You are on page 1of 40

i

SALOOBIN NG MAG-AARAL SA MODYULAR NA PAGKATUTO AT


AKADEMIKONG PERFORMANCE

ISANG UNDERGRADWEYT TESIS

Na Iniharap sa Kaguruan ng
School of Teacher Education
J.H. CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

Bilang Parsyal sa Pagpatupad sa Pangangailangan Para sa Digring


BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION (BSED)
Major sa Filipino

Janice T. Panillo
Floramie G. Eslit

Mayo 2022
ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “SALOOBIN NG MAG-AARAL


SA MODYULAR NA PAGKATUTO AT AKADEMIKONG PERFORMANCE”, ay
inihanda at ihinarap nina JANICE T. PANILLO at FLORAMIE G. ESLIT, bilang parsyal
na pagtupad sa pangangailangan sa Digring Bachelor of Secondary Education (BSED)
Major sa Filipino sa pamamagitan nito ay inirekomenda para sa pag-apruba.

REGINA I. CUIZON, EdD


Tagapayo

_____________
Petsa

Pinagtibay bilang isang bahagi ng mga pangangailangan sa digring BACHELOR


OF SECONDARY EDUCATION.
Inaprobahan ng panel ng pagsusulit na pasalita noong Hunyo 2022 na may
markang PASADO.

JULIETA C. CEBRERO, PhD JUVIE B. SEBIAL MA.ED


Kasapi ng Panel Kasapi ng Panel

JOEAN B. PALAHANG, Ed.D


Tserman

_______________
Petsa
iii

ABSTRAK

JANICE T. PANILLO AT FLORAMIE G. ESLIT. 2021, SALOOBIN NG MGA MAG-


AARAL SA MODYULAR NA PAGKATUTO AT AKADEMIKONG PERFORMANCE.
School of Teacher Education, JH, Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur. An
Undergraduate Thesis.

Tagapayo: REGINA I. CUIZON, EdD

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral sa modyular na


pagkatuto at akademikong performance. Layunin na alamin ang saloobin ng mga mag-
aaral sa modyular na pagkatuto at akademikong performans ng mag-aaral sa Senior
High School sa paaralan ng Betinan National High School sa taong panuruan 2021-
2022. Disenyong kwantitatibo at deskriptibong korelasyon ang paraan na ginamit upang
malikom ang mga datos. Discriptive Statistical Analysis ang ginamit sa pagkompyut ng
datos. Natuklasan sa pag-aaral na mataas ang antas ng pagkatuto sa modyular learning
at may mataas na antas ng akademikong performance ang mga mag-aaral sa pagsagot
ng modyul. Walang makabuluhang ugnayan ang antas ng pagkatuto sa modyular
learning at akademikong performance nangangahulungan na kahit nasa modyular na
pagkatuto ang mga mag-aaral ay nakuha pa rin ng mataas na grado.

Susing Salita: Saloobin, Modyular, Pagkatuto, Akademikong, Performance


iv

PASASALAMAT

Taos pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga taong


nasa likod ng tagumpay sa ginawang pag-aaral. Una at higit sa lahat sa mahal
na Panginoon sa walang sawang pagbibigay ng lakas upang matapos at
maisakatuparan ang ginawang pag-aaral sa pagdinig sa mga panalangin lalong
lalo na sa mga panahong pinanghinaan ng loob.

Sa buong pamilya na nagbigay suportang pinansyal upang


maisakatuparan ang ginawang pag-aaral. At sa mga gurong tumulong at
sumuporta sa pag-aaral na ito.

Dr. Regina I. Cuizon, tagapayo, sa paglaan ng panahon at oras at


kaalamang idinagdag para sa ikabubuti ng pag-aaral.

Dr. Julieta C. Cebrero, at Prof. Juvie Sebial, kasapi ng panel sa


pagbibigay ng suhestyon at pag-edit ng papel.

Dr. Joean B. Palahang – tserman at dekano ng School of Teacher


Education sa mga motibasyon upang tapusin ang papel na ito.

Dr. Starr Clyde L. Sebial – statistic adviser, sa pag-interpreta at


pagkalkular ng datos.

Sa kapwa mananaliksik at kaibigan na walang tigil sa pagtulong at,


motibasyon, nagpangiti sa oras ng pagod at puyat.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Mananaliksik
v

PAGHAHANDOG

Lubos na inihandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa

gumagabay at sumuporta sapag-aaral at buong pusong pagpupunyagi na nagsisilbing

inspirasyon at tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Gng. Marilou T. Panillo


G. Francisco M Gulane
Gng. Flordeliza M. Gulane
G. Rojie D. Eslit

Sa mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at espesyal na tao sa buhay na nagbigay

ng inspirasyon, motibasyon sa kabila ng mga pagsubok na dinanas ay taos puso

pagpupugay sa mga lahat.

Janice T. Panillo
Floramie G. Eslit
vi

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
ABSTRAK iii
PASASALAMAT iv
PAGHAHANDOG v
TALAAN NG NILALAMAN vi
TALAAN NG FIGYUR vii
TALAAN NG TALAHANAYAN viii

KABANATA

1 ANG SULIRANIN
Panimula 4

Teoritikal na Balangkas 6
Konseptuwal na Balangkas 7
Paglalahad ng Suliranin 7
Kahalagahan ng Pag-aaral 7
Saklaw at Limitasyon
8
Katuturan ng Pangunahing Termino 8

2 KAUGNAY NA LITERATURA 9
Modyular na Pagkatuto
10
Akademikong Performance 11

3 METODOLOHIYA 12
Disenyo ng Pananaliksik 12
Instrumento ng Pananalisik 13
Respondente ng Pag-aaral 13
Pamamaraan sa Paglikom ng Datos 14
Pag-aanalisa ng Datos 14
Kagamitang Istatistikal 14

4 PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS 15

5 NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 19


Buod ng Natuklasan 19
vii

Konklusyon 20
Rekomendasyon 21

Pahina

TALASANGGUNIAN 22

APENDIKS
A. Liham ng Pahintulot Para sa Punong Guro 24
B. Liham Pahintulot Para sa Respondente 25
C. Talatanungan 26
D. Larawan sa Pagkalap ng Datos 28

DATOS NG MANANLIKSIK 29
viii

Talaan ng Figyur

Pahina

I Iskematik na Modelo 6
ix

Talaan ng Talahanayan

Pahina

1 Antas ng Saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto 15

2 Antas ng Akademikong Performance 17

3 Test of Significant relationship (Spearman rank test)


ng Akademikong Performance at ng Saloobin ng
Mag-aaral sa Modyular na Pagkakatuto 18
1

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula

Sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa mundo, ang mga mag-aaral ay

nanatili lamang sa kanilang bahay na pinakamabisang gawin ng mga mag-aaral at hindi

na nakapupunta sa kani-kanilang mga paaralan dahil sa pandemya. Ayon kay Sahu

(2020), ang mundo ay humantong sa pagsara ng mga paaralan sa higit sa 150 na mga

bansa na nakakaapekto sa edukasyon na umaabot sa halos 1 bilyong mga mag-aaral.

