You are on page 1of 29

Isang pananaliksik na pinamagatang

“Dahilan at Epekto ng Pagliban sa klase ng mga SENIOR HIGH SCHOOL

GRADE-11 STUDENT na TVL sa ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND

TRADES”

Filipino 2: Pagbasa ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Iniharap nina:

AGBAYANI, JOHN EZEQUIEL S.


AGCAOILI, LOUIS FLORENZ M.
AGRESOR, DERYLLE A.
BAPTISTA, DECSTER T.
MARINAS, JAN BRYLLE M.
SINA, JIMROME TRIX A
GUILLERMO, VALERIE MAE D.
PAGUILA, MA.ANGELA M.

Iniharap kay:

Bb. Klaire Daine A. Dela Cruz

GURO

1
MARSO 2020

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang DAHILAN AT EPEKTO NG PAGLIBAN SA
KLASE NG MGA SENIOR HIGH SCHOOL GRADE-11 STUDENT NA TVL SA
ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES, na inihanda at ipinasa nina
AGBAYANI, JOHN EZEQUIEL S. ,AGCAOILI, LOUIS FLORENZ, AGRESOR,
DERYLLE , BAPTISTA, DECSTER, MARINAS, JAN BRYLLE, SINA, JIMROME TRIX,
GUILLERMO, VALERIE MAE ,PAGUILA, MA.ANGELA M. bilang pagtugon sa
kahingian ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay sinuri at inirekomenda upang tanggapin at sang-ayunan sa oral na
pagdidipensa.

BB. KLAIRE DAINE DELA CRUZ


Tagapayo

2
MGA PANELISTA
Inaprubahan mg Komite ng Oral na Pagdidipensa

G. JENDIE CLEMENTE NATHANIEL DAVE GATCHALIAN


Miyembro Miyembro

Tinanggap at Inaprubahan bilang pagtugon sa kahingian ng asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

BB. KLAIRE DAINE DELA CRUZ


Tagapayo

3
PASASALAMAT

Nais naming mga mananaliksik na ihatid ang kanilang taos-pusong pasasalamat at


papuri sa lahat ng mga taong nakipag-isa sa kanila lalong-lalo na ang mga sumusunod:

Sa Poong Maykapal sa kaniyang walang sawang pagkakaloob ng sapat na


kaalaman, lakas at talento upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Kay Binibining Klaire Daine Dela Cruz sa kaniyang matiyagang paggabay at


pagtulong upang mas mapabuti pa ang pananaliksik na ito.

Sa aming mga magulang sa pagbibigay ng moral at pinansiyal na suporta upang


matapos ang pananaliksik na ito.

Sa lahat ng mga tagatugon na nagging tapat sa pagbabahagi ng kanilang mga


ideya at opinion sa pamamagitan ng pagsagot ng mga talatanungan. Kami ay lubos na
nagpapasalamat dahil hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala
kayo.

Nagpapasalamat din kami sa pamunuan ng Ilocos Norte College of Arts and


Trades kung kaya’t nabigyan ang mga mananaliksik ng pagkakataon upang isagawa
ang saliksik sa loob ng paaralan.

A.J.E
A.L.F
A.D
B.P
M.J.B
S.J.T
G.V.M
P.M.A

4
5
PAGHAHANDOG

Inihahandog naming ang pamanahong papel na ito para sa lahat ng mga mag-aaral,

kahit ano mang antas sa pamumuhay, mapagmahal na mga magulang at mga guro,

mga kaibigan, at higit sa lahat, ang Poong Maykapal.

Ang mga Mananaliksik

6
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Pamagat………………………………………………………………i
Dahon ng Pagpapatibay………………………………………………………... ii
Pasasalamat …………………………………………………………………….. iii
Paghahandog …………………………………………………………………… iv
Talaan ng Nilalaman……………………………………………………………. v
Talaan ng Talahanayan ……………………………………………………….. vi
Kabanata I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula ……………………………………………………………….. 1
Layunin ng Pag-aaral …………………………………………………. 2
Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………. 2
Saklaw at Limitasyon ………………………………………………….. 3
Depinisyon ng Terminolohiya ………………………………………… 3
Kabanata II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ………………….. 4-7
Kabanata III. Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik ……………………………………………… 8
Paraan ng Pananaliksik ……………………………………………….. 8
Pokus ng Pag-aaral ……………………………………………………..8
Tritment ng Datos ………………………………………………………. 9
Kabanata IV. Presentasyon at Interpretasyon ng Datos ………………...10-17
Kabanata V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Lagom ……………………………………………………………………18
Konklusyon ………………………………………………………………18
Rekomendasyon ………………………………………………………..19
Talasanggunian………………………………………………………………… 20

