You are on page 1of 93

i

KARANASAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-BASED INTERVENTION

PROGRAM IN THE NEW NORMAL

Isang Tesis

na Iniharap sa mga Guro ng Paaralang Gradwado

Saint Columban College

Lungsod ng Pagadian

Bilang Parsyal na Pagtupad sa Pangangailangan

para sa Digring Master sa Sining ng Edukasyon

Major sa Filipino

ni

LYCA MIA AROZA

March 2020
ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan sa titulong Master sa Sining ng

Edukasyon na nagpakadalubhasa sa Filipino, ang tesis na ito na pinamagatang

“KARANASA NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-BASED INTERVENTION SA

NEW NORMAL” na inihanda at iniharap ni LYCA AROZA ay itinagubilin para sa kaukulang

pagsusulit na Pasalita.

EDNA M. BARCELONA, Ph.D

Tagapayo

PINAGTIBAY bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong, MASTER


SA SINING NG EDUKASYON na nagpakadalubhasa sa FILIPINO ng panel ng Pagsusulit
na Pasalita noong _________________.

EDNA M. BARCELONA, Ph.D MARIE CONSEPCION L. CELESIO, MA

Kasapi Kasapi

Wla na guro na Si julieta

JULIETA C. CEBRERO, EdD REGINAL I. CUIZON, EdD

Kasapi Kasapi

TINANGGAP at pinagtibay bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng


titulong MASTER SA SINING NG EDUKASYON na nagpakadalubhasa sa FILIPINO.

GILBERT A. CELESIO, EdD

Dekano, Paaralang Gradwado


iii

Abstrak

Aroza, Lyca Mia (2021). Proyektong Bisita Bilang Interbensyon Ng Mga Guro: Isang

Ebalwasyon. Unpublished Master’s Thesis, Saint Columban College, Pagadian City.

Binigyang –tuon ng pag-aaral na alamin ang karanasan ng mga guro sa Filipino sa

School-based Intervention Program in The New Normal sa pampublikong mataas na

paaralan ng Dibisyon ng Zamboanga Sibugay. Upang matugunan ito, inalam ang mga

karanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng mga nasabing interbensyon ayon sa mga

indikasyong (paghahatid o pagbibigay ng mga moodyul, pakikipag-ugnayan sa mga mag-

aaral at magulang at pagpapaintindi sa mga mag-aaral sa kanilang leksyon), ang nakitang

hamon at mga mekanismo sa pagtugon ng hamon. Disenyong kwalitatibo, isang case study

sa paraang analitic inductive batay sa estratihiya ni Sharan B. Merriam. Purposive sampling

ang ginamit sa pagpili ng sampong manunulat(unsay pasabot ani ma'am) ng modyul bilang

partisipante ng pag-aaral. Isang interview guide na napabalideyt sa mga eksperto ang

instrumentong ginamit upang makuha ang datos ng pag-aaral. Natuklasang nakaranas ang

mga guro ng hirap sa pagbibigay o paghahatid sa mga modyul, pakikipag-ugnayan sa mga

mag-aaral at magulang. Lumabas rin na nahihirapan ang mga guro sa transportasyon dulot

ng kakulangan sa pinasyal na pundo sa mga nasabing interbensyon. Nahihirapan rin silang

makatawid sa tulay dahil naapawan tubig tuwing umuulan, mabato at sa madulas na daan

dulot ng masamang panahon. Hamon rin sa siguridad, pisikal at kaligtasan ang kanilang

ikinababahala sa panahong nagpapatupad sila ng mga nasabing interbensyon. Nabuo ang

konklusyon na ang mga guro ay buong pamamahal na ginagampan ang kanilang

sinumpaang tungkulin at ito ay ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon,

pagtulong at pagmamahal para sa kanilang mga mag-aaral sa kabila ng mga hamon na

naranasan ng mga guro sa pagpapatupad ng mga interbensyon ay hindi pa rin sila nawalan

ng determinasyon at pag-asa na ipagpatuloy ang nasimulan. Hindi rin nawala ang kanilang
iv

magandang mithiin para sa kanilang mga mag-aaral na kung saan ay ang marami pang mga

mag-aaral ang knailang matulungan at maihatid sa kanilang magandang kinabukasan.

Susing salita: Modular Distance Learning, Self-Learning Module (SLM), School-Based

Intervention Program, New Normal, face to face class( wla ba ni nalapas sa

205? Sa WORD ma'am? Kaning abstrak?

Pasasalamat
v

Akoy lubos na nagapasalamat sa lahat ng mga taong naging dahilan upang maging

matagumpay ang pag-aaral na ito.

Salamat Panginoon sa pagbibigay sa akin ng mabuting pangangatawan upang

mapagtagumpayan ko ito.

Sa aking mga magulang na sina G.Cirilo Cuanan Sr. at Gng. Rocie Cuanan, maraming sa

lakas na loob na inyung ibinigay sa akin upang maniwala ako sa sariling kakayahan

ko.

Sa aking mahal at butihing asawa na si Ruel M. Cuanan at anak na si Ruella Rozzhainne A.

Cuanan, salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-unawa ninyu sa akin.

Sa aking mga guro na sina Edna Barcelona, Jocelyn Gamboa, Regina Cuizon at Gilbert

Celesio, maraming salamat po sa lahat ng mga payong ibinigay ninyo sa akin.

Sa aking mga kaibigan, maraming salamat po sa inyo.

Ang lahat ng ito ay hindi mapagtatagumpayan kung wala ang mga tulong ninyo kaya

naman mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po sa inyo!

Ang mananaliskik

Paghahandog
vi

Ang pag-aaral na ito ay inihahandog ko sa mga taong lubos kong pinagkakautangan ng

loob:

G.Cirilo Cuanan Jr. at Gng. Rocie Cuanan, mga mapagmahal at maunawain kong

magulang;

G. Ruel M. Cuanan ang makisig kong asawa;

Bb. Ruella Rozzhainne A. Cuanan, ang kaisa-isa at maganda kong anak;

Sa aking sarili at higit sa lahat sa Panginoon.

Talaan ng Nilalaman
vii

Pahina
Pamagat na Pahina . . . . . . . . . i

Dahon ng Pagpapatibay . . . . . . . . ii

Abstrak . . . . . . . . . . iii

Pasasalamat . . . . . . . . . . v

Paghahandog . . . . . . . . . . vi

Talaan ng Nilalaman . . . . . . . . . vii

Talaan ng Talahanayan . . . . . . . . ix

Talaan ng mga Apendiks . . . . . . . . x

Kabanata 1

Ang Suliranin . . . . . . . . . . 1

Introduksyon . . . . . . . . . 1

Perspektibo ng Mananaliksik . . . . . . . 4

Konseptwal na Balangkas . . . . . . . 5

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . . 6

Disenyo ng Pag-aaral . . . . . . . . 6

Lugar ng Pag-aaral . . . . . . . . 6

Paksa ng Pag-aaral . . . . . . . . 7

Partisipante ng Pag-aaral . . . . . . . 7

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . 7

Katuturan ng Pangunahing Katawagan . . . . . 7

Istruktura ng Pag-aaral . . . . . . . 9

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura . . . . . . . . 10


viii

Kabanata 3

Metodo ng Pag-aaral . . . . . . . . 14

Disenyo ng Pag-aaral . . . . . . . . 14

Lugar ng Pag-aaral . . . . . . . . 14

Mga Partisipante . . . . . . . . 15

Instrumento ng Pananaliksik . . . . . . . 15

Pamamaraan ng Paglikom ng Datos . . . . . . 16

Pag-aanalisa ng mga Datos . . . . . . . 16

Mga Isinaalang-alang na Etika . . . . . . . 17

Sanggunian . . . . . . . . . . 18

Mga Appendiks . . . . . . . . . 23

Talaan ng Talahanayan

Pahina
ix

1 Mga partisipante ng Pag-aaral


sa Kabataan sa Tahanan . . . . . 7

2 Mga pamantayan sa pagbibigay ng


Interpretasyon sa mga nakuhang puntos . . . . 16
. . . .
x

Talahanayan ng mga Appendiks

Pahina

A. Pahintulot para sa pakikilaahok sa interbyu ng pananaliksik . . 24

B. Ipinabatid na pahintulot . . . . . . . 25

C. Talaan ng Ispesipikasyon . . . . . . . 27

D. Talatanungan . . . . . . . . 29
xi

Kabanata 1

Ang Suliranin

Introduksyon(naka follow bata ani sa recommendation ma'am? Katung naay lokal, national

ug international) - sa Intro plng dw.. Nkbutang na ang FULL MEANING sa BISITA and follow

the deductive method.. Discuss also the diff intercntions in other skuls.

Isang novel coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2 ang nagresulta ng

isang sakit na kilala bilang COVID-19 ang lumaganap noong disyembre 2019. Ito ay naging

sentro ng mahalagang usapin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno lalo na sa Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd). Ito ang naglimita sa karaniwang ginagawa ng mga tao na kung saan

ang kalayaan ng bawat isa ay nahahadlangan at ang kasiyahan ay napipigilan. Kalimitan

ang paggalaw ng mga tao ay nalilimitahan dahil sa kwarantina ng kumunidad tulad ng

enhanced community quarantines, general community quarantine, at modified general

community quarantine. Ipinatutupad ang physical distancing at community quarantine bilang

paraan para hindi kumalat ang COVID-19, labis na naapektuhan ang ahensya ng DepEd

sapagkat ang paaralan at community learning center ay pansamantalang hindi pinapayagan

para sa pisikal na pasukan.

Pansamantalang nasuspende and pisikal na klase o face to face class sa mga

pampubliko at pribadong paaralan dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19. Ang nasabing

pandemya ay naging daan sa pagpapatupad ng modular distance learning o malayuang

anyo ng edukasyon sa pamamagitan ng modyul bilang isang madaliang tugon upang

matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon, Dangle & Sumaoang (2020). Ayon kina Denisova,

A.O & Lekhanova, O.L., et. al (2020), maraming bansa sa buong mundo ang lumipat sa

malayuang anyo ng edukasyon o distance learning dahil sa pandemya. Ayon kay Holmberg

(2020) sa kanyang teoritikal na pamamaraan, ang malayuang anyo ng edukasyon o distance


xii

education ay isang konsepto na sumasaklaw sa domeyn ng kaalaman at pagtuturong mga

gawain ng isang mag-aaral.

Ang Pilipinas ay nasa proseso ng pagpapatupad ng new normal form of education o

makabagong normal na anyo ng edukasyon sa panahon ng pandemya, at ang tuloy-tuloy na

mga makabagong ideya ng mga guro at aktibong paglahok ng iba pang mga “stakeholder ”

na siyang naging daan para sa tagumpay nito. Para sa tuloy-tuloy na edukasyon at upang

maipatupad pa rin ng mga paaralan ang kanilang misyon at bisyon na kung saan ay ang

pagbibigay ng magandang kalidad ng edukasyon sa lahat ng mga Pilipinong mag-aaral,

ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang Modyular na pag-aaral sa Distansya (Tria,

2020).

Ayon kay Gedorio (2021), ang edukasyon sa new normal ay nagbibigay hamon sa

mga guro upang maihatid ang kalidad na pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang paglipat tungo

sa mga bagong modalities ng new normal na magbibigay daan tungo sa epektibo at

mahusay na kaalaman ay nakakabahala sa mga guro at mag-aaral dahil hindi sanay ang

mga ito sa paggamit. Ang panibagong kasanayan ang kinakailangan upang mahasa ang

sarili sa mga learning modalities tulad ng modular distance learning.

Ang modyular na pag-aaral ay ang pinakatanyag na pag-aaral sa distansya.

Sa Pilipinas, ang pagkatuto sa ganitong modalidad ay kasalukuyang ginagamit ng lahat ng

pampublikong paaralan dahil ayon sa isang survey na isinagawa ng Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd), bilang pagsunod din sa inilabas na kautusan ng DepEd, ang DepEd

Order No. 032 s. 2020, titled “Guidelines on the Engagement of Services of Leraning

Support Aides to Reinforce the implementation of the Basic Education Learning Continuity

Plan. Ang pag-aaral sa pamamagitan ng nakalimbag at digital na mga modyul ay umusbong

bilang pinaka-ginustong pamamaraan ng pag-aaral ng distansya ng mga magulang na may

anak na nakatala sa akademekong ito ng taon (Bernardo, J., 2020). Ito rin ay isinaalang-

alang ang mga lugar sa kanayunan kung saan wala ang internet naa-access para sa online
xiii

na pag-aaral. Ang modular distance learning modality ay naayon sa ipinalabas na Deped

Order 12 s 2020 o Basic Education Learing Continuity Plan (BE-LCP) – in the time of

Corona Virus Disease at ito ay naglalayong matugunan ang pangangailangan ng edukasyon

sa gitna ng pandemyang dala ng COVID-19 at tiyaking maihatid ang kalidad na edukasyon

sa mga mag-aaral. Ang modular distance learning ay nagsasangkot ng indibidwal na

tagubilin na nagbibigay-daan sa mga nag-aaral na gumamit ng mga Self- Learning Modules

(SLM) sa naka-print o digital na format, alinman ang naaangkop sa konteksto ng natututo, at

iba pang mga mapagkukunan sa pag-aaral tulad ng mga materyales ng mag-aaral, mga

libro, mga aktibidad, gabay sa pag-aaral, at iba pang mga materyal sa pag-aaral.

Ayon sa Flip Science (2020), dahil ang edukasyon ay hindi na isinasagawa sa

paaralan, ang mga magulang ang nagsisilbing katulong ng mga guro sa pagpapatupad ng

kaalaman. Ang mga magulang ay may mahalagang papel na ginagampanan sa tahanan

bilang ikalawang guro at fasiliteytor ng kaalaman sa kaalamang modular. Ayon kina Wright,

Shields, et. Al. (2018), malaki ang naitutulong ng pakikisangkot ng mga magulang sa

akademikong kaunlaran ng kanilang mga anak pagdating sa pag-aaral. Ang kaalamang

modyular ay umiingganyo sa mga mag-aaral na matuto nang mag-isa. Subalit iilan sa mga

magulang ay hindi nakapag-aral kaya naman hindi nila masyadong mapalawak o

mapapalalim pa ang pagpapaliwanag o pagtuturo sa kanilang mga mga anak. Dahil dito,

hindi rin masyadong naiintindihan ng mga mag-aaral ang leksyon kaya hindi rin sila

makasagot ng tama sa kanilang mga modyul na sinasagutan. Ang mga mag-aaral ay

nahihirapan ding makakonekta sa mga bagong leksyon na mababasa lamang nila sa

kanilang mga self-learning module o SLM. Bagamat may mga interes ang mga mag-aaral sa

kanilang leksyon, Jones (1999), ngunit taliwas kina Kreuger at Brenda (1999) na kung saan

ay makatutulong daw nang malaki ang pagtuturo o “tutoring” para sa akademikong

kaunlaran ng mga mag-aaral. Ang ideyang ito ay sinang-ayunan naman ni Palmquist (2000)

na kung saan, ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng tulong at gabay mula sa mga

magulang upang mas matutunan pa ang leksyon lalong-lalo na pagdating sa modular


xiv

distance learning. Kung posible, ang guro ay dapat gumawa ng mga pagbisita sa bahay sa

ng mga mag-aaral na nangangailangan ng remedyo o tulong Llego, M.A, (2020). Ang mga

naka-print na Modyul ay ihahatid sa mga mag-aaral, magulang o tagapag-alaga o sa

pamamagitan ng mga Opisyal ng Pamahalaang Lokal.

Bunga nito, nakaisip ang isa sa mga pampublikong paaralan sa Zamboanga Sibugay

ng mga school based intervention programs gaya ng Proyektong Bisita at hatid-sundo

project bilang mga interbensyon ng mga guro upang tulungan ang mga mag-aaral na

makakonekta at makaintindi sa kanilang mga bagong leksyon tungo sa kanilang

akademikong kaunlaran. Ang pagbisita sa bahay sa mga mag-aaral ay isang pangunahing

paraan ng paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya,

Drummond, Weir, et. al. (2002). Ang mga guro ay bumubisita sa mga tahanan o sa mga

kalapit na barangay upang makipag-ugnayan sa mga opisyales ng nasabing barangay para

makipagkita sa mga mag-aaral nang sa gayon ay maturuan ng mga guro ang mga

estudyanteng nahihirapan sa pag-intindi sa kanilang leksiyon na mababasa sa module .Ayon

naman kay Gomby (1999), ang programang home visitation ay mas malaking naitutulong sa

tagumpay sa pagpapatupad ng modular distance learning. Ayon naman kay Swchuk (2011),

mas nakikilahok ang mga magulang sa akademikong kaunlaran ng kanilang mga anak kung

sa palagay nila ay mayroon silang katulong sa pagtuturo sa kanilang mga anak at ito ay ang

mga guro. Samantalang ang hatid-sundo project naman ay tumutukoy sa pagahahatid at

pagkukuha ng mga guro ng mga Self Learning Modules SLMs sa mga tahanan ng mga

mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri at maibalweyt ang mga

karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-based Intervention Program in the New

Normal. Labing limang guro, limang school heads at limang mga magulang ang siyang

gagawing respondente sa gagawing pag-aaral. Ang nasabing pag-aaral ay gagawin sa isa

mga pampublikong paaralan sa Zamboanga Sibugay. Ang nasabing pag-aaral ay gagawin

sa taong-panuruan 2020-2021.
xv

Perspektibo ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay dalampu’t walong taong gulang at kasalukuyang nakatira sa

Purok 1 Sulo, Naga, Zamboanga Sibugay. Siya ay anak ni Gng. Norma Aroza. Noong ika-22

ng Agosto 2020, siya ay ikinasal kay G. Ruel M. Cuanan na anak nina G. Cirilo Cuanan Sr.

at Gng. Rocie Cuanan. Sa edad na dalawampu’t tatlo, ipinanganak niya ang kanilang

prinsesa na si Ruella Rozzhainne A. Cuanan.

Ang kasalukuyang mananaliksik ay isang guro sa Sisay National High School, Sisay

Tungawan Zamboanga Sibugay at kasalukuyang adbayser sa ikasampung baytang seksyon

Bonifacio. Nagtuturo rin siya ng asignaturang Filipino 8 at Filipino 10 at sa Senior High

School sa asignaturang P.E. and Health. Siya ay isang School Information Coordinator
xvi

(SIC), Filipino Journalism Adviser at ICT Coordinator sa Grade 10. Isa rin siyang Public

Information Officer (P.I.O.) sa samahan ng mga guro sa kanilang paaralan.

Siya rin ay nakapagtapos ng Batsiyer ng Edukasyon medjor sa Filipino sa Western

Mindanao State University Ipil External Studies Unit sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Siya rin

kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa St. Columban College, Pagdian City.

Isa sa mga nakapukaw sa interes ng mananaliks ay ang proyektong ipinapatupad ng

kanilang paaralan sa panahon ng malayuang anyo ng karunungan sa pamamagitan ng

modyul o modular distance learning. Nais niyang masuri at ma-ebalweyt ang Proyektong

Bisita bilang interbensyon ng mga guro sa Sisay National High School sa taong-panuruan,

2020-2021.

Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa teoryang Constructivism sapagkat ito ay

maaaring makita sa sikolohiyang pang-edukasyon sa gawain ni Jean Piaget

(1896–1980) .Nakatuon si Piaget sa kung paano nagkakaroon ng kahulugan ang mga tao

kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kanilang mga karanasan at kanilang mga

ideya. Iginiit at ipinaliwanag niya na bilang guro, na nakatagpo ng isang karanasan o isang

sitwasyon na sumasalungat sa aming kasalukuyang paraan ng pag-iisip, isang estado ng

ilquilibrium o kawalan ng timbang ay nilikha. Pagkatapos ay dapat nating baguhin ang ating

pag-iisip upang maibalik ang balance upang pag-uugnay nito sa kasalukuyang kaalaman.
xvii

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maebalweyt at masuri ang mga karanasan ng

mga guro sa Filipino sa School-based Intervention Program in the New Normal. Ang

nasabing pagdalumat ay isang Qualitative one case shot Research Design dahil ang papel

ay naglalayong ilarawan ng mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-based

intervention program in the New Normal at upang makakuha ng mga datos na

makabuluhang magagamit sa nasabing pagdalumat. Ginamit din ito sa pagbibigay ng

interpretasyon sa mga resultang nabuo.

