Tayutay Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga,makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. 1. Pagtutulad o Simili – paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari at iba pa. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang,kawangis ng, animo, kagaya ng at iba pa.
Hal. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligan. 2. Pagwawangis o Metapora – isang tuwing paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng at iba pa. Hal. Ang Ina ni Liza ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay. Si Cory ay isang ibong humahanap ng Kalayaan.
3. Personipikasyon – nagsasalin ng talion, gawi at katangian ng tao sa bagay na
walang talion. Pandiwa ang ginagamit dito. Hal. Lumukuha ang liham na natanggap ni Carmi. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap. 4. Eksaherasyon – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay at pangyayari. Hal. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati. Nabutas ang bambam ng tainga ni Gerry dahil sa ingay.
5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila
kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam. Hal.Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ntagyawat. 6. Pagtanggi – ito ay karaniwang gumagamit ng pananggiang hindi upang magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon. Hal. Si Randy ay hindi galit sa iyo. Hindi ko sinabing mahal kita.
7. Pagtawag o Apostrope – isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao. Hal. Kamatayan nasaan kana?Wakasan mo na ang aking kapighatian.