Bagaman patuloy ang pag-aaral nila gamit ang modyul, iba’t ibang mga damdamin at

saloobin ang nagsilabasan sa pag- aadyas sa ganitong uring pagkatuto (Lyuch, 2017).

Bernardo (2020), ang modyular na pagkatuto ay ang pinakasikat na uri ng

Distance Learning. Sa Pilipinas, ang modaliting ito ay kasalukuyang ginagamit ng lahat

ng pampublikong paaralan. Sina Frykedal at Chiriac (2017), ang modyul ay isang

material na kagamitang instruksyon sa pagkatuto ng mga bata. Sa paggamit at

pagtanggap ng mga kabataan ng modyular na pagkatuto. Binanggit ni Nunag (2008),

ang teknolohiya ang naging pag-asa at sandigan sa pagkuha ng mga impormasyon na

nakatutulong sa kanilang pag-aaral at pagtapos ng mga gawain at proyekto. Dagdag pa

ni Nunag, nakabubuti ang mga kabataan na nasa urban na arya at iilang bahagi ng

Pilipinas na may internet signal mas napapadali ang kanilang paghahanap ng mga

kasagutan sa mga impormasyong kinakailangan. Samakatuwid, mapahusay nito ang

pag-aaral ng mga aralin (Chen, et al., 2010).

Sa kabila ng lahat na binigay ng pamahalaan at paghahanap ng iba pang ayuda

at solusyon para mapayabong ang pagkatuto ng mga bata na gumamit ng modyul, hindi
2

maiiwasan ang mga problema, mga isyu na kinaharap ng departemento ng edukasyon

at lalo na sa mga batang nag aaral.

Binibigyang diin naman nina Frykedal at Chiriac (2017) na ang paggamit ng mga

modyul ay naghihikayat ng malayang pag-aaral. Isa sa mga benepisyo ng paggamit ng

mga module ay magsisilbing instruksyon sa pagtatamo ng mas mahusay na pag-aaral

sa sarili o mga kasanayan sa pagkatuto sa mga mag-aaral. Nakikisali ang mga mag-

aaral kanilang sarili sa pag-aaral ng mga konseptong inilahad sa modyul. Nagkakaroon

sila ng pakiramdam ng responsibilidad sa pagsasakatuparan ng mga gawaing ibinigay

sa modyul. Sa kakaunti o walang tulong mula sa iba, ang mga mag-aaral ay umuunlad

sa kanilang sarili. Natututo sila kung paano matuto, sila ay binigyan ng kapangyarihan.

Isa pang nakitang problema ayon kay McQuaide (2009) na ang mga tao sa mga

komunidad sa kanayunan ay mas mababang pakukunan pinansyal at pinagsasama ng

heograpikal na humahadlang sa paglaganap ng edukasyon sa mga komunidad sa

kanayunan. Nakita rin ang isa pang problema ni Chimbololo (2010), naninindigan din

siya na ang mga problema sa pananalapi ay patuloy na nakapipinsala sa modular

distance learning.

Sa madaling salita, ang mga mag-aaral sa konstekto ng kanayunan ay

nahaharap sa maraming hamon sa kanilang komunidad, kalagayan sa tahanan at

kapaligiran ng paaralan. Ang mga mag-aaral sa kanayunan ay nangangailangan ng

suporta pinansyal upang matulungan ang mga hamon maisakatuparan ang kanilang

mga pangarap at pag-asa makatapos ng pag-aaral. (Omidire, 2020).

Ipinahayag ni Ambayon (2020), sa modular na pagtuturo, natututo ang mga mag-

aaral sa kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay nakakatulong sa mga mag-

aaral upang mabigyan ng mahabang pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa


3

paraang ito ng pagtuturo kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro

tungkol sa kung paano gagamitin at ipapatupad sa loob ng klase.

Iba-iba ang mga saloobing maibabahagi ng ibang tao sa ganitong uri

ngpagkatuto, may nagsasabing hindi maganda at may nagsabi ring maganda ang

modyular learning dahil maaari silang mag-aral sa loob ng kanilang mga bahay o

tahanan, at marahil hawak ng mga mag-aaral ang kanilang oras (Ki, 2020). Ito ay pabor

sa mga mag-aaral na may sapat na kagamitan, naging madali para sa kanila at

nakakatulong na rin para sa kanilang magulang at makaligtas sa sitwasyon ng

pandemya. May saloobin din napagtagumpayan ang mga hadlang sa oras at lugar sa

pagkatuto na karaniwang makikita sa mga tradisyonal na silid-aralan (Bates &

Khasawneh, 2007).Sa negatibong saloobin sa mga pag-aaral nina Chimbololo at

Omidire, kakulangan ng suportang pananalapi. Si Basye, kakulangan ng kagamitan ng

mga kabataan. Iba iba ang pagtingin sa ganitong kalagayan.

Dahil dito, ang performans ng mga mag-aaral ay ang maaring mag–iiba rin.

Jullierat, (2002) ang akademikong performans ng mga mag-aaral ay naayon sa

magandang karanasan mayroon sa panahon ng pandemya. Ito ay maaaring positibo at

negatibo. Positibo ang performance ng mga mag-aaral kapag matataas ang kanyang

mga marka lalo na ang kanyang pangkalahatang marka o general average. Negatibo

kapag mababa ang mga nakamit na marka o di nakakapasa sa asignatura. Sina Ricci

(2005), Schreiner (2009) at Braxton (2000), nagsabi na mahalagang elemento ang

kasiyahan sa pagkamit ng magandang performans. Kapag nasisiyahan ang estudyante

sa kanyang karanasan sa klasrum lalo sa proseso at kagamitang ginamit sa pagkatuto,

nagiging positibo ang performans ng estudyante na magdudulot ng pagtaas ng kanyang

mga marka.
4

Sa kabilang banda marami rin ang hindi mataas ang akademikong performans.