Paglalahad ng Suliranin((revise ur SOP.. make sure it is qualitative format-base sa minutes)

look for 3 areas.

Layunin ng pag-aaral na ito na magsiyasat at magsuri sa mga karanasan ng mga

guro sa Filipino sa School-based Intervention Program in the New Normal. Naglalayon rin

itong masagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga school-based intervention program in the New Normal?

2. Ano-ano ang mga hamong karanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng school-based

intervention program?

2.1 Paghahatid o pagbibigay sa mga modyul

2.2 Pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at magulang

2.3 Pagpapaintindi sa mga mag-aaral sa kanilang leksyon modyul

3. Ano-anong paraan ang ginawa ng guro upang matugunan ang mga hamon na kinaharap

nila?

4. Batay sa resulta, anong mga implikasyon ang maaaring makuha mula sa pag-aaral?
xviii

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Titiyakin sa pag-aaral na ito ang pagsusuri at pagsisiyasat sa mga karanasan ng

mga guro sa Filipino sa School-based Intervention Program in the New Normal sa taong

panuruan 2020-2021.

Paksa. Ang pag-aaral an ito ay nakatuon sa mga karanasan ng mga guro sa Filipino

sa School-Based Intervention Program in the New Normal.(ALISIN ANG PAKSA-BASE SA

RECOMMNDATION)

Partisipante. Ang mga partisipante ng pag-aaral na ito ay labing limang mga guro,

limang school heads at limang mga magulang.(dugange ug edad dw ma'am.. Base sa

chpter 4..bhala nla bracketing.. Same sa nhatag nko na sample nmo.. Tung g SS nko na

picture)

Panahon ng Pananaliksik at Timeline. Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa ,

Divison ng Zamboanga Sibugay na gumagamit ng modular learning sa paghahatid ng

pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa taong panuruan 2020

– 2021.

Disenyo ng pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang Qualitative one case shot Research

Design dahil ang papel ay naglalayong ilarawan ng mga karanasan sa pagsulat, ang mga

hamong nakita at ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-based intervention

program in the New Normal.

Instrumento ng pananaliksik. Isang interview guide na katanungan na naipabalideyt sa

mga eksperto sa qualitatibong paraan ng pananaliksik ang ginamit upang makuha ang mga

datos ng pag-aaral sa karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-based Intervention

Program in the New Normal.

Kahalagahan ng Pag-aaral
xix

Ang pag-aral na ito ay makatutulong nang malaki sa mga sumusunod:

Administrasyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas mapapaunlad pa ang ang

kabisahaan ng mga school-based intervention program at mabibigyang solusyon kung ano

mang kahinaan ang nakita ukol sa mga programang ito.

Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay matutulungan nang malaki ng pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng pag-iingganyo sa kanila na mag-aral nang Mabuti at pahalagahan ang mga

nasabing school-based intervention programs.

Guro. Dahil ang mga guro ang siyang tulay upang maisagawa ang mga school-

based intervention program, makatutulong ito sa kanila nang malaki upang mas maging

epektibong guro sa sila sa panahon ng pandemya at upang mas mapaunlad pa nila ang

pagappatupad sa mga nasabing school-based intervention programs.

Katuturan ng Pangunahing Katawagan

Covid-19 pandemic. Ang sakunang kinakaharap ng buong mundo. Nagsimula ang

pandemyang ito noong taong 2019 hanggang sa kasalukuyan. Ginamit ang salitang ito sa

pag-aaral upang ipaunawa ang kasalukuyang kinakaharap ng mga mag-aaral.

Distance Education. Ito ay mas kilala sa malayuang anyo ng edukasyon at isa sa

mga sistemang ginamit ngayon ng ahensya ng edukasyon. Ginamit ito sa pag-aaral upang

mas maipaunawa ang makabagong anyo ng pagkatuto.

Distance Learning. Ang pagtuturo ng guro sa mga mag-aaral na malayo sa isa ’t isa

na ginagamitan ng libro, module, mobile o selpon, laptop at kompyuter. Ginamit ito sa

pagdalumat upang maging gabay ng mga mambabasa.

Home Visitation. Ang pagdalaw o pangungumusta ng mga guro sa mga mag-aaral sa

kanilang tahanan. Nagsisilbing isa sa mga interbensyon ng guro upang malaman ang

kalagayan ng mga bata patungkol sa kanilang aralin.


xx

Karanasan ng mga guro. Hamong naranasan. Ito ay tumutukoy sa nakitang

paghahamon o pagsubok mula sa karanasan ng mga gurong-manunulat at paano nila ito

nalampasan sa pamamagitan ng kanilang lakas ng loob at tiwala sa sarili.

Modular Distance Learning. Ang paraan upang maipapatupad ang distance

education. Ang mga mag-aaral ay sasagot sa modyul upang masukat ang kanilang

kaalaman sa leksiyon. Ginamit ito sa pagdalumat upang mailarawan ang paraan ng

makabagong anyo ng pagkatuto.

New Normal Education. Ang bagong Sistema ng edukasyon sa panahon ng

pandemya. Ang salitang ito ay ginamit sa pagdalumat bilang gabay kung ano ang naging

sanhi ng pagkakaroon ng pandemya.

Pagdalumat. Ito ay mas kilala sa ibang katawagan; pag-aaral o pananaliksik. Ginamit

sa pagdalumat ang salitang ito upang magkaroon ng iba pang katawagan ng pag-aaral ang

mananaliksik at upang malimitahan ang paulit ulit na pagbanggit ng salitang pag-aaral.

Self-Learning Module (SLM). Ang nakaprintang mga aralin. Gabay ng mga mag-aaral

sa kanilang paksa o leksiyon kung saan dito masusukat ang kanilang kaalaman. Ginamit ito

sa pag-aaral bilang isa mga daan upang masubaybayan ng mga guro ang pagkatuto ng

mga mag-aaral sa panahon ng New Normal Education.

School-Based Intervention Program in the New Normal. Ang mga programa ng

paaralan. Nagbibigay tulong ito sa mga mag-aaral upang mas mappaunlad pa ang kanilang

akademikong kaunlaran lalo na sa makabagong anyo ng edukasyon. Nagbibigay tugon rin

ito sa mga mag-aaral na nahihirapan sa klase.

Istruktura ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng tatlong kabanata.


xxi

Ang kabanata 1 ay naglalaman ng Intoduksyon, perspektibo ng mananaliksik,

konseptwal na balangkas, paglalahad ng suliranin, saklaw at limitasyon ng pag-aaral,

disenyo , lugar, paksa, partisipante at kahalagahan ng pag-aaral, katuturan ng pangunahing

katawagan, istruktura ng pag-aaral.

Ang kabanata 2 ay ang mga Kaugnay na Literatura. Dito mababasa ang mga

literaturang may kaugnayan sa pag-aaral.

Ang kabanata 3 naman ay ang Metodo ng pag-aaral. Makikita din dito ang mga

pamamaraang ginamit gaya ng mga pamamaraang ginamit gaya ng disenyo ng pag-aaral,

lugar, partisipante, instrumentong ginamit, mga pamamaraan sa pagtipon ng mga datos,

pag-aanalisa ng mga Datos at mga isinaalang-alang na etika upang higit na maunawaan

ng mga mambabasa.

Kabanata 4. Nakapaloob dito ang paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga

datos. Inilalahad ang mga datos na nakolekta. Sinuri ang kahalagahan nito. Ininterpreta ang

mga datos ayon sa mga datos na nakolekta.

Kabanata 5. Makikita rito ang buod ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon.

Inilahad ang buod ng natuklasan. Ibinigay ang konklusyon at ang rekomendasyon batay sa

mga katanungan.

Kabanata 2
xxii

Kaugnay na Pag-aaral(base sa minutes follow dw tung SIDE HEADINGs: 1. New normal

educ. 2. School based intervention program in the new normal. 3 . Experiences pf the

teachers in the school based intervntion program) -DISCUSS the intrvntion in the new

normal-minutes gikan)

Ipinapakita ng kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-

aaral tungkol sa mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa school-based intervention

program in the New Normal.

Karanasan ng mga guro sa Filipino sa school-based intervention program in the New Normal

Ang modyular na pag-aaral ay ang pinakatanyag na pag-aaral sa distansya. Sa

Pilipinas, ang pagkatuto sa ganitong modalidad ay kasalukuyang ginagamit ng lahat ng

pampublikong paaralan dahil ayon sa isang survey na isinagawa ng Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd), bilang pagsunod din sa inilabas na kautusan ng DepEd, ang DepEd

Order No. 032 s. 2020, titled “Guidelines on the Engagement of Services of Leraning

Support Aides to Reinforce the implementation of the Basic Education Learning Continuity

Plan. Ang pag-aaral sa pamamagitan ng nakalimbag at digital na mga modyul ay umusbong

bilang pinaka-ginustong pamamaraan ng pag-aaral ng distansya ng mga magulang na may

anak na nakatala sa akademekong ito ng taon (Bernardo, J., 2020). Ito rin ay isinaalang-

alang ang mga lugar sa kanayunan kung saan wala ang internet naa-access para sa online

na pag-aaral. Ayon kay Gedorio (2021), ang edukasyon sa new normal ay nagbibigay

hamon sa mga guro upang maihatid ang kalidad na pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang

paglipat tungo sa mga bagong modalities ng new normal na magbibigay daan tungo sa

epektibo at mahusay na kaalaman ay nakakabahala sa mga guro at mag-aaral dahil hindi

sanay ang mga ito sa paggamit. Ang panibagong kasanayan ang kinakailangan upang

mahasa ang sarili sa mga learning modalities tulad ng modular distance learning. Ang

pagbaba ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa klase ay isang isyung may

kaugnayan sa anyo ng edukasyong dulot ng pandemya, Inga at Rolfsman (2020). Ayon sa


xxiii

komisyuner na si Richard Mills (2006) ang mga mag-aaral na mahina sa klase ay

nangangailangan ng gabay o interbensyon tungo sa kanilang akdemikong kaunlaran.

Ayon sa Flip Science (2020), dahil ang edukasyon ay hindi na isinasagawa sa paaralan, ang

mga magulang ang nagsisilbing katulong ng mga guro sa pagpapatupad ng kaalaman. Ang

mga magulang ay may mahalagang papel na ginagampanan sa tahanan bilang ikalawang

guro at fasiliteytor ng kaalaman sa kaalamang modular. Ayon kina Wright, Shields, et. Al.

(2018), malaki ang naitutulong ng pakikisangkot ng mga magulang sa akademikong

kaunlaran ng kanilang mga anak pagdating sa pag-aaral. Ang kaalamang modyular ay

umiingganyo sa mga mag-aaral na matuto nang mag-isa. Ayon kay Wal (2020), ang

epektibong kolaborasyon ng mga guro at magulang ay naging pinakamahalaga sa pagtamo

sa mga pangunahning pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na ngayong wala pang face

to face class. Ang kolaborasyong ito ay binubuo ng mga magulang, pamilya at mga guro na

nagtutulungan bilang isang istratehiya upang masuportahan ang akademikong pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang nasabing kolaborasyon ay nangangailangan ng responsibilidad sa

bawat panig upang maabot ang inaasahang pag-unlad ng mg mag-aaral. Lumabas sa mga

pag-aaral na ang mga magulang ay malaking positibong ugnayan sa pakakaroon ng

akademikong tagumpay ng mga mag-aaral. Nagpapatunay lamang ito na malaking ang

maitutulong ng kolaborasyon ng mga guro at magulang sa akademikong pag-unlad ng mga

mag-aaral. Ang pahayag ni Wal ay sinang-ayonan naman ni Landeros (2011) na kung saan

ang ugnayan ng mga guro at magulang mayroon malaking epekto sa pagtamo ng tagumpay

ng mga mag-aaral. Ang uganyang ito ay itinuturing na pinakamahalagang salik para sa

edukasyong tagumpay ng mga mag-aaral. Ayon naman kina Dawson at Wymbs (2016), Ang

tagumpay sa paaralan ay mahalaga para sa pag-unlad ng tagumpay sa buhay ng mga mag-

aaral sa hinaharap. Ang ugnayan ng mga guro at magulang ay lubos na nakapokus sa pag-

uugali, kolaborasyon at alansya sa pagitan ng mga guro at magulang. Sa pangkalahatan,

kung ang magulang ay nakikilahok sa edukayson ng kanilang mga anak, sa bahay man o sa
xxiv

paaralan, ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng mataas na lebel ng emosyonal, sosyal at

behaybyur na adjustment, Hughes at Kwok (2007).

Subalit iilan sa mga magulang ay hindi nakapag-aral kaya naman hindi nila

masyadong mapalawak o mapapalalim pa ang pagpapaliwanag o pagtuturo sa kanilang

mga mga anak. Dahil dito, hindi rin masyadong naiintindihan ng mga mag-aaral ang leksyon

kaya hindi rin sila makasagot ng tama sa kanilang mga modyul na sinasagutan. Ang mga

mag-aaral ay nahihirapan ding makakonekta sa mga bagong leksyon na mababasa lamang

nila sa kanilang mga self-learning module o SLM. Bagamat may mga interes ang mga mag-

aaral sa kanilang leksyon, Jones (1999), ngunit taliwas kina Kreuger at Brenda (1999) na

kung saan ay makatutulong daw nang malaki ang pagtuturo o “tutoring” para sa

akademikong kaunlaran ng mga mag-aaral. Ang ideyang ito ay sinang-ayunan naman ni

Palmquist (2000) na kung saan, ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng tulong at gabay

mula sa mga magulang upang mas matutunan pa ang leksyon lalong-lalo na pagdating sa

modular distance learning. Kung posible, ang guro ay dapat gumawa ng mga pagbisita sa

bahay sa ng mga mag-aaral na nangangailangan ng remedyo o tulong Llego, M.A, (2020).

Ang mga naka-print na Modyul ay ihahatid sa mga mag-aaral, magulang o tagapag-alaga o

sa pamamagitan ng mga Opisyal ng Pamahalaang Lokal. Ayon naman kay Walker (2008),

ang isang epektibong guro ay ang taong kayang tulungan ang mga mag-aaral na natuto.

Hindi sila nag-aatas ng limit para sa mga mag-aaral dahil naniniwala sila sa bawat potensyal

ng mag mag-aaral na matuto. Sa pamamagitan ng palaging pagsusubok, pag-ingganyo at

suporta sa mga mag-aaral, ang mga gurong ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na

maniwala sa sarili, maramdamang sila ay bahagi at mamakit ang kanislang inaasahang

tagumpay. Siya ay may pagmamahal at malasakit para sa kanyang mga mag-aaral. Lagi

niyang tinitingnan ang mga ikabubuti ng kanyang mga estudyante at higit sa lahat ang

kanilang magandang kinabukasan. Ang isang epektibong guro ay mapagmahal, pursigo,

masigasig, pasensyuso at posibo sa anumang hamon sa buhay. Siya rin ay maranong

sumabay sa agos ng buhay, Walker (2008). Ang hamon ng panahon ay hindi mapapipigilan

o mahuhulaan kaya naman kailangan nating matutong makibagay.


xxv

Ayon kay Ayon kina Loayza and Pennings (2020), labis na nakaapekto ang

pandemya sa pinasyal na badgeyt ng edukasyon. Nagdulot ng subrang ekonomiyang

pagkagulat ang pandemyang Covid-19 na kung saan ay mas mataas pa kaysa noong

pinasyal na krisis na nangyari noong 2008 at 2009. Ang paglaganap ng virus ay nagdulot ng

mataas na halaga sa buhay tulad ng mga sistemang pampublikong pangkalusugan,

edukasyon at iba pa. Labis rin na naapektuhan ang sistema edukasyon na nagbigay sa mga

paaralan na magbigay o magsagawa ng mga iba’t ibang estratehiya o mga interbensyon sa

paaralan, Gedorio (2021). Ayon naman kay Volkmar (2013), ang mga school-based

intervention program ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng suportang kinakailangan upang

makamit ang kakayahang itinuturo sa Sistema ng edukasyon at dapat matugunan ang mga

kakayahang kinakailangan, akademiko, kognitib, beheybyural at sosyal na mga kasanayan

na direktang makakaapekto sa kakayahang makaakses sa edukasyon ng isang mag-aaral.

Ang mga nasabing interbensyon ay kailangang nakapokus sa mga kasanayang

kinakailangan ng isang mag-aaral upang magbunga ng mga matagumpay na resulta. Ang

mga mag-aaral na kademikong nahihirapan ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng

pagtutyutor upang maging bihasa sa klase. Kailangan rin ng mga mag-aaral ng mga pabuya

at suporta para kanialng akademikong kaunlaran. Suportang sosyal at emosyunal naman

ang isang uri na kung saan ang pagkakaroon kakayahang komunekta sa kapwa sa panahon

ng pandemya. Ang ideyang ito ay sinuportahan naman ni Kakuchi(2021). Isa sa mga

komponents na nakakatutulong sa mga mag-aaral na matamo ang akademikong kaunlaran

ay ang motibasyon, Vitali (2015). Ang pagbibigay kahulugan sa motibasyon ay isang

subhektibo, Giovannini at Savoia (2002). Maaaring internal o eksternal na uri ang

motibasyon na kung saan ay nagbibigay ingganyo sa mga mag-aaral na baguhin o mabago

ang kanilang asal at pananaw sa pag-aaral lalong lalo na sa modular distance learning,

Santoso, Amin, et. al, (2007). Ayon kina Ryan at Deci (2000), Ang mahihinuha ang internal

na motibasyon bilang isang saykolohikal na baryabol. Samantalang ang ekternal na

motibasyon naman ayon kina Chandler at Connell (1987) ay mula sa gabay at payo ng mga

magulang kabilang na ang pagbibigay gantimpala sa mag-aaral.


xxvi

Ang pagbisita sa bahay sa mga mag-aaral ay isang pangunahing paraan ng

paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya, Drummond, Weir, et.

al. (2002). Sa buong mundo, ang panahon ng pandemya at sapilitang paglalayo sa sarili sa

iba ay nagbunga ng bagong panlipunan at sikolohikal na phenomena, ang mga kalamangan

at paghihirap na hindi karaniwan para sa mga taong nasa quarantine. Ang ilan sa mga

bansa sa buong mundo ay itinigil muna nila ang klase pansamantala upang maiwasan ang

pagkalat ng corona virus and malimitahan ang inpeksyong dulot nito, Tria,(2020) dahil ang

lahat ng mga tao ay may karapatang pangalagaan ang kanilang buhay lalong lalo na sa

Pilipinas, ito ay kinilala ng 1987 Kontistusyon ng Pilipinas sa ilalim ng Artikulo 11, Seksyon

11 at Artikulo 3, Seksyon 1. May karapatan ang mga guro na pangalagaan at panalitilihin

ang kanilang kaligtasan at maging kapayapaan sa sarili.

Sinang-ayunan naman ni Usec Pascua sina Dangle at Sumaoang sa kanyang

interbyu sa ABS-CBN na kung walang pisikal na klase o face to face class ay kailangang

ibahin ang pamamaraan upang maipatupad ang pangunahing edukasyon sa mga mag-

aaral, Al Bawaba (2021). Dagdag pa niya, kailangan ding maturuan sa kahit papaanong

paraan ang mga kabataan. Gusto naman na makagawa ng konkretong hakbang si

Gatchalian sa pagpapatuloy ng edukasyon habang sinisiguro ang siguridad ng ating mga

mag-aaral, mga guro at mga kawani sa paaralan sa panahon ng pandemya, Al Bawaba

(2020). Layunin naming nasa komite na mapalakas at masiguro ang sistema ng edukasyon

sa panahon ng pandemya at upang walang mga mag-aaral ang maiiwan, dagdag ni

Gatchalian.