7
8
TALAAN NG TALAHANAYAN
Talahanayan 1:
Dahilan ng Pagliban sa klase ………………………………………………….…………10

Talahanayan 2:
Mga Epekto ng pagliban sa klase……………………………...…………………………12

9
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Isang karangalan para sa magulang ang makapagpatapos ng anak sa
pag-aaral, dahil sinasabi nila na ito lang ang kanilang maipapamana at ang edukasyon
ay isang kayamanan na walang sinuman ang makapagnanakaw nito. Ito ay itinuturing na
napakahalangang bagay para sa lahat dahil marami kang magagawa kapag ikaw ay
edukado. Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan.” Ngunit, paano sila magiging pag-asa ng bayan kung sila mismo
ay napupunta sa maling landas dahil sa madalas napagliban sa klase?

Sa panahon ngayon marami na ang nauuso, katulad na lamang ng mga


makabagong teknolohiya, impluwensiya ng barkada at iba pang bagay na nagiging
dahilan ng labis na paggamit nito. Habang lumalawak ang teknolohiya, dumarami rin ang
populasyon ng mag-aaral na mas pipiliin ng lumiban sa klase na makaaapekto sa
kanilang akademikong pagsasanay. Ang hindi pagpasok sa klase ay nagdudulot ng
mababang marka. Ang ibang kabataan ay madalas na kinukulang sa pantustos sa mga
gastusin sa paaralan, walang baon, naapi ng kapwa kamag-aral, nawawalan ng ganang
mag-aral dahil sa sunod-sunod na problema ng pamilya, naiimpluwensiyahan ng
barkada, at marami pang posibleng dahilan na nakaapekto sa kanilang pagbaba ng
kanilang marka. Paaano na sila magiging handa sa mga sumusunod pang kaganapan,
sa buhay nila kung dito pa lang ay nahihirapan na sila? Ito rin ang dahilan kung bakit
napiling saliksikin ang ganitong klaseng paksa dahil ito ay napapanahon para sa amin
bilang kabataan. Kaya’t sabay-sabay nating tuklasin para mas lalo nating maunawaan
kung-bakit-marami-ang-kabataan-ang-lumiliban-sa-klase.

10
Kahalagahan ng pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang mga


maaring makaaapekto sa pagliban ng mga estudyante sa mga akademikong
pagsasanay sa paaralan at mabigyang kahulugan ang importansya ng bawat araw na
hind pagpasok sa paaralan, dito naglalayon na kailangan bigyang-pansin ang mga
mag-aaral nabigyan ng halaga ang pag-aaral. Mahalagang alamin at alalahanin ang
mga maaring makaapekto kapag ‘di pumapasok sa klase.

Sa mga mag-aaral: Ang pag aaral na ito ay makatutulong sa kanila na mas lalo
pa silang magpursiging mag-aral at maabot ang kanilang mga pangarap, hindi
lamang para sa sarili ngunit kasama din ang kanilang pamilya.

Sa mga guro: Ito ay makatutulong sa kanila upang makaisip sila ng bagong


paraan upang mas piliing pumasok kaysa lumiban klase. At para mas mabigyang
pansin nila ang kanilang mga estudyante ngayon at sa mga susunod pang
henerasyon.

Sa mga magulang: Mas mabibigyan ng pansin ang kanilang mga anak at mas
mapalalakas nila ang loob ng kanilang anak na huwag na ulit lumiban pa sa
klase.

Susunod na Mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay masisilbing karagdagang


pag-aaral sa hinaraharap ng iba pang mananaliksik.

Mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila na malaman ang


iba’t ibang epekto ng madalas na pagliban sa klase.

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nais matalakay ang mga dahilan at epekto ng


pagliban sa klase ng mga SHS Grade-11 TVL Students sa INCAT. Kaya layunin ng
pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katangunan.

11
1. Ano ang pagliban sa klase?
2. Ano ang mga dahilan ng mga estudyante sa pagliban sa klase?

