalan: Anacel Viador Patrolla


Seks: Babae
Katayuang Sibil: Dalaga
Relihiyon: Katoliko
Kapanganakan: Oktubre 02, 1999
Lugar: Tagum City, Davao del Norte
Tirahan: Masanagon II, Brgy. San Pedro, Pagadian City

Kapaligirang Pampamilya
Ama: Celso Y. Patrolla
Ina: Mary Ann V. Patrolla

Kapaligirang Pang-edukasyon
Elementarya Rizal Elementary School I
Sobrecary Street. Tagum City Davao del Norte
S.Y 2006-2012
Sekundarya Tagum City National High School
Mangga Visayan Village Tagum City DavNor
S. Y 2012- 2016
Kolehiyo Josefina H. Cerilles State College
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Kurso BSED
Medjor Filipino
80

DATOS NG MANANALIKSIK

Pangalan: Khecy Suico


Seks: Babae
Katayuang Sibil: Single
Relihiyon: Roman Catholic
Kapanganakan: Agosto 10, 1999
Lugar: Hinagdonh, Ozamiz City, Misamis Occidental
Tirahan: Dimataling, Zamboanga del Sur

Kapaligirang Pampamilya
Ama: None
Ina: Lisa Suico

Kapaligirang Pang-edukasyon
Elementarya Dimataling Central Elementary School
Poblacion, Dimataling Zamboanga del Sur
S.Y 2006-2012
Sekundarya Dimataling National High School
Poblacion, Dimataling Zamboanga del Sur
S. Y 2012- 2016
Kolehiyo Josefina H. Cerilles State College
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Kurso BSED
Medjor Filipino
81

DATOS NG MANANALIKSIK

Pangalan: Princess Maria Shemar M. Pastrano


Seks: Babae
Katayuang Sibil: Dalaga
Relihiyon: Jerusalem Church of God
Kapanganakan: Oktubre 11, 1999
Lugar: Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Tirahan: Purok 1B, Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

Kapaligirang Pampamilya
Ama: Mario Magallanes Pastrano
Ina: Nimshe Maghilum Pastrano
Kapaligirang Pang-edukasyon
Elementarya Mati Elementary School
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
S. Y 2006 - 2012
Sekundarya Western Mindanao Adventist Academy
San Pablo, Dumingag, Zamboanga del Sur
S. Y 2012- 2016
Kolehiyo Josefina H. Cerilles State College
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Kurso BSED
Medjor Filipino

You might also like