Ayon kay Bhatta (2020), ang hindi pagkagusto sa paggamit ng modyul, ang pagtuturo na

hindi kaharap ang nasanayang guro, ang malungkot na pagkatuto na walang ang mga

nasanayang kaklase, ang pagkakaroon ng mahinang network sa internet ay ilan sa mga

hamon ng guro at sa kabuuang edukasyon na sanhi sa hindi maganda ang performans

ng mga mag-aaral. Sa kabuuan malaki ang nagiging epekto nito sa kanilang

akademikong performans at ito ay pinabulaanan din ni (Lynch, 2017).

Kaugnay nito ay ang lumabas sa pag-aaral ni Lyons (1999) na matutukoy ang

magandang performans ng mga mag-aaral sa kanilang natamo na pangkalahatang

marka o pangkalahatang karaniwan. Dagdag pa niya, ang bawat mag-aaral ay matibay

na ebidensya ng kanyang kabuuang performans sa klase na maaaring dulot ng kanyang

kasiyahan at hindi nakasiyahan sa klasrum. Dahil dito, gusto alamin ng mga

mananaliksik ang saloobin ng mga mag-aaral sa modular na pagkakatuto at ang

kanilang performans sa klase kung may kaugnayan ba ito.

Teoritikal at Konseptwal na Balangkas

Isa sa mga teoryang pagbabatayan sa pag-aaral na ito ay Teoryang Experiential

ni Kolb, (1984). Ginamit ang teoryang ito dahil malaki ang naging kaugnayn sa

kasalukuyang pag-aaral tungkol sa saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto at

akademikong performans. Makikita lamang ang saloobin ng mga mag-aaral kung

aalamin ang kanilang mga kasalukuyang sitwasyon. Napaloob sa teorya ni Kolb ang

saloobin ng mga mag-aaral habang silay nag-aaral at bawat karanasan ng mga mag-

aaral ay nagdudulot kahinatnan gaya ng kanilang akademikong performans. Dagdag pa

ni Kolb, naiimpluwensyahan ang performans ng mga mag-aaral at nagkakaroon ng

pagkakatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga


5

naramdamang karanasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng

pagbibigay tuon sa mag-aaral.

Mula sa teorya ni Kolb, ito ang nabuong konseptwal na daloy ng pag-aaral at

naging batayan dito ang teorya ni Kolb. Ang figura 1 na nagpapakita sa iskimatik na

modelo ng pag-aaral na ang layunin dito ay ang ipahayag ang saloobin ng modyular

pagkatuto at akademikong performans ng mag-aaral.

Ang iskematik na figura na ito ay magpapaliwanag ng saloobin ng mga mag-

aaral sa modyular na pagkatuto at akademikong performans. Na kung saan, ano ang

mas umiiral na sabloobin ng mga mag-aaral ang positbo o negatibong saloobin at paano

maaapektuhan ang kanilang mga kanya-kanyang akademikong performance base sa

ipinamalas nila sa kanilang modyular na pagkakatuto.

Ang unang kahon ay nagpapakita ng saloobin ng mga mag-aaral sa modyular na

pagkatuto na kung saan may indikeytor ang saloobin na positibo at negatibong saloobin.

Anuman ang resulta nito aalamin kung nakaiimpluwensya ba ito sa Akademikong

Performans ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino na makikita sa pangalawang

kahon.

Ang nasa figura ay nagpapaliwanag korelasyon ng dalawang baryabol ang

modyular na pagkaktuto at akademikong performans ng mga mag-aaral.


6

Saloobin ng mga mag-aaral Akademikong Performance

Figura1. Iskematik na Modelo sa pag-aaral


7

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga saloobin ng mga mag-aaral

sa modyular na pagkatuto at akademikong performans ng mga mag-aaral sa isang

mataas na paaralan ng San Miguel, Zamboanga del Sur.

Upang matugunan ang suliranin ito, sinagot ng mananaliksik ang sumusunod na

mga tanong:

1. Ano ang antas ng saloobin sa modyular na pagkatuto ang mga mag-aaral?

2. Ano ang antas ng akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino?

3. May makabuluhang kaugnayan ba ang antas ng saloobin sa modyular na

pagkatuto at akademikong performance ng mga mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil nakapag-ambag ito ng kaalaman sa

sumusunod:

Administrasyon. Magbibigay ng impormasyon sa mga administrasyon ng

paaralan upang mabigyan ng mga webinar ang mga guro ng epektibong stratehiya sa

pagpapaunlad at pagbibigay ng makabuluhang implementasyon patungkol sa modyul na

paggkatuto.

Guro. Magsisilbing pamulat-mata sa mga guro upang matagumpay na

mapagbigay ng isang kalidad ng edukasyon.

Mag-aaral. Makakatulong upang mabigyan ng kaalaman sa mabubuting dulot ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon gamit ang modyul bilang

behikulo sa pagkatuto..
8

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa Saloobin ng Mag-aaral sa Modyular na

Pagkatuto at Akademikong Performance. Ang pag-aaral na ito ay inalam din at suri ang

saloobing positibo at negatibo gamit modyular na pagkatuto sa akademikong

performance ng mga mag-aaral sa paaralang Senior High School San Miguel,

Zamboanga del Sur na kasalukuyang nag-enrol sa 1st at 2nd semestre taong panuruan

2021-2022. Nakalimita rin ang pag-aaral sa panuruan 2021-2022.

Katuturan ng Pangunahing Termino

Ang sumusunod na termino ay binigyan ng kaukulang kahulugan upang

mapadali ang pag-unawa.

Akademikong Performans. Performans o marka ng mga bata sa asignaturang

Filipino sa buong taon sa pamamagitan ng paggamit ng modyul. Ito ay pukos sa pag-

aaral.

Modyul. Kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto na ginagamit sa kasalukuyan

upang mapatuloy ang edukasyon ng mga kabataan. Ito ay lansaran upang patuloy ang

Akademikong Performans.

Saloobin ng mga mag-aaral. Damdamin o disposisyon ng isang tao tungkol sa

isang pinag-uusapang paksa.