3. Ano ang ang maaaring epekto nito sa kanila sa pagliban sa klase?

4. Ano ang maaaring solusyun sa problemang ito?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga estudyante ng Senior High School


na madalas na lumiliban sa klase. Saklaw nito ang mga mag-aaral na nasa
ikalabing-isang baitang ng Ilocos Norte College of Arts and Trades SHS TVL track, sa
taong panuruan 2019-2020.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa persepyon lamang ng mga mag-aaral at


hindi-lang-mas-malalim-pang-pag-aaral.

Depenisyon ng Termino

Para sa lubos na pag-unawa sa mga terminolohiyang ginamit, inilahad sa


bahaging ito ang kahulugan ng mga terminolohiya sa pagkakagamit sa pag-aaral.

1.Pagliban – ito ay ang madalas na hindi pagdalo sa mga nakatakdang klase sa


paaralan.

2.Kahusayang pang-akademiko – ito ay tumutukoy sa antas ng kakayahan ng isang


mag-aaral sa pag-aaral.

12
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay sumasaklaw ng mga iba’t ibang pag-aaral mula sa online
articles at mga impormasyong nakabatay sa gagawing pag-aaral. Narito ang mga
mahahalagang ideya, mga may akda at iba pang mahahalagang reperensiya na
konektado sa aming pag-aaral. Layunin ng kabanatang ito na maipresenta ang aming
pangunahing-layunin-sa-pag-aaral.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Paul Aries A. Estrella, “ang pagliban ay isang malaking


suliranin na kinakaharap ng mga kabataang magaaral sakasalukuyan” .Ngunit sa
paanong paraan ba ito masusulusyunan? Ano ang masasamang epekto nito sa ating
mga kabataan? Ano ang mga sanhi at bunga nito? At bilang isang mag-aaral, sa
paanong paraan makakatulong sapagsugpo nito? Papaano maiiwasan ito? Marahil, isa
sa mga dahilan nito ay ang kahirapan. Marami sa mga kabataan ngayon ang
nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man nilang makapasok sa paaralan ay
wala silang sapat na pambaon upang makapasok. Ikalawa ay ang problema sa pamilya.
Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral ay nakakaisip ng mag-cutting
classes dahil sasama ng loob sa mga magulang. Away siguro ng away ang kanyang
mga magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang. At ang panghuli ay ang
impluwensiya ng masasamang barkada, ang masamang dulot ng modernong kabataan
na isa ring suliranin ng bayan.
Maraming masasamang epekto ang makikita sa suliraning ito. Una sa lahat,
pagmadalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng
kanyang tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang nasimulang
pag-aaral. Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos at marangal na
pamumuhay sa hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang sa tabi-tabi at
malulong sa mga krimen. At ang pagkakaroon ng edukasyon parin ang magiging gabay

13
sa pag-unlad at ito lamang ang pamanang mananatiling taglay sa pagtahak sa
panibagong yugto ng buhay.
Dapat naipagbibigay-alam sa mga magulang kung ano ang dahilan ng pagliban
ng anak sa klase. Nararapat din naiintindihan ng guro ang kalagayan ng mag-aaral
kung may kinakaharap man itong problema. Nararapat ding kausapin ito ng maayos
upang mailantad ng mga mag-aaral ang mga problemang kinakaharap nito. Nararapat
na magbigay ng mga scholarships ang pamahalaan para sa mga deserving students.
Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral sa klase. Ang
pagmamahal at paggabay pa rin ng mga magulang ang mabisang paraan upang
malunasan ito. Dahil kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahal ang kanilang
mga anak ay hindi na nila maiisip na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay pagbutihin
pa ito.