Sa kabila ng mga sakunang pinagdaanan noong 2020 pagdating ng pandemyang

coronavirus o Covid-19, karamihan sa bahagi ng sistemang pang-edukasyon sa mundo ay

napilitang gumamit ng malayong anyo ng edukasyon o distance education. Ang mga

naturang pagababago ay naging sapilitang hakbang para mabuksan ang tinatawag na “new

normal education” na kung saan, ang paaralan ay sapilitang nagpatupad ng malayong anyo

ng edukasyon o distance education. Ang paglipat sa makabagong anyo ng edukasyon ay


xxvii

nangyari sa loob lamang ng isang maikling panahon na walang kaukulang paghahanda para

sa mga guro at maging sa mga mag-aaral, Puchareva at Rusinova (2011). Ginamit ng

Departamento ng Edukasyon ang malayung anyo ng edukasyon o distance education para

ipagpatuloy ang edukasyon sa Pilipinas. Ang mga guro sa malayuang anyo ng edukasyon

ay pinapayagang makapag-akses sa mga kakailanganin sa pagapatupad nito gaya ng self -

learning modules o SLM, Gilroy, Long et. al (2001). Ayon kay Panchabakesan (2011),

maraming di magandang dulot ang malayuang anyo ng edukasyon o distance education

gaya na lamang nang kailangang pagsabayin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa

trabaho o mga gawaing bahay. Hindi agad makabibigay ng puna o pedbak ang mga guro

sa mga pagganap na pag-aaral o learning performance nila. Nakapagdudulot din ng pag-iisa

o self-isolation sapagkat kadalasan ang mga mag-aaral ang siyang mag-aaral nang mag-isa,

kaibahan sa loob ng klase. Hindi rin gaanong maibibigay ng mag-aaral ang kanilang buong

pokus sa pag-aaral dahil sa kawalan ng interaction at motibasyon sa pagitan ng guro, mag-

aaral at mga kapwa mag-aaral. Mahihinuha ang akademikong resulta ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng kanilang pagsisikap at maraming mga mag-aaral ang naglalahad ng

nakakaalarmang maliit na oras sa regular na pag-aaral, Babcock at Marks (2011). Sa kabila

ng malinaw na positibong asosasyon sa pagitan ng oaras sap ag-aaral at akademikong

resulta, Brint at Cantwell (2010) at Stinebrickner (2008). Ayon naman kina Pope at Paterson

(2018), ang kakulangan sa oras ay isa sa mga rasons sa pagkakaroon ng mababang oras

sa pag-aaral.

Sinabi ni Quinones (2020), ang malayuang anyo ng edukasyon ay tumutukoy sa

isang modalidad ng paghahatid ng pag-aaral na kung saan, ang pag-aaral ay nagaganap sa

pagitan ng guro at ng mga mag-aaral na malayo sa isa’t isa. Ang nasabing modalidad ay

may tatlong uri: Modular Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL) and

TV/Radio Based Instruction. Sang-ayon naman kay Alexandria (2016), ang modular na

anyo ng kaalaman ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng self learning module o SLM na

siyang sasagutan nila. Ang mga nakalimbag na SLM ay naging mas pinakaangkop na
xxviii

gagamiting kasangkapan para sa malayuang anyo ng edukasyon o distance learning na

inihanda ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa Pilipinas, Mena Report (2020).

Nabanggit nina Tohidi at Hossein (2019), upang mas mapatupad pa ang distance education,

ang Departamento ng Edukasyon sa Pilipinas ay dapat magpamudmud ng mga Self

Learning Modules (SLM) na siyang papasagutan sa mga mag-aaral sa ilalim ng distance

education. Ang self-learning module (SLM) ay dinisenyo para sa indibidwal na pagkatuto.

Ang pag-aaral sa mga karanasan ng mga guro sa school-based intervention program

ay nakaangkla sa teoryang Constructivism sapagkat ito ay maaaring makita sa sikolohiyang

pang-edukasyon sa gawain ni Jean Piaget (1896–1980) .Nakatuon si Piaget sa kung paano

nagkakaroon ng kahulugan ang mga tao kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng

kanilang mga karanasan at kanilang mga ideya. Iginiit at ipinaliwanag niya na bilang guro,

na nakatagpo ng isang karanasan o isang sitwasyon na sumasalungat sa aming

kasalukuyang paraan ng pag-iisip, isang estado ng ilquilibrium o kawalan ng timbang ay

nilikha. Pagkatapos ay dapat nating baguhin ang ating pag-iisip upang maibalik ang balance

upang pag-uugnay nito sa kasalukuyang kaalaman.

Nagbibigay rin ito sa mga guro ng istraktura sa pagtuturo. Sinang-ayonan naman ito

nina Hirtle & Pierre (1996) na ang constructivismong sosyal ay nagbibigay ng demokratiko at

kritikal na karanasan at kaalaman sa mga mag-aaral.

Mahalagang makaisip ang mga paaralang nasa ilalim ng malayuang anyo ng

pagkatuto ng mga interbensyon na siyang mapapalakas o mapapaunlad sa akademikong

kaalaman ng mga mag-aaral.

Modyular na Pagkatuto

Upang mapaunlad at mapagyaman ang pagtuturo sa paaralan, nagbibigay ang

gobyerno ng mga materyales sa pagtuturo upang mapalalim at mailapit ang mga talakayan
xxix

sa silid aralan sa mabisang pagtuturo at pag-aaral. Isa sa mga pagpapaandar na ginamit sa

modyul. Nagpapahiwatig ng isang blog na nilikha ni (Noel R. Duran w.p.), isang Master

Teacher, na ang modyul na ito ay isang serye ng maayos na istrukturang mga aktibidad sa

pag-aaral na may mga karagdagang kurso para sa mga tiyak na layunin, pagpapahalaga at

sangguniang mga pagsubok, na makakatulong sa mga guro at mag-aaral na magkaroon ng

maayos at masigasig na talakayan.

Nagsasangkot ng indibidwal na pagtuturo na nagpapahintulot sa mga nag-aaral na

gumamit ng mga self-Learning module (SLM) sa naka-print o digital na format /

elektronikong kopya, alinman ang naaangkop sa konteksto ng natututo, at iba pang mga

mapagkukunan sa pag-aaral tulad ng mga kagamitan ng mag-aaral, mga libro, activity

sheet, gabay sa pag-aaral at iba pang mga materyales sa pag-aaral. Ina-access ng mga

nag-aaral ang mga elektronikong kopya ng mga materyales sa pag-aaral sa isang computer,

tablet PC, o smartphone. Ang mga CD, DVD, USB storage at mga application na nakabatay

sa kompyuter ay maaaring magamit upang maghatid ng mga materyales sa e-learning,

kabilang ang mga offline na E-book. Tungkulin ng guro ang pagsubaybay sa pag-unlad ng

mga nag-aaral. Ang mga mag-aaral ay maaaring humingi ng tulong mula sa guro sa

pamamagitan ng e-mail, telepono, text message / instant na pagmemensahe, atbp. Kung

posible, ang guro ay dapat na bumisita sa bahay sa mga nag-aaral na nangangailangan ng

remedyo o tulong. Ang sinumang miyembro ng pamilya o ibang stakeholder sa pamayanan

ay kailangang maglingkod bilang para-teacher (M. A. Llego 2020)

Inilarawan nina Nepomuceno at Balderas (2016) ang modyul bilang, kilalang

kasanayan o hanay ng mga kasanayan o kinalabasan na iba sa mga kasanayan. Ito ay

medyo maikli upang magawa ng mga mag-aaral na gamitin ang kanilang pag-aaral nang

mahusay. Mahalaga bilang pagtuturo sa sarili, kahit na maaari nitong hikayatin ang

pagtutuon ng grupo. Pinagsasama nito ang teorya at kasanayan, at pinagsasama ang

paggawa sa pagbabasa at muling pagsasalamin. Nagbibigay ito ng isang listahan ng mga

karagdagang pagbabasa o mapagkukunan na nauugnay sa isinulong na kasanayan.


xxx

Nagbibigay ito ng mga mungkahi sa mga mag-aaral para sa pakikilahok sa disenyo ng

kanilang sariling mga proyekto, nagpapaliwanag na gawain, at pamantayan sa pagsusuri. Ito

ay nakatuon sa katotohanan sa diwa na isinasangkutan nito ang mga mag-aaral sa totoong

sitwasyon kung hindi posible, sinusubukang gumamit ng istrateheyang pang-stimulate.

Nagbibigay ito ng feedback para sa pagpapabuti at muling pagdidisenyo. Sa mga

katangiang ito, binanggit niya ang mga sumusunod na dahilan kung bakit kailangan ang mga

module sa pagtuturo. Ang una ay ang pagpapaunlad ng awtonomiya, tiyakin ang kasiya-

siyang minimum na pamantayan, magbigay ng remedial units, magbigay ng pangunahing

edukasyon, mag-upgrade ng nilalaman, mapahusay ang mga kakayahan ng guro, pag-

iintegrate ng teorya at kasanayan, magsilbi para sa indibidwal na mga pagkakaiba sa pag-

aaral, magsilbi para sa iba't ibang mga grupo sa loob ng isang kurso, pagsamahin ang mga

kritikal na punto sa isang kurso, pangasiwaan ang sertipikasyong pang-industriya, magbigay

ng edukasyon na mapagkukunan ng tulong, humihikat ng pagiging bihasa sa isang paksa at

humihikayat ng isang pagbabagong papel para sa mga guro.

Ang modular na pagtuturo ay isa sa pinakalaganap at kinikilala ang mga estratehiya

sa pagtuturo at pagkatuto sa maraming mga bansa kabilang ang iba pang mga bansa sa

Kanluran at rehiyon ng Asya. Ang modular na pamamaraan ay ginagamit halos sa lahat ng

mga paksa tulad ng natural na agham, partikular sa biology at medikal na edukasyon at

maging sa mga agham panlipunan pati na rin sa computer na edukasyon. Manlove at (David

1985). Isinasaalang-alang nito ang mga indibidwal na pagkakaiba sa mga mag-aaral na

kinakailangan ang pagpaplano para sa pagtanggap ng pinakaangkop na mga estratehiya sa

pagtuturo upang matulungan ang indibidwal na lumago at umunlad sa kanya / kanyang

sariling bilis (Kandarp Sejpal 2013)

Tinukoy din niya ang module bilang isang nagbibigay ng pagkakataon sa pag-aayos

ng maraming mga pagkakasunud-sunod ng karanasan upang maipakita ang mga espesyal

na interes ng guro o mag-aaral. Ang self-instructional na yunit ay nabibigay pahintulot sa

mga guro na bigyang-tuon ang mga kakulangan ng mag-aaral sa paksa na dapat na


xxxi

naitama at magsilbi din upang alisin ang pangangailangan sa paksa na alam na ng mag-

aaral. Nagbibigay ito ng isang paraan ng pagtatasa sa pag-unlad ng mga mag-aaral sa pag-

aaral. Binabawasan nito ang mga paulit-ulit na aspeto ng ng pagtuturo. Ang guro ay

malayang makagagawa ng personal na pakikipag-ugnay sa mag-aaral. Ang

independiyenteng kalikasan ng mga yunit na nagtuturo sa sarili ay pinabibilis ang pag-

update ng mga kagamitan sa pag-aaral nang walang mga pangunahing pagbabago.

Nagsisilbing modelo ito para sa mga guro na nagnanais na bumuo ng kanilang sariling mga

kagamitan at iangkop ang kanilang sariling pagkatao.

Dahil ang modyular na pagtuturo ay isa sa pinakalaganap at kinikilalala ng

karamihan sa larangan ng edukasyon. Maging ang internasyunal na paaralan ay gumagamit

din nito kabilang ang ibang mga bansa sa Kanluranin at rehiyon ng Asya. Modular na

pamamaraan ang ginagamit halos sa lahat ng mga paksa tulad ng natural science, lalo na

sa biology at medikal na pag-aaral at maging sa mga agham panlipunan pati na rin sa

edukasyon sa computer. Nagkaroon din ng suliranin ang mga guro tulad ng kakulangan sa

mga kagamitang panturo. Sumailalim din sila sa ilang pagsasanay upang maging angkop

ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo gamit ang modyul. Nagkaroon din sila ng kalituhan

sa pormal na implementasyon ng pag-aaral sa paraang modyular. Ngunit sa kabila ng

kanilang pagsubok nagawan nila ng paraan upang ang modular na pamamaraan ay

nagbibigay ng higit na kakayahang umangkop sa distance mode ng pagtuturo pati na rin sa

mga nag-aaral (Sejpal, 2013).

Ang mga module ay ginagamit sa maraming mga bansa bilang isang paraan ng pag-

aayos ng isang kurikulum sa wika. Bilang isang bunga, maraming mga libro ng aralin ang

nakabalangkas ngayon batay sa "mga module" sa halip na "mga yunit". Ang konsepto ng

"modyul" ay mahigpit na naka-link sa ideya ng isang kakayahang umangkop na kurikulum sa

wika. (Taneja, 1989) tinukoy na ang module bilang isang yunit ng trabaho sa isang aralin ng

pagtuturo na halos nasa sarili at isang pamamaraan ng pagtuturo na batay sa konsepto ng

pagbuo ng mga kasanayan at kaalaman sa discrete. Ang isang module ay isang hanay ng
xxxii

mga oportunidad sa pag-aaral na naayos sa paligid ng isang mahusay na natukoy na paksa

na naglalaman ng mga elemento ng ordenasyong pagdidikta, mga kategorya na layunin,

pagbibigay-kaalaman ng mga aktibidad sa kognisyon, at pagsusuri na gumagamit ng

pamantayan (UNESCO, 1988).

School-based Intervention Program

Sa pamamagitan ng mga school-based intervention program naanbot at natutugunan

ng mga guro ang mag akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang guro ang

siyang mismong magtuturo sa mga mag-aaral sa kanilang leksiyon na mahirap intindihin o

nahihirapan sa pagsagot sa module. Sa pamamagitan ng interbensyong ito, maiiwasan ang

pagkalito at pagkabahala ng mga mag-aaral at mga magulang lalong-lalo na yaong mga

magulang na walang panahong magturo sa kanilang anak. At masisigurong may matutunan

ang mga bata at may tiyansang malaki ang makuha nilang puntos dahil dito.

Kabanata 3

Metodo ng Pag-aaral

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit gaya ng disenyo ng

pag-aaral, lugar, partisipante, instrumentong ginamit, mga pamamaraan sa pagtipon ng mga

datos, pag-aanalisa ng mga Datos at mga isinaalang-alang na etika upang higit na

maunawaan ng mga mambabasa.

Disenyo ng Pag-aaral

Ginamit sa pag-aaral na ang ito kwalitatibo, one case shot design. Ito ay isang uri ng

kwalitatibong pananaliksik na pinag-aaralan ang isang tao, kaganapan, institusyon, o


xxxiii

pamayanan. Tinangka nitong maunawaan ang pag-uugali at karanasan ng indibidwal (Ortiz,

2006). Ginamit ang pag-aaral na ito sa pag-alam sa karanasa ng mga guro sa Filipino sa

School-based intervention program in the New Normal. Pagtatangkang mabigyang linaw ang

katanungan hinggil sa isang penomina at deskriptibong karanasan. Ang mga naranasan ng

mga guro panahon ng silay naghahatid ng mga Self-Learning Modules (SLMs) at bumibisita

sa kanialang mga mag-aaral. Kasama dito ang mahalagang impormasyon na

pinaniniwalaang kapaki-pakinabang at nauugnay sa pag-aaral. Ang nasabing pamamaraan

ay sapat na mabisa sapagkat pangunahing tungkulin nito ay pag-aralan ang isang yunit ng

masinsinan, lubusang siyasatin at tuklasin ang isang kaganapan, at makakuha ng mga

resulta sa pamamagitan ng mga paglalarawan tulad ng likas na katangian ng disenyo na

husay na inilalapat (Merriam at Stake, 1998).

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo na nakaangkla sa Case Study Model ni

Sharan B. Merriam.( 1998). Ang modelong ito ay sumusunod sa mga hakbang partikular

ang pag-uugali ng pagsusuri sa literatura, pagbuo ng teoretikal na balangkas,

pagkakakilanlan ng mga suliranin sa pananaliksik, pagbubuo ng istandard na krapting at

paghasa ng mga katanungan para sa pangongolekta ng datos tulad ng pagtatanong ng mga

kaugnay na katanungan, pagsisiyasat, paggamit ng mga gabay na tanong sa

pakikipanayam, pagtakda ng malinaw na layunin bago ang pakikipanayam, aktibong

pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kinakapanayam at tagapanayam, pagtatala, at pagsusuri

ng datos, at pagpili ng sample sa pamamagitan ng

Paksa ng Pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa “Karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-

based Intervention Program in the New Normal.”

Qualitative Purposive Sampling.


xxxiv

Sa nasabing modelo, binibigyang diin ang triangulation of data. Ang layunin ay upang

maipakita ang pagkakaisa ng dalawa o higit pang mga pananaw gamit ang iba't ibang

mapagkukunan ng datos. Ang ng triangulation of data mula sa iba’t ibang mga kinapanayam

ay nagpapatibay ng baliditi ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtutol sa bias na maaaring

makita mula sa isang pagsisikap at pagbibigay ng kontribusyon sa pagtaguyod ng mga

katotohanan (Beverland & Lockshin, 2003). Bukod dito, ang mga datos at isinasailalim sa

triangulation upang maunawaan pagkakaisa-isa ng impormasyon, interpretasyon, at

pananaw, kaya pagsuri sa bisa at pagiging maaasahan ng pag-aaral (Hammersley, 2008).

Lugar na Pagdadausan ng Pag-aaral

Ang nasabing pag-aaral ay gagawin sa isa sa mga pampublikong paaralana sa

Dibisyon ng Zamboanga Sibugay na kung saan, ito ang angkop na lugar na pagdarausan ng

pananaliksik dahil dito kasalukuyang nagtuturo ang mananaliksik.

Mga Partisipante ng Pag-aaral(ma'am.. Katung gipasa nko nmo.. Naa natu edit sa AGE..

gdugang q ug isa ka table atu..wla lageh dri?)

Labing limang mga guro, limang mga school heads at limang mga magulang, ang

siyang gagawing partisipante sa pag-aaral na ito.

Talahanayan 1. Mga Partisipanteng guro na pinagkunan ng datos batay interbyu

Partisipant Mga baytang/ taon na Taon sa Kod


e (Guro) tinuturuan pagtuturo

1 Math 7, Math10, Araling 13 GP01


Panlipunan-7

2 English-8; Filipino- 7 at 8, Senior 1 GP02


High-Grade-12

3 Science 8; MAPEH-10 at 8 5 GP03

4 ESP-8, MAPEH-9, Filipino-7 10 GP04

5 Senior High School (G-11), ESP 3 GP05


10, Filipino-9
xxxv

6 Math-10, Senior High School- 4 GP06


Grade-12, ICT

7 Filipino-7 at 8, TLE 9 6 GP07

8 Araling Panlipunan-7 at 8, 3 GP08


Filipino-7 at 8

9 English-8 at 9, Filipino-8 3 GP09

10 MAPEH 8, 9 10 3 GP010

Talahanayan 2. Mga Partisipanteng school heads na pinagkunan ng datos batay interbyu

Partisipant Mga baytang/ taon na Taon ng Kod


e (School tinuturuan panunungkulan
Heads)

1 Science 7at 8; 6 SH01

2 Araling Panlipunan 10, SHS-12 3 SH02

3 English- 10 1 SH03

4 Filipino 9 at 10 7 SH04

5 Filipino 8 at 9 2 SH05

Talahanayan 3. Mga Partisipanteng mga magulang na pinagkunan ng datos batay interbyu

Partisipante Bilang ng mga estudyante at Kod


(Magulang) mga baytang

1 1 (Grade-10) MG01

2 2 (Grade-7, at Grade-9) MG02

3 2 (Grade-9 at Grade-4) MG03

4 4 (Grade-10,Grade-9,Grade- MG04
4,Grade-3)

5 1 (Grade-10) MG05S

Talahanayan 4. Mga Partisipanteng kinapanayam sa data triangulation(wla. Lageh sulod sa

TRINGULATION TABLE ma'am?


xxxvi

Partisipante Taon ng Bilang ng Kod


panunungkulan estudyante at
taon

Punong PG1
guro

Guro G1

Guro G2

Magulang - MG1

Sampling Teknik

Ginamit sa pag-aaral ang purposive sampling na nasangkot sa piling mga guro,

school heads at mga magulang sa pampublikong paaralan na mayroong tatlong taong

karanasan sa pagtuturo at higit pa. Ang mga guro ay dating nagtuturo sa paraang face-to-

face ngunit sa pagkakataong ito upang maiangkop ang paraan ng paghahatid ng pagtuturo

sa kasalukuyang sitwasyon ay nagtuturo sila sa paraang modyular. Ang mga nasabing guro

at school heads ay napabilang sa Divison ng Zamboanga Sibugay.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang pangunahing instrumento ng pag-aaral ay ang mananaliksik dahil siya mismo

ang nakipagpanayam sa mga partisipante at ginamit sa pag-aaral ang talatanungan o

interview guide question. Ang mananaliksik ay nagdebelop ng mga katanungan at ipina-

validate sa mga eksperto, labing limang mga guro, limang school heads at limang mga

magulang ang siyang kinapanayam. Makikita rito ang engaging question, sub question,

descriptive questions, at probing question. Ginamit din ang parehong katanungan sa isang

Punong guro ngunit bahagyang nirebisa para sa mapaunlad ang pagkalap ng datos.