9

KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura na batayan sa

isasagawang pag-aaral.

Modyular na Pagkatuto/Module Learning

Binibigyang diin naman nina Forslund Frykedal at Hammar Chiriac (2017) na ang

paggamit ng mga modyul ay naghihikayat ng malayang pag-aaral. Isa sa mga benepisyo

ng paggamit ng mga module ay magsisilbing instruksyon sa pagtatamo ng mas

mahusay na pag-aaral sa sarili o mga kasanayan sa pagkatuto sa mga mag-aaral.

Nakikisali ang mga mag-aaral kanilang sarili sa pag-aaral ng mga konseptong inilahad

sa modyul. Nagkakaroon sila ng pakiramdam ng responsibilidad sa pagsasakatuparan

ng mga gawaing ibinigay sa modyul. Sa kakaunti o walang tulong mula sa iba, ang mga

mag-aaral ay umuunlad sa kanilang sarili. Natututo sila kung paano matuto, sila ay

binigyan ng kapangyarihan.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon noong 2020, ginagawa ng mga magulang at

tagapag-alaga ang iba’t-ibang mga tungkulin sa Modyular na pagkatutotulad ng Module-

ator, Bundy-clock, at bilang home Innovator. Bilang isang Module-ator, sila ang kukuha

at magsumite ng mga nakalimbag na Self-Learning Modules (SLMs) mula sa at sa mga

paaralan o barangay hall sa simula at katapusan ng linggo, depende sa kasunduan sa

pagitan ng mga magulang at ng paaralan. Bilang isang Bundy-clock, dapat nilang suriin

ang iskedyul ng kanilang anak o plano sa linggo ng trabaho. Dahil sa dami ng mga

asignatura o aktibidad na dapat gawin, dapat nilang Makita na ito ay sinusunod nang

naaayon upang maiwasan ang tinatawag na “cramming” o pagkaantala sa pagsusumite,


10

na maaaring makaapekto sa pagganap ng mag-aaral. Panghuli, bilang Home Innovator,

dapat nilang bigyan ang kanilang anak ng produktibong pag-aaral kapaligiran upang

matulungan silang higit na tumutok sa pag-aaral. Ito ay dapat na isang mahusay na ilaw

at maaliwalas na espasyo sa habay, na may kaunti o walang kaguluhan.

Hinggil na rin sa Kagawaran ng Edukasyon LCP (2020), malinaw na ng distance

learning ang magiging susi upang ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa

Learning Continuity Plan ng Kagawaran ng Edukasyon. Mayroong iba’t ibang uri ng

distance learning. Ang mga ginamit na uri ay modular-printed, modular-digital, online,

blended at iba pang distance learning. Kaakibat din nito ay naglunsad ng radio-

broadcast instruction at tv-broadcast instruction bilang supplementaryong pagtuturo.

Ipinahayag ni Ambayon (2020), sa modular na pagtuturo, natututo ang mga mag-

aaral sa kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay nakakatulong sa mga mag-

aaral upang mabigyan ng mahabang pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa

paraang ito ng pagtuturo kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro

tungkol sa kung paano gagamitin at ipapatupad sa loob ng klase.

Akademikong Performance

Ipinahayag ni Jullierat (2002) na ang akademikong performans ng mga mag-

aaral tumutukoy sa marking nakamit ng mga mag-aaral, ito’y maaaring positibo at

negatibo. Positibo ang performance ng mga mag-aaral kapag matataas ang kanyang

mga marka lalo na ang kanyang pangkalahatang marka o general average. Negatibo

kapag mababa ang mga nakamit na marka o di nakakapasa sa asignatura.

Ni Braxton (2000), ayon sa kanya, isa sa mahalagang salik sa magandang

performans ng mga mag-aaral ay ang kanyang kasiyahan sa klasrum. Kapag

nasisiyahan ang estudyante sa kanyang karanasan sa klasrum lalo sa prosesong


11

pampagkatuto, nagiging positibo ang performans ng estudyante na magdudulot ng

pagtaas ng kanyang mga marka.

Sa pananaliksik naman nina Ricci (2005) at Schreiner (2009), ang mga mag-

aaral na may kasiyahan sa klasrum ay yaong mga nagkakamit ng magandang marka sa

klase. Kailangang mailinang ang kakayahan ng mga guro sa pagtamo ng kasiyahan ng

mga mag-aaral upang kasabay nito ay ang pag-unlad rin ng kanilang performans sa

klase.

Kaugnay nito ay ang lumabas sa pag-aaral ni Lyons (1999) na matutukoy ang

magandang performans ng mga mag-aaral sa kanilang natamo na pangkalahatang

marka o pangkalahatang karaniwan. Dagdag pa niya, ang bawat mag-aaral ay matibay

na ebidensya ng kanyang kabuuang performans sa klase na maaaring dulot ng kanyang

kasiyahan at hindi nakasiyahan sa klasrum.

Batay sa nabanggit na mga kaugnay na literature, ang modyular na pagkatutoay

nakakaapekto sa kasiyahan ng mga mag-aaral na magiging sanhi ng mababang

performans ng mga mag-aaral. Kung kaya, ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang

alamin kung may kaugnayan nga ba ang kakayahan ng guro sa kasiyahan ng mga mag-

aaral at ng kanilang performans sa klase sa mga mag-aaral sa Betinan National High

School, Betinan San Miguel, Zamboanga del Sur.

Ang lahat na ideya, opinion, pahayag at tesis na nabanggit mula sa mga

ekspertong manunulat, manunuri at resulta ng mga pag-aaral ay may malaking

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik sapagkat lahat ay may

kaugnayan patungkol sa mga pangunahing baryabol na ginagamit ang saloobin sa

pagkatuto ng modyular na pagkatuto, at akademikong performans ng mga mag-aaral.


12

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Napapaloob sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, instrumento ng pag-

aaral, paraan sa pagtitipon, pagsasaayos at paraan sa pag-aanalisa ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatib korelasyunal na desinyo sa

pangongolikta ng mga datos. Ang disenyong kwantitatib pananaliksik ay tumutukoy sa

sistematiko at empirical na imbestigasyon ng ibat’t ibang paksa at penomenong

panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadikal, at mga teknik na pamamaraan

sa komputasyon. Kadalasang ginamit din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na

pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, ekperimentasyon, at pagsusuring

estadistikal. Sa pamamagitan nito malalaman ang saloobin ng mag-aaral ng modular ng

Senior High School sa kanilang akademik performans. Paglarawan naman ang paraang

ginamit sa pagtalakay ng datos.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit ng pag-aaral na ito ay isang sarbey-kwestyuner. Ito

ang naging batayan upang lubusang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral sa

modyular na pagkatuto at akademikong performans.