DAYUHANG PAG-AARAL

Ang pagliban sa klase ay isang gawain ng estudyante sa paaralan na may


epekto sa pisikal, emosyonal at sikolohikal ng isa. Ang gawaing ito ay hindi lang
simtoma ng isang estudyante sa kaniyang pananaw sa eskwelahan kundi merong ibat’
ibang rason kung bakit nila ito ginagawa(Gokyer,2012). Ang pagliban sa klase ay hindi
lamang nagsisimula sa kolehiyo, kung pag-aaralan nating mabuti, makikita nating ang
madalas na pagliban ay nagsisimula sa panahong ang mga mag-aaral ay tumungtong
na sa sekondarya. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Franco(2013), “ang pagliban sa
klase ay isang pangkaraniwan ng bagay na ginagawa ng mga tao at mag-aaral na
nabibigay daan upang hindi na nila isipin ang mga possible ng epekto nito sa
hinaharap. Ayon sa huling datos na nakalap, isang malaking bahagdan (81.24%) ng
mga mag-aaral ang lumiliban sa klase.”
Sa ngayon sa pag-aaral na ginawa ni Franco, base sa resulta ng ginawang pag-
aaral ni Song (2010), ang mga karaniwang dahilan ng madalas na pagliban sa klase ng
mag-aaral ay ang mga sumusunod: pagkakasakit (30%) – na niniwala ang mga mag-
aaral na ang pagkakakaroon ng sakit ang pinaka epektibong rason sa pagliban.

14
Teknolohiya (18%) – karaniwang ginagawang dahilan ng mga mag-aaral sa pagliban ay
ang pag-ugnay sa teknolohiya tulad ng pagkasira ng computer, pagkawala ng tinta ng
printer, at kung ano-ano pa. Pamilya (15%) – Ang mga mag-aaral ay naniniwa lang,
“ang problema sa pamilya ay labas sa saklaw ng kapangyarihan ng mga guro” at “hindi
tamang kwestyunin ng mga guro kung ang personal na problema ng mga mag-aaral ay
totoo o hindi. Transportasyon (10%) – madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang
isyu sa trapiko dahil anupang hindi sila umabot sa klase. Employment-related (7%) –
ang mga mag-aaral na nagtatrabaho upang mabayaran ang kani-kanilang matrikula.
Ang ilan pa sa mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral ay, meeting with
the advisor (5%), school activities (4%) at kung ano-ano pa (11%) tulad ng hindi
pagkagising sa umaga, at hindi pagtunog ng alarm clock. Sa pag-aaral na is inagawa ni
Chang at Romero (2008), ayon sa 100 na mag-aaral na na sa unang taon sa kolehiyo,
ang pagkakasakit, problema sa pamilya, pangangailangang pinansyal, part-time job, at
gawaing pampaaralan ay ilan lamang sa mga dahilan sa pagkakaroon nang hindi
kaaya-ayang bilang ng liban sa klase. Ang mga hakbang para pigilan ang mga dahilan
ay sinisimulan ng ilatag, ito ay maaring magdulot ng magandang epekto sa mga mag-
aaral upang mapagyabong ang kanilang kaalaman, at maihanda ang mga ito sa isang
mabungang karanasan sa kolehiyo at sa panahong sila ay magsisimula nang mabuhay
bilang isang manggagawa.

Ang mga mag-aaral na madalas lumiban sa klase ay siya ring mga mag-aaral na

may mababang antas ng akademikong pag-unlad.Ang ganitong pangyayari ay isang

hadlang na naglilimita sa kakayahan ng mga mag-aaral maging sa mga guro na

makapagbigay ng dekalidad na edukasyon.(Arney)

15
KABANATA III
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang disenyo ng pananaliksik, mga respondente,

paraan ng pananaliksik at tritment ng mga datos.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naayon sa deskriptiv-analitik na pamamaraan ng

pananaliksik. Layon ng mga mananaliksik na ilahad at ilarawan ang mga dahilan at

epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng Grade 11 TVL Senior High School

sa-INCAT.

Respondante

Ang napiling mga respondante sa pananaliksik nito ay ang mga mag-aaral ng

Grade 11 TVL track na Senior High School sa Ilocos Norte College of Arts ang Trades.

Naniniwala ang mananaliksik na sila ang makapagbibigay ng makabuluhang kasagutan

sa mga tanong na nailatag sa talatanungan dahil napapanahon ito sa mga kabataan na

madalas lumiban sa klase.

Paraan ng Pananaliksik

Ang paraan ng pananaliksik na ito ay sa pamamagitan ng pagserbey sa mga

GRADE-11 TVL ng Senior Highschool Grade-11 ng Ilocos Norte College of Arts and

16
Trades. Naghanda ang mga mananaliksik ng talatanungan tungkol sa pagliban ng mga

estudyante at ito ay ipapasagot sa mga mag-aaral ng SHS students sa paaralang

INCAT.