Pamamaraan ng Paglikom ng Datos

Bago gagawin ng mananaliksik ang nasabing pag-aaral, susundin ng mananaliksik

ang mga sumusunod na hakbang:


xxxvii

Una, hihingi muna ng pahintulot o permiso ang mananalik sa superintendente,

punong guro at sa gurong namamahala sa klase sa pamamagitan ng isang liham na

humihingi ng pahintulot. Pangalawa, hihingi rin ng pahintulot ang mananaliksik sa mga

partisipante na kung maaari ay makilahok sila sa gagawing pag-aaral. Pangatlo,

ipapaliwanag ng mananaliksik ang Interview Guide Questions sa mga partisipante upang

hindi sila malilito sa pagsagot. Ipapaliwanag din ng mananaliksik ang panuto maging ang

itinakdang oras na susundin sa nasabing pagdalumat. Pang-apat, kukunin ng mananaliksik

ang palatanungan kapag natapos na itong sagutan ng mag partisipante upang maanalisa at

mapag-aralang mabuti. Pagkatapos pakipanayamin ang dalampong parstisipante ay

nakipanayam rin ang mananaliksik para makakuha ng dagdag impormasyon mula sa isang

Punong guro na siyang gagamitin sa triangulation of data.

Pagkatapos makalap, ang lahat ng datos na kinakailangan ay isinagawa na niya nga

transcription . Bumalik sa mga partisipante upang ipavalidate kung tama at valid ba ang

transcription na ginawa ng mananaliksik batay sa kanilang tugon sa panayam (member

checking). Nilagdaan ng mga partisipante ang sertipiko sa pagiging partisipante ng pag-

aaral.

Pag-aanalisa ng mga Datos(base sa recommendation nila ma'am.. FOLLOW how the CASE

STUDY MODEL in ANALYZING THE DATA-Thematic analysis)

Sa pag-aanalisa sa mga makalap na datos, ang mananaliksik ay gagamit ng

kwalitatib na pananaliksik upang maanalisa at mabigyang interpretasyon ang mga datos na

nakalap. Ang mananaliksik ay gumamit rin ng Case Study Model na nakaangkla kay Sharan

B. Merriam sa pag-aanalisa ng mga datos. Sinunod ang proseso ng analytic induction na

isa sa mga pamamaraan o istratehiya na nirerekomenda ni Merriam sa paggawa ng case

study. Batay sa pamamaraan ng analytic induction, unang ginawa ang pag-segment ng mga
xxxviii

datos ayon sa nakitang yunit ng ideya. Pagkatapos ay kinuha ang yunit ng ideya mula sa

mga na segment na mga datos, isinulat, at binigyan ng code. Kasunod nito ay ang dahan-

dahang pagporma ng mga malilit na konsepto at paghahambing ng mga ito sa isa’t-isa

hanggang nabuo ang mga malalaking konsepto o tema. Ang mga tema na nabuo mula sa

pinaghahambing na konsepto ay ginagamit sa pagsagot sa mga tanong ng pananaliksik na

ito. Upang matiyak na balid ang kinalabasan ng pag-aaral ay sumailalim ang mananaliksik

sa isang peer examination. Ang buod ng nilalaman ay naglalarawan sa pangunahing

kinalabasan ng pag-aaral sapagkat ang ginamit na case study model ay nagsasangkot sa

interpretasyon ng mga datos mula sa tugon ng partisipante at sa naisulat ng mananaliksik.

Mga Isinaalang-alang na Etika(base sa recommendation nila REVISE AND IMPROVE THE

INTRODUCTORY PARAGRAPH &discuss the research ethical principles that you observe..

And how did u observe those)

Ang mananaliksik ay susunod sa mga sumusunod na hakbang upang masigurong

tama at balido ang gagawing pag-aaral:

Una, ang mga kakailanganing mga pahintulot sa pangangalap ng pag-aaral ay

hihingin muna ng mananaliksik. Pangalawa, upang maitago ang pagkakakilanlan ng mga

partisipante at upang masiguro na ang lahat ng mga datos na nakalap ay pribado at

konpedensyal ang mananaliksik ay susunod sa Republic Act 10172 o mas kilala sa Data

Privacy Act of 2012. Pangatlo, hihingi muna ang mananaliksik ng pahintulot mula sa

superintendente, sa mga guro at maging sa mga partisipante sa nasabing pag-aaral

(Informed Consent). Bibigyan ng mananaliksik ng kalayaan ang mga partisipante na

lumahok o tumanggi sa gagawing pananaliksik. Ang mga tatanggi ay hindi pipilitin at

eririspeto ng mananaliksik ang disisyun ng mga partisipante.

Pang-apat, ang pangalan ng mga partisipante sa nasabing pananaliksik ay

konpedensyal at hindi ipagsasabi sa iba. Panlima, bibigyan ng mananaliksik ng pagkilala


xxxix

ang lahat ng mga datos na nakalap na hindi sa kanya. Ang mga ideya o mga karagdagang

kaalaman na nakalap ay kikilalanin ng mananaliksik.

Pang-anim, gagamitin ng mananaliksik ang lahat ng mga nakalap na impormasyon

sa makabuluhan at mabuting paraan lamang. Pampito, gagawin ng mananaliksik ang pag-

aaral nang tapat, may moralidad at may dignidad.

Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit na

pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na

kahantungan ng isang mananaliksik.


xl

Kabanata 4

Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng presentasyon, analisis at interpretasyon ng

mga datos mula sa mga piling guro, school heads at mga magulang sa distrito ng Naga

Dibisyon ng Zamboanga Sibugay.

Ang mga datos na nakuha mula sa mga guro ay agarang inipon at pagkatapos ay

idinaan sa maingat na pag-aanalisa upang masagot ang katanungan sa pananaliksik na ito.

Kumuha din ng karagdagang datos mula sa isang Punong guro, dalawang guro at isang

magulang upang maisagawa ang data triangulation.

Sa pamamagitan ng pagtatasa ng datos, lumitaw ang mga tema sa pananaliksik

tungkol sa karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-Based Intervention Program in the

New Normal.

Makikita sa ibaba ang talahanayan ng buod ng mga tema na nabuo mula sa

karanasan ng mga guro ayon sa tatlong indikitor. Mula sa pahayag ng mga guro, school

heads at mga magulang ay makikita sa talahanayan ang mga nabuong tema na siyang

nangingibabaw sa kanilang mga tugon hinggil sa mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa

School-based intervention program in the New Normal.

Sub-question 1. Ano-ano ang mga school-based intervention program in the New Normal?

Talahanayan 3: Mga school-based Intervention program na ipinapatupad sa paaralan.


xli

A. Mga school-based intervention program in the New Normal

Tema Kaugnay na Tema

1. Pagpapatupad ng proyektong BISITA -Pagpapatupad ng mga guro sa proyektong

at Hatid-Sundo Project BISITA at Hatid-Sundo Project

-Tugon ng mga magulang sa pagpapatupad

ng proyektong BISITA at Hatid-Sundo

Project

Ang pagpapatupad ng mga school-based interventioin program ay isa sa mga

epektibong paraan upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang akademikong pag-

unlad. Natutulungan rin silang matutunan ang mga mahihirap na leksyon. Sa pamamagitan

ng mga school-based intervention program na ipinapatupad sa paaralan, nababawan ang

mga drop-outs at nadadaragdagan din ang mga mag-aaral na bumabalik eskwela.

Ang pagbaba ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa klase ay isang

isyung may kaugnayan sa anyo ng edukasyong dulot ng pandemya, Inga at Rolfsman

(2020). Ayon sa komisyuner na si Richard Mills (2006) ang mga mag-aaral na mahina sa

klase ay nangangailangan ng gabay o interbensyon tungo sa kanilang akdemikong

kaunlaran.

Ang mga mag-aaral na kademikong nahihirapan ay maaaring matulungan sa

pamamagitan ng pagtutyutor upang maging bihasa sa klase. Kailangan rin ng mga mag-

aaral ng mga pabuya at suporta para kanialng akademikong kaunlaran. Suportang sosyal at

emosyunal naman ang isang uri na kung saan ang pagkakaroon kakayahang komunekta sa

kapwa sa panahon ng pandemya. Ang ideyang ito ay sinuportahan naman ni Kakuchi(2021).


xlii

Lumabas sa panayam na ang project BISITA at Hatid-Sundo project ay parehong

ginagamit o ipinapatupad na interbensyon sa bawat paaralan lalong-lalo na ngayong walang

pang face to face at modular learning pa ang ipinapatupad sa paaralan. Ito ang

pinakamainam na ginamit ng mga guro sa Filipino sa paghahatid ng mataas na kalidad ng

edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng hamon ng pandemya.

Tema 1: Pagpapatupad ng Proyektong BISITA at Hatid-Sundo project

Ang unang tema ay tumatalakay sa pagpapatupad ng mga guro sa proyektong

BISITA at Hatid-Sundo project. Tumatalakay rin ito sa mga tugon ng mga magulang sa

pagpapatupad nito. Lumabas sa panayam na mayroong positibong epektong dulot ang

pagpapatupad ng mga ito. Tunghayan sa baba:(murag NO SPACING ang tubag sa

respondents ma'am.. Ug nka sulod atung [ ] na format.. Base sa akong ndumduman na

sample n sir)

“Isa sa mga adbentahe ay maraming oras ang bata sa mga ibat ibang

Gawain, nakakalibre sa pamasahe at pagkain, nakakatulong sa bukid…” G01

Dagdag pa ni G01, “Oo, may malaking resulta sapagkat aside sa hindi na mahirap

magwasto ng sagot, halos lahat ng bata na nkikipag cooperate ay nakakuha ng malaking

marka.”

“Malaki dahil dito, mayroon kaming nakikilala na mga bata at minsan malalaman

naming ang kanilang hinaing na kahit walang face to face hindi sila nahihiya na lumapit para

humingi ng tulong especially sa pagsagot sa module alo na sa mahihirap na asignatura.”

G05

“0o, dahil may mataas silang marka…” G06

“Sa aking pagkakaintindi, makakatulong talaga siya sapagkat sa pagkuha ng mga

mag-aaral sa knailang SLM ay makakakita sila ng bagong setting na marerefresh ang

kanilang mga isipan.” G07


xliii

“…advantage siya sapagkat hindi na mahihirapan ang mga amg-aaral sa pagkuha ng

kanyang mga modules dahil inihahatid ito ng mga guro sa kanilang tahanan…” G09

Dagdag pa ni G09 “…natutulungan namin ang mga bata na makasagot sa kanilang

mga modules kapag hindi nila kayang pumunta mismo sa paaralan.”

Ang mga karanasang ito ng mga guro ay pinatunayan ng dalawang school head at

apat na magulang batay sa kanilang panayam. Tunghayan sa baba:

“Yes, dahil sa pamamagitan nito, halos may sagot na ang mga bata at hindi

na mahirap iwasto ang kanilang modules. Dahil dito, iwas ang drop-out sa aming paaralan at

may tsansang Malaki ang nakuha naming general average.” SH02

“Of course I could say yes and I strongly agree, it is because, in the absence of Face

to face, the Hatid-sundo, the visiting, etc. had a great impact especially to the academic

achievement of the learners in the school. [Oo, Masasabi kong oo sapagkat lubos akong

naniniwala. Sa kawalan ng face to fcace class, ang Hatid-Sundo, BISITA at iba pa ay may

malaking impak lalong lalo na akademikong kaunlaran ng mga mag-aaral sa paaralan.].”

SH03

“Nakakatulong talaga siya ng malaki. Halimbawa sa home visitation, bisita sa

barangay at hatid-sundo, naaabot ang mga mag-aaral na hindi na kumukuha ng modules at

natutulungan din sila sa mga mahihirap na instructions at mga dapat nilang sagutin sa

modules.” SH05

“Oo, tungod ako nakasigurado na makapasar akong anak kay tungod natagaan nila

ug pansin pati higayon bisan pa klase [Oo dahil nasisiguro ko na makakapasa ang aking

anak dahil nabigyan nila ito ng pansin at oras kahit pa may klase.]” MG02

Dagdag pa ni MG02 “…dako baya ang grado sa akong anak sa niaging tuig ug nay

resulta ang ilahang kahagu. Salamat sa mga maestra kay tungod sa ilaha , bisan way klase,

naa sila gihimo para makakat-on ang amoang mga bata ug arun di sila mabiyaan sa
xliv

edukasyon […Malaki ang markang nakuha ng aking anak noong ankaraang taon at mayroon

resulta sa kanilang sakripisyo. Salamat sa mga guro, dahil sa kanila, kahit may klase,

mayroon silang ginawa para matututo ang aming mga mag-aaral at upag hindi sila mapag-

iwan ng edukasyon.” ]

“Nakatabang jud para sa akong anak kung dili nila masabtan, ang teacher muadto sa

balay dayun ila nang pasabton didto...[Nakatutulong talaga sa aking anak kapag mayroon

silang hndis maunawaan, ang guro ay pumupunta sa mga bahay upang ipaintindi ito sa

kanila…]” MG03

“Nakatulong kay kuan sila nakaanswer sila sa ilang mga modules nga dili nako

kayang answeran…” [Nakatutulong dahil makakasagot sila sa kanilang mga modyuls na

hindi ko kayang sagutin…] MG04

Dagdag pa ni MG04 “…salamat kaayu sa mga guro nga e enitiate sa mga project

kay bisan sa kakapoy sa ilang trabaho miadto jd sila sa mga barangay, naghatid-sundo jd

sila bisag layu kaayu ang mga balay […maraming salamat sa mga guro na nag-isip sa mga

proyekto sapagkat kahit pa pagod na sila. Pumunta talaga sila sa mga barangay, naghatid-

sundo kahit nakalayu ng mga bahay.]”

“Yes ma'am. Lalo na iyong nahihirapan sila sa topics so dahil sa programang iyon ng

mga guro. So, kapag pumupunta sila sa mga bahay ay magagabayan nila ang mga

estudyante.” MG05

Tinutulungan ng mga school-based intervention program ang mga guro na

makapagturo sa mas mainam na paraan sa new learning modality. Ayon kay Lee (2014),

nakatutulong ito sa mga mag-aaral na akademikong nahihirapan at mataya ang kanilang

akademikong kaunlaran. Ang mga nasabing interbensyon ay gumagamit ng mga hakbang

upang matarget ang akademikong pangangailangan ng isang mag-aaral.


xlv

Ayon naman kay Volkmar (2013), ang mga school-based intervention program ay

nagbibigay sa mga mag-aaral ng suportang kinakailangan upang makamit ang kakayahang

itinuturo sa Sistema ng edukasyon at dapat matugunan ang mga kakayahang kinakailangan,

akademiko, kognitib, beheybyural at sosyal na mga kasanayan na direktang makakaapekto

sa kakayahang makaakses sa edukasyon ng isang mag-aaral. Ang mga nasabing

interbensyon ay kailangang nakapokus sa mga kasanayang kinakailangan ng isang mag-

aaral upang magbunga ng mga matagumpay na resulta.

Lumabas batay sa panayam sa mga repondente na maganda ang resulta o

kinahinatnan ng mga nasabing proyekto. Lubos na nasiyahan ang lahat; mga guro, school

heads at lalong lalo na ang mga magulang. Lumabas din sa panayam na Malaki ang naging

ambag ng mga school beased intervention program para sa akademmikong kaunlaraan ng

mga mag-aaral. Tumaas din ang kanilang mga markang nakuha at higit sa lahat ay mas

naiintindihan pa nila ang kanilang leksyon sa modyul kaya naman laking pasasalamat ng

mga magulang sa nasabing mga interbensyon.

Sub-question 2: Ano-ano ang mga hamong karanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng

school-based intervention program?

Talahanayan 4: Mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa School-Based Intervention

Program in the New Normal


xlvi
A. Pagbibigay o pagahahatid sa mga modules

Tema Kaugnay na Tema

A n 1. Paghahatid
g p
ng modules a -Pagsasaalang-alang
g b isa panahon
b i g
(kadalasan a y
batay sa kondisyon ng maulan)
panahon o klima

2. Hamon sa siguridad na -Kahirapan sa pagdaan sa madulas, mabato


kaligtasan,pisikal at o maputik na daan at maging sa pagtawid ng
pangkalusugan sapa.

-Pagkahawa sa Covid-19

3. Kakulangang pinansyal o -Kawalan ng pamasahe o pan-gasolina sa


pananalapi motorsiklo at pambili ng pagkain

B. Pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at magulang


1. Pakikitungo ng mga mag- -Pagbibigay ng mabuting asal sa harap ng
aaral at magulang sa mga guro.
mga guro
2. Kawalan ng oras ng mga -Pagtatrabaho ng mga mag-aaral sa bukid
mag-aaral sa pag-aaral

C. Pagpapaintindi sa mga mag-aaral sa kanilang leksyon

1. Pagtalakay ng mga guro sa -pagpapasimple sa leksyon sa


kanilang leksyon (tuturing) pamamagitan ng pagbuo ng mga
madaling tanong at sapat na
halimbawa.
guro upang maipagpatuloy ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng hamon ng pandemya.

Ayon kay Acala (2021), pagkatapos ihanda ang mga modyul, ang mga guro ay

naatasang mamigay nito sa mga mag-aaral. Mayroong iba’t ibang mag estratihiya ang bawat

paaralan sa pagbibigay ng mga modyul sa mga mag-aaral.

Gamit ang nakuhang datos mula sa mga guro na nakapanayam ng pag-aaral na ito,

nabuo ang tatlong pangkalahatang tema ng kanilang karanasan sa school-based

intervention program in the New Normal.

Tema 1. Paghahatid ng mga modyul batay sa kondisyon ng panahon o klima


xlvii

Ang unang tema ay tumatalakay sa karanasan ng mga guro sa paghahatid nila ng

mga modyul sa mga mag-aaral ayon sa panahon o klima. Nahihirapan ang mga guro na

ihatid ang mga modyul sa tahanan ng mga mag-aaral dahil sa panahon tulad na lamang ng

masyadong maulan ngunit hindi pa rin sila maaantala ng ulan sa paghahatid ng mataas na

kalidad ng edukasyon. Tunghayan sa baba:

“Sa totoo lang, hindi mdaling trabaho ang ganitong eksena, kami ang maghahatid ng

module sa bata , hindi alintana ang panahon na minsan magsusungit… masyadong

delikado.”GP01

“Sa paghahatid namin ng mga doyul ay masyadong maulan at minsan ay nababasa

kami.”GP04

“Kapag malakas ang ulan, madulas ang daan” GP07

“…sa tuwing kami ay pumupunta sa bahay-bahay , may mga pagkakataong umuulan

ng di inaasahan…”GP08

“…Isa sa mga nagpahirap sa trabaho namin ay minsan peru para sa mga bata,

gagawin namin lahat, mahatid lamang ang kanilang modules.”GP09

Ang paggiging positibo at masigasig ng mga guro na harapin ang hamon ng panahon

ay isang malaking adbentahe para sa kaunlaran ng mga mag-aaral.

Ito ay pinatunayan sa ginawang pakipanayam sa karanasan ng isang School head

bilang isa sa mga nagpapatupad ng school-based intervention program. Pinatunayan rin ito

ng apat na mga magulang batay sa pakikipagpanayam sa kanya.