Ang sarbey-kwestyuner ay binubuo ng dalawang bahagi. Una ay ang positibong

saloobin ng mga mag-aaral sa modyular na pagkatuto at ang pangalawa ay ang


13

negatibong saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto. Hinango minomodipika

ang kagamitan sa pag-aaral nina Bosmion, Angar at Velencio (2022).

Upang masuri ang relayabiliting balyu ng mga katanungan ibinigay ito sa

statiscian. Gamit ang software sa pag-alam at pagsusuri ng bawat aytem.

Respondente

Ang mga mag-aaral sa Senior High School mula sa isang publikong paaralan ng

Betinan Natinal High School, San Miguel, Zamboanga del Sur na kasalukuyang nag-

enrol sa una at pangalawang semestre sa taong panuruang 2021-2022 ang mga

tagasagot sa pag-aaral na ito.

Sampling Teknik ang ginamit ang paraang random sampling na pag-aaral, na

kung saan nilikom namin ang lahat ng pangalan ng aming mga respondante at isa-isa

namin binunot ang pangalan at may kabuoang 100 na respondente ng mga mag-aaral

sa Senior High School mula sa isang publikong paaralan ng Betinan Natinal High

School, San Miguel, Zamboanga del Sur sa taong panuruan 2021-2022 ang napiling

tagasagot ng mananaliksik sa kanyang tseklist.

Pamamaraan sa Pagtitipon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ang siyang kumalap ng mga datos upang lubos na

maintindihan ang mga saklaw at posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng

ipepresentang datos. Ginamit ang talatanungan sa pangangalap ng datos upang mas

madali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay

nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang

mas makapagpahayag ang mga sasagot sa tanong.


14

Bago ang pagbibigay ng mga talatanungan sa mag-aaral humingi muna kami ng

pahintulot sa punong-guro sa paaralan. At ang mga tagatugon ay kompidensyal ang

mga impormasyon na aming nakalap sa nasabing pag-aaral.

Ang pagsasaayos ng mga datos na nakolekta ay naayon sa katanungan sa

Kabanatan I. Ang pagkakasunod-sulod upang mapadali ang pag-aanalisa. Sinuri ang

mga bisang impormasyon at ideya ng mga mag-aaral upang makuha ang mga

karagdagang opinyon sa pamamagitan ng pagtitipon sa mga sagot ng mga mag-aaral.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga nakalap na datos ay sinuri upang mas mapadali ang pagtataya nito.

Gumamit ng prekwensi at bahagdan ang mananaliksik sa istatistikal na Pagsusuri ng

datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinaka-karaniwang istatistikal na

pamamaraang istatistikal na pamamaraang maaring magamit sa pagsusuri ng mga

nakalap na datos. Nakabatay sa mga sagot ng mga respondente ang gagawing

istatistikal na pagsusuri na e-ebalwahin ng mga mananaliksik, dito matutukoy ang mga

saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto at akademikong performans ng mga

mag-aaral.

Pagsusuring Istatistikal

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa

talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik, gumamit ang mga

mananaliksik ng mga sumusunod na tools ng istastika.

Average Wieghted Mean ay ginamit para sa pagtatasa ng mga respondente

paukol sa kanilang mga sagot sa survey questionnaires.

FORMULA: X=fx/n
15

X= weighted mean

f= prikwensiya

n= kabuoang bilang ng mga respondent


16

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagbibigay interpretasyon ng mga datos.

Talahanayan 1. Antas Saloobin Ng Mga Mag-aaral sa Modyular na Pagkatuto

Mga Pahayag M SD QD
1.Nakakapag-aral sa loob lamang ng bahay. 3.0900 .71202 Mataas
2. Komportable at ligtas dahil nasa bahay lamang. 3.2400 .51483 Mataas
3. Ligtas at malayo sa nakakahawang sakit. 3.1900 .63078 Mataas
4. Nabibigyan ng mahabang oras na tapusin ang
3.2700 .58353 Mataas
mga pampaaralang gawain.
5. Nagagabayan at natutulungan ng magulang at
3.1100 .54855 Mataas
kapatid sa pagsasagawa.
6. Nakapagbibigay ng oras para makatulong sa
gawaing bahay at nakapaglaan ng oras sa 3.2100 .60794 Mataas
pamilya.
Lubos na
7. Hindi masyadong gastos papuntang paaralan. 1.6700 .69711
Mababa
8. Madali makapagpasa ng mga gawain. 3.1400 .65165 Mataas
9. Sinanay ang mag-aaral na maging responsible Lubos na
3.3300 .62044
sa sariling pagkatuto. Mataas
10. Nakakatuon sa pag-aaral. 3.1700 .49349 Mataas
11. Hindi ko nagawa ng maayos ang mga Gawain
2.0100 .43797 Katamtaman
dahil sa trabaho.
12. Nagiging negatibo ang pagsagot ng modyul
1.9900 .46046 Katamtaman
sa kawalan ng oras at panahon.
13. Hindi masyadong gastos papuntang paaralan. 3.1300 .39325 Mataas
14. May mga panahong hindi ko nasusuri muli
1.8700 .48524 Katamtaman
ang aking mga gawain.
15. Limitado ang gawaing maaring magawa. 3.1500 .47937 Mataas
16. Nakaramdam ng emosyonal at mental na
2.0200 .34757 Katamtaman
problema sa akademiko.
17. Nahihirapan sa pangkaisipang Gawain sa
2.0500 .45782 Katamtaman
modyul.
18. Hindi balanse ang aking oras sa pagsagot ng
2.0700 .35548 Katamtaman
modyul at sa inilaang trabaho.
19. Limitado ang natutunan at minsan lang
1.9200 .56282 Katamtaman
nagkakaroon ng komunikasyon sa mga guro.
20. Nangangailangan ng malaking oras sa pag-
1.9800 .53144 Katamtaman
unawa ng mga gawain.
Kabuoan 2.6305 .12591 Mataas
Note: M = mean, SD = Standard deviation, QD = Qualitative description: Positibo - 1.00 – 1.74 = Lubos na
hindi sumasang-ayon (Lubos na Mababa), 1.75 – 2.49 = Hindi sumasang-ayon (Katamtaman), Negatibo -
2.50 – 3.24 = sumasang-ayon (Mataas), 3.25 – 4.00 = Lubos na sumasang-ayon (Lubos na Mataas)
17

Ipinakita sa talahanayan 1, ang antas ng saloobin ng mga mag-aaral na may

pangkalahatang mean score na 2.6305, ito ay sumasang-ayon. May dalawampung

katanungan ito. Base sa ipinakitang talahanayan may (10) sampung mataas, (2) dalawa

naman sa lubos na mababa at (8) ang katamtaman ayon sa nalikom ng mga datos.