Pokus ng Pag-aaral

Ang pipiliing mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng ikalabing


isang baitang mula sa TVL track ng INCAT sa taong panuruan 2019-2020.

Sa kasalukuyan ay may tatlumpo (30) na tagatugon na kukunin kung saan


gumagamit ng random sampling ang mga mananaliksik sa pagpili ng mga tagatugon.

Tritment ng mga Datos

Ang pagtali at pagkuha ng porsyento ay kailangang gawin ng mga mananaliksik

upang maisunod ang mga datos ng pag-aaral. Ang pagkuha ng mean ay

fx
μ¿ ∑ N

μ ay nangangahulugang mean

f ay nangangahulugang prekwensi

n ay nangangahulugang bilang kabuoang tinugon

x ay nangangahulugang lebel ng pagsang-ayon

17
KABANATA IV

PAGLALAHAD,PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa paglalahad, pagsusuri ,at


pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap tungkol sa dahilan at epekto ng madalas
na pagliban ng mga estudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL GRADE-11 TVL sa
ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES (INCAT). Makikita sa mga
talahanayan ang mga resulta ng ginawang pangangalap ng datos.

Talahanayan Bilang 1. Dahilan ng Pagliban sa klase


DAHILAN Mean Deskripsyon at Interpretasyon
Kawalan ng pasilidad 3.33 Katamtaman
Hindii magandang kompetisyon sa klase. 3.2 Katamtaman
Pambubully sa kaklase. 3.8 Mataas
Hindi interesadosa subject 3.93 Mataas
Paggamit ng teknolohiya 3.43 Mataas
Terror naguro 3.76 Mataas
Pagpapagawa ng mga gawain na hindi 2.96 Katamtaman
konektado sa diskusyon
Hindi mabisang pagtuturo 3.63 Mataas
Hindi alam makisabay 2.66 Katamtaman
Mga gurong tamad magleksyon 3.16 Mataas

Hindi sapat ang allowance 3.66 Mataas

18
Impluwensiya ng barkada 4.20 Napakataas
Problem sa pamilya 3.7 Mataas
Mababang tingin sa sarili 3.03 Katamtaman
Kawalan ng ganang mag-aral 3.08 Mataas
KABUUANG MEAN 3.43 Mataas

LAYENDA:

4.20- 5.0 Napakataas

3.41- 4.20 Mataas

2.60 -3.40 Katamtaman

1.81- 2.60 Mababa

1.0- 1.80 Napakababa

Batay sa talahanayan 1, mula sa talumpong (30) tagatugon sinasabi rito ang


mga pananaw ng mga tagatugon sa mga dahilan ng pagliban sa klase ng mga
estudyante. Ang sumagot sa kawalan ng pasilidad ay may mean na 3.33 at ito ay
katamtaman. Habang ang hindi magandang kompetisyon sa klase naman ay may mean
na 3.2 at ito ay katamtaman. Sa pambubully sa klase ay may mean na 3.8 at ito ay
mataas. Ang sumagot naman sa hindi interesado sa subject ay may mean na 3.93 at ito
ay mataas habang sa paggamit naman ng teknolohiya ay may mean na 3.43 at ito ay
mataas. May mean naman na 3.76 na ang dahilan ay mga terror na guro na kung saan
ito ay mataas habang sa pagpapaggawa naman ng hindi konektado sa diskusyon ay
may mean na 2.96 at ito ay katamtaman. Sa hindi mabisang pagtuturo naman ay may
mean na 3.96 at ito ay mataas habang sa hindi alam makisabay ay may mean na 2.66
at ito ay katamtaman. Sa mga gurong tamad mag-leksyon ay may mean na 3.16 at ito
ay mataas habang sa hindi sapat ang allowance ay may mean na 3.66 at ito ay
mataas. May 4.20 naman na mean ang nag-sabing impluwensiya ng barkada ang
dahilan kaya ito ay napakataas habang sa problema sa pamilya naman ay may mean

19
na 3.7 at ito ay mataas. Sa mababang tingin sa sarili ay may mean na 3.03 at ito ay
mataas habang sa kawalan ng ganang mag-aral ay may mean na 3.08 at ito ay mataas.
Sa kabuoan ng talahanayan 1 ay may kabuoang mean na 3.43 at ito ay mataas.