“Yes, we do a lot or we apply a lot of coping strategies especialy one of the strategies

that we can cope along the way is the unity and camaraderie among the teachers that needs

to lessen the problems that we encounter but with or strong mind, we wre able to express

our feelings, our thoughts, our emotions and our tiredness and everything due to these we
xlviii

were able to ease our problems and struuggles.” [Oo, marami kaming ginagawa o inilalapat

naming ang mga coping strategies na maaraming gamitin. Sa aming trabaho, pagkakaisa at

pagtutulungan naming mga guro ang naging daan upang maibsa ang aming mga problema

at dahil narin sa tibay ng isipan, nagagawa naming mailahad ang aming mga saloobin,

iniisip, emosyon at ang aming pagod at lahat. Sa pamamagitan nito ay nawawala ang aming

mga problema at paghihirap. ]SH03

“Ang pagiging masigasig at nakalaan talaga ang oras ng mga guro na minsan gabi

na ng makauwi dahil malayo ang bahay ng bata.” SH04

“Usahay bisan init o maabtan ug ulan sige gihapon sila suroy-suroy sa kada balay,

usahay wala sila kaila sa bata, mangutana sila sa amoa. [Minsan kahit mainit o naaabotan

sila ng ulan ay patuloy pa rin silang nagpupunta sa bawat bahay, minsan, kahit hindi nila

kilala ang mag-aaral ay nagtatanong sila sa amin. ]”MG02

“[…oo, naa jud silay mga kalisud labina layu ang among dapet dayun usahay

maulanan silan, usahay maabtan pa jud sila og baha, labi na sa Datu Tungawan… [Oo,

nahihirapan talaga sila lalong lalo na masyadong malayo ang aming lugar, tapos minsan ay

nauulanan sila, minsan rin ay naaabotan sila ng baha lalo na sa Datu Tungawan]”MG03

“Gekapoy silag adto sa among balay kay lapok kaayu, sudlunon, daghan kaayug

again nga mga kanal. [Napaspagod silang pumunta sa aming mga bahay dahil masyadong

maputik, masukal at maraming mga kanal ang nadadaanan.]” MG04

“Sa nakikita ko ma'am, kapag pumupunta sila dito, minsan naaabutan sila ng ulan, nakita ko

sila minsan ma'am, nababahaan kaya minsan ay stranded sila at hindi sila makauwi agad sa

bahay nila…” MG05

Ang isang epektibong guro ay mapagmahal, pursigo, masigasig, pasensyuso at

posibo sa anumang hamon sa buhay. Siya rin ay maranong sumabay sa agos ng buhay,
xlix

Walker (2008). Ang hamon ng panahon ay hindi mapapipigilan o mahuhulaan kaya naman

kailangan nating matutong makibagay.

Batay sa panayam, lumabas sa pag-aaral na ang mga guro ay nauulanan sa

paghahatid nila ng mga modyul. Minsan, naaabot sila ng bagyo sa daan o malakas na ulan

kaaya hindi maiiwasan na maging basing sisiw sila. Naranasan rin ng mga guro na maghatid

ng mga modyul kahit pa masyadong mainit ang panahon o dika’y masyadong maalinsangan

at bihira lamang ang preskong ihip ng hangin. Lumabas rin sa panayam na kahit pa sinubok

ang mga guro ng panahon (maulan at napakainit) sa paghahatid ng modyul ay hindi pa rin

sila tumigil at sumuko.

Tema 2. Hamon sa siguridad na kaligtasan, pisikal at pangkalusugan

Ang temang ito ay tumatalakay sa hamong pangsiguridad na naranasan ng mga

guro sa pagpahatid ng mga modyul sa kanilang mga mag-aaral.

“…pati aming mga asawa ay isinasama dahil mahal ang pamasahe lalo na kung ikaw lang

mag-isa at masyadong delikado.”GP01

“…nababahaan at kinukuha pa kami ng sasakyan ng mga BFP o sundalo dahil

delikado kung tatawid sa mabahang daan.” GP05

“…hindi madaling sumuong sa lugar na delikado, daan na maputik at liblib na lugar

na walang kakilala, hindi pa alintana ang baha at mabasa sa gitna ng kalsada para lang

makapunta sa bahay ng mga mag-aaral.” GP06

“Minsan kung kulang kami dahil may iba na lumiliban sa pagpunta dahil natatakot s

alugar, di maiiwasang kung sino ang naroon ay napipilitang magturo sa bata sa leksyon…

Minsan ang tribu, dahil may mga area na di pwedeng puntahan dahil bawal lalong-lalo na sa

mga liblib na lugar. Oras rin ang kalaban dahil hindi naming kontrolado”GP05
l

“Kapag kami ay pupunta sa mga barangay, natatakot kami sa daan dahil sa mga

bato na nasa daan mismo. Iba't iba ang texture nito lalong lalo na kapag uulan kasi

masyadong madulas ang daan. Minsan babaha rin at ilans a mga bata ay kailanang

tumuwid sa sapa upang amkarating sa kanilang covered court, kaya mahirap para sa aming

mga guro.” GP07

“…Ang disadvantage naman diyan ay, ang siguridad sa ating kalusugan, lalo na

nagyon, hindi natin alam kung may covid ba o wala ang ating kaharap. Peru minsan

nagiging negatibo dahil, dapat dahan dahan rin tayong mga guro kasi pandemic ngayon at

upang maging safe tayo mula sa pandemya.”GP010

Ang mga pahayag ay pinatunayan din ng dalawang School head at tatlong mga

magulang na napanayam ng mananaliksik. Tunghayan sa baba:

“Delikado sa aming sitwasyon dahil noong kapanahonan, uso ang kidnapping sa mga guro

kaya minsan ang ibang kasamahan ayaw pumunta sa luhar na delikado maliban nalang

kung may kasamang kakilala o armado o di kaya ay may mga Brgy. Officials.” SH02

Dagdag pa ni SH02, “…minsan sa di inaasahang pangyayari, umuulan at

nagkakaroon ng baha at kami ay basang-basa na lulusong sa malakas naulan at minsan rin

dahil sa lubak na daan, at malayo…”

“Well, If you think of the different barangays, it's not that easy. We used to walked

when the target distination is not possible by motorcycle therefore, if the road is too slepery,

we used to walked. And sometimes, we used to go through motorcylce or "habal-habal”

[Kung iisipin natin ang iba’t ibang mga barangay, hindi talaga madali. Nilalakad namina ang

isang distinasyon kung ito ay hindi madaaan ng motor. Kung ang daan naman ay madulas,

naglalakad nalang kami. Kadalasan ay pinupuntahan namin ang mga barangay sakay ang

isang motor o “habal-habal”.]. SH03


li

“Usahay bisan init o maabtan ug ulan sige gihapon sila suroy-suroy sa kada balay,

usahay wala sila kaila sa bata, mangutana sila sa amoa.” [Minsan kahit mainit o naaabotan

sila ng ulan ay patuloy pa rin silang nagpupunta sa bawat bahay, minsan, kahit hindi nila

kilala ang mag-aaral ay nagtatanong sila sa amin.]MG02

“[…labi na sa Datu Tungawan, kay delikado pud nga lugar […lalong lalo na sa Datu

Tungawan dahil napakadilikado sa lugar na iyon]” MG03

Dagdag pa ni MG03, “Labina karun, pandemic, ang mga teacher na muadto sa

balay, wa ta kabalo, carrier diay sila sa virus so mao nang naay maayu, naa puy dili. [Lalo

na ngayong pandemic, ang mga guro na pumupunta sa aming bahay, hindi natsin alam na

may dala pala silang virus kaya may maganda at mayroon ding hindi ].”

“…naiingganyo nila iyong mga estudyante kahit na nasa malayong tirahan sila at

least bumibisita pa rin iyong mga guro nila then negatibo, napapansin natin, dahil sa

pandemya, minsan, na rirrisk nila ang kanilang kalusugan.” MG05

Ang lahat ng mga tao ay may karapatang pangalagaan ang kanilang buhay, ito ay

kinilala ng 1987 Kontistusyon ng Pilipinas sa ilalim ng Artikulo 11, Seksyon 11 at Artikulo 3,

Seksyon 1. May karapatan ang mga guro na pangalagaan at panalitilihin ang kanilang

kaligtasan at maging kapayapaan sa sarili.

Batay sa panayam, lumabas sa pag-aaral na ang mga guro ay nababahala para sa

kanilang siguridad na kaligtasan, pisikal at pagkalusugan. Lumabas din sa panayam na sa

paghahatid nila ng mga modyul sa mga mag-aaral ay naabutan sila ng malakas na ulan o di

kaya’y baha. Mabato at maputik rin ang daang kanilang daaanan at minsay tatawid sa

peligrosong sapa. Lumabas din na ilan sa mga guro at mga magulang ang natatakot na

mahawaan ang kanilang mga sarili o anak mula sa nakakamatay na virus, ang Covid-19.

Ang mga guro rin ay natatakot para sa kanilang siguridad o kaligtasan lalong lalo na kapag

sila ay naghahatid sng mga modyul sa mga mag-aaral sa liblib na barangay tulad ng Datu

Tungawan. At dahil sa takot na ito ay kanya-kanay ang mga guro ng estratihiya o Teknik
lii

upang mapanatili ang kanilang kaligtasan, ang ilan sa mga guro ay sinasama nila ang

kanilang mga asawa, ang ilan rin sa kanila ay nagpapasama sa mga kawani ng barangay o

di kaya’y nagpapahatid sa mga BFA (Berue of Fire and protection) at iba pang mga paraan

upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Tema 3. Kakulangang pinansyal o pananalapi

Ang tema na ito ay tumatalakay sa kakulangang pinasyal ng mga guro sa paghahatid

nila ng mga modyul. Inilahad ng mga guro na walang budgyet na inilaan para sa

pagpapatupad ng mga school based intervention program in the new normal at kumukuha

sila sa sarili nilang bulsa para may pang-gas sila sa kanilang motorsiklo, pamasahe o di

kayay pambili ng pagkain. Tunghayan sa baba:

“…pati aming mga asawa ay isinasama dahil mahal ang pamasahe…”GP01

“Kakulangang pinasyal ang isa sa mga suliranin…”GP05

“…Minsan rin ay wala kaming pang gas.”GP07

“Kakulangan sa pera at masyadong dilikado ang daan…”GP08

Ang mga karanasan na inilahad ng mga guro ay sinuportahan o pinatunayan naman

ng mga school heads na napanayam sa nasabing pag-aaral.

“…gumagasto sa sarili naming bulsa para lang makabisita sa bawat barangay kung

saan kami nakatalaga....nauubusan ng gasolina o di kaya ay natutumba kami sa daan”

SH02

“The implementation of the interventions is not that easy. There are a lot of cons and

dumps along the way especially the budget. Imagine, the teachers will go to far plung areas

just to deliver and implement the project and then they are going to get from their own

expences and because of this transportation is really that problem [Hindi naging madali ang

pagpapatupad sa mga interbensyon. Maraming mga balakid ang mararanasan sa daan


liii

lalong lalo na sa budgyet. Kung iisipin mo, pumupunta ang mga guro sa mga malalayung

lugar upang ihatid ang mga modyul at ipatupad ang interbensyon at dudukot sila sa sariling

bulsa dahil ang transportasyson ay isa sa mga pinakamalaking suliranin.]” SH03

Dagdag pa ni SH03, “…the problem is how could we budget time but as a teacher,

as a wonder woman, we are bale to still implement the projects of course they are times, we

will sacrifice our time for our family and even for ourselves […ang problema ay paano ma

bubudgeyt ang oras ngunit bilang isang guro, bilang isang wonder woman, naipapatupad pa

rin namin ang mga proyekto. Mayroong mga panahon na naisasakripisyu namin ang oras

namin para sa aming pamilya at sa aming sarili.].”

“…problema sa financial needs ng mga guro dahil sa sarili nilang bulsa ito nanggaling” SH04

Ayon kay Ayon kina Loayza and Pennings (2020), labis na nakaapekto ang

pandemya sa pinasyal na badgeyt ng edukasyon. Nagdulot ng subrang ekonomiyang

pagkagulat ang pandemyang Covid-19 na kung saan ay mas mataas pa kaysa noong

pinasyal na krisis na nangyari noong 2008 at 2009. Ang paglaganap ng virus ay nagdulot ng

mataas na halaga sa buhay tulad ng mga sistemang pampublikong pangkalusugan,

edukasyon at iba pa.

Lumabas sa panayam na walang sapat na pundo ang mga interbensyon kaya naman

sa sariling bulsa kinukuha ng guro ang kanilang panggastos sa bawat araw na pumupunta

sila sa bawat barangay. Wala ring sapat na pang gas ang mga guro o di kaya’y

pampamasahe na naging dahilan ng karagdagang gastusin. Ang mga guro ay nahihirapan

rin sa transportasyon dahil sa kawalan ng sapat na pundo para sa mga proyektong ito.

Ang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at magulang ay pinakapangunahing daan

upang malaman at magabayan ang performans ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang

pag-aaral. Kailangan ding malimbag ng guro ang magandang samahan nila sa mga

magulang upang mas mapadali ang pangungusmusta sa mga mag-aaral. Malalaman rin ng

guro kung ano ang kailangang tulong ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikipag-
liv

ugnayan ng mga guro sa mga magulang, sa text man, sa tawag, sa chat o maging sa

personal na pakikipagkita dito.

Gamit ang nakuhang datos mula sa mga guro na nakapanayam ng pag-aaral na ito,

nabuo ang dalawang pangkalahatang tema ng kanilang karanasan sa school-based

intervention program in the New Normal.

Tema 1. Pakikitungo ng mga mag-aaral at magulang sa mga guro

Ang temang ito ay tumatalakay sa pakikitungo ng mga mag-aaral at magulang sa

mga guro. Naglalahad rin ito kung paano nakikitungo o nakikisama ang mga guro sa mga

magulang at kung paano nakakatulong ang magandang ugnayan at pagkakaisa ng mga

guro at mga magulang para sa akademikong kaunlaran ng mga mag-aaral. Tunghayan sa

baba ang panayam.

“Hindi madaling makipag-ugnayan sa mga magulang ng bata dahil everytime na

pumupunta kami sa kanilang lugar, kung wala ang mga magulang, walang tao sa kanila,

minsan naman ang iba, wala na talagang magulang, sila na lang ang nagpapaaral sa

kanilang sarili.”GP01

Dagdag pa ni GP01 “Ang pagbisita sa bahay ay mas lalo kung naintindihan ang

sitwasyon ng aking mga mag-aaral sa likod ng kanilang papansin na ugali, nakatago ang

malungkot na umaga.”

“…ito ay amin ng nakasanayan dahil minsan masarap ang pakikitungo g mga tao sa

bundok lalo na sa mga sariwang gulay at tinolang manok na nakalatag sa mesa.”GP04

“May mga magulang namatitigas ang ulo sa tuwing may GPTA/Orientation, kahit

pinapatawag pero ayaw pumunta at may mga magulang na siguro dahil walang pinag-aralan

kaya di nakakaintindi at puro reklamo na hindi nila alam na para sa kanilang anak ang

ginagawa naming.”GP02
lv

Dagdag pa ni GP02, “…iilan lamang ang aming kliyente dahil ang mga bata ay

nahihiya o di kaya ay wala nasa bukid may trabaho.”

Ang mga karanasang ito ay pinatunayan ng tatlong mga magulang na napanayam sa

pag-aaral na ito. Tunghayan sa baba:

“Ako isip ginikanan sa akong duha ka anak, nakasaksi ko na paunsa moari sa balay

ang mga maestra, di ko maulaw nabisan guba amoa balay, nagapasaka ko kay para lamang

matudluan ang akong anak sa pagbasa ug pagtubag sa ilahang nalisdan na topic.”MG02

Dagdag pa ni MG02, “Lisod jud kaayu sa ilaha kay dili nila usahay makita ang bata

kay ga trabaho ug di lalim moadtu sa balay din pag-abot wlay tawu ug usahay di mugawas

ang bata muhilak kay maulaw ug di pod mapugos sa maestra. [Mahirap talaga para sa

kanila sapagkat minsan, hindi nila makita o mahanap ang mag-aaral dahil nagtatrabaho ito

at hindi madali ang pumunta sa bahay tapos pagdating nila doon ay walang tao doon at

minsan ay hindi lalabas ang bata sa kanilang bahay dahil nahihiya at umiiyak..]”

“……mucooperate pud ko nila. Akoa pud silang tagaan og pagtagad jud para ako

pung anak, ilaha pud matagan og pagtagad. Mao ng kung muadto sila sa balay, ako jud

silang atimanon […makikiisa rin ako sa kanila. Bibigyan ko rin sila ng tamang pakikitungo

upang ang aking anak pakikitunguhan rin nila ng maaayos kaya kapag pumupunta sila sa

aming bahay ay pakikitunguhan ko talaga sila ng maayos ]” MG03

Dagdag pa ni MG03, “…dayun ako pud silang entertenon og ayu para pud magbalik

balik pud ang mga teacher […tapos, pakikitunguhan ko rin sila nang maayos upang sa

ganoon ay babalik at babalik ulit sa amin ang mga guro.]”

“Ang mga guro na pumupunta sa aming bahay ay magchichika-chika rin kami (sa

mga magulang)…” MG05

Ayon kay Wal (2020), ang epektibong kolaborasyon ng mga guro at magulang ay

naging pinakamahalaga sa pagtamo sa mga pangunahning pangangailangan ng mga mag-


lvi

aaral lalo na ngayong wala pang face to face class. Ang kolaborasyong ito ay binubuo ng

mga magulang, pamilya at mga guro na nagtutulungan bilang isang istratehiya upang

masuportahan ang akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang nasabing kolaborasyon

ay nangangailangan ng responsibilidad sa bawat panig upang maabot ang inaasahang pag-

unlad ng mg mag-aaral. Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga magulang ay malaking

positibong ugnayan sa pakakaroon ng akademikong tagumpay ng mga mag-aaral.

Nagpapatunay lamang ito na malaking ang maitutulong ng kolaborasyon ng mga guro at

magulang sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral.

Ang pahayag ni Wal ay sinang-ayonan naman ni Landeros (2011) na kung saan ang

ugnayan ng mga guro at magulang mayroon malaking epekto sa pagtamo ng tagumpay ng

mga mag-aaral. Ang uganyang ito ay itinuturing na pinakamahalagang salik para sa

edukasyong tagumpay ng mga mag-aaral.

Ayon naman kina Dawson at Wymbs (2016), Ang tagumpay sa paaralan ay

mahalaga para sa pag-unlad ng tagumpay sa buhay ng mga mag-aaral sa hinaharap. Ang

ugnayan ng mga guro at magulang ay lubos na nakapokus sa pag-uugali, kolaborasyon at

alansya sa pagitan ng mga guro at magulang. Sa pangkalahatan, kung ang magulang ay

nakikilahok sa edukayson ng kanilang mga anak, sa bahay man o sa paaralan, ang mga

mag-aaral ay nagpapakita ng mataas na lebel ng emosyonal, sosyal at behaybyur na

adjustment, Hughes at Kwok (2007).

Lumabas sa panayam na ang mga magulang ay maayos na nakikitungo sa mga

magulang at nakikiisa sa layuning mapaunlad pa ang akademikong kakayahan ng mga mag-

aaral. Lubos rin na nasiyahan ang mga guro sa magandang ugnayan o samahan sa pagitan

ng mga magulang at mga guro para sa ikatatasgumpay ng mga school-based intervention

programs. Lumabas rin sa panayam na lubos na nagagalak ang mga magulang sa pagpunta

at pagbisita ng mga guro sa kanilang tahanan upang kumutashin ang kanilang mga mag-

aaral. Batay sa panayam, makikita na mayroong magandang ugnayan o samahan ang mga
lvii

magulang at mga guro at lubos na nakiiisa ang lahat para sa ikatatagumpay ng mga

nasabing proyekto. Mababatid rin sa panayam ang hirap na naranasan ng mga guro sa

pagbisita ng mga guro sa mga bahay ng mga mag-aaral dahil sa mga amg-aaral na nasa

bukid nagtatrabaho o di kaya’y ayaw silang harapin ngunit nagoon pa man ay patuloy pa rin

nilang ipinapatupad ang mga nasabing school-based intervention program sa kabila ng hirap

na kanilang nararanasan.