Ang resultang ito ay nagpapaliwanag na mas umiiral na sumasang-ayon ang

mga mag-aaral na kailangang mabigyan sila ng sapat na aksyon upang maipatuloy na

nila ng kanilang pagtuto sa panahon ng pandemya, kulang rin sila sa oras sa pagsagot

ng modyul sapagkat nahahati ang kanilang panahon sa gawaing bahay at gawaing

modyul kaya nangangailangan sila ng malaking oras at pang-unawa galing sa mga guro

sa paggawa at pagpasa ng mga gawain, ayon sa resulta dagdag gastos raw ito lalo na

sa panahon ng pandemya kung kaya’t naging mataas ang negatibong saloobin ng mga

mag-aaral , dahil narin sa kadahilanang naging limitado rin ang kanilang mga natutunan

at minsan lang nagkakaroon ng interaksyon kasama ang kanilang mga kapwa- mag-

aaral at mga guro.

Sa pag-aaral ni Saracaloglu (2000) tungkol sa “Relationship Between Student’s

Attitude Towards Foreign Language and Foreign Language Achievement”, binanggit

niya ang sinabi ni Weinburgh na ang damdamin sa pagkatuto sa modyular ay may

negatibong saloobin para sa mga mag-aaral. Pinaniniwalaan din na may kaugnay ang

saloobin ng mag-aaral sa pagtamo ng tagumpay.


18

Talahanayan 2. Antas Akademikong Performans ng Mag-aaral sa Filipino

Percentage
f % Qualitative Descriptors
Range
90% – 100% 40 40.00 Pinakamataas
85% – 89% 60 60.00 Mataas
80% – 84% 0 0 Katamtaman
75% – 79% 0 0 Mababa
Below 75% 0 0 Mababang-mababa
M 88.89
Pinakamataas
SD 2.26
Note: M = mean, SD = standard deviation, f = frequency, % = percentage, Scale is based from DepEd
Memo. No. 08 series 2015
Ang talahanayang 2 ito, ay nagpapakita ng mga marka ng mga mag-aaral sa

kanilang Asignaturaturang Filipino. Ang saklaw ng porsyento ay 40% na mag-aaral ang

namumukod tangi. Ang lubhang kasiya-siya ay may 60% mag-aaral ang may 85%-89%

ang saklaw ng porsyento. Ang kabuoang akademikong performans mean ay 88.89 ito ay

kasiya-siya.

Ibig ipahiwatig sa talatahanayan na ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng

magandang tugon ayon sa kanilang ipinakitang akademikong performans nila sa pag-

aaral sa modyular na pagkatuto sa panahon ng pandemya. Sa kabila ng bagong aspeto

ng pagkatuto ng mag-aaral sa panahon ng pandemya ito ay hindi naging hadlang upang

ipatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamaraan ng modyular na pagkatuto.

Ipinahayag ni Jullierat (2002) na ang akademikong performans ng mga mag-

aaral tumutukoy sa markang nakamit ng mga mag-aaral. Ito ay maaring positbo at

negatibong tugon. Positibo ang performance ng mga mag-aaral kapag matataas ang

kanyang mga marka lalo na ang kanyang pangkalahatang marka o general average.

Negatibo kapag mababa ang mga nakamit na marka o di nakakapasa sa asignatura.


19

Sa pananaliksik naman nina Ricci (2005) at Schreiner (2009), ang mga mag-

aaral na may kasiyahan sa klasrum ay yaong mga nagkakamit ng magandang marka sa

klase. Kailangang mailinang ang kakayahan ng mga guro sa pagtamo ng kasiyahan ng

mga mag-aaral upang kasabay nito ay ang pag-unlad rin ng kanilang performans sa

klase.

Talahanayan 3 Pagsubok ng Makabuluhang Relasyon ng Akademikong Performance at


ng Saloobin ng Mag-aaral sa Modyular na Pagkatuto

Correlations
Akademik Saloobi
Performans n
Spearman's rho Akademik Correlation Coefficient 1.000 -.044
Performan Sig. (2-tailed) . .661
s N 100 100
Saloobin Correlation Coefficient -.044 1.000
Sig. (2-tailed) .661 .
N 100 100
Note: Cell contains Correlation coefficient (above) and p-values (below), * Correlation is
significant at the 0.05 level (2-tailed). r is interpreted using Cohen’s Scale: -0.3 to +0.3 = weak, -
0.5 to -0.3 or +0.3 to +0.5 = moderate relationship, -0.9 to -0.5 or +0.5 to +0.9 = strong
relationship, -1.0 to - 0.9 or +0.9 to +1.0 = very Strong relationship.

Ipinapakita sa talahanayan 3 ang pagkakaugnay ng saloobin ng mag-aaral sa

modyular na pagkatuto at akademikong performans. Makikita sa talahanayan ang

ugnayan ng ng dalawang baryabol sa pamamagitan ng cell contains correlation

coefficient. Batay sa masusing pag-aaral at pag-aanalisa, nakuha ang sagot at lumabas

na ang antas ng saloobin ng mga mag-aaral ayon sa Spearman Correlation Test,

nagpapahiwatig na ang positibong pag-uugali ng mga mag-aaral ay may makabuluhang

kaugnayan (r s=.661 p=−.044 ¿ ng saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto at

akademikong performans.