Epekto Mean Description Interpretation


Mababang marka sa eskwelahan 3.6 Mataas
Walang magandang patutunguhan 3.46 Mataas
Mawawalan ng pag-asa para mabuhay. 3.26 Mataas

Hindi makakapasa sa paaralan. 3.53 Mataas


Mababahala dahil sa dami ng gawaing 3.43 Mataas
ipapasa

KABUUANG MEAN 3.45 Mataas


Talahanayan Bilang 2. Mga Epekto ng pagliban sa klase

LAYENDA:

4.20- 5.0 Napakataas

3.41- 4.20 Mataas

2.60 -3.40 Katamtaman

1.81- 2.60 Mababa

1.0- 1.80 Napakababa

Batay sa talahanayan 2, mula sa talumpong (30) tagatugon sinasabi rito ang


mga pananaw ng mga tagatugon sa mga epekto ng pagliban sa klase ng mga
estudyante. Ang sumagot sa mababang marka sa eskwelahan ay may mean na 3.6 at
ito ay mataas habang ang walang magandang patutunguhan ay may mean na 3.46 at

20
ito ay mataas din. Ang sumagot sa mawawalan ng pag-asa para mabuhay ay may
mean na 3.26 at ito ay katamtaman habang ang hindi makakapasa sa paaralan ay may
mean na 3.53 at ito ay mataas. At sa mababahala dahi sa dami ng gawaing ipapasa ay
may mean na 3.43 at ito ay mataas. Sa kabuoan ng talahanayan 2 ay may kabuoang
mean na 3.45 na kung saan ito ay mataas .

KABANATA V

LAGOM, REKOMENDASON,KONKLUSYON

Sa kabanatang ito mailalahad ang lagom, konklusyon, at rekomendasyon sa


pag- aaral na ito. Mailalahad dito ang kasagutan na nakalap ng mga mananaliksik batay
sa ginagagawang pag-aaral.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay sinimulan upang malaman ang “DAHILAN AT


EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA SENIOR HIGH SCHOOL GRADE-11
STUDENT NA TVL SA ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES”. Nais rin
ng pananaliksik na ito na bigyang pansin ang mga dahilan at maaaring maging epekto
ng pagliban sa klase ng mga ikalabing-isang baiting na estudyante sa INCAT. Ang
pananaliksik na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagseserbay. Nais rin ibahagi ng
mga mananaliksik ang mga dapat gawin upang masolusyonan at mabigyang pansin
ang mga mag-aaral na madalas na lumiliban sa klase base sa mga impormasyon na
nakalap. At ginamit ang disenyong deskriptib-analitik sa pananaliksik na ito`

Ang mga mananaliksik ay naghanda at gumawa ng talatanungan. Binubuo ng


dalawampung katanungan na naging batayan sa pagkalap ng datos tungkol sa
pananaliksik. Ang talanatungan ay ipinasagot sa tatlumpong (30) mag-aaral sa INCAT.

Konklusyon

21
Batay sa aming pananaliksik, ang pangunahing dahilan ng pagliban sa klase ng
mga estudyante ay dahil sa impluwensiya ng barkada. Batay rin sa mga datos, ang
epekto nito ay negatibo sapagkat ito ay hindi nakakabuti sa mga mag-aaral. Sa
pananaliksik na ito naipakita na nasa kung paano nila makokontrol ang bawat
sitwasyon.

Sa gitna ng pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at pagbabago ng 


pamamaraan sa pag aaral ay dapat na patuloy na itatak sa isipan ng bawat isa ay ikaw
mismo bilang mag-aaral ang may pinakamalaking parte sa pagtulong sa ating mga sarili
upang mapunan ang ating nais na matuto.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga naging konlusyon ng pag-aaral na ito, buong pagkumbabang


nirerekomenda ng mga mananliksik ang mga sumusunod. Hinati namin ang mga
rekomendasyon para sa mga magulang, guro at mag-aaral.

Magulang:

-Patuloy na paggabay sa mga anak para sa mas epektibong pag-aaral.

-kailangan din ng buong pusong suporta sa mga anak at iparamdam sa kanila ito.

-makatutulong rin ang pagpili at pagpatnubay sa mga kaibigan ng mga anak.

Guro:

-Gawing mas maayos at mas mabuti ang pagtuturo sa paraang makapagbibigay ng


interes na mag-aral ang mga mag-aaral.