Tema 2. Kawalan ng oras ng mga mag-aaral sa pag-aaral

Ang kawalan ng oras ng mga mag-aaral sa pag-aaral ay isa sa mga hamon ng guro

sa pagpapatupad ng mga school-based intervention program in the new normal. Kadalasan

sa mga mag-aaral ay mayroong trabaho dahil na rin siguro sa modular printing lamang at

hawak ng mga mag-aaral ang kanilang oras at panahon. Ang ilan ay nagtatrabaho sa bukid

o di kayay sa kanilang bahay. Tunghayan angs panayam sa baba:

“May mga pagkakataon na kung malaman namin na ang aming mga mag-aaral ay

nagtatrabaho na sa malayo…”GP01

“…nakakapag sideline ang mga mag-aaral at sila ang nasusunod sa kanilang oras

kaylan at saan sila mag-aaral at sasagot ng modyu.” GP05

“…mga magulang rin po ay limitado lamang ang kanilang kaalaman tungkol sa paksa

o sa leksyon.”GP07

Ang karanasan ito ng guro ay pinatunayan ng apat na mga magulang ayon sa

panayam sa kanila. Tunghayan sa baba:

“Lisod jud kaayu sa ilaha kay dili nila usahay makita ang bata kay ga trabaho…

[Mahirap talaga para sa kanila dahil hindi mahanap o makita ang mga mag-aaral dahil

nagtratrabaho ang mga ito…]”MG02


lviii

“Una ang ilang kasinatian, muadto sila sa balay peru usahay walay tawo sa balay

kay busy kaayu kami. Muadto me sa bukid, mangguna, mananggi, manginabuhi. Dayun ang

mga anak pud namo usahay, suguon pud… [Una ang anialng karanasan ay pupunta sila sa

bahay ngunit minsan ay walang tao kasi abala kami. Pumupunta kami sa bukid,

“mangguna”, nangangani, naghahanap-buhay. Tapos ang mga anak rin namin minsan ay

inuutusan rin…]”MG03

Dagdag pa ni MG03, “…[…pareha nako, akong grado, alanganin pa pud, dili kaayu

ko kabalo sa mga leksyon karun, so, samtang naay mga teacher, ilang pd matabangan

akong mga anak.” […katulad sa akin, mababa lang ang grado ko, hindi ko masyadong alam

ang mga leksyon ngayon. Kaya kapag may guro, natutulungan nila ang aking mga anak.]

“Nakatulong kay kuan sila nakaanswer sila sa ilang mga modules nga dili nako

kayang answeran kay high school graduate ko peru dili nako kaya ang mga lesson karun

kay bag-o para nako.” [Nakakatulong dahil masasagot nila ang kanilang mga modyul na

hindi ko kayang sagutin dahil hayskul lang ang natapos ko peru hindi kayang sagutin ang

mga leksyon ngayon dagil bago para sa akin. ] MG04

Dagdag pa ni MG04, “Ang karanasan nako kay dili nako magtudlo sa ilaha og one on

one. Katong lisud kaayu nila nga lesson, dili nako matudlo. Natabangan na sa mga teacher

nga muadto sa barangay namo. [Ang karanasan ko ay hindi na ako magtuturo sa kanila ng

one on one. Iyong mga mahihirap nil ana leksyon ay hindi ko na ituturo sa kanila.

Natutulungan na sila ng mga guro na pumupunta sa aming barangay.]”

“…tapos minsan ang mga kapit-bahay namin, hindi maaabutan sa bahay dahil

pumupunta sila sa bukid.” MG05. “Natugunan nila iyong pangangailangan ng aking anak.

Natutulungan nila ma'am. Lalo na ako maam, mababa lang ang natapos ko o pinag-aralan.

So, magawan nila maam.” MG05

Mahihinuha ang akademikong resulta ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

kanilang pagsisikap at maraming mga mag-aaral ang naglalahad ng nakakaalarmang maliit


lix

na oras sa regular na pag-aaral, Babcock at Marks (2011). Sa kabila ng malinaw na

positibong asosasyon sa pagitan ng oaras sap ag-aaral at akademikong resulta, Brint at

Cantwell (2010) at Stinebrickner (2008).

Ayon naman kina Pope at Paterson (2018), ang kakulangan sa oras ay isa sa mga

rasons sa pagkakaroon ng mababang oras sa pag-aaral.

Batay sa panayam, lumabas na ang ilan sa mga mag-aaral ay walang oras sa pag-

aaral dulot ng pagtatrabaho sa bukid ngunit dahil sa nasabing proyekto ay mabigyang

pansin ang mga mag-aaral na nagtatrabaho, natuturuan sila sa mga mahihirap na leksyon.

Natututukan rin ang mga mag-aaral na kailangan ng agarang akademikong tulong ng mga

guro. Lumabas rin na ang ilan sa mga magulang ay walang kakayahang magturo sa mga

mag-aaral o di kaya’y nahihirapang magturo sa mga leksyon lalong lalo na’t bago sa kanila o

hindi kaya’y mababa ang ang natapos at natutunan nila. Sa pamamagitan ng mga school-

based intervention programs ay napapanatag ang loob ng mga magulang na mas matuto pa

ang kanilang mga anak.

Ang pagpapaintindi ng mga guro sa mga mag-aaral sa kanilang leksyon ay isa sa

pinakamalaking hamon sa edukasyon ngayon dulot ng pandemya. Iba’t ibang mga paraan o

mga interbensyon ang ginagawa ng mga guro upang maibigay sa mga mag-aaral ang

mataas na kalidad ng edukasyon.

Gamit ang nakuhang datos mula sa mga guro na nakapanayam ng pag-aaral na ito,

nabuo ang isang pangkalahatang tema ng kanilang karanasan sa school-based intervention

program in the New Normal.

Tema 1. Pagtalakay ng mga guro sa kanilang leksyon (tuturing)

Isa sa malaking hamon ng mga guro ngayon kung paano ipapaintindi o tatalakayin

ang leksyon sa mga mag-aaral. Hindi rin madali ang pagtuturo ng pisikal sapagkat wala
lx

tayong face to face class dulot ng pandemya ngunit ganoon parin ay nagsagawa sila ng mga

school-based intervention program in the New Normal. Tunghayan sa baba:

“Importante talaga ang mga intervention programs dahil kahit noong wala pang

pandemya, ang ating departamento ay nag-iisip ng mga estratehiya kung paano uunlad ang

kalidad ng edukasyon, kaya ngayong walang face to face, ang aming paaralan ay nag-isip

ng paraan kung paano matutulungan ang mga mag-aaral para hindi mapag-iiwanan kung

gaano kahalaga ang pag-aaral.”GP01

“..minsan rin tatawag sa selpon at ako mismo ang magsusulat sa kanyang sagot ng

sa gayon hindi na ako magproblema na wala siyang sagot.”GP01

“…Bilang mga guro, kailangan nating gumawa ng mga learning interventions upang

ang mga mag-aaral ay hindi mawala ng gana sa kanilang pag-aaral. At dahil sa mga

intervention, maiintindihan nila kung ano ang layunin ng leksyon o sa paksa na nasa

kanilang SLM.”GP07

“Bilang isang guro, maaari kong gamitin ang mga intervention. Maaari rin akong

pumunta sa kanila upang magsagawa ng home visitation at upang mataya ko kung ano ang

kanilang learning performance.” GP07

“Binibigyan naming sila ng printed na Unit test para doon naming matutukoy kung

may natutunan ba sila sa kanilang mga modules at minsan rin ay kung sa performance gaya

ng pagluluto o sayaw, gumagawa sila ng video at ipinapasa sa amin.” GP08

“Ang mga interventiions na ginagamit ko ay sa pamamagitan ng chats tungkol sa

mga hand-outs o video lessons upang matutunan nilang ang kanilang gawain.” GP09

“Simulan natin sa disadvantages, iyong mga bata kaya nilang sagutan ang kanilang

module samantalang ang iba naman ay pinapasagot nila sa iba. So, hindi natin nakikita ang

qaulity of education kasi hindi natin natin masisigurado kung sino ang sumagot ng module,

kung ang bata ba talaga o ang nanay o iyong ate. Ang advantages naman ay maaring
lxi

maresearh ng mga bata sa internet ang mga sagot sa tinatanong sa mga module. Ang

problema lang, ang ibang mga bata ay walang cellphone peru hindi pa rin hadlang kasi ang

modular printed ay pwede ka namang pumunta sa mga internet cafe o magtanong. Tulad ng

BISITA barangay, Brigarada pagbasa at nagsagawa rin kami ng remote enrolment na kung

saan ay pinuntahan namina ng mga barangay upang maenrol sila kahit pa pandemic

nganon ngunit nagagawa pa rin natin ang mga paraan na maaring makatulong sa kanila”

GP010

Ang mga karanasan ng mga guro ay napatunayan ng apat na school head at isang

magulang ayon sa panayam sa kanila. Tunghayan sa baba:

“Hindi madali ang trabahong ito, ilang gabi kaming walang tulog, laging puyat para

maisip kung paano ito gagana dahil sa madaling sabi, may mga magulang na hindi

sumusuporta sa mga aktibedadis ng paaralan.” SH02

“Nagbibigay ako ng video sa kanila sa mga paksang mahirap maintindihan, minsan

rin may mga link sa module sa kailangan buksan dahil doon nakasalalay ang kanilang sagot

pero dahil saw ala silang gamit like selpon at internet kaya ako ang magpapaliwanag sa

kanila patungkol saan ang paksa o link.” SH02

“Bilang Head ng Filipino, pinapadala ko ng babasahin ang aking mga guro nang sa

gayon sa bawat pagbisita nila sa bahy ng bata, mapapabasa nila ito. Mayroon rin kaming

GC sa SAMAFIL(SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO) para kung sinong mag-

aaral ang magtatanong ng paksa, doon naming sinasagot.” SH02

“ especially the I-Read, we can really identify and distinguis students who are good

in reading and those who really need the interventions. So through these, we can really

identify the student's weaknessess and strengths.” SH03

“Bilang isa sa mga head teacher, naisipan naming gumawa ng interbensyon para

matlungan ang bata since ito naman talaga ang ating layunin bilang guro. Aaminin ko,hindi
lxii

madali sapagkat marami kaming maririnig na mga reklamo, pero patuloy pa rin kami sa

aming misyon, yun ay ang tumulong sa mga bata sa panahon ngayon.”SH04

“Maraming mga magagandang karanasan po ang ang project BISITA. Haslimbawa,

nakapagtuturo kami ng face to face sa mga mag-aaral , nasasagot ang mga katanungan ng

mga mag-aaral at namomotivate namin sial kasi sometimes, binibigyan namin sila ng mga

libreng papel, may mga snacks din.” SH05

Dagdag pa ni SH05, “ sometimes, mahirap iyong mga tanong na makikita sa

module so gumagawa kami ng mga activities na mas pinapadali namin ang mga tanong.”

“Nakatabang jud para sa akong anak kung dili nila masabtan, ang teacher muadto sa

balay dayun ila nang pasabton didto.” [Natutulungan talaga ang aking mga anak dahil kapag

hindi nila naiintindihan, ang guro ay pumupunta sa aming bahay at doon sila ay

paliliwanagan ng guro.] MG03

Ayon kay Walker (2008), ang isang epektibong guro ay ang taong kayang tulungan

ang mga mag-aaral na natuto. Hindi sila nag-aatas ng limit para sa mga mag-aaral dahil

naniniwala sila sa bawat potensyal ng mag mag-aaral na matuto. Sa pamamagitan ng

palaging pagsusubok, pag-ingganyo at suporta sa mga mag-aaral, ang mga gurong ito ay

tumutulong sa mga mag-aaral na maniwala sa sarili, maramdamang sila ay bahagi at

mamakit ang kanislang inaasahang tagumpay.

Batay sa panayam, lumabas na malaki ang naitulong ng mga school-based

intervention programs para sa akademikong kaunlaran ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay

bukas palad na tumutulong sa mga mag-aaral lalong lalo na sa mga nangangailangan ng

agarang atensyon. Sa pamamagitan ng pagspunta o pagbisita ng mga guro sa bahay ng

mga mag-aaral ay mas maiingganyo pa ang mga mag-aaral at mga magulang na paaralin

ang kanilang mga anak. Mas napapaunlad rin ang pagkatuto at kaalaman ng mga mag-aaral

dahil sa tulong at gabay ng mga dedikadong mga guro. Mahihinuha sa panayam na ang

lahat ng mga magulangang ay lubos na nasiyahan sa mga programang ito.


lxiii

Sub-question 3. Ano-anong paraan ang ginawa ng guro upang matugunan ang mga hamon

na kinaharap nila?

Talahanayan 5: Paraang ginawa o koping na mekanismo upang natugunan ang mga

hamon na naranasan ng mga guro sa pagpapatupad ng school-based

intervention program in the New Normal.

Tema Kaugnay na Tema

1. Pagsasabuhay sa mga intrinsik at -Inspirasyon batay sa magandang


ekstrinsik na motibasyon pakikitungo ng mga magulang sa mga guro

-Pagpapahalaga at pasyon sa trabaho

-Pagtutulungan ng mga kapwa guro

2. Para sa bata, para sa bayan - Pagtanaw sa magandang kinabukasan


(PBB) para sa mga mag-aaral

Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa mga paarang gingawa ng mga guro upang

natugunan ang mga hamon na naranasan ng mga guro sa pagpapatupad ng school-based

intervention program in the New Normal. Batay sa panayam, nabuo ang dalawang tema at

ito ay ang pagsasabuhay sa mga intrinsik at ekstrinsik na motibasyon at Para sa bata, para

sa bayan (PBB).

Tema 1: Pagsasabuhay sa mga intrinsik at ekstrinsik na motibasyon

Ito ay tumutukoy sa mga motibasyon (intrensik at ekstrinsik) ng mga guro upang

matuguan ang mga hamon na naranasan ng mga guro sa pagpapatupad ng school-based

intervention program in the New Normal. Batay sa tema, nabuo ang tatlong kaugnay na

tema o sub-themes tulad ng inspirasyon batay sa magandang pakikitungo ng mga magulang

sa mga guro, pagpapahalaga, pasyon sa trabaho at pagtutulungan ng mga kapwa guro.

Hindi naging madali ang pagpapatupad ng mga school-based intervention program subalit

dahil sa mga nasabing motibasyong ito ay naging matagumpay ang nasabing

pagpapatupad. Tunghayan sa baba:


lxiv

“Ang pagbisita sa bahay ay mas lalo kung naintindihan ang sitwasyon ng

aking mga mag-aaral sa likod ng kanilang papansin na ugali, nakatago ang malungkot na

umaga.” G01

“Bagong kaalaman at bagong karanasan rin dahil kung may face to face , siguro

hindi mapapansin ang ganitong estratehiya.” G05

“Sa akin po, ay iyong hatid-sundo dahil sa pagbisita namin sa bahay ng aming mga

mag-aaral ay malalaman at mauunawaan namin kung bakit ganoon ang performance ng

siang mag-aaral. Minsan kasi, kung ano ang sitwasyon sa bahay, maiuugnay rin iyan kung

ano ang performance ng isang mag-aaral sa paaralan.” G07

Ang mga karanasang ito ng mga guro ay napatunayan ng tatlong school head at

isang magulang batay sa kanilang panayam. Tungahyan sa baba:

“…dapat maging matatag at ipagpatuloy lamang ang nasimulan” SH02

“Yes, we do a lot or we apply a lot of coping strategies especialy one of the strategies

that we can cope along the way is the unity and camaraderie among the teachers that needs

to lessen the problems that we encounter but with or strong mind, we were able to express

our feelings, our thoughts, our emotions and our tired ness and everything due to these we

were able to ease our problems and struggles.” [Oo, marami kaming mga coping strategies

na ginagawa tulad ng pagakakaisa at pagtutulungan, matatag na isipan, naibabahagi namin

ang aming mga saloobin, iniisip, emosyon at ang aming mga pagod sa lahat. At dahil dito ay

natutugunan namin ang aming mga problema at paghihrap.] SH03

“Ang pagiging masigasig at nakalaan talaga ang oras ng mga guro na minsan gabi

na ng makauwi dahil malayo ang bahay ng bata.” SH04

“Hindi sila napapagod sa pagbisita sa kanilang mga estudyante dahil mahal nila ang

mga ito. Ang mga guro na pumupunta sa aming bahay ay magchichika-chika rin kami (sa

mga magulang). Ginagawa nila ito dahil ito ang kanilang trabaho.” MG05
lxv

Ayon kay Vitali, (2015), isa sa mga komponents na nakakatutulong sa mga mag-

aaral na matamo ang akademikong kaunlaran ay ang motibasyon. Ang pagbibigay

kahulugan sa motibasyon ay isang subhektibo, Giovannini at Savoia (2002). Maaaring

internal o eksternal na uri ang motibasyon na kung saan ay nagbibigay ingganyo sa mga

mag-aaral na baguhin o mabago ang kanilang asal at pananaw sa pag-aaral lalong lalo na

sa modular distance learning, Santoso, Amin, et. al, (2007). Ayon kina Ryan at Deci (2000),

Ang mahihinuha ang internal na motibasyon bilang isang saykolohikal na baryabol.

Samantalang ang ekternal na motibasyon naman ayon kina Chandler at Connell (1987) ay

mula sa gabay at payo ng mga magulang kabilang na ang pagbibigay gantimpala sa mag-

aaral.

Batay sa panayam, lumabas na ang mga guro ay mayroong kanya-kanyang mga

paraan na ginagamit o isinasabuhay namga paraan upang maibsan ang kanilang pagod at

hirap sa pagpapatupad ng mga school-based intervention program. Lumabas rin sa

panayam na higit na nakikilala nila ang kanilang mga mag-aaral dahil sa tulong ng mga

nasabing interbensyon. At dahil mas nakikilala pa nila ang kanilang mga mag-aaral at

maging ang pamilyang kinabibilangan nito maging ang mga suliranin nila sa kanilang mga

tahanan ay naaapektuhan rin ang mga guro. Naramdaman nila ang awa at lubos na

pagmamahal para sa kanilang mga mag-aaral. Naisasabuhay rin o nailalapat ng mga guro

ang kanilang karanasan sa pagkilala pa nang lubosan sa pamilyang kinabibilangan ng

kanilang mga mag-aarala at dahil diyan ay hindi maiwasang tumulong sa abot ng kanilang

makakaya.

Tema 2: Para sa bata, para sa bayan (PBB)

Ang temang ito ay tumatalakay sa kapanakan ng mga mag-aaral. Batay sa panayam

sa mga guro, school head at magulang, nabuo ang isang kaugnay na tema na kung saan ay

tumutugon sa kapakanan ng mga mag-aaral at sa kanilang magandang kinabukasan.

Tunghayan sa baba:
lxvi

“…bilang isang guro, gagawin ang lahat para sa pinanumpaang katungkulan.

Para sa bata, para sa bayan.” G06

“Natuutulungan rin ang mga guro na maipakita sa mga mag-aaral na may pakialam

ang mga guro sa kanilang future kahit pa pandemya ngayon at kahit na ayaw na nila. Iyan

kasi ang tarbaho ng mag guro, ng-momold tayo ng mga bata upang magkaroon sila ng

productive na future.” G010

Pinatunayan ng school head at magulang ang karanasan ng mag guro batay sa

kanilang panayam. Tunghayan sa baba:

“Lahat ay aming gagawin, kahit mahirap, maitapagpatuloy lamang ang mataas na

kalidad ng edukasyon at maihatid sa tamang landas ang mga mag-aaral upang magamit nila

sa hinaharap.” SH01

“Makaangkon jud ang mga bata og nindot nga ugma pinaagi sa paggiya sa mga

maestra. Mahatud jud sila sa saktong dalan.” [Sa pamamagitan ng gabay ng mga guro ay

magkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga mag-aaral at maihahatid sila sa tamang

landas.] MG01

Ayon kay Walker (2008), ang isang epektibong guro ay ang taong kayang tulungan

ang mga mag-aaral na natuto. Siya ay may pagmamahal at malasakit para sa kanyang mga

mag-aaral. Lagi niyang tinitingnan ang mga ikabubuti ng kanyang mga estudyante at higit sa

lahat ang kanilang magandang kinabukasan.