Sa kabuuan, ang saloobin ng mga mag-aaral ay may makabuluhan kaugnayan sa

akademikong performans ng mga mag-aaral. Makikita natin sa talahanayan na may (


20

−.044 ) na resulta ang saloobin ng mga mag-aaral sa modyular na pagkatuto na

nagpapahiwatig na may (moderate relationship) katamtamang relasyon. Samakatuwid,

ang Ipotosis ay tinanggap at itoy nagpapatunay na may makabuluhang pagkaka-ugnay

ang saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto at akdemikong performans.

Ipinahayag ni Jullierat (2002) na ang akademikong performans ng mga mag-

aaral tumutukoy sa markang nakamit ng mga mag-aaral. Ito ay maaring positbo at

negatibong tugon. Positibo ang performance ng mga mag-aaral kapag matataas ang

kanyang mga marka lalo na ang kanyang pangkalahatang marka o general average.

Negatibo kapag mababa ang mga nakamit na marka o di nakakapasa sa asignatura.


21

KABANATA 5

NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Naglalaman ang kabanatang ito ng buod ng natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon mula sa nakalap na datos.

Buod ng Natuklasan

Ang pag-aaral ay tungkol sa Saloobin nga mga Mag-aaral sa Modyular na

Pagkakatuto at Akademikong Performance. Layunin na matukoy ang antas ng saloobin

ng mga mag-aaral sa modyular na pagkatuto at antas ng akademikong performance.

Ginamit ang disenyong kuwantatibo at palarawang paraan.

Natuklasan ang sumusunod:

1. Ano ang antas ng saloobin sa modyular na pagkatuto ang mga mag-aaral?

Ang antas ng saloobin ng mag-aaral sa modyular na pagkatuto ay

mataas.

2. Ano ang antas ng akademikong performans ng mga mag-aaral?

Ang antas ng Akademikong Performans ng mga mag-aaral ay mataas.

3. May makabuluhang ugnayan ba ang antas ng saloobin at antas ng akademikong

performance ng mga mag-aaral?

Walang makabuluhang ugnayan ang antas ng saloobin ng pag-aaral sa

modyular na pagkatuto at antas ng akademikong performance ng mga mag-

aaral.
22

Konklusyon

Mula sa natuklasan nabuo ang konklusyon:

Ang mga mag-aaral ay hindi nahihirapan sa pagsagot ng modyul dahil ang

kanilang akademikong performance ay mataas.

Rekomendasyon

Batay sa natuklasan at konklusyon, nabuo ang sumusunod na mga

rekomendasyon:

1. Ipagpatuloy ang paggamit ng modyul kahit hindi na panahon ng pademya.

2. Ipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante hindi lang sa modyul at sa

ibang babasahin.
23

TALASANGGUNIAN

Ambayon E. & Millenes, C. (2020). Modular-based approach and


students achievement in literature.Available at SSRN 3723644

Bates, R. & Khasawneh, S. (2007). Self- efficacy and college students’


perceptions and use of online learning systems.Computers in
Human Behavior, 1755-191.

Bernardo, J. (2020) Modyular na pagkatuto most preferred parents;


DepEd.ABSCBNNews.Retrievedfrom;https://news.abscbn.com/new
s/07/30/20 modular-learning-most-preferred-by-parents-deped.

Chen,J-L.,(2010) The effects of education compatability and


technology expectancy on e-learning acceptance Computers
Research,36(3).301-321

Chimpollo, A. (2010). The prospects and challenges of open learning and


distance education in Malawi.World Academy of Science,
Engineering and Technology, 6,6-29.

Ferdig, R.E, Baumgartner, E., Hartshorne, R., Kaplan-Rakowshi, R., &


Mouza, C. (Eds). (2020). Teaching, technology, and teacher
education during the COVID-19 Pandemic; stories from the field.
Waynesville, NC; Association for the advancement of computing in
education.

Forslund Frykedal, K.,& Hammar Chiriac, E. (2018). Student collaboration


in group work; Inclusion as participation. International Journal of
Disability, Development and Education, 65(2),183-198.

Georgouli, K., Skalkidis, I., & Guerreiro, P.(2008). A framework for


adopting LMS To introduce e-learning in a traditional course.
Journal of Educational Technology & Society, 11(2), 227-240.

Khati, k., & Bhatta, k. (2020). Challenges of online education during


COVID-19 pandemic in Nepal. International Journal Of
Entrepreneurship and Economic Issues, 4(1),45-49.

Jansen, Jane F. 2000. Teacher’s Effectiveness and Student’s


Performance. New York Magazine.

Kitgaard, R.H.,& Hall, G.R. (1974). Are there unsually effective school?
Journal of Human Resources, 10 (3), 40-106.

K. Michael Hibbard (1998) Teacher’s Guide to Performance-based


learning and Assessment.

Maagan, D. (2007). Teaching staff survey (2007) in elementary schools


2005/6. Jerusalem: Israel Central Bureau of Statistics. (Hebrew)
24

Monk, D.H.,& King J. (1994). Multilevel teacher resource effects on pupil


performance in secondary mathematics and science. In R.G.
Ehrenberg (Ed.), Contemporary policy issues: Choices and
consequences in education (pp.29-58). Ithaca, NY: ILR Press.

Rivkin, S.G. Hanushek, E.A., & Kain, J.F. (2000). Teachers, schools and
academic achievement. Working paper 6691 (revised).
Massachusetts: National Bureau of Economic Research.
25

APENDIKS A
LIHAM PAHINTULOT PARA SA RESPONDENTE
Republic of the Philippines
JH CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
School of Teacher Education

April 25, 2022


Minamahal na Respondente,

Isang maligayang pagbabati!

Ang may lagda ay ang mga mag-aaral na mananaliksik ng JH Cerilles State College –
Main Campus. Kasalukuyan silang gumagawa ng kanilang pag-aaral ng thesis na pinamagatang
“Saloobin ng Mag-aaral sa Modyular na Pagkatuto at Akademikong Perforrmans” upang
makuha at alamin ang mga saloobin ng mga mag-aaral.
Alinsunod dito, mapagkumbabang hinihingi ang iyong pahintulot na maging partisipante
sa pananaliksik. Hinihiling na sagutin nang matapat ang kalakip na talatanungan. Makakatiyak ka
na ang mga tala ng pag-aaral na ito kasama ang impormasyon tungkol sa iyong pagkakakilanlan
ay tratuhin nang may lubos na pagiging kompidensiyal.
Inaasahan ang iyong positibong tugon sa bagay na ito. Ang iyong lagda sa ibaba ay
pagpakahulugan na nagpasya kang maging bahagi sa pag-aaral na ito. Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,

JANICE T. PANILLO
Mananaliksik

FLORAMIE G. ESLIT
Mananaliksik

Lagyan ng tsek ang isang kahon


 Maluwag sa aking kalooban na lumahok bilang isa sa mga partisipante sa pag-aaral na
ito.
 Hindi maluwag sa aking kalooban na lumahok bilang isa sa mga partisipante sa pag-
aaral na ito.