-Huwag masyadong maging mahigpit o malupit dahil ang pagkatakot sa guro ay dahilan
din ng palgliban ng mga mag-aaral.

22
-Suportahan din ag mga mag-aaral di lamang sa pang- akademiko kundi pati na rin sa
iba pang-aspeto tulad ng pansosyal, pangemosyonal at iba pa.

-Dapat ay patuloy ang paggawa at pagdiskubre sa pinakamabisang paraan ng


pagtuturo para maganahan ang pagaaral

Magaaral:

-Tulungan ang sarli dahil ikaw rin ang makikinabang nito

-Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at guro.

-Dapat hanapin ang kaniysang wastong libangan

-Alamin ang prayoridad

-Mag-isip ng mabuti at huwag mag padala sa agos ng mga masasamang kaibigan

23
APENDIKS A

Ika-03 ng Pebrero , 2020

VERONICA S. RABANG

Assistant Principal II, SHS

Ilocos Norte College of Arts and Trades

Ma’am:

Malugod na pagbati!

Kami ay mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang HUMSS Carandang ay

kasalukuyang gumagawa ng papel-pananaliksik tungkol sa paksang “DAHILAN AT

EPEKTO NANG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA ESTUDYANTE NG SHS TVL

TRACK SA ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES .”

Sa kalagayang iyon, kami ay kasalukuyang nangangalap ng karagdagang

impormasyon para sa aming isinasagawang pag-aaral bilang isa sa mga pangunahing

24
pangangailangan sa asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Kami po ay humihingi ng inyong pahintulot sa pagsasagawa ng papel-

pananaliksik upang makakalap ng mga ideya at impormasyon sa aming kapwa mag-

aaral partikular na sa nasa ikalabing-isang baitang. Ang kanilang mga magiging

kasagutan sa aming inihandang talatanungan ay napakahalagang ebidensiya sa aming

isinasagawang pag-aaral.

Asahan po ninyong hindi namin gagambalain ang klase ng aming mga kapwa

mag-aaral upang makakalap lamang ng datos, bagkus, gagawin lamang namin ito sa

tuwing bakanteng oras ng aming mga piling tagatugon at maging sa amin na mga

mananaliksik.Umaasa po kami na kami’y inyong bigyan pahintulot sa pagsasagawa ng

aming papel-pananaliksik.

Maraming salamat po. Kasihan nawa kayo ng Panginoon.

Lubos na gumagalang,

AGRESOR, DERYLLE A.

BABTISTA, DECSTER T.

MARINAS, JAN BRYLLE M.

SINA, JIMROME TRIX A

GUILLERMO, VALERIE MAE D.

PAGUILA, MA.ANGELA M.

Mga mananaliksik

25
APENDIKS B

TALATANUNGAN

Pangalan: __________________________ Taon at Pangkat: ___________

Kasarian: _________ Edad: ___________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Lagyan lamang ng TSEK (√)

ang hanay na kung sa iyong tingin ay mga dahilan at ito ba ay nakakaapekto sa

madalas na pagliban sa klase ng mga estudyante.

LEYENDA:

5- Lubos na Sumasang-Ayon

4- Sumasang-Ayon

26
3- Hindi Sigurado

2- Di – Sumasang-ayon

1- Lubos na Di-Sumasang-Ayon

DAHILAN 5 4 3 2 1

1.Kawalan ng pasilidad

2. Hindi magandang kompetisyon sa klase

3.Pambubully sa klase

4.Hindi interesado sa subject

5.Favoritism

6.Terror na guro

7.Pagpapagawa ng mga gawain na hindi konektado

sa diskusyon

8.Hindi mabisang pagtuturo

9.Hindi alam makisabay

10.Mga gurong tamad magleksyon

11. Hindi sapat ang allowance

12. Impluwensiya ng barkada

13. Problema sa pamilya

14. Mababang tingin sa sarili

15. Kawalan ng ganang mag-aral

27
MGA EPEKTO

16. Mababang marka sa eskwelahan

17. Walang magandang patutunguhan

18. Mawawalan ng pag-asa para mabuhay

19. Hindi makakapasa sa paaralan

20. Mababahala dahil sa dami ng gawaing ipapasa

SALAMAT!!!!!!!!!!

28
APENDIKS E
PROFILE NG MGA MANANALIKSIK

29

You might also like