Batay sa panayam, lumabas na pursigido ang mga guro na gabayan ang mga mag-

aaral sa kabila ng mga hamong kanilang kinakaharap lalong lalo sa modular printing.

Nagpapahayag lamang ito na talagang tinututukan ng mga guro ang kapakanan ng mga

mag-aaral at umaasa sila ng magandang kinabukasan para sa kanila. Mapapansin na lahat

ay gagawin ng mga guro upang maipagpatuloy ang mataas na kalidad ng edukasyon kahit

pa sa pandemyang kinakaharap. Mababatid rin na panatag ang loob ng mga magulang dahil
lxvii

sa mga gurong may dedikasyon sa kanilang trabaho at pagmamahal para sa kanilang mga

mag-aaral.

Sub-question 4. Batay sa resulta, anong mga implikasyon ang maaaring makuha mula sa

pag-aaral?

A. Implikasyong Teyoritikal

Ang kinalabasan ng kasalukuyang pag-aaral ay nakapagbigay ng bagong kaalaman

hinggil sa mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa school-based intervention program in

the New Normal.

Ang nasabing teyoritikal na kinalabasan ay nakapagbigay ng karadagang kaalaman

sa guro hinggil sa kanilang propesysunal na tungkulin. Ito rin ay nakapukaw sa isipan ng

administrasyon hinggil sa kahalagahan ng propesyunal na suporta para sa mga gurong

nagpapatupad ng mga school-based intervention program in the New Normal.

B. Implikasyong Praktikal

Batay sa kinalabasan ng kasalukuyang pag-aaral, ang pagpapatupad ng mga

school-based intervention program in the New Normal ay hindi naging madali sa mga

guro lalong-lalo na sa mga hamong kinakaharap nila upang maipagpatuloy lamang

ang mataas na kalidad ng edukasyon.

Ang nasabing praktikal na kinalabasan ay nagkapagbigay ng mga teknik,

estratehiya o mag paaraan sa mga guro upang mas mapadali at mas mapainam pa

ang kanilang tungkulin. Nakapagbigay rin ito ng mas higit pang pasensya at

pagmamahal para sa kanilang sinumpaang trabaho at sa mga mag-aaral.


lxviii

Kabanata 5

Buod ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod ng natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon ng kasalukuyang pag-aaral.

Buod ng Natuklasan

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang karanasan ng mga guro sa Filipino

sa pagpapatupad ng mga school-based intervention program in the New Normal. Sa

ginawang pangongolekta ng datos, paglalahad, pagsusuri, at interpretasyon, natuklasan ang

mga bagay hinggil sa mga katanungang nagsilbing gabay sa pag-aaral.

1. Ano-ano ang mga school-based intervention program in the New Normal?

Natuklasan sa pag-aaral na ang project BISITA at Hatid-Sundo project ay parehong

ginagamit o ipinapatupad na interbensyon sa bawat paaralan lalong-lalo na ngayong walang

pang face to face at modular learning pa ang ipinapatupad sa paaralan.

a. Pagpapatupad ng Proyektong BISITA at Hatid-Sundo project

. Natuklasan sa pagpapatupad ng proyektong BISITA at Hatid-Sundo project

ng mga guro na maganda ang resulta o kinahinatnan ng mga nasabing proyekto.

Lubos na nasiyahan ang lahat; mga guro, school heads at lalong lalo na ang mga

magulang. Lumabas din sa panayam na Malaki ang naging ambag ng mga school

beased intervention program para sa akademmikong kaunlaraan ng mga mag-aaral.

Tumaas din ang kanilang mga markang nakuha at higit sa lahat ay mas naiintindihan

pa nila ang kanilang leksyon sa modyul kaya naman laking pasasalamat ng mga

magulang sa nasabing mga interbensyon.


lxix

2. Ano-ano ang mga hamong karanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng school-based

intervention program?

a. Pagbibigay o pagahahatid sa mga modules

Naranasan ng mga guro sa paghahatid ng mga modyul ang nauulanan at mainitan

Naabotan rin sila ng bagyo sa daan o malakas na ulan kaya hindi maiiwasan na maging

basing sisiw sila. Natuklasan sa pag-aaral ang mga hamong pangsiguridad at

pangkalusugan ng mga guro. Ang ilan rin sa mga guro at mga magulang ang natatakot na

mahawaan ang kanilang mga sarili o anak mula sa nakakamatay na virus, ang Covid-19.

Ang mga guro rin ay natatakot para sa kanilang siguridad o kaligtasan lalong lalo na kapag

sila ay naghahatid ng mga modyul sa mga mag-aaral sa liblib na lugar.

Natuklasan sa pag-aaral ang kakulangan sa pinansyal o pananalapi sa

pagpapatupad ng mga school-based intervention program in the New Normal. Walang ring

sapat na pundo ang mga interbensyon kaya naman sa sariling bulsa kinukuha ng guro ang

kanilang panggastos sa bawat araw na pumupunta sila sa bawat barangay. Ang mga guro

ay nahihirapan rin sa transportasyon dahil sa kawalan ng sapat na pundo para sa mga

proyektong ito.

b. Pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at magulang

Natuklasan na lubos na nasiyahan ang mga guro sa magandang

ugnayan o samahan sa pagitan ng mga magulang at mga guro para sa

ikatatasgumpay ng mga school-based intervention programs. Lumabas rin sa

panayam na lubos na nagagalak ang mga magulang sa pagpunta at pagbisita

ng mga guro sa kanilang tahanan upang kumutashin ang kanilang mga mag-

aaral. Natuklasan rin ang ilan sa mga mag-aaral ay walang oras sa pag-aaral

dulot ng pagtatrabaho sa bukid ngunit dahil sa nasabing proyekto ay

mabigyang pansin ang mga mag-aaral na nagtatrabaho, natuturuan sila sa

mga mahihirap na leksyon.


lxx

c. Pagpapaintindi sa mga mag-aaral sa kanilang leksyon

Natuklasan sa pag-aaral na malaki ang naitulong ng mga school-

based intervention programs para sa akademikong kaunlaran ng mga

mag-aaral. Ang mga guro ay bukas palad na tumutulong sa mga mag-

aaral lalong lalo na sa mga nangangailangan ng agarang atensyon.

3. Ano-anong paraan ang ginawa ng guro upang matugunan ang mga hamon na kinaharap

nila?

a. Pagsasabuhay sa mga intrinsik at ekstrinsik na motibasyon

Natuklasan sap ag-aaral na ang mga guro ay mayroong kanya-

kanyang mga paraan na ginagamit o isinasabuhay namga paraan upang

maibsan ang kanilang pagod at hirap sa pagpapatupad ng mga school-based

intervention program. Lumabas rin sa panayam na higit na nakikilala nila ang

kanilang mga mag-aaral dahil sa tulong ng mga nasabing interbensyon.

b. Para sa bata, para sa bayan (PBB)

Natuklasan sa pag-aaral na pursigido ang mga guro na gabayan ang mga

mag-aaral sa kabila ng mga hamong kanilang kinakaharap lalong lalo sa modular

printing. Nagpapahayag lamang ito na talagang tinututukan ng mga guro ang

kapakanan ng mga mag-aaral at umaasa sila ng magandang kinabukasan para sa

kanila.

4. Batay sa resulta, anong mga implikasyon ang maaaring makuha mula sa pag-aaral?

a. Implikasyong Teyoritikal

Natuklasan sa pag-aaral ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino

sa school-based intervention program in the New Normal.

b. Implikasyong Praktikal

Natuklasan ang mga teknik, estratehiya o mga paaraan sa mga guro upang

mas mapadali at mas mapainam pa ang kanilang tungkulin. Nakapagbigay rin ito ng
lxxi

mas higit pang pasensya at pagmamahal para sa kanilang sinumpaang trabaho at sa

mga mag-aaral.

Konklusyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nakabuo ng mga konklusyon, na ang

mga guro ay buong pamamahal na ginagampan ang kanilang sinumpaang tungkulin

at ito ay ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon, pagtulong at

pagmamahal para sa kanilang mga mag-aaral. Lubos na mabisa ang mga school-

based intervention program na ipinatupad sa paaralan. Nagbigay rin ito ng positibong

resulta tulad ng lahat ng mga magulang ay nasayahan dahil sa mga interbensyong

ito. Lumabas rin na hindi lamang ang mga mag-aaral ang natutulungan ng mga

nasabing interbensyon kung hind maging ang mga magulang ng mga nasabing mag-

aaral. Dahil sa nasabing mga interbensyon, mas marami ang naiinganyong mag-

aaral ng mabuti at naiwasan na rin ang mga kabataang tumigil o huminto sa pag-

aaral.

Sa kabila ng mga hamon na naranasan ng mga guro sa pagpapatupad ng

mga interbensyon ay hindi pa rin sila nawalan ng determinasyon at pag-asa na

ipagpatuloy ang nasimulan. Hindi rin nawala ang kanilang magandang mithiin para

sa kanilang mga mag-aaral na kung saan ay ang marami pang mga mag-aaral ang

knailang matulungan at maihatid sa kanilang magandang kinabukasan.

Rekomendasyon

Batay sa resulta ng pag-aaral, inirerekomenda ng mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Kailangang panatag ang loob ng guro na gampanan ang kanyang tungkulin dahil ang

guro ang siyang tagapaghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon, Kailangang malayo sa


lxxii

pangambang pansiguridad at pangkalusugan ang mga guro. Kaya naman, kailangang

bigyan ang mga pangkat ng guro ng partners tulad ng mga civilian volunteer organization

(CVO) o hindi kaya’y mga kawani sa barangay upang maipatupad nila ng mas epektibo ang

mga nasabing inetrbensyon. Mas mainam rin na bigyan ng hazard pay ang mga mga gurong

nagpapatupad nito para na rin kunting pampawi sa kanilang mga pagod.

2. Isa sa mga suliranin ng guro sa pagpapatupad ng mga interebensyon ang problemang

pinasyal at transportasyon, maninam na bigyan rin ang guro ng buwanan o lingguhang

allowance para mayroon silang pamasahe o pan-gas man lamang sa kanilang mga

motorsiklo. Mainam rin kung mayroong sasakyan ang paaralan na magagamit sa

pagpapatupad ng mga nasabing interbensyon.

3. Mas paigtingin pa ng mga guro ang pagpapatupad ng mga school-based intervention

program lalo na sa pagbibigay, pagkolekta at pagtasa sa mga modyul. Higit na mainam kung

ang mga nasabing guro ay may mataas na determinasyon upang ipagpatuloy ang

nasimulan.

4. Kailangang pakinggan ng admisnistrasyon ang mga hinaing ng mga guro sa

pagpapatupad ng mga school-based intervention program upang kaagad na mabigyan ito

ng nararapat na solusyon at sa ganitong paraan ay mas epektibong maipatupad pa ng mga

guro ang mga nasabing interbensyon.

5. Ang pag-aaral na ito ay maaaring ibahagi sa iba pang mga school administrators upang

malaman nila ang kahalagahan ng bawat gurong nagpapatupad ng mga school-based

intervention program lalo na ngayong pandemya. Maaari ring gamitin ang nasabing pag-

aaral sa iba pang pagdalumat at ng Kagawaran ng Edukasyon upang maging batayan ito sa

pagpapaunlad ng sistema at kalidad ng edukasyon lalong lalo na sa modular-distance

learning.
Sanggunian

Acala, M.(2021). Modular distance learning modality: Chalengges of teachers in teaching

amid the Covid-19 pandemic: International Journal of Research Studies in Education

10(8) DOI: 10.5861/ijrse.2021.602

Alexandria, C. (2016). US patent issued to monk akarshala, monk akarshala design on jan. 5

for “Modular learning applications in a modular learning system” (Indian Inventor),

US Fed News Service, including US State News; [Washington, D. C.,] 13, retrieved

from https://www.proquest.com/docview/1756057397/9200E5ED23304766PQ/1?

accountid=199337

Al Bawaba (2021), Philippines:pascua bares technology-based plans for deped in preparation

for education’s new normal. Mena Report, London. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/253142571/DCABF1108E14EBEPQ/2?

accountid=199337

Arnold, T. (2009). The effects of early reading interventions on student reading levels and

achievement.Linderwood University. Proquest Dissertations Publishing, 2009,.


3380429. Retrieved from
https://www.proquest.com/docview/305083544/543F564917B84DAEPQ/3?
accountid=199337

Brandt & Scott, D. (2020). Constructivism: teaching for understanding of the

internet.Association for Computing Machinery Communications of the ACM;New

York Vol. 40, Iss. 10. 112-117. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/237066803/214F42EB29D44E73PQ/1?

accounted=199337

Chandler, C.L., Connell J. P. (1987), Children’s intrinsic , extrinsic and internalized motivation:

A developmental study of children’s reasons for liked and disliked behaviours, British

Journal of Developmental Psychology, 5, 357/365.


De Corte, E. (2016). Improving higher education students’ learning proficiency by fostering

their self-regulation skills, European Review; Cambridge. Vol. 24, Iss. 2, (May

2016): 264-276. Retrieved..from

https://www.proquest.com/docview/1781498584/543f564917b84daepq/2?

accountid=199337

Dangle, Y.R., Sumaoang, J.D. (2020). The implementation of modular distance learning in the

philippine secondary public schools, pg. 100. Retrieved from www.icate.org

Drummond, Weir, A.E. et. al. (2002). Home visitation programs for at risk young families: a

systematic literature review. Canadian Journal of Public Health Ottawa Vol. 93, Iss.

2: 153-8.Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/231994645/307DEFAB6B624463PQ/4?

accountid=199337

FlipScience. (2020). ‘Tagapagdalloy’: hoe filipino parents can help ensure successful modular

distance learning. Flip.Science-Top Philippine Science News and Features for the

Inquisitive Filipino. Retrieved from

https://www.flipscience.ph/news/features-news/tagapagdaloy-modular-distance-

learning/

Gedorio. (2021). Hamon at Coping ng mga out-of field na guro sa modyular na

pagtuturo:Case Study, St.Columban College, Pagadian City

Gilroy, P., Long, P. et. al. (2001). Evaluation and the invisible student: theories, practice and

problems in evaluating distance education provision. Quality Assurance in

Education;Bradford. Vol. 9, Iss. 1, (2001):m14-22. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/213732681/E826F33447394D30PQR/4?

accountid=199337
Glasersfeld, E.(2001). Radical constructivism and teaching. Prospects; Paris. Vol. 31, Iss.2:

161-173. Pg. 162. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/20541411833/86414C3BCEE64268PQ/3?

accountid=199337

Gomby, D. (1999). Understanding evaluations of home visitation programs. The future of

Children; Priceton. Vol. 9, Iss. 1 (Spring./ Summer 1999(: 27. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/222327445/307DEFAB6B624463PQ/2?

accountid=199337

Hattie, J., Biggs, J. et. al. (1996). Effects of learning skills interventions on student learning: a

meta-analysis.Review of Education Research; Washington. Vol. 66, Iss. 2, (Summer

1996): 99. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/214116518/543f564917b84daepq/1?

accountid=199337

Hirtle & Pierre (1996). Social constructivism. English Journal, High school edition; Urbana.

Vol. 85, Iss. 1, (Jan 1996):91. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/237276544/6A3A4CFD004E1BPQ/5?

accountid=199337

Hughes, J. & Kwok, O. (2007). Influence of student-teacher and parent-teacher relationships

on lower achieving readers’ engagement in the primary grades. Journal of Educational

Psychology, 99(1), 39-51. Retrieved from https://doi.org/10.10370022-0663.99.1.39

Inga, L., Rolfsman, E., (2020). Low medium and high performing schools in the Nordic

countries. Student performance at PISA Mathematics 2003-2012

https://www.proquest.com/docview/2437763015/B404E1C323284BD4PQ/12?

accountid=199337
Jones, M. (1999). Managing student learning in a modular learcning lab. What’s New;

Philadelphia Vol. 33, Iss. 1, (Sep/ Oct 1999): 34. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/2217745013/9200E5ED23304766PQ/5?

accountid199337

Kakuch, S. (2021). Student droptout rate on the rise due to pandemic impact retrieved from

https://www.universityworldnews.com/post-mobile.php?story=2021031006383627

Kreuger, E., Braun, B. (1999). Books and buddies: peers tutoring peers. The reading

Teacher ; Newark Vol. 52, Iss. 4, (Dec 1998/ Jan 1999): 410-414. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/203169595/CF6387EA0F8548C5PQ/2?

accountid=199337

Loayza, N.V. & Pennings, S. (2020). Macroeconomic Policy in the Time of COVID-19: A

Primer for Developing Countries. Washington D., World Bank. Retrieved from

https://thedocs.worldbank.org/en/doc/734541589314089887009022020/original/

CovidanceEdFinancfinal.pdf

Melorin. M.M. (2019). Module Distribution and Retievel: a Challenge. Retrieved from

https://www.depedsanjuancity.ph/single-post/nodule-distribution-and-retrieval-a-

challenge

O.A Denisova, T.V. Gudina, O.L. Lekhanova, LA. Et. al, The role of regional higher education

institutions in creating conditions for people with disabilities in inclusive education

environment of the Russian Federation Indian Journal of Science and Technology, 9

(37), 102171 (2016)

Palmsquist, B. (2000).Comunication problems in a distance-education setting, pg.337

https://www.proquest.com/docview/200328660/E826F33447394D30PQ/2?

accountid=199337
Panchabakesan, S. (2011), Problems and prospectives in distance education in india in the

21st century. Problem of Education in the 21st Century; Siauliai Vol. 30, (2011): 113-

122. Pg, 114. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/2343811254/E826F33447394D30PQ/6?

accountid=199337

Piaget, J. (1977). The development of thought: Equilibration of cognitive structures. (A.

Rosin, Trans). New York: The Viking Press.

Pope, U. & Patterson, P. (2018). Lack of Study Time is the Problem, but What is the Solution?

Pg.2.Retrieved.from.https://www.aeaweb.org/conference/2019/preliminary/paper/

4aNaEzZ3

Puchreva, I. & Rusinova, M. (2020). Problems and possibilities of distance education use

among students, who study according to “physical culture” profile. BIO Web of

Conferenes;Les Ulis. Vol.26 (2020). Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/2487182638/E826F3347394D30PQ/10?

accountid=199337

Quinones, M.T. (2020, July 3). DepEd clarifies blended, distance learning modalities for SY

2020-2021. Philippine Information Agency. Retrieved from

https://pia.gov.ph/news/article/1046619

Ryan R. M., Deci e.L. (2000), Self-Determination Theory and the Facilitation of Intrinsic

Motivation, Social Development and Well-Being, American Psychologist, 55 (1),

66/78

Santoso, A. M. , Amin, M. et. al.,(2007). “Learning motivation of Students during the

implementation of Lecturing based in Silico Approach,”Int. J. Res. Rev., vol 4, no. 9,

pp. 6-9 E-ISSN: 2349-9788; P-ISSN: 24542237.


Sawchuk, S. (2011, December 13). More districts sending teachers into students’ home.

Education Week. Retrieved from

http://www.edweek.org/ew/articles/2011/12/14/14visitep.h31.html

Tohidi, S.,Hossein, et. al. (2019). The effect of self-learning module on nursing students ’

clinical competency: A pilot study. Iranian Journal of Nursing and Midwifery

Research; Isfahan Vol. 24, Iss. 2 (Mar-Apr 2019). Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/200328660/E826F33447394D30PQ/2?

accountid=199337

Tria, J.Z. (2020, June 3). The COVID-19 pandemic through the lens of education in the

Philippines: The New Normal Research Gate. Retrieved from

htpps://www.researchgate.net/publication/341981898TheCOVID19_Pandemic_throu

gh_the_lens_of_Education_in_the_Philippines_The_New_Normal

Vitali, F., Bortoli L., et. al. (2015), Motivational climate, resilieance and burnout in youth

sport, Sport Sciences for Health, Volume 11, 1, 103/108

Vollkmar, R.(2013). Enclyclopedia of Autism Spectrum Disorders. Retrieved from

https://doi.org/10.2007/978-1-4419-1698-3_1457

Wal, L.V.D (2020). Parent-Teacher Reslationships and the Effect on Student Success, pg. 4.