Pangalan:________________________________ Lagda:___________Petsa/Taon:_________
Sinang-ayunan:
26

APENDIKS B
LIHAM PAHINTULOT PARA SA PUNONG GURO
Republic of the Philippines
JH CERILLES STATE COLLEGE
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
School of Teacher Education

April 25, 2022


JOSELYN P. VALDEZ
Principal
Betinan National High School
Betinan San Miguel, Zamboanga del Sur

Mahal na Dr. Valdez:


Isang mainit na pagbati!
Ang mga mananaliksik ay mag-aaral sa Research II ng JH Cerilles State College – Main
Campus na kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral na pinamagatang “Saloobin ng Mag-aaral
sa Modular na Pagkatuto at Akademikong Performans” upang makuha at alamin ang mga
saloobin ng mga mag-aaral.
Alisunod dito, mapagpakumbabang humihingi ng pahintulot ang mga manaliksik para
makapagmudmud ng talatanungan sa GRADE 11-12 sa inyong paaralan para makalikom ng
datos. Makakatiyak na anumang mga impormasyon makukuha mula sa mga mag-aaral ay
itatagong lihim at kompidensiyal.
Inaasahan ang iyong positibong tugon sa bagay na ito. Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,
27

APPENDIX C

Talatanungan

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
(Mula sa Pag-aaral Bosmion, Angar At Velencio 2022)

SALOOBIN NG MAG-AARAL SA MODYULAR NA PAGKATUTO AT AKADEMIKONG


PERFORMANCE

Pangalan:___________ Taon/Seksyon____________

Petsaa:_____________ Edad: _____________

Sa mga respondente, kayo po ay inaanyayahan naming na sumasagot sa aming


mga tanong na inyong makikita sa ibaba. Nais po naming ipahatid sa inyo na maari niyo
po lamang isasagot ay pawing mga katotohanan at walang halong biro.

KASARIAN: Babae Lalaki

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung anong antas ang iyong nararamdaman o

narararanasan. Tatlong puntos kung ito ay Oo, dalawang puntos kung ito ay hindi at

isang puntos kung ito ay minsan. Sundin ang nasa ibaba.

4 – Lubos na sumasang - ayon 3 – Sumasang -ayon

2 – Hindi sumasang-ayon 1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

I. SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL


A. POSITIBONG SALOOBIN
1. Nakakapag-aral sa loob lamang ng
bahay
2. Komportable at ligtas dahil nasa bahay
lamang nag-aaral sa modyul
3. Ligtas at malayo sa nakakahawang sakit
4. Nabibigyan ng mahabang oras na
tapusin ang mga pampaaralang Gawain
sa modyul
5. Nagagabayan at natutulungan ng
magulang at mga kapatid sa
pagsasagawa ng mga gawain.
6. Nakapagbibigay ng oras para
makatulong sa gawaing bahay at
28

nakapaglaan ng oras sa pamilya.


7. Hindi masyadong gastos papuntang
paaralan.
8. Madali makapagpasa ng mga modyul.
9. Sinanay ang mag-aaral na maging
responsible sa sariling pagkatuto.
10. Nakakatuon sa pag-aaral.
B. NEGATIBONG SALOOBIN
1. Hindi ko nagawa ng maayos ang mga
Gawain sa modyul dahil sa trabaho sa
bahay.
2. Kawalan ng oras at panahon sa
pagsagot ng modyul.
3. Sinusubukan kong gawin ang mga
gawain sa takdang oras/ panahon.
4. May mga panahonng nakaligtaan kong
nasuri ng muli ang aking mga gawain.
5. Nangangailangan ng malaking oras sa
pag-unawa ng mga gawain
6. Limitado ang gawaing maaaring
magawa
7. Nakaramdam ng emosyonal at mental
na problema sa akademika sa pagsagot
ng modyul
8. Nahihirapan sa pangkaisipang gawain
sa modyul.
9. Balance ang oras sa pagsagot ng
modyul at sa inilaang trabaho.
10. Limitado ang natutunan at minsan lang
nagkakaroon ng komunikasyon sa mga
guro.
29

APENDIKS D
LARAWAN SA PANGONGOLIKTA NG DATOS
30

DATOS NG MANANALIKSIK

Personal na Impormasyon

Pangalan : Janice T. Panillo

Edad : 24

Kasarian : Babae

Katayuang Sibil : Dalaga

Relihiyon : Roman Catholic

Kapanganakan : Agosto 09, 1998

Tirahan : Baganian, Tabina, Zamboanga del Sur

Kaligirang Pampamilya

Pangalan ng Ina : Marilou T. Panillo

Kaligirang Pang- edukasyon

Elementarya : Baganian Elementary School


Baganian, Tabina, Zamboanga del Sur
2011-2012
Sekundarya : Baganian National High School
Baganian, Tabina, Zamboanga del Sur
2017- 2018
Kolehiyo : JH. Cerilles State College-Main Campus
Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
2022-2023
Kurso : Bachelor in Secondary Education
Major : Filipino
31

Personal na Impormasyon

Pangalan : Floramie G. Eslit

Edad : 24

Kasarian : Babae

Katayuang Sibil : Marriaged

Relihiyon : Roman Catholic

Kapanganakan : May 21, 1998

Tirahan : San Isidro, San Miguel, Zamboanga del Sur

Kaligirang Pampamilya

Pangalan ng Ama : Francisco M. Gulane

Pangalan ng Ina : Flordelliza M. Gulane

Kaligirang Pang- edukasyon

Elementarya : San Isidro Elementary School

San Isidro, San Miguel, Zamboanga del Sur

2011 - 2012

Sekundarya : Fatima National High School

Fatima, San Miguel, Zamboanga del Sur

2017-2018

Kolehiyo : JH Cerilles State College- Main Campus

Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur

2022-2023

Kurso : Bachelor in Secondary Education


Major : Filipino

You might also like