Retrieved.from.https://nwcommons.nwciowa.edu/cgi/viewcontent.cgi?

article=1247&context=education_masters

Walker, N.(2008). Twelve Characteristics of an effective Teacher: A longitudinal, qualitative,

Quasi-Research Study of In-Service and Pre-Service Teachers’ Opinions:

Educational.Horizons.87(1).Retrieved.from.https://www.researchgate.net/

publicaytio/

224696833_Twelve_Characteristics_of_an_Effective_Teacher_A_Longitudinal_Quali

tative_Quasi_Research_Study_of_In_Service_and_Pre-service_Teacher’s_Opinions.
Wright, Samantha, et. al. (2018). The effects of teacher home visits on student behvior,

student academic achievement and parent invovement, School community Journal.

Vol. 28, Iss. 1,pg.67-90. Retrieved from

https://www.proquest.com/docview/2091281689/1476bB60ED88439DPQ/1?

accountid=199337

Internet

https://n.m.wikipedia.org-Holmberg-social-constructivism-theory

https://www.understood.org/articles/en/instructional-intervention-what-you-need-to-know
Mga Apendiks

Apendiks A
SAINT COLUMBAN COLLEGE
Pagadian City
GRADUATE SCHOOL

PAHINTULOT PARA SA PAKIKILAHOK SA INTERBYU NG PANANALIKSIK

Ako ay bulontaryong nakikilahok sa pananaliksik na gagawin ni Gng. LYCA MIA AROZA


mula sa St. Columban College, Pagadian City. Nauunawaan ko na ang pag-aaral na ito ay
dinisenyo upang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa Proyektong Bisita bilang
Interbensyon ng mga Guro: Isang Ebalwasyon. At isa ako sa mga partisipante na kukunan
ng panayam para sa pag-aaral na ito.

1. Ang pakikilahok sa pag-aaral na ito ay bulontaryo. Nauunawaan ko na walang


bayarang magaganap sa pakikisangkot ko bilang isa sa mga partisipante. Maaari
akong umayaw o tumigil sa pakikilahok sa pag-aaral na ito anumang oras. Walang
makakaalam sa aming paaralan kung umayaw o tumigil man ako sa pakikilahok sa
nasabing pananaliksik.
2. Nauunawaan ko na ilan sa mga panayam o interbyu ay nakakaingganyo o
nakakabalisa. Ako ay may karapatang hindi sumagot sa mga katanungan kung hindi
ako komportable sa pakikipagpanayam sa akin.
3. Tatagal lamang ang pakikipagpanayam sa loob ng dalampu hanggang tatlumpong
minuto lamang. Ang mga datos ay itatala sa panahon ng interbyu. Irerekord ang
aking boses sa isang “audio tape” kung ito ay aking pahihintulutan.
4. Nauunawaan ko na itatago ng mananaliksik ang aking pagkakakilanlan sa anumang
kaparaanan gamit ang mga nakuhang datos mula sa pakikipagpanayam sa akin
upang masiguro ang konpedensyal na pakikilahok ko sa nasabing pag-aaral.
Gagamitin ito nang wasto at susundin ang mga palisiya na kung saan ay
pumuprotekta sa pagkakakilanlan ng bawat indibiduwal bilang partisipante.
5. Nauunawaan ko na ang pananaliksik na ito ay na-rebyu at aprobado ng Graduate
School ng Saint Columban College.
6. Nabasa at naunawaan ko ang mga paliwanag na ibinigay sa akin. Nasagot din nang
lubusan ang lahat ng katanungan kaya naman boluntaryo akong sumang-ayon na
makilahok sa pananaliksik na ito.
7. Ako ay nakatanggap ng sipi ng pahintulot na porma.

__________________________________
_____________________________
Lagda ng partisipante sa itaas ng pangalan Petsa

Pangalan: Lyca Mia Aroza


_____________________________
Numerong maaaring tawagan: Lagda ng Mananaliksik
Sulatroniko:
Apendiks B

SAINT COLUMBAN COLLEGE


Pagadian City
GRADUATE SCHOOL

IPINABATID NA PAHINTULOT

Pamagat ng pag-aaral:

KARANASAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-BASED INTERVENTION

PROGRAM IN THE NEW NORMAL

Pangunahing Mananaliksik
LYCA MIA AROZA

Ako ay sumasang-ayon sa pakikilahok sa pag-aaral na ito. Nauunawaan ko na ang pokus ng

pag-aaral na ito ay upang masuri at masiyasat ang Proyektong Bisita bilang Interbensyon ng

mga Guro.

1. Pagiging Konpedensyal. Nauunawaan ko na ang mga impormasyong inilahad ng

pag-aaral na ito ay maaaring gamitin sa pananaliksik na layunin kasali na ang

paglimbag sa jornal ng pananaliksik. Itatago rito ang aking pagkakakilanlan maging

ang mga personal na impormasyon tungkol sa akin.

2. Boluntaryong pakikilahok. Ang nasabing pag-aaral at ang layunin nito ay

naipaliwanag na sa akin. Nauunawaan ko na ang pakikilahok ko sa pag-aaral na ito

ay boluntaryo at ang pagtangging makilahok sa nasabing pag-aaral ay walang

kasangkot na bayad. Maaari kong itigil ang aking pakikilahok sa nasabing

pananaliksik sa anumang oras. Ito ay aking naiintindihan.

3. Paghinto o pagtatapos sa aking partisipasyon o pakikilahok. Ang aking

partisipasyon o pakikilahok sa pag-aaral na ito ay maaaring tanggalin kahit wala ang

aking pahintulot kung mapapatunayan ng mananaliksik na maaaring magdulot o

makapagbigay sa akin ng kasamaan sa alin mang bahagi ng nasabing pananaliksik.


Maaari ring matanggal ang aking pakikilahok sa pag-aaral na ito kung hindi ako

susunod o tatalima sa mga protocol ng pag-aaral.

4. Ang taong maaaring kontakin kung may katanungan. Naiintindihan ko na ang

pangunahing mananakiksik ay si Gng. Lyca Mia Aroza (Numero ng telepono:

09187178091). Batid ko rin na ang taong maaaring tawagan o kontakin na nailahad

sa impormasyon at ang liham na ito ay aking itatago upang magamit balang araw

bilang sanggunian.

5. Pahintulot sa partisipasyon o pakikilahok. Ang lahat nang inilahad sa itaas ay

aking nabasa at satispaktoryo ring nasagot ang mga katanungan. Sa makatuwid,

bukal sa loob kong ibibigay ang aking pahintulot upang makilahok sa pag-aaral na

ito. (Bibigyan ako ng kaukulang sipi nitong nilagdaang ipinabatid na pahintulot.

_________________________ ________________
Lagda ng Partisipante Petsa
Apendiks C Gabay sa mga tanong sa pakikipagpanayam

GABAY NA MGA TANONG SA PAKIKIPAGPANAYAM


(Guro)
Pahayag ng paunang salita:

Sa mga partisipante sa pag-aaral,

Panagdait sa Diyos, ug sa tanang kabuhatan and a pleasant morning/afternoon to


you maam/sir!

Ako po si Lyca Mia Aroza, isang guro sa Mataas na Paaralan ng Sisay National High
School. Isa rin po akong mag-aaral sa Paaralang Panggradwado ng Kolehiyo ng
Edukasyong Pangguro ng Saint Columban College at kasalukuyang ginagawa ang aking
tesis na may pamagat na “KARANASAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-
BASED INTERVENTION PROGRAM IN THE NEW NORMAL”.

Kaugnay nito, nais ko pong humingi ng iyong pahintulot upang maging kalahok ng
aking pananaliksik. Titiyakin ko pong maitago ang inyong pagkakilanlan at masisiguro rin
ang inyong kaayusan at kaligtasan. Asahan niyo rin pong kayo po ay inaatasang sumagot sa
mga tanong na inihanda ng mananaliksik sa abot ng iyong kakayahan. Kaugnay nito,
maaari po kayong magsalita gamit ang iyong wikang nakasanayan; ito ay malugod naming
nirerespeto at tinatanggap. Sisiguraduhin ng mananaliksik na ang iyong pakikilahok sa pag-
aaral na ito ay magsisilbing konpedensyal at pribado. Ang lahat ng mga datos na nakalap
mula sa inyo ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Dahil dito, boluntaryo lamang, kayo
ay may karapatang hindi makibahagi sa aking pag-aaral kung sa inyong palagay ay hindi ito
makakatulong sa inyong kapakanan. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako sa inyong
positibong pagtugon sa liham na ito.

Ang pakikipagpanayam na ito ay tatagal lamang ng 30- 40 minuto, dependi


sa impormasyon o datos na iyong maibibigay. Upang maitala ang lahat ng iyong sagot,
hihingi ako ng pahintulot upang e-rekord ang iyong panayam.
Mayroon bang katanungan tungkol sa mga ipinaliwanag ko? Maaari ko na bang e-on
ang aking rekorder? Bago natin simulan, ipakilala mo muna ang iyong sarili.
Maraming Salamat at nawa’y pagpalain kayo ng poong Maykapal!

LYCA MIA AROZA

Mananaliksik
A. Engaging Question
1. Ilang taon na kayong nagtuturo?

2. Mahalaga ba ang mga interbensyon lalo na sa modular na pagkatuto? Bakit?

3. Ano-ano ang adbentahe at disadbentahe sa pagkakaroon ng modular na


pagkatuto sa New Normal?

4. Bilang isang guro, paano mo nabibigyang-solusyon ang mga nabanggit na


disabentahe sa modular na pagkatuto?

B. Exploratory Questions
1. Central Question: Ano ano ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa
pagpapatupad ng mga school-based intervention program bilang tugon sa
New Normal?

Sub Questions Descriptive Questions Probing Questions


1. Ano-ano ang Mayroon ba kayong mga Nakatulong ba ang mga
interbensyong ito sa
school-based school-based
performans o
intervention program interventions sa inyung akademikong pagganap
ng mga mag-aaral ?
na ipinapatupad sa departamentong para
Paano?
inyong paaralan? matugunan ang mga
pangangailangan ng mga
mag-aaral sa pagkatuto? Saan sa mga
interbensyong ito ang
Ano-anu ang mga ito? pinaka epektibo at
lubhang ginagamit?
Maarai mo bang ilarawan
ito?

2. Ano-ano ang Paano nagkakaiba ang Saan sa mga


karanasan ng mga mga interbensyong karanasang ito ang lubos
guro sa Filipino ipinapatupad? na positibo at negatibong
pagpapatupad ng mga nakaapekto sayo?
school-based Maari mo bang isalaysay
intervention program? ang hamon at ang coping
strategies o paraan na
ginamit upang
malagpasan ang mga ito?
Paano ito nakaapekto sa
iyong paghabay sa mga
mag-aaral sa iyong
asignaturang tinuturuan?

Alin sa mga coping


strategies and lubhang
nakatulong sa iyo at
paano?

C. Exit Question
1. Mayroon ba kayong nais ibahaging karanasan ng mga guro sa Filipino sa
pagpapatupad ng mga school-based intervention program na nakalimutan mong
banggitin kanina?
Apendiks D – Gabay na mga tanong sa pakikipagpanayam

GABAY NA MGA TANONG SA PAKIKIPAGPANAYAM


(School Administrators)

Pahayag ng paunang salita:

Sa mga partisipante sa pag-aaral,

Panagdait sa Diyos, ug sa tanang kabuhatan and a pleasant morning/afternoon to


you maam/sir!

Ako po si Lyca Mia Aroza, isang guro sa Mataas na Paaralan ng Sisay National High
School. Isa rin po akong mag-aaral sa Paaralang Panggradwado ng Kolehiyo ng
Edukasyong Pangguro ng Saint Columban College at kasalukuyang ginagawa ang aking
tesis na may pamagat na “KARANASAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-
BASED INTERVENTION PROGRAM IN THE NEW NORMAL”.

Kaugnay nito, nais ko pong humingi ng iyong pahintulot upang maging kalahok ng
aking pananaliksik. Titiyakin ko pong maitago ang inyong pagkakilanlan at masisiguro rin
ang inyong kaayusan at kaligtasan. Asahan niyo rin pong kayo po ay inaatasang sumagot sa
mga tanong na inihanda ng mananaliksik sa abot ng iyong kakayahan. Kaugnay nito,
maaari po kayong magsalita gamit ang iyong wikang nakasanayan; ito ay malugod naming
nirerespeto at tinatanggap. Sisiguraduhin ng mananaliksik na ang iyong pakikilahok sa pag-
aaral na ito ay magsisilbing konpedensyal at pribado. Ang lahat ng mga datos na nakalap
mula sa inyo ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Dahil dito, boluntaryo lamang, kayo
ay may karapatang hindi makibahagi sa aking pag-aaral kung sa inyong palagay ay hindi ito
makakatulong sa inyong kapakanan. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako sa inyong
positibong pagtugon sa liham na ito.

Ang pakikipagpanayam na ito ay tatagal lamang ng 30- 40 minuto, dependi


sa impormasyon o datos na iyong maibibigay. Upang maitala ang lahat ng iyong sagot,
hihingi ako ng pahintulot upang e-rekord ang iyong panayam.
Mayroon bang katanungan tungkol sa mga ipinaliwanag ko? Maaari ko na bang e-on
ang aking rekorder? Bago natin simulan, ipakilala mo muna ang iyong sarili.
Maraming Salamat at nawa’y pagpalain kayo ng poong Maykapal!
LYCA MIA AROZA

Mananaliksik

A. Engaging Question
1. Ilang taon na kayong naninilbihan bilang punong guro o school head, Head
Teacher o Master Teacher?
2. Ano ang iyong mga saloobin sa pagpapatakbo ng iyong paaralan sa
kasalukuyang modality?
B. Exploratory Questions
1. Central Question: Ano ano ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa
pagpapatupad ng project bisita at hatid-sundo program bilang tugon sa New
Normal?

Sub Questions Descriptive Questions Probing Questions


1. Ano-ano ang Mayroon ba kayong mga Nakatulong ba ang mga
interbensyong ito sa
school-based school-based interventions
performans o akademikong
intervention sa inyung departamento pagganap ng mga mag-
aaral? Paano?
program na para matugunan ang mga
ipinapatupad sa pangangailangan ng mga
inyong paaralan? mag-aaral sa pagkatuto?
Ano-anu ang mga ito?

Paano ito isinasagawa ano


ang mga layunin nito at
Ilang taon na itong Saan sa mga
interbensyong ito ang
ipinapatupad?
pinaka epektibo at lubhang
ginagamit? Maarai mo
bang ilarawan ito?

2. Ano-ano ang karanasan Base sa nabanggit na mga Saan sa mga karanasang


ng mga punong guro o school-based ito ang lubos na positibo at
school head pagpapatupad interventions, maari mo negatibong nakaapekto sa
ng mga school-based bang ilahad ang iyong mga mag guro?
intervention program? karanasan sa
pagpapatupad nito?

Paano ito nakaapekto sa


Sa pagpapatupad nito sa mga guro sa paggabay sa
mga mag-aaral nagkaroon mga mag-aaral sa kanilang
ba ng hamon ang mga asignaturang tinuturuan?
guro? Maari mo bang
isalaysay isa-isa? Alin sa mga coping
strategies and lubhang
nakatulong sa mga guro at
paano?

1. Exit Question
1. Mayroon ka pa bang ibang nais ibahagi na karanasan ng mga guro sa
Filipino sa pagpapatupad ng project bisita at hatid-sundo project?
Apendiks E– Gabay na mga tanong sa pakikipagpanayam

GABAY NA MGA TANONG SA PAKIKIPAGPANAYAM


(Para sa mga Magulang)
Pahayag ng paunang salita:
Sa mga partisipante sa pag-aaral,

Panagdait sa Diyos, ug sa tanang kabuhatan and a pleasant morning/afternoon to


you maam/sir!

Ako po si Lyca Mia Aroza, isang guro sa Mataas na Paaralan ng Sisay National High
School. Isa rin po akong mag-aaral sa Paaralang Panggradwado ng Kolehiyo ng
Edukasyong Pangguro ng Saint Columban College at kasalukuyang ginagawa ang aking
tesis na may pamagat na “KARANASAN NG MGA GURO SA FILIPINO SA SCHOOL-
BASED INTERVENTION PROGRAM IN THE NEW NORMAL”.

Kaugnay nito, nais ko pong humingi ng iyong pahintulot upang maging kalahok ng
aking pananaliksik. Titiyakin ko pong maitago ang inyong pagkakilanlan at masisiguro rin
ang inyong kaayusan at kaligtasan. Asahan niyo rin pong kayo po ay inaatasang sumagot sa
mga tanong na inihanda ng mananaliksik sa abot ng iyong kakayahan. Kaugnay nito,
maaari po kayong magsalita gamit ang iyong wikang nakasanayan; ito ay malugod naming
nirerespeto at tinatanggap. Sisiguraduhin ng mananaliksik na ang iyong pakikilahok sa pag-
aaral na ito ay magsisilbing konpedensyal at pribado. Ang lahat ng mga datos na nakalap
mula sa inyo ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Dahil dito, boluntaryo lamang, kayo
ay may karapatang hindi makibahagi sa aking pag-aaral kung sa inyong palagay ay hindi ito
makakatulong sa inyong kapakanan. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako sa inyong
positibong pagtugon sa liham na ito.

Ang pakikipagpanayam na ito ay tatagal lamang ng 30- 40 minuto, dependi


sa impormasyon o datos na iyong maibibigay. Upang maitala ang lahat ng iyong sagot,
hihingi ako ng pahintulot upang e-rekord ang iyong panayam.
Mayroon bang katanungan tungkol sa mga ipinaliwanag ko? Maaari ko na bang e-on
ang aking rekorder? Bago natin simulan, ipakilala mo muna ang iyong sarili.
Maraming Salamat at nawa’y pagpalain kayo ng poong Maykapal!
LYCA MIA AROZA

Mananaliksik

A. Engaging Question
1. Ilang mga mag-aaral ang iyong pinapaaral?

2. Nasa anong mga baytang ang iyong mga estudyante?

3. Mahalaga bang magkaroon ng mga interbensyon ang mga guro sa Filipino?


Bakit?

Exploratory Questions
1. Central Question: Ano ano ang mga karanasan ng mga guro sa Filipino sa
pagpapatupad ng project bisita at hatid-sundo program bilang tugon sa New
Normal?

Sub Questions Descriptive Questions Probing Questions


1. Ano-ano ang Mayroon bang mga Nakatulong ba ang mga
interbensyong ito sa
school-based school-based interventions
performans o akademikong
intervention sa paralang pinaspasukan pagganap ng mga mag-
aaral? Paano?
program na ng iyong mga estudyante
ipinapatupad sa para matugunan ang mga
inyong paaralan? pangangailangan ng mga
mag-aaral sa pagkatuto? Saan sa mga
Ano-anu ang mga ito? interbensyong ito ang
pinaka epektibo at lubhang
ginagamit? Maarai mo
bang ilarawan ito?
Paano ito isinasagawa ano
ang mga layunin nito at
Alin naman sa
Ilang taon na itong
interbensyon ang hindi
ipinapatupad?
gaanong ginagmit at bakit?
2. Ano-ano ang Basi sa nabanggit na mga Saan sa mga karanasang
karanasan mo school-based ito ang lubos na positibo at
bilang interventions, maari mo negatibong nakaapekto sa
magulang sa bang ilahad ang iyong mga mag guro?
pagpapatupad karanasan sa
ng mga school- pagpapatupad nito?
based Paano ito nakaapekto sa
intervention Sa pagpapatupad nito sa mga guro sa paggabay sa
program? mga mag-aaral nagkaroon mga mag-aaral sa kanilang
ba ng hamon ang mga asignaturang tinuturuan?
guro? Maari mo bang Nakatulong ba ang mga
isalaysay isa-isa? coping strategies na ito sa
pagabay ng mga guro sa
mga bata?

Alin sa mga coping


strategies and lubhang
nakatulong sa mga guro at
paano?
Sa mga hamon na
nabanggit, gumamit ba
ang mga guro ng mga
coping strategies upang
malagpasan ang mga ito?

Maari mo bang isalaysay


ang hamon at ang coping
strategies or ways na
ginamit ng mga guro
upang malagpasan ang
mga ito?

3.Exit Question
1. Mayroon ka pa bang ibang nais ibahagi na karanasan ng mga guro sa
Filipino sa pagpapatupad ng mga project bisita at hatid-sundo project
bilang tugon sa New Normal?

You might also like